Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 4

Filipino Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 20:09:33

Description: Filipino Grade 4

Search

Read the Text Version

noon makita kahit kailanganpagdiriwang natatangi komposisyon limapagmamahal nila mabuhay magandapara paggalang gahol binigaysila panahon bubungkalin bumubuhayupang sinabi bunga bungadmagkaroon wasto galing ganitomagtanim atubili gawin gayundinmantika ayos ginagabi ginamotmatatagDEPED COPYako ginhawa gumawamiyembro alaga gymnasium habolmo alahas hadlang halaganagtapos alin halaman haliginakapasok alok hamon hanapbuhaynamalas angkin hika hinahanapnars asarol hinga hulyonito asignatura humanga humigitpinakadakila asopinakamahalaga bahagipiyanista bahalapiyano balakidpumunta bansapuno batiinrin bayadsalamat bayubaypagkakataon daigdigpagtugtog dakilapaminta dalawampupangangailangan daliPilipino damdaminsapat dinaluhansimbahan diplomasuka Disyembretanghali dito 44 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

tanimanDEPED COPYdumalo igalangtatlo dumating ilalimtindahan edukasyon inataketoyo elementary iniabottunay emeritus ipinabilituturuan entablado ipinanganakisinilang kurso maibiganitinuro laki maisasagawaitinuturing lang makabagokaalaman layunin makatugonkabaligtaran libo malawakkabuhayan ligaya malungkutinkahusayan limampu manggakakaiba lingkod mangingibabawkakailanganin loob mangyayarikaklase lugar manokkalaro luha manoodkamalayan lulutuin mapagkandilikama lungkot marinigkapaligiran lungsod masakitkapalit lupa masayahinkapansanan maaari masayakarangalan maaasahan masigabokasama maayos masiglakatalinuhan mabuti masipagkatawan madalas masunurinkatutubo madla masukliankausap magalang matalikkilalanin magaling matulunginkinabukasan maghanda mayorkinalaman maging mayroonklase magkaagapay medalyaklinika magkaibigan mulakompositor magkano mulat 45 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

konsehal DEPED COPYmagkapitbahay mundokonsiyerto magkasama musikakuha magpahinga nabagsakankumulang magtanghal nagalakkundi mahalin nagbubuklodnagbuhat napagaan pinakamalapitnagdugo napaupo pinalakpakannaging nasabi pinangunahannagkakaisa natatangi pinarangalannaglalaro natin pinayuhannagmamahal ng pisonagpamalas ngiti piyanistanagsagawa ni piyanonagsigawa nila puhunannagsimula nina pumanawnagsipagtapos nito pumasoknagtapos niya pumuntanagtatakbo noon punonahilig obispo punongkahoynahirang Oktubre regalonais oo rinnaiyak opo sanakaagapay oras sabaynakaalalay paa sabiknakalipas paano sagabalnakangiti paaralan sagotnakapasok pabayaan sakanagtatakbo pagbalik sakalinahilig pagbubungkal salamatnahirang pagbuo sampunakaupo pagdiriwang sandatanamaga paggalang sapagkatnamalas paghahanda pagkakataonnaman pagiging pagkamangha 46 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

nanay pinabibili pagkilala paglingkurannang pinagkalooban pagmamahal pagmamahalannangangailangan pinakadakila lugar luhanangyari pinakamahalaga lulutuin lungkotpagmamalasakit sasapit lungsod lupapagpapahalaga sawa maaari school magkaibiganpagsisikap magkano magkapitbahaypagtatanim sekundarya magkasama magpahingapagtindig si magtanghal mahalinDEPED COPYpagtugtogsige maibigan maisagawapala sila makabago makatugonpalabas silang malawak malungkutinpalad silid mangga mangingibabawpalakpakan simbahan mangyayari masusuklianpalaruan simula matalik matulunginpalayo sinabi Mayor mayroonpamantasan sinadya nagbuhat nagdugopambihira sinopamilya siyapaminta sugatpanahon sukapanauhin sumapitpangangailangan sumasalubongpangkabuhayan tabipanonood tagpipantahanan tahananpapel takotpara talagaparami talampakanpari talentopaslit layuninpasukan libopatibayin ligayapayo limampu 47 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

sasabihin nina nais napaiyakmanok oras nakaagapay sasabihinmanood lingkod sasapat sawamapagkandili loob tanggapin taomarinig Lucena tinungo tinuruanmasakit nagsipagtapos tiyaga tiyakmasayahin maaasahan tulad tumayomasaya maayos tumulo tumutulongmasigabo mabuti tungkol tuwinamasiglaDEPED COPYmadalas umakyat umintindimasisipag madla umuwi unahanmasunurin magalang yarinakaalalay magalingnakalipas maghandanakangiti magingnamaga magpapoginangangailangan plotnangyari puhunannapagaan pumanawnapagalitan pumasoknapaupo punongkahoynasa regalonasabi paglingkurannga pagmamahalngiti pagmamalasakitngunit pagpapahalaga 48 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY 4 Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kole- hiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ngahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at FilipinasCopyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaadlamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindinakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mgatagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.DEPED COPYInilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim : Br Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralPunong Tagapangasiwa: Angelika D. JabinesMga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. JabinesMga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. VillanuevaMga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. VillenaTagatala: Ireen SubebeInilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address : [email protected] ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin. iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo atGawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ngmga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula satalakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaringgawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman aygagawin mo nang nag-iisa. Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin. Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upangmaisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawataralin. Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawasa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ngiba’t ibang uri ng pagsulat. Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng: Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mgasalitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit. Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryong mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata namapipili. Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mgagabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnayng isang chapter book na natapos mong basahin. iv All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na pamamaraan. Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA v All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY TALAAN NG NILALAMANYunit II – Nagkakaisang Mamamayan, Maunlad na PamayananAralin 6 – Lugar sa Pamayanan, Halina’t Pasyalan................50 • Paggamit ng Pang-uriAralin 7 – Katuwang sa Pamayanan........................................57 • Paggamit ng Pandiwa at Pang-uri sa Teksto • Pagkakaiba ng Recount sa Balita • Kaugnayan ng Paksang Pangungusap sa Talatang Susulatin Aralin 8 – Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag-unlad..............69 • Kahalagahan ng Kalikasan sa Pag-unlad ng Kabuhayan ng Mamamayan • Paggamit ng Pandiwa sa Teksto Aralin 9 – Pagpapaunlad ng Pamayanan................................78 • Paggamit ng Pariralang Pang-abay • Balangkas ng Kuwento Aralin 10 –Hangad na Likas-Kayang Pag-unlad.......................84 • Paggamit ng Pang-abay • Kaugnayan ng Sanhi at Bunga • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Isang Liham * Kalendaryo ng Pagbabasa..........................................................92 * Bokabularyong Pang-akademiko................................................93 vi All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Yunit II Nagkakaisang Mamamayan, Maunlad na Pamayanan Iisang damdamin Nagkakaisang mamamayan Susi ng isang maunlad at mapayapang pamayanan. 49 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Lugar sa Pamayanan, Halina’t Pasyalan 6Ano-ano ang lugar sa inyo na maaaring pasyalan?Anong mga salita ang gagamitin upang makapaglarawan?Paano ka makasusulat ng isang liham paanyaya parasa isang kaibigan?DEPED COPYTuklasin MoA. May lakad ang mag-ama kaya maaga silang gumising. Ano kaya ang ibig sabihin ng may lakad? Gawin ito upang maipakita ang pagkakaunawa mo rito. Isulat ang kahulugan mula sa diksiyonaryo. may Magbigay ng dalawang halimbawa lakad nito. Magbigay ng tatlong salitang kasingkahulugan nito. Gamitin ito sa pangungusap. Ngayon, handa ka nang makinig sa kuwentong babasahinng iyong guro. 50 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Bago natin basahin ang kuwento tungkol sa isang pagdiriwang sa pamayanan, alamin muna natin ang kahulugan ng mga salita na ginamit sa kuwento. Iguhit ang kahulugan ng mga ito sa isang malinis na papel. Salita Guhit KobatonmajoretteDEPED COPYmusikoprusisyon Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas madali mong maunawaan ang kuwento natin. Basahin Mo Kung mamasyal kayo ng iyong nanay o tatay, yayayain mo ba sila sa lugar na mababanggit sa kuwento? Bakit? Pista sa Barangay “Heto na ang musiko. Bababa na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro. “Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang mga bata. 51 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihangsumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang umikot-ikot ang mga majorette at angkanilang baton habang tumutugtog ang banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang sayang pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobongmanok, mechadong karne ng baka, paksiw na pata at maramipang iba. May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyonsila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya at nakikihanaysa mga kabataang umiilaw sa prusisyon. Ang problema ay may kakaibang nararamdaman sakinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malataang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang handaay magtitiis na lang sila sa mga de-lata o di kaya’y sa ginataanggabi. Ganiyan ang mga Pilipino noon. Subalit ngayo’yunti-unting nang nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahanat ipinaghahanda, subalit sa abot na lamang ng kanilangmakakaya. 52 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Balikan natin ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento tungkol sa lakad ng mag-ama. Lakbayin natin ang lugar na kanilang pinuntahan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong na nasa mapa.DEPED COPYAno-ano angSino ang una nilanggagawin nila? nakita?Saan ang lakad ng mag-ama?Sino-sino pa ang Saan-saan silakanilang nakita? nakarating? Kung may nais kang puntahang isang lugar sa mapa,paano ka magpapaalam sa nakatatanda sa iyo? 53 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kanilang bigkas. Marami nito sa binasang kuwento. Ano-ano nga ito? Magkatulad ba ang mga ito ng kahulugan? Ngayon, tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng Akasya. Laging puno ng tubig ang mga tapayan sa bakuran upang gamitin sa kanilang taniman. Dahil sa matiyagang pagtatanim naging maayos ang buhay nina Kadyo. 2. Ang malaking paso sa kaniyang kamay ay dahil sa hindi niya pag-iingat habang nagluluto. Sa sobrang sakit nito, nasagi niya ang magandang paso ng halaman malapit sa kanilang bintana. 3. Maluwang ang taniman ng tubo ng pamilyang Santos. Maliit ang tubo ng pera na inilagak nila sa bangko. Ang mga anak nila’y nakaupo sa mahabang bangko habang naghihintay sila ng tawag ng kahera ng bangko. 4. Pito ang pulis na nakabantay malapit sa paaralan. May kaniya-kaniya silang pito na nakasabit sa uniporme.Gawin Mo A. Alin sa mga lugar na napuntahan ng mag-ama ang naibigan mo? Ipakita ito sa pamamagitan ng isang post card na iyong gagawin. Kunin ang iyong kagamitan sa Art at umpisahan na ito. 54 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Gamit ang pang-uri, ilarawan ang isang lugar na nais mong marating. Humanap ng kapareha. Ipaguhit sa kaniya ang lugar na nasa isip sa pamamagitan ng mga paglalarawang ibibigay. C. Naririto pa ang ilang pares ng mga salita na magkatulad ng baybay ngunit magkaiba ng bigkas. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. Salungguhitan ang panghalip na ginamit. 1. aso-aSo 2. kita-kiTa 3. paso-paSo 4. saWa-sawa 5. buKAs- bukas Isaisip Mo A. Saan-saan ginagamit ang pang-uri? Isulat ang sagot sa maliliit na ulap. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ginagamit natin ang pang-uri sa.... 55 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Ano-ano ang natatandaan mo sa pagsulat ng isang liham? Gawin ito sa iyong kuwaderno. Natutuhan Hindi masyadong malinaw OpinyonIsapuso Mo Ipagmalaki ang sariling pamayanan sa pamamagitan ngisang poster. Gawin ito sa isang malinis na papel.Isulat Mo Sumulat ng isang liham. Anyayahan ang isang kaibiganna mamasyal sa inyong lugar. Salungguhitan ang mga pang-uringginamit at ikahon ang mga salitang iisa ang baybay ngunitmagkaiba ng bigkas. 56 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Katuwang sa Pamayanan 7Katuwang ka ba sa pagpapaunlad ng iyong pamayanan? anoang pang-uri? Ano ang pandiwa? Paano isinusulat ang isangbalita? Ang recount? Paano sila nagkaiba? Ano ang kaugnayanng paksang pangungusap sa talatang iyong susulatinDEPED COPYTuklasin MoA. Nagkasakit ng dengue ang batang bida sa kuwentong iyong mapapakinggan. Ano ang alam mo sa sakit na ito? Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito sa kuwaderno. Ano ang Ano ang Ano ang Paano ito dengue? mga sanhi malulunasan? nito? sintomas nito?BagoBumasaPagkataposBumasa Huwag kang mag-alala kung wala kang gaanong naisulatsa iyong talaan, makinig nang mabuti sa iyong guro upang masmakilala mo pa ang sakit na dengue. 57 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBasahin Mo A. Naririto ang ilang pahina ng diary ni Melba. Tulad ni Isabel, nagkasakit din siya ng dengue. Basahin natin ang kaniyang mga pinagdaanan. Setyembre 1, 2014 Dear Diary, Hindi ako nakapasok ngayon. Paggising ko, masakit na ang aking ulo. Masakit din ang aking lalamunan at mga kasukasuan. Pagdating ng hapon, hindi pa rin umaayos ang aking pakiramdam, magpahinga lang daw ako at baka tatrangkasuhin ako. Nakaramdam ako ng pagkahilo at para akong nasusuka. Sabi ng nanay, Melba Setyembre 2, 2014 Dear Diary, Masakit pa rin ang aking ulo at mabigat ang aking pakiramdam. Kinuha ni Nanay ang aking temperatura, akala ko sasabog na ang aming thermometer kasi 40 digri ito. Pinunasan agad ako ni Nanay ng malamig na tubig at saka nilagyan ng basang tuwalya sa aking noo matapos akong bihisan ng isang manipis na damit. Sana, bukas ok na ako. Dalawang araw na akong liban sa klase. Melba Setyembre 3, 2014 Dear Diary, Paggising ko kaninang umaga, wala na akong lagnat. Ang galing talagang doktor ng aking Nanay. Pero hindi pa rin niya ako pinapasok sa paaralan. Baka raw mabinat ako kaya maghapon na naman ako sa bahay. Melba 58 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Setyembre 4, 2014 Dear Diary, Pagkatapos kong kumain ng aking almusal, sabi ni Nanay maligo na raw ako upang gumaan ang aking pakiramdam. Iyon nga ang aking ginawa. Nagulat ako sa aking nakita! Ang dami kong tuldok-tuldok na pula sa balat. Ipinakita ko ito kay Nanay at dali-dali naman niya akong binihisan at dinala sa doktor. Melba Setyembre 5, 2014 Dear Diary, Ilang araw kaya ako titigil dito sa ospital? Kahapon pa ako rito. Matapos akong kuhanan ng dugo para sa platelet count, sabi ng doktor sobra raw baba ito. Dapat daw ay nasa pagitan ito ng 150,000 – 200,000. Pero ang sa akin 70,000 lamang, kaya heto ako ngayon naka-dextrose, sinasalinan pa ng dugo. Kailan kaya ako lalabas dito? Melba Setyembre 6, 2014 Dear Diary, Naubos din ang dugo sa mga bag na binili ni Nanay. Binisita ako ng aking doktor kanina. Kaunti na lang daw pahinga at uminom lamang ako ng maraming tubig. Baka sa susunod na araw lalabas na ako sa ospital. Melba Ganito rin ba ang nangyari sa iyo nang magkasakit ka? Ano-ano ang pandiwang ginamit sa binasang diary? 59 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Paano ba maiiwasan o mababawasan ang kaso ng dengue sa ating pamayanan? Sino-sino ang magiging katuwang natin sa pagsugpo nito? Alamin natin sa pamamagitan ng pagbasa ng isang balita tungkol dito. 4 o’clock Habit, 4S ng DOH, Epektibo Kontra Dengue Online Balita, Hunyo 30, 2014 ni Mary Ann Santiago Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot. Ito angkasabihang sinusunod ng Kagawaran ng Kalusugan (DoH)pagdating sa laban kontra sa nakamamatay na dengue, na maramina ring buhay ang kinitil sa bansa, partikular na sa mga paslit. Batay sa huling ulat ng DOH-National Epidemiology Center(NEC), mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ngayong taon ay umabotna sa 23,867 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa. Nasa 99sa mga ito ang nasawi. Tiniyak ng DOH na bagamat nababawasan ang naitatalangkaso ng dengue sa nakalipas na mga buwan ay patuloyang maigting na kampanya ng kagawaran laban sa dengue,na itinuturing na “all-year-round threat” na sakit dahil kung datiay tuwing tag-ulan lang namiminsala, ngayon ay marami pa rin itongbinibiktima kahit tag-init. Partikular namang mahigpit ang pagbabantay ng DOH labansa dengue ngayong tag-ulan, dahil papalapit na angpeak season ng sakit sa Agosto at Setyembre. Ayon kay DOH spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy, na siya ringprogram manager ng DOH-Dengue Prevention and ControlProgram, mas mababa ang naitala nilang kaso ng denguesa unang limang buwan ng 2014 sa 50.98 porsiyento kumparasa kaparehong panahon noong 2013, na umabot sa 48,686ang na-dengue. 60 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Sa ngayon, aniya, ilan sa mga programang kanilang ipinatutupad na nakatulong para mabawasan ang mga kaso ng dengue ay ang vector control activities, tulad ng 4 o’clock habit sa mga komunidad at pagsunod sa 4S laban sa dengue. Kaugnay nito, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na epektibo laban sa dengue ang 4 o’clock habit gamit ang “stop, look, and listen” approach. Paliwanag ni Ona, ang stop ay nangangahulugan na iwan muna ang ibang bagay at gawing prioridad ang pagpuksa sa mga pinamamahayan ng lamok. Pagsapit, aniya, ng 4:00 ng hapon—ang oras ng pagkain ng lamok—ang mga itinalagang grupo ay dapat na maghanap (look) ng breeding sites ng mga dengue-carrying mosquito at magpatupad ng sistematikong “search and destroy activities” laban sa mga ito. “‘Listen’ entails heeding the instructions from local authorities, community leaders or work supervisors for a synchronous implementation of the 4 o’clock habit,” paliwanag pa ng Kalihim. Dagdag pa niya, maaari namang gawin ang naturang sistema nang araw-araw o lingguhan, depende sa pondo at kapasidad ng komunidad. Ipinaliwanag rin ni Ona ang 4S, na nangangahulugan ng Search and destroy mosquito breeding places, Self-protection measures, Seek early consultation for fevers lasting more than two days, at Say yes to fogging when there is an impending outbreak. Bahagi rin, aniya, ng 4 o’clock habit ang tukuyin ang mga high-risk area sa lokalidad, pagbubuo ng mga grupo para sa critical response activities laban sa lamok at pag-likha ng sistema ng komunikasyon para sa mas mahusay na koordinasyon. May mga pang-uri bang ginamit sa balitang ito? Ano-ano ito? Ano ang inilarawan ng bawat isa? Ano ang paksa ng bawat talata sa balitang ito? Sang-ayon ka ba sa mga nabasa mo rito? 61 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagyamanin NatinGawin Ninyo A. Basahin at pag-usapan ang mga talata. Sabihin ang paksa ng bawat isa. 1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang mga gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdang-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin. Hango mula sa Multilevel Materials 8-A. BEE-UNDP, 1997. 2. Mahirap ang magulang ni Andres. Hindi siya nakapag-aral. Maaga siyang naulila. Siya ang nagpalaki sa kaniyang mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto siyang bumasa at sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kaniyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan. Hango mula sa Multilevel Materials 8-A. BEE-UNDP, 1997. 62 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY B. Paano ba isinusulat ang isang talatang nagbibigay-ulat? Basahin mo muli ang balita na nasa pahina 60-61 upang masagot ang mga tanong na ito. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Saan hinango ang balita? 2. Ano ang pamagat nito? 3. Sino ang sumulat nito? 4. Ano-ano na ang alam mo sa paksang ito ng binasang balita? 5. Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? Paano? 6. Nasagot ba ng binasa mong balita ang lahat ng tanong sa bilang 52? 7. Sa mga sagot mo sa bilang 25, alin dito ang pinakamahalaga? Ipaliwanag ang sagot. 8. Ano ang epekto ng balitang ito sa iyo? Lokal ba o internasyonal na balita ito? C. Ngayon, subuking makasulat ng isang balita kasama ang iyong pangkat. Sundin ang mga hakbang na nakasulat upang maging madali ang gawaing ito. 1. Pag-usapan sa pangkat ang ginagawang hakbang ng pamayanang kinabibilangan lamang sa pagsugpo o pag-iwas sa sakit na dengue. 2. Maglista ng mga tanong na nais ninyong masagot tungkol sa napiling paksa. 3. Pag-usapan ang mga sagot dito. 63 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY4. Isulat sa unang talata ang mga pangungusap na sumasagot sa tanong na ano, saan, sino, kailan, bakit, at paano. 5. Sa ikalawang talata, ipaliwanag nang detalyado ang mga sagot sa mga tanong na sinagot sa unang talata. Kung maaari, maglagay rito ng isang pahayag ng isang saksi na nakapaloob sa panipi. 6. Lagumin ang balitang isinulat. Maaaring ilakip dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyong ulo ng balita. Maaari ring ilagay rito ang mga gagawin sa hinaharap, ang halaga ng proyekto, gaano ito katagal gagawin, at iba pang detalye. 7. Basahing muli ang natapos na balita upang maisaayos ang mga nakitang pagkakamali. D. Sa pamamagitan ng pagguhit, ilarawan si Lolit Lamok na nakilala mo sa kuwentong napakinggan mula sa iyong guro. E. Makilala mo kaya ang pandiwa sa iba’t ibang anyo nito? Subukin natin. Basahin ang mga talata sa Pagyamanin Natin, Gawain Ninyo A, pahina 62. Sipiin at pangkatin ang mga pandiwang ginamit dito. Gawin ito sa isang malinis na papel. 64 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYGawin Mo A. Basahin ang mga talata. Isulat sa iyong kuwaderno ang paksang pangungusap ng bawat isa. 1. Ang platypus o duckbill ay isang hayop na may kakatwang anyo. Palapad ang katawan nito na nababalot ng maiikli at pinong balahibong kulay kape. Tila sagwan ang buntot nitong maikli, malapad at nababalutan ng magaspang na buhok. Maiikli ang apat nitong mga paa na may magkadidikit na mga daliri. Wala itong leeg. May maliit itong mata at tenga na naisasara kapag nasa ilalim ng tubig. Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s Publishing Corporation 2. Katutubong awitin ng mga Ilokano ang Dal-lot. Binubuo ito ng walong taludtod sa isang saknong. Kung susuriin, halos walang anumang kahulugang isinasaad ang Dal-lot. Inaawit ito ng isang lalaki sa isang babae na tumutugon naman nang patula. Nagtatapos ito sa kanilang sabay na pag-awit. Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s Publishing Corporation 3. Ang langaw ay maituturing na pinakamapanganib na hayop sa buong daigdig. Ang dalawa nitong pakpak at anim na mabalahibong paa ay nakapagdadala ng mikrobyo na nagdudulot ng maraming sakit. Kumakain ito ng kahit na anong bagay na nabubulok. Daan-daan kung mangitlog ito sa mga basura at dumi. At sa oras ng kaniyang paglipad at pagdapo kung saan- saan, tiyak ang dala niyang sakit sa mga tao. Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s Publishing Corporation 65 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Gamitin ang tsart sa pagbabahagi ng mga ginawa, ginagawa at gagawin mo pa lamang upang maging isang tunay na katuwang ng pamayanang kinabibilangan. Sa ilalim ng bawat isa, isulat naman ang sanhi at bunga ng mga kilos na isinulat. Kahapon Ngayon BukasDEPED COPYKilosSanhiBungaC. Gawin natin ang Kalendaryo ng Pagtulong. 1. Kumuha ng isang malinis na papel. 2. Gumawa ng isang buwang kalendaryo. 3. Sa kaliwang itaas na bahagi, isulat ang buwan ng natapos na kalendaryo. 4. Isulat sa bawat araw ang mga gagawin mo upang makatulong sa kapuwa at sa kapaligiran mo. 5. Lagyan ng  kung ang isinulat ay nagawa at  naman kung hindi. 66 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYIsaisip Mo A. Paano mo ngayon bibigyang kahulugan ang pang-uri? Gamitin ang bilog sa ibaba upang maibigay ang mga natutuhan mo. Gawin ito sa kuwaderno. Dati ko nang alam… Natutuhan ko ngayon… B. Gumawa ng isang islogan na nagsasabi ng iyong natutuhan tungkol sa pandiwa. Gawin ito sa isang malinis na papel. C. Ano-ano ang natatandaan mo tungkol sa salitang nasa palad? Sumulat sa bawat daliri ng mga bagay na natutuhan mo tungkol dito. Bakatin ang sarili mong kamay sa kuwaderno at gawin ang hinihiling. Ang paksang pangungusap ay… 67 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isapuso Mo Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang tulongna iyong natanggap. Ipakita rin dito ang dahilan at ang naidulotsa iyo ng tulong na natanggap mula sa iba. Gawin ito sa isangmalinis na papel.Isulat Mo Gamitin ang planner sa pagsulat ng talata tungkol sa sarilingkaranasan.DEPED COPY RECOUNT PLANNERSaan? Kailan? Sino?Mga Pangyayari Ayon sa Wastong Pagkakasunod-sunod Mga Pang-ugnay na Salita una pangalawa sumunodkaya ngayon kinabukasan panghuliPang-ugnay na Ano ang nangyari? Ano ang reaksiyon o Salita damdamin? Katapusan 68 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag-unlad 8Paano nakatutulong ang ating kalikasan sa pagpapaunladng kabuhayan ng mamamayan?Paano ginamit ang mga pandiwa sa araling ito?DEPED COPYTuklasin MoA. Kilalanin muna natin ang mga salitang ginamit sa kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Tukuyin kung aling mga larawan ang dapat magkasama upang mabuo ang mga puzzle. Isulat sa kuwaderno ang letrang dapat magkasama. chchaaininssaaww BA gulok DC 69 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

maskulado EDDEPED COPYpalakolGFNakatugma bang lahat ang mga larawan at salitangpinagsama mo? Tandaan mo ang kahulugan ng mgasalitang ito upang maunawaan ang kuwentong babasahinng iyong guro. 70 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Isa sa mga paraan upang matukoy ang kahulugan ng mga bagong salita ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salitang kasingkahulugan nito. Subukin nating gawin ito sa sumusunod na salitang ginamit sa tekstong iyong babasahin. Gumuhit sa kuwaderno ng dalawang puno na katulad nito. Isulat sa bawat puno ang salitang bibigyang kahulugan. Isulat naman sa mga dahon ang mga salitang kasingkahulugan nito. Maaari kang humingi ng tulong sa iyong mga kaklase upang mapuno mo ang mga dahon. Naririto ang mga salitang gagamitin mo. - hinaing - kumikinang Ngayon, kayang-kaya mo nang basahin ang teksto sa susunod na pahina. 71 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBasahin Mo Kahalagahan ng Kalikasan Ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya,hindi mayaman sa salapi pero maunlad sa likas na kayamanan.Gaya ng kasabihan, “hindi lamang ginto ang kumikinang,”hindi lamang ginto ang maituturing na kayamanan. Maging angkayamanan sa ating paligid ay maituturing na kayamanan-tuladng kalikasan. Subalit, napahahalagahan nga ba nang tamaang ating kalikasan? Di ba’t lahat tayo’y nilikha ng Maykapal? Nilikha na maykaniya-kaniyang tungkulin. Tayong mga tao ay nilikha upangpahalagahan at pagyamanin ang Kaniyang mga likha. Gaanoba kahalaga ang kalikasan? Para sa akin, sadyang napakahalagang kalikasan, dahil dito tayo kumukuha ng ating hinahain sa atinghapag-kainan tulad ng isda na nakukuha sa ating katubigan,mga prutas, gulay at bungang kahoy na makukuha sa halamanan.Dito rin tayo kumukuha ng mga kasangkapan sa paggawa ng bahay. Pero, nakalulungkot isipin na unti-unting nasisira ang atingkapaligiran. Unti-unting nawawala ang ganda ng mga itinuturing nakayamanan. Ang karagatan na dati’y kulay asul ngayon ay nagingitim. Papaano na nga ba ang mga kabataan sa hinaharap? Walanang malalanguyang malinis na tubig, at wala na ring punongaakyatan, dahil sa walang habas na pagputol, ngunit hindi namannapapalitan; wala na rin tayong malalanghap na malinis na hanginsa hinaharap dahil wala na ang mga punong sumasala sa hangin.Kapag tuluyang nawala ang mga puno, mawawalan ng balanseang ecosystem. Ito ay magdudulot ng matinding init sa mundo.Kapag dumating naman ang panahon ng tag-ulan o bagyo, madalingmatatangay ng tubig ang lupa, dahil wala ng kumakapit dito. Maaariitong magbunga ng pagkamatay ng mga taong nakatira malapitsa mga dalisdis o paanan ng bundok. 72 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYSa ating kapaligiran din kumukuha ng mga trabaho ang mga tao, gaya ng pangingisda at pagsasaka. Sana nga ay matigil na ang mga illegal na ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan, dahil tayo rin ang maapektuhan nito sa huli---lahat tayo ay madadamay. Kaya halina sama-sama nating pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid. Pairalin natin ang sariling disiplinang huwag tapunan ng basura ang ating mga katubigan pagkat malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan! http://nathan-tantizm.blogspot.com/2009/07/kahalagahan-ng- kalikasan.html Tungkol saan ang binasa mong teksto? Paano inilarawan ang kayamanan ng bansa? May mga pandiwa ka bang nabasa? Ano-ano ang mga ito? 73 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagyamanin NatinGawin Ninyo A. Basahin ang talata at gawin ang mga nakasulat na panuto. Ang Punong Niyog Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na panggatong ang katawan nito. Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis, at mga kagamitang pambubong. Ang bunga ang pinakama- halagang bahagi nito. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ang nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan. Mula naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis at makagawa ng kendi at gamot. Nanggagaling din sa laman nito ang mga sangkap na magagamit para sa pabango, sabon, sorbetes, ulam, at cake. 1. Ang mga bagay sa baba ay galing sa punong niyog. Isulat ang mga ito nang paalpabeto. Sa tapat ng bawat isa, isulat ang bahagi ng puno na pinagkukunan nito. a. walis b. butones c. panggatong d. kendi e. kagamitang pambubong 2. Gamit ang pinagpunit-punit na mga papel, gumawa ng isang punong niyog. 3. Gumuhit ng isang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang punong niyog. 74 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Basahin ang mga talata. Sa isang malinis na papel, gayahin ang organizer na ito. Sa octagon, isulat ang lugar o bagay na tinalakay sa talatang pinili. Sa mga bilohaba naman, sumulat ng mga pang-uring maaaring gamitin sa tinukoy na pangngalan. 1. Napakalawak ng ating mga dagat at napakaraming ilog na mapagkukunan ng panustos na pagkain. Dahil sa industriyalisasyon, dumami ang mga pagawaan at mga pabrikang nagtatapon ng mga dumi at mga kemikal na nagpaparumi sa ating mga ilog at dagat, at nagsisilbing lason sa mga isda at iba pang nangabubuhay sa tubig. Bakit dumudumi ang ating kapaligiran? 2. Maraming likas na kayamanan ang Pilipinas. Malalawak ang mga lupang pang-agrikultura na maaaring pagtaniman ng palay, mais, tubo, tabako, at iba pang produkto. Madadawag ang mga kagubatang pinanggagalingan ng mga troso at mababangis na mga ibon at hayop. Ang mga karagatan nito ay namumutiktik sa isda at iba pang lamang- dagat. Sa mga bundok matatagpuan ang mga kayamanang mineral tulad ng ginto, pilak, karbon, chromite at iba pa. Bakit sinasabing mayaman ang Pilipinas? 75 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C. Matapos ang pagtatanim ninyo ng punla ng mga punong ipinadala ng guro, alamin natin kung ano-anong punongkahoy ang naitanim ng inyong pangkat. Ipakita ito sa pamamagitan ng ibinigay na balangkas.Pangalan ng Puno Ilan ang naitanim?DEPED COPY Pananda: = isang punoGawin MoA. Sumulat tayo ng isang talatang naglalarawan ng kagandahan ng biyaya ng ating kalikasan. Pumili ng isang panimulang pangungusap para sa isusulat mong talata. 1. Ako ay kakaibang bulaklak. 2. Ako ay ligaw na damo. 3. Maraming kakaibang bulaklak sa paligid. 4. Malamig ang tubig sa sapa.B. Batay sa natapos na talata, gumawa ng isang tanong na nagsisimula sa bakit at paano. Humanap ng dalawang kaklase, ipabasa ang naisulat mong talata at pasagutan ang mga inihanda mong tanong. 76 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isaisip Mo Matapos nating pag-aralan kung paano ginagamit ang panghalip, pandiwa at ang pagsulat ng talata, ano-ano ang natutuhan mong dapat at hindi dapat sa paggamit ng mga ito? Gawin ito sa kuwaderno gamit ang ibinigay na format.1 Dapat Hindi Dapat Paggamit ng pang-uriDEPED COPY Paggamit ng pandiwa Pagsulat ng talataIsapuso MoKompletuhin. Upang mapahalagahan ang biyayang bigay ng kalikasan,simula ngayon, pagsusumikapan kong _________________.Isulat Mo Sumulat ng isang maikling liham na humihikayat sa ibangkabataan upang pangalagaan ang kalikasan. Bigyang diin ang mga biyayang bigay nito na magagamit natin upang magingmaunlad ang ating buhay. 77 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Pagpapaunlad ng Pamayanan 9Ano ang maitutulong mo upang mapaunlad angpamayanang kinabibilangan?Ano ang pariralang pang-abay?Ano ang dapat tandaaan sa pagsulat ng isang talata?panuto?DEPED COPYTuklasin MoA. Kilalanin ang salitang nasa kahon. Ibigay ang hinihiling ng bawat bintana upang maunawaan nang wasto ang bawat salitang mapakikinggan sa kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Kahulugan Larawan Salita Pangungusap kunot ng noo Larawan Kahulugan Salita Pangungusap naglulupasay Handa ka nang makinig sa kuwento ng iyong guro! 78 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Naririto naman ang pares ng mga salita na mababasa mo sa tekstong nasa Basahin Mo. Tingnan natin kung ano ang nalalaman mo na sa mga salitang ito. Isulat sa bilohaba ang pagkakatulad ng mga salitang nasa itaas na mga kahon. Isulat naman sa mga kahon na nasa ilalim ng bilohaba ang pagkakaiba ng mga salitang nililinang.Muslim Kristiyano PagkakatuladDEPED COPY Pagkakaiba Huwag kang masyadong mag-alala kung kaunti lamang ang naisulat mo. Higit na makikilala mo pa sila sa pamamagitan ng pagbasa ng susunod na teksto at sa mga talakayang gagawin ninyo sa klase. 79 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBasahin Mo Bakit pinapurihan ang mga Muslim at Kristiyano? Muslim at Kristiyano, Pinapurihan  MIDSAYAP, North Cotabato, Okt.  9 (PIA)--Pinapurihankamakalawa ng pamunuan ng unang distrito ng North Cotabatoang ginawang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Muslimat Kristiyano sa gitna ng kaguluhan.  Matatandaang  matapos ang  kaguluhan sa  pagitan ng sundaloat  tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom  Fighters (BIFF) noong nakalipas  na  buwan  at matapos ang negosasyon,  limang  Muslimang  boluntaryong naghatid  ng siyam na mga  guro  pabalik sa  Barangay Malingao.  Ang  nasabing  mga guro ay  dinala ng mga  rebeldeng  BIFF habang  lumalayo sa  tropa  ng pamahalaan.  Ayon kay House Committee on Peace, Reconciliationand Unity Vice Chairperson at North Cotabato First District Rep.Jesus Sacdalan, patunay lamang ito na hindi naging hadlang angpagkakaiba ng kultura upang magkaisa at magtulungan. Aniya, “Ang naganap na pagkakaisa ay magsisilbing modelong pagututulungan hindi lamang sa Distrito Uno ngunit magingsa buong bansa”. -Shahana Joy E. Duermehttp://newa.pia.gov.ph/index.php?article=2301381288328#sthash.xDbtgLHu.dpuf 80 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Natatandaan mo ba ang mga pangyayari sa “Hardinerong Tipaklong?” Sino-sino ang tauhan dito? Ano ang damdaming ipinakita nila sa napakinggang kuwento? Pangalan ng Tauhan _______________________Ano ang ginawa niya? Una Gitnang BahagiDEPED COPY KatapusanAno ang damdamin niya?B. Balikan natin ang napakinggang kuwento at binasang teksto. Pumili ng isang tauhan mula sa mga ito at ilarawan ang kanilang ikinilos. Obserbahan din ang isang kaklase at ilarawan ang kaniyang ikinilos. Bilugan ang ginamit na pang-abay sa mga pangungusap na isusulat.Hardinerong Muslim at Ang Aking Tipaklong Kristiyano, Kaklase Pinapurihan 81 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYGawin Mo Paano ba inihahanda ang isang plot bago ito taniman? Isulat ang mga panutong dapat sundin. Bilugan ang mga pang-abay na ginamit. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 82 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isaisip Mo Isulat sa kahon ang sagot sa mga tanong na nakasulatsa bawat bilog. Gawin ito sa kuwaderno.Ka1i.laKnailan 3. Ano ang dapatginaggianmagitaamnigt ang tandaan sapangphaanlgiphalip na pagsulat ngna ppaanngg-a-abbaayy? isang talata?DEPED COPY 4.Panuto? 2. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng isang panuto? Isapuso Mo Gumawa ng tseklist kung ano-ano ang magagawa mo upang makatulong sa pagpapaunlad ng pamayanan. Salungguhitan ang pang-abay na ginamit. Gawin ito sa kuwaderno. Isulat Mo Basahing muli ang ginawa sa Pagyamanin Natin Gawin Ninyo B. Pumili ng isang pangkat ng mga paglalarawang ginawa. Isulat muli ito sa anyong patalata. 83 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Hangad na Likas-Kayang Pag-unlad 10 Ano ang likas-kayang pag-unlad?DEPED COPY Kailan ginagamit ang pang-abay? Ano ang kaugnayan ng sanhi at bunga? Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang liham?Tuklasin MoA. Ang mga salitang initiman sa bawat pangungusap ay mapakikinggan sa kuwentong babasahin ng guro. Ibigay ang kasalungat ng bawat isa upang matukoy ang kahulugan nito. 1. Maalaga si Bryan sa kaniyang mga halaman kaya may magandang sibol ang mga ito. 2. Mataas ang lagnat ni Roselle kaya mainit ang kaniyang pakiramdam. 3. Magagara at mamahalin ang mga laruang pasalubong ng ninang ni Kamille buhat sa ibang bansa. 4. Payabungin natin ang mga puno sa hardin sa pamamagitan ng pag-aalaga nito. 5. Ang kinatatakutan nating kalamidad ay maiiwasan kung iingatan natin ang ating kapaligiran. 6. Dahil sa patuloy na pagpuputol ng mga puno sa bundok, ang lupa rito ay nauka. Naibigay mo ba ang lahat ng kasalungat? Tingnan natin kungtama ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pakikinigsa kuwentong babasahin ng iyong guro. 84 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Ang mga salitang may guhit sa bawat pangungusap ay ginamit sa tekstong iyong babasahin. Ibigay ang kahulugan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga salitang kasalungat nito.Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo. 2. Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay. 3. Walang humpay ang pag-iyak ng bata. Ngayon, handa ka nang magbasa sa kuwento ni Elay. Tandaan mo ang kahulugan ng mga salitang ating nilinang upang higit na maunawaan ang kuwentong inihanda para sa iyo. 85 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBasahin Mo Bakit kaya nagising ang ating bida? Saan siya nagising? Nagising sa Katotohanan ni Fragilyn B. Rafael May kakaibang kinahihiligan si Elay. Tuwing Sabado at Linggo, kung wala silang lakad na mag-anak, wala siyang ginagawa kundi ang gumuhit nang gumuhit. Nais niyang maging mahusay sa pagguhit at magingmagaling at sikat na tagaguhit balang araw. Ngunit mahilig din siyang mag-aksaya ng mga papelna kaniyang ginagamit. Kapag may mali sa kaniyang ginagawa,punit dito, punit doon. Tapon dito, tapon doon. Isang araw, naubusan na siya ng kaniyang gagamitin kayanagmamadaling lumapit sa kaniyang Tatay. “Tay, wala na po akong sketch pad. Baka puwede tayongpumunta sa tindahan para bumili.” “Elay, ano na namang ipinabibili mo sa Tatay mo?” ang sabatng kaniyang Ina. “Ikaw naman, para papel lamang ang ipinabibili ng anak mo,”ang sagot ni Tatay. “Naku, Nathan, kung alam mo lamang ang ginagawa niyanganak mo sa kaniyang mga papel. Aba! Talo pa ang may pabrika.Punit dito, punit doon. Tapon dito, tapon doon. Matuto namansanang magtipid.” Natulog siya nang masama ang loob sa kaniyang mgamagulang. 86 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Maya-maya, nagsimula nang pumatak ang malakas na ulan sa kanilang bubong. Tumagal pa at lalo pa itong lumakas. “Hakutin natin ang mga gamit paitaas. Lumalakas pa rin ang ulan at mukhang magtatagal pa bago tumila. At baka lalong tumaas ang tubig.” Pagtigil ng ulan, nakita ni Elay ang maladagat na kapaligiran. Naglutang ang mga basura, malalaking troso at kung ano-ano pa. “Wala kasing humpay ang pagpuputol ng mga puno lalo na sa kabundukan. Kaya, hayan tuloy nawawalan ng kakapitan ang lupa at patuloy itong nauuka. Kailan kaya sila titigil?” ang tanging nasambit ng nag-aalalang Ina. “Tama nga si Teacher. Tama rin sina Nanay at Tatay.” Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Ano-ano ang pangyayari sa napakinggan at binasang teksto? Ibigay ang mga sanhi at bunga ng isang pangyayaring pipiliin mula sa dalawang teksto. Gumawa ng dalawang fishbone para sa napakinggan at binasang teksto. Gawin ito sa isang malinis na papel. Pamagat ng Kuwento: _______________________ Sanhi Pangyayari Bunga 87 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook