Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-14 01:27:53

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7

Search

Read the Text Version

Isulat ang sipi ng mga tanong na ito sa isang manila paper at ipaskil sa pisara upang makita ng mga mag- aaral. Isguhit din ang tsart na ito sa pisara. Pagkatapos na sagutan ng bawat isang mag-aaral ang mga tanong at punan ang tsart. Atasan ang silang magpangkat sa apat. Ang tatlong pangkat ay tatawaging pangkat halaman, hayop at tao. Samantalang ang ikaapat na pangkat ang gagawa ng paglalagom batay sa impormasyong ibibigay ng tatlong pangkat. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. Pagkaraan ng 15 minuto hayaang ipaskil at ipaliwanag ng taga-ulat ang ginawa ng kanilang pangkat. Atasan din ang ikaapat na pangkat na ibigay ang kanilang paglalagom batay sa impormasyong ibinigay ng tatlong pangkat. Maaaring gawing gabay ang mga tanong sa ibaba ng tsart sa pahina 104. Sabihin ito samga mag-aaral Gumawa ng kapareho nitong larawan. Ipaskil ito sa pisara bago ang pagtalakay. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 4

Itanong ang mga katanungang ito sa pahina 105 para sa talakayan.B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Paalala: Kailangang ihanda ang sipi ng mga situwasyong ito para sa mga mag-aaral. Ibigay ito bilang takdang-aralin. Atasan ang klase na magpangkat sa lima. Sabihin: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang situwasyon na kailangan ng masusing pag-iisip upang makabuo ng isang pagpapasiya. Pag-aaralan ng bawat kasapi ng pangkat ang situwasyon saka sila bubuo ng pagpapasiya. Ipakikita ang situwasyon at pasiya sa klase sa pamamagitan ng pagsasatao nito. Hayaang magtakda ang mga mag-aaral ng pamantayan kung paano nila mamarkahan ang presentasyon ng bawat pangkat. Paglilinaw: ang unang speech baloon ay ang iisipin at ang ikalawang speech baloon ay ang gagawin. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 5

Pagkatapos ng presentasyon ng bawat pangkat, talakayin ang tugon ng mga mag-aaral sa mga tanong sa pahina 108.C. PAGPAPALALIM Panuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang handa sila sa gawain sa klase. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 109-112. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga- ulat. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 6

Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 109-110 sa unang pangkat.Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sakanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawanito.Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayinang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 110-111. Hikayatinna gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.Ang pahina 111 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.Ang ikaapat pangkat ang gagawa ng pagbubuod batay sa huling bahagi ngbabasahinIpapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mgamahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minutoupang gawin ito. Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong na ito na matatagpuan sa pahina 112. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 7

Magpaskil o gumuhit sa pisara ngreplica ng graphic organizer.Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphicorganizer. Ipasulat sa mag-aaralang nabuong konsepto sapatlang ng nakapaskil na graphicorganizer.Ibigay ang tamang sagot. Ang tao ay natatangi na nilalang dahil siya ay may: Isip na nakaaalam Kilos-loob na nagpapasiya/pumipiliAng gamit ng isip ay umunawa Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawaAng tunguhin ng isip ay katotohanan Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan Kaya, nararapat na sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOPaalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralinsubalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan namagagampanan nila sa bahaging ito.Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 8

PagganapAtasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan sasarili kaugnay ng paggamit nila ng kanilang isip at kilos-loob.Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upangmabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric saAnnex 2. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 9

PagsasabuhayIpagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 116. Ipaliwanagang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kungkinakailangan. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 10

Plano ng Pagtuturo Modyul 6: KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORALI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Natataya ang kanyang mga kilos ounawa sa mga konsepto tungkol pasya batay sa dinidikta ng tamangkonsensiya at Likas na Batas Moral konsensiyaBatayangKonsepto: Ang Likas na Batas Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga ngkonsensiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat maykamalayan at kalayaan ang pagtungo sa KABUTIHAN.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1. Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral a. Ang Kahulugan ng Konsensya b. Mga Uri ng Konsensya c. Gamit ng Konsensiya d. Ang Likas na Batas Moral ay Natatangi sa Tao e. Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral f. Mga Katangian ng Likas na Batas Moral g. Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral h. Ang Kahalagahan ng Konsensya Bilang Bahagi ng Pagkatao 1.2. Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: Pagpatunay ng kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral Pagtukoy ng mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon Paggawa ng kontrata ng pagbabago tungo sa pagpapaunlad ng pasiya at kilos Pagbatay ng konsensiya sa Likas na Batas Moral Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 1

B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 119. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 6 na nasa loob ng kahon. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 120-121. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 2

Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim. Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul Sabihin: Sa nakaraang aralin naunawaan mo ang kahalagahan ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob upang magampanan ang iyong mga tungkulin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Naging malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng isip at kilos-loob na taglay mo. Sa araling ito, mauunawaan mo ang tungkol sa isa pang mahalagang bahagi ng iyong pagkatao – ang iyong konsensiya. Bakit mo sasanayin ang iyong sarili na maging sensitibo sa paggamit nito. A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Ipaskil ito bilang paksa ng gagawing pagsasatao at gagawan ng pasiya Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 3

Tanungin ang mag-aaral na nagsatao: a. Nahirapan ka bang pumili? b. Saan mo ibinatay ang iyong pasiya? c. Paano naapektuhan ng dalawang katauhan ang iyong pagpapasiya? Pagkatapos ng pagsasatao ipagawa ang bahaging ito sa mga mag-aaral (Gumawa ng replika upang ipaskil sa pisara) Pagkatapos itong gawin ng bawat mag-aaral, atasan sila na maghanap ng kapareha upang ibahagi ang kanilang ginawa at paghambingin ang kanilang naging sagot. Tumawag ng apat na mag-aaral na sasagot sa pisara. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 4

Ipagawa angbahaging itosa bawat mag-aaral sakanilangkuwaderno. Bigyan sila ng 10 minuto para gawin ito. Pagkalipas ng 10 minuto tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang ginawa. B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWAPaalala: Atasan ang mga mag-aaral na balikan sa alaala ang isang karanasan nanaramdaman ang impluwensiya ng konsensiya sa ginawang pagpapasiya.Bigyang punto ang pangyayari, pinakinggan ba o binalewala ang konsensiya,ano ang naging damdamin, ano ang naging epekto at ano ang natutunan sapangyayari. Ipaliwanag ang bahaging ito sa klase bilang pasimula ng gawaing ito. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 5

Ipaskil o iguhit ito sa pisara.Atasan ang mga mag-aaral na pumunta sa pisara at sumulat ng mgasalita na maaaring ikabit sa salitang konsensiya para sa wordassociation.Hikayatin silang isulat ang kanilang mga nalalaman.Pagkatapos nilang magsulat, tumawag ng ilang mag-aaral upangipaliwanag ang mga salita, parirala o kahulugan ng salitang konsensiyana isinulat sa pisara.Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may limang kasapi.Ipagawa ang pagbabahagi ng isang karanasan tungkol sa konsensiya. Ipagawa ang pagpapasul at sa dyornal kaugnay ng kanilang mga natuklasan tungkol sa konsensiya Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 6

Pagawin ang gawaing ito bilang pagsubok sa kanilang gagawing pagpapasiya sa bawat kaso Ipawasto ang kanilang naging sagot batay susi sa pagwawasto sa Annex 1C. PAGPAPALALIM Panuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag- aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang handa sila sa gawain sa klase. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 127-131. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga- ulat. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 7

Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 127-128 sa unang pangkat.Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sakanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawanito.Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayinang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 129-130. Hikayatinna gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 8

Ang pahina 130-131 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mgamahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat. Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong na ito na matatagpuan sa pahina 18.Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minutoupang gawin ito.Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 9

Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa patlang ng nakapaskil na graphic organizer. Ibigay ang tamang sagot. Batayang Konsepto: Ang Likas na Batas Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga ng konsensiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat may kamalayan at kalayaan ang pagtungo sa KABUTIHAN. (Ilan lamang ito sa maaaring maging sagot.) Mabuting Kilos: 1. Sundin ang payo ng mga magulang. 2. Gawin ang takdang-aralin at mga proyektong nakatakda sa tamang oras. 3. Sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan. Masamang Kilos: 1. Pag-imbento ng dahilan para payagang lumabas ng bahay upang makapaglaro ng computer games. 2. Pagti-text habang nagtuturo ang guro. 3. Pagpapakawala ng aming aso tuwing umaga upang dumumi sa kalsada.D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na magagampanan nila sa bahaging ito. Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 10

Pagganap Sa bahaging ito magsisimula ang pagganapPagninilay Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan kaugnay ng kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral.Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebookupang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit angrubric sa Annex 2. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 11

Pagsasabuhay Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 135-136. Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 12

Plano ng Pagtuturo Modyul 7: KALAYAANI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Pangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naipamamalas ang kalayaan saunawa sa mga konsepto tungkol pagtupad ng kaniyang mga tungkulinkalayaan bilang nagdadalaga/nagbibinata.Batayang Konsepto: Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit angkalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan. A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral a. Ang Kahulugan ng Kalayaan b. Mga Indikasyon ng Pagkakaroon o Kawalan ng Kalayaan c. Mga Uri ng Kalayaan d. Kaugnayan ng Kalayaan sa Likas na Batas Moral e. Kahulugan ng tunay na kalayaan 1.2. Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: Pagpatunay ng kaugnayan ng kalayaan sa Likas na Batas Moral Pagpapaliwanag ng kahulugan ng kalayaan Pagtukoy ng mga indikasyon ng kalayaan o kawalan nito Pagsuri ng sariling pagkaunawa sa kalayaan Pangangatuwiran kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa sariling bisyo, maling pananaw, magulong buhay Pagpapaunlad ng sarili gamit ang kalayaanB. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 139. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 7 na nasa loob ng kahon. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?

II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 139-141. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. o Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim. o Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. o Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.

III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO  Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul Sabihin: Sa mga nakaraang aralin natuklasan mo ang mga mahahalagang kakayahang bumubuo sa pagkatao ng tao katulad ng isip, kilos-loob at ang konsensiya. Ang mga kakayahang ito ay lubos nating kalulugdan dahil sa kalayaang ipinagkaloob din sa tao. Sa pamamagitan ng kalayaang taglay ng tao nagagamit niya ang iba pang kakayahang taglay niya. Sa araling ito lubos mong mauunwaan ang mahalagang papel ng kalayaan sa paghubog n gating pagkatao. A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Paalala: Tuklasin ang pagkakilala ng mga mag-aaral sa Genie. Saka ipagawa ang gawain sa bahaging pagtuklas ng dating kaalaman. Maaari isatao ng mga mag-aaral ang usapan ng Genie at ng tao. Ipaskil ito bilang paksa ng gagawing pagsasatao at gagawan ng pasiya. Ipagawa ito sa mga mag-aaral, ipaskil o isulat ang bahaging ito sa pisara at ipagawa sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno.

Bigyan sila ng 10 minuto para gawin ito. Pagkalipas ng 10 minuto atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng dyad upang pag-usapan ang kanilang ginawa. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang ginawa.B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Paalala: Maghanda ng katulad sa mga larawan sa pahina 144-145. Ipaliwanag ang bahaging ito sa klase bilang pasimula ng gawaing ito. Ayusin at ipaskil ang mga larawan sa pisara.

Tumawag ng ilang Nagpapakita Nagpapakitamag-aaral upang ng kalayaan ng kawalan ngihanay ang mgalarawan kung kalayaannagpapakita ngkalayaan onagpapakita ngkawalan ng kalayaan.Hayaan silang muling balikan ang ginawa sa pisara. Hikayatin silangpalitan/ayusin ang mga nakadikit na larawan kung mayroong nakitangdapat ayusin.Itanong sa mga mag-aaral ang mga katanungang ito bilang bahagi ngpagtatalakay. Paalala: Maghanda ng manila paper, pentel pen at masking tape para sa bawat pangkat sa pagpapagawa ng gawaing ito.Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat na may 10 kasapi.Papiliin sila ng kanilang lider, taga-sulat at taga-ulat.Ibigay sa bawat pangkat ang manila paper at pentel pen para sagawaing ito.Atasan silang pag-aralan ang bawat situwasyon at pag-usapan kung maykalayaan o wala sa bawat situwasyon. Ipasulat din ang patunay sakanilang sagot.Bubuo ang bawat pangkat ng isang pasiya.Bigyan sila ng 15 minuto para sa pagtatalakay ng pangkat at pagsagawang gawain.Pagkatapos ng 15 minuto atasan silang ipaskil ang nagawa ng pangkat athayaan silang ipaliwanag ang kanilang ginawa.

Ipahambing ang naging sagot ng bawat pangkat. Pabigyan sila ng puna sa kanilang naobserbahan. Itanong sa mga mag-aaral ang nahinuhang kahulugan ng kalayaan batay sa gawain.C. PAGPAPALALIM Panuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang handa sila sa gawain sa klase. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 147- 150. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-ulat.

Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 147 sa unang pangkat.Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sakanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sapaggawa nito.Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat natalakayin ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 148.Hikayatin na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.

Ang pahina 149 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilangmga mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5minuto upang gawin ito. Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong na ito na matatagpuan sa pahina 150.Magpaskil o gumuhit sa pisara ngreplika ng graphic organizer.Tumawag ng ilang mga mag-aaralupang punan ang graphic organizer.Ipasulat sa mag-aaral ang nabuongkonsepto sa patlang ng nakapaskilna graphic organizer.Ibigay ang tamang sagot.

Batayang Konsepto: Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit angkalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na magagampanan nila sa bahaging ito. Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral Pagganap

Pagninilay Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan. Sagutin ang mga tanong na: Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol sa kalayaan? Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko? Ipagawa ito sa kanilang dyornal. Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa Annex 2.Pagsasabuhay Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 152-153. Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan.

Gabay sa Pagtuturo Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAOI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Nakagagawa ng konkretong paraanunawa sa mga konsepto tungkol sa upang ipakita ang paggalang atdignidad ng tao. pagmamalasakit sa mga taong kulang ng oportunidad sa buhayBatayang KonseptoAng paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalinang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili atAng paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay atmagkapareho nilang tao.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: a. Ang Bawat Tao ay may Dignidad Anuman ang KanyangKalagayang Panlipunan, Kulay, Lahi at Relihiyon. b. Ang Paraan Upang Ipakita ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa Dignidad ng Isang Tao c. Mga Paraan ng Paggalang sa Dignidad ng Tao d. Mga Paraan Upang Mapaunlad ang Pakikitungo sa mga Taong Itinuturing na Maliliit sa Lipunan e. Mga Dahilan Bakit May Dignidad ang Tao1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagsusuri sa mga paraan ng pakikitungo sa mga taong itinuturing namaliliit sa lipunan b. Pagsusuri sa pagkakaiba ng pakikitungo ng tao sa taong may magkaibang katayuan sa buhay c. Pagtukoy sa mga bagay na nararapat ibigay sa kapwa bilang patuay ng paggalang sa kanilang dignidad d. Pagsusuri sa mga sitwasyong nagpapakita ng pagyapak sa dignidad ng tao e. Pagkilala sa mga programa ng pamahalaan na nakapagpapaangat ng dignidad bilang tao f. Paglikha ng mga hakbang upang maging karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kapwa

g. Pagsulat ng pagninilay ukol sa (a) natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa, (b) mga paraan upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, (c) mga dapat na gawin bilang isang taong may dignidad, at (d) mga bagay na dapat iwasang gawin bilang taong may dignidad h. Pagtulong sa isang kapamilya, kaibigan o kakilala na may mababang pagtingin sa sarili upang maiangat ang kanyang konsepto ng sarili. B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 155. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?II. PAUNANG PAGTATAYA 1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 184-186. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito.

2. Pagkatapos, hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim. Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahagingPagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaringmangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,Kakayahan at Pag-unawa.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Mga Hakbang: 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-aaral sa pahina 158-159. 2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Makabubuti kung magpapaskil ng mga katulad na larawan sa pisara upang magamit sa presentasyon ng mag-aaral ng kanilang sagot.

4. Ipagawa ang gawain sa loob ng 15 minuto.5. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito, tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang kanilang natapos na gawain.6. Pagkatapos, pasagutan sa kanila ang tanong na nasa pahina 159.7. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain. Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.Gawain 21. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 159-160. Itanong: Naunawaan ba ang Panuto?2. Maglagay ng replika ng Venn Diagram na nasa modyul sa pisara. Ipaliwanag ang paraan ng paggamit nito.3. Bigyan sila ng panahon upang gumawa ng kanilang sariling Venn Diagram sa kanilang kuwaderno4. Umikot sa klase habang ginagawa ng mga mag-aaral ang gawain magabayan ang mga mag-aaral at upang matiyak na tama ang ginagawa ng lahat.

5. Pagkatapos, tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa sa klase. Ipasulat ang kanilang ginawa sa pisara upang makita ng lahat.6. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 160. Ipasulat ang kanilang sagot sa kanilang kuwaderno.7. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Gawain 1 Mga Hakbang 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging “Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw. 2. Pagawain ang mga mag-aaral ng katulad na pormat na nasa pahina 161. Maaari itong iguhit o kaya naman ay gumupit ng mga larawan sa magasin. 3. Ipakita sa mga mag-aaral ang halimbawa upang mas maging malinaw para sa lahat ang gawain.

4. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa pisara ang kanilang awtput upang makita ng mga kapwa mag-aaral.5. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 162.Gawain 21. Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagtataya sa kakayahang gumalang at magpahalaga sa dignidad ng kapwa.2. Ipaskil sa pisara ang mga larawan at bigyan ng dalawang minuto ang klase upang tingnan/suriin ang mga larawan na ito.3. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa pahina 163.4. Pakinggan ang tugon ng mga mag-aaral. Pagyamanin ang talakayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga opinyon at pananaw.

5. Gamitin ang tugon ng mga mag-aaral upang ipakilala ang susunod na bahagi ng aralin.C. PAGPAPALALIM Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang Aralin. 1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 163-166. Pagkatapos, magsagawa ng pagtalakay mula sa binasa. 2. Ipaskil sa pisara ang mga katagang: Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. 3. Tumawag ng isang mag-aaral na magpapaliwanag ng kataga at magbibigay ng paglalapat na halimbawa. 4. Gamitin ito bilang panimula sa pagtalakay ng mga mahahalagang konsepto sa babasahin.

5. Tiyakin na mabibigyang-linaw ang lahat ng mga hindi malinaw na konsepto.Tayain ang Iyong Pag-unawa1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayain ang Iyong Pag-unawa” sa pahina 167. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa kanilang kuwaderno ang mga sagot.2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina 167.3. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer sa pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba: Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao.4. Pagkatapos, ipagawa ang “Pagtataya sa mga Natutuhan” sa pahina 167- 168.5. Ipabasa ang mga panuto at tiyakin na ang lahat ay malinaw sa mga mag- aaral.



D. PAGSASABUHAY Pagganap 1. Ipagawa ang gawain sa bahaging Pagganap sa pahina 169. 2. Ipasa nang malakas ang panuto at maglaan ng panahon para sa mga paglilinaw. 3. Ipaguhit ang katulad na Dignity Barometer na nasa pahina 169 sa kuwaderno ng mga mag-aaral. 4. Batay sa nagging pagtataya ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay ipasagot ang tanong na: “Ano ang aking nararapat na gawin upang maging karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng aking kapwa?” 5. Ipagawa ang malikhaing presentasyon ng gawain. Ipakita sa pisara ang halimbawa na nasa pahina 169.

Pagninilay1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa: a. Kanilang mga natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa b. Mga paraan upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa c. Mga dapat na gawin bilang taong may dignidad d. Mga dapat iwasan bilang taong may dignidad2. Maaaring gamitin ang katulad na pormat na nasa pahina 170. Ipagawa ito sa kanilang kuwaderno.Pagsasabuhay1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahaging Pagsasabuhay sa pahina 170.2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang katanungan tungkol sa panuto?3. Pagawain ang mga mag-aaral ng komprehensibong plano sa pagsasagawa ng pagtulong sa isang kapamilya, kamag-anak o kakilala.4. Mahalagang gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito.5. Tandaan: Kritikal ang gawain na ito kung kaya mahalagang matiyak na maayos na nakaplano ang gawain at ang mga hakbang sa pagsasagawa nito.6. Ipatala sa isang diary ang lahat ng mga karanasan sa pagsasagawa ng pagtulong.

Yunit 3Plano ng PagtuturoAralin 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at BirtudMga Pamantayan Para sa Aralin 9Pangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Nailalapat sa pang-araw-araw na buhayunawa sa mga konsepto tungkol sa ang mga tiyak na hakbang sapagpapahalaga at birtud pagsasabuhay ng mga birtudBatayang Konsepto:Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moralna halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).I. MGA LAYUNINA. Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives) 1.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag- aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud a. Ang Kahulugan ng Birtud at mga Pamamaraan kung paano mahuhubog b. Mga Uri ng Birtud c. Kahulugan ng Pagpapahalaga d. Mga uri ng Pagpapahalaga e. Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:  Pagsuri ng kahalagahan ng pagpili ng gagawing kilos at ang kugnayan ng pagpapahalaga sa pagpiling ito  Pagtuklas sa mga birtud na nalinang sa pagkamit ng pagpapahalaga  Paglahad ng kahulugan at kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga  Pag-isa-isa ng mga uri ng birtud at pagpapahalaga  Paggawa ng Tsart ng sariling Birtud at Pagpapahalaga upang mapaghambing kung magkatugma ang dalawa  Paggawa ng isang pagninilay kung may kaugnayan ang pagpapahalagang taglay sa birtud na nalilinang 1

 Pagsabuhay ng mga birtud upang maging tugma ito sa pagpapahalagaB. Mga Layuning PampagkatutoIpabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1. Isa-isahin ang mga layuningpampagkatuto para sa Aralin 9 na nasa loob ng kahon.Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuningbinasa? 2

II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2 - 4. 1. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. 2. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. 3. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. 4. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim. 5. Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. 6. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO Pag-uugnay sa Nakaraang AralinSabihin: Sa nakaraang Aralin natutunan ninyo na ang tao ay pantay-pantaydahil sa taglay nilang dignidad. Binibigyang diin nito ang paggalang sa kapwa,sapagka’t tulad mo sila rin ay mahalaga. Nararapat na malinang sa kaniyaang pagpapahalaga na kailangan upang matutunan kung paano mahalin,igalang at pahalagahan ang sarili at kapwa na may pantay at parehongdignidad. Sa Aralin na ito, ipauunawa sa mga mag-aaral ang kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud upang maging malinaw ang dahilan ng paggawa ng mabuti at pag-iwas sa masama. 3

A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gamitin ang bahaging ito sa pagpapaliwanag ng gawain sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman Isulat ang usapan ni Alice at pusang si Cheshire sa hiwalay na manila paperPaalala: Layunin ng bahaging ito na pukawin ang kaisipan ng mga mag-aaral sakahalagahan ng pagkakaroon ng isang malinaw na patutunguhan ang tao. Angmahalaga rito ay ang sagot ni Alice sa tanong ng pusa upang ihambing ng mgamag-aaral ang kanilang sarili kung malinaw para sa kanila ang kanilangpatutunguhan sa buhay.(Kailangan ng guro ng masking tape para sa pagdikit ng poster at manila papersa pisara) 1. Idikit sa pisara ang poster ng pag-uusap ni Alice at ng pusa. Itanong sa mga mag-aaral kung pamilyar sila sa bahagi ng kuwento ng larawan. Hayaan ang mag-aaral na sumagot. 4

2. Idikit ang isinulat na pag-uusap na naganap sa pagitan ni Alice at ng pusa. Ipabasa ito sa mga mag-aaral o kaya naman maaring atasan ng guro ang dalawang mag-aaral upang bigyang buhay ang pag-uusap ng dalawang tauhan. Ang isang mag-aaral ay gaganap na Alice at ang isa ay gaganap na pusa. 3. Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong. 4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga tanong? Ipaliwanag sa kanila ang layunin ng mga tanong na ito. Tanungin sila kung mayroon silang hindi naunawaan. 5. Bigyan sila ng 10-15 minuto para sagutin ang mga tanong sa kanilang kuwaderno. 6. Pagkatapos ng 10 – 15 minuto, atasan ang mga mag- aaral na bumuo ng triad. Ipabahagi ang sagot nila sa mga tanong sa kasapi ng triad. Sabihan silang paghambingin ang kanilang mga kasagutan. Ipabahagi sa klase ang kanilang mga natuklasan. B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWAPaalala: Kailangang maihanda ang pagkakaroon ngbawat mag-aaral ng sariling kopya ng kuwento niJoven, Ang Aking Pinahahalagahan at Nalinangna Birtud. Ibigay na takdang-aralin angpagbabasa sa kuwento ito. 5

Paalala:Maghanda ng coupon band, meta strip, pentel pen, at masking tape para sa limangpangkat. 1. Sabihin: Makikilala ninyo ang isang kabataang katulad ninyo sa pamamagitan ng kanyang karanasan sa buhay. Alamin ninyo ang nalinang sa kaniyang pagkatao makamit lamang ang kaniyang pinahahalagahan. a. Ipakikilala ninyo si Joven sa klase bilang inyong kaibigan. Paano ninyo siya ilalarawan. Bilang kaibigan ano ang madarama mo para sa kanya? Narito ang paraan kung paano ninyo ito gagawin. 2. Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat sa lima. Hayaan silang pumili ng kanilang magiging pinuno, tagasulat at taga-ulat. Ipatalakay sa pangkat ang sagot sa mga tanong na ito. 3. Ipaguhit ang tsart na ito sa coupon band dito nila isusulat ng kanilang napagkasunduang sagot. 4. Bigyan sila ng 10-15 minuto para sa gawaing ito. 5. Ipaguhit nang malaki ang tsart na ito sa pisara. Sabihin: Nahahati ang tsart sa limang bahagi na ibibigay sa bawat pangkat. Pupunan ng naatasang pangkat ang bahaging nakatalaga sa kanila. Maaaring sundan ang paraan ng paghahati sa ibaba. 6

Pangkat 1Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 5 Pangkat 46. Isulat sa meta strip ang sagot ng kanilang pangkat sa bahaging nakatalaga sa kanila. Idikit ang mga ito sa pisara.7. Pagkatapos na magawa ito ng lahat ng pangkat. Sabihin: muling tingnan ang tsart sa pisara, mayroon ba kayong nais pang idagdag sa mga nakatala? Ipasulat ang mga ito at idikit sa bahaging nais nila itong idagdag.8. Ipaulat ang kanilang ginawa sa paraang pagpapakilala sa pangunahing tauhan.C. PAGPAPALALIMPanuto: Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin silang tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainamang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdamanang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay. Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upanghanda sila sa gawain sa klase. 7

1. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 10-24. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat o depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-ulat. 8

9

10


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook