4. formulate c. formuleyt a. formulete d. formyuleyt b. pormuleyt5. specific c. specific a. espesipik d. especipik b. espesific Madali mo bang nasagutan ang mga gawain? Kunin mo ngayon ang Susi saPagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ngayon ang iyong mga kasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Kung tama lahat ang sagot mo, magaling! Kung mayroonnamang kamalian, basahin mo at unawaang mabuti ang mga paliwanag ko sa susunod nagawain. Tiyak kong makatutulong ito sa iyo. Sige, maaari mo nang simulan…Lagumin Narito ang ilang mahahalagang impormasyon na dapat mong tandaan sa pagbabaybayng salita batay sa binagong alpabeto.1. Sa paghahanap ng panumbas sa mga salitang hiram, maaaring sundin ang sumusunod na paraan: • Gamitin ang leksikon ng kasalukuyang Filipino sa panumbas sa mga mga salitang hiram. Ang leksikon ay talaan ng mga salita ng isang partikular na wika na inaayos nang paalpabeto o sa anumang maayos na paraan at may kaukulang kahulugan o depinisyon. • Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa. • Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.2. Gamitin ang walong (8) dagdag na letra (C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z) kapag ang salita ay hiniram ng buo ayon sa sumusunod na kundisyon: 40
• Pantanging ngalan ng tao, lugar, gusali, pangyayari at sasakyan. • Salitang teknikal o siyentipiko • Salitang may natatanging kahulugang kultural • Salitang may iregular na ispeling o gumamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog. • Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit. 3. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z, para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram. 4. Gamitin ang mga letrang C, F, Q, X sa mga salitang hiniram ng buo. Lubusan mo na bang naunawaan ang panuntunan sa pagbabaybay ng salita batay sabinagong alpabeto? Maaari mo na ngayong sagutin ang mga kaugnay na gawain tungkol sa mgapaliwanag na iyong nabasa.SubukinGawain 1Panuto: Suriin ang mga salitang hiram na sinalungguhitan sa loob ng pangungusap. Lagyan ng masayang mukha kung ang salitang sinalungguhitan ay umaayon sa tuntunin sa ispeling ng bagong alpabetong Filipino at malungkot ng mukha kung hindi. 1. Damang-dama sa kasalukuyan ang kakulangan ng elektrisidad sa ating bayan. 2. Marami pa rin sa ating mga kababayan ang tumatangkilik sa pagbili ng mga di- koryenteng applayanses. 3. Hindi pa rin mapigilan ang matagal na panonood ng telebisyon gayong malakas din itong kumunsumo sa kuryente. 4. Bukod sa kuryente, kulang na kulang din sa ibang lugar ang suplay ng tubig. 5. Nakagagamit na ng maraming tubig ang mga mamamayan na kadalasa’y mayroong mga bayrus na nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit.Gawain 2 41
Panuto: Baybayin sa Filipino ang sumusunod na salitang hiram gamit ang mga letrang F, J, V, at Z para katawanin ang letrang /f/, /j/, /v/ at /z/.1. cognitive - __________2. effective - __________3. vision - __________4. objective - __________5. memorize - __________Gawain 3Panuto: Hanapin ang anim (6) na magkakaugnay na kaisipan at pagsama-samahin ang mgaito upang makabuo ng isang talatang nagbibigay-reaksyon na ginagamitan ng mgasalitang binaybay batay sa binagong alpabeto. Huwag isama ang mga kaisipangwalang kaugnayan. • Maraming makabuluhang prajek ang maaaring isagawa ng pamahalaan upang mabantayan ang mga ganitong uri ng advertisment tulad ng ginagawa ng MTRCB na nagsasagawa ng revyu sa pelikula bago ipalabas sa mga sinehan at televisyon. • Lumalalang Mass Media • Kung bakit naman kasi walang humpay ang pagtaas ng halaga ng kuryente. • Nagbabasa ka ba ng mga magazine o nanonood kaya ng televisyon na kakikitaan ng iba’t ibang uri ng advertisment? • Hanggang kailan kaya tayo magtitiis sa kahirapang nararanasan natin sa kasalukuyan? • Nakalulungkot isipin na ang ganitong uri ng mass media ay kakikitaan natin ng malalaswang larawang viswal. • Ibang-iba ang mga kabataan ngayon! • Kung babaybayin ang kahabaan ng Rizal Avenue at Ayala Boulevard, di maiiwasang mapatingin tayo sa mga naglalakihang bill boards kung saan mapapansin ang larawan ng mga modelo na halos nakalabas na ang mga pribadong parte ng katawan. • Iwasan na lamang manood ng matagal upang hindi manlabo ang mga mata. • Di tuloy maiwasang makapagbigay ng fidbak ang sinumang makakikita sa mga ito! 42
Ganito ang magiging format ng iyong talata. ________________________________ (1) Pamagat (2) ______________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ (3) ____________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ (4) ____________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ (5) ____________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ (6) ____________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa mga Gawain? Tingnan mo ang resulta ng iyong mgakasagutan. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyongmga kasagutan. Kung mataas ang nakuha mong marka, maaari ka nang magsimula sa kasunod nagawain ngunit kung hindi, sagutin mo muna ang gawaing “Paunlarin” kayang-kaya mo itosapagkat kaugnay naman ito sa katatapos lang na Gawain. Maaari mo nang simulan. 43
PaunlarinPanuto: Basahing muli ang mga pangungusap na Gawain 3. Hanapin at isulat ang sampung (10) salitang binaybay batay sa binagong alpabeto na nakapaloob sa mga nakatalang pangungusap. Isulat ang mga ito sa loob ng kahon. 1. _____________ 6. ______________ 2. _____________ 7. ______________ 3. _____________ 8. ______________ 4. _____________ 9. ______________ 5. _____________ 10. ______________ Madali lang di ba? Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro atiwasto mo ang iyong mga kasagutan. Sagutin mo ngayon ang kasunod na pagsubok. Ang mga katanungan dito ay maykaugnayan sa apat (4) na araling tinalakay natin. Maaari ka nang magsimula… Gaano ka na kahusay?A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ang mga ito’y pangungusap na nagpapahayag ng pagpapaliwanag o pangungusap na nagpapahayag ng pangangatwiran. 1. Tinaguriang “Maliit na Dragon” at “Tigre ng Asya” ang Taiwan, Timog Korea, Singapore at Hong Kong. Bunsod ng pagsulong ng kanilang ekonomiya, pagbabagong ginawa sa industriya, paggamit ng mga teknolohiya at pagkakaroon ng matatag na pamahalaan. 2. Ang pamumuno ni Punong Ministro Lee Kuan Yew ay naging malaking salik sa pag-unlad ng Singapore sapagkat naakit ang mga negosyanteng namumuhunan sa kanyang matatag at mahusay na pangangasiwa ng bansa. 44
3. Matagumpay na nakikipagkumpetensya ang mga produkto ng Timog Korea - gaya ng mga gamit na elektronik, kotse at gamit pambahay – sa pamilihang pandaigdig.4. Nagkaroon ng riberal na sistema ng pagbubuwis ang Hong Kong mula pa noong 1950 kaya naakit na magtayo ng negosyo ang mga dayuhang kapitalista.5. Taun-taon, lumalaki ang per capital income (PCI) ng taga-Hong Kong at ito ang isang palatandaan ng magandang kalagayang ekonomiko ng lungsod.B. Panuto: Hanapin sa loob ng talata ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon. PATAKARANG WALANG KINIKILINGAN Ang mga bansang Asyano ay nahati sa dalawangmagkatunggaling ideolohiya: demokratikong pamumuhay at komunismo. AngIndia ay hindi pumayag sa alinmang ideolohiya. Ayon kay Jamaharlal Nehru,kauna-unahang Punong Ministro ng India, ang mga bansang Asyano aymaaaring manatiling walang kinikilingan at bilang Third Force o PangatlongPuwersa, makatutulong ito sa pagpapanatili ng katahimikan sa rehiyon. Dahilsa patakarang walang kinikilingan, kapwa mabuti ang ugnayan ng India sakomunista at sa demokratikong ng bansa.1. masama = _____________2. makagugulo = _____________3. magkakampi = _____________4. kaguluhan = _____________5. kahuli-hulihan = _____________C. Panuto: Hanapin ang letra sa kabilang pahina ng kaisipang sumasalungat sa mga kaisipan sa bawat bilang. 1. Natalo ang hapon at bumagsak ang kanilang ekonomiya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 2. Ang Pakistan at India ay magkadikit na bansa 3. Maliit lamang ang sukat ng bansang Brunei 4. Sagana sa yamang-likas ang Pilipinas 45
5. Ang Singapore ay bansang Asyanong maliit lamang at limitado ang yamang- likas Pagpipilian: a. subalit sila ay pinaghihiwalay ng paniniwala sa pamahalaan at sa relihiyon kaya madalas silang nag-aaway. b. Ngunit kinakailangang malinang nang husto ang mga ito ng mga mamamayang masisipag sa paglinang ng mga pinagkukunang yaman. c. Subalit ang kabuhayan dito ay maunlad sapagkat mayaman ito sa langis. d. Bagamat di maunlad sa likas na yaman, may lider naman silang napakahusay na magtuon ng malaking atensyon sa kalakalan. e. Ngunit pinagsikapan nilang linangin ang yamang likas ng bansa at inihanda ang mga mamamayan tungo sa kaunlaran. D. Panuto: Basahin ang talataan at bigyang-pansin ang paraan ng pagbasa sa mga salitang may salungguhit. Ibigay ang wastong baybay ng salita na kumakatawan sa tunog /f/, /j/, /v/, at /z/. Magkakaroon ng (1) achievement test ang mga mag-aaral kung kayat puspusan ang (2) pagrereview na ginagawa ng kanilang (3) adviser. Pinagsisikapang linangin sa mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa pagkilala sa mga tekstong (4) descriptive, (5) argumentative, (6) imformative, (7) narrative, at (8) persuasive. Malaki ang kumpiyansa ng guro na sila’y makakukuha ng mataas na (9) average sapagkat ang mga mag-aaral ay nagpakita ng magandang (10) behavior at pakikiisa sa isinasagawang balik-aral. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang itsek ang hulinggawain. Nawa’y muling nagbigay sa iyo ng karagdagang kaalaman ang apat na araling atingtinalakay. 46
Hanggang sa muli! 47
Modyul 11 Pagsulat ng Editoryal Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka, kaibigan? Isang gawaing pasulat na naman ang iyong matututuhan sa modyul na ito. Kung sa nakaraangmodyul ay natutuhan mo ang paraan ng pagsulat ng balita, sa modyul na ito ay mapag-aaralan moang pagsulat ng editoryal. Itinatanong mo kung paano nagkakaiba ang pagsulat ng balita sa pagsulat ng editoryal?Malaki ang pagkakaiba, kaibigan. Magkaiba ang uri ng balita at editoryal. Magkaiba rin ang paraanng pagsulat ng mga ito. Nasasabik ka nang malaman kung anu-anong pagkakaiba ang tinutukoy ko, ano? Kaya dapatmong basahin at pag-aralan ang kabuuan ng modyul na ito. Bilang paghahanda sa pagkatuto mo sa tatalakaying paksa at para lubusang magkaroon ka ngkaalaman sa kahulugan, uri at paraan ng pagsulat ng editoryal ay ipinaaalam ko sa iyo ang nilalamanng modyul na ito. Ang kabuuan ng modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin: Ang sub-aralin 1 ay nauukol sa kalikasan ng editoryal. Sa araling ito ay matututuhan mo angkahulugan, katangian at mga uri ng editoryal. Ang sub-aralin 2 ay nauukol sa paggamit ng wika sa editoryal. Sa araling ito ay matututuhanmo ang.wastong paggamit ng mga tiyak na pang-ugnay sa paglalahad ng sariling opinyon. Ang sub-aralin 3 ay nauukol naman sa aktwal na pagsulat ng editoryal. Sa araling ito aymatutuklasan mo kung paano nag-iiba-iba ang uri ng editoryal batay sa mga tiyak na katangian nito. Handa ka na ba, kaibigan? Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito, inaasahan kong magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng editoryal 2. Nagagamit nang wasto ang mga tiyak na pang-ugnay sa paglalahad ng pansariling opinyon 3. Nakapag-iiba-iba ng uri ng editoryal batay sa mga tiyak na katangian nito Madali lang ang mga araling pag-aaralan mo, di ba? Natitiyak kong magiging kasiya-siya saiyo ang mga araling matututuhan mo. 1
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gaya nang nasabi ko na, marami kang matututuhan sa modyul na ito. Bukod dito, magigingmadali para sa iyo ang lahat ng mga aralin at gawain kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba namagsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin. 3. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyo upang maging mabuti ang pagsagot sa mga Gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto. Ano na ba ang alam mo? Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Kumuha ka ng sagutang papel.At sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit. A. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng ______________________. A. balita. B. pakikipagtalo ng editor. C. kuru-kuro ng editor. D. bajet sa pagpapaimprenta. 2
2. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________. A. balita. B. paksa. C. panahon. D. pangyayari. 3. Ang nangingibabaw na katangian ng isang editoryal ay ang napapanahong pagtalakay sa __________________. A. mahahalagang balita. B. suliranin ng bansa. C. seguridad ng editor. D. pagkakaisa ng buong staff. 4. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ________. A. kakintalan B. paninindigan. C. ideya. D. tono. 5. Nagsisimula muna ang editoryal sa mga detalyeng _____________. A. kilala patungo sa di-kilala. B. di-kilala patungo sa kilala. C. kongklusyon patungo sa panimula. D. mabisa patungo sa kaakit-akit. 6 . Iniiwasan sa editoryal ang ___________________. A. magbigay-puri. B. manuligsa. C. magpaunawa. D. magbanta. 7. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay ______ A. nagpapabatid. B. nagpapakahulugan. C. nagpaparangal. D. nagbibigay ng reporma. 8. Pinaparangalan o pinupuri sa editoryal ang mga taong ___________. A. kapapanganak lamang. B. may malaking kontribusyon sa larangang kanyang napili. C. sumasang-ayon sa balita. D. sumusulat ng editoryal bilang libangan. 9. Sa editoryal, ang wakas ang ______________. A. nagpapakilala ng paksa. B. nakalilibang. C. naglalahad ng tahasang sabi. D. nagbibigay ng tagubilin o mungkahi.10. Sa pagsulat ng editoryal, ang pagtawag-pansin, pagtatanong at pagsasalaysay ay ilan lamang sa magagamit na _______________. A. pamagat B. panimula C. katawan D. wakas 3
II. Basahin ang editoryal. Kilalanin ang uri nito. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Bakit Hindi Kumpiskahin? Binalaan ni Sen. Juan Ponce Enrile si Sec. Mike Defensor ng Department of Environment and Natural Resources. Pinag-iingat ng senador ang kalihim sa pagkumpiska sa mga trosong inanod mula sa kabundukan ng Aurora. Binigyan din ng babala ang kalihim sa pagpapasara sa mga logging firm kundi ay mahaharap diumano ito sa patung-patong na kaso mula sa mga may-ari ng kumpanya. Sabihin na nating lehitimo ang mga kumpanyang may-ari ng mga trosong inanod sa kasagsagan ng bagyo. Subalit bakit pinabayaan ang mga ito at hindi dinala kaagad sa mas ligtas na lugar pagkatapos putulin kaya nagdulot tuloy ng panganib sa buhay ng mga residente? Ngayon ay nakahambalang lamang ang mga troso. Hahayaan na lamang ba na mabulok ang mga ito gayong wala pang logging firm ang umaangkin at kumukuha sa mga pinutol nitong puno kung sa kanila nga ang mga ito? -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 12, 2004, p. 4 1. Ang editoryal sa itaas ay ________________. A. nagpapabatid. B. nagbibigay-puri. C. nagpapahalaga sa tanging araw. D. Lumilibang Spy Fund ni GMA? Bakit nga ba merong intelligence fund ang Office of the President (OP)? Saan ba gagamitin ng President ang pondong pang-espiya o paniktik? Sino naman ang titiktikan nito? Ang mga law enforcement agencies lang naman talaga dapat ang meron nito. Ang kaso, mukhang mas malaki pa ang spy fund ng OP kesa pulisya at militar. Ito ang talagang hindi na tama. Utang na loob naman, kung meron higit na dapat paglagyan ng pondo ay itong agrikultura at health. Idagdag pa ang public works ngayong labis na sinalanta ng bagyo ang Aurora, Quezon, Nueva Ecija, Bulacan, at Camarines Sur. Ang dami-daming nangangailangan at makikinabang ng P650 milyong pondong ito. Burahin ang spy fund ng OP at ilagay sa mas importanteng gastusin at programa ng gobyerno. -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 9, 2004, p. 4. 4
2. Ang editoryal sa itaas ay isang halimbawa ng editoryal na ___________. A. nagpapabatid. B. nagpapakahulugan. C. namumuna. D. lumilibang.III. Basahin ang editoryal. Kilalanin ang mga bahagi nito. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Makibahagi Tayo sa Solusyon 1 Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang malagpasan natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin. 2 Kailangan ang solusyon para tayo makaahon. Kailangan ng mga kongkretong hakbang kung gusto nating makaalpas sa krisis na ito. At ang mga solusyon at hakbang ay mangangailangan ng partisipasyon ng lahat. Hindi lang sa gobyerno, Hindi lang ng mga negosyante. Hindi lang malalaking kumpanya. 3 Konting bawas lang sa konsumo ng kuryente at gas. Kaunting pagtitipid lang sa pang-araw-araw na gastos. Pansamantalang suspensyon lang ng mga luho sa katawan. Ang bawat kaliit-liitang higpit ng sinturon na ating gagawin ay isang malaking kontribusyon sa kalutasan ng problema. At sa totoo lang, tulong na rin natin ito sa ating sarili. 4 Iyan lamang naman ang kailangan nating solusyon, iyong pwedeng gawin. At lahat ng paraan ay gagawin natin nang sama-sama. - Halaw sa Abante Tonite, Agosto 25, 2004 p. 4 1. Ang panimula ng editoryal ay nasa bilang _____. A. 1. B. 2. C. 3. D. 4. 2. Ang katawan ng editoryal ay nasa bilang _____. A. 1 at 2. B. 1 at 3. C. 2 at 3. D. 3 at 4. 3. Ang wakas ng editoryal ay nasa bilang ____. A. 1. B. 2. C. 3. D. 4. 5
IV. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang salitang angkop isulat sa patlang sa paglalahad ng sariling opinyon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.V. sapagkat Samakatuwid Ayon sa 1. ___________ sa sinasabi ng marami ang mga OFW ang mga bagong bayani ng bansa. 2. Dumarami ang mga adik at kriminal ___________ nagpapabaya ang kinauukulan. 3. ______________ ay hindi dapat pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasawa.VI. Isulat sa sagutang papel ang bilang ng mga katangiang dapat taglayin ng isang editoryal. _____ 1. malinaw _____ 2. isang ideya lamang _____ 3. maligoy _____ 4. makatotohanan _____ 5. nakalilibang Wasto kaya lahat ang mga sagot mo? Malalaman mo ang mga tamang sagot sa SUSI SAPAGWAWASTO na kukunin mo sa iyong guro. Palagay mo ba ay kailangan mo pa ang modyul na ito? Sige, simulan mo na ang pag-aaral.Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Mga Uri ng EditoryalLayuninAng sub-araling ito ay lilinang ng sumusunod na mga layunin:1. Nakikilala ang kahulugan, katangian at iba’t ibang uri ng editoryal2. Natutukoy ang mga bahagi ng editoryal 6
Alamin Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek () ang patlangna nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____ 1. Walang dapat gawin ngayon ang mga government prosecutors kundi ituluy-tuloy ang pag-iimbestiga buhat sa impormasyong ibinigay sa America. _____ 2. Ayon sa impormante, hindi raw sakahan ang 35 hektarya ng mag-asawa kundi coconut plantation sa Atimonan, Quezon. _____ 3. Ang Filipino Gifted Child ay isang mahalagang yaman na dapat pag- ingatan at pagyamanin. _____ 4. Umaasa ang mga lider sa Kamara na ang dalawang oras ng pagkikita nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at US President George W. Bush ay magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa Pilipinas. ____ 5. Hinimok ni Senador Richard Gordon ang mga nasa oposisyon na makipag-kapit-bisig sa administrasyon sa pagresolba ng maraming problemang kinakaharap ng bansa Ito ang mga tamang sagot: 1, 3, at 4. Tama ba lahat ang mga sagot mo? Magaling! Ang bilang 2 at 5 ay hindi nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro dahil ang mga ito’y balita.Tama, balita. Ganito ang mga nababasa mo sa dyaryo, di ba? Kung ang mga bilang 1, 3 at 4 ay nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro, ano naman angtawag dito? Tama, bahagi ang mga ito ng editoryal. Ibig mo pang magkaroon ng maraming impormasyon tungkol sa editoryal? Ipagpatuloy moang pagbabasa.Linangin Kapag nakabasa ka ng balita sa dyaryo, may reaksyon ka ba? Ipinahahayag mo ba ang sarilimong opiniyon o kuru-kuro tungkol dito? Kung Oo ang sagot mo, may kakayahan kang pag-ugnayin ang balita at ang sarili mong kuru-kuro o opinyon. Alam mo bang nasa unang hakbang ka nang pagsulat ng editoryal? Hindi ka makapaniwala, ano? Ngunit bago ka lubusang makapagsulat ng editoryal, mabuting magkaroon kamuna ng mga impormasyon tungkol dito. Handa ka na? 7
Ano ang editoryal? Ayon kay Miller, ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ngpuna ng editor. Isinusulat ng editor ang editoryal batay sa umiiral na mahahalagang balita upangmagturo o magbigay ng impormasyon, magbigay-puri, manuligsa o magpaunawa. Napansin mo ba ang pariralang nakalimbag nang pahilig? Mahalaga ito dahil sa balitanagmumula ang paksang isinusulat sa editoryal. Samakatuwid, ang balita’y dapat na maging bago atnapapanahon. Bagama’t matagal nang namayapa at nailibing ang dating senador Benigno “Ninoy”Aquino, ito’y hindi na dapat pang maibalita, ngunit kung may bagong balita tungkol sa kanyangpagkamatay, gaya nang bagong testigong lumantad na di umano’y nakakita sa tunay na pangyayari,ito’y maihahanay bilang isa sa tinatawag na umiiral na mahahalagang balita. At ito ay maaaringmaging paksa ng editoryal. Maging ang masalimuot na balita ay hindi pinalalampas ng editor. Ito’y patuloy na binibigyanniya ng puna o kuru-kuro gaya ng katiwalian sa gobyerno, dayaaan sa eleksyon, paglaganap ngepidemya, bagong batas na isinusulong, atb. Malinaw na ba sa iyo ang kahulugan ng editoryal? Kung OO ang sagot mo, pag-usapannaman natin ang mga katangian ng editoryal. Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo ang pagbasa.Anu-ano ang mga katangian ng editoryal? Ang sumusunod ang mga katangian ng editoryal: 1. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ideya. Ang editoryal ay hinango saisang napapanahong balita. Samakatwid, isang balita lamang ang dapat pagtuunan ng pansin ngeditor. Walang editor na sumulat ng editoryal na hango sa pinaghalu-halong balita. Nakafokuslamang siya sa isang balita upang isang ideya lamang tatakbo ang kanyang isinusulat. Halimbawa:Balita: Luha at kalungkutan ang nangibabaw sa unang araw ng burol ng hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., partikular nang ilipat ito mula sa Arlington Chapel sa Pasig City patungong Sto Domingo Church kaninang hatinggabi. Dakong alas-11:35 kagabi nang ibiyahe ang labi ni FPJ na ineskortan ng kapulisan. Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 15, 2004, p. 4.Editoryal: FPJ 1939 – 2004 Katulad ng kanyang buhay na naging alamat mula nang makilala at tingalain sa pinilakang tabing, naging mahiwaga rin 8
para sa mga taong tumitingala sa kanya ang biglaan niyang paglisan sa mundong ito. Ang maganda sa naging buhay ni Da King sa loob at labas ng industriyang kanyang ginagalawan ay nag-iwan siya ng magagandang alaala. Ito ang mga kabutihang humaplos sa buhay ng mga taong kanyang pinag-ukulan ng pagmamahal at pag-aaruga na walang inaasahang kapalit. Kaya naman ngayong wala na ang kanilang idolo, ipinakita rin ng mga taong nadulutan niya ng kabutihan ang kanilang pagmamahal sa kanya. Subalit hindi lang ang mga taong malalapit sa kanya at natulungan ang kundi ang masang Pilipino na sa loob ng maraming panahon ay nasubaybayan ang kanyang buhay sa loob at labas ng pinilakang tabing. Inspirasyon at pag-asa. Malinis ang kalooban. Ilan lamang ito sa kanyang katangian na hindi matatagpuan sa lahat ng mga kasalukuyang lider ng bansa. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 15, 2004, p. 4. Tungkol kanino ang balita? Tungkol kanino naman ang editoryal? Kung tungkol kay FPJang sagot mo sa dalawang tanong, madali mong napag-ugnay ang ideyang tinatalakay sa balita at saeditoryal dahil isang tao lamang ang tinutukoy. Sige, magpatuloy ka pa sa pagbabasa. 2. Sa editoryal, ang bawat katwiran ay kailangang may patunay. Higit na kapani-paniwalaang editoryal kung may kalakip na ebidensya bilang patunay sa binibigyang-katwiran. Maaari ringsamahan na lamang ng siniping kuru-kuro.ng mga awtoridad. Halimbawa: ‘Di Ubra ang Payo ng DTI Ilang beses na ngayong taon nagkaroon ng mga sakunang dulot ng sunog na sanhi ng depektibong Christmas lights na maganda lamang ang panlabas na itsura ngunit hindi pala garantisado ang kaligtasan. Dahil sa mababang kalidad ay nalalagay sa panganib ang mga taong walang kamalay-malay na peligro pala ang kanilang nabiling pailaw. Ang payo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko ay suriing mabuti bago bumili ng lights. Hanapin daw ang mga markang “PS” para sa Philippine Standards at “ICC” o Import Commodity Clearance. Isang katunayan daw 9
kapag may ganitong marka na dumaan sa pagsusuri ng Bureau of Product Standards at ligtas gamitin ang produkto. Ang problema at naglipana na ngayon ang mga Christmas lights kagaya ng iba pang ipinapalamuti sa tahanan tuwing Kapaskuhan. Kahit sa mga bangketa ay makakabili nito sa murang halaga lamang. Dahil sa dami ng mga nagtitinda nito ay hindi na malaman kung alin ang pasado sa quality control ng pabrikang gumawa. Mahirap na ring malaman kung pasado nga ba sa pamantayan ng DTI ang mga ibenebentang produkto. Trabaho ng DTI na bantayan ang kapakanan ng mga consumer sa pamamagitan ng pagbantay laban sa mga peligrosong produkto. -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 19, 2004, p. 4. Matapos mong mabasa ang editoryal ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang sanhi ng sakunang dulot ng sunog? 2. Ano ang ipinayo ng Department of Trade and Industry (DTI)? 3. Paano maiiwasan ang pagbili ng depektibong Christmas lights? Ito ang tamang sagot: 1. depektibong Christmas lights 2. Suriing mabuti bago bumili ng lights. 3. Hanapin ang mga markang “PS” para sa Philippine Standards at “ICC” o Import Commodity ClearanceAnu-ano ang mga uri ng editoryal? 1. Editoryal na nagpapabatid. Ipinababatid ng editoryal na itoang katotohanan ng isang pangyayari o ng isang bagay. Halimbawa: Napapanahong Modernisasyon Napansin din sa wakes ng Kongreso ang malaking kakulangan sa kagamitan ng mga bumbero. Isa raw sa magiging prayoridad ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection sa kanilang pagbabalik- sesyon sa susunod na taon. Kabilang ang mga bumbero na nasa frontline kapag may sunog. Sila ang unang-unang inaasahan na reresponde sa mga ganitong insidente. Maliban sa sunog 10
ay mayroon pang ibang pakinabang sa kanila kapag may emergency. Subalit dahil na rin sa kakulangan ng sapat na mga kagamitan ay hindi matupad nang husto ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin. Kadalsan pa na sila ang sinisisi kapag hindi agad naagapan ang isang sunog. Kung hindi man ay mayroong pang mga nasusugatan o kaya’y nasasawi sa kanila habang tumutupad sa tungkulin. Kaya nga malaking bagay itong napansin na rin ngayon ang kalagayan ng Bureau of Fire Protection. Sana lang ay totohanin ng mga mambabatas na isulong ang modernisasyon sa hanay na ito ng mga manggagawa ng gobyerno. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 20, 2004, p. 4. Anu-anong mga impormasyon ang ipinabatid sa iyo ng nabasa mong editoryal?Piliin ang bilang ng tamang sagot at basahin. 1. Kulang ang gamit ng mga bumbero. 2. Ang modernisasyon ng Bureau of Forestry ang magiging prayoridad ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan. 3. Ang mga pulis ang unang-unang inaasahan na respondente sa sunog. 4. Hindi natutupad ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin. 5. May mga nasusugatan o kaya’y nasasawing mga bumbero kapag may sunog. Ito ang tamang sagot. 1, 4 at 5. 2. Editoryal na nagpapakahulugan. Ang paksa at nilalaman ng editoryal na ito ayang kahahantungang kahulugan ng isang balita, pangyayari o kalagayan. Halimbawa: Cellphone, Sagabal sa Pag-aaral Nokia. Bosch. Ericson. Siemen. Ilan lamang sa mga klase ng cellphone na “in” ngayon at pinagkakagastusan ng maraming Pilipino. Talagang popular na popular na ito sa ating bansa dahil ultimo nga mga kabataan o estudyante ay may sarili nang gamit na cellphone na ikinabahala naman ng mga namumuno at guro ng paaralan. Simula noong taong 2001 ay ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan. Talagang hindi kayang pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone sa paaralan dahil karapatan nila iyon, subalit ang paggamit ng 11
cellphone at pagpapadala ng mga text messages sa loob ng silid-aralan ay bawal. Ayon kay National Telecommunication Commission (NTC) Chief Joseph Santiago, nangunguna na ang Pilipinas sa pinakamaraming nagpapadala ng text messages bawa’t araw. Umaabot na nga ito sa 8 milyon kumpara sa Europe na 1 milyon lamang bawat araw. Marahil magiging makabuluhan lamang ang cellphone at text messaging kung gagamitin natin ito sa tama at mabuting paraan. Halaw sa Ang Mulawin, Nobyembre 2000, p. 2. Anong mahahalagang impormasyon ang natutuhan mo sa editoryal? Piliin ang mga bilang ngtamang sagot. 1. Popular na popular sa bansa ang cellphone. 2. Ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan simula pa noong 2001. 3. Nangunguna na ang Europa sa pinakamaraming nagpapadala ng text messages bawa’t araw. 4. Hindi kayang pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone. 5. Magiging makabuluhan lamang ang cellphone kung gagamitin sa tama at mabuting paraan. Ito ang tamang sagot: 1, 2, 4 at 5. 3. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri. Layunin ng editoryal na ito napahalagahan ang sinumang may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura,ekonomiya, sining, wika, agham at teknolohiya. Layunin din nitong papurihan ang proyekto,programa o gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng paaralan, komunidad, lungsod, bayan orehiyon. Halimbawa: MMFF 2002 Bahagi na ng Paskong Pilipino ang pagtatanghal ng Metro Manila Film Festival, kung saan pitong purong pelikulang Filipino ang ipinapalabas sa mga sinehan sa Kamaynilaan na mapagpipilian ng mga manonood sa Kapaskuhan. Mapalad ang nakasama sa sa MMFF ngayon. Mula sa pitong pelikula na entry sa MMFF, na mapapanood sa Disyembre 25 hanggang Enero 1, 2003, iraranggo ang mga ito at ang papasok sa ikaanim at ikapitong puwesto ng mga pelikulang kumita, 12
ay huhugutin at papalitan. Kaugnay nito, dapat na maging batayan marahil ng selection committee ng MMFF sa pagpili ng pelikulang ilalahok ay ang pelikulang tunay na sasalamin ng ating pagka-Pilipino. Sasalamin sa ating galing sa larangan ng pelikula bilang mga Pilipino. - Halaw sa Kabayan, Disyembre 17, 2002, p. 5. Matapos mong mabasa ang editoryal, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pinupuri o pinaparangalan sa editoryal? 2. Ano ang mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa unang talata? Ito ang tamang sagot: 1. Metro Manila Film Festival 2. Ang MMFF ay bahagi ng paskong Pilipino. 4. Editoryal na Pumupuna o Bumabatikos o Nagbibigay ng Reporma. Ang editoryal na ito aytumutuligsa sa mga kamalia ng karaniwang mamamayan, maykapangyarihan, samahan, lipunan o ngbansa at nagmumungkahi ng mga reporma alang-alang sa kapakanan ng nakararaming mamamayan.Halimbawa: Sindikato sa Squatting Marami sa ating mga kababayan ang walang permanenteng tahanan sa sarili nitong bayan. Marami rin sa kanila ang hindi makabili ng sariling lupa na mapagtatayuan ng bahay. Kaya nga umusbong ang mga squatter sa mga lupang may nagmamay-ari nito. Sinasamantala naman ito ng ilan sa ating mga kababayan na gustong kumita sa mabilis ngunit maruming paraan. Wala silang puhunan kundi matamis na pananalita, mga pekeng dokumento at bakanteng lupain para makakumbinsi ng mga naghahangad magkaroon ng sariling lupa’t bahay. At kasama pa ang pangakong proteksyon, marami sa kababayan natin ang naloloko ng mga taong ito. Walang ibang kawawa rito kundi ang mga taong niloko ng sindikato. Nagoyo na sila, natangayan pa ng pera na malabo nang mabawi pa. Pero hindi rin masisisi lahat sa sindikato. Wala kasing maloloko kung walang magpapaloko. Kasalanan na rin minsan ng mga tao kung bakit sila naloloko. Samantala, dapat talagang pag-ibayuhin pa ng pamahalaan 13
Halaw sa Abante Tonite, Agosto 16, 2004, p. 4. Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pinupuna ng editoryal? 2. Anu-anong mga di-magagandang pangyayari ang magpapatunay na pinupuna o binabatikos ng editoryal ang sindikato sa squatting? Ganito ba ang sagot mo sa mga tanong? 1. sindikato sa sqatting 2. Sinasamantala ng ilan sa ating mga kababayan ang squatting para pagkakitaan ang ating mga kababayan sa mabilis ngunit sa maruming paraan. Wala silang puhunan kundi matamis na pananalita, mga pekeng dokumento at bakanteng lupain para makakumbinsi ng mga naghahangad na magkaroon ng sariling lupa’t bahay. Kung tama ang mga sagot mo, magaling! Matapos mong mapag-aralan ang kahulugan, mga katangian at mga uri ng editoryal, mgabahagi ng editoryal naman ang pag-aaralan mo. Handa ka na ba?Anu-ano ang mga bahagi ng editoryal?Ang editoryal ay may tatlong bahagi: 1. Panimula. Ang bahaging ito ang nagpapakilala ng paksa. Gaya nang nasabi na sa unangbahagi ng modyul na ito, ang paksang susulatin sa editoryal ay batay sa mahalagang balita.Halimbawa: Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang malampasan natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin. 2. Katawan. Ito’y binubuo ng dalawa o higit pang talata na nagpapaliwanag, naglalarawano nangangatuwiran sa tulong ng mga katibayan upang makapaglahad ng sariling kuru-kuro.Halimbawa: Ang gobyerno ay isang maliit na sektor lang ng lipunan bagama’t ito ang pinamamahala natin sa pondo, sa batas, sa basic services at sa pangkalahatang kalakaran. Gayundin 14
ang mga negosyante at kumpanya. Pero ang pinakamalaking sektor ng lipunan ay tayong masa.3. Wakas. Sa bahaging ito ay mababasa ang huling mungkahi o tagubilin.Halimbawa: Iyan lang naman ang kailangan nating solusyon, iyong pwedeng gawin. At lahat ng paraan ay gagawin natin nang sama-sama. Malinaw na ba sa iyo ang mga bahagi ng editoryal? Kung OO ang sagot mo, maaari monang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.Gamitin Basahin ang isang bahagi ng editoryal. Isulat sa sagutang papel ang uri nito. 1. Kahanga-hanga ang ipinakitang galing sa pagguhit ng mga batang Angono. 2. Bilang kristiyano, ito ang tamang panahon upang kilalanin at tanungin natin ang ating sarili kung ano ang dahilan o dapat gawin para sa pinakaaabangang selebrasyon. 3. Ito ang dapat na unahin at hindi ang walang kabuluhang pag-aagawan ng kapangyarihan at pakikialam ng pulitika sa larangan ng isports. 4. Natalo tayo hindi dahil sa mahihina ang ating mga atleta, kundi ang kawalan ng sapat na pondo para makapag-ensayo nang tama at magkaroon ng sapat na pasilidad at kagamitang pang-isports na may mataas na kalidad. Subalit hindi ito ang makikita nating pagpapahalaga ng mga kinauukulan. 5. Halos 45 milyong taon nang naririto ang isang uri ng substansya at dagta ng halamang natuklasang kayang pumatay ng bacteria at virus. Ang propolis ay dagta mula sa dahon at balat ng kahoy. Ito ang mga tamang sagot: 1. nagpaparangal o nagbibigay-puri 2. nagpapabatid 3. pumupuna o bumabatikos 4. pumupuna o bumabatikos 5. nagpapakahulugan 15
Tama ba ang mga sagot mo? Kung gayon, madali mo nang matukoy ang iba’t ibang uri ngeditoryal. Ipagpatuloy mo ang pagbabasa.Lagumin Natatandaan mo pa ba ang mga kaalamang natutuhan mo sa sub-araling ito? Lagumin natin. Sa araling ito ay natutuhan mong ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan na nagsasaad ngpuna ng editor at kauri nito. Ito’y isang artikulong nagbibigay-pakahulugan sa mga balita. Kabilang sa mga katangian ng isang editoryal ay ang mga sumusunod: (1) Kailangangmagtaglay ng isa lamang ideya, (2) Kailangang maging malinaw, (3) Kailangang magingmakatwiran, at (4) Kailangang may patunay. Ang editoryal ay may iba’t ibang uri: (1) Editoryal na nagpapabatid, (2) Editoryal nanagpapakahulugan, (3) Editoryal na pumupuna o bumabatikos o nagbibigay ng reporma, at (4)Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri.Subukin Basahin ang isang bahagi ng editoryal sa bawat bilang at isulat sa hanay A sa sagutang papelkung ito’y: A. - nagpapabatid B. - nagpapakahulugan C. - pumupuna o bumabatikos o nagbibigay ng reporma D. - nagpaparangal o nagbibigay-puri Letra lang ang isulat sa sagutang papel. Kilalanin din ang bahagi ng binasang editoryal. Isulat sa hanay B sa sagutang papel ang Pkung ito’y panimula, K kung ito’y katawan at W kung ito’y wakas. AB 1. Bukas gugunitain at ipagdiriwang ng sambayanan ang araw na isinilang ang sanggol sa sabsaban. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 24, 2004 p. 4. 2. Wala na sigurong lulungkot pa ang Pasko sa maraming kababayan natin sa Aurora at Quezon. Ang dalawang lalawigang ito ang pinakamatinding sinalanta magkakasunod na bagyong dumating sa bansa. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 23, 2004, p. 4. 3. Ang tanong ngayon ay bakit isa lang ang jailguard na 16
nagbabantay sa mga preso ng PDEA? Hindi ba dapat ay maximum security ang ipinapatupad dito lalo pa’t pawing sangkot sa mabigat na kasong may kinalaman sa droga ang mga nakakulong sa kanilang detention cell? - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 21, 2004, p 4. 4. Libu-libo silang kumilos para makaraos ang halalan kahapon. Malaki ang dapat na ipagpasalamat sa kanila ng pamahalaan. Dahil maliban sa mga guro ay wala na tayong nakikitang iba pa na makakagawa ng ginagampanan nilang tungkulin tuwing panahon ng halalan. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 12, 2004, p. 4. 5. Idineklara pang “generally peaceful” ang katatapos lang na eleksyon. “Peaceful” nga dahil tahimik na ang ilang namatay. Isolated case daw gayong may namamatay at nabibiktima ng Mga bayolenteng politiko tuwing eleksyon. - Halaw sa Abante Tonite, Mayo 14, 2004, p. 4.Ito ang mga tamang sagot. Maging matapat ka sana sa pagwawasto: AB 1. B P 2. A P 3. C K 4. D K 5. D W Tama ba lahat ng sagot mo? Kung OO ang sagot mo, maaari ka nang magpatuloy saikalawang sub-aralin.Sub-Aralin 2 Gamit ng mga Pang-ugnayLayunin 1. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa paglalahad ng sariling opinyon 2. Natutukoy ang kahulugang ibinibigay ng mga pang-ugnay sa mga pahayagAlamin Basahin ang isang bahagi ng editoryal sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang angkop nasalitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 17
Upang ng Samakatuwid Kaugnay nito Ayon kay at Ayon sa1. Mas makapal ang dumi____ nasasagap sa mga commuters na nagbibiyahe.2. ________ talaan ng Department of Health (DOH) at ng Philippine CancerSociety ay may 70,000 bagong kaso ng sakit na kanser ang nadidiskubretaun-taon.3. ________ Dr. Brenda Pennix, isang gerontologist sa Wake Forest University,North Carolina, depresyon ay nakapagpapataas ng stress.4. _______ malaman kung ang isang tao ay apektado na ng sakit na SARS,kailangang malaman kung nakapaglakbay siya sa alinman sa mga bansangapektado ng SARS gaya ng Hongkong, China, Singapore at Vietnam.5. ________, kailangang bigyan ng kaukulang pansin ang ganitong problema.Narito ang mga tamang sagot. Wastuin mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. ng 2. Ayon sa 3. Ayon kay 4. Upang 5. Samakatuwid Tama ba lahat ang mga sagot mo? Magaling! Alam mo bang ang mga salitang iyan aymadalas magamit sa editoryal sa paglalahad ng sariling opinyon ng editor? Alam mo rin bang angtawag sa mga salitang iyan ay panandang kohesiv?Linangin Sa editoryal mababasa ang sariling opinyon ng editor o ng buong staff ng pahayagan. Dahildito, mahalagang malaman ng editor ang mga tiyak na istrukturang gramatikal na kanyang gagamitinsa paglalahad ng opinyon. Basahin ang halimbawa: Kaunti na Lang ang Nagugutom na Pinoy? Noong Agosto 2004 lumabas ang survey ng Social Weather Station (SWS) na isa sa bawat pitong pamilyang Pinoy ay walang makain at nakadarama nang grabeng pagkagutom Ang survey na ito ng SWS ang naging hudyat para kumilos ang Arroyo administration at agad ipinag-utos ang pamamahagi ng food coupons para sa mga mahihirap na pamilyang nagugutom. Ang food coupons ay ipapamahagi sa milyong mahirap na pamilya sa buong bansa. 18
Ayon sa SWS, nagtipid sa gastusin ang bawat pamilya. Mula sa dating nagagastos na P10,000 isang buwan ng isang pamilya naging P5,000 na lamang ang kanilang ginagastos. Halos kalahati ang kanilang natipid. Tatlong buwan pagkaraan ng ginawang survey, nagsagawa muli ang SWS ng panibagong survey at lumabas na bumaba na ang mga nagugutom ng pamilyang Pinoy. Mula 53 percent ay naging 48 perecent na lamang. Bumaba ng limang porsyento. Natutuwa na sana ang Malacanang sa survey ng SWS pero iyon ay napalitan ng pagkadismaya sapagkat ang dahilan pala kaya bumaba ang nagugutom ay dahil sa “paghihigpit ng sinturon”. Hindi dahil may nagawang paraan ang pamahalaan kundi dahil na rin sa pagtitiis o pagtitipid ng mamamayan. Kailangang maghigpit ng sinturon para makamit ang minimithing pagkain. Tiyak na ang mga bata ang magdaranas ng hirap sapagkat wala nang sustansya ang pagkaing mabibili dahil dahil sa pagtitipid o paghihigpit ng sinturon ng kanilang mga magulang. Ang pinakamabuting magagawa ng pamahalaan ay ipursige ang pagki-create ng trabaho para sa mga jobless na Pinoy. Kung mayroong trabaho ang bawat mga ama o maski ang ina, tiyak na hindi na nga makararanas ng gutom ang bawat pamilya. Hindi ang food coupons ang kasagutan sapagkat tuturuan lang na maging tamad. Trabaho ang ibigay para magkaroon ng direksyon ang natutulirong mamamayan. - Halaw sa Pilipino Star Ngayon, Disyembre, 2004, p. 2. Sa editoryal na nabasa mo ay gumamit ng iba’t ibang uri ng pang-ugnay ang editor na binubuong (1) pangatnig - at, o, saka, ngunit, subalit, samakatuiwid, atb.; (2) pang-ukol – ayon sa, ayonsa, para kay, para sa, tungkol sa, alinsunod sa, atb.; at (3) pang-angkop - -ng at na. Sa editoryal na nabasa mo ay gumamit ng mga sumusunod na pang-ugnay ang editor: 1. pangatnig: Isa sa bawat pitong pamilyang Pinoy ay walang makain at nakadarama ng grabeng pagkagutom. 2. pang-ukol: Ayon sa SWS, nagtipid sa gastusin ang bawat pamilya. 3.. pang-angkop: Ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na isa sa mga bawat pitong pamilyang Pinoy ay walang makain at nakadarama nang grabeng pagkagutom. Samantala, gumagamit din ang editor ng mga panandang kohesiv sa editoryal kabilang ang(1) kontrast, (2) sanhi at bunga, (3) pagkakaltas at (4) kongklusyon. 19
Ang mga panandang kohesiv na ito ay ginamit sa editorial na binasa mo gaya ng mgasumusunod: 1. kontrast pagkagutom → pagkabusog natutuwa → nalulungkot 2. sanhi at bunga - sanhi → paghigpit ng sinturon bunga → pagbaba ng porsyento ng mga nagugutom 3. pagkakaltas Mula 53 percent ay naging 48 na lamang. (Nakaltas sa pangungusap ang ang mga nagugutom na pamilyang Pinoy.) 4. kongklusyon - Trabaho ang ibigay para magkaroon ng direksyon ang natutulirong mamamayan.Gamitin Basahin ang editoryal. Punan ng tamang pangatnig ang mga patlang na may bilang. Piliinang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ng na sa loob Sa bawat o at Bukod dito dahil sa Samakatuwid Dahil dito Disiplina, Lubhang Kailangan ____1____ taong nagdaraan, tila yata unti-unti nang nawawala ang disiplinang mga kabataan lalung-lalo na sa paaralan. Ang hindi pagsusuot ng ID ng mga mag-aaral _____2_____ ng paaralan ayisa_3_ halimbawa ng kawalan ng disiplina. Hindi na siguro kailangan pang sitahin___4___ pagsabihan ang mga estudyante __5__ kasama ito sa pinirmahangkasunduan. _____6_____, walang tigil ang pagsusulat sa mga silya, pasilyo at palikuranang mga mag-aaral na nagdudulot ng di-kaayang tanawin. Sana’y matigil na. Kahitilang beses silang pagsabihan ng mga guro ay hindi rin ito matigil ____7___katigasan ng kanilang mga ulo. ___8____, hinihiling ng pahayagang ito sa administrasyon ng paaralan nahigpitan ang kanilang mga ipinaiiral na alituintunin sa loob ng paaralan para 20
tuwirang madisiplina ang mga estudyante. At dahil napakahalaga ng disiplina,______9_____ ito’y dapat magsimula sa ating mga sarili __10__ mga estudyanteng paraalang ito.Ito ang tamang sagot. Wastuin mo ang iyong sagot.1. sa bawat 6. kaugnay nito2. sa loob 7. dahil sa3. ng 8. dahil dito4. o 9. samakatuwid5. na 10. bilang Samantala, anu-anong mga panandang kohesiv ang nabasa mo sa editoryal? Balikan mongbasahin ang editoryal.Ganito ba ang mga sagot mo?kontrast: nawawala → nagkakaroon higpitan → luwagansanhi at bunga: sanhi: kawalan ng disiplina bunga: di pagsusuot ng I.D.pagkakaltas: Kaugnay nito, walang tigil ang pagsusulat sa mga silya, pasilyo, at palikuran ang mga mag-aaral na nagdudulot ng di-kaaaya-ayang tanawin. Sana’y matigil na ito. Napansin mo ba na pagkatapos ng pangungusap ay nakaltas ang ang pagsusulat sa mga silya, pasilyo at palikuran ang mga mag-aaral?kongklusyon: At dahil napakahalaga ng disiplina, samakatuwid, ito’y dapat magsimula sa ating mga sarili bilang mga estudyante ng paaralang ito.Lagumin Mahalaga sa editoryal ang paggamit ng mga salita sa paglalahad ng sariling opinyon. Ang isasa mga salitang ito ay ang pang-ugnay na mauuri sa mga sumusunod: (1) pangatnig, (2) pang-ukolat (3) pang-angkop. 21
Ang mga panandang kohesiv gaya ng kontrast, sanhi at bunga, at kongklusyon ay ginagamitdin sa editoryal.Subukin Basahin ang editoryal. Itala sa sagutang papel (1) ang mga pang-ugnay na ginamit. Kungnaitala na ang salita ay huwag nang uliting isulat, at (2) panandang kohesiv. Manhid na sa Sakuna? Sisihan, turuan at imbestigasyon. Paulit-ulit na lamang subalit halos pare-pareho rin lang naman ang ating mga naririnig na katuwiran. Ganito ang laging nangyayari tuwing may mga sakunang naganap na katuladng paglubog ng barko, gumuhong gusali at kung anu-ano pang trahedya. Subalit angtanong ay kung mayroon bang pagbabago? Kagaya na lamang ng pinakahuling trahedya na sinapit ng isang tren salalawigan ng Quezon. Halimbawa pa natin ang paglubog ng barko habangnaglalayag sa gitna ng karagatan. Kung iisa-isahin ay napakahaba na ng listahan ngmga sakuna rito sa ating bansa. May mga batas nga hindi naman naipatutupad ang mga ito nang maayos.Karaniwan pang katuwiran na kapos o walang pondo, kulang sa mga tauhan namagpapatupad nito at kung anu-ano pang alibi. Napag-iiwanan na nga tayo ng mga kapit-bansa natin ay nagpapabaya pa angmga kinauukulan. Manhid na nga siguro tayo at tinatanggap na lamang kung anumanang mangyari sa atin. Nakapanlulumong isipin na napakarami nang pagkakataon angibinigay sa atin subalit pinalampas lamang natin. -Halaw sa Abante Tonite, Nobyembre 17, 2004, p. 4.Ito ba ang mga naitala mong salita? Wastuin.1. pangatnig: at, na, subalit, ng, o2. panandang kohesiv:kontrast: pare-pareho → iba-iba napakahaba → napakaikli kapos → sobra 22
3. pagkakaltas Halimbawa pa natin ang paglubog ng barko habang naglalayag sa gitna ng karagatan. Kung iisa-isahin ay napakahaba na ng listahan ng mga sakuna rito sa ating bansa. (Nakaltas sa huling pangungusap ang ang paglubog ng barko.)4. kongklusyon: Nakapanlulumong isipin na napakarami nang pagkakataon ang ibinigay sa atin saubalit pinalampas lamang natin. Tama ba lahat ang sagot mo? Magaling! Maaari ka nang magpatuloy sa ikatlo at huling sub-aralin.Sub-Aralin 3 Pag-iiba-iba ng Uri ng EditoryalLayunin 1. Nakapag-iiba-iba ng uri ng editoryal batay sa mga tiyak na katangian nitoAlamin Sa Sub-aralin 1 ay natutuhan mo ang iba’t ibang uri ng editoryal batay sa mga tiyak nakatangian nito. Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Basahin mo ang mga sumusunod na katangian ng editoryal sa bawat bilang. Isulat mo sasagutang papel kung anong uri ng editoryal ang iyong nabasa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. A. nagpapabatid B. nagpapakahulugan C. pumupuna at nagbibigay ng reforma D. nagpaparangal at nagbibigay-puri E. nagpapahalaga sa natatanging araw 1. Ito’y kalimitang tumatalakay sa kaarawan ng mga dakila at bayani ng bansa. 2. Ang isang paksa nito ay mga taong may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. 23
3. Ito’y tumutuligsa sa tiwaling hakbangin ng lipunan. 4. Pinipiga nito ang hahantungang kahulugan ng isang pangyayari. 5. Naipapababatid nito ang katotohanan dahil sa matalinong paghaharap ng mga ebidensya. Narito ang tamang sagot. Iwasto ang iyong mga sagot. 1. E. 2. D. 3. C. 4. B. 5. A. Tama ba lahat ang mga sagot mo? Kung gayon, magiging madali para sa iyo ang susunod namga araling matututuhan mo.Linangin Upang matiyak mong marunong ka nang magsuri ng iba’t ibang editoryal batay sa mgakatangian nito ay basahin mo ang uri ng editoryal sa hanay A. Pagkatapos, pag-aralan mo atpaghambingin ang mga orihinal na salitang ginamit sa hanay B at ang mga salitang ipinalit sa mga itona nasa hanay C. A B CUri ng Editoryal Orihinal Mga Ipinalit na SalitaPumupuna at USAPIN SA LOGGING, NAKALIMUTAN NA INAAKSYUNAN NANagbibigay ng BA?Reforma Kailan lamang ay naging sentro ng usap- kumilos usapan sa apat na sulok ng Pilipinas ang matandaan pagbuhay sa panukalang total log ban. Naging pangunahing isyu ito matapos ang kalamidad na Marami na naganap sa ilang lalawigan sa Luzon, partikular sa Aurora at Quezon. Ngunit kasunod ng paghupa ng kalamidad ay nanahimik na rin ang mga maiingay na politiko. Ang bilis yata makalimutan ang seryosong usapin hinggil sa pangangalaga sa ating mga kagubatan at kabundukan. Wala na tayong narinig sa kanila matapos ang pansamantalang pagsasara ng Christmas break ng mga mambabatas. 24
Sayang kung hindi maaaksyunan ang usaping Masuwerte atito. Ngayon pa naman na magkakasunud-sunod naaksyunan agadang hagupit ng kalikasan hindi lamang saPilipinas kundi maging sa ibang bansa.Kailangan nating kumilos. Walang mangyayarikung puro media mileage lamang ang habol ngmga namumuno sa gobyerno.- Halaw sa Abante Tonite, Enero 3, 2005, p. 4. Malaki ang naitulong ng media coverage para magising ang mga namumuno sa gobyerno. Matapos mong mabasa ang mga salitang ipinalit sa hanay C sa orihinal na mga salita sa hanayB ay anong pagbabago ang naganap sa editoryal? Tama. Ang dating editoryal na pumupuna atnagbibigay ng reforma ay naging editoryal na nagpaparangal at nagbibigay-puriGamitin Basahin ang editoryal na nagpapabatid. Gawin itong editoryal na nagpaparangal at nagbibigay-puri. Isulat ito sa sagutang papel. Patapos na Huling linggo na ngayon ng kampanya. Sa Sabado, Mayo 8, ang huling araw ng campaign period. Kinabukasan, Linggo, hanggang sa mismong araw ng eleksyon ay mahigpit ang ipinagbabawal ang pangangampanya sa lahat ng kandidato sa anumang posisyon, lokal o nasyunal. Ngunit ano ang nagaganap kapag sumasapit ang araw ng eleksyon? Maraming pinapatay hindi lamang ang mga tagasuporta ng mga kandidato kundi ang mga kandidato mismo. Mangyari, hindi mahigpit ang batas na nagbabawal sa mga taong uminom ng alak o magdala ng mga baril sa panahon ng eleksyon. Kaya huwag magtaka kung sa Linggo ay maganap na naman ang mga karumal- dumal na patayan. Dahil araw ng eleksyon. Ganito ba ang isinulat mo sa sagutang papel? Kapuri-puri ang nagaganap na huling linggo ng kampanya. Sa Sabado, Mayo 8 ang huling araw ng campaign period ngunit nananatili ang katiwasayan ng paligid.25
Inaasahang ang ipinakikitang kaayusan at kapayapaan ay mapananatili hanggang sa mismong araw ng eleksyon at masusunod ang mahigpit na pagbabawal ng pangangampanya sa lahat ng kandidato sa anumang posisyon, lokal o nasyunal. Kapuri-puri ang ginagawang pagmamatyag ng buong kapulisan. Talagang matured na ang mga botante.Lagumin Ang editoryal ay mauuri sa mga sumusunod: (1) nagpapahalaga sa mga natatanging araw, (2)nagpapabatid, (3) nagpaparangal at nagbibigay-puri, (4) pumupuna at nagbibigay ng reporma, at(5) nagpapakahulugan. Napag-iiba-iba ang uri ng editoryal batay sa katangian nito.Subukin Basahin ang isang bahagi ng editoryal sa bawat bilang. Ibahin ang uri nito batay sa uringnakapaloob sa panaklong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Huwag naming maghinanakit ang mga taga-Norte, pero noong maayos pa ang tren saLuzon, mas mahaba, mas mahaba ang linya papunta riyan sa lugar ng bulkang Mayon. Kaya nga’tsumikat ang “Bicol Express” at ginamit na ring pangalan ng isang putaheng sagana sa sili at gata.(nagpaparangal at nagbibigay-puri) 2. Ayon sa mga eksperto, ang mga stalkers ay nagkakapare-pareho ng patterns subalitmagkakaiba ng rason at maging ng paraang kanilang ginagawa. (nagpapakahulugan) Ganito ba isinulat mo sa sagutang papel? 1. Kapuri-puri ang naging reaksyon ng mga taga-Norte dahil napananatiling maayos pa angkanilang tren, mas mahaba, at mas mahaba ang linya patungo sa bulkang Mayon. 2. Ang stalking ay kinapapalooban ng pagiging obsessed ng sinumang indibidwal sa isangtao. Karaniwan sa mga stalkers ay hindi bayolente subalit sila’y unpredictable o pabigla-bigla atmahirap mahulaan kung ano ang magiging aksyon. Gaano ka na kahusay? I. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa ___________. A. lathalain. B. balita. 26
C. tudling o kolum. D. pangangatuwiran. 2. Ang pangunahing katangian ng editioryal ay ang pagtalakay sa napapanahong ___________. A. kaso. B. debate. C. balita. D. ideya. 3. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay _________. A. nagpapakahulugan. B. nagpapabatid. C. nagpaparangal. D. nagbibigay ng reporma. 4. Sa pamagat ng editoryal, ito’y dapat na ___________. A. masaklaw. B. makatawag-pansin. C. maligoy. D. mapagkamalang lathalain. 5. Ang wakas ng editoryal ay dapat na _______________. A. nagbabanta. B. nag-iiwan ng kakintalan. C. may tagubilin o mungkahi. D. nag-iiwan ng palaisipan.II. Basahin ang editoryal at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dahong sagutan. VAT Laging Mahihirap? 1 Hindi man tuwiran ay ilang kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagpahiwatig kung sino talaga ang tatamaan sa isinusulong na 2% value added tax (VAT) ng gobyerno. 2 Mga middle income tax payers ang papasan sa karagdagang buwis na kokolektahin ng pamahalaan. 3 Pero ito lamang ba ang naiisip na alternatibo ng gobyerno sa problemang ito? Makapipinsala ito sa kapakanan ng mga mamamayan. 4 Isa sa maaaring tutukan ng pamahalaang Arroyo upang 27
mapunan ang napakalaking budget deficit ng bansa ay pasiglahin ang pangongolekta sa buwis at pababain ang gastos ng gobyerno. - Halaw sa Abante Tonite, Pebrero 7, 2005, p. 4. 1. Ang editoryal ay _____________. A. nagpapabatid. B. nagpapakahulugan. C. nagpaparangal. D. nagbibigay ng reporma. 2. Ang simula ng editoryal ay nasa bilang ________. A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 3. Ang katawan ng editoryal ay nasa bilang ______. A. 1 - 2 B. 2 - 3 C. 3 - 4 D. 4 4. Ang wakas ng editoryal ay nasa bilang _________. A. 1 B. 2 C. 3 – 4 D. 4 5. Aling salita ang maipapalit mo salitang makapipinsala para maging pumupuri ang editoryal na pumupuna at nagbibigay ng reporma? A. makatutulong B. makatutugon C. makapagbabago D. makasusukatIII. Basahin ang editoryal at piliin sa loob ng kahon ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. at marahil ng ayon sa o sa loob na ayon kay Pamumunang Nagtutulungan, Pundasyon ng Asenso at Pag-angat ng Paaralan ____1______ ng nakalipas na apat ____2____ taon ay hindi maitatanggi ang naiiba 28
___3___ mga kaganapan sa ating paaralan. Malinis, mapayapa, progresibo ___4___ sistematiko. _____5_____ mga alumni, saying at hindi naabutan ang ganitong kagandang pagbabago na maipagmamalaki sa minamahal nilang Alma Mater. - Halaw sa Ang Bagong Pag-asa, Enero, 2005, p. 4.IV. Basahin ang editoryal. Gawin itong nagpaparangal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.V. Itala sa sagutang papel ang mga pangatnig at panandang kohesiv. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. Baklas-Kurakot Nakakasuka itong binulatlat na anomalya sa Department of Public Works and Highways (DPWI). Isang malinaw na pangongotong itong paglalagay raw ng quota ni Sec. Florante Soriquez sa mga district engineers at regional directors ng DPWH ng P150,000 na halaga ng bougainvillea para sa pagpapaganda ng Metro Manila. Kung wala raw mapoprodyus na bulaklak ay perahin na lang daw. Ito ang akusasyon ng 12 sa 16 na regional directors ng DPWH na pumirma sa isang petisyong humihiling ng pagbibitiw ng kalihim. Pero syempre, dalawang mukha palagi ang kuwento. Sa panig naman ni Soriquez, natural na itatanggi niya ang paratang at ipaggigitgitan na malinis ang kanyang pangalan at rekord. - Halaw sa Abante Tonite, Pebrero 8, 2005, p. 4. 29
30
Modyul 12 Magkaiba man ng Lahi Tungkol saan ang modyul na ito? Mahal kong estudyante, naranasan mo na bang tumanggap ng tulong mula sa isang dayuhanna ang relihiyon ay kontra sa sarili mong paniniwala? Ano kaya ang maging reaksyon mo kung angbuhay mo’y mailigtas ng isang taong kalaban mo sa relihiyon at pulitika? Tuklasin mo ang naramdaman ng isang makisig na baguntao, o kabataang lalaki, nangmangyari ito sa kanya. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikalawang bahagi ng Florante at Laura, ang itinuturingna pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito iyong inihuhuni mo ang tono o kinakantakaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang awit na tinutukoy rito. Ang awit ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan naang karaniwang mga tauhan ay mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao. Ngunit di tulad ngkoridong Ibong Adarna, na pinag-aralan mo nang Unang Taon ng Mataas na Paaralan, angpakikipagsapalaran ng bayani sa isang awit ay maaaring maganap sa tunay na buhay. Ano ang matututunan mo? Ang pangalawang bahagi ng Florante at Laura ang magiging daluyan ng mga kasanayanginaasahang matatamo sa modyul na ito. Inaasahang matututuhan mo sa modyul na ito na mapahalagahan ang akdang pampanitikanbatay sa mga dati nang kaalaman. Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo samodyul: 1. Nasusuri ang mga tiyak na bahagi ng awit sa pamamagitan ng: • Pag-uugnay ng mga pangyayari sa aktwal na karanasan at sa mga karanasan ng iba • Pagbibigay ng opinyon sa mga kaisipang inilahad • Pagbibigay-solusyon sa mga suliraning inilahad 1
2. Naiuugnay ang akda sa mga tiyak na karanasan ng sumulat 3. Nakabubuo ng lagom ng bahaging binasa sa tulong ng mga kaugnay na karanasan Mahirap ba? Hindi. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mong susundan ang bawatbahagi ng modyul. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo, kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo angmodyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mgatuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaingmabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. 2
Ano na ba ang alam mo? Nakabasa ka na ba ng tungkol sa Florante at Laura? Nasa ibaba ang ilang tanong paramataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng nilalaman ng modyul na ito. Isulat ang mgasagot sa iyong sagutang papel.A. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Ang awit ay maikling tulang pasalaysay. 2. Ang awit ay inaawit sa mga tanging pagtitipon ng mga mahal na tao noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. 3. Ang mga pakikipagsapalaran ng bayani sa isang awit ay pawang kababalaghan lamang at di maaaring maganap sa tunay na buhay. 4. Ang awit ay may sukat na 14 pantig sa bawat taludtod. 5. Sinasabi na ang Florante at Laura ay sinulat ni Francisco ‘Balagtas’ Baltazar sa labas ng bilangguan. 6. Nabilanggo siya sa maling bintang ng kanyang karibal sa pag-ibig. 7. Ang mga pangunahing tauhan sa Florante at Laura ay di mga Pilipino. 8. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang mga mamamayan ay may karapatang magsalita lalo na’t kontra sa mga Kastila. 9. Ang gererong Moro sa akdang ito ay mula sa Persiya. 10. Siya ang nagligtas kay Florante laban sa dalawang leon. 11. Ang mga pangyayaring isinalaysay ni Balagtas sa kanyang awit ay di na maiuugnay sa kasalukuyang panahon. 12. Ang pagsikil sa mga karapatan na inilarawan ni Balagtas sa kanyang awit ay maaaring personal na naranasan ng makata. 13. Ang opinyon ay iyong iniisip o pinaniniwalaan ng isang tao tungkol sa alin mang bagay. 14. Bawat isa’y may karapatang magbuo at magbigay ng opinyon. 3
15. Kung magkasalungat kayo ng opinyon ng kaibigan mo, dapat kayong maging magkaaway.B. Punan ang mga patlang. Isulat sa sagutang papel ang letra lamang ng sagot mo.1. Ang tawag ng mga Kastila noon sa sino mang di Kristiyano ay _______a. Muslim b. Buddhista c. Moro2. Sa taludtod na nagsasabing “sampong mag-aama’y iyong nasasaklaw,” ang pariralang may salungguhit ay nangangahulugang ________ a. 10 pares ng mag-aama b. pati mag-aama c. 5 ama at 5 anak3. Sa taludtod na “bababa si Marte mula sa itaas,” ang tinutukoy na Marte ay _________. a. planetang Marte b. diyos ng digma ng mga Romano c. isa sa mga tauhan sa Florante at Laura4. Ang ama ng baguntaong nakagapos ay pinatay sa pamamagitan ng _______ a. pagpugot sa ulo b. pagputol sa paa’t kamay c. Pagbigti5. Ang baguntaong nakagapos ay gusto sanang silain ng dalawang _________a. sawa b. tigre c. leon6. Ang ama ng baguntao ay tinawag na “mapagkandiling amang iniibig.” Angmapagkandili ay nangangahulugang _________a. mapag-alaga b. mapagtiis c. mapagsuspetsa7. Walang mangahas maglibing ng bangkay ng ama ng baguntao dahil sila’y _______a. natatakot b. nandidiri c. nagtatago8. Ang gererong Moro ay hindi binyagan. Ang pariralang may salungguhit aynangangahulugang ________a. hindi Kristiyano b. hindi Muslim d. hindi Buddhista9. Ang nagligtas sa baguntao laban sa 2 leon ay ________a. gerero b. panalangin c. ama10. Ang gerero at ang baguntao ay magkalaban sa ________a. relihiyon b. debate c. pag-ibig11. Ang pangalan ng baguntao ay ________a. Aladin b. Laura c. Florante12. Si Florante ay ipinadala ng ama upang mag-aral sa ________a. Sparta b. Atenas c. Persiya13. Ang ina ni Florante ay taga-Crotona ngunit ang baguntao ay isinilang atlumaki sa bayan ng kanyang ama, sa ________a. Albanya b. Atenas c. Persiya 4
14. Ang pangalan ng babaeng mahal ng gererong Moro ay ________a. Laura b. Britta c. Flerida15. Ang hari ng Albanya ay si ________ b. Haring Adolfo a. Haring Linceo b. Haring BriseoC. Sa unang bahagi ng Florante at Laura ay inilahad ang maling pamamahala sa bayang Albanya at ang pagsikil sa karapatan sa pagsasalita. Ang mga saknong sa ibaba ay nagpapakita naman ng paniniwala ng makata hinggil sa (a) relihiyon at (b) pagpapalaki ng mga anak. Alin sa mga saknong sa ibaba ang nagsasaad ng (a) (relihiyon) at alin ang nagsasaad ng (b) (pagpapalaki ng anak)? Isulat sa sagutang papel ang letra lamang ng sagot mo.(1) “Ipinahahayag ng pananamit mo, taga-Albanya ka at ako’y Pers’yano; ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo. (S149)(2) “Moro ako’y lubos na taong may dibdib, at nasasaklaw rin ng utos ng Langit dini sa puso ko’y kusang natititik, natural na leing sa aba’y mahapis.” (S150)(3) Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak. (S202)(4) Sa taguring bunso’t likong pagmamahal ang isinasama ng bata’y nunukal, ang iba’y marahil sa kapabayaan ng dapat magturong tamad na magulang. (S203)D. Iugnay ang mga sitwasyon sa mga saknong. Isulat ang mga letra lamang ng iyong mga sagot. Mga sitwasyon: (a) Para kay Arlene, walang makakapantay sa pag-aalaga sa kanya ang kanyang ama.Kapag nalulungkot siya, nalulungkot din ito. (b) Isang napakabait na estudyante si Rey. Ngunit maraming naiinggit sa kanya kaya siyapa ang laging pinagbubuntunan ng panunukso at pang-aapi ng mga kaklase. (c) Tiniis ng mga magulang ni Vir na mapalayo ang kanilang anak. Ipinadala nila ito saMaynila dahil naroon ang mga kagamitang kailangan nito sa pagpapakadalubhasa. 5
(d) Mabuting kaibigan si Ram. Lahat ng mabuti ang gusto niya para sa mga kabarkada.Kaya, ang laki ng pagkabigla niya nang malamang kapag nakatalikod pala siya ay pinagpaplanuhansiya ng masama ng mga kaibigan. (e) Nilimot na si Lloyd ng girlfriend niya at lumipat na ito ng paaralan. Ngunit patuloyniya itong minamahal. Pangako niya’y mamahalin niya ito hanggang kamatayan. (f) Spoiled si Brad sa mga magulang. Hindi siya tinuruang mag-isip at magpasya para sasarili. Dahil sa labis na pagpapasunod sa kanya, naging palaasa siya sa mga magulang kahit sapinakasimpleng bagay lamang. Mga saknong: (1) “Ang lahat ng ito’y kay amang talastas, kaya nga ang luha ni ina’y hinamak, at ipinadala ako sa Atenas, bulag na isip ko’y nang doon mamulat.(S204) (2) “Pagkabata ko na’y walang inadhika kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga, di makailan kang babal-ing masira, ang mga kamay ko’y siyang tumimawa. (S117) (3) “At alin ang hirap na di ikakapit sa iyo ng Konde Adolfong malupit? ikaw ang salamin sa reyno ng bait, pagbubuntuhan ka ng malaking galit. (S88) (4) “Walang ikalawang ama ka sa lupa, sa anak na kandong ng pag-aaruga, ang munting hapis kong sumungaw sa mukha sa habag mo’y agad nanalong ang luha.(S96) (5) “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak. (S202)E. Pumili lamang ng 5 pangungusap upang makagawa ng lagom ng mga pangyayari sa Florante at Laura. Mga bilang ng pangungusap lamang ang isusulat mo sa sagutang papel. 1. Dumating sa gubat ang isang gererong Moro na bayani ang tikas. 2. May turbante siya at makikita sa pananamit na taga-Persiya. 3. May hawak siyang pika at adarga. 4. Tumanaw-tanaw siya sa paligid bago pinagdaop ang mga palad. 6
5. Nakarinig siya ng buntunghininga kaya hinanap niya ang pinanggalingan nito. 6. Dalawang leon ang nakita niyang handang silain ang isang baguntaong nakagapos. 7. Naakay ng gutom at gawang manila ang dalawang leon. 8. Pinapangalisag ng mga ito ang balahibo at pinanindig ang mga buntot. 7. Ang baguntaong nakagapos ay may makinis na kutis at kulay-gintong buhok. 8. Nailigtas ng gerero ang baguntao nang mapatay ng una ang dalawang leon. 9. Parang si Marte ang gerero nang usigin ng taga ang dalawang leon. 10. Pinatid ng gerero ang lubid na nakagapos sa baguntao. 11. Nawalan ng malay ang baguntao at nang magmulat ng mata ay nabigla nang makilalang Moro ang tumulong sa kanya. 12. May dugong bumubukal sa bisig ng baguntao kung saan nakagapos ang lubid. Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kungnakakuha ka ng 44 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nangmagpatuloy sa susunod na modyul. Pero kung wala pang 44 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Pagbibigay ng Opinyon at Pag-uugnay ng mga PangyayariLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang maisasagawa mo ito: 1. Nasusuri ang mga tiyak na bahagi ng awit sa pamamagitan ng: • Pag-uugnay ng mga pangyayari sa aktwal na karanasan at sa mga karanasan ng iba • Pagbibigay ng opinyon sa mga kaisipang inilahad • Pagbibigay-solusyon sa mga suliraning inilahad 2. Naiuugnay ang akda sa mga tiyak na karanasan ng sumulat 7
Alamin Ito ang ikalawang bahagi ng awit na pinamagatang Florante at Laura. Bago mo basahin ang mgapiling saknong, narito muna ang buod ng unang bahagi. Ang tagpuan ay isang madilim, mapanglaw at madawag na gubat. Nakagapos sa puno ang isang baguntao. Guwapo ito, makinis ang balat at kulay-ginto ang buhok. Naghihinagpis ang baguntao dahil sa paghahari ng kasamaan ni Adolfo at dahil natatakot siyang baka naagaw na nito ang pagmamahal ng kasintahang si Laura Narito naman ang buod ng pangalawang bahagi. Dumating sa gubat ang isang gererong Moro. Iniligtas nito sa dalawang leon ang baguntaong nakagapos sa puno. Nagsalaysay ang baguntao. Siya’y si Florante, anak ni Duke Briseo na pribadong tanungan ni Haring Linseo ng Albanya. Masaya ang kanyang kamusmusan hanggang ipadala siya sa Atenas upang mag-aral. Basahin mong malakas ang mga saknong sa ibaba. Subukin mong lapatan ng mabagal natono. Kasi’y ganito talaga ang pagsasalaysay ng awit – kinakanta ito sa mga tanging pagtitipon ngmga mahal na tao noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. 69 Nagkataong siyang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang tikas, putong na turbante ay kalingas-lingas, pananamit Moro sa Persiyang1 s’yudad. Alam mo ba kung ano ang Moro? Ito ang tawag noon ng mga Kastila sa sino mang diKristiyano. 70 Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, anaki’y ninita ng pagpahingahan, di kaginsa-ginsa’y ipinagtapunan, ang pika’t2 adarga’t3 nagdaop ng kamay. 71 Saka tumingala’t mata’y itinirik1 Persya o Persia – Isang kahariang malaki sa isang dako ng Asya na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Muslim.2 Pika - sibat3 Adarga – Kalasag o pananggalang na bilog na balat. 8
sa bubong ng kahoy na takip sa langit, estatuwa manding nakatayo’t umid, ang buntunghininga niya’y walang patid. Malaki ang problema ng gerero. Ano kaya ito? 72 Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo, sa puno ng isang kahoy ay umupo, nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo sa mata ng luhang anaki’y palaso. Gererong lumuluha? Oo, iyan nga ang isinasaad sa T3-4. Malakas ang patak ng luha, di ba?Saan ito inihambing? Sa palaso, di ba? 74 Malao’y humilig, nagwalang-bahala, di rin kumakati ang batis ng luha, sa madlang himutok ay kasalamuha ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa!” 75 Sa balang sandali ay sinasabugan yaong buong gubat ng maraming Ay! Ay! na nakikitono sa himig mapanglaw ng panggabing ibong4 doo’y nagtatahan. 76 Mapamaya-maya’y nagbangong nagulat tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag nalimbag sa mukha ang bangis ng Furias5 “Di ko itutulot,” ang ipinahayag. Ano ang inilalarawan ng S76 T3 na inihambing sa Furias? Tiningnan mo ba ang kahulugan ngFurias sa talababa? Oo, matinding galit ang mababakas sa mukha ng gerero. Bakit kaya? 77 “At kung kay Flerida’y iba ang umagaw at di ang ama kong dapat na igalang, hindi ko masabi kung ang pikang tanga’y bubuga ng libo’t laksang kamatayan.4 Panggabing ibon – Mga ibong malalabo ang mga mata kung araw, kagaya ng tiktik, kuwago, bahaw, paniki, atbp.5 Furias – Ayon sa makatang Romanong si Virgil, ang mga Furias ay mga diyosa sa Impiyerno at binubuo ng tatlongbabae: sina Megaera, Tisiphone, at Alecto; ang buhok ng mga ito ay parang serpiyente; Kung may ibig silang pagalitingsinuman, bubunot sila ng isang buhok at ipapasok iyon sa dibdib ng taong pinagagalit nang hindi namamalayan; ang taonamang iyon ay pagdidiliman agad ng paningin sa matinding galit at sasagasa na sa panganib. Ayon naman sapilosopong Griyegong si Heraclitus, ang mga Furias ay mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impiyerno ayupang sila ang magparusa sa mga makasalanan sa lupa. 9
Kaya pala siya nagagalit ay dahil ang sarili niyang ama ang umagaw kay Flerida. Aling mgataludtod ang nagsasaad nito? Tama ka, T1-2. Magalit ka rin kaya kung sa iyo mangyari ito? Gaano katindi kayang magalit ang gerero? Basahin sa susunod na saknong. 78 “Bababa si Marte6 mula sa itaas at sa kalalima’y aahon ang Parcas7, buong galit nila ay ibubulalas, yayakagin niring kamay kong marahas. Binasa mo ba ang mga talababa tungkol sa Marte at Parcas? Tingnan mo para makita mokung gaano katinding magalit ang gerero. 80 “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampong mag-aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman hahamaking lahat masunod ka lamang. Ang sampon ay matandang salita na nangangahulugang “pati,” “kabilang.” Kaya hindisampung (10) pares ng mag-ama ang tinutukoy sa S80 T2, kundi “pati mag-aama.” 81 “At yuyurakan na ang lalong dakila; bait, katuwira’y ipanganganyaya, buong katungkula’y wawal-ing bahala, sampon ng hininga’y ipauubaya.” Totoo kaya ito? Na sa ngalan ng pag-ibig, pati mag-aama’y mag-aaway, at pati buhay ayiaalay? Ano sa palagay mo? Waring sagot sa sinabi ng gerero tungkol sa kanyang ama, nakarinig ito ng buntunghininga.Hinanap niya ang pinanggagalingan nito. 86 Inabutan niya’y ang ganitong hibik: “Ay, mapagkandiling amang iniibig! Bakit ang buhay mo’y naunang napatid, ako’y inulila sa gitna ng sakit?6 Marte – Siya ang diyos ng pagbabaka ng mga Romano na pinangalanan namang Ares ng mga Griyego. Noong una’ysiya ang kinikilalang diyos ng pagsasaka na sinasamba kung tagsibol at inaalayan ng mga unang bunga ng mgapunungkahoy. Nang siya’y kilanlin nang diyos ng digma ay nalimutan na ang kanyang pagiging diyos ng pagsasaka.7 Parcas – Ang mga ito naman ang mga diyosa ng kapalaran, at sila’y tatlo rin: si Clotho, ang humahabi ng sinulid ngbuhay; si Lachesis, ang nagtalaga sa tao ng magiging palad nito; at si Atropos, ang pumapatid sa sinulid ng buhay. 10
Masasabi bang kabaligtaran ng ama ng gerero ang amang inilarawan sa S86? Oo, tama ka,kabaligtaran nga. Anong pang-uri ang ginamit para sa amang ito? Di ba “mapagkandili”?Mapagmahal at mapag-alaga ang ibig sabihin nito. 87 “Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, parang nakikita ang iyong narating, parusang marahas na kalagim-lagim. 88 “At alin ang hirap na di ikakapit sa iyo ng Konde Adolfong malupit? ikaw ang salamin sa reyno ng bait, pagbubuntuhan ka ng malaking galit. Sino ang nananaghoy na ito? Nahulaan mo ba? Tama, ang baguntaong nakagapos sa unangbahagi ng Florante at Laura. Ano ang nangyari sa kanyang ama? Patay na siya, di ba? Anong mgataludtod ang nagsasaad nito? Balikan mo ang S86 T3-4. Dalawang salita ang nagsasaad na patay naang ama ng nagsasalita. Anong mga salita ito? Tama, napatid at inulila. 89 “Katawan mo ama’y parang namamalas ngayon ng bunso mong lugami sa hirap, pinipisang-pisang at iniwawalat ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukab. 90 “Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto, kamay at katawang nalayo sa ulo ipinaghagisan niyong mga lilo at walang maawang maglibing na tao. Paano namatay ang ama ng nananaghoy? Pinatay, di ba? Inilalarawan sa S89-90 ang malupitna kamatayang sinapit niya. Pinugutan siya ng ulo kaya ang kamay at katawa’y “nalayo sa ulo,” gayang nakasaad sa S90 T2. Nilayuan ng mga lingkod at kaibigan, walang maglibing ng kanyangbangkay. 91 “Sampon ng lingkod mo’t mga kaibigan, kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway, ang di nagsiayo’y natatakot namang bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan. 92 “Hanggang dito, ama’y aking naririnig nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis, ang panambitan mo’t dalangin sa langit, na ako’y maligtas sa hukbong malupit. 11
Alin pang taludtod ang nagsasaad na pinugutan ng ulo ang ama ng nananaghoy? Tama, S92T2 – “nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis.” 96 “Walang ikalawang ama ka sa lupa, sa anak na kandong ng pag-aaruga, ang munting hapis kong sumungaw sa mukha sa habag mo’y agad nanalong ang luha. Napakabuting ama ang inilalarawan dito. Anong klaseng ama naman mayroon ang gerero? Sanarinig ay ito ang reaksyon ng gerero. 99 Tinutop ang puso at saka nagsaysay; “Kailan,” aniya, “luha ko’y bubukal ng habag kay Ama at panghihinayang para ng panaghoy ng nananambitan? 100 “Sa sintang inagaw ang itinatangis dahilan ng aking luhang nagbabatis; yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig, sa amang namatay na mapagtangkilik. Dalawang lalaking kapwa lumuluha dahil sa ama. Ngunit sa dalawang magkaibang dahilan. 102 “Ngunit ang nanahang maralitang tubig sa mukha’t dibdib ko’y laging dumidilig, kay Ama nga galing dapuwa’t sa bangis, hindi sa andukha at pagtatangkilik. 103 “Ang matatawag kong palayaw sa akin ng Ama ko’y itong ako’y pagliluhin, agawan ng sinta’t panasa-nasaing lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil. Ano ang ginawa ng ama ng gerero sa mismong anak niya? Di ba inagawan niya ito ngkasintahan at siya pang nag-isip ng kamatayan para sa sariling anak? May kilala ka bang ganitongklaseng ama? 104 “May para kong anak na napanganyaya, ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha, hindi nakalasap kahit munting tuwa sa masintang inang pagdaka’y nawala!” Ulila sa ina ang gerero, di ba? Hindi niya nakilala ang pagmamahal ng isang ina. Anong mgataludtod ang nagsasaad nito? Tama, T3-4. 105 Napahinto rito’t narinig na muli 12
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 474
- 475
- 476
- 477
- 478
- 479
- 480
- 481
- 482
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 482
Pages: