1. Sa unang pangkat ipatalakay ang naunawaang konsepto ng babasahin sa pahina 10-18 gamit ang graphic organizer2. Para sa ikalawang pangkat ipatalakay ang naunawaang konsepto sa sanaysay sa pahina18-23. Maaaring gamitin ang graphic organizer sa ibaba. 11
12
3. Para sa ikatlong pangkat, ipatalakay ang naunawaang konsepto sa sanaysay sa pahina 24 gamit ang graphic organizerPaalala: Ang pagpapangkat ay maaaring dagdagan ng guro depende sa bilangng mga mag-aaral, maaari ding hatiin ang paksang ipatatalakay sa kanila. Anggraphic organizers na gagamitin ay mungkahi lamang maaaring lumikha sila ngnais nilang gamitin na graphic organizer. 4. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito. 5. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag ng wasto at sapat. 6. Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. 13
Tayain natin ang iyong pag-unawa:Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyongnaunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang pagpapahalaga? __________________________________________________ __________________________________________________ 1a. Bakit kailangang taglayin ito ng tao? __________________________________________________ __________________________________________________ 2. Ano ang birtud? __________________________________________________ __________________________________________________ 2a. Paano ito nalilinang sa tao? __________________________________________________ __________________________________________________ 3. Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud? Ipakita mo ito sa pamamagitan ng ilustrasyon. Kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud: 4. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer. B I R T U D 5. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto: Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues). 14
2. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOPaalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin subalitkailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na magagampanan nila sabahaging ito. Pagganap6. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Value at Virtue Tsek” sa kanilang kuwaderno. Ipaliwanag sa kanila ang panuto kung paano ito gagawin. Pagninilay7. Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa sarili sa resulta ng ginawang Value at Virtue Tsek .8. Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa Annex 2. Pagsasabuhay9. Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay. Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan. 15
Plano ng PagtuturoAralin 10: Hirarkiya ng PagpapahalagaMga Pamantayan Para sa Aralin 10Pangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang Nailalapat sa pang-araw-araw napag-unawa sa mga konsepto tungkol sa buhay ang mga tiyak na hakbang upanghirarkiya ng pagpapahalaga mapataas ang antas ng mga pagpapahalaga tungo sa makatotohanang pag-unald ng pagkatao.Batayang Konsepto:Ang pinili nating uri ng pagpapahalaga mula sa hirarkiya ng mgapagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.I. MGA LAYUNINA. Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)1.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag- aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: Ang Hirarkiya ng Pagpapahalagaa. Limang Katangian ng Mataas na Uri ng Pagpapahalagab. Mga Antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalagac. Kahalagahan ng Pagpili ng Mataas na Antas ng Pagpapahalaga 1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagsasailalim sa proseso ng pagpili ang mga mag-aaral sa pagitan ng mga bagay na nararapat bigyan ng mas mataas na pagpapahalaga b. Pagraranggo ng mga bagay na itinuturing niyang mahalaga batay sa halaga ng mga ito c. Pagsususuri ng sariling pinahahalagahan d. Pagsasagawa ng sariling hagdan ng pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler e. Pagsasabuhay ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng pagpapahalaga tungo sa makatotohanang pag-unlad ng pagkataoB. Mga Layuning PampagkatutoIpabasa sa mga mag-aaral angpahina 1. Isa-isahin ang mgalayuning pampagkatuto para saAralin 10 na nasa loob ng kahon.Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuningbinasa? 16
II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2 - 4. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng perpektong iskor at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas angkamay ng may isang mali. Gayun din ang gawin para sa 2 hanggang 4 na mali. Atlahat mali. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang naging sagot.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO Pag-uugnay sa Nakaraang AralinSabihin: Sa nakaraang aralin naging malinaw sa iyo ang kaugnayan ngpagpapahalaga at birtud gayundin ang paraan kung paano nalilinang ang birtud saproseso ng pagkamit ng pagpapahalaga. Malinaw din sa iyo ang kahalagahan ngpagpili ng gawi na malilinang sa sarili dahil ito ang magiging susi upang malinangang birtud ng tao. 17
Sa Aralin na ito, ipauunawa sa mga mag-aaral ang konsepto tungkol sa hirarkiyang pagpapahalaga. Lilinawin dito kung paano makikilala ang pagpapahalaga na maymataas na antas. Gayundin ang kalagahan na piliin ang mga pagpapahalagang ito. D. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Paalala: Bago ang pagpapagawa ng gawain sa bahaging ito, ihanda ang mga larawan at masking tape. Ipaliwanag ang panuto upang maunawaan ng mga mag- aaral ang paraan ng pagsasagawa ng gawain sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman. Idikit ang mga larawang nakuha katulad sa mga ito sa pisara bago ang pagsisimula ng klase. Ayusin ang mga ito sa ganitong paraan. 18
Bigyan sila ng 5-7 minuto para magawa ito. Tumawag ng isang mag-aaral na magtungo sa pisara upang ayusin ang mga larawan batay sa pagpapahalaga niya sa mga ito. Simulan sa hindi gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga. Maaaring tumawag ng isa o dalawa pang mag-aaral upang gawin ang parehong gawain. Ipahambing ang resulta ng kanilang pag-aayos ng larawan. Tanungin ang ilang mag-aaral na nakatapos sa pag-aayos ng mga larawan: a. Magkakapareho ba ang ginawa ninyong pag-aayos ng larawan? b. Bakit ganito ang iyong ginawang pagsasaayos? c. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng larawan mula sa hindi gaanong mahalaga sa pinakamahalaga? d. Ano ang natuklasan ninyo tungkol sa pagpapahalaga sa bahaging ito?PaEa.laPlaA:GLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Maaaring ipagawa ang bahaging ito bilang takdang-aralin upang maysapat silang panahon sa pagbuo nito. Mahalagang malinaw angpagpapaliwanag ng panuto sa mag-aaral kaugnay ng gawain. Maghanda ng 5 manila paper at masking tape para sa gawaing ito. Ipaliwanag ang panuto bago ito ipagawa bilang takdang- aralin. Ipakita rin ang larawang ito bilang gabay. 19
Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng limang pangkat . Bigyan sila ng tag- iisang manila paper at masking tape. Atasan ang bawat kasapi ng pangkat na idikit ang kanilang ginawang “Pagsusuri ng Aking Pinahahalagahan” sa manila paper na ibinigay sa kanilang pangkat. Ipapaskil ang 5 manila paper sa isang bahagi ng silid-aralan upang magmukha itong exhibit. Hayaan ang kasapi ng bawat pangkat na pagmasdan ang ginawa ng lahat na mag-aaral. Itanong ang kung ano ang kanilang saloobin sa kanilang ginawa. Matapos ang 10 minuto ng gallery walk o pagmamasid sa ipinaskil na gawa ng bawat pangkat, atasan ang mga mag-aaral na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pahina 7 sa kanilang kuwaderno o sa kanilang journal. F. PAGPAPALALIM Panuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang handa sila sa gawain sa klase.Kung kinakailangan, ipabasa angkabuuang sanaysay sa pahina 7-13.Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minutoupang gawin ito. Matapos ang 15 minutopangkatin ang mga mag-aaral sa tatlongpangkat o depende sa bilang ng mgamag-aaral. Hayaang magtalaga sila nglider, tagasulat at taga-ulat. Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 8-10 sa unang pangkat. 20
Atasan silang talakayin ang mga konseptong nakapaloob dito gamit ang graphic organizer sa ibaba. 21
Ibigay sa ikalawang pangkat ang babasahin sa pahina 10-11. Atasan ang ikalawang pangkat na talakayin ang konsepto ng bahaging ito gamit ang graphic organizer sa ibaba. 22
Ibigay sa ikatlong pangkat ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 11-13. Ipatalakay ang mga konseptong matatagpuan dito gamit ang graphic organizer sa ibaba.Paalala: Ang pagpapangkat ay maaaring dagdagan ng guro depende sa bilang ngmga mag-aaral, maaari ding hatiin ang paksang ipatatalakay sa kanila. Ang graphicorganizers na gagamitin ay mungkahi lamang maaaring lumikha sila ng nais nilanggamitin na graphic organizer. 23
Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag ng wasto at sapat. Pasagutan ang “Tayain natin ang iyong pag-unawa” sa pahina 13. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipaskil o isulat ang mga tanong na ito na matatagpuan sa pahina 13 sa pisara Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto:Ang pinili nating uri ng pagpapahalaga mula sa hirarkiya ng mgapagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.G. ISABUHAY ANG MGA PAGKATUTOPaalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralinsubalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan namagagampanan nila sa bahaging ito. Maghanda ng sipi ng kuwento ni Langgamat Tipaklong, maaaring ibigay na ito sa mga mag-aaral at talakayin sa klase bagoipagawa ang gawain sa bahaging pagganap bilang takdang-aralin 24
Pagganap Ang bahaging ito sa pahina 15-16 ang ipagagawa sa bahay 25
Pagninilay Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa sarili sa resulta ng ginawang sariling hirarkiya ng pagpapahalaga. Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa Annex 2. Pagsasabuhay Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 17-18. Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan. 26
Mga Larawan: o http://image.shutterstock.com/display_pic_with_logo/587245/587245,129184 3855,2/stock-photo-business-hierarchy-d-concept-staircase-with-doors- 66830005.jpg retrieved January 28, 2012 o http://4.bp.blogspot.com/-5xf7- hEx4Fk/TuZ9PIK7IzI/AAAAAAAABfg/RkUl29EI07g/s1600/ScalesOfJustice.gif retrieved January 28, 2012 o http://www.alexdeich.com/First%20Rays%20of%20the%20New%20Rising%2 0Sun% 20(small).png retrieved January 27, 2012 27
Plano ng PagtuturoAralin 11: Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mgaPagpapahalagaMga Pamantayan Para sa Aralin 11Pangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Nailalapat sa pang-araw-araw na buhayunawa sa mga konsepto tungkol sa ang mga tiyak na hakbang sapanloob na salik na nakaiimpluwensiya pagpapaunlad ng mga panloob na saliksa paghubog ng mga pagpapahalaga na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga.Batayang Konsepto:Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay aygabay sa paggawa ng mapanagutang pasya at kilos.I. MGA LAYUNIN Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives) .1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag- aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga Pagpapahalaga a. Konsensiya b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan c. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama d. Pagsasabuhay ng mga Birtud e. Disiplinang Pansarili f. Moral na Integridad .2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagbibigay ng puna sa mga kilos na nakikita mula sa mga tao sa kanilang paligid b. Pagsusuri ng kilos ng mga tao sa iba’t ibang yugto c. Pagsusuri ng epekto ng negatibong paggamit ng panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga d. Paggawa ng mga tiyak na hakbang na ilalapat sa pang-araw-araw na buhay at pagpapasya na makatutulong sa paghubog ng mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng halaga 28
Mga Layuning PampagkatutoIpabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1-2.Isa-isahin ang mgalayuningpampagkatuto parasa Aralin 11 na nasaloob ng kahon.Sabihin: Mayroon bakayong gustonglinawin tungkol samga layuning binasa?II. PAUNANG PAGTATAYA 1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2 - 4. 29
2. Hayaang markahan ng mga mag- aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. 3. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. 4. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5-9. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 na iskor. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang naging sagot. III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO Pag-uugnay sa Nakaraang Aralin Sabihin: Sa nakaraang aralin nauunawaan mo ang mahahalagang konsepto tungkol sa hirarkiya ng pagpapahalaga. Naipaunawa sa iyo na masisigurong mong gumagawa ka ng mabuti kapag pinipili mong gawin ang pagpapahalaga na may mataas na antas. Sa araling ito makikilala mo ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ng isang tao. Ano- ano ang mga ito ang siyang matutuklasan sa mga gawain at talakayan sa aralin. A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMANPaalala: Bago ang pagpapagawa ng gawain sa bahaging ito, ihanda ang mgasumusunod na larawan at masking tape. 30
A. B. C.1. Ipaskil ang mga larawan ito sa ganitong ayos sa pisara upang makita ng buong klase.2. Atasan ang ilang mag-aaral na isa-isa nilang ipaliwanag ang kahulugan ng mga nakikita nila sa larawan.3. Pagkatapos ng tatlong mag- aaral na magpaliwanag, ipabasa ang bahaging ito sa pahina 6-7 upang ihambing kung tama ang kanilang paliwanag. Ipaskil ang mga tanong na ito para sa talakayan at paglinang ng pag-unawa. 31
4. Pagkatapos ng talakayan, ipagawa ang kasunod na gawain sa pahina 6-7.32
5. Bigyan sila ng 5-7 minuto para magawa ito. 6. Tumawag ng limang mag-aaral na magtungo sa pisara upang punan ng sagot ang pahina 10 7. Itanong kung mayroon silang nais na baguhin o iwasto sa naging sagot ng kanilang kamag-aral. 8. Ipatalakay ang naging sagot nila sa bilang 3. B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWAPaalala: Ihanda ang 3 case studybago pa ang pagtatalakay atpagpapagawa ng bahaging ito.Ang bawat case study ay isulatsa meta card. 1. Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng tatlong pangkat . Bigyan ng tag- iisang meta card na kinasusulatan ng case study ang bawat pangkat 2. Ipatalakay sa bawat pangkat ang situwasiyon ng bawat case study. Pasagutan ang tanong na ito sa kanilang talakayan. 3. Bigyan ang bawat pangkat ng 10-15 minuto para sa pangkatang gawaing ito. 4. Pagkatapos ng 10-15 minuto ibahagi sa klase ang naging resulta ng talakayan sa pangkat. 33
5. Atasan ang klase na muling paghambingin ang 3 situwasyon at itanong: Ano ang pagkakaiba ng tatlong tauhan sa bawat situwasyon? Sa tatlong tauhan sino ang may positibong pagkakaiba? Ipaliwanag.6. Ipatalakay ang sagot ng mga mag-aaral sa tanong bilang 2-3 sa pahina 10. C. PAGPAPALALIMPanuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito.Pagawin sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sababasahin. Mas mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto nakanilang ginawa upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawang gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakayupang handa sila sa gawain sa klase. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 11-18 Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga- ulat. Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 11- 13 sa unang pangkat. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa nito 34
Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayinang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 13-14. Hikayatin nagumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito. Ang pahina 14-15 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3 Ang ikaapat na salik sa pahina 18 ay tatalakayin ng ikaapat na pangkat. 35
36
Ibigay ang ikalimang salik sa ikalimang pangkat. Ang huling salik ay ibigay sa ikaanim na pangkat. 37
Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito. Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat. Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipaskil o isulat ang mga tanong na ito na matatagpuan sa pahina 19 sa pisara Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto: Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay aygabay sa paggawa ng mapanagutang pasya at kilos. 38
D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOPaalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralinsubalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan namagagampanan nila sa bahaging ito. Pagganap Ipaliwanag itong mabuti sa mga mag- aaral. Ihanda ang halimbawa upang ipaskil ito sa pisara. Pagninilay Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa sarili kaugnay ng negatibong paggamit ng mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa pagpapahalaga. 39
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa Annex 2. Pagsasabuhay Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 20-21. Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan. 40
Plano ng PagtuturoAralin 12: Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mgaPagpapahalagaMga Pamantayan Para sa Aralin 12Pangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Natataya ang impluwenisya sa sarilingunawa sa mga konsepto tungkol sa pagpapahalaga ng mga panlabas napanlabas na salik na nakaiimpluwensiya salik sa paghubog ng mgasa paghubog ng mga pagpapahalaga pagpapahalagaBatayang Konsepto:Ang pag-unawa sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya ngpagpapahalaga ay nakatutulong upang maging mapanuri at mapanindigan angtamang pasya at kilos sa gitna ng mga nagtutunggaliang impluwensya.I. MGA LAYUNIN Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)1.1. Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga Pagpapahalaga g. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak h. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon i. Mga Kapwa Kabataan j. Paman ng Kultura k. Katayuang Panlipunan-pangkabuhayan l. Media1.2. Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagtukoy sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga b. Pagtukoy sa mga kontribusyon ng bawat panlabas na salik sa paghubog ng pagkatao ng tao c. Pagiisa-isa ng mga positibo at negatibong impluwensya ng mga panlabas na salik na maaaring makaimpluwensya sa paghubog ng sariling mga halaga d. Pagsasagawa ng isang “Watchlist” na maglalaman ng mga Positibo at Negatibong Impluwensya na haharapin sa loob ng isang linggo at pagtatala kung ano ang ginawang pagtugon sa mga impluwensyang ito 41
Mga Layuning Pampagkatuto Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1-2. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Aralin 11 na nasa loob ng kahon. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?2. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2 - 5. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1 42
1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. 2. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng perpektong iskor at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5-9. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 na iskor. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang naging sagot. 3. Pagkatapos nito itanong sa mga mag-aaral 2 katanungan na matatagpuan sa pahina 6 para sa karagdagang talakay at paglilinaw.3. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO Pag-uugnay sa Nakaraang Aralin Sabihin: Naging malinaw sa iyo na may mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga ng tao. Nakita mo rin ang kahalagahan ng lubos ng pag-unawa sa mga panloob na salik na ito upang malinang mo ang iyong sarili sa tamang paggamit ng mga salik na ito. Sa araling ito muling susubukin ang iyong pagiging mapagbantay sa iyong sarili sa pagsisikap na malinang ang mga positibo mong pagpapahalaga. A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Paalala: Maaring ipagawa na ito bilang takdang-aralin. Kailangan lamang ang malinaw na pagpapaliwanag ng panuto upang magabayan ang mga mag-aaral.1. Atasan silang gumawa ng ganitong tsart para sa pagsusuri sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa kanilang pagpapahalaga. 2. Ipasulat sa mga mag- aaral sa pisara ang mga salik na kanilang kinilala na nakaiimpluwensiya sa kanilang pagpapahalaga o pag- uugali. 3. Batay sa mga nakatalang ito. Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat batay sa salik na nakatala sa pisara, maaaring apat, lima o anim.43
4. Atasan ang mga kasapi ng bawat pangkat na gumawa ng parehong tsart at pagsama-samahin ang kanilang naging indibiduwal na sagot. Magpagawa din ng paglalagom batay sa naging resulta ng kanilang ginawa.5. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. Pagkaraan ng 15 minuto hayaang ipaskil at ipaliwanag ng taga-ulat ang ginawa ng kanilang pangkat.6. Pagawin sila ng paglalagom matapos ang pag-uulat ng lahat ng pangkat. B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWAPaalala: Kailangang maging pamilyar kung paano laruin ang “Pinoy Henyo” para sabahaging ito. Ihanda ang mga sumusunod:mga salitang/parirala na kailangang pahulaan (ibabatay sa salik nakanilang tinalakay sa unang gawain)meta strips na susulatan ng mga salitang pahuhulaantape Maaaringtimer kumuha dito ng pariralang gagamitin sa pagpapahula 44
Magtanong sa mga mag-aaral kung sino ang boluntaryong sasali sa larong pinoy henyo. Maaaring pumili ng sampong mag-aaral na sasali sa laro. Hatiin ang sampo sa dalawang pangkat. Pumili ng magiging timer at scorer. Ang ibang mag-aaral sa klase ay hahatiin sa dalawang pangkat na papanig sa dalawang pangkat na maglalaro. Sila ang tagasagot ng oo, hindi, pwede sa tanong ng manlalaro. Narito ang paraan kung paano gagawin ang laro: 1. Ang dalawang pangkat na maglalaban ay mag toss coin kung anong pangkat ang mauunang maglalaro. 2. Ang nanalong pangkat ay pipili ng kanilang representative na siyang unang sasabak sa laro. 3. Lalagyan siya sa noo ng strip ng papel na nakasulat ang parirala na iuugnay sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa pagpapahalaga o pag- uugali ng tao. 4. Upang magabayan siya sa paghuhula hihingi siya ng clue sa kanyang mga kapangkat sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanila. Ang tanong ay maaari lamang sagutin ng OO, HINDI, PWEDE. 5. Bibigyan siya ng 2 minuto para hulaan ang tamang salik na tinutukoy ng parirala sa kanyang noo. Kapag nahulaan niya nang tama magkakaroon ng puntos ang kanilang pangkat. 6. Ang kabilang pangkat naman ang bibigyan ng pagkakataon. 7. Ang pangkat na makakuha ng pinakamataas na puntos ang mananalo. 8. Pagkatapos ng laro, ipagawa ang gawain sa pahina 8-9. 45
PAGPAPALALIM Panuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang handa sila sa gawain sa klase. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 10-15. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga- ulat. Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 10-11 sa unang pangkat. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa nitoAtasan ang mga mag-aaral nakabilang sa ikalawang pangkatna talakayin ang mgakonseptong nakapaloob sababasahin sa pahina 11.Hikayatin na gumamit sila nggraphic organizer sapagsasagawa nito. 46
Ang pahina 14-15 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3. Ang ikaapat na salik sa pahina 12–13 ay tatalakayin ng ikaapat na pangkat. Ibigay ang ikalimang salik sa ikalimang pangkat. 47
Ang huling salik ay ibigay sa ikaanim na pangkat. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito. Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat. Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong na ito na matatagpuan sa pahina 18.Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto: 48
Ang pag-unawa sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensyang pagpapahalaga ay nakatutulong upang maging mapanuri atmapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna ng mganagtutunggaliang impluwensya.C. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOPaalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralinsubalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan namagagampanan nila sa bahaging ito. Ipaliwanag sa ang bahaging ito sa mga mag-aaral.Pagganap 49
Pagninilay Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan sa sarili kaugnay ng epekto ng mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa pagpapahalaga. 50
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa Annex 2. Pagsasabuhay Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 21. Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan.Larawanhttp://us.123rf.com/400wm/400/400/bowie15/bowie151006/bowie15100600021/7225835-child-standing-on-a-rock-and-observing-the-seascape.jpg retrieved January 28,2012 51
Yunit 4Gabay sa PagtuturoAralin 13: Mangarap Ka!I. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang malinaw atunawa sa mga konsepto tungkol sa makatotohanang pagtatakda ng sarilingpagtatakda ng mga mithiin, mga salik mithiin at ang mga paraan sa pagkamitat hakbang sa pagpapasya tungo sa nito.tamang direksyon ng buhay atpagtupad ng mga pangarap.Batayang Konsepto: Ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin aynagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya tungo sa tamang direksyon sa buhayat pagtupad ng mga pangarap.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa; a. Pagkakaiba ng Pangarap at Mithiin b. Mga Katangian ng taong May Pangarap c. Ang mga Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin d. Ang Pangmatagalan at Pangmadaliang Mithiin e. Mga Hakbang sa Pagtatakda ng Mithiin 1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagtukoy ng pagkakaiba ng pangarap at mithiin sa pamamagitan ng mga larawan b. Pagsuri at pagpapaliwanag ng kahulugan ng pangarap sa pamamagitan ng isang awit c. Pagtukoy ng mga gawi at pagpapahalaga na nakatutulong sa pagtupad ng pangarap sa pamamagitan ng mga anekdota d. Paghihinuha ng batayang konsepto e. Pagtatakda ng sariling mithiin f. Pagtataya ng itinakdang mithiin g. Paggawa ng plano ng pagsasakatuparan ng mithiin 52
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Aralin 1. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-4. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilangsariling papel gamit ang susi sa pagmamarka.Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara angsusi sa pagmamarka. 53
54
Ipabilang sa mag-aaral ang III. PLANO NG PAGTUTURO-kabuuang iskor na kanilang nakuha. PAGKATUTOIpataas ang kamay ng mga batangnakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang A. PAGTUKLAS NG DATINGmga ito. Itala sa pisara ang kabuuang KAALAMANbilang. Ipataas ang kamay ng nakakuhang 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at Mga Hakbang:itala sa pisara ang kabuuang bilang. 1. Ipagawa ang Gawain I saGayundin ang gawin para sa 0 Pahina 4.hanggang 4 puntos.Kung lahat halos ng mga mag-aaral(95%) ay nakakuha ng iskor na 10,maaring dumako na ang guro sabahaging Pagpapalalim.55
2. Basahin.3. Pasagutan ang B. PAGLINANG NG sumusunod na tanong. Talakayin ito sa KAALAMAN, KAKAYAHAN klase. AT PAG-UNAWA Mangarap Ka! 1. Ipabasa ang mga anekdota After Image Band sa Pahina 6-9.I. Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi At ito'y iyong damhin At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki Ikaw rin ang aani Hayaan mong lumipad ang isip Sa lawak ng langit Ito'y umaawit At ito'y nagsasabing Koro: Mangarap ka Mangarap ka Dinggin ang tawag ng iyong loob Umahon ka Umahon ka Mula sa putik ng iyong mundoII. Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi At ito'y iyong dalhin Bawat panaginip na taglay ng iyong isip Palayain mo at ilipad tungong langit Ang iyong tinig ay aawit 56
2. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. 3. Bigyan ang bawat pangkat ng Manila Paper at Pentel Pen. 4. Pasagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa mga binasang anekdota sa Pahina 8-9. Hayaang magkaroon ng talakayan ang bawat grupo.Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kwaderno ang iyong mgasagot. 1. Ano ang pangarap ni Roselle? Paano natupad ang kanyang mga pangarap? Ipaliwanag. 2. Anu-anong mga katangian ni Roselle ang nagbigay daan upang siya’y magtagumpay? Pangatwiranan. 3. Sapat ba ang magkaroon ka lamang ng pangarap at itinakdang mga mithiin? 4. Masasabi mo bang naayon sa plano ng Diyos ang kanyang mga mithiin? Ipaliwanag. 57
5. Ipasulat sa Manila Paper at ipaulat sa klase ang mga naging sagot ng bawat pangkat. 6. Gawing takdang-aralin ang bahaging ito. C. PAGPAPALALIMPaalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaralbilang Takdang Aralin. 1. Ipabasa ang sanaysay sa Pahina 9-19. 2. Itanong sa mga mag-aaral. “Ano ang pangarap mo sa buhay?” Tumawag ng ilan. 3. Sabihin: Basahin natin ang sanaysay na may pamagat na “Mangarap Ka!.” 4. Bigyan ng 15 minuto ang mga mag-aaral upang basahin ang sanaysay. 5. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Hayaan silang magtalaga ng kanilang pinuno at tagapagtala. 6. Ibigay sa mga ito ang mga inihandang concept organizers sa Manila Paper at ang mga activity cards para sa mga panuto at karagdagang kaalaman tungkol sa gawain. 58
Mga Activity Cards Activity Card 1 Ang Fishbone Cause and Effect Diagram ginagamit upang ipakita ang epekto ng mga proseso o hakbang na isinasagawa. Panuto: Pumili ng konsepto o mga konsepto sa binasang sanaysay na mabisang gamitan ng Fishbone Diagram. Punan ang Fishbone Diagram sa Manila Paper. Iulat ito sa klase. Mabuting Pakikipagkaibigan Mga Mga DahilanEpekto Oras na ilalaan: 15 Minuto sumusunod na halimbawa.Activity Card 2 Ang Hierarchical Organizer ay ginagamit upang ipakita ang maliliit na konsepto sa ilalim ng higit na malalaking konsepto. Panuto: Pumili ng konsepto o mga konsepto sa binasang sanaysay na mabisang gamitan ng Hierarchical Organizer. Punan ang Hirarchical Organizer sa Manila Paper. Iulat ito sa klase.Oras na Ilalaan: 15 Minuto 59
Activity Card 3 Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa sa sanaysay. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto. Iulat ang inyong output sa klase.Activity Card 4Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mgakonseptong nabasa sa sanaysay. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat angmaikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.Iulat ang inyong output sa klase. 60
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212