Araling Panlipunan IV
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 7ANG PAMILIHAN AT ISTRUKTURA NITOBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 7 ANG PAMILIHAN AT ISTRUKTURA NITO Kung iyong matatandaan, nabinggit sa mga naunang modyul na ang tatlongpundamental na tanong na sinasagot ng ekonomiks ay (1) Ano at gaano karami angmga produkto at serbisyo na ipoprodyus o lilikhain, (2) paano ipoprodyus ang mgaprodukto at serbisyo, at (3) para kanino ang mga produkto at serbisyong ipoprodyus?Sino nga ba ang nagdedesisyon sa mga problemang ito sa isang ekonomiyang gayang sa Pilipinas? Ang karaniwang tugon sa katanungang ito ay: sa pamamagitan ngpamahalaan. Hindi naman ito lubusang mali. Nagdedesisyon nga ang pamahalaanlalo na sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.Ngunit hindi lubusang naididikta nito ang pagtakbo ng kabuuan ng ating ekonomiya.Ang pamahalaan at ang mga kilos nito ay isa lamang sa mga salik na nakakaapektosa ating ekonomiya. Hindi lamang isang indibidwal, organisasyon, o pamahalaan angresponsable sa pagsagot ng mga pundamental na tanong sa ekonomiks. Sa isangbansang gaya ng Pilipinas, ang karamihan ng desisyong ekonomik ay ginagawa sapamamagitan ng pamilihan. Ito ang tatalakayin ng modyul na ito.May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:Aralin 1: Ang Konsepto ng PamilihanAralin 2: Paano Sinasagot ng Pamilihan ang Tatlong Pundamental na Tanong sa EkonomiksAralin 3: Iba’t ibang Istruktura ng PamilihanPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod:1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan;2. Masasagot ang tatlong pundamental na tanong ng ekonomiks mula saperspektibo ng pamilihan;3. Masusuri ang katangian ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan; at 2
4. Mapaghahambing ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan.Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwagkang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. 3
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Isang mekanismo, na ngayon ay itinuturing nang isang lugar, ng interaksyon ngmamimili at nagbebenta upang magtakda ng presyo at magpalitan ng produkto atserbisyo.A. Ospital C. PamahalaanB. Pamilihan D. Mall2. Pamilihang libu-libo ang mamimili at nagtitinda ng produkto: A. Perpektong Kompetisyon B. Monopolyo C. Monopolistikong Kompetisyon D. Oligopolyo3. Halaga ng isang produkto sa pera: C. Pamasahe. A. Buwis. D. Bayad. B. Presyo.4. Ang kita ay: A. diperensya sa pagitan ng kabuuang benta at ng puhunan sa isang negosyo. B. produktong hindi naipoprodyus nang sapat sa malayang pamilihan at madalas na ipinagkakaloob ng pamahalaan. C. satispaksyon na nakukuha ng mga konsyumer mula sa pagkonsumo nila ng mga produkto at serbisyo. D. pinakamataas na halaga na nais ibayad ng mga mamimimili para sa partikular na dami ng produkto o serbisyo.5. Pamilihang may iilang suplayer o tagapagprodyus lamang:A. Perpektong kompetisyon C. Monopolistikong kompetisyonB. Monopolyo D. Oligopolyo 4
6. Ang industriyang may iisang prodyuser lamang ng produkto o serbisyo na walang malapit na kapalit at ang pagpasok ng mga potensyal na kakompetisyon ay lubhang mahirap: A. Monopolyo B. Oligopolyo C. Perpektong kompetisyon D. Monopolistikong kompetisyon7. Ang uri ng kumpanya na karaniwang may monopolyo sa pamilihan ay: A. taga-suplay ng kuryente. B. tagagawa ng kotse. C. kumpanyang paliparan. D. malakihang establisimiyentong nagtitingi.8. Istruktura ng pamilihan na inilalarawan ng kawalan ng kontrol sa presyo ng mganagbebenta, maraming magkatulad ngunit pinag-ibang produkto dahil sa tatak, atmalayang nakapapasok o nakalalabas ang mga nagbebenta sa industriya:A. Perpektong kompetisyon C. Monopolistikong kompetisyonB. Monopolyo D. Oligopolyo9. Kung mga identikal na produkto lamang ang ipinagbibili sa pamilihan, ang pamilihang nabanggit ay isang: A. monopolyo. B. perpektong kompetisyon. C. monopolistikong kompetisyon. D. oligopolyo.10. Ang katumbas ng oligopsonyo ay ang: A. monopolyo. B. perpektong kompetisyon. C. monopolistikong kompetisyon. D. oligopolyo. 5
11. Ang katumbas ng monopsonyo ay: A. monopolyo. B. perpektong kompetisyon. C. monopolistikong kompetisyon. D. oligopolyo.12. Ang pamilihang may kartel ay katangian ng isang: A. monopolyo. B. perpektong kompetisyon. C. monopolistikong kompetisyon. D. oligopolyo.13. Ang uri ng pamilihan na may iisa lamang na mamimili: A. Monopsonyo B. Oligopsonyo C. Monopsonistikong kompetisyon D. Perpektong kompetisyon14. Ang pagbebenta ng kuryente ng MERALCO lamang ay hailmbawa ng isang A. monopolyo. B. oligopolyo. C. monopolistikong kompetisyon. D. perpektong kompetisyon.15. Ang mga kalahok sa isang pamilihang may perpektong kompetisyon ay gumagamit ng advertising o pag-aanunsyo bilang istratehiya ng pagbebenta. May impluwensya ba ang pag-aanunsyo sa epektibong pagbebenta? A. Mayroon dahil sa pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. B. Mayroon dahil sa identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. C. Wala dahil sa pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. D. Wala dahil sa identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. 6
16. Kapag mababa ang sahod ng isang indibidwal, ito ay dahil siya ay isang tamad. A. Tama, dahil ang sahod ay repleksyon ng kung paano isinasagawa ng isang manggawa ang kanyang trabaho. B. Tama, dahil pare-pareho naman ang sahod ng mga manggagawa sa pamilihan. C. Mali, dahil ang sahod ay batay sa demand para isang partikular na kasanayan, kalidad ng pinag-aralan, at iba pang konsiderasyon. D. Mali, dahil ang mayayaman lamang ang binibigyan ng malaking sahod.17. Ang katumbas ng monopsonistikong kompetisyon sa panig ng suplay ay: A. monopolyo. B. oligopolyo. C. monopolistikong kompetisyon. D. perpektong kompetisyon.18. Ang Shell, Petron, at Caltex ay mga kalahok sa pamilihang A. monopolyo. B. oligopolyo. C. monopolistikong kompetisyon. D. perpektong kompetisyon.19. Madaling pumasok sa pamilihang may perpektong kompetisyon dahil A. Walang nagdodominang kompetitor. B. Walang pinag-iba ang produkto na isinusuplay ng isang suplayer sa produktong isinusuplay ng isa pang suplayer sa iisang industriya. C. Hindi malaki ang kapital na kailangan. D. A, B at C.20. Ang istruktura ng pamilihan ay ibinabatay sa A. dami at digri ng kontrol ng bawat indibidwal na kalahok sa pamilihan. B. pag-aanunsyo o hindi pag-aanunsyo ng produkto. C. A at B. D. wala sa pagpipilian ang sagot. 7
ARALIN 1ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN Nagtataka ka ba kung paanong ang milyung-milyong produkto at serbisyo aynakararating sa iyo at sa iba pang tao? Anong mekanismo ang gumagana upangmangyari ito? Iyan ang pangunahing problemang bibigyang-pansin ng araling ito. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:1. Maipaliliwanag ang konsepto ng pamilihan; at2. Mailalahad ang sariling opinion hinggil sa kahalagahan o kawalang-halaga nito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magpunta ka sa pinakamalapit na tindahan sa inyong bahay. Tanungin moang may-ari ng tindahan kung paano, sa tingin nya, nakarating ang mga produktongkanyang ibinebenta mula sa prodyuser ng produkto papunta sa kanyang mgamamimili. Hlimbawa, alamin kung paano, sa tingin niya, napunta sa iyo ang kendingbinili mo noong isang araw mula sa prodyuser nito. Itala ang kanyang mga sagot saiyong kwaderno. Pagkatapos nito ay basahin at pag-aralan mo ang susunod nabahagi ng araling ito, at tingnan kung may pagkakahawig ang sagot niya sa paliwanagna mababasa mo sa araling ito.Ang Pamilihan Ang pamilihan o merkado ay hindi lamang tumutukoy sa isang tindahan o lugarna pinagdarausan ng bilihan ng kalakal. Ito ay isang mekanismo ng interaksyon ngmamimili (konsyumer) at nagbibili (prodyuser o suplayer) upang magtakda ng presyohabang nagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Nagkaroon lamang ito ngkonotasyon na isang lugar dahil sa may mga lugar na karaniwang pinagdarausan nggayong mga transaksyon at interaksyon, tulad ng palengke, tiyangge o mall sa inyong 8
bayan. Ngunit maaaring magkaroon pa rin ng pamilihan kahit hindi ito sa palengke omall. Kung may interaksyon sa pagitan ng namimili at nagbibili, at nagkakaroon ngbilihan ng produkto at serbisyo sa alinmang lugar, iyon ay tinatawag na pamilihan. Sa isang sistemang pamilihan, ang lahat ay may presyo. Ang presyo angtumatayong halaga ng produkto sa pera. Noong panahon na barter pa ang sistema,puwede mong ipalit ang isang produkto o serbisyo sa ibang produkto o serbisyo din.Halimbawa, ang isang timbang o dami ng mangga ay ipapalit sa parehong timbang odami ng ibang produkto, tulad halimbawa ng bigas. Senyales din ang presyo ngkasunduan sa pagitan ng mga mamimili at nagbibili. Halimbawa kapag bumili ka ngisang bolpen na nagkakahalaga ng limang piso, ibig sabihin nito ay nagkasundo ka atang tinderong iyong binilhan na ang halaga sa iyo ng nasabing bolpen ay limang pisoat gayun din sa kanya. Itinakda ng pamilihan ng bolpen ang halaga nito, at sapamamagitan ng boluntaryong kasunduan, napunta sa iyo ang bolpen. Ang presyo din ang nagsisilbing hudyat o senyales sa mga prodyuser atkonsyumer kung ano ang mas mabili sa pamilihan. Kung nais ng mga konsyumer nghigit na marami pang bilang ng isang produkto at serbisyo, ang presyo nito ay tataas.Ito ay senyales sa mga prodyuser na higit na maraming suplay ang kailangan. Kapagnagkaroon ng matinding sakit ang mga manok, bababa ang suplay nito at tataas angpresyo ng Chicken Joy sa mga karinderya. Dahil sa mataas na presyo, ang mga nag-aalaga ng manok ay mahihikayat na damihan ang produksyon ng manok. Bilangpagtugon din sa mataas na presyo ng manok, ang mga konsyumer naman aymahihikayat na maghanap ng ibang pagkain na maaaring ipalit dito tulad ng baboy oisda. Ang pagtaas o pagbaba ng presyo sa pamilihan ng mga produkto aynasusunod din sa pamilihan ng mga salik ng produksyon gaya ng lupa at paggawa(labor). Kung higit na maraming magsasaka ang kailangan upang magtanim at umaning palay, ang presyo o sahod ng mga magsasaka ay tataas. Ang pagtaas na ito ngsahod ay hihikayat sa iba pang tao na magsaka rin. Ang presyo ang nagsisilbing batayan ng mga desisyon ng mga mamimimili(konsyumer) at nagbibili (suplayer o prodyuser) sa isang pamilihan. Ang mas mataasna presyo ang nagiging dahilan ng pagbaba ng dami ng produktong binibili ngkonsyumer, subalit humihikayat naman sa prodyuser upang paramihin ang 9
produksyon. Ang mas mabababa namang presyo ay maghihikayat ng pagkonsumosubalit nakapagpapababa ng produksyon. Samakatuwid, ang presyo angtagapagbalanse ng transaksyon sa pamilihan. Kapag may balanse sa pagitan ng iba’tibang mamimimili at nagbibili, mayroon tayong tinatawag na market equilibrium oekwilibriyum sa pamilihan. Ibig sabihin nito ay ibibigay ng prodyuser o suplayer sakonsyumer ang produkto o serbisyo sa presyong katugma ng ibabayad ng mgakonsyumer. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Tama o mali. Isulat ang salitang tama sa iyong kuwaderno kung tamaang nilalaman ng pangungusap at ang salitang mali kung ito naman ay mali._________ 1. Ang sistemang pamilihan ay mekanismo ng pagtugon sa mga_________ 2. tanong na ano at gaano karami, paano at para kanino ang mga_________ 3. produksyon at serbisyong ipoprodyus._________ 4. Posible lamang ang palitan ng produkto kung may nakatayong_________ 5. gusali o palengke. Mayroong ekwilibriyo sa merkado o pamilihan kapag ang suplayer lamang ang nagtakda ng presyo at dami ng produktong isusuplay sa mga konsyumer. Ang presyo, kapag may ekwilibriyo sa merkado, ay hudyat ng pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser o suplayer hinggil sa halaga ng isang produkto. Kahit sa loob ng paaralan ay posibleng magkaroon ng pamilihan. 10
Tandaan Mo! Ang pamilihan ay isang mekanismo ng interaksyon ng konsyumer at prodyuser o suplayer upang magtakda ng presyo sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Ang presyo ay ang halaga ng produkto sa pera. Hudyat ang presyo ng pagkakasundo sa pagitan konsyumer at prodyuser o suplayer hinggil sa dami at halaga ng produkto o serbisyong pamilihan. Ang ekwilibiyum sa pamilihan ay senyales ng pagkakaroon ng balanse satransaksyon sa pagitan ng mg suplayer at prodyuser. Gawain 3: Paglalapat Sumama sa pagpunta ng iyong ina sa palengke o kaya’y pumunta kang mag-isa at magmashid sa mga nangyayaring tawaran sa pagitanng mga mamimili at nagtitinda. Itala mo sa iyong kwaderno ang mga obserbasyon atiyong ilahad kung paanong ang presyo ay pinag-usapan at pinagkasunduan ng iyongina o ng ibang tao bilang mamimili o konsyumer at ng mga tindero at tindera bilangnagbibili. Paano sumang-ayon sa isa’t isa ang mg konsyumer at mga tindero/tindera?ARALIN 2ANG PAMILIHAN AT ANG TATLONG PUNDAMENTAL NA TANONG SAEKONOMIKS Sa naunang aralin, inilarawan natin kung paanong ang presyo ay nakatutulong sa pagbabalanse ng pagkonsumo at produksyon sa isang pamilihan. Ano angmangyayari kung pagsamasamahin natin ang iba’t ibang pamilihan – halimbawa ngbaboy, ng bolpen, ng manok, ng paggawa at iba pa? Ang mga pamilihang ito aysabay-sabay na kikilos upang maitakda ang isang panglahatang ekwilibriyo ng mgapresyo at produksyon. 11
Sa pamamagitan ng transaksyon ng mga konsyumer at prodyuser o suplayerng produkto o serbisyo sa bawat pamilihan, ang isang market economy oekonomiyang pamilihan ay tumutugon sa mga sumusunod na katanungan: 1. Anong mga produkto at serbisyo ang kailangang iprodyus o gawin at gaano karami? 2. Paano gagawin o ipoprodyus ang mga produkto o serbisyong kailangan? 3. Para kanino ang mga ipoprodyus na produkto o serbisyo? Ang tatlong katanungang iyan ang sinasagot sa ekonomiks at siya natingsusubukang sagutin sa araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mailalahad kung paanong tinutugunan ng isang pamilihan ang tatlong pundamental na tanong ng ekonomiks; 2. matatalakay ang kahalagahan ng presyo sa pamilihan; at 3. Mailalapat sa sariling interaksyon bilang mamimili at nagbibili ang mga prinsipyo hinggil sa pagtugon ng pamilihan sa mga pundamental na tanong ng ekonomiks. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kung may naiipon kang pera galling sa iyong allowance o alkansiya, ano ang maaari mong pagkakakitaan gamit ang iyong naipon? Anoang iyong ibebenta at gaano karami ang iyong ipoprodyus? Paano mo ipoprodyusyun, at para kanino? Sa pagsagot ng mga katanungang ito, hindi kailangangmagbigay ng konkretong sagot at eksaktong bilang. Ang hinihingi lamang ay maibigaymo ang mga dapat na isaalang-alang upang masagot mo ang mga tanong. Mataposmong pag-isipan iyon tingnan mo kung tugma ang iyong mga sagot sa paliwanag nanakasaad sa teksto ng aralin. 12
Tugon ng Pimilihan sa Tatlong Pangunahing Problema ng Ekonomiks Paano nga ba tinutugunan ng pamilihan ang tatlong pundamental na tanong ngekonomiks? Tulad ng nabanggit natin sa panimula ng araling ito, tinutugunan ito ngpamilihan sa pamamagitan ng pagtutugma ng nais at kayang bilhin ng mgakonsyumer at dami ng produkto o serbisyong kayang ibenta ng mga nagbibili. Upangmaunawaan mo ito ng lubusan, isa-isa nating talakayin ang mga katanungang iyon: 1. Kung ano ang ipoprodyus ay itinatakda ng boto mismo ng mga konsyumer. Boto? Ang boto ng mga konsyumer ay hindi isinasagawa tuwing ikatlo o ikaanim na taon lamang na tulad ng iskedyul ng ating pambansa at lokal na eleksyon. Araw-araw, ang mga konsyumer ay nagsasagawa ng pag-boto o desisyon na may kinalaman sa pagbili ng mga produkto o serbisyo sa pimilihan. Ang mga perang ibinabayad nila sa mga prodyuser ay ginagamit namang pampasuweldo, renta, at dibidendo na siya ring tinatanggap ng mga konsyumer bilang kita o sahod. Ang pagnanais ng malaking kita sa negosyo ang nagiging motibasyon ng mga kumpanya at negosyante upang magagawa ng produksyon. Ang kita ay netong tinatanggap ng prodyuser, o ang diperensya sa pagitan ng kabuuang benta at kabuuang puhunan sa negosyo. Binibitiwan ng kumpanya ang produksyon ng mga kalakal o serbisyo na nagiging dahilan ng kanilang pagkalugi. Nagpoprodyus naman sila ng mga kalakal o produktong may mataas na demand (o marami ang bumibili) dahil nangangahulugan ito ng mas malaking kita. 2. Paano ipoprodyus ang isang produkto, at paano nagkakaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng mga prodyuser? Ang pinakamabuting paraan upang makilahok sa kumpetisyon sa presyo ang isang prodyuser ay sa pamamagitan ng paggamit ng isang mahusay na paraan ng produksyon. Maaaring simple lamang ang paraan ng produksyon tulad halimbawa ng paggamit ng lumang makinarya o pagbabago sa timpla ng produkto upang magkaroon ng bentahe at makatipid. Minsan naman ay mga malakihang pagbabago ang kailangan 13
tulad halimbawa ng paggamit ng eroplano sa halip na tren sa paghahatid o pagbibiyahe ng mga produkto at serbisyo. Nagiging mas mura ito sapagkat higit na kaunti ang oras na kailangan sa pagbibiyahe ng mga produkto. Sa kasalukuyan, nasa gitna tayo ng transisyon patungo sa isang radikal na pagbabago sa pamamagitan ng teknolohiya. Isang magandang halimbawa ay ang halos araw-araw na pagbabago sa paggamit ng computers. Karamihan ng gawaing pang-ekonimiks ay naisasagawa na sa pamamagitan ng computers gaya ng pagtatala ng mga tuusin at gastusin, pamimili, pagpapadala ng anunsiyo at maginging ang pagbabangko. Sa mga kumpanya, mga computers na rin ang nagpapatakbo ng mga makina, kung di man ng buong planta.3. Para kanino ang mga ipoprodyus na mga produkto at serbisyo? Sino ang consumer na pagbibilhan? Gaano karami ang kailanganng produkto. Ang sagot sa mga iyan ay depende sa suplay at demand sa pamilihan at sa mga kailangang mga salik ng produksyon gaya ng lupa at likas na yaman, lakas paggawa, capital, at entreprenyur. Ang factor markets o pamilihan ng mga salik ng produksyon ang nagtatakda ng sahod para sa lakas paggawa, renta o upa para sa lupa at likas na yaman, interes para sa capital, at kita o tubo para sa entreprenyur. Ang isang tao ay maaring kumita mula sa isa o higit pang salik ng produksyon. Kapag pinagsama-sama natin ang lahat ng kita ng isang tao mula sa lahat ng salik ng produksyon na mayroon siya, makakalkula natin ang kanyang kabuuang kita. Ang distribusyon ng kitang ito sa populasyon ay itinatakda ng dami at kalidad ng salik ng produksyon gaya ng oras ng paggawa, lawak ng lupa, at laki ng capital, gayundin ng halaga ng mga salik na ito. Hindi tamang isipin na ang kita ng isang tao ay repleksyon ng kung paano siya nagtatrabaho, sapagkat mayroong mga taong ang kita ay galing sa mana, swerte gaya ng panalo sa lotto, o di kaya ay sa kalidad ng kasanayang mayroon ang tao. Ang huli ang itinuturing na napakahalaga sa pamilihan. Ang mga taong may maliliit na kita ay karaniwang pinag-iisipang tamad, subalit hindi ito totoo sa karamihan ng sitwasyon. Madalas na ang mababang sahod ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon. Kung magkaminsan, ang 14
diskriminasyon, at pagtira sa mga lugar na ang trabaho ay kakaunti at mababa ang sahod ay nagiging dahilan din ng mababang kita. Bilang pagbubuod, unawain mo ang isang dayagram na magpapakita ng relasyonsa pagitan ng iba’t ibang elemento ng pamilihan at kung paano sinasagot ngpamilihan ang tatlong pundamental na katanungan sa ekonomiks.pansinin mo ang pa-ikot na daloy ng produksyon at konsumpsyon ng mga produkto at serbisyo sa pagitanng mga konsyumer (tahanan) at mga prodyuser (kumpanya). Kabayaran para sa mga produkto at serbisyo na binili ng mga konsyumer na nasa tahanan o householdSuplay ng mga salik ng produksyon (lupa at likas na yaman, lakas paggawa, kapital)Mga Kumpanyang Konsyumer Nagpoprodyus (Tahanan) Kabayaran sa mga may-ari ng mga salik ng produksyonBenta ng mga produkto at serbisyo ng mga kumpanya patungo sa mga konsyumer na nasa tahanan 15
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isulat ang salitang tama kung tama ang pangungusap at ang salitang mali kung mali ang pangungusap. ___________ 1. Ang mga pangunahing suliranin ng isang ekonomiya ay ano ang ipoprodyus, gaan o karami ang ipoprodyus, paano at para kanino ang ipoprodyus. ___________ 2. Pamilihan lamang ang sumasagot sa mga nabanggit na katanungan. ___________ 3. Kaya mayaman ang ibang Pilipino ay dahil lahat sila ay tamad kaya sila ay di kumikita ng sapat. ___________ 4. Kapag nagkaroon ng ekwilibriyo sa merkado, hindi na magbabago kalianman ang presyo at dami ng produkton ipoprodyus. ___________ 5. Hindi isinasaalang-alang ng suplayer kahit kailan ang konsyumer. Itatakda na lamang niya ang gusto niyang presyo at dami ng produktong ipoprodyus. Tandaan Mo! Sinasagot ng pamilihan ang tatlong pundamental na tanong ng ekonomiks: 1. Anong mga produkto o serbisyo ang kailangang likhain o iprodyus at gaano karami? 2. Paano ipoprodyus ang mga produkto o serbisyong kailangan? 3. Para kanino ang ipoprodyus na mga produkto? Ang produktong ipoprodyus ay depende sa boto ng mamimili – kung anoang kailangan at kaya nilang bilhin. Ang mga prodyuser ay naghahanap ng mga epektibong proseso upangmasiguro ang pagkakaroon nila ng kita o tubo mula sa pagbebenta ngprodukto o serbisyo. Ang daloy ng transaksyon sa pamilihan ay nagpapakita ng paikot naugnayan bahay-kalakal o kumpanya at tahanan o household. 16
Gawain 3: Paglalapat Lumalabas sa ating diskusyon na ang kapangyarihang bumili (purchasing power) ng mga konsyumer at laki ng kita o tubo ng isang prodyuser ang mga pangunahing konsiderasyon sa pagtugon tatlongpangunahing tanong sa ekonomiks. Tama bang ito ang pangunahing konsiderasyonng merkado? Ano ang mga posibleng maging kapakinabangan nito sa mga tao atekonomiyang gaya ng sa atin? Ano rin ang hindi magandang implikasyon nito? Sapalagay mo ay angkop kaya ito sa ating kultura? Hindi kaya ito ay may salungatan nasiyang posibleng dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang maraming Pilipino?Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.ARALIN 3MGA ISTRUKTURA NG PAMILIHAN Ang mga istrukura ng pamilihan ay kinakatawan ng apat na pangunahingmodelo ng pamilihan. Ito ay mga teoretikal na balangkas ng mga establisimyento atindustriya sa totoong mundo. Ang mga modelong ito ng pamilihan ay naglalarawan ngmga katangian ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Ngunit may mga negosyo nahindi tumutugma ng eksakto sa mga katangian ng anuman sa mga modelong atingpag-uusapan. Sa madaling salita, ang mga modelong ito ay hindi eksaktong replika ngtunay na buhay. Ngunit ang mga modelong ito ay mahalaga dahil tumutulong angmga ito sa pag-unawa ng sistemang pamilihan na siyang pangunahing elemento ngekonomiya na ng maraming bansa kasama na ang Pilipinas. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Masusuri ang katangian ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan; at 2. Maihahambing ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan. 17
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang mga sumusunod na mga produkto at punan ang talahanayan.Lagyan ng tsek ang kahon sa ilalim ng katangiang mayroon ang produkto. Isulat angiyong mga sagot sa iyong kuwaderno. Produkto Walang May iba pang Isa lamang ang May iba pang kapareho o pamalit na nagbebenta ng nagbebenta1. Pepsi malapit na produkto sa ganitong uri ng ng ganitong2. Kuryente pamalit sa pamilihan3. Bigas pamilihan produkto uri ng produktoIstruktura ng Pamilihan Ang dami ng indibidwal o kumpanyang nagbibili at ang lawak ng kontrol ng mgakalahok sa pamilihan – namimili at nagbibili – ang mga salik na nagtatakda ngistruktura nito. Ang perpektong kompetisyon (perfect competition) ang itinuturing napamantayan ng mga istruktura. Ito ang itinuturing na huwarang istruktura sapagkat sadami ng bilang ng mga kalahok sa pamilihan at sa di mabilang na dami ng identikal naprodukto at serbisyo, wala ni isa mang may kontrol at makapagdidikta ng presyo sapamilihan. May tatlong iba pang istruktura sa panig ng suplay: (1) monopolyo(monopoly); (2) oligopolyo (oligopoly); at (3) monopolistikong kumpetisyon(monopolisticcompetitio). Sa panig naman ng demand, tatlong uri din ang istrukturang pamilihan: (1) monopsonyo (monopsony); (2) oligopsonyo (oligopsony); at (3)monopsonistikong kompetisyon (monopsonistic competition). 18
Isa-isahin natin ang katangian ng mga ito:Perpektong Kompetisyon Ang perpektong kompetisyon ay may mga sumusunod na katangian: 1. May malaking bilang ng mga independyenteng nagbebenta o suplayer at malawak na bilang din ng mga bumibili o kosyumer. 2. Ang mga produkto at serbisyo ay magkakapareho o identikal. Halimbawa ay bigas, prutas mais, gulay, at iba pa. 3. Walang isang nagbibili o bumibili ang nakaiimpluwensya sa mga pagbabago sa presyo ng mga produktong nabanggit sa pamilihan. Libu-libo ang nagbebenta sa pamilihan ng iisang uri ng produkto. Libu-libo rin ang bumibili. Dahil dito kapag, may isang suplayer na nagdesisyon na bawasan ang kanilang produksyon, hindi ito makaaapekto sa kabuuang suplay ng nasabing produkto sa pamilihan kahit pa ang reduksyon sa produksyon ng nabanggit na suplayer ay umabot ng 99 na porsyento. Dahil dito, hindi makaapekto ang reduksyon na ito sa presyo sa pamilihan ng nabanggit na produkto. Kung may suplayer naman na magbaba ng presyo, mabilis na mauubos ang kanyang produkto subalit ang presyo sa buong pamilihan ay mananatili sa dati nitong halaga. Kung ibebenta naman ng isang suplayer ang parehong produkto sa mas mataas na halaga, wala namang bibili dahil ang mga konsyumer ay doon bibili sa mga nagbebenta ng parehong produkto sa mas mababang halaga. Samakatuwid, ng pagtaas o pagbaba ng presyo ay depende sa pagbabago sa kabuuang demand at suplay at hindi sa desisyon lamang ng isa o indibidwal na suplayer o konsyumer. 4. Madali ang pagpasok ng mga bagong suplayer o prodyuser at konsyumer sa ganitong pamilihan, at madali ring makalabas. Walang mga mahalagang balakid dito, legal, pinansyal o teknikal man. Halimbawa, ang isang tindera ng gulay ay malayang makapagbebenta ng gulay sa palengke; kailangan lamang siyang magbayad ng butaw o upa para sa kanyang puwesto. Kung sakali mang ayaw na niyang magtinda, madali rin para sa kanya ang tumigil sa aktibidad na ito. Ang pagpasok at paglabas niya sa pamilihan ay hindi makakaapekto sa kabuuang daloy ng suplay at demand. 19
5. Walang anumang istratehiya sa bentahan sa kompetisyong ito gaya ng pag- aanunsyo o publisidad (advertising) at presentasyon ng produkto maliban sa presyo. Wala nang pangangailanagan para sa mga istratehiyang nabanggit dahil ang mga produkto ay identikal at walang importanteng pagkakaiba. Halimbawa, kahit ang isang suplayer ay magpaanunsyo ng kanyang panindang prutas, bigas, pechay, repolyo o kamatis, wala itong epekto sa mga mamimili. Binibili rin ito ng mga mamimili kahit sa hindi nagpapanaunsyokung magugustuhan ng mga konsyumer ang presyo.Iba Pang Istruktura ng Pamilihan sa Panig ng SuplayAng paiba-ibang digri ng kontrol sa pamilihan ang lumilikha sa tatlong iba pangistruktura ng pamilihan sa panig ng suplay. Ang tatlong ito, pati na ang perpektongkompetisyon, ay maaring ilagay sa isang continuum. Mula sa dulong kanan papuntasa dulong kaliwa, ang bilang ng mga kalahok sa pamilihang ito ay paparami nanagiging dahilan naman ng papahinang kontrol sa merkado (o pamilihan) ng bawatisa. Mula sa dulong kaliwa patungo sa dulong kanan, ang lakas ng kontrol samerkado ng bawat nagbibili ay tumataas dahil sa mas kakaunting kalahok atkompetitor.Wala Buo Palakas Kontrol sa PamilihanPerpektong Monopolistikong Oligopolyo MonopolyoKompetisyon Kompetisyon Bilang ng mga Kompetitor ParamiMarami Isa 20
Sa dulong kaliwa ay ang perpektong kompetisyon. Sa dulong kanan aymonopolyo. Ang monopolistikong kompetisyon ay nasa gitna malapit sa perpektongkompetisyon. Ang oligopolyo ay nasa gitna rin ngunit mas malapit sa monopolyo. Anu-ano nga ba ang mga katangian ng tatlong istruktura ng nakalarawan sapanig ng suplay? 1. Purong Monopolyo (Pure Monopoly o Monopoly) - ang istruktura ng pamilihan kung saan na iisa lamang ang suplayer o prodyuser na nagbebenta ng mga kakaibang produkto at serbisyo. 2. Monopolistikong Kumpetisyon (Monopolistic Competition) – ang pamilihang may katamtamang dami ng maliliit na kompetitor (dahil sa mahinang kontrol sa presyo ng produkto) na nagbebenta ng magkakahawig na produkto at serbisyo. 3. Oligopolyo (Oligopoly) - sa pamilihang ito ay may mangilan-ngilan lamang na suplayer na nagbebenta ng identikal o di kaya ay magkakaibang produkto at serbisyo. Ang ganitong depinisyon ay hindi lubusang kumpleto sapagkat ang oligopolyo ay sumasakop sa higit na malawak na uri ng mga istruktura ng pamilihan kaysa sa iba pang modelo ng pamilihan. Ang mga istrukturang nabanggit ay mga sumusunod pang karagdagankatangian:Purong Monopolyo 1. Iisa ang prodyuser o suplayer. 2. Ang mga produkto ay kakaiba dahil wala itong malapit na kapalit o kahawig. Karaniwang ito ay sa mga pampublikong serbisyo o gamit gaya ng tubig at kuryente. (Ang Maynilad at MERALCO ay halimbawa ng monopolyo). 3. Ang monopolista ang nagtatakda ng presyo ng produkto. Dahil sa iisa ang suplayer o prodyuser, maaaring bawasan ng monopolista ang kanyang suplay o produksyon upang itaas ang presyo ng produkto o serbisyong ibinebenta. 21
Maaari rin niyang itaas ang kanyang suplay o produksyon kung mangangahulugan ito ng mas malaking kita o tubo. 4. Lubhang mahirap para sa mga bagong kompetitor ang pumasok sa ganitong uri ng pamilihan. Nangangailangan ito ng napakalaking kapital at pagharap sa isang napakatinding kompetisyon. Mayroon ding mga natural na monopolyo sa mga produkto o serbisyo na hindi kailangan o makasasama ang pagkakaroon ng kompetisyon. Karamihan ng mga pampublikong serbisyo ay mga natural na monopolyo. Ang mga monopolyong ito ay binibigyan ng mga esklusibong prankisa ng pamahalaan. Halimbawa, hindi praktikal at kumbinyente ang pagkakaroon ng maraming suplayer ng kuryente sa isang komunidad. Magkakaroon ng sala-salabat na mga kable at sangkaterbang poste. 5. Maaaring mayroon o walang anunsyo ang produkto o serbisyo. Kung mayroon, ito ay upang pagandahin ang imahe ng kumpanya sa publiko at hikayatin ang mga ito na kumunsumo nang mas higit kaysa dati.Monopolistikong Kompetisyon 1. Malaki ngunit di kalakihan ang bilang ng mga pribadong suplayer o prodyuser. Humigit kumulang ay mga isang daan lamang ang bilang ng mga kalahok sa ganitong uri ng pamilihan di gaya ng sa perpektong kompetisyon na umaabot ng libu-libo. 2. Ang produkto ay may pagkakaiba. Mayroong pagkakaiba sa pisikal na anyo o presentasyon ng produkto, lokasyon ng mga tindahan, anunsyo at istratehiya ng pagbebenta. Halimbawa nito ay ang mga bangko, gamot, at iba pa. 3. Mayroong limitadong kontrol sa presyo ang mga suplayer o prodyuser. Posible para sa ilang nagbibili na gumawa ng minimal na pagbaba o pagtaas ng kanilang presyo dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga produkto. Halimbawa, may mga bangkong mas mataas o mababa ang interes sa mga deposito. 4. Ang pagpasok ng mga bagong suplayer o prodyuser ay madali kung ikukumpara sa monopolyo at oligopolyo. Mas mahirap naman kung ikukumpara sa perpektong kompetisyon. Mas malaking kapital ang kailangan at ang kompetisyon ay higit na matindi kung ihahalintulad sa perpektong kompetisyon. Ang mga papasok sa ganitong pamilihan ay kailangang may 22
kakaibang maiaalok sa kanilang produkto na hindi makikita sa mga nauna, at nangangailangan ng epektibong pamamaraan o estratehiya ng pagbebenta. 5. May agresibong kompetisyon, hindi lamang sa presyo kundi sa iba pang aspeto gaya ng kalidad at presentasyon ng produkto gayundin sa mga lokasyon ng mga tindahan. Mayroon ding malawakang pag-aanunsyo upang mabigyang- diin ang mga kakaibang katangian ng bagong lunsad na produkto.Oligopolyo 1. Kakaunti ang mga kompetitor na may relatibong pamamayani sa pamilihan. Ang bawat isa ay nagpoprodyus ng malaking bahagi ng kabuuang produksyon ng industriya. 2. Ang mga produkto ay maaaring identikal o pinag-iba. 3. May kasunduan hinggil sa presyo sa pagitan ng mga prodyuser upang masiguro ang kanilang mga pakinabang na ekonomik. Ang pinakamalaking prodyuser ang may pinakamalaking kontrol sa presyo. Bukod sa kasunduan sa presyo, may kasunduan din sa pagitan ng mga oligopolista hinggil sa dami ng suplay partikular na ang pag-iwas sa pagkakaroon ng surplus, upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo. 4. Mahirap pumasok ang mga bagong kalahok sa ganitong pamilihan kung ihahalintulad sa monopolistikong at perpektong kompetisyon. Mangangailangan ng napakalaking kapital at paglulunsad ng malakihang produksyon. Matindi ang kompetisyon dahil ang mga naunang kompetitor ay may malalaking puhunan at mapagkukunang-yaman, at mga estabilisado na sa industriyang kinabibilangan. 5. May malawakang pag-aanunsyo o advertising sa pagitan mga nagpoprodyus ng mga produktong may pagkakaiba tulad ng kotse o sigarilyo. Ngunit sa kaso ng mga identikal na produkto, ang pag-aanunsyo ay para lamang sa pagpapabuti ng imahe ng mga oligopolista sa publiko. 23
Iba Pang Istruktura ng Pamilihan sa Panig ng Demand Karaniwang ang atensyon tuwing pinag-uusapan ang istruktura ng pamilihan aynasa panig ng suplay. Ngunit ang iba’t ibang digri ng kontrol sa panig ng demand aylumikha rin ng tatlo pang karagdagang istruktura ng pamilihan: (1) monopsonyo(monopsony); (2) oligopsonyo (oligopsony); at (3) monopsonistikongkompetisyon (monopsonistic competition). Ang tatlong istrukturang ito, kabilangna ang perpektong kompetisyon ay maari ring ilagay sa isang continuum. Mula sadulong kanan patungo sa dulong kaliwa, ang bilang ng mga kalahok na kompetitor aypaparami na nagiging dahilan naman ng papahinang kontrol sa pamilihan. Mula sadulong kaliwa patungo sa dulong kanan, ang kontrol sa pamilihan ng mga kalahok nakompetitor ay papalakas dahil sa papaunting bilang nila. Wala Palakas Buo Kontrol sa Pamilihan MonopsonyPerpektongKompetisyon Monopsonistikong Oligopsonyo Isa Kompetisyon Bilang ng mga Kompetitor ParamiMarami Sa dulong kaliwa ay ang perpektong kompetisyon. Sa dulong kanan aymatatagpuan naman ang monopsonyo. Ang monopsonistikong kompetisyon namanay nasa gitna ng continuum malapit sa perpektong kompetisyon. Ang oligopsonyo aynasa gitna ng continuum malapit sa monopsonyo. Anu-ano ang mga katangian ng mga istrukturang ito? 24
Ang monopsonyo ay may iisa lamang mamimili na may kompletong kontrol sapanig ng demand sa pamilihan. Ito ang katumbas ng monopolyo sa panig ng demand. Sa monopsonistikong kompetisyon ay may malaking bilang ng mamimili namay kakaunting kontrol sa pamilihan. Ito ang katumbas ng monopolistikongkompetisyon sa panig ng demand. Ang oligopsonyo naman ay isang istruktura ng pamilihan na may kakauntingbilang ng mamimili kaya may malakas na kontrol sa pamilihan. Ito ang katumbasng oligopoly sa panig ng konsyumer o demand. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. Punan ang sumusunod na talahanayan:Panig ng Suplay:Istruktura ng Dami ng Digri ng Uri ng Dali o Hirap Mayroon/ kontrol sa Produkto ng WalaPamilihan Kalahok pamilihan (Identikal o Pagpasok ng bawat may sa indibidwal pagkakaiba) Pamilihan na kalahok (2) (3) (4) (5) (6) (1)MonopolyoOligopolyoMonopolistikongKompetisyonPerpektongKompetisyon* Sa ikaanim na kolum, ilagay lamang ang salitang mayroon, kung ang sagot mo aymayroon at ang salitang wala kung ang sagot mo ay wala. 25
II. Punan ang mga blangkong kahon sa tsart:Panig ng Demand:I Maraming (1)S Perpektong kalahok naT Kompetisyon mamimili (3)RU (2) May relatibongK impluwensya angT bawat kalahok saU MonopsonistikongR Kompetisyon pamilihanA (5)N (4)G Iisa lang angP Oligopsonyo mamimiliAMILIH MonopsonyoAN 26
Tandaan Mo! Ang dami ng indibidwal o kumpanyang nagbibili at ang lawak ng kontrol ng mga kalahok sa pamilihan – namimili at nagbibili – ang mga salik na nagtatakda ng istruktura ng pamilihan. Ang perpektong kompetisyon (perfect competition) angitinuturing na pamantayan ng mga istruktura. Ito ang itinuturing na ideyal naistruktura sapagkat walang hangganan ang dami at bilang ng mga kalahok saaktibidad na ito, gayundin din ang bilang at dami ng mga identikal na produkto atserbisyo. Dahil dito, wala ni isa mang may kontrol at makapagdidikta ng presyosa pamilihan. May tatlo pang ibang alternatibong istruktura ng pamilihan sa panig ngsuplay: (1) monopolyo; (2) oligopolyo; at (3) monopolistikong kompetisyon. May tatlo ring ibang alternatibong istruktura ng pamilihan sa panig naman ngdemand: (1) monopsonyo; (2) oligopsonyo; at (3) monopsonistikongkompetisyon. Gawain 3: Paglalapat Sa iyong palagay, alin sa mga istrukturang ating napag-usapan ang magiging mas kapaki-pakinabang paborable sa parehong prodyuser at konsyumer sa mga sumusunod na industriya? Isaalang-alang ang iba’t iba pang konsiderasyon bukod sa kita ng prodyuser at ang matitipid ngkonsyumer. 1. Bigas 2. Tubig 3. Gasolina 27
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang pamilihan ay isang mekanismo ng interaksyon ng mamimili at nagbibili upang magtakda ng presyo sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Sinasagot ng pamilihan ang tatlong pundamental na tanong sa ekonomiks. Ang produktong ipoprodyus ay depende sa boto ng mamimili – kung ano ang nais at binibili ng mga mamimili. Ang mga prodyuser ay naghahanap ng mga epektibong proseso upang masiguro ang pagkakaroon nila ng kita. Ang mga konsyumer na may kapangyarihang bumili (purchasing power) ang target ng mga prodyuser upang masiguro ang kanilang kita. Ang dami ng indibidwal o kumpanyang nagbibili at ang lawak ng kontrol ng mga kalahok – konsyumer at suplayer– sa pamilihan ang mga salik na nagtatakda ng istruktura ng pamilihan. Ang perpektong kompetisyon ang itinuturing na huwarang istruktura. Ito ang itinuturing na ideyal na istruktura dahil sa walang hangganan ang dami ng bilang ng mga kalahok sa transaksyon sa pamilihan at sa pagkakaroon ng identikal na produkto at serbisyo. Wala ni isa mang may kontrol at makapagdidikta ng presyo sa pamilihan. Ang purong monopolyo ay isang pamilihan na iisa lamang ang suplayer o prodyuser na nagbebenta ng mga kakaibang produkto at serbisyo. Ang oligopolyo ay isang pamilihang may mangilan-ngilang suplayer na nagbebenta ng identikal o di kaya ay magkakaibang produkto at serbisyo. Ang pamilihang may katamtaman lamang na dami ng maliliit na kompetitor na nagbebenta ng magkakahawig na produkto at serbisyo ay mayroong monopolistikong kompetisyon. Sa istrukturang monopsonyo ay may iisa lamang mamimili na may kompletong kontrol sa panig ng demand sa pamilihan. Sa monopsonistikong kompetisyon ay may malaking bilang ng mamimili na may kakaunting kontrol sa pamilihan. Ang oligopsonyo naman ay isang istruktura ng pamiihan na may kakaunting bilang ng mamimili kayat may malakas na kontrol sa pamilihan ang mga konsyumer na ito. 28
PANGHULING PAGSUSULIT Panuto: Punan ang mga sumusunod:1. Ang pamilihan ay: a. isang lugar o gusali lamang na dapat puntahan upang makapamili. b. isang mekanismo ng interaksyon ng mamimili at nagbibili upang magpalitan ng produkto sa itinakdang presyo. c. pinaglalagakan ng mga surplus na produkto. d. lugar na pinagdadalhan ng mga gulay, bigay at iba pang pagkain.(2–9) Karaniwang hinahati ang merkado o pamilihan sa apat na kategorya o istruktura sa panig ng suplay. Ayon sa tumataas na order ng pagiging kompetitib ito ay mga sumusunod: a. Monopolyo b. Oligopolyo c. Monopolistikong Kompetisyon d. Perpektong KompetisyonMga tanong: Pumili ng sagot sa itaas at isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.Saan sa apat na nabanggit sa itaas pumapatak ang mga sumusunod na katangian: 1. Malayang-malayang makapapasok ang mga bagong suplayer o prodyuser sa merkado. _______________________________________________________ 2. Ang mga prodyuser ay nagpoprodyus ng maraming identikal na mga produkto. __________________________________________________________________ 3. Iisa lamang ang nagbibili at may kakayanang magdikta ng presyo sa industriya. _________________________________________________________________ 4. Saan sa apat na naunang nabanggit na mga istruktura mo tutugma ang mga sumusunod na industriya? 5. Mga bangko _____________________________________________________ 6. Suplayer ng kuryente ______________________________________________ 7. Suplayer ng tubig _________________________________________________ 29
8. Suplayer ng pechay _________________________________________________9. Petron ____________________________________________________________(10-19) Alin sa mga sumusunod ang katangian ng oligopolyo? Piliin kung oo o hindiang iyong kasagutan. Bilugan ang iyong sagot.1. Kakaunti ang mga kalahok at may relatibong Oo/Hindiimpluwensya ang bawat isa sa industriya.2. Kakaunti lamang, kung meron man, ang mga balakid Oo/Hindipara sa pagpasok ng mga bagong suplayer at prodyuser.3. Ang mga oligopolista ay nagpoprodyus ng identikal Oo/Hindimay pinag-ibang mga produkto at serbisyo4. Ang mga sumusunod ay iba pang istruktura ng pamilihan: monopsonyo,monopsonistikong kompetisyon, at at oligopsonyo. Ang mga nabanggit ay batay sapanig ng:a. suplay b. kosyumer c. prodyuser d. demand5. Ang MERALCO ay isang monopsonista. Oo/Hindi6. Ang Maynilad ay isang monopolyo. Oo/Hindi7. Ang Shell ay isang monopolistikong kompetitor. Oo/Hindi8. Ang Coca-Cola ay isang perpektong kompetitor. Oo/Hindi9. Ang SMART Communications ay oligopolista. Oo/HIndi10. Sa isang sistemang pamilihan, gaya ng Pilipinas, Oo/HIndiang suliranin ng produksyon, distribusyon atkonsumpsyon ay dinedesisyunan ng napakaramingtao, bilang indibidwal o bilang kabahagi ng isang grupo.11. Ang dami ng produkto na pinoprodyus sa isang Oo/Hindipamilihang may ekwilibriyo ay tanda na may kasunduanna sa pagitan ng bumibili at nagbibili hinggil sa pesyo atdami na handlang bilhin ng konsyumer at ipagbili ng prodyuser. 30
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT1. C 6. A 11. A 16. C 12. D 17. C2. A 7. A 13. A 18. B 14. A 19. D3. B 8. C 15. D 20. A4. A 9. B5. D 10. DARALIN 1 ANG KONSEPTO NG PAMILIHANGawain 1: Pag-isipan Mo! Ang kasagutan ay base sa naging resulta ng iyong panayam.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. tama 2. mali 3. mali 4. tama 5. tamaGawain 3: Paglalapat Ang angkop na kasagutan ay nakasalalay sa iyong mga naitalangobserbasyon. Ikumpara ito sa iyong napag-aralan sa araling ito at isangguni sagurong tagapamahala.ARALIN 2 PAANO SINASAGOT NG PAMILIHAN NG TATLONG PUNDAMENTALNA TANONG SA EKONOMIKSGawain 1: Pag-isipan Mo! Ipatsek at isangguni ang iyong kasagutan sa gurong tagapamahala ng modyul. 31
Gawain 2: Pagpapalalin ng Kaalaman 1. tama 2. mali 3. mali 4. mali 5. maliGawain 3: Paglalapat Hindi palaging tama na ang kapakanan lamang ng mga prodyuser at mgamakapangyarihang konsyumer ang konsiderasyon sa pagbebenta at pagpepresyo ngmga bilihin. Nararapat ding tingnan kung paano mapaparating sa mga mahihirap angkanilang mga pangangailangan sa presyong kay nila.ARALIN 3 IBA’T IBANG ISTRUKTURA NG PAMILIHANGawain 1: Pag-isipan Mo!Produkto Walang May iba pang Isa lamang ang May iba pang pamalit na kapareho o produkto sa nagsusuplay nagbebenta pamilihan malapit na ng ganitong uri ng ganitong pamalit sa ng produkto uri ng pamilihan produkto1. Pepsi2. Kuryente3. Bigas 32
Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanMga tamang sagot:I. Panig ng Suplay Istruktura ng Dami ng Digri ng Uri ng Dali o Hirap Pamilihan Kalahok kontrol sa Produkto ng Pagpasok pamilihan ng (Identikal o sa Pamilihan (1) (2)Monopolyo Isa bawat may (5) indibidwal na pagkakaiba) MahirapOligopolyo Mangilan- ngilan kalahok (4) Mas madaliMonopolistiko (3) Kakaiba kumpara sang Marami (higit (Walang monopolyoKompetisyon kumulang May kontrol sa malapit na ngunit masPerpektong isang daan) pagdidikta ng kahalili)Kompetisyon Lubhang presyo at dami mahirap ng produkto o Identikal o kumpara sa Marami (libo) pinag-iba monopolistikon serbisyo (kakaunti g kompetisyon May relatibong at perpektong impluwensya ngunit kompetisyon sa pagdidikta magkakaugnay Madaling ng presyo at ang pumasok at dami ng produktong lumabas sa ipinagbibili) industriya produkto o Pinakamadalin serbisyo dahil Pinag-iba ang g pumasok sa sa sabwatan o produkto (dahil industriya kartel sa brand o tatak) Napakahina ng kontrol sa Identikal ang presyo produkto Walang kontrol sa presyoII. Panig ng Demand1. Walang indibidwal na may impluwensya sa pamilihan.2. Marami ang kalahok na mamimili (mas kaunti kumpara sa isang perpektong kompetisyon)3. Mahinang impluwensya sa pamilihan.4. Mangilan-ngilang bilang ng kalahok.5. Naididikta ng monopolista ang presyo at dami sa pamilihan. 33
Gawain 3: Paglalapat Ang kaangkupan ng iyong paliwanag ay batay sa iyong sariling pananaw.Ipatsek sa gurong tagapamahala ng modyul na ito ang iyong paliwanag.PANGHULING PAGSUSULIT 1. B 2. D 3. D 4. A 5. C 6. A 7. A 8. D 9. B 10. oo 11. hindi 12. oo 13. d 14. oo 15. oo 16. hindi 17. hindi 18. oo 19. oo 20. oo 34
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 9 IMPLASYONBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 9 IMPLASYON Si Jesus ay namamasahe lamang sa kanyang pagpasok sa eskuwelahan. Mula Pasay hanggang Maynila ang pamasahe ay P7.50. Noong nakaraang tatlong taon ay P5.50 lamang ang kanyang pamasahe sa parehas na biyahe. Samantalang noong 2002, ang pamasahe niya ay P4.00 lamang. Kung magsasaliksik lamang si Jesus kung magkano ang pamasahe bago magka-giyera ay malalaman niya na ang pamasahe sa tran-via ay 10 sentimo lamang. Ang presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang panahon ay malinaw nating makikita na may malaking pagbabago. Ito ay isang realidad na ng buhay na hindi na yata natin magagawang matakasan. Ang idinudulot nito sa atin ay isang krisis pang-ekonomikong pang personal o nasyonal o pareho. Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang implasyon, bakit may implasyon, anu-ano ang epekto ng implasyon sa atin, at ano ang mga hakbangin upang ito ay maiwasan. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Konsepto ng Implasyon at ang Paraan ng Pagsukat Nito Aralin 2: Ang Mga Epekto ng Implasyon Aralin 3: Mga Dahilan ng Implasyon Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon; 2. Maiisa-isa ang iba’t ibang epekto ng implasyon sa personal at nasyonal na aspeto nito; at 3. Masusuri ang mga dahilan ng implasyon. 2
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.A. Implasyon. C. Consumer Price Index.B. Deplasyon. D. Disimplasyon.2. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan.A. Cost Push. C. Implasyon.B. Demand Pull. D. DeplasyonE. .3. Ano ang ibig sabihin CPI na 100? A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa sa batayang taon. B. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa batayang taon. C. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon. D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100.4. Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon? A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon. B. kakulangan sa enerhiya. C. pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon. D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay. 3
5. Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation? A. pagtaas ng halaga ng electrisidad. B. pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer. C. mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod. D. mga regulasyon ng pamahalaan.6. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation? A. demand-pull at cost-push inflation. B. demand-pull inflation lamang. C. cost-push inflation. D. monetary inflation.7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA? A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon. B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon. C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon. D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang imnplasyon ay demand-pull o cost-push.8. Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo.A. PPC. C. GNP.B. CPI. D. PPI.9. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145? A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa batayang taon. B. Ang batayang price index ay may index na 145. C. Ang halaga ng market basket ay 145. D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang taon. 4
10. Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban sa: A. istrukturang kawalang trabaho. B. underemployment. C. implasyon. D. pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho. 5
ARALIN 1ANG IMPLASYON AT ANG PARAAN NG PAGSUKAT NITO Napapansin mo ba na ang bilang at dami ng mga produktong nabibili mo ngayonay di na kasing dami ng mga produktong nabibili mo noon? Naitanong mo na ba saiyong sarili kung ano ang dahilan ng mga ganitong pangyayari? Ito ang mgapangunahing katanungan na sasagutin ng araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maipaliliwanag ang konsepto ng implasyon; at 2. Mailalahad ang mga paraan ng pagsukat ng implasyon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tanungin sina lolo at lola, nanay at tatay, at ang mga kuya at ate mo tungkolsa mga presyo ng mga sumusunod na produkto:Produkto Presyo ng Produkto/Serbisyo1 Kilo Bigas Panahon nina Panahon nina Panahon nina Kasalukuyang1 Kilo Asukal Lolo at Lola Tatay at Nanay Kuya at Ate Panahon1 KiloGalunggong1 Kilo BaboyPamasahe 6
Mga Katanungan: 1. Pansinin ang mga presyo ng produkto/serbisyo ayon sa mga panahong ibinigay. ____________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Ikumpara ang mga presyo ng bilihin ayon sa mga panahon ng iyong Lolo at Lola, Tatay at Nanay, at Kuya at Ate at kasalukuyang presyo. ________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. May mga pagbabago ba sa presyo simula pa noon? _________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________Ang Implasyon Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga bilihin ay kasama natin atmakakasama natin hanggang sa tayo’y nabubuhay. Wika nga ng iba: “Until death, dous part”. Sa pangkalahatan, ang implasyon ay isang sitwasyon kung saan: 1. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto; 2. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas; 3. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at 4. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas. Samakatuwid, ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatangpresyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, kahit na ito pa ay ang importantengprodukto ng mga mamimili katulad ng bigas, karne, at iba pa, ay hindi maaaring 7
pagbasehan na may nangyayaring implasyon. Lalo’t higit ang isang minsanan ngunitmalawakang pagtaas ng mga presyo ng lahat ng bilihin sa buong ekonomiya ng bansa,ay hindi maaaring tawaging sitwasyon na may implasyon. Sa isang sitwasyon na may implasyon, walang malinaw na ekwilibriyo nanangyayari, kung kaya’t walang matatag na presyo. Ang presyo ng mga bilihin aypatuloy at patuloy na tumataas sa iba’t-ibang antas. Upang mas maintindahan mo kung ano ang implasyon, alamin natin ang mgaiba’t-ibang konsepto na may kaugnayan sa implasyon. Mga Iba’t ibang Konsepto sa Implasyon 1. Deplasyon – ito ang kabaligtaran ng implasyon, halimbawapagbaba ng presyo at pagtaas ng tutoong kita (real income). 2. Boom – Ito ang pinaka-mataas na punto ng sikliko ng kalakalan (trade cycle). Mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalang trabaho, at mayroong kasaganaan.BOOM SIKLIKO NG KALAKALAN DEPRESSION3. Depression – Ito ang kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang part eng sikliko ng produksyon kung saan malaki ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng mahigit isang taon. 8
4. Slump – Ito ang kalagayan kung saan may pagbaba ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya. 5. Recession – Ito ang pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga ilang buwan. 6. Stagflation – Tumutukoy sa ekonomiya na may paghinto kasabay ng implasyon. Sa normal na kalagayan kung saan mayroong pagtaas ng ekonomiya ito ay kadalasang may kaakibat na implasyon, ngunit sa kaso ng stagflation, mayroon implasyon na walang pagtaas ng ekonomiya. 7. Slumpflation - Ito ay kaparehas ng stagflation kung saan mayroon mataas na antas ng kawalang trahaho at pagtaas ng mga bilihin. 8. Reflation – Ito ay sitwasyon na may bahagyang implasyon, hal. kontroladong implasyon. 9. Disimplasyon – Tumutukoy sa proseso ng pagpapababa ng presyo ng mga bilihin 10. Inflationary gap – Isang condition kung saan ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa sa pangkalahatang suplay. 11. Phillip’s Curve – Ayon kay A.W. Phillips, mayroong trade-off sa pagitan ng kawalang trabaho at implasyon, hal. sa sitwasyong may mataas na implasyon, may pagbaba naman ng antas ng kawalang trabaho at vice-versa.Ang Pagsukat ng Pagbabago sa Presyo Bago natin malaman ng mayroon ngang implasyong nagaganap sa ating bansa,kailangan natin munang alamin kung paano sukatin ang mga pagbabago sa mgapresyo ng bilihin. Ang unang hakbang ay ang pagbuo ng mga price index. Ang price index ay angaverage ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at ikumpara ito sa presyo ng isangbatayang taon. May tatlong elemento na dapat bantayan sa pagbuo ng isang priceindex. 1. Ang mga lalamanin na produkto ng tinatawag na market basket. 9
2. Ang halaga ng bawat produktong kasama sa basket, at 3. Ang batayang taon na siyang gagawing punto ng paghahambing. Ang Pagpili ng Lalamanin ng Market Basket Ang mga bagay na lalamanin ng market basket ay depende sa kung anongklaseng price index ba iyong gagawin. Kung ito ay ang Consumer Price Index (CPI),ang dapat na makikita sa market basket ay mga produkto na malawakang ginagamit atbinibili ng mga konsyumer. Ang halaga ng pera ay ang purchasing power ng kita ng bawat mamamayan, hal.ang abilidad na makabili ng mga produkto at serbisyo. Ito ay katumbas ng konsepto ngtutoong kita (real income). May negatibong relasyon sa pagitan ng halaga ng pera atang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Kapag mas mataas ang presyo ng mgabilihin, mas mababa ang halaga ng pera.Ang Consumer Price Index (CPI) Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sapangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sakasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera.Mga Hakbang sa Pagbuo ng CPI 1. Ang pagpili ng Batayang Taon (Base Year). Ito ay ang taon na siyang pinagbabatayan kung saan ang mga pagbabago presyo kumpara sa ibang taon ay nasalagay sa porsyento nito. Ang batayang taon ay dapat na nasa normal na taon, hal. taon na lung saan ang ekonomiya ng isang bansa, ang political na kalagayan at ang mga presyo ng mga bilihin ay matatag. 10
2. Ang pagpili ng lalamanin ng Market basket. Ang mga produktong napili para sa market basket ay dapat naka-base sa kasalukuyang paggasta ng isang tipikal na pamilya. Ang mga produkto ay hindi dapt nasasara lamang sa isang partikulas na istado ng lipunan. Ito ay dapat na sumasalamin sa panlasa ng pangkahalatang populasyon. Hal., ang mga mamahaling jacket at mga mamahaling sasakyan ay hindi dapat isama sa listahan.3. Ang Presyo ng mga napiling produkto: a) Ang mga presyo mga napiling produkto ay dapat na makuha mapagkakatiwalaan institusyong nangangalaga ng mga datos nito mula sa kasalukuyan at sa hinaharap. b) Ang basket ay ilalagay sa presyo ng batayang taon. Ang index ng batayang taon ay dapat na nakalagay sa 100. c) Ang presyo ng parehas na nilalaman ng basket ay ilalagay sa pangkasalukuyang presyo ng mga bilihin. d) Ang halaga sa kasalukuyang market basket ay ikukumpara sa porsyento ng batayang taon.Pormula Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year Presyo ng Batayang Taon e) Ang index ng kasalukuyang presyo sa lahat ng nilalaman na produkto ng market basket ay pagsasamahin at idi-divide sa bilang ng aytems nito. Mula dito, makukuha natin ang tinatawag na simple price index o ang hindi tinimbang na index ng presyo. (Tingnan ang Halimbawa) 11
Aytems Presyo Index ng Presyo Index ng Bigat Bigat X IndexPagkain sa Batayang Kasalukuyang Kasalukuyang ng ngDamitBahay Batayang Taon Taon Taon bawat KasalukuyangPamasahe Taon Taon Presyo 50 100 30 60 4 240 100 100 120 120 3 360 200 100 250 125 2 250 10 100 20 200 1 200HALIMBAWA:Pormula Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year Presyo ng Batayang Taon = 30 X 100 50 = 0.60 X 100 = 60 Index ng Kasalukuyang Presyo 12
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kompyutin ang Simple Price Index ng Talaan na nasa Itaas at sagutinang tanong na nasa ibaba. TANONG: ILANG PORSYENTO NG ITINAAS/IBINABA NG PRESYO NGBILIHIN?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 13
Tandaan Mo! Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod: a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto; b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas; c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at d. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas. Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera. Gawain 3: Paglalapat Pag-aralan ang presyo ng mga sumusunod na listahan ng produkto. Kompyutin ang halaga ng pagtaas o pagbaba ng presyo nito1. Manok2. Baboy3. Talong4. Galunggong5. Bigas 14
ARALIN 2ANG EPEKTO NG IMPLASYON Sa naunang aralin, pinag-aralan natin ang kahulugan ng Implasyon at angparaan ng pagkompyut nito. Nalaman ang implasyon ay ang pagtaas ng halaga ng dilamang ng illang produkto, kungdi ng halos lahat o lahat ng produkto. Ngayon, aalaminnatin kung ano naman ang epekto ng implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiyang bansa. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maiisa-isa ang epekto ng Implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya ng Pilipinas; at 2. Matatalakay kung sino-sino ang mga nakikinabang at di-nakikinabang kapag may nangyayaring implsyon ; Gawain 1: Pag-isipan Mo! Halimbawang nagkaroon ng malwakang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at naapektuhan nito ang iyong pamilya, ano ang magagwa mo upang makatulong sa iyong mga magulang. Gumawa ng isang listahan ng iyong gagawin. 15
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280