Alamin Bakit kaya nakatali ang makisig na baguntao sa isang puno sa gitna ng madilim at mapanglawna gubat? Tuklasin mo ang dahilan sa mga piling saknong sa ibaba. Siya ang nagsasalita sa mgasaknong na ito: 14 Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang nangyayaring hari, kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati. Ano raw ang nangyayari sa bayan ng baguntaong nakagapos? Ano ang naghahari sa bayanniya? Kaliluhan, di ba? Ano ang ibig sabihin ng salitang ito? Kataksilan, paggawa ng di mabuti sakapwa. Ano naman ang nangyayari sa mga taong mabuti? Sinisikil sila. Aling saknong ang nagsasaadnito? Tama, T4. Sige, basahin mo. 15 Ang magandang asal ay ipinupukol sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong balang magagaling ay ibinabaon at inililibing na walang kabaong. 16 Ngunit, Ay! Ang lilo’t masasamang loob, sa trono ng puri ay iniluluklok at sa balang sukab na may asal-hayop, mabangong insenso ang isinusuob. Sinong “masasamang loob” ang tinutukoy sa S16? Hindi ito iyong mga taong may hinanakit,kundi ang mga taong mapag-isip ng masama laban sa kapwa. Ano raw ang ginagawa sa mga sukab atasal-hayop? Ayon sa S16 T4, sinusuob sila ng mabangong insenso. Tunay bang pagsuob ng insenso ang tinutukoy rito? Hindi. Ito ay matalinghagang pananalita,na nangangahulugan ng pagpaparangal sa mga taong masama. Kabaligtaran ito ng dapat mangyari, diba? 17 Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang kabaita’y kimi’t nakayuko santong katuwira’y lugami at hapo, ang luha na lamang ang pinatutulo. 18 At ang balang bibig na binubukalan ng sabing magaling at katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan ng kalis ng lalong dustang kamatayan. Anong karapatan ang nasisikil, ayon sa S18? Tama, ang karapatan sa malayang pagsasalita.Ano raw ang ginagawa sa mga taong nagsasabi ng totoo? Pinapatay, di ba? 27
19 O taksil na pita sa yama’t mataas! O hangad sa puring hanging lumilipas! ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat, at niring nasapit na kahabag-habag. 20 Sa korona dahil ng Haring Linseo, at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang ipinangahas ng Konde Adolfo, sabugan ng sama ang Albanyang reyno. Bakit nagaganap ang ganitong kasamaan? Dahil sa paghahangad sa korona at yaman. Anongmga taludtod ang nagsasaad nito? Tama, S20 T1-2. Ano naman ang sinasagisag ng korona ng hari?Kapangyarihan, di ba? Kapangyarihan ng hari ang hangad ni Konde Adolfo. Ano pang detalye tungkol sa baguntao ang nabatid mo sa S20? Tama ka, siya’y anak ngduke. Aling taludtod ang nagsasaad nito? Basahin mo ang T2. Ang kasunod nito’y ang himutok ng baguntao. Tinanong niya ang kalangitan kung bakitpinapayagang maganap ang ganitong kasamaan. Sinundan ito ng mga alaala niya kay Laura, angkanyang kasintahan. Sa bahaging ito ay malalaman ng mambabasa na isang mandirigma angbaguntaong nakagapos dahil sa pagbanggit sa kanyang baluti’t koleto, na mga gamit ng mandirigma. Ngunit nagdududa ang baguntao na baka nagtaksil na si Laura. Natatakot siya na “angpaglililo’y nasa kagandahan.” (S41 T4). Kapag maganda raw ang dalaga ay baka magtaksil sakasintahan. Sang-ayon ka ba? Sa mga sumusunod na saknong ay nananawagan ang baguntao kay Laura. 55 “Halina, Laura’t aking kailangan ngayon ang lingap mo nang naunang araw. Ngayon hinihingi ang iyong pagdamay, ang abang sinta mo’y nasa kamatayan. 56 “At ngayong malaki ang aking dalita ay di humahanap ng maraming luha, sukat ang kapatak na makaapula, kung sa may pagsintang puso mo’y magmula. 60 “Wala na nga, Laura ikaw na nga lamang ang makalulunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako’y muling mabubuhay! 28
Sino raw ang tanging lunas sa paghihirap ng baguntao? Si Laura, di ba? Aling taludtod angnagsasaad nito? Tama, S60 T1-2. 63 “Alin pa ang hirap na di na sa akin? may kamatayan pang di ko daramdamin? ulila sa ama’t sa inang nag-angkin, walang kaibiga’t nilimot ng giliw. Buhay pa ba ang mga magulang ng baguntao? Patay na kapwa, di ba? Aling salita angnagsasaad nito? Tama, ang salitang “ulila.” (S63 T3). 64 “Dusa sa puri kong kusang siniphayo palasong may lasong natirik sa puso habag sa ama ko’y tunod na tumimo ako’y sinusunog niring panibugho. Ano raw ang nadarama ng baguntao? Panibugho nga. Nagseselos siya. Sa aling taludtod itoisinasaad? Tama, S64 T4. 65 “Ito’y siyang una sa lahat ng hirap, pagdaya ni Laura ang kumakamandag dini sa buhay ko’y siyang nagsasadlak sa libingang laan ng masamang palad. 66 “O Konde Adolfo’y inilapat mo man sa akin ang hirap ng sansinukuan, ang kabangisan mo’y pasasalamatan, ang puso ni Laura’y kung hindi inagaw!” Ano ang pinakamasakit na nararanasan ng baguntao? Hindi ang kalupitan ni Konde Adolfo.Kundi ang takot na baka nilimot na siya ni Laura at ito’y baka naagaw na ni Konde Adolfo. 68 Sa puno ng kahoy ay napayukayok ang leeg ay supil ng lubid na gapos, bangkay na mistula’t ang kulay na burok ng kaniyang mukha’y naging puting lubos. 29
Ano ang nangyari sa baguntaong nakagapos? Napayukayok siya, ano? Ilarawan ang nagingkulay niya. “Naging puting lubos.” Ang dating mamula-mulang kutis ay naging puti. Maputlang-maputla, kung gayon.Linangin Inilalahad sa bahaging ito ang mga nangyayari sa bayan ng baguntaong nakagapos. Hindi panatin alam hanggang sa puntong ito kung ano ang pangalan niya. Ngunit nabanggit na angsumusunod na mga detalye: (a) ang bayan niya ay Albanya,(b) anak siya ng duke, (c) isa siyang mandirigma. Sino ang may kagagawan sa pagkakagapos ng baguntao? Si Konde Adolfo, di ba? At ano angdahilan ng ganitong kasamaan? Paghahangad sa dalawang bagay: (1) kapangyarihan, na sinasagisagng korona, at (2) kayamanan. Sa tindi ng pagdurusa ng baguntao, una siyang nanawagan sa kalangitan. Bakit dawpinapayagan ng langit na maghari ang kasamaan sa kanyang bayan? Ganito ka rin ba kapag mayproblema? Sinisisi mo rin ba ang langit sa mga nangyayari sa buhay mo? Sa palagay mo ba’y tamaang ganitong saloobin? Sino naman ang pangalawang tinawag ng baguntao? Si Laura, di ba? Sino si Laura na tanginglunas sa kanyang pagdurusa? Kasintahan marahil dahil natatakot siyang baka ito’y nagtaksil atnaagaw na ni Adolfo.Gamitin Ngayon, kaya mo na bang ilapat ang mga natutuhan mo? Anu-ano ang mga pangyayari sa unang bahaging ito ng awit? Subukin mo ngang itala saiyong sagutang papel. Ganito rin ba ang naitala mo: 1. Nakagapos sa isang punong higera sa gitna ng isang mapanglaw na gubat ang isang baguntaong makisig. 2. Naghihinagpis siya dahil: 2.1 Naghahari ang kasamaan sa kanyang bayan; ito’y kagagawan ni Konde Adolfo 2.2 Nanawagan siya sa langit at tinanong ito kung bakit hinayaang mangyari ang gayong kasamaan sa kanyang bayan. 2.3 Nanawagan siya kay Laura. 30
2.4 Natatakot siyang baka naagaw na ni Adolfo si Laura. 2.5 Sinabi niyang “ang paglililo’y nasa kagandahan.” (S41 T4) Ngayon, subukin mong iugnay ang mga pangyayaring ito sa sariling karanasan, bigyangsolusyon ang mga suliranin, gumawa ng sariling paglalagom at ng sariling interpretasyon. a. Pag-uugnay sa sariling karanasan Sinulat ni Balagtas ang kanyang obra halos dalawandaang taon na ang nakalilipas. Maaari pakayang magkatotoo sa kasalukuyan ang mga sitwasyong inilarawan niya sa kanyang awit? Maaari pa rin, di ba? Kahit hindi ka prinsipe o prinsesa, kahit karaniwang tao o karaniwangestudyanteng tulad mo, kung minsa’y nararanasan mo ring pagtaksilan o pagplanuhan ng masama ngmga taong akala mo’y mapagkakatiwalaan. Maaari ka ring maigapos, hindi man sa puno sa gitna nggubat, kundi sa mga sitwasyong mahirap takasan. Halimbawa, nangopya ang kaibigan mo sa test paper mo, ngunit nang mabisto ng guro, ikawpa ang isinumbong niyang siyang nangopya. Napaniwala pa niya ang guro mo dahil madulas angkanyang dila samantalang ikaw ay tahimik lamang at di makakibo. Di ba iyan ay nagbibigay-buhaysa mga taludtod na nagsasaad na: “Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo/at ang kabaita’y kimi’tnakayuko” (S17 T1-2) Narito ang isa pang sitwasyon: Malungkot na malungkot si Magenta. Dahil sa isangpagkakamali niya, pakiramdam niya’y iniwan na siya ng lahat. Di ba ito ay paglalarawan ng S63 T3-4: “ulila sa ama’t sa inang nag-angkin,/walang kaibiga’t nilimot ng giliw.” b. Mga suliranin at solusyon Ano ba ang suliranin ng baguntaong nakagapos? Dalawang uri ng suliranin o problema angnakakaharap niya, di ba? Ang mga ito ay: • pangkaharian • pansarili Anong pangkahariang suliranin ang kinakaharap ng baguntaong nakagapos? Di ba, naghahariang kasamaan sa kahariang Albanya? Kagagawan ito ng taksil na si Konde Adolfo. Ano ang mgakasamaang ito? Kawalan ng karapatan sa malayang pagsasalita, pagbibigay-dangal sa masama atpagpatay sa mabuti. Kabaligtaran ito ng dapat mangyari sa isang bayan, di ba? Ano naman ang pansariling suliraning nabanggit? Di ba, ang tungkol kay Laura? Dahilnakagapos at nag-iisa, sa kawalang pag-asa ay kung anu-ano na tuloy ang naiisip niya. Natatakot siyana baka nagtaksil na si Laura, at nasabi pa niyang nasa kagandahan ang paglililo. 31
May maibibigay ka bang solusyon? Paano malulutas ang mga suliraning ito? Alin sa mgasumusunod ang ipapayo mo sa baguntao? • Pagdarasal na sana’y may dumating na saklolo • Pagsigaw hanggang may dumating na saklolo • Positibong pag-iisip na may darating na saklolo • Matiyagang paghihintay sa pagdating ng saklolo c. Sariling paglalagom Ano ba ang lagom? Ito ay buod ng nilalaman ng tekso o kaya’y talakayan. Kapag gumawa kang lagom, iyon lamang mahahalagang puntos ang pipiliin mo at di mo isasama ang mga detalye.Kailangang maikli lamang ang lagom upang makita kaagad ang kabuuan ng nilalaman. Nakatala sa ibaba ang ilang pangungusap. Piliin mo ang mga pangungusap na naglalagom. (1) Nakagapos sa puno sa gitna ng gubat ang isang baguntao. (2) Makisig ang baguntao, makinis ang kutis at kulay-ginto ang buhok. (3) Ang punong kinagagapusan ng baguntao ay higera. (4) Sa pagkakagapos, naghihinagpis sa pagkakagapos ang baguntao dahil sa kanyang bayan, kaliluha’t sama ang naghahari. (5) Ang mabuti ay ipinapapatay samantalang pinararangalan ang masama. (6) Paghahangad sa yaman at kapangyarihan ang dahilan ng pagtataksil ni Konde Adolfo. (7) Nanawagan sa Langit at kay Laura ang baguntaong nakagapos. Aling mga pangungusap ang pinili mo upang makagawa ng paglalagom? Kung pinili mo ang(1), (4), (6) at (7), tama ka. Ang (2) at (3) ay nagbibigay-detalye sa (1); ang (5) ay nagbibigay-detalye sa (4). d. Sariling interpretasyon Posibleng magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon o pagpapakahulugan ang isang akdangpampanitikan batay sa panlasa ng mga mambabasa. Ikaw, kahit kabataang estudyante pa lamang, aymakabubuo na ng sariling interpretasyon ng iyong binasa. Tandaan mo lamang na ang iyonginterpretasyon ay dapat ibatay sa mismong tekstong binasa mo. Hindi ka dapat lumayo rito. Subukin mo ngang magbigay ng sarili mong interpretasyon ng S14. Basahin ang mga saknongat piliin ang interpretasyon mo. 14 Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang nangyayaring hari, kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati. 32
(a) Ang nagsasalita sa tula ay kumakatawan sa mga mamamayang Pilipino at ang inilalarawanniya ay ang mga kasamaang nagaganap sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.Maaari ring iugnay sa kasalukuyang mga pangyayari ang mga kasamaang inilalarawan dito. (b) Ang inilalarawan ng nagsasalita ay sarili niyang bayan kung saan naghahari ang kataksilanat kasamaan (c) Magtala ka ng iba pa _________________________. Alin ang pinili mo? Kung (a) ang pinili mo, ibig sabihi’y sinusuportahan mo ang maramingkritikong nagsasabi na ang Florante at Laura ay isang alegorya – na ang tagpuan, mga tauhan, atpangyayari ay pawang simbolo ng iba pang mga bagay. Kung (b) ang pinili mo, tama pa rin ang interpretasyong ito, ngunit ibang antas nga lamangdahil hindi mo iniugnay ang akda sa mga bagay sa labas nito. Ibig sabihi’y sinuri mo ito ayon mismosa estruktura at nilalaman nito nang di tiningnan ang mas malalim na pag-uugnay ng akda sakaligiran nang sulatin ito at sa kaligiran ng kasalukuyang panahon. Kung (c) naman ang pinili mo, maaaring may iba kang pagpapakahulugan. Kailangang italamo ito sa iyong sagutang papel.Lagumin Malinaw na ba sa iyo kung paano susuriin ang mga pangyayari sa awit batay sa kaugnayan sasariling karanasan, mga suliranin at solusyon, sariling paglalagom at sariling interpretasyon? Upangmaging mas malinaw pa, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-aralin.1. Sinulat ni Balagtas ang kanyang obra halos dalawandaang taon na ang nakalilipas. Ngunit maaaripang magkatotoo sa kasalukuyan ang mga sitwasyong inilarawan niya sa kanyang awit. Maaari paring maganap sa karaniwang tao sa kasalukuyang panahon ang pagtaksilan o pagplanuhan ngmasama, o maigapos, kundi man sa puno sa gitna ng gubat, ay sa mga sitwasyong mahirapmalusutan.2. Nakaharap sa dalawang malaking problema ang pangunahing tauhan sa awit – pangkaharian atpansarili. Sa mga suliraning ito, makapagbibigay ng mga solusyon ang isang estudyanteng tulad mo.3. Ang lagom ay buod ng nilalaman ng texto o kaya’y talakayan. Maikli lamang ang lagom kaya iyonlamang mahahalagang puntos ang pinipili at hindi na isinasama ang mga detalye. 4. May iba’t ibang interpretasyon o pagpapakahulugang mailalapat sa isang akdangpampanitikan batay sa panlasa ng mga mambabasa. Gayon man, hindi dapat lumayo sa mismongteksto ang alin mang interpretasyon. Malinaw na ba sa iyo ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito? Kung gayon, handa kana ba sa isang pagsubok? 33
SubukinA. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung mali. 1. Sapagkat sinulat ang Florante at Laura may 200 taon na ang nakalilipas, hindi na maiuugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayarang inilarawan dito. 2. Iisa lamang ang tama at tinatanggap na interpretasyon o pagpapakahulugan ng isang akdang pampanitikan. 3. Ang lagom ay maikli lamang sapagkat ito ay buod ng nilalaman. 4. Ang baguntaong nakagapos ay nakaharap sa suliraning pangkaharian at pansarili. 5. Si Konde Adolfo ang nagpakana kaya nakagapos sa gubat ang baguntao. 6. Ito’y dahil sa paghahangad ni Adolfo sa kapangyarihan at yaman. 7. Sa kaharian ng baguntao, pinapupurihan ang mga asal-hayop at ipinapapatay naman ang mga nagsasabi ng totoo. 8. Natatakot ang baguntao na bago naagaw na si Adolfo si Laura. 9. Tinanong ng baguntao ang langit kung bakit pinapayagang mangyari ang gayong kasamaan sa kahariang Albanya. 10. Sa abang kalagayan, tinawag ng baguntao ang kanyang ina.B. Ang mga sitwasyon sa ibaba ay maaaring personal mong naranasan o kaya’y ng mga taongmalapit sa iyo. Aling mga taludtod mula kay Balagtas ang mailalapat mo sa mga sitwasyong ito?Piliin ang sagot mula sa mga taludtod sa ibaba. Mga sitwasyon: a. Natukso ang tatay ni Percival na galawin ang pera ng opisinang pinapasukan niya. Ibig kasiniyang magkaroon ng yaman at kapangyarihan. b. Naparusahan si Mirla ng kanyang ina dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa. Ayawmakinig ng kanyang ina sa kanyang mga paliwanag, kaya wala siyang nagawa kundi lumuha nalamang. c. Natuklasan ni Vermillion na may mga estudyanteng nakapagpuslit ng mga test questions.Ibinulgar niya ito sa guro. Dahil dito, maraming kaklase ang nagalit sa kanya at halos ipagtabuyansiya ng mga dating kaibigan. d. Matalino at may magandang asal si Monica. Ngunit kinaiinggitan siya ng mga kaklase,kaya siya pa ang laging sinisiraan ng mga ito sa kanilang guro, na kung minsan ay natatangay ng mgapanunulsol ng mga mainggitin. Mga piling saknong/taludtod: (1) Ang magandang asal ay ipinupukol sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong balang magagaling ay ibinabaon at inililibing na walang kabaong. (S15) 34
(2) santong katuwira’y lugami at hapo, ang luha na lamang ang pinatutulo. (S17 T3-4)(3) At ang balang bibig na binubukalan ng sabing magaling at katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan ng kalis ng lalong dustang kamatayan.(S18)(4) Sa korona dahil ng Haring Linseo, at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang ipinangahas ng Konde Adolfo, sabugan ng sama ang Albanyang reyno. (S20)C. Kung gagawa ka ng lagom ng mga pangyayari sa unang bahagi ng Florante at Laura, alin sa sumusunod na mga pangungusap ang pipiliin mo? Isulat sa sagutang papel ang bilang ng iyong sagot.1. Nagsisimula ang awit sa isang madilim, gubat na mapanglaw.2. Madawag ang gubat at di halos mapasok ng araw.3. Gumagala sa gubat ang mga tigre, hyena at basilisko.4. Mga punong higera at sipres ang makikita sa gubat na ito.5. Nakagapos sa isang punong higera sa gitna ng gubat ang isang makisig na baguntao.6. Gwapo ang baguntao, makinis ang mamula-mulang kutis at kulay-ginto ang buhok.7. Naghihinagpis ang baguntao dahil sa kasamaang nagaganap sa kanyang bayan.D. Batay sa mga napag-aralan mo sa modyul na ito, aling interpretasyon ng Florante at Laura ang pipiliin mo? Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng iyong sagot. (a) Ang awit na ito ay isang alegorya; ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari ay pawangsimbolo o kumakatawan sa isang bagay o idea. Ang baguntaong nakagapos ay kumakatawan sa mgamamamayang Pilipino. Ang kaharian niya ay kumakatawan naman sa Pilipinas. (b) Ang awit ay tungkol sa pag-iibigan nina Laura at ng baguntaong nakagapos sa gubat.Naghihinagpis ang baguntao sa simula ng awit ngunit malulutas ang problema at magiging masayaang mga pangunahing tauhan. (c) Iba pa. Itala mo sa sagutang papel kung may iba kang interpretasyon.Tama kaya ang mga sagot mo? Tama kung ganito:A. 1. M 6. T 2. M 7. T 3. T 8. T 4. T 9. T 5. T 10. M 35
B. a. (4) c. (3) b. (2) d. (1)C. 1, 5, 7 D. Kapwa tama at katanggap-tanggap ang (a) at (b). Magkaiba lamang ng antas nginterpretasyon. Kung (c) ang pinili mo, dapat ay isinulat mo ito sa iyong sagutang papel at tiniyak morin sa sarili na hindi ka lumihis sa texto. Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi, angPaunlarin.Paunlarin A. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong: 21 Ang lahat ng ito, maawaing Langit, iyong tinutungha’y ano’t natitiis? Mula ka ng buong katuwira’t bait, Pinapayagan mong ilubog ng lupit. (S21) 1. Ang nagsasalita sa saknong na ito ay nananawagan sa ________. 2. & 3. Ito raw ang pinagmumulan ng _____________ at ______. 24 Datapuwa’t sino ang tatarok kaya sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila? Walang mangyayari sa balat ng lupa, di may kagalingang iyong ninanasa. (S24) 4. Ang kinakausap ng nagsasalita sa saknong na ito ay _____. 5. Lahat daw ng nangyayari sa mundo ay ginusto ng _____. 41 “Katiwala ako’t ang iyong kariktan, kapilas ng langit anaki’y matibay, tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan. (S41) 6. Ang kinakausap dito ay isang _____. (babae o lalaki?) 7. & 8. Isang salita sa T1 at isa pa uli sa T4 ang clue para patunayan ang pinili mong sagot sa a. B. Nasa ibaba ang ilang sitwasyong maaaring maganap sa iyo o sa mga taong malapit sa iyo.Alin sa mga saknong sa itaas ang mailalapat mo sa bawat sitwasyon? Isulat sa sagutang papel angbilang ng saknong. 36
a. Napakaganda ng girlfriend ni Echo. Dahil dito’y lagi siyang pinapayuhan ng kanyang ina na huwag lubusang magtiwala sa kasintahan. Baka raw siya’y pagtaksilan lamang nito.b. Dumanas ng matinding kasawian ang 11 bansa sa Timog Asya at Africa na naapektuhan ng tsunami. Ngunit hindi pa rin nawawala ang pananalig ng marami sa Diyos, na lahat ng nangyayari ay ginusto Niya para sa kagalingan pa rin ng tao.c. Dahil sa dinanas na kasawian, di napigilan ni Ella na magtanong sa Langit kung bakit pinapayagan ng Langit ang ganito.Mga sagot: 2. & 3. katuwiran, bait 5. DiyosA. 1. Langit 7. kariktan 8. kagandahan 4. Diyos 6. babae b. S24 c. S21B. a.S41 Gaano ka na kahusay?A. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Ang awit ay mahabang tulang pasalaysay, may sukat at tugma, at ang mga pangyayari ay imposibleng maganap sa tunay na buhay. 2. Ang Florante at Laura ay itinuturing na pinakapopular na awit. 3. Ang awtor ng Florante at Laura ay si Francisco Balagtas. 4. Si Florante ang pangunahing tauhan sa akdang nabanggit sa Blg. 3. 5. Siya rin ang baguntaong nakagapos na binanggit sa pamagat ng modyul na ito. 6. Ang awit, halimbawa’y ang Florante at Laura, ay sadyang para awitin sa mga tanging pagtitipon. 7. Maiuugnay pa rin sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring isinalaysay ni Balagtas sa kanyang akda bagama’t sinulat ito halos 200 taon na ang nakararaan. 8. Isang interpretasyon lamang ng akdang pampanitikan ang tama at tinatanggap. 9. Ang estruktura ng awit ay ang anyo o porma nito kaya ang tinutukoy ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod at bilang ng taludtod sa bawat saknong. 10. Dahil tulang pasalaysay, ang awit ay may tauhan, tagpuan at banghay. 11. Laging masaya ang simula ng awit at malungkot naman ang wakas. 12. Ang pangunahing tauhan sa Florante at Laura ay isang Pilipino. 13. Ang kanyang buhok ay kulay-ginto. 14. Ang akda ni Balagtas ay inihandog niya sa Birhen. 15. Noong panahon ni Balagtas, may mga prayleng sensor na naghihigpit sa uri ng panitikang sinusulat at binabasa ng mga tao. 37
16. Walang kalayaan sa pagsasalita nang panahong iyon, lalo na kung kontra sa mga Kastila.17. Ang gubat na inilarawan sa Florante at Laura ay likha lamang ng imahinasyon ng makata.18. Sa tagpuang ito, pinagsama ng makata ang mga bagay na bunga ng imahinasyon niya at ang mga tauhan at lugar mula sa mitolohiyang Griyego.19. Hindi kronolohikal ang pagsasalaysay sa isang awit, o di ayon sa kung alin ang unang naganap.20. Ang Florante at Laura ay nagsisimula sa puntong masaya at matagumpay ang pangunahing tauhan.B. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa mga tanong.1. Ilang pantig ang bumubuo sa bawat taludtod ng Florante at Laura?a. 8 b. 12 c. 162. Ilang taludtod o linya ng tula ang bumubuo sa bawat saknong ng Florante at Laura?a. 4 b. 6 c. 33. Aling mga taludtod ang magkakatugma sa bawat saknong ng Florante at Laura?a. una at pangatlong taludtod b. lahat ng apat na taludtodc. una at huling taludtod4. Sa taludtod na may 12, karaniwang may cesura o sandaling tigil sa:a. ika-6 at ika-12 pantig b. ika-5 at ika-11 pantig c. ika-4 at ika-12 pantig5 Aling dalawang salita sa ibaba ang magkatugma?a. dusa b. dalita c. dakila6. Paano binibigkas ang mga letra noong panahon ni Balagtas?a. pa-Kastila b. pa-Ingles c. pa-Tagalog7. Paano binibigkas noong panahon ni Balagtas ang inisyal ng makata na F. B.?a. /efe-be-e/ b. /ef-bi/ c. fa-ba8. Ang salitang baguntao ay nangangahuluganga. binata b. dalaga c. balo9. May hiling ang makata sa kanyang mga mambabasa at ito ay:a. huwag baguhin ang berso b. huwag tawanan ang tulac. huwag pakamahalin ang tula10. Sa pagsisimula ng tula, ang inilarawang tagpuan ay lumikha ng atmospera nga. lungkot b. ligaya c. away11. Sa unang taludtod ay binanggit ang dalawang salitang naglalarawan ng gubat. Angmga salitang ito ay madilim ata. mapanglaw b. makasaysayan c. mapanganib12. Ang Florante at Laura ay inihandog ng makata kay:a. Delia b. Nelia c. Celia13. Ang inisyal ng babaeng pinaghandugan ni Balagtas ay:a. M.A. R. b. M. A. D. c. M. A. T.14. Ang pag-iibigan ng makata at ng dalagang ito ay nauwi sa:a. kasalan b. paghihiwalay c. tampuhan15. Dahil sa sinapit ng kanilang pag-iibigan, ang makata ay natutong:a. tumula b. maglasing c. mang-away 38
C. Mahalaga sa tamang bigkas at pagpapakahulugan ang cesura o sandaling tigil. Basahin ang mga piling taludtod sa ibaba at piliin kung alin sa (a) o (b) ang may tamang cesura o sandaling tigil: S55 T1-2 a. Halina, Laura ko’t/ aking kailangan/ ngayon, ang lingap mo/ nang naunang araw// b. Halina, Laura ko’t/ aking kailangan ngayon/, ang lingap mo/ nang naunang araw// S65 T1-2 a. Ito’y siyang una/ sa lahat ng hirap,/ pagdaya ni Laura/ ang kumakamandag/ b. Ito’y siyang una/ sa lahat ng hirap, pagdaya ni Laura/ ang kumakamandag/ S75 T3-4 a. na nakikitono/ sa himig mapanglaw/ ng panggabing ibong/ doo’y nagtatahan.// b. na nakikitono sa/ himig mapanglaw ng panggabing ibong/ doo’y nagtatahan.//D. Sang-ayon ka o di sang-ayon? Isulat sa iyong sagutang papel ang bilang ng iyong sagot. Nasa ibaba ang katumbas ng mga bilang: 1. Hinding-hindi sang-ayon 2. Hindi sang-ayon 3. Di tiyak 4. Sang-ayon 5. Lubos na sang-ayon a. Nakagaganda sa tula ang sukat at tugma. b. Angkop sa isang akda ang malungkot na simula na may masayang wakas. c. Nakawiwiling basahin ang di kronolohikal na salaysay. d. Higit na nakaaakit ang mga tauhang prinsipe at prinsesa kaysa mga karaniwang tao. e. Kaakit-akit sa mambabasa ang tagpuang likha lamang ng imahinasyon. f. Tama lamang na hilingin ng makata na huwag baguhin ang kanyang berso. g. Kawili-wiling basahin ang salaysay na nagpapakitang nakaharap sa problema ang pangunahing tauhan. 39
E. Basahin ang mga piling saknong sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.(a) “Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan,ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang;kalagin ang lubid at iyong bihisan,matinding dusa ko’y nang gumaan-gaan. (S58)1. Ang di ibig dapyuhan ng kalawang ay ____a. damit b. irog c. lubid2. Gagaan-gaan daw ang dusa kunga. kakalagin ang lubid c.aalisin ang kalawang sa damitb. titingnan ang damit(b) “Ang mga mata mo’y kung iyong ititig dini sa anyo kong sakdalan ng sakit, upanding mapigil ang takbong mabilis niring abang buhay sa ikapapatid.”(S59)3. Ang hinihingi ng nagsasalita ay _____a. titig ng kinakausap b. ikapapatid ng buhay niyac. pigilin ang pagtakbo4. Kapag natitigan siya ng kinakausap, mapipigil ang ____a. ikapapatid ng buhay b. takbo ng buhayc. sakit ng katawanF. Maiuugnay pa kaya sa kasalukuyan ang mga pangyayaring inilarawan niBalagtas? Piliin ang mga saknong sa ibaba na mailalapat sa mga sitwasyong ito. Isulat sa sagutang papel ang letra ng sitwasyon at ang bilang ng saknong.Mga sitwasyona. Nangungulila si Cynthia sa ina niyang nasa ibang bansa. Nang magkasakit siya, pakiramdam niya’y mamamatay na siya at ang pagdating lamang ng ina niya ang makapagpapagaling sa kanya.b. Pinagsasamantalahan ng mga panginoong maylupa ang mga kasama sa bukid. Naghahari sa asyenda ang kasamaan ng mga maysalapi. Wala nang magawa ang mga magbubukid kundi magtiis at magdasal.c. Natukso si Daniel na mandaya sa eksamen upang siya ang makakuha ng pinakamataas na marka. Nagkamit siya ng medalya nang tanghaling pinakamahusay sa klase. Ngunit naglaho ang lahat nang matuklasan ang pandaraya niya.d. Dinasalan na ni Piolo ang lahat ng santo mapaibig lamang ang kaklase niyang si Myla. Ngunit waring bingi ang langit sa kanyang mga panalangin at ang pinapaboran pa ay ang karibal niya. 40
Mga saknongS13 “Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan, ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay, bago’y ang bandila ng lalong kasam-an, sa Reynong Albanya’y iwinawagayway.S19 O taksil na pita sa yama’t mataas! O hangad sa puring hanging lumilipas! Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat, at niring nasapit na kahabag-habag. (S19)S23 “Bakit kalangita’y bingi ka sa akin ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin? Diyata’t sa isang alipusta’t iring sampong tainga mo’y ipinangunguling?(S23)S60 “Wala na, Laura, ikaw na nga lamang ang makalulunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako’y muling mabubuhay!” (S60) 41
Modyul 7 Kapaligiran at Kaunlaran Pahayag/ Pangungusap na Nagpapakilala ng Pahiwatig Tungkol saan ang modyul na ito? Marami-rami na rin ang mga araling ating natalakay nang mga nagdaang araw atsa pagkakataong ito ay matutunghayan mo sa pamamagitan ng modyul na ito ang apat na aralingaking pinagsumikapang ihanda na makatutulong na malinang pa ang mga kasanayang dapatmong matutunan. Kaugnay ng araling matutunghayan mo sa modyul na ito ang awiting maykinalaman sa ating kapaligiran. Narito at basahin mo ang mga sumusunod na linya ng awitin… Wala ka bang napapansin? Sa iyong mga kapaligiran? Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin Hindi na masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim… Nakuha mo ba ang mensaheng nakapalaoob sa mga linya ng awitin? Totoo atkapansin-pansin namang halos lahat ng bansa sa mundo ay nakatuon sa pagpapaunlad ng mgalugar na nasasakupan subalit kapuna-puna rin namang kapalit ng tinatamasang kaunlaran ay angpagdumi at pagkasira ng mga kalikasang ipinagkaloob ng Maykapal. Nariyang gawing kapataganang ilang kabundukan; tambakan ng lupa ang karagatan at tayuan ng mga gusali at tirahan;patayin at putulin ang mga naglalakihang puno sa kagubatan at kabundukan na kadalasangnagiging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa. Lahat ng ito’y nagdulot at magdudulot pa ng mganegatibo at positibong epekto sa kapaligiran at kaunlaran ng mga bansang nakapaloob sa atingmundo gayundin sa lahat ng tao at nilalang na naninirahan dito. Ang mga paliwanag na kababasa mo lamang tungkol sa paksa – Kapaligiran atKaunlaran, ay ilan lamang sa matutunghayan mong nakapalaoob sa mga gawain sa modyul na itona makatutulong na mapaunlad pa ang iyong kasanayan sa pagsasalita, pagbasa at pagsulat. 1
Ano ang matututunan mo? Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: 1. Natutukoy ang mga pahayag/ pangungusap na nagpapakilala ng pahiwatig 2. Natutukoy ang magkasingkahulugang salita 3. Natutukoy ang uri at tono ng teksto bilang katangian nito 4. Nakabubuo ng isang mabisa at maayos na tekstong ekspositori – eksplikeysyon Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito sapagkat gagabayan ka nitotungo sa iyong pagkatuto, nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos atmakabuluhan ang iyong pagbabasa. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan o susulatan.Gumagamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging “Ano na ba ang alam mo?” Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo, may inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makakatulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging “Gaano ka na kahusay ?” upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang Susi sa Pagwasto sa iyong guro. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Sige, maari ka nang magsimula. 2
Ano na ba ang alam mo?A. Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng / (tsek) ang mga bilang na nagpapakilala ng pahiwatig at x (ekis) ang hindi. 1. Nakabibingi ang katahimikan sa kagubatan. 2. Napakasayang pagmasdan ang karagatan ng namumulang ginto. 3. Malamig ang simoy ng hanging habagat. 4. Perpekto ang taluktok ng bulkang Mayon. 5. Nakalimutan na ang ulilang landas na tinutubuan na ng mahahabang damo.B. Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang dalawang salitang ginagamit na magkasingkahulugan. 1. Kaaya-ayang pagmasdan ang isang magandang kapaligiran. 2. Kinagigiliwan ng mga turista ang magagandang tanawin sa Pilipinas kung kaya’t lalo pa itong pinagtutuunan ng pansin na matapos upang dayuhin ng mas marami pang banyaga. 3. Pulutin na ang anumang kalat na makikita upang mapanatiling malinis ang kapaligiran at huwag hayaang damputin pa ito ng iba. 4. Sa kasalukuyan, isa sa problema ng ating pamahalaan ang suliranin sa pagdumi ng kapaligiran. 5. Laganap na sa kasalukuyan ang polusyon at nawa’y masolusyunan na sa lalong madaling panahon ang patuloy na pagdumi ng kapaligiran.C. Panuto: Basahin at unawain ang teksto at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan. REFORESTEYSYON (1) Ang mabilis na pagkawala at pagkapinsala ng ating mga kagubatan ay lubhang nakabahala sa ating gobyerno. (2) Iba’t ibang argumentasyon ang naganap sa pag-uusap hinggil dito. (3) Mga problemang nais hanapan ng solusyon. (4) Sa katunayan, ang kakulangan sa tubig at kuryente na ating dinaranas sa kasalukuyan ay epekto ng pagkapinsala sa ating mga kagubatan. (5) Ang malalakas na bagyong dumarating sa ating bansa taun-taon ay nakapipinsala hindi lamang sa ating mga bukid kundi kumikitil din ng buhay ng maraming individwal. (6) Nakalulungkot na pangyayari para sa ating bayan at nakapanghihinayang na likas na yaman. (7) Dahil sa malubhang kalagayan ng 3
ating bansa, kumilos ang ating gobyerno at inilunsad sa Department ngEnvironment at Natural Resources ang REFORESTEYSYON. (8) Ang reforesteysyon ay isang projek ng gobyerno upang mapalitanang mga pinutol na punongkahoy sa ating mga kagubatan.1. Ang damdaming nangingibabaw sa binasang teksto ay:a. saya c. galitb. poot d. lungkot2. Ang kilos ng binasang teksto ay: a. pataas at pababa c. mabilis at pataas b. pababa at mabilis d. mabagal at pababa3. Ang pangungusap blg. 4 ay nagpapahayag ng:a. pagkainis c. pagsusumamob. pagkalungkot d. pagwawalang-bahala4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng terminolohiya? a. 1 c. 7 b. 5 d. 85. Ang kabuuan ng teksto ay nagbibigay ng:a. pahiwatig c. paglalagomb. impormasyon d. pangangatwiranD. Panuto: Isaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng isang mabisang talata. Isulat sa sagutang-papel ang nabuong talata.• Mayroong anyong lupa at tubig na kapwa na nakatutugon sa pang-araw- araw na pangangailangan ng lahat ng uri ng nilalang.• Subalit nakalulungkot isipin na sa kasalukuya’y marumi na at napababayaan ang mga ilog at karagatan na siyang tirahan ng mga lamang-dagat at maging ang mga tigang na lupa na halos di na mapakinabangang pagtaniman.• Napakapalad ng mga tao sa Pilipinas sa pagkakaloob ng Maykapal ng iba’t ibang uri ng kalikasan.• Kapaki-pakinabang ang mga isda at iba pang lamang-dagat. Ganun din ang mga prutas at mga bungangkahoy na mula sa mga pananim na halaman.• Nawa’y mapag-ukulan ng ibayong pansin ng pamahalaan ang mga bagay na ukol dito nang sa gayo’y makatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga produktong makukuha mula sa ating kalikasan. 4
Tingnan mo kung wastong lahat ang iyong mga kasagutan. Kunin mo angSusi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang iyong nakuha.Tutulungan ka ng modyul na ito sa lubusang pagkatuto sa mga araling dapat mongmatutunan. Sige simulan mo na… Mga gawain sa pagkatutoSub Aralin 1 Pahayag/ Pangungusap na Nagpapakilala ng PahiwatigLayunin Natutukoy ang mga pahayag/ pangungusap na nagpapakilala ng pahiwatigAlamin Suriin mo ang sumusunod na larawan. Masasabi mo kaya kung ano ang naisipahiwatig ng bawat isa? Nasuri mo bang mabuti ang mga larawan at natukoy mo rin ba ang naisipahiwatig ng mga ito? Narito ang mga kasagutan. Tingnan mo kung naging magaling ka sa isinagawamong pagsusuri. 5
• Kamao - nagpapahiwatig ng paghahamon ng away o duelo • Araw - nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng panibagong pag-asa sa kinabukasan o mga araw pang darating • Korona - nagpapahiwatig ng kapangyarihan o pagiging pinuno • Puso - nagpapahiwatig ng pag-ibig o pagmamahal sa kapwa, bagay at sa Maykapal • Kalapati - nagpapahiwatig ng kalayaan o pagiging malaya ng isang tao o bansa Ganito rin ba ang iyong mga naging kasagutan? Tama ka at magaling kung nakuha mo at natukoy lahat ng nais na ipahiwatig ngbawat larawan.Linangin Alam mo bang hindi lamang mga larawan ang maaaring magpakilala o magbigayng pahiwatig? Bukod sa larawan, nagbibigay-pahiwatig din ang sumusunod: • Kulay Kadalasa’y nabibigyang-kahulugan natin ang nararamdaman o nais ipahiwatig ng isang tao sa pamamagitan ng kulay ng damit o anumang bagay na nais niyang bigyang-pansin ng taong makakikita nito. Narito ang halimbawa ng kulay na may taglay napahiwatig Pula Maaari itong magpahiwatig ng pag-ibig; kasiyahan at kasawian ngunit kung minsa’y nagpapahiwatig naman ito ng galit. Sa paaralan, kapag ginagamit ang pulang tinta sa pagmamarka, nangangahulugan ito ng bagsak o lagpak na marka. Sa bandila ng Pilipinas, kapag nakabaligtad ang ayos nito at nasa itaas ang kulay pula, ito’y nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng digmaan. Puti Ipinahihiwatig naman ng kulay na ito ang kadalisayan o kalinisan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga babaeng ikinakasal ay nakasuot ng puti at maging mga larawan ng anghel na ating nakikita ay nakasuot ng kulay puti. Itim Ayon naman sa iba, ang kulay na ito’y nagpapahiwatig ng kasamaan, kamalasan at kapighatian. 6
Dilaw Nang kapanahunan ng Edsa Revolution, ang pagsusuot ng dilaw aynagpapahiwatig ng laban o pagkakaisa kay Ninoy Aquino sa laban niya sapamamalakad ng pamahalaan ng Pangulong Marcos.• Kilos o galaw Kapuna-puna na ang mga ikinikilos o nagiging galaw ng ating katawan aynaglalaman din ng mga pahiwatig, kahit hindi nagsasalita ang isang tao,mahihiwatigan ng kaharap niya kung ano ang damdaming nangingibabaw sakanya sa pamamagitan ng kilos o galaw ng kanyang katawan at ekspresyon ngkanyang mukha. Tunghayan ang ilang halimbawa:Pag-irap Nangangahulugan ito ng pagkainis o galit.Pagngiti ng sarkastiko o ngiting-aso Nangangahulugan ito ng pang-iinsulto.Pagdadabog Ipinahihiwatig nito ang pagkainis, galit o di pag-sang-ayon sa salita onarinig.Pagkindat Maaaring nagpapahiwatig ito ng pagkakasundo ng dalawang taong maynais na itagong lihim. Ipinahihiwatig din nito ang pagpaparamdam ng binata o dalaga na siya’ymay lihim na pagtingin sa taong kinindatan.Pagtapik sa balikat Ginagamit ng iba ang kilos na ito upang ipahiwatig sa kausap angpagsang-ayon; pagpapakalma sa matinding emosyong nararamdaman o kungminsan nama’y nagpapahiwatig din ng pamamaalam o pagmamalasakit.• Pahayag o Pangungusap Araw-araw ay nakakaharap at nakakahalubilo natin ang iba’t ibang uri ngtao at hindi maaaring lumipas ang maghapon na hindi tayo nakapagbibitaw ngmga salita, pahayag o pangungusap sa mga taong ating nakakasalamuha. Saganitong mga pagkakataon, hindi rin natin namamalayang nakagagamit onakapagbibitaw tayo ng mga pahiwatig na salita o pahayag sa ating mganakakausap. 7
Ano nga ba ang tinatawag na pangungusap na nagpapahiwatig? Ang pangungusap na nagpapahiwatig ay mga pangungusap na may natatagong kahulugan na hindi direktang ipinahayag. Ito ay mga pasaring na pangungusap na may mga natatagong kahulugan o ibig sabihin. Basahin mo ang ilang halimbawa ng pahiwatig na pangungusap o pahayag. Lumuluha ang panahon Ang pahiwatig na ito ay nangangahulugan na hindi masaya o maganda ang panahon dahil sa pagbuhos ng ulan. Nalalaglag ang dahon sa kanyang kapanahunan Ibig nitong ipakahulugan na walang permanente sa ating buhay. Kung sakaling nakararanas ng kaginhawahan sa kasalukuyan, maaaring sa susunod na mga araw ay makararanas naman ng kagipitan. Hindi habang panahon ay nasa rurok ng tagumpay. Ang pag-iwas sa punglo ay di karuwagan Nais ipakahulugan ng pahiwatig na ito na ang pag-iwas sa anumang away, gulo o kapahamakan ay hindi nangangahulugan ng pagiging duwag ng isang tao. Naging malinaw ba sa iyong pang-unawa ang mga paliwanag at halimbawangnabasa tungkol sa mga pahiwatig na larawan, kilos at pahayag? Magaling kung gayon! Subukan mo naman ngayong sagutin ang mga kaugnay na gawain tungkol dito. Maaari mo nang simulan.Gamitin A. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at pagkatapos ay bilugan ang bilang ng limang pangungusap na nagpapakilala ng pahiwatig 1. Kinabahan ang dalaga nang hindi na malaman ang daan palabas sa kagubatan. 2. Kumukulo ang dugo ng mga mamamayan sa tuwing tumataas ang presyo ng gasolina. 3. Nadurog ang puso ng ina sa nasaksihang pangyayari. 4. Lumilipas ang panahon ngunit wala pa ring pagbabagong nagaganap sa bayan. 5. Masama ang tama ng binata sa dalagang nakilala sa kantina. 6. Agad na nagdilim ang kanyang paningin sa balitang narinig. 7. Halos sumabog ang kanyang ulo sa tindi na sakit na nararamdaman. 8
B. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahiwatig na pahayag at pagkatapos ay hanapin sa dakong ibaba ang nais na mensaheng iparating nito. 1. “Uulan, wala pa naman akong dalang payong.” 2. “Walang kahangin-hangin…” 3. “Maganda pala ang boses mo, itago mo na lang.” 4. “Isa siyang ahas.” 5. “Kalamayin mo ang iyong kalooban.” A. naiinis E. magpakalma B. naiinitan F. mag-isip C. nag-aalala G. nang-iinsulto D. nagagalit H. pagkasuklam Kunin mo ngayon ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyongmga kasagutan. Tama bang lahat ang sagot mo? Magaling kung tamang lahat ngunit huwag kang mag-alala kung may kauntingkamalian. Basahin mo ang mga karagdagang paliwanag sa kasunod na bahagi ng modyul naiyong hawak sapagkat makatutulong pa ito sa iyong lubusang pagkaunawa sa aralin.Lagumin Narito ang ilang puntong dapat mong tandaan tungkol sa pahiwatig na pahayag opangungusap. • Ang pahiwatig ay pahayag o kilos na hindi hayagang ibinibigay ang kahulugan. Malalaman o matutukoy ang mensaheng nais iparating, sabihin o ipabatid ng isang tao ayon sa kanyang ikinikilos, ekspresyon ng mukha o paraan ng pagbibitiw ng mga salita; • Gumagamit tayo ng mga berbal o di-berbal na pahiwatig upang hindi tayo makapanakit ng damdamin ng ating kapwa; • Kailangang matuto rin tayong magsuri at bumasa ng mga kahulugan sa mga nag-uumpugang mga pahayag (reading between the lines). • Maaaring gumamit ng mga pahiwatig na salita, pahayag o pangungusap sa pasulat at pasalitang komunikasyon. 9
Nawa’y nakatulong sa iyong lubusang pagkaunawa ang mga paliwanag nakatatapos mo lamang basahin. Maaari mo na ngayong umpisahan ang pagsagot sa mga pagsubok na akinginihanda.SubukinPanuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at pagkatapos ay hanapin sa loob nito ang pahayag na nagpapakilala ng pahiwatig. Isulat ang buong pahayag na pahiwatig sa sagutang papel. 1. Masayang nagtatawanan ang magkakaibigan habang nakikinig sa karanasang sinapit sa pamamasyal nang walang anu-ano’y natahimik ang lahat at tila may nagdaang anghel sa kanilang harapan. 2. Nakikinig ng balita sa radyo ang isang empleyado nang marinig niya ang kanyang pangalan na binanggit na nanalo sa Mega Lotto. Napatingin sa kanya ang iba pang kasamahang nakarinig din ng balita at kitang-kita nila ang pagtakas ng dugo sa kanyang mukha. 3. Walang iniwan sa putok ng bulkan ang pagkalat ng balita sa buong kabayanan tungkol sa empleyadong nanalo sa Mega Lotto. 4. Mabait at magalang na mag-aaral si Jei. Minsan habang naglalakad papunta sa silid-aralan ay narinig niyang pinag-uusapan siya at pinupuri ng mga nag- uusap kung kayat halos pumalakpak ang kanyang tainga sa mga narinig. 5. Matiyaga sa panunuyo si Ram sa nililigawang si Macy. Di naglaon ay nagpahayag na rin ng pag-ibig niya sa binata ang dalaga at magmula noon ay naging kulay rosas ang paligid nila. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang iyong mgakasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Kung mahigit sa 4 ang nakuha mong marka ay maaarika nang magsimula sa kasunod na aralin ngunit kung mababa sa 4, nangangailangang sagutin momuna ang kasunod na gawain, ang bahaging “Paunlarin” kaugnay pa rin ito ng katatapos lang nagawain. Sige, magpatuloy ka… 10
Paunlarin Panuto: Piliin sa dakong ibaba ang letra ng pangungusap o pahayag na nagbibigay- kahulugan sa mga pahiwatig na pahayag na nakatala sa bawat sitwasyon sa katatapos lamang na gawaing sinagutan. 1. May nagdaang anghel 2. Pagtakas ng dugo sa kanyang mukha 3. Walang iniwan sa putok ng bulkan 4. Pumalakpak ang kanyang tainga 5. Kulay rosas na paligid A. nagpantig ang tainga B. napuno ng pag-ibig C. naging mabait ang lahat D. natahimik ang paligid E. magaan ang pakiramdam F. namutla G. nawalan ng dugo H. mabilis na kumalat I. nagkaroon ng tsismis J. nasiyahan sa narinig Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyongmga kasagutan. Maaari ka na ngayong magsimula sa kasunod na aralin.Sub Aralin 2 Pagtukoy sa Magsingkahulugang SalitaLayunin Natutukoy ang magsingkahulugang salitaAlamin Suriin mo ang tatlong larawan na nagtataglay ng higit sa isang katawagan.Naibigay ko na ang isang salitang maiuugnay sa bawat isa sa larawan, maibibigay mo kaya angiba? Subukin mong alamin sa tulong na rin ng mga clue. 11
d_l_g b___b___ dalaga__lu___ m_b_l_g matabau___n__k y_m_y___og sumasayaw Naibigay mo ba ang iba pang salitang kaugnay sa larawan? Magaling kung gayon! Tingnan mo kung ganito rin ang iyong naitalang mga salita. • Unang larawan dalaga, dilag, binibini • Ikalawang larawan mataba, malusog, mabilog • Ikatlong larawan sumasayaw, umiindak, yumuyugyog Suriin mo ngayon ang mga salitang iniugnay sa bawat larawan. Mayroon ka bangnapansin? Mababasa at matutunghayan mo sa kasunod na bahagi ng modyul na iyong hawakang mga kaugnay na paliwanag. 12
Linangin Marahil napansin mo at nasuring mabuti na ang mga salitang dalaga, dilag atbinibini na iniugnay sa unang larawan; mataba, malusog at mabilog sa ikalawang larawan;sumasayaw, umiindak at yumuyugyog sa ikatlong larawan ay pawang nagtataglay ng iisangkahulugan. Samakatuwid, mayroon tayong mga salita sa ating bokabularyo na iisa angkahulugan ngunit maraming katawagan at iyon ay isang paraan ng pagpapalawak ng atingtalasalitaan. Magsingkahulugan ang tawag sa mga salitang pareho ang taglayna kahulugan ngunit magkaiba sa bigkas at baybay. Tatlo ang bahagi ng panalita na maaaring may singkahulugang salita. Narito atpag-aralan ang sumusunod:• Mga pangngalan Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar atpangyayari.Halimbawa:• taoasawa - kabiyakanak - suplinghikaw - aritis• pook/ lugarkalye - daan lungsodsiyudad - baryobayan -• bagay - puswelo tasa - lutuan kalan - talatinigan diksyunaryo• Mga pandiwa Ito ay mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw.Halimbawa: - puminid sumara - pumirma lumagda - tumumba bumagsak 13
• Mga pang-uri Ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-katangian sa pangngalan atpanghalip.Halimbawa: - maganda marikit - matulin mabilis - malamya matamlay Naunawaan mo ba ang mga paliwanag na iyong binasa? Nawa’y nakatulong ito saiyong pag-unawa. Sagutin mo ngayon ang gawaing inihanda ko kaugnay nito.Gamitin Panuto: Basahin ang talata at pagkatapos ay hanapin sa loob ng kahon ng mga letra ang singkahulugan ng mga sinalungguhitang salita. Ang Teknolohiya ay nakapagbibigay ng maraming kaginhawahan sa kapaligiran ngunit may (1) maidudulot din itong kapansanan o kapinsalaan sa mga tao. Isa na rito ang (2) labis na ingay na (3) nakabibingi. Ayon sa pagsusuri, isa sa bawat 15 katao ang maaapektuhan ng pagkabingi. Masasabing ito ay (4) bunga ng labis na (5) pagkarahuyo sa mga tugtuging matindi ang ingay. MXQPS T UVWX P AGKA H I L I G GF I EDCBA Z Y H I LB J K LMNO WVUU I T SRQD X YT ZA B BC D E MLUK J I I HGF NOTPQRSG T U RQAZSOBR A V O TKEP E XXWY S T AUVWX X Y Z I HNGF E DC B A Madali mo bang nasagutan ang gawain? Kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto at iwasto mo ang iyong mga kasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Mataas man o mababa ay makatutulong pa rin angpagbasa at pag-unawa sa kasunod na bahagi ng modyul na ito. 14
Sige, magpatuloy ka…Lagumin Balikan mong muli ang ilang mahalagang detalyeng dapat mong tandaan. • Magsingkahulugan ang tawag sa mga salitang pareho ang taglay na kahulugan ngunit magkapareho lamang ang baybay at bigkas; • Tatlo ang bahagi ng panalita na maaaring may singkahulugan – pangngalan, pandiwa at pang-uri; • Maaaring gamitin ang pagsisingkahulugan ng mga salita kapag naglalarawan, nagsasaad ng kilos at tumutukoy sa pangngalan. Ngayong natapos mo nang basahin ang mga karagdagang paliwanag, iyo ngayongsagutan ang mga gawaing kaugnay nito.Subukin Panuto: Basahin ang talata at pagkatapos ay ayusin ang ginulong mga letra sa loob ng kahon upang maibigay ang singkahulugan ng nasasalungguhitang salita. Bawat tao sa mundong ating ginagalawan ay may bansang kinabibilangan. At bilang (1) kabahagi nito ay (2) tungkulin ng mga mamamayang nasasakupan nito na malaman at tumulong sa kalagayang pangkabuhayan at ang mga (3) suliraning kinahaharap nito nang sa gayon ay (4) mabilis na mabigyan ng (5) solusyon ang mga suliranin at hindi na lalong mahirapan ang mga tao. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang iyong mgakasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Kung mahigit sa 4 ang nakuha mong marka ay maaarika nang magsimula sa kasunod na aralin ngunit kung mababa sa 4, nangangailangang sagutin mo 15
muna ang kasunod na gawain, ang bahaging “Paunlarin”. Kaugnay pa rin ito ng katatapos langna gawain. Sige, magpatuloy ka…Paunlarin Panuto: Punan ng angkop na letra ang loob ng mga kahong bakante upang mabuo at maibigay ang singkahulugan ng mga nakatalang salita sa bawat bilang. Pahalang Pababa 1. mabaho 1. marikit 2. mainam 2. handog 3. pag-unlad 3. kumirot 4. sumigawkasagutan. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong Maaari ka na ngayong magtungo at magsimula sa kasunod na aralin.Sub Aralin 3 Pagtukoy sa Uri at Tono ng Teksto Pagbuo ng Tekstong Ekspositori (Eksplikeysyon)Layunin • Natutukoy ang uri at tono ng teksto bilang katangian nito • Nakabubuo ng isang mabisa at maayos na tekstong ekspositori (eksplikeysyon) 16
Alamin Mahilig ka bang umawit o makinig sa mga awitin? Narito ang isang awitin at nais kong basahin mo at unawaing mabuti ang mgalinya nito at pagkatapos ay kunin mo ang mensaheng nangingibabaw rito. Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin Hindi na masama ang pag-unlad, At malayu-layo na rin ang ating narating Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin, Sa langit huwag na nating paabutin Upang kung tayo'y pumanaw man, Sariwang hangin, sa langit natin matitikman Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman? May mga puno pa kaya silang aakyatin? May mga ilog pa kayang lalanguyan? Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit noong ika'y wala pa Ingatan natin at 'wag nang sirain pa, Pagka't pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na. Nagustuhan mo ba at nakuha ang mensahe ng awitin? Magaling kung gayon! Binigyang-pansin sa awitin ang pagmamahal atpagmamalasakit sa kalikasan at kapaligiran. Habang binabasa mo ang mga linya sa awitin, nararamdaman mo ba kung anongdamdamin ang nangingibabaw sa nagsasalita sa awitin? Matutukoy mo ba kung ano ito? 17
awitin. Tama kang muli! Kalungkutan ang damdaming nangingibabaw sa nagsasalita sa Ngayon naman ay basahin mo ang kaugnay na teksto hinggil pa rin sa kalikasan. TAO SA KANYANG KAPALIGIRAN (1) Mayaman ang ating daigdig lalo na ang Pilipinas. Pinagpala tayo sa pagkakaroon ng mga likas na yaman na kapaki-pakinabang. (2) Likas na yaman ang tawag sa mga kalikasan na ipinagkaloob ng Maykapal sa kapakinabangan na rin ng mga tao. Ito ay may dalawang anyo – anyong tubig at anyong lupa. Ang mga kagubatan, kabundukan, talampas, burol at mga kapatagan ay nabibilang sa anyong lupa samantalang ang mga ilog, batis, sapa, tangway at mga karagatan ay nabibilang naman sa anyong tubig. (3) Karamihan sa mga yamang ito’y nakikita natin sa ating kapaligiran. Ang iba’y napakikinabangan ng mga tao, tulad na lamang ng mga karagatan, dito nakukuha ang mga isda at iba’t ibang uri ng lamang dagat na napagkukunan ng pagkain ng mga tao. Gayundin ang mga kagubatan at kabundukan na napagkukunan naman ng mga bungangkahoy na nakapagbibigay ng iba’t ibang uri ng bunga na makatutugon din sa pang-araw-araw na pangangailangan ng tao sa pagkain. (4) Ang mga naturang likas na yaman ay mananatili lamang sa kanilang likas na kalagayan at hindi mapapakinabangan hanggat hindi natututuhan ang tamang paggamit ng mga ito. Kung kaya’t hindi naglaon ay sinikap ng mga taong linangin ang mga ito upang higit pang maging kapaki-pakinabang. Nagsumikap na magtanim pa ng mas maraming puno upang mas marami ring bunga ang makuha. Natutunan ding alagaan ang mga isda sa karagatan. Ipinagbawal ang paggamit ng lambat na may maliliit na butas upang malalaking isda lamang ang mahuli at maiwan ang maliliit na isda sa karagatan na siya namang palalakihin at hahayaang dumami. Noong una’y maayos at maganda ang naging sistema ng mga tao sa pangangalaga sa kalikasan. (5) Di naglaon, kumislap ang isipan ng mga tao at nagkaroon ng iba’t ibang ideya. Natutuong putulin ang mga naglalakihang puno sa kagubatan sapagkat natutuhang gawing materyales sa paggawa ng bahay at kasangkapan ang katawan ng mga puno. Naging dahilan ito ng pagbaha at pagguho ng mga lupa. Dahilan dito ay ipinagbawal ng pamahalaan ang tinatawag na “illegal logging” o ang mali at di makatarungang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan. (6) Maging ang karagata’y hindi nakalagpas sa paningin ng mga tao. Hindi na sila nakuntento sa paghuli ng isda sa pamamagitan ng lambat. Natutuhan na ang paggamit ng dinamita na nagbunga ng pagkamatay ng maliliit na isda at pagkasira ng mga “coral reefs” na siya nilang tirahan. 18
(7) Sa kasalukuyan, sirang-sira na ang ating kalikasan, kalbo na ang dating punumpuno ng malalagong punong kagubatan at kabundukan. Ang karagatan nama’t ilog ay polusyon ang kalaban. Lahat ng ito’y kagagawan ng tao na umaabuso sa paggamit ng kalikasan o sabihin nating hindi natututuhan ang wasto at tamang paraan at paggamit ng mga ito. Nagustuhan mo ba ang binasang teksto? Makatotohanan ba ang mgaimpormasyong inilahad dito? Tiyak namang Oo ang sagot mo sapagkat ikaw mismo sa iyong sarili aymakapagpapatunay sa katotohanan ng mga impormasyong nabasa. Alam mo ba ang uri ng tekstong kababasa mo lamang? Sige magpatuloy ka at matutunghayan mo ang mga paliwanag sa kasunod nabahagi.Linangin Balikan mo ang awiting Kapaligiran… Katulad ng nabanggit kanina, malungkot o kalungkutan ang damdamingnangingibabaw sa awitin. Kailan nga ba masasabing malungkot o masaya ang tono ng ating binabasa? Atano nga ba ang tinatawag na Tono ng teksto? TONO ang tawag sa damdaming nangingibabaw o naghahari sa teksto. Maaari itong masaya, malungkot, nang-iinis, nagpapayo, nangungutya o nanlilibak. Kapag ang damdaming naghahari sa teksto ay malungkot, mababa at mabagal ang kilos nito ngunit kung ang nangingibabaw na damdamin ay masaya at galit, mataas at mabilis naman ang kilos ng teksto. Ngayon, alam mo na kung paano sinusuri ang TONO at KILOS ng tekstong iyongbinabasa. Balikan mo naman ngayon at suriin ang tekstong iyong binasa sa bahaging“Alamin” – TAO SA KANYANG KAPALIGIRAN. Alam mo ba kung anong uri ito ng teksto? 19
Ito ay isang uri ng tekstong Ekspositori – Eksplikeysyon. Gusto mo bang malaman kung ano ang tinatawag na tekstong ekspositori – eksplikeysyon? Ang Tekstong Ekspositori ay paraan ng pagsulat na nagbibigay ng depinisyon, nagpapaliwanag at nagpapakahulugan. Malaking bahagi ng pagsulat na ito ang mababasa sa mga teksbuk, artikulo sa magazin, editoryal ng pahayagan, mga panunuring na isinagawa sa mga aklat, dula, pelikula, programa sa radyo o komposisyong musikal. Layunin ng tekstong ekspositori na bigyang kaliwanagan ang paksa kung kaya’t kinakailangan sa pagsulat nito ang mabuting plano at paghahanda. Kailangan din ang masusing pagpapakahulugan ng mga terminolohiya at sikapin ding gawing maliwanag ang pagpapaliwanag at kawili-wili. Sa pagsulat ng tekstong ekspositori, maaaring magsimula sa mga bagay na hayag o marami ang nakikilala patungo sa mga di-hayag o walang gaanong nakababatid; maaari ring mula sa payak tungo sa mas mahirap na unawaing bagay. Maaaring gamitin dito ang klasipikasyon, kaayusan sa panahon o agwat, deduksyon o induksyon, analohiya o kontras. Eksplikeysyon naman ang isang leksyon eksposisyon kung ito ay isang masusing pagpapaliwanag kung paanong ang nasa isipan ng tao ay iniuugnay sa mga katawagan o mga tiyak na termino. Ang konsepto ay itinuturing na isang kabuuan na maaari pa ring maunawaan kahit ito ay paghati-hatiin sa maliliit pang bahagi. Tiyak na maliwanag na sa iyo kung ano ang tinatawag na tekstong ekspositori -eksplikeysyon gayundin ang tono at kilos ng teksto. Sagutin mo naman ngayon ang kasunod na gawain kaugnay nito. Maaari mo nang simulan… 20
GamitinA. Panuto: Balikan at basahing muli ang tekstong TAO SA KANYANG KAPALIGIRAN at pagkatapos ay sagutin ang kaugnay na mga katanungan. Letra lamang ang piliin. 1. Ang tono o damdaming nangingibabaw sa talata 5-7 ay: a. masaya c. maligalig b. malungkot d. marubdob 2. Sa talata 5-7, ang kilos ng teksto ay: c. mababa at mabilis a. mababa at mabagal d. mataas at mabagal b. mataas at mabilis 3. Ang talata 3 at 4 ay: c. nagpapakahulugan a. nangangaral d. nagbibigay-depinisyon b. nagpapaliwanag 4-5. Nagbibigay-depinisyon naman ang mga pahayag na matatagpuan sa: a. kabuuan ng talata 2 b. kabuuan ng talata 3 c. unang pangungusap ng talata 1 d. huling pangungusap ng talata 5B. Panuto: Hanapin ang 5 magkakaugnay na kaisipan at pagsama-samahin ang mga ito upang makabuo ng isang tekstong ekspositori – eksplikeysyon. • Sa kabila ng panawagan ng pamahalaan na tigilan na ang illegal na pagtotroso ay patuloy pa rin itong ginagawa ng ilang mapagsamantalang mamamayan kung kaya’t nagiging sanhi ito ng pagbaha at pagguho ng mga lupa. • Mataba at masustansya sa mineral ang mga lupain sa Pilipinas kung kaya’t mabilis ang pagtubo at paglago ng mga pananim dito. Isang dahilan ito kung bakit sinasabing pinagpala ang ating bayan sa mga kalikasan. • Epekto ito ng tinatawag na La Niña Phenomenon sa ating bansa at iba pang karatig bansa. • Subalit hindi naglaon, ang mga naglalakihang puno sa kagubatan at kabundukan ay pinagpyestahan ng mga walang pusong negosyante. Wala silang habas sa pagputol ng malalaking puno gayong alam naman nilang labag at ipinagbabawal ng pamahalaan ang maling gawaing ito na kilala sa tawag na “illegal logging”. • Mabuti at nakatulong sa pag-unlad ng pamahalaan ang gawaing nabanggit ngunit ilan lamang ang nakikinabang sa kinikitang ito ng pamahalaan. 21
• Sa katunayan, iba’t ibang mga pananim ang maaaring anihin dito tulad ng palay, gulay, prutas at mga bungang kahoy. Ang mga naturang pananim na natatagpuan sa kabundukan, kapatagan at kagubatan ay talagang maaasahan ng mamamayan. • Nawa’y matigil na ang maling gawain ng mga illegal loggers upang maiwasan na rin ang sakuna, aksidente at pagkamatay ng mga tao sanhi ng mga di inaasahang pagbaha at pagguho ng mga lupa higit lalo kung tag-ulan. Ganito ang dapat na maging format ng tekstong ekspositori – eksplikeysyon na iyong mabubuo. (1)______________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ (2)______________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ (3)______________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ (4)______________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ (5)______________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong mgakasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Huwag kang mag-alala kung may kaunting kamalian.Makatutulong sa iyo ang kasunod na bahagi ng modyul na iyong hawak. Basahin mo ang karagdagang paliwanag sapagkat makatutulong ito sa lubusanmong pag-unawa sa aralin. Sige, magpatuloy ka… 22
Lagumin Narito ang ilang mahalagang detalyeng dapat mong tandaan. • Eksposisyon ang teksto kung ito ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa pag-aanalisa sa mga tiyak na konsepto. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na PAANO; • Ekspositori ang isang tekstong eksposisyon kung ito ay naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, iniisip at mga pakiwari sa pansariling pananaw; • Eksplikeysyon naman ang isang leksyon eksposisyon kung ito ay isang masusing pagpapaliwanag kung paanong ang nasa isipan ng tao ay iniuugnay sa mga katawagan o mga tiyak na termino. Ang konsepto ay itinuturing na isang kabuuan na maaari pa ring maunawaan kahit ito ay paghati-hatiin sa maliliit pang bahagi; • Ang kilos at tono ng teksto ay masusuri ng isang mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa damdaming nangingibabaw o naghahari sa teksto; • Tono ang tawag sa damdaming nangingibabaw o naghahari sa teksto anuman ang uri nito; • Pababa at mabagal ang kilos ng teksto kung malungkot ang damdaming naghahari rito at pataas at mabilis naman ang kilos kapag masaya ang damdaming nangingibabaw sa teksto. Marahil ay nakaragdag pa ang katatapos mo lang basahing mga paliwanag saiyong lubusang pag-unawa sa aralin. Sagutin mo ngayon ang kaugnay na pagsubok. 23
Subukin A. Panuto: Basahin at unawain ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel. (1) Mataba at masustansya sa mineral ang mga lupain sa Pilipinaskung kaya’t mabilis ang pagtubo at paglago ng mga pananim dito. Isangdahilan ito kung bakit sinasabing pinagpala ang ating bayan sa mga kalikasan. (2) Sa katunayan, iba’t ibang mga pananim ang maaaring anihin ditotulad ng palay, gulay, prutas at mga bungangkahoy. Ang mga naturangpananim na natatagpuan sa kabundukan, kapatagan at kagubatan ay talagangmaaasahan ng mamamayan. (3) Subalit hindi naglaon, ang mga naglalakihang puno sa kagubatan atkabundukan ay pinagpyestahan ng mga walang pusong negosyante. Walasilang habas na pagputol ng malalaking puno gayong alam naman nilanglabag at ipinagbabawal ng pamahalaan ang maling gawaing ito na kilala satawag na “illegal logging”. (4) Sa kabila ng panawagan ng pamahalaan na tigilan na ang illegal napagtotroso ay patuloy pa rin itong ginagawa ng ilang mapagsamantalangmamamayan kung kaya’t nagiging sanhi ito ng pagbaha at pagguho ng mgalupa. (5) Nawa’y matigil na ang maling gawain ng mga illegal loggersupang maiwasan na rin ang sakuna, aksidente at pagkamatay ng mga tao sanhing mga di inaasahang pagbaha at pagguho ng mga lupa higit lalo kung tag-ulan.1. Masaya ang damdaming nangingibabaw sa talata __________a. 1 at 2 c. 3 at 4b. 2 at 3 d. 4 at 52. Malungkot ang damdaming nangingibabaw sa talata __________a. 1 at 2 c. 3 at 4b. 2 at 3 d. 4 at 53. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagbibigay-depinisyon? a. Mataba at masustansya sa mineral ang mga lupain sa Pilipinas.b. Iba’t ibang pananim ang maaaring anihin tulad ng palay, gulay, prutas at mga bungang kahoy. 24
c. Tinatawag na illegal logging ang labag sa batas na pagputol ng mga malalaking puno sa kabundukan at kagubatan.d. Maiiwasan ang mga sakuna at aksidente kung titigilan na ang illegal logging.4. Ang kilos ng teksto sa talata 1 at 2 ay:a. mababa at mabagal c. mababa at mabilisb. mataas at mabilis d. mataas at mabagal5. Sa talata 3 at 4, ang kilos ng teksto ay;a. mababa at mabagal c. mababa at mabilisb. mataas at mabilis d. mataas at mabagalB. Panuto: Buuin ang tekstong ekspositori sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga pahayag na matatagpuan sa dakong ibaba. Isulat na muli ang buong talata. Patuloy ang pagsulong at pag-unlad ng mga bansang nakapaloob samundo. (1)____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Ang usok mula sa mga pabrika at pagawaan, sasakyan, sigarilyo, paggamitng mga spray net at iba pang kemikal, na nagbibigay ng lason sa hangin ay ilanlamang sa sanhi kung bakit nasira at nabutas ang ating ozone layer. (2) __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Greenhouse effect ang tawag kapag ang ultra violet rays ng araw aypumasok o nakapaloob na sa ating atmosphere at hindi na makalalabas pa. (3) _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Sa kasalukuyan, nakararanas tayo ng global warming – ang matinding initna nararamdaman ng tao sa buong mundo. (4) _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.25
Kung naging maingat lang sana ang mga tao at hindi hinayaang marumihan ang hangin sa himpapawid ay hindi sana mabubutas ang ozone layer. (5) _______________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ________________________________________________. • Apektado tuloy ang mga trabaho sa pagawaan maging sa loob at labas ng tahanan dahilan sa mabilis na pagkahapo na nararamdaman dulot ng matinding init at alinsangan. • Dahilan sa pagkasira ng ating ozone layer ay nakapasok sa mundo ang ultra violet rays ng araw na naging sanhi ng pagkakaroon ng greenhouse effect. • Wala sana tayong pinangangambahang dulot ng greenhouse effect na isang dahilan kung bakit din naaapektuhan ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa. • At kaugnay ng pagsulong na ito ang di inaasahang pagkasira ng kalikasan partikular ang ating himpapawid na dating may malinis na hangin. • Ang ultra violet rays ay matinding sikat ng araw na delikado sa balat ng tao sapagkat maaaring makapagdulot ng kanser sa balat. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang mgakasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Kung mahigit sa 7 ang nakuha mong marka ay maaari ka nang magsimula sakasunod na bahagi ng modyul, ang bahaging “Gaano ka na kahusay?”. Ngunit kung mababa sa 7,nangangailangang sagutin mo muna ang kasunod na gawain, ang bahaging “Paunlarin”. Huwagkang mag-alala, kaugnay pa rin ito ng katatapos lang na gawain. Sige, magpatuloy ka… 26
Paunlarin Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na kasagutan matapos basahin at unawain ang talataan. Patuloy ang pagsulong at pag-unlad ng mga bansang nakapaloob sa mundo, at kaugnay ng pagsulong na ito ang di inaasahang pagkasira ng kalikasan partikular ang ating himpapawid na dating may malinis na hangin. Ang usok mula sa mga pabrika at pagawaan, sasakyan, sigarilyo, paggamit ng mga spray net at iba pang kemikal, na nagbibigay ng lason sa hangin ay ilan lamang sa sanhi kung bakit nasira at nabutas ang ating ozone layer. Dahilan sa pagkasira ng ating ozone layer ay nakapasok sa mundo ang ultra violet rays ng araw na naging sanhi ng pagkakaroon ng greenhouse effect. Greenhouse effect ang tawag kapag ang ultra violet rays ng araw ay pumasok o nakapaloob na sa ating atmosphere at hindi na makalalabas pa. Ang ultra violet rays ay matinding sikat ng araw na delikado sa balat ng tao sapagkat maaaring makapagdulot ng kanser sa balat. Sa kasalukuyan, nakararanas tayo ng global warming – ang matinding init na nararamdaman ng tao sa buong mundo. Apektado tuloy ang trabaho sa mga pagawaan maging sa loob at labas ng tahanan dahilan sa mabilis na pagkahapo na nararamdaman dulot ng matinding init at alinsangan. Kung naging maingat lang sana ang mga tao at hindi hinayaang marumihan ang hangin sa himpapawid ay hindi sana mabubutas ang ozone layer. Wala sana tayong pinangangambahang dulot ng greenhouse effect na isang dahilan din kung bakit naaapektuhan ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa.1. Ang damdaming nangingibabaw sa teksto ay:a. masaya c. mapangutyab. malungkot d. mapanlinlang2. Ang kilos ng teksto ay: c. mababa at mabilis a. mababa at mabagal d. mataas at mabagal b. mataas at mabilis3. Aling talata sa teksto ang nangangaral? d. 6 a. 2 b. 3 c. 4 27
4-5. Piliin ang letra ng mga pahayag na nagbibigay ng depinisyon. a. Patuloy ang pagsulong at pag-unlad ng mga bansang nakapaloob sa mundo b. Nakapasok sa loob ng mundo ang lutra violet rays ng araw na naging sanhi ng pagkakaroon ng greenhouse effect. c. Greenhouse effect ang tawag kapag ang ultra violet rays ng araw ay pumasok sa atmosphere at di na makalalabas pa. d. Global warming ang matinding init na nararamdaman ng mga tao sa buong mundo. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang mo angiyong mga kasagutan. Sagutin mo ngayon ang kasunod na pagsubok. Ang mga katanungan dito ay maykaugnayan sa mga araling ating tinalakay. Maaari ka nang magsimula… Gaano ka na kahusay? A. Panuto: Hanapin sa dakong ibaba ang letra ng mga pahayag na nagbibigay-kahulugan sa mga pahiwatig na pangungusap. 1. Ang batang lalaki’y hindi na nakapantalong maikli o putot. Siya’y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid ng pomada. 2. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. 3. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng likod-bahay. 28
4. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan ng kapayapaang biglang kumandong sa kanya. 5. Walang pagkakataong may natitirang pagkain sa plato at hapag-kainan ng pamilya ni Aling Nena sa tuwing siya ang nagluluto ng pagkain para sa pamilya. A. Ipinatuli na siya upang maging isang ganap nang lalaki. B. Di nakayanan ang sobrang pisikal na pananakit na naging dahilan ng pagkamatay. C. Masarap at gusto ng pamilya ang luto ni Aling Nena. D. Pagbabago ng gawi tungo sa pagiging isang binata. E. Nagkaroon na ng tinatawag na buwanang dalaw o pagreregla.B. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap at pagkatapos ay hanapin sa loob nito ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Kaalinsabay ng pagsulong at pag-unlad ang patuloy na pagsulpot ng iba’t ibang sakit dulot na rin ng mga kemikal na nalalanghap at nakakain kung kaya’t hindi na rin nababahala ang ilang mamamayan magkaroon man ng karamdaman sanhi ng nakapipinsalang kemikal. 2. Sa ganitong pagkakataon, ang ibang mamamaya’y nagpupunta at nagpapagamot sa mga albularyo sa paniniwalang may taglay silang galing ngunit higit na mas marami pa rin ang nagtutungo sa mga ospital at pagamutan upang magpakonsulta sa mga doktor. 3. Mayroon pa ring mga mamamayang Pilipino ang di naniniwala sa maidudulot ng makabagong teknolohiya. Sarado ang isipan sa mga pagbabagong nagaganap sa mundo samantalang ang karatig bansa’y nananalig sa galing at buti nito. 4. Gustuhin man ng mga Pilipinong makipagsabayan sa paglikha sa iba’t ibang imbensyon ay di nila maisakatuparan sapagkat naisin man nila ay kulang naman ang badyet at suporta ng gobyerno. 5. Sa kasalukuyan, totoong moderno na ang pamumuhay ng halos lahat ng pamilya at sa katunayan nga ay makabago nang lahat ang naglalabasang mga kasangkapan. 29
C. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na kasagutan.1. Ang tawag sa damdaming nangingibabaw o naghahari sa isang teksto ay:a. uri c. himigb. tono d. indayog2. Maaaring pababa at mabagal o mataas at mabilis ang _____ ng teksto.a. kilos c. himigb. intonasyon d. indayog3. Ang tekstong ekspositori ay naglalahad ng mga: a. iba’t ibang uri ng paglalarawan b. argumento sa iba’t ibang paksa c. pagsasalaysay sa ng mga pangyayari d. payak na paliwanag ng mga konsepto4. Binabasa nang __________ ang teksto kung ang damdaming nangingibabaway masaya o nagagalit.a. mababa at mabagal c. mababa at mabilisb. mataas at mabilis d. mataas at mabagal5. Binabasa naman nang __________ ang teksto kung ang damdamingnangingibabaw ay malungkot.a. mababa at mabagal c. mababa at mabilisb. mataas at mabilis d. mataas at mabagalD. Panuto: Isaayos ang mga pangungusap sa wastong pagkakasunud-sunod upang makabuo ng isang mabisang tekstong ekspositori. Buuin at isulat ito nang maayos sa sagutang papel sa anyong patalata.• Nasisira ang magandang kalikasang kaloob ng Maykapal sa pagkakaroon ng polusyon sa buong kapaligiran.• Maiiwasana ang anumang uri ng sakit at tiyak ang pagsulong at pag-unlad ng isang bayan kung magiging malinis ang kapaligiran at ligtas sa anumang polusyon.• Polusyon ang tawag sa pagdumi na ating kapaligiran.• Nagiging sanhi ito ng iba’t ibang uri ng sakit na nakasasagabal sa pag- unlad ng bayang nasasakupan.• Marami itong uri. Mayroong pulusyon sa hangin, tubig, ingay at basura o dumi. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawastoupang itsek ang iyonghuling gawain. 30
tinalakay. Nawa’y muling nagbigay sa iyo ng karagdagang kaalaman ang mga araling ating Hanggang sa muli… 31
Modyul 8 Pahayag na Interaksyunal/ Pangungusap na Nangangatwiran Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw uli sa iyo, kaibigan. Kung naging kapaki-pakinabang ang nakaraanmong aralin, tiyak na magugustuhan mo rin ang araling inihanda ko para sa iyo. Sa araw-araw nating pakikisalamuha sa ating kapwa, hindi naiiwasan kung minsan angpagkakaroon ng di-pagkakaunawaan. Ito ay batay na rin sa paraan ng pagkakasabi ng mgapahayag. Nagkakaroon ng ibang interpretasyon kung malakas, mabilis, mabigat ang bitiw ngmga salita. Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari, gumamit tayo ng wikangnagpapanatili ng magandang pagsasamahan, mga pahayag na kahit malimit marinig ay mayroonpa ring “dating” sa pinag-uukulan ng mga natatanging pahayag na ito. Nagiging malinaw rin angpaghahatid ng komunikasyon sa isa’t isa kung marunong tayong mangatwiran at magpaliwanagsa maayos na paraan sa mga pagkakataong salungat sa ating paninindigan ang ipinaglalaban ngating kausap. Lahat naman ay maaaring pag-usapan sa maayos at mapayapang pamamaraan. Isarin ito sa mga matututunan mo sa modyul na ito, ang paraan ng pangangatwiran. Matututunanmo rin ang mga salitang magpapayaman ng iyong bokabularyo. Lilinangin din ng modyul na itoang iyong kakayanan sa pagsulat ng talata gamit ang mga salitang ginagamitan ng mga letrangidinagdag sa alpabetong Filipino. Ngayong alam mo na ang mga araling iyong pag-aaralan, natitiyak kong sabik na sabikka nang simulan ang mga gawaing aking inihanda. Ano ang matututunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul naito.
1. A. Nakikilala ang mga pahayag na ang layon ay interaksyunal B. Natutukoy ang mga salita o lipon ng mga salitang nagpapakilala ng pagpapaliwanag at pangangatwiran2. A. Nakalilikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama B. Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang may magkakahawig na kahulugan3. Napapangkat ang mga ideya upang makabuo ng isang mabuting balangkas ng binasa4. A. Nagagamit nang wasto ang panuntunan sa pagbaybay ng salita batay sa binagong alpabeto B. Nabubuo ang isang talatang nagpapahayag ng reaksyon at saloobin ukol sa isang paksa Paano mo gagamitin ang modyul na ito?Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul.1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel para sa pagsagot sa pagsusulit.2. Sagutan mo at huwag lalaktawan ang panimulang pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito.3. Kunin mo sa iyong guro ang “Susi sa Pagwawasto.” Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto ha! Huwag kang mag-alala kung mababa ang iyong nakuha. May inihanda akong mga gawaing tiyak na makatutulong sa iyo.4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutan ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.5. Sagutin mo agad ang “Gaano ka na kahusay?” upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin. Kunin mong muli ang “Susi sa Pagwawasto” sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutan ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. 2
Ano na ba ang alam mo?Panimulang Pagsusulit Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala. Aalamin lang nitokung kailangan mo pa ba ang modyul na ito o kung tutuloy ka na sa susunod. Tandaang gumamitng hiwalay na sagutang papel. A. Mga Pahayag na Interaksyunal Panuto: Isulat ang letrang A kung ang layon ng pahayag ay interaskyunal at B kung hindi. 1. Binabati ko kayong lahat dahil sa tagumpay ng proyektong inyong inilunsad. 2. Ikinalulungkot ko ang nangyari. Hindi ko akalaing daramdamin mo ang aking sinabi. 3. Malayo ang mararating ng taong nagsisikap sa buhay, hindi ba? 4. Wala nang mangyayari sa buhay ninyo. Hanggang diyan na lang kayo. 5. Huwag kang mag-alala. Makababawi ka rin sa susunod. Dagdagan mo lamang ang pananalig. B. Isulat ang bilang 1 kung ang pahayag ay nagpapaliwanag at bilang 2 kung ito naman ay nangangatwiran. 1. Ayon sa mga ekonomista, malaki ang kontribusyon ng sector ng agrikultura sa pambansang kabuhayan. 2. Hindi dapat tayuan ng subdibisyon ang mga lupang sakahan sapagkat wala na tayong mapagtatamnan ng mga pangunahing pagkain at mapagkukunan ng mga hilaw na produkto. 3. Bilang patunay, kinukulang tayo sa suplay ng bigas na nagiging sanhi ng pagtaas nito sa mga pamilihang bayan. 4. Kung hindi aagapan ang ganitong suliranin ay tiyak na maraming Pilipino ang magugutom. 5. Kumilos agad tayo dahil walang ibang makatutulong sa atin kundi tayo rin.C. Paglikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama Panuto: Hanapin sa ibaba ang kahulugan ng tinutukoy sa bawat bilang 3
1. Isang uri ng ahas.2. Tumutukoy sa taong palaboy.3. Tawag sa away o gulo.4. Isang uri ng isda5. Tawag sa taong maramdaminbalagang bukid dahumpalaybasag-ulo balat-sibuyashampaslupa patay-gutomhalamang-dagat taingang-kawaliD. Mga salitang may magkakaugnay na kahulugan Panuto: Isulat ang letra ng salitang walang kaugnayan sa bawat hanay1. a. mayaman 2. a. taksil 3. a. mahirap b. masagana b. talipandas b. kulang c. malaman c. talusira c. aba d. marami d. talunan d. hamak4. a. dalubhasa 5. a. tampok 6. a. katugma b. magaling b. tanyag b. kaalit c. sanay c. kilala c. kaaway d. bihasa d. bantog d. kataloE. Pagpapangkat ng mga kaisipan Panuto: Isulat ang letra ng kaisipang hindi kapangkat ng mga kaisipan sa bawat bilang.1. a. Mahalaga ang sector ng agrikultura sa isang ekonomiya dahil sa lawak ng kontribusyon nito sa pambansang produksyon. b. Maraming pamilyang Pilipino ang umaasa sa agrikultura bilang pangunahing pinagmumulan ng kanilang ikinabubuhay. c. Mahigit sa kalahati ng badyet ng mga Pilipino ay inilalaan sa gugulin sa pagkain. d. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi pa rin huminto ang tensyon tungkol sa lupa.2. a. Nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Hunyo 10, 1988 ang Comprehensive Agrarian Reform Law. b. Ipinamamahagi ang lahat ng mga pampubliko at pribadong lupang Agrikultura. c. Naglaan ng mga kinakailangang serbisyong susuporta sa mga magsasakang binigyan ng lupa. d. Isa sa mahalagang salik na nagtatalaga sa kalayaan ng agrikultura na mabilis ang pagsulong nito.3. a. Lumiliit ang lupang pinagtataniman sa paglipas ng mga taon bunga ng iba’t ibang paggamit sa lupa sa larangan ng komersyo at pabahay. 4
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 474
- 475
- 476
- 477
- 478
- 479
- 480
- 481
- 482
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 482
Pages: