Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Arts Grade 4

Arts Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-04 03:09:06

Description: Arts Grade 4

Search

Read the Text Version

DEPED COPYIII. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik- Aral Ano ang naramdaman mo nang makagawa ka ng banig na papel? 2. Pagganyak Magpakita ng mga larawan ng banig na yari sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Itanong sa mga bata ang sumusunod: Ilarawan ang mga nakikita sa larawan. Sa inyong palagay, sa anong materyales yari ang mga ito? Anong kumbinasyon ng kulay ang napapansin ninyo? B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng paglalala ng banig na may iba’t ibang disenyo, kulay, at materyales na ginagamit ay naipapakita ang paniniwala, tradisyon, at damdamin ng iba’t ibang pamayanang kultural sa bansa. May tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paglalala ng banig. 322 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri at pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso ng mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang disenyo gamit ang apat na disenyo sa paglalala. Ito ay ang stripes, square, checkered, at zigzag. Ang karaniwang mga disenyo ng banig ng taga Basey, Samar naman ay yano (plain), sinamay (papalit-palit) at bordado o pina- hutan (burdado). Nag iiba-iba din ang laki, may malalapad at malal- aki. Ang bayan ng Libertad,Antique naman ay kilala rin sa paglalala ng banig na naging isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taong-bayan. Ang banig na ginawa sa bayang ito ay hinahangad sa lokal at dayuhang mga merkado dahil sa kaniyang natatangi at buhol-buhol na disenyo.DEPED COPY 2. Gawaing Pansining: Paggawa ng Pot HolderTandaan: Ang guro ay magbibigay nang pamantayangpangkaligtasan sa paggamit nang matutulis at matatalim na bagay upangmaiwasan ang sakuna habang gumagawa ng likhang-sining. Sumangguni sa LM Aralin 5 3. Pagpapalalim ng Pag-unawa 1. Anong kumbinasyon ng mga kulay ang ginamit sa disenyo? 2. Anong pattern ang nabuo sa likhang-sining? Ilarawan? 323 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

3. Nasunod ba ang mga pamamaraan sa paglalala? 4. Humanap ng kapareha, at ibahagi ang nararamdaman ha bang ginagawa ang sariling likhang-sining? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang paglalala ay napakaimportanteng likhang-sining kahit saang sulok ng Pilipinas. Maliban sa sumasalamin ito sa paniniwala, kultura, at tradisyon, ito rin ay pinagkakakitaan ng mga Pilipino. 2. Repleksiyon Ano ang nararamdaman mo na may nagawa kang likhang- sining na kapaki-pakinabang, at magagamit sa inyong tahanan?IV. PagtatayaDEPED COPYSuriin ang gawain ng mga bata gamit ang rubrik.Pamantayan Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit Pamantayan inaasahan may ilang (1) (3) pagkukulang (2)1. Naipamalas ang kakayahan sa paglalala.2. Ang kumbinasyon ng kulay, disenyo at pattern ay nakikita sa likhang-sining.3. Nasunod nang tama ang pamamaraan sa paggawa.4. Nakatukoy ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga disenyo sa paglalala.V. Takdang Aralin/Kasunduan Dalhin ang ginawang pot holder sa bahay at ituro ang bagong natutunan sa kapamilya upang makagawa pa nang marami at maaaring magamit at mapagkakakitaan ang mga ito. 324 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 4 : 3D at IskulturaAralin Bilang 6 : Mga Disenyo ng BanigBuod ng Aralin Art Art Art Art History Production Criticism AppreciationAng banig ay isang Paglalala ng Napaghahambing Napapakagamitan na banig ayon sa ang pagkakatulad at halagahan angkaraniwang nabuong kaibahan ng disen- mga disenyo ngginagamit sa disenyo. yo ng banig ng iba’t banig ng iba’tpagtulog lalo na ibang rehiyon ibang rehiyon saPilipinas at saDEPED COPY pamamagitanSilangang Asya. ng paglalala ngBawat rehiyon sa banig ayon sabansa ay may nabuong disenyo.sariling disenyo sapaglala ngbanig. Ang banig aymaaaring gawa saburi, pandan, o dagatdahong damo. Isa sabantog na lugar saPilipinas sapaglalala ng banig ayangBasey, Samar.I. LayuninA. Nakikilala at natatalakay ang iba’t ibang disenyo ng banig sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas (A4EL-IVc)B. Naipakikita ang kakayahan sa paglalala ng banig batay sa nabuong disenyo.C. Naipagmalaki ang mga disenyo ng iba’t ibang rehiyon sa pamamagitan ng paglalala ng banig batay sa disenyo ng mga komunidad sa iba’t ibang rehiyon.II. Paksang AralinA. Elemento ng Sining: Linya, Kulay, at HugisB. Prinsipyo ng Sining: Pag-uulitC. Kagamitan: mga larawan ng banig, tunay na banig, dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na maaaring magamit sa paglalala, kahon ng sapatos,at pandikit.D. Sanggunian: Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110 325 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYIII. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Nasubukan na ba ninyong maglala ng papel o maglala ng banig? Anong kagamitan ang ginamit ninyo? Paano ninyo ito pinaganda? 2. Pangganyak Nakaranas na ba kayong matulog sa banig? Ano ang pakiramdam ninyo kapag nakahiga kayo sa banig? B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Sabihin: Pagmasdan ninyo ang mga larawan. (Maaari din magpakita ang guro ng tunay na banig na yari sa buri, pandan o bamban) Itanong: 1. Pagmasdan ang mga halimbawang banig, paano ang mga ito nagkakaiba? 2. Alam ba ninyo ang mga lugar na kilala sa paglalala ng banig? 326 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sabihin:Ang iba’t ibang lugar sa bansa ay kilala sa paglalala ng banig.Gumagamit sila ng iba’t ibang materyales at dahil dito, iba’t ibangdisenyo rin ang nabubuo. Ang mga kilala sa paglalala ng banig ay angsumusunod: Basey, Samar - banig na yari sa buri Iloilo - banig na yari sa Bamban (halaman sa tabi ng tubigan) Badjao at Samal - banig na yari sa dahon ng pandan Tawi-Tawi - banig na yari sa dahon ng pandarus Romblon - banig na yari sa buriDEPED COPY 1. Gawaing Pansining Ipahanda sa mga bata ang materyales na gagamitin sa paglalala tulad ng nakulayang buri o dahon ng niyog o anumang materyal na makikita sa kapaligiran.Tandaan: Ang guro ay magbibigay nang pamantayang pangkaligtasan sa paggamit nang matutulis at matatalim na bagayupang maiwasan ang sakuna habang gumagawa ng likhang-sining.Sumangguni sa Aralin 6 ng LM4. Pagpapalalim ng Pag-unawa 1. Bakit mo napili ang disenyo na nagmula sa Samar? Iloilo? atbp. 2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang paglalala ng napili mong disenyo?C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Itanong: Ano-anong lugar sa Pilipinas ang kilala sa paggawa ngbanig at paano sila nagkakaiba-iba? (Kilala ang mga lugar na Basey, Samar, Iloilo, at Samal sapaggawa ng banig dito sa Pilipinas. Nagkakaiba sila ng disenyo atmateryal na ginagamit sa paglalala ng banig.) 2. Repleksiyon Paano ninyo pahahalagahan ang mga disenyo ng banig na gawasa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas? 327 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

IV. Pagtataya‌ Lagyan ng tsek (a) ang hanay ng inyong sagot sa tapat ng bawat sukatan.PAMANTAYAN Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit pamantayan inaasahan may ilang (1) pagkukulang (2)DEPED COPY (3)1. Naisagawa ang disenyong nais bilang batayan sa paglalala ng banig.2.Naisagawa ang paglalala ng banig gamit ang dahon ng niyog/ buri o anumang bagay na nakikita sa kapaligiran.3. Nakagawa ng disenyo batay sa mga disenyong napag- aralan.4. Naisagawa nang buong husay at malinis ang ginawang banig.5. Natapos ang paglalala sa takdang oras.V. Takdang Gawain/ Kasunduan Magdala ng buri o dahon ng niyog o anumang bagay na maaring gamitinsa paglalala, pandikit at gunting para sa gagawing banig sa sunod na araw. 328 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT 4 : 3D at IskulturaAralin Bilang 7 : Iba’t Ibang Disenyo sa PaglalalaBuod ng Aralin Art Art Art Art History Production Criticism AppreciationAng paglalala ay bah- Napapa Nakagagawa Naihahambingagi na nang tradisyong halagahan ang ng iba’t ibang ang nagawangPilipino. Ang banig ay sariling likha saisang handwoven mat na disenyo sa banig na gawa pamamagitankaraniwang gamit sa paggawa ng ng mga placemat sa pangkat-etniko paggamit, atSilangang Asya at pagbenta nito.Pilipinas para sapagtulog.DEPED COPY pamamagitan ng sa bansa batay paglalala. sa katangian ng kulay, at disenyo.I. Layunin A. Naihahambing ang nagawang banig batay sa katangian ng kulay, at disenyo. (A4EL-IVf) B. Nakagagawa ng place mat sa pamamagitan ng paglalala. C. Napapahalagahan ang sariling likha sa pamamagitan ng pagtanghal o exhibit, paggamit, at pagbenta nito.II. Paksang Aralin A. Elemento ng Sining: Kulay B. Prinsipyon ng Sining: Pag-uulit C. Kagamitan/Kasangkapan: Mga larawan, gunting, buri o dahon ng niyog o anumang materyal na makikita sa lugar na maaaring gamitin sa paglalala ng place mat D. Sanggunian: Sining 4, pp. 78-79III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik- Aral Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng disenyo ng banig sa iba’t ibang rehiyon? 329 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY 2. Pagganyak Magpakita ng mga larawan ng banig na may iba’t ibang disenyo. (square, checkered, zigzag, at stripes) Itanong sa mga bata ang sumusunod: Ano ang napapansin ninyo sa mga kulay, disenyo, at pattern ng mga banig sa larawan? Sa inyong palagay yari sa anong materyales ang mga banig na ito? A. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang pagkamalikhain, at pagkamaparaan. Ang paggawa ng banig ay may iba’t ibang patterns. May karaniwan (plain), checkered, pazigzag, square, at stripes. Lumilitaw ang mga disenyong ito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga kulay. Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri, at pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso ng mga ito, at pinagtagpi upang makabuo ng isang disenyo. Sa mga ipinakitang larawan, nakikita natin ang iba’t ibang disenyo sa paggawa ng banig. Sa disenyong stripes nakikita ang mga linyang pahilis sa banig at ang bawat stripes ay nag-iiba iba batay sa iba’t ibang kulay na ginagamit sa paglalala. Sa disenyong checkered naman ay mga kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo. Maaaring gumamit ng dalawa o maraming kumbinasyon ng kulay upang makita ang disenyo. Ang disenyong parisukat ay makikita sa banig pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay upang makabuo ng parisukat na porma. 330 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Ang disenyong pasigsag naman ay nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang pasigsag gamit ang parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala. 1. Gawaing Pansining : Paggawa ng Placemat Sabihin: Ang sumusunod na batayang kaalaman ay makatutulong upang makagagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala. Ipahanda sa mga bata ang materyal na gagamitin, halimbawa ay ang nakulayan ng buri o dahon ng niyog o anumang materyal na makikita sa kapaligiran. Kapag handa na ang paggagawaan at mga kagamitan, sumangguni sa LM, Aralin 7 Tandaan: Ang guro ay magbibigay nang pamantayang pangkaligtasan sa paggamit nang matutulis at matatalim na bagay upang maiwasan ang sakuna habang gumagawa ng likhang-sining. 3. Pagpapalalim ng Pag-unawa 1. Ano ang dalawang kumbinasyon ng mga kulay ang gina- mit ninyo sa disenyo? 2. Anong disenyo ang nabuo sa likhang-sining? 3. Nasunod ba ang mga pamamaraan sa paglalala? 4. Ibahagi ang nararamdaman tungkol sa ginawang disenyo ng placemat sa kagrupo. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang paglalala ng placemat gamit ang mga materyales na nakikita sa paligid ay isang magandang katangian para maipalabas ang pagkamalikhain ng bawat bata. 2. Repleksyon Ano ang nararamdaman mo na may nagawa kang likhang-sining na kapaki-pakinabang at magagamit sa inyong tahanan? 331 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

IV. PagtatayaSuriin ang gawain ng mga bata gamit ang rubrik. PAMANTAYAN Nakasunod Nakasunod Hindi sa sa nakasunod 1. Naipakita ang kakayahan sa paglalala. pamantayan pamantayan sa nang higit sa subalit pamantayan 2. Ang kumbinasyon ng kulay, at disenyo ay nakikita inaasahan may ilang (1) sa pagkukulang likhang-sining. (3) (2)DEPED COPY3. Nasunod nang tama ang pamamaraan sa paggawa. 4. Naibahagi ang sariling likha sa kagrupo. 5. Ang likhang-sining ay na tapos sa takdang oras.V.Takdang AralinLagyan ng barnis at patuyuin ang placemat sa tulong ng mgamagulang at ibahagi ang bagong natutunan upang makagawa pa atmaaaring magamit sa inyong tahanan. 332 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.






















































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook