Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 4

Filipino Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 20:09:33

Description: Filipino Grade 4

Search

Read the Text Version

B. Ano ang isang pangyayaring nasaksihan mo sa inyong pamayanan na may kinalaman sa kakayahan ng bawat tao sa pagpapaunlad ng pamayanan? Ano ang sanhi ng pangyayaring ito? Ano ang naging bunga nito? Kumuha ng tatlong pangkulay at gamitin ito bilang pansulat. Sumulat ng isang talata na may tatlong pangungusap tungkol dito. Gamitin ang mga pangkulay upang maipakita ang pangyayari, sanhi, at bunga.C. Isulat ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap. Sa tapat nito, isulat ang maaaring maging bunga ng bawat pangyayari. Gawin ito sa isang malinis na papel.DEPED COPY Pariralang Bunga Pang-abay Tulong-tulong na naglinis ang mga tao bago magpiyesta.Umusad nang dahan-dahan ang mgasasakyan. Ang mga magsasaka ay nagtatanim sa mga bukiring may patubig. Ang mga mangingisda ay maingat na nanghuhuli ng isda sa dagat na malapit sa Estancia. Maingat na pinagplanuhan ng mamamayan ang gagawin sa mga mahuhuling gumagamit ng dinamita sa pangingisda. 88 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

D. Natapos mo na ba ang liham mo? Gamitin ang pamantayang ito upang mabigyang puna at maiwasto mo bago ito ipasa sa guro. Pamantayan Di-gaanong Mahusay- Mahusay Napaka- Mahusay husay husayNilalamanNaibigay ang layonng pagsulatMaayos angpagkakasunod-sunod ng kaisipanDEPED COPYIstiloMagalang ang tonosa pagsulatAnyoSumunod sapormat napinagagawapasok ang unangtalata; malinis angpagkakasulatHakbang saPagsulatGinamit angwastong gamit ngbantasWastonggramatika atpagbabaybayng mga salita 89 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawin Mo A. Ano ang natatandaan mo sa napakinggang kuwento? Isalaysay ito gamit ang sariling pangungusap. Gawing gabay ang rubrics na ito upang maging maayos ang pagsasanay mo. Pamantayan Pamantayan sa Pagmamarka MayNilalaman KakulanganOrganisasyon Napakahusay KatamtamangTinig at bigkas (3) Husay ( 2) (1) Malaki angKilos DEPED COPYNaipaliliwanag Naipaliwanag kulang sa pagpapaliwa- nang husto ang nang sapat ang nag sa paksa paksa paksa Nawala ang pagkaka Malinaw ang May kaunting sunod-sunod ng mga pagkakasunod- kulang sa pangyayari sunod ng mga pagkakasunod- Mahina ang tinig at pangyayari sunod ng mga maraming maling bigkas pangyayari sa mga salita sa ilang Malakas at May pagkakataon malinaw ang katamtamang pagsasalita linaw at lakas sa Hindi o halos na madaling pagsasalita at hindi nagamit maunawaan may ilang salita ang kilos ang sinasabi at na mali ang may wastong bigkas sa ilang bigkas sa pagkakataon lahat ng pagkakataon Nagamit na ng bahagya Nagamit na ng ang kilos at husto ang kilos ekspresyon at ekspresyon ng mukha sa ng mukha sa pagpapalinaw ng pagpapalinaw mensahe ng mensahe 90 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYIsaisip Mo A. Punan ang bawat kahon ng detalye na nagpapakita ng natutuhan mo sa 1. pang-abay 2. sanhi at bunga B. Gumawa ng isang kahon na katulad nito sa kuwaderno at isulat ang lahat ng natutuhan mo sa pagsulat ng isang liham. Kaya ko.... Isapuso Mo Kompletuhin. Ngayong linggong ito, natutuhan ko na ______________, kaya naman isasapuso ko ang pagiging ________________ upang magawa ko na ______________________________. Isulat Mo Sumulat ng isang liham sa pinuno ng inyong pamayanan. Sabihin ang hangarin mo kaugnay ng mga natutuhan mo sa aralin ngayong linggong ito. 91 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawin sa bawat araw ang sinasabi ng kalendaryong ito.Isulat sa kuwaderno ang sagot sa bawat pagsasanay. KALENDARYO NG PAGBABASABuwan: ___________________Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwe- Biyernes Sabado bes Magtala Pumili ng Isulat ang Isulat ang Basa- Ipagpatuloy ng limang isang aklat pamagat; bilang ng hin ang ang salitang hindi na babasa- may-akda; pahina ng aklat. pagbabasa mo mauna- hin (fiction) taga-guhit; kuwentong ng aklat. waan sa binabasa. publisher babasahin; Hanapin at petsa ang petsa ang kahulu- ng pagka- ng pag- gan nito sa kalimbag umpisa diksyunaryo. nito. ng pagbasa Humingi ng tulong sa ng kuwento. nakatatanda. DEPED COPYGamitin sa Ipagpa- Ipagpa- Ipagpa- Ipagpa- Sagutin: Sagutin:sariling pa- tuloy ang tuloy ang tuloy ang tuloy ang Nawiwili Anong baha-ngungusap pagbasa pagbasa pagbasa ng pagbasa ka ba sa gi ang pina-ang mga ng aklat ng aklat. aklat. ng aklat. pagbabasa ka-naibigansalitang ng kuwen- sa kuwento?binigyang tong napili?kahulugan. Bakit/Bakit hindi?Isulat ang Isulat ang Isulat ang Paano Sagutin: Isulat ang Sagutin:problema mahahala- kasukdu- binigyan ng May nais mga May bahaging ku- gang pang- lan ng ka bang salitang ba sawentong yayari ng kuwento. solusyon baguhin hindi nau- kuwento nabinabasa. kuwentong ang sa unawaan nakabaha- binasa. kuwen- sa la sa iyo o suliranin to? kuwento. nakapagdu- sa kuwen- Kung lot sa iyo ng to, ito rin mayroon, kalituhan? ba ang alin ito at gagawin isulat din mo? Kung kung oo, bakit? bakit Kung hindi mo ito naman, nais ano ang baguhin. gagawin mo? 92 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sagutin: Sagutin: Sagutin: Sagutin: Sagutin: Sumulat IhandaMay nais ka Kung bibig- Ano ang May pang- sa guro ng angbang maging yan mo ng naramda- yayari ba May nais mong journalkaibigan sa rating ang man mo sa kuwento nabanggit ibahagi upangmga tauhan kuwentong matapos na ba sa ku- matapos maipasasa kuwento? binasa, mabasa wento na mong sa guro.Sino? ano ito? ang katulad makabu- mabasa Bigyang- sa iyong luhan sa ang ku-Pangatwiranan kuwento? sariling iyo? Alin wento.ang iyong katwiran Ipaliwanag ito?sagot. ang sagot. ang sagot. karanasan? Alin ito? Paano ito naging ka- halintulad ng sa iyo.DEPED COPY Subukin nating balikan ang mga salitang nabasa mo sa yunit na ito. Basahin ang bawat isa at alalahanin ang kahulugan nito. Kung may hindi ka maunawaan, gamitin ang mga estratehiya na natutuhan mo upang matukoy ang kahulugan ng mga ito. aakyatan bahagi buo alala bahay butones aba baka buwan abot bakit cake adobo balahibo daan agrikultura balang dagat akin balanse dagdag ako balat dahil aksaya banda dahon alam bansa daigdig alkansiya bao dalawa anak barangay dali anim basket daliri aniya basura dalisdis ano bata dapat anuman batay dati anyo baton dengue 93 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYapat binibiktima depende araw binubuo din asul binungkal dinala Asya boluntaryo distrito ate bubong dito Ati-atihan buhay doon atin buhok duckbill awit bumaba dumami ayon bumasa dumating bababa bumili dumi babae bundok dumudumi bagamat bunga epektibo bagay bunot gaano bagyo buntot gabi gagamitin huli kagamitan gamit humpay kagawaran gamot huwag kagubatan ganda iba kaguluhan ganiyan ibon kahalagahan gawin ikaw kahanga-hanga gaya ikot kahit gilid ilalim kahoy ginagamit ilan kahulugan ginagawa illegal kailan ginataan ilog kainan ginawa ina kakaiba ginto inaawit kakapitan gitna industriyalisasyon kakatwa grupo init kalaro gulay inyo kalihim gumuhit ipinabibili kalikasan guro ipinagdiriwang kamakalawa habang ipinaghahanda kampanya habas ipinaliwanag kanila hadlang ipinatutupad kaniya hagdan isa kapag hakutin isda kapaligiran 94 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY halamanan isinasaad kapareho halos isipin kapasidad handa iskoba kapatid hanggang itaas kape hangin itim kapistahan hapag itinalaga karagatan hapon itinuturing karbon hayaan ito karne hayop iwan kasabihan heto kaalaman kasangkapan hinahain kabataan kaso hinaharap kabuhayan katawan hindi kabundukan katotohanan katubigan lata magtatagal katutubo leeg magtipid kaugnay likas magtiis kay likha magtulungan kaya lima magulang kayamanan linggo mahalaga kemikal lingguhan mahigpit kendi lokalidad mahilig kinabukasan loob mahirap kinahihiligan look mahusay kinitil lumakas maigting komunidad lumalayo maiikli komunikasyon lumapit mais kontra lupa maitutulong Kristiyano maaari maituturing kulay maaga majorette kultura maapektuhan makagawa kumakain mababa makakaya kumikinang mababangis makakuha kumpara mabalahibo makitid kumukuha mabawasan makita kundi madamay makopa kung madadawag makukuha kutson madali maladagat 95 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYlaban magagamit malakas lahat magaling malaki lakad magaspang malalanghap lalaki magbunga malalanguyan lalo magdidisiplina malalawak laman magdudulot malampasan lamang maghanap malapad lamok maging malapit lang magkaisa malata langis magkadikit mali laruan magpatupad maliit lason magsisilbi malinis manager nabubulok nakuha mangitlog nagagawa naminsala manok naganap namumutiktik mapagkukunan nagbabago nanay marami nagbubuhat nganga masama nagdudulot nangabubuhay mata naghatid nangangahulugan matapos naging napakahalaga matatagpuan nagising napakalawak matatanda nagkagulo napakarami matatandaan naglutang napahahalagahan matatangay nagmamadali napapalitan matigil nagpalaki napaunlad matindi nagpaparumi nararamdaman matuto nagsimula nasabi maunlad nagsisilbi nasambit mawawalan nagtapos nasawi may nagtatapon nasira mayaman nagtatapos natin maya-maya nais natira mechado naisasara natulog mesa naitala naturang mga nakabasa natuto mikrobyo nakalulungkot naubusan mineral nakalikha naulila 96 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY modelo nakalilimot nauuk-uk mukha nakalipas nawawala mula nakamamatay negosasyon muli nakapag-aral ngayon muna nakapagdadala ngunit mundo nakasulat nila musiko nakatira nilikha Muslim nakatulong nito nababalot nakihanay niya nababalutan nakita niyog nababawasan naku noon oras palay porsiyento outbreak palayan problema paalala paligid produkto paanan paliwanag programa paaralan pamahalaan prusisyon pabalik pambubong prutas pabango pamunuan pumatak pabrika panahon pumunta pagawaan pangalagaan punit pagbabantay panggatong puno pagbubuo pangingisda puwede pagdapo panustos rebelde pagdating papalapit sabat paggawa papel sabon pagguhit para sadya pagitan partikular sagwan pagkain paslit saknong pagkakaiba pata salapi pagkakaisa patula saliw pagkamatay patuloy sangkap pagkatapos patunay sarili paglipad pilak sigaw pagpuksa pinaggamitan sigla pagpuputol pinagyaman sikat pagsapit pinakamahalaga sinusunod pagsasaka pinakamapanganib sistema 97 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYpagsisikap pinakamarami subalit pagsunod pinakamayaman sumasala pagtatanim pinamamahayan sumasayaw pagtigil pinaggalingan sumulat pagtutulungan pinapurihan sundalo pagyamanin pino susuriin pahalagahan pista tabako pakpak platypus tagaguhit paksiw plorera talo palapad pondo taludtod tanawin tropa tuwing tangi troso umabot taniman tubig umiilaw tapon tubo umikot tapunan tugtog una tila tukuyin unti-unti tinataniman tuluyan upang tindahan tumaas wala tiniyak tumagal walis tinuruan umila yaman titigil tumutugon tiyak tumutugtog trabaho tungkulin 98 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4 Yaman ng LahiWika at Pagbasa sa Filipino Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kole- hiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ngahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at FilipinasCopyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaadlamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindinakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mgatagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim : Br Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralPunong Tagapangasiwa: Angelika D. JabinesMga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. JabinesMga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. VillanuevaMga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. VillenaTagatala: Ireen SubebeInilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address : [email protected] ii

PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ngMag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ngFilipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sapaggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sakapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos namalinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa,pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti angmga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto atangkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita okonsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaanang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula,balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin. iii

Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo atGawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ngmga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula satalakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaringgawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman aygagawin mo nang nag-iisa. Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin. Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upangmaisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawataralin. Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawasa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ngiba’t ibang uri ng pagsulat. Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng: Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mgasalitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit. Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryong mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata namapipili. Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mgagabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnayng isang chapter book na natapos mong basahin. iv

Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyongsarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitinang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat napamamaraan. Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA v

TALAAN NG NILALAMANYunit III – Bayang Sinilangan, Handang PaglingkuranAralin 11 – Kapuwa ko Pilipino, Kaagapay ko sa Pag-asenso.................................100 • Pagsunod sa Panuto (Tekstong Prosedyural) • Gamit ng Pang-abay at Pandiwa sa PangungusapAralin 12 – Ganda at Yaman ng Pilipinas................................113 • Pagkakaiba ng Pang-abay sa Pang-uriAralin 13 – Pamana ng Lahi, Ipagmalaki.................................121 • Pagpapahayag ng Opinyon at Katotohanan sa Isang Pahayag • Pagsulat ng BalitaAralin 14 – Produktong Atin, Dapat Tangkilikin.....................131 • Wastong Gamit ng Pangatnig • Dapat Tandaan sa Pagbibigay ng Pamagat sa Talatang BinasaAralin 15 – Taas-Noo, Pilipino Ako!.........................................138 • Paggamit ng Card Catalogue • Kaugnayan ng Simuno at Panaguri*Karagdagang Gawain................................................................145*Pagsulat ng Book Report...........................................................146* Bokabularyong Pang-akademiko..............................................149 vii

Yunit III Bayang Sinilangan, Handang PaglingkuranBayang MinamahalAngking talino’t lakasAking handog, tanging laanUpang ika’y lubos na mapaglingkuran. 99

ARALIN Kapuwa ko Pilipino, Kaagapay ko sa Pag-asenso 11Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng kapuwa mo?Paano ginagamit ang pang-abay?Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isangtalambuhay?Tuklasin Mo A. Naririto ang ilang salita mula sa kuwentong “Laki sa Hirap.” Bago natin pag-usapan ang kuwentong ito, alamin muna natin ang kahulugan ng bawat salita sa pamamagitan ng pag- unawa kung paano ito ginamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Masarap ang pagkain sa hapag-kainan kaya dinumog agad ito ng mga bata at naubusan naman ang ibang hindi agad nakapunta sa mesa. 2. Mahirap at salat sa pera sina James, kaya naman naisipan niyang mag-ipon mula sa kaniyang baon upang magkaroon ng puhunan para sa kaniyang pagtitinda ng malamig na inumin tuwing araw na walang pasok sa paaralan. Kaya mo na bang gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap?Pakinggan ang guro sa kuwentong kaniyang babasahin upanglalong maunawaan ang mga salitang ito. 100

A. Marunong ka bang gumawa ng calamansi juice? Bago natin basahin kung paano ito gawin, kilalanin muna natin ang pangunahing sangkap nito - ang kalamansi. Ipakita ang mga natutuhan mo tungkol dito sa tulong ng mapa na makikita sa susunod na pahina.bilangAisnagnkgaalanmtaasnnsai’yhsibinraidsoabminuglansaanigsgaanlginmg saaasbiman,saannggaTt sainngabalat na mandarin. Sa kalaunan, ito’y kumalat na at nagingmalawak ang taniman sa Silangan, lalo na sa Indonesia atPilipinas. Sa Pilipinas, tinatawag itong kalamondin o kalamonding,limonsito, sintonis, aldonisis, kalamansi, dalandan, dalanghita,at dayap. Paborito ito ng mga Pilipino dahil sa maasim nitongkatas. Ito’y komersyal na pinoproseso bilang de-boteng konsen-trasyon at katas. Ginagawa itong marmelada o prineserbasa arnibal. Ginagamit ito sa paggawa ng buong chutneyat bilang panangkap na pampasarap sa mga lutuing pagkaing-dagat at karne. Ang katas nito’y nagagamit na pang-alis ngmantsa, pang-alis ng amoy at dumi ng katawan ng tao,pampaputi ng balat, shampoo, at panggamot sa pangangating balat. Gamot din ito sa ubo, pang-alis ng pamamaga,pampurga, at pampalabas ng plema kapag inihalo sa paminta.Ang ugat naman nito ay gamot sa bagong panganak, ang langismula sa dahon ay gamot sa kabag. Ang nectar nito ayginagawang pulot ng mga bubuyog. Ito ay nagtataglay ng tubig,protina, taba, carbohydrate, at abo. Ang kalamansi ay punong-puno ng bitamina C. http://www.darfu4b.da.gov.ph/pdffilesdata/kalamansi.pdf 101

Gamitin mo ang tsart na nasa ibaba upang maipakita angnatutuhan mo mula sa binasang teksto. Pangkatin mo ang mgaimpormasyong makakalap at isulat sa bawat kahon. Gawin itosa isang malinis na papel. kalamansi 102

Basahin Mo Naririto ang resipi ng paggawa ng calamansi juice.Basahin at subuking gawin ito. Pamagat Calamansi Juice Layunin Makagawa ng isang masarap at Mga Sangkap masustansiyang juice Mga Hakbang 10 pirasong kalamansi1. Hugasan at 1 1/2 kutsarang asukal 4 na kutsarang honey/pulot patuyuin ang 1 litrong tubig mga kalamansing gagamitin.2. Hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatang huwag mahiwa ang mga buto.3. Pigain ang kalamansi sa isang salaan. 103

4. Lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig. 5. Lagyan ng 4 na kutsarang honey/ pulot. 6. Haluin at ilagay sa isang lalagyan. Palamigin o lagyan ng yelo kung nais. Kaya mo na bang gumawa ng sarili mong juice?Ano ang mga pandiwa na nabasa mo? Paano ito isinakilos? 104

Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Pag-usapan sa pangkat kung saan ninyo nais maglagay ng booth para sa gagawing mini-fair. Isulat sa isang malinis na papel ang mga panuto kung paano makararating dito ang mga nais bumili ng inyong paninda. Iguhit naman sa isa pang papel ang mapa ng lugar na paglalagayan ng mini-fair.B. Pumili ng kapareha. Pagkuwentuhan ang isang karanasan sa pagtutulungan ng mag-anak para sa pag-unlad. Punan ang tsart na ito: Tauhan sa Kilos na Paano ito Gamitin ang kuwentong isinagawa isinagawa? pariralangnapakinggan pang-abay sa sariling pangungusap 105

C. Pag-usapan sa pangkat kung sino sa mga tauhan sa napaking- gang kuwento ang pinakabida. Subuking isulat ang kaniyang talambuhay. Ibigay ang hinihinging impormasyon ng mapa upang maging madali ang pagsulat na gagawin. Thumbs Up para sa ating BIDA _______________________________ Katangian : _______________________ _______________________ Iguhit ang mga larawan niya magulang rito mga kapatidTirahan Mga nagawa 106

D. Marami ka pang kayang iluto upang magkaroon ng mapagkakakitaan. Basahin ang mga talata para sa iba pang ideya. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. 1. Ang America ay tinatawag na burger capital ng mundo. Gayunman, hindi naimbento o naging imbensiyon sa America ang hamburger kundi ito ang tanging lugar kung saan ipinag- bibili ang pagkaing ito. Kahit hindi laging magkakatulad ang giniling na karneng ginagamit sa hamburger ng mga taga-Asya, Africa, at Europa, nasisiyahan naman sila sa uri ng kanilang hamburger. Ang mga tao sa lupain ng Sahara, halimbawa ay kumakain ng bilog na burger na tinatawag nilang kefta. Sa paggawa ng kefta, kailangan ang giniling ng tupa o ng baka, itlog, tinadtad ng sibuyas, paminta at asin. Paghalu-haluing mabuti ang mga sangkap na ito. Unahing paghaluin ang karneng giniling, itlog, sibuyas, at panimpla. Maaari ring dagdagan ito ng tinadtad na pipino, tinadtad na kamatis o tinadtad na berdeng sili. Bilugin ang pinaghalo- halong sangkap nang kasinlaki ng bola ng golf. Iprito ang kefta sa kawali o ihawin ito sa barbekyuhan. Pagkalipas ng sampung minuto, baligtarin ito. Bantayang mabuti upang hindi masunog. (Mula kay Gay Seltzer, Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa, St. Mary’s Publishing Corporation) Sagutin: 1. Anong bansa ang tinaguriang burger capital? 2. Saan mabibili ang kefta? 3. Ano-anong sangkap ang kailangan upang makapagluto ng kefta? 4. Bakit kakaibang burger ang kefta? 107

2. Nakakain ka na ba ng banana cue? Ito ang gustong-gustong meryenda ng kabataan sa ngayon. Sa lahat halos ng panulu- kan ng daan ay may makikita kang nagluluto ng banana cue, ang malambot, malinamnam at matamis na pagkaing Pilipino. Maaari ka ring gumawa ng banana cue sa inyong tahanan. Maghanda ka ng isang boteng langis o mantika, isang piling ng saging na sabang hinog, isang tasang asukal o panutsa at ilang patpat na panuhog. Talupan mo ang mga saging na saba. Pakuluin mo ang mantika sa kawali. Ihulog mo ang ilang saging. Hulugan mo rin ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika. Makikita mo na ang natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa piniprito mong saging. Pagkaluto ay saka mo tuhugin sa mga patpat na panahog. (Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa, St. Mary’s Publishing Corporation)Sagutin:1. Anong pagkaing Pinoy ang tinukoy sa talata?2. Ano ang mga kakailanganin para makapagluto nito?3. Paano mo malalaman na malapit na itong maluto?4. Kailan ito itutuhog sa patpat na panuhog?E. Basahin muli ang dalawang talata sa naunang pagsasanay. Piliin ang mga salitang kilos na binanggit dito. Sa tapat nito, isulat ang pang-abay na ginamit upang ilarawan ito. Sundan ang format na ito. Gawin sa isang malinis na papel.Talata Bilang _____Pandiwa Pang-abay 108

F. Umisip ng isa pang pagkain na maaaring itinda sa isang mini-fair. Isulat ang pamamaraan kung paano ito ihahanda. Gamiting format ang nasa ibaba.Pamagat : ____________________________ ____________________________Layunin : ____________ ____________Mga Sangkap : ____________Mga Hakbang :1. __________________________________________2. __________________________________________3. __________________________________________4. __________________________________________5. __________________________________________ 109

Gawin MoA. Sa kuwentong “Laki sa Hirap,” sino sa mga tauhan ang higit na nakatawag ng iyong pansin? Ilarawan siya sa tulong ng balangkas na nasa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.Si ________________________Sinabi niya sa Ang mga ikinilos Kaya,kuwento na... masasabi ko na... naman niyaB. Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa isa pang lutuin na maaaring itinda sa karinderya. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Masarap magluto ng pinakbet ang Nanay ni Jimmy. Pinitpit niyang mabuti ang bawang at hiniwa nang pantay- pantay ang sibuyas at kamatis. Inihanda rin ang panghalong bagoong isda na hinaluan ng kaunting tubig at sinala. Hiniwa rin niya nang maliliit ang pansahog na baboy. Inihanda ni Nanay ang mga gulay na iluluto. Hiniwa niya nang pahaba ang ampalaya at parisukat naman ang kalaba- sa. Pinagputol-putol niya sa katamtamang haba ang talong at sitaw. 110

Isinalang ni Nanay ang kawali. Pinagmantika niyaang taba ng baboy at dito niya iginisa ang bawang, sibuyas,karne ng baboy at hipon. Nilagyan niya ito ng kaunting sabawng dinikdik na balat ng hipon at bagoong isda. Tinimplahanat pinakuluan ang mga ito. Isa-isa niyang inihulog ang gulayna sitaw, ampalaya, talong, at kalabasa.(Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa, St. Mary’s PublishingCorporation)Sagutin:1. Ano ang lulutuin ni Nanay?2. Ano-ano ang sangkap nito?3. Ano-ano ang inihanda niya?4. Anong gulay ang pinakahuli niyang inihulog sa kawali?5. Bakit ito ang hinuli niya?C. Tukuyin ang mga pandiwang ginamit sa talatang binasa. Isulat at ilarawan ang bawat isa. Gamitin ang mabubuong pariralang pang-abay sa sariling pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno. Sundin ang format.Pandiwa Pang-abay PangungusapD. Ngayon naman, subukin mong sumulat ng sariling talambuhay. Gamitin mo ang ginamit na mapa sa pahina 106 upang maging madali ang gawain. Isulat ito sa isang malinis na papel. 111

Isaisip Mo Naririto ang Gulong ng Talambuhay. Isulat sa bawat butas nito ang mga tanong na nauukol sa nilalaman ng isang talambuhay. Gawin ito sa kuwaderno.Isapuso Mo Magtala ng mga kaya mong gawain upang makatulong sasariling pamilya at sa ibang mag-aaral sa kanilang pag-unlad.Isulat Mo Mag-isip ng isang maaaring maging dekorasyon sa inyongbooth sa mini-fair. Isulat ang mga hakbang sa paggawa nito. Pamagat : _____________________________ Layunin : _____________________________ Kagamitan : ______________ ______________ Mga Hakbang : 1. ______________________________________________ 2. ___________________________________________________ 112

ARALIN Ganda at Yaman ng Pilipinas 12 Ano ang yaman ng Pilipinas na nakapagpapaganda nito? Paano mo maipahahayag ang hindi pagsang-ayon sa opinyon ng iba? Ano ang pagkakaiba ng pang-abay at pang-uri?Tuklasin MoA. Ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap ay ginamit sa kuwentong iyong mapakikinggan. Tukuyin ang kahulugan ng bawat isa sa tulong ng pangungusap kung saan ito ginamit. Kumpirmahin ang kahulugan sa pamamagitan ng diksiyonaryo. 1. Napakaamo ng mga alagang hayop nina Maria. Nakikipaglaro ang bawat isa sa lahat ng taong bumibisita sa kanilang tahanan. 2. Pumunta si Tatay sa palengke upang bumili ng darak para sa aming alagang baboy. 3. Bumubukal ang mamahaling bato tulad ng diyamante, rubi, sapiro, at esmeralda sa palasyo. 4. Dahil sa hindi pag-ulan, natuyo ang kanilang palayan at nagkabitak-bitak ito. 5. Ang mga tao ay naging sakim. Gusto nilang maangkin ang lahat ng kayamanan na mayroon sa kanilang lugar. Tandaan, nilinang ang kahulugan ng mga salitang ito upangmaunawaan ang kuwentong babasahin sa iyo ng guro. 113

E. Bago natin basahin ang teksto tungkol sa isa sa mgamagagandang pasyalan sa Cebu, itala sa talahanayangnasa ibaba ang mga nalalaman mo tungkol sa Cebu. Gawin ito sa kuwaderno.Dating Kaalaman Bagong KaalamanBasahin Mo Kilalanin pa natin ang Lungsod ng Cebu sa pamamagitan ngisa sa mga magagandang pasyalan dito. Isulat ang mga natutuhanmula rito sa talahanayang naunang ginawa. Ang Taoist Temple Maunlad na maunlad ang pinakamatandang lunsod ngPilipinas, ang Lungsod ng Cebu. Ito ang pangunahing lunsodsa bahaging timog ng ating bansa. Sa Beverly Hills matatagpuan ang mga bahay nanagtitimpalakan sa laki at gara. Dito rin nakikita ang TaoistTemple na tunay na makapigil-hininga sa ganda. May paniniwalana malalaman ng sinumang magsadya rito ang kasagutan sakanilang katanungan sa loob lamang ng ilang minuto sapamamagitan ng pagdalangin sa Diyos sa templo. May mgabagay na pipiliin, dadamputin, ihuhulog sa sahig at iikot, at sakamagtatanong. Nasusulat sa tanging papel sa wikang Tsino angtiyak na kasagutan. Bibigyang kahulugan ito ng Tsino natagapagpaliwanag sa templo. Sadyang dinarayo ng mga turistaang Taoist Temple.Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4 St. Mary’s Publishing Corp. Balikan ang sinagutang talahanayan. Kompletuhin ito ayonsa iyong natutuhan mula sa binasang teksto. 114

Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Pumili at basahin ang buong talata na ito. Gawin ang nasa ibaba ng talata. 1. Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bul- kang Mayon. Matatagpuan ito sa Legazpi, Albay. Dinarayo ito ng mga turistang galing sa iba’t ibang bansa. Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsusong nitong walang pingas. Kahit saan mang panig tingnan, hindi nagbabago ang hugis nito. Dating isang bulkang natutulog ngunit nang minsang sumabog ito, daan-daang tao ang nasawi at nalibing nang buhay sa kumukulong putik nito. Sa di-kalayuan sa bulkan, naroon ang simbahan ng Cagsawa. Natabunan ang simba- hang ito at ang pinakamataas na bahagi lamang ng tore nito ang naiwang saksi sa malagim na pangyayari. Sa kasalukuyan, nagiging aktibo na naman ang Bulkang Mayon. Sagutin: 1. Alin ang itinuturing na isa sa mga pinakamagandang tanawin sa bansa? 2. Saan ito matatagpuan? 3. Bakit sinasabing kakaiba ang bulkan na ito? 4. Gawin:Anong salita Ano ang Ano-anong salitaang hindi mo kahulugan nito o bagay angnaunawaan sa sa diksiyonaryo? maiuugnay motalatang ito? rito? 115

2. Napakahalaga ng mineral. May mineral sa halos lahatng bagay sa ating paligid. Mineral ang tasa ng ating lapis atang tansong kinalalagyan ng pambura nito. Mineral din angyeso, luwad, langis, pilak, ginto at bakal. Ang yelong tubig naginagamit nating pampalamig ay isang uri ng mineral. Mahalaga rin ang mineral na pagkaing pangkatawan.Kung magkulang sa mineral ang ating katawan, ang gawain ngiba’t ibang bahagi nito ay hindi magagampanan nang maayos.May iron na makukuha sa mga gulay na luntian. Kailanganang iron sa paggawa ng dugo. Ang asin na nakukuha sa tubigdagat ay mineral din na kailangan ng katawan. Ang calciumay nakukuha sa dilis, balut, bagoong at keso. Pampatibay itong buto. Kailangan din ang iodine. Nakukuha ito sa mga pag-kaing galing sa dagat.Sagutin:1. Saan-saan makikita ang mineral?2. Ano ang mangyayari kung magkulang tayo ng mineral sa ating katawan?3. Gawin:Anong salita ang Ano ang Ano-anong kahulugan nito sa salita o bagayhindi mo diksiyonaryo? ang maiuugnaynaunawaan sa mo rito?talatang ito? 116

3. Isa sa katutubong instrumento ng ating mga ninunoay ang kudyapi. Yari ito sa kahoy. Nahahawig ito sa isangmahabang gitara. Tila bangka ang hugis nito at karaniwangmay dalawang kuwerdas. Dahil sa laki at haba, mayroonitong tukod sa ibabang likuran upang hindi gumalaw habangtinutugtog. May mga palatandaang naimpluwensiyahan angkudyapi ng mga instrumentong galing sa China. Mayroon dinnamang instrumentong tinatawag na kechapi sa India. Sa mgaTiruray sa Cotabato, ketyapi ang tawag sa kudyapi. May magandang tunog ang kudyapi bagaman bihira na ngayon ang tumutugtog nito. Ang mahusay na manunugtog nito ay hinahangaan ng kahit na sinong makaririnig lalo na ng mga dayuhan.Ginagawang sagisag ng musikang Pilipino ang kudyapi. Mga hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4 St. Mary’s Publishing Corp.Sagutin:1. Ano ang kudyapi?2. Ano ang katumbas ng kudyapi sa ibang lugar?3. Gawin:Anong salita ang Ano ang Ano-anong sal- ita o bagay anghindi mo kahulugan nito maiuugnay mo rito?naunawaan sa sa diksiyonaryo?talatang ito? 117

Gawin MoA. Natatandaan mo ba ang mga pangyayari sa kuwento ni “Mariang Sinukuan?” Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahalagang pangyayari mula sa kuwento. Gawin ito sa kuwaderno.Pamagat : _____________________________May-akda : _____________________________Tagaguhit : _____________________________Mga Tauhan : _____________________________ _____________________________Buod : _____________________________ _____________________________Mahahalagang PangyayariB. Gamit ang mga larawang iginuhit sa mga kahon, sumulat ng dalawang pangungusap sa bawat isa upang mailarawan ang mga bagay, tao, lugar o hayop at kilos na ipinakita. Salungguhitan ang mga pang-uri at bilugan ang pang-abay. Gawin ito sa kuwaderno. 118

C. Sagutin ang mga tanong na ito gamit ang naisulat mong kuwento. Tanong Oo HindiGumamit ba ako ng malakingletra sa pamagat?Gumamit ba ako ng malakingletra sa simula ngpangungusap?Gumamit ba ako ng mgawastong bantas?May tamang baybay ba angmga salita?Kompleto ba ang aking mgapangungusap?May pagkakaugnay ba angmga pangungusap naginamit ko?Gumamit ba ako ng pang-uri?Pang-abay?Kompleto ba ang mgaelemento ng isang kuwento? Kung marami kang sagot na oo, ipasa mo ang kuwentosa iyong guro. Kung karamihan naman ay hindi, isulat at isaayosmo muli ito.119

Isaisip Mo Gamit ang tsart na nasa ibaba sabihin ang pagkakaibaat pagkakatulad ng pang-uri at pang-abay. PagkakatuladPagkakaiba Pagkakaiba Pang-uri Pang-abayIsapuso Mo Gumawa ng isang flyer na hihikayat sa ibang mag-aaralna magpapahalaga sa ganda at yaman ng bansa.Isulat Mo Gumupit ng isang larawan na may kuwento mula sa lumangdiyaryo o magasin. Idikit ito sa isang malinis na papel. Gamitinang larawang ito sa pagsulat ng sariling kuwento. 120



B. Narinig mo na ba ang tungkol sa Bakood Festival? Ano naman kayang bayanihan ang nagaganap sa tuwing ipagdiriwang ito? Ibigay ang hinihingi ng bawat kahon na nasa mapa. Gawin ito sa kuwaderno bago, habang, at pagkatapos basahin ang teksto.Ano na ang Ano ang gusto Ano ang Ano pa ang hindi malinawalam ko tung- kong malaman natutuhan ko sa akin tungkol dito?kol dito? tungkol dito? tungkol dito?Basahin Mo Ngayon, kilalanin natin ang Bacoor, Cavite sa pamamagitanng Bakood Festival na kanilang ipinagmamalaking kultura. Bakood Festival: Kulturang Pinayayaman ng Bacoor, Cavite 1Tuwing sasapit ang Setyembre 22-29, walang bukambibigang mga taga-Bacoor, Cavite kundi ang isang linggongselebrasyon ng Bakood Festival na ginaganap taon-taon. 2Ang Bacoor ay isang maunlad na lunsod sa Cavite naitinuturing bilang Cavite’s Gateway to the Metropolis. Ang Bacooray nagmula sa salitang bakod. 122

3Ang bakod ay isang uri ng kawayang lumiligid sa buong bayanng Bacoor. Ginagamit na pambakod ito sa mga tahanan, paaralan,ospital, klinika at maging sa munisipyo sa panahon ng pananakopng mga Kastila. Ito’y ginagamit din bilang proteksyon ng mama-mayan laban sa mga dayuhan. Sa halip na punlo o gulok, tinutulisanang dulo ng kawayan at siyang itinutudla sa mga mananakopna nagsamantala sa ating kabuhayan at kumitil ng maraming buhay. 4Ang Bakood Festival ay sinisimulan sa iba’t ibang gawaintulad ng pagdaraos ng Misa, pag-aalay ng mga bulaklak,pagmamartsa, pagpuprusisyon, pag-aawitan, pagsasayawan,paghahandaan at iba pang mga gawaing nakaaaliw, nakapagpapa-saya at nakapagpapayaman sa kulturang minana sa ating mganinuno. 5Ang mga mag-aaral sa mga paaralang publiko at pribadoay nagpapakita ng iba’t ibang husay at galing sa pag-awit,pagsayaw at iba pang sining ng pagtatanghal. Makukulayang kanilang mga kasuotan. Itinatanghal nila ito sa lansangan,malapit sa munisipyo ng Bacoor. 6Dahil kilala ang Cavite sa maraming lamang-dagat, nagingpopular din ang Food Festival sa panahon ng Bakood Festival. Angmga pagkaing inihahanda at ipinakakain sa mga tao, kababayanman at turista ay pawang putaheng mula sa sugpo, talangka,alimango, pusit, tahong, talaba at iba pa. 7Maunlad na at patuloy pang umuunlad ang lunsod na ito,ngunit sa kabila ng kaunlarang ito ay patuloy na pinayayamanang kulturang katutubo, kabilang na ang taunang pagdaraosng Bakood Festival. Nasagot ba ang mga tanong na isinulat mo bago basahinang tekstong natapos? May mga hindi pa ba malinaw sa iyo?Ano-ano ito? May mga pang-uri ba na ginamit sa teksto? May mga pang-abay ba? Ano-ano ito? 123

Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Kilalanin pa natin ang isang pamana ng lahi na talagang dapat nating ipagmalaki. Basahin natin ang isang balita at alamin kung saang larangan nagiging tagumpay ang iba nating kababayan. Iloilo, 4 Ginto sa Arnis DUMAGUETE CITY, Pilipinas – Hindi man inaasahan ngunitmaagang namayagpag ang delegasyon ng Iloilo sa paligsahansa arnis sa 2012 POC-PSC National Games na ginanap sa NegrosOccidental. Inangkin ng Iloilo sa pamamagitan nina Glory Joy Bartonico atWarlie Gumban ang dalawa sa unang apat na tropeyong gintosa women’s solo baston at men’s double baston events ayonsa pagkakasunod. Ngunit ang nasabing panalo ay parehas na hindiinaasahan ng dalawang atleta dahil sa magkaibang kadahilanan. Ang 18-anyos na si Bartonico, second year BS Math studentng Western Visayas College of Science and Technology ay di-inaasahan ang paglalaro sa event na ito dahil isang araw lamang niyang binuo ang kaniyang routine bago sumalang sa larosa kakulangan ng manlalaro. Hindi naman nakapag-ensayo nang maayos ang 18-anyosna si Gumban, working student sa Western Visayas State Universitykung saan kumukuha siya ng kursong Marine Engineering. 124

Mismong ang kanilang pinakabatang coach sa kompetisyongsi Cindy Abegail Monte, may edad 16 na taon ay umamin na hindisila umaasa na maagang mamayagpag sa kanilang laro. “Actually wala po kaming gaanong inaasahan pa rito. Bastamaipakita lang po namin na kaya rin naming maglaro at sumabaysa mga kilala at magaling sa arnis,” ani Monte, gold medalistsa Palarong Pambansa. – Marivic Awitanhttp://www.balita.net.ph/2012/05/28/iloilo-4-ginto-sa-arnisSagutin: 1. Tungkol saan ang balita? 2. Ano-ano ang pangngalan na binanggit sa balita? Ilarawan ang bawat isa. 3. Ano-ano ang pandiwa sa balita? Ano ang angkop na pang- abay na maaari mong gamitin dito? 125

Alamin natin kung ano-ano ang nilalaman ng isang balitasa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito:Alin sa bahagi ng balita ang … nakatawag ng iyong pansin? buod ng iyong binasa? pangalan ng sumulat? lugar na pinangyarihan ng balita? nagbibigay ng pinakamahalagang impormasyon? sumasagot sa tanong na ano, saan, sino, kailan, paano, at bakit? sumusuportang detalye sa mahalagang paksa? sinabi ng isang tauhan sa balita? Paano ito ipinakita? Sa tulong ng mga sagot mo rito at sa gabay ng iyong guro,makasusulat ka ng isang balitang nabasa mo.B. Subuking sumulat ng isang maikling balita. Gamitin ang mga tanong sa naunang gawain bilang gabay. Ngayon, gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng isang pangyayari. Ito ang pagkukunan mo ng balitang isusulat. Idikit sa isang malinis na papel ang nakuhang larawan at gawin ang Rough Notes na nasa susunod na pahina. 126

Idikit ang Saan? ______________ginupit na Sino? ______________ larawan Kailan? ______________ Ano? ______________ Bakit? ______________ Paano? ______________Gawin MoA. Basahin muli ang talata tungkol sa Bakood Festival. Ilarawan ang mga kilos, bagay at mga tao na nakikita sa pagdiriwang na ito. Ipahayag ang mga ito sa pamamagitan ng mga pangungusap. Bilugan ang pang-abay. Salungguhitan ang pang-uri.B. Katotohanan Ito! Opinyon Mo! Mula sa binasang balita tungkol sa larong arnis, pumili ng tatlong katotohanan. Ibigay din ang opinyon mo tungkol dito. Gawin ito sa malinis na papel.Katotohanan Ito! Opinyon Mo!C. May Balita Ako! Umisip ng isang nasaksihang pangyayari na nagpakita ng 127

isang pamana ng lahing dapat ipagmalaki. Gamitin ang gabayna ito sa pagsulat ng balita tungkol sa tinukoy na pangyayari.UUnnaannggHHakabkabnagngSSaagguutitnin: : AnoA?no? SaSaana?n? SinSoin?o? KaKilaainla?n? PaPaanaon?o? BaBkaitk?it?IDpUIQpUDbbaamaamauagmigposdaipsaditaapteainnagptsnnnugga/gbngunTaimagbmnuinymapwgmanoypkiqgr.araomaukkronaamatsgtteaayasswowsatnyauabogwgi-ni-prpaaannngsisnsiannbani alealeda/ d/Pangalawang HakbangSumulat ng byline.Sumulat ng placeline.Sumulat ng isangmakatawag-pansinglead/pamatnubay.Sumulat ng talata nasusuporta salead/pamatnubay.Maglagay ng quotation/tuwirang sabi (optional) 128

Bago ipasa ang natapos na sulatin, sagutin muna ang mga tanongna ito.Mga Tanong OO HINDI1. Magkaugnay ba ang mga talata at ang pamagat o headline ng iyong balita?2. Nasagot ba ang ano, saan, sino, kailan, bakit, at paano?3. Naisulat ba ang buong detalye tungkol sa balitang ibinahagi?4. May ginamit bang quotation/tuwirang sabi?5. Wasto ba ang pagkabay- bay ng mga salita?6. Tama ba ang pagkaka- gamit ng mga bantas?7. Mayroon bang byline?8. Mayroon bang placeline?9. May maayos bang lead/pamatnubay? Kung marami kang sagot na oo, ipasa na ito sa guro mo.Kung mas marami ang hindi, basahin mo muli ang iyong naisulatat subuking isaayos ito. 129

Isaisip Mo Isulat sa kuwaderno ang sagot sa tanong tungkol sa mganaging aralin sa buong linggo.Ano ang natutuhan mo?Pang- Katoto- Pag-abay at hanan at sulat ngPang-uri Opinyon balita at lihamIsapuso Mo Iguhit ang isang pamana ng lahi na nais mong ipagmalaki.Gawin ito sa isang malinis na papel.Isulat Mo Sumulat ng isang liham sa isang kaibigan na ipinagmamalakiang mga pamana ng lahing nakagisnan. 130

ARALIN Produktong Atin, Dapat Tangkilikin 14 Paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa produktong sariling atin? Kailan ginagamit ang pangatnig? Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat sa isang talatang nabasa?Tuklasin MoA. Naririto ang ilang salita mula sa kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Sabihin ang kahulugan ng bawat isa gamit ang inihandang gawain. Gawin ito sa kuwaderno. 1. diploma 2. karangalan 3. nakapagpalubag Isulat ang mga gabay na salita na makikita sa diksiyonaryo para sa salitang lilinangin. Isulat kung anong bahagi ito ng salita. Isulat kung ano ang kahulugan nito. Sumulat ng isang pangungusap gamit ang salitang ito. Magbigay ng isang salitang kasingkahulugan nito. Ibigay ang katumbas nito sa ibang wika. Tandaan ang kahulugan ng mga salitang nilinang upang higitna maunawaan ang kuwentong mapakikinggan sa iyong guro. 131


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook