• Paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang-diin kapag binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa. a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya. b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo. c. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.• Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upangbigyang-diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi sinasagot sapagkatlantad na.) a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba? (Napakaganda ng ginawa nila!) b. Dahilan ba iyan para malungkot ka? (Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!) c. Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi?DEPED COPY (Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig) d. Anong diperensiya noon? (Wala iyong diperensiya) e. Sino ang hindi nakaalam niyan? (Alam iyan ng lahat)Pagsasanay 1: Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag angginamit sa bawat pangungusap. Pangungusap Damdamin Paraan ng Pagpapahayag1. Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap2. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng iyong luha’y malaya kang mamighati!3. Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumarating!4. Ang galing-galing mong magsaulo ng tula.5. Ang husay ng mga taga-Egypt sa kanilang sining, di ba?6. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula.7. Wala na tayong pag-asa kung patuloy tayong magpapaalipin.8. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!9. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!10. Pasensiya na, wala na akong magagawa. 97 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPagsasanay 2: Naririto ang iyong pagkakataong maipahayag ang iyong saloobin.Bumuo ng isang pangungusap na nagpapahayag ng iyong damdamin sa sumusunodna mga katauhan. Ipahayag ang pangungusap na tila kausap mo sila. Gumamit ngiba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin. 1. Taong lihim na hinahangaan: ___________________________________ 2. Nakilalang may mabigat na suliranin: _____________________________ 3. Taong nais hingan ng paumanhin: _______________________________ 4. Kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan: ____________ 5. Pangulo ng Pilipinas:_________________________________________Pagsasanay 3: Sumulat ng isang text message na magpapanumbalik ng pag-asasa iyong kaibigan, kaklase o kakilalang may pinagdaraanang suliranin. Sikapingipahayag sa mensahe ang positibong pananaw sa buhay upang magpatuloy siyangharapin ito. Maaaring patula o tuluyan ang isusulat na mensahe.Isulat sa sagutangpapel o maaaring ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng pag-text. Pagnilayan at UnawainGawain 9: BahaginanIbahagi sa iyong kamag-aral ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. 1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng tulang liriko? 2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa? 3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng tulang pastoral sa mambabasa ? 4. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt? 5. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?Pagkatapos ng pakikipagpalitan ng sagot at tanong sa kaklase, bumuo ng sintesistungkol sa mga natutuhan sa buong aralin. Talakayin ang sagot sa tulong ngkasunod na grapikong representasyon. 98 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
IlipatIsa kang Guidance Conselor (propesyunal na tagapayo ng mga mag-aaral kaugnayng kanilang pampersonal, pang-akademiko at propesyunal na mga alalahanin.)sa isang pampublikong paaralan. Linggo-linggo ay may iba’t ibang mag-aaral angnagtutungo sa iyong opisina upang humingi ng payo tungkol sa kanilang mgapinagdaraanang suliranin sa buhay. Napansin mong kahit sa murang edad ng mgamag-aaral ay masalimuot na ang mga suliraning kanilang kinahaharap. Ito angnagiging sanhi ng hindi nila pagkakaroon ng lubos na atensiyon sa pag-aaral. Sadami ng mga mag-aaral sa iyong paaralan hindi mo mabibigyan ng atensiyon atpayo ang lahat ng mga mag-aaral. Naisip mo na magpaskil ng tulang pastoral namay mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sakabila ng pagiging masalimuot nito. Sa ganitong paraan parang nabigyan mo na rinng payo ang bawat makababasa ng iyong tula. Dalawa hanggang tatlong taludtodna tulang pastoral ang iyong isusulat batay sa pamantayang ito:DEPED COPYa. malinaw na mensahe 10 puntos - piling-pili ang mga salitang ginamit - may malinaw na pagpapahayag ng damdaminb. matalinghaga 10 puntos - malalim ang kahulugan / may simbolismo - malikhain at matayutay na pagpapahayag ng kaisipanc. may kariktan 10 puntos - may kakintalan - mapagparanas 99 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 1.7A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh Epiko mula sa Mesopotamia Salin sa Ingles ni N.K. Sandars Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. ChiocoB. Gramatika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng PahayagC. Uri ng Teksto: NagsasalaysayPanimula Ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean, sa hilagang- silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhang bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia. Mayaman sa panitikan ang Mesopotamia. Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang angking kultura. Makikilala sa pamamagitan ng pag- aaral ng mga ito ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali, at iba pa na mapagkikilanlan ng kanilang lahi. Sa Aralin 1.7, pag-aaralan mo ang epiko ni Gilgamesh. Hihimayin ito upang mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may supernatural na kapangyarihan. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag upang ikaw ay makibahagi sa pagtatanghal ng isang bahagi ng epiko sa pamamagitan ng Chamber Theater batay sa sumusunod na pamantayan: a.) iskrip, b.) pagganap, at c.) teknikal. Tutuklasin mo kung ang mga pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan. Gayundin, kung paano mabisang magagamit ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng Chamber Theater. Tayo na at sama-sama nating tawirin ang dagat ng Mediterranean at tuklasin ang kultura ng mga taga-Mesopotamia sa pamamagitan ng kanilang epiko.DEPED COPY 100 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Yugto ng PagkatutoTuklasinSa sumusunod na gawain, alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalamansa mga epiko at upang mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay maysupernatural na kapangyarihan.GAWAIN 1: Hanapin MoSuriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang pangunahingtauhan ng mga ito at isulat sa Kolum B. Alamin din kung ano ang supernatural nakapangyarihan nito at isulat sa Kolum C.DEPED COPY Kolum A Kolum B Kolum CPamagat ng Epiko Pangunahing Tauhan Supernatural na kapangyarihan1. Indarapatra at Sulayman2. Ibalon3. Tuwaang4. Illiad at Odyssey5. Divine Comedy6. Song of RolandGAWAIN 2: Kilalanin MoSa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng epikoat mitolohiya.Epiko Mitolohiya 101 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYAlam mo ba na... ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa? Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego epos na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay. Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakahaharap, lalong magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982) Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna-unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit (unang salita ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shūtur eli sharrī (“Surpassing All Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha naqba īmuru (“He who Saw the Deep”), sa makabagong salita: (“He who Sees the Unknown”). Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa guho ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipal. The Epic oMf Guillagasma eesnh.W, kikinipuehdaian.ooorgn/gwNikoi/EbypeicmobfrGe i3lg0a,m20e1s4h Paano nagsimula ang epiko? Saang bansa ito nagmula at ano-ano ang tanyagna epiko sa buong mundo at sino-sino ang sumulat ng mga ito? Upang masagot angmga tanong na ito, halika at basahin mo ang “Kasaysayan ng Epiko.” Malinaw na ba sa iyo kung ano ang epiko? Isang epiko mula sa Mesopotamiaang pag-aaralan natin. Ayon kay Joshua J. Mark, ang Mesopotamia (mula sa salitangGriyego na nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyonsa silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang Bundok ng Zagros atsa timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhan bahaginito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey.Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates atang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H.Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula angsibilisasyon ng Mesopotamia. 102 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Upang maging handang-handa ka sa pag-aaral ng epikong mula sa Mesopotamia na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan, halika’t silipin mo muna ang kasaysayan ng epiko. Mesopotamia, Joshua J. Mark, kinuha noong Nobyembre 30, 2014 Mula sa www.ancient.eu/Mesopotamia/ Kasaysayan ng Epiko Mula sa about.com Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh. Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius. Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika. Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang sulatin niya ang Paradise Lost. Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagaman ito’y hindi madalas basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Si T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period). Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090. 103 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam nasiglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huliay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito aynagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German. Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin angnasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mgakuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuringepiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer aynagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apatat ikalabinlimang siglo. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mgaepiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagongproseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong `grupo saMountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilanay makikita sa mga mamamayang Kristiyano. Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian atmabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud niAliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo atmarami pang iba. Epic Literature, kinuha noong Disyembre 3, 2014 Mula sa ancienthistory.about.com/od/literat3/qt/EpicPoetry.htmDEPED COPYGAWAIN 3: Sipiin MoMula sa binasang Kasaysayan ng Epiko, sipiin at uriin ang mga salitang nagpapahayagng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, nagpapakita ng sanhiat bunga, paghahambing o kaibahan, pagdaragdag ng impormasyon, nagbibigay-diin,halimbawa at paliwanag, at mga pangatnig. Salita Uri1. _________ 1. ____________2. _________ 2. ____________3. _________ 3. ____________4. _________ 4. ____________5. _________ 5. ____________6. _________ 6. ____________7. _________ 7. ____________8. _________ 8. ____________9. _________ 9. ____________10. _________ 10. ___________ 104 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
LinanginBasahin mo at unawain ang epikong kasunod upang mapatunayan na ang pangunahingtauhan sa epiko ay may supernatural na kapangyarihan. Mula sa Epiko ni Gilgamesh salin sa Ingles ni N.K. Sandars saling-buod sa Filipino ni Cristina S. ChiocoMga Tauhan:Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos AmaEa - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga taoEnkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikhaDEPED COPY mula sa luwadEnlil - Diyos ng hangin at ng mundoGilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epikoIshtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundoNinurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitanShamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng taoSiduri - Diyosa ng alak at mga inuminUrshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng UtnapishtimUtnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan. 1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya. 2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasamana ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila siHumbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila angkagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ngpagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakinang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido angtoro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kayaitinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namataysa matinding karamdaman. 105 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik 4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.” 5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani- paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” 6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang 106 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh,“Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akongmamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katuladkong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. 7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.GAWAIN 4: Paglinang ng TalasalitaanSuriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. Piliinat salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap.Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito.DEPED COPY_____ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.”_____ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”_____ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?”_____ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.”_____ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”GAWAIN 5: Unawain MoSa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.Ilarawan si Gilgamesh, Kung ikaw si Enkido, Bakit kaya kahiya-hiya ang pangunahing nanaisin mo bang para kay Enkido ang tauhan sa epiko. maging kaibigan kaniyang kamatayan? ang isang tulad ni Gilgamesh? Bakit? Kung ikaw si Anong mahalagang Ipaliwanag angGilgamesh at namatay kaalaman tungkol mensaheng si Enkido, ano ang sa buhay ang ibinabahagi ngiyong mararamdaman? ipinahihiwatig ng akda tungkol sa pagkakaibigan? Bakit? akda?Sa inyong palagay, bakit Nasasalamin ba sa Kung bibigyan ka kailangang iparanas epiko ang paniniwala ng ng pagkakataong ng may-akda ang mga mga taga-Ehipto tungkol baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo itosuliranin sa pangunahing sa buhay na walang tauhan ng epiko? hanggan? Patunayan. wawakasan? Ano ang kaibahan nito Maituturing ba silangmga bayani ng kanilang sa paniniwala nating mga Pilipino? panahon? Bakit? 107 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 6: Kapangyarihan Mo, Ipakita MoIsa sa mga katangian ng tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng supernaturalna kapangyarihan. Bagaman ang binasang epiko ay isang buod lamang, sikapingmatukoy ang supernatural na katangian ng bawat tauhan. Sipiin sa iyong sagutangpapel ang lobo ng diyalogo at isulat ang hinihinging impormasyon.Ako si Gilgamesh. Ako Ako si Enkido. Sa taglayay may kapangyarihang kong supernatural na___________________ kapangyarihan, kaya__________________. kong _______________.DEPED COPYAko si Urshanabi. Ako ay isangAko si Utnapishtim.mamamangkang may Mula sa mga diyos,kapangyarihang ____________. taglay ko ang kapangyarihang ______________.GAWAIN 7: Ipagtanggol MoSuriin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga pangunahing tauhan sa epiko.Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning ito?Pangatuwiranan.GAWAIN 8: Kultura: PaghambinginMalinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa epikoang kultura ng Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang buhay? Maypagkakatulad ba ito sa kultura nating mga Pilipino na masasalamin sa ating sarilingmga epiko? Patunayan.Pagsasanib ng Gramatika at RetorikaMarahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisangpaglalahad ng mga pahayag tungkol sa kasaysayan ng epiko. Nakatulong ba ang mgaito upang maging malinaw ang paglalahad ng bawat impormasyon? Tunghayan moang kasunod na aralin tungkol dito upang mabisang maunawaan ang gamit ng mgapananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng chambertheater. 108 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Alam mo ba na...nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag? Saating wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa angpaglalahad ng mga pahayag o maging interaksyunal. Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahadng pahayag:1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayonsa panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:una, pangalawa, pangatlo, nangnoon pagkatapossumunod samantala2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:dahil dito bunga nitoDEPED COPYresulta ng sa mga pangyayaring itokung gayon samakatuwiddulot nito sa gayon3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaringgamitin ang mga salitang:sa halip na sa kabilang dakodi tulad ng sa kabilang bandahigit pa rito sa magkatulad na dahilan4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin angmga salitang:kabilang dito at sakabukod dito karagdagan dito5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:sa madaling salita sa totoo langhigit sa lahat tunay na6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod aymaaaring gamitin:Halimbawa nito dagdag pa ritoBilang karagdagan kabilang dito ang sumusunodMabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawangpangkat ang mga pangatnig.1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay namakatatayong mag-isa, tulad ng:at ngunit ni datapwatsaka pero maging at iba pao pati subalit2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tuladng:kung kaya pag kapagdahil sa kung gayon palibhasa sapagkatat iba pa Ngayong napag-aralan mo na ang mga pananda sa mabisang paglalahad ngpahayag, sagutin ang mga pagsasanay na kasunod upang lalo pang lumalim angiyong pagkaunawa. 109 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPagsasanay 1: Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ngpahayag ang talatang kasunod.Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may 1. ____ epiko.Mababasa sa kasaysayan na ang 2. ____ epiko na naisulat ay ang Epiko ni Gilgamesh. Sa Europe, 3. ____ ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece 4. ____800 BC. 5. ____ ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng epiko saEurope ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius. Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6. ____, hindi madali angpagsulat nito. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin sa isang musa 7.___naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. 8. ____ angmahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundationof Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika. Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat, 9.____ ito’y hindi madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang dakilangmanunulat ng epiko. Sa Italy, 10. ____ kay Virgil ay mayroon din silang Dante. Angkilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ngmaraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11. ____, si T.S. Eliot aynagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy aydinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar MioCid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French namanay ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyangtropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12. ____ ang dalawang epikong ito aytungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan sa pakikidigma. 13. ____, may dalawang epikong German naman ang nakilala sa buongmundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels saLumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. ____ ay kuwento ni Seigfried,Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the Hun. 15. ____ ganda ng pagkakasulatng mga ito, ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.Pagsasanay 2: Basahin ang bahagi ng iskrip ng chamber theater sa pinamagatang“Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?” Sumulat ng sariling iskrip ngmaaaring susunod na pangyayari hanggang sa wakas. Sikaping gumamit ng mgapananda sa mabisang paglalahad.Chamber TheaterAng chamber theater ay may elemento ng dula at elemento ng salaysay. Ito ayisang dulang isinasalaysay. Tulad ng dula, ito ay naitatanghal at may mga tauhanggumaganap. Ngunit ito ay nangangailangan pa ng isang tagapagsalaysay. Siya aymaaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap. At ang mga tauhan ay nakikibahagirin sa mga gawain ng tagapagsalaysay. Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ngstage props. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at magpagalaw ngimahinasyon sa mga kilos na wari’y binubuksan ang pinto at bintana. Narito ang bahagi ng iskrip ng “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?”isang chamber theater. Pag-aralan mo at gawin ang kasunod na gawain. 110 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN? Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-Sayson LIGHTS ON (Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito). Tagapagsalaysay: Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawa na nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain ay palagi na lang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa tuwing tatanggi si Hugo ay pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung ano-anong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo. Kung mahuling sumasagot ay tutugisin naman ni Imelda ang pobreng si Hugo ng walis tingting. Kaagad namang tatakbo ang kaniyang asawa sa bahay ng kumpadre at doon magpapalipas ng galit ni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng... Ka Maldang: Ka Maldang! Tagapagsalaysay: At ang pobreng si Hugo ng ______ Ka Ugong: Ka Ugong. Tagapagsalaysay: Isang araw, patapos na silang kumain, matigas na sinabi ni Ka Ugong na... Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan! Ka Maldang: At sino?! Ka Ugong: Huwag mong sabihing ako? Aba! Buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid tapos ako pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako maghuhugas ng kahit isang pinggan. Tagapagsalaysay: Tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka Ugong habang natatakot sa dulo ng mesa. Ka Ugong: Ikaw. (Mahina niyang sagot). Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat magtrabaho sa bahay. Ka Maldang: Sige nga! Anong gagawin mo?! Matapos mong itali iyang kalabaw mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang, mahirap ba iyon?! (Malungkot na parang naglalambing namang sasabihin ni Ka Maldang). Ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na (mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong) tapos ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga pinggan!! Ka Maldang: (Tinitigan si Ka Ugong at ang kaniyang walis, kinuha ang walis, at akmang hahabulin si Ka Ugong) Ikaw! Tamad! Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo akong paluin! May naisip na akong paraan na lulutas sa problema natin! Ka Maldang: Sige, labas d’yan! Sabihin mo ngayon kung anong paraan ‘yang sinasabi mo! (Itinago ni Ka Maldang ang walis.) Tagapagsalaysay: Umupo si Ka Ugong sa tapat ni Ka Maldang. Ka Maldang: O, ano? Ka Ugong: Alam mo, huwag na nating pag-awayan pa ang paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang natin sa isang paligsahan. Bawal magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang umpisa, at ang matatalo ay siyang laging maghuhugas ng mga pinggan. Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay ang siyang maghuhugas ng mga pinggan, ha? Kasama ng mga palayok at kawali? 111 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYKa Ugong: Oo! Kapag nagsalita ka sa akin, o kanino man o kahit ano man, ikaw ang palaging maghuhugas ng mga pinggan. Ka Maldang: Napakadali niyan! Kaya kong isara ang bibig ko kahit isang buwan. Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap mo. Ka Ugong: Handa ka na ba? BLACKOUT (Dance: Di Bale na Lang by Gary V.) (sing/dance: Season of Love by RENT) Entire Cast: CURTAIN May-akda: Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio Muling isinaayos para sa modyul na ito ni Joselyn Calibara-Sayson Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?, kinuha noong Nobyembre 30, 2014, 11:05 am Mula sa www.wattpad.com/4579215 – bakit-babae-ang-naghuhugas –ng-pinggan/page/2Pagsasanay 3: Ang “Tuwaang” ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ringlibangan tuwing may libing, kasal at ritwal ng pagpapasalamat para sa saganang ani,o sa isang matagumpay na pangangaso. Sa bawat awit ng epikong Tuwaang ay ipinakikilala ang mang-aawit gamitang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawangbahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ngpag-ibig at pangarap ng mang-aawit at ang bantangon, na nagpapabatid ng simulang pag-awit. May higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayondalawang kanta pa lamang ang nailalathala. Naririto ang isang bahagi ng epikong “Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhongna Langit.” Mula rito ay sumulat ng iskrip ng Chamber Theater. Isaalang-alang angwastong gamit ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad sa pagsulat ngiskrip. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong trono, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag- anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaing ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaing ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. 112 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagnilayan at Unawain 1. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang Epiko ni Gilgamesh sa iba pang epikong iyong nabasa tulad ng “Tuwaang?” Patunayan. 2. Ang mga tauhan ba sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan? Magbigay ng mga patunay. 3. Paano nakatutulong ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater? Ngayong nauunawaan mo na nang lubusan kung ano ang epiko at ang mgapananda sa mabisang paglalahad ng pahayag, ilipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan.DEPED COPY IlipatBilang bahagi ng pagdiriwang ng “Pagtatangi sa mga Epiko ng Bansa,” naatasanang inyong samahan ng Performing Arts of the Philippines na itanghal sa chambertheater ang akdang “Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit” upang magalakat maibigan ng mga piling panauhin ang inyong pagsasadula sa Cultural Center ofthe Philippines (CCP) kailangang alalahanin ang sumusunod na pamantayan:A. Iskrip (50%)1. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, taglay ang lahat ng elemento ng iskrip ngChamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at musika .....50%2. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng isang elemento ng iskrip ngChamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at musika. .....40%3. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang elemento ngiskrip ng Chamber Theater, gumamit ng tunog at musika ngunit hindi namanangkop .....30%4. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang elemento ngiskrip ng Chamber Theater, hindi nilapatan ng tunog at musika .....20%B. Pagganap (50%)1. Masining, malakas ang boses, nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ngmga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” .....50%2. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, nagampanan ang pagigingtagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop angmga kagamitan o “props” .....40%3. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging hindinagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop angmga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” .....30%4. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging hindinagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, hindi angkopang mga kasuotan, kulang ang mga kagamitan o “props” .....20% KABUUAN . . . . . . 100% 113 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa araling ito. Kungmay mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong balikan.Magtanong ka rin sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan. Kung ang lahat aymalinaw na sa iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. PAGNILAYAN AT UNAWAIN (PARA SA MODYUL 1)Ang panitikan ay salamin ng lahing pinagmulan nito. Ito ay kabuuan ng mga karanasanng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isanglahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at masining na paraan,nakasulat man o hindi. Tulad ng isang minahan ang taglay na yaman ng bawat panitikan na atingbinabasa. Mamimina lamang natin nang lubos ang gintong kaisipang taglay nito kungsusuriing mabuti ang ating binabasa. Upang maging lubos ang iyong pagkatuto gagawaka ng suring-basa ng isa sa mga akdang pampanitikang tuluyan ng napili mong bansasa Mediterannean. Ang gawaing ito ay paghahanda mo sa pangwakas na gawain napagdaraos ng isang simposyum sa inyong klase. Bago mo isagawa ang suring-basa, sagutin mo muna ang mga gawainginihanda ko upang masukat kung ano ang antas ng iyong pagkatuto sa mga natalakaynatin sa buong modyul 1. GAWAIN 1: Gintong Kaisipan!Balikan ang mga natalakay na aralin. Isulat sa bawat kahon ang mahalagang kaisipanhinggil sa panitikan at gramatika na natutuhan mo sa bawat aralin. Gumamit ngsagutang papel.DEPED COPY Mitolohiya SanaysayParabula Panitikang Mediterranean Maikling Kuwento Tula Epiko 114 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 2: Suriin MoItala ang mga impluwensiya ng mga panitikang Mediterannean sa panitikan,pamumuhay, kaugalian, paniniwala, at kultura sa ating bansa at sa mundo. Gawin sasagutang papel. Panitikang MediteranneanImpluwensiya sa Impluwensiya sa Pilipinas mundoDEPED COPYGAWAIN 3: Pagmuni-munihan MoSagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel. 1. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga kaalaman sa gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon (panitikan at iba’t ibang uri ng teksto). 2. Bakit mahalagang mapag-aralan ang panitikan at kultura ng ibang lahi? 3. Paano naimpluwensiyahan ng mga panitikan sa Mediterannean ang sarili nating panitikan? 4. Paano napanatili ng bawat akdang pampanitikang nabasa mo sa modyul 1 ang pagkakakilanlan ng kanilang bansa? 5. Bilang isang Pilipino, sa iyong palagay anong mabubuting bagay ang dapat tularan kaugnay ng paraan ng pamumuhay, paniniwala, o kaugalian ng mga taga-Mediterannean na makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan?GAWAIN 4: Suring-basa Natunghayan mo ang mahalagang ambag ng panitikang Mediterannean sapag-unlad ng sarili nating panitikan at maging sa buong mundo. Ang kaalamang itoay higit mo pang mapagyayaman kung magsasagawa ka ng suring-basa sa alinmangpanitikang tuluyan ng napili mong bansa sa Mediterranean. Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ngsariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nito ang mailahadang mga kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito.Ngayong natapos mo na ang iyong suring-basa, basahin ang tungkol sa simposyumna makatutulong sa iyo upang maisagawa ang pangwakas na gawain. 115 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa 1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri. 2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling lagom. 3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan. 4. Gumamit ng mga pananalitang matapat. 5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat. Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa I. Panimula Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito. Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda. Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda. Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at iba pa. II. Pagsusuring Pangnilalaman - Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa - Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunanng ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan. - Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan? kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan. - Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda? - Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa? 116 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY III. Pagsusuring Pangkaisipan - Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari. - Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda? IV. Buod - Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon. Ang Simposyum Ang simposyum ay nag-ugat sa salitang Griyego na sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-inom. Mahihiwatigang ang pagsasalo-salong ito ay sinasabayan ng mga talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon kaugnay ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa kasalukuyan ito ay nangangahulugang isang pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan. Maaari ding pagpupulong kung saan may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling panayam tungkol sa isang paksa o iba’t ibang aspekto ng naturang paksa. Ito’y isang mahalagang paraan upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan. Ito ay may isang modereytor na: a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo sa pangkat, ito ay susundan ng lahatang diskusyon o open forum kung saan maaaring magtanong ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa ibang bagay na kaugnay ng paksang tinatalakay. Mahalagang paghandaang mabuti ng mga panauhing tagapagsalita ang saklaw ng kanilang paksa at ang kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga tagapakinig upang maging malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa. 117 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang nakasalalay sa kahandaan ngmga tagapagsalita. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga tagapakinig sagawain. Ang aktibong tagapakinig ay makatutulong upang maging produktibo angsimposyum. Ang mabuting pakikinig ay nangangahulugang pagpapakita ng interessa paksang tinatalakay, paggalang sa mga tagapagsalita at kapwa tagapakinig,maayos na paraan ng pagtatanong at matalinong pagbibigay ng reaksiyon ukol samga napakinggan. Sa kabuuan, kung ang lahat ay may kahandaan sa gawain, ang pagdaraosng simposyum ay isang kapaki-pakinabang na uri ng ehersisyong pangkaisipan atkasanayan sa pagsasalita at pakikinig. ILIPAT (PARA SA MODYUL 2)DEPED COPYMiyembro ka ng Pintig at Tinig, isang pangkat ng mga manunulat. Upang mapaunladpa ang inyong kasanayan sa pagsulat, magsasagawa kayo ng isang simposyum.Hinati kayo sa pangkat upang magsagawa ng suring-basa sa isang akdang tuluyan.Ang pangkat mo ay naatasang magsagawa ng suring-basa ng isang akdang tuluyanmula sa isa sa mga bansa sa Mediterranean. Ito ay ibabahagi ng pangkat sa buonggrupo upang makritik ang ginawang pagsusuri. Sikaping sundin ang pamantayangibinigay upang maging matagumpay ang gagawing pagsusuri at pagdaraos ngsimposyum.PamantayanI. Suring-basa (30 puntos) 5 puntos a. Mabisang Panimula ……………………..…… 10 puntos b. Pagsusuring pangnilalaman ………………… 10 puntos c. Pagsusuring Pangkaisipan ………………… 10 puntos d. Buod …………………………………………..II. Pagbabahagi (20 puntos) 5 puntos a. Kahandaan ……………………………… 5 puntos b. Pagbabahagi ng impormasyon …………. 10 puntos c. Lalim ng pagsusuri ………………………. 50 puntosKabuuang Puntos INTERPRETASYON Napakahusay: 45-50 puntos Mahusay: 35-44 puntos Mahusay-husay: 25-34 puntos Dapat pang paghusayan: 24 puntos-pababa Binabati kita sa matagumpay mong pagtuklas ng karunungan at pagpapaunladng iyong mga kasanayan. Ipinakita sa iyo ng mga natalakay na akdang pampanitinikansa Modyul 1 kung gaano kahalaga ang kultura ng bawat bansa at kung paano itonakaaambag sa pag-unlad ng paraan ng pamumuhay ng iba’t ibang bansa nanaiimpluwensiyahan nito. Ihanda ang iyong sarili sa paglalakbay sa mga akdangpampanitnikan ng mga bansang Kanluranin tulad ng Brazil, Carribean, Amerika,Iceland, Portugal, at Inglatera. 118 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY GLOSARYO abstraktong damdamin – hindi tiyak na pakiramdam adobe – tisang yari sa putik na pinatuyo sa araw; bahay Aesir – ang tawag sa mga diyos ng Norse alindog – personal na halina, pang-akit; karilagan; kariktan; kagandahan an gnewa – sulong; lusob angkan – pamilya; lipi, lahi; henerasyon, salin-lahi; hinlog, kamag-anak. antelope – isang hayop sa Africa at Asia na kawangis ng usa, may sungay at matuling tumakbo argumento – paliwanag o pagmamatuwid Asgard – ang kaharian ng mga Aesir Bagong - Kaharian sa Egypt (New Kingdom) – sinaunang panahon 1570-1085 B.C. (New Kingdom) balaraw – punyal, sundang balintataw – gunita, alaala baobab – tropikal na puno na ang dahon ay ginagamit na panahog sa pagluluto bathin – pagdaanan bikig – tinik sa lalamunan; nakaharang binalaan – binigyan ng babala o paalaala Bu-ad – ritwal na isinasagawa ng mga taga-Ifugao upang magkaroon ng anak at masaganang buhay buhalhal – walang kaayusan sa gawi at pag-iisip, hibang, bulagsak buhay – pananatili sa daigdig ng isang tao o hayop na kumikilos o lumalaki. buhong – buktot, kuhila, imbi, mapaglinlang, manggagantso, mandaraya, salbahe buktot – malupit, buhong, mabagsik, imbi calabash – lalagyan na ginagamit na mangkok cowrie – yari sa shell na ginagamit bilang palamuting mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon. dagli – mga sitwasyong may nasasangkot na mga tauhan ngunit walang aksyong umuunlad, gahol sa banghay, at mga paglalarawan lamang. dampa – kubo, barong-barong, munting bahay daratal – darating, sasapit demolisyon – sapilitang pagpapaalis sa istruktura 335 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYdiktaturyal – pamamahala ng isang tao na walang limitasyon ang kapangyarihandiskriminasyon – hindi pagkakapantay-pantay na maaaring sa lahi o katayuandumadantay – humahaplos; pagpatong ng kamay o paa sa anumang bagaydumaplis – pasapwa na tama; sumagi, hindi nasapoldupok – madaling masiraeditoryal – mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasaegwugwu – espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupaing Nigeria.Egypt – bansang nasa hilagang-silangan ng Africa na nasa hangganan ng Mediterranean Sea at Red Sea.Ekwe – isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sangang kahoy. Isang uring drum na may iba’t ibang uri at disenyo.Emperador – pinuno, liderespiritu – kaluluwa, tapang, katapangan, lakas, sigla, damdamin, loob, kalooban, diwa, layon, alakextemporaneous – maingat na inihandang pananalita ngunit binigkas ng walang hawak na kopyafood threshold – itinakdang panukat sa komposisyon ng pagkain na basehan ng kahirapangalanos – isang uri ng isda katulad ng marlinganid – sakim, mapangamkam, gahamangarapa – garapon, bote, botelyagenre – isang tiyak na uring akdang pampanitikangerero – mandirigmagnougous – halamang-ugatGreece – bansa mula sa timog-silangan ng EuropeGreek – tao mula sa Greece, wika sa Greecegriot – mananalaysayGuidance Counselor – propesyunal na tagapayo at tagagabay ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at pampropesyunal na mga alalahanin.gumimbal – gumulat, yumanighayna – isang uri ng ibon 336 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYhibang – luko-luko, haling, wala sa hustong pag-iisip hilakbot – gulat, takot, kilabot, nakahihindik na damdamin hilam – mahapding sakit sa mata dahil sa sabon, usok, atbp., peklat sa balat lalo na sa mukha himutok – hinaing, daing, tampo, hinagpis, pagdaramdam, taghoy hinagupit – hinampas, pinalo; sinalanta hinutok – binaluktot, binali; hinubog; sinupil, dinisiplina humagibis – humarurot, tumakbo nang mabilis, tumulin humangos – suminghap, hiningal, hinabol ang hininga humayo – sumulong, lumakad humuhulma – nagbibigay hugis o anyo sa isang bagay huwego – set, terno Ifugao – isang lalawigan sa Rehiyong Administratibo ng Cordillera, tawag sa pangkat ng mga taong nakatira sa Ifugao, mula sa salitang Ipugo na nangangahulugang mortal Igbo – katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal. Imperyo – kaharian inabandona – iniwan inagurasyon – isang seremonya ng pagtatalaga sa katungkulan inakay – sisiw o kiti ng ibon o manok; anak inflation – pagpapalabas ng maraming salapi ipinanlunas- ipinanggamot itakwil – iwaksi, itanggi, di-pagkilala itimo – ibinaon; itinusok, itinagos kabantugan – kasikatan; pagiging pamoso, tanyag, kilala kabisera – sentro, gitna kahabag-habag – kaawa-awa, kalunos-lunos kakintalan – iniiwang impresyon sa mambabasa kalasag – panangga, pananggalang kalawakan – kaluwagan, kalaparan; papawirin, atmospera, alangaang kanlong – nasisilungan, nalililiman, kubli, nakatakip, nakatago Kanluran – gawing lubugan ng araw, oste, kabila ng silangan 337 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYkanugnog – karatig, tabing-lungsod, katabikapangyarihan – lakas, impluwensya, puwersa, poder; kapasidad, autoridad, pakultadkapita-pitagan – kagalang-galangkariktan – kagandahankarsel – piitan, bilangguan, kulungankatad – balat, kuwerokatatawanan – umor, balantong; biro, siste; komikada.kati – pagbaba o pag-urong ng tubig; sumpong, sigla; kalansing o lagitikkawan – langkay, isang grupo o pangkat; kulumpol, pulutongkinapos – kinulang, hindi sapat; hikahos, salat, dahopklasikal na mitolohiya – mitolohiyang mula sa Rome at Greece, mitolohiyang Geco- Romankompidensiyal – lihimkomplikasyon – hindi simple, magulo, mahirapkonklusyon – katapusan, hinuha o pasyakultura – ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang mga ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan at tradisyong umunlad ng isang lipunan. Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng mamamayan tulad ng paaralan (edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at mga establisimentong pansining. Kung minsan ay isang tiyak na pangkat na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos.kutob – sapantaha, kaba, hinala; pangamba, takotlagom – paglalahat o pagbubuodlanseta – kortapluma, lasetalapastangan – walang-galang, walang pakundangan, mapang-alipustalathalain – isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulatlatigo – kumpas, pamalo, pang hagupit sa kabayoLatin – sinaunang wika ng mga Romanlibakin – tuyain, libakin, aglahi, kutyainliberalisasyon – kaluwagan o di-mahigpitligaw – wild sa Inglesliriko – isang uri ng tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng matinding damdamin ng makatalumbay – lungkot, hapis; dalamhati; pighati; tamlay 338 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYlumusong – pumanaog, bumaba mafia – sikretong organisasyon ng mga taong gumagawa ng masasamang elemento magapi – matalo, masupil, malupig, madaig, mabihag maibsan – mabawasan malilirip – makukuro, mapag-iisip-isip, mapagmumuni-muni, mapagninilay-nilay manghuhuthot – taong umuubos ng salapi ng iba, maninipsip maninimdim – magseselos masidhi – maalab, matinding pagnanais materyalistiko – taong higit na pinahahalagahan ang materyal na bagay mautas – matapos, mamatay, mayari mito – myth sa Ingles,matatandang kuwentong bayan tungkol sa mga bathala, diyos at diyosa at kakaibang mga nilalang, tungkol sa pagkakalikha ng daigdig, at iba pang kalikasan, tungkol sa pinagmulan o pagkakalikha ng mga unang tao, tungkol sa iba pang may kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang anito mitolohiya – kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao o kultura na nagsasalaysay tungkol sa kanilang mga ninuo, bayani,diyos at diyosa, mga supernatural na mga nilalang at naglalahad ng kasaysayan, agham o pag-aaral ng mga mito Mitolohiyang Norse o Mitolohiyang Eskadinaba – ang mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic languages Momma – halamang nginunguya ng mga taga Cordillera na panlaban sa lamig at gutom. Sa mga taga-Ifugao ang pagnguya nito ay ginagawa bilang pakikipag- ugnayan sa kapwa. monghe – pari munsik – bulilit; karampot, katiting; maliit nagbabantulot – nag-aatubili, nag-uurong-sulong, nag-aalanganin, natitigilan nagpabuyo – nahimok, nahikayat, nakumbinse, naganyak, nakayag, nayaya nagsipat-sipat – tumingin-tingin nagtatampisaw – naglalaro sa tubig nalipol – napuksa; napatay, naubos, nasaid name – isang damong makamandag nanagano – nagsakripisyo; dedikasiyon; pagtatalaga sa Diyos sa anumang mangyayari o kapalaran nananaghoy – nananangis, malakas na pag-iyak na may kasamang daing nananariwa – nagunita, naalala, nagbalik sa isip naninibugho – nagseselos, naiinggit, nangingimbulo 339 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYnapahikbi – napaiyak, napanguyngoynaparam – nawala, napawi, nagmaliw, nabura, naglaronasimot – nasaid, naubos, walang tiranasulo – natanglawannatigagal – nabagabag, natigatig, naligalignaumid – hindi nakapagsalita, di-nnakaimik; natahimiknegatibo – masama, hindi maganda o mabutinyumba – bahayobra-Maestra – isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na uri ng parangal; kinilala; naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may taglay na kariktan.ogene – malaking metal bell na ginawang mga igbo sa Nigeria.paghimlay – paghiga, pag-idlip pagtulog, pamamahinga, paghilatapagpapatiwakal – pagpapakamatay, pagkitilngsarilingbuhaypagsasalat – pagdarahop, paghihikahos; laging kulangpagsibol – pagtubo, pag-usbong, paglitawpag-utas – pagtapos, pagyari; pagpataypainod-inod – dahan-dahan; paunti-untipaksang-diwa o tema (theme) – itoy pangunahing kaisipan ng tula, katha, dula, nobela, sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsa’y puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina.palamara – sukab, lilo, taksil, traydorpalasak – karaniwan, ordinary; laganap, usopalayan – bukid na taniman ng palay.palunpong – halamang tumutubo mula sa bumagsak na buto, kumpol, langkay, buwing, pumponpanagimpan – pangarap, ilusiyon; hangarin, layunin, pitapanambitan – daing, tanguyngoy, panawagan, hinaing, luhog, dalanginpanangis – pag-iyak, pagluhapandudusta – panlalait, panghahamakpang-aalimura – pang-iinsulto, pangungutya, panlalait, panlilibakpangdudusta – panghahamak, pang-aalipusta 340 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYpangimbulo – pagkainggit pang-uusig – pagtugis, pagsisiyasat; pagsasakdal paniniwala – pananalig, akala; sariling palagay panlilibak – panunuya, pangungutya, pang-uuyam, pang-iinsulto panunuring pampanitikan – tumutukoy sa matalino at maingat na paghusga sa mga bagay na pinupuna o sa anumang akdang pampanitikan panunuring pampelikula – pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito. Tinutukoy nito ang pagsusuri hindi lamang sa kahinaan at kakulangan nito kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig pasulyap-sulyap – pagtingin nang hindi matagal; panakaw na tingin patalastas – isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan payak – simple, katutubo pensiyon – natatanggap na pera trabaho o naglingkod sa gobyerno ang nakatatanggap nito persona – nagsasalita sa isang akda piging – bangkete, salu-salo, handaan, anyaya pilapil – dikeng mababa na nakapaligid sa taniman ng palay, sa palaisdaan atbp; palimping, pimpin, tarundong, latawan pinanday – hinubod, hinulma pinangilagan – iniwasan polisiya – mga patakarang ipinatutupad positibo – mabuti, pasulong prinsipyo – simulain; paniniwala, paninindigan pumapawi – bumubura, inaalis, pinaglalaho, tinatanggal putik – lupang basa o luad na malagkit; lusak, burak; pusali, lablab, lunaw realismo – ipinapakita ng isang akdang pampanitikan na may realismong pananaw ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang buhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang tunay na buhay. rima – pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod Roman – tumutukoy sa sinaunang lungsod ng Rome at mga teritoryo at mga taong naninirahan dito Rome – kabisera ng Italy na matatagpuan sa sentro ng bansa, sa lipunan, o posisyon sa buhay 341 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYsabsaban – kainan ng mga hayop, labangansakbibi – sakmal, punosalamangkero – taong bihasa sa panlilinlang sa pamamagitan ng bilis ng kamaysapulin – tamang-tama sa gitna; tamaansapupo – sapo, salosilangan – dakong sikatan ng araw.simbolo – ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa, isang bagay o kaisipan na kumakatawan sa iba pang konsepto at maaaring bigyan ng maraming antas ng kahulugansinauna – sa unang panahon, mula sa kabihasnan noong unang panahonsofas – mandirigmasoneto – isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtodsugpuin – huwag palalainSultan – pinakamataas na puno ng mga Muslimsuwi – anak, supling; siboltalukbong – belo, pandong, saklobtalumpati – deklarasyon;diskurso;bigkas,resitasyon;pananalita sa harapan ng maraming tao nang tuluyan.tambuli – sungay na kung hipan ay tumutunog nang malakas; kurneta, tambuyoktamtam – maliit na tamboltana – agimat na tari ng tandangtanikala – kadena, kadenita, kadenilya; kawing-kawing na singsing na bakaltari – matulis na patalim na ikinakabit sa paa ng manoktauhang lapad – ang uri ng tauhan na hindi nagbabago ang katangiang taglay mula simula hangang sa wakas ng kuwentotayutay – ito’y isang anyo ng paglalarawang-diwa na kakaiba at malayo sa karaniwang paraan ng pananalita at naglalayong magawang marikit upang maging mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng sinuman sa damdaming ipinahihiwatigterorismo – sistematikong paggamit ng karahasantikis – pangyayamot, pang-iinis, pananadyatumalilis – tumakas, umilag, palihim na umiwaswinasak – sinirayapak – apak, tapak, tuntong; yurak; walang sapin sa paa; bakasyumuyungyong – tumatangkilik; nalililiman, yumuyupyop 342 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY BIBLIOGRAPI Mga Aklat Aganan, Fernanda P. 1999. Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, UP. Alejandro, Rufino. 2001. Wika at Panitikan IV. Manila: Vibal Publishing House. Anderson, Robert et. al. 1993. Element of Literature First Course. USA: Harcourt Brace Jovanovich, Inc.. Arrogante, Jose A. et al. 2004. Panitikang Filipino- Antolohiya. Mandaluyong City: National Bookstore. Arrogante, Jose et al. 1991. Panitikang Filipino- Pampanahong Elektroniko. Mandaluyong: National Bookstrore. Arsenio L. Sumeg-ang. 2005. Ethnography of the Major Ethnolinguistic groups in the Cordillera, Quezon City: Cordillera Schools Group, Inc. and New Day Publishers. Atalia, Eros. 2011. Wag Lang Di Makaraos. Pasay City: Visual Print Enterprises. Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., 2012. Pluma III Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Philippines, Phoenix Publishing House, Inc. Cariño,Maria Luisa A.,1990. Cordillera Tales. Quezon City: New Day Publishers. Ceciliano, Jose C. 1991. Pamahayagang Pangkampus. Quezon City: Rex Bookstore. Dillague, Nora M. 1990. Sandigan -Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Manila: Phoenix Pub. House Inc. English, Leo James. 1977. English-Tagalog Dictionary. Quezon City: Kalayaan Press Mktg. Ent. Inc. Ferrara, Cosmo F. et.al. 1991. Enjoying Literature. California: Glencoe/McGraw-Hill. Gonzales, Lydia Fer. et.al. 1982. Panitikan sa Pilipino. Manila: Rex Book Store. Hamilton, Edith. 1969. Mythology. New York: Warner Books Inc. _______________. 1999. Mythology: Timeless Tales of Gods and heroes. Little Brown and Company. Jocson, Magdalene O. et. al. 2005. Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co. Inc. Lacsamana, Leodivico C., et.al. 2003. Filipino: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon IV. Makati City: Diwa Learning Systems, Inc. Longa, Asuncion B. et.al., 2010. Filipino I. Lipa City, Batangas,: United Eferza Academic Publications, Co. . Macaraig, Milagros B. 2000. Pagpapahayag, Retorika at Bigkasan. Manila : Rex Bookstore, Inc. ________________. 2014. Sulyap sa Panulaang Filipino.Manila: Rex Book Store, Inc., Mallinllin, Gabriel F. et.al. 2002. Kawil I - Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura.,Manila: Rex Bookstore Inc.. Resuma, Vilma Mascarina. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino Komunikatibong Modelo. Sagalongos, Felicidad E. 2013. Diksyunaryong Ingles-Filipino, Filipino-Ingles. Madaluyong City: National Bookstore. Santiago, Alfonso B. at Norma G. Tiangco. 2006. Makabagong Balarilang Pilipino. Manila : Rex Bookstore, Inc. Santiago, Alfonso O. 2003. Sining ng Pagsasalingwika-Ikatlong Edisyon. Manila: Rex Bookstore. Santiago, Jesus Manuel. 1998. Ang Matanda at ang Dagat. Sentro ng Wikang Filipino, UP, Manila. Santiago, Erlinda M. et.al 1989. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad Pangkolehiyo.Manila: National Book Store. 343 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSantos, Bernie C. at Corazon L. Santos. 2002. Kawil II -Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Quezon City: Rex Bookstrore Inc.Santos, Vito C. at Luningning E. Santos. 1995. New Vicasian’s English-Pilipino Dictionary. Pasig: Anvil Pub., Inc.Santos, Vito C. at Luningning E. Santos. 2001. English-Pilipino Dictionary. Pasig: Anvil Publishing Inc..Silverio, Julio F. Bagong Diksyunaryong Pilipino-Pilipino. Mandaluyong City: National Boookstore.Villafuerte, Patrocinio V. 2002. Panunuring Pampanitikan. Sampaloc, Manila: Rex Bookstore Inc.____________________. 2002. Talumpati, Debate at Argumentasyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House.___________________. 2012. Pagpapahalaga sa Panitikan - Sining Pantanghalan. Malabon City : JIMCYZVILLE Pub..1980. Magandang Balita: Bibliya . Manila: Philippine Bible Society.1987. Ninth New Collegiate Dictionary. USA: Merriam Webster Inc.1996. Literature World Masterpieces. New Jersey,USA : Prentice Hall Inc,.2011. Panahon -Ang Pag-ahon sa Hamon ng Pagbabago ng Klima. Kabang kalikasan ng Pilipinas Foundation, Inc. at WWF-Phil. 344 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYInternet http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff-inaugurati_1_n_803450.html, www.gov.ph/1986/02/25/inaugural-speech of president-corazon-c-aquino-on-feb-25-1986 http://www.destination360.com/caribbean/history http://pinoyweekly.org/new/2012/10/para-sa-kagalingan-at-karapatan-ng-mga-bata/comment-page-1/ htpp:tl.wikipedia.org/wiki/mitolohiyangnordiko http://bibleforchildren.org/PDFs/tagalog/Samson%20Gods%20Strong%20Man%20Tagalog.pdf https://www.google.com.ph/search?q=emoticon&tbm=isch&ei=zwy2U5izC4zsoATmxILgBQ#facrc=_&im gdii=_&imgrc=6oOshmlrH- http://www.wattpad.com/71491550-norse-mythology http://www.bundespraesident.de/SharedDocs/Reden/EN/JoachimGauck/Reden/2014/140131-Munich- Security-Conference.html http://www.scribd.com/doc/76742424/Sintahang-Julieta-at-Romeo-revised2 https://www.google.com.ph/search?q=romeo+and+juliet&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=yVezU87vB c3AoASos4CQCg&ved=0CAYQ_AUoAQ&biw=1024&bih=499#q=romeo+and+julietwilliam+shakespear e&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=wTz_JAvc6U_diM%253A%3BzgZVfo8uX0NKFM%3Bhttp%253 A%252F%252Fwww.mcgoodwin.net%252Fpages%252Fimages%252Fdickseeromeo.jpg%3Bhttp%253 A%252F%252Fwww.mcgoodwin.net%252Fpages%252Fotherbooks%252Fws_romeoandjuliet.html%3B 483%3B401 https://www.google.com.ph/search?q=3+kings&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=5xuyU_2DFMbuoAT B5IC4Aw&ved=0CAYQ_AUoAQ&biw=1024&bih=499#facrc=_&imgdii=_&imgrc=MW2HyXOy8Ng0zM% 253A%3BVaZtrQPIuoqASM%3Bhttp%253A%252F%252Fholidays.mrdonn.org%252F3kingsxmas.GIF %3Bhttp%253A http://tl.answer.com/Q/Ano ang mga anekdota ni Jose Rizal? www.youtube.comwatch?v= ljNgw10mcs.Tsinelas ni Rizal. http.//Iranian.com/main/bloglm.saadat-noury/first Iranian-mullah-who/was-master-anecdotes.html. http.//www.a-gallery.de/docs/mythology.htm. http.//www.a gallery.de/docs/mythology.htm. www.livescience.com/39149-french-culture.html https://www.google.com.ph/search?q=sample+stroyboard&esspv=2&biw=1366& bih = 667&1bm=isch & imgil En.Wikipedia.org/wiki/Epic of Gilgamesh http://cdn.yardhype.com/wp-content/uploads/2012/11/Puppet-Dancing-in-South-Africa-yardhype.jpg http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSFqFdJx3RiKgKAfswPStnpcupqbc2P1DoVCGeFwdxzmvCj T6SEx7oLkTU http://www.anc.org.za/show.php?id=3132 https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+kahirapan https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=4BgMVI_wEYn8iAKqYQ&gws_rd=ssl#q=patalastas http:// vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-liwanag-isang-suring.html 345 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 10 Filipino Modyul para sa Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sKaapgaagwtuaturaronngngitoEadyukmaasgykoatnuwang na inihanda at sinuri ng mga edukadoRrempuulbaliskaa mnggaPpiluipbilinkaosat pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Filipino – Ikasampung BaitangModyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaringmagkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ngpamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulangbayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produktoo brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) naginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibayng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright LicensingSociety (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ngmateryales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda angkarapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS atyaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito saModyul para sa Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kungninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at samga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telephone blg. (02) 439-2204 o mag-email sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Konsultant: Magdalena O. Jocson Editor: Florentina S. Gorrospe, PhD Mga Manunulat: Vilma C. Ambat, Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariño, Mary Jane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T Salum, Joselyn C. Sayson, Mary Grace A. Tabora, at Roderic P. Urgelles Mga Tagasuri: Joselito C. Gutierrez, Angelita Kuizon, Girlie S. Macapagal, Marina G. Merida, Ma. Jesusa R. Unciano, at Evelyn Ramos Mga Tagapangasiwa: Jocelyn DR. Andaya, Elizabeth G. Catao, Cristina S. Chioco, at Evangeline C. Calinisan Mga Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. at Jason O. Villena Nag-layout: Camelka A. SandovalDEPED COPYInilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
MODYUL 2 Mga Akdang Pampanitikan ng South America at ng mga Bansang KanluraninPanimula................................................................................... 120Panimulang Pagtataya............................................................. 121Aralin 2.1 131 A. Panitikan: Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang 137 Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil) B. Gramatika at Retorika: Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap.................................DEPED COPYAralin 2.2 146 A. Panitikan: Ako Po’y Pitong Taong Gulang....................... 151 B. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Nagpapahayag ng Pangyayari at Damdamin.............................................Aralin 2.3A. Panitikan: Ang Matanda at Ang Dagat (Bahagi lamang) 158B. Gramatika at Retorika: Mga Pahayag sa Pagsang-ayon at Pagtutol sa Pagbibigay ng Puna o Panunuring Pampanitikan 167Aralin 2.4 174 181 A. Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante... B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Wastong Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon sa Pagsusuri................Aralin 2.5 187 192 A. Panitikan: Ang Aking Pag-ibig.......................................... B. Gramatika at Retorika: Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita.......................................Aralin 2.6 201 213 A. Panitikan: Sintahang Romeo at Juliet............................. B. Gramatika at Retorika: Pokus sa Kagamitan at sa Pinaglalaanan sa Pagpapahayag ng Sariling DamdaminAralin 2.7 219 227 A. Panitikan: Aginaldo ng mga Mago.................................... B. Gramatika at Retorika: Pokus sa Ganapan at Sanhi: Gamit sa Pagsasalasay ng mga Pangyayari...................... All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Modyul 2 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SOUTH AMERICA AT NG MGA BANSANG KANLURANIN 119 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYI. PANIMULA Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pag-aaral ng Modyul 1. Ngayon natitiyak ko na magugustuhan mo ang susunod nating mga aralin sa Modyul 2. Ito’y tungkol sa mga akdang pampanitikan ng South America at ng mga bansang Kanluranin tulad ng Brazil, rehiyon sa isa sa mga isla ng Caribbean, Estados Unidos, Inglatera, Iceland, at England. Ang panitikan ng ilang bansa sa Kanluran at South America na tumutukoy sa malaking bahagi ng panitikan mula sa ancient era tungo sa kasalukuyang panahon ng Indo-Europeo ay binubuo ng English, Español, French, Italy, at Russia — na pawang ang pinagmulan ng kanilang pamanang panitikan ay sa sinaunang Greece at Rome. Ang naturang pamanang ito ay pinangalagaan at kalaunan ay nagbagong-anyo sa pamamagitan ng paglaganap ng Kristiyanismo. Nagpalipat- lipat ito sa buong kontinente ng Europe hanggang sa umabot sa mga bansa sa Kanluran. Mula noon hanggang ngayon, masasalamin sa panitikan ng mga bansa sa Kanluran ang pagkakaisa sa kanilang mga tema o paksain at ang pagkakabuo ng kanilang mga akda na nagbigay ng sarili nilang pagkakakilanlan sa iba pang kontinente ng mundo. Sa Modyul na ito lilinangin sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan tulad ng talumpati, dagli, nobela, mitolohiya, tula, dula at maikling kuwento na mula sa mga bansa sa Kanluran. Mapag-aaralan mo rin dito ang pagpapalawak ng pangungusap, paggamit ng salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin, wastong gamit ng iba’t ibang uri ng pokus tulad ng pokus tagaganap, layon, pinaglalaanan, kagamitan, ganapan, at sanhi. Mauunawaan mo rin ang mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita at ng mga pahayag sa pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan. Sa daloy ng pagtalakay sa mga aralin, inaasahang masasagot mo ang pokus na tanong kung paano nga ba naiiba ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa Kanluran sa iba pang mga bansa? Gayundin, kung paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika para higit mong maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran? Malalaman mo ang sagot sa mga tanong na ito sa patuloy mong pag-aaral sa mga sulating nakapaloob dito. Sa pagtatapos ng Modyul na ito ikaw ay inaasahang makapaglalathala ng iyong sariling akda sa hatirang pangmadla (social media) na itataya batay sa sumusunod na pamantayan: a). orihinalidad, b.) makatotohanan at napapanahong paksa, c.) kakintalan, d.) wasto at angkop na gramatika/retorika, at e.) hikayat at kaaliwan sa mambabasa. 120 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaringtumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukurong sumulat tungkol sa isang paksa.a. editoryal c. sanaysayb. talumpati d. talambuhay2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mgasitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gaholang banghay at mga paglalarawan lamang.DEPED COPYa. kuwentong bayan c. dagli b. maikling kuwento d. komiks3. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na _______.a. tagaganap c. pinaglalaananb. layon d. sanhi4. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawansa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.a. Samson at Delilah c. Florante at Laurab. Romeo at Juliet d. Thor at Loki5. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet? a. magkaaway ang kanilang mga angkan b. pakakasal na si Juliet kay Paris c. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague. d. wala sa nabanggit6. Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilangisakripisyo para maibili ng aginaldo ang bawat isa?a. diyamanteng kuwintas c. gintong relosb. buhok d. mamahaling suklaya. b at d b. c at d c. b at c d. a at d7. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampungpantig sa bawat taludtod.a. soneto c. haikub. tanaga d. alegorya8. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat?”a. 1950 c. 1952b. 1951 d. 19539. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,”wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”a. pag-aalala c. pagkainisb. pagtataka d. pagtatampo10. Sa pangungusap na, “Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli MeTangere at El Filibusterismo,” ano ang ipinokus ng pandiwang ipinanggising?a. Rizal c. Noli Me Tangere at El Filibusterismob. Pilipino d. wala sa nabanggit 121 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
11. Sa pangungusap na, “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok,”anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?a. ganapan c. layon b. pinaglalaanan d. direksiyon12. “Langoy namin ang malinis na batis sa kanluran.” Anong pandiwa ang dapatgamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan?a. nilangoy c. kalalangoyb. pinaglanguyan d. nilanguyan13. Talagang palabasa ang kaniyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ayisang ___________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.a. ingklitik c. pang-urib. komplemento d. pang-abay14. Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ngDEPED COPYpandiwa ay _________.a. tagaganap c. pinaglalaananb. layon d. sanhi15. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-buti na ang ibig sabihin ay _________.a. magaling c. maayos b. magaling-galing d. katamtamang ayos16. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _________. a. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan b. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya c. kapani-paniwala ang wakas d. may salamangka at mahika 17. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap? a. lumikas, nag-ani, magsusulat b. ibinili, malaman, pag-aaralan c. ipinambili, ipansulat, ipanghakot d. ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi 18. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong? a. pagwawangis b. pagtutulad c. pagbibigay-katauhan d. pagmamalabis 19. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng damdamin? a. pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog b. pagsinta, pag-irog, pag-ibig, pagmamahal c. pag-irog, pag-ibig, pagmamahal, pagsinta d. pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig 122 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Para sa bilang 20 at 21 Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan,Maging sa liwanag, maging sa karimlan. - Ang Aking Pag-ibig20. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sa tula?a. mapagtiis c. masayahinDEPED COPYb. mapagpakumbaba d. mapagmalasakit21. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng ________________. a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila d. pagpapahiwatig ng nararamdamanPara sa mga Bilang 22-24 Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa na ito nila Rizal at Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya. Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan,mulat ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kayanaman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sarilingsoberanya, bilang bayang nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinasna may sariling bandila na kapantay ng lahat. - Pang. Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan22. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang _______. a. pagtuligsa sa mga mananakop b. paghikayat sa madlang magkaisa c. pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan d. pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino23. Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na _______ liban sa _______. a. pahalagahan ang ating kalayaan b. magbuwis ng buhay para sa kalayaan c. tungkuilin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan d. maninidigan sa mga karapatan bilang bansang malaya24. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga _______.a. bayani c. kalayaanb. bandila d. bansa 123 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY25. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang hindi sila mapasakop sa kapangyarihan nito.” a. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan. b. Matalino man ang matsing napaglalalangan din. c. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa. d. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang. 26. Nagbalik-loob si Samsom sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na _______. a. siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos. b. sa Diyos pa rin siya kumuha ng lakas. c. kinilala niya ang kapangyarihan ng Diyos. d. sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong. 27. Bakit itinuturing na marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della Young? a. Isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila. b. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali. c. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko. d. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan. 28. Ang lahat ay pahayag na nagsasaad ng katotohanan, maliban sa isa. a. Ang tao maging ang mga bagay ay maaaring maging lunan na pinagganapan ng pokus sa ganapan o direksiyon. b. Nasa pokus na pinaglalaanan ang pangungusap kapag ang simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa. c. Nagaganap ang kilos ng pandiwa na nasa pokus na ganapan sa isang tiyak na lugar lamang. d. Ipinahihiwatig ng pokus sa direksiyon na ang kilos ng pandiwa ay nagaganap mula sa isang lugar papunta sa isang lugar. 29. Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago?” a. Mas mainam magbigay kaysa tumanggap. b. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit. c. Ang Diyos ay pag-ibig. d. Ang Pasko ay para sa mga bata. 30. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet?” a. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan. b. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig. c. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. d. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig. 31. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng _______. a. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa b. pagsaway sa utos ng kanilang angkan c. pagtataksil ni Juliet kay Paris d. lahat ng nabanggit 124 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
32. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?” a. pag-ibig sa ama/ina b. pag-ibig sa kapatid c. pag-ibig sa kaibigan d. pag-ibig sa kasintahan/asawa “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin angisang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akongsalapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Peromas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y masarmado lang ako. -Ang Matanda at ang DagatDEPED COPY33. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na _______. a. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay. b. kung may dilim may liwanag ding masisilayan. c. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin. d. nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.34. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag? a. mabait b. maalalahanin c. mapagpahalaga d. mabuti35. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang, a. tao vs tao b. tao vs sarili c. tao vs kalikasan d. tao vs lipunanPara sa Bilang 36-50 Sumulat ng sinopsis ng isang akda batay sa umiiral na isyung panlipunangkinakaharap ng mga bansa sa Kanluran. (15 puntos) 125 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
III. YUGTO NG PAGKATUTO TUKLASIN Natutuwa ako at nakarating ka na sa Modyul 2. Ngayon lalakbayin mo naman ang mga bansa sa Kanluran at South America sa pamamagitan ng kanilang mga akdang pampanitikan. Muli nating palalawakin at pagyayamanin ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol dito. Tuklasin natin kung ang iyong ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Halika, simulan mo na sa pamamagitan ng gawaing susukat sa abot ng iyong kaalaman.GAWAIN 1: Hanggang Saan ang aking Kaalaman?Gamit ang concept map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa panitikanng mga bansa sa Kanluran at South America.DEPED COPY Mga Panitikan Mga AkdaManunulat ng Kanluran Kultura Matapos mong mapunan ang concept map, bigyan mo naman ng hinuha angmahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng ANA (Alam na, Nais malaman, AngNalaman ko na). Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum. Pagkatapos natingpag-aralan ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling kolum. a. Paano nga ba naiiba ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran sa iba pang mga bansa? b. Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika para higit na maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran at South America?Ano ang alam Ano ang nais Paano mo Ano ang mo na? mong makikita ang iyong nais mong malaman? natutuhan/ malaman? naunawaan?KW H L Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman, ang datiat ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ngaraling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan. Tayo na, oras na para pag-aralan mo ang ilan sa mga akdang pampanitikanna nagdala ng malaking ambag sa kasaysayan ng mga bansa sa Kanluran at SouthAmerica. 126 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
LINANGIN Narito ang mga aralin na pag-aaralan sa Modyul 2. Nakapaloob dito angmga paksa, pamantayang pangnilalaman, at pagganap.Aralin 2.1A. Panitikan: Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil) (Talumpati mula sa Brazil) Isinalin sa Filipino ni Sheila C. MolinaDEPED COPYB. Gramatika at Retorika: Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak ng PangungusapC. Uri ng Teksto: Naglalahad Panimula Ayon sa UNESCO, ang Brazil batay sa kasaysayan ay kilala sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa aspektong sosyal, ekonomiko, at kultural. Tulad din ng Pilipinas, ang Brazil ay sumailalim sa dalawampu’t isang taong pamamalakad na diktaturyal. Kung kaya’t damang-dama ng mga Brazilian ang kasiyahan nang manumpa sa katungkulan noong Enero 1, 2011 ang kauna-unahang babaing pangulo ng bansa sa katauhan ni Pangulong Dilma Rousseff. Ang Aralin 2.1 ay naglalaman ng talumpating pinamagatang Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon na isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina. Ano kaya ang mahahalagang mensaheng ipinabatid ni Pangulong Rousseff sa kaniyang mga kababayan? Ang sagot ay malalaman mo sa pagbabasa ng talumpati. May mga gawain din na inilaan na makatutulong sa pagsusuri sa kaisahan at kasanayan mo sa pagpapalawak ng pangungusap. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang talumpati tungkol sa isang napapanahong isyu. Dapat taglay rin ng talumpating iyong isusulat ang sumusunod na bahagi: a.) panimula (may pagpapaliwanag sa layunin), b.) katawan (kalinawan at tibay/lakas ng argumento), c.) pangwakas (pagbibigay ng lagom o kongklusyon), at d.) kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap. Inaasahang sa pagtatapos ng araling ito ay masagot mo nang may pag- unawa ang mga pokus na tanong na: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito? At paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati? 127 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYYugto ng Pagkatuto TuklasinAlam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong matututuhan saaraling ito. Ang mga gawaing inilaan ay inaasahang makatutulong sa iyo upangmasagot mo ang mga tanong na: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayangpanlipunan ng bansang pinagmulan nito? At paano nakatutulong ang kasanayan sapagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati?Gawain 1: Character ProfileBasahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma Roeusseff.Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa kasunod na bahagi. Sino ba si Dilma Rousseff?Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahangbabaeng pangulo ng Brazil matapos manalo saeleksiyon noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff. Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 saBelo, Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama ay isangBulgarian at ang kaniyang ina ay isang Brazilian.Estudyante pa lamang si Dilma ay naugnay na siyasa isang militanteng sosyalistang grupo kung saannakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay siyaniyang naging pangalawang asawa. Noong 1970, dahilsa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal ng tatlongtaon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na pagpapahirap tulad ngelectric shocks. Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977)at pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ng Democratic Labor Party. Sa loob ngdalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at mahusay natagapamahala ng partido. Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuhaniya si Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Ministerng Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuhani Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunanniyang tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010. Biography of Dilma Rousseff, kinuha noong Marso 1, 2014, - Mula sa (http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html) Character Profile A. Pangalan : __________________________________ B. Tirahan : __________________________________ C. Kasarian : __________________________________ D. Hanapabuhay : ______________________________ E. Pagkamamamayan :__________________________ F. Naging tagumpay : ___________ G. Kahanga-hangang katangian : _________________ 128 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSagutin: Anong impresiyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang impormasyon kay Pangulong Dilma Rousseff? GAWAIN 2: Concept Mapping Bumuo ng hinuha at palagay kung ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa kaniyang kababayan. Pagkatapos ay subuking palawakin ang ideyang ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pangungusap. GAWAIN 3: Bigyan ng Opinyon! Ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa kaniyang kababayang Brazilian? Bakit? Basahin nang malakas at may damdamin ang sumusunod na pahayag at pagkatapos ay magbigay ng iyong sariling opinyon tungkol dito. 1. “Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.” – Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III (Inagurasyong Talumpati, 2010) 2. “Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di pagkakaunawaan sa ibang nasyon nang mapayapa – hindi dahil naduduwag tayong harapin ang mga panganib, kundi dahil ang pakikipagkasundo ang matibay na mag-aalis sa pagdududa at takot.” – Pangulong Barack Obama (Salin mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013) 3. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon ng edukasyon at oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang henerasyon. Ang pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan at magkaroon ng matatag na kinabukasan.” – Prime Minister Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening Ceremony ng Danish Presidency, 2012) 4. “Ang pangunahing banta sa kapayapaan ng mundo ay hindi ang di-magandang ugnayan ng mga bansa, kundi ang paglaganap ng kasamaan. Ang tinutukoy ko ay ang terorismo, drug trafficking, organisadong krimen at ang sindikatong mafia. Ang lahat ng krimeng ito ay nagsilbing banta sa buhay, progreso at pag-unlad lalo na ng mahihirap. Sa kasalukuyan, ang mga krimeng ito ang pangunahing hadlang sa pagkakamit ng mga layunin ng United Nation.” – Peru Pres. Ollanta Humala (Salin mula sa 68th Session ng General Assembly ng United Nation, Set. 25, 2013, New York) 5. “Hindi natin mahihiling na makaiwas sa kaguluhan ng mundo. Ngunit kung tayo ay makatutulong sa paglutas nito at makikiisa sa paghubog ng magandang kinabukasan. Masasabing tunay na makabuluhan ang pakikiisa ng Germany sa European Cooperation.” – Pres. Joachim Gauck (Salin mula sa talumpati sa pagbubukas ng Munich Security Conference noong Enero 31, 2014) 129 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYAlam mo ba na... kung paanong may tinatawag na tulang pambigkasan, may sanaysay rin na binibigkas – ang talumpati? Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. May paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang din ang tagapakinig o bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang nilalaman ng talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay extemporaneous. Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati? Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati? 1. Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na layunin: 1.1 magturo 1.2 magpabatid 1.3 manghikayat 1.4 manlibang 1.5 pumuri 1.6 pumuna 1.7 bumatikos 2. Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay? May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan. Halimbawa nito ay ang editoryal at lathalain. Ano ba ang editoryal? Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa. Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat. Hindi ito kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo. Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at lathalain ay naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan ng mga tagapakinig. - Mula sa Talumpati, Debate at Argumentasyon, (Villafuerte, 2002) at Pamahayagang Pangkampus, (Ceciliano, 1991) 130 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Linangin Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na talumpati upang malaman mo kung masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito. Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil) Enero 1, 2011 Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Minamahal kong Brazilians, Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat. Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan. Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa kapwa. Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad. Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya. Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad 131 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYat pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa labansa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital naipinakikipaglaban. Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan angsariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilangsama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigayng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan. Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan itona may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyongpang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailanganhabang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan. Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ngantas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbong negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sapamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad. Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulong Republika at ng mga Ministro. Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program napagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ngpamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rinnito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na pinahahalagahanang lahat ng insentibo upang buuin ang pangmatagalang mga pondong pampribado. Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalangpakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon. Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid natransportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mgapaliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit aynararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian. Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses Congress in Brasilia, kinuha nong Pebrero. 26, 2014, mula sa (http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff- inaugurati_1_n_803450.html) 132 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377