Panitikang Pilipino – Ikawalong BaitangFilipino – Modyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-85-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ngpamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ariupang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon .Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCP angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig CityTelefax: Philippines 1600E-mail Address: (02) 634-1054 o 634-1072 [email protected]
PAUNANG SALITA“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyangmamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.”Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo angpagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng PanitikangPilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula samakalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapaymaipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanangangkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mgakagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sapagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa AsignaturangFilipino.Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upanghigit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunitna ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusayat kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isangPilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod panghenerasyon.
PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mgamanunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran angnaging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin angpagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaanna maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlanng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Naisnaming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang TagalogLamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-aniVirgilio Almario AgahanEdgar Calabia Samar PanaginipFray Francisco de San Jose Santa CruzGaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon NatinAndres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang LupaEmilio Jacinto PahayagSeverino Reyes Walang SugatGenoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang BataJose Corazon de Jesus atFlorentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisanJose Corazon de Jesus Bayan KoAlejandro G. Abadilla Ako ang DaigdigTeodoro Gener Pag-ibigAlejandro G. Abadilla Erotika 4Jose Corazon de Jesus Pag-ibigNarciso G. Reyes Lupang TinubuanGonzalo K. Flores TahimikDionisio Salazar Sinag sa KarimlanWilliam Rodriguez II Tabloid: Isang PagsusuriCarlo J. Caparas Mga Klase ng KomiksJeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng BituinLualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at DaigdigHowie Severino, Sine Totoo,At GMA Network Papag for Sale
Talaan ng NilalamanDOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUMSA NAGBABAGONG PANLIPUNAN……………………………………. 168“Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?” ni Lualhati Bautista…………………. 171Elemento ng Pelikula……………………………………………………….. 176Mga Paraan ng Pagpapahayag……………………………………………. 180“Pintig, Ligalig, at Daigdig” ni Jet Oria Gellecanao………………………. 182GLOSARYO………………………………………………………………….. 194SANGGUNIAN………………………………………………………………. 201
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUM SA NAGBABAGONG PANLIPUNAN Mga Aralin x Mga Dokumentaryo at Pelikula x “Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?” ni Lualhati Bautista x Susog na Ugnay Panitikan: Dokumentaryong Pampelikula x Elemento ng Pelikula x Mga Paraan ng Pagpapahayag x “Pintig, Ligalig, at Daigdig” ni Jet Oria GellecanaoPagkilala sa mga Termino Panuto: Kompletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat bilang. 1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan. D _ _ u _ _ _ t _ _ y 2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak. S __d__t I_d____d_n_ _i_m 3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at diyalogo ng mga tauhan at artista. I _ _ _ i _ 4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng independent film ay si B _ _ l l _ n t _ _ e _ d o _ a. 5. Si _ o _ _ _ a _ _ i n ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng indie films. Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag natingpanitikang popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t tinawag itong “dokumentaryong pampelikula.” Lubhakang magiging interesado sa paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan aynabubuhay sa modernong panahon na laganap na ang mga modernong teknolohiya na naging bahagi na ngiyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahalagang tanong namagiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang dokumentaryongpampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan?Makatutulong sa iyo ang sumusunod na gabay na tanong upang sa pagtatapos ay masagot mo nang tama angmga ito. 6
Mga Gabay na Tanong: 1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito? 2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag? Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin, at mga pananaw para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin ang pormat.Panimulang Pagtataya: Pag-analisa Batay sa Nakasaad sa KahonPagmasdan at pag-aralan ang mga nakasaad sa kahon. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at pananawkaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa isangpirasong papel. 7
͵ Alin sa mga palabas o pelikula na ̴ nakalarawan ang iyong ̴ kinagigiliwan? Magbigay ng tatlo (3) ̴ at ipaliwanag kung bakit. ̴ ̴ʹ Ano-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang tumatak sa iyong ̴ isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit. Kung bibigyan ka ng pagkakataon,ͳ ano ang isang tanong na nais mong tanungin sa mga tao sa likod ng mga pelikula o palabas na ito?Pagtatasa: Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip) Suriin ang mga palabas na kinakatawan sa mga nabanggit na pamagat. Subukin mong ipangkat angmga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga itokaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. DOKUMENTARYO PELIKULAA. Pagkakaiba B. Pagkakaiba C. Pagkakatulad 8
Paunlarin Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto, ang iskrip ng pelikula. Makatutulong itoupang malaman mo kung paanong ang isang pelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkataoat pagbabagong panlipunan. Narito ang isang halimbawa ng isang pelikula at ang isang bahagi ng iskrip nito. Ito ay pinamagatang“Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?” mula sa panulat ng isang batikang nobelista na si Lualhati Bautista. Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang detalye nito para sa isasagawang mgapag-aaral at analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang saganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas malawak ang iyong magigingkaalaman sa isang pelikula na katulad nito. Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa? (Screenplay) Lualhati BautistaEKSENA 1 : School ground day.Magbubukas ang eksena sa isang choreographed dance number ng mga batang babaing kasali sa miss kinderbeauty contest. Ang tugtog: Butsiki.Graduation day ito ng kindergarten class. Puno ang school ground. May mga nanay pa nga na dala pati mgababy nila.Habang ginaganap ang sayaw, kanya-kanyang hanap ng magandang puwesto ang mga magulang na maydalang camera para makuhanan ang kanilang mga anak. Kabilang na sa kanila si Lea. Siyempre, nasakalipunan din ng mga tao sina Ojie at Ding. Nakasampay sa kamay ni Ojie ang toga ni Maya, isinusunod iyonkay Lea.Ojie : Nanay, eto ang toga.Lea : Mamaya na iyan, hawakan mo sandali.Ojie : Ang init-init na po, e! Ayoko nang grumadweyt! Gusto ko po bagsak na lang ako! 9
Isang batang lalaking ga-graduate ang basta na lamang umihi sa upuan niya. Nagpulasan ang mga tao. Tilianang mga babae, Aaaayyy! Aaaaayyy!Isang batang nagkikislapan ang damit na kulay gold ang kinukurot ng palihim ng kaniyang ina. Ina ng batang kumikislap ang damit: Tahan ka na sabi dyan! Putris ka, dalawang libo ang gastos ko sa baro mo!SUPERIMPOSE, TITLE AND CREDITSEKSENA 2 : School ground. Same day.Natapos ang sayaw ng grupo ng mga bata. Nagpalakpakan. Nagsalita na ang teacher-emcee sa stage.Teacher-Emcee : At ngayon naman, magpapakita ng kanilang angking talento ang mga kandidata. Sila ay aawit, tutula, at sasayaw. Tawagin natin ang candidate number 1 ... si Arlina de los Santos! (palakpakan)Hahabulin ni Ding si Lea papuntang backstage. Mabilis na iniabot ni Lea ang camera sa kanya. Sabackground, sumasayaw ng “Papa, Don’t Preach” ang kandidata.Lea : Hawakan mo, bibihisan ko yong bata!Ding : (pahabol, may warning) Meyk-apan mo naman kahit konti! Hindi mananalo iyan! (kakalabitin ni Ojie si Ding)Ojie : (impatient na): Tatay Ding, eto yong toga.Ding : Mamaya na iyan. Tutula pa raw yong kapatid mo.EKSENA 3 : School ground. Same day.Makikita sa camera na halos natataranta ang mga ina sa pagbibihis ng kanilang mga anak. From long gown tocasual na kasi ang susunod na eksena. Naghahabilin ang bawat isa. Nag-ooverlapping ang mga diyalogo.Mother 1 : Iyong lines mo, huwag mong kakalimutan ha (kakanta sabay sayaw) “Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe, Matayog ang pangarap ng matandang bingi!” 10
Lea : (Habang binibihisan si Maya) Huwag kang kakabahan. Basta’t banat lang nang banat, tapos! Katuwaan lang naman ‘to. Ang importante, kung ano ang laman ng utak at puso. Hindi ng mukha (itataas ng daliri ang baba ng anak) Sige, ha? Pagbutihin mo! Shot ng emcee sa stage. Emcee : Ang susunod naman pong magpapakita ng kaniyang talento ay si candidate number 7. Estudyante ni Miss Maglinao, kinder, section Pussycat, 7 years old, math ang favorite subject niya: Maria Natalia Bustamante Gascon.Sisiksik si Lea papunta sa unahan, nakaumang na ang camera. Kasunod niya sina Ding at Ojie. Lea : Excuse me po! Excuse me po! Sa stage, uumpisahan na ni Maya ang kanyang tula.Kumpleto sa acting. Maya : Ang tiyan ng nanay, malaki’t mabilog. Ano iyon? Tanong ni Ojie sa nanay. Bola? Bola ng basketbol? Hindi, iba. Puwedeng paglaruan? Hindi at may laman. Ano ang laman, ha ‘Nay? Sorpresa, sorpresa! Ang sorpresa nang lumabas, ako pala! Paanong ang bola ay naging si Maya? Biglang tawa si Nanay: “Paglaki mo na Ojie ... saka mo malalaman.” Ding : (kay Lea) Turo mo, turo mo yon? Pambihira ka ... hindi mananalo yon!Magsisimula na ang graduation march. (Sa backstage) Nakaupo si Lea sa harapan ng anak, mini-medyasanniya ito para sa sapatos na itim. Ding : (kay Maya) Sana naman anak, iba na lang ang tula mo. Hindi mananalo iyon. 11
Lea : Di bale, kahit hindi manalo ‘no! Hindi naman ‘yan pagandahan.Ding : Pambihira ka! E ba’t sumali ka pa sa beauty contest?Maya : (Medyo magsisimangot konti) Kuya, akin na ang toga ko, maka-Ojie graduate na. Kukunin na ni Lea ang toga. Hindi pa rin ibababa ni Ojie ang kamay niya. : (medyo naaasar na) Gusto n’yong itanong kung anong nangyari sa kamay ko? Namatay na, o ... naging bato na!Sa isang banda, medyo pa-ismid na binibihisan ng nanay ang batang nakagold na pahikbi-hikbi pa rin.Ina : Wala na, natapos na ang Miss Kinder. Ang mahal-mahal pa naman ng baro mo. Dalawang libo iyan.Aatungal na naman ang bata.Pagpapalalim: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw)Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin ang sumusunod na tanong upang makuha ang bandila. Lalo panitong palalalimin ang kaalaman, pagkilala sa sarili, at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot sapapel. 12
Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng mga pelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular? Ipaliwanag. Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na mag-aaral at pagiging masunurin sa iyong mga magulang? Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama kapag hindi ka masyadong pinahahalagahan ng iyong pamilya? Paano mo ito sinasabi sa iyong mga magulang? Paano mo bibigyang-kahulugan ang bawat eksena sa pinanood mong pelikula? Ano ang naging implikasyon sa iyo nito at sa taglay mong katauhan bilang isang bata o isang kabataan ngayon sa ating lipunan? Paano mo ilalarawan ang mga pangunahing tauhan sa pelikula, ayon sa mga taglay nilang katangian? Ipaliwanag. Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata mo pa sa iyong edad, mayroon ka na bang natatanging mga pangarap sa buhay? Higit pang palawakin ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan: 13
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigayimpormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan, at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga dokumentaryong pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang aktuwal na tanawin o eksena. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng travelogue, newsreel tradition, at cinema truth. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging wartime propaganda, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng filmmaker o tagalikha ng pelikula at ng kaniyang film subject o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa, at makabuluhan ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na din ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga independent o indie films, short films, advertisements, at mga video advocacies bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.Aralin: Elemento ng Pelikula Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento: Mga Elemento ng Pelikula a. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. 14
c. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood. Iba pang mga Elemento a. Pananaliksik o Research – Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. c. Pagdidirihe – Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras / panahon ang isang pelikula.Gawain: Patinikan sa PanitikanSa panonood mo ng mga dokumentaryo at pelikula ay may mga senaryo na nakintal sa iyong isipan.Marahil tumagos pa nga sa iyong puso’t damdamin. Iguhit sa loob ng kahon ang ilan sa mga eksenangiyong naibigan. Ipaliwanag kung ano ang kahulugan nito. Gayahin ang pormat. ̴ ̴̴ ̴ ̴ ̴ ̴ ̴ 15
̴̴̴̴̴̴̴̴ Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera 1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na scene-setting. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo. 2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye. 3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel. 4. Extreme Close-Up – Ang pinakamataas na lebel ng close-up shot. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha. 5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim. 6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. 7. Bird’s-Eye View – Maaari ding maging isang aerial shot na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid. 8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo. 16
Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging nakasisiya at mabisa ang isangdokumentaryong pampelikula, mahalagang isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera natinatawag na camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang screenplay ng isangobra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan nito sa emosyon, lalim at kakintalan, at angmagiging implikasyon ng isang dokumentaryo sa mga manonood nito.Pagtatasa: Kuha Ko, Hula MoMatapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera at ang kahalagahan nitosa pelikula, ngayon naman ay muli kang gumuhit sa papel ng ilan sa mga eksena mula sa mganapanood mong pelikula batay sa anggulo ng kamera na iyong natutuhan. Maaari ding gumupit ngmga larawan ng mga eksena sa pelikula mula sa magasin o pahayagan. Tukuyin lamang kung anong uring camera shot ang ipinakita at ang nais nitong ipahiwatig. 17
Uri ng Kuha: _______________________ __________________________________ Nais Ipahiwatig:______________________ ____________________________________ ___________________________________ Uri ng Kuha: _______________________ __________________________________ Nais Ipahiwatig:______________________ ____________________________________ ___________________________________ Uri ng Kuha: _______________________ __________________________________ Nais Ipahiwatig:______________________ ____________________________________ ___________________________________ Isa pang mahalagang aspekto ng dokumentaryong pampelikula ay angKomunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitannito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang mgapananalita. 18
Aralin: Mga Paraan ng Pagpapahayag Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksiyon. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?”(pag-aalinlangan)3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.” (pagtanggi)4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat)B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita, at ipinadarama1. Pagbibigay-babala “Huwag kang “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala)magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”2. Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” “Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”3. Hindi Pagpayag “Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.” “Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.” 19
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242