Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Araling Panlipunan Grade 1

Araling Panlipunan Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:13:56

Description: Araling Panlipunan Grade 1

Search

Read the Text Version

Gawain 3 Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan nanagpapakita ng kahalagahan ng iyong paaralan. Sa tulong ng guro o magulang o tagapag-alaga, punan ang patlang na nagpapahayag kungbakit mahalaga sa iyo ang iyong paaralan. Mahalaga ang aking paaralan dahil _________ ______________________________________________ ______________________________________________ Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman. Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan. 36

Ang Aking mga Nagawa at NatutuhanPanuto. Makinig sa babasahin ng guro.Lagyan ng tsek() ang angkop na kahon sa iyongsagot. Mag-aaral GuroNagamit ko ang mga kasanayang ito: 1. Nasunod ko ang mga panuto. 2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining. 3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking kamag-aral. 4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro. 5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kaklase. 6. Nasuri ko ang iba’t ibang bagay. 7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay. 8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan. 9. Nakapag-isip ako ng maaaring mangyari sa isang sitwasyon . 10. Napahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan. 37

Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan.3. Nakagawa ako ng isang panayam.4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan.5. Nakabuo ako ng timeline.6. Nakagawa ako ng graphic organizer.7. Nakaawit ako ng isang awitin.8. Nakabigkas ako ng isang tula.9. Nasuri ko ang isang awit o tula.10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan.38

Naipahahayag ko ang mga ito: Mag-aaral Guro 1. Natutuhan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan. 2. Natutuhan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan. 3. Natutuhan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa aking paaralan . 4. Natutuhan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan. 5. Natutuhan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning ipinatutupad sa aking paaralan. 6. Natutuhan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin bilang mag-aaral. 7. Natutuhan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at paaralan.Komento ng iyong guro_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ . 39

Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Yunit 4 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Araling Panlipunan – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-51-0 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaano tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sanagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi angpahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkinni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

TALAAN NG MGA NILALAMANYUNIT 4: Ako at ang Aking Kapaligiran 145 146 Aralin 1: Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan ……………… 150 154 Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng 162 Distansiya ………………………………………………………. 169 170 Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng Direksiyon ............................................................................. 175 Aralin 1.3: Ang Aking Nagawang Mapa ……………….…… Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay Patungong Paaralan ………………………………………… Aralin 2: Pangangalaga ng Aking Kapaligiran ......................... Aralin 2.1: Mga Paraan sa Pagpapanatili ng Kalinisan sa Aking Paaralan .................................................................... Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa Pagpapanatili ng Kalinisan ng Aking Paaralan ........................................iii

Yunit 4: AKO AT ANG UGNAYAN NG AKING PAMILYA AT PAARALANPanimulaMga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 4, inaasahangmagagawa mo ang sumusunod: 1. natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit at malayo; 2. naituturo ang direksiyon tulad ng kanan at kaliwa, likod at harapan, at iba pa; 3. natutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at pagtutulungan ng pamilya at paaralan para sa kabutihan ng anak/mag-aaral; at 4. napahahalagahan ang ugnayan at pagtutulungan ng pamilya at paaralan. 4

Aralin 1: Ang Pisikal na Kapaligiran ng Aking Tahanan at PaaralanPanimula 5

Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng DistansiyaPag-isipan Ano ang distansiya?Gawain 1Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi.Magtakda ng letra sa bawat kasapi. Halimbawa,ang unang kasapi ay letrang A, ang ikalawa ayletrang B at ang ikatlo ay letrang C. Pahawakanninyo sa kasapi A ang dalawang taling ibinigay nginyong guro. Ang kasapi B at kasapi C naman anghahawak sa dulo ng magkabilang tali. Hawak angdulo ng tali, sabihan ang kasapi B at kasapi C nalumayo sa kasapi A hanggang sa maunat ito.Kasapi A Ano ang napansin mong pagkakaiba ng dalawang tali? Aling tali ang hawak ng kasaping mas malayo? Aling tali ang hawak ng kasaping mas malapit? Kasapi CKasapi BAng lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay aytumutukoy sa distansiya. 6

Gawain 2 Tingnan at suriin mo ang mga larawang nasaibaba. Kulayan ang larawan na nagpapakita ngdistansiyang malapit. 7

8

Gawain 3 Subukin mong sukatin ang distansiya ng mgabagay na nakatala sa ibaba. Isulat kung ilanghakbang ang layo sa pagitan ng dalawang bagay.Mga bagay Ilang hakbang ang layo sa pagitan ng dalawang bagay?A. pisara at mesa ng iyong guroB. pisara at upuan ng iyong guroC. pisara at pintuanD. pisara at iyong upuan Mula sa pisara, alin sa mga gamit angnagpapakita ng distansiyang malapit? Alin sa mgagamit ang nagpapakita ng distansiyang malayo?Tandaan: Ang distansiya ay nagpapakita ng lapito layo sa pagitan ng dalawang bagay. 9

Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng DireksiyonPag-isipan Nasaan ang iyong kanan, kaliwa, likod, at harapan?Gawain 1 Buksan ang iyong kwadernosa magkatapat na malinis napahina. Bakatin ang iyongkaliwang kamay sa unang pahinaat bakatin ang iyong kanangkamay sa kabilang pahina.Gawain 2 Tingnan ang mga larawanng iba’t ibang hayop sa ibaba.Itupi ng pahalang ang isangpahina ng iyong kwadernokagaya ng nasa ibaba. Isulatang bilang ng mga hayop nanakaharap sa kaliwa sa unanghanay. Isulat ang bilang ng mgahayop na nakaharap sa kanan sa ikalawang hanay. 10

Gawain 3 Awitin ang kantang “Kumusta ka?” at sundinang kilos na gagawin ng iyong guro. Kumusta ka? Kumusta ka? Halina’t magsaya Pumalakpak, pumalakpak Ituro ang paa Padyak sa kanan Padyak sa kaliwa Umikot nang umikot at humanap ng iba 11

Gawain 4 Suriin ang larawan. Ano ang mga bagay nanasa harapan ng bata? Bilugan ang mga ito. Anonaman ang bagay na makikita sa kanyang likuran.Ikahon ang mga bagay na ito. 12

Gawain 5 Maglaro tayo. Bumuo ng dalawang pangkat. Bawat pangkatay pipili ng kinatawan. Tatakpan ng inyong guro angmata ng kinatawan ng inyong pangkat. Layunin ng laro na makuha ng bawatnakapiring na kinatawan ng pangkat ang panyo nainilagay ng inyong guro sa isang bahagi ng inyongsilid-aralan. Ang mga natitirang kasapi angmagbibigay ng direksiyon - kanan, kaliwa, harap atlikod - upang mapuntahan ng kinatawan angkinalalagyan ng panyo. Ang grupong kinabibilanganng kinatawan na pinakamabilis na makakakuha ngpanyo ang siyang panalo. Tandaan: May iba’t ibang direksiyon tulad ng kanan, kaliwa, harapan, at likod na magagamit sa pagtukoy ng kinalalagyan ng mga bagay. 13

Aralin 1.3: Ang Mapa ng Aming BahayPag-isipan Ano ang mapa?Gawain 1 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.Habang nakaupo, ilatag ang mga gamit tulad ngisang lapis, isang aklat, isang pangkulay, at isangpirasong papel sa mesa o sahig. Tumayo kayo at pagmasdang mabuti ang mgabagay na inyong inilatag sa mesa o sahig. Ano anginyong nakikita? Pag-aralan ang kinalalagyan ng bawat bagay.Subuking ilarawan sa isang papel ang iyongnapagmasdan at napag-aralang kinalalagyan ngmga bagay habang kayo ay nakatayo. Sa halip naiguhit ang eksaktong anyo ng mga bagay, gumamitng iba’t ibang hugis na kakatawan sa mga ito. 14

Halimbawa: Kayo naman sa inyong grupo, ano ang inyongiginuhit? Ang inyong iginuhit ay isang halimbawa ngmapa. Ang mapa ay isang larawang kumakatawansa kinalalagyan ng mga bagay o lugar. Ipinakikitanito ang anyo ng bagay o lugar kung titingnan itomula sa itaas. Idikit ang inyong ginawa sa isang bahaging silid-aralan. 15

Gawain 2 Balikan ang ipinakitang halimbawa ng mapa saGawain 1. Ipinakita rito ang iba’t ibang bagay tuladng papel, lapis, aklat, at pangkulay.Pananda: aklat pamburalapis bag Ang maliit na kahon na nasa kanan ng mapana naglalaman ng hugis na kumakatawan sa papel,lapis, aklat, at pangkulay ay tinatawag na pananda. Ang pananda ang nagsasabi kung ano angkinakatawang bagay o lugar ng bawat hugis o kulayna ginamit sa mapa. Balikan ang mapang ginawa ng inyongpangkat. Subukin ninyong gumawa ng isangpananda ng inyong ginawang mapa. 16

Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Pag-aralan ang itsura ng inyong silid-aralan at gumuhit ngmapa nito. Lagyan ito ng pananda. Ibahagi sa klase ang ginawa ninyong mapa.Magkakapareho ba ang ginawa ninyong mapa?Bakit o bakit hindi? 17

Gawain 4 Ilarawan mo ang iyong paaralan. Aling bahaging iyong paaralan ang paborito mo? Iguhit mo ito saloob ng picture frame na nasa ibaba. Magpatulong sa guro o magulang upangsagutin ang sumusunod batay sa nagawang mapa: 1. Ano-ano ang mga malalapit sa iyong silid- aralan? 2. Ano-ano ang mga malalayo sa iyong silid- aralan? 18

Gawain 5 Ipinakikita sa ibaba ang mapa ng loob ng isangbahay. Ano-ano ang iyong nakikita? Subukin monggumawa ng mapa ng loob ng inyong bahay. Tiyakinna lagyan ito ng pananda. 19

Gawain 6 Aling bahagi ng inyong tahanan ang paboritomo? Iguhit mo ito sa loob ng kahon at ipakita angsumusunod: 1. ang hugis ng bahagi ng bahay na paborito mo 2. ang pinto o bintana (kung mayroon) 3. mga kagamitang matatagpuan dito 4. iba pang mga detalye 20

Sa tulong ng iyong guro o magulang otagapag-alaga, punan ang patlang sa ibaba.Paborito ko ang bahaging ito ng aming bahay dahil________________________________________. Magpatulong sa guro o magulang upangsagutin ang sumusunod batay sa nagawang mapa: 1. Ano-ano ang mga bagay ang malapit sa pinto? 2. Ano-ano ang mga bagay ang malayo sa bintana (kung mayroon)? 3. Ano-ano ang mga bagay ang magkakalapit? 4. Ano-ano ang mga bagay ang magkakalayo? Tandaan: Magagamit mo ang mapa sa paghahanap ng kinalalagyan ng isang bagay o lugar. Makikita mo rin dito ang anyo ng bagay o lugar at kung alin ang mga bagay na magkakalapit o magkakalayo. 21

Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay Patungong PaaralanPag-isipan Ano- ano ang iyong nakikita mula sa inyong bahay patungong paaralan?Gawain 1 Sa loob ng bintana sa ibaba, iguhit ang iyongmga nakikita sa paligid ng inyong tahanan. Gawingmakulay ang iyong gawain. 22




































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook