Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Mother Tongue Grade 1 Part 2

Mother Tongue Grade 1 Part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-17 02:13:17

Description: Mother Tongue Grade 1 Part 2

Search

Read the Text Version

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 25)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]

Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-25 LinggoI. Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakagagamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipaliwanag ang paksang tinalakay 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 4. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang 5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutunan 6. Nakagagamit nang wasto ng mga salitang pautos sa pangungusap. 7. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan 8. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa 9. Nakagagamit ng mga salitang pautos sa pagbibigay ng apat hanggang anim na payak na panuto sa iba’t ibang pamamaraan (hal. pagluluto ng kanin). 10. Nakatutukoy ng mga salitang pinaikli. (ako at ikaw – ako’t ikaw, ako ay babae-ako’y babae) 11. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi 12. Nakababanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat, at iba pa 13. Nakababanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radyo at iba paII. Paksa A. Tema: 1. Pabigkas na Wika: Paggamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipaliwanag ang paksang tinalakay. 2. Pagkilala ng Salita: Pagbasa sa unang kita ng mga salita sa talaan ng dagdag na dahon ng aklat. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may mataas na antas ng mga salita. 3. Katatasan: Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang. 4. Pagbabaybay: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutunan. 1

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap. 5. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata, at kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan. 6. Paglikha Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa. 7. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang pautos sa pagbibigay ng apat hanggang anim na payak na panuto sa iba’t ibang pamamaraan (hal. pagluluto ng kanin). 8. Talasalitaan: Pagtukoy ng mga salitang pinaikli. 9. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha sa damdamin ng tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi. Pagbanggit ng suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa. Pagbanggit ng suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radyo at iba pa.B. Sanggunian: a. K to 12 Curriculum b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) c. Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010) d. Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB-MLE Consultants C. Kagamitan: Larawan, kuwento, tula, Venn Diagram D. Paksa Mga Pagdiriwang sa Ating Pamayanan (pista, pagtitipon)III. Gawain sa PagkatutoUnang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid ( sa tulong ng larawan) 2

a. pista b. pansahog c. kiping d. turista e. tradisyon 2. Pagganyak Itanong: Ano ang karaniwang ginagawa natin kapag pista? Ano ang mga nangyayari kapag pista? Paano tayo naghahanda para sa ating mga bisita? 3. Pangganyak na tanong Bakit naiiba ang Pista ng Pahiyas?A. Gawain habang nagbabasa -Pagbasa ng kuwento gamit ang Malaking Aklat. -Babasahin ito ng mga bata nang may tamang bigkas, tono at diin nang lahatan, dalawahan, at isahan. ANG PISTANG NAIIBA Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Nagpapasasalamat ang mga magsasaka sa masaganang ani sa kanilang patron na si San Isidro Labrador. Isinasagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada at prusisyon ng imahe ni San Isidro . Lahat ng bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako,' at 'kiping' na nagpapakulay sa pagdiriwang. Makukulay na kiping ang pinakatradisyunal at kaakit-akit na palamuti Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang dahon ng \"caba\" at iba pang mga dahon. Kinukulayan ito ng fuschia, pula, dilaw, berde, at iba pang matitingkad na kulay. Bawat taon, umiikot ang mga turista sa lugar upang masaksihan ang paglalagay ng mga palamuti. Naghahanda sila ng maraming 3

pagkain na may iba’t ibang sahog. Tradisyon ng mga taga-Lucban tuwing Pista ng Pahiyas ang magsabit ng produktong inani sa mga bintana at pinto bilang pasasalamat sa kanilang patron. Kaya ito ang pistang naiiba sa lahat. Ikalawang araw B. Gawain Pagkatapos Bumasa 1. Ugnayang Gawain Pangkat I: “Gawing Makulay” Iguhit at kulayan ang mga nakikita kapag may Pista ng Pahiyas. Pangkat II: “Maging Makata” Punan ang patlang ng angkop na salita o parirala para sa tula. Ang Pistang Naiiba Ang pista sa amin ay ________ Nagdaratingan ang mga bisita Sina tatay at nanay ay ________ Kaya __________ kaagad inihahanda. Ang pista sa amin ay masaya. Maging mga_____________. Dumarating sila. Sa pista namin na _________.Pangkat III: “Kamera, Aksiyon!” Isadula/ Ipakita ang nagaganap kapag may pista. Pangkat IV “Collage” Gumupit ng mga larawan ng pagkain na inihahanda sa pista at idikit sa kartolina.2. Pagtalakay a. Anong makulay na pista ang ipinagdiriwangsa Lucban, Quezon? Ano-ano ang makikita sa Pista ng Pahiyas ? Tunghayan ang ulat ng Pangkat I. b. Paano natin ipinakikita ang pagiging magiliw sa mga panauhin? Pakinggan ang Tula ng Pangkat II. c. Paano pinahahalagahan ng mga tao sa Lucban,Quezon ang pagdiriwang ng Pista ng Pahiyas? Panoorin ang pagsasadula ng Pangkat III d. Ano-ano ang inihahandang pagkain sa pagdiriwang ng pista? Pakinggan ang pag-uulat ng Pangkat IV. e. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mahahalagang kaugalian at tradisyon ng iyong pamayanan? 3. Karagdagang Gawain Ipinagdiriwang ang pista saan mang lugar. Isulat mo ang nais at di nais sa pagdiriwang nito sa pamamagitan ng Venn Diagram 4

Ikatlong arawKasanayang Pangwika 1. Balik-aral Itanong: Ano ang nais natin sa pistahan? Ano -ano ang bagay na ginagamit natin kapag tayo ay kumakain? Ano ang ginagawa mo sa mga bagay na ito pagkatapos kumain? Ano ang tamang paraan ng paghuhugas ng mga bagay na ginagamit sa pagkain? 2. Paglalahad Bumuo ng apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay susulat ng 4-6 na panuto kung paano huhugasan ang mga gamit sa pagkain. Gamitin ang pangunguasap na pautos. 3. Pagtatalakay Ano-ano ang mga panuto o direksiyon sa tamang paghuhugas ng mga gamit sa pagkain? Pakinggan ang ulat ng bawat pangkat. 4. Paglalahat Itanong: Ano ang mga salitang ginagamit sa pag-uutos o pakikiusap? May mgasalita na ginagamit sa pag-uutos. Ginagamit ito kung nagsasabi ng panuto o direksiyon. Halimbawa: ilagay, pakibigay, maaari ba, puwede ba at iba pa.Ikaapat na araw 5. Pinatnubayang Pagsasanay Usapang magkapareha/diyalogo: a. Humanap ng kapareha. b. Pag-usapan ng bawat magkapareha kung paano nila aayusin ang kanilang higaan pagkagising sa umaga. ( Subaybayan ng guro ang pag-uusap ng bawat magkapareha). Gawin Natin (Larawan ng isang batang lalaki) a. Sabihin sa mga bata na kumuha ng lapis at papel. b. Hayaang mapanood ng mga bata kung paano iginuguhit ng guro ang 5

larawan ng isang batang lalaki. c. Ipasulat sa mga bata ang mga panuto habang gumuguhit ang guro. d. Ipaulat sa mga bata ang mga panuto kung paano gumuhit ng larawan ng isang batang lalaki. 6. Malayang Pagsasanay Sumulat ng 4-6 na simpleng panuto tungkol sa pagtitimpla ng gatas.Ikalimang araw 7. Paglalapat Mga dapat gawin bago pumasok sa paaralan Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Pag-usapan ng bawat pangkat ang mga dapat gawin bago pumasok sa paaaralan gamit ang pautos o pakiusap na salita. 8. Pagtataya A. Punan ang patlang ng angkop na salitang pautos. Tingnan ang wastong baybay. Pumili ng angkop na salita sa loob ng kahon. Magdala Sabunin Dalhin Banlawan Linisin Tamang Paliligo Maagang gumising si Ana. Inihanda niya ang mga kailangang gamitin sapaliligo. “ _______ ka ng tuwalya sa banyo. Huwag mong kalilimutan.” sabi ni nanayLinda. “Opo, nanay.” sagot ni Ana. “ Para maging malinis ang iyong katawan, ganito ang gagawin mo. _________ nang maayos ang iyong katawan. _________ nang maayos angiyong ulo at ang buo mong katawan.A. Karagdagang Gawain Isulat ang mga salita o parirala sa inyong papel. ( Ididikta ng guro ang mga salita.)pista turistapakibigay Itupi ang papelgawin9. Takda Itanong sa iyong nanay kung paano magluto ng sinaing. Sumulat ng 4-6 na panuto gamit ang mga salitang pautos. 6

For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5

Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 26)

1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 26) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 26)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]

Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-27 linggoI. Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag - aaral ay inaasahang: 1. Nakapaglalahad ng isang kuwento/ alamat/ pabula/ biro/ patalastas at iba pa na may tamang bilis, kawastuhan at diin, paghahati at hinto 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 4. Nakababasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita. 5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala at pangungusap na may angkop na tono, damdamin o pahiwatig, at hudyat ng bantas 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan 7. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang kilos sa iba’t ibang panahunan na ginagamit sa pangungusap 8. Nakasusulat nang wasto gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap/ biro/ tula/ awi/ bugtong/ maikling kuwento at iba pa 9. Nakagagamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan 10. Nakatutukoy at nakagagamit ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasim-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan 11. Nakatutukoy ng mga salitang pinakli 12. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi 13. Nakikinig at nakasasagot sa kuwento, alamat, pabula at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining 14. Nakikinig at nakasasagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, balita sa radyo, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining 15. Nakapagpapahayag o nakapagpapakita ng pagmamahal sa kuwento sa pamamagitan pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwentoII. Paksang Aralin: A. Tema: 1. Pabigkas na Wika; Pagbigkas ng kuwento, alamat, pabula, biro, patalastas at iba pa na may tamang bilis, kawastuhan at diin, paghahati at hinto. 2. Pagkilala sa Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat. b. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.3. Katatasan: a. Pagbasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita. 1

b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala at pangungusap na may angkop na tono, damdamin o pahiwatig, at hudyat ng bantas.4. Pagbabaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan.5. Paglikha: Pagsulat nang wasto gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.6. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.7. Talasalitaan:Pagtukoy at paggamit nang wasto sa mga salitangmagkasingkahulugan, magkasalungat, magkasim bigkas, at mgasalitang marami ang kahulugan.9. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha sa damdamin ng tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.10. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalalagayan, balita sa radyo, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.11. Saloobin hinggil sa Panitikan Pagpapahayag ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento.B. Sanggunian: a. K to 12 Curriculum b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) c. Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers BrightA. Kagamitan: Lathalain, larawan at iba paB. Paksa: Ang Ating mga paraan Transportasyon- tricycle - motorsiklo- bisikleta - balsa- bangka, barko - pagsakay sa kabayo/kalabaw- dyip , bus, kotse - ang ating paa- LRTC. Pagpapahalaga: 2

Pagtitipon-tipon ng mga kasapi ng mag-anak.III. Gawain sa Pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid mabilis tumakbo - (sa pamamagitan ng kilos) nasirang hawakan ng bag - (tunay na bagay) natanggal na sintas ng sapatos - (tunay na bagay) masayang naglalaro - (larawan) 2. Pagganyak Magpapakita ang guro ng larawan ng dalawang batang nakasakay sa bisikleta. Hayaang pag-usapan ng mga bata kung ano ang kanilang nakikita sa larawan. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng kanilang sariling ideya tungkol sa nais ipahiwatig ng larawan. 3. Pangganyak na Tanong Sabihin: Tingnan ang larawan sa pabalat ng aklat. Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito?(Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng tanong) B. Gawain habang nagbabasa Ipakitang muli ang “Malaking Aklat” na gagamitin sa kuwento. Basahin ang pamagat ng kuwento at sabihin kung sino ang may akda at gumuhit ng kuwento.Magbigay ng ilang tanong tungkol sa impormasyong ipinahayag. Buksan ang unang pahina ng aklat. Tumawag ng bata at ipabasa nang pabigkas ang mga pangungusap sa unang pahina.(Ganito rin ang gawin sa sumusunod na pahina hanggang matapos ito) Sa ikalawang pagkakataon,ipabasa ulit sa lahat ng mga bata ang pangungusap sa bawat pahina nang pabigkas. Paghinto, magbigay ng isa o dalawang tanong ukol sa binasa. Ipasagot o pagbigayin ng hinuha ang mga bata.Ikalawang ArawC. Gawain pagkatapos bumasa (Muling ipabasa ang kuwentong “Sina Pedro at Pablo”) Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito bago isagawa ang ugnayang gawain. 1. Ugnayang Gawain Pangkat I: “Paborito Namin” Iguhit ang pangunahing tauhan sa kuwento. Pangkat II: “Naramdaman Namin” Iguhit ang naramdaman nina Pedro at Pablo habang sila ay nagkakarera. Pangkat III: “Ikilos Mo “ Isadula ang bahagi ng kuwentong naibigan ninyo. Pangkat IV: “Ang Galing !” Gumawa ng medalya o laso na ihahandog sa batang nanalo sa laro. Gamitin ang karton, krayola, laso, at gunting. 3

2. Talakayan Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa? Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat I Saan lugar gustong maglaro ng mga bata? Ano ang nangyari sa kanila sa plasa? Bakit kaya umulan ng araw na iyon? Ano ang nangyari sa bisikleta ni Pablo? Ano ang naramdaman ng dalawang bata habang sila ay nagkakarera? Ipapakita ito ng Pangkat II Sino ang nanalo sa karera? Aling bahagi ng kuwento ang naibigan ninyo? Isakilos ito ng Pangkat III Naranasan na ba ninyong manalo sa isang karera o sa isang paligsahan? Anong premyo ang natanggap ninyo? Bakit dapat bigyan ng premyo ang mga batang nanalo sa paligsahan? Bigyan natin ng medalya o ribbon si Pablo dahil siya ang nanalo sa paligsahan. Isasagawa ito ng Pangkat IV. Ano-ano pang sasakyan ang ginagamit sa larong karera? Magpakita ng larawan ng iba’t-ibang sasakyan:Sasakyang Pantubig Sasakyang Panlupa SasakyangPanghimpapawidbangka kotse eroplanobarko dyip helicopterbalsa bus jetsubmarino bisikletayate motorbike tren tricycleTalakayin ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t ibang sasakyan at angnaidudulot nito sa pag-unlad ng ating bansa.Ikatlong ArawKasanayang Pangwika 1. Balik-aral Muling ipakita ang aklat na ginamit sa kuwentong “Sina Pablo at Pedro.” Ipasabi sa mga bata kung ano ang ginagawa ng dalawang bata sa plasa. Ipasabi sa mga mag-aaral ang kilos na nasa kuwento. 4

2. Pagganyak: Sabihin:May kuwento tayong binasa kahapon,ngayon naman may awit akong iparirinig sa inyo. Awit: Iparinig ang awit na, “Mag-exercise tayo tuwing umaga.” Sabihin sa mga bata na sasabayan nila ng kilos ang bawat binibigkas sa awit. Itanong: Tungkol saan ang awit? Ano-anong kilos ang sinabi sa awit? Ano-anong kilos ang ginaya ninyo?.3. Paglalahad: Sabihin :May mga kilos tayong ginagawa bago pumasok sa paaralan,sa loob ng paaralan at pag-uwi sa bahay. Ano-ano ang ginagawa ninyo bago pumasok sa paaralan, sa loob ng paaralan, at pag-uwi sa bahay? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara nang pahanay ayon sa kilos na pamanahunan tulad ng ginawa na,ginagawa pa lang,gagawin pa lamang.4. Talakayan a. Ano-anong kilos ang ginawa na? b. Ano-anong kilos ang ginagawa pa lang? c. Ano-anong kilos ang gagawin pa lang? d. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang kilos na naganap na? e. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang kilos na ginaganap pa? f. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang kilos na gaganapin pa lang?5. Paglalahat Ano-ano ang tatlong kaganapan ng salitang kilos? Ang mga salitang kilos ay may tatlong panahunan. Ito ay ang sumusunod: Naganap na Ginaganap pa Gaganapin pa langHalimbawa:Salitang-ugat Naganap na Ginaganap pa Gaganapin pa langKain Kumain Kumakain KakainLaro Naglaro Naglalaro MaglalaroLakad Naglakad Nagkakalad MagkakalatTayo Tumayo Tumatayo TatayoIkaapat na araw 6. Pinatnubayang Pagsasanay a. Pagbigayin ang mga bata ng mga salitang kilos at sasabihin kung ito ay naganap na, ginaganap, o gaganapin pa b. Sumulat ng mga salitang kilos . Isulat ito sa loob ng kahon. 5

Salitang-ugat Naganap Na Ginaganap Na Gaganapin Pa Lang1.basa2.laba3.kanta4.sulat5.sayaw7. Malayang Pagsasanay a. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na salitang kilos: a. nakasakay b. sumasakay c. sasakay d. pumila e. pipila f. pumipila a. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pinaikling salita ng pangalang pantawag.Ikalimang ArawPaglalapat Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong karanasan sa pagsakay sa sasakyan. Gamitin ang iba’t ibang kaganapan ng salitang kilos at mga pinaikling salitang panghalili sa pangalan.IV. Pagtataya Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga salitang kilos na ipinakikita sa larawan.1. 2. 3. 4. 5.V. Pinagyamang Pagsasanay Sumulat ng tula, awit o mga nakatutuwang karanasan habang ikaw ay nasa loob ng sasakyan. 6

For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5

Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 27)

1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 27) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 27)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]

Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-27 linggoI. Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag - aaral ay inaasahang: 1. Nakapaglalahad ng isang kuwento/ alamat/ pabula/ biro/ patalastas at iba pa na may tamang bilis, kawastuhan at diin, paghahati at hinto 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 4. Nakababasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita. 5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala at pangungusap na may angkop na tono, damdamin o pahiwatig, at hudyat ng bantas 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan 7. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang kilos sa iba’t ibang panahunan na ginagamit sa pangungusap 8. Nakasusulat nang wasto gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap/ biro/ tula/ awi/ bugtong/ maikling kuwento at iba pa 9. Nakagagamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan 10. Nakatutukoy at nakagagamit ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasim-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan 11. Nakatutukoy ng mga salitang pinakli 12. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi 13. Nakikinig at nakasasagot sa kuwento, alamat, pabula at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining 14. Nakikinig at nakasasagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, balita sa radyo, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining 15. Nakapagpapahayag o nakapagpapakita ng pagmamahal sa kuwento sa pamamagitan pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwentoII. Paksang Aralin: A. Tema: 1. Pabigkas na Wika; Pagbigkas ng kuwento, alamat, pabula, biro, patalastas at iba pa na may tamang bilis, kawastuhan at diin, paghahati at hinto. 2. Pagkilala sa Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat. b. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.3. Katatasan: a. Pagbasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita. 1

b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala at pangungusap na may angkop na tono, damdamin o pahiwatig, at hudyat ng bantas.4. Pagbabaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan.5. Paglikha: Pagsulat nang wasto gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.6. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.7. Talasalitaan:Pagtukoy at paggamit nang wasto sa mga salitangmagkasingkahulugan, magkasalungat, magkasim bigkas, at mgasalitang marami ang kahulugan.9. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha sa damdamin ng tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.10. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalalagayan, balita sa radyo, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.11. Saloobin hinggil sa Panitikan Pagpapahayag ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento.B. Sanggunian: a. K to 12 Curriculum b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) c. Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers BrightA. Kagamitan: Lathalain, larawan at iba paB. Paksa: Ang Ating mga paraan Transportasyon- tricycle - motorsiklo- bisikleta - balsa- bangka, barko - pagsakay sa kabayo/kalabaw- dyip , bus, kotse - ang ating paa- LRTC. Pagpapahalaga: 2

Pagtitipon-tipon ng mga kasapi ng mag-anak.III. Gawain sa Pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid mabilis tumakbo - (sa pamamagitan ng kilos) nasirang hawakan ng bag - (tunay na bagay) natanggal na sintas ng sapatos - (tunay na bagay) masayang naglalaro - (larawan) 2. Pagganyak Magpapakita ang guro ng larawan ng dalawang batang nakasakay sa bisikleta. Hayaang pag-usapan ng mga bata kung ano ang kanilang nakikita sa larawan. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng kanilang sariling ideya tungkol sa nais ipahiwatig ng larawan. 3. Pangganyak na Tanong Sabihin: Tingnan ang larawan sa pabalat ng aklat. Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito?(Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng tanong) B. Gawain habang nagbabasa Ipakitang muli ang “Malaking Aklat” na gagamitin sa kuwento. Basahin ang pamagat ng kuwento at sabihin kung sino ang may akda at gumuhit ng kuwento.Magbigay ng ilang tanong tungkol sa impormasyong ipinahayag. Buksan ang unang pahina ng aklat. Tumawag ng bata at ipabasa nang pabigkas ang mga pangungusap sa unang pahina.(Ganito rin ang gawin sa sumusunod na pahina hanggang matapos ito) Sa ikalawang pagkakataon,ipabasa ulit sa lahat ng mga bata ang pangungusap sa bawat pahina nang pabigkas. Paghinto, magbigay ng isa o dalawang tanong ukol sa binasa. Ipasagot o pagbigayin ng hinuha ang mga bata.Ikalawang ArawC. Gawain pagkatapos bumasa (Muling ipabasa ang kuwentong “Sina Pedro at Pablo”) Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito bago isagawa ang ugnayang gawain. 1. Ugnayang Gawain Pangkat I: “Paborito Namin” Iguhit ang pangunahing tauhan sa kuwento. Pangkat II: “Naramdaman Namin” Iguhit ang naramdaman nina Pedro at Pablo habang sila ay nagkakarera. Pangkat III: “Ikilos Mo “ Isadula ang bahagi ng kuwentong naibigan ninyo. Pangkat IV: “Ang Galing !” Gumawa ng medalya o laso na ihahandog sa batang nanalo sa laro. Gamitin ang karton, krayola, laso, at gunting. 3

2. Talakayan Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa? Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat I Saan lugar gustong maglaro ng mga bata? Ano ang nangyari sa kanila sa plasa? Bakit kaya umulan ng araw na iyon? Ano ang nangyari sa bisikleta ni Pablo? Ano ang naramdaman ng dalawang bata habang sila ay nagkakarera? Ipapakita ito ng Pangkat II Sino ang nanalo sa karera? Aling bahagi ng kuwento ang naibigan ninyo? Isakilos ito ng Pangkat III Naranasan na ba ninyong manalo sa isang karera o sa isang paligsahan? Anong premyo ang natanggap ninyo? Bakit dapat bigyan ng premyo ang mga batang nanalo sa paligsahan? Bigyan natin ng medalya o ribbon si Pablo dahil siya ang nanalo sa paligsahan. Isasagawa ito ng Pangkat IV. Ano-ano pang sasakyan ang ginagamit sa larong karera? Magpakita ng larawan ng iba’t-ibang sasakyan:Sasakyang Pantubig Sasakyang Panlupa SasakyangPanghimpapawidbangka kotse eroplanobarko dyip helicopterbalsa bus jetsubmarino bisikletayate motorbike tren tricycleTalakayin ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t ibang sasakyan at angnaidudulot nito sa pag-unlad ng ating bansa.Ikatlong ArawKasanayang Pangwika 1. Balik-aral Muling ipakita ang aklat na ginamit sa kuwentong “Sina Pablo at Pedro.” Ipasabi sa mga bata kung ano ang ginagawa ng dalawang bata sa plasa. Ipasabi sa mga mag-aaral ang kilos na nasa kuwento. 4

2. Pagganyak: Sabihin:May kuwento tayong binasa kahapon,ngayon naman may awit akong iparirinig sa inyo. Awit: Iparinig ang awit na, “Mag-exercise tayo tuwing umaga.” Sabihin sa mga bata na sasabayan nila ng kilos ang bawat binibigkas sa awit. Itanong: Tungkol saan ang awit? Ano-anong kilos ang sinabi sa awit? Ano-anong kilos ang ginaya ninyo?.3. Paglalahad: Sabihin :May mga kilos tayong ginagawa bago pumasok sa paaralan,sa loob ng paaralan at pag-uwi sa bahay. Ano-ano ang ginagawa ninyo bago pumasok sa paaralan, sa loob ng paaralan, at pag-uwi sa bahay? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara nang pahanay ayon sa kilos na pamanahunan tulad ng ginawa na,ginagawa pa lang,gagawin pa lamang.4. Talakayan a. Ano-anong kilos ang ginawa na? b. Ano-anong kilos ang ginagawa pa lang? c. Ano-anong kilos ang gagawin pa lang? d. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang kilos na naganap na? e. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang kilos na ginaganap pa? f. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang kilos na gaganapin pa lang?5. Paglalahat Ano-ano ang tatlong kaganapan ng salitang kilos? Ang mga salitang kilos ay may tatlong panahunan. Ito ay ang sumusunod: Naganap na Ginaganap pa Gaganapin pa langHalimbawa:Salitang-ugat Naganap na Ginaganap pa Gaganapin pa langKain Kumain Kumakain KakainLaro Naglaro Naglalaro MaglalaroLakad Naglakad Nagkakalad MagkakalatTayo Tumayo Tumatayo TatayoIkaapat na araw 6. Pinatnubayang Pagsasanay a. Pagbigayin ang mga bata ng mga salitang kilos at sasabihin kung ito ay naganap na, ginaganap, o gaganapin pa b. Sumulat ng mga salitang kilos . Isulat ito sa loob ng kahon. 5

Salitang-ugat Naganap Na Ginaganap Na Gaganapin Pa Lang1.basa2.laba3.kanta4.sulat5.sayaw7. Malayang Pagsasanay a. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na salitang kilos: a. nakasakay b. sumasakay c. sasakay d. pumila e. pipila f. pumipila a. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pinaikling salita ng pangalang pantawag.Ikalimang ArawPaglalapat Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong karanasan sa pagsakay sa sasakyan. Gamitin ang iba’t ibang kaganapan ng salitang kilos at mga pinaikling salitang panghalili sa pangalan.IV. Pagtataya Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga salitang kilos na ipinakikita sa larawan.1. 2. 3. 4. 5.V. Pinagyamang Pagsasanay Sumulat ng tula, awit o mga nakatutuwang karanasan habang ikaw ay nasa loob ng sasakyan. 6

For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5

Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 28)

1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 28) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 28)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]

Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-28 LinggoI. Mga Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin 2. Nakababasa ng batayang salita sa unang kita 3. Nakababasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas 4. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutunan 5. Nakasusulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian 6. Nakasusulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may iba’t ibang dahilan 7. Nakagagamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan 8. Nakakikilala ng gamit ng mga salitang pinaikli ( baka at kalabaw – baka’t kalabaw). 9. Nakatutukoy ng katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinasabi 10. Nakatutugon sa mga kuwento, alamat, pabula sa pamamagitan ng pagtatalakayan, awit, at sining 11. Nakapagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat ng aklat na kanilang nabasaII. Paksang Aralin A. Tema: a. Talasalitaan: Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli ( baka at kalabaw – baka’t kalabaw). b. Katatasan: Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong intonasyon, damdamin, at bantas. c. Pabigkas na Wika: Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin. d. Pag-unawa sa Binasa: Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento. e. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan. f. Pagkilala sa Salita: Pagbasa ng batayang salita sa unang kita. g. Pagbaybay: Pagbaybay nang wasto ng mga salitang natutunan. h. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian. 1

i. Pagbuo ng Komposisyon: Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may ibat ibang dahilan. j. Pagpukaw sa Kamalayan: Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o sinasabi. k. Kagawian: Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.B. Sanggunian: K – 12 CurriculumC. Mga Kagamitan: Tsart ng mga larawan Illustration board.D. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga Anyong LupaE. Paksa: Pangangalaga sa Yamang LupaF. Integrasyon: Mga Anyong Lupa - Araling PanlipunanIII. Gawain sa Pagkatuto: Unang Araw A.Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid (Gamit ang ‘Contextual Clues’) a. inaaruga Ang mga batang mahihirap ay inaaruga ng mag-asawa. Binibigyan nila ang mga ito ng pagkain. b. bantog Si Bernardo Carpio ay bantog sa pagiging malakas. Kilala siya sa buong bayan. c. himagsikan Ang himagsikan ng mga Pilipino at Kastila ay nagdulot ng kaguluhan. d. mandirigma Ang aking lolo ay isang matapang na mandirigma. Nakipaglaban siya laban sa mga Kastila. e. engkantado May kapangyarihan ang engkantado na pagalawin ang dalawang malalaking bato. 2. Pagganyak: Itanong: Ano ang nangyayari kapag may lindol? Ano ang dapat nating gawin kapag may lindol? 2

3. Pangganyak na tanong: Ayon sa alamat, ano ang sanhing paglindol sa kabundukan ng San Mateo.B. Gawain habang nagbabasa Pagbasa ng kuwento: Basahin ng guro ang kuwento nang tuloy-tuloy. Muling basahin ng guro ang kuwento mula sa unahang pahina habang itinuturo ng pointer ang ilalim ng mga pangungusap. Magtanong ukol sa nilalaman ng bawat pahina. Magbigay ng nahihinuhang tanong para sa susunod na pahina. Hayaang magbigay ng sariling palagay o hinuha ang mga bata. Gawin ito hanggang sa huling pahina ng kuwento.Ikalawang Araw Gawain pagkatapos bumasa 1. Ugnayang Gawain Pangkat I: Kilalanin Natin Gamit ang ‘word map’, isulat ang mga katangian ni Bernardo Carpio. Bernardo CarpioPangkat II: Iguhit Mo Sa isang kartolina, iguhit ang bundok na tinitirahan ng mag-anak ni Bernardo Carpio. Isulat sa ibaba nito ang, ‘Bundok ng San Mateo’.Pangkat III: Dalangin Ang mag-asawa ay patuloy na nananalig na magkaroon ng anak. Kaya’t palagi silang nananalangin. Sumulat ng isang panalangin para sa mag- asawa. Bathala, __________________________________________________________ __________________________________________________________Pangkat IV. Artista Ako Pagdaan ni Bernardo sa magkaparis nanaglalakihang bato ay ginamit ngengkantado angkanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sapagnanais na ipitin at patayin si Bernardo. Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-untingsiyangnaipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakasupang pigilan ang 3

mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula saagimat ng engkantado. Magdula-dulaan tungkol sa bahaging ito ng kuwento. Talakayan a. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ano-ano ang kaniyang katangian? Tunghayan ang ulat ng Pangkat I. b. Saan naganap ang alamat ni Bernardo Carpio? Tingnan natin ang gawa ng Pangkat II. c. Ano kaya ang panalangin ng mag-asawa kay Bathala? Pakinggan ang ulat ng Pangkat III. d. Ano ang nangyari kay Bernardo nang magkaharap sila ng engkantado? Ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo? Panoorin ang pagdudula-dulaan ng Pangkat IV. e. Paano kaya natin pangangalagaan ang ating mga kabundukan?Ikatlong Araw 1. Balik – aral: Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? Saan ito naganap? Ano-ano ang makikita sa bundok? Inaasahang tugon (Isusulat sa pisara) aso at pusa baka at kalabaw puno at halaman 2. Paglalahad Sabihin: Basahin ang mga salitang inyong binanggit. Tingnan kung paano ko ito isusulat nang maikli. aso at pusa – aso’t pusa baka at kalabaw- baka’t kalabaw puno at halaman – puno’t halaman 3. Pagtalakay/Paglalahat Paano pinaiikli ang dalawang salita? Kailan ito pinaiikli? Anong bantas ang ginagamit? 4. Pinatnubayang Pagsasanay Isulat nang paikli ang pangalan ng mga larawan. ______________________ ______________________ 4

______________________ ______________________ ______________________5. Malayang Pagsasanay Lumundag kung wasto ang bawat pinaikling salita. a. eroplano’t barko b. bangka at bangko c. ambulansya at kotse d. tren at motorsiklo e. kotse’t motorsiklo6. Paglalapat Magbigay ng mga salitang pinaikli at gamitin sa pangungusap.7. Pagtataya: Isulat ang katumbas na pinaikling na salita. mesa at silya kutsara at tinidor timba at tabo relo at singsing batya at tubigIkaapat na arawKasanayang Pangwika1.Pagganyak: Ano-ano ang ginagawa ninyo araw-araw? ( Isusulat sa pisara ang sagot ng mga bata.) Hal. Ako ay naliligo tuwing umaga. Ako ay naghuhugas ng pinggan. Nagdidilig ako ng halaman sa hardin. Naglilinis ako ng aming bahay. Nag-aaral ako ng aking aralin. 5

2. Paglalahad Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong: Ano ang ginagawa ni Rico? ( naliligo) Ano ang ginagawa ni Tanya? (nag huhugas) (Magtanong pa tungkol sa sagot ng mga bata.)3. Pagtatalakay: Ano ang ipinapakita ng mga salita? Magpabigay pa ng ibang halimbawa.4. Paglalahat: Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng kilos?5. Pinatnubayang Pagsasanay Sabihin Ko, Ikilos Ninyo’ a. Babanggit ng mga salitang kilos ang guro. b. Isasagawa o isasakilos ito ng mga bata.6. Malayang Pagsasanay Kilos Ko, Hulaan Ninyo’ a. Tatawag ng bata sa harapan ng klase. b. Gagawa siya ng kilos at huhulaan naman ng mga kamag-aral.7. Pagsasanay: Panuto: Pagtambalin ng guhit ang salitang kilos sa larawan. umaawit nagbabasa nanonood pumapasok naglalaba 6

8. PagtatayaIguhit ang masayang mukha kung ito ay salitang kilos at malungkot na mukhakung hindi. _____ 1. natulog _____ 4. aso _____ 2. umakyat _____ 5. umiiyak _____ 3. ateIkalimang araw 1. Balik – aral Ihanay sa bawat kolum ang mga salitang kilos. Hayaang pumili ang mga bata ng isang salita na gagamitin sa pangungusap. A BC2. Paglalahad Ipakita ang mga batayang talasalitaan na nasa kuwento at ipabasa ang mga ito.3. Pinatnubayang Pagsasanay Laro: “Up the Ladder” Pamamaraan: Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat. Ibigay sa pangkat ang set ng salita na gagamitin sa laro. Ipadala sa harapan ang salitang ito na sasabihin ng guro. Halimbawa: inaaruga bantog himagsikan engkantado mandirigma4. Malayang Pagsasanay Kopyahin sa papel ang tamang salitang babanggitin ng guro.a. inaaruga bantog bundok yungibb. himagsikan ilog bulaklak kaibiganc. bundok mandirigma bantog engkantadod. yungib gubat bato bantoge. engkantado inaaruga yungib himagsikan5. Paglalapat Laro: Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Isulat sa drillboard ang salitang maririnig sa guro. 1. inaaruga 2. bantog 3. himagsikan 4. engkantado 5. mandirigma 7

6. PagtatayaBilugan ang markang / kung wasto ang baybay at ang x kung mali. 1. bantog x/ 2. inaaruga x/ 3. engkantado x/ 4. mandirigma x/ 5. himagsikan x/ 8

For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5

Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 29)

1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 29) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 29)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]

Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-29 na LinggoI. Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang 1. Nakapagsasabi ng kahalagahan ng pagiging matiyaga upang magkaroon ng katapat na biyaya mula sa Panginoon 2. Nakapagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos 3. Nakapaglalahad ng kuwento na may tamang bilis, pagbigkas, at diin 4. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng mga salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 5. Nakababasa ngtekstona may tatlo hanggangapat na parirala, salita, atmgapangungusapna may wastong tono, damdaminatgamit ng bantas 6. Nakababaybay nang tama ng mga salitang nagsasaad ng kilos na may iba’t ibang pangyayari na ginamit sa pangungusap 7. Nakasusulat ng simplengpangungusap, parirala, talata, at kuwento na ma ytamang bantas, gamit ng malaking letra, at wastong pagsulat ng talata 8. Nakagagamit ng tamang salita na nagsasaad ng kilos gamit ang iba’t ibang pangyayari sa pagkukuwento ng sariling karanasan 9. Nakikilala ang mga damdaminng tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi.II. Paksa A. Tema 1. Talasalitaan: - Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos. 2. Pabigkas na Wika - Pagsasabi ng kuwento na may tamang bilis, pagbigkas, at diin. 3. Pag-unawa sa Binasa - Pagkilala ngdamdaminng tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi. 4. Katatasan - Paggamit ng tamang salita na nagsasaad ng kilos gamit ang iba’t ibang kaganapan sa pagkukuwento ng sariling karanasan. 5. Pagkilala sa Salita a. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na maymatataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag- aralan. b. Pagbasa ngtekstona may tatlo hanggangapat na parirala, salita, at mgapangungusapna may wastong tono, damdaminatgamit ng bantas 6. Pagsulat a. Pagbaybay nang tama ng mga salitang nagsasaad ng kilos na may iba’t ibang kaganapan na ginamit sa pangungusap. 1

b.Pagsulat ng simplengpangungusap, parirala, talata, at kuwentonamaytamang bantas, gamit ng malaking letra, at wastong pagsulat ng talata. c. Paggamit ng tamang salita na nagsasaad ng kilos gamit ang iba’t ibang kaganapan sa pagkukuwento ng sariling karanasanB. Sanggunian: - K-12 Curriculum Guide sa Mother Tongue d.7 - Romanes Yolanda G. ”Filipino 1 sa Pakikipag-ugnayang Wika at Pagbasa” dd.213-214C. Mga Kagamitan Tsart, mga larawanD. Pagpapahalaga Pagiging masipag at matiyagaE. Paksa: Ako at ang Aking PamayananIII. Gawain sa Pagkatuto: Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng balakid a. sa pamamagitan ng larawan abaniko kawayan tungkod simbahan kalsada b. sa pamamagitan ng pagtatanong Anong I na ibig sabihin ay ipinanganak? Anong U na ibig sabihin ay wala nang mga magulang? Anong T na ang ibig sabihin ay nagtitinda? Anong B na ibig sabihin ay tungkod? 2. Pagganyak Sino sa inyo ang wala nang nanay o tatay? 3. Pangganyak na tanong Sino ang batang naulila sa kuwento? Ano ang ginawa niya at ng kaniyang nga kapatid upang mabuhay at makapag-aral? 4. Pamantayan sa pakikinig ng kuwento B. Gawain habang nagbabasa Pagkukuwento ng guro sa tulong ng mga larawan (story apron) 2

Maging Masipag at Matiyaga ni Minerva C. David Si Andres Bonifacio ay tinaguriang “Ama ng Katipunan.” Siya ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong ika-30 ng Nobyembre 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Maaga siyang naulila. Sa gulang na labing-apat, naiwan sa kanya ang lima niyang kapatid. Hindi siya sumuko kahit na maraming hirap ang dinanas niya. Pinanatili niya ang sipag at tiyaga upang siya ay magtagumpay. Araw-araw nangunguha siya ng kawayan sa paligid. ”Kuya, anong gagawin natin sa mga kawayang iyan?”, tanong ng kanyang kapatid. “Gagawa tayo ng tungkod, kikinisin natin at babarnisan. Gagawa tayo ng abaniko.” “Sige, kami naman ang magtitinda.” Tuwing Linggo, nakapuwesto silang magkakapatid sa kalsada, sa harap ng simbahan at nagtitinda ng tungkod at abanikong papel. Nagtiyaga sila sa ganitong uri ng pamumuhay hanggang makakuha ng trabaho si Andres. Nasuportahan niya ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nabuhay sila nang maayos dahil sa kanyang sipag at tiyaga.Ikalawang araw C. Gawain pagkatapos bumasa 1. Ugnayang Gawain Pangkatin ang mga bata sa apat sa saliw ng awiting pambata. Pangkat I: “Sino Ako?” Bubuuin ng unang pangkat ang pira-pirasong larawan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa bawat isa. Pangkat II: “Alam Mo Ba Ang Kaarawan Ko?” May mga letra at bilang na nakasulat sa flashcard, ayusin ang petsa kung kailan ipinanganak si Andres Bonifacio. Pangkat III: “Lights, Camera, Action!” Isadula kung ano ang ginawa ng magkakapatid upang mabuhay at makapag-aral. Pangkat IV: “Tamad o Masipag” Anong ugali mayroon si Andres Bonifacio? Iugnay ang larawan sa tamang pag-uugali ni Andres. tamad masipag 3

2. Talakayan Sino ang batang naulila sa ating kuwento? Narito ang Pangkat 1 upang ipakita ang kanilang ginawa. Saan siya ipinanganak? Kailan siya isinilang? Panoorin natin ang Pangkat 2. Ilang taon siya nang mamatay ang kanyang mga magulang? Ano ang ginawa niya upang magtagumpay? Narito ang Pangkat 3 upang ipakita ang maikling dula-dulaan. Saan sila nagtitinda? Anong ugali mayroon si Andres Bonifacio at ang kanyang mga kapatid? Narito ang Pangkat 4 sa kanilang ginawa.3. Pagkilala sa Tama at Maling Pahayag Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. ____ 1. Naulila sa kanyang mga magulang si Andres sa gulang na labing-apat. ____ 2. Sila ay pitong magkakapatid. ____ 3. Araw-araw ay nangunguha ng sanga ng puno sa gubat si Andres Bonifacio. ____4. Tuwing Linggo, nagtitinda ang magkakapatid ng suman sa simbahan. ____5. Si Andres Bonifacio ay isinilang sa Tondo, Maynila.Ikatlong Araw1. Balik-aral Sino ang batang masipag sa ating kuwento?2. Paglalahad Ano ang ginawa niya sa kawayan at abaniko? Pagkatapos nilang kinisin at barnisan, ano ang sunod nilang ginawa? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata) nagbarnis nagtinda nagkiskis Ano ang inyong napansin sa mga salitang aking isinulat sa pisara?(Magpapakita ang guro ng isang larawan gamit ang salita sa ibat-ibangaspekto) 1. Naglaro ng bola si Lito kahapon. 2. Naglalaro ng bola si Lito araw-araw. 3. Maglalaro ng bola si Lito bukas ng hapon.Sa unang pangungusap, ano ang ginawa ni Lito? Kailan siya naglaro ngbola? 4

Sa ikalawang pangungusap, ano ang ginagawa ni Lito? Kailan siya naglalaro ng bola? Sa ikatlong pangungusap, ano ang gagawin ni Lito? Kailan siya maglalaro ng bola? Ano ang napansin ninyo sa bawat salitang nagsasaad ng kilos? Ang salitang nagsasad ng kilos ay may katangiang nagsasabi kung kailan nangyari ito. (Magbibigay pa ang guro ng iba’t ibang halimbawa)3. Paglalahat Ano ang tawag natin sa katangian ng kilos na nagsasabi kung kailan ito nangyari?4. Pagsasanay Pangkat 1 Piliin at lagyan ng kahon ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa loob ng abaniko.nagtratrabaho naglilinis nagtitinda tungkodbaston ulila abaniko uminomgumagawa umuupo bataPangkat 2Bilugan ang salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap. 1. Ang magkakapatid ay nangunguha ng kawayan sa gubat. 2. Si Andres ay palaging nagkikiskis ng kawayan. 3. Nagtitinda sila ng abaniko at tungkod. 4. Pumasok sa paaralan si Andres. 5. Bumili ng tungkod ang mga tao.Pangkat 3Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung wasto ang gamit ng kilos sapangungusap at ekis (x) kung hindi.____1. Araw-araw ay tumatakbo si Kuneho.____2. Ang Pagong ay maglalaro kanina.____3. Nagtanong si Pagong bago makipaglaro kay Kuneho.____4. Si Kuneho ay natulog kaya naunahan ni Pagong.____5. Iinom kagabi ng tubig si Pagong bago matulog.Pangkat 4Buuin ang tsart ayon sa panahunan ng salitang kilos.Salitang-ugat Ginawa na Ginagawa pa Gagawin pa lamangDasalLuto5. PagtatayaIsulat sa iyong sagutang papel angtama kung wasto ang gamit ng salitangkilos at mali kung hindi.____1. Nakinig kami kagabi sa kuwento ni Lola Sita.____2. Palaging tutulungan ng nanay ang mga anak.____3. Araw-araw ay naligo sa sapa ang mga hayop.____4. Nag-usap sina nanay at tatay kahapon.____5. Pagdating nila sa ilog, lumalangoy sila para mapreskuhan. 5

Ikatlong araw 1. Balik-aral Balikan natin ang kuwento noong unang araw. Sino ang makapagsasalaysay ng kuwentong iyon? 2. Paglalahad (Magpakita ng mga larawan. Hayaang bumuo ng pangungusap ang mga bata) Tumawag ng isang bata at ipasulat ito sa pisara Ano ang ginagawa ng mga tao sa simbahan? (Ang mga tao ay nagdarasal.) Ano ang napansin ninyo sa unahan ng pangungusap at sa hulihan nito? (Magbigay pa ng mga halimbawa gamit ang bantas na tuldok at tandang pananong.) 3. Paglalahat Ano ang dapat gawin sa unang letra ng mga pangungusap? Sa hulihan naman, anong bantas ang dapat gamitin kapag nagsasalaysay? Kapag nagtatanong? 4. Pagsasanay Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Pangkat I Sumulat ng pangungusap para sa tatlong larawan. 1. 2. 3. Pangkat 2 Isulat nang wasto ang sumusunod 1. naglaba ng damit ang nanay 2. kailan ka nagsusuklay 3. masarap kumain ng sopas 4. ang mga bata ay nagsulat 5. ano ang ginagawa mo pagkatapos maligo 6

Ikaapat na araw a. Pinatnubayang Pagsasanay Isulat nang wasto ang sumusunod: 1. sila ay nakaupo sa simbahan 2. dinala sa ospital si ben 3. paano ka umawit 4. madaming nakuhang bayabas si lito 5. bakit siya umiiyak b. Pagmasdan ang larawan. Siya ang aking kaibigan, wala siyang pangalan. Ano kaya ang ipapangalan natin sa kanya. Magbigay nga kayo ng pangalan. Ano ang ginagawa ni Ana? Anong pagkain ang kanyang kinakain? Ilarawan ito. (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata nang patalata.) Si Ana ay ang aking kaibigan. Kumakain siya ng tanghalian. Mahilig siyang kumain ng masustansiyang pagkain. Ano ang inyong napansin sa aking pagsulat ng unang pangungusap? sa ikalawa? sa ikatlo? Anong bantas ang aking ginamit? (Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng talata) Anong tawag natin sa mga pangungusap na may iisang diwa na pinagsama- sama?b. Malayang pagsasanay a. Pangkatin sa apat ang mga bata. Bigyan ang bawat pangkat ng larawan at sagutan ang mga tanong na nasa ‘activity card’ upang makabuo ng talata. Ano ang kulay ng mansanas? Ano ang lasa nito? Masustansiya ba ito? ilan ang pamaypay? Saan kaya ito binili? Kailan mo ito ginagamit? Ano ang ginagawa ng batang si Ben? Anong masasabi mo sa kanyang pag-iyak? Bakit kaya siya umiyak? 7


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook