YUNIT 3 : Paglilimbag : Relief PrintingAralin Bilang 3 Ang mga disenyong may etnikong motif ay makikitasamaraming bagay tulad ng banga, tela, damit, sarong,malong,panyo, cards, at iba pa. Lalo nitong napagaganda angmgakagamitan. Binubuo ang etnikong motif ng mga hugis at linya. Sapamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot)ng mga hugis at linya, nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayangdisenyo ang mga ethnic motif designs.DEPED COPY 216 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Relief Print ng Disenyong may Etnikong Motif Kagamitan: banana stalk at iba pang gulay na may stalk, brush, acrylic paint o water color, cartolina o cardboard,gunting at container Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Kumuha ng isang papel at gumuhit ng modelo ng disenyong etniko na nagpapakita ng pag-uulit, pagsasalit-salit, paikot o radial na ayos. 2. Mula sa nabuong modelo sa papel, gumupit ng anumang bagay na maaaring gawing pantatak(stamp) tulad ng sanga ng puno ng saging (banana stalk) at iba pang bagay na may stalks. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis na bagay. 3. Gumupit ng cartolina o cardboard na kasinlaki ng greeting cards (1/4 bond paper). 4. Pahiran ng pinta ang dulo ng stalks upang mailipat ang disenyo sa gagawing card gamit ang brush. 5. Sa pagbuo ng disenyo sa card, iayos ito nang paulit-ulit, pasalit-salit o radial. 6. Sumulat ng isang maikling mensahe sa maaaring pagbigyan ng card sa gawang loob nito. 7. Patuyuin ang card at ipakita sa kaklase bago ipasa sa guro. 217 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Ang relief prints ay mga disenyo, letter print, slogan o logo namakikita sa mga papel, tela, tarpaulin at sa iba pang materyalesupang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta. Ito ay ginagawa sapamamagitan ng pagbuo ng isang relief master o molde na maaaringgamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.Panuto: Iguhit ang sa kahon na katumbas ng iyong antassa mga kasanayang nasa unang hanay. Gamit ang rubrik sa susunod na pahina, suriin ang iyongginawang likhang-sining batay sa sumusunod na batayan: 218 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
KASANAYAN Buong Naaayon May kaunting Nanganga- Husay sa kahinaan o ilangan ng pagkukulang inaasahan tulong o suporta1. Nasunod ko nang maayos ang pamaraan sa paggawa ng relief prints.DEPED COPY2. Naipakita ko ang pag-uulit, pagsasalit- salit o radyal na ayos sa ginawang disenyo.3. Ang sarili kong disenyong nagawa sa relief prints ay hango sa mga ethnic motif designs ng mga pangkat- etniko4. Malaya akong nakagawa ng relief prints na hindi kinailangan ang tulong ng iba. 219 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 3 : PaglilimbagAralin Bilang 4 : Pagbuo ng Makasining na Dibuho Gamit ang Relief Master o Mold Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain. Naipamamalasito sa mga disenyo ng kanilang mga kagamitan, sa mga hugis atmaging sa mga kulay nito. Ang ating kaisipan at damdamin aymaaaring ipahayag sa pamamagitan ng paglilimbag. Pag-aralanang larawan sa ibaba.DEPED COPY 220 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagbuo ng Makasining na Dibuho Gamit ang Relief Master o MoldKagamitan: iba’t ibang gamit na karton o lumang folder, acrylic paint, gunting, glue o paste, lapis, kutsara, at lumang dyaryoDEPED COPYMga Hakbang Sa Paggawa:1. Takpan ng lumang dyaryo ang ibabaw ng mesa o lugar na gawaan upang hindi ito marumihan.2. Kunin ang dalang karton na maaaring cardboard na nasa likod ng iyong papel o kaya takip ng kahon ng sapatos o iba pang uri ng kahon.3. Gcounmtruahsitt ng isang disenyong pangkat-etniko na ginamitan ng sa karton.4. Gupitin ang bahaging disenyong ito at ayusin sa ibabaw ng isa pang karton.5. Idikit ang iba’t ibang piraso na magsisilbing bloke.6. Gamitin ang acrylic paint upang malagyan ng kulay ang dibuhong iyong ginawa. Maaari ring gumamit ng mga kulay na nagpapakita ng contrast.7. Ilagay ang papel sa ibabaw ng bloke.8. Gumamit ng kutsara upang ilapat ang papel sa bloke hanggang sa mailipat nang pantay ang disenyo.9. Dahan-dahang tanggalin ang papel.10. Lagyan ng pamagat ang iyong ginawang dibuho.11. Ipaskil ito sa paskilan. 221 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
mga hSugaispaatmkaumlaya,gnitaaipnankgikpitaagn-autuinliat-nuglitcaotnptraagsst aatsnaalikt-asbaulitbunog tayo ng disenyo na nagpapakita ng ating pagiging malikhain. DEPED COPYPanuto: Lagyan ng tsek () ang hanay ayon sa antas ng iyongnaisagawa. Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan sa PAMANTAYAN nang higit sa subalit pamantayan inaasahan may ilang1. Nakabuo ako pagkukulang ng disenyo sa (3) (2) (1) pamamagitan ng paglilimbag. 2. Nakasunod ako sa pamamaraang itinakda. 3. Naipakita ko ang pagiging malikhain sa paggamit ng contrast ng mga hugis at kulay. 222 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. Nakatapos ako ng gawaing-sining sa takdang oras. 5. Nakasunod ako sa pamantayang pangkaligtasan sa paggawa ng likhang-sining. 223 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 3 : PaglilimbagAralin Bilang 5 : Relief Prints mula sa Disenyong Gawa sa Luwad Saan mang lalawigan ay maraming luwad (plastic clay).Maraming bagay ang maaari nating likhain na simple at kakaibamula sa luwad. Makakagawa tayo ng mga palayok at mga pasona malaking negosyo at mahalagang produkto sa ilang mga lugarsa bansa. Maging sa pagpapatagal o pagpreserve ng pagkain atpagpapatuyo, ginagamit pa rin ang luwad. Mula pa rin dito, makakagawa tayo ng relief na binubuo ngdisenyong inuulit-ulit at disenyong salit-salit.DEPED COPY Paggawa ng mga Relief Prints sa KamisetaKagamitan: luwad (plastic clay), acrylic paint, gamit na puting kamisetaMga Hakbang Sa Paggawa:Gawain A 1. Takpan ng lumang diyaryo ang mesang gawaan. 2. Ilabas ang dalang luwad. 3. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot. 224 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 4. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis. 5. Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglagyan ng disenyo ay pantay. 6. Patuyuin ito para magamit sa relief printing. Gawain B 1. Kulayan/pintahan ang nabuong disenyong relief ng matitingkad na kulay. Maaari ring gumamit ng mga kulay at isalit-salit sa mga matitingkad, maputlang/malabnaw na kulay sa pagbuo ng relief prints. 2. Kunin ang dalang puting kamiseta. 3. Ilimbag ang disenyo sa relief. Ang disenyo ay ilimbag nang paulit-ulit at salit-salit upang lumabas ang magandang likhang-sining. 4. Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo. 5. Patuyuin ang natapos na likhang-sining, lagyan ito ng pamagat, at ipaskil. 225 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang ritmo ay isang prinsipyo ng sining na nalilikha sa pamamagitan ng mga galaw ng disenyo. Nakapupukaw ito ng damdamin. Ito ay makikita sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasalit ng mga disenyo. DEPED COPYPanuto: Lagyan ng tsek () ang kahon na katumbas na naabot mong antas para sa bawat kasanayan. Naisagawa Naisagawa Naisagawa ang obra ang obra ang obra PAMANTAYAN nang nang nangmay1. Nakagawa ako ng mahusay at mahusay pagkukulang isang simple at kakaibang disenyo. higit pa sa ayon sa inaasahan inaasahan (3) (2) (1)2. Nakapaglimbag ako ng relief na may ritmong inuulit at salit-salit.3. Gumamit ako ng disenyong-etniko bilang batayan ng sariling disenyo.4. Nakagawa ako nang nag-iisa. 226 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 3 : PaglilimbagAralin Bilang 6 : Paglilimbag ng Disenyo sa Table Mat Ang disenyong etniko ay tunay na nakalulugod at kaakit-akit sa paningin. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin itobilang disenyong pansulok, panggitna, pangkalahatan, at panggilidsa tela, kumot, malong, plorera, gusi, at punda ng unan. Isa narito ang disenyo ng mga Kalinga sa Lalawigang Bulubundukin (Mt.Province).DEPED COPY Sa kanilang mga disenyo ay makikita ang paggamit nila ngmalalaki at maliliit na hugis na nagdudulot ng contrast sa mgadisenyo.Pansulok Panggitna Pangkalahatan Panggilid 227 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Disenyo sa Table MatKagamitan: acrylic paint, katsa o anumang tela na kasinlaki ng table mat o panyo, disposable spoon (maliit at malaki), craft paper, at lapisMga Hakbang Sa Paggawa: 1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng pintura, katsa o anumang telang kasinlaki ng table mat o panyo at disposable spoon. 2. Lagyan ng lumang dyaryo o magazine ang mesang gagamitin. Ayusin ang tela sa ibabaw nito nang maayos. 3. Mag-isip ng isang disenyo na binubuo ng iba’t ibang hugis na maliliit at malalaki gamit ang mga disposable spoons. 4. Kunin ang disposable spoons at dahan-dahang lagyan ng pintura ang likod nito. 5. Dahan-dahang idikit ang bahaging may pintura ng disposable spoon sa tela paulit-ulit hanggang mabuo ang disenyong naisip. 6. Patuyuin ang telang may disenyo. Pagkatapos, isabit ito sa pisara sa unahan upang makita ng mga kaklase. Sa pamamagitan ng paggamit ng maliliit at malalaking hugis ay makabubuo ka ng contrast sa disenyo. Maaari gumamit ng mga found objects o recyclable material sa paggawa ng relief prints upang mas mapadali ang paglilimbag ng mga disenyo. 228 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Sagutan ang rubrik ayon sa iyong ipinakitang kakayahan sa paggawa ng sining. Lagyan ng tsek () ang kahon. Naisagawa Naisagawa NaisagawaDEPED COPY nang nang nang may KASANAYAN maayos at maayos kaunting higit pa sa ayon sa pagkukulang inaasahan inaasahan (3) (2) (1)1. Nakapaglimbag ako ng disenyo gamit ang ibang materyales at bagay na nasa paligid.2. Nakagawa ako ng disenyong pansulok, pang-gitna, at pangkalahatan.3. Nakatapos ako ng gawain sa inilaang oras.4. Naging malikhain ako sa pagsagawa ng disenyo.5. Naipakita ko ang contrast sa paggamit ng maliliit at malalaking hugis sa disenyong nilimbag. 229 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 3 : Paglilimbag : Paggawa ng Relief MoldAralin Bilang 7 Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na maga-gawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayangbagay. Ang paglilimbag na ito ay tinatawag ding relief mold. Angrelief mold ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibangbagay na matatagpuan natin sa ating paligid at sariling pamayanan. Sa pamamagitan ng kulay, mapayayaman ang ganda ngmga gawaing sining dahil ito ay nagpakikita ng damdamin atimahinasyong gumagawa.DEPED COPY Paggawa ng Relief MoldKagamitan: cardboard, bond paper, wood, glue, scissors, acrylic paint, at lumang dyaryoMga Hakbang sa Paggawa: 1. Linisin ang mesang paggagawaan at lagyan ng lumang dyaryo. 2. Kunin ang dalang karton. 3. Mag-isip ng isang sariling disenyo at iguhit ito sa karton. 4. Kunin ang gunting at gupitin ang disenyong iginuhit sa karton. 230 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 5. Ayusin ang disenyo sa ibabaw ng isang karton at idikit ito. 6. Kulayan ito ng pintura gamit ang brush. 7. Kumuha ng papel at ilagay ito sa ibabaw ng disenyo. 8. Ihagod nang dahan-dahan ang kutsara sa ibabaw ng papel hanggang sa mailipat ang disenyo sa papel. 9. Patuyuin ang natapos na gawain at ipaskil sa paskilan upang maihambing sa mga natapos na gawaing sining ng mga kaklase. Ang mga bagay na makikita sa paligid (found objects) ay maaaring gamitin bilang relief mold sa paglilimbag ng kawili- wiling disenyo. 231 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Itanghal sa ating display area/arts nook ang mga natapos na gawaing sining. Suriin ang bawat isa at sagutan ang rubrik.PAMANTAYAN DEPED COPY Nakasunod Nakasunod sa Nakasunod sa sa pamantayan pamantayan pamantayan nang higit sa subalit ngunit may inaasahan may ilang kaunting pagkukulang pagkukulang (3) (2) (1)1. Nakalikha ako ng disenyong gamit ang relief mold.2. Nagamit ko ang kulay ayon sa katangian nito.3. Nakagawa ako nang nag-iisa.4. Naipakita ko ang pagiging maingat sa mga kagamitan.5. Nakatapos ako ng gawain sa inilaang oras. 232 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 3 : Paglilimbag (Printmaking)Aralin Bilang 8 : Pagtatanghal sa mga Obra (Exhibit) o Hantungang Gawain (Culminating Activity) Ang pagtatanghal sa mga obra o eksibisyon ay ginaganapupang maipakita ang mga nalikhang obra o produkto. Karaniwang ginagawa ang eksibisyon sa mga paaralan lalonglalo na sa asignaturang Sining o Art. Mayroong pampaaralan,pangklase, pangkagawaran, at iba pang uri ng eksibisyon. Saparaang eksibisyon, naipamamalas ng mga manlilikha ang kanilangkakayahan.DEPED COPY Pagtatanghal sa mga Obra (Exhibit) o Hantungang Gawain (Culminating Activity) Hakbang sa Paggawa 1. Ang klase ay magkakaroon ng apat na pangkat. 2. Itanghal o isalansan nang maaayos ang inyong mga likhang- sining sa itinalagang lugar para sa inyong eksibisyon. 3. Bantayan ang inyong eksibit. 4. Magiliw na sagutin o ipaliwanag at ikuwento ang mga ito sa mga panauhin sa eksibit. 233 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY5. Pagkatapos ng oras na itinalaga para sa eksibisyon, ayusin o ibalik sa dating kinalalagyan ang inyong mga likhang sining. Sa pagsasagawa ng isang eksibisyon, kailangang ayusin ang lahat ng bagay na nais ipakita o itanghal nang maayos sa lugar na itinalaga. Ang pagpapangkat-pangkat ng mga likhang-sining ay naaayon sa layunin ng eksibit. Maaaring ang pag-ayos ng mga likhang-sining ay batay sa panahon ng pagkakagawa, ayon sa pangkat, ayon sa paksa, o ayon sa medium na ginamit. Kung sakaling may mga pagpapaliwanag na dapat ibigay sa panauhin, nararapat na maipaliwanag ito nang maayos at magiliw. Ang eksibit ay isang paraan upang maipakita ang kakayahan at natatanging gawa ng mga manlilikha o artists. 234 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Gamitin ang rubrik sa ibaba upang masuri ang ipinakita mong kakayahan sa eksibisyon. Kulayan ng paborito mong kulay ang kahon na katumbas ng antas na naabot mo sa bawat kakayahan. NakasunodDEPED COPY Nakasunod Nakasunod sa sa sa pamantanyan pamantayan pamantayan ngunit may KASANAYAN nang higit sa subalit kaunting inaasahan may ilang pagkukulang1. Naipakita ko ang pagkukulang kasiyahan sa (3) (2) (1) pagpapakita ng sariling likhang- sining.2. Maayos kong naitanghal ang sariling likhang- sining.3. Naipakita ko ang suporta sa ibang miyembro ng pangkat sa pamamagitan ng pagtulong sa paghahanda sa eksibit. 235 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. Malinaw at angkop ang ginawa kong pagpapaliwanag, pagsalaysay o pagsagot sa anumang tanong ng mga panauhin ukol sa sariling likhang-sining. 5. Nilinis ko at ginawang kaaya- aya ang sariling lugar na ginanapan ng eksibisyon. 236 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GLOSSARY SININGacrylic paint isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likodBackground ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro takip sa libro na may iba’t ibang disenyo o kulayBookmarkpabalat sa disenyo sa paligid ng papellibroborder designDEPED COPYbanana stalk bahagi ng halamang saging na ginagamit na pangdisenyo sa gawaing-siningBloke nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ngcardboard papelcontainer isang uri ng matigas na papel na ginagamit saconstruction gawaing-siningpaper lalagyan ng tubig o anumang bagay isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining na may iba’t ibang kulaycotton buds ginagamit na panlinis sa taingaChlorine nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o pang alis ng mantsa sa damitcoin purse lagayan ng baryaDisenyo ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang makabuo ng dibuhodisenyong disenyong nakaayos na ginagamitan ng linyaradial kutsarang yari sa plastikdisposablespoon 271 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Espasyo bahagi ng isang buong lugar na nasusukatelemento isang mahalagang sangkap o bahagi ng siningForeground DEPED COPYTanawing pinakamalapit sa tumitingin, harapitanghal ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagayIstilo sa harap o pagpaskiljewelry pouch pamamaraankalikasan lagayan ng iba’t ibang palamuti tulad ng singsing,kultural hikaw at kuwintaskontribusyon natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng DiyosLuwadMyural kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyonMiddleground mahalagang naiambag upang matapos ang isangmalong gawain o proyektoOverlap MoldeOil pastel malaking larawan na ipininta na kadalasanPalamuti makikita sa mga dingding o paderPista tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at background motif na iba’t-ibang uri ng disenyo mula sa mga pangkat-etniko isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga pangkat-etniko pagpapatong-patong ng mga hugis isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaing- sining Dekorasyon pagdiriwang sa isang lugarPrinsipyo sinusunod na pamantayan sa siningpangkat- grupo ng mga sinaunang taoetniko 272 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pattern proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang paulit-ulitplacemat ginagamit na patungan ng mga pinggan, kubyertos, at baso sa hapag kainanPaglalala ng Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga pirasoBanig ng materyales upang makalikha ng kahanga- hangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng bulaklakretaso pinagtabasang piraso ng telaDEPED COPYrecycled paper papel na gamit naTable runner isang mahabang tela na inilalagay sa mesa paraTina-tali dekorasyonT’boli ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit, papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band) na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla na may kulay mga taong nakatira sa pamayanang kultural na matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng T’nalak mula sa hibla ng abakaT'nalak ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga T’boli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal na kulay ng dahon AbakaValue sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawanwall décor at kadiliman nito palamuti sa dingdingwater color isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at brotcha o brush 273 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYMga Awit Ako Mananggete An Sakong Abaniko Ang Alibangbang Ang Huni ng Ibong Pipit Ano-Ano Atin Cu Pung Singsing Baby Seeds Bahay Kubo Bandang Musika Batang Magalang Batang Masipag Chua-ay Clean Up Week Song Do a Little Thing Early to Bed Gising Na Hear the Rain Huli Ka! Ili-ili Tulog Anay Inday Kalachuchi Kalesa Little Band Liza Jane Lupang Hinirang Magandang Araw Magtanim ay ‘Di Biro Manang Biday Masaya Kung Sama-sama Ode to Joy Oh, Come Play a Merry Tune Oh, Who Can Play 274 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Ohoy Alibangbang Pamulinawen Paruparong Bukid Pentik Manok Pilipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Rain,Rain Go Away Reach for the Sky Run And Walk Salidommay She’ll be Coming Round the Mountain Song and Dance Tayo Na! Tayo’y Magpasalamat Tayo’y Magsaya Tayo’y Umawit ng ABC Tiririt ng Maya Ugoy ng Duyan Umawit at Sumayaw Umayka Ti Eskuela We’re on the Upward Trail Will You Dance With Me? Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit 275 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY APPENDIX Sining Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110 Gawad ng Manlilikha ng Bayan, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Republika ng Pilipinas, 2004. Modern Teacher Magazine, Sept. 2011, Vol.60. Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4, pahina 21-24 Sining 4, pahina 11-12 Sining 4, pahina 78-79, Sining 5, pahina 104-105 http://www.ehow.com/about_6669221_history-tie_dye.html http://ecozeal.com/blog/the-history-and-art-of-tie-dyeing 280 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 4 Sining Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 4 Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kungsaan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad naroyalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) naginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isangkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mgaakdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.DEPED COPYInilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. MarianoInilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected] ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay- laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng: • mapanuri at replektibong pag-iisip; • mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; • mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at • mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYYunit 4 – 3D at Iskultura Aralin 1: Disenyo sa Tela................................................. 238 Aralin 2: Disenyo sa Tela ................................................ 241 Aralin 3: Disenyo sa Tela................................................. 245 Aralin 4: Pagbibigay ng Kahulugan sa Disenyo, Kulay at Anyo na Ginamit sa Likhang-Sining.............. 249 Aralin 5: Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas................... 253 Aralin 6: Disenyo ng Banig.............................................. 256 Aralin 7: Paglalala na may Iba’t Ibang Disenyo............... 260 Aralin 8: Paglalala ng Banig............................................. 263 Glossary............................................................................. 267 Appendix .......................................................................... 274 Bibliography ...................................................................... 276 vii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY SINING 141 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY YUNIT IV 3D at ISKULTURA 237 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura : Disenyo sa TelaAralin Bilang 1 Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. Maymapusyaw na kulay (light colors), may matingkad (bright), at maymadilim na kulay (dark colors). Ang tina ay isang uri ng pangkulayna inilalapat sa isang may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulayng tela. Ito ay maaaring ihalo para makagawa ng panibagong kulay.Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo na kakikitaan hindi lang ngkulay kung hindi mga linya at hugis rin.DEPED COPYKagamitan: lumang eco-bag o anumang lagayan ng gamit, retaso na may sukat na 10 x 10 na pulgada, 3 pakete ng tina na may parehong kulay, palanggana, patpat na panghalo ng solusyon, mainit na tubig, lastiko o pantali, asin at suka.Mga Hakbang sa Paggawa1. 1. Ihanda ang mga kagamitan. 238 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Talian ang retaso ayon sa gustong disenyo. 3. Sa mainit na tubig ihalo ang dalawang pakete ng tina, dala- wang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin. (Ang guro ang gagawa ng timpla.)DEPED COPY 4. Ilagay ang tinaling retaso sa timpla ng 5 hanggang 15 minuto. 5. Banlawan ang ginawa sa purong tubig. Alisin ang tali, patuyuin at kapag tuyo na ay plantsahin. 6. Idikit sa harapang bahagi ng eco-bag o anumang lagayan para maging disenyo at mabuo ang isang 3D na likhang-sining. (Maaaring ipagpatuloy ang gawain sa bahay). 7. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining. Bawat bata na may angking talento sa pagdidisenyo ay nakagagawa ng kakaibang likhang-sining gamit ang iba’t ibang kulay. 239 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik. Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunodDEPED COPYPAMANTAYAN pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit pamantayan inaasahan may ilang pagkukulang (3) (2) (1)1. Nakagawa ako ng orihinal na disenyo.2. Ang katangian ng kulay ay naipakita ko sa aking likhang- sining.3. Nasunod ko nang tama ang pamamaraan sa paggawa.4. Naipakita ko ang kahusayan sa paggawa. 240 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura : Disenyo sa TelaAralin Bilang 2 Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo nanagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Isa dito ay angpaglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng tie-dye. Ang pagta-tie-dye ay isang simple at nakawiwiling paraanupang gawin bago ang mga lumang tela o mga lumang damit,tuwalya, panyo at iba pa. Sa araling ito ay matututunan ninyo ang iba’t ibangpamamaraan sa pagbuo ng iba’t ibang estilo at disenyo.DEPED COPY 241 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kagamitan: tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o tuwalya, tina (dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka, at asin.Hakbang sa PaggawaDEPED COPY 1. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo. 2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. 3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye). 4. Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang patpat na panghalo. 242 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto. 6. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 7. Alisin ang tali, isampay, patuyuin, at plantsahin.DEPED COPY 8. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang- sining. 9. Tahiin ang natuyong tela upang makabuo ng isang maliit na unan o throw pillow. 243 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Nararapat na sumunod tayo sa mga hakbang lalo na sa pagsasagawa ng tie-dye para makalikha ng isang maganda at kakaibang disenyo. Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pag- kakasunod-sunod. _________1. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto. _________ 2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. _________ 3. Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo ng tina (dye). _________4. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo. _________5. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. _________6. Alisin and tali, patuyuin at plantsahin. _________7. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig. 244 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at IskulturaAralin Bilang 3 : Disenyo sa TelaPaksang Pangkawilihan: Pagtitina-tali (tie-dye) Ang kadalasang paraan sa pagta-tie-dye ay ang pagtali ngtela bago ito lagyan ng tina (dye) upang magkaroon lamang ngkulay ang mga bahagi ng tela na walang tali. Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pag-tie-dyesubalit mas maganda kong gumamit ng dalawa o higit pang mgakulay sa pagtitina.DEPED COPYKagamitan: tali/ pisi, lastiko (rubber band), tela o puting t-shirt, tina, palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka, at asinHakbang sa Paggawa 1. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo. 245 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. 3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye). 4. Maghanda ng dalawang timpla ng magkaibang kulay sa magkaibang lalagyan. 5. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig. Ganun din ang gagawin sa isa pang kulay. (Ang guro ang maghahanda ng timpla). 6. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto sa unang kulay. 7. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 246 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 8. Alisin ang tali, patuyuin, at plantsahin. 9. Tupiin nang panibago at talian ang tela ayon sa naiisip na disenyo. 10. Pagkatapos ay ibabad naman ang tela sa ikalawang kulay. 11. Muli ay banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 12. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin. 13. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang- sining. Ang disenyo sa tela ay napapaganda kapag sinusunod ang tamang hakbang sa pagsasagawa ng tie-dye. Dapat ring maging malikhain sa pagbuo ng disenyo upang ang natapos na likhang-sining ay magtataglay ng orihinal at kakaibang anyo. 247 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kaukulang hanay na nagsasabi ng iyong sagot. Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunodDEPED COPYPAMANTAYAN pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit pamantayan inaasahan may ilang pagkukulang (3) (2) (1)1. Nakabuo ako ng isang orihinal na disenyo.2. Naipahayag ko ang aking kaisipan at damdamin sa paggawa ng tie- dye.3. Nasunod ko ang tradisyunal na paraan sa pagta- tie-dye.4. Naibalik ko nang maayos sa kinalalagyan ang mga bagay na ginamit sa pagtitina. 248 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura : Pagbibigay ng Kahulugan saAralin Bilang 4 Disenyo, Kulay at Anyo na Ginamit sa Likhang-Sining Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo.Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sapaggawa ng kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala.Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gayang buli o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba at pabalagbagupang makabuo ng kahanga-hangang disenyo.DEPED COPY Banig na Papel Kagamitan: Magasin, gunting, at pandikit (glue). Hakbang sa Paggawa: Ang sumusunod na batayang kaalaman ay makatutulong upang makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala: Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay. 1. Pumili ng dalawang kumbinasyon. 2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel habang naglalala. 249 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa paglalala, maaaring lagyan ng patnubay na linya ang mga bahaging gugupitin. 4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan, sundin ang sumusunod na hakbang. a. Gupitin ang papel na lalalahin. b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maaaring isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa. c. Lalahin nang salitan ang papel. 250 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY d. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel pagkatapos ng paglalala. e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan. Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba’t ibang pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at kultura kaya dapat natin itong igalang at pahalagahan. 251 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at sagutin ang mga tanong. Nakasunod Nakasunod sa sa Hindi PAMANTAYAN pamantayan pamantayan nakasunod DEPED COPY nang higit sa subalit sa inaasahan may ilang pamantayan pagkukulang (3) (2) (1)1.Naipapamalas ko ang kakayahan sa paglalala.2.Ang kumbinasyon ng kulay, linya, hugis, disenyo, at pattern ay naipakita ko sa likhang- sining.3.Nasunod ko nang tama ang pamamaraan sa paggawa.4. Naibahagi ko ang damdamin sa kapareha tungkol sa likhang-sining na nabuo. 252 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura : Tradisyon ng PaglalalaAralin Bilang 5 sa Pilipinas Ang paglalala ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Dito makikitaang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan nayari sa iba’t ibang lokal na materyales at istilo sa pagdidisenyo. Mayiba’t ibang tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paglalala ngbanig. Isa na rito ang uri ng materyales, kulay, at disenyo.DEPED COPY Paggawa ng Pot Holder Kagamitan: retaso o ginupit na lumang damit na may sukat na 2x8 na pulgada. Mga Hakbang sa Paggawa 1. Gumupit ng 20 pirasong tela na lalalahin na may sukat na 2x8 na pulgada. 2. Ilagay nang pasalungat sa ibabaw ng mesa ang isang piraso ng tela at itali ang dulo ng sampung iba pa na magkaka-hilera gaya ng nasa larawan. 253 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 3. Kumuha ng isang linas (strip) sa natitirang tela at itali ang isang dulo nito sa unang nakabitin na tela. 4. Lalahin nang salitan ang tela. 5. Itali ang dulo ng tela, at gupitin ang sobrang tela. 6. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit, at linisin ang lugar na pinaggawaan. Maipakikita ng bawat isa ang angking kaalaman sa sining kung isinasaalang-alang niya ang paglikha ng orihinal na disenyo at akmang kulay na ilalapat sa likhang-sining. 254 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168