Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 10 (Modyul 1-3)

Filipino Grade 10 (Modyul 1-3)

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-20 02:06:42

Description: Filipino Grade 10 (Modyul 1-3)

Search

Read the Text Version

DEPED COPY GLOSARYO abstraktong damdamin – hindi tiyak na pakiramdam adobe – tisang yari sa putik na pinatuyo sa araw; bahay Aesir – ang tawag sa mga diyos ng Norse alindog – personal na halina, pang-akit; karilagan; kariktan; kagandahan an gnewa – sulong; lusob angkan – pamilya; lipi, lahi; henerasyon, salin-lahi; hinlog, kamag-anak. antelope – isang hayop sa Africa at Asia na kawangis ng usa, may sungay at matuling tumakbo argumento – paliwanag o pagmamatuwid Asgard – ang kaharian ng mga Aesir Bagong - Kaharian sa Egypt (New Kingdom) – sinaunang panahon 1570-1085 B.C. (New Kingdom) balaraw – punyal, sundang balintataw – gunita, alaala baobab – tropikal na puno na ang dahon ay ginagamit na panahog sa pagluluto bathin – pagdaanan bikig – tinik sa lalamunan; nakaharang binalaan – binigyan ng babala o paalaala Bu-ad – ritwal na isinasagawa ng mga taga-Ifugao upang magkaroon ng anak at masaganang buhay buhalhal – walang kaayusan sa gawi at pag-iisip, hibang, bulagsak buhay – pananatili sa daigdig ng isang tao o hayop na kumikilos o lumalaki. buhong – buktot, kuhila, imbi, mapaglinlang, manggagantso, mandaraya, salbahe buktot – malupit, buhong, mabagsik, imbi calabash – lalagyan na ginagamit na mangkok cowrie – yari sa shell na ginagamit bilang palamuting mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon. dagli – mga sitwasyong may nasasangkot na mga tauhan ngunit walang aksyong umuunlad, gahol sa banghay, at mga paglalarawan lamang. dampa – kubo, barong-barong, munting bahay daratal – darating, sasapit demolisyon – sapilitang pagpapaalis sa istruktura 335 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYdiktaturyal – pamamahala ng isang tao na walang limitasyon ang kapangyarihandiskriminasyon – hindi pagkakapantay-pantay na maaaring sa lahi o katayuandumadantay – humahaplos; pagpatong ng kamay o paa sa anumang bagaydumaplis – pasapwa na tama; sumagi, hindi nasapoldupok – madaling masiraeditoryal – mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasaegwugwu – espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupaing Nigeria.Egypt – bansang nasa hilagang-silangan ng Africa na nasa hangganan ng Mediterranean Sea at Red Sea.Ekwe – isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sangang kahoy. Isang uring drum na may iba’t ibang uri at disenyo.Emperador – pinuno, liderespiritu – kaluluwa, tapang, katapangan, lakas, sigla, damdamin, loob, kalooban, diwa, layon, alakextemporaneous – maingat na inihandang pananalita ngunit binigkas ng walang hawak na kopyafood threshold – itinakdang panukat sa komposisyon ng pagkain na basehan ng kahirapangalanos – isang uri ng isda katulad ng marlinganid – sakim, mapangamkam, gahamangarapa – garapon, bote, botelyagenre – isang tiyak na uring akdang pampanitikangerero – mandirigmagnougous – halamang-ugatGreece – bansa mula sa timog-silangan ng EuropeGreek – tao mula sa Greece, wika sa Greecegriot – mananalaysayGuidance Counselor – propesyunal na tagapayo at tagagabay ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at pampropesyunal na mga alalahanin.gumimbal – gumulat, yumanighayna – isang uri ng ibon 336 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYhibang – luko-luko, haling, wala sa hustong pag-iisip hilakbot – gulat, takot, kilabot, nakahihindik na damdamin hilam – mahapding sakit sa mata dahil sa sabon, usok, atbp., peklat sa balat lalo na sa mukha himutok – hinaing, daing, tampo, hinagpis, pagdaramdam, taghoy hinagupit – hinampas, pinalo; sinalanta hinutok – binaluktot, binali; hinubog; sinupil, dinisiplina humagibis – humarurot, tumakbo nang mabilis, tumulin humangos – suminghap, hiningal, hinabol ang hininga humayo – sumulong, lumakad humuhulma – nagbibigay hugis o anyo sa isang bagay huwego – set, terno Ifugao – isang lalawigan sa Rehiyong Administratibo ng Cordillera, tawag sa pangkat ng mga taong nakatira sa Ifugao, mula sa salitang Ipugo na nangangahulugang mortal Igbo – katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal. Imperyo – kaharian inabandona – iniwan inagurasyon – isang seremonya ng pagtatalaga sa katungkulan inakay – sisiw o kiti ng ibon o manok; anak inflation – pagpapalabas ng maraming salapi ipinanlunas- ipinanggamot itakwil – iwaksi, itanggi, di-pagkilala itimo – ibinaon; itinusok, itinagos kabantugan – kasikatan; pagiging pamoso, tanyag, kilala kabisera – sentro, gitna kahabag-habag – kaawa-awa, kalunos-lunos kakintalan – iniiwang impresyon sa mambabasa kalasag – panangga, pananggalang kalawakan – kaluwagan, kalaparan; papawirin, atmospera, alangaang kanlong – nasisilungan, nalililiman, kubli, nakatakip, nakatago Kanluran – gawing lubugan ng araw, oste, kabila ng silangan 337 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYkanugnog – karatig, tabing-lungsod, katabikapangyarihan – lakas, impluwensya, puwersa, poder; kapasidad, autoridad, pakultadkapita-pitagan – kagalang-galangkariktan – kagandahankarsel – piitan, bilangguan, kulungankatad – balat, kuwerokatatawanan – umor, balantong; biro, siste; komikada.kati – pagbaba o pag-urong ng tubig; sumpong, sigla; kalansing o lagitikkawan – langkay, isang grupo o pangkat; kulumpol, pulutongkinapos – kinulang, hindi sapat; hikahos, salat, dahopklasikal na mitolohiya – mitolohiyang mula sa Rome at Greece, mitolohiyang Geco- Romankompidensiyal – lihimkomplikasyon – hindi simple, magulo, mahirapkonklusyon – katapusan, hinuha o pasyakultura – ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang mga ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan at tradisyong umunlad ng isang lipunan. Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng mamamayan tulad ng paaralan (edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at mga establisimentong pansining. Kung minsan ay isang tiyak na pangkat na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos.kutob – sapantaha, kaba, hinala; pangamba, takotlagom – paglalahat o pagbubuodlanseta – kortapluma, lasetalapastangan – walang-galang, walang pakundangan, mapang-alipustalathalain – isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulatlatigo – kumpas, pamalo, pang hagupit sa kabayoLatin – sinaunang wika ng mga Romanlibakin – tuyain, libakin, aglahi, kutyainliberalisasyon – kaluwagan o di-mahigpitligaw – wild sa Inglesliriko – isang uri ng tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng matinding damdamin ng makatalumbay – lungkot, hapis; dalamhati; pighati; tamlay 338 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYlumusong – pumanaog, bumaba mafia – sikretong organisasyon ng mga taong gumagawa ng masasamang elemento magapi – matalo, masupil, malupig, madaig, mabihag maibsan – mabawasan malilirip – makukuro, mapag-iisip-isip, mapagmumuni-muni, mapagninilay-nilay manghuhuthot – taong umuubos ng salapi ng iba, maninipsip maninimdim – magseselos masidhi – maalab, matinding pagnanais materyalistiko – taong higit na pinahahalagahan ang materyal na bagay mautas – matapos, mamatay, mayari mito – myth sa Ingles,matatandang kuwentong bayan tungkol sa mga bathala, diyos at diyosa at kakaibang mga nilalang, tungkol sa pagkakalikha ng daigdig, at iba pang kalikasan, tungkol sa pinagmulan o pagkakalikha ng mga unang tao, tungkol sa iba pang may kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang anito mitolohiya – kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao o kultura na nagsasalaysay tungkol sa kanilang mga ninuo, bayani,diyos at diyosa, mga supernatural na mga nilalang at naglalahad ng kasaysayan, agham o pag-aaral ng mga mito Mitolohiyang Norse o Mitolohiyang Eskadinaba – ang mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic languages Momma – halamang nginunguya ng mga taga Cordillera na panlaban sa lamig at gutom. Sa mga taga-Ifugao ang pagnguya nito ay ginagawa bilang pakikipag- ugnayan sa kapwa. monghe – pari munsik – bulilit; karampot, katiting; maliit nagbabantulot – nag-aatubili, nag-uurong-sulong, nag-aalanganin, natitigilan nagpabuyo – nahimok, nahikayat, nakumbinse, naganyak, nakayag, nayaya nagsipat-sipat – tumingin-tingin nagtatampisaw – naglalaro sa tubig nalipol – napuksa; napatay, naubos, nasaid name – isang damong makamandag nanagano – nagsakripisyo; dedikasiyon; pagtatalaga sa Diyos sa anumang mangyayari o kapalaran nananaghoy – nananangis, malakas na pag-iyak na may kasamang daing nananariwa – nagunita, naalala, nagbalik sa isip naninibugho – nagseselos, naiinggit, nangingimbulo 339 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYnapahikbi – napaiyak, napanguyngoynaparam – nawala, napawi, nagmaliw, nabura, naglaronasimot – nasaid, naubos, walang tiranasulo – natanglawannatigagal – nabagabag, natigatig, naligalignaumid – hindi nakapagsalita, di-nnakaimik; natahimiknegatibo – masama, hindi maganda o mabutinyumba – bahayobra-Maestra – isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na uri ng parangal; kinilala; naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may taglay na kariktan.ogene – malaking metal bell na ginawang mga igbo sa Nigeria.paghimlay – paghiga, pag-idlip pagtulog, pamamahinga, paghilatapagpapatiwakal – pagpapakamatay, pagkitilngsarilingbuhaypagsasalat – pagdarahop, paghihikahos; laging kulangpagsibol – pagtubo, pag-usbong, paglitawpag-utas – pagtapos, pagyari; pagpataypainod-inod – dahan-dahan; paunti-untipaksang-diwa o tema (theme) – itoy pangunahing kaisipan ng tula, katha, dula, nobela, sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsa’y puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina.palamara – sukab, lilo, taksil, traydorpalasak – karaniwan, ordinary; laganap, usopalayan – bukid na taniman ng palay.palunpong – halamang tumutubo mula sa bumagsak na buto, kumpol, langkay, buwing, pumponpanagimpan – pangarap, ilusiyon; hangarin, layunin, pitapanambitan – daing, tanguyngoy, panawagan, hinaing, luhog, dalanginpanangis – pag-iyak, pagluhapandudusta – panlalait, panghahamakpang-aalimura – pang-iinsulto, pangungutya, panlalait, panlilibakpangdudusta – panghahamak, pang-aalipusta 340 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYpangimbulo – pagkainggit pang-uusig – pagtugis, pagsisiyasat; pagsasakdal paniniwala – pananalig, akala; sariling palagay panlilibak – panunuya, pangungutya, pang-uuyam, pang-iinsulto panunuring pampanitikan – tumutukoy sa matalino at maingat na paghusga sa mga bagay na pinupuna o sa anumang akdang pampanitikan panunuring pampelikula – pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito. Tinutukoy nito ang pagsusuri hindi lamang sa kahinaan at kakulangan nito kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig pasulyap-sulyap – pagtingin nang hindi matagal; panakaw na tingin patalastas – isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan payak – simple, katutubo pensiyon – natatanggap na pera trabaho o naglingkod sa gobyerno ang nakatatanggap nito persona – nagsasalita sa isang akda piging – bangkete, salu-salo, handaan, anyaya pilapil – dikeng mababa na nakapaligid sa taniman ng palay, sa palaisdaan atbp; palimping, pimpin, tarundong, latawan pinanday – hinubod, hinulma pinangilagan – iniwasan polisiya – mga patakarang ipinatutupad positibo – mabuti, pasulong prinsipyo – simulain; paniniwala, paninindigan pumapawi – bumubura, inaalis, pinaglalaho, tinatanggal putik – lupang basa o luad na malagkit; lusak, burak; pusali, lablab, lunaw realismo – ipinapakita ng isang akdang pampanitikan na may realismong pananaw ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang buhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang tunay na buhay. rima – pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod Roman – tumutukoy sa sinaunang lungsod ng Rome at mga teritoryo at mga taong naninirahan dito Rome – kabisera ng Italy na matatagpuan sa sentro ng bansa, sa lipunan, o posisyon sa buhay 341 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYsabsaban – kainan ng mga hayop, labangansakbibi – sakmal, punosalamangkero – taong bihasa sa panlilinlang sa pamamagitan ng bilis ng kamaysapulin – tamang-tama sa gitna; tamaansapupo – sapo, salosilangan – dakong sikatan ng araw.simbolo – ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa, isang bagay o kaisipan na kumakatawan sa iba pang konsepto at maaaring bigyan ng maraming antas ng kahulugansinauna – sa unang panahon, mula sa kabihasnan noong unang panahonsofas – mandirigmasoneto – isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtodsugpuin – huwag palalainSultan – pinakamataas na puno ng mga Muslimsuwi – anak, supling; siboltalukbong – belo, pandong, saklobtalumpati – deklarasyon;diskurso;bigkas,resitasyon;pananalita sa harapan ng maraming tao nang tuluyan.tambuli – sungay na kung hipan ay tumutunog nang malakas; kurneta, tambuyoktamtam – maliit na tamboltana – agimat na tari ng tandangtanikala – kadena, kadenita, kadenilya; kawing-kawing na singsing na bakaltari – matulis na patalim na ikinakabit sa paa ng manoktauhang lapad – ang uri ng tauhan na hindi nagbabago ang katangiang taglay mula simula hangang sa wakas ng kuwentotayutay – ito’y isang anyo ng paglalarawang-diwa na kakaiba at malayo sa karaniwang paraan ng pananalita at naglalayong magawang marikit upang maging mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng sinuman sa damdaming ipinahihiwatigterorismo – sistematikong paggamit ng karahasantikis – pangyayamot, pang-iinis, pananadyatumalilis – tumakas, umilag, palihim na umiwaswinasak – sinirayapak – apak, tapak, tuntong; yurak; walang sapin sa paa; bakasyumuyungyong – tumatangkilik; nalililiman, yumuyupyop 342 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY BIBLIOGRAPI Mga Aklat Aganan, Fernanda P. 1999. Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, UP. Alejandro, Rufino. 2001. Wika at Panitikan IV. Manila: Vibal Publishing House. Anderson, Robert et. al. 1993. Element of Literature First Course. USA: Harcourt Brace Jovanovich, Inc.. Arrogante, Jose A. et al. 2004. Panitikang Filipino- Antolohiya. Mandaluyong City: National Bookstore. Arrogante, Jose et al. 1991. Panitikang Filipino- Pampanahong Elektroniko. Mandaluyong: National Bookstrore. Arsenio L. Sumeg-ang. 2005. Ethnography of the Major Ethnolinguistic groups in the Cordillera, Quezon City: Cordillera Schools Group, Inc. and New Day Publishers. Atalia, Eros. 2011. Wag Lang Di Makaraos. Pasay City: Visual Print Enterprises. Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., 2012. Pluma III Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Philippines, Phoenix Publishing House, Inc. Cariño,Maria Luisa A.,1990. Cordillera Tales. Quezon City: New Day Publishers. Ceciliano, Jose C. 1991. Pamahayagang Pangkampus. Quezon City: Rex Bookstore. Dillague, Nora M. 1990. Sandigan -Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Manila: Phoenix Pub. House Inc. English, Leo James. 1977. English-Tagalog Dictionary. Quezon City: Kalayaan Press Mktg. Ent. Inc. Ferrara, Cosmo F. et.al. 1991. Enjoying Literature. California: Glencoe/McGraw-Hill. Gonzales, Lydia Fer. et.al. 1982. Panitikan sa Pilipino. Manila: Rex Book Store. Hamilton, Edith. 1969. Mythology. New York: Warner Books Inc. _______________. 1999. Mythology: Timeless Tales of Gods and heroes. Little Brown and Company. Jocson, Magdalene O. et. al. 2005. Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co. Inc. Lacsamana, Leodivico C., et.al. 2003. Filipino: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon IV. Makati City: Diwa Learning Systems, Inc. Longa, Asuncion B. et.al., 2010. Filipino I. Lipa City, Batangas,: United Eferza Academic Publications, Co. . Macaraig, Milagros B. 2000. Pagpapahayag, Retorika at Bigkasan. Manila : Rex Bookstore, Inc. ________________. 2014. Sulyap sa Panulaang Filipino.Manila: Rex Book Store, Inc., Mallinllin, Gabriel F. et.al. 2002. Kawil I - Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura.,Manila: Rex Bookstore Inc.. Resuma, Vilma Mascarina. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino Komunikatibong Modelo. Sagalongos, Felicidad E. 2013. Diksyunaryong Ingles-Filipino, Filipino-Ingles. Madaluyong City: National Bookstore. Santiago, Alfonso B. at Norma G. Tiangco. 2006. Makabagong Balarilang Pilipino. Manila : Rex Bookstore, Inc. Santiago, Alfonso O. 2003. Sining ng Pagsasalingwika-Ikatlong Edisyon. Manila: Rex Bookstore. Santiago, Jesus Manuel. 1998. Ang Matanda at ang Dagat. Sentro ng Wikang Filipino, UP, Manila. Santiago, Erlinda M. et.al 1989. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad Pangkolehiyo.Manila: National Book Store. 343 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYSantos, Bernie C. at Corazon L. Santos. 2002. Kawil II -Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Quezon City: Rex Bookstrore Inc.Santos, Vito C. at Luningning E. Santos. 1995. New Vicasian’s English-Pilipino Dictionary. Pasig: Anvil Pub., Inc.Santos, Vito C. at Luningning E. Santos. 2001. English-Pilipino Dictionary. Pasig: Anvil Publishing Inc..Silverio, Julio F. Bagong Diksyunaryong Pilipino-Pilipino. Mandaluyong City: National Boookstore.Villafuerte, Patrocinio V. 2002. Panunuring Pampanitikan. Sampaloc, Manila: Rex Bookstore Inc.____________________. 2002. Talumpati, Debate at Argumentasyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House.___________________. 2012. Pagpapahalaga sa Panitikan - Sining Pantanghalan. Malabon City : JIMCYZVILLE Pub..1980. Magandang Balita: Bibliya . Manila: Philippine Bible Society.1987. Ninth New Collegiate Dictionary. USA: Merriam Webster Inc.1996. Literature World Masterpieces. New Jersey,USA : Prentice Hall Inc,.2011. Panahon -Ang Pag-ahon sa Hamon ng Pagbabago ng Klima. Kabang kalikasan ng Pilipinas Foundation, Inc. at WWF-Phil. 344 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYInternet http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff-inaugurati_1_n_803450.html, www.gov.ph/1986/02/25/inaugural-speech of president-corazon-c-aquino-on-feb-25-1986 http://www.destination360.com/caribbean/history http://pinoyweekly.org/new/2012/10/para-sa-kagalingan-at-karapatan-ng-mga-bata/comment-page-1/ htpp:tl.wikipedia.org/wiki/mitolohiyangnordiko http://bibleforchildren.org/PDFs/tagalog/Samson%20Gods%20Strong%20Man%20Tagalog.pdf https://www.google.com.ph/search?q=emoticon&tbm=isch&ei=zwy2U5izC4zsoATmxILgBQ#facrc=_&im gdii=_&imgrc=6oOshmlrH- http://www.wattpad.com/71491550-norse-mythology http://www.bundespraesident.de/SharedDocs/Reden/EN/JoachimGauck/Reden/2014/140131-Munich- Security-Conference.html http://www.scribd.com/doc/76742424/Sintahang-Julieta-at-Romeo-revised2 https://www.google.com.ph/search?q=romeo+and+juliet&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=yVezU87vB c3AoASos4CQCg&ved=0CAYQ_AUoAQ&biw=1024&bih=499#q=romeo+and+julietwilliam+shakespear e&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=wTz_JAvc6U_diM%253A%3BzgZVfo8uX0NKFM%3Bhttp%253 A%252F%252Fwww.mcgoodwin.net%252Fpages%252Fimages%252Fdickseeromeo.jpg%3Bhttp%253 A%252F%252Fwww.mcgoodwin.net%252Fpages%252Fotherbooks%252Fws_romeoandjuliet.html%3B 483%3B401 https://www.google.com.ph/search?q=3+kings&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=5xuyU_2DFMbuoAT B5IC4Aw&ved=0CAYQ_AUoAQ&biw=1024&bih=499#facrc=_&imgdii=_&imgrc=MW2HyXOy8Ng0zM% 253A%3BVaZtrQPIuoqASM%3Bhttp%253A%252F%252Fholidays.mrdonn.org%252F3kingsxmas.GIF %3Bhttp%253A http://tl.answer.com/Q/Ano ang mga anekdota ni Jose Rizal? www.youtube.comwatch?v= ljNgw10mcs.Tsinelas ni Rizal. http.//Iranian.com/main/bloglm.saadat-noury/first Iranian-mullah-who/was-master-anecdotes.html. http.//www.a-gallery.de/docs/mythology.htm. http.//www.a gallery.de/docs/mythology.htm. www.livescience.com/39149-french-culture.html https://www.google.com.ph/search?q=sample+stroyboard&esspv=2&biw=1366& bih = 667&1bm=isch & imgil En.Wikipedia.org/wiki/Epic of Gilgamesh http://cdn.yardhype.com/wp-content/uploads/2012/11/Puppet-Dancing-in-South-Africa-yardhype.jpg http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSFqFdJx3RiKgKAfswPStnpcupqbc2P1DoVCGeFwdxzmvCj T6SEx7oLkTU http://www.anc.org.za/show.php?id=3132 https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+kahirapan https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=4BgMVI_wEYn8iAKqYQ&gws_rd=ssl#q=patalastas http:// vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-liwanag-isang-suring.html 345 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY 10 Filipino Modyul para sa Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sKaapgaagwtuaturaronngngitoEadyukmaasgykoatnuwang na inihanda at sinuri ng mga edukadoRrempuulbaliskaa mnggaPpiluipbilinkaosat pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Filipino – Ikasampung BaitangModyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaringmagkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ngpamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulangbayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produktoo brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) naginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibayng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright LicensingSociety (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ngmateryales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda angkarapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS atyaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito saModyul para sa Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kungninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at samga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telephone blg. (02) 439-2204 o mag-email sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Konsultant: Magdalena O. Jocson Editor: Florentina S. Gorrospe, PhD Mga Manunulat: Vilma C. Ambat, Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariño, Mary Jane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T Salum, Joselyn C. Sayson, Mary Grace A. Tabora, at Roderic P. Urgelles Mga Tagasuri: Joselito C. Gutierrez, Angelita Kuizon, Girlie S. Macapagal, Marina G. Merida, Ma. Jesusa R. Unciano, at Evelyn Ramos Mga Tagapangasiwa: Jocelyn DR. Andaya, Elizabeth G. Catao, Cristina S. Chioco, at Evangeline C. Calinisan Mga Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. at Jason O. Villena Nag-layout: Camelka A. SandovalDEPED COPYInilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

MODYUL 3 Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran)Panimula................................................................................... 234Panimulang Pagtataya............................................................. 235Aralin 3.1 245 A. Panitikan: Liongo............................................................. 250 B. Gramatika at Retorika: Pagsasaling-wika.......................Aralin 3.2 A. Panitikan: Mullah Nassreddin.......................................... B. Gramatika at Retorika: Diskursong Pasalaysay..............DEPED COPY 256 259Aralin 3.3 266 270 A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa.................. B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe................................Aralin 3.4 279 284 A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay................ B. Gramatika at Retorika: Matatalinghagang Pananalita at Simbolismo...................................................................Aralin 3.5 291 296 A. Panitikan: Ang Alaga........................................................ B. Gramatika at Retorika: Mga Pahayag sa Pagsasaad ng Opinyon.........................................................................Aralin 3.6 303 314 A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali......... B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin.......................................................Aralin 3.7 323 A. Panitikan: Paglisan (Buod)............................................... 328 B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit 335 sa Pagpapaliwanag............................................................Glosaryo....................................................................................MODYUL 4 EL FILIBUSTERISMO All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Modyul 3 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA 233 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYI. PANIMULA Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia (Iran) na nalinang ng paggamit ng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran. Sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga akdang pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia, gaya ng mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South Africa, tula ng Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali, at nobela ng Nigeria. Matututuhan din ang mga kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita, mga salitang naglalahad ng opinyon, mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon, o damdamin, at pang-ugnay na nagpapaliwanag na magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa Modyul. Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan ng sa Africa at Persia sa iba pang akda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bansa. Inaasahang makalilikha ka ng komposisyong popular sa anyo ng patalastas pantelebisiyon. Mamarkahan ang iyong pagganap sa sumusunod na pamantayan a.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.) kawastuhan, at d.) kawilihan. Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel. Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga araling pag-aaralan. Simulan mo na! 234 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

II. PANIMULANG PAGTATAYAPiliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilongnasa wikang isasalin?a. panlapi c. pagpapakahuluganb. gramatika d. pagsasaling-wika2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.a. pangangatuwiran c. paglalahadb. paglalarawan d. pagsasalaysay3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas saDEPED COPYharap ng maraming tao.a. tula c. talumpatib. sanaysay d. balagtasan4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.a. nobela c. dulab. karilyo d. maikling kuwento5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.a. idyoma c. simbolismob. matatalinghagang pananalita d. tayutay6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagangpananalita.a. pandamdamin c. blangko bersob. malaya d. tradisyonal7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y nagingtuluyan.a. epiko c. sanaysayb. anekdota d. mitolohiya8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria. b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon. c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo. d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria. 235 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin?“Love excuses everything “Mapagpatawad ang pag-ibig,believe all things,hopes all pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,things,endures all things”. puno ng pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.”a. Basahin nang paulit-ulit.b. Ikumpara ang ginawang salin.c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.DEPED COPY“A negative mind will never give you a positive life”.a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”Para sa bilang 11 at 12 “Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal 11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito? a. Ito ay napapanahon. b. Mahusay ang sumulat. c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat. d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag. 12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito? a. katapatan sa bayan b. pagpapahalaga sa kapwa c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan 236 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Para sa bilang 13-16 Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugang ____________________. a. pagtanggi at paglaban sa batas b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahiDEPED COPY14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo. a. pagtanggi sa rasismo b. pagkalugmok ng sarili c. espiritwal at pisikal na kaisahan d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________. a. pagpapahirap sa mamamayan b. pagkakaroon ng malupit na pinuno c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwalsubalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang maysalungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.a. paghihinuha c. panghihikayatb. paglalarawan d. pangangatuwiran17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala? a. Tara, punta tayo roon. b. Hindi kita iiwan, pangako iyan. c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin. d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? Ang poo’y di marapat pagnakawan,Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.a. nais c. hangadb. mithi d. pangarap 237 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano angipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?a. itago c. kalimutanb. ilibing d. magpatawadPara sa bilang 20 at 21 Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat pagkilala mula sa mga katribo.Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. RiveraDEPED COPY20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay? a. mapaghiganti b. may iisang salita c. puno ng hinanakit d. may determinasyon sa buhay21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo? a. mahina ang kaniyang ama b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin? a. maayos ang pagkakasalin b. malaya at madaling maunawaan c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang- alang? a. muling isalin b. magdagdag at magbawas ng salita c. ihambing sa iba ang ginawang salin d. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. 238 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Para sa bilang 24-25 Alanganing Dalaw Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sahapag kainan nang may isang panauhing dumating. “Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag nasinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa salaupang di mainip.” Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings angkinaroroonan ng kaibigan. “Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alassiyete ang aming hapunan.” “Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mosa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.” Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen KauffmanDEPED COPY 24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin? a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom. b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin. c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin. d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian. 25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa? a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin. b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa. c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan. d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.Para sa bilang 26-29 Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?a. pagkalungkot c. paghihinanakitb. pagkabalisa d. panghihinayang27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili?a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak. 239 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata? a. malulungkutin subalit matatag b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos 29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng isang ina? a. katatagan ng buong pamilya. b. panghihina ng espiritwal na aspekto. c. pamumuhay ng masaganang materyal. d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya. 30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito, alin sa sumusunod na pahayag ang iyong gagamitin? a. Parang may kulang pang detalye b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. DEPED COPY 31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula.Anong matatalinghagang pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag? a. bukas-palad c. sawimpalad b. kapos-palad d. makapal ang palad 32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa talinghaga ng mga ito? Unang Tula Ikalawang Tula Samakatuwid, ako’y minahal. At kung ako’y iyong nahambing sa Samakatuwid, ako’y lumigaya. iba Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad nila dangal. nawalan ng buhay at isang patay Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na. Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Ang Matanda at ang Batang Tabora Paruparo Rafael Palma a. araw at gabi c. halakhak at luha b. diyamante at bato d. puti at itim 240 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Para sa bilang 33 “Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.” “Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.” “Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.” “At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng kagubatan.” “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.” “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.” “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.” “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.” Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora 33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang personalidad ng kasaysayan sa bansa sila maihahambing? a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu c. George W. Bush at Sadam Hussein d. Nelson Mandela at Oliver TamboDEPED COPYPara sa bilang 34 at 35iHnitnedrpi rneatgelranoan,simGa.yKmiaggaa,dkuimnaautisnagpnnai misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang G. Brown, lider ng mga misyonero ng mgataga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mgataga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katuladng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamangna panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismosa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyonang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya parasa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ngisang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.Smith. Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya? a. Palaganapin ang Kristiyanismo. b. May tatlong persona sa iisang Diyos. c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan. d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala. 241 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng Lupa? a. Nagkasakit si G. Brown. b. Sinunog ang tahanan ni Enoch. c. Sumanib ang isang masamang espiritu. d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.Para sa bilang 36-50 Sumulat ng mabisang diyalogo na gagamitin sa bubuuing patalastaspantelebisyon na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia.III. YUGTO NG PAGKATUTO TUKLASINDEPED COPYSagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa mga araling nasamodyul.GAWAIN 1: Pagkakakilanlan ng BayanSagutin ang mga tanong. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat.Ano-ano ang kultura ng Ano-ano ang kultura ng Africa? Iran?Ano ang naging ambag Ano ang naging ambag nito sa panitikan? nito sa panitikan? LINANGINNaririto ang mga araling aakay sa iyo upang lubos mong maunawaan at mapahalagahanang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia. 242 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 3.1A. Panitikan: Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. UrgellesB. Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-WikaC. Uri ng Teksto: NaglalahadPanimulaDEPED COPYAng Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ngEthiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Ugandasa Kanluran, at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indiansa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, siningsa inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, maymusika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalaminnatin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya nahigit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya. Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling itoang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang masasagotmo ang mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloobsa mitolohiya na may iba’t ibang batayan?; Paano magagamit nang angkop angmga pamantayan sa pagsasaling wika? Gayundin, inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdangpampanitikan mula sa bansang Africa at Persia batay sa sumusunod napamantayan: katapatan at kawastuhan.Yugto ng Pagkatuto TuklasinNgayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang malaman ang mga sagotsa mga pokus na tanong: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiyana may iba’t ibang bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayansa pagsasalarawan?GAWAIN 1: Magagawa NatinBasahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa.Suriin ito bilang pagpapahalaga atsagutin ang kasunod na mga tanong sa sagutang papel. 243 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmulaang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu nasinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakinang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd. Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siyang demonesa sa katauhan ni Jeh. Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mulasa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay aymay tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At ditonanggaling sina Mashya at Mashyana. Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sabuong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA DEPED COPY Mga Tanong Mga Sagot 1. Tungkol saan ang mitolohiya? 2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu at ang ginawa ni Ahura Ohrmuzd? 3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd kay Gayomard ang pinagmulan ng suliranin ng kuwento? Patunayan. 4. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?Gawain 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong.Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot . Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at angkalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan.Sila ay may kaniya-kaniyang (2.) Covered (palaruan, nasasakupan, palayan).Si Langit ay diyosa ng (3.) Galaxy­­ (kalawakan, lupain, kalangitan), at si (4.)Pond . (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan. SinaLangit at Tubigan ay (5.) Married (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at angnaging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki, at isa ang babae. Si Dagat ay (6.) Chic(makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay(7.) Cheerful (masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.SiBulan ay isang (8.) Weak (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na angkatawan ay ginto.Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso.Si Bitoon ang (9.) Only (tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawanat kulay (10.) Silver (pilak, ginto, tanso). 244 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

LinanginBasahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalaminba dito ang kanilang kultura. Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. UrgellesIsinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasabaybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay namakata sa kanilang lugar. Malakas at mataasdin siya tulad ng isang higante, na hindinasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunitkung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyangpusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo atang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalamnito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta,at Shangha sa Faza o isla ng Pate.DEPED COPY Nagtagumpay siya sa pananakop ng tronong Pate na unang napunta sa kanyang pinsangsi Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago aynaging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo saPatrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni HaringAhmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggong isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labasng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan saWatwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabutisa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ngpagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyangnakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi niLiongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyanganak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang p­­ amilya.Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sakaniya. - Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htmGAWAIN 3: Paglinang ng TalasalitaanSa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon ay tukuyin ang pinagmulan nito namay kaugnayan sa mitolohiya. Matrilinear ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Ozi ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ 245 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Patrilinear ______________________________________ Faza ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________Gala ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________DEPED COPYGAWAIN 4: Pag-unawa sa AkdaA. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang suliranin ng tauhan? 2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan. 3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag. 4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo? 5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?B. Ibigay ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda, kilos, at gawi ng tauhan. Gawin sa pamamagitan ng story board. Ilagay sa sagutang papel.1. 2.3. 4.5. 6.Upang higit pang maunawaan ang katangian ng mito, basahin mo ang isang mitolohiyana nagmula sa bansang Nigeria. 246 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Maaaring Lumipad ang Tao Naisalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi. May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa . Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. “Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa. Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang mabilis,” sabi niya pagdaka. Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil . “Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo. Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya. “Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.” “Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam mo kung paano ka makaaalis.” 247 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY “Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihanang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas angisang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad nahawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, angmisteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, naanimo’y balahibong umiilanlang sa hangin. Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalangsi Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mganagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyangtulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba.Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakitanila ito. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay samaiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay atnilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salitang lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan.Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata,nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantalasiyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyangnakalipad. Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sanakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay“kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silangnakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislapna tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil,sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig . “Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay. “Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.” Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyanglatigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrongsi Toby. Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyokilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasapalayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkanng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ngmalupit na latigo. “Buba… Yali... Buba... tambe…” May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat,matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalitahabang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala silaumaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakipsa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipadnang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mgaalipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan. Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak,hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubongalipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. 248 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw. Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataonna makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mosila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho. Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Itoay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ayhindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo. Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilangmga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila aymalaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan. At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipadhanggang ngayon. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USAGAWAIN 5: Suriin NatinIhanay ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang Story Ladder.DEPED COPYGAWAIN 6: Mahalaga ang Opinyon MoMagbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya. Itala sa tsart atlagyan ng tsek (a) ang kolum kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan atipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum. Kaisipan MK DMK Paliwanag1.2.3.4.5. 249 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagsasanib ng Gramatika at Retorika Alam mo ba na... ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003). Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin 1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin. 2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-sunod. 3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat. 4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. 5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa. Gabay sa Pagsasaling-wika Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita. 2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin. 3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap. 250 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagsasanay 1:A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.Tagapagbantay ___________________________Misteryo ___________________________Nagpagulong-gulong ___________________________Mahika ___________________________Kumikinang ___________________________B. Isalin sa Filipino ang kasunod na talata.There was a great outcryin. The bent backsstraighted up, old, and young who were calledslaves and could fly joined hands. Say likethey would ring-sing but they didn’t shuffle ina circleDEPED COPYC. Isalin sa Filipino ang sumusunod: 2. The Yoruba believe that there is a god, Ori, who supervise 1. The Kikuyos are large tribe. people’s choice in heaven. They speak a beautiful Bantu language and lived on the slopes Destiny (Yoruba) of Movement Kenya. Literatura ng Africa Kikuyo Literatura ng Africa3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa)Pagsasanay 2: Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit angkasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek (a) ang mapipiling eskala: 5 – Napakataas,4 – Mataas, 3 – Mataas-taas, 2 – Hindi mataas, at 1 – Paunlarin pa. The Overseer rode after her, Ang bantay ay nagrondahollerin,” Sarah flew over the habang humihiyaw, sumisigaw.fences. She flew over the woods, Samantalang si Sarah at angtall trees could not snag her. Nor kaniyang anak ay lumilipad sacould the Overseer. She flew like an bakuran, sa mga kahoy, sa mgaeagle. Now, until she was gone nagtataasang puno na hindi siyafrom sight. No one dared speak nakikita maging ng tagapagbantay.about it. Couldn’t belive it. But it Lumilipad siyang tulad ng isangwas, because they that was there agila hanggang sa unti-unti nasaw that it was. silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito. 251 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Katangian 12345Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikangkasangkot sa pagsasalin.Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansakaugnay sa pagsasalin.Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga ginamit na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya? Patunayan. 2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto na nakasalin sa Filipino? 3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin kaya ang pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran. 4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalagang pampanitikan?DEPED COPYPagnilayan at UnawainSagutin ang mga pokus na tanong na nasa loob ng kahon. 1. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan? 2. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?Ilipat Isa kang mahusay na tagapagsalin. Napili ka ng embahada ng Africa at Persia upang isalin ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino upang maipakilala ang kanilang bansa sa buong daigdig. Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika. A. Katapatan................. ................................................................. 50 puntos B. Kawastuan ................................................................................. 50 puntos Kabuuan ....................................................................................100 puntos Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang salinsa modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyongpaglalakbay sa mundo ng anekdota. 252 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 3.2A. Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. UrgellesB. Gramatika at Retorika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na AnekdotaC. Uri ng Teksto: NagsasalaysayDEPED COPYPanimula Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig. Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagmumungkahi at makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag- iiwan ng kakintalan o aral sa mga bumabasa. Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito. Gayundin kung paano nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga anekdota batay sa sumusunod na pamantayan: a.) Ang pamagat ay maikli, orihinal, at napapanahon, b.) mahalaga ang paksa o diwa, c.) maayos at di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at d.) kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas. 253 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYYugto ng Pagkatuto TuklasinGawain 1: Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sabinasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagpunan satalahanayan. Akasya o Kalabasa Consolation P. CondeHindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nangmalaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng taona pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwannang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad dinnga sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas napaaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod… Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihandakapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simonnaman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak napag-aaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatalana abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa maypintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.” “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama. “Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namangnagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sakanila?” “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noongnakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niyaay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makataposagad, maaari po ba?” 254 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalongpinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gustoninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong napunong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ayilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.” Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungonglalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo angkurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyangkinabukasan.” - Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970 Pangyayari Kaugnay na PagdedesiyonDEPED COPY GAWAIN 2: Ating Suriin 1. Ang akdang “Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangian ng akda? 2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito? 3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay. GAWAIN 3: Buuin mo Sumulat ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang anekdota. Maaaring tungkol sa sarili o isang kakilala. Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawain, basahin ang isang anekdota mula sa bansang Iran upang makilala ang kanilang mga paniniwala at prinsipyo. Tingnan natin kung nagtataglay ito ng mga elemento ng isang anekdota. Alam mo ba na... ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota. Naririto ang ilang katangian ng anekdota: a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad. b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari. Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota 255 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

LinanginKung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo attagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwentosa Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahansa bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sapagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ngkaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.Iyong alamain kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito. Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P. UrgellesSi Mullah Nassreddin na kilala bilang MullahNassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sapagkukuwento ng katatawanan sa kanilangbansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian nadating mga Persiano noong sila ay mga batapa. Libo-libong kuwento ng katatawanan angnaiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilanglipunan. Tinagurian din siyang alamat ng siningsa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ngkatatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salinsa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulatmula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upangmagbigay ng isang talumpati sa harap ng maramingtao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alamba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mganakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita samga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanunginang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si MullahNassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayanginang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sakaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddinupang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang akingsasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng“Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si MullahNassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sakalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan. - Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was- master-anecdotes.htmlDEPED COPYGAWAIN 4: Paglinang ng TalasalitaanA. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin. 256 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

______3. MNaunlignima inaanmgamn gsaiyannagkikininaingysaayakhaanniyasangsiHmobmahilyaan..______4. ______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao. GAWAIN 5: Ating SuriinA. Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ilarawan si Mullah. 2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit? 3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa? 4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao? 5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah? Patunayan ang sagot. 6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa? 7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong paksa ang nais mong isulat? Bakit? 8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?DEPED COPYB. Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota “Mullah Nassreddin.” Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba. Mullah Nassreddin Panimula: Tunggalian: Kasukdulan: Kakalasan: Wakas:Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawangkadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang lengguwahe o salitaupang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng mga mag-aaral naPersiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturingna mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi. Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi itong buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga saoras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwalsa pamamagitan ng kanilang mga pandama. 257 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYAng pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalagana kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa proseso, pag-unawa atpagsasanay. Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim nadumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng naisasalaysayang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyangkaalaman sa buong mundo. Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia ni Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa. Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag- iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! AngSultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ngkaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan angmagbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandanggawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyangnasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.” - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USAGAWAIN 6: Ating KilalaninKilalaning mabuti si Saadi, punan ang Character Web sa ibaba. SAADI 258 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

GAWAIN 7: Sagutin NatinIhambing ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan. Gayahin ang pormatsa sagutang papel at isulat ang sagot. Anekdota Talambuhay Tala ng Paglalakbay (Travelogue)PaksaTagpuanParaan ngpagkakasulatMensahe/AralNilalamanDEPED COPYGAWAIN 8: Ating PalawakinA. Magmungkahi at maglapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring nakapag-iwan ng kakintalan o aral.B. Isulat ang karanasang nangingibabaw sa nabasang anekdota.Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Alam mo ba na... ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa. 259 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYIlan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa 1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari. 3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat. 4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay. 5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay. 2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat. 3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa. 4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay. 5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari. MGA URI NG PAGSASALAYSAY 1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. 3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal. 4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari. 5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari 6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid. 7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas. 8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar. 260 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagsasanay 1: Isulat ang mga salaysay na ginamit sa nabasang kuwento. Mullah SaadiPagsasanay 2: Punan ang kasunod na Double Entry Journal ng sariling reaksiyontungkol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang anekdota.DEPED COPY Pagsusuri Ang Aking ReaksiyonKawilihan ng PaksaSapat na kagamitanKakayahang PansariliTiyak na panahon o pookPagkilala sa mambabasaPagsasanay 3: Suriin natin ang mga katangiang dapat taglayin ng anekdotangnatalakay. Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan. Lagyan ng tsek(a) kung tama batay sa iyong pagsusuri at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot.Katangian Oo Katamtaman Hindi PaliwanagMakatawag pansin ang mga katangiaanng tauhan.Payak at maikli ang pagpapahayag.Nakakalibang habang binabasa.Nakatulong ito upang lalong makilala siMullah/Saadi.Pagsasanay 4: Sumulat ng isang anekdota batay sa sariling karanasan o pangyayaringnasaksihan sa iba. Isaalangalang ang sumusunod na pamantayan: lohikal napagkakasunod-sunod ng pangyayari, malikhain at masining, maikli at madalingmakuha ang interes ng mambabasa. 261 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagnilayan at UnawainSagutin ang mga tanong. 1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay, noong nagsimula kang mag-aral. Isalaysay. 2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutuhan? Ipaliwanag. 3. Kung isasalaysay mo ito sa iba, ano ang gusto mong matutuhan ng iyong kapwa? 4. Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito? 5. Nakatutulong ba ang gramatikal, diskorsal, estratedyik sa pagsasalaysay ng mga orihinal na anekdota na buhat sa mga bansa ng daigdig?DEPED COPYIlipatNaanyayahan ka para magbigay ng talumpati sa isang pagtitipon sa inyong bayan.Sa iyong pagtatalumpati, isasalaysay mo ang mga nakatutuwang karanasanng iyong buhay, mga desisyong ginawa mo na nakatulong ng malaki sa iyongpagtatagumpay.Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan.a. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik, at napapanahon ... 25 puntosb. Mahalaga ang paksa o diwa .... 25 puntosc. Maayos at di-maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.. 25 puntosd. Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas ... 25 puntos Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan angmodyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyongpamamasyal. Ang bansang susunod mong papasyalan ay ang South Africa. Muli mongmasasalamin sa susunod na bansa ang kanilang kultura at tradisyon. Maligayangpaglalakbay at pag-aaral. 262 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 3.3A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa (Talumpati mula sa South Africa) Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. SalumB. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe C. Uri ng Teksto: NaglalahadDEPED COPY Panimula Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa araling ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng balangkas ng napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang mahahalagang impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa sumusunod na pamantayan: a.) nilalaman, b.) taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang impormasyon, at c.) makatotohanan. Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa at kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paglalahad nito. Yugto ng Pagkatuto TuklasinSa sumusunod na gawain, tutuklasin ang iyong kaalaman sa sanaysay. GAWAIN 1: Deskripsiyon sa SanaysayPiliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos ay bumuo ngmahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili. 263 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

kuro-kuro ideya isyuopinyon saloobin talumpati tugma tauhan banghay sukat balita pananaw SANAYSAYGAWAIN 2: Iayos MoPagsama-samahin ang mga impormasyon sa kahong dapat na magkakapangkatat iayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng wastongimpormasyon tungkol sa balangkas.DEPED COPY iskeleton ng susulatin kahalagahan kahulugan mapa ng impormasyon mapag-iisipang mabuti ang paksa mapipili mo ang mga ideya o konsepto mas magiging madaling ayusin ang mga ideya plano ng paksang isusulatGAWAIN 3: Alin ang totoo?Suriin ang mga pahayag:“Ayon sa pananaliksik, ang musika, panitikan, sining, at kultura ng Africa ay nakakuhang mataas na pagpapahalaga at paggalang sa lipunan. Sa tingin ko, ang lumangpaniniwala na ang Africa ay tulad sa isang bata, ang pag-unlad ang naging dahilanupang hindi ito mapansin noon.”Sagutin:Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit?Ngayong nalaman mo na ang iyong natatanging kaalaman sa panitikan at sa akdangtatalakayin, maaari mo nang basahin ang akda. Maligayang pagbasa! 264 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Alam mo ba na...ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipantungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysayay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa.Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Angbalangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawanng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon. Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uring panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ngSanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugangisang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Nariritoang pagkakaiba ng dalawa:DEPED COPYPormal Di-Pormal o PersonalNagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng o kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan,makaagham at lohikal na pagsasaayos pang-araw-araw, at personal. sa paksang tinatalakay.Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin Subhektibo sapagkat pumapanig sang may-akda. damdamin at paniniwala ng may-akda. LinanginBasahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noongMayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikanpartikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ngkanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw sa kalayaan,karapatan, at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng kanilang kultura. 265 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Nelson Mandela: Bayani ng Africa Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. SalumSa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan… Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asasa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahaging mundo. Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao nanamayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan. Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa aykailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwalang sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa,at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat. Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong nariritongayon. Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isasa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag napuno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa. Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdamannatin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ngpanahon. Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiranat sa pagbukadkad ng mga bulaklak. Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito aynagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikitanatin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwingmakikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao samundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiyaat pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakannang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng bataskamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sasarili nating lupain. Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sapagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpaypara sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad. Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharapsa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ngmga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya. 266 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk. Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag- aalangan pa ring makakita ng liwanag. Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na. Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na. Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na. Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa. Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan. Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay. 267 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayanpara sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo,para sa pagsilang ng bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat. Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa aydapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili. Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ngkawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagigingkatutubo sa mundo.DEPED COPY Maghari nawa ang kalayaan. Pagpalain ka ng Diyos, Africa! Salamat. - Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132 GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan - AnalohiyaIbigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa.Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang mabigyang-linawkung bakit ito ang iyong naging sagot. kagubatan karagatan katawan prutas silid-aklatan tinapay 1. bulaklak : hardin :: aklat : _____________ 2. berde : kapaligiran :: asul : ______________ 3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _______________ 4. puso : katawan :: ___________ : puno 5. ____________ : gutom :: tubig : uhawGAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawaSagutin ang mga gabay na tanong. 1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa? 2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa. 3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng mga pangyayaring nagpapatunay nito. 4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa talumpati ni Mandela? 5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o bansa? 6. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan, kalayaan, at katarungan? 268 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook