Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino IV

Filipino IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:08:48

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

PAGBIBIGAY HINUHA Magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito ika’y inaasahang makabuo o makapagbigayng hinuha tungkol sa maaaring kalabasan ng mga pangyayarisa binasa.Pagbalik-aralan MoBasahin mo ang bawat pangungusap. Sa sagutang kuwadernoisulat ang O kung ang pangungusap ay nagpapahayag ngOpinyon at K kung Katotohanan.Halimbawa: Ang Pilipinas ay isang kapuluan.Sagot: KMagsimula Rito:1. Binubuo ang Pilipinas ng 7,107 pulo.2. Ang mga pulong ito ay hinati sa tatlong pangkat: Luzon, Visayas at Mindanao.3. Ang ating bansa ay pinamumunuan ng isang Pangulo.4. Ang pangulo ng ating bansa ay inihahalal ng taumbayan.5. Sinasabing nagsimulang umunlad ang ating bansa buhat nang magkarooon ng People Power sa EDSA.6. Maraming proyektong ipinatutupad ang pamahalaan sa bansa.7. Marahil magiging mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa kung ang mga namumuno ay buong tapat na tutupad ng kanilang tungkulin.8. Maaaring magpatuloy ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa kung papalitan ang sistema ng ating pamahalaan sa darating na panahon.9. Ang mabilis na pagdami ng populasyon ay isa sa mga suliranin ng ating bansa.10. Kung masusugpo ang mabilis na paglaki ng populasyon, magkakaroon nang sapat na pagkain ang bawat mag-anak. 1

Pag-aralan Mo Basahin ang lathalain. Iligtas ang Mundo Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang nararanasan ng taokung tag-araw. Kung minsan naman mababalitaan na may bagyong daratinggayong panahon naman ng tag-araw. Kung tag-ulan naman, bihirang umulan.Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran. 2

Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyongtubig. Dahil dito dumudumi ang tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mgaisda at iba pang lamang-dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng “red tide”. Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod aynagbabara. Kaunting ulan lamang ay bumabaha. Maging ang tubig na iniinomay di na rin ligtas. Maging ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi na rin.Masangsang ang amoy ng hanging nagmumula sa tabing-ilog at dalampasigan.Ang sobrang kapal at maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan aynagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walang tigil na pagbuga ng usok ng mgapabrika na siyang nagpapadilim sa kalangitan. Dahil sa polusyon sa hangin, angpagdumi ng kapaligiran ay hindi maitatanggi. Isa pang epekto nito ay angpaghina ng ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin. 3

Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat angginawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemangkaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sa kagubatan. Ginagawa nilaitong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at nawawala angmatabang lupa. Dahil dito wala nang makapitan ang mga ugat ng puno. Angmga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan.Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar. Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ngkapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at angkalagayan ng susunod na salinlahi. Iligtas natin ang ating kalikasan upangmatamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap. 4

Pag-usapan natin ang inyong binasa. Maaari mong isulat sa iyongkwadernong sagutan ang iyong mga karapatan. 1. Ano ang iyong napapansin sa lagay ng panahon? Kanino kaya dapat isisi ang pagbabago nito? 2. Bakit nagkakaroon ng red tide? 3. Anu-ano ang nagiging bunga ng polusyon sa hangin? 4. Ano ang dahilan at unti-unting nakakalbo ang mga gubat? 5. Papaano napipigil ng mga tanim at punung-kahoy ang pagguho ng mga lupa?Ganito ba ang iyong sagot? 1. Paiba-iba na ang lagay ng panahon ngayon. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran 2. Dahil sa walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong-tubig kaya nagkakaroon ng red tide. 3. Bunga nito ang pagdumi ng hanging ating nilalanghap sa araw-araw. Epekto rin nito ay ang paghina ng ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin. 4. Nakakalbo ang mga kagubatan dahil sa walang ingat na pagpuputol sa mga puno at sa patuloy na pagsasagawa ng sistemang kaingin. 5. Ang mga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar.Magaling!Basahin at unawain mo naman ito ngayon. Pagdaan ng kotse sa ilalim ng punong niyog nalaglag ang mga bungang magugulang na.Ano ngayon ang magiging sariling palagay o kuru-kuro mo?Maaaring ganito - Nabagsakan ng bunga ng niyog ang bubong ng kotse. May bahagi ng bubong na nayupi.Maaari namang ganito - Hindi man lang nayupi ang anumang bahagi ng kotse nang mabagsakan. Matigas at matibay ang pagkakayari ng kotse. 5

Narito ang isa pang halimbawa.Ganito ang iyong nabasa. Hindi tumitingin sa tawiran si Pedro. May dala siyang tungkod.Ano ang magiging sariling palagay o kuru-kuro mo?Maaaring ganito - Si Pedro ay nabangga ng ibang tumatawid o kaya ay nadapa.Maaari namang ganito - Si Pedro ay bulag at ang tungkod niya ang nangangapa ng dadaanan niya. Nakatawid siya nang maayos. Ang pagbibigay ng sariling opinyon, palagay o kuru-kuro sa binasangseleksyon o talata ay pagbibigay hinuha. Maari kang makapag-bigay ng sarilimong palagay upang ang isang pangyayari o kwento ay magkaroon ngwakas na gugustuhin mo.Isa pang halimbawa: Bumabagyo at malakas ang alon nang sila’y tumawid saisla. Maliit lang ang bangkang kanilang sinasakyan.Ano ang magiging hinuha mo?Maaaring ganito - Hindi sila nakatawid dahil hindi kinaya ng maliit na bangka ang malalakas na alon.Maaari namang ganito - Kinain ng malalakas na alon ang maliit na bangka. May mga nalunod sa mga sakay na pasahero.Hindi lang isa o dalawa ang maaari mong maibigay na hinuha, hanggang maynaiisip kang pwedeng kahinatnan ng mga pangyayari ay maaari kang maghinuha. 6

Katulad pa nito - Nakatawid sila ng isla subali’t sadyang sila’y nahirapan dahil sa malalakas na alon.Maaari ding ganito - Papalubog na sana ang maliit na bangka nang may sumaklolo sa kanilang hukbong dagat.Pwede ka pang magdagdag.Isaisip MoAng pagbibigay hinuha o palagay sa maaaring kahinatnan ng mgapangyayari sa binasa ay isang paraan nang pagsasagawa ngmapanuring pag-unawa. Ngayong alam mo na kung paano ang magbigay palagay ohinuha, maari mo nang gamitin ito sa susunod na bahagi ngmodyul na ito.Pagsanayan MoI. Balikan ang lathalain: “Iligtas ang Mundo!”Basahin ang pangyayari at magbigay ng hinuha tungkol dito. Isulat ito saiyong sagutang kuwaderno. Pangyayari HinuhaA) Patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog 7

B) Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan. C) Pagpuputol ng puno sa kagubatan. D) Pagbabara ng mga estero. E) Pagbuga ng usok ng mga pabrika. F) Pagkakaroon ng red tide. G) Pagdumi ng tubig na iniinom. H) Pagkakalbo ng kagubatan.II. Magbigay ng tig-dadalawang hinuha sa bawat talatang sumusunod at isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Pinukpok ni Sajid ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang malalaking pukyutan. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 2. Nakita ni Eli ang makukulay na mga bulaklak sa hardin. Papasok na siya sa paaralan nang umagang yaon. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 3. Nalaglagan ng isang subong kanin ang mga langgam sa ilalim ng mesa. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 4. Sumakay ang mga sundalo sa helicopter at lumipad ito sa himpapawid. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 5. May naiwang bag sa isang tricycle na naglalaman ng maraming pera. Kinuha ito ng tatay mo. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ Ipakita ang iyong mga sagot sa guro. 8

Ngayong ikaw ay bihasa na sa pagbibigay ng hinuha, maaari ka nang tumungo sa bahaging Subukin Mo. Subukin MoBumuo ng hinuha sa mga talatang sumusunod at isulat ito sa iyongsagutang kuwaderno. 1. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka. Hinuha ________________________________________ 2. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama. Hinuha ________________________________________ 3. Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-apat na grado ang sinanay ng kanilang guro sa Musika. Suot na nila ang magara nilang uniporme at sila’y patungo na sa bayan. Hinuha ________________________________________ 4. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni Cris. Hinuha ________________________________________ 5. May taling pabigat sa binti ni Aimon at humihiyaw ito sa sakit. Awang- awa ang kanyang mga kamag-anak. Hinuha ________________________________________ 9

6. Nagising si Jun-Jun na umiiyak at takot na takot. Humahangos siyang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hinuha ________________________________________7. Clean Air Act at Anti-Smoking Law ang dalawang bagong batas. Galit na galit ang mga mamamayang naninigarilyo. Hinuha ________________________________________8. Palagi silang nagsisipagtago pag may dumarating nang mga girilyang Hapon. Hinuha ________________________________________9. Nagpasya si Prinsipe Bantugan na umalis nalang sa kanilang kaharian. Nagtungo siya sa ibang bayan. Hinuha ________________________________________10. Hindi sinunod ni Abraham ang kahilingan ng Diyos. Itinago niya si Isaac at isang matabang tupa ang kanyang inialay. Hinuha ________________________________________Ipakita sa Guro ang iyong mga sagot. Binabati kitang muli sa pagtatapos mo sa modyul na ito. Magpatuloy ka! 10

PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA WAKAS SA ISANG TALATA O KUWENTO Kamusta ka? Matututunan mo sa modyul na ito kung paano ka makapagbibigay ng angkop na wakas sa isang talata o kuwento Pagbalik-aralan MoNais mo bang maglaro? Narito ang isang laro.Basahin ito at unawain. PALOSEBO Kumuha ng dalawang kawayang magkasinghaba at magkasinglaki. Ibaonsa lupa ng patayo. Tiyaking ang mga ito ay magkapareho ang taas. Lagyan nglangis ang dalawang kawayan upang maging madulas. Dala-dalawa angkalahok sa larong ito. Mag-uunahan sa pag-akyat ang dalawang kalahok na ito.Sinumang maunang makaakyat sa itaas o kaya’y sa tuktok, ang siyang panalo.Ayusin ang mga pangungusap tungkol sa laro. Lagyan ito ng bilang ayon sapagkakasunod-sunod._________ a. Sinumang maunang umakyat sa itaas ng kawayan ang panalo._________ b. Lagyang ng langis ang dalawang kawayan upang maging madulas._________ c. Kumuha ng dalawang kawayang magkasinlaki at magkasinghaba_________ d. Ibaon sa lupa ang dalawang kawayang patayo._________ e. Mag-uunahan sa pag-akyat ang dalawang kalahok. 1

Narito naman ang mga paraan ng paggawa ng isang bagay.Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong pagkakasunud-sunod ng gawain.1. Naglaba si Rosa. Narito ang ginawa niya. Pagsunud-sunurin mo a. Ikinula niya ang mga ito. b. Muli niyang sinabon ang mga puting damit. c. Binanlawan niya ang mga damit. d. Sinabon niya ang mga damit.2. Nagluto ng atsarang papaya si Linda. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. a. Binalatan at ginadgad niya ang mga papaya. b. Inihanda niya ang ibang sangkap gaya ng sibuyas, sili, karots, pasas at suka. c. Inilagay niya sa bote ang pinaghalong sangkap. d. Piniga niya ang papaya.3. Nagsaing si Clara. Pagsunud-sunurin ang ginawa niya. a. Hinugasan niya ang bigas. b. Hinintay niyang kumulo at mainin ang sinaing. c. Nilagyan niya ng sapat na bigas at tubig ang kaldero. d. Inilagay niya sa kalan at niluto. Pag-aralan MoNarito ang isang Kuwento. Basahin at unawain. Nagkagulo ang mga tao sa palengke. May naghahabulan. MaySumisigaw. May isang babaeng iyak nang iyak. “Prrt,Prrt,” ang silbatong naririnig sa loob ng palengke. Maya-maya’ylumabas ang isang pulis na may bitbit na bag. Kasunod niya ang isang batanglalaki. Hawak-hawak ang batang umiiyak ng isang barangay tanod.Bakit nagkagulo sa palengke? Ganito ba ang sagot mo?Naagaw ang bag ng isang babae.Subukin mong pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento.Alin ang unang pangyayari? Inaagawa ng batang lalaki ang bag ng babae.Alin ang kasunod? Dumating ang pulis. 2

Alin ang huling pangyayari? Nahuli ang batang magnanakaw.Sa iyong palagay, alin ang katapusan ng kuwento? a. Naibalik ang bagsa babae at dinala sa presinto ang magnanakaw b. Dinala ng pulis sa presinto ang bata at ang babaing inagawan ng bag. c. Ginulpi ng pulis ang bata at humingi siya ng pabuya. d. Nagpaputok sa itaas ang pulis at hinabol ang magnanakaw.1. Isang Puntos na Balangkas Pamagat I. Pangunahing paksa II. Pangunahing paksa III. Pangunahing paksa IV. Pangunahing paksa2. Dalawang Puntos na Balangkas Pamagat I. Pangunahing paksa A. Paksa sa pangalawang antas B. Paksa sa pangalawang antas II. Pangunahing paksa A. Paksa sa pangalawang antas B. Paksa sa pangalawang antas III. Pangunahing paksa A. Paksa sa pangalawang antas B. Paksa sa pangalawang antas IV. Pangunahing paksa A. Paksa sa pangalawang B. Paksa sa pangalawangHalimbawa: 1. Isang Puntos na Balangkas Ang “Benguet Lily” I. Dumating ang puting lalaki II. Ang dalagang si Lan-i III. Ang pagtakas ni Lan-i IV. Ang pagkamatay ni Lan-i 2. Dalawang Puntos na Balangkas Ang “Benguet Lily” I. Dumating ang puting lalaki A. Nakita si Lan-i 3

B. Inibig, minahal at inalok ng kasal si Lan-i II. Ang dalagang si Lan-i A. Labimpitong taong gulang B. May katutubong kagandahan at napakasimpleng babae. C. Masipag at mapag-aruga sa mga kapatid III. Ang panunuyo ng puting lalaki A. Pumupunta sa bahay B. Nililigawan si Lan-i at pinasasang-ayong magpakasal IV. Ang pagtakas ni Lan-i A. Tumalon sa bintana B. Tumakas papunta sa kabundukan V. Ang pagkamatay ni Lan-i A. Hinabol siya ng mga kasamang lalaki B. Nagsaksak sa sarili C. Lumitaw ang isang puting bulaklak sa lugar na kinamatayan niya.Pagsanayan Mo Bumuo ng dalawang uri ng balangkas tungkol sa alinmansa sumusunod na paksa. Pagkatapos, bumuo ng isang maiklingsanaysay o kuwento batay sa balangkas na binuo. Gawin ito saiyong notbuk.1. Epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina at mga produktong petrolyo.2. Magiging epekto ng pagbabago sa Saligang-Batas.3. Paano makakapagtipid sa kuryente at tubig. Subukin Mo Narito ang isang artikulo mula sa isang pahayagan.Basahin mo ito at igawa ng dalawang uri ng balangkas. Muli,gawin ito sa iyong notbuk.RONNIE M. HALOS • Editor Disyembre 1, 2004 4

Editoryal manalasa si Unding. Ang dapat daw ay hanggang 18Modernization hanggang 24 na oras dapat ng PAGASA bigyan ng babala ang mganararapat na? residente na may tatamang bagyo at dapat maghandaNARARAPAT na ang at huwag nang pumalaot ang mga mangingisda.modernization sa Philippine Isang buhawi angAtmospheric, Geophysical and tumama sa Roxas, Oriental Mindoro bunga ng bagyongAstronomical Services si Unding. Marami ang nasirang bahay, school,Administration (PAGASA) para simbahan, pananim at may mga namatay. Karamihanmakapagbigay ng tamang lagay sa mga nawala ay mga mangingisdang inabutan ngng panahon sa mamamayan. bangis ni Unding sa laot.Kung mananatiling bulok at Paanong makapag- bibigay kaagad ng warningmaraming kulang ang kagamitan ang PAGASA tungkol sa bagyo gayong tatlo lamangng PAGASA, nasa panganib pala ang radar na kanilang ginagamit? Hindi kaya ngang Pilipino sapagkat hindi kung saan may mga namatay at tatlong radar na ma- maraming nawalan ng tahanan. monitor ang galaw ngmalalaman kung may hahagupit bagyo at nang mabigyang Inamin ng PAGASA na hindi babala ang taumbayan.na bagyo o wala sa kanilang nila natugaygayan ang galaw ni Sabi ni Dr. Nilo, kailangan Unding natuloy ito sa mga daw ay may pito hangganglugar. Ang kasalatan ng probinsiya sa Southern Tagalog walong radar ang PAGASA kabilang nga ang Oriental para ma-tract ang bagyo.kagamitan sa PAGASA ang Mindoro. Wala raw silang radar sa Bicol Region, ayon kaydahilan kung bakit hindi nila PAGASA officer-in-charge Dr. Prisco Nilo kaya hindi kaagadmatract ang mga paparating na naitaas ang Signal Number 3 sa Oriental Mindoro at iba pangbagyo at kung saang direksyon probinsiya. Naitaas lamang daw nila ang typhoon signal nangito tutungo. may 12 oras na lamang bagoAng ganitong problema ngPAGASA ay napatunayan nangang bagyong Unding ay hindinila na-tract at nanalasa ito saOriental Mindoro. Bago angpananalasa ni Unding saOriental Mindoro, pininsalamuna nito ang Bicol Region Gagastos sa walong radar ng P40 million para makober ang buong bansa sa mga papalapit na bagyo. Modernisasyon ng PAGASA ang dapat upang makapagbigay ng babala. Noon pang 1997 inaasahan na magkaroon ng pagbabago sa PAGASA subalit hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng katuparan. Dapat kumilos ang mga mambabatas na mabigyan ng sapat na alokasyon ang PAGASA para ma-modernize at nang hindi magkamali o kaya’y hindi mapaglalangan ng parating na bagyo. 5

Binabati kita, kaibigan sa mahusay mong paggawa sa modyul na ito! Hanggang sa muli! Susi sa PagwawastoPagbalik-aralan1. Ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.2. Ang kauna-unahang tao sa ating bansa.3. Ang buhay ni Apolinario Mabini.4. Ang yamang-lupa ng Pilipinas.5. Ang kagubatan ng Palawan.Pagasanayan mo Iba-ina ang sagot ng mga bata.Subukin mo 6

1. Isang Puntos na Balangkas Modernization ng PAGASA Nararapat na I. Kung bakit nararapat ang modernisasyon ng PAGASA II. Problema ng PAGASA III. Paano matutupad ang modernisasyon2. Dalawang Puntos na Balangkas Modernization ng PAGASA Nararapat na I. Kung bakit nararapat ang modernisasyon ng PAGASA A. Para makapagbigay ng tamang lagay ng panahon B. Nalalagay sa panganib ang buhay ng mga Pilipino. II. Mga naging problema ng PAGASA A. Hindi na-tract ang bagyong Unding na nanalasa sa Oriental Mindoro. B. Kawalan ng radar sa Bicol Region C. Hindi sapat na bilang ng radar na gamit ng PAGASA III. Paano matutupad ang modenisasyon A. Pagkilos ng mga mambabatas B. Pagbibigay ng sapat na alokasyon sa PAGASA para ito ma- modernized 7

PAGHAHAMBING NA PASUKDOL Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ikaw ay makapaghahambing ng tao, bagay, pook, pangyayari sa pasukdol na antas. Inaasahan din na maipagmamalaki mo ang magagandang katangian ng mga Pilipino. Pagbalik-aralan MoNapag-aralan mo na ang kaantasang lantay at pahambing.Magawa mo kaya ito?A. Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang buhok niya ay (a. mahaba b. mas mahaba) na. 2. Siya ay (a. mataba b. higit na mataba) kaysa sa iyo. 3. (a. Matangkad b. Kasingtangkad) ni Mang Juan si Mang Efren. 4. (a. Matalino b. Magkasintalino) sina Al at Rey. 5. Ang pinsan ko ay (a. mataba b. kasintaba).B. Piliin ang larawang angkop sa pang-uring may salungguhit. Isulat ang titik. A B 1. Alin sa dalawang paru-paro ang mas maliit? 1

AB2. Sino sa dalawa ang may higit na mahabang buhok? A B3. Sino ang matangkad sa dalawa?2

4. Alin ang mas mayabong sa dalawang puno? AB5. Alin sa dalawang bayabas ang lalong malaki?C. Punan ang patlang ng pinakaangkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Gamitin ang salitang-ugat at panlaping mas, kasing, at magkasing.sarap 1. Ang ulam natin ngayon ay __________ kaysa kagabi.mahal 2. Ang pantalon niya’y __________ ng pantalon ko.galing 3. Sila ay __________ sa klase.talino 4. Si Al Rey ay __________ ni Fred Rex.malikhain 5. Si Noel ay __________ ng kaniyang Tiya Celia. 3

Pag-aralan MoBasahin mo ang sanaysay. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. MAGAGANDANG KATANGIANG PILIPINO Minana ng mga Pilipino sa kanyang mga ninuno ang mga katangiangdapat nating ipagmalaki. Sa lahat na yata ng lahi sa mundo Pilipino angpinakamadasalin. Maraming pagkakataon nang napatunayan na angpagkamadasalin natin ang nagligtas sa mga mamamayan sa napipintongpanganib ng bansa. Sinasabi na rin ng ibang dayuhan na sa Pilipinas mo mararanasan angpinakamabuting pagtanggap sa panauhin. Sa ating bansa kasi makikitaang pagiging maasikaso natin sa bisita. Halos lahat ibibigay masiyahanlamang ang ating panauhin. Ang pagiging masipag at matiyaga natin ay mga katangian ding dapatipagmalaki. Isang patunay nito ay ang pinakamagandang Hagdan-Hagdang Palayan ng Banaue. Hari ng sipag at ubod ng tiyaga itongginawa ng ating mga ninunong Ifugao. Sa pagmamahal at pagkilala sa pamilya at mga kaanak, wala nanghihigit pa sa pamilyang Pilipino. Pinakamalapit sa mag-anak atpinakamapagkalinga ang mga Pilipino. Nagtutulungan tayo sa oras ngkasayahan at maging sa panahon ng pangangailangan. Ang mga kamag-anak na naulila ay ating kinukupkop. Maging ang mga matatanda na ayatin pa ring kinakalinga. Likas din sa mga Pilipino ang pagiging magalangat maalalahanin. Ubod ng galang nating mga Pilipino sa mganakatatanda. Sa mga nakatatanda tayo ay nagmamano at gumagamit ngpo, opo, ho at oho. Napakamaalalahanin din natin sa mga mahal natin sabuhay. Hindi pinalalampas ang pag-alala sa mahahalagang okasyon sakanilang buhay. Tayong lahat dapat nating ipagmalaki ang magagandang katangiangPilipino. Taas noo kahit kanino ang lahing Pilipino.A. Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. 1. Anu-ano ang magagandang katangiang Pilipino? 2. Dapat bang ipagmalaki ang mga magagandang katangiang Pilipino? Bakit? 3. Sa papaanong paraan mo maipagmamalaki ang mga magagandang katangiang Pilipino? 4

B. Itala mo sa iyong kwadernong sagutan ang mga salitang may salungguhit. Ganito ba ang isinulat mo?1. pinakamadasalin 6. pinakamalapit2. pinakamabuting 7. pinakamapagkalinga3. pinakamagandang 8. ubod ng galang4. hari ng sipag 9. napakamaalalahanin5. ubod ng tiyagaMuli mong pansinin ang mga salitang may salungguhit. Ipinakikita ng salitangmay salungguhit ang kaantasang pasukdol ng pang-uri. May dalawang uri ng pang-uring pasukdol. Ang isa ay ginagamit kungang pinaghahambing ay katangian ng tatlo o higit pang tao, hayop, bagay,pook o pangyayari. Ginagamit dito ang panlaping1. pinaka - na ikinakabit sa pang-uriHalimbawa:pinaka + bata = pinakabata Pinakabata si Lina sa magkakasama.pinaka + mabait = pinakamabaitSiya ang pinakamabait sa mga guro.2. ka + inuulit na salitang ugat + anka + tamis - tamis + anIto ang katamis-tamisan sa mga manggang natikman ko.ka + galing + anSiya ang kagaling-galingan sa mga mag-aaral. Ang ikalawang uri ng pasukdol ay gumagamit ng panlaping napaka, kay,pagka, at salitang ubod, hari, ulo, sakdal. Maaari ring inuulit ang pang-uri.Magsasaad ito ng katangiang sukdulan ang taas o sidhi. 5

Basahin ang halimbawang ito.a. Napaka + salitang ugat1. Napakaputi ng damit niya.2. Napakataas ni Juan.b. Pagka + Salitang-ugat + salitang-ugat Kay + dalawang unang pantig ng salitang-ugat + salitang-ugat1. Kay bait-bait ng nanay mo.2. Kay tahi-tahimik ng lugar na ito.3. Pagkatamis-tamis ng santol na ito.4. Pagkatali-talino ni Mary.c. Ubod ng + salitang-ugat Sakdal Labis HariUbod ng yaman ang magulang niya.Sakdal ng ganda ang kapatid mo.Hari ng tapang ang aso naming.d. Pag-uulit ng pang-uri na ginagamitan ng pang-uugnay na na o ng.Banal na banal ang Papa.Marunong na marunong si Alex.Magandang-maganda ang guro ko.Batang-bata pa rin siya.Hanapin ang pasukdol na pang-uri sa pangungusap.1. Ang buwan ay bilog na bilog.2. Napakalambing ng tugtuging bukid.3. Kay tamis-tamis ng manggang natikman ko.4. Hari ng tapang ang sundalong iyan.5. Pinakamakapal ang aklat na ito sa mga nabasa ko na. 6

Ganito ba ang sagot mo? 1. bilog na bilog 2. napakalambing 3. kay tamis-tamis 4. hari ng tapang 5. pinakamakapal Tama ka, kung ganito ang sagot mo. Maaari mo nang gawin ang mga pagsasanay. Magpatuloy ka. Isaisip Mo Dapat mong ipagmalaki ang mga magagandang katangiang nagpapakilala sa ating mga Pilipino Ang pang-uri ay nasa kaantasang pasukdol kung naglalarawan ito ng kahigitan o pamumukod ng katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari sa karamihan o sa lahat ng pinaghahambing. 7

Pagsanayan MoA. Narito ang isang tula. Basahin at isulat sa kwadernong sagutan ang ginamit na pang-uri upang maipakita ang kaantasang pasukdol. Ang UlanBumagsak ang ulang pagkalamig-lamig,Bawat patak ng kayputi-puting tubig,Sakdal gandang halaman na naiidlip,Ay dagling nagising at natuwang labis.Panahon na uli ng kaligayahan,Masayang panahong pinakahihintay,Lantang mga tanim ay madidiliga’t,Mapapawing lubos iyong pagkauhaw.1. ________________ 3. _________________2. ________________ 4. _________________B. Basahin ang mga bugtong. Piliin ang mga pang-uring nasa kaantasang pasukdol. Isulat ang mga ito sa kwadernong sagutan. 1. Prinsesang pagkaganda-ganda Sariling katawan kinakain niya - (kandila) 2. Ilaw na napakailap Dumating sa isang iglap - (kidlat) 3. Tampiping pagkaliit-liit Sa kayamanan, hitik na hitik - (sili) 8

4. Tubig na sakdal-lalim Punong-puno ng patalim - (bibig) 5. Pinakamagandang prinsesa Pinaliligiran ng espada - (pinya)C. Basahin ang isang usapan. Piliin at isulat sa kwadernong sagutan ang pang-uring nasa kaantasang pasukdol. Sa DaanDolor : Takbo! Linda, Delfin. Huling-huli na tayo sa klase.Linda :Dolor : Oo. Heto nga’t nananakit na itong paa ko sa pagtakbo.Delfin : Dapat nating bilisan para hindi tayo mahuli. Ikaw naman Delfin, napakakupad! Lalaki ka pa naman. Hayaan ninyo ako. Masakit na masakit kasi ang ulo ko. 1. ___________________ 2. ___________________ 3. ___________________ Magaling! Nagawa mo nang may kawastuhan ang mga pagsasanay. Magpatuloy ka. Maaari mo nang gawin ang bahaging “Subukin Mo” 9

Subukin MoI. Basahin ang mga pangungusap sa bawat titik. Isulat ang titik ng pangungusap na ginagamitan ng salitang nagpapakita ng kaantasang pasukdol. a. Maalalahanin si Inay. b. Si Neneng ay ubod ng ganda. c. Ang pinsan mo ay malapit sa aking puso. d. Kaydumi-dumi naman ng silid na ito. e. Sakdal yumi ang kilos ng dalagang iyon. f. Matuwain sa bata si Inay. g. Higit na maluwag ang silid na ito kaysa roon. h. Kay dilim-dilim na pala! i. Madawag ng madawag ang kagubatang iyon. j. Ubod ng bango ang pabango mo. 10

II. Basahin ang paglalarawang ito tungkol sa kabayo. Basahin at isulat ang mga pang-uring nasa kaantasang pasukdol. Si Kidlat Kidlat ang pangalan ng aking kabayo. Balahibo niya’y napakatingkad nakape ang kulay. Malaking-malaki ang kanyang bungangang may matitibay nangipin. Kayluwang-luwang ng butas ng kanyang ilong. Ang kanyang leeg aymahaba, malamang-malaman at natatakpan ng pagkakapal-kapal na buhok.Malusog na malusog ang paa at napakatulin kung siya’y tumakbo.Pinakamaliksi sa lahat si Kidlat. Ubod ng taas kung siya ay tumalon.,Pinakamamahal kong alaga si Kidlat.1. ______________ 6. _________________2. ______________ 7. _________________3. ______________ 8. _________________4. ______________ 9. _________________5. ______________ 10. _________________ 11

III. Punan ang patlang ng tamang pang-uri sa kaantasang pasukdol. Gamitin ang salitang-ugat sa pagbuo nito.tapat 1. Sa lahat siya ang __________ na kasapi ng samahan.hinhin 2. Ang napangasawa niya’y __________.gilas 3. __________ na binata si Jestoni.amo 4. Si Bantay ang __________ kong aso.init 5. __________ naman dito sa loob.anghang 1. __________ ng siling ginamit mo.ganda 2. Wow! __________ mo.sakit 3. Aray! __________ ng tiyan ko.ayos 4. Sa tingin ko’y __________ si Nena sa tatlong makaibigansipag 5. __________ talaga, ng katulong mo.IV.Pagtambalin ang mga pang-uring pasukdol sa salitang inuuri. Isulat ang titik ng tamang sagot. A B1. napakataas na a. sigaw2. kaylamig-lamig na b. dalaga3. pinakamaiksing c. puno4. pinakahinhing d. inumin5. pagkalakas-lakas na e. buhok Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang aralin dito. Maaari mo nang simulan ang susunod na modyul. 12

PAGSULAT NG BALANGKAS Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang makabubuo/nakasusulat ka ng balangkas sa anyong pa-paksa o pangungusap (topical or sentence outline) Pagbalik-aralan MoBago mo pag-aralan ang pagsulat ng balangkas, balikan momuna ang pagtukoy sa pangunahing diwa ng talata. Basahinmong mabuti ang mga ito. Isulat sa sagutang kuwaderno angpangunahing diwa ng bawat talata.Gawain 1 Edukasyon Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa magandang kinabukasan. Uunlad ang ating bansa kapag ang mamamayan ay mayaman sa kaalaman. Mapapaunlad niya ang sarili upang makatulong sa iba. Ang edukasyon ang tanging makapagpapaunlad ng ating teknolohiya at kabuhayan ng bansa. Alin ang pangunahing diwa ng talata? _____ 1. Ang edukasyon ay kailangan sa pagkakaroon ng magandang bukas. _____ 2. Ang bukas ay isang edukasyon. _____ 3. Ang edukasyon ay makatutulong sa pag-unlad ng sarili upang tumulong sa iba. _____ 4. Maraming teknolohiya ang Pilipinas. _____ 5. Mahirap ang kalagayan ng pag-unlad sa taong 2000. 1

Gawain 2 Kapaligiran Malimit na pagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinagbabahayan ng mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa palikuran. Ang pagwawalang-bahala ng mga mamamayan sa nayon, bayan, probinsya at maging sa siyudad ay patuloy na magdudulot ng suliranin. Lumingon ka at naroon ang polusyon. Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit? Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran! Piliin ang pangunahing diwa sa talata. Isulat ang tamang sagot sa sagutang kuwaderno. _____ 1. Ang kapaligiran ay pinagmumulan ng sakit. _____ 2. Patuloy ang pagkakaroon ng laro. _____ 3. Nagwawalang-bahala ang ibang mamamayan ng bansa ukol sa kapaligiran. _____ 4. Magtulungan upang magkaroon ng malinis na kapaligiran. _____ 5. Kalimutan ang pagiging malinis.Gawain 3 Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating mahalin ang kapwa at ang ating bayan. At ang higit nating pakamahalin ay ang Poong Lumikha sa atin. Alin ang pangunahing diwa sa talata? A. Mahalin lamang ang kapwa. B. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan at poong Maykapal. C. Tama na ang mabuhay sa mundo. D. Mawala na ang lahat sa mundo. 2

Gawain 4 Alin ang pangunahing diwa sa talata? Maraming mga pulitiko ang nangangako sa mga mamamayan. Karamihan sa kanilang pangako ay di natutupad. Binigyan ang mamamayan ng karapatang bumoto. Piliin ang tapat na pinuno. Isang pinuno na nakikita ang kailangan ng mahihirap. A. Karamihan sa mga pulitiko ay nangangako at di natutupad ang kanilang pangako. B. Tayo’y may karapatang pumili ng pinuno. C. Kailangan ang pinunong makasarili. D. Mabuti ang mangako kaysa sa wala. Natutuhan mo na nga ang pagtukoy sa pangunahing diwa ng isang talata. Madali ka na ngayong makabubuo ng balangkas. Maaari mo nang simulan ang bahaging “Pag-aralan Mo.” Pag-aralan Mo Basahin ang talambuhay ni Pangulong Diosdado P. Macapagal. Mabuting serbisyo sa bayan ay ibinigay, Noong matamo inaasam na kalayaan, Talambuhay niya’y dapat pag-aralan. Upang maging gabay nating kabataan. 3

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman angaking makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan angaking karanasan. Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang akonoong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga.Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Panganang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulangpantanghalan sa wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking inaay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat.Kumikita siya paminsan-minsan sa paglalabada. Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at SouthExpressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at angpagtatatag ng Philippine Veterans Bank. Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in thePhilippines noong 1976; Memoirs of a President, A New Constitution for thePhilippines at Land Reform in the Philippines. Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko angkapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.”Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949-1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957. Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sapagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring umunlad. 4

Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw na walangpasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating angtagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay magingPangulo ng Bansang Pilipinas. Sanggunian: 1. Lazaro, Isagani L. Mga Dakilang Lider na Pilipino. Binagong Edisyon Metro Manila, National Book Store, Inc. 1994, pp. 78-93 2. The Inquirer – Sunday – April 28, 1997 3. Balita – Lunes, Abril 29, 1997 Matapos mong basahin ang seleksiyon tungkol kay Diosdado P. Macapagal ay sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. A. Pag-unawa sa Binasa 1. Sino ang ama at ina ni Diosdado P. Macapagal? 2. Anu-anong hirap ang pinagdaanan ng dating pangulo? 3. Bakit dapat pag-aralan ang talambuhay ni Pangulong Macapagal? 4. Ano ang kailangan upang umunlad ang iyong buhay? 5. Bakit hindi hadlang ang kahirapan sa pagkakamit ng tagumpay? 6. Anong magandang aral sa buhay ang matututuhan mo sa talambuhay ng Pangulong Macapagal? 7. Paano mo isasabuhay ang aral ng buhay ng Pangulong Macapagal? B. Paghahanda sa Pagsulat ng Balangkas 1. Ano ang pamagat ng akda? 2. Ilang pangunahing paksa mayroon ang seleksiyong iyong binasa? 3. Ano ang: Unang pangunahing paksa? ____________________________ Ikalawang pangunahing paksa? _________________________ Ikatlong pangunahing paksa? ___________________________ Ikaapat na pangunahing paksa? _________________________ 4. Anu-ano ang mga detalyeng sumusuporta sa: Unang pangunahing paksa? ____________________________ Ikalawang pangunahing paksa? _________________________ Ikatlong pangunahing paksa? ___________________________ Ikaapat na pangunahing paksa? _________________________ 5

Ganito ba ang iyong sagot sa bahaging B? 1. Diosdado Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan 2. Maaaring hatiin sa apat ang paksa 3. a) ang kapanganakan at magulang ni Macapagal b) ang kanyang paglilingkod sa pamahalaan at mga nagawa c) ang kanyang mga naisulat na aklat karangalang natamo sa paglilingkod d) ang kanyang mga karangalang natamo 4. a) Ang petsa ng kanyang kapanganakan, lugar na sinilangan, ang kanyang pangalan, pinag-aralan at hanapbuhay ng mga magulang. b) Ang mga nagawa bilang kawani ng pamahalaan. c) Ang pamagat ng naisulat na mga aklat d) Ang mga karangalang natanggapNgayon gamitin mo ang mga kasagutan sa bilang 3 at 4 upang makabuo ngbalangkas.Halimbawa: I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Macapagal A. petsa at lugar B. tungkol sa ama C. tungkol sa inaItuloy: II. _____________________________________ A. ____________________ B. ____________________ C. ____________________ III. _____________________________________ A. ____________________ B. ____________________ C. ____________________ IV. _____________________________________ A. ____________________ B. ____________________ 6

Ganito ba ang kinalabasan ng iyong balangkas. I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Macapagal A. petsa at lugar B. tungkol sa ama C. tungkol sa ina II. Ang Kaniyang Nagawa Bilang Kawani ng Pamahalaan A. B. C. III. Isinulat na aklat A. B. C. IV. Mga Karangalang Natamo Isaisip MoAng balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng talata, kwento oanumang seleksiyong binasa at ang mahahalagang detalyengsumusuporta o lumilinang dito.Ang balangkas ay maaaring isulat sa buong pangungusap na balangkas(sentence outline).Maaari ring isulat ang balangkas sa anyong pa-paksa sa halip na mgapangungusap ang gamitin. Ito ay tinatawag ng papaksang balangkas(topic outline) 7

Ngayong alam mo na kung paano makabuo ng balangkas, maaari mo nang simulan ang mga gawain sa bahaging “Pagsanayan Mo” Pagsanayan MoA. Gumawa ng balangkas tungkol sa iyong gawain sa bahay at paaralan. Hatiin ang iyong gawain sa tatlong pangunahing paksa. I. Mga Gawain Bago Pumasok sa Paaralan II. Mga Gawain sa Paaralan III. Mga Gawain Pagkagaling sa Paaralan Itala ang mga detalye ng mga pangunahing gawain. Gumamit ng mga titiksa mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod. Maging maingat sa paggamit ngmaliit at malaking titik sa paggawa ng balangkas. Isulat nang maayos angiyong balangkas sa kwadernong sagutan.B. Basahing mabuti ang sanaysay at gumawa ka ng pa- paksang balangkas o balangkas sa anyong pangungusap. Tinig ng Kabataang Pilipino Ang mga kabataan ay may pangarap sa buhay. Nais nilang ipakita angtapat na pagmamahal sa bayan. Nais ng mga kabataan na angnagpapatupad ng mga batas ng bansa ay mamamayang nagpapanatili ngkatahimikan. Laging sinisiguro ang kapayapaan. Nais nila ang mga tapat napinuno at mamamayang nagmamahal sa Diyos. Pangarap ng mga kabataan ang pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran.Kapaligirang may sariwang hangin, malinis na tubigan at matabang lupa.Isang magandang kapaligirang walang polusyon. Idagdag pa rito ang isangtahimik at maunlad na pamayanan. Hangad rin ng mga kabataan na magkaroon ng tunay na edukasyon.Gabay nila ang edukasyon para sa kinabukasan. Ang kaalamang natamo sa 8

mga kursong kanilang pinili ay tulong sa kanila na makakuha ng trabaho na angkop sa tinapos na kurso. Karamihan sa kanila ngayon ay nasa kursong panteknolohiya. Nagawa mo ba nang maayos ang balangkas? Magaling! Maaari mo nang subukin ang iyong kaalaman. Gawin ang mga ipinapagawa sa bahaging “Subukin Mo” Subukin MoA. Basahin ang seleksiyon sa ibaba. Igawa mo ng balangkas sa anyong pangungusap ang seleksiyong iyong binasa. Iligtas ang Mundo Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang nararanasan ng tao kung tag-araw. Kung minsan naman mababalitaan na may bagyong darating gayong panahon naman ng tag-araw. Kung tag- ulan naman, bihirang umulan. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran. 9

Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba panganyong tubig. Dahil dito dumudumi ang tubig na nagiging sanhi ngpagkamatay ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Idagdag pa ritoang pagkakaroon ng “red tide”. Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod aynagbabara. Kaunting ulan lamang ay bumabaha. Maging ang tubigna iniinom natin ay di na rin ligtas. Maging ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi narin. Masangsang ang amoy ng hanging nagmumula sa tabing-ilog atdalampasigan. Ang sobrang kapal at maitim na usok na nagmumulasa mga sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walangtigil na pagbuga ng usok ng mga pabrika na siyang nagpapadilim sakalangitan. Dahil sa polusyon sa hangin, ang pagdumi ng kapaligiranay hindi maitatanggi. Isa pang epekto nito ay ang paghina ng atingbaga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin. 10

Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat angginawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ngsistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sakagubatan. Ginagawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-untinggumuguho at nawawala ang matabang lupa. Dahil dito wala nangmakapitan ang mga ugat ng puno. Ang mga ugat ng puno angsumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito angpagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar. Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ngkapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundoat ang kalagayan ng susunod na salinlahi. Iligtas natin ang atingkalikasan upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap. 11

“Iligtas ang Mundo”I. Pagpapalit-palit ng panahonA. Sanhi - Sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran.B. Bunga- Sobra ang init ng tag-araw, bihirang ulan sa tag-ulan.II. _____________________A. ______________________________________B. ______________________________________C. ______________________________________III. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________ C. ______________________________________IV. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________V. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________B. Basahin ang lathalain. Gumawa ng pa-paksang balangkas tungkol sa iyong binasa. Ang Relihiyong Islam Kakaiba ang relihiyon ng mga Muslim. Ito ang pananampalatayangIslam. Ang Islam ay salitang Arabe na ang kahulugan ay kapayapaan. Sanasabing pananampalataya, si Allah ang kinikilala nilang panginoon at siMuhammad ang kanilang propeta – ang sugo ni Allah. Katulad ng mga Kristiyano, ang mga Muslim ay may tungkulingpangrelihiyon din. Ilan sa kanilang tungkulin ay ang pagdarasal ng limangbeses maghapon nang nakaharap sa Mecca. Kung buwan naman ngRamadan, nag-aayuno sila. Minsan sa maghapon lang sila kumain. Umiiwas 12

din sila sa pag-inom at pagsasalita ng masama. Idagdag pa rito angpagbibigay ng sakat. Ang sakat ay ikasampung bahagi ng kanilang kita nainilalaan o iniaambag para sa nangangailangan. Ayon sa mga pantas, naging matibay raw ang pundasyon ng relihiyongIslam dahil sa kanilang paniniwala. Naniniwala sila sa pagdating ng araw ngpaghuhukom. Higit sa lahat, naniniwala sila na ang kakayahang gumawa ngmabuti o masama ay nagmumula sa kapangyarihan, kagustuhan , o kautusanni Allah. Maraming mga palagay sa pagdating at paglaganap ng relihiyong Islamsa ating bansa. Ayon sa mga iskolar, mga dayuhang mangangalakal naArabe at Muslim ang naging dahilan ng paglaganap nito. Sinasabi namangang mga dayuhang guro at tagapangaral ang nagpapalaganap ngpananampalatayang Islam. Ipinapalagay ring may kinalaman ang mgapinuno ng ating mga ninuno noon. Naniniwala kasi sila na ang pagsunod sarelihiyong Islam ay makapagpapanatili sa kanilag kapangyarihang pulitikal. Magsulputan man ang iba’t ibang sekta ng paniniwala sa bansa, hindiraw mabubuwag pa ang pananalig ng mga Muslim sa kinagisnangpananampalataya. Ayon nga sa magagaling na mananalaysay, hindinasakop ng mga Espanyol ang mga Muslim dahil sa tatag ng kanilangpananampalataya. Ang Relihiyong IslamI. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________II. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________III. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________ C. ______________________________________ 13

IV. _____________________ A. ______________________________________ B. ______________________________________ Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at pagsubok sa modyul na ito! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 14

PANGHALIP NA PANAO Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang nagagamit mo ang isahan, dalawahan at maramihang anyo ng panghalip na panao sa magkakaugnay na pangungusap. Pagbalik-aralan MoA. Basahin ang usapan ng dalawang bata. Karding, pakinggan mo. Umaawit si Alice. Tumutugtog naman si Tetsi ng gitara. Oo, Tonyo, sina Alice at Tetsi ay umaawit at tumutugtog. Ano ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap? Karding, Alice, Tetsi, gitara, Tonyo Alin ang simuno sa bawat pangungusap? Alice at Tetsi Paano ginamit ang pangngalan sa mga pangungusap? simuno, layon ng pandiwa, layon ng parirala 1

B. Pag-aralan ang gamit ng pangngalang may bilog sa bawat bilang. Isulat sa puwang kung ano ang gamit nito sa pangungusap.1. Nagbasa ng dyaryo ang Tatay . _______2. Tahimik na lumapit si Anita . _______3. Humalik siya sa kamay ng Tatay. _______4. May dalang pasalubong si Anita. Ito’y para kay Nene . _______5. Bunso niyang kapatid si Nene. _______ Pag-aralan MoA. Basahin ang tugma. Pagkatapos alamin ang mga salitang ginamit na panghalili sa mga pangngalan. Ako ay may alaga Siya’y munti’t mataba Ngiti niya’y nakatutuwa Masaya ang kanyang mukha Mahal niya ako Mahal ko rin siya Lagi kaming magkasama Ano ang mga salitang ginamit na panghalili sa mga pangngalan? ako, siya, niya, kanya, niya, ko, kami Ano ang tawag sa mga salitang ito? Panghalip May mga panghalip na inihahalili sa mga ngalan ng tao. Ito ang panghalip na panao. 2

Halimbawa:Si Mestro Federico ay guro sa paaralang sentral.Ang Mestro Federico ay maaaring palitan ng siya.Ang pangungusap ay magiging.Siya ay guro sa paaralang sentral.Maaari namang: Guro siya sa paaralang sentral.Higit na madulas at magandang pakinggan ang Guro siya sa paaralangsentral kaysa Guro sa paaralang sentral siya.Narito ang talahanayan ng panghalip na panao.Mga Panghalip na PanaoPanauhan/Kailanan Anyong Anyong Paukol Anyong Paari PalagyoISAHAN Ko AkinUna Ako Mo IyoIkalawa Ikaw, ka Niya KanyaIkatlo SiyaDALAWAHAN (Kata) Kita, Tayo (Nita) natin (Kanita)Una Kayo Ninyo InyoIkalawa Sila Nila KanilaIkatloMARAMIHAN Kami Namin AminUna Kayo Ninyo InyoIkalawa Sila Nila KanilaIkatloAng Panghalip na Panao ay may isahan, dalawahan at maramihang anyo.Anu-anong mga panghalip na panao ang tumutukoy sa iisang tao? ako,ikaw, ka, siya, ko, mo, niya, akin, iyo, kanyaAnu-anong mga panghalip ang kumakatawan sa dalawang tao? tayo, natin,kayo, ninyo, inyo, sila, nila, kanilaAlin-alin sa mga panghalip ang ginamit sa pagtukoy sa tatlo o higit pa? kami,namin, amin, kayo, ninyo, inyo, sila, nila at kanila 3

B. Nakikita mo sa talahanayan ang mga panghalip panao sa iba’t ibang anyo. Kasama rin ang iba’t ibang panauhan. Isinama rin ang iba’t ibang kailanan. Kapag ang pangngalang hinahalinhan ay pinangungunahan ng ang, ito ay nasa anyong palagyo. Halimbawa: (1) Ang pangulo ng bansa ay nakikiusap sa mga mamamayan na magsakripisyo para sa bayan. Ang nasasalungguhitan ay ang pangngalan. Ang panghalip na ihahalili ay dapat na nasa kaukulang palagyo. (1) Siya ay nakikiusap sa mga mamamayan na magsakripisyo para sa bayan. Kapag ang pangngalang hinahalinhan ay pinangungunahan ng ng at ni, ito ay nasa anyong paukol. Halimbawa: (2) Malulusog at magaganda ang mga pananim na alaga ng magsasaka. (3) Malinis at maayos ang tindahan ni Mang Noel. Ang mga nasasalungguhitan ay nasa anyong paukol. Ang panghalip na ihahalili ay dapat na nasa kaukulang paukol. (2) Malulusog at magaganda ang mga pananim na alaga niya. (3) Malinis at maayos ang tindahan niya. Samantala, kung ang pangngalang hinahalinhan ay pinangungunahan ng sa, ang panghalip na magagamit ay yaong nasa kaukulang paari. Halimbawa: (4) Ang regalo para sa nanay ay nakatago. Ang nasasalungguhitan ay nasa kaukulang paari. Ang panghalip na ihahalili ay dapat na nasa kaukulang paari. (4) Ang regalo para sa kanya ay nakatago. 4

C. Basahin ang dayalog at tukuyin ang mga panghalip panao.G. Santos: Binabati ko kayo ni Gerry sa pagwawagi ninyo sa ginawang tagisan ng talino sa ating distrito.Carlo: Salamat po, G. Santos.Gerry: Talaga pong mahusay kayong tagapagsanay sa Filipino.G. Santos: Sa susunod na Biyernes na kayo lalahok sa pansangay na paligsahan, kaya dapat tayong maghanda para manalo kayong muli.Carlo: Ano po ba ang dapat naming gawin?G. Santos: Inyong pag-aralan ang mga patnubay na tanong na ibibigay ko sa inyo bukas. Kailangang masagot ninyo ito nang wasto sa araw ng inyong pagrerebyu.Gerry: Saan po tayo magrerebyu?Carlo: Sa aming bahay na lang po, Sir. Tahimik po roon at malapit din sa kanilang bahay, gayon din sa bahay ninyo.G. Santos: Bahala kayo, magpaalam kayo sa magulang ninyo. Walang problema sa akin kahit sa kanilang bahay o sa inyo ay puwede ako.Isaisip MoAng Panghalip ay mga salitang ginagamit na panghalili sa mgapangngalan ng tao, hayop, bagay o pook.Ang Panghalip Panao ay inihahalili sa pangalan ng tao.Ang Panghalip Panao ay maaaring isahan, dalawahan o maramihan. 5

Pagsanayan MoA. Palitan ng angkop na panghalip ang mga pangngalang may salungguhit. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Sina Lita, Nita at Lina ay sasama sa paligsahan sa pagguhit. _____ ay gagamit ng pintura at krayola. 2. Si Nene at ako ay sasali sa pag-awit. _____ ang kinatawan ng aming paaralan. 3. Si Lito naman ay kalahok sa pagtula. _____ ay bibigkas ng tula ni Rizal na “Sa Aking mga Kababata.” 4. Ang aming mga kaklase ang manonood sa amin. _____ ang papalakpak para sa amin. 5. Pagkatapos ng palatuntunan, ako at ang mga kaklase ay magtutungo sa plasa. Doon _____ kakain ng meryenda.B. Punan ng wastong panghalip na panao ang mga puwang. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.Makisig: Halina, Maganda maglaro ______.Maganda: Sa ibang araw na lang, kaibigan. _____ ay maghahanap ng pagkain para sa tag-ulan.Makisig: _____ na lang nina Gloria at Pepe ang maglaro.Maganda: _____ ang bahala. Sa susunod ______ ang kawawa. 6

C. Punan ng wastong panghalip ang mga puwang upang mabuo ang talata. Kalagayan: Napadaan si Leni sa tapat ng bakuran ng kaibigang si Linda. Nakita niya si Linda at ang kuya nito. Linda, ano ang ginagawa _____ ng kuya mo? Nagtatanim _____. Hindi ba marami na ______ halaman? Oo nga, pero namumulaklak ang mga ito, para lalong gumanda ang bakuran ______. Mahilig _____ magtanim ano? Oo nga, talagang mahilig ______. Ate, may gagawin ba _____? Siyempre Jun, tulung-tulong _____ sa paggawa. _____ nang humakot ng lupa at ilagay _____ sa paso. Subukin MoA. Isulat ang wastong panghalip sa puwang. Isulat ang mga sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Papunta _____ sa lalawigan. (kasama ang sarili) 2. _____ (sarili) ay maghahanda ng babaunin _____ (maramihan, kasama ang sarili) pagkain at damit. 3. Aagahan _____ ang pag-iimpake. (isahan) 4. _____ ba ay sasama sa amin? (isahan) 5. _____ ang maghahatid sa inyo sa terminal ng bus (maramihan, kasama ang sarili)B. Basahing mabuti ang pangungusap sa talata. Punan ito ng wastong panghalip. Isulat sa sagutang kuwadernon ang buong talata. Magkakambal sina Nitoy at Tinoy. Kapwa _____ matalino. Si Nitoy aymahilig sa pagsusulat. Magkakaiba ang hilig ______. Malimit _____magkasama. Napupuna _____ ng mga guro. Sabi _____, hindi magkakagalitang magkakambal dahil _____ ay palaging masaya at magkasama. 7


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook