Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Araling Panlipunan Grade 1

Araling Panlipunan Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:13:56

Description: Araling Panlipunan Grade 1

Search

Read the Text Version

Anong nangyari sa batang gamugamo? Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawinmo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? May mga pagkakataon ba na, tulad ng batanggamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utossa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo ngaang iyong karanasan. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundinang mga alituntunin ng inyong pamilya?Gawain 2 Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ngpagsunod sa mga alituntunin ng pamilya. 45

Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ngbinagong “Snakes and Ladders.” Makinig sapanutong sasabihin ng inyong guro para sa larongito. Ano ang naramdaman mo habang nilalaro angbinagong Snakes and Ladders? Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyongpamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod saalituntunin? Ano naman ang nangyayari kapag natapatang iyong pamato sa larawang nagpapakita nghindi pagsunod sa alituntunin? 46

Gawain 4 Magpatulong sa guro upang mapunan angpatlang sa liham na naglalaman ng pangako mo saiyong magulang o tagapag-alaga.Mahal na _____________________ ,Ipinangangako ko na simula sa araw na ito,___________________ , susundin ko ang sumusunod na Isulat ang petsa ngayonalituntunin sa ating pamilya: 1. ________________________________________ 2. ________________________________________ 3. ________________________________________ ________________________________________ Isulat ang buong pangalan ________________________________________ Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga Tandaan: Mahalaga ang mga alituntunin. Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang mga ito. 47

Aralin 4: Pagpapahalaga sa PamilyaPanimula 48

Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking PamilyaPag-isipan Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong pamilya?Gawain 1Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadulaang mga katangian ng isang mabuting pamilya nanakatakda sa inyong grupo. Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan 49

Gawain 2 Alin sa naisadulang mabubuting katangian ngisang pamilya ang katangian din ng iyong sarilingpamilya? Lagyan ng tsek () ang mga larawangnagpapakita nito. May iba ka pa bang naiisip na mabubutingkatangian ng iyong pamilya? 50

Gawain 3 Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya saiyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay naito sa loob ng kahon sa ibaba. Maaari ring magdalang larawan ng masasayang gawain ng inyongpamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama-sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay,at iba pa. Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit atisalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyongpamilya. 51

Gawain 4 Gumawa ng isang liham ng pasasalamat saiyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan angmga patlang sa liham na nasa loob ng kahon. Sa aking mga mahal na ____________________, (pangalan ng mga kasapi ng pamilya) Maraming salamat sa ________________________________________________ ________________________________________________ ______________________________________. (Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong pamilya na dapat mong pasalamatan) Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya! Nagmamahal, ___________________________ (Isulat ang iyong pangalan) Tandaan: Ang bawat pamilya ay may taglay na mabubuting katangian. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang pamilyang iyong kinabibilangan. 52

Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang PamilyaPag-isipan Bakit mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya?Gawain 1 Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit anglarawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin angmga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-aral. Bumuo ng letrang P, ang unang letra ngsalitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo atng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahaging inyong silid-aralan. Alam mo ba ang tawag dito? Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining natinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-dikitna larawan upang makabuo ng isang hugis opattern. 53

Gawain 2 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong gurona pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na sinulatnina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva atiginuhit ni Sammy Esquillon. Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid? Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid? Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ngpamilyang Ismid? Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pangpamilya sa kanilang lugar? Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isanggabi habang sila ay natutulog?Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid? Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid,ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyongpamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit? 54

Gawain 3 Maglaro tayo ng Paint Me a Picture. Alam moba ang larong ito? Sa Paint Me a Picture ang mgakasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isangpangyayari gamit ang kanilang katawan. Bumuo ng pangkat na may walong kasapi.Magpakita ng isang pangyayari na naglalarawannang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayanng isang pamilya sa iba pang pamilya. Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, PaintMe a Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari.Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyongguro na maaari na kayong muling kumilos. Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano angipinakitang larawan ng inyong pangkat. 55

Gawain 4 Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba. Ano ang ipinakikita ng larawan? Bakit masaya ang mga taong nasa larawan? Bakit mahalagang nagkakasundo atnagtutulungan ang bawat pamilya? Tandaan: Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya. Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. 56

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan:Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyongsagot.Nagamit ko ang mga Mag-aaral Gurokasanayang ito:1. Nasunod ko ang mga panuto.2. Nagamit ko ang aking kasanayan sa sining.3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking mga kamag- aral.4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro.5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kamag-aral.6. Nasuri ko ang iba’t ibang larawan.7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang pangyayari.8. Natukoy ko ang mga bagay na nagbago at nanatili sa aking pamilya.9. Napahalagahan ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat pamilya.10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang bagay tungkol sa aking pamilya. 57

Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro1. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking pamilya.2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan.3. Nakagawa ako ng stick puppet.4. Naisadula ko ang mabuting katangian ng pamilya.5. Naikumpara ko ang kuwento ng aking pamilya sa kuwento ng pamilya ng aking mga kamag-aral.6. Naipagmalaki ko ang aking pamilya.7. Nakagawa ako ng bar graph.8. Nakabuo ako ng timeline.9. Nakagawa ako ng graphic organizer.10. Nakagawa ako ng mosaic.11. Nakasulat ako ng liham pasasalamat sa aking magulang.12. Nakagawa ako ng family tree.13. Nakabigkas ako ng isang tula.14. Nakaawit ako ng isang kanta.58

Naipahahayag ko ang mga ito: Mag-aaral Guro 1. Nasasabi kong binubuo ng iba’t ibang kasapi ang isang pamilya. 2. Nasasabi kong may iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya. 3. Nasasabi kong may mga bagay na nanatili at nagbago sa isang pamilya. 4. Nasasabi kong may iba’t ibang Alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya. 5. Nasasabi kong mahalaga ang mabuting ugnayan ng bawat pamilya sa isang pamayanan. 6. Naipagmamalaki ko at napahahalagahan ang aking pamilya. 7. Iginagalang ko ang mga katangian at paniniwala ng ibang pamilya.Komento ng iyong guro:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.59

Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Yunit 3 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Araling Panlipunan – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-51-0 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaano tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sanagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi angpahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkinni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

TALAAN NG MGA NILALAMANYUNIT 3: Ang Aking Paaralan Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan ...…… 109 Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan ....................... 110 113 Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa 116 Aking Buhay ……………………………………..………..…… 117Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan ……………………... 120 121 Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago sa Aking Paaralan ..................................................................Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang nasa Paaralan ……………………………………………...…… Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan …………. Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan ............. 124 131Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid- 132 Aralan ..................................................................................... Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan .……Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan ........ 136Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan …..…… 137iii

Yunit 3: ANG AKING PAARALANPanimulaMga Layunin:Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3, inaasahangmagagawa mo ang sumusunod: 1. naipakikilala ang iyong paaralan; 2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan; 3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa iyo; 4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kuwento ng paaralan; 5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral; 6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid- aralan; at 7. napahahalagahan ang iyong paaralan. 4

Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking KinabibilanganPanimula 5

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking PaaralanPag-isipan Anong mahahalagang impormasyon ang masasabi mo sa iyong paaralan?Gawain 1 Itanong sa inyong punong-guro angsumusunod: 1. Ano ang pangalan ng ating paaralan? 2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan? 3. Kailan itinayo ang ating paaralan? 4. Saan ito matatagpuan? 5. Sino-sino ang bumubuo sa ating paaralan? 6

Gawain 2 Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon saibaba. Gawing makulay ang iyong iginuhit. 7

Gawain 3 Buuin ang graphic organizer sa ibaba upangmaipakita ang mga batayang impormasyon tungkolsa iyong paaralan. Taon ng PagkakatatagLokasyon ng PaaralanMga Taong Bumubuo sa Pangalan ngPaaralan PaaralanTandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralangiyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbingpangalawa mong tahanan. 8

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking BuhayPag-isipan Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa iyo?Gawain 1 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong gurona pinamagatang Celia Studious and Conrad Cat niRegina S. Fernandez. Saan pumupunta si Celia araw-araw? Ano-ano ang ginagawa ni Conrad parahikayatin si Celia na huwag nang pumasok sapaaralan? Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia nalumiban sa pagpasok sa paaralan? 9

Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan niCelia? Ano-ano ang masayang karanasan ni Celia sakaniyang paaralan? Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noongsiya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito angkaniyang naramdaman? Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kayCelia sa paaralan? Bakit?Gawain 2 Ano ang iyong masasayang karanasan sapaaralan? Pumili ng tatlong masayang karanasan atiguhit ito sa loob ng mga bilog. Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan 10

Gawain 3 Nakaguhit dito ang mga ginagawa at natutuhan ni Celia sa paaralan. Subukin mong iguhit sa kabilang kahon ang mga ginagawa at natututuhan mo sa iyong paaralan.Tandaan: Ang paaralan ay isang lugar na marami kang makikilalang bagong kaibigan na iyong makakalaro, makakasama sa pagbabasa,pagsusulat, pagguhit, at iba pang mga gawain paramatuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ngpaaralan sa iyong buhay. 11

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking PaaralanPanimula 12

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago sa Aking PaaralanPag-isipan Ano ang mga bagay na nagbago at di nagbago sa aking paaralan?Gawain 1 Tanungin ang bisitang inanyayahan ng iyongguro tungkol sa pinagmulan ng iyong paaralan. Narito ang maaaring itanong sa inyong bisita: Ano po ba ang hitsura ng aming paaralannoong itinatag ito? Nagbago po ba ang laki o sukat nito? Mas marami po ba ang mga mag-aaral naunang pumasok sa aming paaralan kungikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa amingpaaralan ngayon?May uniporme po ba sila?Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?Ano-ano pa po ang nagbago rito? 13

Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.Subukin ninyo ng iyong mga kapangkat na punanng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba. Ngayon NoonPangalan ng paaralanLokasyon ng paaralanLaki o lawak ng paaralanMga kasapi ng paaralanBilang ng mga mag-aaralUniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sapaaralanMga itinuturo sa paaralan Batay sa mga impormasyong inyong nakuha atnaisulat, ano ang mga bagay na nagbago at dinagbago. 14

Gawain 3 Iguhit ang iyong paaralan noon at ngayon samga kahong nasa ibaba.Ang Aking Paaralan Ang Aking Paaralan Noon NgayonTandaan: May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago sa iyong paaralan.Ang mga desiyon o pagpapasya ng mgakasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ngmga pagbabago o pagpapatuloy. 15

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang Nasa PaaralanPanimula 16

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa PaaralanPag-isipan Ano-ano ang iyong ginagawa sa paaralan?Gawain 1 Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mgagawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Isulat angbilang 1 sa loob ng bilog para sa pinakaunanggawain at 5 naman sa pinakahuling gawain. 17

Gawain 2 Gumawa ng timeline na nagpapakita ng iyonggawain sa iyong paaralan sa loob ng isang araw.Iguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Kulayan angiyong ginawa. Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw Bago Habang Oras ng Bagomagsimula nagtuturo pagkain o mag-ang klase ang aking uwian ang recess klase Guro 18

Gawain 3 Tingnan mo ang mga larawan. Kulayan angmga larawan na nagpapakita ng mga itinuturo ngiyong guro at natututuhan mo sa iyong paaralan. 19

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa PaaralanPag-isipan Ano ang mga dapat mong gawin sa paaralan bilang isang mag-aaral?Gawain 1 Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1.Ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sapaaralang kaniyang pinapasukan. Suriin ang mga larawan at bilugan angnagpapakita ng mga tungkulin o mga dapat gawinni Len bilang isang mag-aaral. 20

Bakit ito ang mga larawang iyong binilugan? Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len angmga gawaing iyong binilugan? Ano naman ang mangyayari kapag ginawa niLen ang mga gawaing hindi mo binilugan? 21

Gawain 2 Makikita sa tsart ang iba’t ibang tungkulin ngmag-aaral sa paaralan. Alin sa mga ito angginagawa mo sa bawat araw? Lagyan ito ngtsek (). 22

Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?Ano ang iyong naramdaman matapos mongmalagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawamo bilang mag-aaral? Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin moang iyong mga tungkulin sa paaralan?Gawain 3 Tingnan at suriin ang mga larawan sa letrang Aat letrang B. Subukin mong iguhit sa loob ng kahon 23

kung ano ang posibleng mangyari sa huling bahaging ipinakikitang sitwasyon. A 24

25

Alin sa dalawang pangkat ng mga larawan angnagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isangmag-aaral, letrang A o letrang B? Bakit ang iyong iginuhit ang napili mong hulingpangyayari sa ipinakitang sitwasyon? Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaralang kanilang mga tungkulin? Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral. 26

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-AralanPanimula 27

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-AralanPag-isipan Anong mga alituntunin ang ipinatutupad sa inyong silid-aralan?Gawain 1 Bilang isang klase, bumuo ng isang graphicorganizer na nagpapakita ng iba’t ibang alituntuninna ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.ABC D E F G H I J K L M NO PQ RSTUVW X YZ Bago Habang Tuwing Bago mag-uwianmagsimula nagkaklase recessang klaseGawain 2 Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Anokaya ang mangyayari o magiging bunga kapagginawa mo ang mga ito? Isulat sa nakalaang bahaging graphic organizer ang iyong sagot sa bawatsitwasyon. 28

29

Gawain 3 Balikan ang inyong ginawang graphicorganizer. Sa iyong palagay, alin sa mga sitwasyonang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntuninng inyong silid-aralan? Alin naman sa mga ito angnagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin?Isulat ang letra ng sitwasyon sa loob ng angkop nakahon.Pagsunod sa Hindi Pagsunod sa Alituntunin Alituntunin Ano ang nagiging bunga ng pagsunod saalituntunin? Ano naman ang naging bunga ng hindipagsunod sa alituntunin? Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundinang mga alituntunin? 30

May iba ka pa bang naiisip na alituntunin namaipatutupad para sa ikabubuti ng inyongsamahan sa silid-aralan? Tandaan: May iba’t ibang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-aral at ng inyong guro. 31

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking PaaralanPanimula 32

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking PaaralanPag-isipan Bakit mahalaga ang iyong paaralan?Gawain 1 Sabay-sabay ninyong awitin o bigkasin ang“Bata pa Ako” na sinulat ni Julia Abueva. Bata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay nasa sasakyan Papuntang paaralan Makatapos kaya ako Kahit mga libro'y pinaglumaan mo Pangarap lang ba Pagka't mahirap lang ako Pwede bang sumali sa inyong laro Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba Sana balang araw maging tulad din kita 33

Paano bang sumulat, magbasa ng gaya mo Bata alam mo ba, na bata rin ako? Musmos pa rin ako, Di lang napapansin Magulang at kapatid, Nakaasa sa akin Bata sino ba Ang nagtuturo't gumagabay sa'yo May pag-asa pa bang Maturuan din nya ako Sa lahat ng inaasam Isa ang pinakagusto Na sana'y pagtanda natin Wala ng batang tulad ko Mula sa : http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html Ano ang nararamdaman mo habang inaawit obinibigkas ninyo ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sainyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya?Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na walasiya? 34

Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gustorin niyang magawa o maranasan?Gawain 2 Ano kaya ang mangyayari sa isang bata sakaniyang pagtanda kung hindi man lamang siyamakapag-aral sa isang paaralan? Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakitang maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral? Alin naman ang nagpapakita ng maaaringmangyari sa mga taong hindi nakapag-aral?Lagyan ng arrow ( ) papunta sa larawanng paaralan ang mga larawang nagpapakita ngmaaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral. Tingnan mo ang halimbawa. Nilagyan ng arrowang larawan ng guro papunta sa larawan ngpaaralan. 35


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook