DEPED COPY Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroon ng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng mahahalagang impormasyon sa isang talumpati. Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa, basahin ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba ay malaya sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan? Ako ay Ikaw ni Hans Roemar T. Salum “Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad. Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding layunin at mas madaling makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-ano ba ang tiyak na layunin sa paggawa ng balangkas? 1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya. 2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan. 3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Ang mga ito ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng mahahalagang impormasyon Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang impormasyong nais nitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng gawain sa ibaba, alamin kung anong mahahalagang impormasyon ang iyong nakita. 269 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGAWAIN 6: Sa Antas ng Iyong Pag-unawaIsulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa? 2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa.” 3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa katayuan niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo. 5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang sarili? 6. Pakinggan ang awit na Ako’y Isang Pinoy. Anong damdamin ang namamayani sa iyo tungkol sa wika? Ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.GAWAIN 7: Itala, Impormasyong MahalagaSa sanaysay na binasa, isulat nang pabalangkas ang mahahalagang impormasyonna nais nitong iparating sa mambabasa. Gawing gabay ang sumusunod: Ako ay Ikaw I. Bunga ng Pakikipaglaban A. B. C. II. Kalagayan sa Makabagong Panahon A. 1. 2. 3. GAWAIN 8: Ugnayang PanlipunanIlahad ang kaugnayan ng talumpati sa kultura o kalagayang panlipunan ng Africa atsa kulturang Pilipino.Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Alam mo ba na… nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon. May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa. 270 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Halimbawa: 1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang pasyalan bago ang ibang bansa. 2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang kaniyang sertipiko.Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiyakaya’t kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayagna bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinigo tagapagbasa.Pagsasanay 1: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran angpahayag na ginamit. 1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino. 2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom. 3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa Senado. 4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa. 5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na dinarayo ng mga turista.Pagsasanay 2: Balikan ang tekstong Ako ay Ikaw. Suriin ang mga salitang maysalungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwiran ang pahayag? Isulat angsagot sa sagutang papel. Pagsasanay 3: Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirangpahayag tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa bansa na ang layunin aymakapanghikayat sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang sumusunod namga transitional device. Gawin ito sa iyong sagutang papel. sa katunayan sa totoo lang ang totoo bilang patunayDEPED COPYisang katotohanan patunay nito ebidensiya ng Pagnilayan at Unawain Ngayong naunawaan mo na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan at ang gamit ng tuwiran sa di-tuwirang pahayag, sa bahaging ito ay tatayahin kung naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa aralin. 1. Mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa? 2. Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon? 271 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon?DEPED COPY Ngayong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng sanaysay sa paglalahad ngmahahalagang impormasyon at ang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag, pag-aralan ang sumusunod na impormasyon at ilipat mo sa isang kapaki-pakinabang nagawain ang iyong mga natutuhan.IlipatUpang matiyak na naunawaan ang araling ito, gumawa ka ng balangkas sanapakinggang talumpati Ikaw bilang stenographer ng isang pahayagan ay naatasang gumawa ng balangkas ng mahahalagang impormasyon sa napakinggang talumpati. Ito ay ibabalangkas mo at iuulat mo sa punong-patnugot sapagkat ilalathala niya ito sa isang pahayagan. Ito ay ibabahagi mo sa iyong punong-patnugot at sa mga manunulat ng inyong pahayagan. Tatayahin ang iyong balangkas batay sa: a.) nilalaman, b.) pagkawasto ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon, c.) wastong balangkas, at d.) makatotohanan.MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA PAGGAWA NG BALANGKAS A – Napakahusay B – Mahusay C – Hindi mahusay D – Paunlarin pa Pamantayan 4 32 1Nilalaman – maayos at organisadoTaglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang impormasyonWastong balangkas – taglay ang wastong pamamaraan sapagbalangkasMakatotohanan – totoo ang mga impormasyong ipinakita 272 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYNarito ang ilang gabay sa pagsukat ng balangkas. Anyo ng Balangkas Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap. Sa anyong salita o parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan ng paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap. Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa lahat ng entrada at nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan nang patanong ang balangkas, dapat ay patanong din ang iba pang bahagi nito. Halimbawa: Mga Karapatan ng Mamamayan I. Karapatang Likas A. Karapatang mabuhay B. Karapatang maging maligaya C. Karapatang umibig II. Karapatang Konstitusyonal A. Karapatan sa Saligang Batas 1. Kalayaan sa paghalughog 2. Kalayaan sa komunikasyon 3. Karapatan sa pamamahayag 4. Kalayaan sa relihiyon 5. Kalayaan sa paninirahan B. Karapatang itinatakda ng batas 1. Karapatan sa pagmamana Interpretasyon: 16 - 20 – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga gawain. 11 - 15 – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o kagalingan. 6 - 10 – Hindi mahusay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit kailangan ng pagrebisa upang mapaunlad pa ang gawain. 1 - 5 – Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha. Napakahusay mo, binabati kita sa naging bunga ng iyong pagtitiyaga – ang tagumpay. Inaasahan kong ang iyong natutuhan sa aralin, sa tulong ng mga tanong at gawain ay iyong isasabuhay. Muli, ang bagong hamon para sa bagong aralin ay binubuksan ko na para sa iyo. 273 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 3.4A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay (Tula mula sa Uganda) Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A Song of a Mother To Her FirstbornB. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang PananalitaC. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay DEPED COPY PanimulaSa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula nakanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyayinginuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliwat pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ngUganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilangmagulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ngina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhulang ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatidnila sa kanilang magulang. Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa atpagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin saFilipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg naA Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ngpaggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sapagbuo ng tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo nghimig. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:a.) kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) himig/melodiya, at c.) paraan ngpresentasiyon nito. Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawaang mga tanong na: Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya?;Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ngbansang pinagmulan nito? at Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismoat matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula? 274 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Yugto ng Pagkatuto Tuklasin Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng bansang pinagmulan nito ay makabubuting isagawa mo ang mga na gawain. GAWAIN 1: Ibahagi Mo! Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak.” Pagkatapos ay isagawa ang Think-Pair-Share. Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaan ng ina. Ibahagi ito sa klase. Ang aming ina’y, masinop na maybahay Adhikain niya’y kagaya ni itay Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at Katulad ng inyong magagandang anak. Sana, sana ang kawalan ay malunasan. Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan. GAWAIN 2: Isa-isahin Mo! Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay. 275 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 3: Pagbulayan Mo!Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel. Ako ang Daigdig Gabini Alejandro Abadilla ni Ildefonso Santos IDEPED COPYHabang nagduruyan ang buwang ninikat ako sa lundo ng kanyang sutlang liwanag, ang daigdig isakay mo ako. Gabing mapamihag, sa mga pakpak mong humahalimuyak! ako ang tula Ilipad mo ako sa masalimsim na puntod ng iyong mga panganorin; ako ang daigdig doon ang luha ko ay padadaluyin saka iwiwisik sa simoy ng hangin! ng tula ang tula Iakyat mo ako sa pinagtipunan ng daigdig ng mga bitui’t mga bulalakaw, at sa sarong pilak na nag-uumapaw, ako palagusan mo ako ng kaluwalhatian! ang walang maliw na akoang walang kamatayang ako Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y makatatanglaw din sa pisngi ng lupa; ang tula ng daigdig samantala namang ang hamog kong luha II sa sangkalikasa’y magpapasariwa! ako ang daigdig ng tula At ano kung bukas ang ating silahis ako ay papamusyawin ng araw ang langit? ang tula ng daigdig Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid ako ang malayang ako Sa dagat ng iyong mga panaginip? matapat sa sarili sa aking daigdig Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw, ng tula ang ilaw at hamog ng aking paggiliw; ilipad mo habang gising ang damdamin ako sa banal na tugtog ng bawat bituin! ang tula ng daigdig ako ang daigdig ng tula ako III akoang damdaming malaya akoang larawang buhay 276 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY ako ang buhay na walang hanggan ako ang damdamin ang larawan ang buhay damdamin larawan buhay tula ako IV ako ang daigdig sa tula ako ang tula sa daigdig ako ang daigdig ako ang tula daigdig tula ako.... TANONG: 1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula? 2. Paano naging marikit ang mga tulang binasa? 3. Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag. 4. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Patunayan. 277 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYAlam mo ba na... ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig. Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay ang sumusunod: 1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos A/li/pa/tong/lu/ma/pag Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak Sukat-Pipituhing Pantig 2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal Tunay ngayong umid yaring dila’t puso Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo. Tugmang - Ganap 3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito. Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen Ito ba ang mundong hinila kung saan Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran? Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay 4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda. Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez Putol na tinapay at santabong sabaw sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay halos ay sinaklot ng maruming kamay Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.Ngayon nama’y humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral nang sagayo’y matuklasan mo ang sagot sa mga tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunalsa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal angkultura ng bansang pinagmulan nito? 278 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Linangin Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandang kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahin at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibhan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isang tula. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta. Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Mangusap ka, aking musmos na supling. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. Kamay na magpapasaya sa iyong ama. Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo- apohan, Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan? Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan. Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay, Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay. Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan. Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?” Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. 279 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIka’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilayAy hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,Maging sa iyong halakhak.Paano ka pangangalanan, aking inakay?Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.Ngayon, ako’y ganap na asawa.Hindi na isang nobya, kundi isang ina.Maging maringal, aking supling na ninanasa.Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.Samakatuwid, ako’y minahal.Samakatuwid, ako’y lumigaya.Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.At ako ang ina ng kaniyang panganay.Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.Ika’y mahimbing,Ako’y wala nang mahihiling. 280 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 4: Paglinang sa TalasalitaanIsaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayagng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sasagutang papel.Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin kagalakan 5. katuwaan 4. kaluwalhatian 3. kaligayahan 2. kasiyahan 1. Paliwanag sa Pag-aantasDEPED COPYBatayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin lungkot 5. lumbay 4. dalamhati 3. pighati 2. pagdurusa 1. Paliwanag Sa Pag-aantasGAWAIN 5: Tarukin Mo!Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel. 1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap? 2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot. 3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya? 4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay ang iyong pananaw ukol dito? 5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang- ayon ka ba rito? Bakit? 6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kaniyang ama? Sa poon? 7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag. 281 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 6: Patunayan Mo!Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na grapikongrepresentasiyon sa kabilang pahina. Suriin ang tulang binasa. Ito ba’y isang tulang malaya o tulang tradisyonal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan nito?PATUNAY PATUNAYDEPED COPY KONGKLUSYONAng akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang malaya nanagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sapagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma, “AngMatanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y tulang malaya otulang tradisyonal. Ang Matanda at ang Batang Paruparo Rafael Palma Isang paruparo na may katandaan, Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay; Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw Binigyan ang anak ng ganitong aral: Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara, Pinapatay bawat malapit sa kaniya. “Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit, ang aking napala’y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak na lumiit.” “At kung ako’y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad na nila, nawalan ng buhay at isang patay na.” 282 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Ang pinangaralang anak ay natakot at pinangako ang kaniyang pagsunod; ngunit sandali lang. Sa sariling loob ibinulong-bulong ang ganitong kutob; “Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning? Diwa’y ibig niyang ikait sa akin ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.” “Anong pagkaganda ng kaliwanagan! isang bagay na hindi dapat layuan, itong matanda ay totoo nga namang sukdulan ng lahat nitong karuwagan!” “Akala’y isa nang elepanteng ganid ang alin mang langaw na lubhang maliit, at kung ang paningin nila ang manaig magiging higante ang unanong paslit.” “Kung ako’y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapapala ko? Kahit na nga niya murahin pa ako ay sa hindi naman hangal na totoo.” “Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid sa kanilang gawa ang aking paglapit, sa pananakali’y di magsisigasig sa nagniningningang ilaw na marikit.” Nang unang sandaliy’ walang naramdaman kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw. Natutuwa pa nga’t habang naglalaro ay lapit nang lapit na di nahihinto sa isang pag-iwas ay biglang nasulo tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo. Nang unang sandali’y walang naramdaman kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw. At siya’y hindi na muling makalipad hanggang sa mamatay ang kahabag-habag, ang ganyang parusa’y siyang nararapat sa hindi marunong sumunod na anak. - Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970 Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain. 283 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 7: Ipaliwanag Mo!Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang kasunod nagrapikong representasiyon.ELEMENTO NG TULA PAGSUSURIa. Sukatb. Tugmac. Kariktand. Talinghaga Paglalahat Batay sa Pagsusuri Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.DEPED COPYNasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong paraan? Patunayan.Sagutin ang tanong sa loob ng Speech Balloon sa iyong sagutang papel.Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ito ng teksto?______________________________________________________________________________________________ Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula? Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula? Patunayan.______________________________________________________________________________________________Pagsasanib ng Gramatika at RetorikaNaririto ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismoupang mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masiningsa pagbuo ng taludturan ng isang tula. Alam mo ba na… nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita. Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika. 284 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Halimbawa: 1. butas ang bulsa - walang pera 2. ilaw ng tahanan - ina 3. kalog na ang baba - gutom 4. alimuom - tsismis 5. bahag ang buntot - duwag Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. (Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit) Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap. Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman 2. gabi- kawalan ng pag-asa 3. pusang-itim-malas 4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan 5. bulaklak- pag-ibig Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko, Nguni’y muling tumayo: Nagkabunga ng ginto! (Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos) Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay. Pagsasanay 1: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa sagutang papel. 1. Mata’y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay. (Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus) 2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod; minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob, pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos. (Kabayanihan ni Lope K. Santos) 285 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. May tanging laruan isang bolang-apoy Aywan ba kung sino ang dito’y napukol. At sino rin kaya ang tagapagsindi Ng parol na buwang pananglaw kung gabi? (Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)4. Siya’y mabiyayang inilatag, Sa tubong matamis ay matingkad, Itong disyerto’y kaniyang buhok. Ginintuang paa’y namumukod, At ang kaniyang dibdib ay bundok Na sa ilog ng Nile nalulunod, Kaya’t siya’y pinong itinakda, Na ginawarang itim tuwina. (Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)5. Sandaling lisanin ang nakasanayan Unatin yaring kaluluwa’t katawan Kawangis ng paghalik ng Maylalang Sa burol, dalampasiga’t kaparangan. (Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni Hafiz)DEPED COPYPagsasanay 2: Itala ang matatalinghagang pananalita at simbolismo mula sanapakinggan at napanood na tulang liriko/sabayang pagbigkas mula sa link na ilalahadng guro. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang papel.Pagsasanay 3:A. Sa sagutang papel, kompletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa tulang Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong salita sa patlang na makukuha sa katabing kahon. Tinalunton, ang ________ ng kalikasan, tribo Ako’y _______ dumating, isang buhay. hangin Binuklod ng _______ng mga ninuno, bakasKami’y ________ dumating, isang _________. leon kamay 286 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. Sa sagutang papel, kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling pamagat.Sa ami’y... ______________________ Isa kang ______ na may dalang ligaya, Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba. Ang iyong gawi’y hindi ________________, Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa.Sa ami’y... Isa kang __________ na laging sandata, Di _____________ sa hampas ng pala Dito’y nasisilip, maningning na _______, Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.DEPED COPYPagsasanay 4: Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita atsimbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi bababa sa tatlong saknongang tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: kayarian,kasiningan, at kaangkupan.Maayos mong naisakatuparan ang mga gawain kayat ipagpatuloy mo ang iyongpagkatuto.Pagnilayan at UnawainMasusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon at gamitin angmga ito sa pagbuo ng tatlong mahahalagang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutangpapel.1. tradisyonal sukat malaya tugma tula2. tula kultura bansa pinagmulan isinasalaysay3. sapagkat simbolo kariktan pahayag matalinghagaIkinagagalak kong pinagbuti mo nang lubos ang iyong pagkatuto. Narito ka na ngayonsa huling hamon ng araling ito. 287 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
IlipatSa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba ng tulangtradisyonal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo atmatatalinghagang pananalita. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyongnapagtibay. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, makabubutingmagtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto. Magkakaroon ng Reunion ang inyong mag-anak sa mismong Araw ng mga Ina. Isang presentasyon ang iniatang sa iyong balikat, nahilingan kang maghanda ng isang rendisyon ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang pag- aaruga ng isang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak upang sila’y alayan ng natatanging pagpapahalaga. Ang iyong pag-awit ay lubos na maiibigan ng iyong mga kamag-anak at lalong-lalo na ng iyong ina kung titiyakin mong sumunod ito sa pamantayang: kahusayan ng tula, harmoniya ng awit, at kabuuang pagtatanghal.DEPED COPYTunghayan ang pamantayan kung paano mamarkahan ang isinagawang pagganap. Pamantayan Bahagdan 60 puntos Kahusayan ng Tula 30 puntos(Kasiningan at Talinghaga) 10 puntos Himig o Melodiya 100 puntos (Tinig) Kabuuang Pagtatanghal (Presentasiyon) Kabuuang Marka Binabati kita. Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pag-aaral sa araling ito. Handa ka na ngayong pag-aralan ang susunod na aralin ngmodyul. 288 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 3.5A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa) ni Barbara Kimenye Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. JocsonB. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Naglalahad ng OpinyonC. Uri ng Teksto: NaglalarawanPanimula Matapos mong pag-aralan ang mito, anekdota, sanaysay, at epiko, ang maikling kuwento naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito. Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa paglalahad. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabuo ng isang patalastas na pasulat batay sa sumusunod na pamatayan: a.) makatotohanan, b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at d.) maayos ang paglalahad. Aalamin natin kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayundin, kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon.Yugto ng PagkatutoDEPED COPY Tuklasin GAWAIN 1: Checklist Lagyan ng tsek (a) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa maikling kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na magpapahayag tungkol sa maikling kuwento. _____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan _____ 2. maaaring pormal at di-pormal _____ 3. banghay _____ 4. wakas _____ 5. simula _____ 6. suliranin _____ 7. tunggalian _____ 8. may mga kabanata _____ 9. kasukdulan _____ 10. mga tauhan 289 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay ____________________________________________________________________________.GAWAIN 2: Anticipation GuideBago basahin ang akda, basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unangkolum kung sang-ayon o di-sang-ayon na mababasa ang pahayag sa tatalakayingakda. Pagkatapos mabasa ang akda, lagyan ng tsek (a) ang ikatlong kolum na wastoang iyong naging hinuha. Sang-ayon o Pahayagdi-sang-ayon? Hindi na naging interesado ang mga kasamahan ni Kibuka sa kaniya. Sa pag-iisa ni Kibuka ay naiisip niyang kasiya- siya ang kaniyang buhay kaya’t kailangan niyang magpatuloy sa pakikibaka.DEPED COPY Isang biik ang pasalubong ng paboritong apo ni Kibuka sa kaniya. Sa una ay naisip ni Kibuka na ang biik ay alagaan. Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang baboy ay maraming problemang dumarating. Sa naganap na aksidente, ang baboy na alaga ni Kibuka lamang ang nakaligtas. Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog na siya nang maayos.GAWAIN 3: Sa iyong Palagay1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o pahayag nanaglalahad ng opinyon.ayon sa/kay... batay sa/kay...kung ako ang tatanungin... maliban sa...naniniwala akong... sa aking palagay...sa tingin ko... tunay na2. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga salitang ito?Ang iyong dati nang kaalaman sa maikling kuwento at sa mga salitang naghahayag ngopinyon ay mas lalawak pa sa pagpapatuloy ng aralin. Makatutulong ang pagbasa samga akda upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito. Halina’t simulan. Alam mo ba na… ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan – ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid. 290 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Linangin Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Ang Alaga ni Barbara Kimenye Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaliligiran ng ilang babae. Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka. Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo. “Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako ng maiinom na tsaa.” “Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.” 291 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY “Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong paay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandangnaiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan. “Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siyamapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.” Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik.Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungayna mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibukasa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik. Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin siMiriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi niYosefu. Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunodnang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi itoumaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirangpagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipasng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ngmatoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay. Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon,hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaganiyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sabahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upangmakita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anakito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito. Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahildito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat naingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ngalagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal naiyon kay Kibuka. Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maramingproblema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain athindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nangmakain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanimna mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkainmaibigay lamang sa alagang baboy. Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagangbaboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik nanakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ayilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno. 292 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi. Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog. Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy. Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo. Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga. Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod. Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya. “Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.” 293 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.” “Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Masmabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaringmagtagal sa klase ng klima ngayon.” Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop.Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niyana ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisipniya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siyatutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakithindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga.Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga. Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka atipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboyay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikasosa namatay na baboy. Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyangbalikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasanniya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising samagandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamagandaniyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan.Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ngalaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu. “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabayna sa akin pagpunta roon?” Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ngbaboy na dinala sa kaniya ni Musisi. “Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay angmga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu namananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong niMusisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapansina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap angpagkain nila ng pananghalian. “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habangnaglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.” “Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok atnapakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu. May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahalniyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy parin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alamniya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nangmaayos. 294 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 4: Paglinang ng TalasalitaanIbigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos,gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. 1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda. 2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy. 3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog. 4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili. 5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. 6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap.GAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawaSagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at kahinaan bilang tauhan. 2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may pagpapahalaga? 3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. 4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa? 5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at pandaigdig.DEPED COPYKahalagahan ng akda sarili sa... ____________________ ________lip_u_n_a_n________ ____________________ ________d_a_ig_d_i_g_______ ____________________6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan.7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa? Ipaliwanag.8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos.9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay.10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay? Magsaliksik sa lugar at kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito. 295 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Basahin ang kasunod na teksto na nagsasaad ng katangian ng isang tao nainilarawan ayon sa pagkakakilala sa kaniya ng isang taong malapit sa kaniyang buhay.Pansinin ang mga salitang may salungguhit. ROSALIA VILLANUEVA TEODORO, DAKILANG INA Mapagmahal, maasikaso, malambing, matalino at higit sa lahat may takot sa Diyos, iyan ang aking ina. Walang hindi gagawin para sa kapakanan naming magkakapatid. Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya, inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Sa paniniwala ng aking mga kapatid lalo pa nga siyang tumapang at tumatag, iyon ay upang patuloy niya kaming magabayan. Sa ganang akin, wala nang papantay pa sa kadakilaan ng aking ina.DEPED COPYSagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ilarawan ang katangian ng ina sa teksto. Gumawa ng paghahambing sa ina sa binasang teksto at sa iyong ina.Paglalarawan sa Ina sa Pagkakatulad Paglalarawan sa iyong teksto _____________ Ina _____________ Pagkakaiba _____________ _____________ _____________ ______2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong ina?3. Batay sa pagkakalahad, anong uri ito ng teksto? Patunayan.4. Ano ang layunin ng mga salitang may salungguhit?Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa gramatika upang maunawaankung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon.Makatutulong ang mga pagsasanay sa bahaging ito upang mas lalo mo pangmaunawaan ang kahalagahan nito. 296 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Alam mo ba na… ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa. Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon: sa palagay ko… ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi… batay sa aking paniniwala… sa tingin ko… maaaring… baka… siguro… Pagsasanay 1: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon. 1. Pagkakaroon ng Senior High School 2. Pagtaas ng bilihin 3. Ekonomiya ng bansa 4. Krimen na nangyayari sa bansa 5. Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot Pagsasanay 2: Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. Sumulat ng tekstong naglalarawan tungkol dito. Maglahad din ng opinyon kung paano makatutulong upang mabawasan ang ganitong senaryo sa bansa. Pagsasanay 3: Suriin ang patalastas sa telebisyon tungkol sa isa sa mga produktong tinatangkilik ng lipunan. Ilahad ang iyong pananaw tungkol dito. Gamitin at salungguhitan ang pahayag na naglalahad ng iyong opinyon. Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng mga salitang nagbibigay-hinuha sa paglalarawan at ang katangiang taglay ng mga tao na may pagkakaiba-ibang katangian, kailangan na matiyak ang iyong natutuhan. 297 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Pagnilayan at UnawainSagutin ang sumusunod upang matiyak na naunawaan ang mahalagang konsepto ngaralin. 1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan? Gamitin ang diagram sa pagsagot. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan? 2. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon? IlipatLayunin mo sa bahaging ito na mailapat ang mga konseptong natutuhan sa mgaaraling tinalakay. Balikan ang impormasyon tungkol sa patalastas bago mo ito gawin. Patalastas Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa sa radyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang ipinababatid sa publiko. Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards, poster, at magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan. 298 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Halimbawa ng patalastas na pasulat:DEPED COPYBasahin nang may pang-unawa ang sitwasyon sa ibaba upang maisagawa ito. Sa nalalapit na foundation day sa inyong bayan, bilang Presidente ng organisasyong MAMAYBAY o Mamamayang Ipinagmamalaki ang Bayan, naatasan kang magbigay ng impormasyon sa iyong bayan upang magkaroon ng kamalayan ang ibang tao rito. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng patalastas: na pasulat. Ang magiging panauhin na magtataya ng iyong ginawa ay ang Gobernador at Bise Gobernador ng inyong lalawigan, Mayor, Bise Mayor, at konsehal ng bayan. Tatayain nila ang iyong ginawa batay sa sumusunod na pamantayan: a.) makatotohanan, b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at d.) maayos ang paglalahad ng impormasyon gamit ang patalastas.Rubriks sa Paggawa ng Patalastas na PasulatMga Pamantayan 5 4 3 21A. MakatotohananB. MasiningC. Kaalaman sa paksaD. Maayos ang paglalahad Gabay sa Pagmamarka21 – 25…………………… Napakahusay16 – 20 …………………… Mahusay11 – 15 …………………… Katamtamang Husay 5 – 10 …………………… May husay subalit kailangang dagdagan pa ang sikap Napakahusay! Tunay ngang naunawaan mo ang araling ito. Isabuhay mo ang iyong natutuhan. Inaasahan kong ang dedikasyon mo sa mga naging gawain ay iyong ipagpapatuloy sa mga susunod pang aralin. 299 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 3.6A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali (Epiko mula sa Mali, West Africa) Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. TaboraB. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o DamdaminC. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran DEPED COPYPanimulaAng Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay nagingmakapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sapamamayagpag nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa Western Europe. Dito’yumusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturing na dakilang kayamananng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana atMahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralanay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusayna mananalaysay na sinasaliwan ng instrumentong musikal. Itatampok dito angmabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan. Sa Aralin 3.6, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa atpagpapahalaga sa epikong Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali na isinalin saFilipino ni Mary Grace A. Tabora hango sa salaysay ni D.T. Niane at salin sa Inglesni J.D. Pickett sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata:An Epic of the Old Mali. Layon ng araling ipakita ang kaugnayan ng epiko sakasaysayan at malinang ang kasanayan sa mga ekspresiyong sa pagpapahayagng damdamin o layon. Bilang pangwakas na gawain, magsasagawa ng isangpagtatalo tungkol sa katangian ng mga pangunahing tauhan ng dalawang epiko.Susukatin ang husay sa pagmamatuwid batay sa sumusunod na pamantayan:a.) paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, b.) pangangatuwiran at panunuligsa,at c.) pagpapahayag. Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na tanongna: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ngkanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sapagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan? 300 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Yugto ng Pagkatuto Tuklasin Marahil handa ka na, simulan mong isagawa ang mga gawain upang matutuhan ang sagot sa mga pokus na tanong na: Bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan? GAWAIN 1: Tilamsik ng Saloobin Sa iyong sagutang papel, ibigay ang iyong posisyon o paninindigan tungkol sa paksang nasa timbangan. Mainam na batay ang iyong paninindigan sa mga napagtibay nang impormasyon o ebidensiya. Ang mga manggagawa ba ay bayani ng makabagong panahon? GAWAIN 2: Itugon ang Layon Isulat sa sagutang papel ang layon ng mga pahayag. 1. Halika, maupo ka’t pakinggan mo ang plano ng ating pag-atake. 2. Pangako, babalik ako at babawiin ang pag-aari ko na iyong kinamkam. 3. Sumige ka’t makikita mo ang lupit ng aking kapangyarihan. 4. Mas makatutulong ang digmaan sa pagkamit ng ating kalayaan. 5. Tama ang iyong paniniwala na dapat mag-ingat sa mga lihim na kaaway. GAWAIN 3: Magkatulad na Bayani Ibigay ang hinihingi sa bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Dalawang Kilalang Bayani ng Epiko Ihambing sa Kilalang Bayani ng Kasaysayan Patunay ng Paghahambing 301 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYAlam mo ba na… ang paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran? Layon ng naninindigan na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresyon upang maipaabot ang layon o damdamin ng pagpapahayag. LinanginAng epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap.Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’ysupernatural. Masasalamin sa epiko ang mataas na pagpapahalaga ng lipunan,kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon. Kaya mainam na basahin atunawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ngAfrica ay hinahalaw sa kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan. Alam mo ba na… ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane? Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles. Si Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata), ang bayani’t pangunahing tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono. Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperyong Mandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit 250 taon. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA 302 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador. Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kaya’t ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka. Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman, nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ng kaunting dahon ng baobab. “Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan. Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ng kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walang pakialam na sumusubo’t tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon ang kaniyang sarili, siya’y napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya ang anak. “Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?” Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, “Inay, anong problema?” “Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.” “Ano ba yaon?” “Si Sassouma’y pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang ina.” 303 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY “Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.” “Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.” “Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata.“Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal.Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyoang buong puno?” “Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ngpuno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.” Nang oras na iyon ay naroroon si Balla Fasséké, humangos siya sapinakamahusay na panday, si Farakourou, upang magpagawa ng tungkod na bakal. Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siya’y tahimik na lumuluhahabang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang kaniyang pagkain na tilawalang nangyari. Maya’t maya niyang sinusulyapan ang kaniyang ina na bumubulong,“Ibig ko ang buong puno, sa harap ng aking dampa, ang buong puno.” Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na humahalakhakmula sa likod ng kubo. Ito’y likha ng buktot na si Sassouma na nagsasalaysay sakaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay Sogolon, sinasadya niyangmadinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulong kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyangpagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitansiya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, “Tahan naina. Bakit ka umiiyak?” Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan,umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng araw.Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam. Ang laksang panday na nasa labas ng maharlikang pader ay okupado ngpaggawa ng pana’t palaso, sibat, at kalasag na ginagamit ng mga mandirigma ngNiani. Nang dumating si Balla Fasséké at humiling ng tungkod na bakal, napabulalassi Farakourou, “Dumatal na ba ang dakilang araw?” “Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi panasaksihan sa anomang pagkakataon.” Ang puno ng mga panday ay anak ng matandang si Noufaïri, at kawangking ama niya ay isa ring manghuhula. Sa kaniyang pagawaan ay katakot-takot angnakaimbak na bareta ng bakal na niyari ng kaniyang ama. Lahat ay nagtataka kungsaan nakalaan ang mga bakal. Tinawag ni Farakourou ang anim na baguhangmanggagawa at ipinabuhat ang mga bakal upang dalhin sa tahanan ni Sogolon. Nang maibaba ang mga dambuhalang bakal, ang ingay na nilikha nito’ynakapangingilabot,pati si Sogolon ay nagulantang at napalundag. Pagkatapos aynangusap si Balla Fasséké, anak ni Gnankouman Doua, “Naririto na ang dakilangaraw, Mari Djata. Ika’y aking kinakausap, Maghan, anak ni Sogolon. Ang kristal ngNiger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi kayang lipulin ang pang-uusig. 304 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYTumindig ka, batang leon, umatungal, at ihayag sa palumpong na simula ngayon sila ay may panginoon.” Sumaksi ang mga baguhang panday sa nagaganap, lumabas si Sogolon at pinanood si Mari Djata. Siya’y painod-inod na gumapang at lumapit sa mga baretang bakal. Sa tulong ng kaniyang tuhod at isang kamay siya’y lumuhod, samantalang ang isang kamay ay umaabot ng baretang bakal na walang kaabog-abog na itinindig. Humawak ang dalawang kamay sa mga bakal habang nakaluhod. Isang nakamamatay na katahimikan ang sumakbibi sa lahat. Mariing pumikit si Sogolon Djata, kinuyom ang mga kamao’t umigting ang kalamnan. Sa isang marahas na paghila, iwinasiwas ni Djata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod sa lupa. Pinagtuunan ng pansin ni Sogolon ang mga binti ng anak na nangangatal na tila kinukoryente. Pinagpapawisan nang malapot si Djata na umaagos mula sa kaniyang noo. Buong igting niyang itinuwid ang katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong anyo ang bakal na hawak, ito’y naging pana! Biglang umawit si Balla Fasséké ng “Himno ng Pana” sa madamdaming tinig: “Kunin mo ang iyong pana, At tayo ay humayo. Kunin mo ang iyong pana, Butihing gerero.” Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siya’y saglit na naumid, pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak: “Anong rikit ng umaga? Araw ng labis na saya. Allah, makapangyarihang Allah, Banal na manlilikha, Yaring anak ay may halaga!” Ang tinig ni Balla Fasséké ang namalita sa buong palasyo ng nagaganap, ang mga tao’y humahangos na nagtungo sa kanilang kinaroroonan at ang lahat ay namangha sa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon. Ang Inang Reyna ay napasugod din at nang makitang nakatayo si Mari Djata siya’y nangatog at pinanghinaan ng tuhod. Matapos mahabol ang hininga, inalis ni Djata ang bakal, ang kaniyang unang hakbang ay dambuhala. Napayukod at itinuro ni Balla Fasséké si Djata, siya’y napasigaw: “Ang lahat ay tumabi, Tayo’y gumalaw. Ang leon ay nabuhay, Antelope’y magkubli.” Sa likuran ng Niani ay nakatanim ang munting puno ng baobab, doon namimitas ng dahon ang mga supling ng nayon para sa kanilang ina. Buong lakas na binunot at pinasan ni Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan ng kanilang kubo, “Inay, naririto ang ilang dahon ng baobab para sa iyo. Simula ngayon, ito’y mananatili sa labas ng ating dampa at ang lahat ng kababaihan ng Niani ay tutungo rito upang mangalakal.” 305 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377