Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Araling Panlipunan Grade 4

Araling Panlipunan Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-04 01:18:33

Description: Araling Panlipunan Grade 4

Search

Read the Text Version

ARALING PANLIPUNAN Patnubay ng Guro Grade 4

4Araling Panlipunan Patnubay ng Guro Ang aklat sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ikaapat na BaitangPatnubay ng GuroUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kungsaan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang samga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royaltybilang kondisyon. Ang mga akda /materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamitsa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduanng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na angFILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniramat ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akdaang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, Phd Mga Bumuo ng Patnubay ng GuroKonsultant: Florisa B. SimeonTagasuri at Editor: Aurea Jean A. AbadMga Manunulat: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. NavalIllustrator: Peter D. Peraren Florian F. Cauntay, Belinda A. BalucaPunong Tagapangasiwa: Anna Lourdes Abad-FalconInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

Paunang Salita Ang Patnubay ng Guro 4 ay inihanda upang maging gabay ng guro sapagtuturo ng Araling Panlipunan sa ikaapat na baitang. Tulad ng aklat para samga mag-aaral, nahahati ang Patnubay sa apat na yunit. Nakapaloob sa bawataralin ng yunit ang layunin, paksang aralin, pamamaraan ng pagtuturo, atpagtataya. Bawat yunit ay nagtatapos sa lagumang pagsusulit. Ang nilalaman ng patnubay ay naaayon sa pangangailangan na nakasaad sakompetensi. Mahalagang ihanda ng guro nang mas maaga ang mga kagamitangkailangan sa pagtuturo na nakasaad sa bawat aralin. Datapwat masasabing buo ang pagtalakay sa mga aralin, ang mga guro aymay layang magdagdag o magbago ng mga kagamitan, halimbawa, o paraan ngtalakayan, ayon sa pangangailangan ng aralin. Inaasahang ang Patnubay na ito ay makatutulong sa pagiging lalongmalikhain ng mga guro, at magsilbing gabay nila sa lubusang pagkatuto ng mgamag-aaral. Ang mga May-akda iii

Mga NilalamanYUNIT I ANG AKING BANSA ................................. 1ARALIN 1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa ...................................... 1 2 Ang Kinalalagyan ng Pilipinas .................................... 4 3 Ang Teritoryo ng Pilipinas ........................................... 9 4 Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal............................. 12 5 Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa..... 16 6 Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa Pilipinas .............................. 18 7 Ang Pilipinas bilang Isang Bansang Insular .............. 22 8 Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa .......................................... 24 9 Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa ........... 28 10 Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng Bansa ................................... 31 11 Ang Topograpiya ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Bansa........................................................................ 35 12 Ang Populasyon ng Bawat Rehiyon sa Bansa............. 38 13 Ang Pilipinas bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire .................................................. 41 14 Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa................................................. 44 48Lagumang Pagsusulit ............................................................................. v

YUNIT II LIPUNAN, KULTURA, AT EKoNomIYA NG AKING BANSA..................................... 51ARALIN 1 Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng Hanapbuhay .. 52 2 Mga Produkto at Kalakal sa Iba’t Ibang Lokasyon 55 ng Bansa ....................................................................... 57 3 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko 59 ng mga Likas na Yaman ............................................. 4 Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa ...................... 62 5 Matalino at Di-Matalinong Paraan 65 ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman 6 ng Bansa........................................................................ 66 Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa 71 7 ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa ....... 75 Pananagutan sa Pangangasiwa 79 8 at Pangangalaga ng Pinagkukunang-Yaman 82 ng Bansa........................................................................ 86 9 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa 89 ng Likas na Yaman ng Bansa ..................................... 90 10 Pagtangkilik sa Sariling Produkto 93 para sa Pag-unlad at Pagsulong ng Bansa.................. 96 11 Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing 98 12 Pangkabuhayan ng Bansa ........................................... 101 13 Likas Kayang Pag-unlad.............................................. 103 14 Kulturang Pilipino........................................................ 15 Mga Pamanang Pook.................................................... Pagsulong at Pag-unlad ng Kultura ............................ 16 Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakilanlang Pilipino .......................................................................... 17 Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanlang Pilipino ............ 18 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa ..................................... Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino ...................................................Lagumang Pagsusulit……………………………………… ....................... vi

YUNIT III ANG PAmAmAhALA SA AKING BANSA ..................................... 109ARALIN 1 Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan 109 ng Sangay Nito ............................................................. 111 2 Mga Antas ng Pamahalaan.......................................... 113 3 Ang mga Namumuno sa Bansa.................................... 4 Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan 115 ng mga Namumuno ng Bansa...................................... 5 Paghihiwalay ng Kapangyarihan 118 at Check and Balance sa mga Sangay 6 ng Pamahalaan ............................................................. 120 Epekto ng Mabuting Pamumuno 7 sa Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Bansa ....... 122 Kahulugan ng mga Simbolo at Sagisag 125 8 ng Kapangyarihan ng Pamahalaan............................. 9 Mga Programang Pangkalusugan ............................... 126 Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad 128 10 ng Edukasyon sa Bansa ............................................... 130 11 Mga Programang Pangkapayapaan ............................ 12 Paraan ng Pagtataguyod sa Ekonomiya ng Bansa..... 132 Mga Programang Pang-impraestruktura 13 ng Pamahalaan ............................................................. 135 Tungkulin ng Pamahalaan sa Pagtataguyod 14 ng Karapatan ng Bawat Mamamayan ........................ 136 Iba pang Gawain ng Pamahalaan 15 para sa Kabutihan ng Lahat........................................ 138 Pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal 141 at Iba pang Tagapaglingkod ng Pamayanan ..............Lagumang Pagsusulit……………………………………… ....................... vii

YUNIT IV AKo SA PAG-UNLAd NG AKING BANSA .................................... 145ARALIN 1 Ang Pagkamamamayang Pilipino ............................... 145 2 Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino................. 149 3 Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino ................. 153 4 Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino ............................................ 158 5 Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko.................................................. 162 6 Mga Gawain at Epekto ng Gawaing Pansibiko .......... 164 7 Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang Kaunlaran............. 166 8 Pagpapaunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan..... 169 9 Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan ......... 173 10 Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Pilipino sa Daigdig .......................................... 175 11 Pakikilahok sa mga Programa at Proyekto na Nagtataguyod ng mga Karapatan .......................... 177Lagumang Pagsusulit ............................................................................. 181Talahuluganan ....................................................................................... 186 viii

K to 12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN Baitang 4 Marso 25, 2014 ix

x

mGA KAKAYAhAN 1. Pagsisiyasat 2. Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos 3. Pagsusuri at Interpretasyon ng Impormasyon 4. Pagsasaliksik 5. Komunikasyon 6. Pagtupad sa Pamantayang Pang-etikaPANGUNAhING PAmANTAYAN NG YUGTo (4–6)Naipamamalas ang mga kakayahan bilang batang produktibo, mapanagutanat makabansang mamamayang Pilipino gamit ang kasanayan sa pagsasaliksik,pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain,pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman at pakikipag-talastasan at pag-unawa sa mga batayang konsepto ng heograpiya, kasaysayan,ekonomiya, pamamahala, sibika at kultura tungo sa pagpapanday ng maunlad nakinabukasan para sa bansa.PAmANTAYAN SA PAGKATUToNaipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas nang may pagpa-pahalaga sapagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mgakasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sapamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.SAKLAWANG BANSANG PILIPINASPagpapahalaga sa pambansang pagkakakilanlan at ang mga kontribusyon ngbawat rehiyon sa paghubog ng kulturang Pilipino at pambansang pag-unladgamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan,pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansangPilipinas. xi

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BAITANG 4PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas na may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.NILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4AAB-Ia-1 1. Natatalakay ang konsepto ng AP4AAB-Ib-2 MISOSA Lesson #1UNANG MARKAHAN - Ang Aking Bansa Ang mag-aaral ay… bansa AP4AAB-Ib-3 (Grade IV) 1.1 Nakapagbibigay ng halimbawa AP4AAB-Ic-4 MISOSA Lesson #1A. Pagkilala sa Bansa Ang mag-aaral ay… naipapaliwanag na ang ng bansa AP4AAB-Ic-5 (Grade IV) Pilipinas ay isang bansa 1.2 Naiisa-isa ang mga katangian MISOSA Lesson #9 naipamamalas ang pag- ng bansa AP4AAB-Id-6 (GRADE IV) unawa sa konsepto ng AP4AAB-Id-7 bansa. 2. Nakapagbubuo ng kahulugan ng AP4AAB-Ie-f-8 Pahina 38 ng 120 bansa B. Ang Kinalalagyan ng Naipamamalas ang pang- Naipamamalas ang Aking Bansa unawa sa kasanayan sa paggamit 3. Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay pagkakakilanlan ng bansa ng mapa sa pagtukoy ng isang bansaBatayang heograpiya ayon sa mga katangiang iba’t ibang lalawigan at 1. direksyon heograpikal gamit ang rehiyon ng bansa 4. Natutukoy ang relatibong lokasyon 2. relatibong lokasyon mapa. (relative location) ng Pilipinas 3. distansya batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin atUri ng mapa pangalawang direksyon 1. mapa ng Pilipinas sa 5. Natutukoy sa mapa ang mundo kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at mundo 2. mapa ng mga lalawigan 6. Nakapagsasagawa ng at rehiyon interpretasyon tungkol sa 3. mapa ng populasyon kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansya at direksyon 7. Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa 8. Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo. 8.1 Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikalxiKito 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM NILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) AP4AAB-Ig-9 MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) C. Ang Katangiang Pisikal ng AP4AAB-Ig- MISOSA Lesson Aking Bansa 8.2 Natutukoy ang iba pang salik h-10 #13 (Grade VI) (temperatura, dami ng ulan) MISOSA LessonsUri ng Mapa na may kinalaman sa klima 15-22 (Grade VI) 1. Mapang pisikal 2. Mapang pangklima ng bansa 3. Mapang topograpiya 8.3 Nailalarawan ang klima sa iba’t 3.1 lokasyon ibang bahagi ng bansa sa 3.2 klima/ panahon 3.3 anyong tubig/ tulong ng mapang pangklima anyong lupa 8.4 Naipapaliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ngmga pananim at hayop sa Pilipinas 9. Naipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang maritime o insular 10. Nailalarawan ang bansa ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito 10.1 Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa 10.2 Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa 10.3 Naiisa-isa ang mga magagandang tanawin at lugar pasyalan bilang yamang likas ng bansa 10.4 Naihahambing ang topograpiya ng iba’t ibang rehiyon ng bansa gamit ang mapang topograprapiya 10.5 Naihahambing ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon sa populasyon gamit ang mapa ng populasyonxiKitio 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 Pahina 39 ng 120

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUMNILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) AP4AAB-Ii-11 MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) Pahina 40 ng 120 AP4AAB-Ii-j- 11. Nailalarawan ang kalagayan ng 12 Pilipinas na nasa “Pacific Ring of Fire” at ang implikasyon nito. AP4AAB-Ij-13 12. Nakagagawa ng mga mungkahi AP4LKE-IIa-1 upang mabawasan ang masamang AP4LKE-IIb-2 epekto dulot ng kalamidad 12.1 Natutukoy ang mga lugar sa Pilipinas na sensitibo sa panganib gamit ang hazard map 12.2 Nakagagawa ng nang maagap at wastong pagtugon sa mga panganib 13. Nakapagbibigay ng konlusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansaIKALAWANG MARKAHAN - Lipunan, Kultura at Ekonomiya ng Aking Bansa Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay…A. Gawaing Pangkabuhayan 1. Nailalarawan ang mga gawaingng Bansa nasusuri ang mga iba’t nakapagpapakita ng pangkabuhayan sa iba’t ibang1. Likas yaman lokasyon ng bansa2. Kahalagahan at ibang mga gawaing pagpapahalaga sa iba’t 1.1 Naiuugnay ang kapaligiran sa uri pangangalaga pangkabuhayan batay sa ibang hanapbuhay at ng hanap buhay heograpiya at mga gawaing pangkabuhayan3. Kabuhayan at 1.2 Naihahambing ang mgapinagkukunang yaman oportunidad at hamong na nakatutulong sa produkto at kalakal na kaakibat nito tungo sa pagkakakilanlang Pilipino matatagpuan sa iba’t ibangUri ng Mapa likas kayang pag-unlad. at likas kayang pag-unlad lokasyon ng bansa (Hal:1. mapang pisikal ng bansa. pangingisda, paghahabi,2. mapang pangklima pagdadaing, pagsasaka, atbp.)3. mapa ng mga produkto 1.3 Nabibigyang-katwiran ang pang- aangkop na ginawa ng mga tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang pangangailangan 2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang ekonomiko ng mga likas yaman ng bansaxKivto 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUMNILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4LKE-IIb-d- Pahina 41 ng 120 3 3. Nasusuri ang kahalagahan ng matalinong pagpapasya sa AP4LKE-IId-4 pangangasiwa ng mga likas na AP4LKE-IId-5 AP4LKE-IIe-6 yaman ng bansa AP4LKE-IIe-f- 3.1 Natatalakay ang ilang mga 7 isyung pangkapaligiran ng bansa 3.2 Naipaliliwanag ang matalino at di-matalinong mga paraanng pangangasiwa ng mga likas nayaman ng bansa 3.3 Naiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa 3.4 Natatalakay ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangagalaga ng pinagkukunang yaman ng bansa 3.5 Nakapagbibigay ng mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng likas yaman ng bansa 4. Naiuugnay ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag-unlad at pagsulong ng bansa 5. Natatalakay ang mga hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa. 6. Nakalalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga, at nagsusulong ng likas kayang pag- unlad (sustainable development)B. Pagkakilanlang Kultural Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… ng mga likas yaman ng bansa 7. Nailalarawan ang mga pagkakakilanlang kultural ngUri ng mapang kakailanganin naipamamalas ang pag- naipagmamalaki ang PilipinasxKvto 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM NILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4LKE-IIg-8 Pahina 42 ng 1201. relihiyon AP4LKE-IIg-92. panahanan unawa sa pagkakilanlang pagkakakilanlang kultural 7.1 Natutukoy ang ilang3. Katutubong Pamayanan Pilipino batay sa ng Pilipino batay sa pag- halimbawa ng kulturang pagpapahalaga sa unawa, pagpapahalaga at Pilipino sa iba’t ibang rehiyon (indigenous peoples/ pagkakaiba-iba ng mga Indigenous Cultural pamayanang pang- pagsusulong ng pangkat ng Pilipinas (tradisyon, Community) kultural. kultural, pangkat etno- relihiyon, kaugalian,4. pangkat etno- linggwistiko at iba pang paniniwala, kagamitan, atbp.) linggwistiko5. Kaugalian, tradisyon, pangkat panlipunan na 7.2 Natatalakay ang kontribusyon paniniwala6. Pamanang Pook bunga ng migrasyon at ng mga iba’t ibang pangkat “inter-marriage”. (pangkat etniko, pangkat etno- linguistiko at iba pang pangkat panlipunan na bunga ng migrasyon at “inter-marriage”) sa kulturang Pilipino 7.3 Natutukoy ang mga pamanang pook bilang bahagi ng pagkakakilanlang kulturang Pilipino 7.4 Nakagagawa ng mungkahi sa pagsusulong at pagpapaunlad kulturang Pilipino 8. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng kultura sa pagbuo ng pagkakakilanlang Pilipino 9. Naipapakita ang kaugnayan ng heograpiya, kultura at pangkabuhayang gawain sa pagbuo ng pagkakilanlang Pilipino 10. Natatalakay ang kahulugan ng AP4LKE-IIh- pambansang awit at watawat 10 bilang mga sagisag ng bansa 11. Nakabubuo ng plano na AP4LKE-IIi-11 magpapakilala at magpapakita ng pagmamalaki sa kultura ng mga rehiyon sa malikhaing paraan.xKvtio 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUMNILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) AP4LKE-IIj-12 MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4PAB-IIIa- MISOSA Lesson #26 12. Nakasusulat ng sanaysay na 1 (GRADE VI) MISOSA Lesson #28 tumatalakay sa pagpapahalaga at AP4PAB-IIIa- (Grade VI) pagmamalaki ng kulturang Pilipino b-2IKATLONG MARKAHAN – Ang Pamamahala Sa Aking Bansa AP4PAB-IIIc- 3A. Ang Pambansang Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… 1. Natatalakay ang kahulugan atPamahalaan kahalagahan ng pambansang1. Balangkas naipamamalas ang pang- nakapagpapakita ng pamahalaan2. Mga Kapangyarihan ng unawa sa bahaging aktibong pakikilahok at mga Sangay ginagampanan ng pakikiisa sa mga proyekto 2. Nasusuri ang balangkas o3. Sagisag ng bansa pamahalaan sa lipunan, at gawain ng pamahalaan mga pinuno at iba pang at mga pinuno nito tungo istruktura ng pamahalaan ng naglilingkod sa Pilipinas pagkakaisa, kaayusan at sa kabutihan ng lahat kaunlaran ng bansa (common good) 2.1 Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan (ehekutibo, lehislatura at hudikatura) 2.2 Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa at lokal) 2.3 Natutukoy ang mga namumuno ng bansa 2.4 Natatalakay ang paraan ng pagpili at ang kaakibat na kapangyarihan ng mga namumuno ng bansa 3. Nasusuri ang mga ugnayang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan 3.1 Naipaliliwanag ang “separation of powers” ng tatlong sangay ng pamahalaan 3.2 Naipaliliwanag ang “check and balance” ng kapangyarihan sa bawat isang sangaxKvtioi12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 Pahina 43 ng 120

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM NILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4PLR-IIId-B. Ang Pamahalaan at 4 MISOSA Lesson Serbisyong Panlipunan Naipapaliwanag ang 4. Natatalakay ang epekto ng #29 (Grade VI) tungkulin ng pamahalaan mabuting pamumuno sa pagtugon AP4PAB-IIId- na itaguyod ang ng pangangailangan ng bansa 5 karapatan ng mga 5. Natatalakay ang kahulugan ng mamamayan ilang simbolo at sagisag ng kapangyarihan ng pamahalaan (ei. executive, legislative, judiciary) 6. Nasusuri ang mga paglilingkod ng AP4PAB-IIIf- pamahalaan upang matugunan g-6 ang pangangailangan ng bawat mamamayan 6.1 Naiisa isa ang mga programang pangkalusugan 6.2 Nasasabi ang mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa 6.3 Nakakapagbigay halimbawa ng mga programa pangkapayapaan 6.4 Nasasabi ang mga paraan ng pagtataguyod ng ekonomiya ng bansa 6.5 Nakakapag bigay halimbawa ng mga programang pang- inprastraktura atbp ng pamahalaan 7. Nasusuri ang tungkulin ng AP4PAB-IIIh- pamahalaan na itaguyod ang 7 karapatan ng bawat mamamayanxKvtioii12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 Pahina 44 ng 120

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUMNILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) AP4PAB-IIIi-8 MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4PAB-IIIj-9 MISOSA Lessons 8. Nasusuri ang mga proyekto at 44-48 (Grade VI) AP4KPB-IVa- iba pang gawain ng pamahalaan b-1 Pahina 45 ng 120 sa kabutihan ng lahat o nakararami AP4KPB-IVc-2 AP4KPB-IVc-3 9. Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pagtutulungan ng AP4KPB-IVd- e-4 pamahalaang pambayan, pamahalaang panlalawigan at iba pang tagapaglingkod ng pamayananIKAAPAT NA MARKAHAN - Kabahagi Ako sa Pag-unlad ng Aking BansaMga Karapatan at Tungkulin ng Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay 1. Natatalakay ang konsepto ngMamamayang Pilipino pagkamamamayan naipamamalas ng mag- nakikilahok sa mga 1.1. Natutukoy ang batayan ng1. Kagalingang pansibiko aaral ang pang-unawa at gawaing pansibiko na pagka mamamayang Pilipino2. Karapatang Panlipunan pagpapahalaga sa nagpapakita ng pagganap 1.2. Nasasabi kung sino ang mga3. Karapatang Pantao kanyang mga karapatan sa kanyang tungkulin mamamayan ng bansa4. Karapatang pambansa at tungkulin bilang bilang mamamayan ng 2. Natatalakay ang konsepto ng mamamayang Pilipino bansa at pagsasabuhay karapatan at tungkulin ng kanyang karapatan. 2.1 Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino 2.2 Natatalakay ang tungkulin ng mamamayang Pilipino 3. Natatalakay ang mga tungkuling kaakibat ng bawat karapatang tinatamasa. 4. Natatalakay ang kahalagahan ng mga gawaing pansibiko ng bawat isa bilang kabahagi ng bansa 4.1 Naibibigay ang kahulugan ng kagalingang pansibiko (civic efficacy) 4.2 Natatalakay ang mga gawaing nagpapakita ng kagalingan pansibiko ng isang kabahagi ng bansa (hal. Pagtangkilik ngxKixto 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUMNILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE LEARNING (Content ) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MATERIALS (Content Standard) (Performance Standard) AP4KPB-IVf- Pahina 46 ng 120 g-5 produktong Pilipino, pagsunod AP4KPB-IVh-6 sa mga batas ng bansa, AP4KPB-IVi-7 tumulong sa paglilinis ng AP4KPB-IVj-8 kapaligiran). 4.3 Nahihinuha ang epekto ng kagalingang pansibiko sa pag- unlad ng bansa. 5. Nabibigyang halaga ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sapagtataguyod ng kaunlaran ng bansa 5.1 Naipaliliwanag kung paano itinataguyod ng mgamamamayan ang kaunlaran ng bansa 5.2 Naipaliliwanag kung paano makatutulong sa pagunlad at pagsulong ng bansa ang pagpapaunlad sa sariling kakayahan at kasanayan 5.3 Naibibigay ang kahulugan at katangian ng pagiging produktibong mamamayan 6. Napahahalagahan ang mga pangyayari at kontribusyon ng mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng daigdig tungo sa kaunlaran ng bansa (hal. OFW) 7. Naipakikita ang pakikilahok sa mga programa at proyekto ng pamahalaan na nagtataguyod ng mga karapatan ng mamamayan 8. Nakapagsusulat ng sanaysay tungkol sa pagka-Pilipino at sa Pilipinas bilang bansaxx K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013

Yunit I Ang Aking BansaPananaw Sa simulang aralin ng yunit ay tatalakayin ang pagkilala sa bansa.Nakapaloob dito ang pagtalakay sa konsepto ng bansa, pagbuo ng kahulugannito, at pagpapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa. Kasunod nito ay angpagtatampok sa relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid ditogamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon. Tutukuyin din sa mapaang kinalalagyan ng Pilipinas sa rehiyong Asya at sa mundo. Sa bandang huliay ipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime oinsular, at tatalakayin ang katangiang pisikal ng bansa. Ilalarawan ang bansaayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito. Isusunodang paglalarawan sa kalagayan ng Pilipinas na nasa Pacific Ring of Fire at angmga implikasyon nito. Itatampok din ang mga mungkahi upang mabawasanang masamang epektong dulot ng kalamidad. Sa dakong huli ay ilalahad angkonklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ngbansa.ARALIN 1 Ang Pilipinas ay Isang BansaLayunin 1. Natatalakay ang konsepto ng bansa 2. Nakabubuo ng kahulugan ng bansa 3. Naipaliliwanag na ang Pilipinas ay isang bansaPaksang AralinPaksa : Ang Pilipinas ay Isang BansaKagamitan : mapa ng Asya at mundo, panulatSanggunian : Learner’s Material, p. 2–7 K to 12 – AP4AAB-Ia-1; AP4AAB-Ib-2; AP4AAB-Ib3PamamaraanA. Panimula 1. Ipalaro ang “Sakay, Lakbay, Salakay!” (likhang laro ni Ynnos Azaban) a. Sabihin sa mga mag-aaral na kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel. Pasulatan ito ng pangalan ng bansa na alam nila maliban sa Pilipinas. Tanggapin kung may magkapare-parehong bansa. b. Sabihan silang bumuo ng malaking bilog na ang bawat isa ay nakaharap sa loob nito. Ipalapag sa sahig sa tapat nila ang mga papel na may nakasulat na pangalan ng bansa. 1

c. Pupuwesto ang guro sa loob ng bilog. Sabihan sila na kapag sinabi ng guro na “Sakay!” kailangan nilang tumalikod at kapag sinabing “Lakbay!” kailangang lumakad paikot sa kanan ang mga mag-aaral (habang ginagawa ito ng mga mag-aaral, magbabawas ng isang papel ang guro). Kapag sinabi ng guro ang “Salakay!” kailangang huminto ang mga mag-aaral at tatapat sa mga papel na may nakasulat na bansa. Ang mag-aaral na walang matatapatang papel ay hindi na kasali sa laro at uupo na. d. Maaaring gawin ang laro sa loob ng 3–4 na minuto. e. Bigyan ng mas mataas na puntos sa pakikilahok at palakpak ang mga mag-aaral na matitira sa laro. 2. Itanong: a. Ano-ano ang mayroon sa laro na inyong ginawa? b. Kung wala ang mga bagay na bumubuo sa laro, magagawa kaya ang laro? c. Sa mga natanggal sa laro, ano ang naramdaman ninyo? d. Sa mga nanatili sa laro, ano ang naramdaman ninyo? e. Bakit mahalagang makapuwesto ka sa tapat ng papel na may nakasulat na bansa? 3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Mga maaaring sagot… a. Tao o manlalaro, papel na may nakasulat na salitang bansa, sahig kung saan nakapuwesto ang papel. b. Maaaring hindi, dahil kailangan ng manlalaro at ng papel na nakalagay sa sahig. c. Nalungkot dahil hindi na ako kasali sa laro. d. Masaya dahil may puwesto ako lagi. Masaya dahil may bansa ako na napuwestuhan. e. Kasi hindi ako natatanggal sa laro. Kasi may puwesto ako lagi. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin. Tulad ng ating nilaro, may mahahalagang bagay na kailangan upang matawag na bansa ang isang lugar. Iyan ang pag-aaralan natin ngayon.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 2. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng sagot nila. 3. Ipabasa ang tekstong nagpapaliwanag sa kahulugan at mga elementong bumubuo sa isang bansa. 4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM, p. 4. 5. Ipagawa ang mga sumusunod: Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 5. Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk. 2

Magpabuo ng pangkat na may tatlong kasapi lamang (triad). Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM, p. 5. Ipakopya sa papel ang saranggola at ipasulat ang sagot dito. Gamitin ang kaparehong pangkat sa Gawain B. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, pahina 5. Ipabasa ang tula tungkol sa bansa. Ipagawa ang isinasaad ng panuto sa gawain. Sabihin sa mga kasapi ng pangkat na triad na ibahagi sa isa’t isa ang ginawang pagbilog sa mga salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Pag-usapan kung ang kanilang sagot ay ayos na bago ipawasto sa guro. 6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 6 at talakayin ang sagot.Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, p. 6.Takdang Gawain Magdala ng mapa ng Asya at ng mundo na nagpapakita ng kinalalagyan ngPilipinas.Susi sa Pagwawasto2, 3, 4, 51–4. Tao, Teritoryo, Pamahalaan, at Soberanya. Maaaring hindi sunod-sunod. Ang mga may bilog ay ang mga salita/pariralang tao, malaya, mayroongnamamahala, at may teritoryo.Natutuhan KoI. Ang mga may tsek ay ang bilang 1, 3, 4, at 5. 5. JII. 1. 2. 3. 4.III. Ang sagot ay maaaring:Sa itaas na bahagi ng bandila: Ang bansa ay binubuo ng tao, teritoryo, maypamahalaan, at may kalayaaan.Sa ibabang bahagi ng bandila: Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mgataong nakatira dito, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at malaya.Maaaring may ibang sagot ang mga mag-aaral. Tanggapin kung malapit sasagot na ibinigay sa itaas.

Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi. Magpagawa ng islogan tungkol sapagiging isang bansa ng Pilipinas. Sikaping maipakita ang katangian ng pagigingbansa nito. Gawing gabay ang rubric sa ibaba.Nilalaman 8–10 5–7 3–4 1–210 puntos Medyo magulo Walang Ang mensahe Di gaanong ang mensahe. mensahengPagkamalikhain ay mabisang naipakita ang naipakita.8 puntos naipakita. mensahe. Maganda ngunit Di maganda di gaanong at malabo ang Napakaganda at Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng napakalinaw ng malinaw ang pagkakasulat ng mga titik. pagkakasulat ng pagkakasulat ng mga titik. mga titik. mga titik. 2–3 1 Kaunti lamang WalangKaugnayan sa 6–7 4–5 ang kaugnayan kaugnayanPaksa ng islogan sa sa paksa ang7 puntos May malaking Di gaanong paksa. islogan. kaugnayan naipakita ang sa paksa ang kaugnayan 2 1 islogan. sa paksa ang Di gaanong Marumi ang islogan. malinis ang pagkakabuo.Kalinisan 4–5 pagkakabuo.5 puntos 3 Malinis naKabuang Puntos malinis ang Malinis ang= 30 pagkakabuo. pagkakabuo. Itanghal ang mga nagawang islogan sa likuran ng silid-aralan. Hikayatinang mga mag-aaral na tingnan at basahin ang mga nakapaskil na islogan.ARALIN 2 Ang Kinalalagyan ng PilipinasLayunin 1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon 2. Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at sa mundoPaksang AralinPaksa : Ang Kinalalagyan ng PilipinasKagamitan : globo at mga mapa ng Asya at mundo, panulatSanggunian : Learner’s Material, pp. 8–14 K to 12 – AP4AAB-Ic-4; AP4AAB-Ic5 4

PamamaraanA. Panimula 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Pasagutan ang worksheet na naglalaman ng sumusunod: Teacher’s table Column 34 5 12Row 12342. Itanong: a. Mula sa gitna ng silid-aralan, ano ang makikita sa gawing hilaga? Silangan? Timog? Kanluran? b. Ano ang masasabi ninyo sa puwesto ninyo na isinasaad sa worksheet? c. Bakit mahalagang malaman ang mga nakikita sa inyong paligid?3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Maaaring sagot: a. Kisame, dekorasyon, sahig, silya, at bintana. b. Maaaring makatulong ang mga nasa paligid upang malaman kung nasaan ang isang lugar.4. Ipagawa ito sa kaparehong pangkat. Hanapin sa globo ang kinalalagyan ng Pilipinas. Sagutin ang mga tanong: a. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas? b. Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas? c. Ano ang masasabi mo sa kinalalagyan ng Pilipinas?5. Iugnay ang mga sagot sa aralin.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 10. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot. 3. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa lokasyon ng Pilipinas at sa mga nakapaligid dito. 4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM, p. 10. 5. Ipagawa ang mga gawain.Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM,pahina 11.Ipakopya sa notbuk ang mga grapikong pantulong sa LM,p. 12 at ipasulat dito ang sagot ng mga mag-aaral. 5

Magpabuo ng pangkat na may 10 kasapi. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM, pahina 12. Ipagawa ang gawain. 6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 13.Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 13–14 ng LM.Takdang Gawain Magdala ng ruler na may panukat na sentimetro at mapa ng Asya at mundo.Susi sa PagwawastoMga Pangunahing DireksiyonDagat Kanlurang Taiwan Karagatang Pasipiko Pilipinas Dagat CelebesMga Pangalawang Direksiyon Dagat Pilipinas Paracel IslandsMalaysia Palau 6

Gawing gabay ang rubrik na ito para sa pagbibigay ng puntos para sa MAPA-TAO. Rubrik para sa MAPA-TAOKatumpakan ng 20 15 10 5ginawa20 Tamang-tama Tama ang May ilang mali Marami ang ang pagkaka- pagkaka- ang pagkaka- nagkamali saKaayusan puwesto ng mga puwesto ng puwesto ng mga pagpuwesto sa15 mag-aaral sa mga mag-aaral mag-aaral sa pagpapakita ng pagpapakita ng bagamat may pagpapakita ng tamangKooperasyon mga nakapaligid ilang hindi mga nakapaligid direksiyon.15 sa bansa. eksakto. sa bansa. 3 15 10 5 Hindi naging Naging Maayos ang Maayos ang maayos ang napakaayos mga mag-aaral pagtatanghal pagtatanghal ng mga mag- habang ngunit may mga at maingay ang aaral habang nagtatanghal. mag-aaral na mga mag-aaral. nagtatanghal. nag-iingay. 10 3 15 5 Nakikilahok Hindi nakikilahok Buong pusong ngunit Hindi kusang at walang nakikilahok sa nagdadalawang- nakikilahok. pakialam. gawain. isip.Sabihin sa kaibigan mo sa Estados Unidos: Kumuha ka ng mapa ng mundo. Tingnan mo kung nasaan ang bansang Estados Unidos. Mula sa Estados Unidos, tumingin ka sa malayong kanan sa gawing silangan. Madadaanan ng iyong tingin ang kontinente ng Asya. Sa kontinente ng Asya, hanapin mo ang bansang nasa silangan ng China, kanluran ng Pacific Ocean, hilaga ng Indonesia, at timog ng Taiwan. Kapag nasunod mo ang itinuturo ng mga direksiyong nabanggit, at nakita ang parang babaeng nakaupo sa mapa, iyon na ang Pilipinas.Natutuhan Ko 4. H 7. T I. 1. T 5. T 8. H 2. K 6. S 3. TII. 1. HS – Philippine Sea 3. HK – Paracel Island 2. TS – Palau Islands 4. TK – BorneoIII. Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya sa kontinente ng Asya. 7

Isagawa ang larong .Panuto: 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. 2. Sabihing may kailangan silang gamit o bagay na dapat makuha. 3. Makukuha nila ang mga gamit o bagay kung matutukoy nila ang direksiyon ng bagay na ipinahahanap. 4. Sa silid, ikalat ang mga salitang Taiwan, Karagatang Pasipiko, Indonesia, Vietnam, Dagat Pilipinas, Palau Islands, Paracel Islands, at Borneo ayon sa mga direksiyong kinalalagyan nito kung ang batayan ay Pilipinas. 5. Ibigay ang task card sa bawat pangkat: Pangkat 1 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa timog, timog- silangan, at kanluran ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa lugar na tinukoy.) Pangkat 2 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa silangan, timog- kanluran, at hilaga ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.) Pangkat 3 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa hilagang-silangan, hilagang-kanluran, at kanluran ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.) Pangkat 4 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa timog-hilaga, at timog-silangan ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.) 6. Sa ilalim ng mga salita ay makikita ang mga bagay na dapat kunin ng bawat pangkat ayon sa direksiyong ibinigay sa kanila. Lugar Lokasyon Bagay na HahanapinTaiwan hilaga lapisKaragatang Pasipiko silangan bolpenIndonesia timog papelVietnam kanluran tsokDagat Pilipinas hilagang-silangan krayolaPalau Islands timog-silangan pantasaParacel Islands hilagang kanluran pamburaBorneo timog-kanluran panyo Mungkahi Gawing dalawang piraso lagi ang bilang ng mga bagay. Maaari ding isulat na lamang sa mga strip ng kartolina ang mga pangalan ng bagay o kaya’y iguhit ang mga larawan nito.7. Ito ang inaasahang makukuhang mga bagay ng bawat pangkat: Pangkat 1 – papel, pantasa, at tsok Pangkat 2 – bolpen, pambura, at lapis Pangkat 3 – pantasa, pambura, at tsok Pangkat 4 – papel, lapis, at pantasa 8

8. Bigyan ng 10 puntos ang mga pangkat na makakukuha ng tatlong tamang bagay, 5 puntos sa makakakuha ng dalawang tamang bagay, at 3 puntos sa makakukuha ng isang tamang bagay lamang.ARALIN 3 Ang Teritoryo ng PilipinasLayunin 1. Nakagagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansiya, at direksiyon 2. Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapaPaksang AralinPaksa : Ang Teritoryo ng PilipinasKagamitan : lapis, ruler, at mga mapa ng Asya at mundoSanggunian : Learner’s Material, pp. 15–20 K to 12 – AP4AAB-Id-6; AP4AAB-Id-7PamamaraanA. Panimula 1. Ipakita ang ilustrasyon sa mga bata. Sabihing ipagpalagay nila na may bata sa gitna ng Pilipinas at kaniyang mga kamag-anak o kaibigan sa palibot nito. Sabihin na karamihan sa mga Pilipino ay may kamag-anak o kaibigang nakatira sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng mapa at mga batayang heograpiya, matutulungan mo silang malaman o matalunton ang kinalalagyan ng Pilipinas at maging ang hangganan at lawak nito. a. Pabuuin ang mga mag-aaral ng pangkat na may limang kasapi. b. Ipalabas ang kanilang mga ruler at lapis. c. Gamit ang mapa at ruler, ipasulat ang distansiya mula sa Pilipinas patungo sa mga bansang nakapaligid dito. 2. Itanong: a. Batay sa inyong ginawa, ano ang napansin ninyo sa distansiya o layo ng mga kamag-anak at kaibigan ng bata? b. Taga-saang lugar ang pinakamalapit sa bata? 9

c. Taga-saang lugar naman ang pinakamalayo? d. Ano ang ginawa ninyo para masukat ang layo o distansiya ng bata mula sa mga kamag-anak o kaibigan niya sa ibang bansa? 3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Maaaring sagot: a. Magkakaiba ang layo ng mga kaibigan o kamag-anak ng bata. b. Malaysia c. USA d. Gumamit ng ruler at lapis sa pagsukat ng linya. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin. Alam ba ninyo na maaaring sukatin ang layo ng Pilipinas sa ibang lugar sa mapa na parang ito talaga ang totoong distansiya o layo nila sa isa’t isa? Iyan ang aalamin natin sa araling ito.B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 15. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang mga sagot nila. 3. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa teritoryong sakop ng Pilipinas at ang distansiya ng mga nakapaligid dito. 4. Ipagawa ang mga gawain. Sabihan ang mga mag-aaral na kumuha ng kapareha. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 17. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang notbuk. Ipagawa sa magkaparehang mag-aaral ang Gawain B sa LM, p. 17. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, pahina 18. Gamit ang dating magkakapareha ipagawa ang isinasaad ng panuto sa Gawain C. Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 18.Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, p. 19.Takdang Gawain Magdala ng mapang pangklima ng Asya o ng mundo. 10

Susi sa Pagwawasto Ang sagot ay depende sa mapang gagamitin. Gumamit ng ruler sa pagwawasto ng sagot ng mga mag-aaral gamit angiskalang 1 cm = 5 000 km. Ang sagot ay depende sa mapang gagamitin at sa bansa o lugar na mapipiling mag-aaral. Gumamit ng ruler sa pagwawasto ng sagot ng mga mag-aaral gamit angiskalang 1 cm = 5 000 km. Maaaring sagot: Napakaganda ng lokasyon at teritoryo ng Pilipinas dahilnapapalibutan ito ng iba’t ibang anyong lupa. (Maaaring may iba’t ibang sagotang mga mag-aaral.)Natutuhan Ko I. 1. D 2. C 3. D 4. C 5. BII. Ang sagot ay depende sa mapang gagamitin ng mag-aaral o ipagagamit ng guro. Gumamit ng ruler sa pagwawasto ng sagot ng mga mag-aaral gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km.III. Ang may tsek (3) ay ang sumusunod: 1. tubig 2. napakalayo sa Pilipinas 3. medyo malayo 4. mas maliit 5. mainam sa kalakalan at mayaman sa yamang likas 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. 2. Bigyan sila ng task card na naglalaman ng sumusunod: Gamit ang mapa ng Asya at ruler na nakabatay sa iskalang 1 cm = 5 000 km, ibigay ang mga lugar na tinutukoy sa sukat na distansiya sa iskala. a. Anong lugar ang nasa 50,000 kilometrong layo sa kanluran ng Pilipinas? b. Anong lugar ang nasa 20,000 kilometrong layo sa hilaga ng Pilipinas? c. Anong lugar ang nasa 60,000 kilometrong layo sa silangan ng Pilipinas? d. Anong lugar ang nasa 10,000 kilometrong layo sa timog ng Pilipinas? 3. Isulat ang sagot sa ika-apat na bahagi ng papel at kapag nasagot na lahat ng apat na tanong, pumunta ang lahat ng kasapi ng pangkat sa harapan ng klase. Sabihin ang mga lugar na isinagot. 11

4. Bigyan ng puntos ang mga pangkat batay sa bilang ng kanilang tamang sagot. 4 na tamang sagot = 20 puntos 3 tamang sagot = 15 puntos 2 tamang sagot = 10 puntos 1 tamang sagot = 5 puntosARALIN 4 Ang Pilipinas ay Bansang TropikalLayunin 1. Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo 2. Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikalPaksang AralinPaksa : Ang Pilipinas ay Isang Bansang TropikalKagamitan : mapang pangklima ng mundo, tsart ng Loop-A-Word sa manila paper, at panulatSanggunian : Learner’s Material, pp. 21–26 K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8PamamaraanA. Panimula 1. Ipaskil ang tsart ng Loop-A-Word sa pisara. 2. Pabilugan sa mga mag-aaral ang salitang inilalarawan sa bawat bilang sa LM, p. 21. 3. Itanong: a. Ano-anong klima at panahon ang natukoy sa pagbilog sa mga salita? b. Alin sa mga natukoy ang panahong nararanasan sa Pilipinas? c. Ano kaya ang klimang nararanasan sa Pilipinas? 4. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. 5. Iugnay ang mga sagot sa aralin.B. Paglinang 1. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa pagiging bansang tropikal ng Pilipinas sa p. 22 ng LM. 2. Ipagawa ang mga gawain. Pangkatin ang klase sa lima. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 24. 12

Ipagawa sa magkaparehang mag-aaral ang Gawain B sa LM, p. 24. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng gawain. Ipabahagi sa kapareha ang nagawa. Bumuo ng pangkat na may 3-5 kasapi. Ipagawa ang isinasaad ng panuto sa Gawain C sa LM, p. 24. Ipasulat sa papel ang nalikhang awit. Ipaawit ito sa klase. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 25.Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 25–26 ng LM.Takdang Gawain Magdala ng mapang pangklima.Susi sa Pagwawasto Mga maaaring sagot: Pilipinas, India, Yemen, Omman, Malaysia, at Indonesia Ang sagot ay depende sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Rubric sa Paglikha ng Awit 3 21 Napalutang o naipakitaKaangkupan sa nang ganap ang paksa o Napalutang o naipakita Hindi lumutang oPaksa – 3 tema sa awit. ang paksa o tema sa naipakita ang paksaPagkamalikhain Naipakita ang pagiging awit. o tema sa awit.–3 malikhain sa paglikha ngKooperasyon – 3 awit. Nakapagpakita ng Hindi masyadong Bawat isa ay nakibahagi kaunting pagka- malikhain ang pag-Nilalaman – 3 sa paglikha at malikhain sa awit. kakagawa ng awit. pagtatanghal ng awit.Paglalapat ng Karamihan ay May mga hindi naki-musika – 3 Ang awit ay kawili-wili at makahulugan. nakibahagi sa paglikha bahagi sa paglikha Napakaganda ng himig at pagtatanghal ng at pagtatanghal ng ng awit. awit. awit. Ang awit ay Ang awit ay kawili- makahulugan ngunit wili ngunit hindi di gaanong kawili-wili. makahulugan. Maganda ang himig May maayos na ng awit. himig ang awit.

Natutuhan Ko I. Ang mga dapat may tsek: Ang bansa ay bahagi ng Asya. Kadalasang mainit ang panahon sa bansa. Malapit na malapit sa ekwador ang bansa, Nabibilang ang bansa sa mga lugar sa mababang latitud. Nakararanas ng matinding init ng panahon ang bansa. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa.II.III. May kani-kaniyang sagot ang mga mag-aaral. Maaaring sagot: Maganda Hindi MagandaMasarap maligo sa dagat o beach. Maaaring magkasakit sa sobrang init.1. Pangkatin ang klase sa lima.2. Ibigay sa bawat pangkat ang papel na may word hunt.3. Ibigay ang panuto: a. Hanapin ang mga salita o pahayag sa loob ng kahon na may kaugnayan sa pagiging tropikal ng isang bansa. b. Pabilugan ang makikitang mga salita o pahayag. c. Bibigyan lamang kayo ng limang minuto para gawin ang task. d. Ang pinakamaraming mabilugang tamang salita o pahayag ang panalo at tatanggap ng 20 puntos at masigabong palakpakan. 14

e. Ang ibang pangkat naman ay maaaring bigyan ng 5 hanggang 15 puntos ng guro depende sa dami ng kanilang nabilugang tamang salita o pahayag. WORD HUNT BOXadfgqweazvbnmjkalqaranmqfjkloopaeuoqtldf g a q t e y I a aj a c k e t u y o d e t e p a y o n g e q u y o a s k n n klzaghadtklzacbnkopqatrsn aqktwxbzmsnowhasadfgqweazvbnmjkalqaranmqfjkloopaeuoqtldfgaqteyIaadepamaypayqyeloaqerwqy wlhalohalomaczvbahrtyuazvn mabcdef ghijkm azxcvwintesxa aqaadfgqweazvbnmjkalqaranmqfjkloopaeuoqtld f g a a z d g a e q l j s t a g- i n i t a z x v b n a q k b a g y o f u r coataqwazvhjasgqaasdafgadfgqweazvbnmjkalqaranmqfjkloopaeuoqteyIaabahaykuboqeadfgqweazvbnmjkalqaranmqfjkloopaeuoqtldfgaqteyIaahaqsdpolarbeardazbjklqpoqryadgjamainitnapanahonawetqjsklqbklqheryankargshkalmqeuIaadfgqweazvbnmjkalqaranmqfjkloopaeuoqtldfgaqte bdaklanqmjkalqaranmqfjkloopaeuoqtldfgaqteadfgqweazvbnmjkalqaranmahalumigmigdqagetaqraetui kloopaeuoqtlkloopaeuoqtlkloopaeuoqtl 15

ARALIN 5 Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng BansaLayunin1. Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalamansa klima ng bansa2. Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapangpangklimaPaksang AralinPaksa : Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng BansaKagamitan : globo, thermometer, malaking mapang pangklima ng Pilipinas (ilagay sa manila paper), at larawan ng takbo ng hangin kapag may bagyoSanggunian : Learner’s Material, pp. 27–37 K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). MISOSA Lesson #9 (Grade IV) www.gov.ph/crisis-response/the-philippine-public-storm- warning-signals/PamamaraanA. Panimula 1. Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa “Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal.” a. Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas. b. Ipasabi sa mga bata ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo. c. Sabihin sa mga bata na magbigay ng patunay na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. 2. Maghanda ng apat na thermometer na ipagagamit sa bawat pangkat. Pangkatin sa apat ang klase at ipakuha ang temperatura sa silid- aralan, sa isang silid na may aircon, sa labas ng silid-aralan, at sa bagong kulong tubig. Ipaliwanag sa mga bata ang wastong paggamit ng thermometer at ang pagsulat ng temperatura nito. Ipalahad sa klase ang ginawa ng bawat pangkat. Itanong: a. Ano ang temperatura ng silid-aralan? ng silid na may aircon? sa labas ng silid-aralan? sa bagong kulong tubig? b. Mataas ba ito o mababa? c. Ano ang nadarama kapag mataas ang temperatura? d. Ano ang nadarama kapag mababa ang temperatura? 3. Magpabalita sa harapan ng klase tungkol sa klima ng bansa. Iugnay ang mga kasagutan ng bata sa aralin. 16

B. Paglinang 1. Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang iba pang salik na may kinalaman sa klima ng bansa. Tanggapin ang lahat ng sagot. Isulat sa pisara. Gamitin ang tanong sa simula ng bahaging Alamin Mo sa LM sa p. 27. 2. Talakayin at pag-usapan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa: a. Temperatura b. Dami ng ulan 3. Ipakita sa mga bata ang malaking mapang pangklima ng Pilipinas. Talakayin ang mga panandang ginamit sa mapa. 4. Talakayin din ang mga babala ng bagyo sa p. 33 ng LM. 5. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, pp. 34–35. 6. Bigyang diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo sa p. 35 upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman.Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 36–37ng LM.Takdang Gawain 1. Gumawa ng isang linggong talaan ng temperatura sa inyong lugar sa tuwing 12:00 ng tanghali. Itala sa tsart gamit ang tsart tulad ng nasa ibaba. Lunes Martes Miyerkoles Huwebes Biyernes Sabado Linggo 2. Kapanayamin ang ilang opisyal ng inyong barangay tungkol sa ginagawa nilang kahandaan tuwing may paparating na bagyo.Susi sa Pagwawasto1. I 3. G 5. E 7. A 9. B2. H 4. F 6. J 8. C 10. D (Hinahayaan sa guro ang pagpapasiya. Gamitin ang inihandang malakingmapang pangklima. Ipalit ang kulay sa mga panandang ginamit—pula para saunang uri, dilaw para sa ikalawang uri, asul para sa ikatlong uri, at berde parasa ikaapat na uri.)1. Ang climate change o pagbabago sa klima ay pinaniniwalaang sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera. Nakaaapekto ito sa lalo pang pagtaas ng temperatura kung panahon ng tag- araw na hindi pangkaraniwang pangyayari sa ating kalikasan. 17

2. May mga pagkakataon kasi na ang kakaibang pag-ihip ng malakas na hangin ay nagpapatuloy hanggang sa ito ay maging isang bagyo.3. May mga lalawigang nakararanas ng maulang klima sa buong taon dahil sa kalapitan ng mga ito sa baybayin at kawalan ng mga bundok na hahadlang sa ulang dala ng hanging amihan at habagat.4. Hihikayatin ko ang aking mga magulang at kasambahay na lumikas na at pumunta sa ligtas na lugar o evacuation center upang makasiguro sa aming kaligtasan. (Hinahayaan sa guro ang pagpapasiya dahil maaaring magkakaiba ang kasagutan ng mga bata.)Natutuhan Ko 3. B 5. C 7. A 9. A I. 1. D 4. B 6. C 8. D 10. C 2. AII. 1. Hanging amihan 2. Hanging habagat 3. Unang Uri – kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan 4. Ikalawang Uri – umuulan sa buong taon 5. Ikatlong Uri – maulan at may maikling panahon ng tag-araw 6. Ikaapat na Uri – pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon 7. Babala Bilang 1 – kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras 8. Babala Bilang 2 – kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 na oras 9. Babala Bilang 3 – kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras 10. Babala Bilang 4 – kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 orasARALIN 6 Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa PilipinasLayunin Napapaliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ng mga pananim athayop sa PilipinasPaksang AralinPaksa : Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa PilipinasKagamitan : mapa ng Pilipinas, malaking larawan ng kagubatan, mga ginupit na larawan ng mga piling pananim at hayop na nakikita at di- nakikita sa bansa, scotch tape o masking tape 18

Sanggunian : Learner’s Material, pp. 38–47 K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). MISOSA Lesson #9 (Grade IV) Doblada, E.A. (1998) J.C. Palabay Enterprises, Inc.PamamaraanA. Panimula 1. Bilang pagbabalik-aral muling pag-usapan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa. Magdaos din ng maikling drill sa pagbibigay-kahulugan sa sumusunod na mga kaisipan at terminolohiya— temperatura, climate change, mga hanging monsoon (hanging amihan, hanging habagat), apat na uri ng klima, bagyo, at mga babala ng bagyo. 2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa. 3. Maghanda ng malaking larawan ng isang kagubatan. Ipaskil ito sa pisara. Mamigay sa mga bata ng mga ginupit na larawan ng mga piling pananim at hayop na nakikita at di-nakikita sa bansa. Ibigay ang larawan ng mga pananim sa mga babae at sa mga lalaki naman ang mga larawan ng mga hayop. Ipasuri sa mga bata ang larawan. Ipadikit sa malaking larawan ang mga pananim at hayop na sa Pilipinas lamang makikita. Iugnay ang pambungad na gawaing ito sa tatalakaying aralin.B. Paglinang 1. Pukawin ang kawilihan ng mga bata. Itanong: Ano ang kinalaman ng klima sa uri ng pananim at hayop na mayroon sa bansa? 2. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo sa mga pp. 38–44 ng LM. Bigyang-diin sa pagtatalakay ng aralin ang kinalaman ng klima sa pagkakaroon ng mga pananim at hayop na sa Pilipinas lamang makikita. Patunghayan din sa LM ang mga nakalarawang halimbawa ng tinutukoy na mga pananim at hayop sa bansa upang madali nilang makilala ang mga ito. 3. Bilang pagpapahalaga sa mga pananim at hayop sa Pilipinas, kunin ang kanilang mga mungkahi sa pagpapanatili at pangangalaga sa mga pananim at hayop na mayroon sa ating bansa. Himukin din silang magbigay ng mungkahi tungkol sa pagkasira at pagkawala ng likas na kapaligirang matitirahan ng mga hayop na nanganganib nang maubos. 4. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, pp. 45–46. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo sa LM, p. 46 upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman at isabuhay. 19

Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa p. 47 ng LM.Takdang Gawain 1. Gumawa ng talaan ng mga pananim at hayop na makikita sa inyong lugar. (Ipasulat sa tsart gaya ng nasa ibaba.) Mga Pananim Mga Hayop 2. Sumulat ng isang talata na may kinalaman sa mga paraan kung paano masasagip ang mga hayop na unti-unti nang nawawala o nauubos.Susi sa Pagwawasto P XKA LA W T A I MA MA G A LYLB RN P L AZ RA UV T I Y Q MC NZ U S WA SA TD B A TNI Y OG O Y B A KA WA N K1. palay 6. talisay2. niyog 7. tamaraw3. tubo 8. mamag4. abaca 9. pilandok5. bakawan 10. kalaw 20

1. Kinakailangan ang temperaturang hindi bababa sa 21°C at hindi naman tataas sa 32°C.2. Katamtamang patubig lamang at kailangang mataba ang lupang pagta- taniman ng abaka. Kailangan ding nakakubli ito sa hangin dahil may kababawan lamang ang ugat nito.3. Kinakailangan ang katamtamang dami ng ulan sa pagpapalaki ng tubo. Hindi dapat bababa sa 30 ang temperatura upang matiyak ang paglaki nito.4. Mamasa-masa at makapal na lupa ang kinakailangan upang mabuhay ang mga punongkahoy. Kinakailangan nito ang maulan at diretsong sikat ng araw upang lalong yumabong.1. Mas maiksi ang sungay ng tamaraw kaysa sa kalabaw. Bahagyang matambok ang gawing itaas ng mukha nito at may kalakihan ang tainga.2. Ang mukha nito ay inihahambing sa daga kaysa sa itsura ng usa. Maihahalintulad ang mga paa nito sa baboy at katulad ng sa baboy-ramo ang mga pangil nito.3. Inihahambing sa daga ang itsura at laki nito. Ang pagkakaiba nga lamang ay malaki at bilugan ang mga mata nito. Idagdag pa rito ang kahabaan ng mga daliri nito sa kamay at paa.4. Ito ay may malaking tuka, pinagsamang kulay abo at tsokolate ang katawan nito at kulay asul ang kaniyang mga mata. Mamuti-muti ang leeg at tiyan nito. Umaabot sa tatlong talampakan hanggang isang metro ang laki nito.Natutuhan Ko 6. Mali – niyog I. 1. Tama 7. Tama 2. Tama 8. Tama 3. Tama 9. Tama 4. Tama 10. Tama 5. Mali – tuboII. 1. Sapagkat ang palay ay tumutubo sa lahat ng dako ng bansa lalo na sa mga lupang di-gaanong malagkit kung magputik. 2. Ang maulan at mainit na klima sa bansa ay nakatutulong sa mabilis na paglaki ng palay. 3. Unti-unting nauubos ang ilang hayop sa bansa dahil sa pagkasira ng kanilang likas na kapaligiran gaya ng kagubatan na nagsisilbing tirahan nila. 21

ARALIN 7 Ang Pilipinas bilang Isang Bansang InsularLayunin Napapaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritimeo insularPaksang AralinPaksa : Ang Pilipinas bilang Isang Bansang InsularKagamitan : mapa ng Pilipinas, larawan ng mga daungan ng mga sasakyang pandagat, larawan ng mga turista sa baybay-dagatSanggunian : Learner’s Material, pp. 48–52 K to 12 – AP4AAB-Ig-9 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). MISOSA Lesson #13 (Grade VI)PamamaraanA. Panimula 1. Bilang pagbabalik-aral, muling pag-usapan ang kinalaman ng klima sa mga uri ng mga pananim at hayop sa bansa. 2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa. 3. Bilang pangganyak sa pagsisimula ng aralin, pasagutan sa mga bata ang sumusunod na mga tanong: a. Ano ang pagkakaunawa ninyo sa salitang maritime o insular? b. Ano ang dahilan ng pagiging bansang maritime o insular ng Pilipinas? Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata at ipasulat ito sa pisara. Sabihing babalikan ito pagkatapos ng pagtatalakay sa aralin upang mapagtibay ang kawastuhan ng kanilang mga sagot.B. Paglinang 1. Itanong sa mga bata kung bakit tinawag na kapuluan ang bansa. Ipalarawan ang bansa bilang isang kapuluan. 2. Ipaskil ang mapa ng Pilipinas sa pisara. Ipasuri sa mga bata ang mga katubigang nakapaligid sa bansa bilang isang kapuluan. 3. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo sa p. 48 ng LM. Bigyang-diin sa pagtatalakay ng aralin ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime o insular. Pag-usapan din ang kapakinabangan ng pagiging maritime o insular ng bansa. 22

4. Bilang pagpapahalaga sa katubigan ng bansa, kunin ang kanilang mga mungkahi sa pagpapanatili at pangangalaga sa mga katubigan ng bansa. 5. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, p. 50. 6. Bigyang-diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman.Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa p. 51 ng LM.Takdang Gawain Magsaliksik pa ng mga karagdagang kapakinabangan ng pagiging bansangmaritime o insular ng Pilipinas.Susi sa Pagwawasto1. Ang maritime o insular ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa. Dahil sa pagiging kapuluan ng bansang Pilipinas, asahan itong napapalibutan ng mga dagat at karagatan.2. — Akmang-akma ang mga baybaying-dagat sa pagpapatayo ng Tanggulang Pambansa. — Ang kainaman ng mga daungan sa bansa ay nagsisilbi ang mga itong daanan ng mga sasakyang pandagat. — Nagsisilbi rin itong daanan ng mga kalakal mula sa ibang bansa. — Sa mga dagat na nakapaligid sa bansa nakakukuha ng mga yamang dagat na nakatutulong sa kabuhayan ng bansa. — Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito. Hinahayaan sa guro ang pagwawasto. Tiyaking nasa iginuhit na mapa angtamang kinalalagyan ng Karagatang Pasipiko (gawing silangan), Bashi Channel(hilaga), West Philippine Sea o Kanlurang Dagat Pilipinas (gawing hilaga atkanluran), at Dagat Celebes (timog).Natutuhan Ko 2. D 3. E 4. B 5. C I. 1. F 2. A 3. D 4. B 5. AII. 1. B

ARALIN 8 Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa BansaLayuninNapaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ngbansaPaksang AralinPaksa : Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa BansaKagamitan : mapang pisikal ng Pilipinas, malaking mapa ng Pilipinas na blangko, larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa, flashcards na may mga pananda ng mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa, scotch tape/masking tapeSanggunian : Learner’s Material, pp. 53–66 K to 12 – AP4AAB-Ig-h10 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). Miranda, N.P. (2013). Ang Pamayanang Pilipino. Valenzuela City: Jo-Es Publishing House, Inc. MISOSA Lesson #16 & #17 (Grade VI)PamamaraanA. Panimula 1. Bilang pagbabalik-aral, muling pag-usapan ang pagiging bansang maritime o insular ng Pilipinas. Ipaisa-isa ang mga dagat at karagatang nakapaligid sa bansa. 2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa. 3. Bilang pangganyak sa pagsisimula ng aralin, magpakita ng mga larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa mga bata. Ipatukoy sa kanila ang mga larawang ipakikita.B. Paglinang 1. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo sa p. 53 ng LM. Bigyang-diin sa pagtatalakay ng aralin ang paghahambing sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa. 2. Ipakilala sa mga bata ang mapang pisikal ng bansa upang lubusan nilang malaman ang kinalalagyan ng mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa. 3. Ipaskil ang blangkong mapa ng Pilipinas sa pisara. Ipamahagi sa mga bata ang mga flashcard ng mga pananda para sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa. Magbigay ng halimbawang pangalan ng mga anyong lupa at anyong tubig. Itanong kung saan ito matatagpuan. 24

Tumawag ng isang bata na magdidikit nito. Ipagpatuloy ang gawain hanggang sa makabuo ng mapang pisikal. 4. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, pp. 63–64. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo sa p. 65 upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman.Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 65–66ng LM.Takdang Gawain Gumawa ng mapang pisikal ng Pilipinas gamit ang mga panandang natutuhanpara sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa.Susi sa Pagwawasto 1 Z 6A M B A L E 7S 8S 9P U2 C H O C O 10 L I EI LL LN AT EH I U S EG BA R A EY O SE R G YAT 3A R N M 4M A Y N D 5R A AY E 25

1. Kapatagan at talampas Pagkakatulad : Parehong may malawak na patag na lupa Pagkakaiba : Ang kapatagan ay patag na lupa samantalang ang talam- pas ay mataas na anyong lupa na patag ang ibabaw.2. Bundok at burol Pagkakatulad : Parehong mataas na anyong lupa Pagkakaiba : Mas mataas na anyong lupa ang bundok kaysa sa burol.3. Kipot at tsanel Parehong nagdurugtong sa dalawang malaking anyong Pagkakatulad : tubig Ang kipot ay isang makipot na anyong tubig samantalang Pagkakaiba : ang tsanel ay malalim na anyong tubig na bahagi ng isang kanal o ilog.4. Look at golpo Pagkakatulad : Parehong bahaging tubig na naliligid ng lupa. Pagkakaiba : Ang look ay bahagi ng dagat samantalang ang golpo ay bahagi ng karagatan.Punan ang tsart sa ibaba. Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa Anyong Lupa Paglalarawan Halimbawa1. Kapatagan Patag at malawak na lupain2. Bundok Pinakamataas na anyong lupa Gitnang Kapatagan ng Luzon3. Burol Mataas na lupa ngunit mas Bundok Apo, Bundok ng Sierra4. Talampas mababa sa bundok at pabilog Madre, Bundok Arayat, Bundok ang hugis ng itaas nito Caraballo, Bundok Cordillera, Mataas na bahaging lupa ngunit Bundok Samat, Bundok Mariveles, patag ang ibabaw Bundok Natib, Bundok Pulog, Bundok Silay, Bundok Madalangan, at Bundok Diwata Chocolate Hills, mga burol sa lalawigan ng Rizal, Batangas, Samar, Leyte, at Gitnang Luzon Lungsod ng Baguio, Talampas ng Lanao, at Bukidnon 26

Mga Pangunahing Anyong Tubig sa Bansa Anyong Tubig Paglalarawan Halimbawa1. Karagatan Karagatang Pasipiko2. Dagat Pinakamalalim, pinakamalawak, at pinakamalaki sa lahat ng mga West Philippine Sea, Dagat3. Tsanel anyong lupa Celebes, Dagat Pilipinas, Dagat Bahagi ng karagatan, ang tubig Visayas, Dagat Mindanao, at Dagat dito ay mas mainit kaysa sa Sulu karagatan Bashi Channel Nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig; malalim na anyong tubig na bahagi ng isang kanal o ilog4. Kipot Makipot na anyong tubig na Kipot ng San Bernardino, Kipot ng5. Golpo nagdurugtong sa dalawang Iloilo, Kipot ng Biliran, Kipot ng6. Look malalaking anyong tubig Basilan, at Kipot ng Sarangani Golpo ng Lingayen, Golpo ng Tulad ng look na halos naliligid Ragay, Golpo ng Albay, Gulpo ng ng lupa at ito ay bahagi rin ng Leyte, at Golpo ng Sibuneg karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat. Look ng Maynila Isang bahagi ng dagat na nakapasok sa baybayin nitoNatutuhan Ko I. 1. Wasto 2. Wasto 3. Hindi wasto – Ang bulkan ay tulad din ng bundok, ang pagkakaiba nga lamang ay ang bunganga ng tuktok nito. 4. Wasto 5. Wasto 6. Hindi wasto – Ang tsanel ay bahagi ng isang kanal o ilog. 7. Wasto 8. Wasto 9. Wasto 10. WastoII. 1. I 3. J 5. G 7. D 9. E 2. C 4. H 6. B 8. A 10. F 27

ARALIN 9 Mga Pangunahing Likas na Yaman ng BansaLayunin 1. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa 2. Nailalarawan ang yamang lupa, yamang tubig, at yamang mineral 3. Nalalaman ang kahalagahan ng likas na yaman 4. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng likas na yamanPaksang AralinPaksa : Mga Pangunahing Likas na Yaman ng BansaKagamitan : mga larawan ng anyong lupa at anyong tubig, manila paperSanggunian : Learner’s Material, pp. 67–72 K to 12 competenciesPamamaraanA. Panimula 1. Magpakita ng magagandang larawan ng yamang-tubig tulad ng ilog na may malinis na dumadaloy na tubig, malinis na baybay-dagat, bundok na marami pang punong nakatanim at pamayanan na maayos at ang mga nakatira doon ay masasayang nag-uusap. Maaari ding ipakita sa mga mag-aaral ang larawan sa ibaba. Pagkatapos, ipalarawan sa kanila ang tungkol sa nilalaman ng larawan. 2. Itanong: Ano-ano ang nakita ninyo sa mga larawan? Paano nakatutulong sa atin ang mga binanggit ninyo tulad ng mga ilog, karagatan, at bundok? 3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral. 4. Iugnay ang mga ito sa aralin. 28

B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 67. 2. Magkaroon ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. 3. Talakayin isa-isa ang mga likas na yaman ng bansa sa bahaging ito. a. Yamang lupa b. Yamang mineral c. Yamang tubig 4. Bigyang-diin ang sagot ng mga mag-aaral na angkop sa aralin. a. Ano ang kahulugan ng likas na yaman? b. Anong mga likas na yaman ang matatagpuan sa inyong lugar? c. Paano nakatutulong sa inyo ang mga likas na yamang ito? d. Ano ang maaaring mangyari kung pababayaan ang mga likas na yaman sa inyong lugar? e. Bakit kailangan ang pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa? 5. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Bumuo ng limang pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 69. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Pasagutan ang mga tanong 1–3. Ipaulat sa mga mag-aaral ang natapos na gawa ng kanilang pangkat. Gamitin ang kaparehong pangkat sa naunang gawain. Ipaliwanag na sasagutin ang Gawain B, p. 70 ng LM. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na magbibigay pa sila ng mga halimbawa ng likas na yaman na makukuha sa: 1. lupa 2. minahan 3. tubig Sabihin sa bawat pangkat kung saan nila maaaring ipaskil ang kanilang natapos na mga gawain. Magsagawa ng Gallery Walk kung saan ang bawat pangkat ay maglilibot at titingnan ang ginawa ng ibang pangkat. Isusulat nila ang kanilang mga puna sa ibaba ng nakapaskil kung mayroon. 29

Gamitin ang parehong pangkat sa mga naunang gawain. Ipaliwanag ang pamamaraan sa Gawain C. Ipahanda ang mga kagamitan. Magbigay ng paalaala sa mga mag-aaral sa pagiging maayos at malinis sa paggawa ng gawain. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 70. Ipadikit sa bulletin board ang natapos na gawain ng mga pangkat. 7. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 71.Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko, pp. 71–72 ng LM.Takdang Gawain Magdala ng mga larawan ng magagandang tanawin na madalas nilangpuntahan. Gagamitin ito sa susunod na aralin.Susi sa Pagwawasto Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Yamang lupa Yamang mineral Yamang tubigabaka bakal koralesgoma carbon sinarapankapok chromite perlaswaling-waling sulphur pandaka pygmaeatubo tansoenerhiyang geothermal enerhiyang geothermalMaaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.Natutuhan Ko 6. Mali I. Tama o Mali 7. Tama 1. Tama 8. Tama 2. Tama 9. Tama 3. Mali 10. Tama 4. Mali 5. MaliII. Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook