Ano ang ginagawa ng bata? Ano ang ginagamit niya sa pagsesepilyo ng ngipin? Bakit kailangang magsepilyo ng ngipin? a. Sumulat ng isang talata tungkol sa larawan sa tulong ng pagsagot sa mga tanong. Ano ang pambansang prutas? Ano ang kulay ng hilaw na mangga? Ano ang lasa nito?Ikalimang araw Itanong: Ano ang itinitinda nina Andres sa tapat ng simbahan? (Ipapakita ng guro ang larawan tungkod at abaniko.) Ngayon, gagawa tayo ng abaniko o pamaypay na gawa sa papel, pandikit at krayola. Ibigay ang pamantayan at paraan kung paano gumawa ng abanikong papel. Magmamasid ang guro habang gumagawa ang mga bata ng abanikong papel . Ipaskil sa dingding ang kanilang ginawa.1.Karagdagang pagsasanay b. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. a. naglalakad b. tumatakbo 2. a. nagsisimba b. kumakanta 3. a. nagwawalis b. nagtuturo 4. a. nagsasalita b. gumagapang 8
5. a. nagbabasa b. nagsusulat b. Salungguhitan ang salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap. 1. Nagwawalis ng sahig si Edna. 2. Ang tatay ay nag-iigib ng tubig. 3. Malalim ang baha kaya siya ay naglakad. 4. Masarap maligo sa ulan. 5. Maayos at malinis siyang sumulat ng pangalan. c. Pangkatin sa apat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng flashcard upang bumuo ng isang pangungusap. d. Magpapakita ang guro ng isang larawan. Bubuo ang mga mag-aaral ng pangungusap tungkol sa larawan na ipinakita ng guro.IV.Pagtataya Iwasto Mo Ako! Isulat nang wasto ang mga pangungusap. 1. ang bata ay nagbubunot ng damo 2. si ben ay kumakain ng langka 3. lumilipad ang ibon sa parang 4. malalaki ang isdang lumalangoy sa dagat 5. umiinom ng gatas si rosa 9
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 30)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 30) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 30)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-30 LinggoI. Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari 2. Nakababasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang nang may kawastuhang 95-100 bahagdan 4. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala na may wastong tono, damdamin, at bantas 5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap 7. Nakasusunod sa wastong pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento 8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at kaayusan 9. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan na nasa pangungusap 10. Nakagagamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita 11. Nakikilala na ang dalawang salita na maaaring maging isang tambalang salita 12. Nakahuhula kung ano ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito 13. Nakapagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang isip 14. Nakapagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, at iba pa 15. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbibigay ng mga punaII. Paksang AralinA. Tema a. Pabigkas na Wika: Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/ pangyayari.b. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa na na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.c. Katatasan: a. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang nang may kawastuhang 95-100 bahagdan. 1
b. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala na may wastong tono, damdamin, at bantas.d. Pagbaybay: a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-e. Pagsulat: aralan b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap. Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan.f. Komposisyon: Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan.g. Kasanayan sa Wika: Pagtukoy ng mga salitang naglalarawan na nasa pangungusap.h. Talasalitaan: a. Paggamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita. b. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita.i. Pagpukaw ng dating Kaalaman Paghula kung ano ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito. a. Pag-unawa sa Binasa a. Pagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang isip b. Pagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, at iba pa c. Saloobin hinggil sa Panitikan Pagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbibigay ng mga punaB. Mga Sanggunian - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)C. Mga Kagamitan: Kuwento: “Si Gong Galunggong” ni Florita R. Matic, NCR Awit: “Tong, Tong Pakitong-kitong” Tula: “Sa Ating Kapaligiran” ni Florita R. Matic, NCR Mga bagay, larawan, sagutang papel, asul, at pulang banderitas 2
D. Paksa: Mga Likas na Yaman sa Kapaligiran at Pagkain (Mga Yamang-lupa at Yamang-tubig) E. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa sarili/ pag-iingat sa kapaligiran/ pagawaanIII. Gawin sa pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghawan ng Balakid: Alamin ang kahulugan ng mga salita batay sa konteksto ng pangungusap. nag-aalala Labis na nag-aalala ang nanay kaya’t hindi siya mapakali. magaan Magaan ang dala niyang kahon kaya hindi siya nahirapan. kapit-tuko Kapit-tuko si Nena sa kanyang ina para hindi siya mawala sa palengke. silid-aklatan Maraming libro sa silid - aklatan. tubig-dagat Maalat ang tubig-dagat kaya hindi ito maaaring inumin. 2. Pagganyak Itanong: Ano – anong isda ang alam ninyo? Ilahad at ipagawa ang Semantic Web Semantic Web (Hayaan ang mga batang sabihin ang kanilang nalalaman tungkol sa isda gamit ang semantic web.) 3.Pagganyak na Tanong: Gawin: Tukuyin ang pamagat ng kuwento. Pag-usapan ito upang makabuo ng tanong. Gabayan ang mga 3
mag-aaral. Tanong: Sino si Gong Galunggong?B.Gawain habang nagbabasa 1.Gawin; Basahing muli ang pamagat ng kuwento “ Si Gong Galunggong”. Sabihin na alamin kung sino si Gong Galunggong.Alamin kung ang kuwento ay may katotohanan o kathang- isip lamang. 2..Ipakita sa mga bata ang tsart na may kuwentong “Si Gong Galungong.” Hayaang basahin ng mga bata ang kuwento nang tahimik. “Si Gong Galunggong” ni Florita R. Matic Valenzuela City, NCR Si Gong Galunggong ay isang isda. Sa maalat at malamig na tubig-dagat siyanakatira. Makulit at malikot ang isdang si Gong Galunggong. Kilos nang kilos atlangoy nang langoy kasama ang iba pang isda. Mahilig silang lumangoy paitaas atpaibaba. Nagtatago rin sila sa magagandang koral at makukulay na halamang dagat.Kung minsan, sa gilid ng malalaking bato sila’y naghahabulan. Isang araw habang namamasyal si Gong Galunggong kasama ang iba pangmakukulay na isda, nakasalubong nila ang isang higanteng isda na may malalakingmata. Matutulis ang mga ngipin nito at may mamatalim na palikpik. “Bilis, magtago tayo sa bato!” sigaw ni Gong Galunggong sa iba pa niyangkasama. Ngunit, maliksi ang higanteng isda. Bago pa nakapagtago sa bato sina GongGalunggong, nasa harap na nila ang matatalim na ngipin ng mabangis na higantengisda. “Inay ko ! Itay ko po!” ang sigaw ng takot na takot na si Gong Galunggong. Parang kidlat sa bilis na dumating ang nanay at tatay ni Gong Galunggong.Agad nilang nilapitan ang anak upang iligtas sa panganib. Ngunit sadyang malaki ang isda at agad na pinalo ng buntot nito ang mgamagulang ni Gong Galunggong sabay langoy palayo sa kanila. Walang malay nabumagsak ang mga magulang ni Gong Galunggong. Nag-alala si Gong Galunggong sa nangyari. Naging magaan lamang angkanyang loob nang kumilos ang kanyang mga magulang. Agad na lumapit si Gong Galunggong sa kanyang mga magulang atnangakong hindi na magiging malikot at makulit. 3. . Ipabasa ang bawat talata ng kuwento nang tahimik at may paghinto upang makapagtanong ang guro at bata at tuloy makapagbigay rin ng hinuha. 4
4. . Ipabasa ang kuwento nang lahatan, pangkatan, dalawahan o isahan nang may wastong tono, damdamin, bigkas ng salita at gamit ng bantas.Ikalawang arawC. Gawain pagkatapos bumasa Ugnayang gawain: Hikayatin ang mga bata na ikuwentong muli ang binasang kuwento. Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat I: “Mag-usap Tayo” Gumawa ng stick puppet at maghanda ng isang diyalogo gamit ito. Gumawa ng stick puppetnina Gong Galunggong at isang kalarong isda gamit ang sumusunod na kagamitan: dalawang patpat cartolina krayola gunting pandikit Pagkatapos, gumawa ng diyalogo kasama ang iyong kamag-aral gamit ang stick puppet na ipinakikilala si Gong Galunggong.Pangkat II: “Sa Ilalim ng Dagat” Gumuhit ng dagat kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda. Kulayan ang iyong ginawa.Ilarawan ang tirahan niya at ng iba pang isda.Pangkat III: “Iangkop ang Kuwento” “Si Gong Galunggong” ay isang kuwentong kathang-isip lamang sapagkat hindi ito maaring mangyari sa tunay na buhay. May alam ka din bang kuwento na kathang isip o hindi makatotohanan o hindi nangyayari sa tunay na buhay? Isulat ang 5
pamagat nito sa angkop na lugar sa Venn Diagram.May alam ka rin bangkuwento na makatotohan o totoong nangyayari sa buhay ng tao?Isulatang pamagat nito sa angkop na bahagi ng VennDiagram.Pagkatapos,isulat sa ibaba ng bawat pamagat ng kuwentongkathang isip o kwentong buhay ang pagkakaiba ng bawat isa.Sa gitna ngVenn Diagram isulat ang pagkakapareho ng dalawang uri ngkuwento.(Gabayan ng guro ang pangkat ng mga mag-aaral upangmagawa ang pagsasanay nang wasto. Kathang-isip MakatotohanangHal.: Kuwento “Si Gong “___________” Galunggong”Pangkat IV “Kung Ako si Gong Galunggong…” Kung ikaw ang isdang si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin kapagnakita mong nasa panganib ang iyong mga magulang? Iguhit ito sa kahon.Pangkat V. “Pangalagaan ang Dagat” Ang karagatan ay pinagmumulan ng ating mga pagkain. Isulat sa loob ng bangka ang mga paraan kung paano natin mapangangalagaan ang ating karagatan. 6
Talakayan 1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ipakilalang mabuti ang mga tauhan sa kuwento. Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I. 2. Ilarawan ang paligid kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda gamit ang mga salitang naglalarawan. Pakinggan natin ang Pangkat II 3. Nangyayari ba sa totoong buhay ang kuwento ni Gong Galunggong? Ano ang tawag sa kuwentong ito? Kung ang kuwento naman ay nagyayari sa buhay ng tao, ano ang tawag sa kuwentong ito? Ano ang dalawang uri ng kuwento na pinag-usapan natin? Bakit tinatawag ang kuwento na kathang isip/kuwento na buhay?Anong kuwentong kathang isip ang alam mo/kuwentong buhay? Pakinggan natin ang sasabihin ng Pangkat III.Pagtalakay ng Pangkat III.4. Bakit nanganib ang mga magulang ni Gong Galunggong.Ano angmararmdaman niya?Kung ikaw si Gong Galunggong ano ang mararamdamanmo kung makita mong nasa panganib din ang mga magulang mo?Ano angginawa ni Gong Galunggong? Kung ikaw naman si Gong Galunggong anoang gagawin mo? Pakinggan naman natin kung ano ang kasagutan ngPangkat IV sa tanong na…Kung ikaw si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawinPagtalakay ng Pangkat IV .5. Ang karagatan ay isa sa mga biyaya ng Poong Lumikha. Marami angnaitutulong ng karagatan sa atin. Magbigay nga kayo ng halimbawa. Ang mgasinabi ninyo ay kapaki pakinabang sa ating mga tao. Ano ang dapat natinggawin upang patuloy na magbigay biyaya ang karagatan sa atin? Katulad dinkaya ang sagot ng Pangkat V sa mga isinagot ninyo?Pangkat V ilahad niyoang inyong sagot?Paglalahad ng Pangkat V.1. Pagpoproseso ng Gawain(Ang guro ang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1- 5. Isusulat niya angmga sagot sa tsart.)Pangkat Gawain Nakatuong Kakayahan2. Kaisipang Mabubuo: Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang uri ng kuwento? Ipaliwanag. 2. May buti bang naidudulot ang kalikutan? Bakit? 3. May magagawa ba ang magulang sa anak kung ang mga ito ay nasa panganib? May magagawa rin 7
ba ang mga anak kung ang mga magulang naman ang nasa panganib? Ano ang tawag dito? 4. Kung ang karagatan ay nakatutulong sa tao, ano ang dapat gawin ng mga tao?Ikatlong arawKasanayang pangwika:1. Balik-aral: Pag-usapan ang panahunan ng salitang kilos.2. Pagganyak Pagkilos habang umaawit ng Tong-tong-tong Pakitongkitong a. Awit “Tong-tong-tong Pakitong-kitong” Tong! Tong! Tong! Tong! Pakitong-kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Mahirap hulihin Sapagkat nangangagat! Tong! Tong! Tong! Tong! b. Tanong:Anong yamang dagat ang tinutukoy sa awit? Ano ang dapat nating gawin sa karagatan. Anong kilos ang ginawa natin?3. Paglalahad Ipabasa ang tula nang may wastong tono at bigkas ng letraTula: “Sa Ating Kapaligiran” ni Florita R. Matic, Valenzuela City- NCR Sa ating kapaligiran Maraming mamamasdan Mayayabong na puno At luntiang halaman Hangin na sariwa At berdeng mga gulay Sampu ng bulaklak Na naggagandahan Isda, hipon, at alimango Sa ilog at dagat makukuha mo Pagkaing nagbibigay lakas Sa isipa’y pampatalas. Ating kapaligiran Sadyang napakayaman Handog nito’y pagkain Kaya pangalagaan natin. 8
4. Pagtalakay. Ano-anong salitang naglalarawan ang ginamit sa tula? Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang mga ito. a. Maraming halaman sa ating paligid. b. Sariwa at luntian ang mga tanim. c. Naggagandahan ang mga bulaklak. d. Berde ang mga gulay. e. Matalas ang isip ng batang matalino. Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay mga salitang naglalarawan. Anong salita ang inilalalarawan ng bawat isa ayon sa pangungusap? (marami, sariwa, luntian, naggagandahan, berde, matalas, at matalino)5. Paglalahat Kailan natin ginagamit ang mga salitang naglalarawan? Ano ang salitang naglalarawan? Ang salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi ng kulay, hugis, laki, bilang at uri ng tao, lugar, bagay, at pangyayari.Ikaapat Na Araw1. Pinatnubayang Pagsasanay a. Ipalarawan sa mga bata ang kanilang nakikita, naririnig o nararamdaman habang sila ay nasa silid-aralan. Ipasulat ang salitang naglalarawang ginamit sa kanilang sagot sa pisara. Gawin ito nang pahanay.(Hanay para sa nakikita, Hanay sa naririnig, Hanay sa nararamdaman) b. Patnubayan ang mga bata upang matukoy ang uri ng mga salitang naglalarawang . c. “Magsalita Tayo” Humanap kayo ng kapareha. Tukuyin kung sino ang A at B at sundin ang mga panuto: 1. Tingnan kung anong kulay ang banderitas na itataas ng guro. 2. Kapag asul na banderitas ang nakataas, ang kapareha A ay magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha B kung anong salitang naglalarawan ang ginamit sa pangungusap. 3. Kapag pulang banderitas naman ang nakataas, ang kapareha B ang siyang magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha A kung anong salitang naglalarawan ang kanyang ginamit.2. Malayang Pagsasanay Bilugan ang salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Malalaki ang mga isda sa dagat. 2. Masipag si tatay. 3. Ang sariwang prutas ay masarap. 4. Mabango ang bulaklak. 5. Ang paligid ay malinis. 9
Ikalimang Araw 1. Paglalapat “Kaya Ko Itong Gawin” Basahin at sundin ang mga panuto. 1. Sumulat ng isang sanaysay o kuwento tungkol sa mga pagkaing nakukuha natin sa karagatan o kaya’y galing sa mga halaman o tanim. Maaaring kathang- isip o makatotohanan. 2. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas, malaking letra, pasok ng pangungusap sa talata at ayos ng talata. 3. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap. 4. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase. 2. Pagtataya Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Sariwa ang isdang uwi ni tatay. 2. Dapat laging malinis ang paligid. 3. Ang masustansiyang pagkain ay mabuti sa katawan. 4. Luntian ang dahon. 5. Mabango ang bulaklak sa hardin ni Nanay. 3.Takdang Aralin Gumawa ng poster-slogan tungkol sa mga yamang -dagat at yamang- lupa gamit ang mga salitang naglalarawan. Halimbawa: “Isda ay kay sarap mula sa malinis na ilog at dagat.” 10
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 4 – Week 31)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 4 – Week 31) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 4 – Week 31)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 : [email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-31 LinggoI. Mga Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita o pangyayari 2. Nakababasa nang wasto ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa na may mataas na antas ng mga salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na may kawastuang 95-100 bahagdan 4. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala nang may wastong tono, damdamin, at bantas 5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap 7. Nakasusunod sa wastong paggamit ng pagitan sa mga salita, bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento 8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at kaayusan 9. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan sa tao, lugar at bagay. 10. Nakagagamit ng kontekstong hudyat sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita 11. Nakakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita 12. Nakakikilala ng antas ng mga salitang naglalarawan ( hal. mas at pinaka) 13. Nakahuhula kung tungkol saan ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito 14. Nakapagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang isip 15. Nakapagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, at iba pa 16. Nakapagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin, blogs at patalastas na nabasa. 17. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbibigay ng mga puna II. Paksang Aralin A. Tema 1. Pabigkas na Wika: Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari. 1
2. Pagkilala ng Salita: Pagbasa mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.3. Katatasan: a. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang nang may kawastuang 95-100 bahagdan. b. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala na may wastong tono, damdamin, at bantas.4. Pagbaybay: a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan. b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap.5. Pagsulat: Pagsunod sa wastong pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento6. Komposisyon: Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan.7. Kasanayan sa Wika: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang naglalarawan tungkol sa tao, lugar, at bagay na ginamit sa pangungusap.8. Talasalitaan: a. Paggamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita. b. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita. c. Pagkilala ng antas ng mga salitang naglalarawan ( hal. mas at pinaka).9. Pag-unawa sa Binasa a. Paghula kung ano ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito. b. Pagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang isip. c. Pagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, at iba pa. d. Pagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin, blogs at patalastas na nabasa.10. Saloobin hinggil sa Wika, Literasi, at Panitikan Pagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig sa oras ng pagbabasa ng kuwento at pagbibigay ng mga puna. 2
A. Mga Sanggunian: - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) B. Mga Kagamitan: Tsart, sequence map, larawan ng iba’t ibang lokal na produkto, mga bagay tulad ng basket, sombrero, tsinelas at iba pang halimbawa ng lokal na produkto C. Paksa: Mga Mapagkukunan ng Kabuhayan sa Pamayanan/ Trabaho/ Kalakalan at Industriya (hal. lokal na produkto at industriya, tiangge) D. Pagpapahalaga: Pagtangkilik sa sariling produktoIII. Gawain sa pagkatuto:Unang arawA. Gawain bago bumasa 1. Paghawan ng Balakid Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. produkto Maraming produkto na yari sa aming pamayanan ang ibinebenta sa bayan. pamayanan Binubuo ng pamilya ang isang pamayanan. materyales Ang materyales na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produkto ay galing sa aming lugar. 2.. Pagganyak: Gawain: “Kilalanin Natin” Pangkatin sa apat ang klase. Ibigay sa bawat pangkat ang isang lokal na produkto. Hikayatin ang bawat pangkat na pag-aralan ang ibinigay na produkto. Ipasagot ang sumusunod na tanong: a. Anong materyales ang ginamit sa produktong nasa inyong pangkat? b. Paano ginagamit ang produktong hawak ninyo? Ilagay ang sagot sa loob ng mga hugis. 3
Anong lokal na produktoang hawak ninyo? Bakit ninyo nagustuhan ang produkto? Paano ito ginagamit? 3.Pangganyak na tanong Anong gawain ang una nating isinagawa. Tungkol saan ang ating tinalakay? May babasahin tayong artikulo na kaugnay ng ating tinalakay.Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito.(Gabayan ng guro upang makabuo nang tamang tanong. Anong mga produkto sa ating Rehiyon ang nakatutulong upang magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga mamamayan.”B. Gawain habang nagbabasa Paglalahad: Ipakita sa mga bata ang tsart na may artikulo tungkol sa mga lokal na produkto ng pamayanan. Pag-usapan ito sa pamamgitan ng pagbibigay ng hinuha sa artikulong babasahin. Pagbasa sa artikulo ng guro nang tuloy-tuloy na may angkop na intonasyon,damdamin, at bantas. Pagbasa ng guro sa artikulo nang may paghinto at pagsagot sa mga tanong ng guro Tanong: Makatutuhanan ba ang artikulo? Bakit? Pagbasa ng mga batang basahin nang may angkop na intonasyon, damdamin, at bantas. Pagbasa nang isahan, dalawahan o lahatan. 4
ARTIKULO AGNES G. ROLLE Ang Rehiyon IV-A CALABARZON ay binubuo ng mga lalawigan at mga lungsod. Sabawat lalawigan at lungsod na ito ay makikita ang naiiba at natatanging mga produktongmaipagmamalaki hindi lamang dito sa ating bansa maging sa ibang bansa. Ang mga tela at damit na burdado tulad ng sa barong na pina at jusi na gawa saLaguna at Batangas ay sadyang tinahi nang maganda at makulay. Gayun-din ang mgamakabagong hikaw, kuwintas at pulseras na yari sa niyog at water lily ay sadyang kaakit-akit.Mayroon ding mga produkto para sa pagpapaganda, gamot at pampalusog ng katawan. Matibay at mura ang mga sapin sa paa tulad ng sapatos at tsinelas mula sa LiliwLaguna. Marami rin at magaganda ang mga gawang sombrero, bag, pamaypay at iba pa nayari sa buri. Matitibay din at magaganda ang mga kagamitan sa bahay tulad ng mesa upuanat iba pa mula sa Rizal. Masasarap at masustansya ang mga pagkaing na sa mga lalawigan lamang saRehiyon IV A CALABARZON matitikman tulad ng mga kakanin. Ang puto ng Binan,bukopie,pulang itlog ng Laguna, Banana chips at tahong chips ng Cavite,Balaw-balaw ng Rizal(exotic food),pansit habhab ng Quezon.Ang muscovadong asukal ng Quezon, kapeng barakong Batangas at tablea de cacao ng Batangas at Cavite ay masustansya. Sadyang natatangi ang mga produkto sa CABARZON.Ikalawang arawC. Gawain pagkatapos bumasa Ipabasang muli ang binasang artikulo. Ugnayang gawain Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat I:“Sundin Natin” Gumawa ng isang talata tungkol sa produktong nabaggit sa artikulo na makikita rin sa inyong lugar. Sundin natin ang sequence map.Pangalan ng Materyales Paano ginawa Paano ito produkto ang produkto ginagamitPangkat II: “Atin Ito!” Sumulat ng isang sanaysay batay sa mga tanong sa ibaba. Isulat sa isang papel at sundin ang pamantayan sa pagsulat ng sanaysay. 1. Ano- anong produkto ang kilala sa inyong lugar? 2. Ano ang inyong naramdaman nang malaman mong marami palang produkto ang galing sa inyong lugar? 3. Paano ka makatutulong sa inyong pamayanan tungkol sa mga produktong ito? 5
Pangkat III: “Ilarawan Natin” Ano ang masasabi mo sa larawan? Isulat ang sagot sa patlang. __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ Pangkat IV: “Makatotohanan ba o Kathang - isip lamang?” Sabihin kung ang pangungusap ay makatotohanan o kathang-isip lamang. 1. Ang niyog ay tinatawag na “puno ng buhay.” 2. Maraming nagagawang bagay sa bawat bahagi ng puno ng niyog. 3. Ang puno ng niyog ay tirahan ng mga kapre. 4. Matamis ang sabaw ng buko. 5. May mga mata ang buko.Talakayan 1. Sabihin : Ayon sa artikulong binasa natin,maraming produkto ang makikita lamang sa ating rehiyon. Ano-ano ang mga ito.? Alin sa mga produktong nabanggit sa artikulo ang meron sa lugar ninyo? Pakinggan natin ang Pangkat I. Pagpapahayag ng Pangkat I 2. Sabihin: May mga produkto ang mga lalawigan at lungsod na binang- git sa artikulo.Ang mga ito ay doon lamang makikita. Kanila ang mga produktong ito. Ano-ano ito ? Saan-saan ito 6
makikita?Sa mga lugar ninyo ay may ganitong produkto rin.Ang Pangkat II ay magbibigay din ng halimbawa.Pagpapakita ng Pangkat II3.Sabihin:Alin sa mga produkto na nabanggit sa artikulo ang mayroon kayo?Ilarawan mo ito.Ang Pangkat III ay pumili rin ng produkto nameron sila. Ipaliliwanag sa atin ng Pangkat III.Pagpapaliwanag ng Pangkat III4.Sabihin:Natatandaan pa ba ninyo ang kuwento na Si Gong Galunggong?Anong uri ng kuwento ito? Ito ba ay makatotohanan o hindi? Bakit?Ang artikulong binasa natin, ito ba ay makatutuhanan o hindi?Bakit? May mga pangungusap ang Pangkat IV na sinagutan.Alamin natin kung masasabi nila kung ito ay makatutuhanan o hindi.Pangkat IV Ilahad ninyo.Paglalahad ng Pangkat IV5. Pagproseso ng Gawain (Ang guro ang siyang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1- 5. Isusulat niya ang mga sagot sa tsart.)Pangkat Gawain Nakatuong KakayahanIkatlong araw Kasanayan sa wika 1. Pagganyak a. Laro: “Ipasa ang Basket!” 1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. 2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang basket na may lamang mga bagay. 3. Habang umaawit, ipapasa ang basket sa kasama sa pangkat. 4. Kapag huminto ang awit, kukuha ng isang bagay mula sa basket ang may hawak nito. 5. Ipakikita ng bata ang bagay na galing sa basket at magsasabi siya ng salitang maglalarawan sa bagay. 6. Uulitin ang proseso hanggang maubos ang laman ng basket. 7
2. Paglalahad Basahin natin ang diyalogo.Mina: Naku, nagbakasyon kami sa probinsiya ng aking Lola Ensang at Lolo Sendong!Roy: Ano-ano ang nakita mo roon?Mina: Maraming puno ng niyog sa tabi ng kanilang bahay. Uminom kami ng sabaw ng buko. Matamis at masarap ito. May matitibay na gamit din silang gawa sa niyog tulad ng sandok, mangkok, mesa, at upuan.Roy: Ang galing naman! Tiyak na malamig at malinis ang hangin doon. Sana makarating din ako sa lugar ng iyong lolo at lola.Mina: Huwag kang mag-alala. Isasama kita roon sa susunod na bakasyon. Siguradong matutuwa ka sa makikita mo sa magandang lugar nina Lola Ensang at Lolo Sendong.Sagutin ang mga tanong 1. Saan nagbakasyon si Mina? 2. Ano-ano ang kanyang nakita roon? 3. Anong mga salitang naglalarawan ang tumutukoy sa lugar at bagay ang ginamit sa diyalogo? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara at ipababasa ang mga ito sa kanila.) 4. Pagbigayin ng halimbawa ang mga mag-aaral.3. Paglalahat Ano ang salitang naglalarawan?Ang mga salitang naglalarawanay mga salitang nagsasabi ng tungkol sa kulay, laki, hugis, bilang at uring tao, bagay, lugar, at pangyayari.Halimbawa: maputi, matibay, malamig, masayaAnong mga pang-uri ang maaaring gamitin upang ilarawan ang tao, bagay,lugar, at pangyayari? Mga Salitang NaglalarawanTao Bagay Lugar PangyayariIkaapat na araw 4. Pinatnubayang Pagsasanay a. “Ilarawan Mo” Pangkatin sa apat ang klase. Hayaan silang sumulat ng pangungusap na may salitang naglalarawan sa litratong ibibigay sa pangkat 8
Pangkat 1: Pangkat 2:_______________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ ________________________Pangkat 3: Pangkat 4:__________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ______________________________b. “Umakyat Tayo” Sundin ang mga panuto. 1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. 2. Kumuha ng kard at gamitin sa pangungusap ang salitang mababasa rito. 3. Upang marating ang itaas ng hagdan, kailangang makapagbigay ng pangungusap ang bawat kasapi ng pangkat gamit ang salitang nakasulat sa kard. 9
4. Ulitin ang proseso hanggang ang bawat kasapi ay nakapagbigay ng pangungusap gamit ang nakasulat na pang-uri.5. Malayang Pagsasanay Tingnan ang larawan. Sumulat ng mga pangungusap na may salitang naglalarawan tungkol dito.Ikalimang araw Paglalapat “Halinang Gumawa” Sundin ang mga panuto. a. Sumulat ng sanaysay o maikling kuwento na naglalarawan ng paborito mong pagkain. b. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas, malaking letra, tamang pasok ng pangungusap sa talata, at ayos ng talata. c. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan sa paborito mong pagkain. d. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase. e. Ipaskil ang iyong ginawa sa silid-aralan.IV. Pagtataya Piliin sa loob ng kahon ang salita upang mabuo ang pangungusap. matibay malinis mahaba masaya matigas 1. __________ sila dahil marami ang kanilang naibentang produkto. 2. Laging sinisigurado ni Roy na ____________ ang paninda nilang sapatos. 3. ____________ang taling ginamit sa paggawa ng palamuti. 4. _______________ ang upuang gawa sa puno ng niyog. 5. Ilagay ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatiling ______________ang paligid.V. Takdang Aralin: Gumuhit ng iyong paboritong pagkain na gawa sa inyong lugar. Sumulat ngtalatang may mga salitang naglalarawan tungkol dito. 10
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 4 – Week 37)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 4 – Week 37) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 4 – Week 37)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 : [email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-37 LinggoI. Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa paglalahad ng sariling tungkulin, pangarap, at pag-asa 2. Nakababasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba pa na naglalaman ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan na 3. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100 bahagdan 4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may wastong tono, damdamin, at bantas 5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan 6. Nakababaybay ng mga salitang nakalimbag at nakikita sa paligid(hal. batas- trapiko) 7. Nakagagamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, at pabula 8. Nakasusulat ng sanaysay, balita, lathalain, pangyayari, at patalastas gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra, pasok ng pangungusap, at may kaayusan 9. Nakagagamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap 10. Nakauunawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal kaysa sa wikang ginagamit sa tahanan o sa pakikipag-usap sa kaibigan 11. Nakapagsasabi ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang nasaliksik 12. Nakapagsasabi ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga pangyayari sa paaralan at pamayanan ayon sa kanilang nasaliksik 13. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at nakapagbibigay ng punaII. Paksang Aralin A. Tema 1. Pabigkas na Wika: Paggamit ng angkop na pahayag sa pagsasabi ng responsibilidad, pangarap, at pag-asa. 2. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba pa na naglalaman ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan na. 3. Katatasan: a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100 bahagdan. b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita at pariralana may wastong tono, damdamin, at bantas. 4. Pagbaybay: a. Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan. b. Pagbaybay ng mga salitang nakalimbag at nakikita sa paligid (hal: batas-trapiko). 1
5. Pagsulat: Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, at pabula. 6. Paglikha: Pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, pangyayari, at patalastas gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra, pasok ng pangungusap, at may kaayusan. 7. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap. 8. Talasalitaan: Pag-unawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal kaysa sa wikang ginagamit sa tahanan o sa pakikipag-usap sa kaibigan. 9. Pag-unawa sa Binasa a. Paglalahad ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang nasaliksik. b. Paglalahad ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga pangyayari sa paaralan at pamayanan ayon sa kanilang nasaliksik. c. Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at nakapagbibigay ng puna. B. Sanggunian: - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) - Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010) - Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB- MLE Consultants C. Kagamitan: larawan, magic box D. Tema: Pagtutulungan sa Pamayanan – Pagtatanim ng GulayIII. Gawaing Pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid (sa pamamagitan ng larawan) halamang ugat 2
Halaman 2. Pagganyak Magpakita ng larawan ng pagkain mula sa halamang ugat. Itanong: Saan kadalasang tumutubo ang mga halamang ugat. Madali ba itong tumubo? Anong mangyayari kapag tumigil na sa pagtatanim ng halamang ugat ang mga magsasaka? Makapagtatanim ba tayo ng mga gulay at halamang ugat sa ating tahanan? 3. Pangganyak na tanong Ano-anong yaman sa lupa ang tinutukoy sa kuwento? Gawain habang nagbabasa Ipabasa sa mga bata ang kuwentong \"May Yaman sa Lupa”. Hayaan ng guro na magbigay ng hinuha ang mga mag-aaral kung ano ang susunod na mangyayari at hikayatin sila na magtanong. Gawain pagkatapos bumasa 4. Ugnayang Gawain Pangkat I - Sumulat ng maikling tula na may apat na pangungusap tungkol sa pagtatanim ng gulay. Pangkat II - Isakilos kung paano natin pangangalagaan ang ating halamanan o hardin. Pangkat III - Gumawa ng isang acrostic. Pangkat IV - Gumawa ng patalastas kung paano hihikayatin ang mga batang kumain ng gulay. a. Ano ang sinasabi sa kuwento? b. Bakit hindi sumasama si Lina sa bukid? c. Ano ang dumating sa mag-asawang Lino at Mercy? d. Ano ang nangyari nang hindi umuwi ang mag-asawa? e. Ano ang ginawa ng magkapatid na Nelson at Lina? f. Bakit nasabi ni Lina na may yaman sa lupa? g. Mahalaga ba ang pagtatanim ng mga halamang ugat? Bakit?Ikalawang araw (Balikan ang kuwentong “ May Yaman sa Lupa”) Karagdagang Gawain “Isakilos Natin” (Pangkatan) Sabihin: Pumili ng pinakagusto mong bahagi sa kuwento. Isakilos ito ng inyong pangkat. Maaaring magkaroon kayo ng diyalogo. Gumamit ng tamang damdamin sa pagsasagawa nito. 3
“Iguhit Mo” (Isahang gawain) Iguhit ang paborito mong gulay. Magsulat tungkol dito. Sabihin: Sa pagsulat tingnan ang tamang agwat ng mga salita at tamang bantas. Sundan ang gabay na tanong sa pagsulat ng talata. 1. Ano ang paborito mong gulay? 2. Ilarawan ang paborito mong gulay. 3. Anong luto ang iyong gusto sa paborito mong gulay? 4. Bakit gustong- gusto mo ang gulay na ito? Pagtalakay Sabihin: Anong makukuha natin sa pagtatanim ng mga halamang ugat at gulay? Bakit mahalaga ang mga ito?Ikatlong Araw A. Kasanayang Pangwika Panimulang Gawain (mahiwagang kahon na may iba’t ibang gulay) “Piliin Mo!” Gusto ko ang gulay na ito sapagkat… (Hayaang sabihin ng mga mag-aral ang dahilan kung bakit nila pinili ang naturang gulay, prutas, o halamang ugat sa kahon.) B. Magbalik-aral tungkol sa pang-abay Itanong: Ano-ano ang pang-abay na ginamit sa paglalarawan ng mga gulay, prutas, at halamang ugat? Sabihin: Isulat ito sa pisara. (Ipabasa sa mga bata) Paglalahad Sabihin: Pag-aralan pa natin ang pang-abay Basahin Natin ! Elvie: Masarap ang dinala mong bukayo. Agnes: Dala ito ni Nida galing sa Batangas. Hapon na siya ng dumating dahil mabagal ang bus na sinakyan niya. Malayo ang lalawigan ng Batangas. Elvie: Kaya pala. Agnes: Oo, alam mo magandang lugar ang Batangas. Palagi kaming nagbabakasyon doon. 1. Ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata? 2. Ano ang mga pang-abay na ginamit nila sa kanilang pag-uusap? Isulat ng guro ang sagot ng mga mag-aaral sa pisara. Halimbawa: kahapon, mahina, palagi, maya-maya Sabihin: May mga salitang naglalarawan sa mga salitang ngalan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari, sa kilos at kapwa salitang inilalarawan. 4
Paglalahat Itanong: Ano ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng mga pangngalan, salitang naglalarawan ng pangyayari? (nagsasabi ng oras, sa pamamagitan ng, at iba pa.) Mga Pang-abay mamaya, bukas, mahina, marami, at iba paIkaapat na araw 1. Pinatnubayang Pagsasanay A. Basahin Natin! Sabihin: Ano ang mga pang-abay na makikikita sa pangungusap? 1. Minsan lang pumupunta ang aking kaibigan sa bahay. 2. Marami akong regalong natanggap sa aking kaarawan. 3. Gabi na nang dumating si tatay sa bahay. 4. Bakit mabilis kang maglakad? 5. Agad-agad umalis si Bb. Flor sa Bulacan. B. Basahin Natin! Problema mo ba ang pananakit ng iyong katawan, tiyan, at ulo? Ito na ang gamot na pampahid sa masakit mong katawan, ulo, at tiyan. Ano pang hinihintay mo, pumunta ka na sa pinakamalapit na tindahan. Huwag mong kalilimutan langis ng niyog ang pangalan. Itanong: Ano ang mga pang-abay na ginamit sa talatang ating binasa? 2. Malayang Pagsasanay “Ipakilala Mo” Ipakita ang mga produkto (hal. gatas, pagkain, iba pa). Magpasulat sa mga bata ng isang patalastas gamit ang pang-abay. (Ipabasa sa mga bata ang patalastas na ginawa.)Ikalimang Araw Paglalapat Pag-usapan ang teleserye na pinanood kagabi at ibahagi sa kamag-aral. Tukuyin ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap na kanyang sinabi.IV. Pagtataya A. Bilugan ang mga salitang pang-abay. 1. Bukas pa ako pupuntang Lucena. 2. Maganda ang boses ni Mona. 3. Nawala ang bola sa madamong lugar ng plasa. 4. Bakit maliliit ang dala niyang mangga? 5. Isa-isang pumasok ang mga bibe sa kulungan . 5
B. Gamitin ang mga pang-abay na nasa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap.madilim-dilim mahirap nag-uunahangpalaging maaga makuha Bukas, _________ pa ay pupunta na sa bukid si tatay. Maraming gulay doon. Mangunguha siya ng kalabasa, talong, sitaw, okra, at labanos. Sa palengke, ______________bumili ang kanyang mga suki. ________ ubos ang kanyang tindang gulay, kaya __________ siyang nakakauwi.C. Gamitin ang mga salitang pang-abay sa pangungusap. 1. dagdagan pa 2. mamaya na 3 kahapon 4. walang ibinigay 5. bukasV. Takdang Gawain Alamin ang Alamat ng Kalabasa. Isulat ito sa papel. 6
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 4 – Week 33)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 4 – Week 33) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 4 – Week 33)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 : [email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-33 LinggoI. Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakagagamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, kasipan, pananaw, at iba pa 2. Nakababasa ng tekstong pang-unang sa bilis na 95-100 bahagdan 3. Nakababasa ng apat hanggang limang salita, parirala nang may wastong tono ng boses, damdamin, at gamit ng malaking letra 4. Nakababaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan 5. Nakababaybay ng mga salitang naglalarawan ayon sa gamit ng pangungusap 6. Nakagagamit nang tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may wastong bantas, malaking letra sa sanaysay at kuwento 7. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan 8. Nakagagamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng antas ng paghahambing sa tao, lugar, at pook 9. Nakagagamit ng hudyat mula sa nilalaman upang makita ang kahulugan ng mga salita 10. Nakakikilala ng dalawang salitang maaaring gawing tambalang salita 11. Nakakikila ng antas ng salitang naglalarawan (hal. mas, pinaka) 12. Nakahihinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa paaralan at pamayanan, kalagayan, gawain, alamat, blogs at iba pa 13. Nakapagsasabi muli ng bagong lathalain, balita sa radyo gamit ang sariling salita na may diin sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 14. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig ng kuwentoII. Paksang Aralin A. Tema: 1. Pagbigkas ng Wika Paggamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, kasipan, pananaw, at iba pa 2. Pagkilala sa Salita Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba pa na nagtataglay ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan na 3. Katatasan a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100 bahagdan b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may wastong tono ng boses, damdamin, at gamit ng malaking letra. 4. Pagbaybay a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan na. b. Pagbabaybay ng mga salitang naglalarawan ayon sa gamit ng pangungusap 1
5. Pagsulat Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may wastong bantas at malaking letra sa sanaysay at kuwento 6. Paglikha Pagsulat ng sanaysay at kuwento na gumagamit nang wastong bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap at may kaayusan 7. Kamalayan sa Gramatika Paggamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng antas ng paghahambing ng tao, lugar, at pook 8. Talasalitaan a. Paggamit ng hudyat mula sa nilalaman ng teksto upang makita ang kahulugan ng mga salita b. Pagkilala sa dalawang salitang maaaring gawing tambalang salita c. Pagkikila sa antas ng salitang naglalarawan (hal. mas, pinaka) 9. Pag-unawa sa Binasa Paghinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa paaralan at pamayanan, kalagayan, gawain, alamat, blogs at iba pa 10. Pag-unawa sa Tekstong Pampanitikan Pagsasabing muli ng bagong lathalain, kuwento, alamat at iba pa gamit ang sariling salita na may diin at wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari 11. Saloobin hinggil sa Panitikan Pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig ng kuwentoB. Sanggunian - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) - Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from RAP Conventions -Vol. 1)C. Kagamitan Kuwento Larawan ng tao, bagay, at pookA. Paksa: Pagtitipid ng enerhiya at mga pinagkukunang- yamanB. Pagpapahalaga: PagtitipidIII. Gawain sa Pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid (sa pamamagitan ng pahiwatig ng pangungusap) poso Nag-igib ng isang timbang tubig si kuya sa poso. gripo 2
Isara ang gripo pagkatapos gamitin upang makatipid sa tubig. Isahod, palanggana Ang pinagliguang tubig ay maaaring isahodsa palanggana para pandilig ng halaman. 2. Pagganyak Ipakita ang larawan ng talon. Pag-usapan kung ano ang nakikita nila sa larawan. Itanong: Saan kayo kumukuha ng tubig na ginagamit sa inyong bahay? Ano ang kahalagahan at gamit ng tubig sa ating buhay. 3. Pangganyak na mga Tanong Saan kumukuha ng tubig ang mga tao na kanilang ginagamit? Bakit mahalaga ang tubig? Paano tayo magtitipid ng tubig?B. Gawain habang nagbabasa Babasahin ng bata ang kuwento na may tamang intonasyon, tono, at diin ng lahatan, dalawahan o isahan. Magtanong ang guro upang makapaghinuha ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang binabasa. “Si Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro” ni Nida C. Santos Sa isang barangay, may isang pamilya na nagmamay-ari ng poso. Dito kumukuha ngtubig ang lahat ng tao sa barangay. Mayroon silang isang anak na lalaki na ang pangalan ayMac-Mac. Palagi niyang kasamang maglaro ang pinsan na si Remo. Naglalaro sila ng tubigsa may poso. Nakita ng kanyang nanay na nagsasayang sila ng tubig. Sinabihan sila nahuwag maglaro ng tubig. “Mahirap kapag nawalan tayo ng tubig, wala tayong ipangluluto atipanghuhugas ng pinggan,” sabi ng nanay niya. Pagkatapos ni Mac-mac maglaro, sinabihan siya ng kanyang nanay na maligo.Sumagot si Mac-mac, “Opo nanay, maliligo na po ako.” Naghanda naman ang nanay ngdamit na isusuot. Pagkalipas ng kalahating oras, nagtaka ang kanyang nanay kung bakitwala pa siya. Pinuntahan siya ng nanay sa may poso at nakitang naglalaro ng tubig. Nakitang nanay na umaapaw na ang tubig sa timba kaya agad itong lumapit kay Mac-mac, “Tamana ang pagligo mo, tama na Mac-mac! Tapusin mo na iyan, marami ka nang nasayang natubig. Sana sinahod mo ng palanggana ang pinagliguan mo para pandilig ng halaman.” sabing nanay. ”Opo nanay.” nagmamadaling sumunod si Mac-mac sa kanyang nanay. Pagkatapos maligo ay nag-almusal na ang mag-anak. Habang nag-aalmusal,”Magsepilyo ka ng ngipin pagkatapos kumain,” sabi ng tatay kay Mac-mac. Sinunod ni Mac- 3
mac ang bilin ng tatay. Habang nagsesepilyo, naglalaro na naman ng tubig sa gripo si Mac-mac. Sinaway siya ng kanyang nanay. “Mac-mac itigil mo ang paglalaro ng tubig sa gripo.Mabuti kung laging may tubig, isara mo ang gripo kung hindi na ginagamit,” paalala ng nanay. Isang umaga nagising si Mac-mac na maraming tao sa paligid ng kanilang bahay.Nakita niyang mahaba ang pila at nagtatalo-talo. Ngunit walang tumutulong tubig sa poso.Naalala niya ang ginagawang pagsasayang ng tubig. Naisip niyang dapat isara ang gripohabang nagsesepilyo at sahurin ng palanggana ang tubig na kanyang ipinapanligo. Dahil sanakita niya, nangako siya sa kanyang tatay at nanay na magtitipid na ng tubig. Lumapit siyasa kanyang nanay at tatay at sinabing, “Tatay, nanay, simula po ngayon ay di ko na posasayangin ang tubig upang di maubos ang tubig sa ating poso at gripo.” Natuwa sina tatayat nanay sa kanilang narinig kay Mac-mac. Isang hapon, nagkaroon na ulit ng tubig ang kanilang poso. Natuwa si Mac-Mac.Nasiyahan din ang mga tao sa pagkakaroon muli ng tubig na magagamit nila sa kanilangpangangailangan at gawain. Simula noon ay nagtipid na si Mac-mac ng tubig.Ikalawang arawC. Gawain pagkatapos bumasa (Balikan ang kuwento “Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro”) 1. Ugnayang Gawain Pangkatin ang mga bata .Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat I: “Iguhit Natin” Mahalaga ang tubig sa mga bagay na may buhay at walang buhay. Iguhit kung saan kayo kumukuha ng tubig na ginagamit sa inyong bahay. Gumamit ng manila paper at ilarawan ang inyong iginuhit. Pangkat II: “Ipalabas Natin” Isadula ang bahagi ng kuwento na nagpapakita ng wastong pagtitipid sa tubig. Pangkat III: “Ilarawan Natin” Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento. Pangkat IV: “Ikuwento Natin” Ikuwentong muli ang kuwentong napakinggan.IV. Pagtalakay a. Tungkol saan ang kuwento? Saan kadalasang kumukuha ng ang mga tao ng tubig na ginagamit sa kanilang pangangailangan? Ipakikita ng Pangkat I ang kanilang iginuhit. b. Ngayon na alam na natin ang pinagkukunan ng tubig ng mga tao. Alin sa bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng pagtitipid ng tubig? Panoorin natin ang pagsasadula ng Pangkat 2. c. Ano ang masasabi ninyo sa mga tauhan sa kuwento? Pakinggan natin ang Pangkat 3 sa paglalarawan nila ng mga tauhan sa kuwento. d. Maibabahagi mo bang muli ang kuwentong iyong napakinggan? Ikukuwento itong muli ng Pangkat 4. Saan nagmumula ang tubig na ginagamit ng mga tao sa kanilang tahanan? Ano-ano ang gamit at kahalagahan ng tubig sa ating buhay? 4
Paano tayo magtitipid ng tubig?V. Pagproseso ng mga Gawain Talakayin ng guro ang kasagutan ng bawat pangkat. Isulat sa tsart ang mga kasagutan.PANGKAT GAWAIN KASANAYANG BINIGYANG PANSINIkatlong ArawKasanayang Pangwika1. PagganyakSabihin: Basahin ang salitang naglalarawan. Guhitan patungo sa salitang tao,lugar, at bagay na inilalarawan.malinis pulamasipag . tao . mabaitmalambot . lugar . tahimikmasigla . bagay . mahabamalawak maganda2. Paglalahad Ano ang salitang ginagamit natin sa paglalarawan ng tao? lugar? bagay? (Isusulat ng guro ang mga salitang naglalarawan na babanggitin ng mga mag-aaral. Sabihin: Basahin ang pangungusap. a. Mas matibay ang lata kaysa plastik. b. Masipag ang bata na si Fela. c. Si Le Ann ang pinakamagandasa kanilang magkakaibigan. Ilahad ng guro ang salitang naglalarawan at kung paano ito ginamit sa pangungusap.3. Paglalahat Sabihin: Ano ang salitang naglalarawan? Salitang naglalarawan ang ginagamit sa paglalarawan ng tao, lugar, at hayop.Payak Pahambing Pasukdolmaganda mas maganda pinakamagandamasipag mas masipag pinakamagandaIkaapat na araw4. Pinatnubayang Pagsasanay a. Sabihin: Sabihin ang aw-aw kung ang nasa larawan ay angkop sa pangungusap at ngiyaw naman kung hindi.1.) halaman Mataas ang halaman.2.) itim na kotse Ang kotse ay kulay kahel.3.) bahay Malaki ang bahay. 5
4.) bata na bumati sa matanda Magalang ang bata. 5.) pusang mataba Payat ang pusa . b. Larawan: “A Gallery Walk” Lilibot ang mga bata at guro sa silid -aralan upang mapagmasdan ang bawat sulok ng silid. Sabihin: Magkakaroon tayo ng Gallery Walk. Pagmasdan ang bawat larawan. (Hayaan ng guro na pag-aralan ng mga bata ang larawan at magtanong tungkol dito.) Itanong: Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang kanilang ginagawa? Ilarawan ang iyong nakikita. Sabihin ito sa klase at isulat sa pisara. (Iwasto ng guro kung tama ang baybay ng mga salita, gamit ng malaking letra, at bantas.) 5. Malayang Pagsasanay “Pinoy Henyo Game”: Tumawag ng isang boluntaryong bata na uupo sa unahan.May ididikit na salita sa kanyang noo. Para masagot ang Henyong Salita, ilalarawan ito ng kanyang mga kamag-aral. Tutugon lamang ang kamag-aral ng Oo, Hindi, o Puwede. Kapag ito ay nahulaan, tatawag ang guro ng iba pang boluntaryo na uupo sa unahan.Ikalimang Araw Paglalapat Ating Likhain: Lumikha ng awit, tula, biro, bugtong o maikling kuwento tungkol sa naging karanasan mo ngayong linggong ito. Gamitin ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, tamang pasok ng pangungusap, at kaayusan. Isulat ito sa malinis na papel at guhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap. (Ipabasa sa mga mag-aral ang kanilang ginawa at bigyan ito ng angkop na komento.Ipaskil ang sinulat ng mga mag-aral.)VI. Pagtataya Paghambingin ang larawan gamit ang salitang naglalarawan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.1. Ang payong ay kay sa lapis. 2. Ang bundok ang _____ sa lahat.6
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220