PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mgamanunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran angnaging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin angpagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaanna maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlanng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Naisnaming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang TagalogLamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-aniVirgilio Almario AgahanEdgar Calabia Samar PanaginipFray Francisco de San Jose Santa CruzGaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon NatinAndres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang LupaEmilio Jacinto PahayagSeverino Reyes Walang SugatGenoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang BataJose Corazon de Jesus atFlorentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisanJose Corazon de Jesus Bayan KoAlejandro G. Abadilla Ako ang DaigdigTeodoro Gener Pag-ibigAlejandro G. Abadilla Erotika 4Jose Corazon de Jesus Pag-ibigNarciso G. Reyes Lupang TinubuanGonzalo K. Flores TahimikDionisio Salazar Sinag sa KarimlanWilliam Rodriguez II Tabloid: Isang PagsusuriCarlo J. Caparas Mga Klase ng KomiksJeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng BituinLualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at DaigdigHowie Severino, Sine Totoo,At GMA Network Papag for Sale
Talaan ng NilalamanANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON............................................. 84Tungkol sa Kuwento...................................................................................... 84 “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes............................................ 85Tula................................................................................................................ 92 “Tahimik” ni Gonzalo K. Flores........................................................... 92 Ilang Halimbawa ng Haiku.................................................................. 93
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPONMga Aralin Maikling Kuwento o Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes Tula o Tahimik ni Gonzalo K. Flores o Ilang Halimbawa ng HaikuKaligirang PangkasaysayanNoong Disyembre 8, 1941, apat na oras pagkatapos bombahin ang PearlHarbor sa Hawaii, pinasabog din ng mga eroplanong Hapon ang Davao.Sumunod ang Tuguegarao, Baguio, Iba, Tarlac, at Clark Field. Ganoonnagsimula ang marahas na pagpasok ng mga Hapon sa ating bansa upangitatag ang kanilang Greater East Asia Co-prosperity Sphere (Zaide 1956,338).Sinusugatan ng mga babae ang kanilang mga mukha para hindi magingkaakit-akit sa mga sundalong Hapon (Fernandez 2013). Bayong-bayong napera ang kailangan para bumili sa palengke dahil sa baba ng halaga ngMickey Mouse Money. Pagtatanim ng kangkong sa mapuputik na lugar angnagligtas sa buhay ng libo-libong Pilipino dahil sa hirap ng buhay atkakulangan ng pagkain (Agoncillo 1977, 460).Kaligirang PampanitikanIpinalaganap ang kultura at wikang Hapon sa pamamagitan ng mga paaralanat media. At upang mabura ang mga bakas ng Kanluran, sinuportahan dinnang husto ang panitikang Tagalog. Iisa na lang ang naiwang pahayagan sawikang Ingles—ang Tribune. Namayagpag naman ang diyaryong Taliba atang magasing Liwayway sa tulong ni Kin-ichi Ishikawa, ang pinamahala samga palimbagan nito (Pineda et al. 1979, 371). Nabayaran nang maayos angmga manunulat at kumalat ang kanilang mga akda sa pamamagitan ngLiwayway. Dito lumabas ang mga maikling kuwento at tulang Tagalog nakaestilo ng mga haiku ng Hapon (Agoncillo 1977). May mga kumikilala sapanahong ito bilang Gintong Panahon ng Maikling Kathang Tagalog.Tungkol sa KuwentoAng susunod na kuwento ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa patimpalaksa maikling kuwento ng Liwayway at inilathala sa kalipunang Ang 25Pinakamabuting Katha ng 1943. Muli itong inilathala nina Abadilla, FBSebastian, at ADG Mariano sa kalipunang Maikling Kathang Tagalog noong1954. 56
Gabay sa PagbabasaPansinin mo ang pamagat - Lupang Tinubuan. Sa kuwento, dalawa angtinutukoy nito:1. Ang Pilipinas. Pinaaalala rin ng pamagat ang pakikipaglaban ng mga bayani para sa bayan.2. Ang mas tiyak na lugar kung saan lumaki ang isang tao o kung saan nanggaling ang kaniyang pamilya.Habang nagbabasa ka, pansinin mo kung ano-anong detalye sa kuwento angtungkol sa Pilipinas, at kung ano-ano ang para sa lugar ng pamilya.Gabay Tungo sa Mensahe ng KuwentoIkaw, saan ka lumaki? Ano ang probinsiya ng nanay mo? Ng tatay mo?Mahalaga ba sa iyo ang mga lugar na ito? Bakit?Ano naman ang kasaysayan ng mga lugar na tinukoy mo? Naging lugar basila ng labanan laban sa mang-aapi? Alin-alin? Pinagmulan ba sila ng mgataong namatay nang dahil sa bayan? Sino-sino? Lupang Tinubuan Narciso G. Reyes (1943)1 Ang tren ay tumulak22 sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune23, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas.2 Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang pases24 mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. Hs- s-ss.Tsug, tsug, tsug.3 Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.______________________________________________________________22 tulak—pag-alis ng barko o tren patungo sa pupuntahan23 Tribune (diyaryong Ingles), Taliba (diyaryong Tagalog), at Liwayway (magasing pampanitikan)—mgababasahin noong Panahong Hapon.24 pases—Tagalog na ispeling ng passes 57
4 Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, “Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan.5 Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.”6 Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.7 Sa unang malas, ang Malawig25 ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit.8 “Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. “Hindi po naman,” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mgaKastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.9 Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid angpagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at______________________________________________________________25 lawig—tagal o haba ng panahon 58
rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,” ang naisaloob niya. “Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.”10 Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantád na26 siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talúsalíng27 na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala.11 Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.12 \"Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. “At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ngisang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.______________________________________________________________26 bantad na—sanay na, sawâ na27 talusaling o talosaling—labis na maramdamin; balat-sibuyas; sensitibo 59
13 Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.14 Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita.15 “Kaparis ka ng iyong ama,” ang wika niya.16 “Bakit po?”17 “Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.”18 “May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.”19 “Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.”20 “Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”21 “Nasaksihan!” Napahalakhak si Lolo Tasyo. “Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.”22 Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. “Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak28 siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.”23 Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. “Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong29 Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula—isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.”24 Napangiti si Danding. “Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila?”25 “Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. “Nahuli sila sa tabi ng isang mandala30 ng palay.”26 “Nahuli po?”______________________________________________________________28 pitak—bawat hating lupang naliligid ng pilapil; bawat hati ng tubigan29 huramentado—sinumang nadidiliman ang isip at gusto lang pumatay nang pumatay30 mandala—malaki at mataas na bunton ng gapas na katawan ng palay na may uhay pa 60
27 “Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.”28 Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.29 “ Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan.30 “Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay.31 Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit31 na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pamana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman.32 Handa na ang hukay. Wala nang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurogpuso kaysa maingay. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga pag-iyak. Pinagtiim32 ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.33 Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.34 Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at liig.______________________________________________________________31 batbat-sakit—puno ng sakit32 tiim—pagtutuong mariin ng ngiping itaas at ibaba sa pagtitimpi ng galit o sama ng loob 61
35 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalíg33 niyang mukha ang banayad na hangin.36 Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso.37 Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama.38 Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.39 Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti.40 Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito.______________________________________________________________33 ligalig—di-mapakali; naguguluhan 62
Pagpapayaman Talakayan1. Saan mula at saan patungo ang tren sa simula ng kuwento? 2. Ilarawan si Danding—ilang taon na siya? Anong klase siyang tao? Ano ang importante sa kaniya? Magbigay ng mga patunay mula sa kuwento. 3. Alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang pinagugatan ng pamilya ni Danding? 4. Alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang bayang ipinaglaban ng mga bayani? 5. Paano nagkaisa ang dalawang kahulugang ito ng Lupang Tinubuan? Pansinin ang talata 31. 6. Ano ang sinasabi ng kuwento tungkol sa pagmamahal sa bayan? Kompletuhin ang pangungusap na ito: “Ayon sa kuwento, mahalaga ang Lupang Tinubuan dahil...” 7. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko.” (talata 9) Ano pa ang kahulugan ng hirit na ito kung titingnan ang mensahe ng kuwento? 8. “Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kaniyang ama.” (talata 37) Bakit makasining ang pangungusap na ito? Anong larawan ang binubuo at ano ang ipinakikita nito tungkol sa relasyon ni Danding sa Lupang Tinubuan ng kaniyang ama? 9. Basahing muli ang talata 29-30. Bakit “araw” raw ang tinitingnan ni Danding? Ano ang ibig sabihin nito? May kaugnayan ba ito sa mga “bituin” sa talata 27? 10. Basahin nang malakas ang talata 15-27. Paano dapat bigkasin ang “Nasaksihan!” sa talata 21—sigurado? sarkastiko? nakukulangan sa salita? 11. Inilarawan ang tunog ng tren bilang “pintig ng pusong wala nang alinlangan” (talata 5). Angkop ba ang paglalarawang ito sa mensahe ng kuwento? Bakit? 12. Balikan ang talata 35. Bakit angkop ang paglalarawan sa kapayapaan ng bukid dito? 13. Ano ang paborito mong bahagi at bakit? 14. May karanasan ka bang katulad ng kay Danding? Ano ang naiisip mo ngayon tungkol sa Pilipinas at sa sarili mong pinag-ugatan dahil sa kuwento? 63
TulaNagpatuloy noong Panahon ng Hapon ang tulang:1. matalinghaga;2. makabayan; at3. sumusunod sa tradisyonal at modernong anyo.Ang sumusunod ay tulang lumabas sa Liwayway noong 22 Enero 1944.Isinulat ito ng isa sa grupo ng mga manunulat na nagpauso ng malayangtaludturan (free verse) sa Pilipinas. Nailalathala rin ang kaniyang mgamaikling kuwento sa mga kalipunan na Mga Piling Katha (1948) at MaiiklingKatha ng 20 Pangunahing Awtor (1962).Gabay sa Pagbabasa:1. Maikli lang ang tula, kaya mahalaga ang bawat salita. Namnamin ang mga ito.2. May kakaiba rin sa porma nito.3. Ano ang damdamin/mensaheng binubuo ng mga salita at ng porma?Panitikan Tahimik Gonzalo K. Flores (1944) tinitigan ng palabàng34 buwan ang kuwago sa kalansay na kamay ng punong kapok35Pagnamnam sa Akda:1. Ano ang larawang nililikha ng tula? Idrowing.2. Ano ang pakiramdam na nililikha ng tula? Anong mga salita ang lumikha nito?3. Ano ang kapansin-pansin sa porma ng tula? Ano ang naidagdag nito sa mensahe at pakiramdam ng tula?4. Bakit gabi ang nakalarawan sa tula? Bakit masasabing “gabi” rin sa Pilipinas noong panahong iyon?______________________________________________________________34 palábà—mabilog na liwanag na nasa paligid ng buwan35 kapok—bulak 64
5. Ano ang literal na inilalarawan ng “kalansay na kamay?” Bakit angkop din ang salitang “kalansay” para sa Panahon ng Hapon?6. Anong klaseng buwan ang tinutukoy ng salitang “palaba?” Ano ang sinisimbolo ng ganitong klaseng buwan?7. Puwede ring isipin na ang salitang-ugat ng “palabang” ay “palaban.” Sinadya kaya ito ng may-akda? Nakatutulong ba sa tula ang posibleng dalawang kahulugan ng salitang ito?8. Noong Panahon ng Amerikano, isa sa pinakakilalang tawag sa mgan mananakop ang “aves de rapiña” o ibong mandaragit (Agoncillo 1977, 298). May kaugnayan kaya ito sa tula? Ipaliwanag ang simbolismong ito kung Panahong Hapon ang pinag-uusapan.9. Nagutom ang mga Pilipino noong panahon ng Hapon. Isa sa mga dahilan ay bulak ang tinanim sa mga dating palayan. Mas kailangan daw ito ng mga Hapong nakikipaggiyera (Agoncillo 1977, 459). May kaugnayan kaya ito sa tula?10. Buwan ang nakatitig sa kuwago, hindi ang mga hayop na dinadagit ng ibon. Paanong masasabi na panahon ang humahatol sa sitwasyon ng Pilipinas noong Panahong Hapon? Paano naging pagbabadya ng mangyayari noong 1945 ang tulang ito na isinulat isang taon bago noon?11. Sa kasalukuyan, sino ang kuwago, saan ito nakaupo, at ano ang buwan?Ilang Halimbawa ng HaikuNoong panahong ito, itinakdang ituro at dakilain ang kultura at wikang Haponsa Pilipinas. Bilang epekto nito, nauso rin ang pagsusulat ng haiku—isangtradisyonal na pormang tula sa bansang Hapon.Ang haiku ay isang uri ng tulang Hapon na (sa simpleng pakahulugan ay):1. may 3 linya;2. 5 pantig ang una at ikatlong linya, samantalang 7 pantig naman ang pangalawa; at3. may larawang mula sa kalikasan.Isa sa mga pinakakilalang halimbawa ay mula kay Matsuo Basho (1686): furu ike ya kawazu tobikomu mizu no oto old pond . . . a frog leaps in water’s sound (salin ni Higginson 2003) 65
Matandang batis: may palakang tumalon-- tunog ng tubig.Pansinin naman ang mga halimbawa mula kay Gonzalo K. Flores mulasa edisyong Hunyo 1943 ng Liwayway: Anyaya Ulilang damo sa tahimik na ilog. Halika, sinta.Talakayan1. Ano ang sukat ng tula?2. May tugma ba?3. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap?4. Ano ang kaibahan nito sa berso ni Basho?5. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo?6. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit? Tutubi Hila mo’y tabak ... ang bulaklak nanginig sa paglapit mo.Talakayan1. Nasunod ba ang sukat ng haiku?2. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap?3. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo?4. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit?5. Bukod sa insekto, may iba pa kayang posibleng paksa ang tula? Ano? At ano ang bagong kahulugang nabubuo dahil sa bagong interpretasyon?6. Ano ang epekto ng haiku dahil sa ikli nito kung ihahambing sa mas mahahabang tula? 66
PANGWAKAS NA PAGTATAYAProyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ngAmerikano1. Mag-isip ka ng mga kuwento/sitwasyon/larawan ng pag-ibig. Alin sa mga ito ang posibleng may sinasabi tungkol sa bayan? Hal. Natalo ko na ang karibal ko sa iyo. Akala ko akin ka na. Iyon pala gusto mo lang akong gamitin para sa sarili mong hangarin.2. Puwede rin ang kabaliktaran. Mag-isip ka ng sitwasyon ng bayan. Paano ito katulad ng isang kuwento ng pag-ibig? Hal. Ipinaglaban ng mga Pilipino na magkaroon sila ng sariling gobyerno. Naging malaya na tayong mamahala sa sarili. Pero ang gobyernong Pilipino mismo ang nanloloko sa taumbayan.3. Gumawa ng maikling tula tungkol dito. Malaya kang gumamit ng anumang porma. Maaaring may sukat at tugma tulad ng tradisyonal na tula at awit. Maaari ding malayang taludturan tulad ng modernistang tula. Halimbawang tradisyonal: Mga kamay ko, marumi’t duguan, Anong tagal kitang ipinaglalaban, Ngunit nang akalang ika’y akin lamang, Hangad mo lang pala’y aking kayamanan.Halimbawang Modernista: Noong nasa Malate ka pa, inagaw kita sa kanila. Hindi ka na babalik, nangako ka, ako lang ang lagi mong kasama. Pero bakit halik mo, katumbas ng pera? Sa regalo ka lang lumiligaya? Hanggang ngayon ba isa ka pa ring kalapating mababa ang lipad?4. Puwedeng bigkasin sa klase ang naisulat. Puwede ring ilagay sa isang blog. Puwede ring idaan sa maraming pagpapakinis—sa tulong ng kaklase, sa tulong ng guro, sa tulong ng grupo ng mga editor. 67
Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng HaponParehong tungkol sa kalikasan ang mga haiku at ang kuwentong binasa mo.Nakita mo rin kung paanong may simpleng paglalarawan at mayroon dingpaglalarawan na may ibang kahulugan.Mag-isip ng isang larawan mula sa kalikasan sa paligid mo o isang eksena saprobinsiya ng pamilya mo, isang larawang may sinasabi tungkol sa bayangPilipinas at ilagay ito sa pormang haiku. 68
Puwedeng may pamagat, pero mas magaling ang wala at buo pa rin.Halimbawa:1Sa Katipunansa gilid ng bangketa—tumubong damo.2Alay kong rosas...mula pa sa halamangbigay ni nanay.3Cellphone—nahulog.Walang signal sa bundok.Puso’y tumibok.Ano ang larawan sa mga halimbawa?Ano ang posibleng sinasabi ng mga ito tungkol sa bansa?Puwede mong gamitin ang gabay na ito:Maaaring kolektahin sa isang kalipunan ang mga tula ng klase (parang sarilininyong Liwayway).Maaari ding samahan pa ng drowing o letrato.Maaari rin namang gawing poster at ilagay sa paligid ng klase, sa paaralan,sa Facebook, o sa Instagram. 69
70
8Panitikang Pilipino Filipino Modyul para sa Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Panitikang Pilipino – Ikawalong BaitangFilipino – Modyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-85-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ngpamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ariupang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon .Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCP angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig CityTelefax: Philippines 1600E-mail Address: (02) 634-1054 o 634-1072 [email protected]
PAUNANG SALITA“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyangmamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.”Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo angpagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng PanitikangPilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula samakalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapaymaipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanangangkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mgakagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sapagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa AsignaturangFilipino.Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upanghigit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunitna ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusayat kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isangPilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod panghenerasyon.
PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mgamanunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran angnaging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin angpagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaanna maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlanng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Naisnaming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang TagalogLamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-aniVirgilio Almario AgahanEdgar Calabia Samar PanaginipFray Francisco de San Jose Santa CruzGaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon NatinAndres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang LupaEmilio Jacinto PahayagSeverino Reyes Walang SugatGenoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang BataJose Corazon de Jesus atFlorentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisanJose Corazon de Jesus Bayan KoAlejandro G. Abadilla Ako ang DaigdigTeodoro Gener Pag-ibigAlejandro G. Abadilla Erotika 4Jose Corazon de Jesus Pag-ibigNarciso G. Reyes Lupang TinubuanGonzalo K. Flores TahimikDionisio Salazar Sinag sa KarimlanWilliam Rodriguez II Tabloid: Isang PagsusuriCarlo J. Caparas Mga Klase ng KomiksJeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng BituinLualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at DaigdigHowie Severino, Sine Totoo,At GMA Network Papag for Sale
Talaan ng NilalamanPANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN......................................... 99Dula: “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar ............................................100Mga Aspekto ng Pandiwa.......................................................................... 121 Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat ...........................123
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLANMga Aralin Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar Mga Aspekto ng Pandiwa Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at PagsalungatTulad ng sa iba pang panahon, malaki ang papel na ginampanan ng panitikansa buhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan. Tumutukoy angpanahong ito sa mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig atsa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Naranasan ng mgaPilipinong manunulat na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sapamamagitan ng mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isangdiwang makabansa.Upang maunawaan ang konteksto ng panahong ito, magbabalik-tanaw tayosa mga manunulat at akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ngPananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlansa tulong ng isang timeline. Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B namanang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingisa timeline. Gawin sa sagutang papel.Panahon ng Panahon ng Panahon ngAmerikano Komonwelt Kasarinlan 99
Dula: “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio SalazarIsa sa mga akdang pampanitikang nakilala sa panahong ito ay ang dulang“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar. Upang mabigyan tayo ng sapat nakaalaman tungkol sa akda, kilalanin muna natin ang anyo ng dula at siDionisio Salazar. Gawin din ang sumusunod:1. Ilarawan ang mga kailangan, katangian, at hakbang ng isang dula-dulaan(role play) o larong akting-aktingan. Ayusin ang inyong mga sagot sapamamagitan ng dayagram sa ibaba. Magbigay din ng isang halimbawa ngginawa o linahukang dula-dulaan o akting-aktingan sa loob o labas man ngpaaralan. 100
2. Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba atpagkakatulad ng maikling kuwento at dula. Maaaring gamitin bilang batayanang ginawa sa panimulang pagtataya sa araling ito. Gawin ito sa sagutangpapel.Ang DulaIsang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino. Ipinakikita ritoang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sakasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ngKasarinlan, naipagpatuloy ng mga manunulat ang paggamit ng dula bilangisang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sapaggising ng damdamin, at sa pagpapakilos ng sambayanan.Maliban sa sarsuwela na isa sa mga uri ng dulang pantanghalan na ipinakilalasa iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri angdula. Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa pamamagitan ng kilos atgalaw sa tanghalan. Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaringnaghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibangkatha, ang dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ngpagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkatbukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan. 101
Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng sumusunod na sangkap:a) tanghalan – kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghalb) iskrip – itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskripc) aktor – gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksiyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonoodd) direktor – nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskripe) manonood – mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghalf) eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo ang nagpapalit ng mga pangyayari sa dula.Nakatulong nang malaki ang dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ngpanitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw namailarawan nang buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyangkalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na isang mabisangkasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ngdamdamin at sa pagpapakilos.Si Dionisio SalazarTubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919 si DionisioSantiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (kursongAB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kaniyang MA). Hindi matatawaranang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9) na nobelangkaniyang isinulat at nailathala. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ngCarlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula,Manila Cultural Heritage Award, at TOFIL Awardee for Drama and Literature.“Sinag sa Karimlan”Bago basahin ang dulang “Sinag sa Karimlan,” gawin ang sumusunod:1. Isulat ang iyong hinuha o palagay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat ng akda. 102
103
SINAG SA KARIMLAN Dionisio S. SalazarMGA TAUHAN : Tony, binatang bilanggo Luis, ang ama ni Tony Erman, Doming, at Bok, mga kapuwa bilanggo ni Tony Padre Abena, pari ng Bilibid Miss Reyes, nars Isang TanodPANAHON: KasalukuyanTAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.ORAS: UmagaPROLOGO:Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ngkatarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ngpuso’t diwa … waterloo ng kasamaan … Hamon sa pagbabagong buhay …May mga maikling gayong dapat hubdan ng maskara at sa sinapupunan nitokailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sabatas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad,kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rinsinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan … Marami nanglubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kunggaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak … May sala o wala, angbawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayanDoming : (Bibiling sa higaan, iangat ang ulo, at tatanungin si Bok) Tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING. Ba, sino ‘yan? … (Ingunguso si Tony.)Ernan : Ewan, hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-duguan siya.Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni Bok.)Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa …Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.Doming : Hisi lang, Tsokaran. 104
Bok : Tuluyan nang babangon: (matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat akoDoming kagab-i. Galaking sugat n’ya. (Titingnan si Tony.) (KikilosBok sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)Doming : Kilala mo siya, Bok? : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig n’yo gigisingin ko … : Ba, ‘wag! (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyoErnan …Tony : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?Ernan : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) TonyTonyErnan ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba,Bok di ho ba? : Ako nga.Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!Doming : Salamat, Tony.Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang.Tony Marai padrino. Yeba! … (Mangingiting makahulugan ang lahat.)Ernan : (Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?Bok : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? …Doming (Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama kaTony a ‘ming Batsi Gang, ha? : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga Ernan barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House. : Mukhang makulay ang … Puwede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay? : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t, Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan, ber? At … teribol yang blakay mo. Yawa. : (Mapapansin ang pangangasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba,Tony? : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay- patayan lang ako kaya … Aruy! : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan! (Kay Tony) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na. 105
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena …sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran … Me parusa sa bawat kasalanan!Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!Bo : (Ngingiti-ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; saTony himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalakiBok naganakaw milyun-milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!Doming : Me relihiyon ka ba, Bok?Ernan : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko saTony kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa. : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ayTony masyadong kontrobersiyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kayaDoming … di dapat pagtalunan.Bok : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? KungTony walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong diBok nagkakaisa’y pirming nag- aaway.Tony : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. : Elementarya lamang ho ang natapos ko. : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony! : Iimbitahin kita, Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak. : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno … Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida. Natural, nag-away sila … Umalis si Tatay. Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako … 106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa, gawin angsumusunod:1. Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa akdang binasa. - May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. - Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas? - Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya? - Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? - Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapuwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit? - Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang dula sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan?2. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin, at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa. Gawing batayan ang kasunod na tsart. 119
3. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita sa katangian ng isang dula.Mga Aspekto ng PandiwaBalikan natin ang pinakahuling bahagi ng dula. Tingnan ang mganakasalungguhit na salita.P. Abena : (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad … (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan- dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. 120
May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo nang marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag- ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa aynagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito angnagtutulak ng pag-usad ng salaysay.May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindipa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapino ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa:aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilosna nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo kungnagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos atkasalukuyan pang ipinagpapatuloy; aspektong kontemplatibo aynaglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan; at aspektong perpektibongkatatapos kung nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimulao naganap ang kilos.Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga aspekto ng pandiwa, gawin angsumusunod.1. Balikan ang dula at ihanay ang mga pandiwang nakapaloob dito ayon sa mga aspekto nila.2. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagayay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ngpagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sagagawing pagsasalaysay.3. Sinasabi na kung walang guro, walang iba pang propesyon tulad ng doktor,abogado, at inhinyero. Kaya naman dapat lamang kilalanin angmahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng lipunan. Kaugnay ngpaksang ito, gumawa ng isang maikling dula na nagpapakita sa halaga ngmga guro. Tiyakin na ito’y a) malikhain; b) nagkakaugnay-ugnay ang mgaeksena o pangyayari; at c) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa. 121
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at PagsalungatMahalagang aspekto ng dula ang mga manonood. Dahil itinatanghal ito,nalalaman ng mga nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyonng mga nanonood. May mga dula pa ngang interaktibong nakikibahagi angmga manonood sa pagtatanghal. Kahalintulad sa dula, nakapagbibigay din saibang anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan, nakita,napanood, narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikitang mga manlilikha. Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayono pagsalungat.Isang paraan ang pagsang-ayon o pagsalungat upang magingkapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mgapalapalagay, opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagangmalaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ngpagsangayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon atpagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti atmagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa isyu. Iwasang gumawa ngdesisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ngnakararami.Mga Halimbawa:* Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din ang palagay ko.* Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit… Ikinalulungkot ko ngunit… Nauunawaan kita subalit. Ayaw. 122
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga pahayag ng pagsang-ayon atpagsalungat, gawin ang sumusunod:1. Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula. a. Pananaw ni Mang Ernan sa buhay b. Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama c. Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony d. Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis2. Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil dito. - Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula. - Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng indibidwal na nakukulong. - Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki.3. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek () ang bilog katapat ng iyong sagot at saka ipahayag ang iyong pangangatwiran sa patlang. 123
124
125
3. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw aynaimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-workshop tungkol sa “Dula atDulang Tagalog sa Modernong Panahon.” Isa sa bahagi ng naturang seminarang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistangnagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ngindie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip nanaglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapositatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sasumusunod na pamantayan: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining,d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahaging dula, g) kahusayan sa pag-arte, at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.4. Ang layunin sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sapamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang videopresentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sakasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang sitwasyonupang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay angpagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ngtrabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang programa angDepartamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang Pilipinosa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikanang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang tagapangulo ngdepartamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo nahikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa atingpamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at itanghal ang isangvideo presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipinas na nagpapatunay na“It’s More Fun in the Philippines.” Sa nasabing presentasyon ay makikita angkulturang Pilipinas na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya.Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sapananaliksik; b) makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sapaksa; f) napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang videopresentation. 126
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242