MUSIC 4
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas PambansaBilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kungsaan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad naroyalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) naginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isangkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mgaakdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. MarianoInilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected] ii
Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihandaupang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahansa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito nalubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ngsining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak atnatural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhanang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitinat tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, namagdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay samaraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaralupang magkaroon ng: • mapanuri at replektibong pag-iisip; • mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; • mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at • mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulongupang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaralng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic EducationProgram tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. iii
Talaan ng NilalamanMUSIKAYunit 1 – Rhythm Aralin 1: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika........... 5 Aralin 2: Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic Pattern at Time Signature..................................... 8 2 Aralin 3: Ang Rhythmic Pattern at ang 4 Time Signature...... 12 3 Aralin 4: Ang Rhythmic Pattern sa 4 Time Signature............ 15 3 Aralin 5: Ang Accent at Rhythmic Pattern sa 4 Time Signature.............................................................. 19 4 Aralin 6: Ang Rhythmic Pattern sa 4 Time Signature...... 22 Aralin 7: Ang Accent sa mga Recorded Music................... 28 Aralin 8: Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas ..... 31 Glossary .............................................................................. 267 Appendix .............................................................................. 274 iv
Yunit IRhythm 3
Gaya ng musika, ang mga bagay sa paligid ay mayroon dingrhythm. Ang patak ng ulan, tunog ng orasan, paghampas ng alonsa dalampasigan, at ang tibok ng ating puso ay ilan lamang samga bagay na may rhythm. Ang rhythm ay isa sa mga elemento ng musika natumutugon sa pagpapangkat-pangkat ng tunog ayon sa timesignature. Sa yunit na ito, malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaralsa pagkilala ng iba’t ibang uri ng mga note at rest, kasama ang ibapang simbolong pangmusika. Gayundin ang pagbabasa atpagsusulat ng rhythmic pattern sa mga meter na dalawahan,tatluhan, at apatan, gamit ang mga time signature na at nakasabay ang galaw ng katawan tulad ng pagpalakpak, pagtapik,pagmartsa at pagsayaw o iba pang paraan ng pag-indak o pag-indayog ng katawan, na akma sa rhythm. Tatalakayin din sa yunit na ito ang pamamaraan sapagkumpas ng mga awitin.4
Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika Bawat komposisyong musikal ay binubuo ng iba’t ibangnote at rest at ng iba pang simbolong pangmusika. Ang bawatnote ay may katumbas na rest. Sa araling ito, matututuhan angpakikinig, pagkilala, pagbasa, paggalaw, at pagsulat ngrhythmic pattern gamit ang iba’t ibang note at rest.Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sadalawahan, tatluhan, at apatang kumpas: 2 3 4 Awitin ang “Lupang Hinirang”. Bigyang pansin angtamang titik at tono. Tandaan ang mga kailangan sa maayosna pag-awit tulad ng tamang pag-upo, hindi pasigaw, atpaghinga buhat sa diaphragm sa halip na sa lalamunan. 5
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin angchant.Gawin 2 Suriin ang iskor ng awiting “Magandang Araw”. Basahinang titik ng awit at awitin sa pangunguna ng guro. Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit. Pag-aralan kung paano napangkat ang mga note at restsa bawat measure. 6
Tandaan na ang bawat note ay may katumbas na rest.Mga Uri ng Simbolo Bilang ng Kumpas Mga Uri ng Simbolo Note 1 kumpas Rest ½ kumpas Quarter Quarter note restEighth note Eighth restHalf note 2 kumpas Half restWhole note 4 kumpas Whole restAno ang kahalagahan ng mga note at rest sa musika?Sagutin ang sumusunod.1. Ano ang hitsura ng quarter note? Iguhit mo ang iyong sagot.2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note?3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note?4. Ano-ano ang mga note na nasa ikatlong measure ng awiting “Magandang Araw”?5. Ano ang hitsura ng quarter rest? Iguhit mo ang iyong sagot. 7
Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic Pattern, at Time Signature Ang meter ay isa sa mga elemento ng rhythm. Ito angpagkaka-pangkat ng mga kumpas o pulso sa musika.Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sadalawahang kumpas: Pangkat A – Ipalakpak ang beat. Pangkat B – Ipalakpak ang rhythmic pattern. 8
Gawain 2Pangkatang gawain: Gamit ang mga flashcard ng note at rest, bubuo angbawat pangkat ng rhythmic pattern sa dalawahang kumpas.Ipalakpak ang mga nagawang rhythmic pattern.Gawain 3 Pag-aralan at suriin ang awiting “Tayo Na!” - Ano-anong uri ng note at rest ang ginamit sa awitin? - Ano ang meter ng awitin? - Ilan ang bilang ng kumpas sa bawat measure? - Paano nabuo ang rhythmic pattern sa bawat measure? - Ano ang inilagay/ginamit upang mapangkat ang mga tunog? - Awitin muli ang “Tayo Na!” habang ipinapalakpak ang beat ng awit. 9
Gawain 4 Gamit ang barline, pangkatin ang mga note at rest ayonsa time signature. Ang isang measure ay nabubuo sa pamamagitan ngpagsasama-sama ng mga note at rest at ginagamitan ng barlineupang makabuo ng pangkat ayon sa nakasaad na timesignature. Ano ang mangyayari kung may sinusunod tayong mgapatakaran sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay? Tukuyin at isulat ang limang karaniwang rhythmicpattern na matatagpuan o ginamit sa awiting “Tayo Na!”. 1. 2. 3. 10
4. 5.Takdang-aralin Pag-aralan ang awit na “Umayka Ti Eskuela.” Lagyan ngkaukulang bilang ng kumpas ang bawat note at rest ng awitin. UMAYKA TI ESKUELA COME TO SCHOOLUmayka ti eskuela, tapno lumaing ka, Come to school so you’ll be wiseAdu ti masursuro, maestro ti pangulo. Many things you will learnTungpalem ti ‘bagana paginbagan ida, The teacher is the headTaragsak da nanang mo, Do what she says, it is for your own goodken ni pay tatang mo. It is your mother’s joy and your father’s too. 11
Ang Rhythmic Pattern at ang Time Signature Ang ay may time signature na dalawahan ang bilang ngkumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na pangmartsa. Ang bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│. Napapangkat angmga bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng barline.Gawain 1 Echo clapping: Ipalakpak ang sumusunod. 1) 4) 2) 3) Awitin ang “Umayka Ti Eskuela”. Hatiin ang rhythm nito ayon sa time signature. 12
Gawain 2 Awitin nang sabay-sabay ang “Baby Seeds”. - Ilang measure mayroon ang awit? - Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng mga measure? - Tukuyin ang mga note at rest na ginamit sa awitin. - Paano nabuo ang mga measure? - Ano ang time signature ng “Baby Seeds”? - Ilang bilang mayroon ang bawat measure?Gawain 3 Mula sa awit na “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop nasalita ang bawat rhythmic pattern. 1. ______ 2. ______ 3. ______ 4. ______ 13
Gawain 4 Muling awitin ang “Baby Seeds”. Sabayan ng pagtapik/pagpalakpak ng rhythmic pattern ng awitin. Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang note atrest na naaayon sa isang nakatakdang time signature. Ano-ano ang mga gawain na higit na nakatulong sa pag-unawa sa aralin? Pangkatin ang mga note ayon sa time signature at bataysa tamang bigkas ng mga salita. Gumamit ng barline. 14
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature Ang rhythmic pattern sa time signature na aypagpapangkat ng mga tunog sa tatluhan. Ito ay karaniwangsinasabayan ng sayaw na balse o waltz, at may bilang na 1, 2,3.Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern. 1) 4) 2) 5) 3) Awitin ang awit tungkol sa mga note habang ipinakikitaang pagbuo ng iba’t ibang note sa pisara. (Tono: “This is the Way I Brush My Teeth”) We have here a hollow head, a hollow head, a hollow head. We have here a hollow head and we call it a whole note. 15
Then we put a stem on it, a stem on it, a stem on it. Then we put a stem on it and we call it a half note. Then we put a shade on it, a shade on it, a shade on it. Then we put a shade on it and we call it a quarter note. Then we put a flag on it, a flag on it, a flag on it. Then we put a flag on it and we call it an eight note.Gawain 2 Pakinggan ang isang recording ng isang waltz tulad ng“Waltz of the Blue Danube” at maaaring sumayaw omagkumpas ang mga bata habang nakikinig.Gawain 3 Awitin at suriin ang musical score ng “Batang Magalang”. - Ano-anong uri ng note at rest ang makikita sa awit? - May kakaiba ka bang napansin sa pagkakaayos o pagkakasulat ng awitin? Saan nakita ang measure na ito? - Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa bawat measure? 16
Tukuyin ang bilang ng kumpas ng bawat note. Gawin nang sabay ng bawat pangkat. Pangkat 1: Ipalakpak at suriin ang rhythmic pattern ng unang apat na measure ng awitin. Pangkat 2: Itapik ang beat ng awitin.Gawain 4 Awitin ang “Will You Dance With Me?” at sabayan ngnababagay na dance step.T. Martinez Mel SantosGawain 5 Iguhit ang akmang note sa bawat patlang upang mabuoang mga rhythmic pattern sa time signature. 1. 2. 3. 4. 5. 17
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mganote at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature. Sa pag-awit ng “Batang Magalang”, ano ang inyongnaramdaman? Bakit? Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin kasabay ngawitin na may meter? Isulat ang angkop na rhythmic pattern batay sa lyrics ngawitin. Ba- hay ku -bo ka- hit mun- ti 18
Ang Accent at Rhythmic Pattern sa Time Signature Upang makasunod sa daloy ng rhythm o ritmo ng isangmusika, kinakailangang matukoy ang unang kumpas ng beatnito. Ang diin o accent ay karaniwang inilalagay sa unangkumpas upang maging malinaw na makasunod sa daloy ngawitin o tugtugin.Bersiyong Bicol Bersiyong InglesKon dili sin abaniko If hand fan is not with meTapus na ining buhay ko My life will be miserableLawas ko, ay,ay! My body! Oh! My bodyMadedesmayo Fainting will happen,Kun dili sin abaniko If hand fan is not with me 19
Gawain 1 Awitin ang “An Sakong Abaniko”. Suriin ang rhythmic pattern ng “An Sakong Abaniko”. Ipalakpak ang rhythm ng awitin. Ano ang naramdaman mo habang isinasayaw ang balse, umaawit at ipinapalakpak ang rhythm ng awit? Ano ang time signature ng awit? Ano ang kilos na maaaring gawin habang inaawit ito?Gawain 2 Lagyan ng panandang diin (>) ang unang kumpas ngbawat measure ng awit na “An Sakong Abaniko”.Gawain 3 Awiting muli ang “An Sakong Abaniko.” Lagyan ngaccent ang bahaging binigyang diin sa awit. Gawin ito sasagutang papel. Awitin ito ayon sa pagkakalagay ng accent.Gawain 4 Sumayaw habang inaawit ang “An Sakong Abaniko.”Bigyang-pansin ang bahaging may accent. Sa pangkaraniwang kumpas, ang unang note o kumpasng bawat measure ay binibigyan ng accent (>) o diin. Ang accent sa unang kumpas ng rhythmic pattern sa aynagbibigay ng mas maayos na pagsaliw sa mga sayaw na balse. Tulad sa musika, mahalaga ang makasunod sa daloy oritmo ng nangyayari sa buhay ang isang mag-aaral na tulad 20
mo. Kung tahimik ang klase dahil nag-aaral ang mga kamag-aral mo, dapat na tahimik ka rin. Magbigay ka nga ng iba panghalimbawa kung kailan ka dapat makasunod sa daloy ngnangyayari sa iyong paligid. Pagmasdan ang musical score ng “Ang Huni ng IbongPipit”. Lagyan ng accent ang bahagi ng awit na nararapat namay diin.R. Tecson L. Villanueva 21
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature Sa time signature na , may apat na bilang ang bawatmeasure.Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern. Bigkasin ang mga rhythmic syllable. 22
Ating balik-aralan ang pagkumpas ng apat, gamit angkaliwa at kanang kamay. Pakinggan ang “Pop Goes theWeasel” at sabayan ang kumpas nito. Awitin ang “Ang Huni ng Ibong Pipit” (tingnan sa Aralin).Bigyang pansin ang tamang lugar ng accent. Lapatan ngangkop na galaw ang awitin.Gawain 2 Bigkasin ang lyrics ng awiting “We’re on the Upward Trail” ayon sa tamang rhythm. Awitin din ito. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol dito. 23
- Ano-anong uri ng mga note ang makikita sa awit?- May bagong note ka bang nakita? Ano ito?- Ilan ang bilang ng isang whole note?Gawain 3Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awitin.Ano ang time signature ng awitin?Ilan ang bilang sa bawat measure?Bigkasin ang rhythmic syllable ng una at pangalawanglinya ng awit.Itapik/Ipalakpak ang pangatlo at pang-apat na linya.Gawain 4a. Awiting muli ang “We’re on the Upward Trail”. Lapatan ng galaw ng katawan ang bawat note. - takbo - lakad - slide - talon 24
b. Tukuyin/Hanapin ang mga kaparehong measure o mga measure ng sumusunod na rhythmic pattern sa awiting “We’re on the Upward Trail”. 1) 2) 3) 4)Gawain 5 Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit na“Inday Kalachuchi”. 25
Visayan Version English TranslationInday Kalachuchi Inday Kalachuchimay langgam tamsi, there’s a sunbird,Iyang balhibo and it has featherspula ug berde, bright red and green,Ayaw’g hingkalimti, Don’t you ever forget,Ang baryo dinhi, Here in the barrio,Daghang dalaga, Are many maidens,daghang dalaga, many maidensAko ay gwapa But I’m the prettiest Ang rhythmic pattern na may time signature na ay maykaukulang mga note at rest na pinagsasama-sama upangmakabuo ng apat na bilang. Bakit mahalaga ang kaalaman sa iba’t ibang note, rest, attime signature? 26
Isulat sa patlang ang note o rest na bubuo sa measure ngtime signature na (note) 1. (rest) 2. (note) 3. (note) 4. (rest) 5. 27
Ang Accent sa mga Recorded Music Ang rhythm at tiyempo ng mga awitin at tugtugin aymadaling natutukoy sa pamamagitan ng accent na naririnig atnararamdaman sa unang kumpas nito.Gawain 1 Pakikinig: Pakinggan ang “Pop! Goes the Weasel”. Sa anong salita maririnig ang accent? Ipakita ang tsart ng awiting “Ano-ano.” Awitin ito. Ano ang time signature ng awitin? Tungkol saan ang awit? Awitin ang “Ano-ano” na sinasabayan ng paglalakad. 28
Tukuyin ang mga lugar sa awitin na nabigyan ng mas malakas na bigkas o pag-awit bunga ng paglalakad. Awitin nang sabay-sabay ang “Ano-ano” at bigyang pansin ang mga accent.Gawain 2 Gumawa ng rhythmic pattern na angkop sa mga time signature na makikita sa ibaba. Gamitin ang sumusunod na uri ng note at rest.Gawain 3 Awitin ang “Ano-ano”. Lagyan ng akmang galaw ayon satime signature na at sa titik ng awitin. Ang diin ay karaniwang makikita sa unahang bahagi ngmeasure o sa unang kumpas/beat ng isang measure. 29
Ang maayos na pakikinig ay nagdudulot ng malawak napag-unawa. Paano ito naipakikita sa loob ng silid-aralan? Itapik ang sumusunod na mga rhythmic pattern sa HanayA. Piliin sa Hanay B ang awitin na ginamitan ng naturangrhythmic pattern. An Sakong Abaniko 30
Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas Sa bawat araw na may pasok sa paaralan, umaawit ng“Lupang Hinirang” ang mga mag-aaral habang nakatingin saitinataas na watawat. Inaawit naman ang “Pilipinas KongMahal” tuwing ibinababa ito. Madalas na may isang lider na nangunguna sa pag-awitnito habang siya ay kumukumpas. Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong kumumpas ngalinman sa dalawang awit na ito? Pakinggang mabuti ang awiting “Lupang Hinirang”. Tingnan sa tsart ng awitin kung ang lyrics nito ay parehosa binibigkas mo tuwing aawit ka nito. Pansinin ang mgapagkakaiba at isulat ito sa kuwaderno. Batay sa napakinggan, ano ang pamagat ng atingPambansang Awit? Nasa anong palakumpasan ang “Lupang Hinirang”? Sa anong kumpas nagsisimula ang “Lupang Hinirang”? 31
Narito ang mga paalaala kung paano ang pagkumpas ng“Lupang Hinirang”. Tumayo ng tuwid at tumingin sa mga gagabayan ng iyong pagkumpas. Itaas ang braso at ang mga kamay na katapat at kasintaas ng dibdib. Kailangang maramdaman at makita ang unang bagsak ng beat sa bawat measure. Kung nais mong maging malakas ang pag-awit, lakihan ng bahagya ang kumpas. Samantala, liitan lamang ang kumpas kung nais mong hinaan ng mga umaawit ang kanilang boses sa pag-awit. Ibukas ang mga palad upang maging malakas at may diin din ang gagawing pag-awit at itaob ang mga ito para hinaan ang pag-awit. Bigyang kahulugan ang bawat galaw ng kamay sa pagkumpas, ngunit hindi dapat nagdidikit sa gitna ang mga kamay. Sabayan ng kumpas ang recorded music ng “LupangHinirang.” Gayahin ang larawang nasa ibaba. 32
Isagawa rin ang pagkumpas sa “Pilipinas Kong Mahal”habang sinasabayan ang recorded music. Tingnan ang nasa larawan sa ibaba at ikumpas ang“Pilipinas Kong Mahal” sa palakumpasang . Simulan ito sa pataas na kumpas o sa ikatlong bilang. Ang pagkumpas ay isang paraan ng pagtugon sa metricpulse ng awit o tugtuging napakikinggan. Isa itong uri ngkomunikasyon na kailangang maunawaan ng umaawit o ngtumutugtog. 33
Ang pagkumpas ay isang uri ng komunikasyon sa pagitanng mang-aawit o manunugtog at ng tagakumpas. Hindi lamangsa musika ginagamit ang pagkumpas upang makipag-usap.Anong mga kumpas pa ang ginagamit mong paraan ngpakikipag-usap? Paano ito nakatutulong sa malinaw na pag-unawa sa naismong sabihin?Tayahin ang sarili. Gawin ito sa kuwaderno. Di- Nanganga- ilangan ng gaanong TulongKasanayan Napakahusay Mahusay Mahusay1. Nakakumpas akonang tama sarhythm2. Naunawaan ngmga umaawit angkahulugan ngaking pagkumpas3. Nakasunod ako sapamantayan ngpagkumpas4. Tama angposisyon ng akingkatawan atkamay habangkumukumpas5. Naging maganda ang pag- awit/pagtugtog dahil sa aking pagkumpas 34
2-Part Vocal GLOSSARY MUSIKAAcappela bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaringAccent (<) soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenorAntecedentPhrase pag-awit na boses lamang ang naririnig, walangBajo de Arco kasamang instrumentong pansaliwBarline ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measureBassoon nagsisilbing panimulang parirala ng isang musicalBeat phraseCelloChant itinuturing na pinakamalaking instrumentong mayClarinet kwerdas at nagbibigay ng mababang tonoCoda guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staffConsequentPhrase instrumentong hinihipan na may double reed atDescant may makapal na tunogDi-magkatulad ang pulso ng awit o tugtuginna musicalphrase instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola paawit na pagsasalita na walang sukat instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig 267
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis naDynamics kawayan elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas oFlute paghina ng pag-awit o pagtugtogForte (f) instrumentong woodwind na walang reed atFrench Horn pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nitoG Clef malakas na pag-awit o pagtugtogHarmonic instrumentong hinihipan na yari sa inikot naInterval tubong labindalawang talampakan ang haba atHarmonic nababago ang tono sa pamamagitan ng mgaThird Interval piston at valveHarmony simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staffInstrumental na nagtatakda ng tono ng mga note sa staffMusicInterval tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pangKalaleng o magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtogTongali nang sabay binubuo ng dalawang magkaugnay na note naKodaly Hand may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2Sign stepLargo ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos naLedger Line pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde musikang galing sa mga musical instrument ang pagitan ng dalawang tono instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay tempo na mas mabagal sa andante dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff 268
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ngMelodic kumpas na naaayon sa nakasaad na meterOstinatoMelodic isang maikling melodic pattern na paulit-ulit naPhrase tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiyaMeterMusical pariralang panghimig na nagtataglay ng himig naPhrase hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay angMusical Staff pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melodyOboe pantay-pantay na sukat ng rhythm naOctave ipinamamalas sa kumpas o beatOstinatoPalendag ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipanPiano (p)Pitch Name binubuo ng limang linya at apat na puwang naPresto pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol)PrimeRange instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon mahinang pag-awit o pagtugtog pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G) musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis una o isa lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument 269
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa ihipan ng instrumentong woodwindRhythmicOstinato rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog atRhythmic ginagamit na pansaliw sa awitinPatternRote Method ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signatureSaggeypoScore isang paraan ng pagtuturo ng awit naStaff pagagad/paggayaTempoTexture instrumentong etniko na yari sa kawayan atTimbre kahalintulad ng panpipesTonalTrombone ang piyesa ng awit o tugtuginTrumpet binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung saan isinusulat ang music notationTubaViola ang bilis o bagal ng musika o awitinViolin elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog ang uri o kalidad ng tunog Tono instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong- sulong ng slide nito instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family 270
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang bosesWaltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat 271
Mga Awit APPENDIXAko Mananggete MusikaAn Sakong AbanikoAng AlibangbangAng Huni ng Ibong PipitAno-AnoAtin Cu Pung SingsingBaby SeedsBahay KuboBandang MusikaBatang MagalangBatang MasipagChua-ayClean Up Week SongDo a Little ThingEarly to BedGising NaHear the RainHuli Ka!Ili-ili Tulog AnayInday KalachuchiKalesaLittle BandLiza JaneLupang HinirangMagandang ArawMagtanim ay ‘Di BiroManang BidayMasaya Kung Sama-samaOde to JoyOh, Come Play a Merry TuneOh, Who Can Play 274
Ohoy Alibangbang Pamulinawen Paruparong Bukid Pentik Manok Pilipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Rain,Rain Go Away Reach for the Sky Run And Walk Salidommay She’ll be Coming Round the Mountain Song and Dance Tayo Na! Tayo’y Magpasalamat Tayo’y Magsaya Tayo’y Umawit ng ABC Tiririt ng Maya Ugoy ng Duyan Umawit at Sumayaw Umayka Ti Eskuela We’re on the Upward Trail Will You Dance With Me?Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit 275
Bibliography MusikaAntukin: Philippine folk songs and lullabies;Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for YoungReaders, 1998Dazzle 4, Innovative Educational Materials IncHalina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos,Copyright St. Mary’s Publishing Corp.Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42J. C Palabay InterprisesHalina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, IncIlonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. PanganImmortal Philippine Native Songs, Carmelita V. JoseIntroduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy MarasiganLeaflet, 2000, Gloria C. QuintoLower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House,Cultural Arts SeriesMusic, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications,Inc.Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p.52, 1963by MJ Enriquez, Philippine Book CompanyMusical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural ArtsSeriesMusical Wonders Worktext and Teachers Guide 276
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk SongsCompiled and edited by Damiana L. EugenioSanayang Aklat sa Musika 4Chita C. Erice at Victorina A. MarianoSanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza andVictorina MarianoSparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.Internet:Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristohttps://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8Balitaw-Visayan songhttps://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fYBenjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor RogerParker and the Badke Quartethttps://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtMCelso Espejo RondallaCzardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1EChu-ay Sta. Teresita Parish Choralehttps://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMwCordillera hymn-nose flutehttps://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qICordillera Musical Bamboo Instruments 2https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuIDabakan Solohttps://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0Davao Christian High School Orchestra's \"Frozen\" Medleyhttps://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8Gangsahttps://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2kGaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Triohttps://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k 277
Hudhud (Ifugao)https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9IKalesa (by Ernani Cuenco)https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5sKalinga's Musical Instrumenthttps://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduquehttps://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXwKids singing Happy Birthdayhttps://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0Kolitonghttps://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2YKudyapi Master Samaon Sulaimanhttps://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcILeroy Anderson - The Syncopated Clockhttps://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2gLes Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestrahttps://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCULoboc Children's Choir The Prayerhttps://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXMMabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-NagkalituhanDuet by Raye Lucero and Peping de Leonhttps://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0Mindanao Kulintang Ensemblehttps://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAsMindanao Sketches by Antonino Buenaventurahttp://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbAPop! Goes the Weaselwww.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuEOde to Joy by Beethovenhttp://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA 278
Ode to Joy - Piano sheet musichttps://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxUOdiyat Kambayok by Erlyndahttps://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-kPaldong - Julia Yabeshttps://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkIPaldong Lip-Valley Flutehttps://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIUPercussion Familyhttps://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnEPercussion Instrumentshttps://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lcPhilippine Bamboo Orchestra in Beijinghttps://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQPhilippine Marching Bandshttps://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen)https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0FgPhilippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medleyhttps://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4sPhilippine Symphonic Medley PNU Rondalla -https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiEPMA Marching Bandhttps://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI\"Prayer of St. Francis\" sung by the Philippine MadrigalSingershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPEP.Tchaikovsky. Serenade for Strings.https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQSamaon Sulaiman 2https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4Sarah Geronimo solohttps://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE 279
Street Parade at Tagaytay City,Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOYSurprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydnhttp://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8The Brass Familyhttps://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzYThe Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanaohttps://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjggThe Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harphttps://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PLWdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oGThe String Family - A Digital Storyhttps://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0Woodwind instrumentshttps://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1cVivaldi Spring The Four Seasonshttps://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXEYo-Yo Ma The Swan Saint-Saenshttps://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw 280
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204