MGA PANG-ABAY AT PANGUNAHING DIWA O, kumusta ka na ngayon? Sana’y masaya ka sa muling pagsasagawa ng modyul. Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagtatala na ng mga pang-abay na ginamit sa parirala o pangungusap at makatutukoy na ng pangunahing diwa na napapaloob sa isang pangyayari. Pagbalik-aralan Mo Matapos ang ating aralin sa pang-abay, patuloy nating kilalanin ang mgaito sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutangpapel. 1. Maghapong naglinis ng bahay ang magkapatid na Eric at Jenny. 2. Maingat na pinunasan ni Jenny ang mga koleksyon ng pigurin ng kanyang ina. 3. Hinila ni Erick nang marahan ang mga upuan upang maiayos ang mga ito. 4. Hinakot nila ang mga basura sa likod-bahay. 5. Sila’y masayang ipinaghanda ng meryenda ng kanilang ina.Ganito ba ang iyong sagot?1. maghapon2. maingat3. marahan4. likod-bahay5. masaya Kung tama lahat ang iyong sagot. Ang galing-galing mo talaga! Magpatuloy na tayo sa ating aralin. 1
Pag-aralan MoBasahin nang tahimik ang kuwento. Taniman sa Bukid Isa sa pinakamasayang panahon sa kabukiran ang pagtatanim.Masiglang isinagawa ng mga magsasaka ang gawaing ito. Nasa takdangpanahon amg pagtatanim. Naniniwala ang mga magsasaka na hindi aaninang maganda kung mabuti sa panahon ang pagtatanim. Nasa kabukirin ang kaligayahan ng magsasaka. Maluwag sa loob nilangtinanggap ang anumang kapalaran. Maligaya nilang hinaharap ang kaloob sakanila ng Maykapal. Marunong makipagsapalaran ang mga magbubukid. Taimtim nilangidinadalangin na sana’y ang susunod na anihan ay maging masagana.Sagutin ang mga tanong na sumusunod.1. Saan nagiging masaya ang gawaing pagtatanim?2. Paano isinasagawa ng magsasaka ang pagtatanim?3. Ano ang paniniwala tungkol sa pag-aani?4. Nasaan ang kaligayahan ng magsasaka?5. Paano tinatanggap ng isang magsasaka ang kanyang kapalaran?6. Paano nila hinaharap ang kaloob ng Diyos?7. Paano nananalangin ang magbubukid? 2
Dapat kang batiin kung ganito ang iyong sagot.1. Sa kabukiran2. Masiglang isinasagawa.3. Hindi aani nang maganda kung mahuhuli sa panahon.4. Nasa kabukiran.5. Maluwag sa kalooban.6. Taimtim na idinadalangin.7. Alin sa mga pangungusap na sumusunod ang nagsasaad ng pangunahing diwa ng kuwentong “Taniman sa Bukid”? a. Naging ugali na ng mga Pilipino ang pasayahin ang pagtatanim at pag-aani ng palay. b. Karaniwan nang tanawin sa bukid ang pagtutulungan o bayanihan ng magkakanayon. c. Ang katatagan ng bansa ay nagmumula sa masaganang ani sa bukid. d. Ang kaligayahan ng mga magsasaka ay ang pagtatanim at pagkakaroon ng masaganang ani.Basahin mo ang talatang sumusunod. Isulat ang pangunahing diwa nito. Nasaksihan natin ang malalaking baha at pagguho ng lupa na pumatay salibu-libo nating kababayan sa mga lalawigan ng Quezon at Nueva Ecija.Napakaraming ari-arian ang nasalanta. Ang mga tulay at lansangan aynawasak. Ang mga pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao ay naglaho.Ang dahilan ng mga pangyayaring ito ay ang pagkaubos ng mga puno sakabundukan. Pangunahing diwa ________________________________Ang iyong sagot ay maaaring ganito. Ang pagkaubos ng mga puno sa kabundukan ay nagdudulot ng malakingpinsala sa buhay at ari-arian. 3
Isaisip Mo Ang pangunahing diwa ay buod ng isang pangyayari sa talata, kuwento o sanaysay. Ngayong alam mo na kung paano ang pagtukoy sa pangunahing diwa,maaari ka nang magpatuloy sa susunod na gawain. Pagsanayan MoBasahin ang bawat talata. Isulat ang pangunahing diwa nanapapaloob dito.1. Isa sa pinakamagandang pook sa Pilipinas ang Lungsod ng Baguio. Maraming turista ang pumupunta rito kung tag-init dahil malamig ang klima. Makukulay ang mga bulaklak at tunay na katakam-takam ang mga sariwang gulay at matatamis na prutas na mabibili rito. Pangunahing Diwa : ______________________________________2. Makikita sa Bicol ang Bulkang Mayon. Pantay ang dalisdis at kahangahanga ang hugis nito. Napatanyag ito dahil sa kanyang perpektong hugis na parang nakataob na apa. Ang lupa nito ay mataba at angkop sa mga halaman. Pangunahing Diwa : ______________________________________ 4
3. Masarap at masustansiya ang Durian. Masangsang ang amoy nito. Pambihirang prutas ang durian. Kasintigas ng pako ang balat ng prutas na ito. Ito ay karaniwang natatagpuan sa Davao. Pangunahing diwa : ______________________________________4. Matapang na kawal si Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ang Unang Pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Sa balkonahe ng bahay niya ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas. Pangunahing diwa : ______________________________________5. Pangunahing produkto sa Hilagang Mindanao ay abaka, pinya, saging at kape. Marami rin ang nabubuhay sa paghahayupan at paghahalaman. Pangunahing diwa : ______________________________________Ganito ba ang iyong sagot? 1. Lungsod ng Baguio, Pinakamagandang Pook sa Pilipinas 2. Ang Bulkang Mayon 3. Durian, Ang Pambihirang Prutas 4. Si Heneral Emilio Aguinaldo 5. Ang HiIagang Mindanao, Ang mga pangunahing produkto nito. Ngayong ikaw ay sanay na sa pagtukoy sa mga pangunahing diwa maaarimo nang gawin ang “Subukin mo”. 5
Subukin Mo Narito ang maikling talata. Isulat sa sagutang papel angpangunahing diwa na napapaloob sa bawat isa.1. Sabado ng umaga. Maagang gumising si Ruth. Nakaugalian na niyang tumulong sa pagwawalis ng bakuran kapag walang pasok.2. Tuwang-tuwang niyakap ni Ruth ang tuta. Umiingit-ingit ito nang maramdaman ang init ng katawan ng bata. Dinala ni Ruth sa kusina ang tuta at binigyan ng gatas.3. Ang paruparo ay maraming pinagdaraanang yugto sa buhay. Nagsisimula ito sa itlog na kapag napisa ay magiging uod. Matagal itong natutulog at nagpapatubo ng pakpak. Paglabas ng uod ay isa nang paruparo.4. 4. Mahalaga ang halaman. Nagbibigay ito ng oxygen nakailangan ng tao sa paghinga. Sa halaman kumukuha ngpagkain ang hayop at mga tao. Nagbibigay naman sa atin angpunungkahoy ng mga prutas tulad ng mangga, lansones, tsiko atabokado. Ang gulay, mais, kamote at kanin ay galing sa mgahalaman.5. May mga halaman kami sa likod-bahay. Maraming bunga ang tanim naming upo. May mga tanim ding kamatis, kalabasa, at okra. 6
SIMUNO’T PANAGURI SA KARANIWAN AT DI KARANIWANG PANGUNGUSAP Magandang araw sa iyo! Pagkatapos mo ng modyul na ito inaasahang: • Matutukoy mo na ang kinalalagyan ng simuno/panaguri at layon sa pangungusap at kung paano ito binubuo • Matutukoy mo na rin ang mga bahagi ng pangungusap na maaaring gawing panaguri/ simuno • Maibibigay mo rin ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng katuturan at • Makasusulat ka na ng talatang nagsasalaysay nagpapaliwanag at may pagkakasunud-sunod Pagbalik-aralan MoA. Tukuyin ang mga pangngalan at panghalip sa mga pangungusap. 1. Ang mga gulay ay mabuti sa katawan. 2. Uminom ng gatas ang mga maysakit. 3. Tita Jenny, makikitawag po ako sa telepono. 4. Ang Liwayway ay isang paboritong babasahin. 5. Bumili siya ng manyika para sa inaanak. 6. Ang pinuno ng mga tribo ay siya.B. Tukuyin ang mga pandiwa sa mga pangungusap. 1. Lumikas ang mga nakatira sa paligid ng bulkan. 2. Ang lahar ay umagos patungo sa mababang mga lugar. 3. Mabilis siyang lumundag sa swimming pool. 4. Tinamaan ng kidlat ang mataas na puno. 5. Ang holdaper ay nahuli ng pulis. 6. Siya ay nawalan ng cellphone sa palengke. Napansin mo ba na ang mga sagot ay may mga salungguhit? Ang pangngalan at ang pandiwa ay mga pangunahing sangkap na bumubuo sa pangungusap. Sundan mo ang susunod na gawain. 1
Pag-aralan MoBago mo basahin ang kuwento gawin mo muna ito.Pagpares-parisin ang mga salita sa kaliwa at mga tamang katuturan sa mganakahanay sa kanan.1. pagsikapan • lipas na ang tunay na kulay2. di-kumukupas • walang pagbabago3. nagtiyaga • di-tumigil ng pagsisikap4. tiniis • pagpapakita ng ibayong sipag5. kupasin • pagpapasan ng anumang hirapGanito ba ang ginawa mo?1. pagsikapan – pagpapakita ng ibayong sipag2. di kumukupas – walang pagbabago3. nagtiyaga – di tumigil ng pagsisikap4. tiniis – pagpapasan ng anumang hirap5. kupasin – lipas na ang tunay na kulayBasahin ang sumusunod na kuwento. KIKAY TSIMAY(halaw sa isang teksbuk sa Filipino) Mahirap lamang sila. Francisca Rosales siya at Kikay ang palayaw. Ganitoang laging ipinapaalala ng kanyang ama, “Pagsikapan mong makatapos ng pag-aaral anak. Yan ang kayamanang di mananakaw at di kumukupas.” Maagang namatay ang kanyang mga magulang. Ulila na siyang lubospagkatapos niya ng elementarya. O kay sakit talagang mawalan ng magulang. Naisniyang matupad ang pangarap ng kanyang ama. Nakiusap siya sa kanyang tiyahin,“Tiyang pwede po ba kong pumasok na katulong sa inyo? Kahit po hindi ninyo koswelduhan. Pag-aralin na lang po ninyo ako sa panggabing klase.” Naawa angtiyahin sa lakas ng loob niya. Siya ay naging katulong ng tiyahin. Nagtiyaga siya. Nagsikap siya na mag-aral sa malapit na paaralang sekundarya na may panggabing klase. Tiniis niya angtukso ng mga pinsan niya, “Kikay Tsimay! Kikay Tsimay!” Pagkaraan ng ilang mga taon iba na si Kikay. Hindi na siya ang tinutuksonilang Kikay Tsimay. Hindi na siya ang dati na mga kupas na damit ang mga suot.Isa na syang kagalang-galang na dalaga. Maayos ang bihis. 2
Ganito ang bati sa kanya sa paaralan. “Magandang umaga po Bb. Francisca Rosales. Ako na po ang magdadalang inyong gamit, mam!”A. Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.1. Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng kuwento?2. Sa palagay mo nakatulong kay KIkay ang paalala lagi ng kanyang ama nang nabubuhay pa ito? Ipaliwanag.3. Kung walang lakas ng loob at walang tiyaga at pagsisikap si Kikay magiging guro ba siya? Bigyan mo ng katuwiran.Sa pangungusap na ito, alin ang simuno at alin ang panaguri. Anak mahirap si Kikay. Ang pinag-uusapan dito ay si Kikay. Pangalan ito ng isang taosamakatuwid ito ay pangngalang pantangi. Si Kikay ang pinag-uusapan ditokaya ang gamit ng pangngalan ay simuno. Kapag simuno ang Kikay, ang anak mahirap ay panaguri. Bakit?Sapagkat ito ang nagsasabi tungkol sa simuno. Makilala mo kaya sa sumusunod na mga pangungusap ang simuno atpanaguri?1. Ang buo niyang pangalan ay binibigkas ng Francisca Rosales.2. Tiniis ni Kikay ang tukso ng mga pinsan.3. Naging katulong siya ng tiyahin.Suriin mo bawat isa.1. Ang buo niyang pangalan ay binibigkas ng Francisca Rosalespinag-uusapan sa pa- nagsasabi ng tungkol sa pinag-ngungusap (simuno) uusapan (panaguri)2. ang tukso ng mga pinsan Tiniis ni Kikay3. Siya Naging katulong ng tiyahinSA PANGUNGUSAP NA NASA KABALIKANG AYOS NAUUNA ANG SIMUNO.SA PANGUNGUSAP NA NASA KARANIWANG AYOS NAUUNA ANGPANAGURI. 3
Tingnan ang ikalawang pangungusap. Tiniis ni Kikay ang tukso ng mga pinsan.Ang Kikay ay ginagamit dito bilangIayon ng pandiwang tiniis. Ito ay pangngalan. Tingnan ang isa pangpangungusap sa kabalikang ayos. Siya ay naging katulong ng tiyahin.Ang katulong ay tuwirang layon ng pandiwang ay naging.Ang tiyahin na isa ring pangngalan ay siyang pinaglalaanan. Isaisip Mo Na ang mga pangngalan ay maaaring magamit na simuno, panaguri, layon ng pandiwa at pinaglalaanan. Na kapag ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos ang panaguri ang nauuna at kapag ang pangungusap ay nasa kabalikang ayos ang simuno ang nauuna sa pangungusap. Pagsanayan MoA. Suriin ang mga pangungusap. Sabihin kung alin ang nauna, ang simuno o panaguri. Salungguhitan ang buong simuno. 1. Lumikas ang mga nakatira sa paligid ng bulkan. 2. Ang lahar ay umagos patungo sa mababang mga lugar. 3. Mabilis siyang lumundag sa swimming pool. 4. Tiinamaan ng kidlat ang mataas na puno. 5. Siya ay nawalan ng “cellphone” sa palengke. 4
B. Itala ang mga pangngalan sa bawat pangungusap at isulat sa tapat kung ito ay ginamit bilang simuno, panaguri, layon ng pandiwa o pinaglalaanan.Hal. Ang naglalaro ay kapatid ko. kapatid – simuno 1. Ang mga gulay ay mabuti sa katawan. 2. Uminom ng gatas ang mga maysakit. 3. Tita Jenny, makikitawag po ako sa telepono. 4. Ang Liwayway ay isang paboritong babasahin. 5. Bumili siya ng manyika para sa inaanak.Pumili mula sa kahon ng salitang binigyang kahulugan ng mga sumusunod :_____________________ nakakalat o nakalatag, nakatiwangwang_____________________ urong sulong sa isang gawain_____________________ kauna-unahang mamimili sa buong araw_____________________ abalahin sa ginagawa_____________________ bumagsak o natibag ang buong kayarian_____________________ magprito ng anumang bagay hanggang pumula at lumutonggambalain nakabuyangyang magtustabantulot gumuho buwenamanoUpang malaman ang kahulugan narito ang pagkakagamit sa pangungusap. 1. Marami siyang ginagawa kaya huwag mong gambalain. 2. Bantulot siyang magpasya at baka magkamali siya sa mga bumili. 3. Ang buong gusali ay gumuho pagkat mahina ang pagkakagawa. 4. Mura lang niya nabili pagkat buwenamano siya. 5. Magtusta ka ng tilapia para sa kapatid mo. 6. Ang mga damit niya ay nakabuyangyang sa likod.Ang talatang nagsasalaysay ay naglalahad o nagpapaliwanag nang maypagkakasunud-sunod.Halimbawa 5
Ang Pagtawid sa Kalsada. Bago tumawid ay tumigil muna sa paglalakad. Tumingin sa kaliwa atsaka sa kanan. Tiyakin na malayo o walang dumarating na sasakyan.Tumawid nang mabilis na hindi ka naman nagmamadali at nang hindimadapa.Pansinin ang pagkakasunud-sunod ng mga gagawin.Magagawa mo ba ito? Isalaysay mo ang kagandahan ng isang tanawin. Simulan mo muna sa mganakakaakit na mga bagay. At ihuli mo ang pinakamaganda o pinakamahalagangisasalaysay.Halimbawa uli : Ang Bulkang Mayon Kung tatanawin sa malayo para itong nakataob na apa ng sorbetes.Nakapaligid sa paanan ng bulkan ang mga taniman at ang bahagi ngsimbahang natabunan ng mga pagsabog noong unang panahon at ilangmalalaking mga bato. Sa pinakatuktok ng bulkan ang manipis na putingusok. May panahon na buo mong makikita ang magandang bulkan. Maypanahon na palaging maulap ang paligid nito at nagpapakita ng buo nitonganyo sa mga turista. Sa lima o mahigit pang pangungusap makabubuo ka ng isang talatangnagsasalaysay at may pagkakasunud-sunod.Narito ang mga paksang maaari mong pagpipilian sa paggawa ng talata. May magandang pasyalan sa aming bayan Masaya ang pista sa aming barangay Ang pagdiriwang ng aking bertdey Ang masayang programang napanood ko sa TV. Ang trabaho ng aking ama 6
Gawin Mo Isulat sa iyong sagutang papel.A. Gamiting simuno ng mga pangungusap ang mga sumusunod : 1. pinuno ng mga sundalo 2. malinis na ilog 3. tapat na tagapaglingkod 4. masunuring bata 5. labag sa batasB. Gamiting panaguri ng pangungusap ang mga sumusunod: 1. ay malago 2. Nangibang bansa 3. Pinakain 4. Nagpalabas 5. PinarangalanC. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod : 1. magbubuwenamano 2. nagambala 3. itusta 4. ibuyangyang 5. gumuho 6. bantulot 7
D. Bumuo ng talatang nagsasalaysay tungkol sa isa sa mga sumusunod. Siguruhin ang pagkakasunud-sunod ng mga sitwasyon o kahalagahan ng mga ito. Ang mabait kong nanay Ang bago kong sapatos Ang hardin ko sa aming bakuran Ang pamamasyal ko sa lungsod Ang masipag kong guro Ipakita mo sa guro ang iyong ginawa. Kapag sumang-ayon siya, matuwa ka. Nagawa mo ang inaasahan sa iyo. 8
Baitang 5 MATALINGHAGANG SALITA Kumusta ka na? Matututunan mo sa modyul na ito ang pagbibigay katuturan sa mga salitang matalinghaga at paggamit nito sa pagsasalita at pagsulat. Pagbalik-aralan MoGawin mo ang sumusunod na gawain. Basahin mo ang bawat pangungusap. Ibigay angkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng sagot sa iyong sagutang papel. 1. Pikit-mata niyang ininom ang mapait na gamot upang mapawi ang sakit ng kanyang tiyan. A. walang kabuluhan B. salitan C. kagustuhan D. bukal sa loob 2. Narating ng mga Boy Scout ang di-maliparang-uwak na tubuhan. A. maraming tanim B. walang makikitang uwak C. malawak D. tiwangwang 3. Parang mga basang sisiw ang naulilang mga anak ni Aling Corazon. A. kaawa-awa B. mayayabang C. maingay D. tahimik 4. Nasasabi ni Mang Tonyo na parang hagupit ng langit ang nangyayari sa lalawigan ng Quezon. A. parusa sa langit. B. hampas na malakas 1
C. hanging malakas D. wala lang 5. Sobrang sukal sa ilong ang amoy ng basura sa Payatas. A. marami B. mabango C. mabaho D. malinis Pag-aralan MoMay kakilala ka bang tao na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa katamaran o kawalanng interes na mag-aral? Ano ang katayuan niya ngayon sa buhay?Basahin ang kuwentong ito na mapupulutan mo ng magandang-aral upang maging higitkang magsipag sa pag-aaral. LITUNG-LITO SI BEN (Pinagkuhanan: Pilipino sa makabagong panahon) Mahirap ang hindi nag-aaral, dumaranas ng pagkalito. Tulad niBen, siya’y litung-lito. Tingnan mo kung bakit. Si Ben ay hindi mahilig mag-aral. Isang araw ay gigil na gigil naang kanyang guro dahil sa palagi na ay walang siyang nagawang takdang-aralin. Sa galit nito ay nasabi niyang, “Naku Ben. Tiyak na makakakuhaka ng kalabasa pagdating ng Marso. 2
Napakamot ng ulo si Ben. Bakit kaya siya makakakuha ngkalabasa? Petsay at mustasa naman ang tanim niya sa kanyang plot. Ah,baka bibigyan siya ng kanyang guro nito. May tanim siguro silangkalabasa. Pagdating ni Ben ay ibinalita niya kaagad sa kanyang ina ang sinabing guro. Tuwang-tuwa pa man din ang pobre. Nalungkot ang nanay ni Ben sa narinig. “Bakit po kayo nalungkot?Di ba gusto natin ang kalabasa?” pagtataka ni Ben. “Anak, ang ibig sabihin ng makakakuha ng kalabasa ay babagsakka sa Marso. Hindi ka makakapasa,” paliwanag ng ina. Kailangan, anak,magsunog ka ng kilay upang matutunan mo ang mga aralin. Mag-aaral kanang mabuti.” dugtong ng ina. “Ganoon po ba?” wika ni Ben. Naku, babagsak pala siya. Ayaw niyang mabagsak. Mag-aaaral nasiyang mabuti. Kinabukasan ay pinag-igi niya ang pakikinig. Ang kanilang aralin aytungkol sa mga salitang matatalinghaga. Totoong litung-lito siya. Iyonmarahil ang napapala ng hindi nag-aaral. “Ang paggamit ng salitang matalinghaga ay isang masining naparaan na nakapagdaragdag ng lalong ikalilinaw ng diwang naisipahayag,” ang sabi ng guro. “Ngayon piliin natin ang lalong malapit na kahulugan ng mgaginamit na salitang patalinghaga sa pangungusap. A. Sagutin ang mga tanong.Gawin ito. Kunwari ikaw si Ben. Gaano ang nalalaman mo sa kanilang aralin? naritoang pangungusap ng guro ni Ben. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Halos mamuti ang mata ni Ruel sa kahihintay sa kapatid. a. Naiinip na siya b. Napuwing ang kanyang mata c. Hirap na hirap na siya sa pagtingin sa daan 2. Bakit ka mukhang Biyernes Santo? a. Bakit ka tahimik? b. Bakit ka tila nagdarasal? c. Bakit ka malungkot? 3. Patakbuhin ang telang nabili mo. a. Mahinang klase lamang ang telang ito. b. Mahal na klase ito. 3
c. Ordinaryo ang disenyo ng tela.Narito ang mga tamang sagot:1. a 3. a2. cIlan ang nakuha mong tama? Ipagpatuloy mo ang pagbasa ng kuwento Pag-uwi ni Ben ay nagtungo agad siya sa kanyang ina. “Inay, litung- lito po ako.” “Bakit na naman anak?” “Kasi po, sabi ng aking guro ay itlog naman ang ibibigay niya sa akin, ngayon. Bakit po ako bibigyan ng itlog ng guro?” Hindi na nagsalita pa ang ina. Lumapit sa anak at inakbayan. “Siguro, wala kang naisagot na tama sa pagsusulit na ibinigay. Hayaan mo anak, tutulungan kita sa iyong mga aralin. Gabi-gabi, susubaybayan kita sa iyong pag-aaral.” wika ni nanay. Nakatutuwa ang istorya ni Ben, di ba? Matapos mong mabasa ang kuwento, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sasagutang papel. 1. Sino ang batang di mahilig mag-aral sa kuwento? 2. Ano ang sinabi ng kanyang guro dahil palagi siyang walang takdang aralin? 3. Ano ang pagkakaunawa ni Ben sa sinabi ng guro? 4. Sino ang nagpaliwanag kay Ben sa nais ipahiwatig ng guro? 5. Bakit dapat siyang mag-aral nang mabuti? 6. Ano ang dapat gawin ni Ben upang di siya makakuha ng kalabasa sa Marso? Anong uri ng salita ang makakuha ng kalabasa? 1. __________________ 2. __________________ 3. __________________ 4. __________________ 5. __________________ 6. __________________ 4
Ganito ba ang iyong mga sagot? 1. Ben 2. Makakakuha siya ng kalabasa pagdating ng Marso 3. May tanim sigurong kalabasa ang guro at bibigyan siya nito. 4. ang kanyang nanay. 5. upang di siya mabagsak 6. mag-aaral na siyang mabuti matalinghagaBasahin ang mga pangungusap na hinango sa kuwento.Pansinin ang mga salitang may salungguhit.1. Tiyak na makakakuha ng kalabasa si Ben pagdating ng Marso.2. Kailangang magsunog ka ng kilay anak, upang makapasa ka sa Marso.3. Sabi po ng guro ay itlog naman ang ibibigay ngayon. Ano ang tawag sa mga ito? Matalinghagang salita, di ba? Ito ay mga salitang tago angkahulugan at kadalasan ang mga salitang ito ay nakadaragdag sa lalong ikalilinaw ng diwangnais ipahayag. Ngayon, bigyan mo ng kahulugan ang mga sumusunod na salitang matalinghaga.Hanapin ang kahulugan nito sa hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel._____ Hanay A Hanay B_____ 1. pagsusunog ng kilay a. masama ang ugali_____ 2. nagdilang angel b. masakit sa damdamin_____ 3. walang itulak- kabigin c. nagkatotoo ang sinabi_____ 4. pasang krus d. mayabang 5. tupang itim e. pag-aaral nang mabuti f. di-alam ang pipiliin Ganito ba ang sagot mo? 1. e 2. c 3. f 4. b 5. a Kaya mo na bang gamitin ang mga matalinghagang salita sa sarili mong pangungusap.Kung oo, magaling! Isulat mo ito sa iyong sagutang papel. Kung tapos ka na sa pagsulat ng pangungusap tumawag ka ng isang nakatatanda sa iyo atiparinig mo ang ginawa mo. (maaring kapatid, magulang o kamag-anak) Isaisip Mo 5
Ang matalinghagang salita ay mga salitang may tagong kahulugan. Ito ay mgasalitang hindi tuwirang tumutukoy sa bagay na kinauukulan kung hindi sa isang bagay nakatulad, kawangis, o kahalimbawa lamang.Pagsanayan MoHanda ka na bang magsanay?A. Piliin mo ang titik ng matalinghagang salita na tugma sa isinasaad ng pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang kuwaderno. a. naniningalang pugad b. halik-hudas c. kakaning-itik d. taingang kawali e. isang kahig, isang tuka f. bantay-salakay 1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapitbahay na si Thelma. Si Thelma ay dalaga. Si Eric ay _________________ na. 2. Tawag nang tawag ang ina kay Romy. Naririnig ni Romy ang tawag ngunit hindi siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang walang naririnig. Siya ay may _____________________. 3. Gabi-gabi si Aling Linda ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya kung bakit nagkagayon, samantalang may pinagbabantay naman siya. Naghihinala tuloy siya na ang pinagbabantay niya ay isang ____________. 4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili, hindi siya namimili ng mamahaling bagay. Ang kita nila ay halos hindi sumasapat sa kanilang gastos. Sila ay ______________________ . 5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaawa-awa itong si Ramon. Kayang-kaya siyang paiyakin ng kapuwa at siya ay laging tampulan ng panunudyo. Siya ay _______________sa aming pook.Kung ganito ang iyong sagot, tama ka! Magaling! 6
1. a 4. e2. d 5. c3. fB. May mga matalinghagang salita sa loob ng kahon sa ibaba, pumili ka ng 4 at gamitin mo ito sa sarili mong pangungusap.agaw-buhay malamig ang kamaybukas-palad utak-lamokmagaan ang loob basang sisiw1.2.3.4.Subukin Mo A. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kopyahin mo sa isang kuwaderno ang mga salita o lipon ng mga salita na matalinghaga at ibigay ang kahulugan nito. 1. Patuka lang sa manok ang suweldo ni Monica sa trabaho niya. 2. Walang kuryente kagabi, kaya parang hinahabol ng plantsa ang aking damit. 3. Dumadaing si Nanay, kawitang palakol daw ngayon. 4. Malaki na ang ipinagbago ni Kuya Cenon, mataas na ang kanyang lipad. 5. Ingat na ingat akong kausapin si Bb. Austria, balat-sibuyas kasi siya.B. Ngayon naman gamitin mo sa sarili mong pangungusap ang mga napili mong matalinghagang salita. Marunong na bata! Matagumpay mong natapos ang modyul. Binabati kita! 7
MGA IMPORMASYONG MAKUKUHA SA GRAP Kumusta ka? Magkakaroon ka ng kasanayan sa modyul na ito ng pagkuha ng impormasyon sa tulong ng grap ganon din ng pagtatala at pagbibigay kahulugan sa impormasyong nasa iba’t ibang grap. Pagbalik-aralan Mo Basahin mo ang talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kanyang marka sa matematika noong nakaraang anim na buwan, mula Hulyo hanggang Disyembre. Noong buwan ng Hulyo ang marka niya ay 85, Agosto 87, Setyembre 90, Oktubre 90, Nobyembre 92 at Disyembre 95. 1. Anong asignatura ang binanggit sa talata? 2. Sino ang batang tinutukoy dito? 3. Ano ang marka niya sa Matematika noong Hulyo? Agosto? Setyembre? Okubre? Nobyembre? Disyembre? 4. Sa anong buwan pinakamababa ang marka si Liza? 5. Sa anong buwan naman siya may pinakamataas na marka? Ganito ba ang iyong sagot? 1. Matematika 2. Liza 3. Hulyo – 85, Agosto – 87, Setyembre – 90, Oktubre – 90, Nobyembre – 92, Disymbre – 95 4. Hulyo 5. Disyembre Kayang – kaya mo ang modyul na ito. Mahusay kang bata! 1
Pag-aralan Mo Ang mga tao ba ay mahalagang kayamanan ng ating bansa? Bakit? Basahin ang kuwento sa ibaba upang malaman mo ang sagot. Kayamanan ng Pilipinas (Pinagkunan : Filipino V – Diwa textbook) Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamalakingpopulasyon. Ito ay itinuturing na isang kayamanan, ang yamang tao (humanresources). Noong 1570, tinatayang kalahating milyon ang populasyon ng bansa na noo’ynasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon namang 1591, naitala ang populasyonsa 667, 612 batay sa bilang ng mga nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda.Tinatayang 1, 502, 574 ang naging populasyon dahil sa naranasang pagbuti ngkalusugan ng madla. Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon saginawang census ng mga Kastila buhat noong taong 1877. Sa kabuuan, angpopulasyong nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa bilis nakalahating bahagdan mula noong census ng 1887. 2
Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ngnakararami. Napigilan ang pagkalat ng mga epidemya ng kolera, bulutong at salotnang itatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kwarentenas. Ang mgamamamayan ay natuto ng wastong pangangalaga sa kalusugan at kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang 19, 234, 182 ang dami ng mga Pilipino. Lumaki ang populasyon ng Pilipinas habang lumilipas ang panahon. Mula noong1970, ang populasyon nating 36.7 milyon ay umabot sa 48.39 milyon noong 1980. Angantas ng pamumuhay noon ay tumaas din.A. Maaaring may mga salita kang hindi maintindihan. Isulat mo ang titik ng kasingkahulugan ng mga salita sa kaliwa :________1. populasyon a. sakit na kumakalat sa isang pook________2. encomienda b. pagtatala ng bilang ng mga________3. epidemya________4. census mamamayan c. bilang ng mga mamamayan d. sistema ng pagsasaka noong panahon ng KastilaGanito ba ang iyong sagot? Mahusay ka! 1. c 2. d 3. a 4. bB. Ngayon naman ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong batay sa kuwentong iyong binasa.1) Sa kuwento, ano ang tinutukoy na kayamanan ng Pilipinas?2) Ano ang populasyon ng Pilipinas noong taong 1570?3) Ano ang naging bunga ng pagkatatag ng Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kwarentenas.4) Ano ang pinakamataas na populasyong naitala na may pinakamataas na bahagdan ng pagtaas ng populasyon?Isulat mo sa sagutang papel: 3. ________________________1. ____________________ 4. ________________________2. ____________________Ganito ang kailangang maging sagot mo. Tama ka ba?1. ang malaking populasyon2. kalahating milyon3. bumuti ang kalusugan ng nakararami4. 48.39 milyon noong 1980 3
Bilang ng Populasyon C. Pansinin mo ang “Grap ng populasyon ng Pilipinas mula 1903 – 2000. (Ipinahayag sa milyon) 90 80 70 60 50 40 30 20 10 0 1903 1918 1939 1948 1960 1970 1975 1990 1995 2000 Taon Ano ang tawag dito? Grap di ba? Halimbawa ito ng bar graph. Bigyan mo ng kahulugan ang grap sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Nagpapakita ito ng paghahambing ng dami ng tao. 1. Sa anong taon may pinakamalaking populasyon? 2. Sa anong taon may pinakamaliit populasyon? 3. Sa anong taon nagsimula ang taunang pag-uulat ng populasyon ng Pilipinas sa grap? 4. Sa anong taon naman ito nagtapos? 5. Humigit, kumulang, ano ang populasyon ng Pilipinas noong 1990. Narito ang sagot. Tama ka ba? Mahusay! 1. 2000 2. 1903 3. 1903 4. 2000 5. 60 milyon Ang grap ay may iba’t ibang uri. Narito sa ibaba ang ang iba pang halimbawa. Pag-aralan mo ang mga ito. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel. 4
TIMBANG NI PABLITO SA LOOB NG APAT NA BUWAN.42 ( Ipinahayag sa kilogram )4140 Abril3938373635343332 Enero Pebrero Marso1. Ano ang ipinakikita ng grap?2. Gaano ang itinaas ng timbang ni Pablito sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril3. Ilang kilogram ang bigat ni Pablito noong magtimbang siya?4. May pagbabago ba ang kanyang timbang?Ganito ba ang iyong sagot? Magaling!1. Ang timbang ni Pablito sa bawat buwan mula Enero hanggang Abril `2. Isa at kalahating kilogram3. 354. Oo Tinatawag itong line grap, kung saan nagpapakita ng pagbabago satimbang ni Pablito. Ang datos ay ipinakikita ng mga tuldok na pinagdugtong-dugtong na linya.Tingnan mo naman ito aklat, pagkain pape l, 30%magasin at iba libangan pang 10% gamit damit ipon 15% 5% 5
1. Ilang bahagdan ang nakalaan sa pagkain? 2. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit na bahagdan? 3. Aling pangangailangan naman ang may pinakamalaking bahagdan? 4. Ilang bahagdan ang nakalaan sa damit?Ganito ba ang iyong sagot? Magaling! 1. 30% 2. ipon 3. aklat, papel, magasin at iba pang gamit 4. 15%Pabilog na grap (circle or pie graph) ang tawag dito. Ito ay nagpapakita ngugnayan ng mga bahagi ng isang kabuuan.BUWANANG KONSUMO NG KURYENTE NG PAMILYA SANTOS SA TAONG 2005 Enero Peb Mar Abr May Hun Hul Agos Set Okt Nob Dis bawat tala - = 25 kilowat Larawang grap (pictograph) naman ang tawag dito. Ito ay naghahambingng dami sa tulong ng mga larawan.Sagutin ang mga tanong batay sa grap na palarawan (pictograph). 1. Ilang kilowat ang nakonsumo ng Pamilya Santos sa buwan ng Enero? 2. Saang buwan may pinakamataas sa kuryente ang pamilya. 3. Anong buwan may pinakamababa silang nakonsumo? 4. Ilang kilowat ang nakonsumo ng pamilya sa buwan ng Setyembre at Disyembre? 6
Ganito ba ang iyong sagot? 1. 125 2. Abril 3. Disyembre at Setyembre 4. 100Natutuhan mo na ang iba’t ibang uri ng grap. Anu-ano ang mga uri nito?Isulat mo sa sagutang papel.Narito ang mga tamang sagot. Tama ba ang sagot? Kung oo, mahusay katalaga! Madali kang makaunawa. 1. bar grap 2. pabilog na grap (circle o pie graph) 3. grap na palarawan (pictograph) 4. line grapIsaisip MoAng grap ay balangkas na nagpapakita ng ugnayan ng dalawa o higit pang mgabagay o dami sa pamamagitan ng tuldok at guhit. Ang grap ay may iba’t ibang uri1. Bar grap - ito ay nagpapakita ng paghahambing ng dami.2. Line grap - nagpapakita ng pagbabago sa halaga o dami. Ang mga datos dito ay ipinakikita ng mga tuldok na pinagdurugtong ng linya.3. Pabilog na grap (circle o pie graph) - nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi ng isang kabuuan.4. Grap na palarawan (pictograph) - naghahambing ng dami sa tulong ng mga larawan. 7
Pagsanayan Mo 1. Ngayon ay kilalanin mo ang iba’t-ibang uri ng grap, at sagutin sa sagutang papel ang mga tanong tungkol dito. Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilya ni Aling Maria sa Taong 200300250200150100 50 0 Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Agos Set Okt Nob Dis Sagutin mo ang mga sumusunod: 1.) Ang grap na nasa itaas ay tinatawag na __________ . 2.) Tungkol saan ito? __________ . 3.) Ang konsumo sa kuryente ng pamilya ni Aling Maria noong Pebrero ay __________ . 4.) Ang pinakamababang konsumo ay __________ kwh noong buwan ng _________ . 5.) Ang pinakamataas na kansumo ay __________ kwh noong buwan ng _________ . Tamang sagot: 1.) grap na linya 2.) Buwanang konsumo ng kuryente ng pamilya ni Aling Maria 3.) 180 4.) 150, Oktubre 5.) 270, Mayo 8
2. Bigyan mo ng kahulugan ang grap sa ibaba. Lagyan ng (√) sa patlang ng tamang sagot. Normal na Timbang ng mga BataBi 50l 45an 40g 35n 30g 25m 20g 15a 10b5a 0ta Hul Agos Set Okt Nob Dis1.) Ilang bata ang normal ang timbang noong Hulyo _____a. 25 _____c. 35 _____b. 30 _____d. 402.) Anong mga buwan pantay ang bilang ng mga batang normal ang timbang? _____a. Oktubre at Hulyo _____b. Agosto, Setyembre at Nobyembre _____c. Setyembre at Oktubre _____d. Oktubre at Nobyembre3.) Mula sa Hulyo, ilang bata ang nadagdag sa mga normal ang timbang noong Agosto? _____1. 5 _____c. 15 _____2. 10 _____d. 204.) Sa anong buwan pinakamababa ang bilang ng mga batang normal ang timbang? _____1. Hulyo _____c. Setyembre _____2. Agosto _____d. Oktubre5.) Sa anong buwan pinakamataas ang bilang ng mga batang normal ang timbang? _____1. Agosto _____c. Nobyembre _____2. Setyembre _____d. Disyembre 9
Budget ng mga Pangangailangan ng Pamilya ni Mang Tomastirahan pananamit 10% 10% pag-iimpok 10%pagkain pag-aaral 45% 20% tubig, ilaw 5%a. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa edukasyon? _________b. Aling pangangailangan ang may pinakamalaking bahagdan? ___________c. Ilang bahagdan ang para sa bahay at pananamit? ___________d. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit na bahagdan? ___________e. Anong uri ng grap ang ginamit ni Mang Tomas? __________Kung ang sagot mo ay ganito, tama ka!1.) 20%2.) pagkain3.) 10% + 10% = 20%4.) tubig at ilaw5.) pie graph 10
Subukin MoA. Matapos mong matutunan ang iba’t ibang uri ng grap, subukin mong muli na kilalanin ang iba’t-ibang grap sa ibaba. Ilagay ang pangalan sa patlang.300250200150100 50 01)___________________ 3)_______________________40302010 02)___________________ 4)_________________________B. Pumili ka ng isang uri ng grap at punan mo ito ng datostulad ng: Aning kamatis ni MarioLunes - 8 kilo Miyerkules - 5 kiloMartes - 12 kilo Huwebes - 10 kilo Biyernes - 15 kiloMagaling! Natutunan mo agad ang Modyul. Binabati Kita! 11
MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOLMagandang Araw! Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang makukuhamo at maibibigay ang mga impormasyong nasa library card,I.D. pormularyo, matutukoy at magagamit sa pangungusapang mga pang-ukolPagbalik-aralan MoA. Piliin sa kahon ang pangatnig na angkop sa bawat pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel. o kung sapagkat at kaya palibhasa ngunit bago maging habang upang1. Ano ang pinili mo, pula ________ puti?2. Ibig kong manood ng sine ________ wala naman akong pera.3. Magpipiknik tayo ________ bubuti ang panahon.4. Parehong pumapasok sa opisina ang aming ama ________ ina.5. Nakailag si Ana ________ umakyat ang taksi sa bangketa.6. Kumain ka ng prutas ________ ikaw ay maging malusog.7. Wala namang pasok bukas ________ maaari akong magpuyat ngayong gabi.8. Laging mataas ang marka ni Victor ________’y masipag siyang mag- aral.Ganito ba ang iyong sagot. Magaling!1. o 6. upang kaya2. ngunit 7. palibhasa3. kung 8.4. at5. bago 1
B. May palaro ng Volleyball sa inyong lugar at gusto mong sumali subalit kailangan mo munang sagutan ang pormularyo sa ibaba. Kaya mo bang sagutin ang mga impormasyon dito? Kung oo kopyahin mo ito sa iyong sagutang papel at sagutin. Aplikasyon sa Paglahok sa Palarong VolleyballPangalan ______________ ___________________ _____________ Apelyido Pangalan Panggitnang pangalanTirahan ___________________________________________________Kapanganakan_______________________________ Edad _____________Timbang ____________ Taas______________ Kasarian __________Pangalan ng mga magulangAma __________________________________Ina __________________________________ Pag-aralan Mo May I.D. ka ba? Anu-anong impormasyon ang makikita sa I.D? Ang mgamahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, edad, grado, tirahan, magulang. Mabuti kang bata kung patuloy mong isinasagawa ang pagsusuot ngschool I.D. mo!A. Sa pagiging isang mabuting mamamayan naman ano ang dapat nating taglayin upang ang pagkakakilanlan sa bawat isa ay manatili, sedula di ba? Nakakita ka na ba ng halimbawa nito? Bago muna iyon, basahin mo ang kuwento tungkol sa “Ang mabuting mamamayan”. Sino para sa iyo ang isang mabuting mamamayan? Maituturing ba silang mga bagong bayani? Alamin mo muna ang kasingkahulugan ng ilang salita na hango sakuwento, tulad ng nasa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong sagotmatapos mong iayos ang titik sa kahon upang makabuo ka ng salitangkasingkahulugan. 2
1. perang naimpok 2. tugon niakiikt gosat _______________ _______________3. kapakanan 4. ipatustos abautikhn pagsingtaos _______________ _______________5. sahod odswle _______________Katulad ba ng iyong sagot ang mga salitang nasa kahon?1. kinikita 4. ipanggastos2. sagot 5. sweldo3. kabutihanMaaari mo nang basahin ang kuwento. Ang Mabuting Mamamayan (Pinagkunan : Filipino V Wika at Pagbasa) Isang gabi, habang nanonood ng telebisyon si Jairus, tinawag siya ngkanyang ina. 3
“Jairus, anak, pakikuha mo nga ang calculator sa loob ng tokador ko sakuwarto,” utos ni Aling Anita. “Opo, Mama,” tumayo siya para sundin ang utos ng ina. Pagkakuha niya ng calculator, inabot niya ito sa ina at napansin niya angginagawa nito. “Mama, ano po ang ginagawa ninyo?” tanong nito. “Bukas ay pupunta ako sa bangko, anak. Kukunin ko ang perang naiponko para ipambayad ng buwis. Huling araw na kasi ng pagbabayad at ngayonko lang naharap ito dahil sa dami ng gawain dito sa bahay,” paliwanag ng ina saanak. “Ano po ba ang buwis, Mama?” tanong ni Jairus. “Ang buwis ay ang ibinabayad sa pamahalaan ng lahat ngmamamayang naghahanapbuhay. Kinukuha ito sa kanilang kinikita, tulad natingmay maliit na tindahan,” paliwanag ng ina. “Bakit po naman kailangang magbayad ng buwis?” patuloy na pag-uusisang anak. “Mahalagang magbayad ng buwis, anak. Ito ay ginagamit ng pamahalaanpara ipantustos sa mga gastusin ng pamahalaan,lalo na ang pagbibigay ngserbisyo publiko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi ko yata naiintindihan,” ang sabi ni Jairus. “Halimbawa, iyong ginagawang kalsada sa harapan natin, angpamahalaan ang gumagastos ng pagpapagawa niyan mula sa ibinabayad nabuwis ng mga tao.” “Tayo rin po pala ang nabibiyayaan sa buwis na ating ibinabayad,”pahayag ni Jairus. “Aba, oo! Kung walang binabayarang buwis o kulang ang ibinabayad ngmga tao, hindi maibibigay ang karampatang serbisyo sa mamamayan,” wika niAling Anita. “Buti na lang pala nagbabayad tayo ng buwis,” patuloy ng anak. “Isa kasi iyan sa mga tungkulin natin bilang mga mamamayan,” pangaralng ina. “Alam ninyo, Mama, naalaala ko ang sinabi ng guro ko na ang sinumangtumulong sa pagpapaunlad ng bayan ay ituturing na bayani. Ibig sabihin, Mama,bayani na rin kayo dahil matapat kayong tumutupad sa inyong tungkulin sapamahalaan,” pahayag ni Jairus. “Kayong mga kabataan ay maituturing ding bayani,” dugtong ni AlingAnita. “Paano kami makatutulong sa bayan?” tanong ni Jairus. “Ang mga kabataang tulad ninyo ay makatutulong kung mag-aaral kayongmabuti. Ang kaalamang iyong nakuha sa pag-aaral ay gamitin ninyo nang wastosa paglilingkod hindi lamang sa pagpapaunlad ng bayan kundi pati na rin sapagtulong sa ating mga kababayan.” paglilinaw ng ina. “Simula bukas, pagbubutihin ko pang lalo ang aking pag-aaral. Nais koring maituring na bayani,” nasabi ni Jairus sa sarili. “Mama, paglaki ko, magiging mabuti rin akong mamamayan tulad ninyo.Hindi ko rin kaliligtaan ang pagbabayad ng buwis,” pangako niya sa ina. 4
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Saan papunta si Aling Anita? Ano ang gagawin niya roon? 2. Bakit kailangang magbayad ng buwis ang bawat mamamayang may hanapbuhay? 3. Saan gagamitin ang ibinabayad na buwis ng mamamayan sa pamahalaan? 4. Ginagampanan ba ni Aling Anita ang kanyang tungkulin bilang isang mabuting mamamayan? 5. Sinu-sino ang maituturing na bayani?Mahusay kang bata, kung ganito ang sagot mo. 1. sa bangko. 2. kukunin niya ang perang inipon upang ipambayad sa buwis. 3. sa mga pagawain, tulad ng kalsada, paaralan, palengke, at iba pang magpapaunlad sa bayan. 4. oo, ginagampanan niya. 5. lahat ng tumutulong sa pagpapaunlad ng bayan. Sa patuloy mong pag-aaral ng modyul na ito, malalaman mo ang mgapormularyo (forms) kung saan isinusulat ang mahahalagang impormasyontungkol sa isang bagay, tao, samahan at iba pa. Nagbibigay rin ng impormasyonang patalastas, poster o tagubilin. Ang mga tanong dito ay hindi tuwiran dahilmaiikli ang mga salitang ginamit. Hindi rin ito mangangailangan ng mgapangungusap na patanong. Sa pagsagot ng anumang pormularyo , laging tandaan na gawing malinawang mga sagot na ibinibigay sa bawat katanungan. Tiyaking malinis ang papelsa tuwing isusulat ang mga hinihinging impormasyon. Suriin ang larawan ng sedula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkoldito. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 5
1. Anong taon ang saklaw ng sedulang ito? (2005) 2. Saan at kalian ito ibinigay ng munisipyo o lungsod? (Lungsod ng Pasig) 3. Isulat ang buong pangalan ng kumuha ng sedula? (Kathlyn Diza) 4. Magkano ang kabuuang halaga ng binayaran niya? (P 145.00) Isa sa mga dapat alalahanin sa tuwing magbabayad ng buwis ay angsedula o community tax certificate. Ang sedula ay mahalaga sa paglalagay ngimpormasyon sa mga dokumento at sa pagkakakilanlan ng bawat tao. Mahalagarin ito sa paghahanap ng trabaho. Narito pa ang isang halimbawa ng pormularyo. Ito’y ang kard naginagamit sa aklatan. Nakagamit ka na ba nito? Pag-aralan mo ang kard atsagutin ang mga tanong sa ibaba.1. Anong mahahalagang impormasyon ang makikita sa kard na ginagamit sa aklatan?2. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsagot ng mga impormasyong hinihingi sa pormularyo?3. Mahalaga ba sa librarian ng paaralan ang kard na ito? Bakit?4. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang mga impormasyong nasa kard sa aklatan? 6
Ganito ba ang iyong sagot? 1. Impormasyon tungkol sa nanghiram o manghihiram ng aklat. 2. Kailangang sumunod sa panuto ng pagsagot at sagutan nang wasto ang mga ito. 3. Oo, upang malaman niya kung ilan at sino ang bilang ng batang humihiram ng aklat sa library. 4. Makatutulong sa iyo ang kard na ito sapagkat ito ang magpapaalala sa iyo kung kailan hiniram, kailan ibabalik ang aklat at iba pang mahahalagang kaalaman tungkol dito. Mahalaga rin ang maging pamilyar ka sa iba’t ibang pormularyo. Tulad ngmga pormularyo sa pagdedeposito at pagkuha ng pera sa bangko. Pag-aralanmo ang nasa ibaba.A. Deposit slip B. Withdrawal slip 7
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot: 1. Anu-ano ang impormasyong hinihingi o kailangan sa mga pormularyong ito? 2. Bakit mahalaga ang pormularyo sa maraming opisina? Sa porma ng deposit at withdrawal slip mahalaga ang account name ataccount number na maitala. Ito ay ang bilang at ang may-ari ng bank book olibreta. Mahalaga rin na malinaw na maisulat ang halaga ng idedeposito atilalabas mong pera, lalo na ang pirma ng taong kumukuha o magdedeposito,siya man ang may-ari o kinatawan lamang. Lubhang mahalaga ang porma sa maraming opisina sapagkat ito iyongmagsisilbing rekord ng lahat ng mahalagang impormasyon ng tauhan atempleyado nito. Bilang mag-aaral, magbigay ka ng pormularyo kung saan naroon angmahahalagang, impormasyon tungkol sa iyo. I.D sa paaralan, mayroon nito di ba? O, sige, ibigay mo ang hinihinging mahahalagang impormasyon sa I.D Paaralang Elementarya ng __________ Bayan ng __________ Pangalan _______________________________ Edad _____________________________ Baitang / Seksyon ________________________ Guro _____________________________ Magulang _______________________________ Tirahan_________________________________ ___________________ Pirma ng Mag-aaralB. Basahin mo ang mga pangungusap sa ibaba at pansinin ang mga salitang may salungguhit 1. Kailangan niya ang aklat tungkol sa kapaligiran. 2. Ang aralin ni Nona ay mahirap. 3. Ayon sa kanya ay lalo siyang papaluin pag-uwi niya. Ang mga salitang tungkol sa, ni at ayon sa ay tinatawag na pang-ukol. Alam mo ba kung ano ang kahulugan nito? 8
Ang pang-ukol ay nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o panghalipsa ibang salita sa pangungusap. Narito ang ilang pagsasanay tungkol sa pang-ukol tingnan kung kayamong sagutin upang malaman kung naunawan mo na ang aralin sa modyul naito.Lagyan ng kahon ang mga pang-ukol na ginamit sa pangungusap. 1. Kailangang mag-uniporme ang mga mag-aaral ayon sa punung-guro. 2. Sinisita sila ng guwardiya dahil sa I.D. 3. Hinggil sa suliranin sa kuryente ang ating pinag-uusapan. 4. Para kay Inay ang mga ubas na ito. 5. Alinsunod sa batas, kailangang magbayad tayo ng buwis.(ang bilang 1 ay may pang-ukol na ayon sa # 2 dahil, # 3 hinggil sa, # 4 para kayat # 5 alinsunod sa)Tama ba ang iyong sagot? Magaling?Isaisip MoAng pang-ukol ay nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o panghalipsa ibang salita sa pangungusap.Halimbawa :dahil sa / kay laban sa / kaynasa, para sa / kay sa tabi ni / ngkay, ukol sa / kay sa halip na,tungkol sa, ayon sa / kay alinsunod sa / kaydahil sa / kaySa pagsagot ng anumang pormularyo, laging tandaan na gawing malinawang mga sagot na ibibigay sa bawat katanungan. Tiyaking malinis ang papel satuwing isusulat ang mga hinihinging impormasyon.Pagsanayan Mo 9
A. Tukuyin ang pang-ukol sa usapan sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.Sara : Malungkot ka yata?Norma : Nakatanggap kami ng sulat galing kay Lolo Milio.Sara : Ano ang nilalaman ng sulat?Norma : Ang sulat ay tungkol sa pagkakasakit ni Lola Hilda.Sara : Nasaan ba sila ngayon?Norma : Nasa America.Sara : Magagamot naman yata ang lola mo.Norma : Magagamot nga pero ayon sa doktor kailangan niya angSara operasyon. Sa halip na sila ang pumunta rito, si MommyNorma ngayon ang dapat pumunta roon para sa operasyon. BalakSara nila noon ang magbalik-bayan.Norma : Kailan pupunta sa America ang Mommy mo? : Bukas. : Ipagdarasal namin ang lola mo. : Salamat.Ang sagot ay nasa kahon. ng nasa ayon sa sa halip na para saB. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga pang-ukol na napili sa pagsasanay A. Isulat ito sa sagutang papel. 10
C. 1. Sagutan mo ang pormang ito na gingamit sa aklatan. Isulat sa sagutang papel.Paaralan Petsa ng Numero ng aklat ___________ Pagkakahiram Petsa ng pagsasauliPangalan ng BatangGumamit o NanghiramNg aklat na ito2. Narito ang halimbawa ng isang porma sa bangko. Ipagpalagay mong ikaw ay mag dedeposito sa bangko ng halagang isang libong piso. Sagutin ang mga impormasyong nasa ibaba. DEPOSIT SLIPBangko Sentral SAVINGS ACCOUNT DEPOSIT SLIPPangalan (Account Name)Bilang ng AccountHalaga ng idedeposito (sa salita) _______________________________________________________ Php___________________________Denominasyon ng idinepositoPerang Papel Bilang HalagaTig-iisang liboTig-lilimang daanTig-sandaanTig-dalawampuTig-sasampu 11
Kabuuang halaga PangalanPetsa_________ nagdeposito________ Subukin Mo A. Isulat sa sagutang papel ang mga pang-ukol sa mga sumusunod na pangungusap sa paraang cluster. 1. Alinsunod sa Bibliya, ginawa ng Diyos ang mundo sa loob ng anim na araw. 2. Pinag-uusapan ang tungkol sa giyera sa Cambodia. 3. Ang kuwento ay hinggil sa mag-asawang humihingi ng anak. 4. Gumawa ako ng sulat para sa prinsipal. 5. Magsama-sama tayo tungo sa ikauunlad ng bayan. 6. Ang pag-alis ni Ahmed ay dahil sa pagkakapalo sa kanya. 7. Tayo’y gumawa ng talata tungkol kay Pangulong Arroyo. 8. Ayon kay Dr. Rizal, nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. B. Gamitin mo sa sarili mong pangungusap ang iyong naitalang pang-ukol. 12
C. Punan mo ng mga impormasyong kailangan ang pormularyo sa ibaba. Isulat mo ito sa iyong sagutang papel. GSIS eCARD ENROLLMENT FORMMahalaga : ISULAT NANG PALIMBAG ANG SAGOT.Pangalan _____________ _____________ _______________ Apelyido Pangalan Panggitnang PangalanKapanganakan _____ _______ _______ Lugar na kapanganakan _______Policy no. _____ Celphone no. _____ Telephone no. __________Tirahan _____________ _____________ _____________ Barangay Bayan LalawiganPangalan ng ina ____________ ________________ _______________ Pangalan Panggitnang Inisyal ApelyidoKapanganakan ______________Pangalan ng ama ____________ ________________ _______________ Pangalan Panggitnang Inisyal ApelyidoKapanganakan _______________Ganito ba ang iyong sagot? Mahusay ka talagang bata.A. 1. alinsunod 2. tungkol sa 3. hinggil sa 4. para sa 5. tungo sa 6. dahil sa 7. tungkol kay 8. ayon kay / nasaBinabati kita sa pagtapos mo sa modyul na ito.Maaari mo ng pag-aralan ang susunod pang modyul.Mabuhay ka! 13
MGA BAHAGI NG AKLATSa modyul na ito’y inaasahang makikilala mo ang iba’t ibangbahagi ng aklat. Masasagot mo rin ang mga tanong tungkol samga impormasyong nasa iba’t ibang bahagi ng aklat. Pagbalik-aralan MoTingnan natin kung nakikilala mo ang piksiyon sa di piksiyon.Lagyan ng P ang patlang sa tabi ng bilang kung anginilalarawang aklat ay piksiyon at DP kung ang inilalarawangaklat ay di piksyon.____ 1. Aklat na naglalaman ng mga alamat ng mga hayop at mga bagay.____ 2. Aklat ng kasaysayan ng Pilipinas.____ 3. Talambuhay ng mga bayani.____ 4. Aklat na naglalaman ng mga pabula.____ 5. Tunay na mga karanasan ng mga guro.____ 6. Ang paraan ng paggawa ng tinapa at itlog na maalat.____ 7. Mga kuwento tungkol sa mga engkantada, mga duwende at mga diwata.____ 8. Kathambuhay ni Pangulong Gloria Arroyo.____ 9. Katipunan ng mga tula at maikling kuwento.____ 10. Katipunan ng mga balita.Ganito ba ang sagot mo?1. P 6. DP2. DP 7. P3. DP 8. DP4. P 9. P5. DP 10. DPKung nakakuha ka ng mahigit pito, OK ang pagkilala mo sa mga aklat.Kung kulang sa lima, gawing muli ito. 1
Lagyan ng T kung totoo ang sinasabi o nilalaman ng aklat at DT kung likhang-isip lamang at hango sa mga sabi-sabi at pantasya.____ 1. Mga Gabi ng Lagim (mga kuwentong katatakutan)____ 2. Ang Sirenang Mahinhin (buhay ng sirenang mahinhin)____ 3. Kasaysayan ng Pilipinas (kasaysayan ng ating bansa)____ 4. Mga Kuwento ni Juan Tamad (mga kuwentong nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon)____ 5. Talatinigan (pinagkukunan ng kahulugan ng mga salita)____ 6. Alamat ni Kulas Magilas (kuwento ng isang agimat na lalaki)____ 7. Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa (buhay ni Pangulong Quezon)____ 8. Ang Ati-Atihan at Iba Pang Ritwal (paglalarawan sa Ati-Atihan Pestibal at iba pang isinasagawa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas)____ 9. Mga Rehiyon ng Pilipinas (iba’t ibang mapa ng mga rehiyon sa Pilipinas)____ 10. Ninoy Aquino, Bayani Ba? (koleksyon ng mga opinyon ng iba’t ibang tao tungkol kay Ninoy Aquino)Ganito ba ang sagot mo?1. DT 6. DT2. DT 7. T3. T 8. T4. DT 9. T5. T 10. DTKung ganon, handa ka na sa ating aralin. Pag-aralan MoSa anu-anong asignatura mayroon kang aklat? Alam mo ba ang pangalan ngmga aklat mo?Narito ang isang aklat. Batayang Aklat ito para sa Heograpiya, Kasaysayan atSibika. 2
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220