Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:53:36

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

Mula sa iyong binasa, isulat ang mga pamamaraan upangisagawa ang mga balaking gawain para sa pamilya, simbahan, atpamayanan upang maiangat ang kalikasang ispiritwal. Pamilya Simbahan Pamayanan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 10 / 18

Sagutin Mo 1. Natukoy mo ba ang iba’t ibang paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya? Patunayan. 2. Bakit kailangang isabuhay mo ang iyong pananampalataya?III. Ano Ang Natuklasan Mo? A. Nakilala mo ang mga paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya na mag-aangat ng iyong kalikasang ispiritwal. Ngayon, isipin mo ang isang awiting nagpapagaan ng iyong damdamin sa tuwing naririnig mo ito. Naglalaman ito ng mga konsepto tungkol sa pagsasabuhay ng pananampalataya. Isulat ito sa kahon at guhitan ang mga salitang tumutukoy sa pagsasabuhay ng pananampalataya. Isulat mo ang pamagat sa patlang __________________________________________ Pamagat Damdamin ko tuwing naririnig ko ang awit: __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 11 / 18

B. Mula sa mga naging gawain, ipahayag ang iyong pananaw sa pamamagitan ng pagtapos ng mga sinimulang pangungusap. 1. Nakilala ko na ang pagsasabuhay ng pananampalataya ay ___________________________________________________ 2. Ibaiba ang paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya tulad ng ____________________________________________ 3. Sa pagsasabuhay ng pananampalatay, makikita ang tunay na ___________________________________________________IV. Pagpapatibay Ang Tunay na Diwa ng Pananampalataya Ang tao ay nagmula sa Diyos kaya’t marapat lamang na siya ay mahalin at paglingkuran. Sa katotohanan, habang pinupuri at pinararangalan ng tao ang Diyos, bumabalik sa kanya ang pagpapala hindi sa Diyos dahil ang Diyos ay ganap at perpekto. Kung kaya kapag pinupuri at pinasasalamatan ng tao ang Diyos, siya ay napupuspos, nagagalak at nagkakaroon ng kaluwalhatian. Sa paraang ito, napabubuti pa ang kanyang relasyon sa Diyos. Ang tao ay mayroong katawan at kaluluwa. Ang katawan ay maaaring maging daan ng pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos. Ang pagdarasal ay paraan ng pagpupuri sa Diyos ngunit mas higit ang pamumuhay na mabuti at paggawa ng mabuti sa kapwa. Ang lubos na pananampalataya sa Diyos at pagpapaunlad ng ating ispiritwal na kalikasan ay maipahahayag sa mga aktibo o kumikilos na paraan. Ang mabuting pamumuhay, pagtulong sa kapwa at pakikisangkot sa lipunan at simbahan ay mga paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya. Batay nga sa Banal na Kasulatan, “Patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa”. Hindi mo maaaring sabihin sa isang taong Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 12 / 18

nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangang maygawin ka upang maibsan ang kanyang gutom. Ayon sa tula ni Catherine Janssen, We Leave His Mark, nag-iiwantayo ng marka sa bawat kabutihang ating ginagawa. Ang bawatpagtugon natin sa pangangailangan ng iba ay nagdudulot ng kabutihanng loob sa iyo at sa taong iyong natulungan. Para sa iyo, gumagaanang iyong kalooban dahil umuunlad ang iyong buhay ispiritwal. Sa taongiyong natulungan, gumagaan ang kanyang kalooban dahil may tumulongsa kanilang maibsan ang kanilang pagdurusa. Ito rin ay pumipigil sakanilang mag-isip ng masama o gumawa ng masama dahil sa kanilangpagdurusa. Higit sa lahat, ang taong tumutulong sa naghihirap aynagbibigay ng pag-asa at kaligayahan sa kanilang puso. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 13 / 18

V. Pagnilayan at Isabuhay Mo Panuto: Gumawa ng iskedyul ng iyong gagawin sa loob ng isang linggo upang isabuhay ang iyong pananampalataya. Magbigay ng paliwanag sa ikatlong kolum. Gabay mo ang pahayag sa Gawain Blg. 3 at ang halimbawa sa araw ng Linggo. Araw Mga Gagawin Ko PaliwanagLinggo Pagkatapos magsimba, Sa aking pakikinig saLunes dadalawin ko ang suliranin ng aking kaibigan kong may kaibigan, mababawasan suliranin ang nadarama niyang pagdaramdamMartesMiyerkulesHuwebesBiyernesSabado Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 14 / 18

VI. Gaano Ka Natuto? A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng pahayag na “patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa”? a. Mahirap maligtas ang iyong kaluluwa kung magdarasal ka lamang. b. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya. c. Ipagdasal nating ang mga taong nagugutom. d. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos. 2. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito? a. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa. b. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa. c. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan. d. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay. 3. Likas sa tao ang pagiging maka-Diyos at ang patunay nito ay: a. ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos. b. ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos. c. ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan. d. ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan 4. Isinilang ang tao na hindi perpekto katulad ng Diyos subalit maaari siyang: a. sumunod sa kapangyarihan ng Diyos. b. tumulad sa kabutihan ng Diyos. c. manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos. d. magsaliksik upang maging perpekto tulad ng Diyos. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 15 / 18

5. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangan ay: a. manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom. b. makiramay ka sa kanyang gutom na nadaraman. c. may gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom. d. tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.B. Subukin mong ilapat sa sumusunod na sitwasyon ang iyong natutuhan sa aralin. Isulat sa ibaba ng bawat sitwasyon ang dapat gawin ng tuahan upang maging aktibo at maisabuhay ang kanilang pananampalataya. 1. Si Ralph ay relihiyoso. Siya ay nagdarasal bago at matapos ang kanyang gawain. Araw-araw sa kanyang paglalakad, bago matulog at pagkagising ay nagdarasal siya. Ngunit ito lamang ang kanyang binibigyan ng tuon, ang pagdarasal. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ 2. Nagsisimba si Armando tuwing Linggo. Inuna niya ang pagsisimba kaysa sa iba niyang gawain. Nakikinig siyang mabuti sa pangaral sa simbahan. Ngunit pag-uwi sa bhay ay nidi niya mapigil na mainis at magalit sa bunsong kapatid dahil laging nakakalat ang laruan nito. Sinsigawan niya ito at nagagalit. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ 3. Si Donna ay mabai na kamag-aral subalit ayaw niyang tinatanong siya sa mga gawaing bahay dahil ito raw ay dapat na ginagawa sa tahanan. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 16 / 18

4. Matalino si Mabel at mayaman kaya’t lagi siyang nangunguna sa klase ngunit ayaw niyang sumali sa mga gawaing may kinalaman sa paglilinis ng paaralan. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ 5. Sikat si Jose na SK Chairman dahil mahusay siyang magsalita. Siya ay mabait subalit lagi siyang abala sa paaralan kaya wala siyang ginagawa sa kanilang pamayanan. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________Mga Sanggunian Cabato, Carmen, et. al. 1998. Valuing My Community. Manila: Vibal Publishing Inc. Cabato, Carmen. et. al. 1998. Valuing Myself. Manila: Vibal Publilshing Inc. De Torre, Joseph. 1989. Virtue, The Values Education. Manila: Sinagtala Publisher. Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Sangguniang Aklat, SEDP-IDMC. Manila: Rex Bookstore. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 17 / 18

Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba?A.1. b2. b3. d4. b5. cB.Iskor Antas ng Pagsasabuhay ng Pananampalataya21-30 Mataas ang antas ng pagsasabuhay ng pananampalataya11-20 Katamtaman ang antas ng pagsasabuhay ng pananampalataya0-10 Mababa ang antas ng pagsasabuhay ng pananampalatayaGaano ka Natuto?A. 1. b 2. b 3. d 4. b 5. cB.1. Matutong makipagkapwa, tumulong sa kapwa. Isabuhay ang mga ipinagdarasal at hinihingi sa Diyos.2. Isabuhay ang aral at turo ng simbahan. Pagpasensiyahan ang kapatid.3. Magkaroon ng malasakit sa kapwa mag-aaral at turuan niya kung paano gawin ang takdang aralin.4. Makiisa sa gawaing pampaaralan tulad ng pagpapanatili ng kalinisan.5. Makisangkot at mamuno sa mga proyektong makakatulong sa mga kabataan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 18 / 18

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 5 Iba’t Iba Pero ParehoI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Mayroong iba’t ibang paniniwalang ispiritwal, sekta at relihiyon sa buong mundo. Sa ating bansa, mayroong iba’t ibang relihiyong kinaaniban ng ating mga kababayan. Bagama’t nakararami ang mga Kristiyano na kinabibilangan ng mga Katoliko, Protestante, Iglesia ni Kristo, Jehova’s Witness, at iba pa, mayroon ding mga Muslim na kabilang sa relihiyong Islam. Kung pag-aaralan mo pa ang iba’t ibang relihiyon sa buong mundo, magugulat kang napakarami pala ang mga ito. Sa kasaysayan ng daigdig, ang pagkakaiba ng paniniwala ay isa sa naging dahilan ng mga hidwaan, subalit ito rin ang naging dahilan ng pagkakaisa tulad ng EDSA Revolution. Iba-iba ang katawagan ngunit mapapansing pare-parehong tumutukoy sa pagkilala sa iisang Diyos. Gusto mo bang matuklasan kung paano nagkapareho ang iba’t ibang relihiyon? Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Nasusuri ang mga paraan ng iba’t ibang relihiyon tungo sa pagpapabuti ng ugnayan ng tao sa Diyos (LC1.6) A. Nasusuri ang mga layunin at paniniwala ng iba’t ibang relihiyon B. Naigagalang ang pagkakaiba ng mga layunin at paniniwala ng iba’t ibang relihiyon C. Natutukoy ang nagkakaisang layunin ng iba’t ibang relihiyon sa pagpapabuti ng ugnayan ng tao sa Diyos Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 1 / 13

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pilosopiyang Taoismo ay kahawig ng Confucianismo. Payak at mabuting pamumuhay ang nilalayon. Ano ang pinatutunayan nito? a. Pareho ang mga paniniwala ng Taoismo at Confucianismo pero iba lang ang katawagan. b. Parehong sa Tsina ang mga ito kaya pareho rin ang kanilang paniniwala. c. Ang layuning maging mabuting tao ay parehong layunin ng Taoismo at Cofucianismo d. Hindi dapat magtalo ang mga relihiyon dahil pareho lang ang mga ito. 2. Ang iba’t ibang denominasyon ng relihiyong Kristiyanismo ay nagkakaisa na: a. maipahayag ang sarili at magkaroon ng payak na pamumuhay. b. mahalin ang Diyos at kapwa at makamit ang buhay na walang hanggan. c. mamuhay nang simple at makiisa sa tunay na makapangyarihan d. huwag magbigay ng gulo, takot at ligalig sa kapwa at iwasan ang makalupang pagnanasa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 2 / 13

3. Alin ang aspetong hindi ipinamamalas ng mga relihiyon? a. Paniniwala sa makapangyarihang Diyos b. Kodigo moral na tumutukoy sa mga paggalang sa ritual at paniniwala sa Diyos c. Paraan ng komunikasyon ng Diyos sa tao d. Pakikipag-usapan ng tao sa Diyos at sa kalikasan 4. Iba’t iba ang paniniwala ng mga relihiyon subalit nagkakaisa ang mga ito sa layuning: a. ipangaral ang balita ng kaligtasan sa bawat kasapi. b. makapiling ng mga kasapi ang Dakilang Lumikha. c. mamuhay nzng simple ang mga kasapi at huwag magbigay ng gulo sa kapwa. d. mapabuti ang tao at paunlarin ang kanilang buhay ispiritwal 5. Si Papa Juan Pablo II ang unang papa sa kasaysayan ng Katolisismo na bumisita sa isang moske. Makatwiran ba ang ginawa niya? a. Oo. Ipinakita niya ang paggalang sa relihiyon ng mga Moslem at pakikiisa sa kanilang mga paniniwala. b. Hindi. Maaari niyang ipakita ang paggalang sa ibang paraan. c. Oo. Magandang halimbawa ang ipinakita niya para sa mga susunod na papa. d. Hindi. Baka gayahin siya ng mga kabataan at maiba ang relihiyon ng mga ito.B. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi. 1. Ang relihiyon ay maaaring magpabago ng buhay ng tao. 2. Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at ritual na isinasabuhay ng tao upang mapalapit sa Diyos. 3. Ang relihiyon ang nagdidikta ng pananamit at istilo ng pamumuhay. 4. Maaaring magkaisa sa pamamagitan ng relihiyon. 5. Ang pagtupad ng mga turo at layunin ng relilhiyon ay nakatutulong sa pagkakaroon ng katatagan sa buhay ispiritwal. 6. Ang relihiyon ay batay sa katwiran kaysa emosyon. 7. Iba’t iba ang relihiyon kaya dapat mag-ingat na maimpluwensiyahan ng ibang paniniwala. 8. Ang antas ng ispiritwalidad ay impluwensiya ng mga pari, pastor o ministro. 9. Napabubuti ng iba’t ibang relihiyon ang ugnayan ng tao sa Diyos. 10.Ang kodigo moral ng bawat relihiyon ang nagpapatibay ng pagtupad ng mga ritwal at paniniwala ng mga ito. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 3 / 13

III. Tuklasin MoGawain Blg. 1Suriin mo ang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon o pilosopiya. Mula sakanilang pagkakaiba, isulat mo sa ibaba ang kanilang pagkakapareho.A.Relihiyon/Pilosopiya Mga Layunin at Paniniwala1. Taoismo • Payak na pamumuhay at pagpapakabuti Nagtatag: • Pagpapanatili ng kapayapaan sa panahon ng tunggalian Lao Tzu • Pagkakaisa sa gitna ng pagkakawatak-watak Aklat: The Way • Pag-ibig sa panahon ng pagkakagulo • Katwiran at kabutihan2.Confucianismo • Maging mapagsiyasat upang magkaroon ng karunungan, Nagtatag: kabutihan, pagkakaisa sa lahat ng bagay Confucius • Maipahayag ang sarili Aklat: Confucian • Magkaroon ng katalinuhan • Pagkakaisa ng kasapi tungo sa kaganapan ng pagkatao ClassicsMga layunin at paniniwalang magkapareho:___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________B.Relihiyon/Pilosopiya Mga Layunin at Paniniwala3. Kristiyanismo • Manalig sa iisang Diyos, si Kristo Nagtatag: • Mahalin ang Diyos at ang kapwa Kristo • Pagpapakabuti upang makamit ang buhay na walang Aklat: Banal na hanggan sa piling ng Diyos Kasulatan • Sampung utos ng Diyos4. Islam • Paniniwala sa iisang Diyos, si Allah Nagtatag: Mohamed • Pagpapahalaga sa katarungan, pagkakawanggawa Aklat: Koran • Limang haligi ng Islam (pananalangin ng 5 beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca, pagbanggit sa ngalan ni Allah at Mohamed, ramadan, paglilimos sa mahihirap, paglalakbay sa Mecca)Mga layunin at paniniwalang magkapareho:___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 4 / 13

C.Relihiyon/Pilosopiya Mga Layunin at Paniniwala5. Hinduismo • Ang buhay sa lupa ay pansamantala lamang. Nagtatag: • Magnilay, manalangin at makipag-ugnayan sa kapwa. Walang nakatala, pero • Iwasan ang pagiging makasarili. pinaniniwalaang • Tanggapin ang kasiyahan at suliranin na may nagmula sa Lahing kapanatagan ng kalooban. Aryan • Maging mapagpatawad at magtimpi sa sarili. Aklat: • Huwag magbigay ng gulo, takot at ligalig sa kapwa. Mahabharata Ramayana • Iwasan ang pagnanasa sa makalupang bagay.6. Budismo • Ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kanyang Nagtatag: pagnanasa. Siddartha Gautama • Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, katakawan, matinding pagkamuhi, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay. • Makiisa sa tunay na makapangyarihan. • The Eightfold Path (wastong pananaw, wastong hangarin, wastong pagsasalita, wastong pagkilos, wastong paghahanapbuhay, wastong pagsisikap, wastong pag-iisip para sa kasalukuyan, wasto at tamang pag-iisip).Mga layunin at paniniwalang magkapareho:___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Halaw sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Serye ng SEDP at Maylalang ni Twila G. PunsalanSagutin Mo1. Anu-ano ang iyong napansin sa bawat relihiyon?2. Ano ang kahalagahan na matutuhan mo ang pagkakapareho ng bawat relihiyon? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 5 / 13

Gawain Blg. 2Ibatay ang susunod na gawain sa Gawain Blg. 1. Tukuyin mo ngayonang nagkakaisang layunin at paniniwala ng iba’t ibang relihiyon. Budismo KristiyanismoHinduismo Nagkakaisang Layunin at Islam Paniniwala Confucianismo TaoismoSagutin Mo 1. Madali mo bang natukoy ang nagkakaisang paniniwala ng anim na relihiyong binanggit? Ipaliwanag. 2. Patotohanan o pabulaanan: Mula sa nagkakaisang paniniwala ng iba’t ibang relihiyong, iisa lamang ang tunguhin ng mga ito, ang pagpapakabuti upang makapiling ang kanyang Diyos. 3. Paano nakakatulong ang mga paniniwalang ito sa pagpapaunlad ng ugnayan ng tao sa Diyos? Magbigay ng halimbawa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 6 / 13

Gawain Blg. 3Ipagpalagay na tagapagsalita ka sa isang kombensyon o pagpupulongng iba’t ibang relihiyon sa buong mundo. Paano mo hihikayatingmagkaisa ang bawa’t relihiyon sa iisang adhikain. Isulat ang paksa atnilalaman ng iyong speech. Nilalaman ng iyong talumpati  Nagkakaisang layunin/ paniniwala ng mga relihiyon  Mga konkretong hakbang tungo sa pagkakaisa ng mga relihiyon  Mga pagpapahalaga/ virtue na dapat pairalin para sa pagkakaisa . . . Isang Talumpati sa Kombensyon ng Iba’t ibang Relihiyon sa Mundo Paksa: ________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ____________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 7 / 13

Sagutin Mo 1. Bakit ito ang naisip mong paksa? 2. Anu-ano ang mga konkretong hakbang ang imumungkahi mo upang magkaisa ang iba’t ibang relihiyon sa mundo?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Mula sa mga relihiyong tinalakay, aling relihiyon ang may pagkakatulad sa mga paniniwala at layunin ng relihiyong iyong kinabibilangan? Itala ito at ang mga paniniwala sa loob ng kahon. Iba’t Iba Pero Pareho Ang aking relihiyon ay _____________________ . Halos kahawig ito ng _______________ dahil sa mga magkakatulad na paniniwala tulad ng:    V. Pagpapatibay Ang Ugnayan ng Tao sa Diyos Ang tao ay likas na maka-Diyos. Mula sa kanyang pagsilang, hinahanap na niya ang kanyang pinagmulan. Halimbawa, kung malaman mo na isa kang ampon, agad mong tinatanong: “Sino ang aking mga magulang?” Siguradong pipilitin mong alamin kung saan sila matatagpuan kahit na mababait ang mga taong nagpalaki sa iyo. Tulad ng halimbawang ito, may pinagmulan ang tao. Iba’t ibang disiplina ang nagpatunay ng kanyang pinagmulan, subalit matimbang na ang tao ay mula sa Diyos. Ang tao ay mayroong isip (intellect) na kayang tumuklas ng katotohanan. Ginagamit niyang batayan ang mga bagay na nasa kapaligiran upang patunayang mayroong Diyos. Dahil sa kanyang isip Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 8 / 13

naunawaan niya ang kapangyarihan ng Diyos at ang kahalagahan ng pagsamba sa Kanya. May kapangyarihan ding umiling ang tao. Maipamamalas niya ang kanyang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa at paglikha ng kapaligirang kalulugdan ng Diyos. Dahil sa taglay niyang kalayaan, may kakayahan siyang magpasya gamit ang kanyang konsensya. May kakayahan siyang piliin ang paraan ng pagpuri at pagsamba sa Diyos. Ang pagpuri at pagsamba sa Diyos ay batay sa pagpapahalaga sa relihiyon. Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal na isinasabuhay ng tao upang mapalapit sa Diyos. Ang mga relihiyon ay mayroong iba’t ibang paniniwala batay na rin sa kanilang kultura. Mayroon ding mga ritwal na nagpapatingkad ng kanilang pananampalataya. Subalit hindi mahalaga ang pagkakaiba ng mga ritwal, paraan ng pagsamba at paniniwala. Ang mahalaga ay nagkakaisang layuning mapabuti ang ugnayan ng tao sa kinikilalang Diyos. Positibo ang mga layunin at paniniwala ng bawat relihiyon. Hangad ng mga ito ang kabutihan at kaginhawaan ng bawat kasapi. Sa kabuuan ang mga relihiyon ay may mga aspetong nagpapamalas ng: • Paniniwala sa makapangyarihang Diyos • Kodigo Moral na tumutukoy sa mga paggalang sa ritwal at paniniwala sa Diyos • Paraan ng komunikasyon ng tao sa Diyos • Pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos at sa kalikasan Iba’t iba man ang relihiyon, ang bawat isa ay hangad ang magpakabuti, magpuri, magpasalamat at makapiling ang Diyos sa takdang panahon.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ang Halaga ng Relihiyon Isang kuwento mula sa mga Hudyo tungkol sa isang manggagawa ng sabon at ng isang rabbi. Isang araw, nagtungo ang manggagawa ng sabon sa rabbi at sinabi, “Ayoko na sa Judaismo dahil ang sabi mo, ang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 9 / 13

layunin ng relihiyong ito ay magbigay ng kapayapaan, katarungan atpag-ibig sa mundo. Ngunit kaguluhan pa rin ang nakikita ko.” Nanahimik ang rabbi. Habang dumaraan sila sa grupo ng mgapawisang kalalakihan naglalaro sa parke, sinabi ng rabbi, “Mukhanghindi epektibo sa kanilang mga kasuotan ang iyong ginagawang sabon?” Nagulat ang manggagawa ng sabon at sumagot, “ Hindi pa namannila ito ginagamit kaya’t paano mo nasabing hindi epektibo ang akingmga sabon.” “Kung ganoon, ang relihiyon ay tulad din ng sabon,” ang tugon ngrabbi. “Ang relihiyon ay mayroong halaga kung ang mga itinuturo nitoay nagagamit sa buhay.” Mula sa 1000 Stories You Can Use ni: Frank Mihalic, SVD Mula sa maikling kwento na ito, gumawa ng isang maiklingpanalangin ng pagkakaisa ng bawat relihiyon tungo sa pagpapabuti ngugnayan ng tao sa Diyos. Ang Aking Panalangin Para sa Pagkakaisa ng Iba’t ibang Relihiyon sa Mundo _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 10 / 13

VII. Gaano Ka Natuto? A. Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pilosopiyang Taoismo ay kahawig ng Confucianismo. Payak at mabuting pamumuhay ang nilalayon. Ano ang pinatutunayan nito? a. Pareho ang mga paniniwala ng Taoismo at Confucianismo pero iba lang ang katawagan. b. Parehong sa Tsina ang mga ito kaya pareho rin ang kanilang paniniwala. c. Ang layuning maging mabuting tao ay parehong layunin ng Taoismo at Cofucianismo d. Hindi dapat magtalo ang mga relihiyon dahil pareho lang ang mga ito. 2. Ang iba’t ibang denominasyon ng relihiyong Kristiyanismo ay nagkakaisa na: a. maipahayag ang sarili at magkaroon ng payak na pamumuhay. b. mahalin ang Diyos at kapwa at makamit ang buhay na walang hanggan. c. mamuhay nang simple at makiisa sa tunay na makapangyarihan d. huwag magbigay ng gulo, takot at ligalig sa kapwa at iwasan ang makalupang pagnanasa. 3. Alin ang aspetong hindi ipinamamalas ng mga relihiyon? a. maipahayag ang sarili at magkaroon ng payak na pamumuhay. b. mahalin ang Diyos at kapwa at makamit ang buhay na walang hanggan. c. mamuhay nang simple at makiisa sa tunay na makapangyarihan d. huwag magbigay ng gulo, takot at ligalig sa kapwa at iwasan ang makalupang pagnanasa. 4. Iba’t iba ang paniniwala ng mga relihiyon subalit nagkakaisa ang mga ito sa layuning: a. ipangaral ang balita ng kaligtasan sa bawat kasapi. b. makapiling ng mga kasapi ang Dakilang Lumikha. c. mamuhay nzng simple ang mga kasapi at huwag magbigay ng gulo sa kapwa. d. mapabuti ang tao at paunlarin ang kanilang buhay ispiritwal Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 11 / 13

5. Si Papa Juan Pablo II ang unang papa sa kasaysayan ng Katolisismo na bumisita sa isang moske. Makatwiran ba ang ginawa niya? a. Oo. Ipinakita niya ang paggalang sa relihiyon ng mga Moslem at pakikiisa sa kanilang mga paniniwala. b. Hindi. Maaari niyang ipakita ang paggalang sa ibang paraan. c. Oo. Magandang halimbawa ang ipinakita niya para sa mga susunod na papa. d. Hindi. Baka gayahin siya ng mga kabataan at maiba ang relihiyon ng mga ito. B. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi. 1. Ang relihiyon ay maaaring magpabago ng buhay ng tao. 2. Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at ritual na isinasabuhay ng tao upang mapalapit sa Diyos. 3. Ang relihiyon ang nagdidikta ng pananamit at istilo ng pamumuhay. 4. Maaaring magkaisa sa pamamagitan ng relihiyon. 5. Ang pagtupad ng mga turo at layunin ng relilhiyon ay nakatutulong sa pagkakaroon ng katatagan sa buhay ispiritwal. 6. Ang relihiyon ay batay sa katwiran kaysa emosyon. 7. Iba’t iba ang relihiyon kaya dapat mag-ingat na maimpluwensiyahan ng ibang paniniwala. 8. Ang antas ng ispiritwalidad ay impluwensiya ng mga pari, pastor o ministro. 9. Napabubuti ng iba’t ibang relihiyon ang ugnayan ng tao sa Diyos. 10. Ang kodigo moral ng bawat relihiyon ang nagpapatibay ng pagtupad ng mga ritwal at paniniwala ng mga ito.VIII. Mga Sanggunian De Torre, J. (1992). Perspective: Current Issues in Values Education. Manila: Sinagtala Publishers. Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports-IMC. (1995). Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Sangguniang Aklat. Pasig City: May-akda. Punsalan, T.G. (1999). Maylalang. Manila: Rex Bookstore. Rojas, F. (1998). Valuing Spirituality. Manila: Vibal Publishing, Inc. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 12 / 13

Susi sa Pagwawasto Gaano Ka Natuto? 1. TamaHanda Ka Na Ba? 2. Tama 1. Tama 3. Tama 2. Tama 4. Tama 3. Mali 5. Mali 4. Mali 6. Tama 5. Tama 7. Tama 6. Tama 8. Mali 7. Mali 9. Tama 8. Tama 10. Mali 9. Tama 10. TamaProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 13 / 13

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6 Ang Kaibuturan ng TaoI. Ano ang Inaasahang Matutuhan Mo? Kamusta ka na muli mag-aaral? Sa araling ito, tiyak na magugustuhan mo ang mga gawain. Magkakaroon ka na naman ng mga karagdagang kaalaman. Maraming aralin na ang tumalakay sa pagpapahalaga. Natutunan mo na ang mga kahalagahan nito. Subalit alam mo ba na sa kaibuturan o sentro ng pagpapahalaga ay mayroong mga pangunahing pagpapahalagang moral? Ang mga ito ay nakaugat sa dignidad ng tao. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: LC 2.1 Naipaliliwanag ang kahulugan ng anim na pangunahing pagpapahalagang moral (core moral values: love of God, love of truth, respect for life, respect for authority, respect for human sexuality, responsible dominion over material things) A. Nakikilala ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral B. Naibabahagi ang gawaing mag-aangat ng mga pangunahing pagpapahalagang moral C. Natutukoy ang mga pangyayari o sitwasyong kaugnay sa mga pangunahing pagpapahalagang moral Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 1 / 11

tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Tukuyin kung anong pagpapahalagang moral ang tinutukoy sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Pagmamahal sa Diyos B. Pagpapahalaga sa katotohanan C. Paggalang sa buhay D. Paggalang sa kapangyarihan E. Paggalang sa sekswalidad F. Wastong pamamahala sa materyal na bagay 1. Napaliligiran ng matataas na gusali ang tahanan nina Ana subalit nagawa pa rin niyang maglagay ng maliit na hardin sa kanilang bakuran. 2. Buntis si Susan subalit nais ng kanyang kasintahan na ipalaglag ang sanggol. Hindi pumayag si Susan. 3. Inalok si Juan ng mumurahing pabango. Halos kalahati ang kanyang matitipid. Alam niyang ito ay huwad kaya hindi siya bumili. 4. Hindi pinayagan si Ricky ng kanyang ama na sumama sa fieldtrip kaya nanatili na lamang siya sa kanilang tahanan. 5. Sa tuwing matatapos ang mahabang pagsusulit, hindi nakakalimot si Josie na magpasalamat sa Diyos. 6. Ibinabalik ni Joan ang mga biyayang kaloob sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang mga kaibigan. 7. Itinuturing nina Mico at Gina na tunay ang kanilang pagmamahalan subalit naniniwala sila sa limitasyon ng kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan. 8. Bagama’t natalo si Mang Jaime sa halalan, naniniwal siyang naging malinis ang pagkapanalo ng kanyang kalaban kaya siya ay sumusunod dito. 9. Kumakain at nag-eehersisyo nang mabuti si Ruben. 10. Sa isang unibersidad na karamihan ay mga lalaki ang nag-aaral, pinauuna nila ang mga kababaihan sa pagpila sa kantina. 11. Nalugi ang negosyo ni Mang Pastor. Iniwan din siya ng kanyang asawa at nalaman niyang hindi pumapasok sa paaralan ang kanyang kaisa- isang anak. Subalit naisip pa rin niyang maaayos din ang lahat kaya hindi niya dapat wakasan ang kanyang buhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 2 / 11

12. Inalok si Mario na maging testigo sa kaso ng kanilang kapitbahay upang mapawalang sala ito. Hindi pumayag si Mario kahit na malaki ang halagang ibibigay sa kanya. 13. Iginigiit ni Tony ang kanyang pag-ibig kay Corazon kahit na siya ay may asawa na. Hindi pumayag si Corazon. 14. Mahigpit na pinatutupad ang bawal na pagtawid sa tapat ng malaking mall kaya nagtiyaga si Aling Maria sa pag-akyat sa tulay. 15. Maaaring kopyahin ang CD na naglalaman ng mga pananaliksik na ginawa ng mga kamag-aral ni Dina at ipagbili sa ibang mag-aaral. Subalit hindi niya ito ginawa. Nahirapan ka ba sa pagsagot sa panimulang pagsusulit? Simulan monaman ang pagsagot sa mga gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 3 / 11

III. Tuklasin MoGawain Blg. 1Itala sa bawat kahon ang mga pangyayari o sitwasyon sa kapaligiran nalumalabag sa anim na pangunahing pagpapahalagang moral. Maaaringtularan ang mga halimbawa. 1.Pagmamahal sa Diyos Halimbawa: Kulto6. Wastong 2. Pagpapahalaga sa Pamamahala sa katotohanan Materyal na Bagay Halimbawa:Halimbawa: Pagsisinungaling Paggamit ng dinamita sa pangingisda Anim na Pangunahing Pagpapahalagang Moral5. Paggalang sa 4. Paggalang sa 3. Pagpapahalaga sa Sekswalidad Kapangyarihan kasagraduhan ng buhayHalimbawa: Halimbawa: Pagpapakasal ng Graft and Corruption Halimbawa: dalawang ulit AborsyonProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 4 / 11

Sagutin Mo1. Paano mo nalaman ang mga paglabag sa anim na pangunahing pagpapahalagang moral?2. Ano ang iyong nagiging damdamin sa tuwing napapanood, naririnig o nakikita ang mga paglabag na ito?3. Bakit kailangang pahalagahan ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral?Gawain Blg. 2Natukoy mo na ang mag paglabag sa anim na pangunahingpagpapahalagang moral. Ngayon naman ay ibahagi mo ang mga paraanupang maiangat at mapaunlad ang anim na pangunahing pagpapahalagangmoral. Isulat sa kuwaderno ang mga pagpapahalagang moral na tinutukoy sabawat sitwasyon at isulat kung ano ang iyong pasya.1. Ang iyong guro ay iniwan ang buong klase upang ihatid sa clinic ang iyong kamag-aral na hinimatay. Ikaw ang pangulo ng klase. Ano ang dapat mong gawin upang mapasunod sila? Pagpapahalagang Moral _______________________________ Pasya _______________________________ _______________________________ _______________________________ 2. Sa inyong barangay ay mayroong programa ukol sa paglilinis dahil sa naparaming basurang nasa paligid. Nadadaanan mo sila patungo sa pagbabasketbol. Ano ang gagawin mo? Pagpapahalagang Moral _______________________________ Pasya _______________________________ _______________________________ _______________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 5 / 11

3. Tuwing araw ng lingo ay nagsisimba ang inyong buong mag-anak. Subalit marami kang proyekto at pag-susulit na kinabukasan. Ano ang iyong gagawin? Pagpapahalagang Moral _______________________________ Pasya _______________________________ _______________________________ _______________________________ 4. Madalas kang tinutuksong bakla ng iyong mga kamag-aral. May nagsabi pa sa iyo na magpakatotoo ka na. Ano ang iyong gagawin? Pagpapahalagang Moral _______________________________ Pasya _______________________________ _______________________________ _______________________________5. Sinabi ng iyong kaibigan ay hindi na niya kayang lutasin ang kanyang mga suliranin sa buhay kaya nais na niyang magpakamatay. Ano ang gagawin mo? Pagpapahalagang Moral _______________________________ Pasya _______________________________ _______________________________ _______________________________ 6. Ikaw ay testigo laban sa nasasakdal mong tiyuhin. Nais ng iyong mga kamag-anak na magsinungaling ka sa hukuman upang hindi makulong ang tiyuhin mo. Ano ang iyong gagawin? Pagpapahalagang Moral _______________________________ Pasya _______________________________ _______________________________ _______________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 6 / 11

Sagutin Mo 1. Paano mo natukoy ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral? 2. Upang mapaunlad ang iyong pagpapahalagang moral, ano ang dapat mong gawin? 3. Kung nakikita mo naman ang mga paglabag sa mga pagpapahalagang moral, ano ang maaari mong magawa?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Ibuod ang naging aralin. Gamitin ang mga tanong at “flow chart” bilang gabay. 1. Bakit kailangang iayon sa pagpapahalagang moral ang kilos ng tao? 2. Paano nakapagpapabuti sa sarili ang moral na kilos? 3. Ano ang naibubunga ng pagsusuri sa mga kaganapan sa paligid sa pagpapabuti ng sariling kilos? Pag-ibig ng DiyosPagpapahalaga Pagpapahalaga sasa Katotohanan Kasagraduhan ng buhay Pagpapahalaga Paggalang sa Sa Kasagraduhang AutoridadNg sekswalidad Wastong Pamama- hala sa Materyal na BagayAnim na Pangunahing Pagpapahalagang MoralProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 7 / 11

V. Pagpapatibay Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na natatangi siyang nilalang. Ang dignidad din ng tao ang pinag-ugatan ng anim na pangunahing pagpapahalagang moral. 1. Pagmamahal sa Diyos (love of God) – Bilang nilikha ng Diyos, marapat na Siya ay mahalin. Higit pa ditto Siya ang pinagmulan ng pag-ibig kaya sinasabing Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang pinagmulan ng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao (ultimate end). 2. Pagpapahalaga sa Katotohanan (love of truth) – ang katotohanan ay maaaring tuklasin ng tao dahil sa kanyang intellect at will. Ang kanyang pag-iisip ay may kapasidad na magsuri, magmuni-muni at timbangin ang katotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit magbago pa ang panahon. 3. Paggalang sa buhay (respect for life) – ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang ditto ay paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Hindi maaaring isakripisyo ang buhay para lamang sa material na kagalingan. 4. Paggalang sa Kapangyarihan (respect for authority) – ang unang tatlo sa sampung utos ng Diyos ay ang patungkol sa paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin kayat marapat lamang na igalang at sambahin ang Diyos. Ang pang-apat na utos ay ang paggalang sa mga magulang Sila ang paraan at tinawag na kasama sa paglikha (co-creator) ng tao sa mundo. Sila rin ang bumubuhay at nangangalaga sa kanilang mga anak kaya nararapat na sila ay igalang. Ang pinuno naman ng bayan ay iginagalang dahil sila ang namumuno ng kaayusan at kabutihan ng lahat. 5. Paggalang sa Sekswalidad (respect for human sexuality) - ang pagiging mabuting babae at mabuting lalaki ay sukatan ng mabuting pagkatao. Walang kahihinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sa iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba. Ang pagiging marangal ng tao ay nababatay kung paano ka kumilos ayon sa iyong kasarian. 6. Wastong Pamamahala ng mga Materyal na Bagay (responsible dominion over material things) - naunang likhanin ng Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa sa tao. Kayat ang tao ang siyang ginawang tagapangasiwa (steward) ng mga ito. Ang tao ay lilipas sa mundong ito ngunit mananatili ang mga bagay na ito sa mundo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 8 / 11

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Gunitain mo ang araw na nakagawa ka ng kabutihan. Isulat ang mgaito sa tamang kolum at isulat ang pangunahing pagpapahalaga moral angiyong napagyaman. Mga Kabutihang Nagawa Pangunahing Pagpapahalagang Moral na Napagyaman1.2.3.4.5.VII. Gaano Ka Natuto? Tukuyin kung anong pagpapahalagang moral ang tinutukoy sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Pagmamahal sa Diyos B. Pagpapahalaga sa katotohanan C. Paggalang sa buhay D. Paggalang sa kapangyarihan E. Paggalang sa sekswalidad F. Wastong pamamahala sa materyal na bagay 1. Napaliligiran ng matataas na gusali ang tahanan nina Ana subalit nagawa pa rin niyang maglagay ng maliit na hardin sa kanilang bakuran. 2. Buntis si Susan subalit nais ng kanyang kasintahan na ipalaglag ang sanggol. Hindi pumayag si Susan. 3. Inalok si Juan ng mumurahing pabango. Halos kalahati ang kanyang matitipid. Alam niyang ito ay huwad kaya hindi siya bumili. 4. Hindi pinayagan si Ricky ng kanyang ama na sumama sa fieldtrip kaya nanatili na lamang siya sa kanilang tahanan. 5. Sa tuwing matatapos ang mahabang pagsusulit, hindi nakakalimot si Josie na magpasalamat sa Diyos. 6. Ibinabalik ni Joan ang mga biyayang kaloob sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang mga kaibigan. 7. Itinuturing nina Mico at Gina na tunay ang kanilang pagmamahalan subalit naniniwala sila sa limitasyon ng kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan. 8. Bagama’t natalo si Mang Jaime sa halalan, naniniwal siyang naging malinis ang pagkapanalo ng kanyang kalaban kaya siya ay sumusunod dito. 9. Kumakain at nag-eehersisyo nang mabuti si Ruben. 10. Sa isang unibersidad na karamihan ay mga lalaki ang nag-aaral, pinauuna nila ang mga kababaihan sa pagpila sa kantina. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 9 / 11

11. Nalugi ang negosyo ni Mang Pastor. Iniwan din siya ng kanyang asawa at nalaman niyang hindi pumapasok sa paaralan ang kanyang kaisa- isang anak. Subalit naisip pa rin niyang maaayos din ang lahat kaya hindi niya dapat wakasan ang kanyang buhay. 12. Inalok si Mario na maging testigo sa kaso ng kanilang kapitbahay upang mapawalang sala ito. Hindi pumayag si Mario kahit na malaki ang halagang ibibigay sa kanya. 13. Iginigiit ni Tony ang kanyang pag-ibig kay Corazon kahit na siya ay may asawa na. Hindi pumayag si Corazon. 14. Mahigpit na pinatutupad ang bawal na pagtawid sa tapat ng malaking mall kaya nagtiyaga si Aling Maria sa pag-akyat sa tulay. 15. Maaaring kopyahin ang CD na naglalaman ng mga pananaliksik na ginawa ng mga kamag-aral ni Dina at ipagbili sa ibang mag-aaral. Subalit hindi niya ito ginawa.VIII. Sanggunian Aberion, Elenita, et.at. 1994. Kaganapan ng Buhay. Manila: CEU Press. CBCP. 2000. Katesismo Para sa mga Pilipinong Katoliko. Manila: CBCP/ECCE Word and Life Publications. Esteban, Esther J. 1990. Education in Values. Pasig City: Sinagtala Publishing Inc. Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. F 2. C 3. B 4. D 5. A 6. A 7. E 8. D 9. C 10. E 11. C 12. B 13. E 14. D 15. B Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 10 / 11

Gaano Ka Natuto? 1. F 2. C 3. B 4. D 5. A 6. A 7. E 8. D 9. C 10. E 11. C 12. B 13. E 14. D 15. B Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 11 / 11

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit II Modyul Blg. 7 Ako ang Iyong KonsensyaI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Kumusta ng muli mag-aaral? Bilang paghahanda, basahin ang isang saknong ng tula at tuklasin ang susunod na aralin. Kapag tiningnan ang sarili sa salamin, Nakikilala ang anyo sa unang tingin, Subalit kung susuriin, makikita sa paningin At sa iyong sarili ay may aaminin Ikaw, higit kanino pa man Bumubulong at nagsasabing ikaw lamang Nakakaalam ng buong katotohanan Ang konsensyang lihim mo ang siyang laman Ang tao ay isang misteryo, tanging ikaw lamang ang maaaring makapagbunyag ng iyong sarili sa ibang nilalang. Subalit dahil sa konsensya, naipahahayag ang katotohanan. Ang mga mata raw ang bintana ng ating kaluluwa. Dito ay naaaninag ang nilalaman ng ating puso at damdamin. Pansinin ang taong may itinatagong kasinungalingan, asahan mong sa iyong mata ay hindi makatingin. Marahil ay nagaganyak ka ng malaman ang aralin sa modyul na ito. Kung ganoon, umpisahan sa pamamagitan ng pagiging tapat sa iyong sarili upang higit mong matutuhan ang nilalaman ng bawat gawain. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Nasusuri ang kawastuhan ng intensiyon, kilos at pasya ayon sa konsensiya (LC 2.5) A. Naipaliliwanag ang kahulugan ng konsensiya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 1/13

B. Natutukoy ang kaugnayan ng konsensiya sa tamang intensyon, kilos at pasya C. Nakagagawa ng paraan upang maitama ang mga maling intensyon, kilos at pasya. Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mongmabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindika makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos angiyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat angsumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 2/13

II. Handa Ka Na Ba? A. Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang tikitk na may tamang sagot. 1. Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Kaya nagtatrabaho siya sa gabi at nag- aaral sa araw. Mula sa ginawa ni Maria, masasabing: a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos. b. Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya. c. Mali ang kanyang intensyon subalit tama ang kanyang pasya d. Mali ang kanyang kilos at tama ang kanyang intensyon 2. Sumali si Jenny sa paligsahan sa pagkanta upang mas maging sikat siya kaysa sa kanyang kapitbahay na mas maganda sa kanya. a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos. b. Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya. c. Mali ang kanyang intensyon kahit tama ang kanyang kilos d. Mali ang kanyang intensyon at mali ang kanyang kilos. 3. Ang ibig sabihin ng pahayag na : “The end does not justify the means” ay: a. Ang kilos ay mabuti dahil mabuti ang dahilan. b. Kung mabuti ang layunin kahit masama ang kilos ay nagiging tama na rin. c. Ang kabutihan ng layunin ay hindi makapagtatama ng maling kilos. d. Kung hindi mabuti ang kilos, hindi rin mabuti ang pasya. 4. Ayon sa uri ng konsensiy, ito ay ang paghuhusga sa kilos na naaayon sa batas moral. a. tamang konsensiya b. maling konsensiya c. tiyak na konsensiya d. di-tiyak na konsensiya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 3/13

5. .Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay: a. bahala ang tao sa kanyang kilos. b. pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos. c. obligasyon ng tao na kumilos nang maayos. d. makabubuti sa tao na kumilos nang tama.B. Kilalanin sa larawan ang kilos na nagpapakita ng wastong intensyon at pasya. Lagyan ito ng tsek () sa larawan. Lagyan ng () kung hindi ito nagpapakita ng wastong intensyon at pasya. Ipagliwanag kung bakit.1. Pakikipag-away _________________________2. Pagkagalit ng walang dahilan _________________________3. Paggawa ng tsismis _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 4/13

4. Pagtulong sa magulang _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________5. Pag-aalala sa may kapansanan _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________B. Tuklasin MoGawain Blg. 1 Ang konsensya ay isang praktikal at moral na paghuhusga ng isip(intellect) batay sa kung tama o mali ang ikinilos. Ito ang paglalapat ngbatas unibersal sa partikular na sitwasyon. Ito din ay tumutukoy sa kungpaano ginagamit ang kaalaman sa batas moral, paggamit ng isip,sinasabi at pagkilos na maaaring bago o pagkatapos itong naisip, nasabio nagawa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 5/13

Sa gawaing ito, matututuhan mo pa ang aktuwal na kahulugan ngpaksa. Basahin ang sumusunod na dayalogo. Ako Ang Iyong Konsensya Sa isang panayam ng taga-ulat ng radyo sa himpilan ng pulisya.Ginoong Lubha na Paano po Lagi akongSantos, ano kasi akong ninyo balisa atpo ang nag- binabaga- nasabing takot. Hindiudyok sa bag ng aking binabaga- na rin akopersonal na konsensiya. bag kayo ng makatulog.pagsuko iyongninyo sa konsensiya?maykapang-yarihanAng ibig Inuusig ako Bakit ninyo Dahil sasabihin ay ng aking po nagawa matindinghindi kayo budhi ang krimen selos.matahimik? pagpatay ko na ito? Pinagsisihan sa aking ko ang aking asawa. ginawa.Sagutin Mo1. Ano ang nahinuhang kahulugan ng konsensiya mula sa nabasa?2. Bakit binabagabag ng kanyang konsensiya ang gumawa ng krimen?3. Bakit hindi maaaring itago ang anumang ginawang mali ng tao? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 6/13

Gawain Blg. 2Panuto: Tukuyin kung mali ang kilos, pasya o intensyon. Ipaliwanagang sagot.Intensyon Kilos Pasya Paliwanag1. Gusto ni Tumabi siya sa Nagbago ang _____________Rosa na kaklase niyang kanyang isip at _____________makapasa sa marunong pinagbuti na _____________make-up test ngunit lamang niya _____________niya sa Physics. nagkasakit kaya pagsagot sa _____________ hindi nakakuha kanyang _____________2. Gusto ni ng pagsusulit. ikalawang _____________Mario na pagsusulit. _____________mapatunayang Kinuha niya ang Binuksan niya _____________si Jose ang bag ni Jose ang bag at _____________kumuha ng habang ito ay hinalughog ang _____________kanyang wallet. nasa kantina laman nito. _____________ _____________3. Gusto ni Hindi siya Lagi siyang _____________Grace na nagpakopya sa nag-aaral nang _____________manguna sa kanyang mga mabuti. _____________klase upang kaklase. _____________mapatunayang Alam niyang _____________siya ang Sumama siya hindi siya _____________pinakamagaling dahil sinabi niya papayagang _____________na mag-aaral sa kanyang manood ng sine _____________sa lahat. ina na kaya hinid niya _____________4. Gusto ni magpapraktis ito sinabi sa ina _____________Mina na lamang sila. kaya ang _____________sumama sa praktis lang angpraktis ng dula- Itinapon mo sa kanyang _____________dulaan at kapitbahay ang ipinaalam. _____________manood ng inyong kalat. Hinintay mong _____________sine. walang _____________ dumadaan _____________5. Gusto mong upang walang _____________maging malinis makakita sa iyo. _____________ang inyong _____________bakuran. _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 7/13

Sagutin Mo1. Nahirapan ka ba sa naging gawain? Bakit?2. Bakit nararapat na tama ang intensyon, kilos at pasya?3. Bakit kung minsan, maaaring magbago ang pasya?Gawain Blg. 3Panuto: Magbalik tanaw sa mga nagawang kilos o pasyang mali nitongnakaraang isang linggo. Punan ang tsart sa ibaba. Nagawang Intesyon ng Naging Hakbang namaling kilos o kilos o pasya damdamin sa dapat gawin naging resulta upang maitama pasya ng kilos o pasya ang kilos o pasya Sagutin Mo 1. Ano ang iyong natuklasan sa naging gawain? 2. Ano ang kinalaman ng tamang intensyon sa paggawa ng pasya? 3. Maaari pa bang maiwasto ang pasya? Paano?IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Panuto: Tapusin ang mga inumpisahang pangungusap. 1. Mula sa mga naging gawain, nahinuha ko na ang kahulugan ng konsensiya ay ___________________________________________ 2. Ang intensyon ay kailangang maging tama upang _______________ ______________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 8/13

3. Ang maling pasya o kilos ay maaaring maitama sa pamamagitan ng ______________________________________________________V. Pagpapatibay Ang Kawastuhan ng Intensyon, Kilos at Pasya Ayon sa Konsensiya Ang salitang konsensiya ay nagmula sa salitang Latin “conscientia” na nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ito ay ang mga gampaning pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos. Ito rin ang nagpapasya at nagsisilbing gabay batay sa prinsipyo ng Batas Moral upang matunton ang kabutihan sa sarili bilang isang tao. Ang “antecedent” o naunang konsensiya ay pumipigil o di kaya ay sumasang-ayon na isagawa ang kilos. Samantalang ang “consequent” o bunga ng konsensiya ay sumasang-ayon sa tamang naisagawang kilos kaya nagbubunga ng ispiritwal na kaligayahan, at kung mali ang kilos, di- pagsang-ayon kaya nagbubunga ng pagsisisi. Kaya nga, nalalaman ng tao kung mali ang kanyang nagawa kahit na hindi niya ito aminin. Karagdagan, ang konsensiya ay: • makapangyarihang tipanan ng Diyos at tao kaugnay sa moral na buhay, dito nakikita ng tao ang Dakilang Lumikha, upang matunton ang katotohanan at ang pagnanasang maisagawa ito dahil sa pag-iibig sa Kanya at sa kapwa • batayan ng pagsusuri sa kilos ng tao • sumasaklaw sa pansariling batayan ayon sa katotohanan at katwiran alinsunod sa batas moral • ang rasyunal at intelektwal na paghusga • kaloob-looban ng tao na ang Dakilang Lumikha lamang ang nakababatid at kung saan maririnig ang sarili • praktikal at moral na paghuhusga ng intellect batay sa kung tama o mali ang kilos • paglalapat ng batas unibersal sa partikular na kilos o sitwasyon. Ang paghuhusga ng konsensiya para sa kaluluwa ay isang kakaibang boses o sakit na dinadalang kalooban na sumisigaw ng katarungan ng naaayon sa batas ng Lumikha. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 9/13

Mga Uri ng Konsensiya 1. Tamang konsensiya – ang paghuhusga sa kilos ay naaayon sa batas moral 2. Maling konsensiya – ang paghuhusga sa kilos ay mali dahil ang mga pinagbabatayang prinsipyo ay mali o maling paraan 3. Tiyak na konsensiya – tama ang paghuhusga kaya walang dahilan upang pagdudahan 4. Di-tiyak na konsensiya – ang paghuhusga sa kilos ay maaaring kabaligtaran sa dapat. Ito ay bunga ng kawalan ng takot o ingat na magkamali sa paghusga. Ang kawastuhan ng intensyon, kilos at pasya ay naaayon sakonsensiya. Kahit tama ang intensyon ngunit mali ang pasya ay hindisasang-ayon ang konsensiya kung kayat may pagdududa sa kanyangkilos. Kaya nga sinasabing “The end does not justify themeans” na angibig sabihin, ang kabutihan ng layunin ay hindi makapagtatama ngmaling kilos. Kung sasabihin ng magnanakaw na kaya siya nagnakaway para maipakain sa kanyang nagugutom na mga anak, mali pa rin angkanyang ginawang kilos. At habang ginagawa niya ang maling kilos,naririnig niya ang konsensiya na nagsasabi na ito ay mali kung kaya pilitniyang binibigyan ang kanyang maling kilos ng tamang katwiran. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 10/13

VI . Pagnilayan at Isabuhay Mo A. Mula sa mga naging aralin, ang mga paraan upang mahubog ang mabuting konsensiya ay ang mga sumusunod: ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ B. Upang hindi ako magkamali sa aking pasya, nararapat na: ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ ☻ __________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 11/13

VII. Gaano Ka Natuto? C. Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang tikitk na may tamang sagot. 1. Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Kaya nagtatrabaho siya sa gabi at nag- aaral sa araw. Mula sa ginawa ni Maria, masasabing: a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos. b. Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya. c. Mali ang kanyang intensyon subalit tama ang kanyang pasya d. Mali ang kanyang kilos at tama ang kanyang intensyon 2. Sumali si Jenny sa paligsahan sa pagkanta upang mas maging sikat siya kaysa sa kanyang kapitbahay na mas maganda sa kanya. a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos. b. Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya. c. Mali ang kanyang intensyon kahit tama ang kanyang kilos d. Mali ang kanyang intensyon at mali ang kanyang kilos. 3. Ang ibig sabihin ng pahayag na : “The end does not justify the means” ay: a. Ang kilos ay mabuti dahil mabuti ang dahilan. b. Kung mabuti ang layunin kahit masama ang kilos ay nagiging tama na rin. c. Ang kabutihan ng layunin ay hindi makapagtatama ng maling kilos. d. Kung hindi mabuti ang kilos, hindi rin mabuti ang pasya. 4. Ayon sa uri ng konsensiy, ito ay ang paghuhusga sa kilos na naaayon sa batas moral. a. tamang konsensiya b. maling konsensiya c. tiyak na konsensiya d. di-tiyak na konsensiya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 12/13

5. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Angibig sabihin nito ay: a. bahala ang tao sa kanyang kilos. b. pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos. c. obligasyon ng tao na kumilos nang maayos. d. makabubuti sa tao na kumilos nang tama.VIII. Mga Sanggunian Esteban, E.J. (1990). Education in Values. Manila: Sinagtala PublishersKagawaran ng Ekukasyon, Kultura at Isports-IMC. (1995). Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Sangguniang Aklat. Pasig City: May-Akda.Susi sa Pagwawasto Gaano Ka Natuto? 1. b Handa Ka Na Ba? 2. c 1. b 3. c 2. c 4. a 3. c 5. b 4. a 5. bProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 13/13

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 8 Moralidad Ko, Iingatan KoI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Isang pagbati na naman dahil natapos mo na ang mga nakaraang aralin. Tiyak na gusto mo pang ipagpatuloy kaya huwag kang umayaw dahil ang araling ito ay kailangan mo. Ang panahon ng pagiging tinedyer ay minsan lang dumating sa buhay ng isang tao. Kapag natapos na ang panahon ito hindi maaaring bumalik pa kaya hindi dapat na sayangin. Ang bawat pasya sa panahong ito ay mahalaga dahil may maidudulot na masama o mabuting bunga sa hinaharap. Dito nangangailangan ng tiyak na batayang moral na siyang tutukoy sa iyong kilos kung tama o mali. Ngayon, alamin mo ang nilalayon ng modyul na ito upang magkaroon ka ng gabay sa iyong gawain sa mga aralin. LC 2.2 Nakikilala ang pamantayan ng moral na kilos (determinants of morality) LC 2.3 Nasusuri ang isang kilos ayon sa pamantayang moral A. Nakikilala ang mga palatandaan ng moralidad ng isang kilos B. Nasusuri ang sariling kilos batay sa mga pamantayan ng moralidad C. Nakagagawa ng mga hakbangin tungo sa mapanuring pasya Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 1 / 14

iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi. 1. Ang pagiging dalaga ay minsan lang dumarating sa babae, kaya ang puri ay pinahahalagahan. 2. Magpaalam sa magulang tungkol sa panahon kung kailan maaaring manligaw o ligawan. 3. Ang panonood ng X-rated na pelikula ay natural lang sa mga tinedyer. 4. Magkaroon ng limitasyon sa mga lugar na papasyalan kung may kasama na nasa katapat na kasarian. 5. Ang disco ay para sa lahat ng nais magsayaw kaya maaari kang makisayaw sa kahit na sino na nasa sayawan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 2 / 14

6. Karaniwan na sa mga tinedyer na tumakas sa bahay kung hindi sila pinayagang sumama sa kanilang kabarkada. 7. Ang pagsasabi ng totoo sa kapwa ay maaaring ikagalit niya subalit dapat pa rin itong gawin. 8. Ang pag-aasawa ay nasa takdang panahon kaya kung tinedyer ka at nabuntis ay maaaring masira ang iyong kinabukasan. 9. Marami ang gumagawa ng mali sa ating paligid kaya kung gumawa na man ng hindi tama ngayon, hindi na ito mapapansin. 10. Kung husto lamang ang iyong pamasahe at nakasakay mo ang iyong boss, huwag mahiyang magbayad para sa iyong sarili lamang.B. Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Tumunog ng malakas ang cellphone ni Ana habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari. Nagtinginan ang mga tao at napahiya si Ana. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon 2. Nagugutom na si Luisa kaya nang makita niyang may pagkain sa mesa kinain niya ito kahit alam niyang hindi ito sa kanya. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon 3. Gusto ni Mario na makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit kaya habang wala ang guro ay tiningnan niya ang susi sa pagwawasto na nasa ibabaw ng mesa ng kanyang guro. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 3 / 14

4. Nakita ni Paula na dumarating ang pinagkakautangan ng kanyang nanay kaya nagmamadali niyang isinara ang lahat ng bintana at pinto ng kanilang bahay. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon5. Nais ni Diana na manalo sa paligsahan sa pag-awit kaya kinausap niya ang isa sa mga magiging hurado upang masigurong mananalo siya. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama? a. Ang partikular na kilos o gawain b. Ang layunin o intensyon ng kilos c. Ang sitwasyon o kondisyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 4 / 14


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook