Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN I Part 2

ARALING PANLIPUNAN I Part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 00:32:19

Description: 1ARPA2-2

Search

Read the Text Version

Araling Panlipunan I PART 2

MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahonng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kung naaalala mo, sa Modyul 13, nagsisimulana ang mga Pilipino sa sarili nilang pamamahala bilang isang Komonwelt sapamumuno ni Pangulong Manuel Quezon. Maayos na sana at abala para sanalalapit na pagsasarili ang mga Pilipino ngunit dumating ang mga Hapon upangsakupin ang Pilipinas. Sa kabila ng magiting na pagtatanggol ng hukbong Pilipino atAmerikano, napasailalim ang Pilipinas ng ikatlong mananakop. Tutunghayan sa araling ito ang isa pang kalbaryo sa buhay ng mgamamamayang Pilipino. May apat na araling inihanda para sa iyo upang mapalawak ang iyongkaalaman: Aralin 1 - Ang Pagsiklab ng Digmaan sa Pasipiko Aralin 2 - Ang Maynila bilang Open city Aralin 3 - Ang Pagbagsak ng Bataan at ang Death march Aralin 4 - Ang Pagbagsak ng Corregidor at Pagsuko sa mga Hapon Pagkatapos ng mga aralin sa modyul, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Matatalakay ang mga pangyayaring nagtulak sa Pilipinas sa digmaan laban sa mga Hapon; 2. Maipagmamalaki ang ipinakitang kagitingan ng mga Pilipino laban sa Hapon; at 3. Maipaliliwanag kung bakit ang digmaan ay walang naidulot na kabutihan at kapakinabangan sa bansa. Handa ka na ba? 1

PANIMULANG PAGSUSULITPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Dumating sa Pilipinas ang mga Hapon noong: A. makaalisang mga Amerikano. B. nagsasanay sa sariling pamamahala ang mga Pilipino. C. nagpapagawa pa ng batas pangkalayaan ang mga Pilipino. D. nakamit na ng mga Pilipino ang ganap na paglaya sa mga Amerikano.2. Anong relasyon ang namagitan sa Amerika at Hapon sa pagsisimula ng ikalawang digmaang pandaigdig? A. Matagal na silang may alitan B. Magkaalyado o magkaibigan C. May tiwala sa bawat isa D. Magkalapit ang kinaroroonan3. Saang pangkat kabilang ang mga Hapon noon? A. Allied B. United Nations C. NATO D. Axis4. Ang tunay na layunin ng mga Hapon sa pagsakop sa Pilipinas: A. pagsunod sa pakiusap ng mga Pilipino B. pagtalima sa utos ng United Nations C. pagsakop sa bansa upang patunayan na makapangyarihan sila D. pagsunod sa kasunduan nila ng Amerika na manakop din5. Ipinahayag ng mga Hapon ang layunin nilang palaganapin ang Samahanng Kaganapan ng mga bansa sa Kalakhang Asya (Greater Asia Co-prosperity Sphere). Ito ay: A. Totoo, nais nilang tunay na umunlad ang mga bansang Asyano. B. Yabang lamang, kailanma’y di sila maaaring mamuno. C. Mali, gusto lamang nila tayong maakit at mapasunod. D. Tunay na magtatayo sila ng mga industriya sa Asya na kahati ang ibang bansa dito. 2

6. Alin sa mga sumusunod and hindi nangyari sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas? A. pagbagsak ng Bataan B. pagpapatuloy ng Komonwelt sa Amerika C. pagbagsak ng Corregidor D. pagbabayad ng Hapon sa Amerika kapalit ng Pilipinas7. Saang pangkat nabibilang ang Amerika sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigidg? A. Axis B. ASEAN C. Allied Powers D. United Nations8. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon ang Pilipinas? A. Jose Rizal B. Claro M. Recto C. Manuel L. Quezon D. Manuel Roxas9. Siya ang itinalagang pinuno ng USAFFE: A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King10. Ang unang Pilipinong Pilotong pinarangalan sa kanyang pakikidigma sa himpapawid: A. Tinyente Geronimo Aclan B. Tinyente Cesar Basa C. Kapitan Jesus Villamor D. Major Jorge B. Vargas11. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Corregidor 3

A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King12. Bakit kailangang lisanin ang Maynila ng tropang USAFFE at magtungo sa Bataan? A. Sapagkat naroon ang mga Hapon B. Sapagkat napakalaki nito C. Sapagkat maraming gerilya doon D. Sapagkat mahirap nang ipagtanggol ito at labis na mawawasak13. Ang kumander ng puwersa sa Bataan na napilitang sumuko sa mga Hapon: A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King14. Paano madaling nagapi ng mga Hapon ang puwersang Pilipino-Amerikano? A. sa pamamagitan ng propaganda B. sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking halaga C. sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sumukong sundalo D. sa pamamagitan ng walang humpay na pagbomba sa mga mahahalagang instalasyong militar15. Ano ang ginawa ng mga Pilipinong opisyal nang sumuko na ang tropang Amerikano sa mga Hapon? A. Sumuko na rin B. Namundok at naglunsad ng pakikidigmang gerilya C. Nagtago sa malalayong lugar D. Nakipagtulungan sa mga Hapon16. Ano ang ibig sabihin sa pagiging open city ng Maynila? A. Malugod na tinanggap ang mga mananakop na Hapon B. Bukas na pakikipag-usap sa mga dayuhan C. Di dapat bombahin sapagkat maraming sibilyan doon D. Isinusuko na ito sa mga Hapon 4

17. Bakit nasali ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Dahil mayaman ito B. Dahil ito ay isang Komonwelt na protektado ng Amerika C. Dahil ginalit nito ang mga Hapon D. Dahil ito ay bahagi ng kolonya ng Amerika18. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas: A. Hen. Nagasaki B. Hen. Hirohito C. Hen. Masaharu Homma D. Hen. Yamashita19. Saan nagmula at nagtapos ang paglalakad ng mga bilanggong kawal sa tinaguriang “Death march”? A. Mula Mariveles, Bataan hanggang Maynila B. Mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac C. Mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga D. Mula Mariveles, Bataan hanggang Clark Field, Pampanga20. Sino ang Amerikanong heneral ng tropang Visayas at Mindanao na sumuko sa mga Hapon sa Malaybalay, Bukidnon? A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King 5

ARALIN 1ANG PAGSIKLAB NG DIGMAAN SA PASIPIKO Marahil ay itinatanong mo sa iyong sarili kung bakit nagkaroon ng digmaanang Hapon at Amerika? Naitatanong mo rin marahil kung bakit napasangkot angating bansa sa digmaang iyan? Ang mga katanungan mong iyan ay sasagutin saaraling ito. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakasangkot ng Pilipinas sa ikalawang digmaang pandaigdig; 2. Matatalakay ang mga pangyayari sa pagsisimula ng pananakop ng mga Hapon; at 3. Mabibigyang halaga ang kagitingan ng mga Pilipino sa pagtatanggol ng kanilang bansa. 6

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alam mo ba kung nasaan ang bansang Hapon? Sa ibaba ay may mapa ng Asya. Tukuyin ang bansang Hapon (Japan) at kulayan ng pula.Tukuyin din ang bansang Pilipinas at kulayan ng berde. Kung napansin mo, ang bansang Hapon ay malapit lamang sa Pilipinas. Hindikatakataka na magkaroon ito ng interes na sakupin ang Pilipinas, hindi ba? 7

Ang Dahilan ng Digmaan sa Pasipiko Pagkaraan ng maraming taon ng pakikipaglaban, sa panahon ng Komonweltay unti-unti nang nakararanas ng kaunlaran at malasariling kalayaan ang Pilipinas.Subalit dumating ang sigwa ng ikalawang digmaang pandaigdig at muli itongnaligalig. Pinangambahan ng maraming lider Pilipino sa pangunguna na rin niPangulong Quezon at ni Claro M. Recto, isang makabayang lider, ang maaaringpagsabog ng digmaaan at pagkasangkot ng Pilipinas sa digmaang iyon. Sa simula, walang balak ang Estados Unidos na sumali sa ikalawangdigmaang pandaigdig. Ang plano ni Pangulong Roosevelt ay tulungan lamang angIngglatera sa pakikihamok sa Europa, ayon sa kasunduang Europe First Policy, atbilang miyembro ng Allied Powers. Subalit nag-iba ang ihip ng hangin sa MalayongSilangan noong magwawakas ang taong 1939. Sa aklat na isinulat ni TeodoroAgoncillo tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas, ipinaliliwanag ang mga pangyayaringnaging daan ng digmaan sa Pasipiko na sinimulan ng mga Hapon: “Mula noong magkaroon ng digmaang Tsina at Hapon na nagsimulanoong1930, nangamba ang mga bansa sa Asya na ang Hapon ay may layongmanakop ng mga bansa sa dulong silangan. Ang mga kolonya ng Alemanya saKaragatang Pasipiko ay naisalin na sa kamay ng Hapon kayat may pangamba angmga Amerikano na sasakupin din ng Hapon ang Pilipinas sa sandaling masangkot sadigmaan ang Estados Unidos. “ “Nang sumiklab ang digmaan sa Europa noong 1939 ay nakipagkasundo angHapon sa Alemanya at Italya. Ang tatlong bansang ito’y tinawag na Axis. NoongHulyo 1941, sinakop ng Hapon ang Indo-Tsina (ngayo’y Vietnam). Nasindak angEstados Unidos sapagkat iyo’y nangangahulugang ang Estados Unidos at angPilipinas ay malalagay sa panganib. Iminungkahi ng Estados Unidos na ayusin angkanilang sigalot sa pamamagitan ng patakarang dapat igalang ang kasarinlan nglahat ng bansa. Hindi tinanggap ng Hapon ang mungkahi.” “Lumala ang sigalot ng Estados Unidos at ng Hapon. Sa gitna ng mganegosasyon sa pagkakasundo, walang kaabog-abog na binomba ng Hapon angPearl Harbor sa Hawaii na isang kolonya ng Estados Unidos sa dagat Pasipiko,noong Disyembre 7, 1941. Nabigla at nasindak ang mga Amerikano, nawasak angbase militar sa Hawaii, at kulang-kulang sa 5,000 Amerikanong opisyal at marino ang 8

napinsala ( namatay, nasugatan at nawawala). Kinabukasan, ipinahayag ni FranklinD. Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos ang pakikidigma sa Hapon. Sumagot angHapon ng pakikidigma rin sa Estados Unidos at sa Ingglatera na nagpahayag na rinng pakikidigma sa Hapon. Ilang oras pagkaraang masalakay ang Pearl Harbor,sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Noo’y Disyembre 8, 1941. Ang digmaan saPasipiko ay nagsimula na.” Sinasabi ng mga Hapon na nilalayon nilang palaganapin ang tinaguriangSamahang Kaganapan ng mga Bansa sa Kalakhang Asya (Greater East Asia Co-Prosperity Sphere) upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga bansa sa Asya.Subalit maraming nagsasabi na ang tanging hangad nila ay manakop at magingpinakamapangyarihang bansa sa Asya.Ang Pambobomba sa Pilipinas Dahil sa nakaambang panganib ng pagsalakay ng mga Hapon mga ilang taonbago nangyari ito, nagkaroon na ng mga paghahanda sa pakikipaglaban angpamahalaang Komonwelt sa tulong ng pamahalaang Amerikano sa Estados Unidos. 9

Pinagsanib ni Pangulong Roosevelt ang Hukbong Pilipino at Hukbong Pilipino atipinadala sa Pilipinas si Hen. Douglas MacArthur upang sanayin ang hukbo.Tinawag itong USAFFE (o United States Armed Forces in the Far East), atnagsagawa ng mga pagsasanay sa pakikidigma. May 130,000 kawal ang HukbongPilipino nang sumiklab ang digmaan. Nagbuo din si Pangulong Quezon ng CivilianEmergency Administration sa bawat bayan at nagsagawa ng mga pagsasanay militarpara sa mga kabataan. Noong Disyembre 8, 1941, sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Mula sahimpapawid, sabay-sabay na binomba ang Aparri, Davao, Baguio, Tarlac at Iba.Nang gumabi, sinalakay ang base militar sa Clarkfield. Nawasak ang maramingeroplanong Amerikano, kayat namayani ang mga Hapon sa himpapawid. Nagingmalaya sila sa pagbomba sa maraming lugar sa kapuluan na ikinabigla atikinagimbal ng lahat. Pinasabog maging ng mga imbakan ng gasolina ng Shell atCaltex. Nang umaga ng Disyembre 9,binomba ang Maynila. Nagdulot itong malaking pinsala sa mga ari-arianat pagkamatay ng maraming sibilyan. Noong Disyembre 10,dumaong ang hukbong dagat ngHapon sa Aparri at Vigan, sa hilaga.Nang sumunod na mga araw, patuloyna dumaong ang mga Hapon sa iba’tibang lugar ng bansa. Nasira angmaraming barko ng Hukbong dagat ng USAFFE at nawasak ang maraming eroplanosa mga base militar. Ang pinakapunong puwersang panakop ng Hapon ay dumaongsa Leyte noong Disyembre 22 sa pamumuno ni Tinyente Heneral Masaharu Homma. Bagamat nakagigimbal ang malawakang pambobomba at pagdating ng mgaHapon, buong giting na nakihamok ang mga kawal Pilipinong kabilang sa USAFFE,kabalikat ang hukbong Amerikano. Habang dumadaong ang mga puwersang Hapon,binomba at dinurog ng mga eroplano nito ang US Navy Yard sa Cavite, ang NicholsAir Base, Fort Mckinley at ang Kampo Delgado sa Iloilo. Sa Batangas Airfield, 10

naipakita ng mga Pilipinong piloto na sina Kapitan Jesus Villamor, Tinyente CesarBasa at Tinyente Geronimo Aclan ang kanilang kabayanihan sa pamamagitan ngpakikipaglaban sa himpapawid at pagpapabagsak ng mga eroplano ng mgaHapones. Sapagkat kulang na sa mga eroplano at kagamitang pandagat nanangawasak sa walang humpay na pambobomba ng mga Hapon, di na nila napigilanang tuluyang pagpasok ng mga dayuhan sa loob ng kapuluan. Natupok ang mgakagamitan sa mga instalasyong militar. Dahil dito, lubos na humina ang kakayahanng USAFFE na pigilan pa ang paglusob ng mga Hapon. Habang nalalapit ang Pasko,ang labanan at pambobomba ay nagpatuloy at lalong umigting. Hindi na naituloy angtradisyunal na Misa de Gallo sa mga simbahan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ngayo’y nabatid mo na ang nakagigimbal na mga pangyayari sapagkakasangkot ng Pilipinas sa digmaang Hapon at Amerikano. Upang mapalalimmo ang iyong kaalaman, gumawa ka ng time line simula sa pagsiklab ng ikalawangdigmaang pandaigdig hanggang sa pagdating ni Hen Masaharu Homma. Magagawamo kaya? Kayang-kaya mo iyan! TIME LINE Mga PangyayariPetsa (Araw, Buwan, Taon) _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Tandaan Mo! Ang digmaan sa Pasipiko sa pagitan ng Amerika at Hapon ay bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasangkot ang Pilipinas sa digmaang ito dahil naririto pa ang mga Amerikanonoong sumiklab ang digmaan. 11

Sumiklab ang Digmaan sa Pasipiko sa pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Isinunod ang pagbomba sa Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Ganap na nakapasok ang mga Hapon sa Pilipinas noong Disyembre 22, 1941 sa pamumuno ni Hen. Masaharu Homma. Ang pinagsanib na Hukbong Pilipino at Hukbong Amerikano o USAFFE sa pamumuno ni Hen. Douglas MacArthur, ay magiting na nagtanggol upang pigilin ang pagpasok ng mga Hapon sa Pilipinas.Gawain 3: Paglalapat Natalakay sa aralin ang pagsasanib ng puwersa ng Hukbong Pilipino at Hukbong Amerikano upang magsanay sa pakikidigma sa mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, nagkaroon din ng kasunduan ang Estados Unidos at Pilipinas upang tulungan ng mgakawal Amerikano ang mga sundalong Pilipino sa pagsasanay at pakikidigma.Tinatawag itong ‘Balikatan’ . Ano ang digmaang inilunsad ng Amerika at Pilipinas sakasalukuyan? Bakit walang tigil sa pagsasanay sa ngayon ang dalawangmagkaibigang bansa? Ano ang kanilang pinaghahahandaan o kaaway? Ipaliwanag. 12

ARALIN 2ANG MAYNILA BILANG “OPEN CITY” Noong mga panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa pagdatingna mga Amerikano, ang Maynila ang naging kabisera ng Pilipinas atpinakamagandang siyudad sa Asya. Tuklasin mo sa araling ito kung ano angnangyari sa Maynila nang dumating ang mga Hapon. Bakit idineklara itong “opencity?” Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maisasalaysay ang mga pangyayaring naganap na humantong sa pagbagsak ng Maynila sa kamay ng mga Hapon; at 2. Mapahahalagahan ang pagiging open cityng Maynila sa panahon ng pagsakop ng mga Hapon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Nakarating ka na ba sa Maynila? Ano ang mga larawang naiwan sa isipanmo? Ilista mo dito and mga sagot mo: ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ Kung wawasakin ang siyudad ng Maynila, ano ang mga mararamdaman mo?Ilista mong muli ang mga sagot mo: __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________Ang Pag-atras ng mga Pilipino at Amerikano Ang Maynila ay mahalaga sa mga kaaway sa dahilang ito ang kabisera ngPilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Ang pamahalaan ng bansa aypinamumunuan mula sa Palasyo ng Malacañang sa siyudad na ito. Ito rin ang sentrong komersiyo at edukasyon. Ang mga gusaling itinayo noong panahon pa ng Kastila 13

at yaong mga itinayo ng panahon ng mga Amerikano ay sumasagisag sa kaunlaranng Pilipinas na hindi na nalalayo sa ibang bansa sa Asya. Kaya nang sinimulangbombahin ng mga Hapon, nangamba ang pamahalaan sa maaaring pagkawasaknito. Sa panahon ng mga pambobomba at paglusob ng mga Hapon, buong gitingna lumaban ang mga USAFFE. Ngunit dahilan sa lakas ng puwersa nang papalapitnang hukbo ni Heneral Homma, napagtanto ni Hen. MacArthur na mawawalangsaysay lamang ang pagtatanggol dito at maaaring matupok ito kung magpapatuloysila sa paglaban. Ipinag-utos ni Hen MacArthur ang paglilipat ng mga kagamitangmilitar sa Corregidor at umurong ang USAFFE sa Corregidor kasama si PangulongQuezon at ang kanyang pamilya. Inilipat ang pamahalaang Komonwelt sa Corregidorat noong Disyembre 30 ay pinasinayaan sa Malinta Tunnel sa Corregidor andpagkapangulo ni Quezon sa ikalawang Komonwelt. Samantala’y patuloy na umatrasang mga tagapagtanggol na Pilipino at Amerikano. Ang ibang puwersa ng USAFFEay umurong sa Bataan at doon itinuloy ang pagtatanggol.Pagdedeklarang open citysa Maynila Habang umaatras ang mga hukbong USAFFE, patungo naman sa Maynilaang puwersa ni Hen. Homma pagkaraang umahon ang mga ito sa Aparri atLingayen. Naiwan sa Maynila bilang tagapamahala sina Kalihim Jose B,. Vargas, HukomJose P. Laurel at iba pang mataas na opisyal upang pangalagaan ang kapakanan ngmga mamamayan doon sa sandaling masakop ng Hapon ang Kamaynilaan. Dahil sakawalan ng pwersang panghimpapawid at pangdagat, tuluyang nawalan ng paraangipagtanggol maging ng mga sibilyang tagapamahala ang siyudad. Noong Disyembre 26, 1941, idineklara ni Hen. MacArthur na open cityna angMaynila. Ibig sabihin ay maaari nang sakupin ito nang walang paglalaban upangmaiwasan na ang pambobomba at tuluyang pagkasira ng lungsod. Sa kasamaangpalad, binale-wala ito ng mga Hapon. Patuloy nilang binomba ang lungsod, nasiraang maraming gusali, at maraming napinsalang mamamayan. Nagimbal ang buongbansa maging ang pamahalaan ng Amerika. 14

Noong Disyembre 27, sa gitna ng ganitong kalagayan at kaguluhan,nagpalabas ng isang mensahe kay Hen. MacArthur si Pangulong Roosevelt ngAmerika: “Ipinangangako ko sa bayang Pilipino na tutubusin ang kanilang kalayaanat ang kanilang kasarinlan ay itatatag at ipagtatanggol.”Ang Pagsakop sa Maynila Mula sa hilaga at timog, malayang nakapasok ang mga tropang Hapon atnagsalikop sa Maynila. Tuluyan nilang napasok ang loob ng Maynila noong Enero 2,1942. Sa kanilang pagdating, nanalanta ang mga Hapon, pinaslang pati ang mgasibilyan at dinakip ang maraming kalalakihan. Ikinulong ang mga bihag sa PwersaSantiago at iba’t iba pang malalaking gusali na ginawa nilang mga garison okulungan. Nang masakop na ng mga Hapon ang Maynila, hinirang nila si Jose Vargasbilang Tagapangulo ng Komisyong Tagapagpalaganap ng Pilipinas. Ang komisyongito ang siyang tumayong pamahalaang sentral na ang gawain ay ipahayag sasambayanan sa pamamagitan ng radyo ang mga patakaran ng mga Hapon. Sinasabing naghasik ng lagim ang mga Hapon sa Maynila gayundin sa ibapang bahagi ng kapuluan. Iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahirap at pagpatayang kanilang ginamit. Dahilan sa digmaan at sa paninikil ng mga Hapon, nagkaubosang mga pagkain, maraming nagutom at namatay, at ang mga pamilya aynagkahiwa-hiwalay. Mangyari pa, ang mga sundalong USAFFE ay nahiwalay sakanilang mga pamilya sa kanilang pag-atras patungong Corregidor at Bataan. 15

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Ayon sa nabasa mo sa araling ito, anu-ano ang mga kapinsalaangdulot ng mga Hapon sa kanilang paglusob sa Pilipinas? Ilista mo ang mga ginawasa unang hanay at sa ikalawang hanay ay ilista mo ang mga kapinsalaang dulot ngmga ginawa ng mga Hapon.Mga Ginawa ng Hapon Kapinsalaang NaidulotSa Paglusob sa Pilipinas1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.B. Sa iyong palagay, bakit nasabi ni Pangulong Roosevelt ang mga sumusunodhabang nilulusob ng mga Hapon ang Maynila? Sumulat ng isang talata namagpapaliwanag ng iyong palagay.“Ipinangangako ko sa bayang Pilipino na tutubusin ang kanilang kalayaan atang kanilang kasarinlan ay itatatag at ipagtatanggol.”__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.C. Bakit kinailangang ideklara ang Maynila bilang “open city”? Magbigay ng dalawang dahilan: 1.______________________________________________________ 2. ______________________________________________________ 16

Tandaan Mo! Naging madali ang pagpasok ng mga Hapon sa Maynila sa dahilang nagsi-atras ang mga sundalong USAFFE patungong Corregidor at Bataan. Sa kagustuhang mailigtas ang Maynila sa malawakang pagwasak ng mga Hapon, idineklara itong Open City ni Hen. Douglas MacArthur noong Disyembre 30, 1941. Hindi sinunod ng mga Hapon ang mga patakaran ng pagiging open city ng Maynila. Ipinagpatuloy ang pambobomba, paninira at paglusob hanggang sa nalupig at naikulong ang maraming sundalo at sibilyang lalaki sa iba’t ibang garison na kanilang itinayo. Gawain 3: Paglalapat Sa panahon ngayon, maraming mga Hapon ang napapangasawa ng ating mga kababayan sa dahilang malaya na muling nakapupunta sa Pilipinas ang mga Hapon. Sa Maynila ay maymalaking gusali ang Embahada ng Japan, kayat ang mga Pilipino naman aymalayang nakapagtatrabaho sa Japan. Limot na kaya ng mga Pilipino angnakaraang pananakop at pagmamalupit ng mga Hapon? Sa iyong palagay, dapatba itong kalimutan? Pangatwiranan mo sa pamamagitan ng pagsulat ng dalawangtalata. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 17

ARALIN 3ANG PAGBAGSAK NG BATAAN AT ANG “DEATH MARCH” Ang pag-atras ng puwersa ng mga Amerikano at Pilipino ay nagwakas saBataan at Corregidor. Sa araling ito, pagtutuunan natin ng pansin ang mga naganapsa Bataan, ang kabayanihang ipinakita ng mga Pilipino, at ang kanilangpagsasakripisyo upang mapangalagaan ang kalayaan na pinagkamatayangmakamit ng ating mga ninuno. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay: 1. Makapagpapaliwanag ng mga dahilan ng pagbagsak ng Bataan; 2. Makapaglalarawan ng mga paglabag ng mga Hapon sa karapatang pantao; at 3. Mabibigyang halaga ang kagitingang ipinamalas ng mga Pilipino sa Bataan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin mo ang larawan sa ibaba. Ito ang tinawag na “Death march.” Anoang isinasaad ng larawan? Ano ang iyong nadarama sa pangyayaring nakalarawan? 18

Ang Pag-urong sa Bataan Nakahahambal ang nakasaad sa larawan, hindi ba? Napansin mo ba angpaghihirap ng mga sundalo? Pagkaahon ng mga Hapon sa Aparri at Lingayen, nagtuloy ang mga ito saMaynila. Ipinasiya ni Hen. MacArthur na umurong sa Bataan. Ang layunin ay upangiligtas ang mga sibilyan sa kapahamakang bunga ng digmaan at upang matipon anghukbong Pilipino-Amerikano sa iisang pook at nang sa ganoo’y maging mabisa angpaglaban sa mga Hapon. Ang mga kawal Pilipinong kasama sa pag-urong sa Bataanay mga karaniwang mamamayan at mga propesyonal.Ang Pagtatanggol sa Bataan Matapos masakop ang Maynila, itinuon naman ni Hen. Homma ang buongpuwersang Hapon sa pagtugis sa mga kalaban sa Bataan. Sinalakay ang Bataan atibinuhos ang buong puwersa dito. Makailan din siyang nabigo sapagkat buong gitingat katapatang ipinagtanggol ng USAFFE ang Bataan. Maraming nalagas saUSAFFE dala ng kakulangan ng armas, pagkain at gamot. Maraming nagkasakit ngmalarya at namatay. Sa mga kuwento ng mga nakaligtas, sinasabi nilang sila aynabuhay sa pagkain ng mga ugat ng halaman, mga insekto, at kadalasan ay nagtitiisna lamang sa gutom. Gayunpama’y patuloy silang lumaban.Ang Pagbagsak ng Bataan Hindi lubhang naging madali sa mga Hapon ang pagpapabagsak sa Bataan.Maraming beses silang nabigo. Sa kanilang ranggo ay marami ring namatay sapakikipaglaban at sa sakit na malarya. Subalit sa bandang huli, bumilis angpanghihina ng puwersang USAFFE. Naubusan ng mga armas at bala, gamot atpagkain. Ang hinihintay na suportang pandagat at panghimpapawid at mgakagamitan, gamot at pagkain ay hindi na nakarating. Lubhang napakalayo ngPilipinas sa Amerika at ang Dagat Pasipiko na nakapagitan sa kanila aypinapatrulyahan ng pandigmang dagat ng mga Hapon. Dahil palubha nang palubha ang sitwasyon, at may panganib nang bumagsaksa kamay ng Hapon ang bansa, inilikas si Pangulong Quezon at ang kanyangpamilya patungong Amerika noong Pebrero 20, 1942. Noong Marso 11, 1942 19

naman, inatasan si Hen. MacArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan angpuwersa doon. Binitiwan ni MacArthur ang katagang “I shall return.” Itinalagangkapalit ni MacArthur si Tinyente Heneral Wainwright bilang pinuno ng USAFFE.Pinalitan ang designasyon ni Wainwright bilang pinuno USIP o United States Forcesin the Philippines. Sa gitna ng mga pangyayaring iyon, ibinuhos ni Hen. Homma ang lahat ngtropa nito sa Bataan. Noong Abril 9, 1942, bumagsak ang Bataan sa kamay ng mgaHapon matapos ang magiting at madugong pakikipaglaban ng mga Pilipino. Lumipatsi Hen. Wainwright sa Corregidor at buhat doo’y ipinagpatuloy niya ang pamumunosa pakikipaglaban. Si Hen. Edward P. King na humaliling kumander ng puwersa saBataan, ang siyang nagbigay ng utos ng pagsuko upang mailigtas ang wala nanglakas na mga sundalo.Ang “Death march”May 36,000 sundalong Pilipino at Amerikano, sampung heneral naAmerikano, at anim na heneral na Pilipino ang sumuko sa Bataan. Ang mgabilanggo ay pinaglakad ng mga Hapon mula sa Mariveles, Bataan papunta sa SanFernando, Pampanga. Dumanas sila ng gutom, pagod at labis-labis na pagpapahirapsa kamay ng mga Hapon. Ang mga sugatan at di na makalakad ay tinutusok ng mgabayoneta o kaya’y binubugbog hanggang sa mamamatay. Dahilan sa kawalan ng tubig at pagkain, sakit, at sa labis na paghihirap, nagtangkang tumakas ang maraming bihag. Ang iba’y naglulupasay na lamang at nagpapaiwan. Subalit sila ay pinipilit magmartsang muli o kaya’y walang awang pinapatay. Kayat ang martsang ito ay tinawag na “death march.”Pagdating sa San Fernando, Pampanga, ang mga bihag na nakaligtas ayisinakay sa mga maliliit na bagol ng tren, kung saan marami ring namatay sakakulangan ng hangin. Dinala sila sa Capas, Tarlac, kung saan sila ay inilagak saisang concentration camp o garison. 20

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangungusap? _____1. Nanatili sa Pangulong Quezon at ang kanyang Gabinete sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng pananakop ng Hapon. _____2. Si Hen. MacArthur ay umalis sa Pilipinas upang maging pinuno ng tropa sa Australia ngunit nangakong babalik siyang muli. _____3. Ang Death march ay isang paglabag sa karapatang pantao ng mga sundalo. _____4. Buong kagitingang ipinagtanggol ng mga Pilipino at Amerikano ang Bataan sa abot ng kanilang makakaya. _____5. Naduwag si Hen. Edward King sa lakas ng pwersa ng mga Hapon kayat iniutos niya ang pagsuko.B. Ang mga bihag sa digmaan ay may mga karapatan ayon sa pinagkasunduan ngmga bansa. Ang ilan sa ito ay ang mga sumusunod. Pagkatapos mong basahin,lagyan ng ekis ang nilabag ng mga Hapon.______1. May karapatang mabuhay ang mga sumusuko sa labanan.______2. Ang mga sundalong sumusuko ay hindi nararapat patayin sapagkat walana silang laban at gupo na sa hirap.______3. Ang mga nasugatan ay binibigyan ng pang-unang lunas.______4. Ipaaalam sa kanilang bansa at mga mahal sa buhay ang kanilangkinaroroonan.______5. Bibigyan ng makataong pagtingin ang mga bihag, pakakainin atbibihisan. 21

Tandaan Mo! Sa Bataan, ipinakita ng mga sundalong Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan. Napilitang sumuko ang puwersang Pilipino-Amerikano sa mga Hapon sapagkat lugmok na ang mga sundalo. Walang ayuda sa dagat at himpapawid, at nauubos na ang pagkain, gamot at armas. Si Hen. Edward King ang nagutos ng pagsuko. Ang mga bihag ay pinaglakad mula Mariveles, Bataan patungong San Fernando Pampanga sa makasaysayang “death march.” Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay taga-Bataan, o nakarating na roon, maaaringnakita mo na ang Dambana ng Kagitingan,ang simbolong ito ng Pagbasak ngBataan. Pag-aralan mo ang larawan atpagkatapos ay sumulat o bumuo ng isangtula o sanaysay hinggil sa pagtatanggol sabayan sa sandali ng digmaan. 22

ARALIN 4ANG PAGBAGSAK NG CORREGIDOR AT PAGSUKO SA MGA HAPON Ang Corregidor ang pinakahuling tanggulan ng bansa baka tuluyan itongnapasakamay ng mga Hapon. Tatalakayin sa aralin ang mga huling sandali sa islangito at muling aalalahanin ang kagitingan ng ating mga sundalong Pilipino. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga pangyayaring humantong sa pagbagsak ng Corregidor; at 2. Makapagpapahayag ng pagmamalaki sa kagitingan ng mga Pilipino. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang Corregidor ay isang maliit na isla ngunit malaki ang papel naginampanan noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ano kaya ang mga nangyari saCorregidor nang umatras doon ang mga sundalong Pilipino at Amerikano? Lagyanmo ng tsek kung inaakala mong naganap ang mga pangyayari: ______1. Dito nagpahinga ang mga sundalo. ______2. Ipinagpatuloy ng mga sundalo ang pakikipaglaban. ______3. Tinugis ng mga Hapon ang mga sundalong Pilipino-Amerikano. ______4. Walang humpay na pambobomba ang isinagawa ng mga Hapon. ______5. Ginawa itong himpilan ng pamahalaan ni Pangulong Quezon upang hindi mahuli ng mga Hapon sa Maynila.Ang Huling Tanggulan Ang pagbagsak ng Bataan ay parang hudyat na rin ng pagbagsak ngPilipinas. Subalit hindi ito lubusang tinanggap ng mga sundalong Pilipino atAmerikano. Nananalig pa rin ang ilang mga heneral na maaaring dumating ang mgahukbong sasaklolo mula sa Estados Unidos at bumalik na si Hen. MacArthur. SaCorregidor huling nagtanggol ang mga nalalabing kawal. 23

Nang bumagsak ang Bataan, nailikas na mula sa Corregidor si PangulongQuezon at ang kanyang pamilya papunta sa Estados Unidos. Nagsilbing himpilanniya ang Corregidor upang mapangalagaan siya sa mga Hapon. Ginawa ring ospitalang isang bahagi ng Corregidor upang ang mga sugatang heneral at mga opisyal aymaalagaan. Pagkaraang mapabagsak ang Bataan, ibinaling ni Hen. Homma ang kanyangbuong puwersa sa Corregidor. Binomba ito araw at gabi at pinalibutan ng hukbongpandagat. Ang mga gusai sa loob ng isla ay natupok. Ang mga nalalabing armas atmga kagamitan ay nawasak. Sapagkat isang isla, wala nang naurungan ang mgasundalo. Napilitang sumuko ang mga tagapagtanggol.Ang Pagsuko ng Corregidor at ng Pilipinas Ginawa lahat ni Hen. Wainwright na noo’y siyang namumuno sa pagtatanggolsa Corregidor, ang kanyang makakaya upang ipagtanggol ang isla, ngunit sila aynakubkob na ng mga Hapon. Wala nang sinumang heneral ang makapagliligtas padito. Noong Mayo 6, 1942 isinuko in Hen. Wainwright kay Hen. Homma angCorregidor. Labindalawang libong (12,000) sundalong Amerikano at Pilipino angsumuko. Mapalad sila kung tutuusin dahil hindi ipinadanas sa kanila ang “deathmarch.” Matapos sumuko si Hen. Wainwright, dinala siya sa Maynila upang basahinsa radyo KZRH ang kautusan sa lahat ng kumander sa buong Pilipinas upangsumuko sa mga Hapon. Sinunod ang kautusang ito ng lahat ng mga nakabababangmga opisyal. Bagama’t nanlaban pa ang mga Pilipino sa ibang pulo, gaya ng Panay,Cebu at Mindanao isinuko ni Hen. William F. Sharp Jr, kumander ng mga puwersa saVisaya at Mindanao, ang mga bahaging ito noong Mayo10, 1942. Sa pagbagsak ng Corregidor, ang huling tanggulan ng magkasanib napuwersang Pilipino at Amerikano, bumagsak na rin at sumakamay ng Hapon angbuong Pilipinas. Para sa mga Amerikano, tapos na ang pakikipaglaban, kayatnagsipagbaba sila ng mga armas at sumuko sa mga Hapon. Subalit ang mgaPilipinong opisyal ay hindi nagsisuko. Nagsitungo sila sa mga kabundukan at doo’ynaglunsad ng pakikidigmang gerilya laban sa mga bagong mananakop. 24

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Sa iyong palagay, bakit hindi nagsisuko ang lahat ng mga opisyal na Pilipino? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _______________________________________________B. Ano ang katangiang ipinakita nila sa hindi pagsunod sa pagsuko sa mga Hapon?__________________________________________________________ _________________________________________________________________ ________________________________________________________C. Maipagmamalaki mo ba ang mga katangiang iyan ng ating mga bayani? Sa paanong paraan?_______________________________________________ _________________________________________________________________ ___________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang Corregidor ang huling tanggulan laban sa Hapon. Nang bumagsak ang Corregidor, bumagsak na rin sa kamay ng mga Hapon ang Pilipinas. Ipinamalas ng mga kawal Pilipino ang kagitingan at pagmamahal sa bayan sa pagtatanggol sa Corregidor. Hindi tuluyang sumuko ang mga opisyal na Pilipino at nanindigang ipagpapatuloy ang pakikidigma sa mga kabundukan. Gawain 3: Paglalapat Ang Corregidor ay isa na ngayong lugar ng turismo sa bansa. Makikita doon ang mga labi΄ ng digmaan laban sa Hapon. Kung bibigyan ka ngpagkakataon, gusto mo bang makarating doon? Gumawa ka ng sulat sa alkalde ngiyong bayan upang humingi ng tulong na makapunta ka sa Corregidor kasama angiba pang batang mag-aaral sa inyong lugar. Isa-isahin mo sa iyong sulat ang mgadahilan kung bakit nais mong makapunta doon. 25

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO: Ang digmaan sa Pasipiko sa pagitan ng Amerika at Hapon ay bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasangkot ang Pilipinas sa digmaang ito dahil naririto pa ang mga Amerikano noong sumiklab ang digmaan. Ang pinagsanib na Hukbong Pilipino at Hukbong Amerikano o USAFFE sa pamumuno ni Hen. Douglas MacArthur, ay magiting na nagtanggol upang pigilin ang pagpasok ng mga Hapon sa Pilipinas. Ang paglusob ng mga Hapon sa Pilipinas ay nagdulot ng malaking kapinsalaan sa buhay at ari-arian ng bansa kasama na ang pagkasira ng ating mga yamang likas. Kasamang nasira ang kagandahan ng Maynila na kahit idineklarang open city ay winasak pa rin ng mga dayuhang Hapon. Ang Bataan at Corregidor ay nagsilbing huling tanggulan ng mga Pilipino at Amerikano. Ang pagsuko ay naging ganap sa pagbagsak ng Corregidor. Dumanas ng malaking hirap ang mga sundalong Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Halimbawa nito’y ang “death march” mula Bataan hanggang Pampanga. Sa pagtatanggol sa bansa, ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan, katapatan sa bayan, at kabayanihan. Binabati kita at natapos mo nang mabilis ang modyul na ito. Ngayon ay gawin moang huling pagsusulit upang malaman mo kung iyong natandaan ang mga pinag-aralan mo sa iba’t ibang aralin. Handa ka na ba? 26

PANGHULING PAGSUSULITPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Dumating sa Pilipinas ang mga Hapon noong:A. 1939 C. 1944B. 1941 D. 19502. Bakit nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Amerika at Hapon sa pagsisimulang ikalawang digmaang pandaigdig?A. Matagal na silang may alitan C. May tiwala sa bawat isaB. Magkaalyado o magkaibigan D. Magkalapit ang kinaroroonan3. Saang pangkat kabilang ang Estados Unidos noon?A. Axis C. NATOB. United Nations D. Allied Powers4. Ang tunay na layunin ng mga Hapon sa pagsakop sa Pilipinas:A. pagsunod sa pakiusap ng mga PilipinoB. pagtalima sa utos ng United NationsC. pagsakop sa bansa upang patunayan na makapangyarihan silaD. pagsunod sa kasunduan nila ng Amerika na manakop din5. Ipinahayag ng mga Hapon na layunin nilang palaganapin sa buong mundoang:A. USAFFEB. AXISC. Samahang Kaganapan ng mga Bansasa Kalakhang Asya (Greater Asia Co-prosperity Sphere)D. ALLIED6. Alin sa mga sumusunod and hindi nangyari sa panahon ng pananakop ngHapon sa Pilipinas?A. pagbagsak ng BataanB. pagpapatuloy ng Komonwelt sa AmerikaC. pagbagsak ng CorregidorD. pagbabayad ng Hapon sa Amerika kapalit ng Pilipinas 27

7. Saang pangkat nabibilang ang Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigidg? A. AXIS B. ASEAN C. Allied Powers D. United Nations8. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon ang Pilipinas? A. Jose Rizal B. Claro M. Recto C. Manuel L. Quezon D. Manuel Roxas9. Siya ang itinalagang pinuno ng USAFFE: A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King10. Ang unang Pilotong Pilipinong pinarangalan sa kanyang pakikidigma sa himpapawid: A. Tinyente Geronimo Aclan B. Tinyente Cesar Basa C. Kapitan Jesus Villamor D. Major Jorge B. Vargas11. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Corregidor. A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King 28

12. Bakit kailangang lisanin ang Maynila ng tropang USAFFE at magtungo sa Bataan? A. Sapagkat naroon ang mga Hapon B. Sapagkat napakalaki nito C. Sapagkat maraming gerilya doon D. Sapagkat mahirap nang ipagtanggol ito at labis na mawawasak13. Ang kumander ng puwersa sa Bataan na napilitang sumuko sa mga Hapon: A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King14. Paano madaling nagapi ng mga Hapon ang puwersang Pilipino-Amerikano? A. sa pamamagitan ng propaganda B. sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking halaga C. sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sumukong sundalo D. sa pamamagitan ng walang humpay na pambobomba sa mga mahahalagang instalasyong militar15. Ano ang ginawa ng mga Pilipinong opisyal nang sumuko na ang tropang Amerikano sa mga Hapon? A. Sumuko na rin B. Namundok at naglunsad ng pakikidigmang gerilya C. Nagtago sa malalayong lugar D. Nakipagtulungan sa mga Hapon16. Ano ang ibig sabihin sa pagiging “open city” ng Manila? A. Malugod na tinanggap ang mga mananakop na Hapon B. Bukas na pakikipag-usap sa mga dayuhan C. Di dapat bombahin sapagkat maraming sibilyan doon D. Isinusuko na ito sa mga Hapon17. Baki nasali ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Dahil mayaman ito B. Dahil ito ay isang Komonwelt na protektado ng Amerika 29

C. Dahil ginalit nito ang mga Hapon D. Dahil ito ay bahagi ng kolonya ng Amerika18. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas: A. Hen. Nagasaki B. Hen. Hirohito C. He. Masaharu Homma D. Hen. Yamashita19. Saan nagmula at nagtapos ang paglalakad ng mga bilanggong kawal sa tinaguriang “Death march?” A. Mula Mariveles, Bataan hanggang Maynila B. Mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac C. Mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga D. Mula Mariveles, Bataan hanggang Clark Field, Pampanga20. Sino ang Amerikanong heneral ng tropang Visayas at Mindanao na sumuko sa mga Hapon sa Malaybalay, Bukidnon? A. Hen. Douglas MacArthur B. Hen. Jonathan Wainwright C. Hen. William F. Sharp Jr. D. Hen. Edward P. King 30

MODYUL 15 PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYON NG MGA PILIPINO Sa Modyul 14, nailarawan ang ginawang paglusob ng mga Hapon saPilipinas at ang hirap na dinanas ng mga Pilipino upang pigilin ang kanilangpananakop. Nabigo ang mga pagtatanggol at sinakop ng mga Hapon ang buongbansa. Sa likod ng mga kahirapan at karahasang dulot ng pamamahala ng mgaHapon, nagpunyagi ang mga Pilipino upang labanan ang mga kalupitan ng mgamananakop. Sa modyul na ito, itutuloy natin ang pag-aaral ng mga kaganapan noongpanahon ng Hapon. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito: ano anguri ng pamamahala ng mga Hapon at ano ang pamamaraan ng mga Pilipino upanglabanan ang kanilang karahasan? Ano ang mga ipinakitang kabayanihan ng mgaPilipino na magsisilbing halimbawa sa mga kabataan sa ngayon? May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Motibo ng Hapon sa Pagsakop sa Pilipinas Aralin 2: Pamamahala at Pamamalakad ng mga Hapon Aralin 3: Pagkilos at Pakikilaban ng mga Pilipino Pagkatapos ng mga araling iyan, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Masusuri ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas; 2. Matatalakay ang mga pagbabagong naganap noong panahon ng Hapones sa larangan ng pulitika, ekonomiya, panlipunan at kultura; 3. Matataya ang kahalagahan ng kilusang Gerilya at ang katapangan ng mga Pilipino; at 4. Mapahahalagahan ang pagsisikap ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan at maipakita ang katapatan sa demokrasya. PANIMULANG PAGSUSULIT

Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa natinsa modyul? Magsimula ka na. Itambal ang tinutukoy sa bawat bilang sa mgasalita sa kanang hanay. Isulat ang titik nito sa patlang sa kaliwa._____1. Pagyakap sa kulturang Asyano a. curfew ang layunin nila b. gerilya_____2. Partido ng mamamayang nilikha ng mga Hapon c. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere_____3. Pinamunuan ito ni Dr. Jose P. Laurel d. KALIBAPI_____4. Bagong Pamahalaan e. Kolaboreytor_____5. Pambansang Wika f. Kempei-tai_____6. Babasahing bawal ipalimbag g. Pahayagang Ingles_____7. Wikang ipinatuturo ng mga Hapon h. Ikalawang_____8. Pamahalaang ang mga pinuno Republika i. HUKBALAHAP ay pinagalaw ng ibang tao j. Makapili_____9. Mga sundalong namundok at k. Jose P. Laurel l. Mickey-Mouse nakipaglaban sa mga Hapon m. Luis Taruc_____10.Kilusan ng magsasaka upang n. Niponggo o. Pamahalaang mangalaga sa katahimikan ng bayan Papet_____11. Espiya ng Hapon p. “Panahon ng_____12. Pinuno ng HUKBALAHAP Kadiliman”_____13.Nakipagtulungan sa mga Hapones q. Tagalog_____14.Uri ng pamahalaan r. Totalitaryan_____15.Maraming ipinagbawal ang mga Hapones s. Walang kalayaan_____16.Pamahalaang militar t. Republika_____17.Pangulo ng Ikalawang Republika_____18.Pulis militar na Hapones_____19.Pera ng Hapon_____20.Pagpipigil sa kilos ng mga mamamayanARALIN 1ANG MGA MOTIBO NG HAPON SA PAGSAKOP SA PILIPINAS

Sa buong Asya, naunang sinakop ng mga Hapon ang Tsina at Mongolia.Bakit nabaling ang kanilang pansin sa Pilipinas? Sa araling ito, susuriin natin angmga motibo ng Hapon sa pagsakop sa ating bansa. Bakit nila sinakop angPilipinas? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang mga dahilan kung bakit sinakop ng Hapon ang Pilipinas; at 2. Makapagbigay ng puna sa kaugnayan ng kanilang paraan sa pananakop at ang katapatan ng kanilang layunin. Gawain I: Pag-isipan Mo! Alin sa palagay mo ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas?Bakit mo napili ang mga iyan?____1. Upang maging makapangyarihan sa buong mundo.____2. Upang may mapaglipatan ng kanilang lumalaking populasyon.____3. Upang maangkin ang likas na yaman ng bansa.____4. Upang maging kolonya ang bansang Pilipinas.____5. Upang makilala ang magagandang Pilipina.Ang Pananaw ng Hapon Para sa Dulong Silangang Asya Ang Pilipinas ay paunlad na nang paunlad, lalo na sa kabuhayan, nangsumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at sakupin ito ng mga Hapones.Nang mapabagsak ang Bataan at Corregidor, nagtatag ng isang pamahalaan angmga Hapon sa Maynila. Nabanggit na, sa sinundang modyul, ang paghirang nilakay Jose Vargas bilang tagapangulo ng itinatag na Komisyong Tagapagpaganapng Pilipinas. Noong mga unang buwan ng 1943, ipinahayag ng mga Hapon na naisnilang mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Dulong Silangang Asya upangmagkaroon ng kasaganaan at kaunlaran sa bahaging ito ng daigdig. Upangmatamo ito, bubuo ang Hapon ng mga programang pang-ekonomiya upang

magkaroon ng pagkakaisa ang mga rehiyon sa Pasipiko, mula sa Burma hanggangAustralia. Pinangakuan nila ang mga Pilipino na bibigyan ng kasarinlan kung sila aytutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit na Malaking SilangangAsya”. Tinawag ito sa Ingles na “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.”Lumalabas na ang layunin nila sa pananakop ay ang paunlarin ang DulongSilangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas. Lumalabas din na isang paanyayaang pagmumungkahing sumali ang Pilipinas sa kalipunang ito. Ngunit kungsusuriin, mangyayari lamang ang sinasabing kasaganaan kung ilalagay ang mgabansa sa ilalim ng kanilang pamumuno at kapangyarihan.

Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng Hapon Bukod sa “paanyaya” ng Hapon sa Pilipinas na lumahok sa kanyangprograma, maraming salik na nagtulak sa bansang Hapon upang palawakin angkaniyang teritoryo. Una, lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng masmalaking teritoryo. Pangalawa, lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangangmagkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal. Pangatlo, ang bansang Haponay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na yaman upang gamitin sapaggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma. Upang madaling matamo ang kanilang mga layunin, pinag-aralan ng mgaHapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino. Batid ng mgaHapon ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makuha angkalayaan sa mga Espanyol at Amerikano. Batid nila na pinagpilitan ng mgaPilipinong makuha ang kalayaan upang mapasakamay nila ang pagpapatakbo ngpamahalaan. Walang ninanais ang mga Pilipino kundi ang pamunuuan ang sarilinilang bansa. Dahil dito, pinangakuan nila ng kasarinlan ang mga Pilipino. Upangisulong diumano ang kasarinlang ito, nangako ang pamahalaang militar ng Haponna magtatatag ito ng isang Republika na pamumunuan ng mga Pilipino. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Makipag-usap sa ilang matatanda sa inyong lugar (maaaring lolo o lola)na nabuhay noong panahon ng Hapon. Ipakuwento ang tungkol sa kayamanan niHen. Yamashita. Kung maaari, panoorin mo rin ang pelikula tungkol diyan. Anoang mga ebidensiya na ang mga Hapon ay may motibong pang-ekonomiya sakuwentong iyan?

Tandaan Mo! Pangunahing layunin ng mga Hapon sa kanilang pananakop ang pag-isahin ang mga bansa sa dulong silangang Asya para sa kaunlarang pang-ekonomiya ng rehiyon. Dagdag na layunin ng Hapon ang mapalawak ang kanilang sakop na teritoryo upang may mapaglagyan ng lumalaki nilang populasyon, magkaroon ng pamilihan ng kanilang kalakal at gamitin ang ating likas na yaman sa paglikha ng mga kagamitang panteknolohiya at pandigma. Pinangakuan ng Hapon ang mga Pilipino ng pagsasarili upang mahikayat na sumunod sa kanilang mga patakaran. Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na nabuhay ka noong panahon ng Hapon. Batay sa mga nabasa mo sa modyul at aralin, maituturing mo bang tapato hindi ang layunin ng mga Hapon sa pagbibigay ng kasarinlan sa mga Pilipino?Talaga kayang gagawin nila ito? Pangatwiranan mo.ARALIN 2PAMAMAHALA AT PAMAMALAKAD NG MGA HAPON Maikli lamang ang panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit angpanahong iyon ay nakatimo din sa isipan ng ating mga kababayan. Ilan sa mga isyuat usaping binubuksang muli ngayon ay ang isyu ng “comfort women” o pang-aabuso sa mga kababaihan. Isa lamang iyan sa mga naranasan ng mga Pilipino sakamay ng mga Hapon. Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang pamamahala atpamamalakad ng mga Hapon, ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad, atang mga karahasang hinding hindi malilimutan ng mga Pilipinong nabuhaynoong panahong iyon. Talaga nga kayang pagkakalooban nila ng kalayaan angmga Pilipino noon?

Pagkatapos mong pag-aralan ang nilalaman ng modyul na ito, ikaw ayinaasahang: 1. Makapagbibigay ng pananaw hinggil sa uri ng pamamahala ng mga Hapon; 2. Makatutukoy ng mga pagbabagong pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan; at 3. Makapagbibigay ng reaksyon sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gumawa ng maikling kuwento tungkol sa larawan. Ano ang nais naipahiwatig sa larawang ito?__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagtatatag ng Ikalawang Republika Pagkatapos itatag ang Komisyong Tagapagapaganap ng Pilipinas, sapamumuno ni Jose Vargas, ipinag-utos ng mga Hapon ang paglikha ng pitongkagawaran na ang bawa’t isa ay may kalihim na Pilipino. Ngunit sa bawatkagawaran ay may isang Hapon na nagmamatyag at nagsasabi sa mga kalihimkung ano ang gagawin. Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang Lupon saPagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino at inatasan itong maghanda ngisang saligang-batas bilang paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob.Bago nangyari ito, pinawalang-bisa ng mga Hapon ang mga partidong pulitikongnaitatag noong panahon ng Komonwelt. Bilang kapalit nito, inutusan nila ang mgaPilipinong lumikha ng isang Kapisanan sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas oKALIBAPI. Inutusan itong sumulat at pagtibayin ang isang saligang-batas para sapagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas. Naghalal ang KALIBAPI ng mgakaanib ng Pambansang Asembleya at noong ika-23 ng Setyembre, 1943, sa pang-unang pagtitipon ng Asembleya ay nahalal na Pangulo ng Republikang tinatangkilikng Hapon si Jose P. Laurel. Noong ika-14 ng Oktubre,1943 ay pinasinayaan ang Ikalawang Republika ngPilipinas na lalong kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon. Angpambansang awit at watawat ng Pilipinas na dati ay ipinagbawal ay ipinaawit atiwinagayway. Nang araw ding iyon, pinilit ng mga Hapon si Jose P. Laurel napirmahan ang isang kasunduang militar kung saan ang Pilipinas ay nangangako ngkatapatan sa bansang Hapon. Ngunit bagama’t pumirma si Pangulong Laurel, ito aywalang saysay sapagkat nanatiling matapat sa mga Amerikano ang mga Pilipino athinihintay lamang ang kanilang pagbabalik.Pagbabagong Pampulitika Sa ilalim ng Republika, lahat ng mga nanungkulan sa pamahalaangpambansa at lokal ay pawang Pilipino, ngunit hindi maaaring tumutol sa bawatnaisin ng mga opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sabawat kilos nila. Liga militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan. Ang

saligang-batas ay nasunod sa porma at istruktura lamang ng pamahalaan subalitang mga batas at utos ay galing sa Hapon. Maging si Pangulong Laurel aywalang kapangyarihan. Inalis ang halalan at ipinagbawal ang pagsasalita laban sa pamahalaan.Walang pribilehiyo ang mga mamamayan sa pagsasalita laban sa mga opisyal atkinakailangang yumuko at magbigay galang sa mga opisyal na Hapones. Ang mgakaso na Pilipino lamang ang nasangkot ay nililitis sa hukuman ngunit ang mgaHapon ay nililitis ng hukumang militar ng Hapon. Dahilan dito, kalimitan aynapapawalang-sala ang mga nasasakdal na Hapones. Nagtayo ng maraming instalasyong militar at mga garison sa iba’t ibanggusali sa kapuluan ang mga Hapon. Bawat napaghihinalaang kumikilos laban sakanila ay ikinukulong at pinarurusahan ng iba’t ibang karumal-dumal na paraan.Mga Pagbabagong Pangkabuhayan Ang salaping ginamit noong panahon ng Hapon ay ang kanilang yen, natinatawag ng mga Pilipinong “mickey mouse money.” Malalaking papel at maliitang balyu at isinisilid na lamang sa bayong sapagkat wala namang ganoongmabibili sa mga palengke. Ito ay sa dahilang ang mga Hapon ang namahala samga lupain, industriya, transportasyon at kabuhayan ng Pilipinas. Ang mgapagkain, bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon.Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at mga halaman. Maramiang nagkasakit ng beri-beri dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina sakatawan. Ang mga maysakit ay namamatay na lamang sapagkat kulang angmga ospital at serbisyong panggagamot.Mga Pagbabagong Panlipunan Tunay na pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at pribilehiyo ang mgaPilipino. Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mgapaaralang bayan ang Niponggo, ang wika ng Hapon. Walang laya sa paggalaw atpagkilos ang mga tao, maging sa pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Angpaglabas sa mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mgalumabag ay ikinukulong o binabaril.

Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na maging makabuluhan angRepublika ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mgaHapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan angbansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan. Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mgaHapon. Ang mga kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sakanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggangsa mamatay. Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga espiyangnatatakpan ng bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili sa mga lugar namay mga pinaghihinalaang gerilya o kalaban ng Hapon. Suot ang kanilang bayong,ituturo ang mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon. Kapag hindinakatakas mula sa garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi namakakabalik ng buhay sa kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’tibang malupit na paraan. Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong ito aytinawag na “Panahon ng Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan ang buhayng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay nagtatago pag may dumarating na mgaHapon o dili kaya’y nagsisinungaling upang hindi maparusahan. Ang masakit dito,natuto ang ibang ipagkanulo ang kanilang kababayan upang humaba ang sarilingbuhay.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ngayong nabasa mo na ang uri ng pamamahala ng mgaHapon, lagyan ng ekis (×) ang naglalarawan sa uri ng pamahalaan na itinatag ngmga Hapones sa Pilipinas.____1. Pasismo ____6.Kontrolado ng mga Hapones____2. Pinamahalaan ng mga Pilipino ____7. Totalitaryanismo____3. Demokratiko ____8. Kinatatakutan____4. Mapayapa ____9. Marahas____5.Makatarungan ____10. Pamahalaang papet “puppet government”B. Magtanong sa iyong lolo o lola at ipakuwento ang ilang karahasan na naranasano nakita nila noong panahon ng hapon. Tandaan Mo! Itinatag ng mga Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Jose P. Laurel upang diumano’y bigyan ng bagong pamahalaan at kasarinlan ang mga Pilipino. Ngunit kabaligtaran ang nangyari sapagkat ang mga militar naHapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan at ang Pangulo ay walangkapangyarihan.Sa panahong ito, maraming nilabag na pantaong karapatan.Ang kabuhayan ng mga Pilipino ay hindi umunlad, bagkus nagdulot ngmaraming maraming kasawian sa buhay ng mga Pilipino ang pamamahala ngmga Hapon. Gawain 3: Paglalapat Marami tayong mga kbabayan ngayon na nagtatrabaho at nagnanais na makapunta sa Japan. Sa palagay mo ba ay naghilomna ang sugat ng digmaan? Nanaisin mo ba rin bang magsilbi sa mgaHapon sa kanilang bansa pagkatapos mong malaman ang kasaysayan? Ipaliwanagang sagot.

ARALIN 3PAGKILOS AT PAKIKILABAN NG MGA PILIPINO LABAN SA HAPON Bagamat nasakop ang buong kapuluan at nagsisuko ang mga heneral naAmerikano, napag-alaman mo sa naunang modyul na para sa mga Pilipino, dapatituloy and laban. Hindi ba’t isa iyang kapuri-puri ng katangian ng ating mgakababayan? Sa araling ito, malalaman mo kung paano itinuloy ng mga Pilipino angkanilang paglaban sa mga Hapon kahit na malakas ang puwersa ng mga ito. Inaasahang pagkatapos ng aralin ay magagawa no ang mga sumusunod: 1. Matatalakay ang mga layunin at pamamaraan ng mga kilusang nabuo noong panahon ng Hapon; 2. Matutukoy ang magigiting na Pilipinong nagpakilos at nagbigay-buhay sa mga pakikipaglaban sa Hapon; at 3. Mapahahalagahan ang naging bunga ng pakikipaglaban ng iba’t ibang kilusan ng mga Pilipino laban sa mga Hapon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na maykaugnayan sa araling ito. Sagutan ng oo o hindi.____1. Ang mga gerilya ba ay mga dating sundalo na lumaban sa mga Hapones?____2. Ang mga sundalong Pilipino ba ang nakapagpasuko sa mga Hapones?____3. Higit na naging malupit ba sa mga Hapones ang mga HUK kaysa sa mgagerilya?____4. Nagpatuloy ba sa paglaban ang mga Pilipino kahit nasakop na ng mgaHapones ang Pilipinas?____5. Ang mga HUK ba ay dating mga sundalo ng Hukbong Sandatahan ngPilipinas?

Ang Kilusang Gerilya Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Haponesnoong Mayo 6,1942 ay hindi pa rin natapos ang labanan ng mga Pilipino atHapones. Ang mga sundalong Pilipino, sa halip na sumuko, ay namundok atipinagpatuloy ang pakikipagpaglaban nang palihim. Nagpangkat-pangkat sila nakung tawagin ay gerilya at mula sa mga bulubundukin at mga ilang na lugar,nagsagawa ng mga pabigla-biglang pagsalakay. Ang kanilang layunin: lusubin angmga garison, patayin ang mga sundalo at opisyal na Hapon, palayain ang mganakakulong, at salakayin ang mga istasyong militar upang sirain ang mgakagamitan at manguha ng mga bala at armas na gagamitin sa paglaban sa mgahapon. Sa kalaunan ay lumaki ang bilang ng mga gerilya at ito ay dahil sa pag-iibayo ng kalupitan ng mga Hapon. Nagsama-sama ang mga maliliit na pangkatmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Naragdagan ang dami ng mga puwersanggerilya nang sumapi ang mga sibilyan sa mga lungsod at bayan-bayan kasama naang ibang opisyal ng mga pamahalaang bayan na nagkukunwang tumutulong samga Hapon. Namundok din ang mga sibilyan at karaniwang mamamayang hindi namakatiis sa pagpapahirap ng mga Hapon. Kasama rin ang maraming kababaihangnaging biktima ng karahasan ng mga dayuhan. Maraming pangkat ng mga gerilya ang nabuo sa iba’t ibang dako ngPilipinas. Ang ilan sa mga lider ng mga gerilya ay militar, samantalang ang iba’ysibilyan. Si Tomas Confesor ang sibilyang lider ng Panay, samantalang si KoronelMacario Peralta naman ang lider militar. Sa Leyte ay si Koronel Ruperto Kangleon.Sa Mindanao ay sina Tomas Cabili at Salipada Pendatun. Sa Luzon, napabantogsina Wenceslao Q. Vinzons at Marcos V. Agustin (Marking). Bukod dito, may mgaAmerikano ring naging kasapi at kasamang namundok at lumaban. Sapagkat lumalaki ang kilusan at nagiging mapanganib para sa mga Haponang mga gerilya, naging lalong malupit at mahigpit ang mga Hapon. Maramingdinakip kahit walang sala. Kumuha ng maraming sibilyan na ginawang makapili atbawat mapaghinalaan ay ikinukulong sa Puwersa Santiago sa Maynila at sa iba’tibang garisong itinayo. Subalit lalo lamang dumami ang nagsisapi sa kilusan.Habang tinatakot ang bayan, lalo namang tumindi ang kanilang galit.

Naging isang mahalagang puwersa ang kilusang gerilya sa pagdudulot ngmalaking sakit ng ulo sa mga Hapon at sa hindi pagiging matatag ng Republikangkanilang itinayo. Organisado ang kilusan. May mga kumander at mga ranggo angmga kasapi. May ugnayan sa isa’t isa at may mga sikretong sinyales na hindimaiintindihan ng mga Hapong kalaban. Habang walang puwersang dumaratingmula sa Estados Unidos, naipakita ng mga Pilipino na kaya nilang ituloy ang laban,isang katangiang kanila nang napatunayan sa mga nakaraang pakikihamok sa mganaunang mananakop.Ang HUKBALAHAP Ang mga magsasakang labis na naghirap sa panahong ito ay nagbuklodupang bumuo ng isang kilusang may katulad na simulain sa mga gerilya. Higit salahat, ang mga magsasaka ang lubhang nakadama ng pagmamalupit ng mgaHapon. Ang kanilang mga sakahan ay pinagiinteresan ng mga opisyal na Hapon.Ang mga bigas na kanilang inaani ay kinukumpiska. Maging ang mga hayop at ibapang tanim na kanilang pinaghirapan ay nagsilbing pagkain at lakas ng mgaHapones habang ang kanilang mga pamilya ay namamatay sa gutom. Sila rin angkadalasang pinaghihinalaang kasapi ng kilusang gerilya. Ang mga kababaihan samga lalawigan at mga bukirin ay naging biktima ng maraming kalupitan sa kamayng mga sundalong Hapon. Sa pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal, naitatag angHukbo ng Bayan Laban sa mga Hapones o ang HUKBALAHAP. Nang lumaon,tinawag silang HUK. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handangmangalaga sa kanilang mga sakahang kinakamkam ng mga Hapon. Nagingtagapangalaga rin sila ng katahimikan ng kanilang mga bayan. Naging marahasang ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga Hapones. Daan-daang Hapones angkanilang pinatay. Sinasabing mas higit silang marahas kaysa mga gerilya kaya’tmas higit silang kinatakutan ng mga Hapon.

Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan Katulad ng panahon ng paglaban sa mga Kastila at Amerikano, ang mgasibilyan ay nagbigay ng suporta sa mga kilusang nabanggit. Itinatago ang mgasugatan, ginagamot at pinakakain ng palihim. Ginamit ng mga kababaihan angkanilang kagandahan sa panlilinlang ng mga Hapon, at ang mga kabataa’y nagingtagapagdala ng mga armas at mensahe upang maipagpatuloy ang lihim naoperasyon ng mga kilusan.Ang Liberasyon ng mga Pilipino Mula sa Hapon Ang mga Pilipino ay hindi naghintay lamang sa pagbabalik ng mgaAmerikano upang sila ay iligtas sa kuko ng mga Hapon. Hindi nila hinayaangmayurakan ang kanilang dangal nang walang kalaban-laban. Sa maliit na paraan,at kahit kulang sa sandata at kagamitan, isinulong nila ang kanilang karapatan. Nang bumalik si Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas kasama ang mgahukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon noong Enero 9, 1944, ang mgaPilipino’y hindi nanood lamang. Nagbigay ng dobleng lakas at tapang angpagdating ng mga tropang Amerikano upang ang mga Pilipino ay makilahok sakanilang liberasyon sa kamay ng mga Hapon. Habang sumusugod ang mgaAmerikano sa mga pampang at himpapawid, mula sa loob ng bansa ay itinataboynaman ng mga gerilya at ng mga HUK ang mga Hapon sa labas ng mga lalawiganat bayan-bayan.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Anu-ano ang mga katangiang ipinakita ng mga Pilipino upangmapalayang muli ang bansa? Bilugan ang bilang sa ebidensiyang iyong nakitamula sa aralin. 5 ang pinakamataas na iskor at 1 ang pinakamababa.Katangian Kitang-kita 3 Di-makita1. Pagmamahal sa bansa 54 3 212. Pagmamahal sa lupa 54 3 213. Pagkamatiisin 54 3 214. Pakikiisa 54 3 215. Pagkamaparaan 54 3 216. Kasipagan 54 3 217. Katapangan 54 3 218. Pagkamadasalin 54 21B. Sumulat ng maikling talambuhay ng sinumang naging gerilya sa iyong pook.Magtanong sa inyong mga magulang o sa sinumang nakasaksi sa panahon ngHapon na kilala ng inyong mga magulang. Tandaan Mo! Marami ang napoot sa kalabisang ginawa ng mga Hapones sa loob ng maikling panahon nila sa Pilipinas. Maraming pinsala ang nagawa nila sa ating bansa at higit sa lahat ay pinaghihirapanang mga mamamayan. Dahilan sa kanilang kalupitan na hindi matiis ng mgaPilipino, nagtatag ng mga kilusang gerilya, HUKBALAHAP, at iba pa upanglabanan ang mga pagmamalupit ng mga Hapones.Gawain 3: Paglalapat

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITOAng mga Hapones ay nagtatag ng isang repulika sa Pilipinas na pinamunuan ngmga Pilipino sa pangalan lamang.Nang ang Pilipinas ay sakupin ng mga Hapones napasailalim ito saPangasiwaang Militar na pinamunuan ng Direktor Heneral. Lumikha ngKomisyong Tagapagpaganap na may anim na Kagawaran. Bagamat ito ayibinigay sa mga Pilipino, bawat isa ay may tagapayong Hapones. Nanatili angAsembleya at mga Hukuman ngunit nawalan ito ay kapangyarihan.Dumanas ng hirap ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones noong panahonng digmaan. Nag-ibayo naman ang katapangan ng mga kilusang gerilya,Hukbalahap, at iba pang pangkat sa paglaban sa mga bagong mananakop.

PANGHULING PAGSUSULITA. Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik nito sa bawat patlang.____1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones? a. Pamahalaang Parlyamentaryo b. Pamahalaang Demokratiko c. Pamahalaang Totalitaryan d. Pamahalaang Komonwelt____2. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Jose P. Laurel noong panahon ng pananakop ng mga Hapones? a. Totalitaryan b. Military c. Puppet d. Malaya____3. Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at pag- aalinlangan ang naghahari? a. Panahon ng Kahirapan b. Panahon ng Kadiliman c. Panahon ng Kapayapaan d. Panahon ng Kasayahan____4. Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa mga paaralan? a. Kastila b. Niponggo c. English d. Tagalog____5. Alin ang tama? a. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika. b. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo. c. Mga militar na Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan. d. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.

____6. Binuwag ng mga Hapones ang lahat ng mga lapiang pulitikal. Ito’y nangangahuluga ng: a. Pag-aalis ng kabuhayan b. Pag-aalis ng kalayaan c. Pag-aalis ng pamahalaan d. Pag-aalis ng mga samahan____7. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil sa a. Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones. b. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa. c. Pilipino lahat ang namumuno. d. Laruang Puppet ang paboritong nilang laro.____8. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy nakipaglaban sa mga Hapones a. HUKBALAHAP b. Gerilya c. Makapili d. KALIBAPI____9. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga sa katahimikan ng bayan. a. Gerilya b. KALIBAPI c. HUKBALAHAP d. Makapili____10. Ang pulis militar ng Hapones ay tinatawag na a. Makapili b. Kempei-tai c. Heneral d. Direktor-heneral e.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook