Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao

Edukasyon Sa Pagpapakatao

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:48:34

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

EDUKASYON SAPAGPAPAKATAO I

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit I Modyul Blg. 1 Tinedyer na Ako !I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Ilang taon ka na ba? Naramdaman mo ba na marami nang nagbago sa iyo? Huwag kang mag-alala, normal lamang ang mga ito dahil ikaw ay patungo na sa bagong yugto ng buhay mo... ang pagiging tinedyer. Tuklasin mo ang iyong mundong ginagalawan ngayon. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nailalarawan ang mga katangian ng kabataan B. Natatanggap ang mga pagbabago sa sarili bilang kabataan C. Naitatalaga ang sarili sa pagtanggap at pagharap sa mga hamon at pagbabago ng pagiging kabataan Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.1/11

II. Handa Ka na Ba? A. Isulat ang titik K kung katotohanan ang pahayag at titik O kung opinyon. 1. Ang pagbabagong pisikal ay nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng isang kabataan. 2. Maraming nagaganap na pagbabago sa panahon ng kabataan. 3. Hindi ako dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa aking pagkatao (hal.: pisikal, mental, sosyal) dahil natural lamang ang mga ito. 4. Kahit na sa panahon ng ating pagkabata dapat na nating paunlarin ang ating buhay ispiritwal. 5. Ang pagiging tinedyer ay nagsisimula sa gulang labintatlo hanggang labingsiyam. 6. Nais mapabilang ng isang tinedyer sa pangkat ng mga kaedad niya sapagkat dito uunlad ang kanyang katauhan at pagkatao. 7. Ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid nila. 8. Ang panahon ng kabataan ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ng pagkabata sa pagiging matanda. 9. Ang kabataan ay yugto ng mga pangarap. 10. Hindi magiging mabuting pinuno ang mga kabataan dahil sa kakulangan ng mga karanasan. B. Tukuyin ang pagbabagong naganap sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Pisikal B. Emosyonal C. Panlipunan D. Pangkaisipan E. Ispiritwal 1. Nahihiya na si Ana na makipaglaro ng habulan sa mga kabataang lalaki mula nang siya ay nasa paaralang sekundarya na. 2. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging malikot ni Manuel tuwing siya ay nakikipag-usap sa mga babae. 3. Nagsisimba na nang maayos si Marie at hindi na naglalaro sa loob ng simbahan. 4. Noong nasa paaralang elementarya pa si Jose ay palagi siyang lumiliban sa klase. Ngayong nasa paaralang sekundarya na siya, naisip niyang mag-aral nang mabuti upang magkaroon siya ng magandang kinabukasan. 5. Nagpapabili ng kamison at bagong damit si Lina dahil sa paglaki ng kanyang dibdib. 6. Palaging tinutukso ni Roy si Melisa dahil siya ay maliit. Subalit ngayon ay gusto niyang laging kausap si Melisa. 7. Noong bata pa si Maria, lagi niyang ipinagdarasal na pasalubungan siya ng kendi ng kanyang ama. Subalit ngayon ay ipinagdadasal na niya ang kaligtasan ng kanyang ama tuwing ito ay umaalis ng bahay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.2/11

8. Kapag umuulan ng malakas, laging naliligo sina Rina, Mel at Yna sa ulan. Ngayon, pinagmamasdan na lamang nila ang mga batang naliligo sa ulan habang nagkukuwentuhan.9. Nahihiya na si Fe kapag siya ay pinagagalitan ng kanyang ina lalo na kung mayroon silang bisita sa kanilang bahay.10. Noon ay ayaw ni Luisa na suklayan siya ng kanyang ina dahil mas gusto niya ang maglaro. Ngayon ay hindi siya makalabas nang hindi maayos ang kanyang mukha, buhok at damit. Nasagot mo ba ang lahat ng aytem? Ngayon naman, simulan mo nangtuklasin ang ang iyong mga katangian bilang tinedyer. Subukin mong sagutinang sumusunod na gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.3/11

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. I Nasabi na ba sa iyo ang mga pahayag na nakapaloob sa mga “speech bubble” sa ibaba? Isulat sa unang kolum kung ano ang sinabi sa iyo. Isulat naman sa ikalawang kolum kung sino ang nagsabi nito sa iyo. Sa ikatlong kolum ay isulat ang dahilan kung bakit ito nasabi sa iyo.Ilang taon ka na ba Ibang iba ka naat ganyan ka pa ring ngayon!kumilos? Hindi naikaw ang baby ko. Malaki na ang pinagbago mo! Binata/dalaga ka na!Kumilos ka nga Matanda ka na!nang maayos. Hindi ka na bata.Ano ang sinabi sa iyo? Sino ang nagsabi sa iyo? Bakit nasabi sa iyo?1. 1. 1.2. 2. 2.3. 3. 3.4. 4. 4.5. 5. 5.6. 6. 6.7. 7. 7.Sagutin mo1. Nahirapan ka ba sa pag-alaala sa mga taong nagsabi sa iyo at sa dahilan ng pagsasabi nila sa iyo? Bakit?2. Anu-ano ang natuklasan mo sa iyong sarili sa gawain?3. Ano ang inaasahan sa iyo ngayong tinedyer ka na?4. Paano mo haharapin ang mga inaasahan sa iyo bilang tinedyer? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.4/11

Gawain Blg. 2Panuto: Tuklasin mo ang mga katangian ng kabataan sa pamamagitan ngpagsagot sa puzzle. Sa bawat aytem sa ibaba, buuin ang salitang nasa mgapatlang sa tulong ng grid na may mga bilang at titik sa loob nito. Hanapin sa gridang katumbas na titik ng bawat bilang sa ibaba ng patlang. Hanapin muna angbilang sa pababa ng grid patungo sa pahalang na bilang sa grid. Isulat sa itaasng patlang ang titik na nagtugma sa dalawa. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.Isaayos ang mga titik upang mabuo mo ang salita o mga salita na naglalarawanng katangian ng kabataan. Isulat ang sagot sa ibaba. Pahalang P 123456 A1 ABCDEF B2 A3 GHI J KL B4 A5 MN OP QR S T U V WX YZ .,!Halimbawa:TA042 11 331. Puno ng mga ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 34 11 32 21 11 36 11 342. Nahihilig sa ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 21 11 36 25 11 14 113. Nagiging ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 31 11 34 11 32 43 36 234. Natututong ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 31 11 32 21 11 42 43 45 23 36 11 325. Pagkagusto sa mga ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 21 23 31 23 256. Nagiging ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 34 11 26 11 11 51 33 41 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.5/11

7. Natatakot nang ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 31 11 34 11 22 23 51 118. Natututong ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Sagot: 31 11 21 31 11 22 11 269 Gumagawa na ng mga ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ 14 15 41 23 41 51 33 32 Sagot:10. Paghawak sa mas mabibigat na mga___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ 36 15 41 34 33 32 41 23 12 23 26 23 14 11 14Sagot:Sagutin Mo 1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit? 2. Batay sa iyong karanasan, anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa isang tinedyer? 3. Alin sa mga pagbabagong ito ang naibigan mo? Bakit? 4. Alin sa mga pagbabagong ito ang nahihirapan kang tanggapin? Ipaliwanag 5. Paano mo haharapin ang mga pagbabagong ito? 6. Anu-anong mga pagpapahalagang makatutulong sa iyo sa pagharap sa mga ito?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Tapusin ang pinasimulang pangungusap ayon sa natutuhan mo sa modyul na ito. 1. Ang kabataan ay _______________________________________________. 2. Likas sa kabataan ang __________________________________________. 3. Ang mga pagbabagong nagaganap sa akin bilang tinedyer ay dapat _____________________________________________________________. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.6/11

V. PagpapatibayPag-unawa Sa Panahon Ng Kabataan Ang panahon ng kabataan ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ngpanahon ng pagkabata sa pagiging matanda. Ang panahong ito ay nagsisimula saedad na labingtatlo hanggang labingsiyam. Kung minsan ang tawag sa iyo aytinedyer o kaya’y binatilyo o dalagita. Nararapat na maunawaan mo ang mga katangian ng panahong kinaroroonanmo. 1. Ang kabataan ay mahalagang yugto ng buhay. Ito ang pinakakritikal na panahon ng buhay sapagkat ito ay nasa pagitan ng pamamaalam sa mundo ng pagiging bata patungo sa buhay pagbibinata at pagdadalaga. Napakarami ring mga pagbabago at impluwensiya na magaganap sa isang nilalang.2. Ang kabataan ay yugto ng maraming pagbabago. Maraming mga magkakatulad na pagbabagong nagaganap sa iyo at sa iba pa tulad ng mga sumusunod: a. Mga pagbabagong pisikal –Pagbabagong Pisikal - Lalaki Pagbabagong Pisikal - Babae1. Pagtangkad 1. Pagkakaroon ng regla2. Pagkakaroon ng adams apple 2. Paglaki ng dibdib3. Paglapad ng katawan at dibdib 3. Paglaki ng balakang4. Marunong nang manamit 4. Pagiging palaayosb. Mga pagbabagong emosyonal – paghanga sa katapat na kasarian, kakayahang magmahal, makipagrelasyon sa katapat na kasarian, ayaw nang mapahiya, gustong pinupuri.c. Mga pagbabagong sosyal – paghawak sa mga mabibigat na responsibilidad sa bahay, paaralan, at pamayanan, pagkahilig sa barkada, “gimik” o party.d. Mga pagbabagong pangkaisipan - nais gumawa ng sariling pasya, nagiging mapanuri, mapangatwiran, puno ng mga ideya (ideals/aspirations), puno ng mga pangarap, malikhain.e. Mga pagbabagong ispiritwal - pagiging malapit sa Diyos, naghahanap ng kahulugan ng buhay, palasimba.3. Ang kabataan ay paghahanap ng sariling pagkakakilanlan. Marahil ay nagsisimula ka nang humanap ng mga sagot sa mga tanong ukol sa kung sino ka at mga tanong sa buhay. Naiibigan mo rin na gumawa ng mga pansariling pasya para sa iyong kaligayahan.4. Ang kabataan ay yugto ng mga pangarap. Sa gulang mo ngayon ay bumubuo ka ng mga nais mong “maging” sa hinaharap at paano mo ito gagawin. Kasama sa iyong mga pangarap ang iyong magulang o pamilya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.7/11

5. Ang kabataan ay tuntungan sa pagtanda. Anuman ang gawin mo ngayon ay iyong paghahanda sa iyong pagtanda. Bakit ka ba kailangang mag-aral? Bakit ka ba kailangang matutong humawak ng responsibilidad habang tinedyer ka pa? Halaw mula sa aklat nina: Twila G. Punsalan, Kapwa (1993) Elizabeth Hurlock, Developmental Psychology (1983)VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ipakilala ang iyong sarili. Bilang ganap na tinedyer, banggitin ang mgainaasahan sa iyo at paano mo ito haharapin. Tukuyin ang mga pagpapahalagangkakailanganin mo upang harapin ang mga hamon at suliraning dala ng panahon ngkabataan. Tapusin ang mga pinasimulang pangungusap. Petsa:____________________Sa Lahat ng Nakababasa at Nakaririnig , Ako ay si _______________. Bilang kabataan, marami ang inaaasahan sa akintulad ng: • • • Haharapin ko ang mga hamon ng pagbabagong ito bilang isang mag-aaral saunang taon sa pamamagitan ng: • • •Tulungan nawa ako ng Maykapal. Marahil ay nauunawaan at natatanggap mo na ang mga pagbabago sa iyongsarili bilang isang tinedyer. Maaaring handa ka na ngayong masukat ang iyongnatutuhan sa modyul na ito. Sagutin mo nang maayos ang sumusunod napangwakas na pagsusulit.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.8/11

VII. Gaano Ka Natuto?I. Tukuyin ang pagbabagong naganap sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Pisikal B. Emosyonal C. Sosyal D. Pangkaisipan E. Ispiritwal 1. Nahihiya na si Ana na makipaglaro ng habulan sa mga kabataang lalaki mula nang siya ay nasa paaralang sekundarya na. 2. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging malikot ni Manuel tuwing siya ay nakikipag-usap sa mga babae. 3. Nakikinig na si Marie sa mga aral ng pari sa tuwing siya ay nagsisimba ngayon. 4. Noong nasa elementarya pa si Jose ay palagi siyang lumiliban sa klase. Ngayong nasa sekundarya na siya, naisip niyang kailangan niyang mag-aral nang mabuti para magkaroon siya ng magandang kinabukasan. 5. Nagpapabili ng kamison at bagong damit si Lina dahil sa paglaki ng kanyang dibdib. 6. Palaging tinutukso ni Roy si Melisa dahil siya ay maliit. Subalit ngayon ay gusto niyang laging kausap si Melisa. 7. Noong bata pa si Maria, lagi niyang ipinagdadasal na pasalubungan siya ng kendi ng kanyang ama. Subalit ngayon ay ipinagdadasal na niya ang kaligtasan ng kanyang ama tuwing ito ay umaalis ng bahay. 8. Kapag malakas ang ulan ay laging naliligo sina Rina, Mel at Yna. Subalit ngayon ay pinagmamasdan na lamang nila ang ulan habang nagkukuwentuhan. 9. Nahihiya na si Fe kapag siya ay pinagagalitan ng kanyang ina lalo na kung mayroon silang bisita sa kanilang bahay. 10. Noon ay ayaw ni Luisa na suklayan siya ng kanyang ina dahil mas gusto niya ang maglaro. Ngayon ay hindi siya makalabas ng hindi maayos ang kanyang mukha, buhok at damit. II. Sumulat ng maikling pangungusap ayon sa hinihingi sa A at B. A. Mga katangian ng kabataan 1. 2. 3. 4. 5. B. Mga pagbabagong nagaganap sa kabataan 6. 7. 8. 9. 10. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.9/11

VIII. Mga Sanggunian: Punsalan, Twila G., et. al., 1993. Kapwa: Pagmamahalan at Pananagutan. Manila: Rex Bookstore. Hurlock, Elizabeth. 1983. Developmental Psychology. Manila: Navotas Press.Susi sa PagwawastoA. Handa Ka Na Ba?1. K 6. O2. K 7. K3. K 8. K4. K 9. K5. K 10. OB. Gawain 21. puno ng mga pangarap2. nahihilig sa barkada3. natututong mangatwiran4. nagiging mapanuri5. pagkagusto sa mga gimik6. nagiging palaayos7. natatakot nang mapahiya8. natututong magmahal9. gumagawa ng mga desisyon10. paghawak sa mga mabibigat na mga responsibilidadC. Gaano Ka Natuto?I. 1. C 2. C 3. E 4. D 5. A 6. B 7. E 8. C 9. B 10. A Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.10/11

II. (Kahit ano ang pagkakasunud-sunod) 1. mahalagang yugto ng buhay 2. maraming pagbabago 3. paghahanap ng sariling pagkakakilanlan 4. yugto ng mga pangarap 5. tuntungan sa pagtanda 6. mga pagbabagong pisikal 7. mga pagbabagong emosyonal 8. mga pagbabagong sosyal 9. mga pagbabagong pangkaisipan 10. mga pagbabagong ispiritwal Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.11/11

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit I Modyul Blg. 2 Gawing Plus ang MinusI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Napag-aralan mo sa Modyul 2 na walang magkakatulad na nilalang sapagkat ang bawat isa ay natatangi. Ikaw ay may mga bukod-tanging kakayahan at iba pang kalakasan na magagamit mo sa iyong pag-unlad. Walang taong perpekto, kung kaya’t ikaw din ay may mga kahinaan. Aalamin mo sa modyul na ito ang iyong mga kalakasan at kahinaan. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nakikilala ang mga angking kakayahan at kahinaan B. Nasisiyahan sa pagtuklas sa sariling kakayahan at kahinaan C. Natutukoy ang kanyang mga talino batay sa walong talino ni Gardner D. Naitatalaga ang sarili sa pagpapaunlad ng mga kakayahan at mapaglabanan ang mga kahinaan Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatato sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 1/15

Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka na Ba? A. Isulat ang Plus (+) kung kalakasan at Minus (−) kung kahinaan ang bawat isa. 1. Madaling mapagsabihan 2. Mahiyain sa pakikiharap sa tao 3. Balat-sibuyas o madaling masaktan 4. Pinaninindigan ang sinabi 5. Laging sumusunod sa uso kahit hindi angkop sa kanya 6. Pagkahilig sa mga kendi at tsokolate 7. Mapagmasid 8. Palapintas 9. Madaling yayain ng mga kaibigan kahit saan 10. May alam sa kahalagahan ng pag-aaral B. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na naglalahad ng tamang konsepto. 1. Si Rochelle Ambubuyog ay nabulag matapos ang isang malubhang sakit. Nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat sa pamamagitan ng braile. Sa tulong ng kanyang mapagmahal na magulang at matitiyagang guro, nagtapos siya sa elementarya, sekundarya at kolehiyo na may karangalan. Ano ang pinatunayan ni Rochelle? a. Natupad ang kanyang pangarap na maging matalino at tagumpay kahit na siya ay bulag. b. Nalampasan niya ang limitasyon ng kanyang kapansanan sa pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral. c. Siya ay bulag kaya walang gaanong hadlang at tukso sa kanyang pag-aaral. d. Matiyaga ang kanyang magulang at mga guro kaya siya ay naging matalino at tagumpay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 2/15

2. Sina Ana, Melisa at Kristina ay magkakaibigan. Sila ay halos sabay na nagsilaki at magkakasing-gulang pa. Sila ay magkakamag-aral din. Si Ana ay mahilig umawit at sumayaw ngunit ayaw niya ng Matematika. Si Melisa naman ay mahilig magbasa at magsulat ngunit ayaw niyang sumama sa praktis ng sayaw. Ayaw niya ng mga maiingay na musika. Si Kristina naman ang pinakamahusay sa Matematika. Ano ang pinatutunayan sa sitwasyon? a. Magkakasundo ang magkakaibigan kahit magkakaiba ng kanilang hilig at talino. b. Iba’t iba ang taglay na talino ng magkakaibigan dahil iba- iba ang kanilang talino. c. Masaya ang magkakaibigang mayroong iba’t ibang talino. d. Iba’t iba ang talino at kalakasan ng tao. 3. Si Manny Pacquiao ay mahusay na boksingero. Nanalo na siya ng maraming karangalan sa loob at labas ng bansa. Kinilala siya sa buong daigdig. Ang perang kanyang napanalunan ay ibinili niya ng kotse at magandang bahay. Tumulong siya sa mga kababayan niyang kapuspalad. Higit sa lahat, nagbigay siya ng karangalan sa ating bansa. Ano ang mahihinuha sa sitwasyon? a. Dapat mong ipagmalaki ang iyong bukod-tanging talino. b. Masaya ang magbigay ng karangalan sa bansa at tumulong sa mga kababayan. c. Maaaring gamitin ang talino at kalakasan sa pagpapaunlad ng sarili, kapwa at pamayanan. d. Mahalagang tumulong sa iba upang dumami pa ang mga biyayang tatanggapin natin. 4. Mahilig mapag-isa si Rogelio. Palabasa siya ng mga aklat at mahilig magmuni-muni. Malalim ang kanyang pananaw sa mga bagay-bagay. Mayroon siyang talino sa a. visual-spatial. b. interpersonal. c. linguistic. d. intrapersonal. 5. Napakamasayahin si Susan. Gustung-gusto siya ng kanyang mga kaibigan. Palagi siyang kasama sa mga programa sa paaralan. Napakahusay niya sa pagsulat at sa pagsasalita. Si Susan ay mayroong talino sa: a. visual-spatial. b. interpersonal. c. linguistic. d. intrapersonal. Nahirapan ka bang sagutin ang panimulang pagsusulit? Ngayonnaman ay simulan mo nang sagutin ang mga sumusunod na gawain. Sanaay malibang at matuto ka sa iyong pagsagot. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 3/15

III. Tuklasin MoGawain Blg. 1 Tingnan ang Profile ng mga Kakayahan sa susunod na pahina.Sukatin ang iyong kakayahan batay sa mga nakatalang gawain o kakayahan.Kulayan ang espasyo na naglalarawan ng iyong kakayahan sa bawat titik.Gamitin ang iskala 1-5 na may mga sumusunod na kahulugan: 1 - Walang kakayahan 2 - May kaunting kakayahan 3 - Katamtaman ang kakayahan 4 - Mahusay 5 - Napakahusay PA O 5B 4 C N 3 2MD 1L E K E J F F G IH Profile Ng Aking Mga Kakayahan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 4/15

Magagawa mo kaya ang mga ito?A. Nakagagawa ng badyetB. Nakasasali sa iba’t ibang isportsC. Naipahahayag nang epektibo ang iniisip at nararamdamanD. Naipahahayag ang kaisipan, damdamin at namasid nang patulaE. Nagagamit ang mga pamamaraan na kinakailangan sa matematikaF. Nakaguguhit ng mga larawan na kinagigiliwan ng ibaG. Nakapagtatanim ng mga halamanH. Nakalalahok nang buong talino sa mga pagtatalo o debateI. Nakaaawit nang mahusay o nakasasabay sa mga awitinJ. Nakagagawa ng mga produkto mula sa bagay na ginamit na o mga kagamitang itatapon naK. Nakatutugtog ng mga instrumentong musikal tulad ng gitara, drum, piano at iba paL. Nakapagmumuni-muni sa sarili ukol sa mga nararamdaman at nakapagpapalakas ng loobM. Nakasasagot sa mga palaisipanN. Nakasasayaw o nakasusunod sa mga hakbang ng pagsasayawO. Nakapapakinig nang masusi at nasusuring mabuti ang sinasabi ng kausapP. Nakapapakinig sa mga puna o komento ng ibang tao nang bukas ang isipanSagutin Mo1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit?2. Anu-ano ang natuklasan mo sa iyong sarili sa gawain?3. Alin sa mga nabanggit sa gawain ang mga kalakasan mo?4. Alin sa mga nabanggit sa gawain ang mga kahinaan mo?5. Paano makatutulong sa sarili mo ang iyong kaalaman sa kalakasan at kahinaan mo?Gawain Blg. 2 Tingnan ang larawan o maze. Ituring na kuwarto o silid ang bawatparisukat. Ipagpalagay na ikaw ay papasok sa bawat silid hanggang sa ikaway makalabas. Kung nakapasok ka na sa silid, tumigil ka at alalahanin ang mganagawa mo dito. Pagkatapos, gunitain mo ang iyong damdamin ukol sa silidna ito.Sa iyong kuwaderno, isalarawan ang damdaming ito sa pamamagitanng pagguhit ng angkop na mukha sa silid. Iguhit ang mukha na masayao malungkot Pagkatapos, ipahayag kung bakit ganito ang iyongnaging damdamin.Halimbawa: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 5/15

Silid ng Mathematika: Masaya ako sa silid ng Matematika dahil napauunlad ko ritoang antas ng aking pag-iisip. LABASANSILID NG ENGLISH SILID NG EDUKASYON LABORATORYO SA PAGPAPAHALAGA/ GUIDANCE AND COUNSELINGAKLATAN SILID NG SINING SILID NG AGHAMKANTINA SILID NG COMPUTER SILID NG ARALING PANLIPUNAN SILID NGTECHNOLOGY AND LIVELIHOOD EDUCATION SILID NG MATEMATIKA + -* / χ √ £ ¥ $ % < => [¼ ½ ~ ÷PASOK DITO GYMNASIUM Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 6/15

Sagutin Mo 1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit? 2. Anu-ano ang mga bahagi sa larong maze ang nilagyan mo ng mukhang masaya? ng malungkot? Bakit? 3. Saang silid ka higit na nakadama ng kasiyahan? ng kalungkutan? Bakit? 4. Paano mo gagamitin sa iyong pakikipagkapwa ang mga natuklasan mong kalakasan at mga kakayahan? 5. Paano mo naman paglalabanan ang iyong mga kahinaan?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Batay sa natapos na aralin, isulat mo sa loob ng kahon ang mga natutuhan mong konsepto. Gabay mo ang halimbawa sa unang bilang. 1. Bawat tao ay pinagkalooban ng mga natatanging talino at kakayahan. Mahalagang paunlarin ito para sa kabutihan ng sarili at ng kapwa. 2. 3. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 7/15

V. Pagpapatibay MULTIPLE INTELLIGENCES Unawain ang tsart. Tandaan ang walong uri ng kakayahan ointelligences. Linguistic Intelligence Katangian • Paggamit ng wika at salita sa iba’t ibang paraan • Paglalahad ng kaisipan at damdamin Mga Gawain • Manunulat • Mamahayag • Manunula • Mambabatas Pagpapaunlad Pagbasa ng mga pahayagan at aklat araw-araw Pagsagot sa mga crossword puzzle Pagsali sa mga contest at debate Paggamit ng dictionary para sa mga salitang hindi maunawaanLogical-Math IntelligenceKatangian• Paggamit ng numero, hugis at mga simbolo• Pag-unawa sa mga abstract at mga simboloMga Gawain •• Scientist Statistician• Accountant Computer programmer• Police investigator EconomistPagpapaunlad• Pagsali sa mga samahan sa Matematika at Agham• Pagsagot ng puzzle sa Matematika at Agham• Panonood ng Discovery Channel at National Geographic MagazineMusical IntelligenceKatangian• Pagkahilig sa musika• Paggamit ng mga instrumento sa musikaMga Gawain• Mang-aawit• Composer• Conductor• Guitarist, pianist, drummer, at iba paPagpapaunlad • Panonood ng mga konsiyerto • Pagsali sa sabayang pag-awit o paligsahan • Pag-aaral ng paggamit ng instrumento • Pagsabay sa umaawitProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 8/15

Visual-Spatial IntelligenceKatangian• Paglikha ng mga bagay o gamit• Pagkahilig sa kulay o disenyoMga Gawain• Photographer Manlililok• Pintor Cinematographer• Arkitekto Guro sa ArtPagpapaunlad• Pagsali sa mga gawain na may kinalaman sa sining• Paggawa ng sariling disenyo ng mga kagamitan• Pagdalo sa mga seminar ng sining• Panonood ng mga exhibitBodily-Kinesthetic IntelligenceKatangian• Paggamit ng katawan sa pagbibigay kahulugansa kilos• Pagkilos o paggalaw ng maliksi at nasa tiyempoMga Gawain• Mananayaw Factory worker• Atleta Karpintero• Artista Aerobic InstructorPagpapaunlad• Pag-eehersisyo araw-araw• Pag-aaral ng mga sayaw, martial arts• Pagsali sa mga isports tulad ng basketball, volleyball, at iba pa• Panonood ng mga programa ukol sa isportsInterpersonal IntelligenceKatangian• Pag-unawa sa damdamin at kakayahan ng iba• Pakikihalubilo sa ibang taoMga Gawain• Politician * Administrator• Principal/Guro * Manager• Pari/Pastor/Imam/MinistroPagpapaunladPagkakaroon ng dayalogo o pag-uusap ng pamilyaPakikipag-usap sa ibaPagsali sa mga samahan sa paaralan at simbahanProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 9/15

Intrapersonal Intelligence Katangian • Pag-unawa sa sariling damdamin at kalagayan • Pagkilala sa sariling kalakasan at kahinaan • Paggamit ng sariling kaalaman sa pagpapasya Mga Gawain • Counselor • Madre Pagpapaunlad Pagninilay-nilay Pagbasa ng mga aklat Pagdalo sa mga seminar Pagkausap sa sarili Pagbasa ng Bibliya at pagdarasal Naturalist Intelligence Mga Katangian • Pagkahilig sa kalikasan • Pagkahilig sa hayop at halaman Mga Gawain • Magsasaka • Veterinarian • Tagapag-alaga sa zoo Pagpapaunlad • Pagsali sa tree planting • Paglalakbay at pagmamasid sa kapaligiran • Pagtatanim ng mga halaman • Pag-aalaga ng mga hayop sa bahay Henry Tenedero, Breaking the IQ Myth Taglay na ng tao ang mga potensyal at kakayahan sa kanyangpagsilang. Ang mga taong nakapaligid sa kanya ang tutulong upangmahubog ang mga ito. Ang mga magulang ang siyang gagabay upangmatutuhan niya ang mga pangunahing paraan upang mabuhay. Sa paaralan,naroon ang mga guro upang bigyan siya ng pormal na pag-aaral atpagsasanay ng kanyang mga potensyal at kakayahan. Samantala, angdeterminasyong matuto ay mahalaga upang lubos na mahubog ang mga likasna potensyal at kakayahang ito. Kaalinsabay ng mga potensyal at kakayahang likas sa tao ay angkanyang mga kahinaan at limitasyon. Kung paglalabanan ang mgakaninaang ito, hindi magiging ganap na kahinaan ang mga ito kundi mgapagsubok at hamon ng buhay. Higit sa lahat, ang mga angkop napagpapahalaga ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kababaangloob ng sinuman. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 10/15

VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo Isulat sa angkop na kahon ang sagot mo sa bawat tanong. Sundanang unang halimbawa. Kakayahan Ko Mga kakayahan ko Mga uri ng kakayahan koHal: Paglalaro ng basketbol ayon kay Gardner • • • • • • • • • •Mga taong makikinabang sa Paano ko pauunlarin ang kakayahan ko mga kakayahan? • • • • • • • • • • Kahinaan Ko Paano nakasasagabal ang kahinaan ko? Mga Kahinaan KoHal.: Pagiging mahiyain • • • • • • • • • • Paano ko paglalabanan ang Mga pagpapahalagang mga kahinaan ko? kakailanganin ko • • • • • • • • • •VII. Gaano Ka Natuto?Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 11/15

A. Isulat ang titik na “T” kung ang pagkaunawa mo sa pangungusap ay tama at titik na “M” kung mali ang pagkaunawa mo rito. Ituwid ang mga maling pahayag.1. Ang pagkilala ng mga kahinaan at kalakasan ay simula ng paglinang ng iyong pagkatao.2. Mahalagang matuklasan lamang ang kalakasan at paunlarin ito.3. Ang kahinaan ng tao ay mananatiling kahinaan niya habangbuhay kung wala siyang gagawing aksiyon tungkol dito.4. Kailangang makinabang ang kapwa sa iyong mga kalakasan at kakayahan.5. Magkakapareho ang mga kalakasan at kahinaan ng lahat ng kabataan.6. Iilan lamang ang mga taong pinagkalooban ng mga talento.7. Mapagkakakitaan ang paggamit ng mga talento at iba pang kakayahan.8. Mahalagang gamitin ang kakayahan para sa pansariling kabutihan lamang.9. Ang mga kalakasan o mga talento ay huwag gagamitin sa kasiraan ng kapwa.10. Napauunlad ang sariling pagkatao sa pagpapayaman o pagpapaunlad ng kakayahan.B. Tukuyin kung anong uri ng intelligence ang taglay ng mga sumusunod. Isulat sa angkop na espasyo o sa katapat na kolum. Maaaring 2 o higit sa isang intelligence ang ginagamit sa isang propesyon o gawain. Naibigay na ang sagot sa unang bilang.Propesyon Uri ng Intelligence Propesyon Uri ng Intelligence1. Computer Visual-spatial, Logical- 11. Pulis- programmer mathematical,Linguistic imbestigador2. Magsasaka 12. Manunulat3. Manlalaro 13. Accountant4. Pintor 14. Beautician5. Reporter 15. Guro6. Mang-aawit 16. Mananahi7. Counselor 17. Veterinarian8. Scientist 18. Photographer9. Mangingisda 19. Manager10.Mananayaw 20. GitaristaProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 12/15

C. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na naglalahad ng tamang konsepto. 1. Si Rochelle Ambubuyog ay nabulag matapos ang isang malubhang sakit. Nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat sa pamamagitan ng braile. Sa tulong ng kanyang mapagmahal na magulang at matitiyagang guro, nagtapos siya sa elementarya, sekundarya at kolehiyo na may karangalan. Ano ang pinatunayan ni Rochelle? a. Natupad ang kanyang pangarap na maging matalino at tagumpay kahit na siya ay bulag. b. Nalampasan niya ang limitasyon ng kanyang kapansanan sa pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral. c. Siya ay bulag kaya walang gaanong hadlang at tukso sa kanyang pag-aaral. d. Matiyaga ang kanyang magulang at mga guro kaya siya ay naging matalino at tagumpay. 2. Sina Ana, Melisa at Kristina ay magkakaibigan. Sila ay halos sabay na nagsilaki at magkakasing-gulang pa. Sila ay magkakamag-aral din. Si Ana ay mahilig umawit at sumayaw ngunit ayaw niya ng Matematika. Si Melisa naman ay mahilig magbasa at magsulat ngunit ayaw niyang sumama sa praktis ng sayaw. Ayaw niya ng mga maiingay na musika. Si Kristina naman ang pinakamahusay sa Matematika. Ano ang pinatutunayan sa sitwasyon? a. Magkakasundo ang magkakaibigan kahit magkakaiba ng kanilang hilig at talino. b. Iba-iba ang taglay na talino ng magkakaibigan dahil iba-iba ang kanilang talino. c. Masaya ang magkakaibigang mayroong iba’t ibang talino. d. Iba-iba ang talino at kalakasan ng tao. 3. Si Manny Pacquiao ay mahusay na boksingero. Nanalo na siya ng maraming karangalan sa loob at labas ng bansa. Kinilala siya sa buong daigdig. Ang perang kanyang napanalunan ay ibinili niya ng kotse at magandang bahay. Tumulong siya sa mga kababayan niyang kapuspalad. Higit sa lahat, nagbigay siya ng karangalan sa ating bansa. Ano ang mahihinuha sa sitwasyon? a. Dapat mong ipagmalaki ang iyong bukod-tanging talino. b. Masaya ang magbigay ng karangalan sa bansa at tumulong sa mga kababayan. c. Maaaring gamitin ang talino at kalakasan sa pagpapaunlad ng sarili, kapwa at pamayanan. d. Mahalagang tumulong sa iba upang dumami pa ang mga biyayang tatanggapin natin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 13/15

4. Mahilig mapag-isa si Rogelio. Palabasa siya ng mga aklat at mahilig magmuni-muni. Malalim ang kanyang pananaw sa mga bagay-bagay. Mayroon siyang talino sa a. visual-spatial. b. interpersonal. c. linguistic. d. intrapersonal. 5. Napakamasayahin si Susan. Gstung-gusto siya ng kanyang mga kaibigan. Palagi siyang kasama sa mga programa sa paaralan. Napakahusay niya sa pagsulat at sa pagsasalita. Si Susan ay mayroong talino sa: a. visual-spatial. b. interpersonal. c. linguistic. d. intrapersonal.D. Sumulat ng maikling sanaysay ukol sa paksang “Kaya Kong Gawing Lakas Ang Aking Kahinaan”. (10 puntos)VIII. Mga Sanggunian Punsalan, Twila G. et. al. 1993. Kapwa: Pagmamahalan at Pananagutan. Manila: Rex Bookstore. Tenedero, Henry S. 1998. Breaking the IQ Myth. Manila: Henyo Publications.Susi sa Pagwawasto 6. Kahinaan 7. KalakasanHanda Ka Na Ba? 8. KahinaanA. 9. Kahinaan 10.Kalakasan 1. Kalakasan 2. Kahinaan 3. Kahinaan 4. Kalakasan 5. KahinaanB. 1. b 2. d 3. c 4. d 5. bProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 14/15

Gaano Ka Natuto? 6. MA. 7. T1. T 8. M2. M 9. T3. T 10. T4. T5. MB. 11. Logical-math1. Logical-math 12. Linguistic2. Naturalist 13. Logical-math3. Bodily-kinesthetic 14. Visual-spatial4. Visual-spatial 15. Interpersonal5. Linguistic 16. Bodily-kinesthetic6. Musical 17. Naturalist7. Intrapersonal 18. Visual-spatial8. Logical-math 19. Interpersonal9. Naturalist 20. Musical10. Bodily-kinestheticC. 1. b 2. d 3. c 4. b 5. dD. Rubric sa pagtataya ng sanaysayScore Antas ng Paggawa9-10 May kaugnayan sa paksa, maayos ang mga pangungusap, 7-8 malinis ang presentasyon 5-6 Medyo may kaugnayan sa paksa, maayos ang mga pangungusap, malinis ang presentasyon 3-4 Medyo may kaugnayan sa paksa, hindi gaanong maayos 0-2 ang mga pangungusap liban sa ilang lihis na ideya, malinis ang presentasyon Kaunti lang ang may kaugnayan sa paksa, lihis ang mga ideya, hindi gaanong malinis ang presentasyon Kaunti lamang ang may kaugnayan sa paksa, lihis ang karamihan sa ideya, hindi maayos ang mga pangungusap, magulo ang presentasyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 2, ph. 15/15

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA Yunit I Modyul Blg. 3 Sino Ako? I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Si Socrates, isang kilalang pilosopo, ang nagsabing “Kilalanin mo ang iyong sarili”. Kilala mo ba ang iyong sarili? Paano mo sasagutin ang tanong na “Sino ka?” Bakit kailangang kilalanin, unawain at tanggapin ang iyong sarili? Sa modyul na ito, susubukan mong kilalanin ang iyong sarili. Mahalagang hakbang ito sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao at pakikipagkapwa. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang naipakita mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Naibibigay ang pagkakaiba ng self-image, reputasyon, actual self at true self B. Napahahalagahan ang pagkilala, pag-unawa, pagtanggap at pagpapaunlad ng sarili C. Nakasusulat ng liham o kredo para sa pagtanggap at pagpapaunlad ng sarili Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabutiang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sapaaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mganilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 1/14

6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba?I. Isulat sa kuwaderno kung Tama o Mali ang bawat pahayag.1. Ang pagkilala sa sarili ay madaling proseso.2. Ang mababang pagtingin sa sarili ay nangyayari kung pahihintulutan mong isipin at paniwalaan ito.3. Kung hindi ka maligaya sa sarili mo, hindi ka rin magiging maligayang kasama ng iba.4. Isang dahilan kung bakit may problema ang mga tao sa pagkilala sa sarili ay ang hindi nila pag-unawa sa kalikasan ng tao.5. Hindi makatutulong ang mga puna o feedback ng ibang tao sa pagkilala sa sarili.6. Ang sarili ay ang natatangi at namumukod-tanging kasinuhan ng isang tao.7. Ang pagkilala sa sarili ay makatutulong sa mabuting pakikipagkapwa.8. Malaki ang epekto ng pagtingin mo sa iyong sarili sa kakayahan mong mahalin ang iyong kapwa.9. Ang reputasyon ay mas mahalaga sa self-image.10. Ang higit na nakakakilala sa iyong sarili ay ang iyong pamilya.II. Tukuyin ang sariling pagkakakilanlan na tinutukoy sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Self-image B. Reputation C. Actual self D. True self 1. Bilang pinuno ng pangkat, laging nagtitimpi si Ana na huwag magalit o magsalita nang masakit sa harap ng maraming tao. 2. Si Jose ay nasa ikaapat na taon sa paaralng sekundarya at kabilang sa section 1. Siya ay marunong at laging nangunguna sa klase. 3. Si Clara ay kilalang marunong sa Matematika. Hinahangaan siya sa kanilang paaralan dahil marami na siyang napanalunang paligsahan sa Matematika. 4. Mula pagkabata ay hilig na ni Oliver ang musika. Kaya naman araw- araw ay nagsasanay siya sa pag-awit. 5. Eleksyon na naman kayat ang kapitbahay nina Elmer na nais kumandidato ay laging bumibisita sa bawat tahanan. Siya ay laging nakangiti at masaya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 2/14

6. Ako ay labintatlong taong gulang, nasa unang taon ng Mangga National High School, may IQ na 120, mahilig magbasa, at maglaro ng basketbol. 7. Nalugi ang negosyo nina Carol. Gayunpaman, nais niyang mapanatili ang pagkakilala sa kanila na mayaman pa rin. Mamahalin pa rin ang kanyang mga damit at sapatos, at alahas. 8. Tuwing umaga ay tumatakbo si Mildred sa labas ng kanilang bahay. Ayon sa kanyang guro, higit pang bibilis ang kanyang pagtakbo. Nadiskubre kasi ng guro niya na maaari siyang maging atleta. 9. Masayahin si Tina. Subalit lingid sa kaalaman ng iba, kapag siya ay nag-iisa, siya ay umiiyak dahil lagi niyang naaalala ang kanyang kapatid na nasa ibang bansa. 10. Si Joana ay mahusay sa pagguhit. Minana niya ang galing na ito sa kanyang lolo. Nasagot mo ban nang maayos ang panimulang pagsusulit? Tuklasin mongayon kung paano mo makikilala ang iyong sarili mula sa mga sumusunod nagawain.III. Tuklasin MoGawain Blg. I Kumuha ka ng isang oslo paper o coupon bond. Gumawa ng isanglarawan, simbolo o paglalarawan ng iyong sarili. Ilagay ang lahat ng salita,larawan o simbolo na sa palagay mo ay makapaglalarawan ng tunay mong sarili.Maaari ka ring gumamit at gumupit sa mga magasin o dyaryo. Gawing kaakit-akit at makulay ang paglalarawan mo. Ipaliwanang ang bawat salita, larawan o simbolo na inilalarawan mo saiyong sarili. SINO AKO SA AKING PANANAW Paliwanag: 1. Aklat – Ako ay palabasa. Gustung-gusto kong magbasa dahil marami akong natututuhan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 3/14

Sagutin Mo1. Nahirapan ka bang gawin ang gawain? Bakit?2. Anu-ano ang mga natuklasan o natutuhan mo sa gawain?3. Sapat ba ang ginawa mong paglalarawan sa iyong sarili? Ipaliwanag.4. Nasiyahan ka ba sa paglalarawan mo ng iyong sarili? Bakit?5. Anu-anong mga paglalarawan sa sarili mo ang naibigan mo? Ang nais mong baguhin? Bakit?Gawain Blg. 2 Kapanayamin ang mga taong nakasulat sa bawat kahon sa ibaba. Bigyanng isang malinis na papel ang taong nakasulat sa bawat kahon. Ipasulat sakanila ang paglalarawan nila o puna sa iyo. Pagkatapos ay iyong isalin sa mgakahong nasa ibaba. Ikaw lamang ang maaaring makakita ng iyong mga tala Sino Ako sa Pananaw Ko at ng Ibang Tao?SARILI MAGULANG KAPATID GURO _________________ KAMAG-ARAL PANGALAN KAMAG-ANAKMATALIK NA KAIBIGAN KAIBIGANSagutin Mo Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 4/14

1. Naibigan mo ba ang gawain? Bakit?2. Anu-ano ang mga natutuhan mo sa gawain?3. Anu-anong damdamin ang napukaw sa iyo ng mga paglalarawan? Ano ang sinasabi ng mga damdaming ito sa pagkakilala mo sa iyong sarili?4. May paglalarawan ba ang ibang tao sa iyo na hindi mo naibigan? ang hindi ka sang-ayon? Bakit?5. Paano mo haharapin ang mga puna ng ibang tao sa iyo?Gawain Blg. 3Mula sa una at ikalawang gawain ay nakilala mo ang iyong sarili sa iyongpananaw at sa papanaw ng mga taong malapit sa iyo. Balikan mo ang mgapananaw na ito at subuking buuin ang iyong tunay na sarili.Pananaw ko sa Ang Pananaw na Pananaw ngAking Sarili Tunay na Ako Iba sa Akin• •• • •• • •• • •• • • •Sagutin Mo Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 5/14

1. Anu-ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili sa gawain?2. Nakatulong ba ang gawain na makilala mo ang iyong sarili? Patunayan.3. Anu-anong paraan ang iyong ginagawa upang makilala mo nang lubos ang iyong sarili?4. Madali ba ang proseso ng pagkilala mo sa iyong sarili? Bakit?5. Sa mga natapos na gawain, masasagot mo na ba nang tiyak kung SINO KA? Pangatwiranan.IV. Ano Ang Iyong Natuklasan?Kumpletuhin ang pangungusap ayon sa natutuhan mo.1. Ang pagkilala sa sarili ay mahalaga sapagkat _________________________.2. Ang self-image ay _______________________________________________3. Ang reputasyon ay _______________________________________________4. Ang actual self ay________________________________________________5. Ang true self ay _________________________________________________6. Sa pakikipagkapwa, kailangang kilala mo ang iyong sarili dahil ___________ _____________________________________________________________ _ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 6/14

V. Pagpapatibay Ang Daan Tungo sa Pag-unawa sa Iyong Sarili Upang lubos mong maunawaan ang iyong sarili, pagnilayan ang sumusunod: “Hindi Mo Ako Kilala.” May mga pagkakataong akala mo ay hindi ka nauunawaan ng ibang tao. Kung susuriin mong mabuti, may mga pagkakataong hindi nakikita ng iba ang kabutihang iyong ginagawa. Maaaring ibinuhos mo ang iyong kabutihan sa paggawa subalit hindi ito napansin ng iba. Ang pananaw ng ibang tao tungkol sa iyo ay nakabatay lamang sa kung ano ang nakikita sa iyo. Ang mga sumusunod ay maaaring hindi nila nakikita o namamalayan: • Ang iyong mga pangarap at pag-asa sa buhay. Ang iyong mga plano, pangarap at pag-asa ang mahahalagang bahagi ng iyong pagkatao dahil ito ang iyong pinaghihirapang makamit. • Ang iyong gawi sa buhay. Hindi lubos na nauunawaan ng ibang tao ang iyong tunay na damdamin at gawi sa buhay. Mula sa kaibuturan ng iyong damdamin ay nalalaman mo ang iyong sariling pagkatao. • Ang kahalagahan ng buhay para sa iyo. Ang kahalagahan ng buhay ay nakikita mo sa papel na iyong ginagampanan bilang tao. • Ang paraan ng pagsasabuhay mo ng pag-ibig. Mula sa pagmamahal ng iyong pamilya, kaibigan at ng Diyos, nauunawaan mo ang kahulugan ng pag-ibig. “Ang Nais Kong Malaman Mo Tungkol sa Akin.” Madalas sabihing ang bawat tao ay mayroong sariling kuwento ng kanyang buhay. Maaaring malaman ng ibang tao ang iyong pangalan, edad, kalagayan ng kalusugan, antas ng talino, at iba pa. Maaaring malaman ng iba ang iyong nakaraan at kasalukuyan mong buhay. Ngunit ang mahalaga dito ay ang iyong damdamin sa tuwing sinasabi mo ang tungkol sa iyong sarili, magulang, kapatid o kaibigan. Ang iyong pagpapahalaga sa relasyon mo sa kanila ang magpapaliwanag ng kahalagahan nila sa buhay mo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 7/14

May tao na bang hindi nagkuwento tungkol sa mga taong malapit sa kanya? Dito makikita mo ang kanyang nakaraan, kasalukuyan at panghinaharap na damdamin ukol sa kanyang buhay. “Ang Nais Kong Maging Ako.” Maaaring mong matamo ang lahat ng nais mo sa buhay; matupad ang iyong mga plano at pangarap sa buhay; makilala ka ng ibang tao at ang mga taong mahalaga sa iyo. Ngunit hanggang dito na lang ba? Nagagawa ng tao na ipaabot sa ibang tao ang kanyang mga layunin at adhikain sa buhay. Dito mas nagiging makabuluhan ang kanyang buhay. Ang pagkilala sa Dakilang Lumikha ay bumubuo ng kanyang pagkatao. “Kailan Ako Nag-umpisang Maging Ako?” Kailan nga ba nakikita ang tunay na sarili? Pagnilayan mo ang sumusunod: • Ang pagkilala sa sarili ay nag-uumpisa sa pagtanggap niya sa kanyang sarili. • Ang pagkaunawa niya, na siya ay natatangi, malaya at mayroong kaganapan ang magmumulat sa kanya ng kanyang tunay na sarili. • Ang kanyang mga potensyal at mga kakayahang mapaunlad ang sarili ang magbibigay ng daang kilalanin ang kanyang sarili. • Higit sa lahat, ang kakayahang kilalanin ang kanyang pananagutan bilang tao sa kanyang sarili, kapwa, at Diyos ang magbibigay ng daan upang mapahalagahan niya ang kanyang buhay at pagkatao. Halaw sa What Makes Man Truly Human ni Michael D. Moga Ang Bintanang Johari: Isang Paraan Ng Pagkilala Sa Sarili Ang Johari ay mula sa pangalan ng dalawang magkaibigang sikolohistana si Joseph Luft at Harry Ingham. Ito ay isang paraan ng pagtingin at pagkilalasa sarili sa pamamagitan ng pakikinig sa mga puna o “feedback” na ibinibigay ngibang tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 8/14

Ang bintanang Johari ay mauunawaan mo sa tulong ng tsart sa ibaba. Katangiang Alam Ko Katangiang Hindi Ko AlamKatangiang Alam ng Iba I. Bukas II. BulagKatangiang Hindi Alam II. Tago IV. Wala pangng Iba nakaaalamKahulugan ng Bawat Bintana:I. Bukas -- Sa bintanang ito, makikita mo ang mga katangiang alam mo at alam din ng ibang tao. Binubuo ito ng iyong mga kakayahang positibo at negatibo. Ito ang iyong self-image, paglalarawan ng iyong sarili sa pananaw mo na nakikita ng iba.II. Bulag – Sa bintanang ito, makikita mo ang mga katangiang hindi mo nalalaman subalit nalalaman at napupuna ng ibang tao. Marahil ay narinig mo sa ibang tao ang ganito, “Ganoon ba talaga ako?”, “Hindi ako ganoon.” “Ako ba talaga iyon?” Nalalaman mo lamang ang mga ito sa pamamagitan ng punang ibinigay ng ibang tao. Ito ang reputasyon, paglalarawan ng ibang tao sa iyo.III. Tago – Dito makikita ang mga katangian mo na nais mong itago o manatiling nakatago. Ikaw lamang ang nakakaalam ng mga katangiang ito. Maaaring natatakot ka na malaman ng iba dahil hindi ka nila tatanggapin o maiintindihan.IV. Wala pang nakaaalam – Ito ang bahaging nakatago sa iba at sa iyong sarili. Wala pang nakaaalam nito subalit mayroon pang nakatagong potensyal o kakayahan na maaari mo pang matuklasan sa hinaharap. Ang mga ito ay ang mga talino at biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos na sa pamamagitan ng pakikisalamuha at pag-aaral ay mahuhubog din. Ito ang true self, paglalarawan ng iyong sarili kung ano ang nais mong maging sa hinaharap ayon sa iyong mga potensyal at kalikasan bilang tao at ayon sa ninanais ng Diyos sa iyo.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 9/14

Samakatuwid, ang SARILI ay ang namumukod-tanging “KASINUHAN” ng isang tao.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Tingnan mo ang iyong sarili sa salamin tulad ng nasa ibaba at kausapin ito.Isulat sa ibaba nito ang mga sumusunod:a) Natuklasan mo sa iyong sarili na ikinasisiya mob) Mga katangiang pauunlarin pac) Ang mga pag-uugaling nararapat mong baguhind) Mga kongretong hakbang upang paunlarin ang iyong mga mabubuting katangian ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 10/14

VII. Gaano Ka Natuto?I. Bigyang-kahulugan ang bawat isa sa 2 pangungusap lamang. (2 puntos ang bawat isa) 1. Sarili 2. Self-image 3. Reputation 4. Actual self 5. True selfII. Tukuyin ang sariling pagkakakilanlan na tinutukoy sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Self-image B. Reputasyon C. Actual self D. True self 1. Bilang pinuno ng pangkat, laging nagtitimpi si Ana na huwag magalit o magsalita nang masakit sa harap ng maraming tao. 2. Si Jose ay nasa ikaapat na taon sa paaralng sekundarya at kabilang sa section 1. Siya ay marunong at laging nangunguna sa klase. 3. Si Clara ay kilalang marunong sa Matematika. Hinahangaan siya sa kanilang paaralan dahil marami na siyang napanalunang paligsahan sa Matematika. 4. Mula pagkabata ay hilig na ni Oliver ang musika. Kaya naman araw- araw ay nagsasanay siya sa pag-awit. 5. Eleksyon na naman kayat ang kapitbahay nina Elmer na nais kumandidato ay laging bumibisita sa bawat tahanan. Siya ay laging nakangiti at masaya. 6. Ako ay labintatlong taong gulang, nasa unang taon ng Mangga National High School, may IQ na 120, mahilig magbasa, at maglaro ng basketbol. 7. Nalugi ang negosyo nina Carol. Gayunpaman, nais niyang mapanatili ang pagkakilala sa kanila na mayaman pa rin. Mamahalin pa rin ang kanyang mga damit at sapatos, at alahas. 8. Tuwing umaga ay tumatakbo si Mildred sa labas ng kanilang bahay. Ayon sa kanyang guro, higit pang bibilis ang kanyang pagtakbo. Nadiskubre kasi ng guro niya na maaari siyang maging atleta. 9. Masayahin si Tina. Subalit lingid sa kaalaman ng iba, kapag siya ay nag-iisa, siya ay umiiyak dahil lagi niyang naaalala ang kanyang kapatid na nasa ibang bansa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 11/14

10. Si Joana ay mahusay sa pagguhit. Minana niya ang galing na ito sa kanyang lolo.III. Sumulat ng maikling talata ukol sa paksang “Sino Ako?”VIII. Mga Sanggunian Bacungan, Cleofe M., Agnes B. Vea, et. at., 1996. Values Education. Quezon City: Katha Publishing Co., Inc. Moga, Michael D. 1995. What Makes Man Truly Human? A Philosophy of Man and Society. Makati City: St. Pauls Punsalan, Twila G. et. al. 1999. Buhay, Manila: PNU.Susi sa PagwawastoI. Handa Ka Na Ba?I.1. Mali 6. Tama2. Tama 7. Tama3. Tama 8. Tama4. Tama 9. Mali5. Mali 10. MaliII. 1. B 6. A 2. C 7. B 3. B 8. D 4. D 9. B 5. B 10.AB. Gaano Ka Natuto?I.1. Sarili – ang natatangi at namumukod tanging “kasinuhan” ng isang tao.2. Self-image – paglalarawan ng iyong sarili na nakikita rin ng ibang tao.3. Reputasyon – paglalarawan ng iyong sarili sa pananaw ng ibang tao.4. Actual self – paglalarawan ng iyong sarili kung paano ka kumikilos sa isang sitwasyon o pangyayari.5. True self – paglalarawan ng iyong sarili kung ano ang nais mong maging at batay sa plano ng Diyos sa iyo ayon sa iyong katangian bilang tao na may mga katangiang maaari pang hubugin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 12/14

II. 6. A 6. B 7. B 7. C 8. D 8. B 9. B 9. D 10.A 10. BIII. Rubric sa pagtataya ng talataIskor Antas ng Paggawa 5 Binanggit ang 4 na uri ng pagkakakilanlan ng sarili, maayos ang mga 4 pangungusap, malinis ang presentasyon 3 Binanggit ang 3 sa 4 na uri ng pagkakakilanlan ng sarili, maayos ang mga pangungusap, malinis ang presentasyon 2 Binanggit ang 2 sa 4 na uri ng pagkakakilanlan ng sarili, maayos ang mga pangungusap subalit may mga ideyang hindi maayos, malinis 1 ang presentasyon Binanggit ang 1 sa 4 na uri ng pagkakakilanlan ng sarili, magulo ang pagkakasunud-sunod ng mga pangungusap, malinis ang presentasyon Walang binanggit sa 4 na uri ng pagkakakilanlan ng sarili, magulo ang mga pangungusap, hindi maayos ang presentasyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 13/14

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 3, ph. 14/14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit I Modyul Blg. 4 Kaya Mo Ba?I. Ano ang Inaasahang Matutuhan Mo? “Kumusta ka?” “Ok lang”, (na ang ibig sabihin ay masaya, malungkot, naiinis, naiiyak). Marahil ay isa rito ang iyong isasagot mo o higit pa. Kasabay ng iyong pagsagot ay makikita sa iyong mukha at mata ang damdamin mo sapagkat hindi mo ito maitatago. Marahil pa nga ay basta ka na lamang iiyak, tatawa, sisigaw o iirap. Ito ang iyong mga emosyon na nagpapagalaw ng iyong buhay. Madali ka bang maapektuhan ng iyong emosyon? Kontrolado mo ba ang emosyon mo o kontrolado ka ng emosyon mo? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng emosyon sa iba’t ibang pagkakataon B. Napahahalagahan ang wastong pamamahala ng emosyon sa pagharap sa mga hamon at mga suliranin sa buhay C. Nakatutugon sa mga hamon at suliraning pansarili sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 1/17

tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka na Ba?I. Tukuyin ang emosyon na ipinahihiwatig ng bawat isa sa Hanay A. Isulat ang titik na may wastong sagot sa Hanay B.Hanay A Hanay B1. “Ayaw ko nang mabuhay.” A. Kuntento2. “Napakaganda naman ng iyong ginawa.” B. Malungkot3. “Puwede ba layuan mo ako at huwag ka nang C. Pagwawalang-bahalamagpakita.” D. Galit4. “Ang bagal naman ng oras.” E. Masaya5. “Nakikiramay ako sa iyong pamilya.” F. Paghanga6. “Sana sinabi ko na lang sa iyo para naunawaan G. Pagkabagotka niya.” H. Kawalan ng pag-asa7. “Salamat sa iyong pakikiramay.” I. Pagkabigo8. “Salamat po sa Diyos sa lahat ng biyayang J. Pasasalamatipinagkaloob Niya.” K. Patiwasayan9. “Bakit hindi ka nakatapos ng pag-aaral?”10. “Eh ano ngayon, kung dumating siya!”II. Ang positibo o negatibong emosyon ay nararapat na pamahalaan nang wasto. Mula sa mga sitwasyon sa ibaba, tukuyin kung dapat gamitin ay virtue ng temperance o fortitude. Titik lamang ang isulat. A. Temperance (pagtitimpi) B. Fortitude (katatagan) 1. Namatay ang ama ni Lawrence nang siya ay nasa unang taon sa paaralang sekundarya. Nais niyang makatapos ng kanyang pag-aaral. Ang ina lamang niya ang tangi ngayong naghahanapbuhay. Marami silang magkakapatid. 2. Crush ni Joy ang tinedyer na bagong lipat sa tabi ng kanilang bahay. Nagkakilala sila at nalaman niyang pareho silang labintatlong taong gulang. Niligawan siya nito ngunit minabuti niyang iwasan ito. Alam ni Joy na siya ay masyado pang bata. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 2/17

3. Nakaipon si Luisa ng pera mula sa kanyang baon. Gusto niyang bumili ng bagong damit. Kaya lang, kinakailangan niyang bumili ng mga gamit para sa kanyang proyekto sa isa niyang asignatura. 4. Gusto ni Sienna na sumama sa birthday party ng kanyang kaklase. Lahat ng kanyang kaibigan ay dadalo. Subalit pinakiusapan siya ng kanyang nanay na huwag na lang dumalo dahil masama ang kanyang pakiramdam. Kaya pinili niyang bantayan na lang ang kanyang nanay kaysa pumunta sa party. 5. Lumipat ng bahay ang pamilya ni Katrina. Napakalayo nito sa kanilang paaralan. Kinakailangan niyang maglakad nang malayo dahil wala pa ritong gaanong sasakyan. Nahihirapan siyang maglakad dahil marami siyang dalang mga gamit. Marahil ay maraming tanong sa iyong sarili na nais mo ngayong masagotpagkatapos mong sagutan ang panimulang pagsubok. Kung ganoon, masasagotang mga iyon kung uumpisahan mo nang tuklasin ang mga ito mula sa mgasumusunod na gawain.III. Tuklasin MoGawain Blg. 1 Gaano Ka Ka-mature?A. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na sa iyong palagay ay naglalarawan ngiyong kilos.Immature na Kilos Mature na Kilos1. Palaasa sa iba 1. Nagpapasya para sa sarili2. Umiiwas sa responsibilidad 2. Tinutupad ang nakaatang na responsibilidad bilang3. Sinusunod na lamang kung mabuting anak, mag-aaral ano ang sasabihin at gagawin at mamamayan ng iba 3. Tumutulong sa iba4. Nag-aalala palagi 4. Tinitimbang ang solusyong5. Madaling magalit naiisip sa suliranin6. Sinisisi lagi ang sarili sa lahatng 5. Nakokontrol ang galit at inis pagkakataon 6. Tinatanggap ang sariling pagkakamali Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 3/17

B. Mula sa mga kolum na nilagyan mo ng tsek, isulat ang mga karanasang sa palagay mo ay kumilos ka nang may maturity. Gayundin, ibahagi ang mga karanasan kung saan ay naging “immature” ang iyong kilos. Mature Halimbawa: Hindi ko pinatulan si Jerry nang ako ay kanyang tuksuhin. Immature Halimbawa: Iniwan ko ang kaibigan ko nang hindi niya ako ipinagbayad sa jeep.Sagutin Mo 1. Ano ang maaaring maging epekto sa iyong pakikipagkapwa kung immature ang iyong kilos? 2. Bakit mahalagang baguhin ang mga kilos na immature? 3. Paano mababago ang mga kilos na sa iyong palagay ay immature? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 4/17

Gawain Blg. 2 KAYA MO BA?Panuto: Basahin ang mga gagawin sa ibaba. Sundin nang mahusay at ayon sapagkakasunud-sunod:A. Sa parisukat sa itaas ay nakasulat ang sitwasyon. Unawain ito. Ilagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon.B. Sa mga bilog, iguhit ang mga mukha ng damdamin/emosyon na mararamdaman mo kapag nangyari ang sitwasyon sa iyo. Mamili ng mukha ng damdamin/emosyon sa mga nakaguhit sa kahon ng damdamin/emosyon. Maaari kang magdagdag ng bilog kung kulang.C. Sa mga kahon sa ibaba ng bilog, isulat ang mga maaaring mangyari kung mangingibabaw ang emosyong ito sa iyo ayon sa pagkakasunud-sunod. Maaari ding magdagdag ng kahon.D. Sa tatsulok ay isulat ang iyong huling pasya kung nararapat ba ang emosyon o kung ito’y dapat panatilihin o baguhin.E. Ipaliwanag ang iyong pasya.Natutuwa Nalulungkot Pagkabigo NagagalitNaguguluhan Nagdaramdam Nabigla Natatakot Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 5/17

Sitwasyon Blg. 1: May matalik kangkaibigan na itinuring mong kapatid. Subalitnahuli mo siyang sinisiraan ka at angpamilya mo.Damdamin Damdamin Damdamin 1 2 3Pagkagalit Maaaring Mangyari:Mag-aaway kamiKakalimutan konang kaibigan kosiya Sa una, magagalit ako pero dapat kaming mag-usap. Sa katagalan, lilipas na ang matindingemosyon at mapapa-tawad ko na siya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 6/17

Sitwasyon Blg. 2: Masayang pamilya kayo kahitmahirap lamang. Sa inyong pamamasyal, nabarilng ligaw na bala ang iyong ama na ikinamatay niya.Inatake sa puso ang nanay mo kaya’t siya ay nagingparalisado.Damdamin Damdamin Damdamin 1 2 3Maaaring mangyari:Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 7/17

Sitwasyon Blg. 3: Nakatira ka kasama ng iyong pamilya sa Mindanao. Naipit kayo sa labanan ng mga sundalo ng pamahalaan at MILF. Nag-iiyakan ang mga kapatid mo.Damdamin Damdamin Damdamin 1 2 3Maaaring mangyari:Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 8/17

Sagutin Mo1. Nahirapan ka ba sa gawain? Bakit?2. Anu-ano ang mga natutuhan mo sa gawain?3. Bakit nararapat pamahalaan ang emosyon? Magbigay ng mga halimbawa.4. Anu-anong mga emosyon ang madali mong mapamahalaan? Ang mahirap mong mapamahalaan? Patunayan.5. Paano mo nararapat pamahalaan ang iyong mga emosyon?6. Anu-anong mga emosyon ang kailangan mo sa pagharap sa mga suliranin at hamon sa buhay?Gawain 3 Alamin ang iyong Emotional Quotient (EQ). Ito ay sa pamamagitan ngpagbilog sa bilang na nagpapahayag ng pamamahala mo ng iyong emosyon. KUMUSTA ANG IYONG EQ?A. Kamalayan sa Sariling Damdamin Palag Minsa Bihira Hindi i n 2 1 01. Alam ko ang mga nararamdaman ko at mga 2 1 0 2 1 0tawag dito. 3 1 2 3 1 2 32. Alam ko kapag nagbabago o tumitindi ang aking 1 2 3emosyon/damdamin. 3 2 1 0 1 2 33. Pinakikiramdaman ko ang aking emosyon sa 2 1 0 2 1 0bawat sitwasyon. 3 2 1 04. Basta na lamang ako nagiging emosyonal nangdi ko namamalayan. 05. Hindi ko inaalam ang dahilan ng aking pagigingemosyonal. 0B. Pamamahala sa Sariling Damdamin 6. Hindi ko mapigil ang aking sarili kapag ako ay 0 nagagalit. 3 7. Lumalapit ako sa ibang tao kapag ako ay may 0 problema. 3 8. Minamabuti kong sarilinin ang aking mga problema 3 9. Nagugustuhan ko ang aking kalagayang emosyonal10. Katulad ng iba, kalmado ang aking emosyon. C. Panghihikayat sa Sarili11. Madali kong nauumpisahan ang isang gawain 3 kahit mahirap gawin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Blg. 4, ph. 9/17


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook