Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino IV

Filipino IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:08:48

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

C. Bumuo ng mga pangungusap tungkol sa paksang ito na ginagamit ang panghalip na panao. Isulat sa sagutang kuwaderno. Ipakilala sa iyong Tatay at Nanay ang kasama mong kamag-aaral sa lakbay- aral ng klase. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 8

PANGYAYARI AT EPEKTO NITO Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makatukoy kung alin ang sanhi o bunga sa seleksyong binasa, makapagbigay ng angkop na bunga sa inilahad na sanhi/makapagbigay ng angkop na sanhi sa inilahad na bunga at maisulat ang mga ito. Pagbalik-aralan Mo Basahin ang bawat talata. Piliin ang titik ng diwang isinasaad nito. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno. Halimbawa: Si Kadyo ay nakahiga sa kama. Binabantayan siya ng nanay. Marahang hinaplos ng nanay ang noo ni Kadyo. Pinainom siya ng nanay ng gamot. 1. Si Kadyong nagpapahinga. 2. Si Kadyong may sakit. 3. Si Kadyong paborito ni Nanay Sagot: Si Kadyong may sakit. Magsimula Rito: 1. Si Rita ay palaging pinaaawit ng guro sa klase. Sa palatuntunan sa Linggo, si Rita ay aawit. Naiibigan ng mga tagapakinig ang kanyang boses. a) Ang magandang si Rita b) Ang mahusay umawit na si Rita c) Ang palatuntunan ng pag-awit 1

2. Ang mga bata ay pinaghiwa-hiwalay ng upuan ng guro. May mga lapis at papel sa ibabaw ng sulatan ng kanilang upuan. Pinagbalik-aral sila sa kanilang mga natutuhan nang nakaraang mga araw. a) Mga batang susulat ng kuwento b) Mga batang magbabasa c) Mga batang kukuha ng pagsusulit 3. Malakas ang hangin at ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Ang mga magsasaka ay naglalagay ng suhay sa kanilang bahay. Ang mga hayop ay inilagay nila sa silong ng bahay. a) Ang pagsapit ng gabi b) Ang masungit na panahon c) Ang biyaya ng tag-ulan 4. Ang mga babae ay patungo sa ilog. Sila ay may mga sunong na batya. Maraming damit sa batya. May sabon at palu-palo sa batya. a) Ang mga naliligo sa ilog b) Ang mga maglalaba sa ilog c) Ang mga mangingisda sa ilog 5. Iyak nang iyak si Nina. Hawak-hawak niya ang kanyang pisngi. Magang-maga ito. Pinainom siya ng gamot ng Nanay niya. a) Ang paghihirap ni Nina b) Ang pagkakapalo kay Nina c) Ang pagsakit ng ngipin ni Nina Pag-aralan Mo Basahin ang kalagayang ito: Ikaanim at kalahati pa lamang ng umaga ay umalis na si Dely. Tutungo siya sa Makati upang dumalo sa pasinaya ng Heroes Subdivision, isang pabahay ito ng pamahalaan para sa mga manggagawang maliliit ang sahod. Gaganapin ito sa ikawalo ng umaga. 2

Ngunit anong paghihinagpis niya! Ikasampu na ng umaga ay nasa daan pa siya. Hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Hindi na siya nakatiis. Nagkakainan na nang dumating si Dely sa Heroes Subdivision.1. Anong oras umalis ng bahay si Dely?2. Bakit siya umalis nang maaga?3. Saan siya tutungo?4. Bakit siya pupunta doon?5. Anong dahilan ng kanyang pagkabalam?6. Bakit mabagal ang takbo ng mga sasakyan?7. Ano ang nangyari kay Dely?Tulad ba nito ang sagot sa mga tanong?1. Ikaanim at kalahati ng umaga.2. Upang makarating nang maaga sa Heroes Subdivision.3. Sa Makati.4. Dadalo siya sa pasinaya sa Heroes Subdivision.5. Mabagal ang daloy ng mga sasakyan.6. Mayroong banggaan sa kanto.7. Nahuli si Dely sa palatuntunan.Nasagot mo bang lahat? 3

Magaling! Maaari ka nang magpatuloy ng pag-aaral.Pag-usapan natin ito.Suriin ang sumusunod: 1. Nagkaroon ng banggaan sa kanto kaya bumagal ang daloy ng sasakyan. 2. Bumagal ang daloy ng trapiko kaya nahuli si Dely sa pasinaya ng Heroes Subdivision.Ano ang nangyari sa unang pangungusap?Pangyayari: Nagkaroon ng banggaan sa kanto.Ano ang idinulot ng pangyayari?Idinudulot ng Pangyayari: Bumagal ang daloy ng sasakyan.Ano ang nangyari sa Pangungusap 2?Pangyayari: Bumagal ang daloy ng trapiko.Ano ang idinulot ng pangyayari?Idinudulot ng Pangyayari: Nahuli si Dely sa pasinaya ng HeroesSubdivisionBasahin naman ito: Dahil sa banggaan sa kanto, bumagal ang daloy ng sasakyan. Dahil sa banggaan sa kanto.Ang bahaging ito ay nagsasaad ng dahilan ng pagsisikip ng sasakyan.Ito ang sinasabing sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Bumagal ang daloy ng sasakyanAng bahaging ito naman ay nagsasaad ng resulta o epekto ng pangyayaringpinag-uusapan. Ito ang sinasabing epekto o bunga ng pangyayari. 4

Suriin ito: Sanhi o Dahilan Bunga o Epekto1. dahil sa banggaan sa kanto 1. nagsisikip ang daloy ng sasakyan2. dahil sa pagbagal ng daloy ng 2. nahuli si Dely sa pasinaya mga sasakyanAno ang napansin mo sa epekto Bilang 1 at sanhi Bilang 2?Ang epekto na: Bumagal ang daloy ng mga sasakyan ay maaari ringmaging dahilan o sanhi ng isa pang pangyayari.Pag-aralan ang tsart. Sanhi o Dahilan Bunga o Epekto Bunga o Epekto Nagdulot ng ng Naging Sanhi Ibang Bunga oBanggaan sa Bumagal ang o Dahilan ng ibaKanto daloy ng pang Pangyayari Epekto sasakyan Bumagal ang Nahuli si Dely sa daloy ng pasinaya sasakyanKung susuriin ang mga halimbawa, mapupuna na ang isang bunga aymaaaring maging sanhi o dahilan ng iba pang pangyayari at maaaringmagkaroon ng ibang bunga o epekto.Narito pa ang ilang halimbawa: Sanhi o Dahilan Bunga o EpektoUmulan nang malakas kagabi Nagbaha ang paligidBaha ang paligid Hindi makabiyahe ang mga sasakyanHindi makabiyahe ang mga sasakyan Walang masakyan ang mga taoMagsanay pa sa pagbibigay ng mga epekto o bunga. 5

Pangyayari o Sanhi: 1. Pumutok ang Bulkang Pinatubo. Epekto 1. Umagos ang lahar sa mababang lugar. 2. Nalubog ang mga bahay. 3. Nasira ang mga bahay. 4. Nasira ang mga pananim. 5. Naanod ang mga hayop.Ang mga epektong ito ay maaari ring maging dahilan o sanhi ng isangpangyayari na maaaring magdulot ng iba pang bunga o epekto, ayon sasitwasyon.Halimbawa: Epekto na naging sanhi o dahilan na nagdulot ng epekto obunga. Nalubog at nasira ang mga bahay. Epekto 1. Nawalan ng tirahan ang mga tao. 2. Inilikas ang mga tao sa ligtas na lugar. 3. Nagkahiwa-hiwalay ang mag-anak. 6

Isaisip Mo Ang Dahilan o Sanhi ay nagbibigay ng unang pangyayari. Sumasagot ito sa tanong na: Bakit nangyari? Ginagamit ang dahil o sapagkat kung ang dahilan ay nasa hulihan ng pangungusap. Ang Bunga o Epekto ay nagbibigay ng kasunod na pangyayari. Sumasagot ito sa tanong na: Ano ang bunga o epekto? Ginagamit ang kaya kung ang Bunga o Epekto ay nasa hulihan ng pangungusap. Kung minsan ang Bunga ay nagiging dahilan din upang magbigay ng kasunod pang Bunga o Epekto.Natapos mo na ang bahaging nagbigay sa iyo ng mgapagpapaliwanag. Ngayon maaari mo nang gamitin ang mganatutunan mo sa susunod na bahagi. 7

Pagsanayan MoI. Basahin ang ulat.Populasyon ng Daigdig 7 2000 20256.86.66.46.2 65.85.65.45.2 1996 Napansin ba ninyong laging nagsisikip ang mga lansangan sadami ng tao? Gayundin ang mga sasakyang pampasahero, mgasentro ng pamilihan, paaralan at simbahan? Umabot na sa 5.8 bilyon ang kabuuang populasyon ng daigdignoong taong 1996, sa taong 2000, umabot na ito sa 6.1 bilyon attinatayang aabot sa 6.8 bilyon sa taong 2025. Ang Estados Unidos, na ang kasalukuyang populasyon ay 267milyon, ang siya pa ring may pinakamabilis na pagdami ng tao. Halostaun-taon nadaragdagan ng 2.4 milyon ang mga naninirahan sanaturang bansa. Bunga ito ng libu-libong nandarayuhan doon. Labis-labis ang bilis ng paglaki ng populasyon ng India na umaabot sa 969milyon at ng Tsina na mayroon nang 1.23 bilyong mamamayan.Samantalang ang populasyon ng Pilipinas noong 1980 ay 60 milyonlamang at sa taong 2000 ay may 68 milyon na. Maraming problema ang idudulot ng patuloy na paglaki ngpopulasyong pandaigdig. Isa na rito ay ang kakapusan sa pagkain.Kung hindi mapipigil ang pagdami ng tao at mapaunlad angproduksiyon ng pagkain, hindi sasapat ang pagkain para sa bilyun-bilyong mamamayan ng daigdig na magugutom sa taong 2025. 8

Nakapagpapahina sa produksyon ng pagkain ang dahan- dahang pagkaubos ng mga lupang taniman. Dahilan ito ng labis at mahabang tagtuyot na ang resulta ay kakapusan ng tubig. Isa pang dahilan ng pagkawala ng lupang taniman ay ang pagbabago ng klima sa iba’t ibang dako ng mundo. Subalit ang karaniwang dahilan na likha ng tao ay ang gawing tirahan ang dating taniman o bukirin. Malinaw na nagpapaligsahan ang paglaki ng populasyon at ang produksyon ng pagkain. Sino kaya sa kanila ang magwawagi sa susunod na sanlibong taon? A. Sagutin mo ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Aling bansa ang may pinakamabilis na pagdami ng tao? 2. Ano ang problemang idinudulot ng patuloy na paglaki ng populasyong pandaigdig? 3. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabisang paraan upang madagdagan ang produksiyon ng pagkain? B. Isulat sa inyong sagutang kuwaderno ang dahilan ng mga sumusunod na bunga. 1. naging mahina ang produksiyon ng pagkain ngayon kung ihahambing sa produksyon noong nakaraaan panahon. 2. nadaragdagan ng halos 2.4 milyon ang mga naninirahan sa Estados Unidos sa kasalukuyan. 3. patuloy na sumisikip ang mga lansangan, mga sasakyang pampasahero, mga sentro ng pamilihan at iba pa.II. A. Basahin ang bawat pangungusap. Sa iyong sagutang kuwaderno, itala ang sanhi o dahilan at sa tapat nito isulat ang bunga o epekto ng pangyayari. 1. Sumabog ang Bulkang Mayon kaya lumikas ang mga tao. 2. Malimit magkasakit si Nitoy sapagkat hindi siya kumakain ng gulay. 9

3. Nakipag-away si Mario sa kanyang kaklase kaya siya pinalo ng tatay.4. Araw-araw ay nagbubunot ng sahig si Ruben kaya napakakintab ng sahig.5. Nabuwal ang bahay dahil napakalakas ng bagyo.6. Tanghali na siyang nagising kaya nahuli si Lita sa klase.III. A. Gayahin ang dayagram sa isang papel. Isulat ang pangyayari o sanhi. Sa tapat ng bawat sanhi o dahilan, ibigay ang maaaring epekto o bunga. Halimbawa:Pangyayari o Sanhi Epekto o BungaIsang malakas na bagyo ang Nasira ang mga pananim.dumating sa Pilipinas.Iba pang Pangyayari o Sanhi Iba pang Epeko o Bunga1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.B. Pumili ng isang epekto o bunga ng malakas na bagyo na maaaring maging dahilan o sanhi ng ibang pangyayari at magdulot ng iba pang epekto o bunga.Halimbawa:Epekto (na naging sanhi) EpektoNasira ang mga halaman 1. Tumaas ang halaga ng mga bilihin 2. 10

Tulad ba nito ang iyong sagot?Iba pang epekto o bunga.1. Bumaha sa mababang lugar.2. Maraming poste ng kuryente ang nabuwal.3. Naalis ang bubong ng maraming bahay.4. Nabuwal ang malalaking puno.5. Walang pasok sa paaralan at mga tanggapan. Epekto na naging sanhi at Epekto o Bunganagdulot ng iba pang epekto1. Nasira ang mga pananim. 1. Walang gulay na mabili. 2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin.Nagawa mo ba lahat ang hinihingi sa iyo ng bahaging PagsanayanMo? Kung gayon, ika’y maaari nang magpatuloy sa huling bahaging modyul na ito. Subukin MoI. Basahin ang bawat kalagayan. Piliin ang titik ng maaaring mangyari o magiging bunga nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nakasakay ka sa dyipni na napakalakas ang tugtog ng stereo. Anong maaaring ibunga nito? _____ a. Hindi magkakarinigan ang mga tao. _____ b. Magsasalita nang malakas ang mga tao. _____ c. Magagalit ang mga pasahero. _____ d. Mapapasayaw ang mga pasahero. _____ e. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero. 11

2. Tumakbo nang mabilis ang isang bus at bumuga ang pagkaitim-itim na usok. Ano ang maaaring bunga nito sa kalusugan ng tao? _____ a. Maluluha ang mga tao. _____ b. Makalalanghap ng maruming hangin ang mga tao. _____ c. Maaaring magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao. _____ d. Magkakasakit sa baga ang mga tao. _____ e. Magsusuka ang mga tao. 3. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Araw at gabi wala kang nakikita kundi basura. Ano ang magiging bunga nito sa pamayanan? _____ a. Dudumi ang paligid. _____ b. Mangangamoy ang buong paligid. _____ c. Dadami ang langaw. _____ d. Maaaring magkasakit ang mga bata. _____ e. Maraming bata ang mangunguha ng basura.II. A. Sipiin ang mga pangungusap. Guhitan nang minsan ang Dahilan o Sanhi at bilugan ang Epekto o Bunga. 1. Nanalo ang kanilang koponan dahil nagsanay silang mabuti. 2. Nakalimutan niya ang sinaing kaya ito ay nasunog. 3. Masayang-masaya si Mario dahil siya ang naging balediktoryan ng klase. 4. Hindi kumain ng agahan si Nilo kaya siya ay nahilo. 5. Mataba ang lupa sa bukid ni Mang Tomas kaya marami siyang inani. B. Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na bunga sa dahilan o sanhi. 1. Biglang sumara ang pinto kaya __________. a. nagtaka ang mga panauhin b. napagsarhan ang mga natitirang pumapasok c. tumigil ang mga kasayahan 12

2. Si Nena ay niregaluhan ng isang malaking manika ng kanyang Ninang kaya ________. a. napaiyak siya nang tuluyan b. nagtago siya sa silid c. natuwa siya at nagpasalamat 3. Mahilig magbasa si Nestor kaya _________. a. lumalawak ang kanyang kaalaman b. natuto siyang magsalita ng Ingles c. lagi siyang nahuhuli sa klase 4. Pagod na pagod sa paglalaro ng basketball si Nestor kaya ________. a. mabilis siyang naligo b. madali siyang nakatulog c. lumiksi ang kanyang paglalaro 5. Nagtrabaho sa ibang bansa si Mang Nardo kaya ________. a. dumami ang kaibigan niya b. nakapagpatayo siya ng malaking bahay c. napalakas ang gastos niyaIII. Sumulat ng tatlo o mahigit pang pangungusap tungkol sa mga paksang nasa kahon. Tiyakin na sa mga pangungusap mayroong:  nagpapahayag ng dahilan o sanhi  nagpapahayag ng epeko o bunga  epekto na naging bunga uli Halimbawa: Tungkol sa pagdating ng malakas na bagyo. May darating na bagyo kaya nilagyan ng mga taga-barangay San Simon ng suhay ang kani-kanilang bahay. Nang dumating ang bagyo, walang nagibang bahay sa kanilang barangay. Ito ay dahil sa paglalagay ng mga tao ng suhay. 13

1. Tungkol sa pagkasira ng kalikasan ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________2. Tungkol sa magandang ani ng mga magsasaka ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________3. Tungkol sa pagtaas ng halaga ng presyo ng langis ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________4. Tungkol sa pagkalulong sa barkada ni Edna ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________5. Tungkol sa pag-iingat laban sa mga magnanakaw o isnatser ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ Ipakita mo sa iyong guro ang ginawa mong mga pangungusap. Kapag nakapasa sa kanya, binabati kita. Natapos mo na ang modyul. Handa ka na sa susunod mong leksyon. 14

SIMUNO AT PANAGURI SA PANGUNGUSAP Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang gamit ng pangalan at pandiwa sa pangungusap, ang ayos ng mga pangungusap at posisyon ng simuno at panaguri Pagbalik-aralan MoTingnan natin kung natatandaan pa ninyo ang gamit ngpangngalan at pandiwa sa pangungusap.A. Punan ng tamang pangngalan o pandiwa ang mga patlang na ipinakikita sa larawan. 1. Ang bata ay _____ ng dyip. 2. Dumating ang _____ niya. 1

3. Tinulungan ng pulis ang matandang __________ sa pagtawid. 4. Ang maysakit ay _________ ng nars ng gamot. 5. Ang kaminero ay _________ ng kalsada.2

B. Piliin sa sumusunod na hanay ng lipon ng mga salita ang maituturing na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. a. Isang malakas na bagyo b. dumaan dito sa Pilipinas c. Tinangay ng baha ang mga bahay d. Ang mga kagubatan e. Nagligtas sa atin f. Tumutulong ito sa paghadlang g. Magiging madalas ang baha h. Kung walang mga kagubatan i. Magtanim tayo ng mga puno j. Iwasan ang pagputol ng mga punongkahoyC. Buuin upang maging pangungusap ang mga sumusunod: 1. Kung walang mga kagubatan 2. Tumutulong ito sa paghadlang 3. Nagligtas sa atin 4. Isang malakas na bagyo 5. Ang mga kagubatan 6. Dumaan dito sa Pilipinas 3

Pag-aralan Mo Dahil sa Masamang Barkada Dating mabait at masunuring bata si Obet. Ngunit napasama siyasa masamang barkada. Unti-unting nagbago ang ugali niya. Nagingbarumbado at magagalitin siya. Natutuhan ni Obet ang masasamang bisyo. Natuto siyangmagsigarilyo, maglasing at magsugal. Natutunan rin niyang humitit ngmarijuana at gumamit ng shabu. Nakiusap ang ina ni Obet. “Anak, kung mahal mo ako at angbayan hindi ka lalabag sa batas.” Ngunit parang walang narinig si Obet. Isang araw, nabigla ang kaniyang ina sa isang masamang balita.Nakakulong si Obet dahil sa pagnanakaw. Ninakawan niya ang isangtindahan upang masunod ang masasamang bisyo. Ngunit nahuli siya ngpulis habang nagnanakaw. Iyon ang napala niya sa pagsama samasamang barkada. 1. Bakit unti-unting nagbago ang ugali ni Obet? 2. Anu-ano ang natutuhan ni Obet? 3. Ano ang ibig sabihin ng kapag ang tao ay lumabag sa batas? 4. Bakit natutong magnakaw si Obet? 5. Ano ang naging parusa ni Obet sa paglabag niya sa batas? 6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento? 7. Sa papaanong paraan mo maipakikita ang pagiging masunurin sa iyong magulang? Magbigay ng limang halimbawa. Muling basahin ang kuwento. Sino ang dating mabait at masunuring bata? Sino ang nakiusap kay Obet? Sino ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw? 4

Ganito ba ang sagot mo?Ang dating mabait na bata ay si Obet.Nakiusap ang kaniyang ina upang huwag siyang lumabag sa batas.Pulis ang humuli kay Obet.Si Obet, ang kaniyang ina at pulis ang pinag-uusapan sapangungusap.Simuno ang tawag dito.Pag-aralan mo ang mga sumusunod na pangungusap.Bigyang-pansin ang may salungguhit.Si Obet ay dating mabait at masunuring bata.Ang kaniyang ina ay nakiusap kay Obet.Ang mga pulis ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw.Ang bahagi ng pangungusap na may salungguhit ay tinatawag napanaguri.Ang panaguri ang nagsasabi tungkol sa simuno.Gumawa ng dalawang hanay at isulat sa tamang hanay ang bahagi ngpangungusap. Isulat sa ilalim ng bawat hanay ang simuno at panaguri.1. Unti-unting nagbago ang ugali niya2. Natuto siyang magsigarilyo3. Nakiusap ang ina ni Obet4. Nadakip ng dalawang pulis si ObetGanito ba ang sagot mo? Simuno Panaguri1. ang ugali niya Unti-unting nagbago2. siyang Natutong magsigarilyo3. ang ina ni Obet Nakiusap4. si Obet Nadakip ng dalawang pulis 5

Pag-aralan mo ang mga salita sa talahanayan ng bawat pangkat. Nakatalasa unang hanay ang buong simuno ng pangungusap. Nakatala sa ikalawanghanay ang buong panaguri ng pangungusap.Basahin mo naman ang mga pangungusap sa ibaba.Piliin mo ang payak na simuno at payak na panguri sa bawat bilang1. Dumalo sa pulong ang mga tao.2. Sila ay nakinig sa manggagamot.3. Naghihintay nang matagal ang mga bata.4. Nag-ambag din kayo.5. Ipamamahagi na ang bigas sa sako. Payak na Simuno Payak na PanaguriTao DumaloSila NakinigBata NaghihintayKayo Nag-ambagBigas IpamamahagiSuriin mo ang mga payak na simuno.Anong bahagi ng pananalita ito? Ito ay pangngalan o panghalip, hindi ba?Pag-aralan mo naman ang mga payak na panaguri.Anong bahagi ng pananalita ito?Ang payak na simuno ay maaaring pangngalan tulad ng bata, bigas,bulaklak o panghalip tulad ng kayo, sila at iba pa.Pansinin mo naman ang panaguri.Ang payak na panaguri ay maaaring pandiwa. 6

Narito pa ang ibang hallimbawa ng pangungusap.Suriin mo ang mga ito.Piliin ang payak na simuno at payak na panaguri.1. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata.2. Sila ay tahimik na nagbubukas ng aklat.3. Gumuguhit ng mga tagpo sa pabula si Lita.4. Natatawa naman kami sa mga kuwentong komedi.5. Nalilibang sa kasaysayan sina Ana at Fe.Ganito ba ang sagot mo? Payak na Panaguri Payak na Simuno nagbabasa bata nagbubukas sila gumuguhit Lita natatawa Kami nalilibang Ana at FeBasahin ang mga payak na simuno.Anong bahagi ng pananalita ito? Ito ay pangngalan o panghalip, hindi ba?Basahin ang mga payak na panaguri.Anong bahagi ng pananalita ito? Ito ay pandiwa, hindi ba?Ito naman ang iyong pag-aralan.Basahin ang mga pangungusap. 1. Si Nena ay maganda. 2. Ang aso ay mabagsik. 3. Mabango ang bulaklak. 4. Ang anak niya ay matangkad. 5. Matinik ang rosas. 7

Suriin mo ito.Ano ang simuno? panaguri? SIMUNO PANAGURINena MagandaAso MabagsikBulaklak MabangoAnak MatangkadRosas MatinikAnong bahagi ng pananalita ang panaguri, pang-uri, hindi ba?Ang mga pang-uri ay maaari ring panaguri.Narito ang iba pang halimbawa na ginagamit ang pang-uri bilang panaguri. 1. Ang daan ay mabato. 2. Ang bata ay masipag. 3. Magalas ang sahig.Pag-aralan mo ang mga sumusunod. 1. Ang mga bata ay nasa labas ng bahay. 2. Nasa labas ng bahay ang mga bata. 3. Ang mga Pilipino ay bantog sa pakikipagsapalaran. 4. Bantog sa pakikipagsapalaran ang mga Pilipino.Ang una at ikatlong bilang ay mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.Ang ikalawa at ikaapat na bilang ay mga pangungusap na nasa karaniwangayos.Pansinin na ang mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos ay maysalitang ay.Pansinin na ang mga pangungusap na nasa karaniwang ayos ay walang mgasalitang ay. 8

Basahin ang mga sumusunod at lagyan ng Karaniwan o Di-karaniwan ang patlang sa tabi ng bawat bilang ng pangungusap. Gawin sa sagutang papel. _________1. Pumasok nang maaga si Leny. _________2. Iniwasan niya ang mga kaklase. _________3. Sila ay namasyal sa dalampasigan. _________4. Ang aklat ay pag-aari ng titser. _________5. Ayaw ng guro sa magugulong mga mag-aaral. _________6. Ang mga balita ay sinipi nila sa pahayagan. _________7. Nagsipagsayaw sila sa kalsada noong pestibal. _________8. Si Marie ay nakapasa sa iksamen ng pagiging nars. _________9. Nawili sila sa panonood ng programa. _________10. Ang palamuti ng bulwagan ay inayos ng mga mag-aaral. Isaisip MoAng simuno ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung ano o sinoang pinag-uusapan.Ang panaguri ay nagsasabi tungkol sa simuno.Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong simuno o paksa aypayak na simuno. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip.Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong panaguri ay angpayak na panaguri. Ito ay maaaring pandiwa, pang-uri o pang-abay.May tiyak na posisyon ang simuno at panaguri sa karaniwan at di-karaniwang ayos ng pangungusap.Tingnan nga natin kung naunawaan mo ang gamit ngsimuno at panaguri sa pangungusap. Gamitin mo angiyong natutuhan sa bahaging “Pagsanayan Mo.” 9

Pagsanayan MoA. Gumawa ng angkop na pangungusap tungkol sa mga larawan. Isulat ito sa inyong sagutang papel. Halimbawa:Nagtatanim ng palay ang mga magsasaka.1. 2. 10

3. 4. 5.B. Salungguhitan minsan ang buong simuno at makalawa ang buong panaguri. Isulat sa sagutang papel. Hal.: Ang limang kasapi ay maaagang nagsidating. 1. Ang kanilang barangay ay nagwagi sa paligsahan. 2. Binigyan sila ng mga buto ng gulay. 3. Nagtanim sila ng mga halamang namulaklak. 4. Nag-ani ng gulay si Gng. Briones. 5. Ang mga bunga ng patola ay ipinagbili nila. 11

C. Ikahon ang payak na simuno at isulat kung anong bahagi ng pananalita. Bilugan ang payak na panag-uri at isulat ang bahagi ng pananalita.Hal.: Nag-aaral ng leksyon ang mga bata. Simuno: Pangngalan Panaguri: Pandiwa1. Kami ay nag-aaral nang mabuti.2. Ang kanyang anak ay nakatapos sa pag-aaral.3. Naghahanapbuhay sa ibang bansa ang kanyang tatay.4. Ang lahat ng bagay ay mabibili mo na.5. Ang mga mag-aaral ay binigyan ng aklat.6. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata.7. Ang mga aklat ay nakalagay sa estante.8. Tinitipid ng mag-anak ang kanilang pera.D. Tukuyin kung karaniwan o di-karaniwan ang ayos ng mga pangungusap na sinagutan sa pagsasanay C. Isulat ang sagot sa sagutang papel1. __________________ 5. __________________2. __________________ 6. __________________3. __________________ 7. __________________4. __________________ 8. __________________ 12

Subukin MoA. Bumuo ng pangungusap. Dagdagan ang pangkat ng mga salita upang makabuo ng pangungusap. Tukuyin kung simuno o panaguri. Isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap. Halimbawa: ____________ hitik na hitik sa bunga. Sagot: Ang mga puno ng kamatis ay hitik na hitik sa bunga. – simuno 1. Nagtanim sa halamanan __________. 2. ___________ ay may pambungkal ng lupa. 3. Tumubo nang malusog __________. 4. __________ ay namumunga na. 5. __________ ay nababakuran. 13

B. Tingnan ang larawan at isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap. Piliin ang payak na simuno. Tukuyin kung pangngalan o panghalip ito.1. Nilulundag ni Jojo ang “hurdles.”2. Nagbabasa si Rosa at si Ben.3. Sina Jane at Kathy ay kumakanta.4. Si Roy ay hinahabol ni Bert.5. Sila ay naghahagisan ng bola.C. Isulat sa sagutang papel ang payak na panaguri at tukuyin kung ito ay pandiwa, pang-abay o pang-uri.Hal.: Si Marta ay tumahi ng baro. tumahi – pandiwa1. Ang kare-kare ay masarap na ulam.2. Sa Amerika naghahanapbuhay ang tatay ni Rod.3. Siya ang pinakamagaling sa buong klase ni Bb. Miranda.4. Nag-alay ng bulaklak ang mga bata sa bantayog ni Rizal.5. Masayang naglalaro ang mga bata sa palaruan. 14

D. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel. AB1. Namili ng pasalubong a. ay pinasalubungan ng singsing2. Ang mga manggagawa b. ang dala-dalahan nila3. Isang pares ng sapatos c. ang mga balikbayan4. Ang umuwing karpintero d. ay naghatid ng kanilang kahon5. Ang nanay ko e. ang bilin ko sa tatay6. Maraming kendi f. ay binigyan ng bonus7. Naiwan sa taksi g. ay may dalang lagare8. Ang matulunging drayber h. ay nagsilbi i. ang ipinamigay sa mga bataE. Isulat na muli ang mga nabuong pangungusap sa itaas. Kung ito ay nasa karaniwang ayos isulat sa di-karaniwang ayos. Kung ito ay nasa di-karaniwang ayos isulat sa karaniwang ayos.1. ___________________________________________2. ___________________________________________3. ___________________________________________4. ___________________________________________5. ___________________________________________6. ___________________________________________7. ___________________________________________8. ___________________________________________Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mo nangayong simulan ang susunod na modyul. 15

SUMULAT NG LIHAM Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang magagamit mo nang wasto ang pasok at palugit sa pagsulat ng liham; naipapahayag ang naiisip at nadarama sa pagsulat ng liham pangkaibigan. Pagbalik-aralan MoNapag-aralan mo na ang mga bahagi ng liham at ang mgasangkap sa pagsulat nito.A. Narito ang mga bahagi ng liham. Iayos ang mga ito upang mabuo ang liham. Gamitin din ang wastong bantas. Gawin ito sa sagutang kuwaderno. 1. Lubos na gumagalang, 2. 234 Antonio Rivera Sta. Cruz, Maynila Mayo 9, 1996 3. Mahal kong Ninang Liza, 4. Pista po sa aming barangay sa darating na Sabado. Tradisyon na po ng mga pamilya ang maghanda para kay San Isidro Labrador. Natatandaan ko na sinabi ninyong nais ninyong makadalo sa aming pista. Sana magkaroon kayo ng panahon ngayon. Isama po ninyo si Ninong at ang aking kinakapatid. Aasahan namin ang inyong pagdating. 5. Siena 1

B. Tukuyin ang sumusunod na bahagi ng liham. 185 Dapo St. (1) Sampaloc, Manila Hunyo 19, 1996 Mahal na Dr. Gomez, (2) Sa darating na Miyerkules, magkakaroon po ng palatuntunan sa aming barangay. Ipagdiriwang ang Linggo ng Nutrisyon. Dadalo po rito ang mga ina ng tahanan.(3) Kaugnay nito, inaanyayahan po namin kayo na maging panauhing pandangal. Magiging lubos ang aming kagalakan kung pauunlakan ninyo ang aming paanyaya. (4) Sumasainyo, (5) Gng. Almario 1. ____________________ 2. ____________________ 3. ____________________ 4. ____________________ 5. ____________________ 2




































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook