Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Arts Grade 4

Arts Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-23 03:00:20

Description: Arts Grade 4

Search

Read the Text Version

DEPED COPY YUNIT II PAGPIPINTA 177 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 1 : Landscape ng Pamayanang Kultural Nagagawa ng pintor na maging malapit o malayo ang mgabagay sa kaniyang likhang sining sa pamamagitan ng espasyo.Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwatsa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isangpintor, ang anyong mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin nghugis ng mga bagay na kaniyang iginuhit. Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay naipakikitasa pamamagitan ng paglalagay ng foreground, middle ground,at background. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasangmalalaki at pinakamalapit sa tumitingin. Ang bagay naman na nasabackground ay nasa likod at kadalasan na maliit. Ang middlegroundnaman ay may katamtaman ang laki ng mga bagay na nasa pagitanng foreground at background.DEPED COPY 178 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Background (tanawing likod) Middle ground(tanawing gitna)DEPED COPY Foreground (tanawing harap) Sa pamamagitan ng foreground, middle ground,at background,naipakikita ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan Pagpipinta ng Tanawin sa Komunidad (Landscape Painting) Kagamitan: claopnitsa,inbeor ndpaper, watercolor, basahan, at water Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Isipin ang larawan ng komunidad na iguguhit. Ito ay maaaring sariling komunidad na kinabibilangan o ayon sa iyong imahinasyon. Planuhin ang gawain ng mga tao, itsura ng bahay, at tanawin sa komunidad na iguguhit. 179 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. Unahing iguhit ang guhit-tagpuan (horizon) at mga bagay na pinakamalaki at nasa harapan (foreground) tulad ng tao at ang kanilang ginagawa.3. Sunod na iguhit ang mga bagay sa middle ground o tanawing gitna tulad ng mga tahanan at puno.4. Pagkatapos, iguhit ang background o tanawing likod tulad ng bundok o kapatagan at langit.5. Kulayan mo ito ng watercolor at lagyan ng pamagat Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ng komunidad ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagguhit ng foreground, middle ground, at background.DEPED COPYPanuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang inyong naging pagganap gamit ang rubrik na nasa kasunod na pahina .PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong (3) (2) mahusay (1)1. Naiguhit at Naiguhit at Naiguhit ko Hindi ko nakulayan ko nakulayan ko. ngunit hindi naiguhit. ang tanawin ng pamayanang nakulayan. kultural. 180 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. Naipakita ko Naipakita Hindi ko Hindi kosa larawan ko nang maayos na naipakita ang naipakita ang foreground,ang wastong tama ang foreground middle foreground,espasyo sapamamagitan middle ground atng foreground, ground at middlemiddle ground at background. ground, at background.background. background.3. Nakilala ko Nakilala ko Hindi ko Hindi koDEPED COPYang mga ang 3 gaanong nakilala angpamayanang pamayanang nakilala ang pamayanangkultural sa kultural sa pamayanang kultural sabansa at ang bansa. kultural sa bansa.mga natatanging bansa.uri ng tahanan atpamumuhay.4. Naipagmalaki Naipagmalaki Hindi ko Hindi koko ang likhang ko ang aking gaanong naipag-sining sa likhang- naipagmalaki malaki.pamamagitan ng sining. ang likhang-eksibit. sining. 181 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : PagpintaAralin Bilang 2 : Kasuotan at Palamuting Etniko Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paninginkung maganda ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng siningtulad ng linya, hugis, at kulay. Ang paggamit ng overlapping technique ay nakatutulongupang makatawag pansin ang isang disenyo. Ang overlap ay angpagpapatong-patong ng mga linya, hugis, at bagay sa larawan.Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan atmaging makatotohanan ang sining. Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ngdisenyo. Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama angmapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang linya,hugis, o bagay sa larawan.DEPED COPY 182 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Kasuotan at Palamuting Etniko Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, acry-color, brush, lalagyan ng tubig, at basahan Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Mag-isip ng disenyo at tabas ng kasuotang maaring isuot para sa nalalapit na pagdiriwang. Maaaring gumamit ng simbolo ayon sa gawain o pamumuhay tulad ng pangingisda, pagsasaka, pangangaso, o pangunguha ng prutas. 2. Igawa ng pattern sa manila paper at gupitin na parang kasuotan. ab cd 183 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY3. Lagyan ng disenyo ang pattern ayon sa napag-aralan sa kasuotan ng pangkat-etniko. Gumamit ng ibat ibang hugis. Maaaring lagyan ng mga disenyong kuwintas at iba pang palawit. 4. Pintahan gamit ang acry color. Gumamit ng natural o walang halo na kulay para maging matingkad at dagdagan naman ng puti kung gustong maging malamlam ang isang kulay. Patuyuin. 5. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain. 6. Humanda para sa isang pagtatanghal o munting parada sa loob ng silid. Ang paggamit ng pagpapatong-patong (overlap) ng mga linya, hugis, at matitingkad na kulay ay nakatutulong upang maging kaakit-akit ang kasuotan. 184 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isuot ang kasuotang ginawa at sumali sa munting parada sa loob ng silid-aralan. Panuto: Suriin ang mga disenyo ng kasuotan ng kamag-aral. 1. Ano anong matingkad na kulay ang magandang gamitin sa mga kasuotan? 2. Ano anong mga linya at hugis ang nakatatawag pansin na disenyo? 3. Tukuyin ang mga overlap na hugis sa disenyo ng kasuotan. 185 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : Pagpipinta : Kultura ng Pangkat-EtnikoAralin Bilang 3 Ang sining ng pagpipinta ay nakatutulong upang maipahayagang pagiging malikhain sa pagpapakita ng value sa pagkulay. Sawatercolor painting, maaaring makalikha ng ibang epekto sa likhangsining. Ang value ay sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawanat kadiliman nito. Ang bahagi ng larawan na maliwanag ay maymapusyaw na kulay subalit ang malalayong bagay at di-naabot ngsinag ng araw ay may madilim na kulay. Sa pamamagitan ng value sa pagkulay, nagigingmakatotohanan at maganda ang larawan.DEPED COPY 186 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Value Sa Pagkulay Kagamitan: lapis, watercolor, lalagyan ng tubig, brush, bondpaper at basahan 1. Umisip ng disenyo mula sa napag-usapan o nakitang larawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng komunidad na nais mong iguhit. Ito ay maaaring gawain sa araw-araw o tradisyon na ginagawa sa inyong lugar. 2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis. 3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan. 4. Isawsaw ang brush sa watercolor at ipang-kulay ayon sa kulay ng bagay. Ulit-ulitin ang pagpipinta hanggang makuha ang nais na value. 5. Dagdagan ng kulay kung nais na maging madilim ang kulay at tubig at puti naman kung gustong maging mapusyaw. 6. Patuyuin. 7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain. Sa watercolor painting, naipakikita ang tamang value sa pagkulay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig. Ang pagpahid ng watercolor na may kakaunting tubig ay nakapagpapalabas ng madilim na kulay. Maaari namang dagdagan ng tubig upang maipakita ang mapusyaw na kulay. Sa pamamagitan ng value, nagiging makatotohanan ang dating ng larawan. 187 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa batay sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba. Napakahusay Mahusay Hindi gaanong mahusay PAMANTAYANDEPED COPY (3) (2) (1)1. Naiguhit at nakulayan ko ba ang larawan ng kultura sa sariling komunidad?2. Naipakita ko ba sa aking larawan ang kapusyawan at kadiliman ng kulay?3. Nasiyahan ba ako sa paggamit ng watercolor bilang midyum sa paggawa ng likhang- sining?4. Naipagmalaki ko ba ang aking likhang-sining sa pamamagitan ng watercolor painting? 188 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 4 : Pista ng mga Pamayanang Kultural Ang mga Filipino ay sadyang masayahin.Napagbubuklod buklodtayo dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahonng pagtatanim at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samangnagsasaya, nagbabatian, at gumagawa upang maisakatuparan anglayunin ng kanilang pagdiriwang. Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ngpista. Madalas itong isang parangal sa patron ng bayan at gina-gawa isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi ngpagdiriwang ay ang misa at prusisyon. Tuwing pista nagkakasamaang magkakaibigan at magkakamag-anak. Lahat ay nagsasayadahil sa mga palaro at masasayang tugtugin ng banda ng musikongumiikot sa buong bayan. Nagsasalo-salo rin sila sa masaganangpagkain.DEPED COPY Nagagawa ng pintor na maipakita sa kaniyang likhang-siningang damdamin ng isang tao. Alam din niya kung paano ilalarawanang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya o maligaya,malungkot o payapa. Sa paggamit ng kulay tulad ng dilaw, kahel, at pula,naipahihiwatig ng pintor ang tamang damdamin na nagpapakita ngsaya. Tingnan ang larawan sa susunod na pahina. 189 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Larawan ng PistaKagamitan: manila paper, acrylic paint o acry-color, brush, lapis, marker, water container, basahan, lumang dyaryo, at bondpaperMga Hakbang Sa Paggawa: 1. Bumuo ng pangkat na may 5-6 na kasapi. 2. Planuhin ang iguguhit na selebrasyon sa isang bondpaper upang mapaghati-hati ang gawain ng pangkat. 3. Ang nabuong disenyo sa bondpaper ng bawat pangkat ay ilipat sa manila paper sa pamamagitan ng lapis. 4. Kulayan ang larawan sa pamamagitan ng acrylic paint. Gumamit ng mga masasayang kulay tulad ng dilaw, dalandan, pula at iba pa upang maipakita ang masayang damdamin. 5. Patuyuin. 6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain. 190 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Naipakikita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitanng paggamit ng kulay. Ang mga kulay tulad ng dilaw, kahel,pula, at iba pang kulay ay ginagamit sa mga masasayangpagdiriwang o selebrasyon tulad ng pista.DEPED COPYPanuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa batay sa rubrik na nasa ibaba.PAMANTAYAN Kapansin- Hindi Hindi pansin gaanong kapansin- kapansin- (3) pansin pansin (2) (1)1. Naiguhit at nakulayan ko ang myural ng isang pag-diriwang o selebrasyon.2. Naipakita ko sa larawan ang damdamin ipinahihiwatig sa pamamagitan ng kulay.3. Nakilala ko ang mga selebrasyon o pagdiriwang ng ilang pamayanang kultural sa bansa.4. Naipagmalaki ko ang myural na nilikha.5. Nagampanan ko ang aking tungkulin bilang bahagi ng aking pangkat. 191 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : Pagpipinta : Krokis ng Pamayanang KulturalAralin Bilang 5 Ang mga bagay sa ating kapaligiran ay may iba’t ibang hugis,laki, at kulay gaya ng bundok, dagat, gusali, at iba pang likas at di-likas na istruktura. May mga bagay na malapit at mayroon ding mgabagay na malayo. Ang mga malalayong bagay ay nagiging maliit sapaningin habang ang mga bagay naman na malalapit ay mas malakisa paningin kung ikukumpara mo sa mga bagay sa malalayo. Sasining, tinatawag itong ilusyon ng espasyo. Sa paggawa ng krokis o pagguhit ng landscape o tanawinng isang pamayanan na itinatampok ang kapaligiran bilang paksa,kailangang isaalang-alang ang espasyo, balanse, at proporsyonupang maging mas makatotohanan ang larawang iguguhit.DEPED COPY 192 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Pagguhit ng Isang Pamayanang Kultural Kagamitan: papel o bond paper, lapis at pambura, at ruler Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa pagguguhit. 2. Maglagay ng mga palatandaan sa mga dakong paglalagyan ng paksa sa background, middle ground, at foreground. 3. Siguraduhing nasusunod ang mga pamantayan sa pagguhit gamit ang balanse sa larawan. 4. Bigyan din ng pansin ang proporsyon ng mga bagay-bagay na iguguhit para higit na maging makatotohanan ang dibuho. 5. Mag-isip ng kawili-wiling tanawin sa inyong lugar na makikita sa mga pamayanang kultural na nais mong iguhit. 6. Lagyan ng pamagat ang natapos na likhang-sining. 7. Maghanda sa pag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa inyong nabuong guhit. 8. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain. 193 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Sa pagguhit, kailangang bigyan ng pansin ang tamang laki ng mga bagay-bagay at paglalagay ng foreground, middle ground, at background upang magkaroon ng balanse at proporsyon ang dibuho. Ang pigura ng tao ay mas maliit kung ikukumpara mo ito sa bahay at gayon din sa mga puno kung titingnan sa aktwal na larawan.Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito. A. krokis B. hugis C. laki D. proporsyon 2. Kapag ang mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong magmukhang malayo sa paningin, ano ang dapat mong gawin? A. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit nito kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit. B. Gawing malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit. C. Iguhit ito sa pinakamababang bahagi ng papel. D. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel. 194 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY 3. Ano ang tawag sa larawan na ang karaniwang paksa ay mga bundok, burol, at puno? A. espasyo B. kulay C. landscape d. proporsyon 4. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsyon at espasyo sa pagguhit? A. Upang maging makulay ang larawang iginuhit. B. Upang maging kakaiba ang larawang iginuhit. C. Upang maging mas makatotohanan ang larawang iginuhit. D. Upang maging malamlam ang kulay ng larawang iginuhit. 195 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : Pagpipinta : Kulay ng KapaligiranAralin Bilang 6 Kulay ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay sa paligid. Itoay maaaring mapusyaw at maaari ring matingkad. Kapag ginamitang kulay sa isang obra o likhang-sining, nakapagpapahiwatig itong iba’t ibang kahulugan. Ang mga maiinit na kulay tulad ng pula, kahel, at dilaw aynagpapahiwatig ng kasiyahan at kagalakan. Ang mga kulay namalalamig tulad ng bughaw at lila ay nagpapagaan ng pakiramdam. Nagagawang malamlam ang isang kulay kung ito ay hahaluanng kulay na komplementaryo subalit nagiging mapusyaw ang kulaykung hahaluan ng puti.DEPED COPY 196 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Pagkukulay ng mga Naiguhit na mga Bagay sa Paligid na Naglalarawan ng mga Iba’t Ibang Pamayanang Kultural Kagamitan: oslo paper, brush krayola, o watercolor (Maaaring gumamit ng anumang natural na pangkulay gaya ng katas ng dahon, bulaklak, o balat ng prutas) Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Planuhin ang mga kulay na gagamitin sa krokis ayon sa kahulugan na gustong ipahiwatig. 2. Gumamit ng matitingkad na kulay para sa mga detalye na gustong bigyang-diin at mapupusyaw naman na kulay para sa mga iba pang detalye. 3. Takpan ng lumang dyaryo ang mesang gagamitin sa pagpipinta. 4. Simulan ang pagkukulay sa idinitalyeng larawan. 5. Kung gagamit ng watercolor, patuyuin ang papel bago ipaskil. 6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain. 197 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

• Mahalaga ang tamang paggamit ng mga kulay. Gumamit ng matitingkad na kulay sa mga bagay na bibigyang diin at mapupusyaw sa mga maliwanag na bahagi.• Ang mga kulay ay nagpapahiwatig ng damdamin at kahulugan sa mga dibuho.DEPED COPYPanuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin. Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunodPAMANTAYAN pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit pamantayan inaasahan may ilang pagkukulang (3) (2) (1)1. Nalaman ko ang ibig ipakahulugan ng mga kulay na ginamit ko sa aking krokis. 198 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY2. Nakulayan ko ang larawan ng mga bagay sa paligid na nagpapakita ng mapusyaw at matingkad na kulay. 3. Nagamit ko nang maayos ang kulay bilang mahalagang elemento ng sining. 4. Naipabatid ko ang mensahe ng aking ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay. 5. Naipagmalaki ko ang aking ginawang dibuho. 199 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : PagpipintaAralin Bilang 7 : Myural ng Tanawin sa Pamayanang Kultural Paggawa ng myural ang tawag sa paraan ng pagpipinta sadingding o walls. Maraming Pilipinong pintor ang tanyag sa larangang ito ngsining. Ilan sa kanila ay ang mga Pambansang Alagad ng Sining nasina Carlos “Botong” Francisco na gumawa ng myural sa Bulwagansa Lungsod ng Maynila, Juan Luna sa kaniyang obra na Spoliarium,at Vicente S. Manansala, modernong Pilipinong pintor na may-aring obrang Stations of the Cross na nasa UP Diliman chapel. Itinatampok din nila sa kanilang obra ang kawili-wilingpagdiriwang ng pistang bayan, payak na pamumuhay sa kabukiran,kabundukan, at larawan ng patuloy na umuunlad na pamayanangkultural. Sa pamamagitan ng mga obrang ito, nalalaman natin angangking yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi.DEPED COPY 200 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Paggawa ng Myural Kagamitan: mga iginuhit na larawan, pandikit, marking pen, at lapis Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Ihanda ang mga likhang-sining na ginawa sa mga nakaraang aralin 1-7. 2. Ilatag sa sahig ang mga likhang-sining ng pangkat at ipaanyo nang maayos bago idikit sa dingding upang makabuo ng isang myural. 3. Kung ang lahat ay naihanda na, maaari nang simulan ang pagdidikit sa itinalagang lugar ng guro para sa inyong pangkat. 4. Lagyan ng pamagat ang mga ginawa at maaaring dagdagan ng iba pang detalye o disenyong mas lalong magpapaganda sa ginagawang myural. 5. Maghanda para sa pag-uulat. 201 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

• Ang myural ay isang malaking larawan na nakapinta o nakalagay sa dinding o pader. Ang likhang - sining na ito ay maaaring gawin ng isang tao o pagtulungang gawin ng marami.• Mahalagaangpagtutulunganatkooperasyonsapagsasagawa ng anumang proyekto.DEPED COPYPanuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin. Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan saPAMANTAYAN nang higit subalit may pamantayan sa ilang inaasahan pagkukulang (3) (2) (1)1. Nagawa ko nang maayos ang myural.2. Nakipagtulungan ako sa paggawa ng myural. 202 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY3. Naipahayag ko ang aking damdamin at kaisipan batay sa mga elemento na ginamit ko sa larawan. 4. Nagawa ko ang aking likhang- sining nang buong kagalakan. 5. Naipagmalaki ko ang aking ginawa. 203 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 2 : Pagpipinta : Malikhaing PagpapahayagAralin Bilang 8 Sadyang katangi-tangi ang kapuluan ng Pilipinas. Nag-uumapaw sa makukulay na kultura at kaugaliang nagpapatingkadsa tatak-Pilipino. Sa pagpunta natin sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi natinmaiiwasang mamangha sa angking kagandahan ng mga likasat di-likas na tanawin. Ito ang nagbibigay sa atin ng kakaibangkaranasan. Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao, maging angkulay ng paligid, ang awit ng mga ibon, at ang malamig na simoyng hanging dulot ng mga puno at halaman ay ilan lamang sa mgabagay na nagpapaalala sa atin ng mayamang karanasan sa lugarna ating pinupuntahan.DEPED COPYPanuto: Magpangkat-pangkat ayon sa ibibigay ng guro. I – Pangkat Luzon II – Pangkat Visayas III – Pangkat MindanaoKagamitan: mga ipinintang larawan sa mga nakaraang aralin, maliit na bola o kahit anong bagay sa silid na magaan at madaling hawakan 204 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYMga Hakbang sa Paggawa: 1. Ilatag sa sahig ang mga likhang-sining na ginawa sa nakaraang aralin. Umupo sa ayos na pabilog na pinaliligiran ang mga likhang-sining. 2. Ang lider ng pangkat ang siyang unang may hawak ng bola at ipapasa pakanan kasabay ang awit na iparirinig ng guro. 3. Kapag itinigil na ng guro ang awit ay tatayo sa gitna ang huling may hawak ng bola. Malikhain niyang ibabahagi ang karanasan patungkol sa larawan o likhang-sining at sa karanasan sa pamayanang kultural na nasa ipinintang landscape. 4. Uulitin ito hanggang sa ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makapagbahagi. • Napananatili natin ang ganda at yaman ang ating pamayanan kung ito ay ating iingatan at pahahalagahan. • Mayaman ang mga Pilipino sa kultura at tradisyon. Mapagyayabong pa natin ito kung mananatiling buhay sa puso at isipan natin ang katangi-tanging kultura at tradisyon na sadyang tatak-Pilipino. 205 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon na tumutugon sa puntos na nais mong ibigay sa iyong bagong pagganap sa aralin.DEPED COPYPAMANTAYAN Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan sa nang higit subalit may pamantayan sa inaasahan ilang (1) (3) pagkukulang (2)1. Ganap kong naibahagi sa aking mga kamag-aral ang natatangi kong karanasan tungkol sa aking likhang- sining.2. Natapos ko ang gawain nang may pagtutulungan at kooperasyon sa mga kapuwa ko kasapi ng pangkat.3. Naipagmalaki ko ang aking ginawa.4. May natutuhan ako sa gawain na maaari kong ibahagi sa aking kapuwa. 206 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

GLOSSARY SININGacrylic paint isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likodBackground ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro takip sa libro na may iba’t ibang disenyo o kulayBookmarkpabalat sa disenyo sa paligid ng papellibroborder designDEPED COPYbanana stalk bahagi ng halamang saging na ginagamit na pangdisenyo sa gawaing-siningBloke nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ngcardboard papelcontainer isang uri ng matigas na papel na ginagamit saconstruction gawaing-siningpaper lalagyan ng tubig o anumang bagay isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining na may iba’t ibang kulaycotton buds ginagamit na panlinis sa taingaChlorine nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o pang alis ng mantsa sa damitcoin purse lagayan ng baryaDisenyo ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang makabuo ng dibuhodisenyong disenyong nakaayos na ginagamitan ng linyaradial kutsarang yari sa plastikdisposablespoon 271 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Espasyo bahagi ng isang buong lugar na nasusukatelemento isang mahalagang sangkap o bahagi ng siningForeground DEPED COPYTanawing pinakamalapit sa tumitingin, harapitanghal ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagayIstilo sa harap o pagpaskiljewelry pouch pamamaraankalikasan lagayan ng iba’t ibang palamuti tulad ng singsing,kultural hikaw at kuwintaskontribusyon natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng DiyosLuwadMyural kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyonMiddleground mahalagang naiambag upang matapos ang isangmalong gawain o proyektoOverlap MoldeOil pastel malaking larawan na ipininta na kadalasanPalamuti makikita sa mga dingding o paderPista tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at background motif na iba’t-ibang uri ng disenyo mula sa mga pangkat-etniko isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga pangkat-etniko pagpapatong-patong ng mga hugis isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaing- sining Dekorasyon pagdiriwang sa isang lugarPrinsipyo sinusunod na pamantayan sa siningpangkat- grupo ng mga sinaunang taoetniko 272 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

pattern proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang paulit-ulitplacemat ginagamit na patungan ng mga pinggan, kubyertos, at baso sa hapag kainanPaglalala ng Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga pirasoBanig ng materyales upang makalikha ng kahanga- hangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng bulaklakretaso pinagtabasang piraso ng telaDEPED COPYrecycled paper papel na gamit naTable runner isang mahabang tela na inilalagay sa mesa paraTina-tali dekorasyonT’boli ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit, papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band) na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla na may kulay mga taong nakatira sa pamayanang kultural na matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng T’nalak mula sa hibla ng abakaT'nalak ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga T’boli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal na kulay ng dahon AbakaValue sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawanwall décor at kadiliman nito palamuti sa dingdingwater color isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at brotcha o brush 273 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYMga Awit Ako Mananggete An Sakong Abaniko Ang Alibangbang Ang Huni ng Ibong Pipit Ano-Ano Atin Cu Pung Singsing Baby Seeds Bahay Kubo Bandang Musika Batang Magalang Batang Masipag Chua-ay Clean Up Week Song Do a Little Thing Early to Bed Gising Na Hear the Rain Huli Ka! Ili-ili Tulog Anay Inday Kalachuchi Kalesa Little Band Liza Jane Lupang Hinirang Magandang Araw Magtanim ay ‘Di Biro Manang Biday Masaya Kung Sama-sama Ode to Joy Oh, Come Play a Merry Tune Oh, Who Can Play 274 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Ohoy Alibangbang Pamulinawen Paruparong Bukid Pentik Manok Pilipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Rain,Rain Go Away Reach for the Sky Run And Walk Salidommay She’ll be Coming Round the Mountain Song and Dance Tayo Na! Tayo’y Magpasalamat Tayo’y Magsaya Tayo’y Umawit ng ABC Tiririt ng Maya Ugoy ng Duyan Umawit at Sumayaw Umayka Ti Eskuela We’re on the Upward Trail Will You Dance With Me? Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit 275 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY APPENDIX Sining Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110 Gawad ng Manlilikha ng Bayan, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Republika ng Pilipinas, 2004. Modern Teacher Magazine, Sept. 2011, Vol.60. Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4, pahina 21-24 Sining 4, pahina 11-12 Sining 4, pahina 78-79, Sining 5, pahina 104-105 http://www.ehow.com/about_6669221_history-tie_dye.html http://ecozeal.com/blog/the-history-and-art-of-tie-dyeing 280 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY 4 Sining Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 3 Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kungsaan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad naroyalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) naginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isangkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mgaakdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.DEPED COPYInilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. MarianoInilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected] ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay- laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng: • mapanuri at replektibong pag-iisip; • mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; • mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at • mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYYunit 3 – Paglilimbag Aralin 1: Testura (Texture)............................................... 208 Aralin 2: Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya............ 212 Aralin 3: Relief Printing.................................................... 216 Aralin 4: Pagbuo ng Makasining na Dibuho Gamit ang Relief Master o Mold........................ 220 Aralin 5: Relief Prints mula sa Disenyong Gawa sa Luwad.................................... 224 Aralin 6: Paglilimbag ng Disenyo sa Table Mat............... 227 Aralin 7: Paggawa ng Relief Mold................................... 230 Aralin 8: Pagtatanghal sa mga Obra (Exhibit) O Hantungang Gawain (Culminating Activity)... 233 vii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY SINING 141 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY YUNIT III PAGLILIMBAG 207 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 3 : Paglilimbag : Testura (Texture)Aralin Bilang 1 Maraming mga produktong gawa sa Pilipinas na ikinakalakalsa ibang bansa ang nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa tibay atkakaibang ganda. Karaniwang makikita sa mga produkto ang iba’tibang disenyo na nagpapakilala ng lugar o pangkat na pinagmulannito. Taglay ng mga produktong ito ang iba’t ibang testura (texture).Ang mga basket, banig, at bag na yari sa yantok ay may testurangmatigas at magaspang. May mga bag naman na malalambot atmakikinis. Ang testura ng isang bagay ay naaayon sa uri ng materyalna ginamit dito.DEPED COPY 208 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Disenyong Panggilid (Border Design) Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit butones, hairclip, barbecue sticks, barya ng iba’t ibang halaga, mga dahon na may iba’t ibang hugis at testura, acrylic paint, paint brush, gunting, dyaryo, at lumang plastik Mga Hakbang Sa Paggawa: 1. Pumili ng mga mga dahon na may iba’t ibang laki at testura. 2. Ayusin ang mga napiling dahon . Ang disenyong gagawin ay maaaring katulad ng mga disenyo sa iyong paligid o komunidad. Iayos ang mga ito sa ibabaw ng mesang paggagawaan. 3. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang bahagi ng dahon na may testura para lumitaw ang disenyo). 4. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang mga dahon, maaari na ipatong ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon sa ilalim nito. 5. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang mga testura nito na nasa ilalim. 6. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim nito). 7. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid. Ipaskil na ito sa exhibit area upang makita rin ng iba at maghanda sa pagpapahalaga. 8. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawan ng proyekto o disenyo. 209 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ang mga bagay sa paligid natin ay nagtataglay ng iba’tibang testura, maaaring ito ay magaspang, malambot, atmakinis na puwede nating gamitin sa paggawa ng iba’t ibangdisenyong panggilid o border design.DEPED COPYPanuto: Lagyan ng tsek () ang antas na naabot sa bawat pamantayan.PAMANTAYAN Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit pamantayan inaasahan may ilang (1) pagkukulang (3) (2)1. Nasunod ko ang pamamaraan sa paglilimbag at nakabuo ng sariling disenyo.2. Gumamit ako ng mga bagay na may iba’t ibang testura sa pagbuo ng disenyo. 210 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY3. Naipaliwanag ko ang natapos na likhang-sining. 4. Napahalagahan ko ang likhang- sining sa pamamagitan ng paggamit at pagbahagi nito sa iba. 5. Naitanghal ko ang natapos na gawain. 211 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 3 : Paglilimbag : Contrast ng Pakurba at TuwidAralin Bilang 2 na Linya Mayaman sa kultura at sining ang ating bansa. Ito ay dahilsa kontribusyon ng iba’t ibang pangkat-etniko. Ang kanilang mgadisenyo ay batay sa mga bagay-bagay na natatagpuan o nakikitasa kanilang lugar o kapaligiran at kultura. Ang mga kapaligiranay nagtataglay ng contrast sa pamamagitan ng paggamit ng mgalinyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok-tuldok, parisukatat pabilog, at iba pa.DEPED COPY Eco Bag Na May Disenyong Etnikong MotifKagamitan: recycled paper bag o eco bag, watercolor o acrylic paint, paint brush, gunting, folder o cardboard 212 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYHakbang sa Paggawa: 1. Umisip ng disenyo na nais mong mailimbag sa recycled paper bag. Ang mga disenyong gagamitin ay hango sa etnikong motif na napag-aralan o anumang disenyong ibig mong idibuho na. 2. Kumuha ng cardboard at gupitin sa nais na hugis. Maaari kang gumawa ng dalawa o tatlong uri ng hugis. Gumupit din ng mga linyang tuwid at pakurba para sa isang panig ng paper bag. 3. Pagkatapos makagawa ng mga disenyo, ayusin ang paper bag sa mesa. Kailangang pantay ang pagkakalatag nito sa mesa. 4. Gamit ang paint brush, pahiran ng acrylic paint o watercolor ang ginupit na motif at mga linyang tuwid at pakurba. Maingat ilapat sa paper bag. 5. Ulitin nang ilang beses ang bilang 4 (pasalit-salit o inuulit) upang makabuo ng disenyo sa iyong bag. 6. Patuyuin ang paper bag. Itanghal (i-display) ito sa harap ng klase. 213 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ang etnikong disenyo ay binubuo ng mga guhit o linya.May iba’t ibang uri at katangian ang linya. May mga linyangtuwid gaya ng patayo, pahiga at pahilis, pakurba, paikot, putol-putol, patuldok-tuldok, at inuulit. Ang pakurbang linya namanay tulad ng paikot at gumagalaw. Ang paggamit ng linyangtuwid at pakurba ay nagpapakita ng contrast sa larawan.DEPED COPY Suriin ang inyong kakayahang ipinakita sa paggawa ng EcoBag o Paper Bag Design gamit ang rubrik sa ibaba. Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan sa PAMANTAYAN nang higit sa subalit pamantayan1. Nakapaglimbag ako inaasahan may ilang ng sariling disenyo gamit ang tuwid at pagkukulang pakurbang linya o anumang disenyo (3) na nag papakita ng contrast. (2) (1) 214 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY2. Naipakita ko ang paulit-ulit at pasalit- salit na disenyo sa pamamagitan ng contrast. 3. Nakapaglimbag ako ng aking orihinal na disenyo. 4. Napahalagahan ko ang likhang-sining sa pagbahagi ng kahalagahan nito sa iba. 5. Inayos at nilinis ko ang lugar na ginamit sa paggawa ng obra. 215 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook