Gawain 2 Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw aydalawampung (20)taon na. Ano ang iyong nakikitana ginagawa mo? Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarilidalawampung (20) taon mula ngayon. 46
Gawain 3 Tingnan ang larawan ng isang malaki atdalawang maliit na bituin. Isulat sa gitna ng malakingbituin ang iyong pangalan. Sa paligid nito, iguhit angbagay o mga bagay na nagpapakita ng iyongpangarap. Sa dalawang maliit na bituin, iguhit angmga dapat mong gawin upang matupad ang iyongmga pangarap. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. LINA Butasan ang mga bituin katulad ng nasalarawan at lagyan ng tali. Itali sa malaking butas angmaliit na bituin. Isabit ito sa bintana o kisame nginyong silid-aralan, sa tulong ng iyong guro. 47
Ang Aking Pangarap Mahalaga ba ang iyong pangarap? Bakitmahalagang magkaroon ng pangarap ang isangtao? Tandaan: Ang bawat bata ay may sariling pangarap. May kailangan kang gawin upang makamit ang iyong pangarap. 48
Ang Aking mga NagawaPanuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ngtsek () ang angkop na kahon ng iyong sagot. Mag-aaral Guro 1. Nasunod ko ang mga panuto. 2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining. 3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa mga kamag-aral. 4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro. 5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kamag-aral. 6. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay. 7. Natukoy ko ang mga bagay na gusto ko. 8. Naipaliwanag ko ang mga bagay na may kinalaman sa aking sarili. 9. Napahalagahan ko ang aking sarili. 49
Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro1. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking sarili .2. Natukoy ko ang mga bagay na gusto ko.3. Naikumpara ko ang aking pisikal na katangian at karanasan sa aking mga kamag-aral.4. Naipagmalaki ko ang mga taglay na katangian.5. Nakagawa ako ng collage.6. Nakabuo ako ng timeline.7. Nakagawa ako ng graphic organizer.8. Naisaayos ko ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.50
Naipapahayag ko ang mga ito tungkol saaking sarili: Mag-aaral Guro 1. Nasasabi ko na ako ay natatangi. 2. Nasasabi ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking sarili. 3. Naipagmamalaki at napahahalagahan ko ang aking sarili. 4. Iginagalang ko ang mga pisikal na katangian at karanasan ng aking mga kamag-aral.Komento ng iyong guro:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 51
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Yunit 2 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Araling Panlipunan – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-51-0 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaano tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sanagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi angpahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkinni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
TALAAN NG MGA NILALAMANYunit 2: ANG AKING PAMILYA 54 55 Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya ......................... 61 65 Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya ................................................ 70 71 Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking Pamilya ………………………………....... 76 Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya ................ 80 86 Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya 87 Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng 89 Aking Pamilya .................................................................... 96 97 Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking 100 Pamilya ………………………………………………………… Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ……………... Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya …………………………..……………………..……... Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya ........................................... Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya …………………………… Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya …….…. Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya .................................iii
Yunit 2: ANG AKING PAMILYAPanimula 4
Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahangmagagawa mo ang sumusunod: 1. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya; 2. nasasabi na ang bawat pamilya ay may angking katangian; 3. nakasusunod sa mga alituntunin ng pamilya; 4. naipagmamalaki ang pamilya; 5. napahahalagahan ang mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya; at 6. napahahalagahan ang ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya 7. nabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilya; 5
Aralin 1:Pagkilala sa mga Kasapi ng PamilyaPanimula 6
Aralin 1.1: Ang Aking PamilyaPag-isipan Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?Gawain 1 Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loobng bahay na makikita sa ibaba. 7
Gawain 2 Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyongguro o tagapag-alaga. Ako si ______________________________________. (Ano ang iyong pangalan?) ___________________ang kasapi ng aking (Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?) pamilya. Si _____________________ ang aking ama. (Ano ang pangalan ng iyong ama?) Si _____________________ang aking ina. (Ano ang pangalan ng iyong ina?) Si/ Sina _______________________________________ (Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano ang kanilang pangalan?) ang aking kapatid/mga kapatid. 8
Gawain 3 Tanungin ang bawat kasapi ng iyong pamilyaupang masagutan ang mga patlang.Ang ama ko ay si _________________________________.Siya ay _____________________________ taong gulang.Gusto niyang mag_______________________________ .Ang ina ko ay si__________________________________ .Siya ay _____________________________ taong gulang.Gusto niyang mag _______________________________ .Si ___________________________________ay kapatid ko.Siya ay ______________________________taong gulang.Gusto niyang mag________________________________ . 9
OrasGawain 4 Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita itong mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Itoay isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nitoang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya niBing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan. Ang bar graph ay isang uri ng graph nagumagamit ng mga bar upang ipakita angbilang o dami ng isang bagay. Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa Lugar na Kanilang Pinasyalan 5 4 3 2 1 Simbahan Parke Pamilihan Bahay ng lola Mga Lugar na Pinasyalan 10
Sa paggamit ng bar graph, mahalagangtingnan muna ang pamagat upang malaman kungano ang ipinakikita nito. Ang pamagat ng bar graphna makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ngPamilya ni Bing sa mga Lugar na KanilangPinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph,makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya niBing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oraso tagal na inilagi nila sa bawat lugar. Ang bawat barsa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilaging pamilya sa isang lugar. Ituro ang iyong daliri sabar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilangdalawa (2). Nangangahulugang dalawang oras anginilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan. Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing saparke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?Gawain 5 Kasama ang iyong mga kamag-aral, subukinninyong gumawa ng graph na nagpapakita ngbilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Huminging papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito anggagamitin ninyong bar sa gagawing bar graphupang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyongpamilya. 11
Ang mga Kasapi ng Pamilya 10 9Bilang ng Kasapi ng Pamilya 8 7 6 Ben 5 Malaya Ned 4 Maki Dan Rina 3 Ron Mark Abbi Lito 2 Nena Susan Mila Rosa Edna 1 Aris Mong Pat Nato Bert Miko Bea Lina Paolo Tina Pangalan ng Mag-aaral Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ngiyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay nginyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. Tandaan: Ikaw ay bahagi ng isang pamilya. May iba’t ibang kasaping bumubuo sa iyong pamilya. May pamilyang marami ang kasapi. May pamilyang kakaunti ang kasapi. 12
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking PamilyaPag-isipan Ano-ano ang ginagawa ng mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng inyong tahanan?Gawain 1 Tingnan ang larawan ng dalawang kamay.Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina otagapag-alaga sa patlang na makikita mo sa itaasng larawan. 13
Gawain 2 Basahin ang tula na pinamagatang “AngAming Mag-anak”, nakuha mula sahttp://www.takdang aralin.com/Filipino/mga-tulang-pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/. Ang Aming Mag-anak Ang aming mag-anak ay laging masaya. Maligaya kami nina ate at kuya. Mahal kaming lahat ni ama’t ina. Mayroon ba kayong ganitong pamilya? Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan, Tulong ni ama ay laging nakaabang Suliranin ni ate ay nalulunasan, Sa tulong ni inang laging nakalaan Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya? • Sino-sino sila? • Ano ang naramdaman ng pamilya? • Paano mo ito nasabi? • Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa? Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi,bakit? 14
Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhitang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng sticksa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick. Ang inyong binuo ay isang halimbawa ngpuppet. Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyoang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ngpamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan angbawat kasapi. 15
Gawain 4 Sabay-sabay awitin ang awit na “Masaya kungSama-sama.” Masaya kung sama-sama, Sama-sama, sama-sama Masaya kung sama-sama, At nagtutulungan Kay inam ng buhay Kung nagmamahalan Masaya kung sama-sama Ang buong pamilya Tandaan: Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may bahaging ginagampanan sa inyong pamilya. 16
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa PamilyaPag-isipan Ano ang mga tungkulin mo sa iyong pamilya?Gawain 1 Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ngisang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alaminkung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan. 17
Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mgakapatid? Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawanila? Bakit? Ano kaya ang nararamdaman ng mgamagulang ni Ben sa ginagawa nilangmagkakapatid? Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawasa inyong tahanan? Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mgatungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Angtungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparinupang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, atmasayang pagsasama ng inyong pamilya. Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyongtahanan? 18
Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alaminkung alin sa mga ito ang nagpapakita na natupadang tungkulin. Iguhit ang masayang mukha sa larawangnagpapakita na natupad ang tungkulin atmalungkot na mukha naman kung nagpapakitana hindi natupad ang tungkulin. 19
Gawain 3 Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyongpamilya. Lagyan ng tsek () ang iyong nagawangtungkulin sa bawat araw. 20
21
Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling PamilyaPanimula Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa iyong pamilya. Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at masayang pagsasama ng inyong pamilya. 22
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking PamilyaPag-isipan Ano ang mga pangyayari sa inyong pamilya na nagpasaya sa iyo?Gawain 1 Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon.Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin Kahapon 23
Gawain 2 Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol samahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyangpamilya. 24
Gawain 3 Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba. Ano ang nakikita sa larawan? Sino-sino ang nakikita sa larawan? Anong pangyayari ang nakikita sa larawan? Ano ang nararamdaman ng mga tao salarawan? Bakit? Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sapamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi? Ano pa kayang pangyayari sa buhay ngpamilya ang maituturing na mahalaga? 25
Gawain 4 Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sabuhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawatpangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loobng larawan ng bahay. 26
Gawain 5 Ibahagi sa klase ang mahahalagangpangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay saginawang timeline. Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagiang kuwento ng buhay ng iyong pamilya? Tandaan: May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili. 27
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking PamilyaPag-isipan Ano ang mga bagay o pangyayaring nagbabago o nagpapatuloy sa iyong pamilya?Gawain 1 Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya atnoong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sadalawang larawan? Kulayan ito ng berde.Larawan 1: Noong isilang si Laya AB 28
Larawan 2 : Noong anim na taong gulang na si Laya Marami ka bang nakulayan?Gawain 2 Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mganapansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 atLarawan 2 ng pamilya ni Laya. Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ngpamilya ni Laya sa letrang A at letrang B ng Larawan1? Ikumpara ang hitsura ni Laya at ng mga kasaping pamilya na nasa letrang A at letrang B ngLarawan 1. Anong pagbabago ang napansin mo sa kanila? 29
Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sakapaligiran nito kung ikukumpara mo ang letrang Cat letrang D ng Larawan 2?Gawain 3 Mag-isip ka ng tatlong mahalagang pangyayarisa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilangmakasama. Gumawa ng timeline na nagpapakitang mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahonayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 30
Gawain 4 Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kungano ang mga bagay na nagbago at nanatili sabuhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbagoat nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon.Ang Buhay ng Aking Ano ang Ano ang hindiPamilya nagbago? nagbago?KasapiTirahanGinagawa sa loobng bahay Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mgapangyayari na nagbabago at nananatili?May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sabuhay ng inyong pamilya na nagbago at mgabagay na nagpatuloy o hindi nagbago?Tandaan: May mga bagay o pangyayari na nagbabago at nananatili sa buhay ng isang pamilya.Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isangpamilya ang nagdudulot ng mga pagbabagoo pananatili ng isang bagay o pangyayari. 31
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aralPag-isipan Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aral?Gawain 1 Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon.Kulayan ito. Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay,punan ng salita o mga salita ang mga patlangupang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya. 32
Ang Aking PamilyaAko ay nabibilang sa pamilya _________________. (apelyido)Binubuo ang aking pamilya ng ___________ kasapi. (bilang ng kasapi)Nakatira ang aming pamilya sa_______________________________________________ . (lugar ng tirahan)Ang tatay ko ay isang _________________________ . (gawain o hanapbuhay)Ang nanay ko ay isang ________________________. (gawain o hanapbuhay)Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-sama ay ________________________________. (paboritong gawain ng pamilya)Ang aming pamilya ay ________________________. (pinakagustong katangian ng pamilya) 33
Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulongng inyong guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsartna makikita sa ibaba.Pangalan Apelyido Bilang Tirahan Gawain Gawain Paboritongng mga ng o o gawain ngkasapi ng Kasapi hanap- hanap- pamilyapangkat ng buhay buhay Pamilya ng ng tatay nanay May napansin ka bang pagkakatulad atpagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyongmga kamag-aral? May nais ka pa bang ibahaging impormasyontungkol sa iyong pamilya? 34
Gawain 3 Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste, atmakukulay na papel o lumang diyaryo o magazine otuyong dahon. Gamit ang makukulay na papel o diyaryo omagazine o tuyong dahon, gumawa ng isang punoat idikit ito sa isang malinis na papel Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawatkasapi ng iyong pamilya. Gupitin ang mga kahon atidikit ito sa ginawang puno. 35
Family tree ang tawag sa iyong ginawa.Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilyaat ugnayan ng bawat isa. 36
Gawain 4 Ibahagi sa klase ang ginawang family tree.Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan angnatapos ninyong family tree ng iyong mga kamag-aral. Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Anoang masasabi mo sa inyong mga nabuong familytree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuongfamily tree? Tandaan: May pagkakaiba at pagkakatulad ang katangian ng bawat pamilya. Sa pagkakaibang ito makikita ang namumukod na katangian ng isang pamilya. Nararapat lamang na igalang ang katangian ng bawat pamilya. 37
Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking PamilyaPanimula 38
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking PamilyaPag-isipan Ano ang mga dapat at di dapat gawin sa loob ng inyong bahay?Gawain 1 Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin samga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayanang mga larawan na nagpapakita ng iyongginagawa sa bahay. Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyongkinulayan? Ang mga ugali o gawi na ipinatutupadng iyong magulang o nakatatandang kasapi ngpamilya ay tinatawag na alituntunin. May naisip ka pa bang alituntunin naipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito? 39
Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa loob ngkahon. Lagyan ng tsek () kung alin sa mga ito angipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay. 40
G. Magsabi ng “po” at opo” sanakaMtaaataarni pdoa ba akong sumama?H. Gawin muna ang takdang aralin bago maglaro I. Iligpit ang mga laruan matapos laruin 41
Gawain 3 Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilangang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang letrasa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo saibaba. 42
Gawain 4 Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagisa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sainyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad atpagkakaiba ng mga alituntuntuning ito. Tandaan: May iba’t ibang alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya. Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya. 43
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking PamilyaPag-isipan Bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng iyong pamilya?Gawain 1 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong gurona pinamagatang “Ang Ilaw at ang Gamugamo.” Anong sinabi ng matandang gamugamo sabatang gamugamo? Anong ginawa ng batang gamugamo? Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo angsinabi ng matandang gamugamo? Ano kaya ang naramdaman ng matandanggamugamo sa hindi pagsunod ng batanggamugamo? 44
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194