8Panitikang Pilipino Filipino Modyul para sa Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Panitikang Pilipino – Ikawalong BaitangFilipino – Modyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-85-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ngpamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ariupang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon .Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCP angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig CityTelefax: Philippines 1600E-mail Address: (02) 634-1054 o 634-1072 [email protected]
PAUNANG SALITA“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyangmamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.”Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo angpagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng PanitikangPilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula samakalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapaymaipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanangangkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mgakagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sapagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa AsignaturangFilipino.Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upanghigit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunitna ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusayat kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isangPilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod panghenerasyon.
PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mgamanunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran angnaging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin angpagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaanna maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlanng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Naisnaming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang TagalogLamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-aniVirgilio Almario AgahanEdgar Calabia Samar PanaginipFray Francisco de San Jose Santa CruzGaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon NatinAndres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang LupaEmilio Jacinto PahayagSeverino Reyes Walang SugatGenoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang BataJose Corazon de Jesus atFlorentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisanJose Corazon de Jesus Bayan KoAlejandro G. Abadilla Ako ang DaigdigTeodoro Gener Pag-ibigAlejandro G. Abadilla Erotika 4Jose Corazon de Jesus Pag-ibigNarciso G. Reyes Lupang TinubuanGonzalo K. Flores TahimikDionisio Salazar Sinag sa KarimlanWilliam Rodriguez II Tabloid: Isang PagsusuriCarlo J. Caparas Mga Klase ng KomiksJeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng BituinLualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at DaigdigHowie Severino, Sine Totoo,At GMA Network Papag for Sale
Talaan ng NilalamanMGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN............................ 128Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan................................................ 130Pahayagan (Tabloid)................................................................................. 130“Tabloid: Isang Pagsusuri” ni William Rodriguez II.................................... 130Magasin.................................................................................................... 132Komiks....................................................................................................... 133Mga Antas ng Wika.................................................................................. 136
MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKANMga Aralin Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan - Pahayagan (Tabloid) - Magasin - Komiks Antas ng WikaMasasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundomaging sa ating bansa. Ang paglaganap ng internet, pag-usbong ng iba’tibang social media network gaya ng Facebook at Twitter, gayundin angpagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga website gaya ngYouTube, ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Angpagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyong panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyonito. Paano nga ba naiiba ang tradisyonal na uri ng panitikan sa panitikan sakasalukuyan? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal napanitikang Pilipino tungo sa panitikan sa kasalukuyan? Upang simulan angpagkilala sa ilang anyo ng kontemporaryong panitikan, gawin angsumusunod.1. Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa ibaba.Gabay 1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista 2. Pahayagan ng masa 3. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon2. Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle. 128
129
Mga Anyo ng Kontemporaryong PanitikanMasasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ngmodernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan naang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasinay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ngpanitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, atkaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.TabloidMula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mgabalita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sahigaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sanangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng printmedia ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyangblog sa “Sanib-Isip” (http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid. Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez IIBuhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kayalang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikitasa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unanglumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak angnasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mganilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ngdiyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,literatura, o di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata anglahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oraskapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil saTagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katuladsa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. \"Yun nga lang satabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya'ttinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita angmagagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ngaklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasamasamang balita? 130
Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang namansa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama ang mgadiyaryo na wala sa merkado na kaya lang nakakapagpatuloy ay dahil sapagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin sa broadsheet atmayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo.Mapapansing marami sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang nagtatampokng mga istoryang tungkol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ngkababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila anglibido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mgatabloid dahil sa ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smuttabloid na sagad sa kalaswaan!Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipanng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang indibidwal o kahitinstitusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa ring tabloid. Siyempre,kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng alternatibong pamamahayag.Upang pagyamanin ang kaalaman sa tabloid, gawin ang sumusunod:1. Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa broadsheet? b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na` internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?2. Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mgabahagi o pahina nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay kung bakitinilagay ang bahaging iyon at kung ano ang inaasahan nitong mambabasa. Pangalan ng Tabloid: Petsa ng Pagkakalathala:3. Kumapanayam ng hindi bababa sa tatlong tao na palagiang nagbabasa ngtabloid. Suriin kung ang ilang pahayag na inilatag sa pagsusuri ni WilliamRodriguez II ay tumutugma o sumasalungat sa sagot ng kinapanayam mo,lalo na sa mga dahilan ng pagbabasa nila ng tabloid. 131
MagasinHindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago paman ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito aytalaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilandin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina angproduksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nangmagpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura, at aliwan.3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na 133 kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga ng mga gadget.9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo 132
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga magasin, magsagawa ngpananaliksik sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular namagasin ang binabasa nila. Gamiting gabay sa pananaliksik ang kasunod nabalangkas na nasa ibaba.KomiksAng komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ayginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglamanang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mgalarawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng tekstoupang higit na makaapekto nang may lalim. Bagama’t palagiang paksangkatatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ngsining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan angmga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. 133
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular nababasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman,at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mgamanunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.Ang pagiging malikhain ng mga manlilikha ng komiks ang nagpagalawmaging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ngiba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika.Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugadnila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay mayiba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ngmga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maramingpinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig. 134
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas itosa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920.Magmula rito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiksnoong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at SilanganKomiks noong 1950.Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ngkomiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at hitsura ngkomiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinaspara magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sinaAlfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, at iba pa. Pagkatapos ng BatasMilitar muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikatang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral.Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamanghanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibanganyo ng paglilibang.Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin angindustriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas.Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyonal nakomiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komikscaravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ngkomiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador,world-class ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilalaang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaingpagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mgakomikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan,Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks.Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindimamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal atteksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipinohangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig paramakabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”Upang pagyamanin ang kaalaman sa komiks, gawin ang sumusunod.1. Sagutin ang sumusunod na tanong. a. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?b. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon, at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?2. Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng comic strip upang makabuo ng isang kuwento. 135
Mga Antas ng WikaAng mga nabanggit na anyo ng kontemporaryong panitikan ay gumagamit ng iba’tibang antas ng wika. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan angpambansa, pampanitikan, at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman aylalawiganin, kolokyal, at balbal.Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang balbal 1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-arawaraw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal. 2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit. 136
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga antas ng wika, gawin ang sumusunod: 1. Sumuri ng tig-iisang tabloid, magasin, at komiks. Tingnan ang antas ng wikang ginagamit ng mga ito at kung bakit ganoon ang mga ginagamit nilang antas ng wika. Pangalan Antas ng Wika Bakit ganito ang Antas ng Wika?MagasinTabloidKomiks2. Kumapanayam ng tatlong tao na may iba’t ibang uri ng trabaho (tulad ng guro, kaibigan, at magulang). Ilarawan ang antas ng wika nila. Paghambingin ang mga antas ng wikang ginagamit nila.PANGWAKAS NA PAGTATAYABatay sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika, bumuo ngisang literary folio ng klase na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isangbarangay. Narito ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng folio. 1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng pabalat ng aklat, at kinakailangang mga larawan. Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales Lungsod ng Mandaluyong KALSADA-PASADA (Mga Akdang Napulot sa Kalsada) Literary Folio 2012Sumulat ng Panimula, Pasasalamat, at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyongliterary folio. 137
1. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula, at iba pang akdang pampanitikan. 2. At ang pinakatampok sa literary folio ay ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit.Ang sumusunod naman ay ang pamantayan sa pagsuri sa gagawin ninyong literary folio. Mga Pamantayan 54321A. MalikhainB. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap)C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan)D. Pormal at responsable ang gamit ng wikaE. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas) LEYENDA Napakahusay20 – 25………………………………………………... Mahusay15 – 20 ………………………………………………. Katamtamang Husay10 – 15 ……………………………………………….138
8Panitikang Pilipino Filipino Modyul para sa Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Panitikang Pilipino – Ikawalong BaitangFilipino – Modyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-85-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ngpamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ariupang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon .Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCP angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig CityTelefax: Philippines 1600E-mail Address: (02) 634-1054 o 634-1072 [email protected]
PAUNANG SALITA“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyangmamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.”Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo angpagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng PanitikangPilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula samakalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapaymaipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanangangkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mgakagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sapagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa AsignaturangFilipino.Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upanghigit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunitna ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusayat kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isangPilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod panghenerasyon.
PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mgamanunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran angnaging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin angpagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaanna maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlanng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Naisnaming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang TagalogLamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-aniVirgilio Almario AgahanEdgar Calabia Samar PanaginipFray Francisco de San Jose Santa CruzGaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon NatinAndres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang LupaEmilio Jacinto PahayagSeverino Reyes Walang SugatGenoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang BataJose Corazon de Jesus atFlorentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisanJose Corazon de Jesus Bayan KoAlejandro G. Abadilla Ako ang DaigdigTeodoro Gener Pag-ibigAlejandro G. Abadilla Erotika 4Jose Corazon de Jesus Pag-ibigNarciso G. Reyes Lupang TinubuanGonzalo K. Flores TahimikDionisio Salazar Sinag sa KarimlanWilliam Rodriguez II Tabloid: Isang PagsusuriCarlo J. Caparas Mga Klase ng KomiksJeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng BituinLualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at DaigdigHowie Severino, Sine Totoo,At GMA Network Papag for Sale
Talaan ng NilalamanANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO AT PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO.................................................. 139Ang Radyo at Pananaliksik.................................................................. 143Kuwentuhang Media mula sa Online Balita......................................... 148“Kislap ng Bituin” ni Jeystine Ellizbeth L. Francia................................ 156Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal........................................ 159Broadcast Media.................................................................................. 163
ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGOAT PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINOMga aralin Ang Radyo at Pananaliksik Kuwentuhang Media mula sa Online Balita Konsepto ng Pananaw Dokumentaryong Pantelebisyon “Kislap ng Bituin” ni Jeystine Ellizabeth L. Francia Dokumentaryang Pantelebisyon Araling Pangwika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Broadcast MediaPanimulang Pagtataya: Paborito Ko! Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo pinanonood o pinakikinggan ang mga programang iyong nabanggit. Madalas na Pinanonood sa Telebisyon: _________________________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: ___________________________________ ___________________________________ _____________________________ Madalas na Pinakikinggang Programa sa Radyo: ___________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: ______________________ _________________ 99
Motibasyon: Pagkilala sa MediaAng bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malamankaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ngpuzzle. Unawain at limiin ang isinaad na datos upang maibigay ang tamang sagot.Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin atgawin ito sa papel.1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.2. Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang mamamayansa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan, at impormasyon sa bayan man sanayon.4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.5. Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.T E L E B I S Y O NM VL M N H I E A Y O A UME JO S H I D I E T S UL I RABAL I TA I SECACR I STYSKAO M A R I C A R RO A KDO K UM ENTAR YOGawaing Bahay: Mga Kilalang Boses sa Loob ng MediaMaraming tao ang lumalabas sa telebisyon at radyo. Karamihan sa kanila ay kilalahindi lamang dahil sa kalidad ng kanilang mga pag-uulat kung hindi pati na rin saparaan ng kanilang pananalita. Bumuo ng isang grupo at pumili ng isang kilalangprograma sa radyo o telebisyon, subukang pagaralan ang paraan ng kanilangpananalita at pagbabalita. Iprisenta ang paraan ng pagbabalita ng mga nasaliksik saklase. 100
Mula sa mga gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay angpakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago angating kultura at panitikan? Paano ito naipakilala ang ilang bagay na dapat talakayinsa ating bansa?Pagkilala: RADYOrific ang HatidTuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit angarrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasagitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mgapahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.naghahatid ng nagpapahatid ng nagpapalabas musika mga panawagan ng pelikulanagpapalabas nagpapalabas ng variety ng teledramanagpapakilala ng nakikinig ng isang produkto mga awitnaghahatid ng mga nagbibigay ngtalakayan / pulso ng opinyon kaugnay ng isang paksa bay ƒ naghahatid ng napapanahong balitaMapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa pagkakaroon ngkamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo rin kung paanomakasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ngpananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaringmakatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki angnaging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ngpanitikang popular? Ipaliwanag. 101
Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain ang mga komentaryong panradyo.Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyongginagalawan, ang “Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang komentaryongpagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo nakomentaryo ang lapat.Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyongpinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at itoang Kaboses Mo.Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!Macky: Magandang umaga partner!Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!Roel: Sinabi mo pa, partner!Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, “Pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.” Roel: Naku! Naloko na! 102
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/Mga Gabay na TanongAno ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayagmula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon na nabasa mo na ang isanguri ng programang panradyo punan mo naman ang kasunod na tsart. Unahingsagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum,na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito.Motibasyon: RadyopinyonBasahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positiboat negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel. K W H LAno ang alam mo Ano ang nais mong Paano mo makikita Ano ang na? malaman? ang nais mong iyong natutuhan/ maunawaan? naunawaan?Aralin: Ang Radyo at Pananaliksik Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at telebisyon ay angpagpili ng paksang tatalakayin sa palabas. Maaaring isipin na tulad din ito ng pagpili sa mgasasabihin sa pagsulat ng isang sanaysay o sa isang proyekto. Ibig sabihin dapat na mahalagarin ang pagpili ng mga makabuluhang paksa sa mga pag-uusap sa radyo o telebisyon. Sabahaging ito susuriin natin kung papaano tayo matutulungan ng ilang gawain nila sa atingpananaliksik. 103
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod: a. Politika b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinigHindi mahirap alamin ang interes ng mga tagapakinig dahil sa iba’t ibang pamamaraan ngmga istasyon sa pagkilala sa manonood at tagapakinig. Subalit hindi nila maaaring kunin sakung saan lang ang kanilang impormasyon. Dahil dito dapat silang manaliksik tungkol sa mgagustong mapakinggan ng kanilang mga tagasubaybay. Ilan sa mga maaari nilang gamitin saganitong pananaliksik ay ang survey at panayam.Survey:Gumagamit sila ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga programa.Maaari din silang kumuha ng mga panayam tungkol sa kanilang mga programa. Angsumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey. 1. Multiple Choice – ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik. Tingnan nang mabuti ang mga sitwasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang sa tingin mong sasabihin mo? 1. Katatapos lang ng inyong klase. Tinawag ka ng kaibigan mo para kumain ng tanghalian. a. “Wait lang! May pinapakuha si Ma’am sa may Xerox.” b. “Sandali lang! May pinapakuha si Ma’am sa may Xerox.” c. “Please wait for me! I’ll just get something from the Xerox.” 2. Pumasok ka sa iyong klase nang ika-pito ng umaga ngunit matapos ang ilang minuto, kinansela ang klase dahil sa bagyo. a. “I hate the rain. I should still be sleeping at this moment!” b. “Kainis naman tong ulan. Dapat tulog pa ako eh!” c. “I hate the rain. Dapat tulog pa ako eh!” 3. Pinakuha mo sa iyong kaklase ang librong pina-photocopy. a. “How much lahat? May barya kayo sa one thousand?” b. “How much? Do you have change for one thousand?” c. “Magkano lahat? May barya kayo sa isang libo?” 104
4. May pagsusulit kayo at wala kang panulat. Hihiram ka sana sa iyong katabi. a. “May panulat ka pa ba na puwedeng hiramin? b. “May extra kang pen? Puwede borrow?” c. “Do you have an extra pen I can borrow?”2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng multiple choice maaari ding maglagay ng listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan. Isang halimbawa ang sumusunod.Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung Walang Sagot, at DS kung Hindi Sang-ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Mga Pahayag SA W DS1. Napalalakas ng wikang gamit ko ang aking loob.2. Madali akong naiintidinhan sa wikang ginagamit ko.3. Hindi nakalilito ang wikang ginagamit ko.4. Ang wikang gamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng klase.5. Naiintindihan ng lahat ang ginagamit kong pamamaraan ng pagsasalita.6. Madali kong naipapahayag ang aking mga ideya gamit ang aking wika.7. Pormal ang wikang ginagamit ko.3. Likert Scale – Ang Likert scale ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya. Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa Ingles at 5 bilang mas malapit saFilipino.Ingles Filipino1------------------2--------------------3------------------4-----------------5 Ilan lamang ito sa mga maaaring lamanin ng isang survey, maaariding ayusin at pahusayin ang paraan ng pagtatanong. Bukod sa mga itomaaari ding gamitin ang pagkuha ng panayam sa mga tagasubaybay. 105
Panayam Sa paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang mgadapat na gawin at tatanungin. Subalit kasabay nito ang pagiging handa rinsa pagbuo ng mga pagpapalalim na tanong. Totoong may mga gusto tayongmalaman subalit minsan ay di natin makukuha ang nais nating sagot.Minsan may pangangailangan ng pagdedetalye subalit kailangan pa ringtandaan na dapat ay nasa paksa pa rin ang mga tanong. Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o mapagkukunanng impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga libro o sa internet subalitmas makatotohanan ang impormasyon na manggaling mismo sa isangmapagkakatiwalaang batis. Ito ang tinatawag na pangunahing batis ngimpormasyon.BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK, BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SAPAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONGPANTELEBISYON 1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM * Magpaalam sa taong gustong kapanayamin * Kilalanin ang taong kakapanayamin * Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam Teknik sa Pakikipanayam Bago Magpanayam 2. PAKIKIPANAYAM * Maging magalang * Magtanong nang maayos. * Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa. * Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm Teknik sa Pakikipanayam Tagumpay sa Pakikipanayam 3. PAGKATAPOS NG PANAYAM * Magpasalamat. panayam * Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm Pagkatapos ng Panayam 106
Pagtatasa: Telehanayan ng Kasagutan Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyongnatamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihinginito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina sagutin ang unang apat nakolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralinkaugnay ng telebisyon.Pagpapalalim: Pagbuo ng Sariling PananaliksikBumuo ng grupong may tigatlo hanggang tiglimang miyembro at pumili ng isanggustong gawing paraan ng pananaliksik. Mula dito bumuo o humanap ng paksa atbumuo ng isang concept web. Iprisenta ito nang tulad ng isang skit ng talakayan opag-uusap tao tungkol sa napiling paksa. Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.Ehersisyo: RadyomentaryoBilang bahagi ng iyong gawain puntahan ang alin man sa mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita. http://www.tv5.com.ph/ click radyo5 http://www.interaksyon.com/article/42031/te odoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi tunein.com/ radio /Radyo-Patrol-630-s14674/ radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92 3-news-fm-online/ 107
Para sa mga walang internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anumang estasyon saAM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.Tandaan: Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa: 1. Pamagat ng paksang tinalakay, 2. Mga batayan ng mga salaysay, at 3. Mga paksang pinag-uusapan. Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang iyong napakinggan? 2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista? 3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo? BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN 1. Magsaliksik ng mga impormasyon 2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat 3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa KUWENTUHANG MEDIA Posted by Online Balita on June 2nd, 2012 Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ngkaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ayTuesday Club sa Pasig City. Magagaling, matatalas, at analitikal ang kanilang mga pananawsa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal, atni CJ Renato Corona. Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina ManilaBulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA Vice President forCommunications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak(Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernandoat ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic Editor Manuel Almario; columnistBoo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at ibapa. Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan,biruan, at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda, at sariwang opinyon, 108
analisis, at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidado usapin. Ang club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal. Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkolsa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ngdambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis angChina sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United NationsConvention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialamang US sa usaping ito. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang USforces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China angBajo de Masinloc. Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulinganang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ngbansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan? 2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye? 3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?Pagtatasa: RadyopormasyonPagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan angkasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel. Mga nagpapahayag ng impormasyon Mga pahayag ng mga personalidad Sariling pananaw 109
Motibasyon: Radyotik na mga Titik Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrippanradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na “konsepto ng pananaw.” Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media, hanapin ang mga salitangtumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot samga bilog. Gawin sa sagutang papel.Ugnay WikaNarito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano angtinatawag na Konsepto ng Pananaw. 1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao. Tulad nito: Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano. 110
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/ palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito. 2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa: Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.RADYOMENTARYONG MAKABAGO Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino. Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L. K W H LPagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, bigyang-pansin ang mgabagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang masmalawak at mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan.Sa huli, gumawa ng isang komentaryong sanaysay na tumatalakay sa isang napapanahongisyu. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan. 1. Dalawang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw. 2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw. 111
Konteksto: Subukang gumawa ng pag-uulat sa susunod na sitwasyonBilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ayinanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang panradyobilang pagbibigay-pugay sa isang award winning radio broadcaster/ komentarista namula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kaniyang ika-60, kaarawan; kasabayng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club. NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYOPamantayan Napakahusay Mahusay 3 Umuunlad 2 Nagsisimula 1 Kabuuang 4 MarkaMasaklaw na Komprehensibo Masaklaw, Makabuluhan Maypaglalahad ng at makabuluhan at makabuluhannapapanahong makabuluhan at napapanahon napapanahon atimpormasyon ang ang mga ang mga napapanahong napapanahong impormasyong impormasyong mgaMasining at mga inilalahad sa inilalahad sa impormasyongmaingat na impormasyong materyal materyal inilahad sapaggamit ng inilalahad sa alinsunod sa alinsunod sa materyalwika materyal paksang paksang tungkol sa alinsunod sa itinatampok. itinatampok paksang paksang ngunit may itinatampok mga detalyeng ngunit itinatampok. hindi nailahad limitado ang na higit na mga ito. Natatangi ang Masining at makatutulong sa Masining na paggamit ng maingat na pagtatanghal. ginamit ang wika ng wika ng nagamit ang Masining at kabataan sa maingat na karamihan ng kabataan nang wika ng nagamit ang pahayag sa wika ng nabuong higit pa sa kabataan sa kabataan sa materyal karamihan ng ngunit hindi inaasahang kabuuang pahayag sa maingat ang nabuong paggamit. pamamaraan sa pagpapahayag materyal. materyal. sa nabuong materyal. 112
Mahusay na Tipong Taglay ang Taglay ang mga Naipamalas saaspektong propesyonal ang lahat ngteknikal kailangang susing materyal ang pagkakagawa sa elemento sa elemento sa minimal na materyal dahil mabisang mabisang antas ng pagbuo ng pagtatagpitagpi sa husay ng pagbuo ng pagtatagpitagpi materyal. materyal at ng elemento at Naipapamalas naipamalas ang teknikal na ng mga elemento nito. ang kahusayan sa angkop na teknikal na pagganap. pagganap. teknikal na pagganap.Pagkapraktikal Ang mga Malinaw at Makabuluhan May mga inilahad na kapakipakinabang ang karamihan rekomendas-ng sa inilahad na yong inilahadrekomendasyon nnraeyagkgkomamiuseimpnaudnnaggsykoanhirpineaiklraoahmsaaednlandhaaastyaonng. rekomendasyon. ngunit hindi pangmatagalan malinaw ang iminumungkahi sa kamalayan ng ng mga madla. kaisipan. Kabuuang Marka Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel. ǣ ̴ ̴ ̴ ̴ ̴ ̴ Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailangbahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama ngasa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sapaggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga primetime na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita, at mga dokumentaryongpantelebisyon. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng BatasMilitar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa masmakabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala angtelebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng 113
bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikangmamamahayag na sina Cheche Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino,Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David, at iba pa. Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagkatitiwalaang dokumentaristang gayanila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan? Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isakang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung paanong ang bawat galaw ng tao satunay na buhay ay mabibigyang - kulay sa likod ng kamera, at kung paanong angkatotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sakaalaman ng bawat mamamayan.Panimulang Pagtataya: Paborito Kong Palabas! Simulan pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mgaprogramang pantelebisyon sa ibaba. Alin ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayonsa madalas na panoorin. Ipaliwanag kung bakit. ‡‡ ‡† ‡–ƒ™ƒ›ƒ–”‘ ƒ –ƒ‡†‘ ‰ ‹ ‘› ‰‡ ƒ–‡†ƒ–ƒ ‰ƒ™‹ ƒ–”‘ ƒ‰ƒ ‰ƒ› Ǧ ƒ †ƒ ™‡‡ –•‡ƒ”Telembistiga Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mgakahon. Subukang panoorin o saliksikin ang sumusunod na 114
palabas. Ipaliwanag ang pagkakatulad nila.STORYLINE INVESTIGATIVE S. O. C. O. DOCUMENTARIES KRUSADA REEL TIME REPORTER’S NOTEBOOKMga Gabay na Tanong 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit? 3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa? 4. Paanong maituturing ang telebisyon, bilang salik ng panitikang popular, upang maging isang malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan at ipaliwanag.Pagpapalalim: Gulong ng Buhay Telebisyon Magbigay ng mga dahilan kung bakit pinanonood ang programang pantelebisyon. Subuking sagutin ang sumusunod na tanong at ipaliwanag: Ano ang nakaeengganyong bahagi ng programa? 1. Saan ako interesado sa isang programa? Sa kuwento? Tauhan? Lugar na pinagkuhanan? 2. Ano kaya ang genre na kinabibilangan ng programang gusto ko?Panoorin: Teleisipan ng BuhayKung mayroon kang kompyuter at koneksiyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong“PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sahttp://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=relatedǤ Kung wala nama’ybasahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon. 115
“Kislap ng Bituin” Jeystine Ellizbeth L. FranciaPanganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy angaking isipan sa tunay na takbo ng buhay. Tinulungan niya akong buksanang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming tahanan.Ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga ito. Bukod sa mgapanonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino isa angdokumentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo sa Dilim” ang nagbukas samura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanongdapat ito’y pinatatatag.Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio isanglugar kung saan may mga guro at batang hindi alam ang salitang pagsukosa kabila ng kanilang sitwasyon sa buhay. Bagama’t kulong sila sa rehas ngkahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silangnagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas maliwanagang kanilang kinabukasan.Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, at sapaggabay ni mommy upang unawain ko ang mga ito, lalo kong pinatatagang matagal nang pangarap na maging sa hinaharap.Mula noon hanggang ngayon, pinangarap ko na maging isangtagapaglingkod ng mamamayan. Sumulat at maipakita sa lahat ang tunayna kaganapan sa buhay ng tao. Pangarap na makatulong sa ibang tao atmaging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaananng higit na atensiyon.Hawak ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ngdokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” at ang pagiging guro ni mommy,tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayan at sa mamamayan.Susulat ako ng mahahalagang impormasyong kakailanganin upangmamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay. Ipasisilip ko ang lente ngcamera upang baka sakali ay makita nila ang mga bagay na dapat nilangmakita, ang sakit ng lipunang aking ginagalawan ay higit kong madama atmaipadama sa buong mundo. Nais kong humawak ng panulat, bakasakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao sakanilang paligid. Hangad kong dumami ang mga katulad ni Myra, na sagitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitnang kadiliman ng paligid ay pilit na nilampasan ang lahat at naging isangganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na bituin namagsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna ng dilim. 116
Mga Gabay na Tanong: 1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo? 2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan? 3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito? Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain: Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturingding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip atdamdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirangpanlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon, atiba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isangnilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan, at pananaw ng isang nilikha aymaaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ngkomprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ngbuhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may malakingimpluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?” Mga Nauna Mga Nalaman at Mga Patunay ng Katanggaptanggapnang Nalaman Natuklasan Nalaman at na mga Paglalahat Kondisyon NatuklasanTelementaryoMaraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood.Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipanginilalahad nito. Gawin sa sagutang papel. 117
1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para _______________________. 2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain. 3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y _______________. 4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, _________________________________________. 5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” _______________________.Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong napuna? Tama,may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresyong nagpapahayag ngkaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresyongnagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinagugnay opinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayanglohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bungao kinalabasan. 1. Dahilan at Bunga/ Resulta Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito. Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/ sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pangugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso) 118
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang- ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, at bunga nito. 2. Paraan at Layunin Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso) Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.3. Paraan at Resulta Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta. 4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow. Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga) sana’y natuto ka nang husto. Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon) kung nag-aral kang mabuti. 119
At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: Kapag/ Sa sandaling/ Basta’t (pu + kondisyon + bunga) ` nag-aral kang mabuti, ` ` matututo ka nang husto. Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon) Kapag/ Sa sandaling/ Basta’t nag-aral kang mabuti.Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kungat karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan angbunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling … o basta’t upang ipahayagna maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.PagtatayaSinematotohanang KaganapanGamit ang mga salita o ekspresyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin angkaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.kaisipan kaisipan kaisipan 120
kaisipan kaisipan kaisipanPagkatapos mong makita ang mga larawan, sagutin mo ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang paksa ng mga larawan? 2. Mahusay bang nabubuod ng larawan ang paksa? Ipaliwanag. 3. Ano pa kayang problema sa lipunan ang mahusay na gawing paksa ng ganitong mga paglalarawan?Motibasyon: DokPanteleLayunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konseptotungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan.Sitwasyon: Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit ng wika ng kabataan sa kasalukuyan, b) may mga ekspresyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.Bumuo ng isang plano kung papaano iprepresenta ang mga ito.Bumuo ng balangkas ng takbo ng programa. 121
Pagnilayan at UnawainSa bahaging ito, subukang pagnilayan ang sumusunod na gawain upang higit mongmapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito.Inaasahan na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay aynaitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon angmahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod nadayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media saiba’t ibang kaparaanan sa ating araw -araw na pamumuhay. BROADCAST MEDIARADYO TELEBISYON 1 . pagbibigay ng impormasyon 2 . pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon 3 . pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin 4 . paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin 5. aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko ) Buuin ang pahayag Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay sapagkat______________________________________ ________________________________________________________.Pagpapalalim: Pagsasalin Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa aralingito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mongtanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mgaaralin kaugnay ng broadcast media, tiyak na matagumpay na naisakatuparan ang mgagawaing iyong isinagawa! Batid din ang papel na ginagampanan ng broadcast media sapaghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroonng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino.Nasa kabilang pahina ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan. 122
Isa kang mamamahayag o journalist / broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa. Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES. Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel.Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo odokumentaryong pantelebisyon: Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba? Ang Mundo Ba’y Sadyang sa Pera Umiikot? Pamahalaan, Lagi Bang Handa sa Panahon ng Kalamidad? Bagong Teknolohiya Sagot nga Ba sa Pag-unlad? 123
Katangiang Pang-MultimediaGumamit ng mga Gumamit ng Gumamit ng Di-gumamit nggrapiko, video, multimedia upang multimedia upang multimedia upangtunog, at iba pang maisagawa ang maisagawa ang maisagawa angmultimedia na presentasyon. presentasyon, presentasyon.makatutulong Sumunod sa batas ngunit may mgaupang higit na kaugnay ng pagkakataongmaging copyright sa nalalayo sa tema.makabuluhan ang paggamit ng Sumunod sa bataspresentasyon. multimedia kaugnay ngSumunod sa batas features. copyright sakaugnay ng paggamit ngcopyright sapaggamit ng multimedia features.multimediafeatures.Pagiging MalikhainAng presentasyon Ang presentasyon ay Sinubukang gamitan Walang ginamit na ng kakaibang mga kakaibang mgaay ginamitan ng ginamitan ng likhang sining upang likhang sining upang mahikayat ang mga mahikayat ang mgakakaibang mga kakaibang mga manonood. manonood.likhang sining upang likhang sining upangmahikayat ang mga mahikayat ang mgamanonood, manonood.makadaragdag sapagpapalabas nglayunin at tema ngpaksa.PagtatanghalPinaghandaang Pinaghandaang May mga ilang Di-napaghandaanmabuti ang bawat mabuti ang bawat pagkakataong ang pagsasalita atlinya at malinaw na linya at malinaw na kinabahan habang pagganap.binigkas ang bawat binigkas ang bawat nagsasalita.salita. Naipakita ang salita.kabuluhan ng paksaat tema nito. Bumuo muna ng concept web upang matulungan sa paghimay ng paksa. Isulat angmatatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat 124
nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubrik na ginamit sa pagtataya ngkomentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.Ipresenta sa klase ang nabuo, sa pamamagitan ng pagtatanghal ng script.Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:Rubrik para sa Multimedia PresentationPinakamahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula 1 4 3 2Nilalaman: Layuni nAng presentasyon ay Ang presentasyon May tiyak na paksa Di malinaw namay tiyak na layunin ay may tiyak na ang presentasyon naipakita ang paksao tema. Ang lahat ng paksa, at may ngunit ilang bahagi at ang karamihan saipinakita rito ay may kaugnayan ang mga lamang ang nagpakita bahagi ay walangtiyak na kaugnayan ipinakita rito sa ng kaugnayan sa malinaw nasa layunin at lubhang paksa. paksa. kaugnayan sa tema.makabuluhan.Nilalaman: Kongkl usyonGinamit ko ang aking Nakapaghinuha ako Sa tulong ng iba, Di naging madalinatutuhan at mga nang maayos na nakapaghinuha ako ang paghinuha kodati ng kaalaman kongklusyon mula ng isang magandang ng kongklusyon.upang mailahad ang sa mga datos na kongklusyon.aking pag-unawa sa nakalap.mga datos nanakalap. 125
Pangwakas na PagtatayaPunan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang isinasaad. 1. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, __________________________________________________________. 2. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay __________________________________________________________.Pagbuo ng sarili kong palabas:Bumuo ng grupong may tigatlong miyembro. Siguraduhing may isang mahusay gumuhit,magsulat, at magsalita sa bawat grupo.Para sa gawaing ito kailangang bumuo ang bawat grupo ng isang konseptong palabas.Konteksto: Ipalalabas ang pinakaunang episode ng inyong programa sa susunod na linggo.Para dito kailangang makabuo ng sumusunod: 1. Pamagat ng programa 2. Logo para sa programa 3. Script kung saan ipinakikilala ang layunin at punto ng programa. 4. Guhit ng sumusunod a. Talk Show – hitsura ng set b. Palabas tungkol sa krimen – hitsura ng set c. Palabas tungkol sa isyu - guhit ng lugar na bibisitahin 5. Mga elementong kailangan isama ayon sa format ng mapipiling palabas a. Talk Show – mga magsasalita at mga dahilan kung bakit sila iimbitahan b. Palabas tungkol sa krimen – isang kaso (maaaring inimbento) c. Palabas tungkol sa isang espisipikong isyu – lugar na bibisitahin at maikling paglalarawan dito. Kailangan ding magbigay ng dahilan kung bakit ito ang napili. 126
8Panitikang Pilipino Filipino Modyul para sa Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242