Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:53:36

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Panuto: Suriing mabuti ang nasa mga larawan. Isulat sa ibaba ang kanilang kilos o gawaing ipinahihiwatig sa larawan. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Sagutin Mo 1. Paano ipinakita sa mga larawan ang kanilang kasiyahan? 2. Paano nagiging masaya ang isang tao sa kanyang kilos o gawain? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 5 / 14

Gawain Blg. 2Basahin ang usapan ng mga mag-aaral sa kantina. Punahin ang mgatama at maling kilos ng mga tauhan. Nagmamadaling pumasok sa kantina ng paaralan sina Mila at Rosa. Nagulat sila dahil mahaba na ang pila. Hinanap nila ang kamag-aral na si Laura. Mila: Napakahaba na ng pila. Rosa: Ayun si Laura. Malapit na siya sa kahera. Lumapit ang dalawa kay Laura. Mila: Mabuti at malapit ka na sa kahera. Laura: Bakit ang tagal ninyong dumating. Marami na ang nakapila. Rosa: Dumaan pa kami sa Library at nanghiram ng aklat. Mila: Nagugutom na ako. Pasingit naman sa pila. Laura: O sige, huwag kang magpahalata. Rosa: Nakakahiya sa mga nakasunod sa pila. Sige doon na lamang ako sa likod.Sagutin Mo 1. Ano ang iyong napansin sa mga kilos nina Mila, Rosa at Laura? 2. Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng tamang kilos? Bakit? 3. Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng maling kilos? Bakit? 4. Kailan mo masasabing tama o mali ang kilos ng tao? Ipaliwanag. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 6 / 14

Gawain Blg. 3Basahin ang usapan at sagutin ang mga tanong: Isang pagtatagpo ng tatlong magkakaibigan sa loob ng halamanan ng paaralan. Jane: Rod, Lita, mga matalik ko kayong kaibigan. May sasabihin ako sa inyo, isang suliranin na kailangan kong lutasin. Rod: Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang suliranin. Lita: Oo nga kaya lang iba-iba ang antas nito. Bilang iyong mga kaibigan, ano ang nais mong sabihin at baka matulungan ka naming? Jane: Buntis ako ngayon. Naging mapusok kami ng aking kasintahan. Ano kaya ang aking gagawin? Rod: Problema nga iyan. Alam na ba ito ng mga magulang mo? Jane: Hindi pa. Hindi ko binigyan ng kahulugan sa aking buhay ang ating aralin tungkol sa sekswalidad. Lita: Bakit ba nangyari iyon? Jane: Hindi ko lubos naisip ang magiging kahihinatnan ng aking pasya. Kapwa kami natukso. Rod: Marahil dapat nating ipaalam ito sa iyong mga magulang. Sana ay huwag mong maisip na ipalaglag ang batang iyan. Lita: Tama. Ang batang iyan ay may karapatang isilang at karapatan sa buhay. Jane: Tama, ang pagiging mapusok naming ay hindi dahilan dahil dapat noong una pa lamang ay naisip na naming mali ang aming ginawa. Lita: Humahanga ako sa iyong pag-amin ng iyong kakulangan. Ang dapat ay magkaroon tayo ng batayan sa ating mga kilos at pasya. Rod: Tama ka. Ngayon ang dapat nating gawin ay tulungan kang kausapin ang iyong mga magulang. Jane: Salamat sa inyo.Sagutin Mo 1. Ipaliwanag ang suliranin ni Jane. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 7 / 14

2. Ano ang dapat naging pasya ni Jane upang hindi ito nangyari? 3. Bakit mahalagang may pamantayang moral na sinusunod sa pagpapasya?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? A. Panuto: Gumawa ng isang listahan ng mga pamantayan ng tamang kilos o gawain. ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ B. Panuto: Alalahanin ang mga kilos sa loob ng isang araw. Suriin ang mga kilos o gawaing sa iyong palagay ay nagkamali ka. Isulat sa tapat nito ang nararapat mong ginawa upang naging tama ang iyong kilos Maling Kilos sa Loob ng Araw na Ito Nararapat na Kilos Upang hindi nagkamali Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 8 / 14

V. Pagpapatibay Tatlong Bahagi ng Moralidad ng Kilos: Batayan sa Pagpapasya sa Wastong Kilos Nagtagubilin si St. Thomas Aquinas tungkol sa tatlong bahagi ng moralidad ng kilos. Ang lahat ng ito ay nararapat sa mabuting pagkilos. Ang mga ito ay ang sumusunod: 1. Ang partikular na kilos o gawain 2. Ang pansariling motibo o layunin 3. Ang sitwasyon o kondisyon Ang uri ng kilos o gawain ay nararapat na mabuti. Kaya ang pagpapasya sa pagkilos ay mahalaga. Ang batas moral ay nakatutulong dito sapagkat ito ang gabay sa tamang kilos. Walang ibang dapat sisihin kung ang iyong ikinilos ay mali dahil ito ay nararapat na pinag-isipan at ibinatay sa batas moral. Ang intensyon o motibo ng kilos ay nararapat ding maging tama. Ito ay maaaring maging makatotohanan o tunay (objective) at pansarili (subjective). Mataas ang moralidad ng intensyon o motibo ng kilong kung ito ay objective kaysa subjective. Halimbawa: objective kung nais mong magtrabaho upang maiangat mo sa kahirapan ang iyong magulang. Samantala, subjective kung ang pagtatrabaho ay gagawin mo para sa iyong sariling kapakanan lamang. Sa pagbuo ng ating pasya, mahalaga ang magkaroon ng pagbatay sa kabutihan upang ang ating ikinikilos ay maging tama. Ang galit, kasakiman, pagkahilig, inggit, kawalan ng pag-asa, katamaran, pagkamataas at poot ay mga maling motibo. Ang panghuli, ang pagkakataon o sitwasyon na kailangan ding tama. Piso o isang milyon man ang ninakaw ay pareho pa ring pagnanakaw. Hindi maaaring gawing katwiran na mayaman naman ang iyong ninakawan kaya hindi ito masama. Inaaasahan ding ang higit na nakatatanda, nasa katinuan, may mataas na pinag-aralan ay may mataas na kapasidad na gawin at kumilon nang taman. Halimbawa: kung ikaw ay isang guro at nakipag-away ka sa tindera sa palengke. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 9 / 14

Siguradong maririnig mo na sasabihin ng mga tao na: “Para kang wlangpinag-aralan, guro ka pa naman.” Kinakailangan na ang tatlong nabanggit ay tamang lahat. Hindimaaaring ikatwiran na: kaya ka nagnakaw ay upang mapakain mo angmga nagugutom mong kapatid. Tama ang iyong intensyong mapakainang mga nagugutom mong kapatid subalit mali ang iyong kilos na pinili,ang pagnanakaw Isa pang halimbawa: tumawa ka lang naman ngmalakas dahil nakakatawa ang kuwento ng iyong katabi. Subalittumawa ka nang malakas habang nasa kalagitnaan ng misa kayatumingin ang mga tao sa iyo at ang pari ay naistorbo. Sa ganitongsitwasyon o kondisyon, mali ang iyong kilos. Ang paggamit ng isipan atkalooban ay nararapat upang ang kilos ay maging tama at umayon satatlong bahagi ng moral na kilos. Alalahanin din ang mga batas moralupang ang kilos ay maibatay kung tama o mali. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 10 / 14

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Paano mo hihimukin ang mga nasa sumusunod na sitwasyon upang kumilos sila ng tama. 1. Sinabi ng iyong matalik na kaibigan na lalayas na siya sa bahay nila at titira na lamang sa bahay ng kanyang kasintahan. Palagi raw siyang pinagagalitan ng kanyang mga magulang. Mabuti pa raw ang mga magulang ng kanyang kasintahan dahil sila ay mababait. Tama ba ang kanyang pasya? Pangatwiranan. 2. Bumagyo ng malakas at suspendido ang klase. Nagkataong pumasok kayong tatlo ng iyong mga kamag-aral. Pinalinis sa inyo ang cabinet ng inyong guro. Nakita ninyo na napakaraming papel kaya inilagay ninyo ang mga ito sa mga sako. Nagugutom na kayo kaya naisip ng isang mong kamag-aral na ibenta na lamang ang mga nalikom na sako ng papel. Tama ba ang kanilang pasya? Pangatwiranan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 11 / 14

VII. Gaano Ka Natuto? A. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi. 1. Ang pagiging dalaga ay minsan lang dumarating sa babae, kaya ang puri ay pinahahalagahan. 2. Magpaalam sa magulang tungkol sa panahon kung kailan maaaring manligaw o ligawan. 3. Ang panonood ng X-rated na pelikula ay natural lang sa mga tinedyer. 4. Magkaroon ng limitasyon sa mga lugar na papasyalan kung may kasama na nasa katapat na kasarian. 5. Ang disco ay para sa lahat ng nais magsayaw kaya maaari kang makisayaw sa kahit na sino na nasa sayawan. 6. Karaniwan na sa mga tinedyer na tumakas sa bahay kung hindi sila pinayagang sumama sa kanilang kabarkada. 7. Ang pagsasabi ng totoo sa kapwa ay maaaring ikagalit niya subalit dapat pa rin itong gawin. 8. Ang pag-aasawa ay nasa takdang panahon kaya kung tinedyer ka at nabuntis ay maaaring masira ang iyong kinabukasan. 9. Marami ang gumagawa ng mali sa ating paligid kaya kung gumawa na man ng hindi tama ngayon, hindi na ito mapapansin. 10. Kung husto lamang ang iyong pamasahe at nakasakay mo ang iyong boss, huwag mahiyang magbayad para sa iyong sarili lamang. B. Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Tumunog ng malakas ang cellphone ni Ana habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari. Nagtinginan ang mga tao at napahiya si Ana. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 12 / 14

c. Ang sitwasyon o kondisyon2. Nagugutom na si Luisa kaya nang makita niyang may pagkain sa mesa kinain niya ito kahit alam niyang hindi ito sa kanya. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon3. Gusto ni Mario na makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit kaya habang wala ang guro ay tiningnan niya ang susi sa pagwawasto na nasa ibabaw ng mesa ng kanyang guro. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon4. Nakita ni Paula na dumarating ang pinagkakautangan ng kanyang nanay kaya nagmamadali niyang isinara ang lahat ng bintana at pinto ng kanilang bahay. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon5. Nais ni Diana na manalo sa paligsahan sa pag-awit kaya kinausap niya ang isa sa mga magiging hurado upang masigurong mananalo siya. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 13 / 14

VIII. Mga Sanggunian De Torre, J. (1992). Perspective: Current Issues in Values Education. Manila: Sinagtala Publishers. Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports-IMC. (1995). Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Sangguniang Aklat. Pasig City: May-akda. Punsalan, T.G. (1999). Maylalang. Manila: Rex Bookstore. Susi sa Pagwawasto Handa Ka na Ba? at Gaano Ka Natuto? A. 1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Tama 5. Mali 6. Mali 7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Tama B. 1. c 2. a 3. b 4. a 5. b Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 14 / 14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit II Modyul Blg. 9 Panatag Ka?I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Salamat at patuloy pa rin ang iyong pag-aaral. Naipamamalas mo ngayon ang iyong tiyaga at pagsisikap na maunawaan ang bawat aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Kahit na maraming pagsubok sa iyong buhay bilang isang mag-aaral, matiyaga ka pa ring nag-aaral. Kung iyong iisipin, ano nga ba ang iyong ginagawa kung nalalagay ka sa mga pagsubok sa buhay? Madali ka bang sumusuko? Matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga paraan at pagpapahalagang dapat isabuhay upang mapaglabanan mo ang mga pagsubok sa buhay ng may kapanatagan ng kalooban. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo an g mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Nakikilala ang kapanatagan ng kalooban (inner peace) sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin (LC 2.8) A. Nasusuri ang sariling pamamaraan sa pagpapanatag ng kalooban sa gitna ng suliranin at pagsubok B. Natutukoy ang kahalagahan ng kapanatagan ng kalooban sa gitna ng suliranin at pagsubok C. Nakabubuo ng mga pamamaraan sa pagharap sa pagsubok at suliranin sa buhay Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.1/14

1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.2/14

II. Handa Ka Na Ba?Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng katatagan ngiyong kalooban. Kunin ang kabuuan mong iskor. Self-Inventory Palagi Madalas Paminsan- Hindi1. Kapag may biglaan at di minsan 12 34inaasahang gawain, ako aynatataranta.2. Mahirap akong makatulogsa gabi kapag mayroonakong problema.3. Mahirap akong kausapinkapag problemado ako.4. Gumagawa ako ng paraanupang mapanatag angkalooban ko ngunit madaliakong sumuko5. Maligalig ako hanggang dinalulutas ang akingproblema.6. Dinadaan ko sapagdarasal ang mgapagsubok na dumaratingsa buhay ngunit natatakotpa rin ako7. Hindi na ako makapag-isipng malinaw kapag maymabigat na problema saaking buhay.8. Hindi ko makuhang ngumitikapag may problema ako.9. Ipinapasa ko sa akingkapatid o magulang ang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.3/14

aking suliranin. 10. Pinipilit kong kalimutan ang aking suliranin kung wala akong maisip na solusyonIII. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Panuto: Basahin ang dalawang kuwento ng dalawang taong naging bahagi ng kasaysayan ng mundo. Pagkatapos ay gawin ang sumusunod na gawain. A. ANNE FRANK Si Anne Frank ay isang hudyod na ipinanganak sa Frankfurt, Germany noong 1929. Ngunit ang kanyang pamilya ay nagtungo sa Netherlands noong 133 upang takasan ang kalupitan ni Hitler sa mga hudyo. Nang sakupin ng mga Aleman ang Netherlands noong 1942, siya at ang kanyang pamilya ay nagtago sa isang lihim na tirahan sa isang gusali sa Amsterdam. Matapos ang dalawang taong pagtatago, sila ay nahuli at dinala sa isang “concentration camp” na tinatawag ding “death camp” dahil dito nilalagay ang mga hudyo at pinarurusahan. Bago matapos ang 1945, sila ay pinatay. Tanging ang ama niya lamang ang nakaligtas. Ngunit bago siya kunin mula sa concentration camp ay naitago niya sa isan lihim na lugar ang kanyang diary. Narito ang ilan sa mga nakatala dito: “Kung sinuman ang maligaya ay makapagpapaligaya rin ng iba. Kung sino ang may katapangan at paniniwala ay hindi mamamatay nang malungkot. Sinabi ng aking ama, ‘Lahat ng anak ay dapat matutong hubugin ang sarili’. Ang mga magulang ay nariyan lamang upang magbigay payo at sumubaybay sa tamang landas ngunit ang paghubog sa pagkatao at pagpapahalaga sa sarili ay nasa sarili mong mga kamay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.4/14

Nakalulugodna hindi ganap na nawala ang aking paniniwala dahilsa mahirpa na itong maisakatuparan. Ngunit ang mga ito ay nasa akindahil kahit ano ang mangyari ako ay nanalig na ang tao ay may mabutipa ring puso at kalooban. Naniniwala akong maaayos din ang lahat, ang kasamaan aymatatapos at ang kapayapaan ay darating din. Samantala, mananatiliako sa aking paniniwala dahil pagdating ng panahon, ang mga ito ayaking maisasakatuparan.” Marahil, nang kunin sila sa concentration camp ay nalalaman naniya ang kanyang kapalaran, subalit hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Panatag ang kanyang kalooban dahil sa kanyang paniniwalangmay mga tao pa ring mabuti ang puso at kalooban. Siya ay itinuring naisang bayani.B. JOSE ABAD SANTOS Panahon ng digmaan at dahil sa isang maselang dahilan, si JoseAbad Santos at ang kanyang anak ay dinala sa Alabang, Lanao. Nangsiya ay mahuli, tumatayo siyang tagapamahala ng sangaypampanguluhan. Siya rin ang punong mahistrado at kalihim ngpananalapi, agrikultura at pangangalakal ng Pilipinas ng panahong iyon. Inalok siya ng pamahalaang hapon ng isang mataas na posisyonbilang kapalit ng kanyang kooperasyon at serbisyo. Ito ay napakabigatna pagharap sa isang pagsubok at malaking banta ng panganib sabuhay nilang mag-ama. “Hindi” ang kanyang nagging tugon. “Hindi ko maaaring gawin anginyong inuutos dahil ito ay malaking pagtalikod sa aking sinumpaangpamahalaang Commonwealth ng Pilipinas at Estados Unidos.” Kaya’t noong Mayo 2, 1942, itinakdang mamatay si Jose AbadSantos s autos ng puno ng Japanese High Imperial Command. Niyakapniya ang kanyang anak na si Pepito at sinabi niyang: “Huwag kangumiyak Pepito. Ipakita mo sa mga taong ito ang iyong katapangan atkatatagan.” Sila ay lumuhod at sabay na umusal ng panalangin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.5/14

Pagkatapos nito, siya ay payapang dinala ng mga hapones at mula sa kubong pinag-iwanan kay Pepito ay narinig niya ang mga putok na kumitil sa buhay ng kanyang amang si Jose Abad Santos. Ni walang narinig na sigaw mula sa kanyang ama dahil matatag at panatag ang kanyang pagtanggap ng kapalit ng kanyang pagmamahal sa bayan.Sagutin Mo1. Ano ang kahanga-hangang katangian ang ipinamalas nina Anne Frank at Jose Abad Santos sa harap ng matinding pagsubok?2. Paano nila napatiling panatag ang kanilang kalooban?3. Bakit mahalagang mapanatili ang kapanatagan ng kalooban kahit nasa gitna na ng panganib sa iyong buhay?Gawain Blg. 2Panuto: Isulat sa katapat na kahon ang iyong gagawin kung ikaw aymalagay sa ganitong sitwasyon:1. Nakasakay ka sa isang bus. __________________________Nang singilin ka na ng konduktor, __________________________nawawala ang iyong wallet. __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.6/14

2. Nagkasakit ang iyong ama at __________________________nasa isang ospital. Ikaw ang __________________________nagbabantay nang iabot ang resita __________________________ng gamot. Alam mong walang __________________________pera ang iyong ina. __________________________ __________________________ __________________________ __________________________3. Naulila kayong limang magka-patid. Ikaw ang panganay atlimang taong gulang ang bunso.Kayo lamang ang nakatira saisang bahay na maliit na nasabaryo.Sagutin Mo1. Ano ang iyong mararamdaman kung nalagay ka sa alanganing sitwasyon kagaya ng mga nabanggit sa itaas?2. Bakit kailangang kontrolin ang galit, sobrang kalungkutan at iba pang negatibong damdamin?3. Paano maipapakitang panatag ang iyong kalooban kahit nasa gitna ka na ng mga alanganing sitwasyon? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.7/14

Gawain Blg. 3Panuto: Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba. Isulat sa ibaba kungpaano nila malalagpasan ang ganitong sitwasyon. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________Sagutin Mo1. Sa panahon ng kagipitan ng magkakapitbahay, paano nila maipamamalas ang kanilang kapanatagan ng kalooban?2. Sa ating bansa, paano maipamamalas ng ating mga pinuno ang kapanatagan ng kanilang kalooban para sa kaunlaran ng ating bansa?3. Ano ang naitutulong ng pagkakaroon ng kapanatagan ng kalooban ng samahan o pangkat sa lipunan? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.8/14

IV. Ano Ang Natuklasan Mo? A. Mula sa mga naging gawain, ang kapanatagan ng kalooban ay aking makakamit sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan: ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ B. Ang mga pagpapahalagang kaugnay ng kapanatagan ng kalooban ay ang mga sumusunod: ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.9/14

V. Pagpapatibay Kapanatagan ng Kalooban Magkakaiba ang pananaw at paniniwala ng bawat tao. Magkakaiba ang kanilang mga paraan sa pagharap sa mga suliranin at pagsubok sa buhay. Paano napagtatagumpayan ng bawat isa ang mga hamong ito? Ang suliranin ay masalimuot na pangyayari o sitwasyon. Kaakibat ng bawat suliranin at problema ang mabigat na isip at kalooban. Kadalasan, nauuna ang pag-iral ng emosyon at damdamin kung kaya nahihirapang isipin kung ano ang pinag-ugatan ng suliranin at kung paano ito lulutasin. Ang unang dapat gawin sa tuwing mayroong mabigat na suliranin ay panatagin muna ang isip at damdamin. Magiging magaan at madali ang pag-iisip ng solusyon kung may kapanatagan ng kalooban Ano ang ibig sabihin ng kapanatagan ng kalooban? Ito ayang pagkakaroon ng damdaming puno ng kagalakan sa puso at isipan. Magaan ang pakiramdam at malaya ang isipan. Ang taong panatag ang kalooban ay may kapangyarihang ibahagi ang lakas o enerhiya upang mapabuti ang sarili at kapwa. Narito ang mga kondisyon upang makamit ang kapanatagan ng kalooban: Una, ang wagas na pag-ibig sa pagtulong, matapat na paglilingkod, pakikibahagi sa kapakanan ng iba na walang anumang hinihintay na kapalit. Pangalawa, ang pagmamalasakit na hindi umaasa ng kapalit. Pangatlo, ang matapat na pagtanggap sa kapwa, sino man at ano man siya. Kapag nakamit ang kapanatagan ng kalooban, paano mapauunlad? Narito ang mga paraan: 1. Kalimutan ang mga negatibong pangyayari at magpatawad sa mga nagkasala sa iyo. 2. Patuloy na magsaliksik at mag-aral. Ito ay magbibigay ng tiwala sa iyong sarili. 3. Sikaping maging mabuting kaibigan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.10/14

4. Magpasalamat sa taong nagpatingkad ng iyong buhay.5. Huwag payagang mamayani ang pagkainip. Laging magkaroon ng tapang upang hanapin ang ninanais at makait ang nilalayon sa buhay.6. Laging isaisip na walang taong perpekto. Tanggapin ang pagkakamali at sikapin makagawa nang mahusay.7. Isabuhay ang katarungan at kapayapaan. Maging mapagbigay at mapagmahal.8. Pasalamatan at pahalagahan ang mga biyayang natanggap.9. Tumawa dahil ito ay nagbibigay ng aliw sa sarili at kapwa.10. Dagdagan ang pananampalataya sa Diyos.11. Maglaan ng 15-20 minutong katahimikan upang magnilay, magsuri at magmunimuni.12. Magbigay ng pag-asa sa mga taong wala nito.13. Bigyang kapayapaan ang sarili.14. Mag-ehersisyo.15. Maglaanng panahon para sa iba. Halaw sa Joy in Doing Good on the Sky ni Powell Gordon at How to Nurture the Joy Inside ni Victor Parachin Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.11/14

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Panuto: 1. Gunitain ang isang suliraning iyong kinakaharap sa kasalukuyan. Isulat ito sa tamang kolum. 2. Itala ang mga hakbang upang malutas ito nang maayos.Suliranin Mga Hakbang sa PaglutasVII. Gaano Ka Natuto?Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng katatagan ngiyong kalooban. Kunin ang iyong kabuuang iskor.Self-Inventory Palagi Madalas Paminsan- Hindi1. Kapag may biglaan at di minsan 12 34inaasahang gawain, ako aynatataranta.2. Mahirap akong makatulogsa gabi kapag mayroonakong problema.3. Mahirap akong kausapinkapag problemado ako.4. Gumagawa ako ng paraanupang mapanatag angkalooban ko ngunit madaliakong sumuko. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.12/14

5. Maligalig ako hanggang di nalulutas ang aking problema. 6. Dinadaan ko sa pagdarasal ang mga pagsubok na dumarating ngunit natatakot pa rin ako 7. Hindi na ako makapag-isip ng malinaw kapag may mabigat na problema sa aking buhay. 8. Hindi ko makuhang ngumiti kapag may problema ako. 9. Ipinapasa ko sa aking kapatid o magulang ang aking suliranin. 10. Pinipilit kong kalimutan ang aking suliranin kung wala akong maisip na solusyon.VIII. Mga Sanggunian Parachin, Victor. How to Nurture the Joy Inside. Catholic Digest. CFA Media Apostolate Powel, Gordon. Joy in Doing Good on the Sky. Catholic Digest. CFA Media Apostolate Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.13/14

Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba?Iskor Antas ng Kapanatagan ng iyong Kalooban0-10 Napakababa ng antas ng kapanatagan ng kalooban11-20 Mababa ang antas ng kapanatagan ng kalooban21-30 Katamtaman ang antas ng kapanatagan ng kalooban31-40 Mataas ang antas ng kapanatagan ng kalooban Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 9 ph.14/14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit II Modyul Blg. 10 Gaano Ka Ba Kalaya?I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Madalas na pag-usapan ang paksang kalayaan. At kapag ito na ang nagiging sentro ng usapan, bilang kabataan, ikaw ay nagiging alerto sapagkat mula pa sa elementarya, tinatalakay na ang kalayaan. Sa ating kasaysayan, ang kalayaan ang siyang nagpaalab ng damdamim ng ating mga katutubong Pilipino. Isa tayo sa mga bansang nagkaroon ng sariling kasarinlan. Buong giting na inangkin ng ating mga bayani ang kalayaan mula sa mga dayuhan. Kapag ganitong uri ng kalayaan ang tinatalakay, madali mong naipahahayag ang iyong damdamin. Maari ding pag-usapan ang kalayaan mo bilang isang mamamayan. Mula sa Saligang Batas, nakasaad ang iba’t ibang kalayaang meron ang isang mamamayang katulad mo. Bilang kabataan, malaya mong naipahahayag ang iyong kalayaan sa pananalita, pananamit, at pagkilos. Alam na alam mo ang kahulugan nito. Subalit, gaano ka nga ba kalaya? Paano mo ginagamit ang iyong kalayaan? Alam mo bang dapat na maging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan B. Naipapahayag ang mapanagutang paggamit ng kalayaan sa pakikipagkapwa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 1 / 14

C. Nakabubuo ng mga paraan tungo sa pagpapamalas ng mahusay na paggamit ng kalayaan sa pakikipagkapwa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mongmabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindika makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyongpag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mgasumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 2 / 14

II. Handa Ka Na Ba? Subukin mong sukatin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin, sagutan ang panimulang pagsusulit. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi. ________ 1. Pinili ni Janeth na mapagalitan na lamang dahil sa pagsasabi ng katotohanan ________ 2. Dahil uso, gayahin ang pagsusuot ng blusa na labas ang pusod. ________ 3. Isang mag-aaral na ipinahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga pader ng paaralan ________ 4. Kahit mahal na mahal ni Josie ang kasintahan, tumanggi siyang sumama sa pagtatanan ________ 5. Sa sobrang galit ni Ana, pinagsabihan niya ng masasakit ang kanyang kapatid ________ 6. Sa panonood ng palatuntunan, maaari kang humakhak at sumigaw upang maipakitang maganda ang nagtatanghal ________ 7. Maaari namang ulitin ng dalawang beses ang isang asignatura kaya hindi na muna pumasok si Medel pagkatapos ng Disyembre. ________ 8. Dumating ang sulat ng iyong ate subalit wala siya. Inutusan ka ng iyong ina na buksan ito upang malaman kung sino ang lihim na sumusulat sa kanya. ________ 9. Kasama ang iyong mga miyembro sa samahang iyong pinamumunuan sa inyong paaralan, pumunta kayo sa opisina ng punung-guro upang irekalamo ang maruming palikuran ng paaralan. ________ 10. Kahit tiyahin mo ang kahera ng paaralan, pumipila ka sa tuwing mayroong bayaran. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 3 / 14

III. Tuklasin Mo?Gawain Blg. 1Basahin mo ang bukas na liham na ito. Batasan Hills, Quezon City June 15, 2004 Mahal kong mga kaibigan at kamag-aral, Kumusta sa inyong lahat! Isang maligayang pagbati sa inyong lahat. Pasukan na naman kaya alam kong lahat kayo ay nasa paaralan. Masuwerte kayo dahil maaari kayong magtapos ngayong taong ito. Marahil si Melrose ang valedictorian at si Joyce Ann ang salutatorian. Naku huwag na huwag ninyo kong kalimutang imbitahan sa graduation ninyo kundi pupunta ko riyan at pagagalitan ko kayo. Makulit pa rin ba si Jayson? Siguro lagi pa rin niyang tinutukso si Rodilyn. Ako naghihinala na kaya niya ginagawa iyan ay dahil may lihim siyang pagtingin dito. Nagbibiro lang ako. Talagang masuwerte kayo dahil pinili ninyong tapusin ang pag-aaral kaysa sa akin. Natatandaan ko pa dalawang taon na ang nakaraan, nasa top ten ako ng klase natin sa section 1. Masaya tayong lahat dahil ang laging usapan, kung sino ang mapabilang sa top 10 ay magbibigay ng tsokolate sa bawat isa kaya lagi kong iniipon ang baon ko kapag malapit nang matapos ang taon. Subalit sa katigasan ng ulo ko, pinili ko ang sumama sa aking kasintahang nasa ikaapat na taon. Matalino rin siya ngunit pareho kaming mapusok. Kahit alam naming magagalit ang aming mga magulang, nagtanan kami at nagtungo sa probinsya nina Jerry. Mahal na mahal ko siya. Subalit mas naging mahirap para sa amin ang buhay ngayon. Pinipilit ni Jerry na buhayin kami ng aming panganay na si Nancy. Cute siya at talagang napakalikot. Mana yata sa akin. Sana huwag ninyong tularan ang aming ginawa. Malaya nga naming naipahayag ang aming pagmamahalan subalit nalimutan naming ang aming mga pananagutan sa aming mga magulang bilang mga anak. Mabait sina Tatay at Nanay kaya masyado ko silang naabuso. Naku! Naiiyak na naman ako. Sige, basta mag-aral kayong mabuti. Pipilitin kong makapag-aral sa isang taon. Malaki na nun si Nancy at nangako si Nanay na pag-aaralin niya kong muli. Ang bait talaga ni Nanay. Nagmamahal, Shahani Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 4 / 14

Sagutin Mo1. Ano ang nangyari kay Shahani at sinabi niyang masuwerte ang kanyang mga kamag-aral na nasa paaralan?2. Ano ang dahilan at sinabi niyang nagkamali sila ni Jerry sa pagpapasya?3. Bakit sa maling paraan nila ginamit ang kanilang kalayaan?Gawain Blg. 2 Ang unang hakbang sa pitong batayan ng pagpapahalaga ay angmalayang pagpili. Sumunod ay ang pamimili mula sa pamilian. Subalit paanokung walang pamimilian? Ang sabi ng iba ay hindi daw malaya ang tao kungwalang pamimilian, kung siya ay nahaharap lamang sa isang sitwasyon opangyayari. Subukin mo ngang gawin ang sumusunod upang masubok kunghindi ka nga ba malaya kung walang pamimilian.A. May palatuntunan kaya ang lahat ng mag-aaral ay nasa awditoryum ng paaralan. Nakalimutan ni Laura ang kanyang wallet sa bag kaya bumalik siya sa kanilang silid-aralan. Papasok na siya sa pinto nang makita niyang kinukuha ni Jessie ang wallet ni Gina na kanya ring kamag-aral. Wala nang pagkakataong umurong dahil nasa pinto na siya ng silid-aralan at nakita na siya ni Jessie. Alam niyang si Jessie ang pinakamagulo at salbahe sa klase. Lahat ay natatakot sa kanya. Alam niyang wala siyang pamimiliian kundi ang tumahimik lalo na ng kumunot ang noo nito at sinabing “Laura, wala kang nakita kaya lumabas ka na!” Sa takot, nagtatakbo si Laura at bumalik sa awditoryum. Kung ikaw si Laura, ang ang gagawin mo? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 5 / 14

B. Hindi natapos nina Kristina ang kanilang praktis para sa presentasyon kinabukasan. Napagkasunduang itutuloy ang praktis sa bahay ng kanilang kasama sa grupo. Walang telepono at cell phone sa bahay sina Kristina. Mahigpit at matapang ang kanyang mga magulang. Wala siyang pagpipilian kundi ang sumama dahil malaking porsiento ng marka nila sa kanilang asignatura ay sa kanilang presentasyon mangagaling. Ano ang dapat gawin ni Kristina? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________Sagutin Mo 1. Sa dalawang sitwasyong nabanggit sa itaas, totoo bang hindi sila malaya sa pagpapasya dahil wala silang pamimilian sa paggawa ng pasya? Patunayan. 2. Kung ganito ang sitwasyon at sinasabing wala kang pamimilian, ano ang maaari mong gawin? Saan mo maaaring ibatay ang iyong kalayaan sa pagpapasya? 3. Paano mo masasabing mapanagutan o responsable ang isang tao sa kanyang paggamit ng kalayaan batay sa mga sitwasyon? 4. Paano naaapektuhan ng mapanagutang kalayaan sa paggawa ng pasya ang iyong pakikipagkapwa? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 6 / 14

Gawain Blg. 3Kanino at saan mo karaniwang naririnig ang mga pahayag na ito?Sagutin Mo 1. Naniniwala ka ba sa mga pahayag na ito? Bakit? 2. Kung ginagawa mo ba ang iyong gusto, nagpapakatotoo ka at ipihahayag mo ng walang takot ang iyong sarili, lubos ka nang malaya? Bakit? 3. Bilang kabataan, anu-ano ang mga humahamon sa iyong kalayaan sa pagkilos at pagpapasya? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 7 / 14

IV. Ano Ang Natuklasan Mo?Ipaliwanag mo ang pahayag na ito. “Ang matibay na pananaw sa kung ano ang tama at mali, pagsabi ng oo at hindi batay sa katotohanan ng pangyayari at pagiging mapanagutan ay pundasyon ng kalayaan sa pagpapasya sa panahon ng kagipitan at kawalan ng pamimilian sa pagpapasya. “ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 8 / 14

V. Pagpapatibay Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Ayon kay Esther Esteban sa kanyang aklat na Education in Values, angtao ay kumikilos ng may kalayaan kung: a. naipakikita niya ang pagkakaiba ng tama sa mali batay sa prinsipyong etikal b. sinusunod niya ang kalikasan ng taong piliin ang mabuti at umiwas sa masama Sa kaibuturan ng konsensya ng tao ay narito ang katotohanan at ang batas na kusang pagsunod sa tama at pagtanggi sa masama. Ang tinig ng konsensya ang bumubulong sa puso na mahalin ang mabuti at iwasan ang masama dahil ang batas ng Diyos ay nakaukit sa kanyang puso. Dahil ditto, napananatili ang kanyang dignidad bilang tao. Ang isang kabataan ay kailangan maging sensitibo sa pag-iwas sa kasalanan, maging seryoso sa paghinuha sa magiging bunga ng mga paglabag sa batas etikal. Ayon kay Fr. Joseph M. de Torres a kanyang aklat na Christian Philosophy, ang kalayaan ng tao ay nababatay sa pagpili na kung saan siya lamang ang nakakagawa. Walang anumang kapangyarihan ang maaaring makapilit sa kanya, ito ang dignidad ng tao. Sa ilang pagkakataon, maaari siyang mahikayat, makumbinsi, subalit hindi siya maaaring pilitin. Ito ang kanyang kalayaan bilang nilalang, ang malaman ang kanayang hinaharap at kung paano nito makakamit. Ayon kay St. Thomas, ang kalayaan ng tao ay isang sangkap nag kanyang will na kung saan nakakagawa ito ng mga paraan at hakbang tungo sa pagkamit ng ninanais. Siya ay may talino upang ilahad ang mga alternatibong pagpipilian at ang will ang pipili upang isagawa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 9 / 14

Mayroong dalawang uri ng kalayaan. Ang una ay interior at angpangalawa ay exterior na kalayaan. Ang interior o panloob na kalayaanay tumutukoy sa will upang pumili, samantala ang exterior o panlabas nakalayaan ay tumutukoy sa kalayaan na naimpluwensiyahan ng panlabasna salik katulad ng kalayaang pampulitikal, pangpropesyonal at iba pa.Ang kalayaan ng will ay naktuon sa ispiritwal na kilos dahil umaaayon itosa pagkamit ng hinahangad, kaya may mga pagpipilian. Ang pagpili ng tao ay nasasakop ng katotohanan na siya ay maykamalayan kaya may kakayahan na magsuri at pumili ng nararapat.Siya ay may moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ayon naman sa aklat sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, seryeng SEDP, ang kalayaan ng ating kalooban (free will) ay bahagi na ngating ispiritwal na kalikasan. Ito ay bigay ng Diyos sa atin upang malayanating mahubog ang ating pagkatao. Tayo ay malayang maghanap ngkaalaman at magkaroon ng sariling pananaw, opinion o kaisipan.Malaya rin tayong magmahal, makipag-kaibigan, magalit, magsaya omabagot. Malaya tayong kumilos, magsalita, gumawa o magmukmok.Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan. Ang ibig ipahiwatig nito:ang kalayaan ay hindi lubos. Ito ay may hangganan. May kasabihangkaugnay nito: “Ang kalayan ng isang tao ay nagtatapos kung saannagsisimula ang kalayaan ng kanyang kapwa.” Ito aynangangahulugang dapat nating isaalang-alang ang karapatan ng atingkapwa sa lahat ng bagay. Karapatan natin ang maging malaya tulad ngiba. Subalit sa ating pagiging malaya, dapt nating pangalagaan angkalyaan at karapatn ng iba. Ang kalayang kaloob ng Diyos sa atin ay naitalaga sa paggamit nitopara sa ikabubuti ng tao katulad ng pagpapalaya sa sarili mula samaraming balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao—kalayaan mula saProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 10 / 14

kamangmangan, kahirapan, katamaran, kalungkutan, kasungitan, kasamaan at iba pa. Ang kalayan natin ay naitalaga sa paggmit nito para sa ikabubuti ng tao katulad ng pagtatanggol sa mabubuting adhikain, sa pakikilahoki sa mga proyektong pampamayanan at pangkalikasan, sa pagiging handa sa mga di mabuting nangyayari sa kapaligiran at lipunan, sa pagpuna sa mga katiwaliang nasasaksihan at marami pang ibang mabuting gawain. Dito natin dapt pinalalaya ang ating sarili sa pgawa ng kabutihan para sa lahat.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo? Paano ka magiging mapanagutan sa paggamit ang iyong kalayaan sa mga sitwasyong katulad nito: 1. Ipinahiya ka ng iyong kaibigan sa karamihan dahil naiwan mo ang hiniram mong damit sa kanya. Sinabi niya nang malakas sa inyong klase na hiniram mo lang sa kanya ang damit na iyong isinuot sa inyong Christmas party. 2. Narinig mong pinag-uusapan ng iyong mga kaklase ang iyong kaibigan. Sinasabi nilang buntis ang iyong kaibigan at sila pa lamang ang nakakaalam nito. 3. Nakita mong kinuha ng iyong kaklase ang wallet ng iyong kamag-aral. Subalit nang Makita ka niya, sinabi niyang tumahimik ka kung ayaw mong madamay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 11 / 14

VII. Gaano Ka Natuto?Sagutin ang pangwakas na pagsusulit. Isulat ang MPK kung ang kilosay mapanagutang paggamit ng kalayaan at HM kung hindi.____ 1. Isang babaeng tinedyer, pinagsabihan nito ang lalakingnanantsing sa paghawak ng kanyang kamay____ 2. Isang ama, nagpakalasing sa pag-inom ng alak dahil saproblema____ 3. Isang mag-aaral, walang magawa, nagsulat ng nagsulat sapader____ 4. Batang lalaki, umihi sa pader ng paaralan____ 5. Dahil uso, babaeng tinedyer, nakikita ang pusod habangnamamasyal sa kalsada____ 6. Karapatan daw ang magdiwang ng pista kaya nangutangng pera para makapaghanda sa okasyon____ 7. Pinili ni Janet hang mapagalitan kaysa magsinungaling____ 8. May kalayaan ngang magsalita kaya si Josie ay pinagalitanang mag-aaral sa klase. Hindi na ito pumasok____ 9. Malaya ang kumain kaya palihim na kinuha ang pagkain ngkapatid____ 10. Niyaya si Josef ng kasintahan na magtanan kahit hindi pasila nakapagtapos. Tinatanggihan niya ito kayahiniwalayan siya nito____ 11. Naisip ni Medel na may kalayaan siyang mag-aral subaliltpuro bagsak ang marka____ 12. Naging mapusok ang kasintahan ni Lita sa kanilangpagdideyt. Nagalit ito at nakipagkalas sa kasintahan.____ 13. Naniniwala si Rodel na may kalayaan siya upang mag-aliwkaya hindi na siya pumasok sa klase dahil naglaro ngcounter-strike.____ 14. Binuksan mo ang sulat ng ate.____ 15. Sa panonood ng palatuntunan, maaaring pumalakpak,sumigaw at humiyaw.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 12 / 14

VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph M. 1980. Christina Philosophy. Manila: Sinagtala Publlishers, Third Edition. Esteban, Esther J. 1990. Education in Values. Manila: Sinagtala Publishers.Susi Sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. Mali 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama 6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Mali 10. Mali Gaano Ka Natuto? 1. MPK 2. HM 3. HM 4. HM 5. HM 6. HM 7. MPK 8. HM 9. HM 10. MPK 11. HM 12. MPK Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 13 / 14

13. HM14. HM15. HM Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, ph. 14 / 14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 11 Katotohanan, Paninindigan KoI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nasubukan mo na bang pagkatiwalaan ng isang isang lihim ng isang kaibigan, kapatid o ng iyong magulang? Ano ang iyong ginawa sa lihim na ito? Sinabi mo ba ito sa iba o iyong pinanatiling lihim? Nasa kasaysayan na ng daigdig ang maraming pagkakataon na dahil lamang sa pagbibigay ng maling impormasyon ay napahamak ang katiwasayan ng pamumuhay ng isang tao, ng isang pamilya, ng isang pamayanan o ng isang bansa. Natuklasan ang itinatagong kilusan ng KKK nina Andres Bonifacio dahil sa isang pagkukumpisal. Nasawi ang pangkat ni Gregorio del Pilar dahil sa pagsasabi ng isang tao sa mga kinauukulan. Marahil ay maalala mong napagalitan ka ng nanay mo dahil sinabi ng kapatid mong nakita ka niyang hindi ka pumasok sa paaralan. Nahuli ka ng iyong guro na nangongopya ng ituro ka ng isa mong kaklase. Ano nga ba ang pagsasabi ng katotohanan? Paano ba magiging tapat sa salita at sa gawa? Kung ganoon, umpisahan mo nang simulan mo na ang pagbabasa. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: LC 3.3 Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagiging tapat sa salita at gawa A. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng kawalan ng katapatan sa sarili at sa gawa B. Nabibigyang-halaga ang pagkakaroon ng pananagutan sa bawat salitang binibitiwan at ginagawa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 1 / 14

C. Nakagagawa ng isang pagtatalagang pansarili kaugnay ng pagpapahalaga sa katapatan sa salita at sa gawa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik lamang. 1. Isinasabuhay natin ang katotohanan kapag tayo ay a. nagsisiwalat ng lihim ng iba b. nagsasalita nang maayos at malumanay c. kumikilos at nagsasalita ayon sa paniniwala d. gumagawa ng kabutihan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 2 / 14

2. Isang palatandaan ng pagkamatapat ay a. pagpuna ng mali ng iba b. pagsasalita ng totoo, masama man o mabuti c. pagiging totoo sa salita at sa gawa d. pagiging tahimik 3. Ang katotohanan ay makapagpapalaya sa atin. Ang ibig sabihin nito ay: a. Kapag nagsabi ka ng katotohanan ay malaya ka rin. b. Nawawala ang pagdududa sa pagsasabi ng katotohanan. c. Gumagaan ang pakiramdam ng taong nagsasabi ng totoo. d. Nabubunyag ang katotohanan 4. Alin sa mga sumusunod ang paglabag sa pribadong pag-aari ng tao? a. Pangongopya ng gawaing-bahay ng kaklase b. Pagbabasa ng sulat ng iba c. Pagpuna sa ginagawa ng iba d. Pagsumbong sa kaklaseng nangongopya 5. Masakit man ang katotohanan, kailangan itong tanggapin. Madalas itong naririnig sa mga taong: a. takot magsabi ng katotohanan b. napapahamak dahil sa katotohanan c. naguguluhan dahil sa katotohanan d. mapaparusahan dahil sa katotohananB. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi. 1. Ang katotohanan ang naglilimita sa kalayaan ng tao. 2. Ang white lie ay tinatanggap dahil ito ay kailangan. 3. Kapag tinawag kang plastic ang ibig sabihin ay sinungaling. 4. Ang katotohanan ay naimbento ng tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 3 / 14

5. Ang character assassination ay dapat gawin sa taong laging nagsisinungaling.6. Ang katotohanan ang liwanang ng kalayaan.7. Kapag marami ang naniniwala sa isang prinsipyo, ito ay tama at may katotohanan.8. Upang makaiwas sa kaparusahan, maaaring gumawa ng dahilan.9. Ang kalayaan ay biyaya sa tao kaya maaari niyang gawin ang nais niya10. Minsan ay maaari ring magsinungaling ang tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 4 / 14

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba. Nailabas na ni Cheryl ang laman ng bulsa ng kanyang palda at blusa. Hinahanap niya ang kanyang wallet. Magbabayad siya ng yearboook. Ngayon ang huling araw ng pagbabayad. Subalit napansin ni Cheryl na nawawala ang kanyang wallet. Agad na sinabi ng kanyang kaibigang si Marie na “May kumuha niyon.” Ngunit sinagot siya ni Cheryl na “Baka kung saan ko lang nailagay.” Bumalik na sa klase sina Cheryl at Marie. Habang naglalakad sila, lahat ng makasalubong nila ay sinasabi ni Marie ang tungkol sa nawawalang wallet ni Cheryl. Naunang nakalapit si Marie sa kanilang locker. Nakatawag ng pansin niya ang kanilang bagong kamag-aral na si Juanita. Habang binubuksan nito ang locker ay biglang nahulog ang wallet sa sahig. Tamang tama ang lapit ni Cheryl. Agad na sumigaw si Marie. “Cheryl! Siya ang kumuha ng wallet mo. Tingnan mo at nahulog sa kanyang locker!” Sabay sabay na tumingin ang lahat ng kanilang kamag-aral kay Juanita. “Ireport ninyo sa guidance office”, “Isumbong ninyo kay mam”, “Naku! Mag- ingat kayo”, iyan ang mga sinabi ng kanilang mga kamag-aral. Tumingin si Cheryl kay Juanita. Dinampot ni Juanita ang wallet at iniabot kay Cheryl sabay sabing, “Napulot ko ito sa lobby kanina. Ibibigay ko sana kaya lang ay nahuli ka sa klase kanina. Si Marie ang sumagot nang pagalit, “Sigurado ka!”. “Talagang napulot mo iyan”, pahabol pa niya. Kinuha ni Cheryl ang wallet. “Salamat Juanita” ito ang kanyang tugon at pumuntang muli sa kahera upang magbayad ng yearbook. “Hindi mo ba bibilangin kung walang nawala sa wallet mo.” Ang bilin ni Marie. Habang nakapila ay binuksan ni Cheryl ang wallet. May nakasulat dito: “Napulot ko ang wallet mo. Sana ay walang nawala dito. Maaari mo kong tawagan sa numerong nakasulat dito.” Natuwa si Cheryl dahil walang nawala sa kanyang pera. Pag- uwi ng bahay ay tinawagan niya sa Juanita. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 5 / 14

Sagutin Mo 1. Anu-ano ang magkaibang katangian nina Cheryl at Juanita? 2. Kung ikaw si Juanita, ano ang maaari mong maramdaman? 3. Ano ang iyong maaaring gawin kung napaghihinalaan kang gumagawa ng hindi tama?Gawain Blg. 2Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang maaari mong gawinupang lumitaw ang katotohanan. 1. Nagbibiruan ang iyong tatlong kaklase sa loob ng silid-aklatan. Narinig ito ng isang guro kaya lumapit siya. Itinuro ka ng isa sa kanila kaya ikaw ay biglang sinigawan na lumabas ng silid na iyon. Ano ang gagawin mo? _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ipinagtapat ni Emy na pinalitan niya ang marking nasa kanyang card na ipinakita niya sa kanyang ina. Kaya kailangan niyang sabihin sa guro nilang nawawala ang kanyang card upang hindi mapansin ang mga marka niyang pinalitan. Bilang kaibigan ano ang gagawin mo? _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 6 / 14

3. Maputi, malinis manumit at palangiti ang bagong kaklase nina Felyna si Jose Marie. Nang papasok na siya sa kanilang silid-aralan,narinig niyang pinag-uusapan nila ang bagong kaklase, bakla raw ito.Subalit alam mong hindi ito totoo. Ano ang gagawin mo?___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________4. Sa tuwing may praktis sina Joy sa kanilang sayaw, palaging hulingdumating si Myrna. Sinasabi niyang marami siyang ginagawa sabahay. Subalit alam niyang kaya ito napupuyat at hindi nagigising ngmaaga ay dahil sa panonood nito ng palabas sa TV. Ano anggagawin mo?___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________5. Palaging ikinuwento ni Marisa na siya ay solong anak kaya siya aymay solong kuwarto, laging bago ang cellphone, sinusundo ng kotsepag-uwi. Naiinis na ang kanyang mga kaklase. Ikaw ay malapit sakanya, paano mo sasabihing naiinis ang mga kaklase mo sa kanya?___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 7 / 14

Sagutin Mo1. Paano pinakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon ang paglabag sa katotohanan?2. Ano ang karaniwang dahilan ng mga taong madalas na lumabag sa katotohanan?3. Paano nakakaapekto sa pagkatao ang pagsisinungaling?Gawain Blg. 3Ipaliwanag mo ang sumusunod na pahayag:1. Ang katotohanan ang nagpapalaya sa tao. _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________2. Ang katotohanan ang liwanag ng kalayaan. _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________3. Ang katotohanan ang batayan ng kaasalan ng tao. _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 8 / 14

Sagutin Mo 1. Paano mo maitataguyod ang katotohanan? 2. Bakit sinasabing ang katotohanan ay mananatili magpakailanman?IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Bumuo ng kaisipan mula sa mga naging gawain. Isulat ito sa loob ng kahon. Mula sa mga naging aralin, natuklasan ko na ang katotohanan ay: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 9 / 14

V. Pagpapatibay Ano ang Katotohanan? Ang katotohanan ay ang pagsang-ayon ng isip sa realidad.Bilang isang pagpapahalagang moral, balido ito kahit napakaraming taoang ;lumaban dito sa isang plebisito. Ito ay absolute at hindi isyungpinagtatalunan. Sa pamamagitan ng katotohanan, nakikilala ng mag-aaral ang mali satama. Ito ang obhektibong sukatan ng realidad at asal. Ang mgakatotohanang nakapaloob sa Batas Moral (sa Sampung Utos ng Diyos), ayang pamantayan ng kaugalian (code of ethics) kung saan ibinabatay ang mgarasyonal at etikong pagpapasya. May karapatan ang mag-aaral na matutuhan ang obhektibongpamantayan ng moralidad, kahit salungat ito sa isinasabuhay ng mga tao salipunan. May karapatan siyang makamit ang kanyang pakikiisa sa dakilangLumikha at ang walang hanggang kaligayahan (eternal happiness) sapamamagitan ng pagsang-ayon ng kanyang isip at malayang loob sa mgainiuutos ng Batas Moral. Marami kang kinakaharap na sitwasyon kung saan natutukso angiyong pagsang-ayon sa mga iniuutos ng Batas Moral o ng Sampung Utos.Halimbawa, dahil sa dami ng iyong project sa paaralan, nahuli ka sapagsumite ng isang reaction paper sa Science. Sa hiya mong aminin sa guromo na hindi mo naplano lahat ang iyong gagawin kaya nagahol ka sapanahon, sinabi mong nasira ang iyong computer. Maliwanag na nilabag moang Ikalawang Utos na nagsasabing sabihin natin ang katotohanan. Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay katumbas ng buongpagkatao. Isipin lamang na hindi ka mapagkakatiwalaan sa iyong mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 10 / 14

sinasabi ay malaki nang kasiraan sa iyong pagkatao. Ganoon din sapaggawa, ang buong ikabubuhay mo ay batay sa iyong katapatan sapagtatrabaho. Ayon sa aklat ni Punsalan, ang katotohanan ang batayan ng kaasalanng tao. Ito ang kakayahan ng bawat tao na magsabi at magpahayag ngpawang totoo. Kapag may katotohanan ay may pagkakaisa sa sinasabi atiniisip ng tao. Usung-uso ang kasabihang, huwag kang maging “plastik”, na ang ibigsabihin ay magsabi ka ng totoo o magpakatotoo ka. Nariyan din ang“character assassination” na sumisira sa dignidad ng tao. Sa aklat ng Chicken Soup for the Teenage Soul, isang kuwento angtumutukoy sa pagsasabi ng katotohanan. Ang pamagat ng kuwento ay “TheGossiper”. May isa raw babaeng mahilig magkalat ng kuwentong walangkatotohanan. Minsan ay mayroon nagdamdam ng lubha sa kanya. Kayalumapit siya sa isang matandang paham at humingi ng tulong. Inutusansiyang bumili ng manok at isabog sa daan ang balahibo nito at pagkatapos aybumalik sa kanya. Nang kanyang magawa ito, bumalik nga siya sa matandaat tinanong kung ano ang susunod niyang gagawin. Sinabi sa kanyangbalikan niya ang mga balahibong kanyang ikinalat sa daan. Subalit sinabiniyang imposible ito dahil tinangay na ito ng hangin. Ganito ang sinabi sakanya ng matanda: “Kung ganoon, ganoon din ang epekto ngkasinungalingan ng bawat kuwentong ginawa mo. Hindi maaaring mabagoang sinira mong pagkatao.” Ayon naman sa aklat ni Esther Esteban, ang katotohan ay hindiinimbento ng tao. Ito ay nariyan na, wala pa ang tao. Kahit ang mgapagpapahalagang moral ay batay sa katotohanan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 11 / 14

VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo Paano mo isasabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa batay sa sumusunod na pahayag: 1. Huwag kang mag-atubiling magsalita kung napapanahon at huwag mong itago ang iyong karunungan. 2. Huwag kang magsalita laban sa katotohanan at huwag mong kalilimutan, marami kang di nalalaman. Ecclesiastico 4:23VII. Gaano Ka Natuto? A. Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik lamang. 1. Isinasabuhay natin ang katotohanan kapag tayo ay a. nagsisiwalat ng lihim ng iba b. nagsasalita nang maayos at malumanay c. kumikilos at nagsasalita ayon sa paniniwala d. gumagawa ng kabutihan 2. Isang palatandaan ng pagkamatapat ay a. pagpuna ng mali ng iba b. pagsasalita ng totoo, masama man o mabuti c. pagiging totoo sa salita at sa gawa d. pagiging tahimik Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 12 / 14


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook