Narito ang mga prutas na pagsusulatan mo.Isinulat mo ba ang bilang ng pangungusap 1, 2, 4, 6 sa mansanas?Ang 8, 10, 12 sa mangga?Ang 3, 5, 7, 9,11 sa bayabas?Kung nasagot mo ng ganito, magaling ka, kid! 2
Pag-aralan Mo Pansinin mo nga ang lugar na kinalalagyan mo ngayon, simula noong ikaw aymagka-isip hanggang sa edad mo ngayon, may nakita ka bang pagbabago? May babasahin kang kuwento, malalaman mo dito ang pagkakaiba ng Ilog Pasignoon at ngayon. Handa ka na ba? Pero bago mo basahin ang kuwento, ayusin mo muna angmga pinaghalu-halong titik upang makuha ang kahulugang tinutukoy ng mgamalalalim na salita Isulat mo ito sa iyong sagutang papel.1. tapat na pagmamahal - AWGAS2. sariwa ang hangin - PKRESO3. susunod na panahon - HANERSENYO4. putik - KARUBGanito ba ang sagot mo? Mahusay! 1. wagas 2. presko 3. henerasyon 4. burakILOG PASIG: NOON AT NGAYON(Pinagkunan: Filipino V – Diwa Textbook) Malaki ang naging bahagi ng Ilog Pasig sa buhay ng maraming Pilipino,kabilang na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. 3
Malimit noon na makitang namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal.Kasama niya ang kanyang kasintahang si Leonora Rivera. Ito ang nagingsaksi sa kanilang wagas na pagmamahalan. Madalas nilang pasyalan noonang Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwingpinagmamasdan nila ito. Ayon sa matatanda, ibang-iba raw ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mgamagkasuyong namamasyal dito, marami ring kababaihan ang nakikitangnaglalaba rito. Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao. Kulay asul ang tubig nito, malinis at malinaw. Iba’t-ibang isda ang nahuhulirito tulad ng talimusak, dalag at kanduli. Presko ang simoy ng hangin dito. Naging inspirasyon ng mga makata atmanunulat ang ilog na ito. Ipinahahayag nila ang kanilang mga damdamin sapamamagitan ng tula at awit. Gaano man kabigat ang suliranin ng isang tao,dagli nila itong nalilimutan kung namamalas ang kagandahan ng Ilog- Pasig.Ang alon ay tila musika sa kanilang pandinig. Ganyan kaaya-aya ang IlogPasig noon. At isa ito sa itinuturing na magandang tanawin sa ating bansa. Ngunit ngayon, ano ang nangyari sa ilog na ito? Ang dating malinaw natubig, ngayon ay maitim na. Ang presko at sariwang hangin ay napalitan na ngmabahong simoy na dulot ng basurang itinapon dito. Ang mga isda ay wala nang pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puroburak na. Sino pa ang masisiyahang mamamasyal sa pook na ito? Paanotayo uunlad kung pati ang kalikasan ay sinisira natin dahil sa atingkapabayaan? Paano na rin ang ating kalusugan? Sana’y magising na tayo sapaggawa ng kabutihan para na rin sa mga susunod na henerasyon. Sa kasalukuyan, marami nang proyekto ang pamahalaan upang buhayinmuli ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana’y makiisa ang lahat sa mgaproyektong ito. Ikaw, handa ka na bang maging bahagi nito? Isang hamon itopara sa iyo. Tulad mo, diyan sa lugar ninyo, may naitulong ka na ba upangmagkaroon ng pagbabago? Naunawaan mo ba ang salaysay? Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Sinu-sino ang madalas mamasyal sa Ilog Pasig noon? 2. Ilarawan ang Ilog Pasig noon, ano ang kaibahan nito ngayon? 3. Bakit inspirasyon ng mga manunulat ang Ilog Pasig noon? 4. Sa kasalukuyan anong mga programa/proyekto mayroon ang pamahalaan at mga pribadong organisasyon upang muling buhayin ang Ilog Pasig? 5. Bilang mabuting mamamayan, paano ka makikipagtulungan sa pamahalaan upang masagip ang Ilog Pasig? 6. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang proyekto/programa ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon upang mabuhay muli ang makasaysayang Ilog Pasig? Ibigay ang iyong reaksyon. 4
Ipagpatuloy natin ang pag-aaral sa modyul na ito,Basahin mo ang mga pangyayari sa ibaba at isulat ang iyong palagay o reaksyonsa iyong sagutang papel. Sang-ayon ka ba o hindi? 1. Patuloy na pagtaas ng gasolina at ng mga pangunahing bilihin, sang-ayon ka o hindi, ibigay mo ang iyong reaksyon. 2. Walang maibubungang mabuti ang pagdodroga o ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang iyong pananaw dito, totoo ba ito? 3. Mababa ang marka ng mga mag-aaral sa English, Science at Mathematics. Ibigay mo ang sarili mong saloobin tungkol sa pangyayaring itoPansinin mo ang mga pangungusap sa talata 5 ng kuwentong iyong binasa.Mayroon bang payak, tambalan at hugnayang pangungusap na ginamit. Kungoo, isulat mo ang mga ito sa sumusunod na dayagram. Kayarian ng PangungusapPayak Tambalan Hugnayan Ganito ba ang iyong sagot. Tama ka! Payak • Presko ang simoy ng hangin. Tambalan • Ganyan kaaya-aya ang Ilog Pasig noon at isa ito sa itinuturing na magandang tanawin sa ating bansa. Hugnayan • Naging inspirasyon ng mga makata at manunulat ang ilog na ito upang maipahayag nila ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng tula at awit. Balikan mo ang isinulat mong reaksyon gumamit ka ba ng kayarian ngpangungusap (payak, tambalan, hugnayan). Kung oo, magaling ka! 5
Isaisip Mo Payak, tambalan at hugnayan ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian.Ginagamit sa pagbibigay at pagsulat ng reaksyon sa isang binasang pangyayari atteksto ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian. Pagsanayan Mo Tingnan mo nga kung natutuhan mo talaga ang iyong aralin. Basahin mo angtalata sa ibaba at isulat mo ang iyong reaksyon sa iyong sagutang papel. Ang Protestantismo Sa pagdating ng mga Amerikano nagsimula ang paghihiwalay ng estado at ng simbahan. Sa kanilang pananakop ay binigyang-diin ng mga Amerikano ang pagtatatag ng demokratikong pamahalaan at ang pagtuturo sa mga Pilipino ng paraan ng pamamahala. Hindi sinakop ng mga Amerikano ang usaping relihiyon at binigyang laya ang mga tao na sumamba ayon sa kanilang pagnanais. Gayunpaman, nang dumating ang mga Amerikano ay dala nila ang sarili nilang relihiyon – ang Protestantismo. Ipinakilala ito sa mga Pilipino at maluwag namang tinanggap ang pagbabagong dulot nito. Marahil sa masamang karanasan nila sa Espanyol na ginamit ang relihiyong Katolisismo sa pananakop. Sa maikling panahon, lumaganap ang Protestantismo subalit mas marami pa rin ang mahigpit ang pagkakayakap sa katolisismo. Sa kasalukuyan, mahigit na 80 porsyento ng mga Pilipino ay Katoliko. Subukin Mo Upang matiyak mo kung talagang malinaw na sa iyo ang modyul na ito, gawinmong muli ang pagsasanay sa ibaba. 6
Isulat mo sa isang malinis na papel ang iyong palagay o reaksiyon sa mgasumusunod na pangyayari gamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian(payak, tambalan, hugnayan): 1. Pagdarasal ng rosaryo. 2. Paggamit ng mga Pilipino ng Pambansang ID. 3. Pagdaragdag ng isang taon sa Elementarya, tulad ng baitang 7. 4. Pagpapaaral sa pribadong paaralan. 5. Hindi pagtaas ng suweldo ng mga empleyado at manggagawa. Mahusay kang magsulat at magbigay ng iyong sariling palagay at reaksyon. Binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7
PAGTUKOY SA PANDIWA SA KUWENTONG BINASA/ UGNAYANG SANHI AT BUNGA Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang makatutukoy ka na ng mga pandiwa sa kuwentong binasa, makapagsasabi na ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga at makasusulat ng pagsusuri tungkol sa pagkakaugnay ng sanhi at bunga sa paraang patalata.Pagbalik-aralan Mo A. Isulat sa sagutang papel kung ang pandiwang may salungguhit ay naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. 1. Panonoorin namin ang paglubog ng araw. 2. Nakita ko si Jun sa Ali Mall. 3. Tumatakbo ang mga bata. 4. Ang tatay ko ay nagtitiis sa banig ng karamdaman. 5. Uuwi ka ba? 6. Siguro ay sasama ka sa Surigao. 7. Talaga bang nakaalis na ang Nanay? 8. Humihingi ako ng baon sa nanay linggo-linggo. 9. Tutulong ba tayo sa nasalanta ng bagyo. 10. Nawala na lamang siyang bigla.Iwasto ang iyong sagot. Ganito ba ang sagot?1. magaganap 6. magaganap2. naganap 7. naganap3. nagaganap 8. nagaganap4. nagaganap 9. magaganap5. magaganap 10. naganap 1
Tandaan: Higit na mahalaga na makilala mo ang mga pandiwa at magamit nang wasto sa iba’t ibang aspekto nito. Pag-aralan Mo Handa ka na bang bumasang muli ng kuwento? Mababasa mo sa kuwento kung paano magmahalan ang mga Pilipino. Sa iyong pagbabasa, masasagot mo ang tanong na: Ano ang ibig sabihin ng pagbibigayan ng mga Pilipino kahit na walang okasyon? Hanapin mo sa kahon sa ilalim ang angkop na kahulugan ng bawat salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno. 1. Malusog si Nene dahil sa nahihiyang sa gatas na kanyang iniinom. 2. Maraming nabibiling pinasugbong nakalata sa Kabisayaan. 3. Matamis at malamukot ang dalang santol ni lola. a. malutong na saging na saba na pinagdikit ng arnibal na nasa latang sisidan b. makapal ang laman ng prutas c. tama sa katawan 1. _______ 2. _______ 3. _______ Tama ka kung ang sagot mo ay katulad nito. # 1 ay c # 2 ay a # 3 ay b 2
Maaari mo nang simulan ang pagbasa… Tanda ng Pagmamahalan uwing prutas ang pare mo. Dapat matikman mo ang aming ani.” “Inay…! Inay…!” sabi ni Milaisang tanghali. “Heto po ang Kumareng “Salamat, Mare,” tugon ni AlingRita ninyo.” Rita. “Siyanga pala, Mare! Heto ang mga pasalubong ko sa inyo,” at binuksan Dumungaw sa bintana si Aling niya ang mga bag na kanyang dala.Nelia. “Si Kumareng Rita nga.” “Dinaing na bangus, hipon at sugpo. Ang pinasugbo ay para kina Mila at Pablito.” “Kailan ka pa dumating, Mare?”tanong ni Aling Nelia. “Ang Kumpare, “Naku, mamaya pa ang dating nihindi mo ba kasama?” Pablito!” sabi ni Aling Nelia. “May pagsasanay daw ang klase nila para sa “Noong makalawa ako dumating,” nalalapit na palatuntunan para sa Pasko.”sagot ni Aling Rita, “naiwan ang pare modahil hindi siya makakuha ng bakasyon “Hindi bale, hindi pa naman akomula sa trabaho. Pero susunod sa aalis, e. Magkikita rin kami sa ibangdarating na linggo. Nauna ako dahil sa araw.”kailangang-kailangan ako ng mga kapatidko sa paglutas ng problema namin sa “Naku, salamat, Mare! Pagka-mga lupang naiwan ng aming mga iinam naman ng mga pasalubong mo samagulang.” amin.” Ganoon ba? Naku, Mare, ang Siyang pagpasok ni Mila dalataba mo ngayon!” sabi ni Aling Nelia. ang bandehado ng mga bagong pitas na“Tila nahihiyang ka sa hangin sa bungangkahoy.Bisayas.” “Aling Rita,” sabi ni Mila. “Tikman “Ikaw rin, e, ang taba mo rin!” po ninyo ang mga prutas na ani ng Tatay “Naku, lalo na ang Paring sa Plaridel. Matatamis po at malalakiReynaldo mo,” tugon ni Aling Nelia. ang bayabas. Malamukot at kakaunti po“Malusog na malusog ngayon. Nahihilig ang buto ng mga santol.”kasi sa paghahalaman, e. Alam mo,nakabili kami ng kapirasong lupa sa “Naku, para bang pagkasarap-Plaridel, Bulacan. Doon naglalagi ang sarap, a!” sagot ni Aling Rita. “SalamatPare mo. Inaasikaso ang mga puno nang marami. May dala akongnaming namumunga, gaya ng papaya, pinasugbo para sa inyo ni Pablito.”saging, mangga, atis, tsiko, santol atkaymito.” “Paborito po namin ni Kuya Pablito “A, e lulusog nga si Kumpareng ang pinasugbo. Salamat po, Aling Rita,”Reynaldo. Batak na batak pala ang sabi ni Mila.katawan e, at saka laging nakakalanghapng sariwang hangin.” “Sige, Mare, tikman mo na ang “Naku, mamaya pa ang dating ni mga prutas,” sabi ni Aling Nelia. “KaininPablito!” sabi ni Aling Nelia. “Maraming mo ang kaya mong kainin.” Nagkuwentuhan ang magkumare habang kumakain si Aling Rita. Pagkatapos ng mahabang kuwentuhan, nagpaalam na si Aling Rita. 3
“Mare, pakidala mo na nga sa mga daratnan mo sa bahay ang laman ng dalawang bag na ito,” sabi ni Aling Nelia. “Si Mare naman! Pinapalitan mo yata ang mga pasalubong ko sa inyo, a!” “Naku, hindi!” sagot ni Aling Nelia. Talaga namang likas sa ating mga Pilipino ang pagbibigayan, a, hindi ba? Tanda iyan ng ating pagmamahalan.” “O, sige na nga. Dadalhin ko na ito. Maraming-maraming salamat.” “Salamat din sa dalaw mo at sa iyong pasalubong.”Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang kuwaderno ang iyong sagot.1. Ano ang sanhi ng paglalagi ni Mang Reynaldo sa Plaridel, Bulacan?2. Ano ang naging bunga ng pagkahilig ni Mang Reynaldo sa paghahalaman?3. Ano ang sanhi ng pagdating ni Aling Rita sa lugar nina Aling Nelia?4. Ano ang naging bunga ng pagbibigay ng pasalubong ni Aling Rita sa damdamin ng kanyang Kumareng Nelia? Sa damdamin ni Mila?5. Ano sa palagay mo, mabuti bang pairalin ang pagbibigayan kahit walang okasyon? Ipaliwanag ang sagot.1. _________________________________________________2. _________________________________________________3. _________________________________________________4. _________________________________________________5. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________Ganito ba ang iyong sagot? Kung ganito, tama ka!1. May nabili silang lupa sa Plaidel, Bulacan.2. Naging malusog na malusog si Mang Reynaldo.3. Upang lutasin ang problema nilang magkapatid tungkol sa minana nilang lupa.4. Naging maligaya si Aling Nelia, gayundin si Mila.5. Oo, sapagkat lalong nagkakalapit ang mga magkakaibigan. Ang pagbibigayan ng mga Pilipino kahit walang okasyon ay tanda ng pagmamahalan sa isa’t-isa. 4
Narito ang mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa seleksyong binasa mo. Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit. Tinatawag namang bunga ng pangyayari kung ito ay nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng pangyayari. Tingnan mo ang pangyayaring sanhi at bunga sa unang kahon: Malaki ang kinita ni Mang Reynaldo sa paghahalaman dahil sa kanyang kasipagan. Sa titik A ng dayagram ang Sanhi – ay kasipagan Bunga – ay malaki ang kinita Buuin mo ang dayagram titik B, C at D. Pag-aralan mo ang bawat pangyayari. Isulat sa nararapat na kahon ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Mga Pangyayaring Sanhi at Bunga A BC D Malaki ang Malusog si Naglalagi si Malusog na kinita ni Mang Mang Mang malusog si Reynaldo sa Reynaldo dahil Reynaldo sa Mang paghahalaman laging Plaridel Reynaldo dahil dahil sa nakakalanghap Bulacan dahil mahihilig sa kanyang ng sariwang nakabili sila ng paghahalaman kasipagan hangin lupaSanhi Bunga Sanhi Bunga Sanhi Bunga Sanhi Bungakasipagan Malaki ang kinita 5
Ganito ba ang iyong sagot?Bsanhi – nakalalanghap ng sariwang hanginbunga – Malusog si Mang ReynaldoCsanhi – Nakabili ng kapirasong lupabunga – naglalagi si Mang Reynaldo sa PlaridelDsanhi – nahihilig sa paghahalamanbunga – Malusog na malusog si Mang ReynaldoMagaling ka! Magpatuloy ka.Isaisip Ang sanhi ay nagbibigay paliwanag kung bakit naganap ang pangyayarisamantalang ang bunga ay nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng nagaganp na mgapangyayari.B. Balikan mo ang kuwento. “Tanda ng Pagmamahalan” piliin ang pandiwangginamit dito. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.______________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ______________________Iwasto ang sagot.1. sigaw 7. binuksan2. dumungaw 8. inaasikaso3. dumating 9. aalis4. nakakuha 10. tikman5. naiwan6. susunodTama ba? Magaling! 6
Pagsanayan MoA. Isulat ang mga pangungusap sa iyong kuwaderno. Guhitan minsan ang sanhi at makalawa ang bunga ng pangyayari. 1. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. 2. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag- ulan ay umaapaw ito. 3. Kaya nasira ang kagandahan ng basura sa ilog, pinabayaan ito ng mga tao. 4. Dahil sa malinis, mabango at malinaw na tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig. 5. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kumilos na sila bago mahuli ang lahat. Kung ang sagot mo ay ganito, tama ka! 1. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. 2. Marami ang magtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag- ulan ay umaapaw ito. 3. Kaya nasira ang kagandahan ng basura sa ilog, pinabayaan ito ng mga tao. 4. Dahil sa malinis, mabango at malinaw na tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig. 5. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kumilos na sila bago mahuli ang lahat.B. Sumulat ng isang talata gamit ang ugnayang sanhi at bunga ng titik A. Gawin ito sa isang malinis na papel. ____________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. 7
Ganito ba ang iyong pagkakasulat ng talata? Kung ganito, tama ka! Kunghindi, iwasto mo! Noon malinis, mabango at malinaw ang tubig kaya marami angnamamasyal at naliligo sa Ilog-Pasig. Kaya nasira ang kagandahan ngmakasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtataponng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatayang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mgatao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangang kumilos nasila bago mahuli ang lahat.C. Tukuyin ang pandiwang ginamit sa talata sa titik B.1. 5. 9.2. 6.3. 7.4. 8.Inaasahang ganito ang magiging sagot mo…1. namamasyal 6. Namatay2. mahuli 7. nangamba3. nasira 8. masira4. nagtatapon 9. kumilos5. umaapaw 10. pinabayaban 11. naliligoTama ka ba? Mahusay! Magpatuloy ka. Subukin MoA. Isulat sa inyong sagutang papel ang mga pangungusap sa ibaba. Ikahon ang sanhi at bilugan bunga.1. Dahil magagaling ang mga batang mamamahayag, sila ay nanalo sa paligsahan.2. Kailangan ng mga batang mamamahayag ang sipag at tiyaga upang sila ay magtagumpay. 8
3. Matagal na pagsasanay ang ginawa ng mga mag-aaral kaya maganda ang kinalabasan ng panayam sa senador.4. Sapagkat ang pamamahayag ay mahirap na gawain, marami ang nag-aatubiling sumali sa pagsusulat para sa pampaaralang pahayagan.5. Wala silang dapat ipangamba sapagkat anumang kontribusyon nila ay makatutulong sa mithiin ng paaralan. Iwasto ang iyong sagot.1. Dahil magagaling ang mga batang mamamahayag, sila ay nanalo sa paligsahan.2. Kailangan ng mga batang mamamahayag ang sipag at tiyaga upang sila ay magtagumpay3. Matagal na pagsasanay ang ginawa ng mga mag-aaral kaya maganda ang kinalabasan ng panayam sa senador. Sapagkat ang pamamahayag ay mahirap na gawain,4. marami ang nag-aatubiling sumali sa pagsusulat para sa pampaaralang pahayagan. 9
5. Wala silang dapat ipangamba sapagkat anumang kontribusyon nila ay makatutulong sa mithiin ng paaralan.B. Isulat ang mga pangungusap na nasa titik A sa anyong talata. Gawin ito sa iyong sagutang papel. __________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Ganito ba ang iyong sagot? Magaling! Kailangan ng mga batang mamamahayag ang sipag at tiyaga upang sila ay magtagumpay. Sapagkat ang pamamahayag ay mahirap na gawain, marami ang nag-aatubiling sumali sa pagsusulat para sa pampaaralang pahayagan. Wala silang dapat ipangamba sapagkat anumang kontribusyon nila ay makatutulong sa mithiin ng paaralan. Matagal na pagsasanay ang ginawa ng mga mag-aaral kaya maganda ang kinalabasan ng panayam sa senador. Dahil magagaling ang mga batang mamamahayag sila ay nananalo sa paligsahan.C. Piliin ang mga pandiwang ginamit sa talata. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Iwasto ang iyong sagot. 1. nanalo 2. magtagumpay 3. ginawa 4. sumali 5. makakatulong Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang modyul na ito. 10
PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA SALITA AYON SA ALPABETONG FILIPINO Magandang araw sa iyo! Pagkatapos mo ng modyul na ito inaasahang lohikal mo nang mapagsusunud-sunod ang mga ideya sa ulat/balitang napakinggan, makapagsunud-sunod ka na ng mga salita ayon sa alpabetong Filipino sa una hanggang ikatlong titik, makagagamit ka na ng angkop na bantas para sa iba’t-ibang uri ng pangungusap. Pagbalik-aralan Mo 1
Tingnan mong mabuti ang larawan.Ano ang dapat mong gawin kapag nakakita ka ng bahay na nasusunog?Sino ang unang dapat mong bigyan ng impormasyon?Basahin mong mabuti ang sumusunod na patalastas. Lahat ay pinapayuhang maging alerto, anumang oras sa pagitanng 8:00 NU hanggang 2:00 NH sa pagkakaroon ng hudyat ng bell.Kapag narinig ang bell ang lahat ng mga guro at mag-aaral ng JuanSumulong Elementary School ay humanda sa pagkakaroon ngisang pagsasanay para sa kahandaan sa sunog. Ito ay alinsunodsa kautusan na pinaiiral ng punung-lungsod ng Lungsod ngAntipolo.Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.1. Sino ang tinatawagan sa impormasyong ibinigay?2. Anong oras nila dapat pakinggan ang bell?3. Ano ang isasagawa sa paaralan?4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pagsasanay para sa kahandaan sa sunog?5. Anong kabutihan ang naidudulot nito?Ganito ba ang naisulat mong mga sagot?1. Batang mag-aaral sa Juan Sumulong?2. Mula ika-8:00 NU hanggang 2:00 NH3. Pagsasanay para sa kahandaan sa sunog4. Upang malaman ang dapat gawin kung may sunog.5. Makabubuti ang pagkakaroon ng pagsasanay upang magkaroon ng kahandaan sa mga dapat gawin sa oras na magkaroon ng sunog.Magaling! Kung tama lahat ang iyong sagot. 2
Pag-aralan Mo Basahin mo ang lathalain. Naglalakad si Joy kasama ang kaibigang si Ivy sa malawak na niyugan na pag-aari ng kanyang lola. Nakita nilang maraming walis tingting ang nakasalansan sa isang bahagi ng niyugan. Nang makita niya ang pinsan niyang si Kuya Manny, nilapitan nila ito at nagtanong. “Kuya Manny, saan po ba ninyo dinadala ang napakaraming walis tingting na iyan?” usisa ni Joy. “Ipinagbibili ang mga iyan sa Maynila. Dinadala sa palengke upang maibenta. Alam ninyo namang isa ito sa mahahalagang gamit sa bahay. Kung kaya’t, halos lahat ng pamamahay ay mayroon nito. Wala kaming kahirap-hirap sa pagbebenta nito,” dagdag na wika ni Manny. “Madali po ba ang paggawa ng walis tingting?” sabad ni Ivy. “Oo naman, napakadali. Ituturo ko sa inyo kung paanong ginagawa ang walis tingting,” masayang sagot ni Kuya Manny.Narito ang paraan sa paggawa ng walis tingting:1. Pumili ng mga dahon ng niyog na magulang at matigas na.2. Ihiwalay ang bawat piraso ng dahon sa tangkay sa pamamagitan ng pagputol sa buko ng tingting gamit ang matalim na itak.3. Kayasin ang naiwang dahon sa tingting.4. Ipunin ang mga tingting.5. Talian ang mga tingting. Putulin nang pantay-pantay ang mga dulo nito. 3
Maari na itong gamitin sa pagwawalis.“Ay, napakadali naman pala. Halika Ivy, subukan natin para magkaroon tayo ngpera.” ang wika ni Joy.Napangiti si Manny sa tinuran ni Joy.Pag-usapan natin ang iyong binasa. Maari mong isulat sa iyong kuwadernongsagutan ang mga sagot rito. 1. Ano ang tumawag sa pansin nina Joy at Ivy nang sila’y namamasyal sa niyugan? 2. Bakit mahalaga ang walis tingting? 3. Paano ang paggawa nito? 4. Madali bang magkapera sa paggawa ng walis tingting? Paano? 5. Gagawa ka rin ba ng walis? Bakit? Ganito ba ang iyong sagot? 1. Nakita niya ang maraming walis tingting na nakasalansan sa isang bahagi ng niyugan. 2. Ang walis ay mahalaga sa paglilinis ng bahay. 3. Ang mga paraan sa paggawa ng walis ay a. Pumili ng magulang na dahon ng niyog. b. Ihiwalay ang dahon sa tingting ng niyog c. Kayasin ito d. Ipunin ang tingting at talian. 4. Oo, madaling magkapera dahil kahit sa palengke ay maari itong ibenta. 5. Gagawa rin ako ng walis dahil gusto kong makaipon at makatulong sa nanay ko. Magaling!A. Tingnan ko kung masasagot mo ito. Isulat mo ang pangalan ng tauhan sa kuwento ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa alpabetong Pilipino! 1- 2- 3- Ganito ba ang ginawa mo? Ivy Joy Kuya Manny 4
Gawin mo pa nga ito. Mga salitang kinuha ko sa kuwento at ayusin mo saparaang paalpabeto. walis pagbebenta matalinokaibigan tingting pinsan paggawa bahagi gamitKatulad ba ng ginawa ko ang ginawa mo? bahagi matalim pinsan gamit pagbebenta tingtingkaibigan walis paggawaMagaling!!!May ibibigay pa ako sa iyong ibang gawain.Isaisip Mo Ang pagkakasunud-sunod ng mga salita sa alpabetong Filipino ay naaayonsa wastong ayos nito. Ito ay maaring gawin mula unang titik hanggang ikatlongtitik ng salita ayon sa pagkakasunud-sunod sa Alpabetong Filipino. Pagsanayan MoA. Basahin mo ngayon at bigkasin ang ating alpabeto. A - Alpabeto natin ay mahalin B - Batayan ito, wikang sadyang atin K - Kung sa ibang wika mandi’y ihahambing D - Di pahuhuli ating pakasuriin E - Ewan kung saan nanggaling itong wika G - Gunitain mong pilit H - Hindi mo maiwanan I - Iyan daw ay biyaya, sa Diyos ay mula L - Likas na tunog ng ating alpabeto 5
M - Makikitang iba pagkat sarili nito N - Ni ang Ingles, Espanyol o ano NG - Ng ay wala, pagkat atin lang ito. O - Oh! At ang kanyang mga patinig P - Pawang iisa lang tunog na maririnig R - Ritmo ng indayog, nakakakilig S - Sa bigkas ng salitang sa ati’y hulog ng langit. T - Tangkilikin natin wika ng bayan U - Upang tayo ay maunawaan W - Wala raw higit na wikang mayaman Y - ‘Yon na ang sabi sa alpabeto ng bayan. Kaya mo rin bang awitin ang “Alphabet Song?” Pag-aralan mo.B. Ayusin mo ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunud-sunod sa alpabetong Filipino. Lagyan ng pangalan ang bawat isa. 6
Subukin Mo Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang wasto ang pagkakasunud-sunod ayon sa alpabetong Filipino. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.1. a lapis b bola c bola lobo mata lapis bola lapis lobo mata lobo mata2. a Ana b Ana c Ana Romel Belen Belen Tino Romel Tino Belen Tino Belen3. a santol b abokado c abokado mangga tsiko mangga abokado mangga santol tsiko santol tsiko4. a aso b aso c aso baboy baboy manok kambing manok baboy manok kambing kambing5. a Filipino b English c English Math Filipino Math English Math Science Science Science FilipinoIpakita mo sa guro ang iyong sagot. Binabati kitang muli sa pagtatapos mo sa modyul na ito. 7
ISULAT MOSipiin ang mga pangungusap at lagyan ng wastong bantas.1. Ano ang pangalan ng batang nadulas?2. Lito Reyes ang pangalan ng batang nadulas?3. Ang aso, pusa at kuneho ay pare-parehong may balahibo.4. Bakit sila magkakatulad?5. Mabangis ang leon kaysa asong gubat. 8
PAGBUO NG MAHABANG SALITA SA TULONG NG PANLAPI Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahang masusuri mo na ang mga panlaping gamit sa pagbubuo ng mga pandiwa, makabubuo ng mahabang salita sa tulong ng panlapi at magagamit nang wasto ang mga bantas sa pagsulat ng idinikta/siniping talata. Pagbalik-aralan MoPag-aralan mong mabuti ang mga larawan.Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1
A. Anong kilos ang ipinakikita ng bawat larawan.- unang larawan 1 ___________________- ikalawang larawan 2 ___________________- ikatlong larawan 3 ___________________- ikaapat na larawan 4 ___________________- ikalimang larawan 5 ___________________- ikaanim na larawan 6 ___________________Ganito ba ang iyong sagot?Larawan 1. naglalaroLarawan 2. umaawitLarawan 3. nagbabasaLarawan 4. nagwawalisLarawan 5. natutulogLarawan 6. nagdidiligB. Anong panlapi ang ikinabit sa bawat salitang-ugat1. _____2. _____3. _____4. _____5. _____6. _____Ganito ba ang iyong sagot?1. nag2. um3. nag4. nag5. na6. nagAng mga panlaping ikinabit sa bawat salitang kilos ay nag, na, um.Magaling!!! Ipagpatuloy ang mga susunod pang gawain sa modyul. 2
Pag-aralan Mo Basahin mo nang tahimik ang kuwento. Ang Pugad sa Sanga (kuwento hango sa aklat Filipino 5) Tuwang-tuwang nagtungo si Dong sa kanilang taniman upang bisitahinang pugad na kanyang iniingatan. Nakita niyang ito ay mayroon nang anim naitlog. Siya ay nangingiti habang ito ay kanyang pinagmamasdan. Ang pugad ayhindi pansinin sa mga batang naninirador ng mga ibon. Kinahapunan, habang siya ay nagpapastol ng kanilang kalabaw,dalawang kaibigan niya ang sa kanya ay nangingisngisan. Para bang mayroonsilang pinagtatawanan. “Rey, Mando, ano ba ang inyong pinagtatawanan?” ang tanong ni Dong.“Parang mayroon kayong pinagtatawanan?” “Mayroon nga!” ang pangisngis na tugon ni Rey. 3
“Alam mo bang nakatatlo na kaming ibong nahuhui? Isa na lamang, paratigalawa kami,” ang dugtong ni Mando. “Mayroon ka bang napapansing ibon sa itaas ng punong ito, Dong?” angtanong sa kanya ni Rey. “A….e…. Wala, walang ibon dito. Kangina pa nga ako rito. Baka doonsa mga punong iyon. May namataan akong mga ibong nagliliparan doon,” angpagkakaila ni Dong sa dalawa. Sa pagtanaw ng dalawa sa itinuro ni Dong, isang langkay ng ibon angnagliparan. Tuwang-tuwa ang dalawa sa nakita. Sila ay naghalakhakan habangpapunta sa lugar na maraming ibon. Labis-labis ang pag-aalala ni Dong na baka ang ibong kanyanginaalagaan ay kasama sa isang langkay na lumipad. “Kapag nagkaganon,paano na ang mga itlog na nasa pugad?” ang tanong ni Dong sa sarili na maypangamba. “Sana naman, huwag makasama ang ibong iniingatan ko,” angnangangamba niyang nasabi sa kanyang sarili. Dumidilim na, wala pa rin ang ibon. Dati-rati, kapag lumulubog na angaraw ay dumarating na ito mula sa paghahanap ng pagkain. Nakaramdam siyang pangamba at kutob na baka isa sa nahuli nina Mando ang kanyang ibon. Madilim na, nakaramdam na si Dong ng pagkatakot dahil nag-iisa nalamang siya sa bukid. Malungkot siyang umuwi. Kinabukasan, pagsikat ng araw, nagbalik siya sa bukid upang tingnan angpugad sa sanga. Anong ligaya niya nang makita niyang ang ibong hinihintayniya ay nasa kanyang pugad at nililimliman ang mga itlog na naroroon.Pag-usapan natin ang iyong binasa.Sagutin ang mga tanong. Maari mong isulat ang iyong mga sagot sa iyongsagutang papel. 1. Saan nagtungo si Dong? 2. Bakit siya nagpunta sa taniman? 3. Sino ang lumapit kay Dong habang siya ay nagpapastol ng kalabaw? 4. Bakit tuwang-tuwa ang dalawa niyang kaibigan? 5. Ano ang nasa sa isip ni Dong habang di pa dumarating ang dalawang ibon? Bakit? 6. Ano ang kanyang naramdaman nang makita niyang bumalik ang dalawang ibon? Bakit? 7. Sino sa mga tauhan sa kuwento ang nais mong tularan? Bakit? 4
Ganito ba ang mga sagot mo? Tingnan ang sagot sa bawat bilang.1. Sa taniman.2. Upang dalawin ang pugad na kanyang inaalagaan.3. Sina Rey at Mando ang lumapit sa kanya habang nagpapastol siya ng kalabaw.4. Dahil may natanaw silang langkay-langkay na mga ibon.5. Nasa isip ni Dong na baka kasama sa mga ibong hinuli ng kanyang kaibigan ang dalawang ibong alaga niya.6. Ang tutularan ko ay si Dong dahil mapagmahal siya sa mga hayop.Basahin at gawin mo naman ito. Pumunta sa taniman si DongSa salitang may salungguhit sa loob ng kahon gumawa ka ng mga salitana gagamitan ng mga panlapi. Bilugan ang ginamit na mga panlapi.Hal. salita mahabang salita panlapitumpok - tumpukan - an - magtumpok - mag - nagtumpok - nag - tumumpok - umGawing mahabang salita ang salita sa tsart. Gamitin ang angkop napanlapi: Pag-aralan ang halimbawa. Salitang-ugat Pinahabang Salita Panlapi1. lipad nagliparan nag – an2. sukat3. dilim an4. tanaw um5. bisita pag6. ingat hin in – anItuloy mo pa ang paggawa sa susunod na mga salita.Mayroon kang dapat tandaan. Basahin mo. 5
Isaisip Mo Ang mahabang salita ay binubuo sa tulongng mga panlapi. Ikinakabit ang mga panlapi sasalitang-ugat Ngayon, alam mo na kung paano ang pagbuong mahabang salitaPagsanayan Mo Bumuo ka ng mahabang salita sa tulong ng mga panlapi. Punuan angtsart. Gawin mo ito sa sagutang papel Salitang-ugat Panlapi Mahabang Salita1. tapak ma – an (1)2. kain (1)3. aruga pina (3)4. bigyan pag, mag, in (2)5. unlad (2)6. sulat ma, pa (2)7. bili um, pa – in (2)8. kapit (2)9. bukas i, ka - an (3)10. hawak baka, hin (2) um, an pag, an, in um, pa - an 6
Gawin mo pa ito. Panlapi Mahabang salita in Salitang-ugat in - an luto ma - an awit pinag – an sigaw mapang – an handa ipag - an hawak sigawSubukin Mo Basahin mo ang nabuong mahabang salita. Magamit mo kaya ang mga ito sa pangungusap? Di ka ba natutuwa? Lumalawak na ang iyong talasalitaan. Basahin mo ang maikling talatang ito. Pumili ka ng mga salitangginamitan ng mga panlapi. Isulat sa kuwaderno. Ang pagnanais ng mga banyaga na malupig ang ating mganinuno at masakop ang kanilang mga lupain ay ipinakita nila sapamamagitan ng pagpapasailalim ng buong bansa sa Espanya.Maraming pamamaraan sa pamumuhay ng mga Pilipino ang binagong mga manlulupig. Isulat Mo Sumulat ng isang talata. Gamitin ang nabuo mong mahabang salita. Sipiin monang wasto sa sagutang papel ang maikling talata. Iayos ang malaki o maliit na titik.Lagyan ng tamang bantas ang dulo ng bawat pangungusap at kuwit sa mga pariralangnangangailangan nito. 7
Ang magkapatid na Neneng at Nena ay dumadalaw sa muntingbakuran ni Tata Pedring at Aling Pinay umani sila ng halos isang sakongkamote. Ano sa palagay ang mo ipinameryenda sa kanila. Tama nilagangkamote. Sa tanghalian pinaghanda sila ng tinolang manok na tagaloginihaw na dalag at alamang at mangga, masaya silang nagkainan, haponna nang umuwi ang magkapatid, anong saya nila. Ipakita mo sa iyong guro ang mga ginawa mo at kapag ayos na sakanya, binabati kita. Ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa at pagsasagawa ng mgagawaing tulad nito. Malaking tulong ito sa iyo. 8
OPINYON O KATOTOHANAN AT PANG-ABAY Magandang araw! Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakikilala na kung ang mga impormasyong nasa pahayagan ay opinyon o katotohanan. Maitatala mo na ang mga pang- abay na ginamit sa kuwento/iba pang teksto. Pagbalik-aralan MoA. Basahin mo ang balitang ito. 1
Ano ang masasabi mo sa artikulo, ito ba ay nagpapahayag ng impormasyong maaaring totoo? O sariling pananaw at palagay lamang?B. Mula sa mga impormasyon sa balitang iyong binasa pumili ng mga pang-abay at isulat ito sa kinabibilangang pangkat. Gamitin mo ang iyong kuwaderno sa pagsagot.Pamanahon Pang-abay Panlunan PamaraanGanito ba ang iyong sagot? Tama ka!Pamanahon Panlunan Pamamaraannoong 2003 -sa Pilipinas at nang nakapiringnoong 2004 buong Asya -sa Angeles City -Mula Samar hanggang Leyte , Bulacan hanggang Pangasinan -kabisayaan -bayan ng Calinog hanggang Iloilo City 2
Pag-aralan MoMay dyaryo ba o pahayagan sa inyong lugar?Malimit ka bang magbasa nito?Naniniwala ka bang palagi, minsan lamang, o hindi sa mga nilalaman ngpahayagan?May malaking isyu tungkol sa isang balita sa pahayagan.Handa ka na bang magbasa? Sige simulan mo na. Naging interesado ka ba sa binasa mo? Kanino muna ipatutupad ang bagong ID system na ito? Saan maaaring magamit ang bagong ID card? Anu-ano ang mga kailangan upang magkaroon ng bagong ID card?Itala mo sa iyong kuwaderno ang iyong mga kasagutan. Ganito ba ang sagotmo? • Sa mga kawani ng gobyerno, di ba? • Magagamit ito sa sariling opisina, sa pribadong negosyo at kung may transaksyon upang maiwasan ang pekeng pagkakakilanlan. • Kailangan sa pagkakaroon ng ID card ang pangalan, tirahan, kasarian, larawan, lagda, kapanganakan, kalagayang sibil, pangalan ng mga magulang, taas, timbang, dalawang “index fingers” at dalawang “thumbmarks” at anumang malinaw na marka ng katawan gaya ng nunal at Tax Identification Number ng Kawani. 3
Ang una, pangalawa, pang-apat, pang-anim at pangpitong talata aypawang opinyon lamang. Ang pangatlo, panlima, at pangwalong talata ay mga totoongimpormasyon. Ganito ba ang itong sagot? Tama ka! Magaling!Sa pagsagot mo sa pagsasanay, napag-alaman mo ang pagkakaiba ngimpormasyong opinyon o katotohanan sa pahayagan. Ang katotohanan ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaring maysapat na batayan o patunay. Ito ay mga pangyayaring tunay na naganap. Ang opinyon o kuru-kuro ay isang pahayag ng saloobin, pahayag, opaniniwala ng isang tao. Ito ay maaaring may sapat na batayan o wala. Marami kang matututuhan sa balitang binasa mo. Makapagtatala ka rin ng mga pang-abay na ginamit dito. Gawin mo nga ito. Sundin ang konsepto ng mapa. Pang-abay Kung ang mga pang-abay na naitala mo mula sa balita sa pahayagan aytulad nang nasa ibaba, tama ka! sa bansa Martes Abril 13 sa pribadong negosyo at transaksyon Samakatuwid, mahalaga ang gamit ng pang-abay sa isang kuwento oteksto, o sa pagpapahayag ng opinyon o katotohanan sa pahayagan. Ito aynaglalarawan kung paano, saan, at kailan ginawa, ginagawa o gagawin angpangyayari. Marami ka pang pagsasanay na gagawin sa modyul na ito. Ipagpatuloymo ang pag-aaral. 4
Isaisip Mo Ang mga impormasyon na nasa pahayagan ay maaaring katotohanan oopinyon. Ang katotohanan ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaringnaganap. Ang opinyon o kuru-kuro ay isang saloobin, palagay o paniniwala ng isangtao. Ito ay maaaring may sapat na batayan o wala. Ang pang-abay ay mahalaga sa isang kuwento o teksto, saagpapahayag ng opinyon o katotohanan sa balita. Ito ang naglalarawan kungsaan, kailan at paano ginawa, ginagawa o gagawin ang pangyayari. Pagsanayan MoNarito pa ang pagsasanay para sa iyong malinaw na pagkakaunawa sa modyul.A. Ang mga sumusunod ay mga impormasyong sinipi mula sa pahayagan. Kilalanin mo kung opinyon o katotohanan. Isulat sa sagutang papel ang O kung opinyon, K kung katotohanan._____1. Fetus, natagpuan sa Altar ng simbahan._____2. Iraq, lumaban._____3. Pagsakop ng Vietnam, di pa kumpirmado_____4. Dagdag Sweldo, Malabo pa_____5. Pope John Paul II, namatay na. 5
B. Sa siniping balitang ito sa pahayagan, pumili ka ng pang- abay na ginamit at itala ito sa sagutang papel. Union Bank sa Pasay hinoldap Hinoldap ng isang lalaki at isang babae ang sangay ng Union Bank saPasay City kahapon ng tanghali kung saan nakatangay ng hindi pa mabatidna halaga. Kaagad na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos anginsidente. Sa sketchy report na tinanggap ng SPD, naganap ang insidente dakongalas 11:55 ng tanghali sa isang sangay ng Union Bank na matatagpuan sa2524 Taft Avenue, Pasay City. Nabatid na pumasok sa bangko ang dalawang suspect na nagpanggapna mga kostumer at ilang sandali pa ay nagdeklara na ang mga ito ng holdap. Mabilis na tinutukan ng baril ang nakatalagang guwardiya at ilang kawaniat saka kinulimbat ang pera sa cashier at maging ang mga pera sa cashier atmaging ang mga pera at kagamitan ng mga tao sa loob ng bangko. Ang mgakostumer dito ay hindi rin pinatawad. Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang sasakyan nanakaabang na sa kanilang paglabas. Base sa rekord ng pulisya pang-apat na ito sa sangay ng Union Bank nahinoldap sa Southern Metro Manila. Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng pulisya laban sa mgasuspek. Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa insidente. (Lordeth Bonilla) (Pinagkunan : Tanod *tabloid) Petsa : Abril 22, 2005 Subukin Mo A. Narito ang ilang impormasyon na nasipi mula sa balita. Kilalanin mo kung ito ay opinyon o katotohanan . Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kahusayan ng buhay sa Pilipinas. 2. Patuloy ang pagbaba ng palitan ng piso laban sa dolyar. 3. Dumarami ang mga kabataang nalululong sa droga. 6
4. Hindi kailangan ng mga kabataan ang suporta ng mga magulang. 5. Sa panahon ngayon, maipagkakaloob sa kabataan ang mga karapatang dapat nilang tamasahin.B. Basahin mo ang isang lathalaing sinipi mula sa pahayagan. Itala mo sa sagutang papel ang mga pang-abay na ginamit dito. LRT, SOLUSYON SA SULIRANING PANTRANSPORTASYON Ang pagkakatatag ng Light Rail Transit o LRT sa kahabaan ng TaftAvenue hanggang sa Rizal Avenue ay isang malaking tulong sa suliraningpantransportasyon sa ating bansa na walang sawang nilulutas ng atingpamahalaan. Ang matagumpay na pagpapatupad sa proyektong ito mula sa Baclaranhanggang Monumento ay ayon sa pakikipagtulungan ng Metro Inc. na inatasanng dating Unang Ginang Imelda R. Marcos sa pakikipagtulungan ngpamahalaan ng Belgium sa pamamagitan ng teknikal na suporta ng pamahalaanng Belgium. Sa pamamagitan ng teknikal na suporta at pamamahala puspusangnagsanay ang mga manggagawa at mamamahala sa LRT.Ganito ang gawin mo sa pagtatala : Pang-abayIpawasto ang iyong sagot sa guro. Madali lang ang modyul na ito, di ba? Kayang-kaya mo. Binabati kita! 7
8
PIKSYON AT DI-PIKSYON AT MGA URI NG PANG-ABAY SA PAGSASALAYSAY Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang masusuri mo ang pagkakaiba ng piksyon at di-piksyon. Magagamit nang wasto ang mga uri ng pang-abay sa pagsasalaysay. Pagbalik-aralan MoKilalanin mong muli ang mga pang-abay sa pamamagitan ngmga pangungusap sa ibaba. Piliin ang pang-abay sapangungusap at isulat sa nakatapat na kahon.1. Lubhang mahalaga na nasa lugar ang pagtatapon natin ng basura.2. Mabilis kumilos ang mga basurero.3. Maingat na inilagay ng mga bata ang mga basura sa plastic.4. Matamang nakinig ang mga tao sa utos ng pangulo. 1
5. Tunay na mahusay makisama ang mga Pilipino. Ganito ba ang iyong sagot? 1. lubhang 2. mabilis 3. maingat 4. matamang 5. mahusay Magaling! Pag-aralan MoA. Basahin ang kuwento. (Pinagkunan: Filipino 5 Wika at Pagbasa, Diwa textbook) ANG PINAGMULAN NG IBA’T IBANG LAHI Ayon sa matatanda, matagal ding namuhay nang mag-isa sadaigdig si Bathala. Mag-isa niyang nilibot ang daigdig. Habang tumatagalay nakadarama siya ng lungkot at kabagutan. “Napakalungkot nang nag-iisa! Kailangan kong lumikha ngmakakasama!” malakas na sabi ni Bathala sa kanyang sarili. Kinabukasan ay nagpasya si Bathala na lumikha ng tao. Kumuha sibathala ng maganda, malambot at malagkit na lupa. Masaya niya itonghinubog sa anyong tao. Pagkatapos ay maingat niya itong inilagay sahurnuhan upang lutuin. Habang naghihintay na maluto, inaliw niya angkanyang sarili sa pag-iisip kung ano pa ang maaari niyang magawa samabubuo niyang tao. Hindi nagtagal, nakaamoy siya ng nasusunog. “Ang aking nilikha!” sigaw ni Bathala nang maalala ang kanyangniluluto. Dali-dali niya itong kinuha sa hurnuhan, “Nasunog, umitim angnilikha!” Ang maitim na taong nagawa ni Bathala ay sinasabing ninuno nglahi ng mga Negro. Ipinasya ni Bathala na gumawa ng panibagong tao. Kumuha siyangmuli ng putik at hinubog ito sa anyo ng tao. Pagkatapos ay inilagay muli 2
sa hurnuhan at naghintay. Sa takot na masunog muli ay hinango niya ito kaagad sa hurnuhan. “Hilaw!” bigong sigaw ni Bathala nang makita ang hinangong tao. “Napakaputi ng aking nilikha!” Ang maputing tao ang pinaniniwalaang ninuno ng mga lahing puti tulad ng mga Amerikano at mga taga-Europa. “Kailangan kong gumawa ng isa pa!” sabi ni Bathala sa kanyang sarili. “Sa pagkakataong ito , titiyakin kong tamang-tama na ang pagkakaluto.” Muling humugis ng tao si Bathala mula sa malagkit na putik at niluto upang masigurong hindi ito masusunog o kaya’y mahihilaw. Nang inaakala niyang husto na ang pagkakaluto ng kanyang nilikha, inilabas niya ito sa hurnuhan. “Tamang-tama ang pagkakaluto! Napakaganda ng kulay! Hindi maitim at hindi rin maputi. Tamang-tama lamang sa aking inaasahan!” bulalas ni Bathala. Ang nilikhang ito ang sinasabing pinagmulan ng lahing kayumanggi na siyang lahing kinabibilangan ng mga Pilipino.Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.1. Tungkol saan ang kuwento?2. Ano ang nilikha ni Bathala?3. Bakit niya nilikha ang mga ito?4. Anong lahi ang una niyang nilikha? Ang pangalawa? Ang pangatlo?5. Paano niya nilikha ang mga ito?6. Ano ang lahing pinagmulan ng Pilipino?7. Makatotohannan ba ang mga pangyayari sa kuwento?Ganito ba ang iyong sagot?1. Paglikha ni Batahala ng lahi.2. Iba’t-ibang lahi3. Dahil siya ay nalulungkot at nag-iisa.4. Negro, Amerikano, Pilipino5. Kumuha siya ng maganda at malambot na putik, hinubog sa anyong tao at inilagay sa hurnuhan upang lutuin.6. Lahing kayumanggi.7. Hindi, likhang isip lamang. 3
Pagpapahalaga Masaya ba ang isang tao kung siya ay nag-iisa? Bakit? Ano ang naidudulot ng pagkakaroon ng pamilya at kaibigan? Nasisiyahan ka ba sa kulay ng iyong balat? Bakit? Nanaisin mo pa bang mabago ito? Ano ang masasabi mo sa kuwentong iyong binasa? Sa iyong palagay, totoo kaya itong nangyari? Kung ang sagot mo ay hindi, tama ka. Ito ay likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilahad sa paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay babasahing PIKSYON. B. Basahin mo ang lathalain na kinuha sa isang pahayagan. Pamoso rin ang Baguio sa mga magagandang bulaklak na kanilang ipinakikita sa taunang selebrasyon ng Baguio Flower Festival tuwing buwan ng Pebrero. Dito ipinaparada ang mga sari-saring bulaklak na ipinagmamalaki ng lungsod. Hindi dapat kalimutan ang pamamasyal sa mga kilalang park sa Baguio. Ang Burnham Park ang pinaka-una at pinakamatandang park sa lungsod samantalang naging popular naman ang Mines View Park dahil sa miniminang ginto, tanso at ore dito. Ang Wright Park ay isang pine tree park reserve. Makikita rin dito ang Philippine Military Academy (PMA), Unversity of the Philippines, College of Baguio at Eastern School Weaving Room kung saan natututong maghabi ang mga taga-Baguio. Kung ang hanap ay spiritual growth, naririto ang hinahangaang Baguio Cathedral na kailangang akyatin ng 100 baytang sa tuktok ng bundok, ang 4
Lourdes Grotto na may 252 baitang at ang Bell Temple kung saan itinuturo angiba’t ibang relihiyon. Marami pang makasaysayang lugar na matatagpuan sa lungsod. AngKennon Road ang pinakamaikling highway patungong Baguio. Ipinangalan itokay Col. Lyman W. Kennon, isa sa mga nagtaguyod ng proyekto. Naririyan dinang Teacher’s Camp na madalas pagdausan ng mga training ng mga guro sabuong bansa at ang Baguio Mansion House na ginagawang retreat house ngmga naging pangulo ng bansa at gobernador heneral na Amerikano. Bukod sa magagandang tanawin, ‘shopping haven’ din kung ituring ngmarami ang Baguio. Dito nagsimulang makilala ang tinatawag na UK (Ukay-Ukay). Sa palengke ng lungsod sa may Magsaysay Avenue masarap mamili ngmga souvenir items. Ang mga stalls dito ay puno ng iba’t ibang produktongetniko at nakaboteng mga minatamis. Kaya tayo na sa Baguio!Ito ba ay Piksyon? Bakit?Hindi ito piksyon dahil hindi ito likhang isip.Ito ay halimbawa ng Di-Piksyon sapagkat kinapapalooban ito ng mga pangyayarina tunay na naganap, makatotohanan, mahalaga at makasaysayan.C. Ano ang masasabi mo sa editoryal sa ibaba na kinuha sa Pilipino Star Ngayon. Ito ba ay piksyon o di-piksyon? Bakit?Editoryal Sundan ang Yapak ni Pope John Paul II Habemus Papam! May bago nang Papa! Kumalembang ang mgakampana kasabay ng paglabas ng puting usok sa tsimineya ng Sistine Chapel.May kapalit na ang namayapang si Pope John Paul II. Namatay si Pope JohnPaul noong Abril 4, 2005. Ang bagong Papa ay inihalal ng may 115 cardinal satinatawag sa conclave. Napili ang German cardinal na si Joseph Ratzinger, 78,bilang ika-465 na papa at pinangalanang Pope Benedict XVI. Ipinanganak siyanoong Abril 16, 1927 sa Bavaria, Germany. Naglilingkod siya kay Pope John 5
Paul II bilang puno ng Congregation for the Doctrine of the Faith sa loob ng 20 taon. Ang mahalagang dapat sundan ng bagong Papa ay ang pagiging makatao at makamahirap ng yumaong Pope John Paul II. Sa dalawang beses na pagtungo sa Pilipinas ng yumaong Papa, naging malapit siya sa masang Pinoy at ipinadama ang pakikiisa sa nararanasang kahirapan. Unang namutawi sa kanyang labi nang unang dumalaw sa bansa noong February 1981 ay “ipagdasal natin ang mga mahihirap at mga maysakit”. Nasa puso niya ang pagkalinga sa mga kapos palad at ipinakita niya ito sa pagdalaw sa mga squatters area ganoon din sa mga trabahador sa tubuhan. Sa lahat ng Papa, si John Paul II ang pinakamasipag maglakbay. Ginagawa niya ito na makasalamuha ang mga ordinaryong tao sa mundo. Kaya hindi nakapagtataka na mapamahal siya sa sangkatauhan. Sundan sana ni Pope Benedict XVI ang yapak ni Pope John Paul II at higitan pa ang ginawa sa sangkatauhan. Tama ka ito ay di-piksyon sapagkat hindi ito bunga ng imahinasyon. Ito ay makatotohanan. Isaisip Mo May dalawang uri ng babasahin, ang piksyon at di-piksyon. Ang babasahing piksyon ay binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga likhang isip na mga tauhan, lugar at mga pangyayari. Ito ay maaaring alamat, salaysay, kuwento. Ang babasahing di-piksyon ay kinapapalooban ng mga pangyayari. Ito ay maaaring talaarawan, editoryal, artikulo, sanaysay o paglalahad.Pag-aralan Mo Basahin ang mga pangungusap na hango sa kuwentong “Ang Pinagmulan ng Iba’t ibang lahi.” 1. Masayang hinubog ni Bathala ang kanyang nilikha pagkatapos ay maingat na inilagay sa hurnuhan upang lutuin. 2. Kinabukasan ay nagpasya si Bathala na lumikha ng tao. 3. Matagal ding namuhay sa daigdig si Bathala. 6
Ano ang tawag natin sa mga salitang may salungguhit? Pang-abay, di ba? Angpang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa kung paano, saan at kailan itoginawa.Alam mo ba kung ano ang tatlong uri ng pang-abay?Ang mga ito ay pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan.Balikan mo ang mga pangungusap sa sinundang pahina. Pag-aralan mo kunganong uri ng pang-abay ang bawat isa batay sa paliwanag sa ibaba.Pangungusap 1 - masayang- pang-abay na pamaraanPangungusap 2 -Pangungusap 3 - sapagkat nagsasabi ng paraan ng pagganap sa kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na paano. kinabukasan - pang-abay na pamanahon sapagkat nagsasabi ng panahon ng pagganap sa kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na kailan. sa daigdig- pang-abay na panlunan sapagkat nagsasabi ng lugar kung saan naganap ang kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.Alam mo na ba ang tatlong uri ng pang-abay? Kung oo, gamitin mo sapangungusap ang mga sumusunod na pang-abay.1. tuwing Linggo2. sa bukid3. magalang4. masaya5. sa darating na mga arawNarito ang maaaring maging pangungusap. Suriin ang iyong isinulat kung tama.Maaari kang magkaroon ng ibang pangungusap.1. Tuwing Linggo, dumadalaw ako sa aking lolo at lola.2. Ang bahay nila ay nasa bukid.3. Magalang kaming humahalik ng kamay sa kanila.4. Kami ay masayang naglalaro sa malawak na bakuran.5. Marahil doon na kami maninirahan sa darating na mga araw. 7
Pagsanayan MoA. Batay sa pamagat ng mga seleksiyong nakatala sa ibaba, isulat kung piksyon o di-piksyon ang mga sumusunod: 1. Talambuhay ni Tandang Sora. 2. Ang Sirena sa Ilog. 3. Hangin tubig na may lason (Editoryal) 4. Mulawin 5. Alamat ng Makahiya. Shopping Mallnapakahirap masigla Cavite SabadoB. Gamitin ang mga pang-abay na nasa bahay sa pagsagot sa mga tanong.1. Kailan kayo nagkita ng iyong kaibigan? _______________________________2. Saan kayo nagpunta? _______________________________3. Paano mo binati ang iyong kaibigan? _______________________________4. Paano mamimili sa siksikang mall? _______________________________5. Saan umuuwi ang iyong kaibigan? _______________________________ 8
Ganito ba ang iyong sagot?A. 1. di-piksyon B.1. Nagkita kami ng aking kaibigan noong Sabado.2. piksyon 2. Nagpunta kami sa Shopping Mall.3. di-piksyon 3. Masigla kong binati ang aking kaibigan.4. piksyon 4. Napakahirap mamili sa siksikang Mall. 5. Ang aking kaibigan ay umuuwi sa Cavite.Nasagot mo ba nang wasto ang pagsasanay?Ngayon any handa ka na sa susunod na gawain. Subukin MoA. Batay sa pamagat ng mga seleksyong nakatala sa ibaba, isulat kung piksyon o di-piksyon ang mga sumusunod:1. Darna2. Ang Aking Talaarawan3. Pope Benedict XVI Ang Unang Papa ng Milenyo4. Encantadia5. Kagamitang medikal ng mga sundalo, iayos (Editoryal) 9
B. Piliin sa kahon ang angkop na pang-abay sa mga puwang sa talata.malakas mahimbingduyan magdamagtahanan maingatmasigla kinaumagahanmarahan taimtim1. ___________ na binantayan ni Aling Lina ang kanyang sanggol namaysakit. Umiiyak nang 2. ___________ ang sanggol dahil sa mataas nalagnat. Inawitan ni Aling Lina nang 3.___________ ang anak upangmakatulog. 4. ___________ niyang inilapag ang sanggol sa 5. ___________ .Marahan niyang idinuyan ang bata hanggang sa makatulog nang6.___________ . 7. ___________ ay wala nang lagnat ang bata. Iginalaw niyanang 8. ___________ ang kanyang kamay at paa. 9. ___________ na nagdasalng pasasalamat si Aling Lina. Muling nagbalik ang kasayahan sa kanilang10. ___________ .Ganito ba ang iyong sagot?A. 1. piksyon B. 1. magdamag 6. mahimbing 2. di-piksyon 2. malakas 7. kinaumagahan 3. di-piksyon 3. marahan 8. masigla 4. piksyon 4. maingat 9. taimtim 5. di-piksyon 5. duyan 10. tahanan Okey ka ba? Masarap ang pakiramdam kapag natapos mo ang iyonggawain, di ba? Sana’y naging kapaki-pakinabang sa iyo ang modyul na ito.Hanggang sa muli nating pagkikita…… Paalam! 10
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220