Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore MALIKHAING-PAGSUSULAT-PINALE-1

MALIKHAING-PAGSUSULAT-PINALE-1

Published by Lordalyn Joy Tolentino, 2021-05-02 14:05:59

Description: MALIKHAING-PAGSUSULAT-PINALE-1

Search

Read the Text Version

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat 1

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat animula Ang ay ang pagsasalin sa papel o sa anumang kasakapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang nasa kaniyang isipan (Sauco, et. al., 1998). Ang mga bagay na hindi kayang sabihin nang pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaring sumulat ng pansarili o personal, kasabay ng pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes ng sumusulat. Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao dahil nakapaloob dito ang aspetong kognitibo, sosyolohikal, linguistikal at iba pa (Villafuerte). Gaya rin sa sinabi ni Austera, ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang wika. Ayon naman kay Royo (2001), malaki ang maitutulong ng pagsusulat sa paghubog ng damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at pagdaramdam. Ipinaliwanang din ni Ginoong Alcomster Tumangan(1997) na ang pagsulat ay paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng sagisag o simbolo. Isang uri ito ng pakikipagtalastasan na ginagamitan ng mga tituk para makabuo ng diwa nang sa gayon ay maunawaan ng sinumang makakabasa nito. Ang pagsusulat ay tiyak na magagamit sa kahit anong larangan. Ito rin ay nangangailangan ng tiyaga, sinasabi ring ang pagbabasa at pagsusulat ay magkaugnay dahil kung wala kang binabasa ay wala ka ring maisusulat. Mas lumalawak ang bokabularyo natin sa pagbabasa na siyang nagagamit din sa pagsusulat. Ika nga’y ang 2

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat pagsusulat ay walang katapusan at paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha ng maayos na sulatin. Pangkalahatang Layunin Matapos ang modyul 1, dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Matukoy ang pagkakaiba-iba ng makathaing pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat. 2. Maisalaysay ang iba’t ibang ideya mula sa mga karanasan. 3. Matukoy ang iba’t ibang batikan o kilalang lokal at banyagang manunulat. 4. Magamit ang wika sa pagbuo ng imahen, diksyon, mga tayutay, at mga espisipikong karanasan. Paunang pagsusulit Panuto: Magtala ng mga salita o katahang maaring maiugnay sa salitang \"malikhaing pagsusulat\". Isulat ang mga salita sa isang graphic organizer. Ipaliwanag ang nabuong graphic organizer. 3

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ARALIN 1 Malikhaing Pagsulat vs. Teknikal, Akademik at iba pang anyo ng Pagsulat Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Nababatid ang kahulugan ng malikhaing pagsulat. 2. Natutukoy ang iba’t ibang anyo ng pagsulat. 3. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng malikhaing pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat. Tayo na’t talakayin! Ang pagsusulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo o ang proseso ng pagsasatitik ng wika. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan. Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Isa sa mga uri nito ay ang malikhaing pagsulat. Ang malikhaing pagsulat, na sa Ingles ay creative writing ay karaniwang propesyunal, pamamahayag, pang akademiya o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagpagsasalay sa, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. Naisasagawa ang malikhaing pagsulat sa pamamagitan ng imahinasyon upang makabuo ng diwa at paksa. Ang mahusay na halimbawa nito ay ang panitikan o literatura. 4

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing pagsusulat, bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang nilalaman ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maikling kuwento, at mga tula. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na mga genre katulad ng krimen o katatakutan. Maihahanay ang nobela, tula, awitin, maikling katha, maikling kwento, dula at sanaysay sa malikhaing pagsulat. Karaniwang ginagamit ang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o minsan ay ginagawa ring libangan. Iba pang anyo ng Pagsulat Teknikal na Pagsulat – Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manununulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya at agham. Gumagamit ng mga teknikal na salita na nagpapaliwanag para sa mga mambabasa. Ang teknikal na pagsulat ay ang klase ng pagsulat na nakatuon sa isang partikular na asignatura o ideya, na nangangailangan ng direksyon, panuto o isang eksplanasyon. Kung ang isang akda ay naglalaman ng teknikal na impormasyon, maaari natin itong ikonsidera na kabilang sa teknikal na pagsulat. Ito ay naiiba sa ibang klase ng pagsulat sa kadahilanang ito ay obdyektib, tumpak, malinaw, at walang halong damdamin. Ilang karaniwang halimbawa ng teknikal na pagsulat ay makikita natin sa mga manuals, ulat panlaboratoryo, handbooks at mga training modules. 5

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Ayon kina Mills at Walter (1981), ang depinisyon at deskripsyon ng teknikal na pagsulat ay mailalarawan sa apat na katangian: 1. Ito ay eksposisyon tungkol sa mga siyentipikong disiplina at ng mga teknikal na pag-aaral na kinasasangkutan ng siyensiya, 2. Ito ay may katangiang pormal at tiyak na element, 3. Mayroon itong atityud na mapanatili ang kanyang imparsyaliti at obdyektibiti. Halimbawa: Ulat panlaboratoryo Finance Kompyuter Computer Hardware Akademik na Pagsulat – ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at kallidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Ang akademikong pagsulat ay may kanya-kanyang panimulang istilo at nilalaman. Kailangan itong sumunod sa isang partikular na pagsasaayos. Ang isang anyo ng sulating ito ay may sinusunod na kumbensyon, layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat. Halimbawa: Kritikal na sanaysay Panunuring Pampanitikan Term paper o pamanahong papel Suring-basa Katangian ng Akademikong Pagsulat: • Kompleks. Kailangan na maglaan ng ng masusing pananaliksik at pagtuklas, kaylangan na mas malawak ang leksiyon at mga bokabularyo. 6

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat • Pormal. Kailangan pumili ng mga salita na naaayon sa salaysay, hindi dapat gumamit ng mga salitang pabalbal. • Tumpak. Kailangan na ang mga impormasyon na inilalahad ay walang labis at walang kulang. • Obhetibo. Mga pinagbabatayang katotohanan na kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay. • Eksplisit. Pagsasama sama ng mga impormasyon pagtukoy sa pagkakaugnay at paghihinuha. • Wasto. Dapat ang isang manunulat ay gagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. • Responsible. Kailangan na dapat ang isang manunulat ay maging responsible sa mga impormasyon na kanyang ilalahad, kailangan ito ay hango sa kanyang sariling opinyon at pagkakaunawa, upang hindi siya maparatangan ng isang playgyarista. • Malinaw ang layunin. Kailangan na maging mahusay at maganda ang paglalahad ng kaisipan upang maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa. • Malinaw na pananaw. Upang mas maunawan ng mga mambabasa ang nilalaman. • May pokus. Kailangan na wasto ang mga impormasyon, kung maari ay iwasan ang mga hindi naman kailangan, hindi mahalaga, at mga taliwas sa mga impormasyon. Mga halimbawa ng akademik na pagsulat: Kritikal na sanaysay Term paper o Pamanahong papel Panunuring pampanitikan Suring-basa 7

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Tesis Pagsasaling wika Project Feasibility Study Akademikong sanaysay Abstrak Konseptong papel Sipnopsis Antolohiya Aklat Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Ito ang uri ng sulatin na dapat magsaad ng katotohanan, katumpakan at obhektibo. Karaniwan itong gawain ng mamamahayag o journalist. Ito’y isang paraan ng pagsusulat na direkta ang ginagawang pagdedetalye. Ito rin ay estilo ng pagsulat kung saan ito ay naglalaman ng mga importante at detalyadong impormasyon tungkol sa mga iba't ibang pangyayari sa loob at labas ng isang bansa. Uri ng Jornalistik na Pagsulat Pansariling Tala – pagtatala ito ng mga pang araw-araw na karanasan. Ito’y talaan ng mga sariling gawain, repleksyon at mga naiisip o nadarama. Halimbawa: Talaarawan o Dyornal Gamit sa Pahayagan – layunin nito na makapaglathala sa pahayagan. Ang lathalain ay dapat na maging tiyak, may katotohanan at malinaw. Hindi ito hinahaluan ng isyung personal at emosyunal na damdamin ng manunulat. Mga halimbawa: News o Balita, editoryal, komentaryo, kulomn, dokumentaryo, lathalain at iba pang karaniwang makikita sa pahayagan o magazin. 8

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Reperensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. Ang sulating ito ay karaniwang bunga ng mga teknikal na pag-aaral, mahabang panahon ng pananaliksik at resulte ng mga eksperimentong ulat. Nilalagom ng manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes. Mga halimbawa ng reperesyal na pagsulat: Teksbuk Pamanahong papel Disertasyon o tesis Interbyu Bibliyograpiya Indeks Mga Katangian ng Pagsulat ng Reperensyal - Nagbibigay ng pangunahing ideya ang tesis - Nababatay sa katotohanan ang ebidensya - Walang kinikilingan sa paghahatid ng impormasyon - Ang konklusyong lohikal ay nalilikha mula sa mga inilatag na katotohanan Propesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon. Saklaw ng ganitong uri ng pagsulat ang alinmang nakasulat na komunikasyon na ipinalaganap o ipinaskil sa publiko Ito’y binubuo ng mga tekstong dinubuho upang tuluyan o hindi tuluyang makaapekto sa mga mambabasa na tumugon, mang-udyok, magturo, manghikayat, magbigay impormasyon, kaalaman at mga pananaw, magpatibay 9

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ng mga ibinabahaging hangarin at iba pa. Ito ay pagsasagawa ng mga sulatin na may relasyon sa isang propesyon o larangan. Maaaring ito ay pang-akademiko, militar, medisina, batas, relihiyon at iba pa. Ang pagsulat ng propesyunal ay gumagamit ng mga termino at istilong angkop sa pagsulat upang higit na maunawaan ng mga propesyunal na angkop para dito. Maaari itong maghatid ng ibat ibang impormasyon na maaaring maging basehan ng karagadang kaalaman, debate o pagtawag sa pansin para sa isang aksyon. Halimbawa: Police report Investigative report Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pamanahong Papel: 1. Alamin ang mga pangangailangang ibinigay ng propesor sa pagbuo ng pamanahong papel. Bahagi rito ang pipiliing paksa, pormat at istilo ng pananaliksik, deadline at iba pang kasunduan ( oras ng konsultasyon, bilang ng pahina atbp.) 2. Siguraduhing naaprubahan ng iyong propesor ang paksang napili. 3. Tupdin ang mga iminungkahing hakbang sa pagbuo ng pananaliksik papel. Ang pagmamadali o shortcut ay makakaapekto sa kalidad ng pananaliksik papel. 4. Laging kilalanin ang pinagkunan ng mga impormasyon. Ito ay maaaring awtor, aklat o nasa anyong multi media . Iwasan ang pladyerismo. 5. Itago ang lahat ng mga sangguniang ginamit. 6. Tiyakin na ang tentatibong bibliograpiya ay updated . Itala ang pinakahuling sanggunian na ginamit. Mainam na gumamit ng talahanayan. 7. Magkaroon nang maayos na sistema. 8. Alamin ang kahinaan at harapin ang kinatatakutan. 9. Magtakda ng iskedyul o timetable. 10

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat 10. Sumangguni sa propesor kung may paglilinaw at mga tanong. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat. Halimbawa : pagsulat ng tula nobela maikling katha INTERAKTIBONG GAWAIN INTERAKTIBONG GAWAIN Panuto: Bumuo ng anim na pangkat. Bawat pangkat magdudula-dulaan patungkol sa: ⚫ Unang pangkat- Reperensyal na Pagsusulat ⚫ Ikalawang pangkat- Akademikong Pagsusulat ⚫ Ikatlong pangkat- Jornalistik na Pagsusulat ⚫ Ika-apat na pangkat- Malikhaing Pagsusulat ⚫ Ikalimang pangkat- Propesyunal na Pagsusulat ⚫ Ika-anim na pangkat- Teknikal na Pagsusulat PAGSUSULIT Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga patlang. 11

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ________1. Ito ay nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagpagsasalay sa, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. ________2. Naisasagawa sa pamamagitan ng imahinasyon upang makabuo ng diwa at paksa. Ang mahusay na halimbawa nito ay ang panitikan o literatura. ________3. Ito ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo o ang proseso ng pagsasatitik ng wika. ________4. Uri ng pagsulat nanagpapaliwanag o nagbibigay ng impormasyon o pagsusuri at naglalayong magrekomenda o maiharap sa mga mambabasa ang iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. ________5. Isa ito sa mga uri ng jornalistik na pagsulat , to’y talaan ng mga sariling gawain, repleksyon at mga naiisip o nadarama. ________6. Ito ay pagsasagawa ng mga sulatin na may relasyon sa isang propesyon o larangan. ________7. Gumagamit ng mga teknikal na salita na nagpapaliwanag para sa mga mambabasa. ________8. Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat. _______9. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. ________10. Ang malikhaing pagsusulat ay tinatawag ding ____________ sa Ingles. 12

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ARALIN 2 Karanasang batay sa Pandama / Pagsulat batay sa Nakikita, Naaamoy, Naririnig, Nadarama at Nalalasahan Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Nakakahugot ng mga ideya mula sa mga karanasan 2. Natutukoy ang mga teknik pagsulat batay sa iba’t ibang pandama 3. Nagagamit ang mga karanasan sa pabuo ng isang sulatin Tayo na’t Talakayin! Makikita na may pagkakaugnay ang wika sa limang pandama (senses) at ang lahat na ito ay may pagkakaugnay sa kultura. Katulad na lamang sa paksa ng paggamit sa limang pandama – paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama at bigyan ang mga ito ng ibang kahulugan base sa ibig natin sabihin. May ilan ding mga kategorya kung saan madalas gamitin ang mga salitang ito sa ibang kahulugan. Ilan na rito ay ang paglalarawan sa isang relasyon o sa karanasan. Sa partikular na aspeto ng panlasa, itatangka ang paglista ng iba’t ibang mga salita at parirala mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas na tumutugon sa ganang relasyon o karanasan. Kasama na rin dito ang mga katumbas ng mga salita – matamis, maalat, maasim at iba pang lasa sa Tagalog – sa ilang mga pangunahing wika sa Pilipinas 13

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Sa pagsulat ng batay sa nakikita, naaamoy, naririnig, nadarama at nalalasahan pumapasok ang paglalarawan. Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay. Maaaring tungkol sa tao, hayo, bagay, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng makulay, mahuhugis at maanyo at ibang mapapandamang (naaamoy, nalalasahan, naririnig) pananalita. Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. napapagalaw at napaiikot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa. May tatlong paraan ng paglalarawan: • Batay sa Pandama. Nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig. • Batay sa Nararamdaman. Bugso ng damdamin. • Batay sa Obserbasyon. Batay sa obserbasyon ng mga pangyayari. Mga Uri ng Paglalarawan 1. Konkreto / Karaniwan / Obhetibong Paglalarawan – Nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng saloobin at ideya ng paglalarawan. Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama. Ibinibigay lamang nito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas ng pangkalahatan. Nagbibigay lamang ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal o kongkretong katangian nito. Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan. 14

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat a) ang pisikal na anyo b) antas ng pamumuhay c) pag uugali d) mga nakasanayan atbp. Halimbawa: Si Kapitan Tiyago. Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan na alinsunod sa mga humahanga sa kanya ay galing sa langit, galing sa dugo ng mga maralita; alinsunod naman sa kanyang mga kalaban, si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa mga kalaban, si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa sadya niyang gulang: aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang tatlumpu o tatlumpu’t limang taon. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal. Ang kanyang bungong bilog, maliit at nababalutan ng buhok na kasing itim ng kamagong, na mahaba sa dakong harap, at maikli-ikli sa dakong likuran, ay may lamang maraming bagay sa loob, ayon sa sabi-sabi; ang kanyang maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago, ang kanyang ilong ay maliit ngunit hindi busalsal, at kung ang kanyang bibig ay hindi nawala sa ayos, dahil sa pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sepal na nabunbun sa isang pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya’y isang magandang lalaki. Kahit malabis na ang kanyang pagkapalanganga’t pagkamananabako, ay napag-iingatan din na palaging nagiging maputi ang kanyang mga sariling ngipin at ang dalawang ipinahiram sa kanya ng dentista sa halagang labindalawang piso ang bawat isa. (El Filibusterismo ni Patricio Mariano) 2. Masining / Subhetibong Paglalarawan – Ito’y naglalaman ng damdamin at pananaw ng sumusulat. Ibinibigay nito ang isang buhay na larawan ayon sa kanyang nakikita at nadarama. Mapapandama – nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya ng patambis at tayutay. 15

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay. May layuning makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguni-guni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan. Halimbawa: Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. (Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes) 3. Teknikal na Paglalarawan – Pangunahing layunin ng siyensiya ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman mula sa mundo at kalawakan. Kaysa nakatuon ang manunulat ng teknikal na sulatin sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay at pangyayari, sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitan gumagamit ng mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan. Dapat tandaan na hindi pa rin sapat ang mga ilustrasyon ato iginuhit o larawan upang magbigay ng sapat na representasyon. Tumutulong lamang ang mga ito sa pagpapakita ng larawan. Halimbawa: • Larawan at mga parte ng Digestive System. • Paglalarawan ng mga gamit ng bawat parte ng isang motherboard. 16

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Ang Mahalagang Kasangkapan ng Masining na Paglalarawan 1. Pandama. Sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman ng limang pandama nang sa gayon ay higit na maunawaan at lalong kawilihan. Makukulay at mahuhugis o maanyo ang dapat kasangkapaning mga salita. 2. Paghahambing Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan. May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama. Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong larawan naipahayag ang inilalarawan. Ang layon ng nagsusulat ng ganitong ornaisasyon ng mga ideya ay ipakita ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng konsepto. 3. Angkop na Salita. Kailangang tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man, yaong magpapahiwatig ng bagay. Pinipili ang paggamit ng mga salita. Dito rin nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal. Ang pagpili ng gamit ng salita ay depende na rin sa naglalarawan kung alin ang inaakala niyang higit na mauunawaan at madarama ng kinauukulan. 4. Pagtatambis. Ito ay maaaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa tuntuning pambalarila, maaaring pinagtambal na dalawang salitang may kani-kaniyang tanging sariling kahulugan ngunit madaling 17

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat napapalitan ng nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan. Ang pagtatambis o pagsasawikain ay isang paraang pagpapaunlad ng buhay sa salita. 5. Pagtatayutay. Kung minsan ang makata ay may nais ipahayag nang hindi lantad sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahiwatig, maaring mga tanda o matatalinhagang pananalita, ay nasasabi niya nang mahusay ang nais niyang sabihin. Ito'y ay napapansin lamang kapag nag-aaral ng tula at retorika. Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay lagging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo, kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa. 1. Paglalarawan sa Tao - ... sapagkat si Susana'y mukhang anghel ng kagandahan sa kanya... (Talulot sa pagas na Lupa - Landicho) 2. Paglalarawan sa Damdamin - ...punung-puno ng nakatatakot na larawan ang kanyang ulo. (O Pangsintang labis - Tumangan) 3. Paglalarawan sa Bagay - ... ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon... (Makina - Marisa) 18

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat 4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar - sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki. Tisang balot ng lumot sa bubong ay tila nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway. (Kasalan sa Malakaing bayan - Pineda) MGA KAHINGIAN SA EPEKTIBONG PAGLALARAWAN i. Pagbuo ng isang pangunahing larawan - ito ay daan upang makapukaw ng interes ng tagapakinig o mambabasa Sariling pananaw o perspektib- bago simulan ang paglalarawan, mahalagang maging malinaw sa isipan ng tagapahayag kng ano ang kanyang layunin ii. Pagpili ng sangkap- ito ay nagsisilbing batayn ng tagapakinig o mambabasa upang mapag-iba ang bagay na inilalarawan Kaisahan - ang mga salita ay nararapat na naaayon sa kabuuan ng inilalarawan Salik at Elemento ng Paglalarawan Ang paggamit ng wika pagiging organisado ng paglalarawan mga ginagamit na detalye pananaw o punto de vista ang naiiwang impresyon o kakintalan. Mga katangian ng Isang Mahusay na Paglalarawan ➢ May tiyak at kawili-wiling paksa. ➢ Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita. ➢ Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita. ➢ Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan. 19

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Iba't Ibang pananaw na magagamit: a. Distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito, kung nasa loob o labas ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o ng karanasan ng ibang tao. Ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa. b. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan. May tiyak na layunin sa paglalarawan. INTERAKTIBONG GAWAIN Panuto: Sa isang papel, sagutin ang sumusunod na tanong, pagkatapos ay ilahad ito sa klase. Sa tingin mo, bakit inihahalintulad sa isang pintor ang isang sumusulat ng talatang naglalarawan o tekstong deskriptibo? ________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ 20

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat PAGSUSULIT Panuto: Isulat sa patlang ang salitang MALIKHAING kung tama ang isinasaad ng pahayag at isulat naman ang salitang PAGSULAT kung mali ang payahag. ________1. Walang pagkakaugnay ang wika sa limang pandama (senses) at ang lahat na ito ay may pagkakaugnay sa kultura. ________2. Ang masinibg na paglalarawan ay naglalaman ng damdamin at pananaw ng sumusulat. ________3. Sa konkretong paglalarawan, ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama. ________4. Ang pagsusulat ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. ________5. Ang paglalarawan ay napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan sa ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa. ________6. Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng konteksto. ________7. Ang pandama ay hindi kabilang sa mga mahahalagang kasangkapan ng masining na paglalarawan. ________8. Sa pagtatayutay, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahiwatig, maaring mga tanda o matatalinhagang pananalita, ay nasasabi niya nang mahusay ang nais niyang sabihin. 21

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ________9. Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan. ________10. Kailangang tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man, yaong magpapahiwatig ng bagay. 22

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ARALIN 3 Lengguwahe / Wika ( Paggamit / Pagbuo ng Imahen, Mga Tayutay at Diksyon ) Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: ~ Nagagamit ang wika upang mag-udyok ng mga emosyunal at intelektwal na tugon mula sa mambabasa ~ Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng wika sa pagbuo ng isang anyo ng pagsulat ~ Nagagamit at nakakabuo ng mga imahen, tayutay at diksyon upang makalikha ng isang anyo ng pagsulat. Tayo Na’t Talakayin! Ang wika ay instrumento ng komunikasyon, at sa pamamagitan nito naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa ibang tao. Ang lengguwahe o wika ay maaaring gamitin sa paraang pasalita o pasulat. Ang mga pagkakaiba ng wikang ginagamit sa paraang pasalita at pasulat ayon sa salik sikolohikal, linggwistik at kognitib. Sa pamamagitan ng pagsusulat nakakagamit at nakakabuo ang isang manunulat ng imahen, mga tayutay at diksyon na nagiging kasangkapan sa pagpapatingkad ng isang anyo ng pagsulat 23

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat A. Paggamit / Pagbuo ng Imahen Ang imahen o metapora ay ginagamit upang sabihin ang isa pang gusting sabihin. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga salita, katangian at kaugnay na konotasyon o denotasyon sa sentral na imahen, nagagawa ng isang makata o manunulat na magpahayag ng isa pang diwa. Isang tuwirang paghahambing ang imahen o metapora na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinapahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay sa bagay na ihahambing. Pagkakaiba ng Imahen o Metapora sa Pagtutulad Ang imahen o metapora (metaphor) ay naiiba lamang sa pagtutulad (simili) sa di paggamit ng mga salita o pariralang pagtutulad. Pagtutulad Imahen o Metapora Para kang baboy Baboy ka! You are like a pig You’re a pig! Sa paggamit at pagbuo ng imahen o metapora, bilang isang manunulat pinapayagan ka ng mga metapora nag awing kumplikado ang mga bagay hangga’t maaari. Pinapayagan ka ng mga metapora namagdagdag ng pambihirang halaga mula sa mga pinaka-karaniwang bagay. B. Mga Tayutay Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Ito’y isang paraan ng pagpapaganda sa sining ng pagsulat at paggamit ng mga anyo ng pananalita. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwan 24

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinhaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. 1. Simili o Pagtutulad – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, at iba pa. Halimbawa: - Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. - Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan. - Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad - Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel. 2. Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Halimbawa: - Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. - Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. - Si Jon ay lumalakad na babae. - Malakas na lalaki si Ken. - Siya ay langit na di kayang abutin nino man. 3. Personipikasyon o Pagtatao – ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao; talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos. Halimbawa: - Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. - Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. - Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. 25

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat - Tumatawa ng malakas ang mga puno. - Hinalikan ako ng malamig na hangin. 4. Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: - Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan. - Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo. - Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sa iyo. - Abot langit ang pagmamahal niya sa akin. - Bumabaha ng dugo sa lansangan. 5. Pag-uulit o Aliterasyon – ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Halimbawa: - Ulan, ulan kami y lubayan na. - Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. - Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian. - Galit, layuan mo ako magpakailanman. - O tukso! Layuan mo ako! - Oh birhen kaibig-ibig ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip, ng sa layon di malihis. 6. Pag-uulit o Aliterasyon – ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Halimbawa: - Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya sa kanyang pamilya. - Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marudob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan. - Masipag maglaba ang mga magulang ko. 26

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat - Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig. - Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaing mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang payat na katawan. 6. Anapora – pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. Halimbawa: - Ang bagay ay gawa ng lahat, para sa lahat at galing sa lahat - Mas makapangyarihan ang pamahalaan, kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan. 7. Panghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. Halimbawa: - Ang alimuyak na bulaklak, mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan. - Ang himig nitong ibon, agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sa kagubatan. - Maririnig ko ang tiktok ng orasan. - Maingay ang aw-aw ng aso kong si Iggy. - Himutok na umaalingawngaw. - Dumagundong ang malakas na kulog na sinun dan ng pagguhit ng matatalim na kidlat. 8. Pag-uyam o Ironiya – isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. Halimbawa: - Napakalinis sa ilog na iyon walang isdang nabubuhay. - Napakataas mo naman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa mesa. - Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong 27

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat kwarto. - Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tigyawat ng mukha mo. - Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng tigyawat. 9. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw – isang bagay, konseptong kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: - Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (kamay- pangarap) - Hanggang mawasak mo ang aking puso. (puso- damdamin) - Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila. - Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga. - Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa inang bayan. 10. Pagpapalit- tawag o Metonymy – ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkaka-ugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Halimbawa: - Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (kamay- pangarap) - Hanggang mawasak mo ang aking puso. (puso- damdamin) - Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila. - Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga. - Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa inang bayan. 11. Pasukdol – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. Halimbawa: - Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay. - Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo. - Igalang dapat ang mga maputing buhok. - Mas magiting ang panulat kaysa espada. 28

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat 12. Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. Halimbawa: - Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran, na nagsisimbolong paparating na ang bagyo. - Biglang naliliwanagan, nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy. 13. Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. Halimbawa: - Siya ay hindi isang kriminal. - Hindi niya magawang masinungaling sa panahon ng kagipitan.\\ - Hindi niyo ako maloloko! - Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyanng kaibigan. - Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan. 14. Paglilipat-wika o Transferred Epither – Ito ay gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang bagay. Halimbawa: - Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon. - Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia. - Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay sa atin ng kalayaan. 29

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat - Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga sugatan. 15. Tanong Retorikal o Rhetorical Question – Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng sagot. Halimbawa: - Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin? - Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga problema natin? - Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng ipinababawal na gamot? - Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating bayan? 16. Pagdaramdam o Exclamatory – Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin. Halimbawa: - Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig per ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot. - Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at punong- puno ng buhay, ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at ni bakas ng dati mong kasiglahan ay wala na akong makita. 17. Tambisan o Antithesis – Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita. Halimbawa: - Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay. Marami ang tinawag pero kaunti ang napili. 30

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat - Siya ay isang taong sala sa init, sala sa lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng magulo, nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa mangmang, isang nakalilitong nilalang. 18. Salantunay o Paradox – Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig. Halimbawa: - Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay. - Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan. - “Kapagka ang tao sapul na ay tamad.” - “Madaling tahakin landas ng pag-unlad.” 19. Pangitain o Vision imagery – Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita. Halimbawa: - Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat. - Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon. - “Aking natatanaw si Laurang sinta ko.” 20. Paghahalintulad o Analogy – Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas. Halimbawa: - Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang bubuyog. - Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na sumisikat sa umaga. - “Ang tingin ng paruparo sa bulaklak.” - “Damdamin ng binata sa dalaga ang katulad.” 31

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat C. Diksyon Ang diksyon o pagbigkas ay isang salita na kaugnay sa pagbasa, pagwiwika at pagsasalita. Ito rin ay nagsasaad ng masining na pamamaraan, kapag sinabing masining na pagbigkas ang ibig sabihin nito ay ang maayos, maganda, at tamang pagbigkas ng tula, talumpati at mga tauhang gumaganap sa dula, ayon sa mga alintuntunin ng ganitong gawain. Mga Salik ng Masining na Diksyon o Pagbigkas 1. Lakas ng Pagbigkas Kung bumibigkas, may mga pagkakataong mangangailangan ng malakas at mahinang bigkas batay sa hinihingi ng kalagayan, sitwasyon o ibigay ng bumibigkas. 2. Bilis ng Pagbigkas Ang bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdaming nais ihatid ng bumibigkas. Halimbawa, kung nais mo ay humingi ng tulong anong paraan ng pagbigkas ba ang dapat gamitin? Mabilis ba o mabagal? 3. Linaw ng Pagbigkas Iwasan ang “pagkain” ng mga salita. Magagawa ito kung sa pagbigkas ay bubuin ang mga patinig sa bawat pantig ng salitang binibigkas. 4. Hinto Ang pahinto sa iba’t ibang bahagi ng mga pahayag ng isang bumibigkas ay nakapagpapadagdag sa kalinawan ng kanyang sinabi. 5. Kilos at Kumpas Ang pagbigkas na tinutulungan ng kilos at kumpas ay higit na nagiging kawili-wili sapagkat buhay na buhay ang nagsasalita at ito ay ginagamit upang mapalutang ang mensaheng gustong ihatid sa mga nakikinig. 32

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat INTERAKTIBONG GAWAIN Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong: Ilagay ang iyong sagot sa ibaba at Ilahad ito sa klase. • Anu-anong mahahalagang kabatiran / kasanayan ang natutunan mo sa araling ito? • Paano ka magagabayan ng iyong natutunan pagdating sa larangan ng pagsulat? 33

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat PAGSUSULIT PAGPILI. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang. ________1. Ito ay instrumento ng komunikasyon, at sa pamamagitan nito naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa ibang tao. A, Salita B. Wika C. Pangungusap ________2. Ito ay ginagamit upang sabihin ang isa pang gusting sabihin. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga salita, katangian at kaugnay na konotasyon o denotasyon sa sentral na imahen, nagagawa ng isang makata o manunulat na magpahayag ng isa pang diwa. A. Tayutay B. Diksyon C. Imahen ________3. Isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Ito’y isang paraan ng pagpapaganda sa sining ng pagsulat at paggamit ng mga anyo ng pananalita. A. Tayutay B. Diksyon C. Imahen ________4. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. A. Simili o Pagtutulad B. Metapora C. Personipikasyon ________5. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing- , sim-, magkasing-, at iba pa. A. Simili o Pagtutulad B. Mepora C. Personipikasyon ________6. Gumagamit ito ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di- pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. A. Pagtatanggi o Litotes B. Pasukdol C. Pag-uyam o Ironiya ________7. Ito ay nagpapahiwatig ng nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. A. Pagtatanggi o Litotes B. Pasukdol C. Pag-uyam o Ironiya 34

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat ________8. Ito ay pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. A. Pagtatanggi o Litotes B. Pasukdol C. Pag-uyam o Ironiya ________9. Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. A. Anapora B. Onomatopeya C. Personipikasyon ________10. Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao; talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos. A. Anapora B. Onomatopeya C. Personipikayon 35

Modyul 1 Malikhing Pagsulat ARALIN 4 Mga Halimbawang Teksto ng mga Batikan / Kilalang Lokal at Banyagang Manunulat Tiyak na Layunin Pagtapos ng aralin na ito dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang mga batikan o kilalang local at mga banyagang manunulat 2. Nakapagbabasa bilang isang epektibong manunulat na may sapat na kamalayan sa sining ng pagbuo ng isang anyo ng sulatin Tayo Na’t Talakayin! Mga Batikang Manunulat at ang Pamagat ng Kanilang Akda SEVERINO REYES Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag- asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero. Kilala siya bilang “Ama ng Sarsuelang Tagalog”. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang pinamagatang “Walang Sugat” na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga 36

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro.ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan. Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa. Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. PASCUAL POBLETE Si Pascual Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang gisingin ang dmdaming makabayan ng mga Pilipino. Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal. Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong panahon ng mga Amerikano. Si Poblete rin ang sumulat ng dulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na naging dahilan din ng kanyang pagkakakulong. Kinalaunan, ang itinuring na Ama ng Pahayagan ay binawian ng buhay sa taong 1921 sa gulang na 63. 37

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat JOSE RIZAL Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay sinilang sa Calamba, Laguna noong Hulyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Fracisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Ang pagbasa nito at ng itong kasunod, ang El Filibusterismo, ay kailangan para sa mga mag-aaral sa sekondarya. Ang nobelang El filibusterismo (literal na \"Ang Pilibusterismo\") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap 38

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. MARCELO H. DEL PILAR Isinilang si Del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang lumabas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Duda, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tocsohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dagat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberinia Monacal en Filipina, at La Frailocracia Filipina. LOPE K. SANTOS Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C. Santos sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, 39

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg. Ilan sa mga akdang sinulat ni Lope K. Santos ay Banaag at Sikat, Paggiggera, Kundangan, Puso’t Diwa, Mga Hamak na Dakila, Sino Ka? Ako’y Si…60 Sagot na mga Tula, Makabagong Balarila Mga Puna at Payo sa Sariling Wika at iba pa. DEOGRACIAS ROSARIO Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kwento. Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako’y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26, 1936. 40

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat FERNANDO GUERRERO Si Fernando Maria Guerrero ay isa sa pinakamagiting na mga Pilipinong makata, tagapamahayag, politico, abogado, poliglota at guro sa ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas. Minsan siyang naging editor ng El Renacimiento, La Vanguardia at La Opinion. Naging tagapagbalita rin siya para sa samahang Real Espanola de Madrid. Ang kanyang mga aklat ng mga tula sa wikang Kastila, na pinamagatang Crisalidas, ay nailathala noong 1914 na ibinibilang ng Enciclopedia Filipinas sa isa sa sampung pinakamahusay na aklat na nasusulat hinggil sa Pilipinas. Ang iba niyang mga tula na isinulat matapos ang 1914 ay lumabas sa isang kompilasyong pinamagatang Aves y Flores (Mga Ibon at Mga Bulaklak). CLARO M. RECTO Si Claro Mayo Recto Jr. (Klá·ro Má·yo Rék·to) ay isang makabansang estadista, manunulat sa Español at Ingles, at itinuturing na “Ama ng Konstitusyong1935.” Siyá rin ang hulíng mahistrado ng Korte Suprema na hinirang ng presidente ng Estados Unidos. Isinilang siyá noong 8 Pebrero 1890 sa Tiaong, Tayabas (ngayon ay lalawigan ng Quezon) kina Claro Recto at Micaela Mayo, kapuwa mula sa maykáyang pamilya. Batà pa siyá nang lumíkas patungong Lipa, Batangas ang kaniyang pamilya. Nagtapos siyá ng batsilyer sa sining sa Ateneo de Manila noong 1909 at ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1913. 41

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat Pumasok siyá sa politika noong 1919 nang mahalal na kinatawan ng Batangas sa Lehislatura ng Filipinas. Dalawang beses pa siyáng muling nahalal at naging lider ng minorya sa Mababang Kapulungan noong 1922 at1925. Naging senador siyá noong 1931 at nahalal na delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1934. Naging pangulo siyá ng kumbensiyong ito hanggang matapos ang Konstitusyong 1935. Noong 1935, hinirang siyang katulong na mahistrado ng Korte Suprema ng Filipinas pero nagretiro pagkaraan ng dalawang taon. Dalawang beses muli siyáng naging senador, noong 1949 at 1953, at noon siyá nagsimulang tumanyag bilang masigasig at makabansang oposisyonista na tumuligsa sa patakarang panlabas ng Filipinas. Noong1957 din siyá kumandidato bilang pangulo ng bansa ngunit hindi nagwagi. MANUEL BERNABE Isang premyadong makata sa wikang Español si Manuel H. Bernabe (Man·wél Bér·na·bé). Ulit-ulit din siyáng kinilála sa kahusayan niya sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan. Naging guro siyá sa wikang Español, peryodista, at naglingkod sa Kamara de Representante (Mababàng Kapulungan ng Kongreso) noong 1931. Ipinanganak si Bernabe noong 17 Pebrero 1890 sa Paranaque, Rizal. Sina Timoteo Bernabe at Emilia Hernandez ang kaniyang magulang. Nag-aral siyá sa Ateneo de Manila, at isa sa mga gawain niya dito ang pagsasalin sa Aeneid ni Virgil. Matapos sa At- eneo, kumuha siyá ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkagradweyt, pumasok si Bernabe sa pahayagang La Democracia, at pagkatapos ay sa La Vanguardia bago siyá naging kontribyutor ng Excelsior. Nagturo siyá ng Español sa iba’t ibang 42

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat pamantasan, kasáma na rito ang Unibersidad ng Pilipinas, Far Eastern University, at Unibersidad ng Santo Tomas. Pinarangalan siyá sa UST bilang pinakamahusay na makata sa Español noong 1950. Ngunit, noon pang 1913, napanalunan na niya ang tatlong parangal mula sa tatlong magkakaibang organisasyon dahil sa mga akda niyang Himno al Sagrado Corazon de Jesus, El Zapote, at España en Filipinas. Noong 1924, napanalunan niya ang parangal na Premio Zobel nang isalin niya ang akdang La Pugna. Nagwaging muli ni Bernabe sa nasabing timpalak noong 1926 dahil sa salin niya ng Rubaiyat. Pinarangalan siyáng “Hari ng Balagtasan sa wikang Español” noong 1927 at nakalaban si Jesus Balmori. Tinipon niya ang mga sariling tula sa Cantos del Tropico (1929). Nakamit ni Bernabe ang dalawang karanga- lan mula sa España. Nang maitalagang pinunò ng Pambansang Aklatan noong dekada 50, isinalin ni Bernabe ang mga sinulat ni Marcelo H. Del Pilar sa wikang Tagalog. Namatay si Bernabe noong 29 Nobyembre 1960. Obra-Maestra: Cantos del Tropico (Mga Awit ng Tropiko) Recorder! Ay del alma que recuerdo! la quiebra que ha sufrido la ilusion la memoria es la fiera que nos muerde el pobre corazon … Gumunita! Kaawa-awang kaluluwang may guminita! Ang pagkadurog na dinanas ng tagimpan Ang gunita ay halimaw na sumila sa kaawa-awang puso. 43

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat FERNANDO GUERRERO Si Fernando Maria Guerrero ay isa sa pinakamagiting na mga Pilipinong makata, tagapamahayag, politico, abogado, poliglota at guro sa ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas. Minsan siyang naging editor ng El Renacimiento, La Vanguardia at La Opinion. Naging tagapagbalita rin siya para sa samahang Real Espanola de Madrid. Ang kanyang mga aklat ng mga tula sa wikang Kastila, na pinamagatang Crisalidas, ay nailathala noong 1914 na ibinibilang ng Enciclopedia Filipinas sa isa sa sampung pinakamahusay na aklat na nasusulat hinggil sa Pilipinas. Ang iba niyang mga tula na isinulat matapos ang 1914 ay lumabas sa isang kompilasyong pinamagatang Aves y Flores (Mga Ibon at Mga Bulaklak). Panawagan kay Rizal Tinatawagan kita–bakit hindi? –kailangan kong sa mabangis na sakit na dumudurog sa aking laman Ang makausap ka, ikaw na nag-iwang nakatitik ng ebanghelyo ng kalayaan ng iyong lahi. Ang bayan natin, ang iyo! ay! nagdurusa pa Ang sugat ng lipunang iyong kinalaban ay nagbalik, nangyayamot, lumalaking gaya ng sa kahapong madilim at malungkot 44

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat INTER-AKTIBONG GAWAIN Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi. Gumawa ng isang “SIMBOLISMO” patungkol sa aralin na ating tinalakay. Ilahad sa at ipaliwanag sa klase ako ang ginawang simbolismo. PAGSUSULIT PAGSUSULIT Pagtukoy. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong manunulat ng mga sumusunod na akda. __________1. Ako’y Mayroong Isang Ibon a. Severino Reyes b. Jose Rizal c. Deogracias Rosario __________2. Banaag at Sikat a. Lope K. Santos b. Deogracias Rosario c. Fernando Guerrero __________3. Crisalidas a. Marcelo H. Del Pilarb. Fernando Guerrero c. Lope K. Santos __________4. El Filibusterismo a. Jose Rizal b. Lope K. Santos c. Severino Reyes __________5. Walang Sugat a. Severino Reyes b. Pascual Poblete c. Lope K. Santos __________6. Dasalan at Tocsohan a. Marcelo H. Del Pilarb. Fernando Guerrero c. Lope K. Santos __________7. Manika ni Tadeo a. Jose Rizal b. Deogracias Rosario c. Fernando Guerrero __________9. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 45

Modyul 1 Malikhaing Pagsulat a. Jose Rizal b. Lope K. Santos c. Pascual Poblete c. Fernando Guerrero __________10. Mga Ibon at Mga Bulaklak a. Marcelo H. Del Pilarb. Severino Reyes 11-20. Magbigay ng limang manunulat na hindi nabanggit sa unang pagsusulit. At magtala ng isang akda nito. PANAPOS NA PAGSUSULIT SANAYSAY. Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng anim hanggang sampung pangungusap. (15 puntos) 1-15. Ipaliwanag kung gaano kahalaga ang pagsulat at maging ang mga karanasan na iyong nararanasan upang maging parte sa larangan ng pagsulat. 46

Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 47

Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Panimula Tatalakayin sa Modyul na ito, ang mga elemento / sangkap ng tula. Gayundin ang teknik sa pagbasa at pagsulat ng isang tula. Ayon sa ilang makata ang tula ay: Kay Alejandro G. Abadilla, “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.” Kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan – ang tatlong bagay na magkakatipun- tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.” Kay Inigo Ed. Regalado, “ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.” Pangkalahatang Layunin Pagtapos ng modul 2, dapat na magawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipakilala ang mga mahahalagang elementong bumubuo sa isang tula 2. Maunawaan ang mga paraan sa pagsulat ng tula 3. Malinang ang kakayahang basahin at unawain ang mga tula bilang teksto 4. Mapaunlad ang mga batayang kaalaman sa tulang tradisyunal at tula sa malayang taludturan 48

Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula Paunang Pagsusulit Panuto: Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot. 1.tulang hapones na binubuo lamang ng tatlong taludtod. 5-7-5 ang bilang ng pantig, walang titulo, opsyunal at bihira lamang ang tugma. a.Tanaga b. Haiku c. Tono d. diwa 2. matipid sa daloy ng paggamit ng salita, natural at maluwag ang daloy ng mga “pangungusap”. Madrama ang ritmo ng parirala. a. Genre-Fixing Text b.Genre- Arranging Text c. Genre- Crossing Text d. wala sa nabanggit 3. mayroong apat na taludtod na may tigwawalong pantig at may kabuuang 32 pantig. Ginagamit ito sa awiting-bayan, ilang pasyon, awiting kaugnay sa pananampalataya at pagluluksa. a. Diyona b. Dalit c. Soneto d. Ambahan 49

Modyul 2 Pagbasa at Pagsulat ng Tula 4. anyo ng tulang Italyano na nagging popular sa Inglatera at Amerika. Binubuo ng tatlong quatrain (apat na taludtod bawat saknong) at may isang kopla o couplet (dalawang taludtod) kaya’t sa kabuuan mayroong labing-apat na taludtod a. Diyona b. Dalit c. Soneto d. Ambahan 5. may pipituhing sukat sa hindi limitadong bilang ng taludtod. Maaaring gamitin sa salaysay na patula, ito’y binibigkas nang paawit na walang melodiya o akampaniya. Halimbawa: Katoto kong matalik Saan ka ba nanggaling Sa baybayin bang gilid Nasunson ba ang batis Kung sa bukal ng bukid Halina at magniig Sa kwentuhan mong ibig Di-kilala ma’t batid Makapiling ka’y lirip. a. Diyona b. Dalit c. soneto d. Ambahan 6. binubuo ng tatlong taludtod na may tigpipitong pantig at may kabuuang dalawampu’t isang pantig. Ang tulang ito ay manorima o may isahang tugmaan [ a-a-a ]. Halimbawa: Makalapnos ang araw Bigla’y buhos ng ulan “Kasal ba ng bakulaw?” • TANAGA – may apat na taludtod at bawat isa’y may tigpipitong pantig. Mayroong kabuuan ng 28 pantig. Manorima ang mga unang tanaga, ngunit sa kasalukuyan mayroon nang tugmaang a-b- a-b, a-b-a-a at a-b-b-a a. Diyona 50


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook