Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:53:36

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

3. Ang katotohanan ay makapagpapalaya sa atin. Ang ibig sabihin nito ay: a. Kapag nagsabi ka ng katotohanan ay malaya ka rin. b. Nawawala ang pagdududa sa pagsasabi ng katotohanan. c. Gumagaan ang pakiramdam ng taong nagsasabi ng totoo. d. Nabubunyag ang katotohanan 4. Alin sa mga sumusunod ang paglabag sa pribadong pag-aari ng tao? a. Pangongopya ng gawaing-bahay ng kaklase b. Pagbabasa ng sulat ng iba c. Pagpuna sa ginagawa ng iba d. Pagsumbong sa kaklaseng nangongopya 5. Masakit man ang katotohanan, kailangan itong tanggapin. Madalas itong naririnig sa mga taong: a. takot magsabi ng katotohanan b. napapahamak dahil sa katotohanan c. naguguluhan dahil sa katotohanan d. mapaparusahan dahil sa katotohananB. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi. 1. Ang katotohanan ang naglilimita sa kalayaan ng tao. 2. Ang white lie ay tinatanggap dahil ito ay kailangan. 3. Kapag tinawag kang plastic ang ibig sabihin ay sinungaling. 4. Ang katotohanan ay naimbento ng tao. 5. Ang character assassination ay dapat gawin sa taong laging nagsisinungaling. 6. Ang katotohanan ang liwanang ng kalayaan. 7. Kapag marami ang naniniwala sa isang prinsipyo, ito ay tama at may katotohanan. 8. Upang makaiwas sa kaparusahan, maaaring gumawa ng dahilan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 13 / 14

9. Ang kalayaan ay biyaya sa tao kaya maaari niyang gawin ang nais niya 10. Minsan ay maaari ring magsinungaling ang tao.VIII. Mga Sanggunian Canfield, J. (1998). Chicken Soup for the Teenage Soul. Florida: Health Communication Inc. Word and Life Publication. (1994). Catechism of the Catholic Church Manila: Author Esteban, E. J. ( ). Education for Values. Manila: Sinagtala Publishers Punsalan, T.G. (1998). Maylalang. Quezon City: Rex Book StoreSusi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? Gaano Ka Natuto?A. 1 A. 1 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5.B. 1. B. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. 6. 6. 7. 7. 8. 8. 9. 9. 10. 10.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 11, ph. 14 / 14





























































EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit III Modyul Blg. 14 Walang Labis, Walang KulangI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Sa nakakaraang aralin, natutuhan mo na maging maingat sa pagpapasya. Ngayon naman sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng pagtitimpi. Alam mong ang katulad mong kabataan ay kulang sa pagtitimpi. Ilang beses ka na bang napaaway dahil hindi ka naging mahinahon sa pakikipag-usap o kaya ay di nakapagpigil na magsalita o magalit. Tama ka mahirap ang magpigil sa sarili. Ang modyul na ito ang tatalakay kung paano makokontrol ang sarili. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo an g mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Naipaliliwanang ang kahulugan at kahalagahan ng pagtitimpi B. Napatutunayang ang taong may pagtitimpi ay may kakayahang mapigil ang sarili sa masasamang hilig C. Naipapakita na ang pagtitimpi ay nangangailangan ng mapanuring isip Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 1 / 9

7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang. 1. Nararamdaman mong mahal na mahal mo ang iyong kasintahan subalit nasa ikaapat na taon ka pa lamang ng paaralang sekundarya, anong virtue ang dapat mong pahalagahan? a. prudence b. temperance c. fortitude d. justice 2. Hindi masama ang gumamti ng produkto ng makabagong teknolohiya, ang mahalaga’y ang paggamit nito sa tamang katwiran at tamang a. tao b. panahon c. lugar d. kemikal 3. Isa sa kalaban ng tao kung kayat nahihirapan siyang magpigil sa paggamit ng mga bagay na hindi naman gaanong kailangan ay a. computer b. cellphone c. TV d. Refrigerator 4. Hindi masama ang lang mamili kung ang pinamimili ay a. mga gamit na kailangan at hindi lang gusto b. nagbibigay ng kasiyahan at gusto mo c. paborito mo ang lahat ng ito d. ipamimigay mo sa marami 5. Ang pag-inom ng alak at pagkain ng labis ay masama sa katawan at kalusugan subalit bakit mahirap itong pigilan a. kulang ang determinasyong pigilin ang sarili b. maraming pang-akit sa mamimili c. sumusunod sila sa uso at makabagong paraan ng paghahanda ng pagkain d. maraming fastfood centers at lahat ay gusto ditong kumain Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 2 / 9

III. Tuklasin MoGawain Blg. 1Gaano kadalas mong gawin ang sumusunod. Lagyan ng tsek () anghanay na umaangkop sa iyong gawain. Palagi Madalas Paminsan HIndi -minsan1. Manood ng TV hanggang mag-sign off2. Maglaro ng computer games3. Manigarilyo tuwing may pagkakataon4. Makipag-usap nang matagal sa telepono5. Unimom ng softdrink6. Bumili ng junk food7. Uminom ng alak8. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot9. Tanghaling gumising10. Pagliban nang walang dahilan11. Hindi paggawa ng takdang aralin12. Pangongopya dahil hindi nag-aral13. Pagbibiro ng labis/green jokes14. Paglalaro ng sobra15. Labis na pagkainSagutin Mo1. Alin sa mga talaan ng gawain ang palagi mong ginagawa?2. Alin naman ang mga gawain ang hindi mo ginagawa? Bakit?3. Anu-anong gawain ang nalagyan mo ng tsek ng palagi at madalas?4. Ano ang maaari mong magawa upang maging paminsanminsan o hindi na ang mga gawaing nalagyan mo tsek ng palagi at madalas. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 3 / 9

Gawain Blg. 2 Marami sa mga tinedyer ang mapusok, kulang sa matalinongpagpapasya paghusga kaya madalas ay hindi na pinag-iisipan.Nangingibabaw ang damdamin at nawawala ang tamang katwiran. Basahin ang maikling usapan Ana: Narinig nyo na ba ang usapan sa kantina? Celia: Oo, si buntis si Ara. Mila: Kasi naman, halos hindi na sila maghiwalay ni Francis. Ana: Oo nga, iniwan niya tayo mula ng sagutin niya si Francis. Celia: Masyado niya kasing mahal si Francis. Mila: Naku! Pagmamahal ba iyong ayaw mong pasamahin sa iba ang iyong katipan. Kahit na tayo ay kanyang iniwanan. Magkakaklase tayo mula elementarya. Ngayon lang siya nahiwalay sa atin. Ana: Pero kawawa naman siya. Kaya si Peter, sinasabi ko sa kanya, hindi nakasentro ang buhay naming sa aming dalawa lang. Kami ay mayroon ding pamilya, kaibigan at mga kamag- aral na dapat pakitunguhan. Hindi lahat ng oras ay dapat kaming magkasama. Mila: Tama ka diyan. Pero ako mas safe dahil ayaw pa nina papa at mama na magkaroon ako ng kasintahan kaya siguradong makakaiwas ako sa maagang pagbubuntis. Celia: Ha ha ha . . . Kahit kailan sigurista ka talaga. Kung sabagay kung marunong kayong magtimpi, walang problema, pero mas mainam ngang magkaroon ng kasintahan sa tamang panahon. Ang patitimpi kasi ay napakahirap lalo na kung makulit ang naging kasintahan mo. Ana: Diyan naman hindi uubra si Peter. Kapag kinulit niya ko, iiwanan ko siya. Kailangan akong makatapos ng aking pag- aaral. Mila: O sige, bago natin tuluyang husgahan si Ara, puntahan natin siya at damayan, balita ko kasi ayaw na niyang pumasok at nasa loob na lamang ng bahay. Ana at Celia: Kung ganoon, tara na!Sagutin Mo1. Anu-ano ang mga dahilan ng maagang pagbubuntis ni Ara ayon sa usapan nina Ana, Mila at Celia?2. Bigyang puna ang magkaibang katwiran nina Ana at Mila tungkol sa pakikipagkasintahan sa kanilang edad at katayuan bilang mag-aaral?3. Bakit mahirap ang magtimpi sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?4. Sa pangyayaring ito, ano ang maaari mong maipayo kay Ara? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 4 / 9

Gawain Blg. 3Ang sumusunod na sitwasyon ay pagsukat pa rin sa iyong kakayahangmagtimpi. Isulat mo ang maaaring motibo ng kilos, posibleng solusyonat posibleng positibo at negatibong bunga ng solusyon.1. Parehong galing sa ibang paaralan sina Barry at Justin. Masayahin si Barry, habang seryoso si Justin. Kapag may hindi maunawaan si Justin, pumupunta siya sa Guidance counselor upang humingi ng payo. Pinagsabihan siya ni Barry na dapat ay sa class adviser nila siya pumunta dahil problema ito ng kanilang klase. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pagbibitaw ng hindi magagandang salita. A. Motibo ng kilos ni Barry __________________________________________________ __________________________________________________ B. Solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ C. Posibleng positibong bunga ng solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ D. Posibleng negatibong bunga ng solusyon __________________________________________________ __________________________________________________2. Hindi pumasok sa paaralan si Luis upang maglaro ng basketball. Nagkasundo sila ng kanyang mga kalaro na magkaroon ng pustahan. Mainitan ang paglalaro dahil nais ng bawat grupo na manalo. Nagkaroon ng kantiyawan hanggang magkapikunan. Dahil dito, nagkagulo at nagsuntukan. Nais ni Luis ang umawat. A. Motibo ng kilos ni Luis __________________________________________________ __________________________________________________ B. Solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ C. Posibleng positibong bunga ng solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ D. Posibleng negatibong bunga ng solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 5 / 9

3. Hindi nakapag-aral na mabuti si Letty dahil sa panonood ng TV. Pagdating sa paaralan, nagkaroon ng biglaang pagsusulit sa Mathematics. Iisa lamang ang naisip ni Letty na paraan upang makapasa, ang mangopya. A. Motibo ng kilos ni Letty __________________________________________________ __________________________________________________ B. Solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ C. Posibleng positibong bunga ng solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ D. Posibleng negatibong bunga ng solusyon __________________________________________________ __________________________________________________ Sagutin Mo 1. Nahirapan ka bang mag-isip ng posibleng solusyon sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag. 2. Alin sa mga sitwasyon ang nasubukan mo na? Positibo o negatibo ba ang bunga ng solusyong ginawa mo? Ipaliwanag 3. Bakit mahirap gawin ang pagtitimpi sa bawat sitwasyon?IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Bumuo ng kaisipan mula sa aralin sa pamamagitan ng pagtapos sa mga sinimulang pangungusap. 1. Natuklasan ko na nangangailang ng pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon upang __________________________________ __________________________________________________ 2. Mahalagang mahubog ang pagtitimpi sa kabataan dahil __________________________________________________ 3. Ang mga pagpapahalagang kaugnay sa virtue ng pagtitimpi ay ang mga ___________________________________________ __________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 6 / 9

V. Pagpapatibay Ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata (adolescence) ay nagdudulot ng mabilis na pagbabago sa emosyon. Nagiging mapusok ang isang kabataan, subalit hindi ito dahilan upang sabihing natural o normal ito sa ganitong panahon. Kung ganito ang magiging katwiran ay hindi ito bibigyan ng pansin at mahihirapan sa susunod na antas ng buhay, ang adulthood. Kung susuriin, ang pagtatalo ng katwiran at isip mula sa emosyon at damdamin ang paghihirap na pairalin ang pagtitimpi. Dahil kung makakasanayan ng isang kabataan na sa tuwing umiinit ang kanyang pakiramdam, magagalit siya at magsasalita ng hindi tama, madadala niya ito hanggang pagtanda. Kung habang umiinit ang kanyang ulo at nakapag-iisip siya ng wasto, maaari niyang mapigil ang kanyang galit sapagkat maiisip niyang umisip muna ng solusyon bago tuluyang diktahan ng damdamin ang kanyang isipan. Ayon kay St. Thomas, dalawang magkasalungat na damdamin ang dapat na kontrolin, ang sobrang masarap at mabuti sa pakiramdam at ang kawalan ng pakiramdam. Halimbawa: masarap ang laging matulog kaya kung minsan kahit kailangan mong gumising ng maaga upang hindi mahuli sa klase, ngunit kung hindi ka naman matutulog dahil nais mong matapos ang gawain, masama rin ito sa iyong katawan. Tama ang kontrolin mo ang sobrang pagkain, subalit kung hindi ka naman kumain dahil sa sobrang pagtitipid, masama din ito. Sa kabuuan, ang pagtitimpi ay moral virtue dahil nangangailangan ito ng puspusang pagtuon sa kung ano ang tama at mali sa lahat ng pagkakataon. Kabilang din dito ang pagtitimbang ng mga pangyayari upang mabuti ang kalalabasan ng kilos. Sa huli, pagdarasal na gabayan ng Maykapal upang makontrol ang sarili sa lahat ng pagkakataon, humingi ng paumanhin kung naging mapusok at humingi ng payo sa mga nakatatanda. Halaw sa The Image of His Maker ni Edward Brennan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 7 / 9

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Gumawa ng isang pangako sa iyong sarili ukol sa pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon. Ang Aking Pangako Mula ngayon kokontrolin ko ang aking sarili mula sa: . . . . . Gabayan nawa ako ng Diyos na matupad ang mga ito.VII. Gaano Ka Natuto? Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang. 1. Nararamdaman mong mahal na mahal mo ang iyong kasintahan subalit nasa ikaapat na taon ka pa lamang ng paaralang sekundarya, anong virtue ang dapat mong pahalagahan? a. prudence b. temperance c. fortitude d. justice 2. Hindi masama ang gumamti ng produkto ng makabagong teknolohiya, ang mahalaga’y ang paggamit nito sa tamang katwiran at tamang a. tao b. panahon c. lugar d. kemikal Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 8 / 9

3. Isa sa kalaban ng tao kung kayat nahihirapan siyang magpigil sa paggamit ng mga bagay na hindi naman gaanong kailangan ay a. computer b. cellphone c. TV d. Refrigerator 4. Hindi masama ang lang mamili kung ang pinamimili ay a. mga gamit na kailangan at hindi lang gusto b. nagbibigay ng kasiyahan at gusto mo c. paborito mo ang lahat ng ito d. ipamimigay mo sa marami 5. Ang pag-inom ng alak at pagkain ng labis ay masama sa katawan at kalusugan subalit bakit mahirap itong pigilan a. kulang ang determinasyong pigilin ang sarili b. maraming pang-akit sa mamimili c. sumusunod sila sa uso at makabagong paraan ng paghahanda ng pagkain d. maraming fastfood centers at lahat ay gusto ditong kumainVIII. Mga Sanggunian Brennan, Robert Edward. 1948. The Image of His Maker. The Bruce Publishing Co. Cathecism of the Catholic Church. Manila: Word Life Publication.Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? 1. b 2. c 3. b 4. a 5. aGaano Ka Natuto? 6. b 7. c 8. b 9. a 10. a Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 14, 9 / 9

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit III Modyul Blg. 16 Isang Buhay, Isang KaluluwaI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Alalahanin ang panahon na ikaw ay nakatanggap ng isang handog na gustung-gusto mo? Ano ito ? Ano ang ginawa mo sa handog ? Ito ba ang ninanais ng nagbigay sa iyo na gawin mo sa kanyang handog ? Maituturing mo bang ang iyong buhay ay handog ng Diyos sa iyo ? Matutuwa ba ang Diyos sa ginawa mo sa handog niya sa iyo ?Handa ka bang humarap sa kanya at sagutin ang kanyang mga tanong? Pagkatapos mong pag-aralan ang mga aralin at gawain, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga. L.C 4.2 .Naisasaalang-alang ang kasagraduhan ng buhay laban sa mga isyung katulad ng aborsiyon at iba pa. A. Naipaliliwanag ang kahalagahan at kasagraduhan sa pagpapatuloy ng buhay. B. Napahahalagahan ang mga taong may kaugnayan sa pagpapatuloy ng buhay. C. Nakasusulat ng liham pasasalamat at kahilingan sa mga taong may kaugnayan sa pagpapatuloy ng buhay. Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 1/10

5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 2/10

II. Handa Ka Na Ba? Ayusin ang ginulong mga titik upang mabuo ang salita sa loob ng kahon. Ang lahat ng salita ay may kaugnayan sa sagot sa gitnang kahon. AT YH UD BA OO EIS B U 5.____________ CI RI N 1 salita 3. 1 salita1. SG 1 salita NA DE A E A OGL I N 10. ___________ YT AEA A 1 salita S H TH PN LU T 4. ____________2.____________ 2 salita 1 salita LA N AMB UH PG AY AN A6.______________ 8. ___________ 1 salita 1 salitaAH AGLI UG NM AL7._____________ 9. ___________ 1 salita 1 salita Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 3/10

III. Tuklasin mo Gawain Blg. 1 Basahin ang proseso ng pagkalikha at paglaki ng sanggol sa sinapupunan ng isang ina 1. Ang egg cell at sperm cell ay nagtagpo sa sinapupunan ng ina. 2. Ang pagtibok ng puso ay nagsisimula sa pagitan ng ika-18 at ika-25 araw. 3. Sa pagsapit ng ika-42 araw, ang mga buto ay kumpleto at buo na, at ang paggalaw ay naroon na. 4. Ang utak at ang lahat ng sistema sa katawan ay buo na pagsapit ng ika-walong linggo. 5. Sa ika-siyam o ika-sampung linggo, kaya niyang magpagalaw ng kanyang dila at kapag ginalaw mo ang kanyang palad, ito ay kanyang ikukuyom. 6. Sa ika-11 hanggang ika-12 Linggo,sisip-sipin niya ng buoung sigla ang kanyang hinlalaki at ihihinga na niya ang kanyang panubigan upang mapapaunlad ang kanyang baga. 7. Gumagana na ang lahat ng sistema sa katawan pagtuntong sa ika- 12 Linggo o 3 buwan. Gawin mo ang sumusunod: • Ngayon ay pagnilayan ang isang batang ipinalalaglag ng kanyang ina. • Isaisip ang bata na pinapatay sa loob ng sinapupunan ng ina • Isipin mo rin kung paano ang bata ay nakikipagtunggali sa instrumentong pumapatay sa kanya at tanging tahimik na taghoy lamang ang maaari niyang maisagawa. • Ipikit ang iyong mga mata at magnilay ka ng ilang minuto. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 4/10

Sagutin Mo 1. Ano ang iyong nadama habang isinasaisip ang maaaring kahinatnan ng batang ipinalalaglag ng isang ina? 2. Makatarungan bang ipalaglag ng isang ina sa kanyang sinapupunan ang isang bata kung siya ay may mabigat na suliranin? Bakit? 3. Ano ang nilalabag ng isang ina kung ipinalalaglag niya ang bata sa kanyang sinapupunan?Gawain Blg. 2Basahin ang situwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong ukol dito. Ang ama ni Ana ay may malubhang sakit at may taning na ang buhay. Nakikita ni Ana at ng kanyang ina ang labis na pamimilipit at pag-ungol sa sakit nito. Labis na pagkaawa ang nararamdaman nila rito. Habang tumatagal ay lumalaki rin ang kanilang bayarin at gastusin kaya’t nabaon sila sa utang at naibenta na rin ang iba nilang ari-arian. Isang araw, nakiusap ang kanyang ina na tanggalin ang makinang tumutulong sa paghinga ng kanyang ama at tigilan na ang pagbibigay ng pagkain sa tubong nakakabit dito. Ito rin ang pakiusap ng kanilang ama nang siya ay nakakausap pa nila. Naalala ni Ana ang aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga ukol sa Euthanasia. Ano ang gagawin ni Ana?Panuto: 1. Gumawa ng pakikipanayam o interview sa dalawang tao. 2. Ipabasa ang sitwasyon at kunin ang kanilang opinyong gagawin. 3. Ipasagot sa magkahiwalay na papel. 4. Pagkatapos ay gumawa ka rin ng sarili mong desisyon. 5. Isulat sa talahanayan ang buod ng kasagutan.Pangalan Pangalan: Pangalan: (ako)Gagawin: Gagawin: Gagawin: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 5/10

Dahilan: Dahilan: Dahilan:Sagutin Mo 4. Ano ang suliranin ni Ana? 5. Anong isyung moral ang ipinakita sa sitwasyon? 6. Sa mga sagot ng mga taong iyong kinapanayam, alin ang makatuwiran? Patunayan.Gawain 3 TELEGRAMA NG BUHAYBasahin ang mga talata sa Bibliya sa loob ng bawat papel. Sumulat ng maiklingtelegram patungkol sa sagot sa tanong sa nilalaman ng talata sa Bibliya.Isulatang sagot sa loob ng papel. Job 31: 15 Job 12:10Awit 8:5 Genesis 1:27 Awit 22:9Awit 90:9 Awit 90:3 Roma 12:1-2 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 6/10

IV. Ano ang Iyong Natuklasan: 1. 2. Ipalalaglag ko 3. ba ang 4. sanggol? 1. TAMA 2. 3.Tatapusin ko MALI 4.na ba angbuhay niyapara di namahirapan?Isulat ang kabuuang konsepto sa ibaba ayon sa natutuhan mo sa aralin at sailustrasyon sa itaas.KABUUANGKONSEPTO:_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 7/10

V. Pagpapatibay Ang mga aralin o paksa sa modyul Na ito ay patungkol sa kasagraduhan ng buhay at sa pagpapatuloy nito. Ang mga sumusunod ay malaking paglabag sa ika-limang utos ng Diyos na “ Huwag kang papatay. “ 1. Abortion - pagpapaagas o pagpapalaglag sa isang buhay na nasa sinapupunan pa lamang ng ina o kaya’y ang hindi pa nanapanahon na paglabas nito. Ang pagpigil at pakikialam sa ganitong uri ng proseso ay hindi makatarungang paghihimasok sa karapatan ng isang bata na mabuhay. 2. Euthanasia - tinatawag ding “ mercy killing “ o “painless death.” Kadalasan hinihingi ito ng isang taong may matinding karamdaman upang mapadali ang paghihirap. Ang pagpapadali ng pagputol ng buhay ay isang uri din ng pagpapatiwakal. 3. Suicide - pagkitil sa sariling buhay o pagpapakamatay. Ito ay isang kasalanan sa Diyos. Siya lamang ang tanging nagmamay-ari ng buhay at kamatayan. Madaling unawain kung bakit sinasabi Ang Diyos na huwag kang papatay. Wala sa kamay ninuman ang buhay ng tao, maging ang sariling buhay o buhay ng ibang tao.Ito’y nasa Diyos. Ang buhay ay isang banal na handog na ipinagkakaloob niya sa bawat isa para sa kanyang mga layunin. Ang buhay ng tao ang pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos. Ito ang pinakadakilang handog ng Diyos sa tao kaya ang buhay na ito ay sagrado. Ang buhay ay nararapat na kalingain, pagyamanin, at paunlarin upang ito ay magamit sa paghanap ng katotohanan at tuparin ang kalooban ng Diyos. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 8/10

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Sumulat sa magulang ng pagpapasalamat at kahilingan sa pagpapatuloyng buhay.VII. Gaano ka Natuto?Sumulat ng maikling talata ukol sa pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay.VIII. Sanggunian1. Warren, Rick. The Purpose Driven Life. Mandaluyong City: OMF Literature Inc. 20022.Mihalic, Frank. 1000 Stories You Can Use- Vol. I. Manila: Divine Word Publications. 1989Susi sa PagwawastoHanda Ka na Ba ?!. Abortion 2. Euthanasia 3. Suicide 4. Death Penalty 5. Buhay6. Mabuhay 7. Lahi 8. Pangalan 9. Magulang 10. SanggolGaano ka Natuto? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 16, ph. 9/10


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook