Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino V

Filipino V

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:09:58

Description: fil.

Search

Read the Text Version

2. _________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________Isaisip Mo Ang pinakapuno ng salita ay tinatawag nating salitang-ugat. Ito ay walangpanlapi. Kapag iyong pinagsama ang dalawang salitang-ugat ito ay nagigingtambalan. Ang panipi at kuwit ay mga panandang gamit upang ipakita ang tuwirangsinabi ng mga tauhan sa isang usapan o dyalogo.Pagsanayan Mo Pag-aralang mabuti ang talahanayan. Sipiin sa kuwaderno at isulat sa katapatng tambalang salita ang mga salitang-ugat at ang kahulugan nito. Tambalan Mga Salitang-Ugat KahuluganHal. Dalagang-nayon Dalaga, nayon1. likod-bahay2. punong-abala3. batang-kalye4. tindig-dalaga5. litson-kawali 7

a. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang mga tambalang salita. Isulat ang kahulugan nito sa kuwaderno.1. Dapithapon na nang sila ay dumating sa dalampasigan.2. Ang pagkakaroon ng maraming pulo sa Look ng Pangasinan ay nagsilbing tagapagpaalala hanggang sa susunod na salinlahi.3. Laging bukang-bibig ng mga tao ang pagtaas ng langis.4. Agaw-dilim noon nang may matanaw na malaking barko ang mga mandirigma.5. Bago pa lamang nagbubukang-liwayway pagkagising nila ay isang bagong tanawin ang kanilang nakita.b. Gawin mo pa uli ito. Ilagay sa talahanayan ang salitang-ugat ng bawat salita. Gayundinang mga panlapi na ikinabit dito. Ang unang tatlo ay ginawa upangmaging halimbawa. tumawag Salitang-Ugat Panlaping ikinabit maglaba tawag Umnagsigawan laba mag sigaw hinuli nag, an pinulot hinalikan pilasin nag-aaral sisibakin aayusan kumidlat umalis sinagutanc. Nasa ibaba ang isang usapan. Ilagay ang panipi at kuwit kung kinakailangan. Narinig mo ba ang balita sa radio? tanong ni Dani. May sunog daw na naganap sa palengke ng bayan sagot ni Lia. Aba! Iligtas ninyo ang matanda narinig nilang sigaw ng isang lalaki. Dali! Hawakan mo ito sabi ng isa pa. May tumawag na ba sa istasyon ng bumbero? tanong naman ng isang naroroon. Parating na sila sagot ng isang babae. 8

Subukin MoA. Sipiin at isulat ang salitang ugat at ang kahulugan nito. Salitang-Ugat Kahulugan1. habol-hininga2. kapit-kamay3. bukang- liwayway4. likas-yaman5. lamang-dagatB. Isulat ang salitang-ugat ng mga salita at ang mga panlaping ginamit. Salitang-Ugat Mga panlapi1. kulayan2. batakin3. magbarilan4. sumipol5. mabagsakan6. magturuan7. sumalpok8. maintindihan9. tinaposC. Lagyan ng panipi at kuwit ang tuwirang sinasabi ng tauhan. 1. Sino sa akala mo ang magaling sa kanila wika ni Celso? 2. Ah wala nang gagaling pa kay Dr. Jose Rizal ang sagot ni David. 3. Gumawa siya ng magagandang halimbawa nang dalhin siya sa Dapitan ang pagpapatuloy ni David. 4. Wala naman siguro tayong bayani na mahusay sa paninira ng kapwa di ba? ang balik na tanong Celso. 5. At wala talaga tayong bayani na pinatay dahil sa kayabangan ang dagdag ni David. 9

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa modyul na ito. Ipagpatuloy moang magandang gawain. Ipakita mo sa iyong guro ang iyong ginawa sa susunodninyong pagkikita. 10

PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI SA KUWENTO Sa pagsunod sa lahat ng nakalistang gawain sa modyul na ito, matututuhan mo ang makapagpahayag ng mga ideya nang may pagkakasunud-sunod at pagkakaugnay, makapagsalaysay ng kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at, makasulat ng buod ng kuwento na ginagamit ang angkop na bantas. Pagbalik-aralan MoBasahin ang tula SAMPAGUITA Bulaklak na kay puti Talulot na mumunti Kaysarap amuyin Kaysarap haplusin Di kayang pantayan Taglay na kagandahan 1

Sagutan ang mga tanong sa kuwaderno1. Anong kulay ang sampaguita?2. Anong uri ng mga talulot mayroon ito?3. Paano mo malalanghap ang taglay nitong katangian?4. Bakit di ito kayang mapantayan?5. Iguhit mo ang sampaguita at kulayan. Pag-aralan MoBasahin ang sumusunod na kuwento Si Dagang Bukid at Dagang Bahay Maagang umalis si Dagang Bukid patungo sa kanyang pasyalan. Pinangakuan niya ang kanyang mga bubuwit na siya ay mag-uuwi ng matatabang uhay ng palay upang sila ay may mahapunan. Sa bukid siya naglalagi. Samantala si Dagang Bahay ay ayaw kumilos. Hindi siya mahilig sa paglilibot sa labas. Loob ng bahay ang pinupuntirya niya. Mga nakatagong pagkain ang inuumit at pinakikialaman niya. Lingid sa kaalaman ng dalawang daga, nagpulong at nagbalak ang mga magbubukid at mga may-ari ng bahay. Nilagyan nila ng bitag ng daga ang mga pananim. Nilagyan din ng mga bitag ang kani-kanilang mga bahay. Pinainan ng pamuksa ng daga ang mga bitag. Binantayan ng mga magbubukid at mga may-ari ng bahay ang kanilang mga bitag. Nagkaisa ang mga tao sa paglilinis ng kapaligiran. Nagtulung- tulong sila sa pagpuksa sa mga dagang sumisira ng pananim at ng mga nakatagong pagkain sa mga bahay. Nahuli sa bitag si Dagang Bukid. Nahuli din sa bitag si Dagang Bahay. Lahat ng mga dagang nahuli sa mga bitag kasama ang mga bubuwit ay sama-samang nalibing sa mga hinukay na basurahan sa likod ng bawat bakuran ng barangay. A. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang sagot. 1. Ano ang dalawang uri ng daga sa kuwento? 2. Saan-saan sila naglalagi? 3. Paano kumukuha ng pagkain ang dalawang daga, Dagang Bukid? Dagang Bahay? 2

4. Anong kayang bitag ang inihanda ng magbubukid? May ari ng mga bahay? Bakit? 5. Paano maaring mapuksa ang mga mapanirang hayop tulad ng mga daga? 6. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung hindi sila pinaghandaan ng bitag? Bakit? Ganito ba ang inyong sagot. 1. Dagang Bahay at Dagang Bukid. 2. Sa bahay at sa bukid. 3. Dagang Bukid kumakain ng palay. Dagang Bahay kumakain ng mga nakatagong mga pagkain sa bahay. 4. Inihanda ng mga may-ari ng bahay ang mga bitag. Inihanda ng magbubukid ang lason na pamuksa ng mga dagang bukid. 5. Mag-alaga ng pusa sa bahay dahil ito ay pumapatay ng daga. 6. Dadami at dadami pa ang daga.B. Isalaysay na muli ang kuwento ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.Dagang Bukid Dagang BahayGanito ba ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa iyongkuwento?_____ Maagang umalis si Dagang Bukid_____ Nagpulong ang mga may-ari ng bahay at bukid_____ Naglagay ng mga bitag_____ Binantayan ng mga may-ari ang kanilang bitag_____ Nahuli sa bitag ang mga daga_____ Nalibing sa hinukay na basurahan ang mga daga 3

Isaisip Mo Isalaysay ang kuwento nang ayon sa wastong pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari upang mailahad ang tunay na buod nito. Pagsanayan Mo Isulat sa isang malinis na papel ang iyong ginagawa bago pumasok sa paaralan,ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. 1. _________________________________________ 2. _________________________________________ 3. _________________________________________ 4. _________________________________________ 5. _________________________________________ Alam mo na ang wastong pagsunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.Handa ka nang makasagot sa susunod na gawain; Subukin Mo Basahin nang tahimik ang kuwento Kay Ganda ng Umaga Huwebes, masayang-masaya si Rico, magsusuot siya ng uniporme ng “Boy Scout”. Isa siya sa mga magtataas ng bandila habang inaawit ang Pambansang Awit sa umagang iyon. Nagmano siya sa kanyang ama at ina at pumasok na sa paaralan. Habang naglalakad, nakita ni Rico ang isang matandang babaeng 4

uugud-ugod ang hindi makatawid dahil sa sala-salabat na mga sasakyan.Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng matandang babae. “Lola”, wika niya “Halina po kayo at kayo’y aking itatawid sa maysimbahan nang hindi po kayo mabundol ng sasakyan. Ako na po angmagdadala ng inyong bayong. “Salamat, iho” wika ng matanda, sabay bigay ng tangang bayong. “Nandito na po tayo, lola. Ligtas na po kayo rito. Hindi na kayomahahagip ng mga sasakyan.” Ngumiti ang matanda “Pagpalain ka Anak ng Poong Maykapal.” Si Rico’y dali-daling pumasok sa paaralan at naghanda na sapagtataas ng bandila. Kay ganda ng kanyang umaga! Gunitain ang paghahagdan-hagdan ng pagsasalaysay ng kuwento ayon sapagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ano ang Anong kanyang sinabi ng ginawa? matanda? Ano ang Anong Sino ang isinuot ginawa ni nakita ni niya? Rico bago umalis? Rico?Anong arawnoon?Gumising si RicoIsulat Mo Ngayong naisalaysay mo na ang kuwento, isusulat mo naman ang maikling buodnito, Gunitain ang wastong mga bantas at gamitin kung kinakailangan ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 5

GAMIT NG PANG-URI AT PANG-ABAY/IISANG BAYBAY MAGKAIBANG BIGKAS AT KAHULUGAN Magandang araw! Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: • Makapagpapakita na ng pagkakaiba ng gamit ng pang-uri at pang-abay sa parirala o pangungusap. • Makapagbibigay na ng kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan at bigkas. • Makapagpapabuti na ng pagkakasulat ng isang talata sa tulong ng pang-abay Pagbalik-aralan Mo 1

Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang mapapansin sa tabi ng bahay? Sino ang nagpaparada? Sinu-sino ang mga nanonood? Ganito ba ang sagot mo? 1. isang puno. 2. banda ng musiko. 3. mga bata. Magaling!!! Pag-aralan Mo Pista sa Barangay “Heto na ang musiko. Baba na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro. “Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sapuno ng makopa ang mga bata. Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sasaliw ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang umiko’t-ikot ang mga majorette at ang kanilang batonhabang tumutugtog ang banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sabarangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobong manok, mitsadong karneng baka, paksiw na pata at marami pang iba. May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suotng mga matatanda ang kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umiilawsa prusisyon. Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkataposng pista. Pata at malata ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natiranghanda ay magtitiis na lang sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang gabi. Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting nang nagbabago.Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot na langng kanilang makakaya. 2

Tapos ka nang bumasa. Sagutan mo naman ang mga tanong sa iyongkuwaderno. 1. Anong sinabi ni Bert sa bagong mga kalaro? 2. Paano mo mailalarawan ang pista sa barangay? 3. Ano ang suot ng matatanda kung sila ay nagpuprusisyon? 4. Anu-anong pagkain ang makikita sa mesa? 5. Masaya ka rin ba kung pista sa inyong pook? Ganito ba ang mga sagot mo? 1. Baba na tayo baka makalampas tayo. 2. Ang saya ng pista sa barangay. 3. Saya ang suot ng matatanda habang sila ay nagpuprusisyon. 4. Puno ng pagkain ang mesa gaya ng adobong manok, mitsadong karne, paksiw na pata at iba pa. 5. Oo, masaya rin ako dahil may mga palabas, may banda ng musiko, may paligsahan at iba pa. May nabasa kang mga salita na magkatulad ang baybay ngunit magkaibaang kahulugan sa kuwentong iyong binasa. Piliin mo sa kuwento ang mga ito.Isulat mo sa kuwaderno. 1. 2. 5. 3. 4. 3

Alam ko na magaling ka!!! Tingnan mo nga kung ganito ang mga isinulat mo? puno ng makopa puno ng pagkain saya ng pista ang suot na saya paksiw na pata pata ang katawan baka malampasan tayo mitsadong baka pagkaing de lata lata ang katawan Narito ang iba pang halimbawa. Pansinin ang mga salitang maysalungguhit. Basahin ang mga pangungusap. 1. Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng akasya. 2. May kaya sa buhay ang napangasawa ni Kadyo. 3. Malalakas ang tahol ng aso. 4. Ang asong niluluto niya ay lumikha ng paso sa kanyang kamay. 5. Nabasag niya ang magandang paso ng halaman. 6. Maluluwang ang taniman ng tubo sa Negros. 7. Maliit lang ang tubo ng perang inilagak niya sa bangko. 8. Bunot na ang pananim. 9. Bunot na halos ang pinto nawasak pa. 10. Pito silang magkakaibigan na taga-Maynila. 11. Binigyan ng tigi-tigisang pito ang mga pulis. Binigkas mo ba ng katulad ng sumusunod ang mga salitang maysalungguhit? 1. buhay – mabilis ang bigkas 2. buhay – malumay ang bigkas 3. aso – malumay ang bigkas 4. aso – mabilis ang bigkas 4. paso – malumay ang bigkas 5. paso – mabilis ang bigkas 6. tubo – mabilis ang bigkas 7. tubo – malumay ang bigkas 8. bunot – mabilis ang bigkas 9. bunot – malumay ang bigkas 10. pito – mabilis ang bigkas 11. pito – malumay ang bigkas 4

Isaisip Mo Magkakaiba ang kahulugan ng ilang salitang iisa ang baybay dahilsa pagkakaiba sa diin ng pagbigkas dito. Nagkakaiba rin ayon sa gamitsa pangungusap.Ngayon, basahin mo ang sumusunod na usapan.Jose: Mataas ang punong iyon. Dahan-dahan ka.Roy: Naku, sanay si Deng umakyat.Jose: Kanina lang umaga umulan.Deng: Hayaan ninyo hahawak akong mabuti.Roy: Sige; hihintayin ka namin doon sa may sapa.Deng: Pumito ka kapag uuwi na tayo. Dali-dali akong bababa.Jose: Umuwi tayo agad pagbaba mo. Maingat na umakyat si Roy. Nagmamadali siyang bumaba nang marinig ang pito ni Jose. Napahawak siya sa isang marupok na sanga. Nabali ito, kasabay nito ang mabilis na paglagpak ni Deng sa lupa. Humahangos na sumaklolo sina Jose at Roy.Pag – aralan ang sumusunod na talahanayan. ABSalitang Naglalarawan Inilalarawan Salitang naglalarawan Inilalarawanmataas puno dahan-dahan umakyatmadulas puno sanay umakyat kaninang umaga umulanmarupok sanga mabuti hahawak sa may sapa hihintayin dali-dali bababa maingat umakyat nagmamadali bumaba mabilis lumagpak humahangos sakloloAling hanay ng salita ang naglalarawan ng pangalan? Alin ang naglalarawan ngpandiwa? 5

Isaisip Mo Ang salitang naglalarawan ng pangngalan ay pang-uri. Ang salitangnaglalarawan ng pandiwa ay pang-abay. Subukin Mo1 Ngayon, basahin mo ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat mo kung pang-uri o pang-abay ang mga salitang may salungguhit. 1. Mabilis na kumalat ang balita na namatay raw si Mang Diego. 2. Nabagsakan daw siya ng malaking bato na nagbubuhat sa mataas na gusaling itinatayo. 3. Kusang-loob na tumulong ang mga taga-nayon upang maipalibing nang maayos ang matanda.2 Isulat sa kuwaderno ang kahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Kita pala ang napakalaking balat ng bata. 2. Nahuli na ang kumuha ng sinturong balat. 3. Halos mahuli na ang manggagawa sa trabaho dahil sa bigat ng dala nitong pala. 4. Malakas pa rin ang kita sa ibinebentang bata. 5. Baka ngayon ay mahuli mo na ang nakawalang baka.3 Piliin mo at isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. ____1. Naubo si Lola sa aso ng sinisigaang dahon. ____2. Hinabol ng aso ang magnanakaw. a. usok b. hayop c. ulap d. hangin 6

____3. Ang paso ay nabasag. ____4, Ang paso ng bata ay napakalaki. ____5. a. lalagyan ng halaman b. pilatIsulat Mo c. sugat d. palayan Sawa na ako sa adobo. Maraming sawa sa kagubatan. a. aso b. hayop c. leon d. di na gusto Basahin mo ang talatang nakakahon. Palawakin mo ito sa pamamagitanng paggamit ng pang-abay.Gawin mo ito sa iyong kuwaderno. Ipinahiram mo ang laruan mong robot sa iyong pinsan. Ngunithindi sinasadyang nahulog ito at nabasag. Nagalit ka sa iyong pinsanat pinilit mong papalitan.Ipakita sa iyong guro ang ginawang talata.Binabati kita at natapos mong muli ang modyul na ito. 7

ANTAS NG PANG-URI Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahangmakagagamit ka na ng iba’t ibang antas ng pang-uri sapaghahambing ng katangian ng tao, bagay, pook atpangyayari.Pagbalik-aralan MoA. Basahin mo ang tula. ANG BATANG MAGALANG (Pinagkunan: Filipino V Wika at Pagbasa)Ang batang magalang, kailanman, saan manKinatutuwaa’t lugod ng sinumanMabining kumilos, salita’y magalangMay kababaang-loob, kilos-mapitagan.Sa loob ng silid ay tahimik siyaPagtawag ng guro “po” ang sagot niya“Ano po iyon Ma’am?” tanong agad niya.“Kung may iniuutos, sabihin po nila.”Sadyang malumanay kung mangusap siyaKung siya’y nakikiusap, “maaari po ba?”Kung may tinatanggap, “salamat po” aniyaAnupa’t magalang ang bawat tugon niya.Piliin mo ang mga pang-uri sa tula at isulat sa sagutang papel.___________ ___________ ____________________ _________ _________Ito ba ang iyong napili?magalang may kababaang-loob tahimikmabini mapitagan malumanayMagaling!!! 1

B. Gamitin mo sa sariling pangungusap ang mga pang-uri sa kahon. Gawin ito sa isang sagutang papel.tahimik mapagmahalmalumanay masayahinmagalang masipagPag-aralan MoA. Basahin mo ang talaarawan sa ibaba. Pag-aralan ang mga salitang may bilog, nakakahon at may salungguhit.Disyembre 16 Unang gabi ng misa de gallo. MalamigDisyembre 18 ang simoy ng hangin. Nakita ko si Lolo Jose,Disyembre 21 Nagmano agad ako sa kanila ni Lola Soledad.Disyembre 23 Pumunta kami sa bagong bahay ni Tiya AidaDisyembre 25 sa Bulacan Mas sariwa ang hangin doon. Di gaanong malaki ang bahay. Binisita namin ni Lola Soledad ang puntod ni Ate Minda. Pinakamalungkot si Lola Soledad habang nagdarasal kami. Di hamak na masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ni Ate Minda. Namista kami sa bayan ni Kuya Mark Magkasinsaya ang pistang ito at ang pista ng San Juan. Ubod ng dami ang mga tao. Pasko na! Nagsimba kami pag-uwi ng bahay nagnoche-buena kami. Napakasaya ng aming pamilya. 2

Anong antas ang mga pang-uring nakabilog? Lantay di ba? Walang nagawangpaghahambing kaya masasabing nasa antas lantay. Nasa anong antas naman ang mga pang-uring nakakahon? May naisagawangpaghahambing ng dalawang bagay/pangyayari kaya ito ay nasa antas pahambing. Ano naman ang antas ng mga pang-uring may salungguhit? Naghahambing dinito subalit ang paghahambing ay mahigit sa dalawa. Pareho ba ito sa naunangdalawang antas? Hindi, di ba? Pagkat ito ay nasa antas na pasukdol.Itala mo ngayon ang mga pang-uri ayon sa hanay sa ibaba:Lantay Pahambing PasukdolKung ganito ang sagot mo, tama ka! Lantay Pahambing Pasukdolmalamig di-gaanong malaki ubod ng dami di-hamak na masakit napakasaya bago magkasinsayaB. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga pang-uring may salungguhit.__________1. Si Richard ang pinakamabait sa tatlong magkakapatid.__________2. Wagas ang pagmamahal ng mga anak sa kanilang magulang.__________3. Di-gaanong malaki ang bahay nila sa nayon di-tulad sa bahay nila sa bayan.__________4. Ang tanawin sa kanilang bukid ay kalugud-lugod.__________5. Magkasintaas ang magkapatid. 3

Ganito ba ang sagot mo? Kung tama, Mahusay ka talaga kid!1. pasukdol 2. lantay 3. pahambing4. lantay 5. pahambingIsaisip Mo May tatlong antas ng pang-uri na ginagamit sa paglalarawanng mga katangian ng tao, bagay lugar o pangyayari. 1. Lantay - katangian ng isang tao, bagay, lugar o pangyayari ang inilalarawan. 2. Pahambing -dalawang bagay, tao, lugar, o pangyayari ang pinaghahambing. 3. Pasukdol - higit sa dalawang tao, bagay, lugar, o pangyayari ang pinaghahambing.Pagsanayan MoGamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-uri.Gawin ito sa sagutang papel.1. pinakamalakas 9. sobrang ganda2. lalong mabisa 10. maingat3. ubod ng yaman4. di-gaanong mabigat5. magkasinlinis6. parehong matapang7. ubod ng liit8. higit na masaya 4

Subukin MoA. Itala sa wastong hanay sa ibaba ang bilang ng mga pangungusap na kinabibilangan ng kaantasan nito.1. Mas magaan ang panyo kaysa balabal.2. Higit na bata si Jerry kaysa kay Freddie.3. Pinkamalusog si Nelson sa tatlong magkakapatid.4. Tahimik na bata si Roel.5. Ako na ang may pinakamagarang bahay dito.6. Higit na maunlad ang bukas na darating.7. Masaya ang buhay sa probinsya.8. Napakahuli na upang magsisi.9. Di masyadong matigas ang ice cream gaya nitong ice drop.10. Kami ay mabuting mamamayan. LANTAY PAHAMBING PASUKDOLMga pangungusap bilang Mga pangugngusap bilang Mga pangungusap bilang_______ ________ at ________ ________ _________, __________ at_______ ________ at ________ _________B. Magtala ng tatlong alagang hayop at ilarawan ito gamit ang iba’t ibang antas ng pang-uri. Kung nagawa mo nang wasto ang mga gawain, binabati kita! Ipakita mo saiyong guro nang malaman mo kung pumasa ka! 5

KAHULUGAN NG SALITA SA PAMAMAGITAN NG KASALUNGAT Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maibibigay mo ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasalungat at makasusulat ng talatang naglalarawan ng isang karanasan. Pagbalik-aralan MoPag-aralan ang puzzle. Bilugan ang mga pandiwang mabubuo. AN I H I NKONAS P I NAGPAPALA I TAASOKAA I N NA I P I TAKT SO O AATRAS I AB I T T SOVT PNPAND UAUMAV L I A S D TUANT POTAL I UOB I ORA I SDD K KWO S N N N O R D AASAABATH I G A T KWA L I S I N O 1

Ganito ba ang nabuo mo? 6. alisin 1. anihin 7. kakain 2. pinagpala 8. pakapitin 3. itaas 9. alis 4. naipit 10. walisin 5. aasa 11. aatrasGumawa ka ng isang maikling kuwento ukol sa iyong karanasan at gamitin moang mga pandiwang nabuo mo sa “puzzle”. Pag-aralan MoBasahin nang tahimik ang kuwento. Ang Unang Tao Bago pa dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan sinasabing maynaninirahan nang iba’t ibang lipi ng mga katutubo rito. Ito ay ang mga Ita,Baluga, Negrito at ang mga Dumagat. Maiitim, kingki ang buhok, sarat angilong, makapal ang labi at pandak. Karaniwan sa kanila ay sa kagubatangmalapit sa dagat at ilog naninirahan. Wala silang palagiang tirahan.Nagpapauli-uli lamang sila sa paghahanap ng pagkain 2

Ngayon, sila ay naninirahan sa isang pamayanan. Nakadamit na sila. Ang mga babae ay nakapalda at blusa at ang mga lalaki ay mga nakasuot ng dyaket. May naninirahan sa kanila sa Quezon, Rizal, Laguna, Bulacan, Tarlac, Bataan at Zambales SAGUTAN: Gamitin ang “Semantic Web” Unang Tao 1. Sino ang unang tao? 2. Ano ang kanilang mga katangian? 3. Saan sila naninirahahan? 4. Paano sila kumakain? 5. Saan sila naninirahan sa ngayon? 6. Kabilang ka ba sa kanila? Bakit?Ganito ba ang iyong sagot? 1. Ita, Baluga, Negrito, Dumagat. 2. Maitim, pandak, sarat ang ilong, makapal ang labi, kingki ang buhok. 3. Naninirahan sila sa kagubatang malapit sa dagat at ilog. 4. Nagpapauli-uli lamang sila sa paligid-ligid. 5. Naninirahan sila ngayon sa Rizal, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac, Bataan at Zambales. 6. Hindi, ang mga magulang ko ay may pirmihang hanapbuhay. 3

Magaling!!! Paghusayin mo pa ang pagsagot sa susunod na gawain.Piliin at isulat sa sagutang papel ang kasalungat ng salitang may salungguhit.1. Mga unang tao ang mga Negrito.a. huling c. isangb. limang d. ninuno2. Watak-watak ang katutubong tribo.a. Sabay sabay c. Hiwa-hiwalayb. Sama-sama d. Bigkis-bigkis3. Pandak ang mga ito.a. Maliit c. Matangkadb. Mataba d. Mabilog4. Malapit sa dagat at ilog ang tirahan.a. Malayo c. Malalimb. Mataas d. Di-kalayuan5. Nagpapauli-uli sa paligid-ligid ang mga kawal.a. Nagpipirmi c. Nagpapalapitb. Nagpapalayo d. Nagpapabalik-balikISAISIP MO Ang kasalungat na salita ay nangangahulugang naiiba okabaligtaran ang kahulugan ng salita. Ito ay isang paraan ngpagpapaunlad ng talasalitaan. 4

Pagsanayan Mo Isipin mong mabuti ang kasalungat ng salita na may kahon. Isulat mo sasagutang papel ang tamang sagot.1. Pambihira ang kagandahan ni Prinsesa Perlita.a. Natatangi c. Karaniwanb. Naiiba d. Payak2. Pakakasalan ng Prinsesa ang sinumang magwawagi sa torneo.a. mananalo c. magtatagumpayb. matatalo d. mananaig3. Tumatawag ang prinsipe sa kanyang mga kapanaliga. kalaban c. kasapib. kasama d. kaaway4. Bunga ng pagkakatalo sa labanan taglay ng Prinsipe ang paghihigantia. pag-aaway c. pagpapaumanhinb. paglalaban d. pakikipagkasundo5. Sumulpot sa karagatan ang isang malaking krus.a. Lumitaw c. Lumubogb. Paglalaban d. Sumilang Ngayon alam na alam mo na ang kasalungat na kahulugan ng mga salita.Gawin mo pa ang mga sumusunod upang lumawak pa ang iyong kaalamansa kahulugan ng mga salita. 5

Subukan Mo Isulat sa kahon ang salita na kasalungat ang kahulugan ng mga salitangmay salungguhit.1. Mabilis ang kunehong tumakbo kaysa pagong.a. mabagal b. matulin c. malalim2. Ipinakita niya ang kanyang a. itinago kabutihang loob sa mahihirap. b. itinabi c, isinara3. Siya ang tagapagmana ng namatay niyang ama. a. nailibing b. nabubuhay c. nagtatago4. Ang ina ang siyang naghahanap-buhay a. tatay para sa kanilang pamilya. b. anak c. nanay5. Nakapagdudulot ng ibayong paghihirap sa bansa ang kamangmangan ng mga mamamayan. a. kagalingan b. katamaran c. kalituhan 6

Isulat moA. Ayusin mo ang mga pangungusap para makabuo ng isang talata. 1. Araw ng Sabado. 2. Maaga akong gumising. 3. Isasama ako ni tatay sa bukid upang magtanim. 4. May dala kaming pagkain. 5. Hapon na kami umuwi. ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________B. Sumulat ng isang talata na kahalintulad ng nasa itaas na ayon sa iyong sariling karanasan. ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ 7

ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makapagbibigay na ng angkop na pamagat sa talata at makagagamit na nang wasto ng malalaking titik sa mahahalagang salita ng pamagat. Pagbalik-aralan MoA. Isulat nang wasto ang salitang may salungguhit. Gumamitng malalaking titik kung kinakailangan.1. Ang Sinulog sa cebu city ay dinarayo ng mga turista at mananampalataya ng ating bansa.2. Ginaganap ito tuwing ikatlong linggo ng buwan ng enero.3. Kasabay ito ng kapistahan ng sto. niño.4. Ayon sa mga taga-Cebu, ang sinulog ay isang uri ng ritwal na sayaw patungkol sa milagrosong imahe ng Sto. Niño.5. ang sayaw raw na ito ang pagsabay sa “sulog” o “agos” ng Ilog Pahina sa Cebu.B. Basahin ang talata. Isulat ang paksang diwa ng talata. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay angmabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay mayinaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis atnag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain atnaghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kungano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.Paksang diwa: ______________________________ 1

Ganito ba ang iyong sagot?A. 1. Cebu City 2. Enero 3. Sto. Niño 4. Sinulog 5. AngB. Ang paksang diwa ng talata ay pagiging maasikaso sa mga panauhinPag-aralan MoA. Basahin ang talata. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna salarangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhanang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok.Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan. Ano ang paksang diwa ng talata? __________________________ Ganito ba ang iyong sagot? Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan. Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata? _____________________________________ Ang pamagat ng talata ay: “Ang Pilipino : Likas na malikhain” Magkatulad ba tayo ng pamagat? Nakatulong ba sa iyo ang paksang diwa ng talata sa pagbibigay ng angkop na pamagat?Anong salita sa pamagat na “Ang Pilipinas : Likas na Malikhain”, angsinimulan sa malaking titik?__________ __________ __________ __________Tama ka! Ang Pilipinas Likas MalikhainBakit sinimulan sa malalaking titik ang mga ito?____________________________________Oo, ang mga ito ay mahahalagang salita. Ang Ang ay simula ng pamagat.Alin naman ang hindi sinimulan sa malaking titik? _____________________Ang na ay hindi isinulat sa malaking titik dahil hindi ito mahalagang salita. 2

B. Narito ang isa pang talata. Basahin at isulat ang paksang pangungusap. Ito ay maaring matagpuan sa una, sa gitna, o sa hulihang pangungusap. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.Ano ang paksang pangungusap? _______________ Piliin ang angkop na pamagat a. Tradisyon ng mga Pilipino b. Kapistahan ng mga Pilipino c. Ang Bayanihan d. Mga Kapistahan sa lalawiganAng iyong sagot ba ay a? Tama ka!Sinimulan bang lahat sa malalaking titik ang bawat salita sa pamagat?Bakit hindi isinulat sa malalaking titik ang ng mga? _______________C. Basahin mo pa ang kasunod na talata. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan. Piliin mo nga sa ibaba ang angkop sa pamagat ng talata? a. Ang Pamilyang Pilipino b. Ang Pamilya c. Ang Problema sa Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya Tama ka! Ang pamilyang Pilipino ang angkop na pamagat ng talata. Lahat ba ng salita sa pamagat ay sinimulan sa malalaking titik? ___________ Kung ang iyong sagot ay oo, tama ka! 3

Isaisip Mo Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna ang paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ngpamagat. Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata okuwento. Ang paksang pangungusap ang pinagtutuunan ng mga detalye upangmabuo ang pangunahing diwa ng talata o kuwento. Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat ngtalata o kuwento. Ang unang salita sa pamagat ay sinimulan din sa malakingtitik.Pagsanayan MoA. Piliiin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata.1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.a. ang niyog c. Ang mga Gamit ng Niyogb. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog2. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa. a. Ang kawanihan ng Rentas Internas b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas c. Ang kawanihan ng internas rentas d. ang kawanihan ng internas rentas 4

B. Bigyan ng angkop na pamagat ang talata: 1. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban. 2. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalung-lalo na sa mga araw ng pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santakrusan. Kahit na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom. Ganito ba ang iyong sagot sa pagsasanay A? A. 1. b 2. b B. Maaari kang magkaroon ng sarili mong pamagat. Ang ibibigay mong pamagat ay maaaring ganito. 1. Lapu-lapu, Bayaning Pilipino 2. Tandang Sora : Ina ng mga Katipunero Subukin MoBasahin mo ang talata sa ibaba.Isulat ang sagot sa sagutang papel.1. Isa sa mga naging mahalagang personalidad sa People Power ay si Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga kay dating Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Pangulo ng bansa. Nakamit rin niya ang Ramon Magsaysay Award para sa paglilingkod sa pamahalaan noong 2002, dahil sa kanyang mahusay na serbisyo. Ano ang angkop na pamagat ng talata? Isulat mo ito nang wasto. 5

2. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas. Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________3. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakakadalo sa Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka. Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________4. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan. Ang angkop na pamagat ng talata ay ____________________5. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang nakaimbento ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang Amerika para lamang ibenta ang kanyang imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng kanyang hangaring makatulong sa ating bayan. Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________ Ganito ba ang iyong mga sagot? 1. Hilario G. Davide Jr, kilalang Punung-hukom 2. Bitamina A 3. Ang Kapistahan ng Our Lady 4. Sa Puerto Galera 5. Pablo Planas, isang Peñafrancia Nakapagbigay ka ba ng angkop na pamagat? Ipakita ang iyong sagot sa iyong guro. Mabilis ang iyong pagkatuto. Binabati kita! 6

ASPEKTO NG PANDIWA BATAY SA PANLAPING GINAMIT Magandang araw sa iyo! Kapag natapos mo ang modyul na ito masusuri mo naang mga pagbabago sa anyo ng pandiwa batay sa aspekto ngpanlaping ginagamit.Pagbalik-aralan MoA. Naaalala mo pa ba ang mga ginawa mo kaninang umaga? Ano naman ang ginawa mo ngayon? Ano naman ang gagawin mo mamaya? Itala mo sa hanay sa ibaba. Ginawa ko Ginagawa Gagawinkaninang umaga ko ngayon ko mamayaMasipag ka palang bata. Marami ka palang kayang gawin. Ipagpatuloy mo! 1

B. Iayos ang mga titik upang makabuo ng pandiwa.1. t a w u m i (ginagawa mo kapag itinataas ang watawat)2. a g m a b a s (may hawak kang aklat)3. s m a l u t u (may pinakopya ang guro)4. i d i n i l g i d (ginagawa mo tuwing umaga sa mga halaman)kung ganito ang sagot mo, tama ka!1. umawit2. magbasa3. sumulat4. dinidiligPAG-ARALAN MOHalika na Ben. Para ano?Tayo nang Huhuli bapumunta sa ilog tayo ng isda? Bahala na! Pero sa isang basta kundisyon, hindi sumama tayo maliligo. ka sa akin 2

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno. 1. Saan nais pumunta ng dalawang bata? 2. Ano ang gagawin nila doon? 3. Ano ang hinihinging kundisyon ni Ben?Ganito ba ang sagot mo?1. Sa ilog2. huhuli ng isda3. hindi sila maliligoAnu-ano ang mga pandiwang nabanggit sa dayalogo?Isulat mo ito sa hanay sa ibaba. Pandiwang Salitang ugat PanlapiGinagamit sa dayalogo punta um pumunta sama um sumama huli hu ligo ma huhuli malilligo Magaling! Napatunayan mo na ang pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.B. Ngayon ay pansinin mo at suriin ang pagbabago sa anyo ng pandiwa. Salitang ugat Ginanap Ginaganap Gaganapin1. lakad naglakad naglalakad maglalakad2. kuha kumuha kumukuha kukuha3. isulat sumulat sumusulat susulat4. luto niluto niluluto lulutuinNapansin mo ba ang pagbabago sa anyo ng mga pandiwa batay saaspekto at panlaping ginagamit tulad ng: Naglakad – ang nag ay naging mag sa aspektong gaganapin at inuulit ang pantig na la sa aspektong ginaganap. 3

Ganyundin din sa sumusunod pang pandiwa. Ano ang pagbabago sa anyo ng pandiwang kumuha? sumulat? niluto? Tama ba ang iyong pagsusuri? Magaling!C. Isulat ang pandiwang nawawala ayon sa aspekto nito: Ginanap Ginaganap Gaganapin darating1. kinalimutan nagdarasal2. sinasakop3.4. tumakbo5.Mahusay ka, kung ganito ang sagot mo. Ginanap Ginaganap Gaganapin kinakalimutan kakalimutan1. magdarasal2. nagdasal dumarating3. dumating tumatakbo tatakbo4. sasakupin5. sinakop ISAISIP MO Aspekto ang tawag sa katangian ng pandiwa na nagsasaad ng isang kilosna naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang. May tatlong aspekto ang pandiwa. 1. Naganap na – ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi o gitna ng salitang-ugat lamang. Halimbawa - maglaro 2. Nagaganap – ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi sa unahan o gitna ng salitang-ugat at pag-uulit ng unang pantig sa salitang-ugat. 4

Halimbawa - naglalaro3. Gaganapin pa lamang– ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi sa unahan o hulihan ng salitang-ugat at pag- uulit sa unang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa - maglalaro Pagsanayan Mo Piliin ang mga pandiwang ginagamit sa talata. Isulat ang panlapi ataspekto nito sa iyong sagutang papel. Minsan, isinama ako ni Lolo sa bukid. Masaya sa bukid habangnagtatanim ang mga tao. May tumutugtog ng gitara at may umaawit.Mahusay ka, kung ganito ang sagot mo.Pandiwa Aspekto Panlapi - inisinama - ginanap - nag - umnagtatanim - ginaganap - umtumutugtog - ginaganapumaawit - ginaganapSUBUKIN MOHanda ka na ba sa isa pang pagsubok?Piliin mo sa panaklong ang angkop na pandiwa sa pangungusap. 1. Labis na (natuwa, natutuwa, matutuwa) ang magulang ni Gloria nang tumanggap siya ng medalya noong nakaraang pagtatapos. 2. (Uminom, Umiinom, Iinom) ng gamot si Aling Aida gabi-gabi. 3. Ang aming pamilya ay (nagbakasyon, nagbabakasyon, magbabakasyon) sa Antipolo sa susunod na Linggo. 4. Ang lalawigan ng Quezon ang (itinuring, itinuturing, ituturing) na pinakamahabang lalawigan sa PIlipinas. 5. (Umawit, Umaawit, Aawit) ang mga kinatawan ng bawat Sangguniang Kabataan sa darating na pista ng bayan. 5

Ganito ba ang iyong mga sagot:1. natuwa2. Umiinom3. magbabakasyon4. itinuturing5. AawitKung di mo nakuha ang lahat ng tamang sagot, balikan mo ang pagsubok.Tingnan ang nagawang pagkakamali. Kung okey naman, matagumpaymong natapos angmodyul na ito.Binabati kita. 6

IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITAMagandang araw, kaibigan! Narito na naman ako upang samahan ka sa iyong pag-aaral upang sa katapusan ng modyul na ito ay inaasahang: Nagagamit mo na ang mga pandiwa sa iba’t ibang aspektonito Nakasusulat ka na ng maikling balita tungkol sapangyayaring nagaganap sa paligid Pagbalik-aralan MoMay tatlong aspekto ng pandiwa Alam kong napag-aralan mo na ang mga ito. Pagusapan natingmuli bilang paghahanda sa mga susunod na aralin. • Ang aspektong pangnagdaan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyari o naganap na. Hal. Si Ramon ay nagkasakit ng tuberculosis. • Ang aspektong pangkasalukuyan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyayari o nagaganap. Hal. Siya ay nagpapagamot sa Ospital ng Maynila. • Ang aspektong panghinaharap ng pandiwa ay kilos o galaw na hindi pa nangyayari o nagaganap. Hal. Iinom siya ng gamot at kakain ng masusustansyang pagkain upang gumaling sa kanyang karamdaman. Subukin natin ang iyong kakayahan sa pagkilala ng mga pandiwa saiba’t ibang aspekto. 1

Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutangpapel ang pandiwa at isulat ang aspekto.1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.2. Lumutang sa tubig baha ang mga plastic at iba pang basura.3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan.4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi makaabala sa lansangan.6. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao.7. Isinasakay sa balsa ang mga taong nalubog sa tubig-baha ang kanilang mga tahanan.8. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na pagdadalhan sa mga taong nasalanta ng bagyo.9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga biktima ng kalamidad.10. Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa mga biktima. Pandiwa Aspekto1.2. -3. -4. -5. -6. -7. -8. -9. -10. - -Iwasto mo ang iyong mga sagot. Ganito ba ang iyong sagot?Pandiwa Aspekto 1. nagdulot - pangnagdaan 2. lumutang - pangnagdaan 3. nalubog - pangnagdaan 4. naiwan - pangnagdaan 5. itinutulak - pangkasalukuyan 6. isinasakay - pangkasalukuyan 7. pagdadalhan - panghinaharap 8. maghahanap - panghinaharap 9. maghahandog - panghinaharap10. mangangalap - panghinaharap 2

Basahin aBnagsakhuwineNnatoti.nIpagpatuloy mo ang iyong pag-aaral.Ngayon ay handa ka na sa ating aralin. Basahin ang usapan.Julie: Pangalagaan ang kapaligiranMon: Mon, nabalitaan mo ba na pinayagang muli ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar ng bansa?Julie: Nabasa ko nga sa isang kolum ng pahayagan.Mon: Kaya nga laganap na naman daw ang pagtotroso sa mga lugar na iyon.Julie: Libu-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.Mon: Hindi ba nila nauunawaan ang epekto ng pagpuputol ngJulie: puno sa kabundukan? Wala nang pipigil sa tubig na aagosMon: mula sa mga kabundukan tuwing uulan. Aagos angJulie: tubig sa mababang lugar at tiyak na babaha sa kapatagan. Maaaring mangyari sa atin ang naganap sa Quezon, AuroraMon: at Nueva Ecija, di ba? Oo,at hindi lamang tubig ang darating sa atin. Maging putik at bato ay dadaloy sa ating pamayanan. Tama ka. Maiiwasan ito kung tayo ay magtutulungan. Sige, tutulong ako, Magtatanim ako ng mga punungkahoy. Tinutulungan ko si Tatay sa kanyang mga itatanim na puno. Dinidiligan ko ang mga ito araw-araw. Babakuran ni kuya ang mga ito. Mabuti yan, gagaya na ako sa iyo. Siguro gagaya na rin ang iba nating kamag-aral.Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang nabasa ni Mon sa pahayagan? 2. Ano ang epekto ng malawakang pagputol ng mga puno? 3. Paano maiiwasan ang mga kalamidad na dulot nito? 4. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran? 3

Ganito ba ang iyong sagot? 1. Nabasa ni Mon na ibinalik na ng DENR ang pagtotoroso sa ibang lugar sa bansa. 2. Ang malawakang pagputol ng puno ay nagdudulot ng pagbaha at pagdaloy ng putik at bato sa mga mababang lugar. 3. Maiiwasan ang mga kalamidad na dulot ng pagbaha kung tayo ay tulung-tulong na magbabantay sa ating mga kabundukan. Ipagbawal ang pagputol ng mga puno. Magtanim ng mga batang puno. 4. Maraming paraan upang makatulong ka sa pangangalaga ng kapaligiran. Maaari kang magkaroon ng iba pang sagot. a. Magtanim ng mga punungkahoy. b. Itapon nang wasto ang basura. c. Panatilihing malinis ang paligid. d. Iwasan ang pagsusunog ng basura at pagsisiga.Pagpapahalaga Hindi lamang malawakang pagputol ng mga punungkahoy ang sanhi ng pagbaha. Paano ka makakatulong upang maiwasan ang mga kalamidad na dulot ng kalikasan? Pagsanayan Mo Basahin mong muli ang mga pangungusap na hango sa usapan. Pansinin ang mga pandiwang ginamit at ang aspekto ng mga ito. 1. “Nabalitaan mo ba na ibinalik na ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar sa bansa?” 2. “Nabasa ko nga sa isang kolum sa pahayagan.” 3. “Libu-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.” 4. “Hindi ba nila nauunawaan na kapag ang mga puno sa kabundukan ay naputol, wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mga kabundukan tuwing uulan.” 5. Aagos ang tubig sa mababang lugar sa kapatagan at tiyak na babaha. 4

Itala sa iyong sagutang papel ang mga pandiwa at isulat angaspekto ng mga ito. Pandiwa Aspekto__________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ __________________ Maaari ba nating gamitin sa pgsasalaysay ang iba’t ibang aspektong pandiwa? Oo, tama ka!Ganito ba ang iyong sagot? Pandiwa Aspektonabalitaan pangnagdaanibinalik pangnagdaannabasa pangnagdaanmakakalbo panghinaharapnauunawaan pangnagdaannaputol pangnagdaanpipigil panghinaharapaagos panghinaharapuulan panghinaharapmagtutungo panghinaharap Wasto bang lahat ang iyong sagot? Alam kong kayang-kaya mo ito. Bukod sa pagsasalaysay, magagamit ba natin ang iba’t ibangaspekto ng pandiwa sa pagsulat ng balita? Oo, maaari rin nating magamitang mga ito, di ba?Isaisip Masasabing sa pagsulat ng balita at pagsasalaysay, magagamitnatin ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa. 5

Pagsasanay Pera sa Basura Patuloy na namumulot ng basura para may ikabuhay ang ilang residente ang Barangay Cyterus, San Jose Del Monte City, Bulacan sa ginawang dumpsite. Hindi naman alintana ng mga residente ang nakaambang panganib sa kanilang kalusugan.Tingnan mo ngayon kung makakabuo ka ng mga pandiwa sa iba’t ibangaspekto.Gamitin ang balangkas na ito upang magkaroon ng patnubay sa pagsulatmaaari kang magdagdag ng iba pang kaisipang kaugnay sa paksa. 6

itinapon sa lansangan basurang pakikinabangan maaaring ipagbili Basurakaraniwang magandanakikita at malinis na kapaligirantaong hindi nagmamalasakit mapananatili natin ang kalinisan mapapanatili natin ang kagandahan ng paligidIsulat mo ang iyong talata sa iyong sagutang papel ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Pera sa Basura Bawat isa sa atin ay naghahangad na makapamuhay sa isang magandaat malinis na kapaligiran. Makakamit natin ito kung tayo ay magtutulung-tulong magsinop ng ating mga basura. Ang mga basurang karaniwangnakikita sa mga lansangan ang nagpapapangit sa ating kapaligiran. Alam moba na maaaring ipagbili ang mga basurang itinapon sa lansangan? Kungpuputulin o itatabi ang mga basurang pakikinabangan pa, nakatutulong tayosa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paligid. Bukod dito, maaari pangpagkakitaan ang mga basura. O, kid, nakasulat ka ba ng talata tulad ng aking isinulat? Ngayon, handaka na ba sa ating pangwakas sa gawain? 7

Subukin ang sariliTingnan ang larawan. Sumulat ng isang balita tungkol dito. Dahil sa matinding init ng panahon, hindi na alintana ng mgabatang ito ang masamang maaaring maidulot sa kanilang kalusuganng maruming tubig sa Navotas. Narito ang ilang katanungan na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng balita. 8

1. Ano ang kalagayan ng ilog? 2. Bakit naging marumi ang ilog? 3. Ano ang epekto ng maruming tubig sa mga isda at sa kalusugan ng mga batang naliligo? Natutuwa ako at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito.Inaasahan kong natutuhan mo ang mga kasanayang nakapaloob dito. Hanggang sa susunod na modyul! Paalam! 9

KAYARIAN NG PANGUNGUSAP/PAGSULAT NG REAKSYON Kamusta ka na? Magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito inaasahan na matututo kang gumamit ng mga uri ng pangungusap ayon sa kayariang payak, tambalan at hugnayan; magbigay ng sariling palagay sa mga pangyayari, at makasulat ng reaksyon sa isang natatanging pangyayari sa binasa kaugnay ng mga pagbabagong nagaganap sa pamumuhay sa bansa. Pagbalik-aralan Mo Natatandaan mo pa ba ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian? Tingan mo nga kung kaya mong sagutin ang pagsasanay sa ibaba. Isulat sa mansanas ang bilang ng payak na pangungusap, sa mangga ang bilang ng tambalang pangungusap at sa bayabas naman ang bilang ng hugnayang pangungusap. 1. Nasa loob ng silid-aralan ang mga mag-aaral. 2. Ang pangkat A at pangkat B ay nag-ulat sa klase. 3. Kung manalo kami tiyak na masaya rin kami. 4. Ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan. 5. Tutuloy tayo kung darating siya. 6. Mabuting katangian ang pagiging matulungin. 7. Dahil sa kanyang katapatan, ginantimpalaan si Faye ng kanyang guro. 8. Naglilinis ang kuya habang nagluluto ang ate. 9. Pinupuri nila ang magaling na madyikero sa husay nitong magmadyik. 10. Hinuhuli nila ang mga isnatser at tinuturuan nila ng marangal na hanapbuhay. 11. Sinubukan nilang manood ng palabas ngunit di sila makasiksik sa dami ng tao. 12. Alam nila ang gagawin ngunit di nila masundan ang plano. 1


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook