B. Nakatikim ka na ba ng kalamay? Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang maipakita ang mga nalalaman mo tungkol sa kakaning ito. Gawin ito sa kuwaderno.KulayHugisLasaPangunahing sangkapNgalan sa ibang wikaBasahin MoA. Kilalanin ang isa sa mga pinakasikat na pagkain sa hapag- kainan ng bawat Pilipino. KALAMAY. Ito ay ginawa sapamamagitan ng pagkatas ng gatamula sa kinayod na niyog, ginilingna malagkit na bigas na kungtawagin ay galapong at asukal napula. Panay na paghalo sa paglulutorito sa mahinang apoy, hanggangsa magpantay-pantay ang pagkunat. 132
Sa pagluluto ng kalamay, laging nauuna ang gata. Batangas,Quezon at Bikol ang sikat sa pagluluto nito. Bigyan naman natinng pansin ang norte, bago tayo dumako sa timog o hilaga. Kungikaw ay patungo sa norte, siguraduhing titigil kayo sa Rosales,Pangasinan. Sa terminal ng bus, naroon ang karamihangproduktong kakanin sa norteng maaaring matikman. Unang-unana ang makunat na kalamay ng mga Ilokano na nakabilot sa dahonng saging. Kung tayo naman ay patungong Timog, mula pa lamang saistasyon ng mga sasakyan, kalamay na ang iyong makikita.Sa Biñan, Laguna, sikat ang masasarap na puto at kakanin. Hindirin pahuhuli ang Uragon, Bicol. Sa dami ba naman ng niyogat tubo rito, siguradong kayang-kaya nilang gumawa ng pinaka-masarap na kalamay. May ilang bayan din ang kilala sa paggawa ng kalamay tuladng Mindoro, Iloilo, ang kalamay-hati ng Bohol, at sundot-kulangotng Baguio. Sinukmani sa Quezon at biko sa Laguna’t Pampanga.Nagkakaiba ang mga ito sa marangyang sisidlan, pangalangmadaling tumatak sa isipan at mga sangkap na nagpapasarapsa lasa na hindi mo sukat-maisip na maaaring gamitin bilangpagkain. Ano nga ba ang kalamay? Sa pangkalahatang kasagutan, itoay isang kakanin na maaaring gawa sa pinakunat na harina,kalabasa, galapong malagkit, asukal, at gata ng niyog. Kaya nagingespesyal ang kakaning ito dahil tiyaga’t sikap ang puhunan sa pag-gawa nito. Isang pakikibuno ng paghalo sa mahinang apoy, upangmakamit ang kunat na nais. Kunat ang pag-aantas sa kalamay,primera klase ang pinakamakunat.http://wwwsaatinghapag.blogspot.com/2013/12kalamay.html Tama ba ang mga naisulat mo kanina? 133
B. Bakit kaya inaanyayahan ni Divine ang kaniyang kaibigan na si Nila? Basahin natin ang liham na ito upang malaman. Mayo 10, 2014 106 Sungay West Lungsod ng TagaytayMahal kong Nila, Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita. Sa darating na Mayo 24-27 ng taong ito, ang aming lunsod aymagdiriwang ng Kalamay Festival. Ang lahat ng baranggay aymagpapasiklaban sa pamamagitan ng street dancing. Gayundin, magkakaroonng isang masarap na salo-salo na katatampukan ng iba’t ibang kalamay nalulutuin ng iba’t ibang barangay sa aming lunsod at sa mga karatigbayan. Sana makapunta at maging kaisa ka namin sa kakaibang pagdiriwangna ito ng aming lunsod. Ang iyong kaibigan, DivinePagyamanin NatinGawin NinyoA. Gumupit at idikit ang isang larawan ng produktong Pilipino sa malinis na papel. Sumulat ng mga pariralang maglalarawan dito. Salungguhitan ang pang-angkop na ginamit.B. Pumili ng isang talata mula sa tekstong binasa tungkol sa kalamay. Tukuyin ang paksang pangungusap nito at ang mga sumusuportang detalye nito. Lagyan din ng angkop na pamagat ang napiling talata. Gawin ito sa malinis na papel. Pamagat Paksang pangungusap Mga sumusuportang detalye 134
C. Piliin ang angkop na pangatnig sa kahon upang makompleto ang mga pangungusap. dahil kaya kung subalit upang 1. Nag-aaral akong mabuti kagabi _____________ may pagsusulit sa araw na ito. 2. Matutuwa ang iyong guro _____________ gagawin mo ang iyong gawain. 3. Iwasan mo ang pakikipag-usap sa katabi _______________ maunawaan mo ang iyong binasa. 4. Matatapos ko na sana ang aking gawaing-bahay ______________ nawalan ng koryente sa amin. 5. Masipag siya sa paaralan _____________ hindi na siya kailangang utusan ng guro.Gawin MoA. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makagawa ng sarili mong produkto, ano ang gagawin mo? Gumawa ng isang flyer upang ipakilala ito. Sumulat ng talatang may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol dito. Salungguhitan ang mga pang-angkop at bilugan naman ang mga pangatnig na ginamit. 135
B. Pumili ng isang talata. Basahin ito upang maibigay ang mga sagot sa tanong tungkol dito. 1. Makagagawa ka ng keso mula sa gatas ng kalabaw, baka, o kambing. Asinan ang gatas, pakuluin nang tatlumpong minuto habang hinahalo at pagkatapos ay itinggal nang mga sampung oras. Magkakaroon ito ng mga buo-buong bahagi na siyang babalutin sa murang dahon. Ngayon, may kesong puting napakadaling gawin. St. Mary’s Publishing Corp. a. Tungkol saan ang talata? b. Paano gawin ang kesong puti? c. Gaano katagal bago maluto ang kesong ito? d. Isulat ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng talata. e. Isulat ang pamagat na nais mong ibigay sa talatang ito. 2. Maraming uri ng dapo sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga ito sa tuktok ng mga matataas na punongkahoy sa kagubatan. Mayroon din namang tumutubo sa mga kapatagan. Napakahirap manguha at mag-alaga ng dapo kaya napakataas ng halaga nito kung bibilhin. St. Mary’s Publishing Corp. a. Tungkol saan ang talata? b. Ano ang dapo? c. Saan-saan ito matatagpuan? d. Bakit kaya mahirap itong alagaan? e. Isulat ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng talata. f. Isulat ang pamagat na nais mong ibigay sa talatang ito. 136
3. Ang puto bumbong, bukod sa kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang din sa tradisyon ng Paskong Pilipino. Ito ay kulay lila/ube at kakaning gawa sa giniling na malagkit na bigas. Isa ito sa mga pinakapopular na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan. http://www.akoaypilipino.eu/recipe/puto-bungbong a. Tungkol saan ang talata? b. Ano-anong sangkap ang kailangan upang makagawa ng puto bumbong? c. Isulat ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng talata. d. Isulat ang pamagat na nais mong ibigay sa talatang ito.Isapuso Mo Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng mga sarilinating produkto at kung paano natin tatangkilikin ang mga ito.Gawin ito sa isang malinis na papel.Isulat Mo Sumulat ng isang liham paanyaya para sa isang kaibigan.Anyayahan siya sa inyong lugar upang makita o matikman niyaang produktong ipinagmamalaki ninyo. 137
ARALIN Taas-Noo, Pilipino Ako! 15Paano mo maipagmamalaki ang pagiging Pilipino?Paano ginagamit ang card catalogue?Ano ang pagkakaugnay ng simuno at panaguri?Tuklasin MoA. Bago pakinggan ang isang balitang babasahin ng guro, linangin muna natin ang salitang mapakikinggan mula rito. Isulat sa palibot ng salitang domestic helper ang lahat ng mga salita at bagay na naaalala mo kapag naririnig ito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Ngayon, pakinggan na ang isang pag-uulat na may kinalaman sa salitang ito.B. Narinig mo na ang salitang card catalogue, hindi ba? Ibigay ang hinihiling ng bawat hanay upang maipakita ang nalalaman mo tungkol dito. Gawin sa kuwaderno.Saan ito makikita? Kailan ito Ano ang mga uri ginagamit? nito? 138
Basahin Mo Kilalanin pa natin ang card catalogue sa pamamagitanng pagsusuri sa nilalaman ng bawat kard na ito.Kard ng May-akda o manunulat700.4 Aragon, Angelita L., et. alLi 12 Bagong Filipino 5 JGM & Corporation Simoun St., Quezon City C 2011 110 p.; ill, 25 cm Kard ng Pamagat700.4 Bagong Filipino 5Li 12 Aragon, Angelita L., et. al JGM & Corporation Simoun St., Quezon City C 2011 110 p.; ill, 25 cm 139
700.4 Kard ng PaksaLi 12 Kaantasan ng Pang-uri Aragon, Angelita L., et. al JGM & Corporation Simoun St., Quezon City C 2011 110 p.; ill, 25 cmOnline Public Access Catalogue Ano-ano ang pagkakaiba ng bawat isa? Pagkakatulad nila?Kailan ginagamit ang bawat isa? 140
Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Ano-ano ang pangyayari sa napakinggang ulat? Ano ang naging sanhi at bunga ng bawat isa? Sagutin sa tulong ng balangkas na ito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Pangyayari Sanhi BungaB. Sinong Pilipino ang nabanggit sa balitang napakinggan? Ano ang kanilang ginawa upang maipagmamalaki sila? Sumulat ng pangungusap na naglalarawan sa kanila. Gawin ito sa isang malinis na papel. Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit. Bilugan ang simuno at ikahon naman ang panaguri. 141
C. Subukin natin ngayon kung makagagawa ka ng sariling card catalogue. Pumunta sa silid-aklatan at humanap ng mga aklat na may kinalaman sa mga natatanging Pilipino. Gamitin ang mga ito upang mapunan ang hinihingi ng bawat kard. Gawin ito sa malinis na papel. Kard Ng May-akda May-akda: Pamagat ng Aklat: Dibuhista: Manlilimbag: Copyright Date: Call Number: Bilang ng pahina Kard Ng May-akda May-akda: Pamagat ng Aklat: Dibuhista: Manlilimbag: Copyright Date: Call Number: Bilang ng pahina Kard Ng May-akda May-akda: Pamagat ng Aklat: Dibuhista: Manlilimbag: Copyright Date: Call Number: Bilang ng pahina: 142
Gawin MoA. Pumili ng isang imbentor o Pilipinong nakilala mo sa mga aralin natin sa buong taon. Isulat sa unang kahon ang kaniyang pangalan. Sa ikalawa naman, iguhit ang sa palagay mo’y sanhi at naisip niya ang kaniyang ginawa. Sa sunod naman na kahon, isulat ang kaniyang nagawa at sa huling kahon, isulat ang magiging bunga nito. Gawin ito sa kuwaderno.Pilipino Sanhi Ambag sa Bunga bansaB. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makagawa ng isang bagay para sa Pilipinas, ano ito? Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit. Sumulat ng limang pangungusap upang ilarawan ito. Salungguhitan ang pang-uring ginamit. Gawin ito sa malinis na papel. Bilugan ang simuno at ikahon naman ang panaguri. 143
Isaisip Mo Sumulat ng pangungusap bilang sagot sa mga tanong na: Ano ang natutuhan mo sa mga aralin sa linggong ito? Matapos maisulat ang sagot sa tanong na ito, salungguhitanang pang-uring ginamit. Bilugan ang simuno at ikahon angpanaguri.Isapuso Mo Paano mo maipagmamalaki ang pagiging Pilipino?Isulat Mo Sumulat ng isang maikling panata sa pagiging mabutingPilipino at sa ipinagmamalaking sariling lahi. 144
Karagdagang Gawain!A. Matapos ang inilaang oras ng iyong guro, ano-ano ang kuwentong pambata na iyong binasa? Isulat ang pamagat ng bawat isa sa mga bato na nasa mapa. Gawin ito sa isang malinis na papel. 145
B. Matapos basahin ang isang kuwento, ihanda na ang iyong book report. Gamitin ang mga inihandang balangkas upang maihanda ito nang maayos.Mapa ng KuwentoPamagat : __________________May-akda : __________________Bilang ng Pahina : __________________1. Ilarawan kung tungkol saan ang kuwento at sino ang mga pangunahing tauhan.2. Ilarawan kung ano ang nangyari sa umpisa ng kuwento.3. Ilarawan kung ano ang nangyari sa gitna ng kuwento.4. Ilarawan ang suliranin sa kuwento at kung paano ito nabigyang solusyon.5. Ilarawan kung paano nagwakas ang kuwento.Tauhan (Gawin para sa bawat mahalagang tauhan) Sa umpisa? Sa gitna? Sa pagtatapos?Ano angikinilos niya?Ano angugalingkaniyangipinakita?Ano angdamdamingkaniyangipinakita? 146
Ang Aking Binasang AklatPanimula – Ilagay ang buod ng kuwentong binasa. Angnilalaman ng bawat kabanata.Mahahalagang Punto – Ano-ano ang mahahalagangpangyayari sa bawat kabanata? Paano ito nakaapekto samga susunod na pangyayari?Ang May-akda – Sumulat ng pangungusap na nagpapakilalasa may-akda ng aklat na binasa.Sa Aking Pananaw 1. Ano ang pinakagusto mong bahagi ng kuwento? Bakit? 2. Alin ang pinakaayaw mo? Bakit? 3. Ano ang natutuhan mo sa bawat kabanata? Sa kabuuan? 4. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng kuwentong ito? 5. Nagtagumpay ba siya rito?Conclusion – Ano ang mensahe ng kuwentong binasa?Ang aklat na ito ay binibigyan ko ng markang/gradong…(5 ang pinakamataas)Sumulat ng 2 pangungusap upang ipaliwanag ang ibinigay namarka.Sa May-akdaSumulat ng isang maikling liham sa may-akda ng kuwento.Sabihin ang nais mong iparating sa kaniya. 147
Story TrailGumawa ng story trail para sa binasang nobela. 1. Sa isang malinis na papel, iguhit ang buod ng bawat kabanata. 2. Idikit ang mga ito sa isang malinis na papel na parang isang maze. 3. Maaari ring maglagay ng mga bundok at iba pang hugis, depende sa mga pangyayari ng kuwento. 4. Maaari ring maglagay ng isang theme para sa iyong trail. 5. Tingnan ang isang halimbawa na ito.Sanggunian:25 Terrific Literature Activities, Scholastic 148
Balikan natin ang mga salitang nabasa mo sa yunit na ito.Basahin ang bawat isa at alalahanin ang kahulugan nito. Kungmay hindi ka maunawaan, gamitin ang mga estratehiya nanatutuhan mo upang matukoy ang kahulugan ng mga ito.sa rin Caviteng lamang Bakoodang Bacoor kayana festival kakaninat pagkaing-dagat bansamga tao tinatawagay dito/rito Pilipinoito giniling nitoisang uri katashindi saging alisnito niya gamotkalamay isa langisdin/rin ngunit lagyanmay bahagi hamburgernang kudyapi kahitiba kalamansi tuladdahil balat keftamineral naging mabutiatin ginagamit sangkapnaman karne kawalikung katawan minutoka saan upangmo kanila banana cuelunsod kailangan mantikaiba’t iba tinadtad panutsabilang sibuyas nanaymula lahat niyaPilipinas makikita hiniwapaggawa ilan pantaytubig maunlad baboyasukal pamamagitan gulay 149
timog bago habamatatagpuan dahon talongkasagutan taba sitawkaniya puno hiponhugis buto bagoongbuhay tasa lakipagkain nais Taoistnakukuha America templekeso burger bagaydalawa kundi Tsinomayroon tanging dinarayotuwing laging turistaginaganap baka bulkanbayan itlog walapaaralan asin datingpanahon maaari sumabogmaraming rin naroonkilala kamatis magandainaasahan sampu nagpapakitaIloilo gusto natinganyos ngayon parangsi halos gawaingata daan maayosniyog gumawa ninunomalagkit tahanan irongawa patpat habangamin pakuluin instrumentosinasabing kumukulo namanmaasim masarap tagalalo bawang sasapitbote inihanda Setyembreginagawa isda taonito kaunti bakodbuo ampalaya buongpaminta kalabasa maging 150
munisipyo kalaunan plemasiya kumalat ugatpagdaraos malawak panganakkultural taniman kabagmag-aaral silangan nectarpatuloy Indonesia pulotmaaga kalamondin bubuyoglalawigan sintones nagtataglayarnis aldonisis protinauna dayap carbohydratekompetisyon paborito abobaston komersyal punocoach pinoproseso bitaminabigas konsentrasyon hugasannamin marmelada patuyuinpaghalo prineserba gagamitinpagluluto arnibal ingatanmahina chutney mahiwaapoy dagdag pigainBikol pampasarap strainer/salaansikat lutuin bawatNorte nagagamit bahagitayo mantsa honey/pulot-pukyutansigurado amoy haluinmakunat dumi ilagaybarangay pampaputi lalagyanmagkakaroon shampoo palamigingatas panggamot yelodapo pangangati mundonanggaling ubo gayunmanbansa namamaga naimbentolakas pampurga imbensiyonhibrido kapag lugarangat inihalo ipinagbibilimandarin pampalabas katulad 151
inilalagay panulukan pinakamatandaAsya nagluluto pangunahinAfrica malambot nasagiEuropa malinamnam garanasisiyahan matamis tunaylupain bunga makapigil hiningasahara inyo paniniwalahalimbawa maghanda malalamankumakain saba sinumanbilog hinog magsadyatupa panuhog katanunganpaghaluin talupan hahawakankamay ihulog nasusulatunahin hulugan tagapagpaliwanagkarne natutunaw tanawinpanimpla kakapit turistadagdagan piniprito kababalaghanpipino pagkaluto balinsusoberde pinakbet walang kapingas-pingassili pinitpit tingnanbilugin hinaluan nagbabagopinaghalo sinala natutulogkasinlaki maliliit minsanbola iluluto nasawigolf pahaba kalayuaniprito parisukat simbahanihawin katamtaman natabunanbarbekyuhan isinalang torepagkalipas iginisa saksibaligtarin nilagyan kasalukuyanbantayan sabaw aktibomasunog dinikdik pamburanakakain tinimplahan yesomeryenda pinakuluan luwadkabataan inihulog pakikibuno 152
4 Yaman ng LahiWika at Pagbasa sa Filipino Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kole- hiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ngahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at FilipinasCopyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaadlamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindinakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mgatagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim : Br Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralPunong Tagapangasiwa: Angelika D. JabinesMga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. JabinesMga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. VillanuevaMga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. VillenaTagatala: Ireen SubebeInilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address : [email protected] ii
PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ngMag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ngFilipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sapaggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sakapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos namalinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa,pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti angmga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto atangkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita okonsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaanang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula,balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin. iii
Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo atGawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ngmga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula satalakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaringgawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman aygagawin mo nang nag-iisa. Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin. Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upangmaisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawataralin. Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawasa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ngiba’t ibang uri ng pagsulat. Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng: Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mgasalitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit. Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryong mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata namapipili. Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mgagabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnayng isang chapter book na natapos mong basahin. iv
Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyongsarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitinang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat napamamaraan. Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA v
TALAAN NG NILALAMANYunit IV – Galing ng Pilipino, Hinahangaan ng Buong MundoAralin 16 – Natatanging Pilipino, Kilala ng Mundo................154 • Kahalagahan ng Panuto • Uri ng mga Pangungusap at Gamit ng mga Ito • Mga Kilalang Pilipino sa Buong MundoAralin 17 – Kabayanihan sa Panahon ng Kalamidad............162 • Mga Dapat Tandaan kung Kailan Magiging Katotohanan o Opinyon ang Isang PahayagAralin 18 – Pangangalaga saTungkulin at Karapatan ng Mamamayan....................................175 • Pangangalaga ng Pamahalaan sa mga Karapatan at TungkulinAralin 19 – Imbensiyon ng Kabataan, Pahalagahan................183 • Pagmamalaki sa Imbensiyong Ginawa ng Kabataang PilipinoAralin 20 – Pagkakaisa sa Pagkakaiba ...................................189 • Pagsulat ng Iskrip para sa TeleradyoBokabularyong Pang-akademiko..............................................196 viii
Yunit IV Galing ng Pilipino Hinahangaan ng Buong MundoSa paglipas ng panahonHusay at galing ng PilipinoHindi pa rin natitinagHindi pahuhuli saan mang sulok ng mundo. 153
ARALIN Natatanging Pilipino, Kinilala ng Mundo 16Bakit mahalaga ang mga panuto?Ano-ano ang uri ng pangungusap?KKaailialann ginagamiittaannggbawat isa?Paano ka makikilala sa mundo?Tuklasin MoA. Ang mapakikinggan mong kuwento ay tungkol sa karanasan ng mag-ama sa isang lutuin. Upang mas maunawaan ito, kilalanin natin ang ilang salita na ginamit dito. 1. Gumawa ng talaan ng mga nakahihiligan mong pagkain. Ano ang kahulugan ng nakahihiligan? 2. Alin sa mga putaheng ito ang kaya mong lutuin? a. adobong pusit b. sarciadong isda c. tinolang manok d. mechado e. pinakbet f. afritada Batay sa natapos na gawain, ano ang kahulugan ng putahe? Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito. Humanda na atmakinig sa kuwentong babasahin sa iyo. 154
B Sa pamamagitan ng isang balita, kilalanin natin ang isa sa mga Pilipinong nakilala sa ibang bansa. Alamin natin kung ano ang ginawa niya at siya ay naging katangi-tangi. Pero bago tayo magbasa, alamin muna natin ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa teksto. Iguhit sa iyong kuwaderno ang naisip mo sa sumusunod na mga salita: 1. chef 2. White House Tandaan ang kahulugan ng mga ito upang maunawaan angkasunod na balita.Basahin MoA. Sino ba si Cris Comerford? Pinay Chef, Pinasalamatan Sa ginanap na State Dinner sa Malacañang sa karangalan ngUS President na si Barack Obama, pinasalamatan niya ang pinaychef sa White House na si Cris Comerford na nagtatrabaho mulapa noong 1995. Ayon kay Presidente Obama, paminsan-minsan aynakakakain sila at ang kaniyang pamilya sa White House ng lumpiaat adobo ng inihanda ni Cris sa kanila, mga pagkaing Pinoy na nag-uugnay sa Amerika at Pilipinas. Si Cris ay ang kauna-unahang babae naging White Houseexecutive chef. Siya ay lumaki sa Sampaloc, Maynila. Bilang chefsa Head of State, si Cris Comerford ay miyembro ng Le Club desChefs.http://remithome2blog.wordpress.com/tag/pinay-chef-sa-white-house/may291014B. Ating kilalanin ang mga natatanging Pilipino noon at ngayon. 155
Mga Huwarang Pilipino Isa sa dapat natin ipagmalaki bilang mga Pilipino ay angmga taong nagbigay ng karangalan sa ating bansa dahil sa kanilang tapang at kakayahan. Kilalanin natin ang mga natatanging Pilipino noon at ngayon.Noon… Sino ang hindi nakakikilala kay .Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagtanggol ng ating kalayaan laban sa mga Kastila. Kaya nga’t ipinangalansa kaniya ang isang bayan sa Cebu, kung saan dati siyang isang pinuno. Si , ang Ama ng Katipunan, isang lihim nasamah- an ng mga Pilipinong hangad ang kalayaan ngPilipinas.Hindi naging sagabal ang kaniyang pagiging mahirap at ulilaupang makatapos siya sa pag-aaral. Ang “Ina ng Katipunan,” at mas kilala sa tawag na TandangSora. Siya si . Tinulungan niya at pinakain ang mgaKatipunerong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. 156
Ngayon … Siya si Liza Macuja - Elizalde. Isang Prima Ballerina. Siya ang kauna-unahang Kirov Ballet sa Russia. Tiyaga at determinasyon ang kaniyang puhunan sa pagtatagumpay niya sa larangang it kung saan siya nakilala. , at musikero. Karaoke Sing Along System na ginagamit natin ngayon. . Siya si Benedict Carandang. Isa siyang animator na nakilala dahil sa pagkapanalo niya sa British Council’s 2008 Young Screen Entrepreneur Search. Sa pamamagitan ng Tuldok Animation, isang non- profit na samahan, tinutulungan nila ang kapuwa Pilipino na maging magaling sa paggawa ng mga animated film. 157
Pagyamanin NatinGawin NinyoA. Matapos mong mapakinggan ang sikreto ng luto ni Tatay, sumulat ng pangungusap upang 1. ilarawan ang isang tauhan sa kuwento; 2. damdamin mo sa ginawa ng tauhang ito; 3. sabihin sa kaniya ang nais mo sanang gawin niya sa kuwento; at 4. magtanong sa may-akda ng kuwento.B. Kilalanin si Marcela de Agoncillo sa pamamagitan ng pagbasa ng kaniyang maikling talambuhay. Sagutin ang mga tanong matapos ito. Isulat ito sa isang malinis na papel. Si Gng. Marcela de Agoncillo ay isinilang sa Taal, Batangas noong ika-24 ng Hunyo 1859. Buhat siya sa isang nakaririwasa at iginagalang na angkan. Sina Francisco Marino at Eugenia Coronel ang kaniyang mga magulang. Nag-aral siya sa Kolehiyo ng Santa Catalina, isa sa pinakapiling paaralang pambabae sa Maynila noong panahon ng mga Espanyol. Isa siya sa pinakamaganda at ipinagmamalaking dilag ng Batangas noong panahong iyon. Dahil sa kaniyang kagandahan, marami ang namintuho sa kaniya. Isang manananggol, si Felipe Agoncillo, ang kaniyang napusuan. Noong taong 1895, pumunta sa Hongkong ang kaniyang asawa upang tumakas sa pagtugis ng mga Espanyol. Sinundan niya ang kaniyang asawa at kasama ang kanilang mga anak, doon muna sila nanirahan. Dumating si Emilio Aguinaldo kasama ang iba pang rebolusyonaryo sa Hongkong noong Disyembre, 1897. Sa pakiusap ni Aguinaldo, ginawa niya ang makasaysayang bandilang Pilipino. 158
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas at naghariang kapayapaan, bumalik mula sa Pilipinas at nanirahan nangtahimik sa Maynila. Namatay si Marcela sa Taal, Batangas noongika-30 ng Mayo,1946 sa gulang na 85.Hango sa Pagpapaunlad ng Pagbasa, St. Mary’s Publishing Corp.Sagutin: 1. Tungkol saan ang teksto? 2. Saang angkan siya nagmula? 3. Bakit maraming namintuho kay Marcela? 4. Bakit siya pumunta ng Hongkong? 5. Bakit nagbalik ang kanilang pamilya sa Pilipinas? Ano-ano ang mahalagang natutuhan mo mula sa pagbasang talambuhay ni Marcela Agoncillo? Gamitin ang bawat letrana nasa loob ng kahon upang maisulat ang mga ito. Gawin itosa isang malinis na papel. 159
Gawin MoA. Sino sa mga tauhan sa napakinggan mong kuwento ang naibigan mo? Sumulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap upang mailarawan siya. Bilugan ang mga pang-uring ginamit.B. Basahin ang talata. Sagutin ang mga tanong tungkol dito sa kuwaderno. Si Abdulmari Asia Imao ay isang Pambansang Alagad ng Sining. Isa siyang pintor, eskultor, potograpo, at tagapagtaguyod ng kulturang Muslim. Marami siyang ginawang rebulto at monumento ng mga bayaning Muslim. Pinasikat niya ang disenyo ng sarimanok at okir. Ayon sa kaniya, ang sarimanok ay isang mensahero ni Allah. Mula ito sa kilalang paniniwala ng mga taga Mindanao. Ang okir naman ay disenyo sa paghahabi at paglililok na mula pa rin sa Mindanao. Ngayon, kinikilala ang sarimanok at okir bilang disenyong Pilipino. Sagutin: 1. Ano-ano ang talento ni Adbulmari Asia Imao? 2. Ano-ano ang ginawa niya at naging isa siyang pambansang alagad ng sining? 3. Ano ang ibig sabihin ng sarimanok? 4. Ano ang okir? 160
Isaisip Mo Sagutin ang balangkas ayon sa iyong natutuhan sa aralin. 3-2-1 3 Bagay na Natuklasan Ko 2 Bagay na Nakatawag ng Aking Pansin 1 Bagay na Hindi Ko MaunawaanIsapuso Mo Gumawa ng isang postcard upang maipagmalaki ang isangnatatanging Pilipino.Isulat Mo Sumulat ng liham para sa isang natatanging Pilipinona nakilala mo sa aralin. Sabihin sa kaniya kung paano moipagmamalaki ang mga taong katulad niya at kung ano-ano anggagawin mo upang maging katulad din niya. 161
ARALIN Kabayanihan sa Panahon ng Kalamidad 17Ano-ano ang dapat nating gawin upang maging bayani sapanahon ng kalamidad?Kailan katotohanan ang isang pahayag?Kailan ito nagigingopinyon?Tuklasin MoA. Maraming-maraming bahay? Sino? Bakit kaya? Alamin sa pamamagitan ng pakikinig ng isang kuwentong babasahin sa inyo. Kilalanin muna ang ilan sa mga salitang ginamit dito. Gamitin ang diksiyonaryo upang maibigay ang hinihingi ng talahanayan. Isagawa ito sa iyong kuwaderno.Salita Anong ba- Pantigin Ano ang kahu- Iguhit ang hagi ito ng ito. lugan nito? salitang pananalita? ito.bahahupatinangay Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas higitmong maunawaan ang kuwento. Ihanda na ang sarili at makinigsa kuwentong babasahin sa iyo. 162
B. Suriin ang mga larawan? Ano ang ipinahihiwatig nito? Isulat sa mga kahon ang salitang katumbas ng nasa larawan. Handa ka ba rito?Paano?Basahin MoA. Basahin ang editoryal na ito. Pagkatapos, sagutin muli ang tanong na ibinigay sa naunang gawain. Handa nga ba sa Kalamidad? Pilipino Star Ngayon Hunyo 7, 2013 Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa PacificOcean at maaaring pumasok sa Pilipinas sa Sabado o Linggo.Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical-Services Administration (PAGASA) kapag pumasok na sa bansaang LPA tatawagin itong “Dante”. 163
Malayo pa ang LPA pero sabi ng mga taga-PAGASA,maaaring ito na ang simula ng tag-ulan. Noong nakaraang linggo,sinabi ng PAGASA na uulanin ang pagbubukas ng klase noongLunes. Pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat naging magandaang panahon sa maraming lugar kasama na ang Metro Manila.Unang pangyayari na naging maaliwalas ang panahon sa unangaraw ng klase. Nang mga sumunod na araw ay naging magandapa rin ang panahon kaya nagpatuloy ang pasok ng mga estudyante.Sa mga nakaraang pagbubukas ng klase, unang araw pa lamangay suspendido na agad dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulanna naging dahilan ng pagbaha. Iniulat naman ng World Bank (WB) noong nakaraang linggona isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakahanda sa naturaldisasters. Nakakuha ang Pilipinas ng 3.25 % average indicator.Ilan pa sa mga bansang handa sa kalamidad ay ang Thailand(3.5 %), Indonesia (3.75 %), Japan (4 %) at Malaysia, 4.25 % Hindi naman sinabi kung ano ang naging batayan ng WB at nasabing isa ang Pilipinas sa mga pinakahandang bansa sapagdating ng kalamidad. Maaaring ang pinagbatayan ay angmadalas na pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas. Sanay na ang mgaPilipino sa may 24 na bagyo na dumadalaw sa bansa.Ang pananalasa ng bagyo ang nagdudulot ng pagkawasak ng mgabahay at pagkasira ng mga pananim. Marami rin ang namamataydahil sa bagyo. Ang pagbaha ay karaniwan na lamang sa bansa.Noong 2009, nanalasa ang bagyong “Ondoy” at lumubog ang MetroManila. Hindi masasabing preparado ang Pilipinas sa mgakalamidad. May pagkakataong mali ang forecast ng PAGASAsa bagyo. Minsan, nagalit si President Aquino sa maling pagtayang bagyo. Mabagal din naman ang gobyerno sa pagre-relocateng informal settlers kaya marami ang namamatay. Kung walangmaitatalang casualties, saka pa lamang sigurong masasabi nahanda ang Pilipinas sa natural disastershttp://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/06/07/951032/editoryal-handa-nga-ba-sa-kalamidad 164
B. Ayon sa ulat, tayo ang pinakahanda pagdating sa kalamidad? Alamin kung paano ka makatutugon sa hamon na ito. Isang mahalagang paalala mula sa: 165
166
167
http://drrknowledge.net/paano-magin-handa-at-manatiling-ligtas-sa-bagyo 168
Pagyamanin NatinGawin Ninyo A. Basahin upang masagot ang mga tanong tungkol dito.Mga Dapat Gawin sa Oras ng LindolMay 1 minuto ng malakas na pagyanigpaglindolna Una, protektahan ang sarili sa ilalim ng mesa,nangyari at iba pa. Huwag lalabas dahil sa pagmamadali. Buksan ang pinto at bintana1-2 Patayin ang maaaring panggalingan ng apoy kapag tumigil ang pagyanig.minutomatapos Tingnan ang pinangggalingan ng apoy.ang lindol Kung may apoy, mahinahon itong patayin. Tiyakin ang kaligtasan ng pamilya. Tingnan kung hindi nasugatan o nadaganan ng natumbang kasangkapan. Isuot ang sapatos. Protektahan ang paa sa mga nagkalat na basag na salamin.3 minuto Tiyakin ang kaligtasan ng mga kapitbahay. Iwasan ang sunog.mataposlumindol Tumawag sa mga kapitbahay Tiyakin, ligtas, tumulong sa mga nasugatan at nawawala. Patayin ang apoy na manggagaling sa kapitbahay. Ipaalam ang pangyayari sa malakas na tinig. Gumamit ng Fire Extinguisher. Magtulong-tulong na pag-saboy ng baldeng tubig.5 minuto Makinig ng impormasyon mula sa radyo at iba pa.matapos Alamin ang tamang impormasyon.lumindol Makinig sa radyo, munisipyo, at mga independent fire organization. Iwasang gumamit ng telepono. Priyoridad ang emergency call. Kung may panganib na gumuho ang bahay, lumikas na. Isara ang gas at patayin ang breaker bago lumikas ng tahanan.Ilang oras Tumulong sa pagpatay ng apoy, rescue at relief operations.Mga 3 Siguraduhin na may tubig at pagkain na inipon.araw Huwag munang pumasok sa nasirang bahay. Hindi mabuti na magkaroon ng panibagong pinsala dahil sa pagpipilit. Kumuha ng impormasyon tungkol sa kalamidad/pinsala. 169
Paano ka Bakit kailangang magiging ligtas? gawain ito?May lindolPagkatapos1-2 minuto3 minutoIlang orasMga ilangarawB. Basahin ang tekstong ito. Tukuyin kung alin sa mga pangungusap ang opinyon at ang katotohanan. Gumawa ng isang talaan sa kuwaderno. Paghahanda sa Kalamidad Kamakailan ay napanood ko sa telebisyon ang dokumentaryotungkol sa nangyaring magnitude 9.0 lindol na yumanig sa Japannoong Marso 11, 2011. Alam na natin na nagresulta ang lindolna iyon sa dambuhalang tsunaming puminsala sa malaking bahaging Japan at kumitil din sa buhay ng may 20,000 na tao at pagkasirang daang bilyong dolyar na halaga ng mga ari-arian at pasilidad. Kilala ang Japan sa pagiging handa nito sa anomang uring kalamidad lalo na sa mga tsunami at lindol. Dahil mayamanang kanilang bansa ay talagang pinaglalaanan ng pamahalaan nilang pera at panahon ang mga bagay na ito. Pero sa kabilang kanilang mga paghahanda at paggamit ng mga modernongteknolohiya ay naganap pa rin ang trahedyang iyon sa Japan. Nang napanood ko sa telebisyon ito, bigla kong naalalaang bansa natin. Kinilabutan ako sa maaaring mangyari lalo nasa Metro Manila kung sakaling tamaan tayo nang ganoon kalakasna lindol at tsunami. Tiyak ko na mas malagim ang magiging resulta 170
nito sa atin lalo pa at alam kong karamihan sa mga gusali ritoay hindi pasado sa mga itinatakdang building code. Maliban pa rito, mas priyoridad ng mga opisyal natin angpolitika kaysa sa paghandaan ang panganib na dala ng mga naturalcalamity. Sa pag-aaral ng Metro Manila Development Authority (MMDA),tinataya ni Chairman Francis N. Tolentino na 38,000 na tao kaagadang mamamatay sa Metro Manila at higit 100,000 ang masasaktansakaling tamaan ito ng magnitude 7 na lindol. Kaya naman bumuona sila ng isang programa na tinawag nilang “Oplan Metro Yakal”(OMY) na siyang gagamitin kung magkaroon ng malakas napagyanig dito. Okay sa akin ang ginagawang ito ni Tolentino dahilnagpapakita ito ng kaniyang layunin na bigyang pansin ang bantang mga kalamidad. Nakasasawang pagmasdan ang mga opisyalna walang ginawa kundi maghatid lang ng relief goods,“magpapogi” at mag-photo ops sa mga biktima ng kalamidad. Ang kasabihan nga nating mga Pinoy, “Aanhin pa ang damokung patay na ang kabayo?”http://www.remate.ph/2013/06/paghahanda-sa-kalamidad 171
Gawin MoA. Upang lubos nating mapaghandaan ang isang kalamidad at maging ganap na ligtas, alamin natin ang sitwasyon sa ating lugar para makatugon tayo nang angkop sa mga panawagan ng pamayanan. Sagutin ang mga tanong na nasa tsart na ito sa tulong ng iyong mga magulang at iba pang nakatatanda sa pamilya at komunidad. Kalamidad at Bantang Panganib sa Aming Lugar Ano ang mga disaster na tumatama sa inyong lugar? Ano ang puwersang mapaminsala? - tubig - pagguho ng lupa - hangin - apoy Paano nalalaman na may parating na kalamidad? Gaano kaikli o kahaba ang panahon mula sa palatandaan at pagsalanta ng kalamidad? Gaano ito kadalas mangyari? Ano-ano ang napinsala sa inyong lugar? Sino-sino ang nasalanta? Saan sila natagpuan? Ano-ano ang ginawang pag-aangkop sa inyong lugar pagkatapos nang naranasang kalamidad? Paano ngayon naghahanda ang inyong lugar laban sa kalamidad? 172
B. Batay sa nakalap na impormasyon sa naunang gawain,sumulat ng isang editoryal tungkol sa kahandaan ngpamayanan sa kalamidad. Sitounngdasnulaantign,mggaampitiannauntogsraubricsIsulat Mo, p. 174. Mataposna inihanda upang maisaayos ito sa tulong ng isang kaklasebago ipasa sa guro. Elemento Sumulat KaklaseMalinaw ang posisyon ngsumulat.May mga sumusuportangdetalye sa opinyon.Kinilala ang naiibangopinyon.May mga sumusuportangdetalye sa ibang opinyon.Nakapagbigay ng mgaepektibong hamon saibang opinyon.Hinikayat ang mgamambabasa na pumanigsa kaniyang opinyon.Iba pang punaIsaisip Mo Ano-ano ang dapat tandaan kung magbibigay ng opinyon?Isulat ang TU kung ang sagot mo sa tanong ay OO at TD kungHINDI. Gawin ito sa kuwaderno. 1. Naging magalang ba ako sa pagsasabi ng aking opinyon? 2. Pinag-isipan ko ba muna ang aking sasabihin bago ako nagsalita? 3. Sumigaw ba ako? 4. Lumikha ba ako ng sarili kong kuwento upang mapaniwala ko sila? 5. Iginalang ko ba ang opinyon ng ibang tao? 6. Pinakinggan ko bang mabuti ang ibang nagsasalita? 7. Sinabi ko ba nang malinaw ang aking mga ideya sa isyu? 8. Hinintay ko bang makatapos ang iba bago ako magsalita? 173
Isapuso Mo Sumulat ng isang pangako kung paano ka magiging muntingbayani sa panahon ng kalamidad.Isulat Mo Iplano Natin: Punan ang organizer upang makasulat ngsariling editoryal tungkol sa pagiging handa ng sariling pamayanansa kalamidad. Mga Tanong Sagot Mo1. Tukuyin ang isyu.2. Ano ang opinyon mo tungkol dito?3. Sumulat ng tatlong pangungusap na katotohanan na susuporta sa iyong opinyon.4. Ano ang argumento mo tungkol dito?5. Sumulat ng tatlong pangungusap na katotohanan na susuporta sa iyong argumento.6. Ilarawan ang hamon mo sa argumentong binanggit.7. Paano mo mahihikayat ang iyong mga mambabasa na pumanig sa iyong opinyon?8. Isulat ang iyong editoryal sa isang malinis na papel.174
ARALIN Pangangalaga sa Tungkulin at Karapatan ng Mamamayan 18Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang ating mgakarapatan at tungkulin?Paano mo ipakikita ang paggalang sa pakikipagtalastasanlalo na kung naka-online ka?Tuklasin Mo A. Upang lubos na maunawaan ang mapakikinggang kuwento, alamin natin ang kahulugan ng ilang mga salita na ginamit dito. Hanapin sa Hanay B ang salita o mga salitang tumutukoy sa Hanay A. Isulat ang magpares na salita sa kuwaderno. Hanay A Hanay Bsuperhero paghihiwalaychloro-flourocarbons paggamit muliozone layer proteksyon sa init ng arawsseegreagate tagapagtanggol recycle nakasisirang chemical 175
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224