Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI V Volume 1

HEKASI V Volume 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:16:17

Description: HEKASI V V1

Search

Read the Text Version

HEKASI V Volume 1

GRADE VPROYEKTO: PAMAHALAANG BARANGAY NG UNANG PILIPINO ALAMIN MO Ikaw ay kasama sa isang barangay ngayon. Marahil kilala mo kung sino-sino angnamamahala sa inyong barangay. Alam mo ba na maraming pinagdaanang pagbabago sa pamamahala ng mgapamayanan magmula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan? Ang modyul na ito ang tutulong sa iyo sa paglalarawan ng pamahalaan ng mgaunang Pilipino. Kabilang sa modyul na ito ang mga kaalaman ukol sa pinagmulan ngbarangay, pagpili ng pinuno, mga katungkulan at kapangyarihan ng pinuno, angtumutulong sa pinuno para maayos ang pamayanan at uri ng paglilingkod ng mga kasapisa pamayanan. Sa lahat ng gawain intindihing mabuti ang binabasa at sumunod sa mga panuto.Isulat sa kwaderno ang mga sagot sa bawat gawain.PAG-ARALAN MO Ang mga pamayanan, maliit man o malaki ay kinakailangang may namamahaladahil may mga batas na pinaiiral dito. Ang pinuno at mga kasapi ay may kanya-kanyangtungkulin at pananagutan para mapanatili ang kaayusan sa pamayanan. Tatalakayin natin ngayon ang pamamahala ng unang Pilipino.A. Ano ang pinagmulan ng barangay? HKS 5 M-1

Pagmasdang mabuti ang larawan at basahin ang teksto. Ang Pinagmulan ng Baranggay Ayon sa kasaysayan, ang mga Malay na dumating sa ating bansa aynakasakay sa isang bangka tulad ng nakalarawan. Ang tawag sa bangkang ito aybalangay. Ang mga taong nakalulan sa balangay ay pumili ng lugar at nagtatag ngisang pamayanan at tinawag itong barangay. Ang salitang barangay ay tumutukoy sa pinakamaliit na uri ng pamamahalasa sinaunang pamayanang Pilipino. Tumutukoy rin ito sa mga pangkat ngmagkakamag-anak o angkan. Ang isang barangay ay binubuo ng 30 hanggang 100pamilya. Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang isang titik o bilang sa isang kahon. 1. Ano ang tawag sa bangkang ginamit ng mga Malay na dumating sa bansa? L 2. Ano ang tawag sa uri ng pamamahala sa pamayanan ng unang panahon? R 3. Ilan ang pinakamaliiit na bilang ng pamilyang bumubuo ng isang barangay? HKS 5 M-1

4. Ilan ang pinakamalaking bilang ng pamilyang bumubuo ng isang barangay? B. Sino ang namuno sa isang barangay? Ano ang tungkulin niya bilang pinuno? Gaano kalawak ang kanyang kapangyarihan? Pagmasdang mabuti ang nakalarawan at basahin ang teksto. Tungkulin at Kapangyarihan ng Isang Pinuno Ang isang barangay ay pinamumunuan ng isang datu. Ang pagiging datu aynatatamo sa pamamagitan ng mana, karunungan, kayamanan, kapangyarihangpisikal, pagkakamag-anak o gulang. Ang datu ang pinunong tagapagpaganap,mambabatas at tagahukom sa barangay. Tungkulin ng datu na pangalagaan angmga alagad at ibigay ang kanilang pangangailangan. Ang anumang kapansanangdulot ng ibang barangay sa isang kasapi ay nangangahulugan ng pakikipaglaban opakikidigma. Ang datu ay makapangyarihan. Maaari niyang parusahan ang suwail naalagad o kunin ang mga ari-arian nito. Maaari rin siyang magpakita ng kabaitan atpakikipagkapwa sa mga nasasakupan. Palagi niyang ipinadarama ang kahalagahanng pagtutulungan at pagkakaisa sa barangay Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa kwaderno. 1. Ano ang tawag sa pinuno ng isang barangay? 2. Paano natatamo ang pagiging datu? HKS 5 M-1

3. Paano ipinapakita ng isang datu na siya’y makapangyarihan? 4. Paano ipinapakita ng isang datu ang kanyang kabaitan?C. Hindi makakaya ng isang datu ang lahat ng kanyang tungkulin na nag-iisa. Sino- sino ang tumutulong sa kanya? Matutunghayan mo sa tsart sa ibaba ang mga taong tumutulong sa datu. Mga Tumutulong sa Datu Tawag sa may Tungkulin Katungkulan Nangangasiwa sa mga gawaing1. Babaylan panrelihiyon Halimbawa: A. Panghuhula B. Pagsamba sa mga anito C. Pag-aalay para gumaling ang maysakit2. Panday Namamahala sa paggawa ng mga kasangkapang kinakailangan ng barangay. Halimbawa: A. kagamitan sa pagtatanim B. kagamitan sa pangangaso C. kagamitan sa pakikidigma3. Lupon ng Matatanda Nagbibigay ng payo sa datu tungkol sa: A. gagawing batas B. paglilitis sa mga kaso C. pagpapahayag ng digmaan D. pagpapatupad sa mga batas E. pakikipag-ugnayan sa ibang barangay HKS 5 M-1

Sagutin ang tanong. Isulat sa kwaderno ang mga sagot. Bakit kailangan ng datu ang babaylan? Panday? Lupon ng matatanda? Hindi lamang datu, babaylan, panday o Lupon ng Matatanda ang mga maykatungkulan sa barangay. Ang mga kasapi ay may katungkulan din. Nagbibigay ang mga kasapi ng iba-ibang uri ng paglilingkod sa datu. Nagbibigaysila ng buwis sa pamamagitan ng ani o anumang produkto. Naglilingkod sila sa panahonng digmaan, paglalayag, pagtatanim, pag-aani at pagpapatayo ng bahay. Sagutin ang tanong. Isulat sa kwaderno ang sagot. Bakit kinakailangang maglingkod ang mga kasapi ng isang barangay sa datu? PAGSANAYAN MO Gumawa ng isang graphic organizer sa tulong ng mga palatandaan na nakasulat saloob ng panaklong ( ). Ang unang bilang ay ginawa na para maging halimbawa. HKS 5 M-1

A. Mga nanungkulan sa pamahalaan ng unang Pilipino.1. BARANGAY (Tawag sa pamahalaan ng unang Pilipino) 2. ________________ (Tawag sa pinuno)3. ________________ 4. ________________ 5. ________________ (Namuno sa gawaing (Namahala sa paggawa (Lupon na tagapayo ukol Panrelihiyon) ng mga kasangkapan) sa batas, digmaan at pakikipag-ugnayan) HKS 5 M-1

B. Tungkulin at kapangyarihan ng datu.1. DATU2. (Pinuno ng barangay) A. Paraan upang maging B. datu C. D. E. F.3. Tungkulin ng datu 4. Kapangyarihan ng 5. Pagpapakita ng kabutihan datu A. A. B. A. B. C. B. C. C. HKS 5 M-1

C. Iba-iba ang uri ng paglilingkod na ibinibigay ng mga kasapi sa barangay. Punan ng bawat bilog ng isang uri ng paglilingkod. 1. Pagbabayad ng 6. buwis 2. Mga uri ng paglilingko d mula sa kasapi ng 5. barangay 3. 4.D. Sagutin ang word puzzle. Isulat sa loob ng bawat kahon ang angkop na titik para mabuo ang sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot. 2. 1. B A 3. T A 4. Y5.1. tawag sa pamahalaan ng mga unang Pilipino2. namamahala sa mga gawaing panrelihiyon3. pinuno sa barangay4. mga taong bumubuo sa lupain ng tumutukoy sa pinuno5. namamahala sa paggawa ng mga kasangkapan. HKS 5 M-1

TANDAAN MO Ang barangay ng mga sinaunang Pilipino ay pinamumunuan ng datu. Ang barangay ay binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya. Malawak ang kapangyarihan ng datu. Siya ang mambabatas, tagapagpatupad ng batas at tagahatol. Ang kasapi ng barangay ay kinakailangang maglingkod sa barangay sa panahon ng pagtatanim, pag-aani, digmaan, paglalayag at pagpapatayo ng bahay.ISAPUSO MO Kung ikaw ay nabubuhay na noong panahon ng mga unang Pilipino, alin ang pipiliin mo – maging datu o maging kasapi ng isang barangay bakit? Kung ang pinili mo ay maging datu, ipaliwanag kung paano mo ipatutupad ang mga batas sa barangay. Kung ang pinili mo ay maging kasapi ng isang barangay, ipaliwanag kung paano ka magiging produktibong mamamayan. HKS 5 M-1

GAWIN MO Gaano mo kakilala ang iyong barangay? Kapanayamin ang sinuman sa mgananunungkulan sa barangay tungkol sa sumusunod: 1. pangalan ng barangay: 2. lokasyon: 3. sino-sino ang namumuno sa barangay? 4. ano-ano ang suliranin sa barangay? 5. paano ka makatutulong sa iyong barangay?PAGTATAYAIsulat ang titik ng tamang sagot sa kwadernong sagutan.1. Alin ang pinagmulan ng salitang barangay?A. Balaghay A. BalangayB. Balanhay B. Balanghay2. Ano ang tawag sa pamahalaan ng unang Pilipino?A. Balangay C. PamahayanB. Barangay D. Pamayanan3. Sino ang namamahala sa mga gawaing panrelihiyon sa pamayanan?A. datu C. babayanB. panday D. kagawad4. Sino ang namamahala sa paggawa ng mga kagamitan sa barangay?A. datu C. babaylanB. panday D. kagawad5. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng datu? A. tagahukom B. tagapagkasundo HKS 5 M-1

C. tagagawa ng batasD. tagabayad ng buwis6. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng kasapi? A. magbayad ng buwis B. maglingod kung may digmaan C. pagpataw ng parusa sa may sala D. tumulong sa pagpapatayo ng bahay7. Aling lupon ang tumutulong sa datu sa paglilitis ng mga kaso?A. panday C. kabataanB. babaylan D. matatanda8. Ilang pamilya ang bumubuo ng isang barangay?A. 10-20 C. 30-100B. 20-50 D. 40-1509. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kapangyarihan ng isang datu? A. pagbibigay ng armas B. pagpapakita ng mabuting ugali C. pagkuha ng ari-arian ng nagkasala D. pagpapahalaga sa mga kasangkapan10. Sino sa mga sumusunod ang pinupuntahan ng mga kasapi na may sakit?A. datu C. pandayB. babaylan D. kapitan PAGPAPAYAMANG GAWAIN Magtanong sa kapitan ng inyong barangay tungkol sa mga tungkulin ng datunoong unang panahon. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-1

HKS 5 M-1

GRADE V PROYEKTO: PAMAHALAANG SULTANATO ALAMIN MO Sa naunang modyul ay napag-aralan mo ang simula ng barangay at kung paanoang pamamahala sa mga pamayanan noon. Sa modyul na ito mapag-aaralan ang tungkol sa pamamahala sa mga pamayanansa Sulu at Maguindanao mula 1450 hanggang 1915. Sa lahat ng gawain, intindihing mabuti ang binabasa at sumusunod sa bawatpanuto. Isulat mo sa iyong kwadernong sagutan ang mga sagot sa bawat gawain. PAGBALIK-ARALAN MO Sa nakaraang modyul ay napag-aralan mo ang tungkol sa pamahalaang barangayng mga unang Pilipino. Pagbalik-aralan mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ngpagsagot sa mga tanong sa ibaba. 1. Ang pinuno ng sinaunang barangay ay ang __________. 2. Ang mga barangay noon ay binubuo ng 30 hanggang __________ na mag-anak. 3. Ang namamahala sa mga gawaing panrelihiyon ay ang _________. 4. Ang namamahala sa paggawa ng mga kasangkapan ay ang __________. 5. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng isang pinuno? Isang kasapi? A. pag-aari B. paggawa ng bahay C. pagbibigay ng batas D. pagbibigay ng hatol E pagbabayad ng buwis F. pakikipagkasundo sa ibang datu HKS 5 M-2

PAG-ARALAN MO Pagkatapos mong mapag-aralan ang tungkol sa barangay noong unang panahon,magpunta naman tayo sa Sulu at pag-aralan natin ang pamamahala roon. Masdan mo anglarawan at basahin ang teksto. Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon nang maliliit napamayanang tinatawag na banwa sa Sulu. Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mgadatu o raha. Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta sa Sulu. Noonglumaon pinakasalan niya si Paramisuli na anak ni Raha Baginda. Nang mamatay si RahaBaginda, si Abu Bakr ang humalili sa kanya bilang ng sumatra. Sa pamumuno niya,pinag-isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu. Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng isang sultan. Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu. HKS 5 M-2

Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya angpunong tagapagpaganap, hukom, tagapagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mgamandirigma. Dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan ng isang sultan, siya at tinutulunganng ruma bichara, kadi, ulama, panglima, pandita at imam. Ang ruma bichara ay isang lupon ng tagapayo na binubuo ng raha muda otagapagmana ng sultan, maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng sultan, mgadatung mayayaman at makapangyarihan, sharif at iba pang taong iginagalang.Tinatalakay at pinagpapasyahan ng lupon ang mga bagay na may kinalaman sa batas,pananalapi at pangangalakal. Ang kadi ay isang tao na nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran attinitiyak niya na hindi labag sa aral ng Islam ang mga batas. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon. Ang panglima ay mga pinunong tagapaganap ng Sultan o tagapagpatupad ng mgabatas na pinagtibay na sa mga masjid o distrito. Sila ang may kapangyarihang maningilng buwis. Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima. Ang imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng mga distrito. Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t ibang pangkatetniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao. Nasa ilalim ng pangangasiwang sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi, Basilan, dulong timog ng Zamboanga, Palawan atSabah na nasa dulong hilaga ng Malaysia. Tumagal ng limang dantaon ang sultanatongito. Noong 1475, dumaong sa Cotabato ang misyoneryong Sharif Kabungsuan, mulasa Johare, Malaysia. Napangasawa niya ang isang prinsesa ng Cotabato. Siya ang unangsultan ng Maguindanao. Kasabay ng pagtatag ng mga sultanato ang paglaganap ng relihiyong Islam. Angpamahalaan ay naging sentralisado at matatag dahil sa pangangasiwa ng iisangmakapangyarihang pinuno. Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na barangay tungo sapagkakaisa. HKS 5 M-2

PAGSANAYAN MOA. Ilahad ang pamahalaang Sultanato sa pamamagitan ng pagpuno ng datos sa kahon. Pinuno Pamahalaang Sultanato Tungkulin1. Sultan2. ruma bichara3. kadi4. ulama5. panglima6. pandita7. imamB. Sagutin ang bawat tanong. Isulat sa kwadernong sagutan ang iyong sagot. 1. Paano naging raha si Abu Bakr? 2. Paano nabuo ang sultanato ng Sulu? 3. Bakit kinakailangan ng sultan ang mga katulong sa pangangasiwa ng sultanato? HKS 5 M-2

TANDAAN MO Ang pamahalaang sultanato ay pinamumunuan ng sultan. Lumaganap ang sistemang sultanato kasabay ng paglaganap ng Islam. ISAPUSO MO Sa iyong palagay, mas mabisa ba ang pamamahala sa sultanato kaysa sa inyongbarangay sa kasalukuyan? Bakit?GAWIN MO Ihambing ang pamahalaang sultanato sa pamahalaang barangay ngayon. Punanang tsart sa ibaba. Palatandaan Sultanato Barangay1. Tawag sa pinuno2. Tawag sa mga taong may katungkulan3. Tungkulin ng pinuno4. Tungkulin ng tagasunod HKS 5 M-2

PAGTATAYAIsulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ni Abu Bakr? A. Sulitanya B. Sultaniko C. Sultanato D. Sulbatana 2. Ano ang tawag sa pinuno ng sagot mo sa bilang 1? A. Datu B. Raha C. Sultan D. Pandita 3. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng Sultan? A. Hukom B. Tagapayo ukol sa relihiyon C. Nangangasiwa ng mga distrito D. Tagapagpatupad ng mga batas na pinagtibay na. 4. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa sultanato ng Sulu? A. Palawan at Sulu B. Maranao at Lanao C. Tawi-tawi at Basilan D. Sabah at Timog ng Zamboanga 5. Alin ang HINDI naglalarawan ng pamahalaang sultanato? Ang pagkakaroon ng __________. A. Tagapayong panrelihiyon B. Bukod na tagapatupad ng batas C. Pantay na kapangyarihan ng lahat D. Kaugnayan ng relihiyon sa paraan ng pamamahala HKS 5 M-2

PAGPAPAYAMANG GAWAIN1. Tignan ang mapa ng Pilipinas. Sa mga lalawigan na kasama sa Sultanato ng Sulu, aling lalawigan ang makikita sa pulo ng Luzon?2. Tignan ang mapa ng Pilipinas na may kasamang ibang bansa sa Asya. Aling banyagang bansa ang napasama sa Sultanato ng Sulu? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-2

GRADE VPROYEKTO: PAGHAHAMBING SA PAMAHALAANG BARANGAY AT SULTANATO ALAMIN MO Sa natapos mong dalawang modyul, napag-aralan mo ang tungkol sa pamamahalanoong unang panahon. Sa una natalakay ang pinagmulan ng barangay at kung paano angpamamahala rito. Sa ikalawa natalakay naman ang pamamahala sa sultanato. Sa modyul na ito gagawa ka ng paghahambing ng pamahalaang sultanato atpamahalaang barangay noong unang panahon. Sa lahat ng gawain, intindihing mabuti ang binabasa at sumunod sa bawat panuto.Isulat sa kwaderno ang mga sagot sa bawat gawain.PAGBALIK-ARALAN MO Magbalik tanaw ka sa nakaraang aralin. Buuin mo ang mga anagram batay sahinihiling sa kaliwa. Ang bawat bilang ay may naibigay na titik para matulungan ka.1. Sultan ng Sulu – K2. Nagpaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran – A3. Isang lupon ng mga tagapayo – H4. Tagapagmana ng Sultan – A HKS 5 M-3

5. Pangalawang tagapagmana ng Sultan – A M A6. Tagapagpatupad ng mga batas –7. Tagapangasiwa ng mga distrito – M8. Taong hagganan ng Sultanato – I9. Lalawigan sa Luzon na napasama sa Sultanato ng Sulu – W10. Dayuhang bansa na napasama sa Sultanato ng Sulu – PAG-ARALAN MO Paghambingin natin ngayon ang dalawang uri ng pamahalaan noong unangpanahon na napag-aralan mo sa dalawang modyul. Bubuuin mo ang tinatawag natingData Retrieval Chart batay sa mga datos na hinihingi. Maaari kang bumalik sa dalawangmodyul. HKS 5 M-3

A. Mga taong nanunungkulan . Palatandaan Unang Barangay Sultanato1. Pinakamataas na pinuno2. Nangangasiwa sa mga gawaing panrelihiyon3. Nagbibigay ng payo tungkol sa paggawa ng batas4. Nagbibigay ng payo tungkol sa pagpapatupad sa mga batas5. Nagbibigay ng payo tungkol sa pananalapi6. Nagbibigay ng payo tungkol sa pangangalakal7. May kapangyarihang maningil ng buwis8. Namamahala sa paggawa ng mga kasangkapan ng pamayanan9. Nagbibigay payo tungkol sa paglilitis ng kaso10. Nagbibigay payo tungkol sa pagpapahayag ng digmaan11. Nagbibigay payo tungkol sa pakikipag-ugnayan sa ibang pamayanan. HKS 5 M-3

B. Mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang uri ng pamahalaan. Kategorya Pagkakatulad Pagkakaiba1. Lawak ng nasasakupan batay sa bilang ng pamilya2. Tungkulin ng namumuno3. Kapangyarihan ng namumuno4. Paraan ng pagtatamo ng pagkapinunoPAGSANAYAN MOA. Gumawa ng Venn Diagram katulad ng nakaguhit. Itala sa loob ng bilog 1 ang naglalarawan sa pamahalaang barangay na naiiba sa sultanato. Isulat sa loob ng bilog 2 ang naglalarawan sa pamahalaang sultanato na naiiba sa pamahalaang barangay. Isulat sa bilog 3 ang pagkakatulad ng dalawang pamahalaan. 1. 2. 3.Barangay Sultanato HKS 5 M-3

B. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Alin ang mas malawak ang nasasakupan batay sa bilang ng pamilya, Barangay o Sultanato? Bakit? 2. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang sultan na hindi tinataglay ng isang datu? 3. Ipaliwanag ang isang pagkakaiba ng barangay sa sultanato. TANDAAN MO  Ang barangay at sultanato ay parehong organisadong pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino.  Ang sultan ay kinakailangang naniniwala sa relihiyong Islam.  Ang datu at ang sultan ay parehong nangangailangan ng mga taong tutulong sa pangangasiwa ng kanilang pamahalaan. ISAPUSO MO Gawin mo ang bahaging ito sa iyong kwadernong sagutan. Ano-ano angkatangiang dapat taglayin ng isang pinuno ayon sa nais mong pagkakasunod-sunod.Isulat ang 1 sa pinakamahalaga, 2 sa pumapangalawa hanggang marating ang 10.Pangatwiranan mo ang pinakamahalaga mong napili. _______ matalino _______ mabait _______ mapagmahal sa kapwa _______ magalang HKS 5 M-3

_______ matapang _______ matapat _______ matiyaga _______ may disiplina sa sarili _______ masipag _______ maunawain GAWIN MO Alin ang mas gusto mo, maging datu ng isang barangay o maging sultan ng isangsultanato? Ipaliwanag kung bakit? PAGTATAYAIsulat ang titik ng wastong sagot. 1. Alin sa sumusunod na katangian ang naging batayan sa pagiging sultan na HINDI kinakailangan sa pagiging datu? Ang sultan ay kinakailangang may ____________. A. kayamanan B. kaalaman sa Islam C. kaalaman sa panirigma D. kaalaman uko sa pagawa ng batas 2. Alin ang nagpapatunay na higit na humamon sa kakayahan ng pamumuno ang pagiging sultan kaysa pagiging datu? A. malawak ang nasasakupan ng sultan HKS 5 M-3

B. maraming suliranin ang nakahaharap ng sultan C. maraming tao ang kailangan niya sa pangagasiwa ng nasasakupan D. nakapatong sa kanyang balikat ang pagpapalaganap ng Islam sa mga lalawigan PAGPAPAYAMANG GAWAIN Isulat sa kwaderno ang sagot sa tanong. Ano ang natutuhan mo sa pamahalaangSultanato na may kaugnayan sa barangay ngayon? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-3

GRADE VPROYEKTO: KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAYAN NG MGA UNANG PILIPINO ALAMIN MO Tungkulin ng isang pinuno ang pagpapatupad ng mga kinikilalang batas sa kanyang nasasakupan. Ano kaya ang kahalagahan ng batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino? Malalaman mo sa modyul na ito kung paano ang paggawa ng batas sa barangay ng mga unang Pilipino, paano ang pamamalakad ng hukuman sa barangay at patakaran ng barangay sa pakikipag-ugnayan sa ibang barangay. Sa lahat ng gawain, intindihing mabuti ang binabasa at sumunod sa mga panuto. Isulat sa kwaderno ang mga hinihiling sa bawat gawain. PAGBALIK-ARALAN MO Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato. Basahin ang bawat paksa at kung ito ay magkasintulad sa barangay at sultanato, isulat ang MK at kung ito naman ay magkaiba, isulat ang MI. Isulat sa kuwaderno ang sagot. 1. Pagpili sa pinuno 2. Hawak na kapangyarihan 3. Lawak ng nasasakupan 4. Lupon na tumutulong sa pinuno HKS 5 M-4

PAG-ARALAN MO Ano ang mga uri ng batas sa barangay? Ang mga batas sa barangay ay nauuri sa dalawa – ang hindi nakasulat at angnakasulat. Ang mga hindi nakasulat na batas ay batay sa kaugalian at tradisyon. Nagpasalin-salin ang mga ito sa mga henerasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento, pangangaral atpatuloy na paggamit. Ang mga batas na nakasulat ay ginagawa ng datu katulong ang kanyang tagapayo.Sa ibang barangay ang Lubluban ang gumagawa ng batas. Ipinapahayag ang mga batassa pamamagitan ng umalahokan o tapapagbalita sa barangay. Ano ang nasasaklawan ng mga batas? Ang saklaw ng mga batas ay nauukol sa paggalang sa mga magulang atmatatanda, parusa sa pagnanakaw, pagtataksil, pandaraya, pagsasamantala, pagmamay-ari ng lupa at hindi pagsimba. Ang ilan sa mga malubhang pagkakasala ay ang pag-alipusta, pagpaslang,panununog, pangungulam, pagnanakaw at pagpasok nang walang pahintulot sa tahananng Datu kung gabi. Ang kaukulang parusa ay maaaring kamatayan, pagkaalipin,pagsunog, o pagbayad ng mataas na multa. Ang mga kasalanang magagaan ay ang pandaraya, pang-uumit, palsongpanunumpa at pag-awit sa gabi kung natutulog na ang mga tao. Ang kaukulang parusa aymaaaring pagpataw ng mababang multa, paghahampas, pagtatali sa langgaman, o kaya’ymahabang oras ng paglangoy. Paano ang paglilitis? Ang paglilitis sa mga may kaso ay ginagawa sa harap ng publiko. Ang Datu angtumatayong hukom at pinagpapayuhan siya ng lupon ng mga marurunong na Agurang.Sa maraming pagkakataon, ang panig na nakapaghaharap ng pinakamaraming saksi atebidensiya ang siyang nananalo. Sa ibang barangay, ang paglilitis ay ginagawa sapamamagitan ng sibatan o tagaan. Ang matalo sa labanan ay ipinalalagay na siyang maysala. HKS 5 M-4

Ang mga taong pinaghihinalaang nagkasala ay idinadaan sa mga pagsubok. Angisang halimbawa ng pagsubok ay ang pagsisid nang matagal sa ilalim ng ilog at angunang umahon sa tubig ang ipinahahayag na nagkasala. Ang isa pang halimbawa ay angpagkuha ng bato sa loob ng sisidlang may lamang kumukulong tubig at ang taong hindigaanong napaso ang kamay ang pinawawalang-sala. Ang isa pang pagsubok ay angpaghawak ng kandilang may sindi at kung sino ang unang namatayan ng kandila ayitinuturing na maysala. Ano ang kahalagahan ng batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino? Ang mga batas ang nagtatakda ng mga dapat at di-dapat gawin. Ang mga batasang naging patnubay ng mga tao sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyangkinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay. Ang pakikipag-ugnayan sa ibang barangay ay nakatutulong sa pag-iwas sa mgadigmaan at hindi pagkakaunawaan, at pagtatatag ng sistemang pangkalakalan. Hangad ngbawat barangay na magkaroon ng tiyak na kapalitan ng mga produkto tulad ng mgapagkain, damit, o kasangkapan at tiyak na kaibigan at kaalyado. Ang mga datu sa iba’t ibang barangay ay nakikipagkasundo upang mapanatili angpagkakaibigan at mapayapang samahan. Isinasagawa ang isang seremonyang tinatawagna sanduguan. Sa sanduguan, ang mga kalahok ay naghihiwa nang kaunti sa kanilangbisig at pinatutulo ang kanilang dugo sa isang kopita ng alak. Ang pinaghalong alak atdugo ay iniinom ng bawat kalahok at ito ay sagisag ng kanilang pagkakaugnay sa dugo. Nangangako ang mga nagsandugo na magiging matapat sa pag-uugnayan atnagtuturingan silang magkapatid at magkaibigan. Ang ibang dumalo naman sa pulong atsanduguan ang mga saksi sa seremonya na nagtatapos sa isang masaganang salu-salo natinatampukan ng sayaw, tugtugin at paligsahan sa paghawak ng sandata. Ang kasayahanay tanda ng matagumpay na pagpupulong at pagkakasundo ng mga barangay. PAGSANAYAN MO Nabasa mo ba nang mabuti ang aralin? Kung ganun, isulat ang sagot sa bawattanong sa iyong kwaderno. 1. Anu ang pagkakaiba ng batas na di-nasusulat at batas na nasusulat? 2. Anu-ano ang nasasaklawan ng mga batas sa barangay? 3. Paano ginagawa ang paglilitis? HKS 5 M-4

4. Paano ginagawa ang isang kasunduan? 5. Bakit mahalaga ang batas sa pag-uugnayan ng mga tao sa barangay? TANDAAN MO  Ang mga batas sa barangay ay nauuri sa dalawa – hindi nakasulat at nakasulat.  May kaukulang parusa ang bawat paglabag sa batas.  Ang pagtupad sa batas ay mahalaga sa maayos na pag-uugnayan ng mga mamamayan. ISAPUSO MO Isulat ang sagot sa mga sumusunod na tanong sa iyong kwaderno. 1. Bilang mag-aaral, ikaw ba ay nakikipag-ugnayan sa inyong barangay? 2. Paano mo isinasagawa ang pakikipag-ugnayan? GAWIN MO Isulat ang sagot sa kwaderno. Kung ikaw ay isang pinuno, paano mo ipapakita sa iyong mga kasapi at sa ibangmga pinuno na matapat ka sa iyong tungkulin? HKS 5 M-4

PAGTATAYAIsulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.1. Ang pagtiyak sa tao o mga taong dapat bigyan ng parusa dahil sa paglabag sa batas ng barangay ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglilitis at ________. A. pagsubok B. pagpapaula C. pagsasagawa ng seremonya D. paghahandog ng pilak at ginto2. Ang sanduguan ay isang seremonyang sumasagisag sa _________. A. kasaganaan B. pakikipagkalakalan C. pakikipagkaibigan D. paglilitis ng isang kaso sa barangay3. Napararating sa buong barangay ang mga batas mula sa datu sa pamamagitanng ________.A. Raha C. LublubanB. Agurang D. Umalahokan4. Ang iniinom sa isang sanduguan ay alak at ________ ng mga gumagawa ngkasunduan.A. Dugo C. katas ng kalabawB. Tubig D. katas ng niyog5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng pakikipag-ugnayan ng mga barangay? A. Pakikipagkaibigan B. Pag-iwas sa digmaan C. Pagpapalitan ng produkto D. Pagpapalawak ng nasasakupan HKS 5 M-4

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Kung ikaw ay isang datu sa isang barangay noong unang panahon, alin sa mgasumusunod na batas ang bibigyan mo ng pinakamalaking panahon para maipatupad ito?Ipaliwanag kung bakit. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. 1. Paninilbihan sa datu 2. Pagmamay-ari ng lupa 3. Paggalang sa magulang at matatanda Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-4

GRADE VPROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG MGA NINUNO ALAMIN MO Masdan mo ang larawan. Ano ang napansin mo sa paglalakad ng mga babae atlalaki? Basahin mo ang salitang ito: KABABAIHAN. Ano ang pagkaunawa mo tungkoldito? Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung paano pinahalagahan ng mga unangPilipino ang mga kababaihan. Handa ka na ba? HKS 5 M-5

PAGBALIK-ARALAN MOSipiin ang dalawang larawan sa iyong kwaderno. AB1. Isulat mo sa larawan A ang mabubuting ugali na ipinakikita mo sa kapatid mong babae o sa mga kaibigan mong babae.2. Isulat mo sa larawan B ang mabubuting asal na ipinakikita mo sa kapatid mong lalaki o sa mga kaibigan mong lalaki. HKS 5 M-5

PAG-ARALAN MO Basahin mo ang komik strip na ito. Nag-uusap ang mag-inang sina Tony at AlingMameng. Anak, lubos ang paggalang sa mga babae noon. Alam mo bang pareho ang mga pribilehiyo ng mga babae at lalaki? HKS 5 M-5

HKS 5 M-5

Naunawaan mo ba ang pinag-usapan ng mag-ina sa komik istrip? Magbigay ka ng mga halimbawa kung paano pinahalagahan ng mga unangPilipino ang mga kababaihan. Gumuhit ka ng bulaklak tulad ng nakalarawan. Dito mo itala ang iyong sagot. PAGSANAYAN MO Alin sa sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita ng pagpapahalaga ng unangPilipino sa kababaihan? Iguhit mo ang  sa iyong kwaderno kung nagpapakita ito ngpagpapahalaga at kung hindi.1. Nauunang naglalakad ang kalalakihan kaysa sa kababaihan.2. May pantay na pribilehiyo ang mga lalaki at babae.3. Tanging ang asawang babae lamang ang makapagbibigay ng pangalan sa bagong silang na sanggol. HKS 5 M-5

4. Pinaniniwalaan ang kakayahan ng mga babae sa pamamahala ng pamayanan.5. Mga anak na lalaki lamang ang maaaring magmana ng pagkadatu ng ama. TANDAAN MO  Malaki ang paggalang ng ating mga ninuno sa kababaihan.  Pinahahalagahang mabuti ng mga unang Pilipino ang kababaihan. ISAPUSO MOAno ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon? 1. Gumagawa ng takdang-aralin ang bunso mong kapatid na babae. Tinutukso siyang pandak ng iyong kapatid na lalaki. 2. Kaarawan ng iyong inay. Ibig mo siyang regaluhan ngunit wala kang pera. HKS 5 M-5

GAWIN MOLagyan mo ng  ang hanay ng iyong sagot.Ginagawa mo ba ito? Madalas Minsan Hindi1. Iginagalang ko ang kapatid kong babae.2. Tinutulungan ko ang aking ina sa kanyang mga dala-dalahan.3. Inuunahan ko sa paglalakad ang kapatid kong babae.4. Naiinis ako kapag si ate ang pinagbibilinan ni nanay na tumingin sa amin.5. Ibinibigay ko ang aking upuan kung walang maupuan ang kamag-aral kong babae. PAGTATAYA Isulat ang bilang 1 – 5 sa kwaderno. Sipiin ang mga titik ng mga sitwasyon nanagpapakita ng pagpapahalaga sa kababaihan ng ating mga ninuno. A. Kinikilala ng mga kabarangay ni Mayumi ang kanyang kakayahan pamumuno. B. Nakikilahok sa kalakalan at paghahanapbuhay ang kababaihan sa barangay ni Datu Abu. C. Nang magsilang ng sanggol si Ara, ang kanyang asawa ang nagbigay ng pangalan sa kanilang anak. HKS 5 M-5

D. Habang naglalakad ang magkakaibigang babae at lalaki ng barangay Bato, pinauuna ng mga kalalakihan ang kababaihan. E. Nang mamatay ang datu ng barangay maharlika, ang kanyang anak na babae ang tinanghal na datu sapagkat wala siyang anak na lalaki. F. Kung anong pribilehiyo ang ibinibigay ni Datu Amanah sa kanyang nasasakupang kalalakihan ay gayundin ang ipinagkakaloob niya sa mga kababaihan. PAGPAPAYAMANG GAWAIN Sumulat ka ng iyong karanasan tungkol sa kung paano mo naipakita ang iyongpagpapahalaga sa iyong ina, ate, o kamag-aral na babae. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-5

GRADE VPROYEKTO: EDUKASYON NG MGA NA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA?ALAMIN MOBasahin at unawain ang komik istrip sa ibaba. Anak, ganito ang Salamat po, Anak, sayang itongpaglalaba ng damit. Itay . sirang silya kungHabang bata ka pa ay pababayaan natin.kailangang matuto ka na Ganito ang pagpako ngng mga gawaing bahay. sirang paa nito. Makabubuti sa iyo na Opo, matuto ka nito. Nanay. Noong panahon ng mga Unang Pilipino o ninuno, ganito ang mga itinuturo nila sakani-kanilang mga anak. HKS 5 M-6

Sinasabi rin na may sistema na sila ng edukasyon bago pa man dumating ang mgadayuhan. Paano tinuturuan ang mga bata noon? Ano-ano ang kanilang pinag-aaralan? Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito. Halina, pag-aralan mo! PAG-ARALAN MOBasahin mo ang diyalogo na ito:Mark : Lolo may takdang-aralin kami. Tatalakayin namin bukas ang tungkol sa edukasyon ng ating mga ninuno. Paano po ba nag-aaralLolo : ang mga bata noon?Mark : Naku apo, noong unang panahon, wala pang mga paaralan. Di-Lolo : pormal ang edukasyon. Ang mga bata ay tinuturuan ng kanilang mga magulang sa tahanan o sa lilim ng mga puno.Mark :Lolo : Ano-ano po ang itinuturo sa kanila? Katulad din po ba nang sa ngayon? Ang mga batang babae noon ay tinuturuan ng mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, pagluluto, paglalaba, pag-aalaga ng maliliit na kapatid, at iba pa. Ano naman po ang itinuturo sa mga batang lalaking tulad ko? Ang mga batang lalaki ay tinuturuan ng pagsibak ng kahoy, pag- igib ng tubig at pagkumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan.Mark : Di maliit pa lang po noon ay marunong na ng mga gawaing- bahay? Nakatutulong agad sila sa mga magulang. Bukod dito, mayroon pa po bang iba? HKS 5 M-6

Lolo : Oo naman, tinuruan din silang sumulat, bumasa, at bumilang. SaMark : pagkuwenta, gumamit sila ng timbangan na tularo ang tawag.Lolo : Gumamit din sila ng kaban, salop, at gatang. Ang galing naman Lolo. Di ba sabi ni Lola, ginamit nila ang kanilang kamay at daliri sa pagsukat ng haba tulad ng dipa, dangkal, at dali? Ang galing mo iho, natatandaan mo pa pala yan. Halika may ipakikita ako sa iyong mga larawan. Ito ang sinaunang abakadang Filipino. Ang AlibataMark : Ibang iba po pala yang abakada nila. Ilan po ba ang patinig atLolo : katinig?Mark : May 17 titik ang sinaunang abakada. 3 ang patinig at 14 ang katinig. Alibata ang tawag dito. Sa pagsulat ginamit nila ang matutuliis na patpat at bakal na tinawag nilang sipol. Ang naging sulatan nila ay ang mga dahon at balat ng kahoy o kawayan. Yeepeeh! Marami akong maisasagot bukas sa klase. Maraming HKS 5 M-6

Lolo : salamat, Lolo.Mark :Lola : Walang anuman. Gusto ko maging bida ka sa klase . Aba, eto si Lola. Ano po iyang dala niyo? Kanina pa ako nakikinig sa inyo kaya naalala ko ito. Basahin mo baka makadagdag sa iyong kaalaman Ang pinakamatandang katibayan na may sistemana ng pagsulat ang mga unang Pilipino bago pa mandumating ang mga unang Espanyol sa bansa ay ang isangnahukay na tapayang natagpuan sa Calatagan, Batangas. Sa Panay ay may regular na paaralan na kung tawaginay ang “bothoan”. Dito tinuturuan ang mga bata nasumulat, bumasa, bumilang at gumamit ng sandata kungkinakailangan.Mark : Lola, maraming salamat din po. Talagang magiging bidang-bida ako dahil marami akong maibabahagi sa aking mga kamag-aral.Naunawaan mo ba ang iyong binasa?May pagkakaiba ba ang sistema ng edukasyon noon sa ngayon?Pag-aralan mo ang dayagram na ito. Sagutin mo ang mga tanong pagkatapos nito. HKS 5 M-6

Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng NinunoDi-pormal Walang propesyunal Mga Asignaturana Sistema na mga guro pagbasaWalang mga Walang Mga magulang at pagsulat gusaling takdang iba pang pagbilang pananampalatayapampaaraalan oras nakatatanda ang kagandahang asal mga guro May mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at mayroong sa kababaihan lamang Babae Lalaki Inihahanda sa Inihahanda sa pagiging mabuting pagiging matatag na maybahay puno ng tahanan.1. Bakit nasasabing di-pormal ang sistema ng edukasyon sa panahon ng ninuno?2. Sino-sino ang mga naging guro noong unang panahon?3. Ano-anong mga kasanayan ang tinuturo sa mga babae/lalaki lamang?4. Ano-ano ang kanilang mga asignatura? HKS 5 M-6

PAGSANAYAN MOA. Punan mo ng wastong sagot ang grapikong presentasyon sa ibaba. Gawin ito sa iyong kwadernong sagutan. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng NinunoLupon ng Mga Alpabeto MgaPag-aaral Nagtuturo Itinuturo HKS 5 M-6

B. Itala mo ang mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at babae. Mga Kasanayang Itinuturo lamang sa mgaBabae LalakiC. Isulat mo sa banga ang pinakamatandang katibayan na may sistema na ng pagsulat ang mga unang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa. HKS 5 M-6

D. Mga ginamit sa pagsulat Mga ginamit na sulatan TANDAAN MO  Walang pormal na edukasyon sa panahon ng mga ninuno. Nag-aaral sa tahanan ang mga bata sa patnubay ng kanilang magulang.  Ang nahukay na tapayan sa Calatagan, Batangas ang pinakamatandang katibayan na may sistema na ng pagsulat ang mga ninuno bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa. ISAPUSO MO Napag-aralan natin na sa panahon ng ninuno may mga kasanayang pambabae atkasanayang panlalaki lamang. Sa kasalukuyan hindi na ito totoo. Kung ano ang kayanggawin ng mga lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae at gayundin ang mga gawaingpambabae ay ginagawa na rin ng mga lalaki. HKS 5 M-6

Narito ang talaan ng mga gawain. Kopyahin mo sa iyong kwaderno ang mga kayamong gawin. 1. paglilinis ng bahay 2. paglalaba ng damit 3. paghuhugas ng pinggan 4. pamimili sa palengke 5. pagsasaing 6. pag-aalaga ng bata 7. pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop 8. pagsulsi ng sirang damit 9. pangingisda 10. pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan Nagkakaiba ba ang mga kayang gawin ng mga batang babae at lalaki ngayon?Bakit? Dapat mo bang ikahiya ang mga gawaing kaya mong gawin? Bakit? Paano mo maipagmamalaki ang iyong kakayahan GAWIN MO A. Hanapin mo ang bilang ng tamang salita na may kinalaman sa edukasyon ng mga ninuno. Isulat mo sa iyong kwadernong sagutan. DAL I SD I S AL I BATA I NAS I RUAP GAL I NLAO KLAROAP L AABURRA I LHSALOPR I ALAALAY HKS 5 M-6


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook