Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 2 Part 1

FILIPINO 2 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:43:01

Description: FIL2part1

Search

Read the Text Version

Pagkatapos, ipakita mo sa iyong guro ang iyong ginawa para mabigyan niya ng angkop napagpapahalaga.Sub Aralin 4 Tukuyin ang TekstoLayunin Natutukoy kung ang teksto ay: • deskriptiv • narativ • ekspositori • informativ • argumentativAlamin Ang teksto ay maaaring nabubuo ayon sa iba’t ibang layunin at pamamaraan ngpamamahayag. Maaaring ito ay nagpapahayag ng: • paglalarawan ng itsura, tunog, amoy ng isang bagay. • kung ano ang nangyari. • kung ito ay naglalahad ng ideya, proseso, at iba pa. • kung nagbibigay ito ng impormasyon. • kung ito ay makikipag-argumento. Alamin kung ang pamamahayag ay isang deskriptiv, narativ, ekspositori, informativ, oargumentativ. Isulat sa kahon ang uri ng tekstong binasa.A. Kayamanang matatawag ang gunita. Sinuman ay may iniingatang mga gunita ng kahapon. Ang iba’y matitimyas. Ang iba’y mapapait. Matitimyas man o mapapait ang mga gunita ay hindi maiiwasang di alalahanin. Kung matitimyas ang mga gunita ay di-sasalang sila’y nakapagbibigay ng kasiyahan. Kung mapapait naman, ito’y may kirot na inihahatid. 24

B. Si San Pedro de Varona, ang patron ng bayan ng Hermosa, ay ipinagpuprusisyon sa buong bayan tuwing ika-3 ng Mayo. Isang gabi ng pista, isa sa ngma babaing nanonood ng prusisyon ang nagsabi: “Ipinagpuprusisyon ninyo yan eh kahoy lang naman. Ba’t di ninyo ibaba iyan at nang masibak at nang magawang panggatong? E, di may pakinabang pa!” Walang sinumang umimik sa naturang babae. At… hindi naglaon, ang babae ay nagkasakit. Nagsimula ito sa kanyang kamay. Hindi malaman ng doctor ang uri ng sakit. Binigyan na lamang siya ng gamot para sa sugat sa sakit. Mabilis kumalat ang sakit. Kinailangang putulin ang pinagmumulan ng sakit upang di makaabot pa sa katawan. Subalit tuluy-tuloy na kumalat ang pagkabulok hanggang siya ay mamatay. Gamiting Filipino PandalubhasaanC. D.Bagtas II Pilipino Star Ngayon, Nob. 8, 2004 25

Ang sagot mo ba ay ganito: A. deskriptiv B. narativ C. ekspositori D. informativ D. argumentativ Kung hindi, maaari kang magpatuloy sa pag-aaral sa modyul upang matukoy ang iba’t ibangteksto ng pamamahayag.Linangin Isa-isa mong alamin ang sangkap at katangian ng bawat teksto. Narativ - May unibersal na sangkap ang pagsasalaysay maging sa anumang kultura. 1. Oryentasyon : panahon, lugar at mga tauhan at papel na ginagampanan. Sa panimula, maaaring maging ganito. 2. Layunin at problema o suliranin : kapag kumpleto na ang oryentasyon, kadalasan ang bida o pangunahing tauhan ay binibigyan ng layunin ang buhay na nahihirapan niyang makamit dahil may mga suliraning sumasagabal. 3. Mga hakbang upang malutas ang problema : ipinakikita ng mga pangyayari kung paano nilulutas ng bida ang problema upang makamit ang layunin. 4. Resolusyon : ito ang kasukdulan (climax) na nagpapakita na makamit na ang layunin. Sinusundan agad ito ng wakas. 5. Coda : ito ang nagbubuod o nag-eebalweyt sa kaangkupan ng kwento. Nagtataglay ito ng moral, impresyon o kakintalan. Deskriptiv- Ang paglalarawan ay nagbibigay-kulay sa katangian ng isang bagay, tao, lugar o pangyayari. Sa masining na paggamit ng mga salita, napalulutang ang larawang-diwa o imahen (images) na inilalarawan. Napapakilos o napapagalaw ang guniguni at imahinasyon ng mambabasa o pang-uri. Ekspositor-i - Ang ekspositori ay isinasagawa ng tao sa pagkakataong ibig niyang magpaliwanag ng mga bagay-bagay. Ang paglalahad ng pagbibigay at pagsunod sa panuto ay magagawang malinaw sa paggamit ng sapat at angkop na pananalita. Ang pagsulat ng tula, balita, pitak o sanaysay ay paglalahad din ng kaisipan, kaalaman, damdamin o saloobin tungkol sa mga bagay at pangyayari sa paligid. - - Ang tekstong informativ maingat na naglalahad ng mga impormasyon Informativ tungkol sa mga bagay-bagay na nagbibigay ng bago at dagdag na kaalaman sa paksang inilalahad. 26

Argumentativ - - Ang argumentasyon ay isang proseso ng pagsuporta o pagpapahina sa pahayag ng katalo kung saan ang baliditi nito ay pag-aalinlanganan o maaaring hadlangan. - Ang kayarian ng ganitong teksto ay may:Introduksyon – panimulang paglalahad ng paksang pagtatalunan.Explanasyon – pagpapaliwanag sa pinagtatalunan o balangkas ng argumento. Katibayan (proof) – mga patibay upang maging malakas ang pinaninindigang panig.Reputasyon – pagpapahina sa pahayag ng katalo o pagsalungat dito.Kongklusyon – ang pagbubuod at pagbibigay ng kongklusyon sa argumentasyong ginawa.Gamitin Basahing mabuti ang bawat teksto. Isulat sa kahon ang uri ng tekstong binasa. 1. Matatag ang isang gusali kung ang balangkas nito’y matibay at di maigugupo abutin man ng pinakamalakas na unos. Gayon din naming katatag ang isang bansang binubuo ng maliligayang tahanan, at ang katatagan nito’y salig sa hina o lakas ng kanyang sandigan, ang mag-anak.2.Paglalapat Kapag may taong nangangailangan at lumapit sa iyo, ipinagpapaliban moba ang pagtulong mo sa kanya dahil may mas mahalaga kang gagawin? May mga taong mas abala pa sa pag-aalaga ng hayop kaysa mga tao, atmas iniisip na ang batas at kaayusan kaysa ang kalagayan ng mga mahihirapat kapuspalad. Ano para sa iyo ang “pahinga” tuwing Linggo?1203 Makati City, Philippines, [email protected] Balita, Nob. 8, 200427

3. Trabaho. Aral. Iwas sa barkada. Iwas sa pasyal. Kung minsan, pati na ang mahal ko’y nag-aakalang pati na siya ay iniiwasan ko na rin. Ngunit kapag ang tao’y sadyang nagpupunyagi, nangangarap na makaahon sa lugar na kanyang kinaroroonan ay naisasantabi ang mga bagay na nagpapaginhawa lamang sa emosyon. Iyon lamang sadyang nagmamahal ang nakakaunawa at nagbibigay ng lakas ng loob. Ay kaytamis ng tagumpay pagkatapos ng maraming taong paghihirap. Tunay ngang ang nagdanas ng di-gaanong paghihirap ang siya lamang nakakakilala ng matamis na tagumpay. Gamiting Filipino Pandalubhasaan 4. Balita Nob. 8, 2004 5.Nagturo si Jesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, at may isang babae roon. Labingwalong taonna siyang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkakandakuba na siya t di makatingala. Pagkakita sa kanya ni Jesus, tinawag siya nito at sinabi: “babae, lumaya ka sa iyong sakit.”,ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang babae at nagpuri saDiyos. Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpapagaling si Jesus sa araw ng pahinga kaya sinabi niyasa mga tao; “May anim na araw para magtrabaho kaya s mga araw na iyon kayo pumarito paramagpagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!” Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapagkunwari, hindi ba kinakailangan ng bawat isa sa inyo angkanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? At isangbabae naman ang narito na Anak ni Abraham na labing walong taon nang iginapos ni Satanas. Di basiya dapat kalagan sa Arawa ng Pahiga? Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahatng kahanga-hangang ginawa ni Jesus. Efeso 4:32- 5:8 28

Sagot: 1. deskriptiv 2. argumentasyon 4. ekspositori 3. informativ 5. narativ Kung may mali ka sa iyong sagot, balikan mo ang ALAMIN. Kung wala naman, magpatuloysa kasunod na gawain.Lagumin Paano mo lalagumin ang iba’t ibang uri ng teksto? Ganito ba? Isulat sa patlang angtekstong tinutukoy.__________ 1. Ang tekstong may tunguhing ipaliwanag ang isang pangyayari, opinyon, kaisipan at proseso.__________ 2. Naglalayong buuin ang imahen o isang biswal na konsepto ng bagay-bagay.__________ 3. Naglalayong maghayag ng sunud-sunod na pangyayari tungo sa kalutasan ng suliranin ng tauhan.__________ 4. Naninindigan sa sariling opinyon at hinihikayat na mapaniwala ang katalo sa kanyang panig.__________ 5. Nagdaragdag ng kaalaman o kabatiran tungkol sa mga bagay-bagay.Sagot: 1. ekspositori 3. narativ 5. informativ 2. deskriptiv 4. argumentativNgayong alam mo na ang uri ng teksto, handa ka nang kunin ang SUBUKIN. 29

Subukin Basahing mabuti ang bawat teksto. Isulat sa papel kung ito ay isang deskriptiv, narativ,ekspositori, informativ, o isang argumentativ. 1. Labingwalong taon na siyang may ispiritung nagbibigay sakit. Nagkakandakuba na siya at di makatingala. 2. May mga taong mas abala pa sa pag-aalaga sa mga hayop kaysa mga tao, at mas iniisip pa ang batas at ang kaayusan kaysa ang kalagayan ng mga mahihirap. 3. Nagtuturo si Hesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga. May dumating na isang babae. 4. Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpapagaling si Hesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga ito “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para magpagaling hindi sa Araw ng Pahinga.” 5. Hindi ba, kinakalagan ang bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin. At isang babae naman ang narito na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?Sagot: 1. deskriptiv 3. narativ 5. argumentativ 2. ekspositori 4. informative Kung tama lahat ang iyong sagot, magpatuloy sa Sub-aralin 5. Kung hindi, gawin angPaunlarin.Paunlarin Basahin ang ilang tekstong galling sa pahayagang Balita, Nobyembre 8, 2004 at ilangbabasahin. Tukuyin kung ang teksto ay isang nito na narativ, deskriptiv, ekspositori, informativ, atargumentativ. Isulat sa kahon ang sagot. 30

1. A. Huwag lagging gagamitn ang flush ng toilet. B. Sa paglilinis ng kotse, huwag gumamit ng hose. C. Kapag maglalaba, ibabad muna ang mga damit para madaling matanggal ang mga dumi. D. Bago maghugas ng mga plato at iba pang kinanan, takpan muna ang butas ng lababo at kumuha ng isang palangganang tubig. E. Isara ang gripo habang nag-aahit o nagsisipilyo. F. Bago pa man gamitin, ilabas na ang anumang pagkain o trey ng yelo sa freezer ilang minuto o oras man bago gamitin. G. Sikaping maligo nang mabilis. [Mula sa: Magtipid sa Kuryente at Tubig (Technology Resource Center), pah.7-9, at Magtipid sa Tubig (Technology Resource Center), pah.3-5.]2. “Pragmatically speaking,” sabi ng isang dalubhasa sa pagtuturo na panauhin ko sa isang tanggapan. Isang araw, which is more usefl useful, English of Filipino? Nabakas ko agad sa uri ng pagtatanong ang isang hamong pagsubok sa alam. “Depende,” sabi ko. “Sa atin na sophisticated few, nakabatay sa kaunting kaalaman sa Ingles ang asensong pangkabuhayan. Ingles ang lahat at lahat. Ngaunit di ganito kahalaga sa mga magkakahoy sa kagubatan, sa mga mangingisda, sa mga magsasaka sa kabukiran, sa mga trabahador sa mga piyer at lansangan,” at aking ipinagdidiinan sa lalong malaking bilang ng masa na bumubuo ng sambayanan.” “Ang Wikang Filipino Isang Kasangkapan sa Pagbuo ng Bansa” ni P.B.P. Pineda 31

3. PANAHON4 Ang kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na pag- . uulap ng kalangitan na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilangang- silangan ang iiral at ang look ng Maynila ay banayad hanggang sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay banayad hanggang sa kung minsan ay maalon. Ang tinatayang agwat ng temperature ay mula 22ºC antas (72ºF hanggang 91ºF.) Ang mga isla ng Batanes at ang mga isla ng Babuyan at Calayan ay makakaranas ng masungit na panahon. Ang natitirang bahagi ng dulong-hilagang Luzon ay magkakaroon ng mga pag-uulan at pagbugso ng hangin na may katamtaman hanggan sa maalong karagatan. Ang nalalabing bahagi ng hilagang Luzon ay makakaranas ng madalas na pangungulap ng kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggan sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat. Balita, Oktubre 25, 20045. Iyan daw kaligayaha’y kadalasang hudayt at babala ng dusang darating. Walang awa sa hinagap ko iyon. Naglulumukso pa nga sa tuwa ng puso ko habang ako’y pauwi sa amin isang hapon. Ano ba’t natanawan ko’y ang maraming tao sa aming bahay. Pawing nakabihis ng lungkot ang kanilang mukha at isa man ay walang gustong mangusap sa akin. “Patay na si Tatang,” sabi isa kong kapatid. Ang nakita ko’y ang walang katinag-tinag na katawan ni Tatang. Sa tabi niya’y nagpapalahaw ang aking ina at iba ko pang mga kapatid. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan. Dumating daw ang pagkahilo ni Tatang. Nahiga. Naghilik. Hindi na siya inabutang buhay ng doctor. Dumarating nga ang kamatayan sa lahat ng tao. Ngunit may mga kamatayang labis ang hapdi, kirot, paghihirap at kapaitan ang idinulot sa mga naiwan. Ang buntot ng kamatayan ni Tatang ay walang pakikitalad sa buhay upang mabuhay at bumuhay. Waring hindi matanggap ni nang na wala na si Tatang. Siya’y laging nakatulala. At ako, bilang nakatatandang anak, ay naatangan ng isang mabigat na pasaning sadyang hindi ko inaasahan sa buhay. Kinakailangan ko ang magtiis, ang talikdan ang mga nakagawian. 32

Sagot 3. informativ 5. narativ 1. ekspositori 4. deskriptiv 2. argumentativ Kung tama lahat ang sagot mo, binabati kita. Magpatuloy sa susunod na aralin. Kung maymali, pakibalikan ang LAGUMIN.Sub Aralin 5 Kilalanin ang Tono…Sumulat nang WastoLayunin Nakikilala ang wastong tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na bahagi. Naisusulat ang wastong pag-uugnayan ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap.Alamin Ang teksto ay nagtataglay ng mga bahagi na nakapagpapalutang sa tono ng pagpapahayagkaugnay ng mga damdamin at saloobin na ibig iparating nito. May mga tekstong nagbababala,nananakot, nang-aaliw, nagbibiro, nag-aalinlangan at iba pa. Sa tulong ng mga salitang sapat atangkop ay napag-uugnay nang wasto ang mga salita, parirala, sugnay at pangungusap. Basahin ang ilang teksto. Tukuyin ang tono na ipinalulutang nito. 1. Libu-libong palito ng posporo ang magagawa buhat sa isang punungkahoy. Ngunit… kayang sunugin ng isang palito ng posporo ang libu-libong punongkahoy. 2. Panaho’y nagbabago at bumibilis ang takbo ng pamumuhay ng tao… lumalawak ang kaalaman tungo sa isang tagumpay… subalit, tagumpay lang ba ang hangad ng tao? Hindi ba ang masidhing nasa ang magtutulak sa kanila upang gumawa ng masama at kapahamakan. Sa unang teksto, sinabi mo bang may tono ito na nagbababala, nananakot? Tama ka. Maaariring sabihing may saloobin ng panghihinayang. 33

Pansinin din ang wastong ugnayan ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap. Ano angugnayang ipinakikita? Ano ang mga salitang ginamit? Tama. Ang ugnayang ipinakikita ay ugnayangkawsal, sanhi at bunga at maaaring ugnayang hambingan. Pag-aralan pa ang tungkol sa tono ng tekstong binasa at wastong pag-uugnayan ng mgapangungusap.Linangin Naipapakita ang tono at ugnayan ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap sa teksto sapaggamit ng mga panandang sintaktikal at leksikal. Basahin ang sumusunod na teksto. Mayaman at matalino si Gil, samantalang si Ding ay mahirap, marunong at mabait. May ugnayang di-magkatulad dito na ginamitan ng samantala. Kulang sa Vitamin D ang bata, kaya, nagkasakit siya ng rickets. Dito naman ay may ugnayang kawsal. Ginamit ang pangatnig na kaya. Sinabi mo bang maytono ng paninisi sa teksto? Tama! Alin ang sanhi dito?Tama ka dyan, kulang sa Vitamin D ang bata. Nagpipista na naman ang mga kidnaper, dahil malapit na ang eleksyon. May ugnayang sanhi at bunga. Ano ang tono ng teksto? Tama! Galit at takot. Alin naman angsanhi? Tama! Malapit na ang eleksyon. At alin ang bunga? Tama. nagpipsta na naman ang mgakidnaper. Ang kidnaping ay isa sa pinakamabilis na mapagkakaperahan. Kaya nga, ilan daw sa mga politico natin ay utak ng mga sindikato, ng mga sindikato sa kidnaping. Pero kung, may hawak ang NAKTAF ng ebidensya laban sa mga politiko, bakit hindi kasuhan ang mga ito? Ano ang ugnayan sa tekstong ito? Tama! Ugnayang problema at solusyon. Alin angproblema? Sinabi mo bang…”may ilang politico natin ay utak ng mga sindikato sa kidnaping.”?Tama! Kaya alin ang solusyon? Tama! Kung may nawala na ebidensya, kasuhan sila. Ano ang tono ng tekstong binasa? Tama, may tono itong nagtataka at may halongnangangalit. 34

Sa pagtiyak sa tonong ipinapahiwatig sa teksto ay maaaring sabihin ang saloobin ng may-akdasa paksa ay nagpapatawa, nangangalit, nagmamaktol, nagpoprotesta, may pagwawalang-bahala,nagbababala, natatakot, nagagalit, kinakabahan at iba pa.Gamitin1.Basahin ang maiikling teksto. Isulat sa patlang ang tono ng bawat teksto.__________ 1. “Alam mo…nataasan na pala ng sahod si Elsie.” “Ku! Paanong hindi magkakagayon ay malakas siyang magbigay! Naku! Hindi ko magagawa ang gayon! Hindi na baling hindi ako maumentuhan!”__________ 2. Haaaa_ _ _! Nabali ang kaliwang batangan natin. Manimbang kayong mabuti sa kawan. Wala na tayong laban sa kaliwa. Mag-iingat kayo. Kaunting pagkalingat ninyo ay tataob tayo. Hayan…alistuhin ninyo…may dumarating na mag-asawang alon!__________ 3. Hindi na ako inalok ni Dindong sumakay sa bagong motorsiklo niya mula nang ilang ulit ko siyang tinanggihan. Mabuti pa siya’t sunud na sunod lahat niya ang layaw sa mga magulang niya. Palaging bago ang pantalon at sapatos at ang pitaka ay laging makapal sa laman.__________ 4. “Tila may kumakatok yata” paos na tinig ng aking inang maysakit. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa aming pintuan. Ngunit nang aking buksan ito,walang tao. Wala…!__________ 5. Minasdan ko ang payat na katawan ng aking ina, ang kanyang hapis na mukha ngunit nang ibaling ko ang aking paningin sa kanyang balikat ay nakita ko na lang na hinigit niya ito. Dali-dali kong dinama ang kanyang pulso ngunit ito ay hindi na tumitibok.Sagot: 1. naiinggit, nag-aalinlangan 2. matatag o buo ang loob,matapang 3. nagtatampo, naiinggit 4. natatakot,nag-aalala 5. nalulungkot, nababahala Tama ba lahat ang sagot mo, magaling! Magpatuloy sa pag-aaral. Kung hindi, balikan atbasahing muli ang LINANGIN, pagkatapos, sagutin muli ang GAMITIN. 35

2.Basahin ang isang teksto. Punan ang patlang ng angkop ng panandang sintaktikal at leksikal sa mga salita, parirala, sugnay at pangungusap. Isulat din sa _________ ang wastong pag-uugnayan nito. BISA NG BULAKLAK 1. __________ 2. __________ Ang halaman sa isla ng 3. __________Madagascar ay matagal nangpinahahalagahan ng lokal na mga 4. __________naninirahan (a) bisa ng mga itobilang gamut. Ang mga katas mula 5. __________sa iba’t ibang bulaklak ay matagalnang ginagamit (b) gamutin ang“mga sakit na (c) lagnat (c) eksemasa mga tumor,” ulat ng magasingAfrica – Environment & Wildlife.Maging ang magandang orkidyas aykapaki-pakinabang. Halimbawa, angisang uri (Angraecum eburneum), ayginagamit na panlabansa impeksyondahil sa virus at upang maiwasan angmga paglaglag. Kamakailan, angisang pinagmumulan ng gamut parasa paggamot ng leukemia ay nakilalasa isla – ang mamula-mulangsitsirika (Catharanthus roseus). (d)gaano katagal maaaring makinabangang mga tao mula sa mga bulaklakna ito? “Ang pakikipag-unahan sapanahon bago mawala ang mga itoay nagaganap,” ang himutok ng ulat,yamang “ang napakaraming di panatutuklasan na mga uri ay naglalahoaraw-araw (e) komersyal na mgagawain gaya ng pagtotroso,pagsasaka at pagmimina. 36

Sagot: 1. sanhi at bunga a. dahil sa 2. problema at solusyon b. upang 3. ugnayang di-magkatulad c. mula sa……hanggang sa 4. problema at solusyon d. subalit 5. ugnayang kawsal e. dahil sa Tama ba lahat ang sagot mo? Magaling! Basahin ang LAGUMIN at sagutan angSUBUKIN. Kung may mali, balikan ang paliwanag sa LINANGIN.Lagumin Basahin at tandaan. Ang teksto ay nagtataglay ng mga bahagi na nakapagpapalutang sa tono ngpagpapahayag ng mga damdamin at saloobin na ibig iparating nito. May mga tekstong nagbababala, nananakot, nang-aaliw at iba pa! Sa tulong ng mga panandang sintaktikal at leksikal, napag-uugnay nang wasto angmga salita, parirala, sugnay at pangungusap.Subukin Basahin ang bawat teksto. Punan ang patlang ng panandang sintaktikal at leksikalupang ipakita ang ugnayan. Isulat din sa patlang sa unahan ng bilang ang tono ngbinasang teksto. __________ 1. Hindi lingid sa kalaman ng lahat ang suliraning kasalukuyang kinakaharap ng ating kapaligiran. (a) nakatutuwang pagmasdan na maliban sa gobyerno, ang pribadong sector, ang simbahan, ang kabataan (b) mga paaralan ay patuloy na nakikibaka sa patuloy na pagkawasak ng ating kapaligiran (c) kalikasan. __________ 2. Siguro, mas mabuti pa nga na huwag na muna tayong magturuan at magsisihan (a) sino nga ba ang dapat sisihin, si Juan ba (b) si Pedro, (c), magtulung-tulungan tayo (d) mapigilan o mabawasan man lamang ang patuloy na pagkawasak ng ating iisang planeta, ang ating iisang mundo. 37

__________ 3. Sa isyu ng ating mga ilog (a) lawa, hindi lingid sa atin na ang ating mga pangunahing ilog (b) lawa dito sa Metro Manila (c) Pasig- Marikina River System, ang Navotas-Malabon-Tenejeros- Tullahan River System, ang baybaying dagat ng Maynila at ang Laguna de Bay ay masasabi nating biologically dead.__________ 4. Sa isyu ng polusyon sa hangin sa Pilipinas, ang pangunahing nagdudulot ng polusyon ay nanggagaling sa natural (bulkan, atbp) (a) sa kagagawan ng tao (man-made sources). Ang mga man-made sources ay nanggagaling sa mga sasakyan (b) emisyong industriyal. Dito sa kalakhang Maynila, ang polusyon sa hangin ay nanggagaling sa nakahintong sors (c) energy generating facilities at pabrika; o ang mobile sources (motor vehicles).__________ 5. (a) mga batas na pinatutupad, pagbibigay-impormasyon ng media, (b) pagtulong ng NGO’s ay patuloy pa rin ang paglala ng kalagayan ng ating kapaligiran partikular na dito sa Metro Manila.Sagot:1. nanlilibak at naninisi a.) at b.) at c.) at2. nagagalit/nanghihikayat a.) kung b.) o c.) at sa halip d.) upang3. nalulungkot/nanghihinayang a.) at b.) at c.) tulad ng4. nagbibigay-impormasyon/nagsisisi a.) o b.) at c.) tulad ng5. nagbababala/nanghihinayang a.) sa kabila ng b.) at Tama bang lahat ang sagot mo? Mahusay! Tapos ka na sa modyul na ito, kumuhana ng ibang modyul. Kung may mali, balikan ang LAGUMIN at pag-aralan kung saannagkamali. Pagkatapos, pag-aralan ang PAUNLARIN.Paularin Basahin ang teksto. Ano ang tonong ipinahihiwatig ng teksto? Punan din angpatlang ng angkop na panandang sintaktikal na nag-uugnay sa mga salita, parirala,sugnay at pangungusap. LEUKEMIA Gumaling Dagsa ang tao sa bahay ni Sir Tom Agustin, Herbal Scientist (a) nakatira saMangaya Tarlac City. (b) mabalita ang Boston-C sa Magandang Gabi Bayan, Emergency,ANC News, DZMM, (c) mga pangunahing pahayagan, ang Bosto-C ay nagpatotoo mulasa U.P Institute Of Biology at St. Luke Medical Center na magaling ito sa cancer. SiGinang Adelaida Ogdog ng Southern Leyte ay gumaling sa sakit na Leukemia (d)nagbalik sa normal ang kanyang dugo. (e), sinasalinan siya tuwing ikalawang linggo. (f)kaniyang Doktor, ito ay isang milagro, ang paggaling ni Adelaida. Magbakasakali ka,malay mo, Boston-C ang sagot sa sakit mo! 38

Sagot: Tonong natutuwa at humahanga sa ibinibigay na impormasyon. a.) at b.) mula ng c.) at d.) at e.) dati-rati o noon f.) ayon sa Kung tama lahat ang iyong sagot, binabati kita. Magpatuloy na sa ibang modyul.Kung may mali kahit isa, balikan ang LINANGIN at sagutan muli ang SUBUKIN. Gaano ka na kahusay? Bago ka magpatuloy nang pag-aaral sa iba pang modyul, subukan mong sagutinang bawat pagsusulit. Kung natutunan mo nang wasto ang itinuro sa modyul na ito, masasagot mo angpagsusulit nang matagumpay. Magsimula ka na. A. Panuto : Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang may salungguhit nacohesive device ay isang anapora o katapora. Isulat sa patlang ang sagot.__________ 1. Nang taong 1960, halos ganito pa rin ang paniniwala ng mgatao,datapwat, sa panahon ding ito ay tila lumalakip ang pangamba sa kanilang isip.__________ 2. Mabilis na kumilos sila upang matulungan ang kanilang kababayan.Ganyan kung kumilos ang mga opisyal ng Saudi Embassy.__________ 3. Natatakpan ang bawat mata nila ng isang transparent scale, kasi, walangtalukap ang mata ng mga ahas.__________ 4. Noong isang linggo, isang Italyano ang nahulog sa bitag ng sindikato athanggang sa kasalukuyan ay nakakulong pa ito.__________ 5. Pagkagaling niya sa emergency room ay tinawagan agad ni Ding ang mgamagulang ng kaibigang naaksidente. B. Panuto : Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ang panandang leksikal o sintaktik na taglay nito ay isang referens, substitusyon, elipsis, konjunksyon o leksikal ties. __________ 1. Ang pagsasalegal ba ng aborsyon dito sa Pilipinas ay kinakailangan? Oo, kailangan. __________ 2. Ipinasara ang Smokey Mountain alinsunod sa kautusan ni Pang. Fidel V. Ramos at dapat lamang namang ipasara ang mga ito. 39

__________ 3. Ayon sa kaniyang doktor ito ay isang milagro ang mabilis napaggaling ni Adelaida sa sakit na kanser.__________ 4. Pagkagaling ni Ding sa emergency room ay tinawagan niya ang mgamagulang ni Gil na labis ang pagkasindak sa tinanggap na balita.__________ 5. Sa kabila ng pagsulpot ng iba’t ibang NGO’s, bakit patuloy pa rin angpaglala ng kalagayan ng ating kapaligiran at di na ito masansala.C. Panuto : Isulat sa papel ang letra ng pahayag na nagbibigay ng panuto sa pagsasagawa ng isang bagay. A. Pakuluan ang sariwang gatas bago inumin. B. Tuloy na talaga ang pagho-host ng SEAG. C. Linisin lagi ang palikuran. D. Huwag lumapit sa mga taong may nakahahawang sakit. E. Ingatan at laging pangalagaan ang iyong pamanang-yaman.D. Panuto : Basahing mabuti ang bawat teksto. Isulat sa papel kung ito ay isang deskriptiv, narativ, ekspositori, informativ, o isang argumentativ. 1. Sa personalidad ay talo si Ding ng kaisa-isang anak na lalaki ng mga Monte. Spoiled brat ang binatilyong ito. Matalino ngunit makasarili. 2. Si Ginang Adelaida Ogdog ng Southern Leyte ay gumaling sa sakit na Leukemia, nagbalik sa normal ang kaniyang dugo. Dati- rati, sinasalinan siya tuwing ikalawang linggo ngunit sa paggamit niya ng gamot na ito, hindi na kailangan. 3. Kapwa kandidato sina Ding at Gil sa idaraos na halalan sa Student Council sa kanilang haiskul. Isang araw nagtagpo ang kanilang landas. Nagkatinginan sila… 4. Habang ang Pilipinas ay patuloy na nakikiisa sa pandaigdigang programa na may kinalaman sa pagbabago ng kalidad ng kapaligiran, ang kakulangan ng pondo ang isang napakalaking balakid para lubos nating maisakatuparan ang nasabing programa. 5. Naniniwala ako na ang buhay natin sa mundong ito ay isang regalo. Buhay itong bigay sa atin ng diyos, kung kaya’t wala tayong karapatang kumitil ng isang buhay na hindi naman natin pag-aari. Kung ganito walang karapatan ang isang dalagang nagdadalantao na magpa-abort. Isipin mo sarili mong anak ay mamamatay sa sarili mong mga kamay? Nasaan ang hustisya para sa batang walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari? 40

E. Panuto : Basahin ang bawat teksto. Isulat sa papel ang tono ng binasang teskto. Isulat din sa papel ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. 1. Dapat maging responsable ang mga magulang at disiplinado ang bawat isa sa pamilya. Kung ang lahat ng bagay ay nasa ayos ay hindi na sana ganito kalaki o kasama ang suliranin ng ating bansa. 2. Sa usapin naman tungkol sa basura, isang napakahirap at kritikal na problema ang kinakaharap ng isang papaunlad na bansa tungo sa industrialisasyon, ay ang pakikibaka sa mga basurang itinatapon araw-araw ng mga mamamayang walang pakialam sa pagkawasak ng kapaligiran. 3. Isipin mo sarili mong anak ay mamamatay sa sarili mong mga kamay? Nasaan ang hustisya para sa batang walang kamuwang- muwang sa mga pangyayari. 4. Sabihin na nating ang isang biktima ng panggagahasa at walang kasalanan sa kanyang pagdadalantao, dahilan ba ito para patayin ang bata sa kanyang sinapupunan? 5. Sa kabila ng mga batas na ipinatutupad, pagbibigay- impormasyon ng media, at pagtulong ng NGO’s ay patuloy pa rin ang paglala ng kalagayan ng ating kapaligiran at kalikasan.Tapos mo nang pag-aralan ang modyul na ito. Binabati kita. Pero, patsekan muna saguro ang iyong papel. Pwede ring ikaw ang mag-tsek. Kunin mo sa guro ang SUSI.Malalaman mo kung ano pa ang dapat mong gawin. Salamat! 41

Modyul 4 Mga Panandang Kohesiv at Pagkilala sa Teksto Batay sa Paksa, Tema, Tono, at Layon Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Natutuwa ako at patuloy pa rin ang pag-aaral mo at binabati kita sa pag-abotmo sa modyul na ito. Ibig lamang sabihin nito ay napagtagumpayan mo ang mga nauna pang mgamodyul. Mga dagdag na kaalaman ang mapapasaiyo sa patuloy na pag-aaral dito. Madali langnamang gawin, hindi ba? Kailangan lang ng kaunting panahon at pagsunod sa lahat ng panuto saipinagagawa sa iyo. Kung maririnig ang salitang nasyonalismo, ano kaagad ang iyong maiisip? Siguradongpagmamahal sa bayan ang unang pamasok sa isip mo ano? Maiisip mo rin sigurado ang mgabayaning nagbuwis ng kanilang buhay upang ipagtanggol ang bayan hanggang makamit nito angsariling kalayaan. Bilang isang estudyante, alam mo ba kung paano maipakikita ang nasyonalismo? Sa modyul na ito, tatalakayin nang mas malawak ang kahulugan ng nasyonalismo, atkalayaan. Sa pamamagitan ng dalawang paksang ito, lilinangin ng modyul na ito ang mgakasanayan sa pagbasa at gamit ng wika tulad ng pagkuha ng mga tagubilin, ang gamit ng mgapanandang kohesiv, mga salitang di-lantad ang kahulugan, at mga panuring na ginagamit samodifikasyon ng pangungusap at ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa. Sigurado akong nasasabik ka nang simulan ang modyul na ito ano? Kaya sige, halina atmatuto sa bagong modyul na inihanda para lamang sa iyo. Sige, magpatuloy ka na. Maligayang pag-aaral sa iyo! 1

Ano ang matututunan mo? Sa pagtuklas mo sa modyul na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod:Pagsasalita 1. Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga panandang pandiskurso. 2. Nakapagpapahayag ng malinaw na tagubilin 3. Natutukoy ang mga panuring na ginagamit sa modifikasyon ng pangungusapPagbasa 1. Naibibigay ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa batay sa paksa, tema, tono, layon at paraan ng paggamit ng salita 2. Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagtataglay ng di-lantad na kahulugan 3. Natutukoy kung ang teksto ay narativ o argumentativ Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo angmodyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mgatuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaingmabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 2

4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.Ano na ba ang alam mo? Bago mo simulan ang anumang mga aralin, sukatin muna natin kung anu-ano na ang mgadating kaalaman mo tungkol sa paksa ng modyul na ito: Sundin mo ang sinasabi ng panuto: a. Piliin sa kahon ang angkop na panandang kohesiv para sa mga patlang upang mabuo ang teksto. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang sagot. Ang Nasyonalismo ay pagmamahal sa Inang Bayan at pagbibigay ng pinakamataas nahalaga sa kapakanan nito. Ayon kay Claro M. Recto, pangalagaan nating lahat ang pambansanginteres (1)_____ ang bunga ng ating pagpupunyagi (2) _____ kayamanang nagmula sa Maykapal aymaibalik sa tao (3) _____ lahat ng mga mamamayan ay babangon mula sa kahirapan. (4) _____magkakaroon siya ng buhay na masagana, mapayapa at may dignidad. Napakagandang pakinggan at makita ang isang mamamayang nagbuwis ng buhay (5) _____sa malaki niyang pagmamahal sa kanyang bayan (6) _____ bakit may mga pagkakataon na kailanganpang matapakan ang ating pagkatao (7) _____ umusbong ang pagiging nasyonalista. Kailangan pabang pahirapan ang bawat mamamayan bago nila maisipang ipagtanggol ang kanilang sarilingbayan? Ang pagmamahal sa bayan ay dapat na nasa puso ng bawa’t isa sa atin (8) _____ ang lahatng mga mamamayan ay tunay na mapagmahal sa sariling bayan, ang pag-unlad ng ating bayan aymakakamtan.dahil kung na nang at upang 3

B. Basahin ang teksto. Pansinin ang gamit ng mga salitang may salungguhit. Isulat sa sagutangpapel ang PU kung pang-uri at PA kung pang-abay ang ginamit upang mamodifika ang pangungusap. Sa pamumuno ng matapang na si Andres Bonifacio, hinangad niya na makamit ang 1minimithing kalayaan ng bansa. Ngunit nabigo ang maraming Katipunero noong Agosto 1896 23sapagkat marami sa kanila ang nabihag at namatay. Dahil sa nawalang puwersa ng Katipunero sa 4Kamaynilan, napilitang magtago si Bonifacio. Dahil sa pangyayaring ito, mabilis na nagpasya ang 5ibang katipunero na hindi na sila mag-aalsa laban sa makapangyarihang España. Bagamat tunay sa 67pagkawala ng kanilang supremo, gumugol sila ng panahon upang alamin ang dahilan ng pagkatalo.Nabatid na di kaya ng talim ng kanilang itak ang mapaminsalang mga armas ng España. 8Napagkaisahang mang-agaw na lamang ng baril bago lumaban. Noong Agosto 31, 1896 sinugod nila ang mga kwartel sa tatlong bayan sa Cavite. 9Dito mabilis na naganap ang dapat kilalaning unang araw ng Rebolusyong Pilipino. Dahil sa 10tagumpay ng mga manghihimagsik sa Cavite dumagsa dito ang mga makabayang Pilipinong 11nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Luzon. Nais nilang matikman ang kalayaan at makiisa saRebolusyon. Totoong nabuhayan sila ng loob. Paglipas ng maraming buwang pakikilahok, 12dumating ang hinihintay na araw ng paglaya kaya’t buong giting na iwinagayway ni Aguinaldo ang 13bandila ng Pilipinas sa makasaysayang Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Kung tapos ka na, pwede mo nang kunin sa guro ang SUSI sa PAGWAWASTO. Sanamaging tapat ka sa pagwawasto ng iyong papel, ha? Natsekan mo na ang papel mo? Kung nakuha mo lahat ng tamang sagot, sabihin mo sa guropara makapagsimula ka na sa susunod na aralin. Kung sakaling may mali naman, ipagpatuloy moang pag-aaral na modyul na ito. 4

Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Mga Panandang Kohesiv, Alam Mo Na Ba?Layunin1. Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga panandang gramatikal sa pag-uugnay2. Nakapagpapahayag ng mga tagubilin nang buong linaw3. Naibibigay ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa – paksa, tema, tono, layon, paraan ng paggamit ng salita.Alamin Natatandaan mo pa ba kung ano ang damdaming may nasyonalismo? Tama, ito ang isangdamdamin na naghahangad ng pambansang kalayaan, kasarinlan at kaunlaran. Ang taong makabayanay nakafokus sa kapakanan at kabutihan ng bansa. Para naman sa pampulitikang pananaw, ang nasyonalismo ay nangngahulugan ng kusangpagkilos laban sa anumang banta ng pananakop, maging ekonomik, pulitikal, o kultural. May nag-iisip din na ang nasyonalismo ay ang pagtangkilik sa sariling wika, pagmamalaki sa lahingpinagmulan, paggunita sa mga pambansang pagdiriwang na nagpapaalaala sa kasaysayan ng bansa atang pagkakamit ng tagumpay sa larangan ng sining, paligsahan, aghan, palaro at iba pa. Ikaw, alin sa mga kahulugang binanggit ang pinaniniwalaan mo? Sumulat ka ng sampungpangungausap na nagpapakita ng nasyonalismo sa kilos ng isang estudyante. Pagkatapos, ipakita mosa guro ang iyong isinulat para mapahalagahan niya.Linangin Kilala mo ba si Amado V. Hernandez? Magaling! Siya nga ay isang manunulat na Pilipino.Nagtamo siya ng maraming pagkilala papuri dahil sa natatangi niyang kahuyasan sa larangan ngpanitikan. Alam mo bang tinagurian si Ka Amado bilang “Makata ng Mangagawa”. Kampeon siyang masa dahil sa kanyang pakikibaka sa imperyalismo at pagtatanggol para sa kapakanan ng mgamaliliit na mangagawa. Mababakas sa kanyang mga akda ang matinding pag-ibig sa bayan lalong-lalo na sa mga maralita. Tatlong taon matapos siyang bawian ng buhay iginawad sa kanya angPambansang Alagad ng Sining (national artist) noong 1973 bilang dakilang artista at manunulat. Ang 5

galing niya ’di ba? Nagbigay rin siya ng sarili niyang pananaw tungkol sa nasyonalismo atpagsasarili. Basahin at unawain mong mabuti ang kanyang isinulat at sagutin ang mga itinatanongpagkatapos. NASYONALISMO AT PAGSASARILI Ni Amado V. Hernandez 1. Si Abraham Lincoln ang nagsabi na hindi maaring dayain ang buong bayan sa habampanahon. Pagkaraan ng maraming siglo ng pagkaalipin sa pamamagitan ng kamangmangan at karuwagan, naganap ang tunay na regolusyong nasyonalista noong 1896 nang isigaw ni Andres Bonifacio ang pakikibaka alang-alang sa kalayaan. Bagaman ang kalayaang iya’y inangkin ng Estados Unidos noong 1898, namulat ang mga Pilipino na ang kanilang katubusan ay wala sa kawanggawa ng kapangyarihan banyaga, kundi nasa kanilang sariling pagkakaisa, lakas at pagsisikap. 2. Pinatingkad ni Claro M. Recto ang kamulatan ng mga Pilipino sa diwa ng kanyang mapagpalayang nasyonalismo. Kailan man ay hindi naging presidente ng Republika si Don Claro, datapwat’t mapapawi sa listahan ng mga dakila ang pangalan ng ilang presidenteng nauna at sumunod sa kanya, ang monumento ni Don Claro sa puso ng baying Pilipino ay hindi magagawang agnasin ng panahon 3. Ang liwanag ng bagong araw na tumatanglaw sa Pilipinas ay hindi na mapagdidilim ng mga pakpak ng kolonyalismo, imperyalismo, at neo-kolonyalismo. Natanggal na ang piring sa mata ng bayan at hindi na malalagyan ng tulay ng mga kasinungalingan, ng mga bulaang pangako, ng mga mamdarayang pakana ng credibility gap, sa pagitan ng sambayanan at ng mga politiko, ng mga pariseo ng bagong Sanhendrin, ng mga taliba ng templo ng Status Quo, ang templong gayong dapat maging bahay ng Diyos at ng bayan ay ginawang lungga ng mga tulisan. 4. Nahubdan na ng maskara ang mga kaaway ng bayan, at nakilala naman ng bayan ang kanyang lakas, namalas kung saan naroon ang kanyang kaligtasan at kalayaan. Nasubok niya na ang Amerika ay isang agilang mandaragit, at ang special relations na iniumang at sinagpang ng ating mga politico, mula kay Quezon hanggang kay Marcos, ay isang mariing sumpa sa baying Pilipino. 5. Natapos na ang masamang panaginip. Dapat na lamang ilagay sa isip na ang pagmamahal sa bayan ay dapat na nasa puso ng bawat isa sa atin sapagkat kung ang lahat ng mga mamamayan ay tunay na mapagmahal sa sariling bayan, ang pag-unlad ay makakamtan. 6

Ang binasa mo ay isang tekstong argyumentativ. Ano kaya ang kaibahan nito sa ibang uri ngteksto? Basahin mo ito: Ang tekstong argumentativ ay naglalahad ng maseselan at mahahalagang usapin o isyu na mahalagang malaman ng mga tao. Nagtataglay ito ng mga palagay o kuru-kuro at mga opinyon na pinainiwalaan ng may-akda. Pinangangatwiranan din ng sumulat ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa o sitwasyon na lalong magpapatibay sa kanyang paniniwala. Balikan mo ang teksto. Anong mga isyu ang inilahad ng awtor? Tama ka, inilahad niya angiba’t ibang isyu tungkol sa nasyonalismo at pagsasarili. Ano ang opinyon ni Hernandez sa bawat isa?Naniniwala ka ba sa kanya? Isulat mo nga ang iyong opinyon tungkol dito. Minsan, ang tekstong argumentativ ay nagbibigay din ng mga tagubilin. Basahin mo ang Talata Bilang 5. Ano ang itinatagubilin ng may-akda? Tama, dapat na nasapuso ng bawat isa ang pagmamahal sa bayan upang ang pag-unlad ay makamtan. Ano ba ang tagubilin? Mga paalala, tama ka. Ang tagubilin ay mga paalala, payo o babalaupang maging maayos ang kalalabasan ng mga pangyayari. Makatutulong ito upang maging maayosat hindi mapahamak ang sinuman. Sinasabing ang nasyonalismo ay ganap na makakamit kung sisikapin ng bawat Pilipino naumunlad ang kanyang sariling kakayahan at talino at huwag nang umasa sa biyayang ipinagkaloob ngibang bansa. Anu-ano ang tagubiling maari mong ibigay sa kapwa mo Pilipino upang makamit anginaasam na nasyonalismo? Kopyahin mo sa notbuk ang dayagram sa ibaba at doon mo isulat ang iyong sagot.Mga Tagubilin Mga Tagubilin 7

Ikumpara mo nga ang sagot sa nasa ibaba. Malapit ba sa sumusunod ang sagot mo? Kungoo, ay magpatuloy ka na sa iyong pagbabasa. Kung hindi naman, basahin mo ulit ang sanaysay niHernandez. Unawain mo itong mabuti. Mga Tagubilin Magkaroon ng disiplina sa sarili Mag-aral nang mabuti Sumunod sa tuntunin ng tahanan at paaralan Ayusin ang sariling pag-uugali Maging makatao, maka-Diyos at makakalikasan Ngayon naman ay pag-usapan natin ang pangkalahatang impresyon sa iyong kababasangteksto. May paksa, tema, layon, at paraan ng paggamit ng salita ang iyong binasang teksto. Angpaksa ay tumatalakay tungkol sa teksto. Balikan natin ang sanaysay ni Hernandez. Ano ang paksa nito? Nasyonalismo di ba? Ang tema naman ay ang mensahe ng teksto. Sa binasang sanaysay, pagsasarili ng mgaPilipino ang tema nito. Ang tono naman ay himig ng teksto na maaring masaya, malungkot, nagbibiro, nagagalit atiba pa. Ano naman sa palagay mo ang tono ng teksto ni Hernandez? Tama, nagagalit na maypagtuligsa ang kanyang tono. Samatala, ang layon ng teksto ay ang kaisipang nais paratingin ng sumulat sa mgamambabasa. Sa tekstong iyong binasa, ang layon ng sumulat ay mangatwiran at ang paraan ngpaggamit niya ng salita ay formal sapagkat formal ang tono ng teksto. Balikan mo ang tekstong iyong binasa. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa teksto. Alam mo ba kung ano ang gamit ng mga salitang iyon sa pangungusap? 8

Ang mga ito ay pang-ugnay sa mga salita, parirala sa parirala at sugnay sa sugnay, di ba?Tinatawag din ang mga ito na panandang kohesiv. Ang mga panandang kohesiv ay ginagamit upang magkaroon ng ugnayan ang mga bahagi ngteksto. May dalawang uri nito na tinatawag na ellipsis at panandang pandiskurso. 1. Elipsis - ito ay ang pagkakaltas o pag-aalis ng isang salitang bahagi ng pangungusap na hindi makakaapekto sa diwa ng pangungusap. Sa halip na ulitin ang paksa ay pinapalitan na lamang ng ellipsis. Tingnan mo kung paano ito ginamit sa pangungusap Halimbawa: A: Natapos mo bang basahin ang aklat? B. Hindi pa pero plano kong tapusin…mamayang gabi. (ang pagbasa ng aklat) 2. Panandang Pandiskurso (Discourse Markers) – ang mga ito ang mga pananda o hudyat sa mga sumusunod: a. pagdaragdag – at, saka, pati, bilang karagdagan, hindi lamang, b. pagbabawas sa kabuuan-maliban sa, bukod sa c. nagpapahayag ng dahilan – kay, dahil, sapagkat, bunga nito d. nagpapahayag ng kundisyon – sana, kung, kapag, bunga nito e. nagpapahayag ng salungat o kontra – pero, ngunit, sa halip f. pagpapahayag ng probabilidad, kakayahan o paninindigan - maari , pwede possible, marahil, siguro,sigurado, tiyak g. pagpapahayag ng pagbabago ng paksa – gayunman, sa kabilang dako, sa isang banda, samantala h. pagbibigay linaw sa isang ideya, pagbubuod at paglalathala – sa madaling salita, bilang paglilinaw, kung gayon, samakatuwid, kaya bilang pagwawakas, bulang konklusyon.Gamitin Isulat ang mga panandang kohesiv na angkop sa mga patlang. Piliin ang sagot sa kahon. Mapagtanggol na Nasyonalismo Ang nasyonalismo ay ang paghahangad ng mga bansang Asyano na mapaalis ang mga kanluranin sa kanilang bansa (1)____ ipakita nila na kaya na nilang magsarili. Tama lang naman na ipagtanggol natin ang ating bansa laban sa mga dayuhan na mapagsamantala. (2) ______ karamihan sa mga Asyano ay gumagamit ng dahas para makamit ang kasarinlan (3)____ nina Andres Bonifacio (4)_____ ang iba pang miyembro ng Katipunan. Tama na ipinaglaban ng mga 9

Vietnamese na pag-isahin ang Hilagang Vietnam (5)_____ Timog Vietnam kahitna tangkaing pahiwalayin ito ng mga Pranses. (6)_____ sa dahas ay marami sakanila ang namatay. (7)____ mas humanga ako kay Mohandas Gandhi, isangIndian na hindi gumamit ng dahas (80_____ siya ay nagsagawa ng matahimik naprotesta (9)_____ matamo ang kalayaan ng kanilang bansa. Maihahalintulad kosiya kay Apolinario Mabini na may parehas na pananaw sa pakikipaglaban. Katulad upang bagkus at Ngunit pero dahilIhambing mo nga rito ang iyong sagot:1. upang 6. dahil2. dahil 7, ngunit3. katulad 8. pero4. at 9 upang5. at Kumusta? Nakuha mo ba ang mga tamang sagot? Kung ang iyong nakuhang tamang sagotay lagpas sa kalahati, maari mo nang ipagpatuloy ang susunod na gawain. Ngunit kung kulang sakalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, hinihiling kong balikan mong muli ang aralin paramaunawaan mo ito nang lubos.Lagumin Narito ang lagom ng mga tinalakay natin sa Sub-aralin 1:1. Ang tekstong argyumentativ ay naglalahad ng mahahalagang pagkukuro, paniniwala o pananaw na pinaniniwalaan ng sumulat o may-akda. Hindi niya hinihikayat ang mambabasa upang tanggapin ang kanyang mga pananaw.2. Ang mga tagubilin ay mga paalaala o payo upang maging maganda at maayos ang mga pangyayari.3. Nakabubuo ng pangkalahatang impresyon ang isang mambabasa sa tekstong kanyang binasa batay sa paksa, tema, tono, layon at paraan ng paggamit ng salita.4. Ang mga panandang kohesiv na binubuo ng mga elipsis at mga pang-ugnay ay ginagamit upang magkaroon ang ugnayan ng mga ideya. Ipinakikita nito ang ugnayang may kinalaman sa panahon, lugar, sanhi, bunga, pasubali, pagtatangi, pagtutulad at alternatibo. Sa kabilang banda, may kani-kanya namang gamit ang mga panandang kohesiv. 10

Subukin A. Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga sumusunod na patlang. Hiniling ng Estado Unidos sa Pilipinas na muling pag-aralan (1) _____ alisin ang pagbabawal samga Pilipino na magtrabaho sa Iraq. May mga Pilipinong pa ring gustong bumalik sa Iraq (2) _____hindi nila magawa dahil sa ban. Ngayong nakikiusap ang U.S. (3) _____ alisin na ng Pilipinas angban, hindi dapat itong pakinggan ng pamahalaan (4) _____ dapat na mapanindigan ang kanyangunang naging desisyon. Maraming Pilipino ang gusto pa ring makapagtrabaho sa Iraq (5) _____ang dapat na uang isipin ay ang kanilang seguridad 6 buhay ang higit na mahalaga sa lahat. B. Sumulat ng isang tagubilin sa iyong kaibigan o nakababatang kapatid upang siya ay magingmaayos at masikap sa kanyang pag-aaral. Pagkatapos mong maisulat ang tagubilin, maari mo itongipawasto sa iyong titser.Narito ang sagot sa pagsasanay A. Ihambing mo ang iyong sagot. 1. at 2. Ngunit 3. upang 4. bagkus 5. ngunit, datapwat 6. dahil Kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay higit sa kalahati, binabati kita. Ngunit kung kulang sakalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, iminumungkahi kong balikan mo ang mga naunangpagsasanay. Marahil, may mga bahagi ng aralin na hindi mo pa ganap na naiintindihan. Hindinaman tayo nagmamadali ‘di ba?.Paunlarin Marahil ay natutuwa ka sa mga bago mong kaalaman at maigpagmamalaki mo ang sarili modahil dito. Ngayon naman ay sumulat ka ng isang maikling talata tungkol sa alinman sa mgasumusunod na paksa sa ibaba. Tiyaking maibibigay mo ang iyong mga opinyon o kuru-kuro sa iyongtekstong isusulat. a. Ang Krisis na Hinaharap ng Bansa b. Ang Dulot ng Maagang Pag-aasawa c. Ang Pagpapataw ng Bagong Buwis sa mga Mamamayan d. Ang Lumalaganap na Terorismo sa Bansa e. Ang Epekto ng Internet sa mga Kabataan 11

Tapos ka na ba sa pagsulat ng iyong opinyon? Kung gayon, ibigay mo ito sa iyong guro paranaman makita niya ang iyong kahusayan. Hintayin mo ang fidbak ng iyong guro ha? Anuman angkanyang sabihin ay tiyak na makakatulong pang sa higit na pag-unlad ng iyong pagsusulat.Sub-Aralin 2 Mga Panuring na Ginagamit sa Modifikasyon ng PangungusapLayunin 1. Natutukoy ang mga panuring na ginagamit sa modifikasyon ng pangungusap 2. Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagtataglay ng di-lantad na kahulugan 3. Natutukoy ang katangian ng tekstong narativAlamin Kapag narinig mo ang salitang narativ, ano ang maiisip mo? Tama ka! Ang ibig sabihin nitoay magkukwento o magsasalaysay. Ang salitang “narrative” ay mula sa salitang Latin na “narrare”na ang kahulugan ay pagsulat na ang istilo ay pakwento o nagsasalaysay. Ang tekstong narativ aymay sunud-sunod na pangyayari, na maaring tunay o ‘di kaya’y kathang–isip lamang. Ang tunay nakwento o salaysay ay hango sa tunay na buhay samantang ang kathang-isip na kwento ay hango sanaman sa imahinasyon ng manunulat. Ang tekstong narativ ay nakatuon din sa paraan ng pagsasalaysay upang maipakita,halimbawa, ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Mahalaga rin ang banghay o ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at ang galaw at kilos ng mga tauhan. Maingat ding gumagamit angtagapagsasalaysay ng mga salita at pananalitang malinaw, masining, at buhay na buhay.Linangin Balikan natin ang mga pahinang lumipas sa kasaysayan ng ating bansa. Sa panahon ng datingpangulong si Ferdinand Marcos, naging bahagi ang mga Pilipino ng lupit ng pakikitalad sa hamon ngbuhay. Natikom ang mga bibig. Natakot at naging piping saksi ang mga mamamayan sa madilim nakinahinatnan ng bayan at lipunan. Basahin mo at unawaing mabuti ang kuwento tungkol dito. 12

Sobra na! Palitan na! Ang mga salitang ito ang umaalingawngaw sa buong kapuluan nang naganap ang People Power Revolution noong Pebrero 22-26, 1986. Buong sigla at giting na sinalubong ng mga nagkakaisang mamamayan ang nangaglalakihan at nakakatakot na mga kanyon at tangke. Dala’y makukulay na bulaklak, rosaryo at sari-saring pagkaing ibinibigay sa mga sundalo ng rehimeng Marcos. Habang may iba’t ibang emosyon ang mga tao, marami ang taimtim na nagdarasal at ang iba naman ay masayang nag-aawitan ng makabayang awitin. Patuloy naman ang pananawagan sa mga mamamayan ng mabunying si Jaime Cardinal Sin na magtungo na sa mga kampo upang paligiran at protektahan ang mga sundalong tumiwalag na sa pamahalaan. Pinapaalalahanan niya ang mga nagkakaisang mamamayan na maging mahinahon at makipagtulungan. Naantig ang puso ng mga sundalo nang bigyan sila ng mga nagpoprotesta ng mga bulaklak at pagkain. Dahil dito, ang mga sundalo ay umurong na lang at nakiisa na rin sa mga nagpoprotesta. Lalong nadagdagan ang lakas ng loob ng bayan nang ipahayag ng ibang mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang kanilang pagtiwalag sa pamahalaan. Marami sa mga ito ang sumapi sa Reform the Armed Forces Movement (RAM). Wala nang nagawa si Marcos kaya’t napilitan siya at ang kanyang pamilya na lisanin ang Malacañang noong ika-26 ng Pebrero, 1986. Sa tulong ng bansang Amerika, nakalipad sila sa Guam at pagdaka’y nagtuloy sa Hawaii. Dito nagtapos ang administrasyong Marcos. Ika-25 Pebrero, 10:20 nang umaga nang iproklama si Gng. Corazon C. Aquino bilang kauna-unahang pangulong babae ng bansa sa Club Filipino Greenhills, San Juan, Metro Manila. Naganap ang apat na araw na rebolusyon sa Edsa. Nagtagumpay ang mga nabinhian ng diwang Nasyonalismo dahil sa kagitingang ipinamalas ng mga Pilipino. Ang tagumpay ng mga Pilipino sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa bansa nang walang dumanak na dugo ay nagpamangha sa buong daigdig. Tiningala ng maraming bansa ang mga katangiang ipinamalas ng mga magigiting na Pilipino sa People Power I. Ang iyong binasa ay isang uri ng tekstong narativ. Pansinin mo na sa tekstong iyon ay higitna binibigyang-diin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari kasabay ang pagbibigay ngmahahalagang impormasyon na may kinalaman sa isang pangyayari. Anong pangyayari ang isinalaysay? Tama ka. Ang pangyayari ay ang naganap na PeoplePower I sa Edsa. 13

Ang teksto ay gumamit din ng mga salitang nagtataglay ng di-lantad na kahulugan.Tinatawag ang mga itong pahayag idyomatiko. Ang mga pahayag idyomatiko ay salita o pariralangang kahulugan ay hindi mahahango sa pagkuha ng literal na kauhulgan ng mga salitang nasa loobnito. Sa pag-aaral ng mga pahayag idyomatiko, natuklasan na ang katuturan nito ay wala sakahulugan ng mga salitang pinagsama kundi isang kahulugang naiiba mismo sa mga pariralang ito.Halimbawa: Ang matalas ang isip, matalas ang dila at matalas ang pakiramdam ay may iba’t ibangkahulugang ipinahihiwatig. Hindi lantad ang kahulugan ng mga salitang ito. Ang matalas ang isip aynagnangahulugang matalino, ang matalas ang dila naman ay masakit magsalita at ang matalas angpakiramdam ay nangangahulugang sensitibo o malakas ang pang-amoy at/o pandama. Balikan mo ang teksto. Hanapin mo ang iba pang pangungusap na may mga salitangnagtataglay ng di-lantad na kahulugan. Sipiin mo sa iyong notbuk ang mga salita at subukang ibigayang kahulugan. Ihambing dito ang iyong sagot. Balikan natin ang mga pahinang lumipas sa kasaysayan ng ating bansa. Sa panahon ng datingpangulong si Ferdinand Marcos, naging bahagi ang mga Pilipino ng lupit ng pakikitalad sa hamon ngbuhay. Natikom ang mga bibig. Natakot at naging piping saksi ang mga mamamayan sa madilim nakinahinatnan ng bayan at lipunan. pahinang lumipas – nakaraan lupit ng pakakitalad – hirap ng buhay hamon ng buhay – pakikipagsapalaran tikom ang bibig – hindi nagsasalita dahil sa takot piping-saksi-nagbubulag-bulagan madilim na pangyayari – pangit na karanasan Kung ganito ang iyong sagot, binabati kita. Nauunawaan mo na kung ano ang mga pahayagidyomatiko o mga salitang hindi lantad ang kahulugan. Ipagpatuloy mo na ang iyong pagbabasa. Sa tekstong narativ ay gumagamit din ng mga panuring upang mamodifika at mapalawal angpangungusap upang lalong maging masining, malinaw at buhay na buhay ang pagsasalaysay.Basahin mo ang bahaging ito. Buong sigla at giting na sinalubong ng mga nagkakaisang mga mamamayan ng nakakatakot na kanyon at naglalakihang mga tangke. Dala nila’y makukulay na bulaklak, rosaryo at sari-saring pagkaing ibinibigay sa mga sundalo ng rehimeng Marcos. Habang may iba’t ibang emosyon ang mga tao, marami ang taimtim na nagdarasal at ang iba naman ay masayang nag-aawitan ng makabayang awitin. Suriin ang mga salitang may salungguhit. Mga panuring ang mga ito. Ano ang inilalarawanng nakakatakot? Ng naglalakihan? Ng makukulay? Ng sarisari? Ang mga kasunod na pangngalan diba? 14

Ano ang tawag sa mga panuring na naglalarawan sa mga pangngalan? Tama ka, pang-uri. Pansinin naman ang mga salitang buong-sigla at giting, taimtim, masaya. Ano ang mgasalitang inilalarawan ng mga ito? Tama ka, mga pandiwa nga. Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa kilos? Tama rin, pang-abay, nga! Basahin mo ang pangungusap na ito: Kilalanin natin ang kontribusyon ng mga kababaihan sa pagkakamit ng kalayaan. Lagyan natin ng panuring para mapalawak. Basahin mo nga. Kilalanin natin ang mahahalagang kontribusyon ng ating matatapang na kababaihan,sa paggamit ng inaasam-asam na kalayaan. Ano ang ginamit na panuring para mapalawak ang pangungusap? Okey, ang mga panuring naginamit ay ang mahahalaga, matatapang at inaasam-asam. Ang mga pang-abay ay panuring din. Kaiba sa pang-uri, ito ay mga salitang nagbibiay turingsa pandiwa, pang-uri at kapaw pang-abay. Basahin mo ang pangungusap. Ang mga kababaihan ay gumaganap ng kanilang mga tungkulin para sa bayan. Palawakin natin, gamit ang pang-abay. Ang mga kababaihan ay buong-husay na gumaganap ng kanilang tungkulin para sabayan. Ang buong-husay ay panuring na pang-abay. Ang mga paningit o ingklitik ay mga pang-abay at ginamit sa pagpapalawak ng mgapangungusap. May dagdag na kahulugang ibinibigay ang bawat ingklitik kung ginagamit sapangungusap. Halimbawa ng mga ingklitic ay ba, na, sana, daw/raw, din/rin, naman, yata, pala, tuloy, nga,lamang, lang, man, muna at pa.Suriin mo ang sumusunod. A. Dumami ang mga tao, 1. Dumami nga ang mga tao 2. Dumami pa ang mga tao, 3. Dumami yata ang mga tao. 4. Dumami daw ang mga tao.Alin sa mga sumusunod na kahulugan ang umaangkop sa bawat bilang? a. Naragdagan ang bilang ng mga tao. b. Kompirmasyon na naragdagan ang c. Ayon sa bilang sabi-sabi, dumami ang tao. 15

d. Palagay na dumami ang tao.Ganito ba ang sagot mo? 1. b 2. a 3. d 4. cLagyan mo ng angkop na ingklitik ang bawat pangungusap ayon sa kahulugan. 1. Dadalo _____ kayo sa seremonya (di inaasahan). 2. Kumain ____ kayo bago umalis (unahin ang pagkain) 3. Dadalo ___ kayo talaga? (kinokompirma) 4. ___ ay makasama ako (hiling) 5. Hindi pwede dahil puno _____ ang sasakyan (wala ng espasyon)Ihambing dito ang sagot mo: 1. pala 2. muna 3. ba 4. sana 5. na Kalayaan, Mahalaga sa mga Pilipino May sarili at payak na pamahalaan ang Pilipinas bago pa man dumating at sakupin ng mga Espanyol. Nasa pamamahala na ng isang Datu ang bawat barangay. May mga batas na sinusunod kaya’t maayos ang pamumuhay. Ganito ang senaryo ng pamumuhay sa bansa ng lusubin ng mga Espanyol. Di nagpatalo ang ating lahi dahil sa magigiting na paninindigang – makabayan ipinaglaban ang ating kalayaan. Nilabanan nila nang mga banyaga kahit na walang baril at iba pang armas tulad ng sa kalaban. Buong giting na nakipaglaban si Lapu- lapu at ang kanyang mga tauhan sa hukbo ni Magellan sa Mactan at napatay niya si Magellan noong 1521. Mahigit sa tatlong daang taong napasailalim sa malupit na pamamahala ng Espanyol ang ating bansa. Inapi, tinawag na indiyo at pinagtrabaho ng walang bayad ang ating mga kababayan. Isinulat ni Gat Jose Rizal sa kanyang obra-maestrang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang mga kasamaang ginawa ng mga Espanyol. Hiningi niya ang kinakailangang pagbabago sa bansa na tanging kapalit ng kanyang buhay. 16

Inaresto at binaril siya sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896 sa edad na35. Nasaksihan rin ni Andres Bonifacio ang kasamaang ginawa ng mga espanyol.Itinataga niya ang Katipunan. Sabay-sabay na pinunit ang sedula tanda ngpagkakaisang ipagtanggol ang bansa noong Agosto 26, 1896. “Mabuhay ang Pilipinas!Mabuhay ang Katipunan.” Oo, ang Unang Sigaw sa Pugadlawin hudyat nanagsisimula na ang Himagsikang Pilipino. Ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaanngunit sa kawalan ng armas ay di nagtagumpay. Hindi tumigil ang ating mga ninuno sa pangyayaring makamit ang kalayaan.Ipinagpatuloy nina Quezon, Osmeña, at Roxas ang pakikipag-ugnayan sa Amerika sapagkamit ng kasarinlan. Nang sumiklab ang Ikalawang digmaang Pandaigdig, sa paglalaban ngAmerika at Hapon, sinakop ang ating bansa ng mga hapones. Itinuring na “Madilim naPanahon ang apat na taong pagkakasakop sa atin ng bansang hapon. Buong tapang na ipinagtanggol ng mga Pilipino kasama ng mga sundalongAmerikano ang ating bansa laban sa puwersa ng mga hapones. Noong Hulyo 4, 1946,ipinagkaloob sa atin ng mga Amerikano ang kalayaang minimithi. Ilan lamang iyan sa mga mahahalagang pangyayaring nagpapatunay namahalaga ang kalayaan sa makabayang Pilipino.Ganito ba ang sagot mo? Panuring na pang-uri Panuring na Pang-abay Mga IngklitikSarili at payak na Pamahalaan magiting na paninindigan kahit na walang bariltatlong daang-taon buong-giting na nakipaglaban iba pang armasobra-maestrang nobela buong-tapang namadilim na panahonmahahalagang pangyayarimakabayang Pilipino Kumusta? Tama ba ang mga sagot mo? Kung gayo’y binabati kita kaya’t ipagpatuloy mo naang iyong pagbabasa ngunit kung mali ang mga sagot mo, balikan mo ang Linangin. 17

Lagumin Sa Sub Aralin 2 ay pinag-aralan natin ang mga sumusunod: 1. Ang tekstong narativ ay tekstong nagbibigay-diin ay sa pagkakasunud-sunod na mga pangyayari, kasabay ng pagbibigay ng mahahalagang impormasyon na maaring may kinalaman sa isang tao, bagay, pook, o kaya ay isang pangyayari. 2. Ang mga pahayag idyomatiko ay mga salitang hindi-lantad ang kahulugan. Madaling matukoy ang kahulugan kung susuriin ang konteksto ng gamit nito. 3. Ang tekstong narativ ay gumagamit ng mga panuring upang mamodifika ang mga pangungusap. Sa paggamit ng mga panuring na pang-uri, pang-abay, at mga ingklitik lalong nagiging magandan at masining ang pangkwento o pagsasalaysay.SubukinA. Basahin ang talata sa ibaba. Piliin sa kahon ang angkop na panuring na pang-uri, panuring na pang-abay o mga ingklitik upang mapalawak at mamodika ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gregoria de Jesus Si Gregoria de Jesus ay butihing maybahay ni Andres Bonifacio. Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Oryang sa kapakanan ng Katipunan. Naging katuwang siya sa pagdidisensyo ng (1) _____ bandila ng katipunan na sumasagisag sa kapangyarihan ng samahan bilang tagapanguna ng pagbabago. Naging opisyal siya ng sangay pangkababaihan ng katipunan (2) _____hirap at pagod ang naranasan at tiniis niya. Ibinuwis din niya ang kanyang (3) _____ buhay dahil siya ay nagdadalantao noon, hindi siya nagdalawang-isip na tumulong (4) _____ (5) _____ sa Katipunan. Siya ang nagsilbing tagapag-ingat ng (6) _____ dokumento ng katipunan (7) _____ niyang ginampanan ang tungkuling ito dahil kong ito (8) _____ ay matatagpuan ng kastila, maari (9) _____ itong gamiting ebidensya laban sa kanila. Nang pinatay si Andres Bonifacio noong 1897, nakilala ni Oryang si Julio nakpil na naging (10) _____ asawa niya. Si Oryang ay namatay noong 1943.unang matindi marami totoo mahahalagang rawbuong-husay taos sa puso rin daw sarilingpala din pa pangalawa 18

Ganito ba ang sagot mo? 1. unang 2. marami, matindi, totoo 3. sariling 4. pa 5. rin 6. mahahalagang 7. buong-husay, taos sa puso 8. daw o raw 9. pala, din 10. pangalawaB. Piliin ang titik na nagtataglay ng kahulugan ng mga pahayag idyomatiko. 1. Isa sa may sinasabing familya sa kanilang barangay sina Mang Jose. a. mahilig magsalita b. mayaman c. madaldal 2. Naatang sa balikat ni Rommel ang lahat ng gawain nang mamatay ang kanyang ama. a. naibigay na tungkulin o pananagutan b. pinasan sa balikat c. inilagay sa balikat 3. Pabalat-bunga lamang ang kanyang paanyaya. a. hindi tapat sa loob b. nagbalat ng bunga c. totoo ang sinasabi 4. Naglubid ng buhangin ang bata upang hindi mapalo. a. nagpunta sa dagat b. naglaro ng buhangin c. nagsinungaling 5. Lumagay sa tahimik si Donna sa gulang na 20 taon lamang. a. hindi kumibo b. nag-asawa c. namatayGanito ba ang sagot mo? 1. b 2. a 3. a 4. c 5. b Kung tamang lahat ang sagot mo, binabati kita. 19

C. Sumulat ng isang tekstong narativ tungkol sa alinman sa paksa sa ibaba. Gumamit ng mgapanuring at mga salitang hindi lantad ang kahulugan. 1. Unang Araw Ko Sa Paaralan 2. Ang Aking Katext-mate 3. Ang Hindi Ko Malilimutang Karanasan Pagkatapos mong isulat, ipakita mo ito sa iyong guro para sa angkop na pagpapahalaga. Gaano ka na kahusay? A. I. Punan ang patlang ng mga panandang kohesiv upang mabuo ang diwa ng mga parirala, sugnay at pangungusap. 1. Isinilang ang Kilusang Reporma_______ humiling ng mga pagbabago sa España. 2. Layunin ng kilusan ang pagkilala sa Pilipinas_____ hindi dapat kilalanin ang kolonya ng España. 3. Malaki ang pag-asa ng mga reformista na______ namulat ang España sa kalagayan ng bansa, igagawad ng pamahalaan ang hinihiling na pagbabago. 4. _____ lalawigan na ng España ang Pilipinas, maituturing na mamamayang Kastila na ang mga Pilipino. 5. _____, kapantay na ng Pilipino ang Kastila at ang mga karapatang tinatamasa ng mga Kastila ay matatamasa na rin ng mga Pilipino. 6. Hiniling din ng repormista na kilalanin ang kalayaan at karapatan ng tao_____ ng malayang pananalita at pamamahayag. 7. Ang unang pangkat ng mga repormista ay itinapon sa pulo ng Marianas ____ sa kanilang pakikisangkot sa pag-aalsa sa Cavite. 8. Nagpunta ang iba sa Madrid_____ hindi na sila makakabalik sa Pilipinas. 9. Ang mga prayle naman noon ay nasa tugatog ng kapangyarihan____ hindi rin naantig ang kanilang kalooban. 10. Maraming Pilipino ang nagpamalas ng pagmamahal sa bayan____ naging sagabal ang malimit na pag-iiringan at alita ng mga kasapi. II. Ibigay ang mga nais sabihin o kaya ay ipagawa sa mga tao ng mga sumusunod na itagubilin: 1. Signal no. 3 ang nakataas na babala ng bagyo sa Metro Manila. 2. May nakasulat sa pader na Post No Bill. 3. Larawan ng asong nasa gate ng isang bahay. 4. Larawan ng bote ng gamut na may nakadrowing na bungo. 5. Palatandaan bubuga ang Bulkang Mayon. 20

III. Piliin ang mga panuring na ginamit sa bawat pangungusap at ang mga salitang kanilang tinuturingan. 1. Tunay na hindi matatawaran ang kontribusuon ng kalalakihan sa ikasusulong ng pambansang pagkakaisa at kalayaan. 2. Isang kasabihan na sa likod ng tagumpay ng mga kalalakihan ay ang mga dakilang kababaihan. 3. Ang mga kababaihan ay aktibong nakikilahok sa lahat ng mga gawain. 4. Sa loob ng mahabang panahon, patuloy ang kanilang pakikiisa sa mga dakilang layunin. 5. Sila din ay hindi natatakot sa anumang panganib na kanilang susuungin 6. Ang lahat ay naghahangad ng tunay na pagbabago sa sistema ng pamahalaan. 7. pati nga sa mga bata ay iminumulat na rin ang pagmamahal sa bayan. 8. pambihirang tapang ang ipinakita ni Gabriela Silang. 9. Buong-pusong ipinagkaloob ni Melchora Aquino ang kanyang tahanan sa mga katipunero. 10. Dapat na kilalanin ang malaking kontribusyon ng kababaihan sa lahat ng bagay.Pagbasa1. Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Hindi maiwasan ng mga manggagawa sa pamahalaan ang paghingi ng dagdag na sahod sa pamahalaan kahit na ito ay nasa financial crisis dahil sa matinding taas ng mga bailihin at ang kanilang sinusweldo ay hindi na makasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kamakailan lamang ay nagsagawa ng noise barrage at pagpapakalbo ng mga buhok ang ilang kalalakihan at mga health workers ng Philippine General Hospital at University of the Philippines – Manila upang ipanawagan sa pamahalaan ang P3, 000 across the board salary increase. Sakaling hindi pagtuunan, ni Ebesate ang kanilang panawagan, posibleng maubos ang mga doctor at nars sa bansa upang sa abroad magtrabaho. Humigit kumulang mayroong 3, 900 doctors, nurses at utility personnel na nagtatrabaho sa PGH. Hindi man ihayag ng nagwelgang healthworkers ang pagkaubos ng ating mga doctor at nars sa Pilipinas, nararanasan na ito sa iba’t ibang panig ng bansa. May ilan nang baryo ang hindi man lamang nakararanas ng tulong medical, o mas, malala, ni makakilala ng nars. Nasa kamay ng ating gobyerno ang paglalagay sa mamamayan sa kaawa-awang kalagayan. Sana ay hindi isakripisyo ang kalusugan ng mamamayan. Tulad ng maraming suliranin na dapat pagtuunan ng pansin, huwag balewalian ang kalusugan ng Pilipino. 21

Ibigay ang ang mga sumusunod. a. paksa_______________________________ b. tema________________________________ c. tono_________________________________ d. layon________________________________ e. paraan ng paggamit ng salita______________II. Piliin ang kahulugan ng mga pahayag idyomatiko. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Si Mabini ay pumasok na alilang kanin makapag-aral lang. a. pagkain lang ang sweldo b. ang gagawin lang ay magsaing c. katulong na walang sweldo 2. Yumaman ang Donya dahil siya ay ampalayang-ampalaya. a. napakapait b. napakakuripot c. napakakunat 3. Nag-aamoy-bawang na kina Lorna. a. malapit nang ikasal b. bumabango ang paligid c. nag-gigisa 4. Magkaututang-dila ang magkapit-bahay ba Ising at Beth. a. magkatabi kung mag-usap b. magkamag-anak c. katapatang-loob 5. Nagdilang-anghel siya sa kanyang sinabi. a. naging mabait b. naging madasalin c. nagkatotoo ang mga sinabi 6. Sa mga kantu-kato ay makakarinig ka ng mga balitang-kutsero. a. mga tsismis at balitang hindi totoo b. balitang galling sa kutsero c. balita sa radio 7. Ngiting-aso ang isinalubong niya sa akin. a. ngiting katulad sa aso b. ngiting totoo c. ngiting paimbabaw 22

8. Palagi siyang natutulog sa pagsitan kaya di niya nalalaman ang mga nagyayari. a. Napag-iiwanan ng balita b. Sa pansitan na natutulog c. Palaging nasa pansitan 9. Ilista mo sa tubig ang aking mga utang sa iyo. a. isulat sa tubig ang utang b. hindi na babayaran ang utang c. hindi malilimutan ang utang 10. Malalim ang bulsa ng tatay ko. a. maraming pera b. kuripot c. mapagbigay Ngayon ay maari mo nang kuhanin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at kung nasagutanmo nang tama ang mahigit sa kalahati ng mga katanungan, maari ka nang tumungo sa bagong aralin.Kung kaunti lamang ang iyong nasagutan nang tama, ulitin ang pag-aaral sa modyulna ito. 23

Modyul 5 Paglalahad ng mga Kasalukuyang Kaganapan Tekstong Ekspositori Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Heto na muli ang panibagong modyul na gagabay sa ibayo mong pagkatuto lalo na sapag-alam sa mga kasalukuyang kaganapan na magsisilbing ilaw sa iyong pag-iisip upang magingbukas ang iyong mga mata sa pag-unawa sa mga bagay-bagay na makatutulong sa sarili mongpag-unlad. Sa modyul na ito, makababasa ka ng mga balita o lathalain na napapanahon nakinakailangan mong unawain at suriin.. Sa iyong gagawing pag-aaral, hindi maiiwasangmadaanan mo ang mga salita o parirala na magbibigay ng ganap na kahulugan sa pinapaksa osabihin na nating sa mga isyung pinag-uusapan at pinagtatalunan sa bawat sulok ng atingpamayanan. Siyempre, ikaw ay bahagi ng iyong lipunan kaya nararapat lamang na maynalalaman ka upang ikaw naman ay makapagbahagi ng iyong opinyon, haka-haka at reaksyon. Makatitityak kang marami kang matutuklasan. Ang importante, marunong kangsumunod at sana, maging matiyaga ka. O, handa ka na ba ? Ano ang Matututunan mo? Unang – una, makababasa ka rito ng mga napapanahong balita ,mga isyu na pinag-uusapan sa mga telebisyon at napakikinggan mo sa radyo. May mga gawain dito na hihingan kang mga paliwanag at sarili mong reaksyon na magpapalawak sa pang-unawa mo sa mga isyu. Matututunan mo rin ang pagkuha ng mga kahulugan upang maging madali angpagkaunawa mo sa iyong binabasa kasabay nito, mauunawaan mo ang tekstong eksporitori atang pagsusuri sa iba pang katangian ng teksto, gayundin ang iba’t ibang pokus ng pandiwa namagagamit mo sa paglalahad ng iyong mga ideya at pagpapaliwanag sa isang isyu nanakapukaw sa iyong interes. 1

Malalaman mo rin ang iba pang kabatiran sa pagbuo ng talata na lilinang sakakayahan mong magsulat. Paano Mo Sasagutin Ang Modyul na ito? Tulad ng mga naunang modyul, dapat mo ring pahalagahan ang modyul na ito kayabasahin mo ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Ingatan mo ang modyul na ito kaya hwag mo itong susulatan. Iwasan mo itongmadumihan, mapunit o matupi at lalo mong iwasan na ito ay mabasa. 2. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel. 3. Sagutin mo ang lahat ng pagsusulit. Magsimula ka sa Ano na ang alam mo? upangmalaman mo ang kahinaan mo na dapat mong pag-ukulan ng pansin. 4. Basahin mo ang mga teksto na magagamit mo sa pagsusuri ng uri at katangian ng teksto. 5. Sagutin mo ang mga gawain at pagsasanay. Pagkatapos, kunin mo sa iyong guro ang susisa pagwawasto. Ano Ba Ang Alam Mo?A.. Panuto: Basahin mo ang bawat pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang paksangtinutukoy sa nasabing pangungusap. 1. Patuloy na pinag-aaralan sa Senado ang impeachment trial ni Pang. GloriaArroyo. 2. Hanggang sa kasalukuyan, pinag-uusapan pa rin ng mga mamamayan ang HelloGarci Case 3. Ang mga operator at drayber ay nagbabalak ng kilos-protesta dahil sa patuloy napagtaas ng presyo ng krudo. 4. Ipinag-iinit ng ulo ng mga mamamayan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. 5. Ang panukala hinggil sa Charter Change ay isinulong na ni Pang. Arroyo. 6. Puspusang ipinagbawal ang jueteng sa bansa. 7. Mahigpit na sinuri ng Dep. Ed. ang mga bagong aklat na ipagagamit sa mgamag-aaral. 8. Natuwa ang mga magulang sa libreng mga bag na pinagkaloob ng pamahalaanglokal. 9. Ang mga bagong testigo laban sa pangulo ay inilabas na ni Sen. Ping Lacson. 10. Nabuwag din sa wakas ng PNP ang pinagtataguan ng mga ipinagbabawal na 2

gamot.B. Panuto: Muli mong basahin ang mga pangungusap sa itaas. Kunin mo sa bawatpangungusap ang mga pandiwang may kaugnayan sa paksa ng pangungusap at sa tabi nito, isulatang mga panlaping ginamit. (1 – 10).C. Panuto: Suriin mo ang damdaming pinalulutang sa bawat pahayag. Isulat mo ang tono ngbawat pahayag. 1. Kung pababa nang pababa ang rating ni Pangulong Arroyo, ano at mananatili pa siyang siya sa pwesto? Kung wala nang naniniwala sa kanya ,ano at nariyan pa siya? 2. Bakit doon pa? Alam ba ninyo na pinakanotorious ang lugar na yaon? 3. Pero bakit kailangang magpalakas pa ng loob ang senador na iyan e kilala namanbarako. 4. Kung nagkasala, dapat managot sa batas. 5. Desperado na ang administrasyon na buwagin ang ebidensya laban sa kanila.D. Panuto: Isulat mo sa sagutang papel ang salitang nagbibigay ng ganap na kahulugan sasalitang nagpapahayag ng kilos na nasa bahagi ng panag uri.1. Pinagkaguluhan sa senado ang paglantad ng testigong si Zuce.2. Sinorpresa ni Pangulong Gloria Arroyo si dating Pangulong Corazon Aquino sa pagdalo sa anibersaryo ng kamatayan ni ex-Senator Ninoy Aquino.3. Binigyan ng leksyon ng MMDA ang mga pampasaherong bus.4. Nabahala ang Malacañang dahil sa patuloy na pagbatikos sa pangulo.5. Ipinakita ng mga drayber ang pagtutol sa pamamagitan ng malawakang tigil-pasada.E. Panuto: Mula sa mga sagot sa aytem D, gawin mo itong paksa ng pangungausap.F. Panuto: Basahin mong mabuti ang balita.. Pagkatapos, gawin mo ang hinihingi sa ibaba. Tipid-gas aprub sa Palasyo Muling nakakita ng pag-asa ang pamahalaan ni Pangulong Arroyo para masolusyunanang dinaranas na energy crisis sa bansa. Bukod sa gas rationing, pagbabawas ng security convoy ng pangulo at pagdispatsa samga sasakyang panggasolina na naka – assigned sa iba’t ibang government owned controlledcorporations(GOCCs), sinabi ni Department of Energy Sec. Raphael Lotilla na bukas saMalacañang ang paggamit ng publiko sa gas saving device bilang solusyon sa kasalukuyangkrisis. Matapos ang pulong sa Malacañang, sinabi ni Lotilla na ang gas saving device na ito angtugon sa oil cisis kaya sapagkat nabalitaan niya na ito ay imbensyon ni Filipino inventor PabloPlanas at aminado siya na kapuri-puri para sa mga pampubliko at pampribadong motorista angimbensyong ito.. 1. Isulat ang pangungusap na tumutugon sa tanong na ANO. 3

2. Isulat ang bahagi ng balita na tumutugon sa tanong na BAKIT.3. Isulat ang pangungusap na tumutugon sa tanong na SINO.4. Isulat ang pangungusap na tumutugon sa tanong na SAAN.5. Isulat ang pangungusap na tumutugon sa buod ng balita.G. Panuto: Muli mong basahin ang balita sa itaas. Batay diyan, piliin mo ang titik ng wastongsagot.1. Ang pagdispatsa sa mga sasakyang panggasolina ay isinagawa na rin sa Malacañang. Angpagdispatsa ay nangangahulugang _______________.a. pag-iwas c. pag-alisb. pagbenta d. pamimigay2.Hihikayatin ang mga mamamayan sa paggamit ng gas saving device. Ang salitang maysalungguhit ay nangangahulugang ______________________.a. aanyayahan c.. aakitinb. aalukin d. kukumbinsihin3. Ang motorista ay ang mga _______________.a. nagmamaneho ng sasakyan c. ang mga nasa kalsadab. gumagamit ng motor d. mga inventor4. Ang pagkakaroon ng inventor na Pilipino ay ______________.a. dapat ipagpasalamat c. dapat na ikarangalb. solusyon sa krisis ng bansa. d. dapat na tularan.5. Ipinakita sa teksto na _________________.a. ang Pilipino ay maaaring magtipid.b. may natatagong kakayahan ang mga Pilipino.c. may solusyon sa energy crisis ng bansa.d.dapat makiisa sa proyekto ng pamahalaan. Nahirapan ka ba? Huwag kang mabahala. May mga gawaing inihanda paramatulungan kang maunawaan ang mga aytem na di mo nasagutan. Ipagpatuloy mo angpagbabasa. 4

Mga Gawain sa PagkatutoSub-aralin 1: Ang paksa ng pahayag sa pagbibigay ng impormasyonLayunin: - Natutukoy ang mga salitang ginamit sa pagkuha ng impormasyon - Naiuugnay ang paksang inilahad sa teksto sa mga pangyayari - Nailalahad ang mga tiyak na impormasyon sa mga napapanahong isyu - Nakasusulat ng isang angkop na paksa ng pangungusap na ginagamitan ng angkop na salitang nagsasaad ng kilosAlamin Matamang suriin ang larawan. Mga tanong: 1. Tungkol saan ang larawan? 2. Anu-ano ang mga impormasyong ibinibigay ng larawan? 3. Pansinin mo ang paksa ng pangungusap na ginawa mo upang matukoy ang mga impormasyong nakapaloob sa larawan.Ano ang kaugnayan nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw? Upang makatiyak ka sa iyong sagot, basahin mo ang mga sumusunod nakaalaman. Tiyak, may matututunan ka. 5

Linangin Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na mga impormasyon. Pokus ng Pandiwa Pokus ang tawag sa relasyong pansematika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Nakikita ito sa mga taglay na panlapi kaya nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ang pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng pandiwa sa pusisyong pansimuno ng pangungusap. Halimbawa: Kapag ang kaganapang tagaganap ay ginawang paksa, ang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap. Kapag kaganapang Layon, ang pokus ng pandiwa ay pokus sa layon. Halimbawa: Kaganapan ng pandiwa Pinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan. Ang kaganapan ng pandiwa ay ang salitang Pilipino na siyang gumaganap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwang pinaglaban kaya ito ay kaganapang tagaganap. Kapag ang salitang Pilipino ay ginawang paksa ng pangungusap tulad nito: Ang Pilipino ay lumaban para sa kanilang karapatan. Ang salitang Pilipino ay siya ngayong paksa ng pangungusap na siyang gumaganap sa pandiwang lumaban kaya ito ay pokus sa tagaganap. Pito ang uri ng pokus ng pandiwa. 1. Pokus sa tagaganap 2. pokus sa layon 3. pokus sa ganapan 4. pokus sa tagatanggap 5. pokus sa gamit 6. pokus sa sanhi 7. pokus sa direksyon 6

a. Pokus sa Tagaganap Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ngpangungusap ang tagaganap ng kilos na sinasaad sa pandiwa. angmga pangunahing panlaping nsa [pokus tagaganap ay mag- at um-/-um.Halimbawa: Panlapi Pandiwa mag- maghimagsik -um/-um lumahokPangungusap:Nagtungo ang mga tao sa harap ng kongreso.b. Pokus ng layon Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang layon ang paksasa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit sa pagpapahayag ng pokus sa layon ayang mga sumusunod: Panlapi Pandiwa i- ibabalita -an ma mawala ipa ipalathala -in dininigPangungusap:Ang pangyayari ay ibinalita sa bawat barangay.c. Pokus sa Ganapan Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay anglugar o ganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit sa pagpapahayagng pokus sa ganapan ay ang mga sumusunod:Panlapi Pandiwa-an/-han pinintahan pag - - - -an/ -han pinagpulungan mapag - - - - -an/-han pinagdebatehanPangungusap – Ang kongreso ay pinagpulungan ng mga nasa mababang kapulungan.d. Pokus sa tagatanggapSa pandiwang nasa pokus sa tagatanggap, ang pinaglalaanan ngkilos ang siyang simuno ng pangungusap. Ang mga panlaping ginagamitsa pokus sa tagatanggap ay ang mga sumusunod:Panlapi Pandiwa i- ikuha ipang- ipanguha ipag- ipagsandokPangungusap: Si Presidente Arroyo ay ipinanguha ng mga ebidensya ngkanyang mga kasapi sa partido. 7

e. Pokus sa gamitAng mga pandiwang nasa pokus sa gamit ay nagsasaad na angkasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ngpandiwa ay siyang paksa o simuno ng pangungusap.Ang mga sumusunodang panlaping ginamit:Panlapi Pandiwaipang- ipangguhitPangungusap: Ang pintura ay ipinangguhit sa larawan.f. Pokus sa sanhiAng pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayagng sanhi ng kilos. Nasa ibaba ang panlaping ginamit:Panlapi Pandiwai- iniluhaika- ikinagalitikapang- ikinapamayatPangungusap: Ikinagalit ng pangulo ang kapabayaan ng kanyangmga tauhan.g. Pokus sa direksyonNasa pokus sa direksyunal ang pandiwa kung ang paksa ay nagsasaadng direksyon ng kilos ng pandiwa. Ang panlaping ginagamit ay :Panlapi Pandiwa-an pinasyalan-han pinuntahanPangungusap: Pinasyalan ng pangulo ang bahay-ampunan. Kung tapos mo nang basahin ang impormasyon tungkol sa Pokus ng Pandiwa,inaasahan kong naunawaan mo ito at upang makatiyak na naintindihan mo ang iyong binasa,gawin mo ang kasunod na pagsasanay.Gamitin: Gawain 1: Panuto: Basahin at unawain mo ang nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin mo ang mga kasunodna tanong. Titik lamang ang isulat. HDO kay Garcillano Inilagay na sa watch list noong isang araw ang pangalan ni dating Commission onElection Virgilio Garcillano bunsod ng kahilingan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahilsa hindi nito paglutang sa joint committee investigation kaugnay sa “Hello Garci” tapecontroversy. 8

Sinabi ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez Jr. na agad na siyangumaksyon kahit hindi pa natatanggap ang pormal na request ng Kamara para sa pag-iisyu nghold departure order laban sa dating opisyal ng COMELEC. Kahit watchlist pa lamang umano ay sapat na upang pigilin si Garcillano habangnakabinbin pa kung iisyuhan ito ng HDO dahil nasa kapangyarihan ng korte at DOJ ang mag-uutos sa Immigration para sa pag-iisyu ng HDO. Sa watchlist order, maaaari nang dakpin si Garcillano ng sinumang immigrationofficer sa oras ng maispatan ito sa alinmang paliparan at daungan sa bansa upang i-turn over saPhilippine National Police o sa National Bureau of Investigation. Samantala sa kabila ng warrant of arrest na inisyu ng Kamara laban kayGarcillano, malabo umanong maibalik ito sa bansa, sakaling nakalipad ito palabas, kungisasailalim sa extraditon treaty, ayon kay Justice Secretary Raul Gonzales. “There is no way we can extradite him,” anang kalihim. Ipinaliwanag ni Gonzales sa kailangang masampahan muna ng kaso si Garcillanosa korte at mapatunayang nagtatago ito sa ibang bansa. Subalit, sakali man matuklasan nasa ibang bansa si Garcillano, hindi rin umanobasta makapaghain ng extradition request ang Pilipinas dahil dapat ding alamin kung angkinakasangkutang kaso nito ay isang extraditable at depende kung ang article ng extraditiontreaty natin sa bansang pinuntahan ni Garcillano ay maari ito. -Hango sa pahayagang PM Agosto 5, 20051. Isulat mo ang mga pangungusap sa tumutugon sa tanong na ANO.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________2. Isulat mo ang pangungusap na tumutugon sa tanong na SINO.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________3. Isulat mo ang tanong na tumutugon sa tanong na BAKIT.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 9


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook