Bigkasin mo nang wasto ang mga sumusunod:magiliw tunaynami’y reynapagmamaliw kantiyawkami’y siyukoymapagbigay buhaysumasayaw makulayAlam mo ba na ang tulang bahaghari at ang tulang Si Vena at Ako ay may mgasalitang may diptonggo?At may mga salita rin tayong tinatawag na klaster.Ang ibig sabihin ng klaster ay mga salitang may magkasunod na patinig o mgasalitang may magkasunod na katinig. Halimbawa:Magkasunod na katinig:bigkas – gk kurba – rbpista – st suklay – kltrak – tr diptonggo – ptMagkasunod na patinig:inaasahan – aa moog – ooinuupuan – uu, ua suot – uoialay – ia umeentra – eenauuhaw – uu mailap – aitao – ao kaulayaw – auMeron ding katinig-patinig-katinig at patinig-katinig-patinig.katinig-patinig-katinigHal. lakas - l a k a sbanal - banalpatinig-katinig-patinigHal. ilaw - i l a wpari - par iulo - ul o 4
Isaisip Mo Ang diptonggo ay alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na y o w sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. May iba’t ibang klaster ng mga salita. May magkasunod na patinig, magkasunod na katinig, may magkakasunod na katinig-patinig-katinig at magkakasunod na patinig-katinig-patinig. Pagsanayan Mo A. Sipiin sa kuwento ang mga salitang diptonggo at bigkasin nang wasto. Isulat ang mga salita sa sagutang kuwaderno. Ang Duhat at ang Pakwan Ang umaga’y maningning. Kaaya-aya ang sikat ng araw. Ang hangi’ybahagyang nagdadala ng lamig sa pakiramdam. Isang lalaki ang naglalakad sabukid. Pinapansin niya lahat ng bagay na nakikita sa paligid. Nang mapadaan ang lalaki sa taniman ng pakwan, ganoon na lamang angpaghanga niya. Ang malalaking bunga ng pakwa’y nasa ginagapangan ngbaging. Ang lalaki’y napabulalas. Sa katagalan ng paglalakad ng lalaki, inabotsiya ng pagod. Nakakita siya ng malabay na puno sa tabi ng daan. Lumilim siyaat sumandal sa puno. Sa ganong ayos natuon ang pansin niya sa bunga ng punong kinalililiman.Puno iyon ng duhat. “Ano ba namang puno ito, kay laki-laki’y kayliliit ng bunga,”nasabi ng lalaki. 5
Nag-isip ang lalaki. Pagkaraan, sinabi niya, “Palagay ko’y nagkamali angDiyos sa paglikha sa bunga ng duhat at ng pakwan. Bakit ang baging ngpakwan ay kayrupok at nakagapang lang sa lupa’y kaylaki ng bunga at itongduhat na kay laki ng puno’y kay liit naman ng bunga. Hindi kaya dapat na angduhat ang malaki at ang pakwan ay magbunga ng maliiit? Iyon ang akma sakanila.” Noo’y biglang umiihip ang hangin. Dalawang bungang duhat ay nalaglagat bumagsak sa ulo ng lalaki. Sa nangyaring iyon napadilat ang lalaki. “A, hindi nagkamali ang Diyos!”aniya. Kung ang bunga ng duhat ay naging ga-pakwan, patay na ako ngayon.” Pagkasipi mo at mabigkas nang wasto ang mga salitang may diptonggo. Gawin mo ito. May tatlong mahahalagang pangyayari na bumubuo sa kuwento. 1. Alin kaya sa mga sumusunod? a) ang paghanga ng lalaki sa malalaking bunga ng pakwan b) ang kaaya-ayang sikat ng araw c) ang pagpansin ng lalaki sa puno at bunga ng duhat d) ang paglikha ng Diyos sa bunga ng duhat at pakwan e) ang pagkawala ng pag-aalala ng lalaki nang tamaan siya sa ulo ng dalawang butil ng bunga ng duhat 2. Ano ang natutuhang aral sa kuwento? Piliin ang isa. a) Na lahat ng tao sa mundo ay iba-iba ang katangian b) Na ang iba’t ibang kababalaghang nakikita sa paligid ay maaari ding gawin ng tao c) Di dapat pagtakhan ang likas na pagkakaayos ng mga bagay pagkat ito’y naaayon sa Dakilang Lumikha. 3. Alin sa mga sumusunod ang di mahalagang pangyayari sa kuwento. At bakit? a) ang paghanga ng lalaki sa malalaking bunga ng pakwan b) ang pagpansin ng lalaki sa puno at bunga ng duhat c) ang kaaya-ayang pagsikat ng araw d) ang likas na pagkakalikha sa bunga ng pakwan at duhat e) inabot ng pagod ang lalaki 6
Tingnan mo nga kung tama ang napili mo. Narito ang tamang sagot. 1. a) ang paghanga ng lalaki sa malalaking bunga ng pakwan b) ang pagpansin ng lalaki sa puno at bunga ng duhat c) ang pagkawala ng pag-aalala ng lalaki nang tamaan siya ng dalawang butil ng bunga ng duhat 2. c) Di dapat pagtakhan ang likas na pagkakaayos ng mga bagay pagkat ito’y naaayon sa Dakilang Lumikha. 3. c) ang kaaya-ayang pagsikat ng araw e) inabot ng pagod ang lalaki. At bakit? Sapagkat ang pinag-uusapan o paksa ay kuwento tungkol sa pagkakaiba ng dalawang bunga. Hindi ang sikat ng araw at hindi rin ang lalaki ang paksa. Subukin Mo A. Basahin mo ito. JUAN TAMAD Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad at ang kanyang mgakaibigan. Ang ilog ay umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mgabangkang papel ang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog. Tuwang-tuwa silasa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ng mgabata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ngpuno ng saging. Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at doonnagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumamit ng tukod bilang sagwan.Lahat sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa.Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita silang nagpapakahirap sapagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog. Tinulungan ng tatlong bataang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsanaman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi namalayan ni Juan naang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alamng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di itogumamit ng sagwan. Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis nasila. 7
Sa kabilang dako, si Juan Tamad ay tulog pa rin sa natigil na balsa.Inabutan siya ng gabi. Nang nagising siya, wala siyang makita kundi purokadiliman. At nakarinig siya ng mga nakakakilabot na mga huni. Natakot siya.Nagsisisi siya kung bakit siya natulog. Bumalikwas siya at kumalas sa makapalna mga sanga ng kawayan. Pagdating niya sa bungad ng palayan, kumaripassiya ng takbo sa abot ng bilis ng kanyang mga paa. Kawawang Juan, tayo angmga buhok sa laki ng takot. 1. Ano ang paksa ng kuwento? a) Languyan sa ilog b) Karera ng balsa ng mga bata c) Ang pahabaan ng panagwan d) Kakila-kilabot na gabi e) Si Juan Tamad 2. Alin sa mga sumusunod ang mahahalagang pangyayari ng kuwento? Lagyan ng tsek ang titik. Alin ang hindi mahalaga? Lagyan ng ekis ang titik. a) Gumawa ng kani-kaniyang balsa ang mga bata. b) Nagtungo sila sa ilog at doon nagsimulang magkarerahan. c) Naglalaro ng bangkang papel ang mga bata. d) Tinawanan niya ang kanyang mga kaibigan. e) Nagsimulang matulog si Juan. f) Umayon sa ilog ang balsa ni Juan. g) Tinulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa. h) Inabutan ng gabi si Juan sa kanyang balsa. i) Nagsisisi siya kung bakit siya natulog. 3. Paano mo ilalarawan ang kuwento? a) Malungkot b) Puno ng pag-ibig c) Nakatutuwa d) Makabago 4. Anu-anong mga aral ang nakuha mo sa kuwento? a) Ang tuso ay laging panalo b) Di maganda ang walang pakialam sa kapuwa c) Ang katamaran ay di nagbubunga ng mabuti d) Sa gabi ay takot lagi ang nararanasan 8
5. Magtala ng mga salitang may diptonggo mula sa kuwento. Bigkasin sa harap ng isang nakatatanda na nakakaalam ng tamang bigkas.6. Punan ang talahanayan ng mga salitang galing sa kuwento.May Magkasunod na Patinig May Magkasunod na Katinig_________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ _________________________________Magkakasunod na Patinig-Katinig-Patinig_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Magkakasunod na Katinig-Patinig-Katinig_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Kung mahigit 70 bahagdan sa bilang ng mga sagot ang nasagutan mo nang tama,makipagkita sa iyong guro at ipakita ang iyong mga nagawa. Kung di ka nakakuha ng70 bahagdan, ulitin mo ang iyong mga ginawa sa modyul. Maaaring mayroon kangnakaligtaang sundin o basahin.Kung pasado ka na, binabati kita! Sige naipakita ang nagawa sa guro nang malamankung ikaw ay pumasa. 9
MGA GAMIT NG PANGUNGUSAP AT PAGGAMIT NG IBA’T IBANG BANTAS Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang mauuri mo ang mga pangungusap ayon sa gamit at magagamit ang iba’t ibang bantas sa pangungusap. Pagbalik-aralan MoPagbalik-aralan mo muna ang pagkilala sa pangungusap bago mopag-aralan ang mga gamit ng pangungusap. Sagutan mo ang mgasumusunod na pagsasanay.A. Tukuyin kung parirala o pangungusap ang lipon ng mga salita sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno. __________ 1. Ang bahay __________ 2. ay nahulog __________ 3. Magbasa ng aklat sa araw-araw. __________ 4. Kay tamis ng manggang hinog. __________ 5. Ang bakuran ay malinis. __________ 6. ay napakaganda __________ 7. Isang magandang likha ang kaniyang nagawa. __________ 8. Ako ay __________ 9. nawala na __________ 10. Nakatapos rin sa pag-aaral si Juan. 1
B. Gumawa ng 5 pangungusap tungkol sa larawan. Isulat ang mga pangungusap sa sagutang kuwaderno. 1. ______________________________________________________ 2. ______________________________________________________ 3. ______________________________________________________ 4. ______________________________________________________ 5. ______________________________________________________ 2
Pag-aralan MoPamilyang nagtutulungan,maganda ang pagsasamahan Panahon ng Tag-initAma: Naku! Panahon na naman ng tag-init.Ina: Kailangan ang ibayong pag-iingat sa sunog.Ama:Ina: Kagabi, nabalitaan kong naglibot sa bayan ang mga barangay tanod. Ano nga ba ang sumiklab kagabi?Anak: May sumiklab daw na kawad ng kuryente ng isang bahay. Gumapang ang apoy at lumikha ng sunog. Bah! Kailangan pala ang lubos na pag-iingat. Anak, humanap ka ng elektrisyan upang matingnan ang kawad ng kuryente sa kisame. May balot pa ba ang mga kawad ng kuryente? Opo Nanay, mabuti at napalitan namin ni Ama ang mga lumang dingding ng bahay. 3
A. Pahalagahan mo ang iyong binasa. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa maliit na kahon? Pamilyang nagtutulungan, maganda ang pagsasamahan _____________________________________________________ _____________________________________________________ 2. Nagtutulungan ba ang mga kasapi ng inyong mag-anak? Magbigay ka ng patunay. _____________________________________________________ _____________________________________________________ 3. Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga kasapi ng mag- anak? _____________________________________________________ _____________________________________________________ 4. Paano mo pinahahalagahan ang pagtutulungan ng mga kasapi ng inyong mag-anak? _____________________________________________________ _____________________________________________________ B. Narito ang mga katanungan batay sa binasa mong dayalogo. Sagutin mo ang mga sumusunod: 1. Ano ang mapapansin mo sa pangungusap ng ama? _________________________ ng ina? __________________________ at ng anak? _______________________ 2. Paano nagkakaiba ang uri ng pangungusap ng ama at ina? _____________________________________________________ _____________________________________________________ 3. Paano nagkakatulad ang uri ng pangungusap ng ama at ina? _____________________________________________________ _____________________________________________________ 4
4. Sumipi o kumopya ka ng mga pangungusap sa dayalogo na: nagsasalaysay ________________________________________________ ________________________________________________ nagtatanong ________________________________________________ ________________________________________________ nagsasaad ng damdamin ________________________________________________ ________________________________________________ nag-uutos ________________________________________________ ________________________________________________5. Ano ang bantas na ginamit sa pangungusap na: nagsasalaysay? ________________________ nagtatanong? __________________________ nagpapahayag ng damdamin? ________________ nag-uutos? ____________________________Kung ang sagot mo sa bahaging B bilang 4 at 5 ay katulad ng mga nakatalasa ibaba. Tama ka.4. - nagsasalaysay Kailangan ang ibayong pag-iingat sa sunog. Kagabi, nabalitaan kong naglibot sa bayan ang mga Barangay Tanod. May sumiklab daw na kawad ng kuryente ng isang bahay. Gumapang ang apoy at lumikha ng sunog. - nagtatanong Ano ba ang sumiklab kagabi? May balot pa ba ang mga kawad ng kuryente? - nagpapahayag ng damdamin 5
Naku! Panahon na naman ng tag-init. Bah! Kailangan pala ang lubos na pag-iingat. - nag-uutos Anak, humanap ka ng elektrisyan upang matingnan ang kawad ng kuryente sa kisame.5. nagsasalaysay? tuldok (.) nagtatanong? tandang pananong (?) nagpapahayag ng damdamin? tandang padamdam (!) nag-uutos? tuldok (.)Ngayon paunlarin mo pa ang iyong pang-unawa sa mga gamitng pangungusap.Basahin mo ang maikling talata sa loob ng kahon.Pagkatapos ay gawin mo ang gawain sa ibaba nito. Sa ikabubuti ng tao, ang pamahalaan ay itinatag. Bawat mamamayan ngbansa ay dapat sumunod sa batas ng bansa. Uunlad ang bansang Pilipinaskapag nagkaisa ang bawat Pilipino. Sinu-sino ang dapat magpahalaga sakalayaang nasa ating mga Pilipino? Oo, maraming bayani ang nag-alay ngkanilang buhay upang maging maunlad at malaya tayong mga Pilipino. Kilalaninsila at ipagmalaki! Kayo, matatawag ba kayong tunay na Pilipino?GAWAIN 1o Buuin ang tsart. Isulat ang pangungusap na pasalaysay at patanong mula sa binasang talata. Gawin ito sa sagutang papel. AB PASALAYSAY PATANONG1. 1.2. 2. 6
BAKASYONMga Bata: Kay gandang maglaro sa bakasyon! Mainit at maganda ang panahon!Guro: Hindi lamang laro ang dapat ninyong gawin. Balikan ninyo ang inyong aralin. Bumasa pa kayo ng ibang aklat.Mga Bata: Ma’m, magbabakasyon po ba kayo sa ibang pook?Guro: Hindi, dito sa ating bayan ako magbabakasyon. Maganda ang ating bayan at maraming panoorin dito kung bakasyon.GAWAIN 2 o Itala mo ang mga pangungusap na pautos at padamdam na makikita sa dayalogo ng mga bata at guro. Gawin ito sa sagutang papel. Mga Pangungusap na Padamdam 1. ________________________________________________________ 2. ________________________________________________________ Mga Pangungusap na Pautos 1. ________________________________________________________ 2. ________________________________________________________ Tama bang lahat ang mga kasagutan mo sa gawain 1 at 2? Magaling! 7
Isaisip Mo Ang pangungusap na nagsasalaysay ay tinatawag na pasalaysay. Ito ay ginagamitan ng tuldok (.) sa hulihan. Patanong ang tawag sa pangungusap na nagtatanong. Ang tandang pananong (?) ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na nagtatanong. Ang pangungusap na nag-uutos ay tinatawag na pautos. Ginagamitan ito ng tuldok (.) sa hulihan. Padamdam ang pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Nagsasaad ito ng tuwa, galit, takot, sakit, paghanga at iba pang damdamin. Tandang padamdam (!) ang ginagamit sa hulihan ng kataga, parirala o pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.Naintindihan mo bang mabuti ang mga gamit ng pangungusap? Ngayon gamitin moang iyong natutuhan. Sagutin mo ang mga pagsasanay sa bahaging “Pagsanayan Mo.”Pagsanayan MoA. Basahin ang usapan. Lagyan ng angkop na bantas ang bawat bilang. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.Alma: Naku, ang laki ng elepante 1 Nangangagat ba iyan 2Nita: Hindi. Kunwari lang yan 3Alvin: Di ba kuya 4Alma: Tama si Nita 5 Hindi totoong elepante yan 6Alvin:Nita: Kuya, doon tayo sa dako roon 7 Gusto kong sumakay sa eroplano 8 Ikaw Nita, saan mo gustong sumakay 9 Kumain na lang tayo 10 8
B. Tukuyin ang gamit ng pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. __________________ 1. Naranasan mo na bang sumakay sa eroplano? __________________ 2. Naku! Nakahihilo pala kapag papalipad na ang eroplano. __________________ 3. Maasikaso ang mga stewardess ng eroplano. __________________ 4. Ikabit mong mabuti ang sinturong pangkaligtasan. __________________ 5. Ano ang gagawin mo kung sakaling maiwan ka ng eroplano? __________________ 6. Wow! Ang gandang tingnan ng mga ulap. __________________ 7. Nagbibigay rin ng pagkain sa loob ng eroplano. __________________ 8. Maaari kang humingi ng maiinom sa mga stewardess. __________________ 9. Makinig kang mabuti sa sasabihin ng mga kawani ng eroplano. __________________ 10. Sundin mo lahat ang mga babalang panghimpapawid.Nasagot mo ba ang mga pagsasanay? Magaling! Maaari mo nang gawin ang mgagawain sa bahaging “Subukin Mo.” 9
Subukin MoA. Tama ba o Mali ang mga bantas na ginamit sa pangungusap sa bawat bilang? Kung Tama isulat ang T sa patlang. Kung Mali, isulat na muli ang pangungusap at palitan ng angkop na bantas. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. _____ 1. Ang taas ng gusali? _____ 2. Yehey, may pasalubong ang tatay. _____ 3. Ang mga puno ay nagbibigay ng sariwang hangin! _____ 4. Humingi ako ng binhi ng gulay para itanim sa aming bakuran. _____ 5. Dadalo ka ba sa kaarawan ni Naty? _____ 6. Saan ka naman natulog kagabi? _____ 7. Aba? Ikaw pala ang panauhin namin. _____ 8. Sa iyo ang damit na ito? _____ 9. Darating na si Tatay! _____ 10. Magkano ang pera mo?B. Ipahayag sa iba’t ibang paraan ang unang pangungusap sa bawat bilang. 1. Padamdam: Naku! Maraming panoorin sa bakasyon! Pasalaysay: ________________________________ ________________________________ Patanong: ________________________________ ________________________________ 2. Patanong: Maganda bang maglaro sa bakasyon? Pasalaysay: ________________________________ ________________________________ Padamdam: ________________________________ ________________________________ 10
3. Patanong: Dadalhin mo ba ang ibang babasahin sa inyong bahay?Pautos: ________________________________ ________________________________Padamdam: ________________________________ ________________________________4. Pautos: Isampay mo ang mga basang damit.Patanong: ________________________________ ________________________________Pasalaysay: ________________________________ ________________________________5. Pasalaysay: Sumakay sila sa eroplano.Pautos: ________________________________ ________________________________Padamdam: ________________________________ ________________________________C. Tingnang mabuti ang larawan. Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan. Ibigay ang pangungusap na hinihingi sa bawat bilang. 11
1. Patanong - _____________________________________________ ______________________________________________________2. Pautos - _______________________________________________ ______________________________________________________3. Pasalaysay - ___________________________________________ ______________________________________________________4. Padamdam - ___________________________________________ ______________________________________________________ Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at pagsubok sa modyul na ito! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 12
Baitang 4 MGA PANG-ANGKOP Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagamit mo ang mga pang-angkop na na, ng at g. Pagbalik-aralan MoA. Tingnang mabuti ang larawan. Anu-ano ang nasa larawan? Isulat mo ang mga bagay na iyong nakikita. 1
1. _____ 4. ______2. _____ 5. ______3. _____Ano ang tawag sa mga salitang iyong isinulat? Mga PANGNGALAN, di ba?B. Tingnan muli ang larawan. Suriin ang bawat isa.Ano ang masasabi mo sa bata? ___________Ano ang masasabi mo sa babae? ___________Ano ang masasabi mo sa halaman? ___________Ano ang masasabi mo sa punungkahoy? ___________Ganito ba ang sagot mo?1. bata - masipag 3. punungkahoy - mataas2. babae - mataba 4. halaman - malagoAno ang tawag sa mga salitang may salungguhit?Salitang naglalarawan o PANG-URI ang tawag sa mga salitang ito.C. Isulat sa tamang pangkat ang mga salitang nasa loob ng kahon.kapatid mag-aaralmatangkad masipagmatalino tahimikbundok bayanmataas guro PANGNGALAN PANG-URI1. kapatid_______ 1. matangkad____2. _____________ 2. _____________3. _____________ 3. _____________4. _____________ 4. _____________ 2
5. _____________ 5. _____________Pag-aralan MoA. Basahin mo: Masarap kumain Hinog na papaya, Matamis na tsiko Malagintong mangga, Lahat ng ito’y Pagkaing pampagandaNapansin mo ba ang mga kataga at titik na may salungguhit?Basahin mo nang pabigkas na ng gAlam mo ba kung ano ang tawag sa mga ito?Ang na, ng at g ay tinatawag na PANG-ANGKOPAng pang-angkop ay ginagamit sa pag-uugnay ng salita sa kapwasalita.Alam mo ba kung saan at kailan ginagamit ang pang-angkop na na, ng at g?Basahin mo uli ang tugma. Ano ang dalawang salitang pinag-ugnay ng na?hinog papaya 3
matamis tsikoAno ang dalawang salitang pinag-ugnay ng ng?malaginto manggaAno ang dalawang salitang pinag-ugnay ng titik g?pagkain pampagandaBasahin nang pabigkas: malagintong mangga pagkaing pampaganda hinog na papaya matamis na tsiko malapad na salakot malinis na ilogBasahing muli: mataas na bundok bahay na malaki makapal na ulap Sa anong titik nagtatapos ang salitang mataas, bahay, makapal, malapad atmalinis? Anong uri ng mga titik at tunog ang s, y, d at l?Mga katinig, di ba?B. Narito pa ang isang uri ng pang-angkop. Basahin mo. Pansinin ang mga katagang may salungguhit. June 12, 1997Mahal kong Talaarawan, Ngayong araw na ito napuri ako ng aking nanay bilangmabuting bata. Masayang-masaya ako. Pakiramdam ko, paraakong mabangong bulaklak na produkto ng lupang mayaman. Nita 4
Napansin mo ba ang katagang may salungguhit?Pang-angkop din ang tawag dito.Ano-ano ang mga salitang pinag-ugnay na pang-angkop ng ng? mabuting bata masayang-masaya mabangong bulaklak lupang mayamanSaan ikinakabit ang pang-angkop na ng? Sa hulihan ng unang salitang pinag-ugnay.Ano-ano ang unang salitang ginagamitan ng pang-angkop na ng? mabuti mabango masaya lupaSa anong titik nagtatapos ang mga salitang ginagamitan ng pang-angkop na ng?Patinig na a.Basahin mo ng pabigkas. mabuting bata mabangong bata masayang-masaya lupang mayaman\ 5
matabang babae Sa ano-anong titik nagtapos ang unang salita ng dalawang salitang magkaugnay? i, o at a. Anong uri ng titik i, o at a? patinig Anong pang-angkop ang ginamit o ikinabit sa hulihan ng unang salita ng magkaugnay na salita? NgC. Narito pa ang isang pang-angkop. Pansinin ang titik na may salungguhit.karitong kahoy panahong maulanhalamang malusogdahong malapadPaano ginagamit ang pang-angkop na g?Ikinabit sa hulihan ng unang salita ng dalawang magkaugnay na salita na ang unangsalita ay nagtatapos sa katinig n. Isaisip MoAng pang-angkop ay ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwasalita.Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ngmagkaugnay na salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.Halimbawa: maliit na tubig 6
Ang – ng ay idinudugtong kapag ang unang salita ng dalawangmagkaugnay na salita ay nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u)Halimbawa: basang papelAng – g ay idinudugtong kapag ang unang salita ng dalawangmagkaugnay na salita ay nagtatapos sa n.Halimbawa: ulang malakas Makilala mo kaya ang mga pang-angkop? Magamit mo na kaya nang wasto ang mga ito?D. Gawin ang mga pagsasanay.Pagsanayan MoA. Panuto: Sipiin mo sa kuwadernong sagutan ang magkaugnay na salita sa bawat pangungusap. Bilugan ang pang-angkop na ginamit.Halimbawa: Pinakawalan ni Lito ang nahuling ibon.Sagot: nahuli ng ibon1. Malaking pinsala ang idinulot ng bagyo. 7
2. Maraming bahay ang nawalan ng bubong. 3. Natumba ang bakod na kawayan sa lakas ng hangin. 4. Bumaha dahil sa ulang malakas. 5. Natangay ng baha ang mga bagong tanim na halaman. 6. Ang mga alagang hayop ay natangay. 7. Ang mga puno na may malagong dahon ay nangabali. 8. Nasirang lahat ang mga pugad ng ibon. 9. Nawalan ng tirahan ang mga kawawang inakay.10. Sana ay hindi na muling magkaroon ng malakas na bagyo.B. Gumamit ng pang-angkop na nag-uugnay sa mga sumusunod na salita. Gawin.Halimbawa: sanggol na malusog1. bahay ____ malaki 4. pagkain ____ pampalusog2. makapal ____ ulap 5. basag ____ bote3. dahon ____ malapad Subukin MoA. Panuto: Sipiin mo ang magkaugnay na salita na ginamit sa talata sa iyong kuwadernong sagutan. Bilugan ang pang-angkop. Masipag na bata si Mario. Humingi siya ng binhing gulay sa kanilang paaralan. Itinanim niya ang hininging binhi sa likod ng bahay. Madaling tumubo ang mga buto. Inalagaang mabuti niya ang mga ito hanggang sa lumaki. Hindi nagtagal, inani na niya ang mga gulay. Ang karamihang gulay ay ipinagbili niya. Ang iba ay iniluto ng nanay. Tuwang-tuwa si Mario. Nagkapera na siya, nakatikim pa ng sariwang gulay. 8
B. Panuto: Lagyan ng tamang pang-angkop ang bawat patlang.Halimbawa:Alaalang banalMagsimula rito:1. tubo - sira 3. bata - tumatakbo 4. kaibigan - matalik2. malinis - tabo 8. mataas - puno 9. unan - malambot5. bahay - pawid 10. kanan - kamay6. akin - lapis7. mahusay - guroC. Pag-aralan mo na ang susunod na leksyon. Kung ang nakuha mong tama ay 15 hanggang 20 pasado ka. Kung 9 – 14 ang nakuha mo ulitin mong pag-aralan ang modyul baka may nakaligtaan ka. At kung 8 pababa ang iskor mo itanong mo sa iyong guro kung may modyul tungkol sa pagkilala ng pandiwa at pang-abay. Ito muna ang gawin mo bago ang modyul na ito. 9
MGA PARIRALANG PANG-ABAY, MGA PANUTO SA BABALA AT IBA PA Sa pagsunod sa lahat ng nakalistang gawain sa modyul na ito matututunan mo ang tamang paraan ng pagsasagawa ng mga nakalimbag na panuto, babala, pagsusulat o anumang gawaing pang-upuan (seatwork). Matutukoy mo na rin at mauuri ang mga pariralang pang-abay: pamanahon, panlunan o pamaraan.Pagbalik-aralan MoA. Piliin ang mga pandiwa sa pangungusap. Ilista sa inyong sagutang kuwaderno. 1. Nahulog sa ilalim ng mesa ang kutsara. 2. Tumatakbo nang matulin ang mga sasakyan. 3. Nakabili kahapon ng bagong TV ang kapitbahay namin. 4. Tumakas noong nakaraang linggo ang 7 bilanggo sa piitang bayan. 5. Magagandang bulaklak ang pinitas nila sa halamanan. 6. Masisipag lang ang tinatanggap na manggagawa sa paggawaan ng sapatos. 7. Lumipat na sila ng tirahan sa San Pedro, Laguna. 8. Ang grupo nila ay sumasayaw sa entablado. 9. Naglaro nang mahusay si Jempot kaya sila nanalo.10. Nagtanim maghapon ang mga magsasaka.Ganito ba ang nakalistang sagot mo? Habang tinitingnan mokung tama ang mga inilista mo, sasagutin mo naman ang mgatanong sa loob ng panaklong. Ilista mo rin uli.1. Nahulog (Saan nahulog ang kutsara?)2. Tumatakbo (Paano tumatakbo ang mga sasakyan?)3. Nakabili (Kailan nakabili ng TV ang kapitbahay?)4. Tumakas (Kailan tumakas ang 7 bilanggo?)5. Pinitas (Saan pinitas ang magagandang bulaklak?) 1
6. Tinanggap (Saan tinanggap ang masisipag na manggagawa?) 7. Lumipat (Saan sila lumipat ng tirahan?) 8. Sumasayaw (Saan sumasayaw ang grupo nila?) 9. Naglaro (Paano naglaro si Jempoy?) 10. Nagtanim (Gaano katagal nagtanim ang mga magsasaka?)Ngayon, tingnan mo rin kung tama ang mga sagot mo sa mga nasa loobng panaklong. 1. sa ilalim ng mesa 2. nang matulin 3. kahapon 4. Noong nakaraang linggo 5. sa halamanan 6. sa pagawaan ng sapatos 7. sa San Pedro, Laguna 8. sa entablado 9. nang mahusay 10. maghaponKapag mababa sa 14 ang tamang sagot mo sa dalawang pagsasanay pag-aralan mo muna ang modyul tungkol sa pandiwa at modyul sa pagsagot ng mgatanong ng Saan, Paano at Kailan? Kapag nakakuha ka ng 14 pataasmagpatuloy ka. Pag-aralan MoBASAHIN ANG BABALA INAALAGAANG MABUTI ANG MGA PUNUNGKAHOY SA GUBAT.ITINANIM NANG MAAYOS ANG MGA PUNO RITO. PARURUSAHAN NANGMABIGAT ANG MANINIRA NG PUNUNGKAHOY. SUMUNOD NANGMATAIMTIM SA BATAS NG KAGUBATAN. Ano ang pandiwa sa unang pangungusap? (Inaalagaan) Paano inaalagaan?(Mabuti) Anong salita ang binibigyang turing ng salitang mabuti? (Inaalagaan)Anong bahagi ng pananalita ang mabuti? (Pang-abay) 2
Ano ang pandiwa sa ikalawang pangungusap? (Itinanim) Paano itinanim?(Maayos) Anong salita ang binibigyang turing ng maayos? (Itinanim) Anongbahagi ng pananalita ang maayos? (Pang-abay) Ang mga salita at pariralangnaglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa ay tinatawag na pang-abay. Anu-ano yong salita at mga pariralang nagbibigay turing sa pandiwa?Tingnan natin ang mga may bilog. inaalagaang mabuti itinatanim nang maayos parurusahan nang mabigat sumunod nang mataimtim malugod na gumawa mabilis na tumayo sumunod nang mataimtim Ang salitang may bilog ay sumasagot sa tanong na paano ginawa, ginagawao gagawin. Ito ang paraan ng pagkakagawa ng kilos. Pang-abay na pamaraanang tawag dito. Pariralang pang-abay ang parirala na nagbibigay turing sa pandiwa tulad ngnang maayos, nang mabigat, nang mataimtim, malugod na at mabilis na.Karagdagang Tanong: Bakit kailangang alagaan ang mga punungkahoy sa gubat? Ano ang maaaring mangyari? Bakit ipinagbabawal ang paninira ng punungkahoy? Ano ang mangyayari kung di natin pangangalagaan ang ating mgapunungkahoy sa kagubatan? Ano naman ang mangyayari kung hindi susundin ng mga tao ang babala? Kaya mo bang sumunod sa babala? 3
Suriin pa ang sumusunod na babala. IWASAN ANG PAGPAPATAKBO NANG MATULIN. MAY MALALIM NA HINUHUKAY DITO.Mga driver ba ang pinatutungkulan. Bakit kaya?Ano ang mga pandiwa sa mga pangungusap?Ano naman ang mga pariralang pang-abay na pamaraan?Bakit kailangan natin sumunod sa mga babala?Ano ang mangyayari kung hindi susundin ng mga tao ang babala?Basahin ang patalastas. Sa Hulyo 25 magtuturo ng tamang paglalaro ng basketball ang mga beteranong manlalaro. Gaganapin ito sa paaralang Ateneo de San Jose. Ang pagsasanay ay gagawin sa gym ng mababang paaralan. Ang mga nais lumahok ay maaaring magpatala sa Klab pang- isports ng Lungsod ng San Jose. Hahanapin si G. Jim Bulwak sa gusaling pang-isports ng paaralan. Siya ang namamahala ng pagsasanay. Ano ang ipinahahayag ng patalastas? (Nagbibigay impormasyon tungkol sa gaganaping pagtuturo ng paglalaro ng basketball) Anu-anong mahahalagang impormasyon ang nakalagay rito? Nakalagay rito ang mga dapat malaman ng mga gustong lumahok sa pagsasanay ng larong basketball. Suriin ang pangungusap. 1. Ang pagtuturo sa tamang paglalaro ng basketball ay gaganapin sa Ateneo de San Jose. 2. Ang pagsasanay ay gagawin sa gym ng mababang paaralan. 3. Maaaring magpatala sa Klab pang-isports ng Lungsod sa namamahala ng pagsasanay. 4. Hanapin sa gusaling pang-isports ang namamahala ng pagsasanay. 4
Punuan mo ang patlang. Nagawa na ang unang pangungusap. Ang pandiwa sa unang pangungusap ay – ay gaganapin Saan gaganapin? sa Ateneo de San Jose. Ito ang nagbibigay turing sa pandiwa. Ito ang pariralang pang-abay. Ang pandiwa sa ikalawang pangungusap ay - ________________________ Saan gagawin? ____________________ Ang pandiwa sa ikatlong pangungusap ay - _______________________ Saan maaaring magpatala? __________________________ Ang pandiwa sa ikaapat na pangungusap ay - _____________________ Saan hahanapin ang namamahala? _____________________ Pansinin na ang mga pariralang pang-abay ay tumutugon sa tanong na saan. Ibig sabihin ang sagot ay mga pook. Ang mga pariralang ito ay tinatawag na pariralang pang-abay na panlunan o pampookBumasa naman tayo ng panuto para sa darating na pagsusulit. Lapis at pambura ang inyong dadalhin sa araw ng pagsusulit. . Pumasok nang maaga upang di mahuli sa iksamen. Sa ganap na ika-8 ng umaga magsisimula ang pagsusulit. Bawat asignatura ay may isang oras ang takda. Tatlong asignatura ang isasagawa sa Lunes. Dalawa naman ang gagawin sa kasunod na araw. Ano ang dadalhin sa araw ng pagsusulit? Bakit kailangang maging maaga? Ilang oras aabot ang bawat pagsusulit? Ilang araw ang itatagal ng pagsusulit sa limang asignatura? Naintindihan mo ba ang panuto. Masusunod mo ba at maisasagawa?Suriin ang mga pangungusap. 1. Lapis at pambura ang inyong dadalhin sa araw ng pagsusulit. 2. Pumasok nang maaga upang di mahuli sa iksamen. 3. Sa ganap na ika-8 ng umaga magsisimula ang pagsusulit. 4. Tatlong asignatura ang isasagawa sa Lunes. 5. Dalawa naman ang gagawin sa kasunod na araw. 5
Pansinin: Ang mga salitang may salungguhit ay ang mga pandiwa. Ang mga nasakahon ay mga pariralang pang-abay. Nagbibigay turing ito para sa pandiwa. Ang mga pariralang nasa kahon ay magsasabi kung kailan gagawin o ginawaang kilos. Nagsasabi ito ng panahon o oras. Tinatawag itong pariralang pang-abay na pamanahon. Tumutugon ito s tanong na Kailan. Kailan dadalhin? _____________________ Kailan papasok? _____________________ Kailan magsisimula? ___________________ Kailan isasagawa? ___________________ Kailan gagawin? ____________________ Isaisip Mo- Na ang pariralang naglalarawan kung paano ginawa ang kilos ay mga pariralang pang-abay na pamaraan.- Na ang mga pariralang tumutukoy kung saan ang pook o lunan na pinangyarihan ng kilos o gawa ay mga pariralang pang-abay na panlunan.- Na ang mga pariralang nagsasabi kung kailan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos o pangyayari ay mga pariralang pang-abay na pamanahon.- Na ang mga panuto sa babala, patalastas pagsusulit at gawaing pang- upuan ay mahahalagang bagay o impormasyon na dapat maintindihan upang maisagawa nang tama ang nakasaad. 6
Pagsanayan MoA. Isulat kung ang mga pariralang pang-abay na may salungguhit ay pamaraan, panlunan o pamanahon. 1. Tulung-tulong na naglilinis ang mga tao bago magpiyesta. 2. Umusad nang dahan-dahan ang mga sasakyan. 3. Sila’y nagtatanim sa mga bukiring may patubig. 4. Nahuhuli sa dagat na malapit sa Estancia ang maraming isda. 5. Sa Linggo ng hapon magpupulong ang mga magulang at guro. 6. Tuwang-tuwa at patalun-talon na sumalubong ang kanyang aso. 7. Umalis siya na mabigat ang damdamin. 8. Naglilinis sila ng silid aralan pagkatapos ng pulong. 9. Iwinawagayway ang watawat tuwing may pambansang pagdiriwang.10. Ang matitibay na kahoy ay matatagpuan sa kagubatan ng Pilipinas.Tingnan mo kung tama ang sagot mo.1. pamaraan 6. pamaraan2. pamaraan 7. pamaraan3. panlunan 8. pamanahon4. panlunan 9. pamanahon5. pamanahon 10. panlunanB. Ano ang dapat gawin sa ganitong kalagayan? Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Nakita ni Nestor sa pintuan ang ganito:May aso. Nangangagat!Ano ang dapat niyang gawin? a. Pumasok nang tuluy-tuloy sa loob. b. Magpasama sa kapitbahay. c. Tumawag sa maybahay bago pumasok. 7
2. Sa isang ginagawang gusali, may nakalagay na: Mapanganib! Huwag Dumaan Dito Ano ang dapat niyang gawin? a. Iwasang dumaan dito. b. Magsuot ng matigas na sumbrero. c. Lumakad nang mabilis pag natapat dito.Pag-aralan ang sumusunod na patalastas at sagutin ang mga kasunod natanong. MILO BEST SA HULYO 4 Pasisimulan sa Hulyo 4 ng Milo Best Center ang pagtuturo ng paglalaro ng basketball sa gym ng Ateneo de Manila. Gagawin ang klase sa antas ng 1-4 para sa mga baguhan simula ika-8:00 hanggang ika-11:00 ng umaga. Maaaring magpatala ang mga nais lumahok sa Quezon City Sports Club o kaya tumawag sa telepono bilang 99-48-68. Hanapin si G. Deoferic Eyron 3. Nais mong matuto ng paglalaro ng basketball. Nakita mo ang patalastas sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod: Kailan magsisimula ang pagsasanay? ___________________ Saan gagawin ang pagsasanay? __________________ Saan maaaring magpatala? ____________________ Anong oras gagawin ang pagsasanay sa mga baguhan? _______ Kanino dapat magpatala? __________________ Ganito ba ang sagot mo? 1. c 2. a 3. Kailan magsisimula? sa Hulyo 4 Saan gagawin? sa gym ng Ateneo de Manila Saan magpapatala? sa Quezon City Sports Club Anong oras para sa baguhan? Ika-8 hanggang ika-11 ng umaga Kanino dapat magpatala? kay G. Deoferic Eyron 8
Ngayon tingnan natin kung kaya mo na. Subukin MoA. Sa tulong ng salita at ng larawan gumawa ng pangungusap na may pariralang pang-abay na pamaraan. Halimbawa: umiiyak Sagot: Umiiyak nang ubod ng lakas ang sanggol. 1. tahimik Sagot: ____________________________ ____________________________ 9
2. maingat Sagot: ____________________________ ____________________________ ____________________________ 3. buong husaySagot: Sagot: __________________________ __________________________ __________________________ 4. mabagal ____________________________ ____________________________ ____________________________ 5. sagad sa tulin Sagot: __________________________ __________________________ __________________________ 10
B. Piliin at isulat sa kuwadernong sagutan ang limang pariralang pang-abay na panlunan na matatagpuan sa balita. 385 Piraso ng Troso, Nakumpiska Isang opisyal ng Community Environment and Natural Resources ang nag-ulat ng 385 piraso ng trosong nara ang nakumpiska ng mga bantay-gubat sa Barangay Zabali at sa Poblacion, Baler, Quezon. Nagpapatrulya ang mga Bantay-Gubat sa mga karatig-pook nang makita nila ang mga sasakyan ay puno ng mga trosong nara. Kaagad na pinahinto ng mga Bantay-Gubat at pinatigil sa gilid ng kalsada. Hinuli nila ang mga may-ari at dinala sa himpilan ng pulisya. Pagkatapos ng mahabang tanungan, ang mga ito ay pansamantalang ikinulong sa piitang pambayan ng Baler, habang inihahanda ang demanda sa kanila.C. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na pariralang pang- abay na pamanahon. 1. sa malimit na pagkikita 2. noong Linggo ng tanghali 3. sa Sabado ng umaga 4. halos madaling araw na 5. hanggang mamayang gabiD. Panuto: Pag-aralan ang bawat kalagayan. Ano ang dapat gawin? 1. Mag-ingat: Malambot ang Semento a. Lumihis ng daan. b. Magtuluy-tuloy sa paglakad. c. Lumakad dito nang marahan. 11
2. Magpatakbo nang marahan. Tawiran ng malalaking sasakyan. a. Lalong bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. b. Mag-ingat sa pagmamaneho. c. Tumigil tingnan kung may daraang mga sasakyan. 3. Nakalagay ito sa hagdan na paaralan. MAG-INGAT SA PAGHAKBANG. a. Bumaba nang sabay-sabay. b. Maging maingat sa pagbaba at pagpanhik. c. Maghabulan sa pagbaba at pagpanhik.E. Pag-aralan. NANGANGAILANGAN: Modelo at Mang-aawit May gulang ng 18 – 23 taon Listo at maganda Taas – 5’ 6” Talampakan Buwanang Sahod: P5,000 Magsadya ng personal sa: MAMBO MODELING AGENCY Poblacion, Marikina City Telepono: 890-20-56 Hanapin si Lumin at Marissa 12
1. Ano ang kailangan ng kompanya? a. Mananahi at Labandera b. Modelo at Mang-aawit c. Mangungulot at Manikurista2. Magkano ang ibibigay na sahod? a. P2,000 bawat buwan b. P5,000 bawat buwan c. P3,000 bawat buwan3. Gaano kataas ang hinahanap? a. Anim na talampakan b. Lima at kalahating talampakan c. Limang talampakan4. Saan dapat magtungo ang aplikante? a. Sa Mambo Modeling Agency b. Sa kaibigan c. Sa tahanan ng may-ari5. Sino ang dapat hanapin? a. Thea at Clarita b. Lumin at Marissa c. Nerisa at Melba 13
TRABAHO AGAD OPERATOR NG MAKINA SA PAGGAWA NG LACE Maaaring Lalaki o Babae Nasa pagitan ng 18-35 taong gulang May isang taong karanasan sa paghawak ng makinang paggawa ng lace Magsadya ng personal at magdala ng: 1 x 1 larawan sa: 36 Anonas St., Mandaluyong City6. Anong gawaing naghihintay sa isang aplikante? ________________7. Gaano ang edad ng aplikanteng kailangan? _______________8. Ano ang dapat dalhin sa pag-aaplay ng trabaho? ______________9. Saan dapat magtungo ang aplikante? _______________10. Anu-ano ang mga katangian dapat mag-aplay sa trabaho? _________ Kung nakuha mong tama ay 20 pataas binabati kita, pasado ka kung mula 10 hanggan 19 ang nakuha mong tama ulitin mo ang mga ginawa mo sa modyul. Kung mababa sa 10 itanong mo sa iyong guro kung may modyul para sa pagkilala ng pandiwa at pang-abay at ito muna ang gawin mo. 14
MGA SANGKAP SA PAGSULAT Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang magagamit mo ang wastong bantas sa paghihiwalay ng mga salitang sunud- sunod sa isang serye, paghihiwalay ng bayan sa lalawigan at tuwirang sabi ng tauhan. Pagbalik-aralan MoMay iba pang uri ng bantas na pag-aaralan mo.Ngunit bago iyon, magbalik-aral muna tayo sa mga bantas natuldok, pananong at pandamdam.A. Pansinin ang gamit ng bantas na tuldok, tandang pananong at pandamdam. Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang pagkakagamit ng bantas. Kung Mali isulat ang tamang Bantas Tama 1. Nilinis ng mga bata ang kanal. Magsimula rito: ______ 1. Dumalo ka ba sa pulong kagabi. ______ 2. Ipinaliwanag ni G. Montes ang paggawa ng kompost. ______ 3. Huwag lutuing mabuti ang mga gulay upang hindi mawala ang sustansiya. ______ 4. Hugasan ang gulay bago hiwain? ______ 5. Ay, nabitiwan niya ang baso?B. Kopyahin ang pangungusap sa sagutang kuwaderno. Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap. 1. Ang aming pamayanan ay nagkakaisa 2. Ganito rin ba sa inyong pamayanan 3. Ang namumuno ay nagpapakita ng magandang halimbawa sa aming pamayanan 4. Pagyamanin ang kaunlaran ng nayon 1
5. Naku, nakalimutan ko ang ipinabibili mo6. Ang paggamit ng pataba ay nakapagpapalusog sa mga halaman7. Magaganda at malulusog ang ani nilang gulay8. May palaisdaan din ba kayo9. Sayang, nasira ng bagyo ang taniman10. Sama-sama nating paunlarin ang ating kabuhayanGanito ba ang mga sagot mo?A. 1. Mali B. 1. . 6. .2. Tama 2. ? 7. .3. Tama 3. . 8. ?4. Mali 4. . 9. !5. Mali 5. ! 10. .Tama bang lahat ang sagot mo?Binabati kita kung gayon.Magaling! Maaari ka nang magpatuloy.Kung hindi, balikan kung saan ka nagkamali. Maaari mo ring balikan angModyul sa Paggamit ng Tuldok, Pananong at Pandamdam.Pag-aralan MoAno ang tawag dito , ?Kuwit ito, hindi ba?Ginagamit ba ang kuwit (,) sa iyong pagsulat?Paano?Pag-aralan natin. 2
A. Basahin at suriin ang gamit ng kuwit. 1. Ang carrot, kalabasa, dahon ng sili, malunggay, ampalaya, at kulitis ay mga pagkaing sagana sa Bitamina A. 2. Ang kulitis, pechay, mustasa, at kangkong ay mga madahong gulay. 3. Ang Pilipinas ay mayaman sa mina, kahoy, at mga produktong gubat.Napansin mo ba ang gamit ng kuwit?Tingnan ang mga pangungusap. Naririto ang serye ng mga salita. Ano angnaghiwalay sa mga salita sa serye? Nilalagyan ng kuwit ang pagitan ng mgasalitang carrot, kalabasa, dahon ng sili, malunggay, ampalaya.Nilagyan ng kuwit ang pagitan ng mga salitang kulitis, pechay, mustasa.Gawin mo ito ayon sa gamit ng kuwit. 1. Umunlad ang Pilipinas dahil sa mga mina tulad ng ginto, langis, at marmol. 2. Maraming bayabas, santol, mangga, pakwan, saging, at papaya sa palengke ngayon. 3. Sagana tayo sa isda hipon alimasag at iba pa.Ganito ba ang ginawa? 1. Umunlad ang Pilipinas dahil sa mga mina tulad ng ginto, langis at marmol. 2. Maraming bayabas, santol, mangga, pakwan, saging, at papaya sa palengke ngayon. 3. Sagana tayo sa isda, hipon, alimasag at iba pa. 3
Basahin ang kuwento. Pansinin ang isa pang gamit ng kuwit. Ang Leon at ang Daga Isang munting daga ang namasyal sa gubat. Nakarating ito sakinaroroonan ng isang leon. Sa paglalaro ng munting daga, natapakannito ang natutulog na leon. Bigla itong nagising. “Aha! Ikaw pala. May pagkain na ako,” natutuwang sabi ng Leon. “Patawarin ninyo ako! Huwag po ninyo akong kakainin,” pakiusapng Daga. “Naaawa ako sa iyo. Hindi kita kakainin,” tugon ng Leon. “Salamat po, Haring Leon,” wika ng daga. “Sana makaganti rin poako sa inyo.”Pag-aralan kung paano ginamit ang kuwit sa kuwento. “Aha! Ikaw pala. May pagkain na ako,” natutuwang sabi ng Leon. “Patawarin ninyo ako. Huwag po ninyo akong kakainin,” pakiusap ng daga. 4
“Naaawa ako sa iyo. Hindi kita kakainin,” tugon ng Leon. “Salamat po Haring Leon,” wika ng daga.Napansin mo ba kung paano ginamit ang kuwit sa mga pangungusap?May tauhang nagsasalita rito, hindi ba? Paano inihiwalay ang sinabi ng tauhansa iba pang bahagi ng pangungusap? Anong bantas ang ginamit?Ginagamit ang kuwit upang ihiwalay ang tuwirang sinabi ng nagsasalita sa ibangbahagi ng pangungusap.Basahin muli ang mga pangungusap.Huminto saglit sa kuwit upang ipahiwatig ang paghiwalay ng tuwirang sinabi ngnagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap.Narito pa ang ibang gamit ng kuwit.Basahin ang pangungusap. Paano ginamit ang kuwit sa sitwasyong ito? 1. Si Gregorio del Pilar, ang pinakabatang heneral ng Himagsikang Pilipino, ay ipinanganak sa San Jose, Bulacan noong Nobyembre 14, 1878. 2. Iba, Zambales Agosto 26, 1995 Mahal kong Angelo, Darating sa Linggo sina Tito Ebmar at Tita Boots, ang paborito nating ninong at ninang. Sasalubungin namin sila sa airport. Gusto mo bang sumama? Susunduin ka namin. Darating kami sa Sabado. Ang iyong pinsan, MarkPaano ginamit ang kuwit sa mga sitwasyong ito? a) Agosto 26, 1995 Nobyembre 14, 1878 b) San Jose, Bulacan Iba, Zambales 5
c) Mahal kong Angelo, Ang iyong pinsan, MarkSaan inilagay ang kuwit sa unang halimbawa?Ano ang inihihiwalay nito?Tama! Inihihiwalay ng kuwit ang petsa sa taon.Ano ang inihihiwalay ng kuwit sa kasunod na halimbawa?Ano ang tinutukoy ng unang salita?Ano ang tinutukoy ng ikalawang salita?Inihihiwalay ng kuwit ang ngalan ng bayan sa lalawigan.Saan pa ginamit ang kuwit?Anong bahagi ng liham ang ipinakikita sa ikatlong halimbawa?Paano ginamit ang kuwit?Nasa hulihan ito ng bating panimula at pangwakas ng liham. Isaisip MoAng kuwit ay ginagamit upang ihiwalay ang: mga salitang sunud-sunod sa isang serye tuwirang sinasabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap ngalan ng araw, petsa at taon ngalan ng bayan sa lalawiganGinagamit din ang kuwit sa hulihan ng bating panimula at pangwakas ngliham. 6
Pagsanayan MoA. Piliin ang wastong gamit ng kuwit.Halimbawa: 1. a. Enero, 3 1993Sagot: 1. b b. Enero 3, 1993 c. Enero 3, 19,93Magsimula rito:1. a. Ang mga, kulisap, gagamba, at tipaklong ay kaibigan ng magsasaka. b. Ang mga kulisap, gagamba, at tipaklong ay kaibigan ng magsasaka. c. Ang mga kulisap, gagamba at tipaklong ay kaibigan ng magsasaka.2. a. Lubos na, gumagalang b. Lubos na gumagalang, c. Lubos na gumagalang3. a. Dadalo ako, bukas wika ni Zeny. b. “Dadalo ako bukas,” wika ni Zeny. c. Dadalo ako bukas wika ni Zeny.4. a. Cora, sasama ka ba sa amin? b. Cora, sasama ka ba, sa amin? c. Cora, sasama ka, ba sa amin?5. a. Kuya, narito na ang tatay ang sabi ni Ryan. b. Kuya narito na, ang tatay ang sabi ni Ryan. c. “Kuya, narito na ang tatay,” ang sabi ni Ryan.B. Sipiin ang bawat pangungusap. Gamitin nang wasto ang kuwit.1. Ang pagtatanim ng mga gulay tulad ng camote mustasa petsay at malunggay ay nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan.2. Nalubog sa lahar ang palayan sa Concepcion Tarlac.3. “Kailangan ang pagtutulungan” wika ni Mang Juan.4. “Nanay may pulong daw po bukas sa paaralan.”5. Ang pangingisda pagsasaka at paghahayupan ang ikinabubuhay ng mga taganayon. 7
6. Nag-aani ng bangus at sugpo ang palaisdaan sa Calatrava Negros Occidental. 7. Ganito ang wakas ng liham – Nagmamahal Arlene Subukin MoA. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang titik T kung tama ang gamit ng kuwit at titik M kung mali. Gumamit ng sagutang papel. Halimbawa: T 1. “Linisin natin ang kanal upang hindi magbaha,” wika ni Lito. Magsimula rito: ______ 1. Sina Mario Dan at Lito ay namuno sa paglilinis ng pamayanan. ______ 2. Namumunga ba ang ubasan ninyo sa Caba La Union? ______ 3. Ang nagmamahal mong ina, ______ 4. Maraming magagandang tanawin dito sa Pilipinas tulad ng Bulkan ng Mayon sa Albay Lawa ng Taal sa Batangas at mga Burol na Tsokolate sa Bohol. ______ 5. “Lito, halika,” tawag ni Aling Mely sa anak. “Ikaw ba’y nag-aral na?”B. Sipiin sa kuwadernong sagutan. Lagyan ng kuwit ayon sa gamit. Isang gabi masayang naghahapunan ang pamilya ni Mang Ramon. “Itay tama po ba ang ginawa kong hindi pagkibo kahit ako’y tinawag na duwag ng aking mga kaklase?” “Bakit ka sinabihang duwag?” usisa ni Mang Ramon. “Kasi po pinipilit nila akong lumaban ng suntukan kay Fred hindi po ako pumayag sagot ni Danny. “Tama ang ginawa mo Anak” wika ng ama. “Mabuti pa’y isumbong natin sila sa punungguro ng paaralan tugon ni Aling Mila.” 8
C. Sipiin sa sagutang kuwaderno ang talata. Ilagay ang kuwit kung saan ito kailangan. Si Jose Abad Santos ay ipinanganak sa San Fernando, Pampanga. Siya ay naging Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan Hukom ng Kataas-taasang Hukuman at Kalihim Tagapagpaganap ni Manuel Quezon. Siya at ang kanyang pamilya ay ikinulong sa Malabang Lanao noong panahon ng Hapon. Umiyak ang kanyang anak nang hatulan siya ng kamatayan. Sinabi niya “Isang pambihirang pagkakataon ang mamatay para sa bayan.”D. Gumawa ng 5 pangungusap na ginamitan ng kuwit at ipakita sa guro kung wasto ang pagkagawa. Gawin ito sa sagutang kuwaderno. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 9
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257