Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino IV

Filipino IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:08:48

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

6. Makapal na buhangin. 7. Mga gusaling nabaon. 8. Nagkaisa ang mga tao. 9. Gumawa ng mga dike ang mga mamamayan. 10. Tumulong sa mga biktima ang ibang bansa. Pag-aralan Mo Tingnan ang larawan ng Hagdan-hagdang palayan. Basahin mo ang sinasabi tungkol dito. Ang Hagdan-hagdang palayan ay ginawa ng ating mga ninunong Ifugao. Matatagpuan ito sa Banaue. Itinuturing itong isa sa mga kahanga-kahangang tanawin sa buong mundo. Dinarayo ito ng mga turista. May kalamigan ang klima rito bukod sa preskong simoy ng hangin. Malalago ang tumutubong palay sa Hagdan-hagdang palayan. Ang mga naninirahan sa paligid ay sagana sa bigas. Nanaisin ng sinuman na makarating sa magandang pook na ito. Kung mahal natin ang kahanga-hangang tanawin ipagmalaki natin ang ating mga ninuno. 2

Naintindihan mo ba ang iyong binasa? Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Sino ang gumawa ng Hagdan-hagdang palayan? 2. Saan ito matatagpuan? 3. Bakit ito dinarayo ng mga turista? 4. Sa iyong palagay, bakit kaya nanaisin ng sinuman na makarating sa Hagdan-hagdang palayan? 5. Paano mo maipagmamalaki ang kahanga-hangang gawa ng ating mga ninuno? Ngayon naman ay basahin mo ang mga pangungusap sa bawat bilang. 1. Ang Hagdan-hagdang palayan ay ginawa ng ating mga ninunong Ifugao. 2. Matatagpuan ito sa Banaue. 3. Dinarayo ito ng mga turista. 4. Malalago ang tumutubong palay sa Hagdan-hagdang palayan. 5. Ang mga naninirahan sa paligid ay sagana sa bigas. Pansinin ang diwa ng bawat pangungusap. Ilang diwa ang binabanggit sa bawat pangungusap? Iisa ang diwang binabanggit sa bawat pangungusap, di ba? Payak ang ganitong pangungusap. Narito ang iba pang payak na pangungusap. 1. Malamig at malinis ang tubig-ilog. 2. Maraming naglalaba rito. 3. Mabagal ang kalabaw. 4. Ang kabayo ay mabilis. Iisang diwa ang ipinahahayag ng mga ito. Basahin mo naman ang sumusunod na payak na pangungusap. 1. Ang Hagdan-hagdang palayan ay nasa Banaue. 2. Maraming turista ang pumupunta rito. 3

Maaari kayang pagsamahin ang mga payak na pangungusap na ito?Tingnan mo ito: Ang Hagdan-hagdang palayan ay nasa Banaue at maraming turista ang pumupunta rito.Ano ang ginawa sa dalawang payak na pangungusap?Pinag-isa, di ba?Anong salita ang nag-ugnay sa dalawang ito?at hindi ba?Narito pa ang ibang halimbawa:A. Mga Payak na Pangungusap 1. Malalago ang tumutubong palay. 2. Sagana sa bigas ang naninirahan dito. Pinagsamang Payak na Pangungusap Malalago ang tumutubong palay kaya sagana sa bigas ang naninirahan dito.B. Mga Payak na Pangungusap 1. Malamig at malayo ang Hagdan-hagdang palayan. 2. Ibig kong makarating sa pook na ito. Pinagsamang Payak na Pangungusap Malamig at malayo ang Hagdan-hagdang palayan ngunit ibig kong makarating sa pook na ito. 4

Ano ang ginagawa sa dalawang payak na pangungusap?Anong salita ang nag-ugnay sa dalawang payak na pangungusap saHalimbawa A. kaya sa Halimbawa B? ngunitSuriin mo ang mga sumusunod na pangungusap. Pangkat A Pangkat B1. Matinik ang balat ng durian. 1. Matinik ang balat ng durian at2. Maamoy ito. maamoy ito.3. Masustansyang prutas ang 2. Masustansiyang prutas ng duriandurian. kaya paboritong prutas ng tatay4. Paboritong prutas ng tatay ito. ito.5. Ang gusto ni Ben ay ensaladang 3. Ang gusto ni Ben ay ensaladang ampalaya. ampalaya samantalang ang gusto ni David ay ginataan.6. Ang gusto ni David ay ginataan.7. Ang kalamansi ay bilog. 4. Ang kalamansi ay bilog ngunit8. Ang saging ay pahaba. ang saging ay pahaba.9. Ang kalabasa ay nagpapalinaw 5. Ang kalabasa ay nagpapalinaw ng paningin. ng paningin samantalang ang gatas ay nagpapatibay ng ngipin.10. Ang gatas ay nagpapatibay ng ngipin.Anong mga salita ang ginamit sa pagtatambal ng dalawang payak napangungusap?Ang mga salitang at, kaya, samantalang, ngunit, hindi ba?Anong uri ng pangungusap ang nabuo nang pagtambalin ang dalawangpayak na pangungusap?Tambalang pangungusap ang nabubuo kapag ang dalawang payak napangungusap ay pinagsasama. 5

Ngayon, tingnan naman natin ang mga pangungusap na ito: May kalamigan ang klima rito bukod sa preskong simoy ng hangin. Kung mahal natin ang kahanga-hangang tanawin, ipagmalaki natin ang ating mga ninuno.Pansinin natin ang lipon ng salitang may salungguhit. May kalamigan ang klima rito ipagmalaki natin ang ating mga ninunoTinatawag natin ang mga ito na mga sugnay na nakapag-iisa.Pansinin ang lipon ng mga salitang walang salungguhit. bukod sa preskong simoy ng hangin kung mahal natin ang kahanga-hangang tanawinTinatawag natin ang mga ito na mga sugnay na di nakapag-iisa.Ang pagsasama ng sugnay na makapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisaay tinatawag nating hugnayang pagkakaayos o pagkakayari ngpangungusap. Basahin ang mga sumusunod na mga hugnayang pangungusap. Piliinang sugnay na makapag-iisa at bilugan o isulat sa inyong sagutang kuwadernoang mga salitang nagsisimula sa sugnay na di nakapag-iisa 1. Manonood sila ng sine kapag dumating ang kuya nila. 2. Maganda ang pagsasayaw nila pagkat nag-ensayo siya. 3. Kung malakas ang buhos, maliligo siya sa ulan. 4. Ang ina ang pinagkakautangan natin ng buhay kaya mahalaga siya sa atin. 5. Mataas ang kanyang grado kaya siya naging iskolar. 6

Isaisip Mo May Payak na pangungusap. Iisa ang diwang binabanggit dito. Nagsisimula sa malaking titik ang unang salita nito kung isinusulat. Gumagamit ng bantas na tuldok sa hulihan ng pangungusap. May pangungusap na Tambalan. Ito ay binubuo ng mahigit sa isang payak na pangungusap. Nagsisimula rin sa malaking titik ang unang salita nito kung isinusulat. Gumagamit ng angkop na bantas sa hulihan ng pangungusap. Ang tambalang pangungusap ay gumagamit ng mga salitang pang-ugnay gaya ng: at, kaya, habang, subalit, samantalang, at iba pa. May pangungusap ding Hugnayan. Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at ng isa o mahigit pa na sugnay na di makapag-iisa.Naintindihan mo bang mabuti ang pinag-aralan mong aralin? Ngayongamitin mo ito sa pagsagot sa mga pagsasanay. Simulan mo nanggawin ang bahaging “Pagsanayan Mo.” 7

Pagsanayan MoA. Tingnan ang larawan. Bumuo ng lima o mahigit pang payak na pangungusap tungkol sa larawan. Isulat sa sagutang papel. 1. _______________________________________________ 2. _______________________________________________ 3. _______________________________________________ 4. _______________________________________________ 5. _______________________________________________B. Bumuo ng tatlo o mahigit pang tambalang pangungusap batay sa nabuong payak na pangungusap. 1. _______________________________________________ 2. _______________________________________________ 3. _______________________________________________ 8

C. Bumuo ng hugnayang pangungusap batay sa mga sugnay na nabanggit 1. ______________________________ kung makikinig ka sa babasahin ko. 2. Tahimik na nag-aaral ang mga bata habang _______________________. 3. Natigil sa paggagantsilyo si Nanay pagkat _________________________ ____________________________. D. Bilugan () ang bilang ng payak na pangungusap, ikahon () ang bilang ng tambalang pangungusap at lagyan ng tatsulok () ang hugnayang pangungusap sa mga sumusunod. 1. Abalang-abala ang mag-anak. 2. Kakain sila ng suman kapag nakaluto na si nanay. 3. Si Tatay ay nagsisibak ng kahoy at si Kuya ay nag-iipon ng tubig. 4. Si Ate ay nagpapalit ng kurtina samantalang si Lola Sela ay nagpupunas ng plato. 5. Ang Tiyo Merto ay naghihiwa ng karne. 6. Ang Tiya Ason ay naglilinis ng isda. 7. Madali silang makakatapos ng gawain dahil tulong-tulong sila. 8. Ang Lolo Tomas ay naghuhugas ng gulay habang pinanonood siya ng bunsong apo na si Pepe. 9. Silang lahat ay masaya bagamat marami sila’y mga gawaing tinatapos. 10. Ang mag-anak ay sama-samang gumagawa. 11. Bukas ay kaarawan ng Tatay at sila’y naghahanda. 12. Kung may darating silang bisita hindi sila mapapahiya pagkat mayroon silang inihanda.Ngayong natapos mo na ang mga pagsasanay. Maaari mo nangsagutan ang bahaging “Subukin Mo.” 9

Subukin MoA. Payak ba o Tambalan ang pangungusap? Isulat ang P kung payak ang pangungusap, T kung tambalan ang pangungusap. Gamitin ang sagutang papel. 1. Ang ating pambansang Puno ay narra. 2. Maliit ang dahon ng narra at ang bulaklak nito ay maliit na dilaw. 3. Ang puno ay tumataas subalit ito ay matatag laban sa malakas na bagyo. 4. Ang dagta ng katawan ng narra ay pula. 5. Itinutulad ito sa dugo ng mga Pilipino. 6. Ang kasangkapang yari sa narra ay mabigat ngunit ito ay matibay. 7. Ang malagong dahon ng narra ay nagbibigay ng lilim samantalang ang mga sanga’y magandang tirahan ng mga ibon. 8. Ang puno ng narra ay madaling palakihin. 9. Ang sahig na narra ay madaling linisin at pakintabin. 10. Madaling itanim at alagaan ang puno ng narra.B. Tingnan ang larawan. Bumuo ng sampung payak na pangungusap tungkol dito. Isulat sa sagutang papel. 10

Halimbawa: Namamasyal ang mag-anak sa zoo. 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ 4. _______________________________________________________ 5. _______________________________________________________ 6. _______________________________________________________ 7. _______________________________________________________ 8. _______________________________________________________ 9. _______________________________________________________ 10. ______________________________________________________C. Bumuo ng 5 tambalang pangungusap at 5 hugnayang pangungusap batay sa ipinahihiwatig ng larawan. 11

Halimbawa: Si Rex ay nagpupunas ng sahig habang nagwawalis si Paula.Magsimula Rito:1. _______________________________________________________2. _______________________________________________________3. _______________________________________________________4. _______________________________________________________5. _______________________________________________________6. _______________________________________________________7. _______________________________________________________8. _______________________________________________________9. _______________________________________________________10. ______________________________________________________ Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 12

MAIKLING BUOD Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang makasusulat ka na ng maikling buod ng kuwentong nabasa. Pagbalik-aralan Mo Basahin mo ang kwento. Ang Lagalag na mga Hudyo (salin sa Filipino ni Jong del Fierro) Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosaksa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalarosila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mgabata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga Kosak aymga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mgaKosak sa kalsada. 1

Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapagtataguan. Angmga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batangnaiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukhaniya sa putik. Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik.Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigawsiya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak. Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo.Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakalna sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikut-ikotan siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na angpaligid. Papalayo na ang mga Kosak. Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo aywalang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,”ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang magingmalayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo. A. Lagyan mo ng bilang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ang kahon sa unahan ng mga pangungusap. Gawin sa kuwadernong sagutan.  Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik.  Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Hudyo.  Naglalaro sa kalsada si Golda kasama ng mga bata nang matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.  Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa maputik na lansangan.  Pumikit si Golda siya at nagdasal na lamang hanggang sa pag-alis ng mga Kosak.  Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda. 2

B. Bumuo ng 5 sariling mga pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa kuwentong “Ang Lagalag na mga Hudyo”. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa kuwento. Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon samaaaring pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.A. _____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago. _____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga ng mga usok, unti-unting namayat ang mga halaman. _____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry. _____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry. _____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.B. _____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye. _____ _____ Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay. _____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na _____ barangay sa aming bayan. Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan. Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling sumigla ang mga tao. Ref. Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164C. Ipakita sa guro ang ginagawang pagsasanay upang malaman ang susunod mong aralin. 3

Pag-aralan MoBasahin ang talata. MINDORO Matatagpuan ang pulo ng Mindoro sa Timog Luzon. Ito ay hinati sadalawang lalawigan noong 1950. Sila’y ang Occidental Mindoro at ang OrientalMindoro. Ang mga likas na hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ayang Bundok Halcon at Bundok Baco. Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing kanluran na napaliligiran ngVerde Island Passage sa hilaga, Mindoro Strait sa kanluran at timog, at OrientalMindoro sa silangan. Ito ay may kabuuang lawak na 5,880 kilometro kwadrado. Mayaman sa mga di-pangkaraniwang hayop ang luntiang kagubatan ngMindoro. Sa katunayan, dito lamang matatagpuan ang tamaraw, mas maliitkaysa kalabaw subalit mas malakas at maaaring makamatay. Ang iba pang likasna yaman ay marmol, asin, buhangin at graba. Bukod sa pagsasaka ay patuloy ring nililinang ng mga mamamayan saOccidental Mindoro ang mga mineral sa kagubatan tulad ng chromite.A. Piliin sa kahon ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ito sa sagutang papel.1. May hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan.2. Mayaman sa di-karaniwang hayop ang Mindoro.3. Makapal na makapal ang mga kagubatan sa Mindoro.4. Sagana sa likas na yaman ang lugar na iyon.karaniwan ang dami kulangmadalang wala nagdurugtong 4

Ganito ba ang iyong sagot? Kasalungat1. naghihiwalay – nagdurugtong2. mayaman – madalang3. makapal na makapal – kulang4. sagana – walaB. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kwadernong sagutan. 1. Saan matatagpuan ang pulo ng Mindoro? 2. Anu-ano ang mga lalawigan nito? 3. Ano ang naghihiwalay sa mga lalawigan nito? 4. Gaano kalawak ang Mindoro? 5. Anu-ano ang mga kayamanang matatagpuan sa lalawigan ng Mindoro?C. Piliin ang tinatalakay sa sumusunod na talata. Isulat sa kwadernong sagutan ang napili mong sagot. 1. Unang talata a. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro b. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan nito c. Tungkol sa kayamanan nito 2. Pangalawang talata a. Tungkol sa kayamanan ng Mindoro b. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan nito c. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro 3. Pangatlong talata a. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan ng Mindoro b. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro c. Tungkol sa kayamanan ng Mindoro 5

D. Punan ng mga patlang upang mabuo ang talata. Ang pulo ng Mindoro ay matatagpuan sa _______ Luzon. Hinati sa dalawang lalawigan, ang ________ at ________. Ang mga likas na hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay ang ________ at _________. Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing _________ na napapaligiran ng _________ sa hilaga, Mindoro Strait sa _________at __________, at Oriental Mindoro sa __________. Mayaman sa mga di-pangkaraniwang _________ ang luntiang kagubatan. Dito lamang matatagpuan ang __________. Ang iba pang likas na yaman nito ay marmol, __________, buhangin, at ___________. E. Bumuo ng 1-5 pangungusap tungkol sa talatang binasa Isaisip MoMaaari mong maibigay ang buod ng talata o kuwento sa pamamagitan ngpagbibigay ng magkakaugnay na pangyayaring binanggit sa talata okuwento. 6

Pagsanayan Mo A. Basahin ang talambuhay ni Diosdado P. Macapagal. Bumuo ng buod sa tulong nitong story frame. Isulat sa kuwadernong sagutan. Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman angaking makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan angaking karanasan. Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang akonoong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga.Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Panganang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulangpantanghalan sa wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking inaay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat.Kumikita siya paminsan-minsan sa paglalabada. 7

Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at SouthExpressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at angpagtatatag ng Philippine Veterans Bank. Noong Disyembre 30, 1961 ay nanumpa ako bilang ikalimang Pangulo ngIkatlong Republika. Itinaguyod ko ang Repormang Pansakahan para sa mgamagsasaka. Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in thePhilippines noong 1976; Memoirs of a President. A New Constitution for thePhilippines at Land Reform in the Philippines. Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko angkapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.”Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949-1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957. Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sapagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring umunlad.Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw na walangpasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating angtagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay magingPangulo ng Bansang Pilipinas. Sanggunian: Lazaro, Isagani L. Mga Dakilang Lider na Pilipino. Binagong Edisyon Metro Manila, National Book Store, Inc. 1994, pp. 78-93 8

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan1. Ang talambuhay ay kay________________________________________________________________. Siya ay ipinanganak________________________________________________________.Ang kanyang mga magulang _________________________________.Galing siya _______________________________________________________________________________________________________.2. Nanumpa siya bilang pangulo _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.3. Sa kanyang pagiging mambabatas nahirang siyang ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.4. Tinawag siya ng karaniwang tao na “________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Tunay nga siyang dakilang___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.B. Ibigay ang buod ng kuwento sa dugtungang paraan. 1. Ang kapanganakan at mga magulang ni Macapagal. 2. Ang panunumpa niya bilang pangulo. 3. Ang mga ginawa niya. 4. Ang bansag at tawag sa kanya ng mamamayan.9

Subukin MoA. Basahin “Ang Bata at ang Leon”. Buuin ang kasunod na mga pangungusap upang mabuo ang buod ng kuwento. Isulat sa kuwadernong sagutan. Ang Bata at ang LeonSaklolo, saklolo! Kawawa naman Tulungan moMaawa kayo sa ang leon akong makalabasakin ditto.Para mo nang awa, Ngayon humanda ka! Hindi naman yatatulungan mo naman akong Ikaw ang una kong tama ang gagawinmakaalis ditto. Tatlong kakainin. mo.araw na akong di kumakain Kawawa ka naman sige tatanggalin ko ang kadena ng kulungan mo 10

Batang Paslit, Bakit hindi natin Ano ang nais ni Leon, Padre, si Leon po ayanong alam mo sa tanungin ang ngayon? nasa kulungang iyontama at mali? paparating na pari at sa awa ko’y kung tama o mali ang tinulungan kong gagawin mo? makalabasGutom na gutom na Teka nga. Sa laki Kung maipapakita mo O sige, padre tingnanko, kakainin ko siya. mong iyan paano ka sa akin na galling ka mong maigi kung nakapasok sa riyan, maaari mong paano ako kakasya sa kulungan kainin ang bata loob ng kulungan. Oo at hindi ka na Maraming salamat Kung natuto kang maaari pang po, Padre. tumanaw ng utang makalabas. Nailigtas po ninyo na loob, kasama ako. dito sa labasNakita mo naPadre, nasa loob na Padre maawa kayoako ng kulungan. sa akin palabasin ninyo ako ditto. 11

Isang araw may isang ___(1)__ na nagnanais ___(2)___ sa kanyang kulungan. ___(3)___ ang leon sa bata. At ___(4)___ naman siya nitong ___(5)___. Laking gulat ng bata dahil ___(6)___. Dumating ang pari, tinanong ng bata kung ___(7)__. Nagalit ang leon at siya ay muling ___(8)___. Isinara ng pari ang kulungan. Ang leon ay di natutong ___(9)___ at siya ay hindi na ___(10)__.B. Tapusin ang talata upang makagawa ng buod ng kuwento. Sipiin ang pangungusap sa kuwadernong sagutan. Isang leon ang nagnanais na makaalis sa kanyang kulungan. Nakita siya ng bata _______________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ________________________.C. Isulat sa apat o limang pangungusap ang buod ng kuwento.D. Ipakita sa guro ang ginawang pagsasanay upang malaman ang susunod mong aralin.Ang ibang kuwento at mga pagsasanay ay kinuha sa aklatFilipino 4. 12

MGA BAHAGI NG PAHAYAGANSa modyul na ito –  makikilala mo ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan  masusundan mo kung saan ang karugtong ng iyong binabasang balita o pitak  masasagot mo ang mga tanong tungkol sa mga impormasyong makikita sa iba’t ibang bahagi ng pahayagan at  magagamit mo ang mga bahagi ng pahayagan ayon sa pangangailanganPagbalik-aralan MoA. Alin sa mga sumusunod ang likhang isip lamang? Sipiin sa sagutang kuwaderno at lagyan ng tsek (√) ang mga kahong nasa unahan.Talaarawan Kasaysayan ng PilipinasAlamat ng Matsing Mga Kuwento ni Lola BasyangBernardo Carpio Si Juan Tamad 1

B. Alin sa mga sumusunod ang hindi likhang isip? Sipiin sa sagutang kuwaderno at lagyan ng tsek (√) ang mga kahong nasa unahan.Aklat ng mga Dula Noli Me TangereBibliya Talambuhay ni Andres BonifacioAklat ng Balagtasan Ensayklopedia Pag-aralan MoAno ang makikita mo sa larawan? Tama, mga mukha ng iba’t ibang pahayagan. Marami tayong mgapahayagan. Nasusulat sa Ingles at nasusulat sa Filipino. Iilan lamang angpahayagang gumagamit ng wikang gamit sa paaralan. Ang iba halu-halongIngles at Filipino. Anu-ano naman ang nilalaman ng mga pahayagan odiyaryo? 2

Pahapyaw na tingnan ang pahinang ito. 3

Sa pambungad na pahina makikita ang pinakaulo ng mga balita. Ano angulo ng balita sa diyaryong nasa sinundang pahina? ____________________ Paano ito nasusulat? Maliliit o malalaking titik? May kasama banglarawan ito? Ano ang pangalan ng pahayagan? Ilarawan ang logo ngpahayagan. Kailan ang araw at petsa ng pagkakalabas nito? Nakalagay baang halaga ng bawat sipi? Magkano? Paano mo mahahanap ang karugtongng mga balita sa pamukhang pahina?Pag-aralan ang mga balita. Pahapyaw lang na basahin. 4

Ang mga nakita ay mga balitang panlalawigan.Ang nasa pahinang ito ay mga balitang pambansa. Lahat ay naganaplamang sa ating bansa. Pahapyaw lang na tingnan ang pahinang ito. PAMBANSASagutin mo nga ang mga tanong. 5

1. Paano nasusulat ang mga pamagat ng mga balita?2. Bakit tinawag na panlalawigang balita ang nasa naunang pahina?3. Bakit tinawag na balitang pandaigdig ang mga nasa pahinang ito? 6

Paano nasusulat ang mga balitang pandaigdig? Nakalagay ba ang bansang pinagmulan ng balita? Ano ang pagkakaiba ng balitang pandaigdig sa balitang local? Narito ang iba pang bahagi ng pahayagan. Pahapyaw na tingnan ito. Ang susunod na matutunghayan ay pahina ng editorial. Matatagpuan dito ang kaisipan o isyu na nais linawin ng patnugutan. Dito makikita ang mga pitak o kolum na sariling opinion ng mga kolumnista. Pahapyaw lang ang pagbasa. Mga titulo lang ang bigyang pansin. Paano mo malalaman na may karugtong ang binabasa? Saan mo hahanapin?p. 4 (Sundan sa ph. 5) 7

p. 5Hardliner . . . (mula sa p. 4) 8

May pahina ng mga lathalain na nakakalibang tulad ng palaisipan, horoscope,at komiks strip. Tingnan mo ang mga sumusunod. Ang ibang pahayagan ay may mga patalastas ng mga palabas sasinehan, mga numero ng labas ng lotto at text messages. 9

May pahinang pag-showbiz o mga balita at tsismis tungkol sa mga artista. May pahina rin na pang-isports na naglalaman ng mga balita tungkol sa mga nagaganap sa iba’t ibang kompetisyon ng isports dito at sa ibang bansa. Tampok din ang ating sikat na mga manlalaro at mga kampeong pandaigdig. Ang pahayagan ay may pahina tungkol sa mga anunsyo at patalastas. Tinatawag itong anunsyo klasipikado. May anunsyo para sa mga patay. Obituaryo ang tawag dito. May anunsyo para sa mga trabaho. May anunsyo para sa mga ipinagbibili at ipinauupa. May anunsyo na nagpapatalastas ng mga produkto. May anunsyo rin tungkol sa mga lumalabas na numero sa lotto. Hindi pare-pareho ang nilalaman ng bawat pahayagan at hindi rin pare- pareho ang wikang ginagamit. May mga gumagamit ng wika na ginagamit ang tamang balarila sa paaralan at may gumagamit naman ng pabalbal na wika, halu-halo. Isaisip MoNaririto ang mahahalagang bahagi ng pahayagan at maikling paliwanagtungkol sa mga bahaging ito. 1. Pamukhang pahina – makikita rito ang headline o pinakaulo ng mga balita. Naririto rin ang iba pang mahahalagang mga balita na ang karugtong ay makikita sa ikalawang pahina. Kung minsan nasa huling pahina ang karugtong. 2. Pahinang editorial – mababasa rito ang kuru-kuro ng pabliser o pasulatan tungkol sa mainit na isyu. Naririto rin ang pangalan ng patnugot at mga bumubuo sa patnugutan kasama ang address at telepono ng publikasyon. Kasama rin sa pahinang editorial ang mga liham sa patnugot at mga pitak ng mga kolumnista. 10

3. Pahina ng mga balitang local at balitang pandaigdig. 4. Pahina ng mga Lathalain (Features) a) Panlipunan – tungkol sa mga pagdiriwang, mga kilalang tao sa lipunan, mga bagong uso, sining edukasyon at kultura. b) Panlibangan – tungkol sa mga horoscope, palaisipan, mga kuwento o eksenang katatawanan na nakalarawan at mga palabas sa sine. c) Pang-artista – mga balita tungkol sa mga artista. d) Pang-isports – tungkol sa iba’t ibang palakasan, nga nananalo at mga nagiging kampeon sa larangan ng isports. e) Pangkabuhayan – mga balita tungkol sa negosyo, mga halaga ng palitan ng pera, mga proyektong pangkabuhayan at mga bagong imbensyon. f) Anunsyo klasipikado – mga patalastas tungkol sa serbisyo, mga trabaho at mga produkto Pagsanayan MoA. Kilalanin kung anong bahagi ng pahayagan ang ipinakikita sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel. 1. 11

3. 4.5. 12

Subukin MoA. Piliin ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Wala kang trabaho. Aling bahagi ng pahayagan ang titingnan mo? a. Palaisipan b. Kolum ng mambabasa c. Anunsyo d. Pangulong balita 2. Ibig mong alamin ang pananaw o pakahulugan ng publisher o palimbagan sa isyu tungkol sa unang 100 araw ng Presidente. Alin sa mga sumusunod ang sasangguniin mo? a. Pahinang pang-isport b. Kolum ng isang manunulat c. Editoryal o pangulong tudling d. Balitang pampamayanan 3. Ibig mong malaman ang opinyon ng isang indibidwal sa isyu tungkol sa brownout. Alin dito ang babasahin mo? a. Kolum na isang manunulat b. Balitang pandaigdig c. Pahinang pampalakasan d. Editoryal 4. Aling bahagi ng pahayagan ang gagamitin mo upang maaliw? a. Balitang pampamayanan b. Pitak Palaisipan c. Pangunahing Balita d. Anunsyo 5. Pinakahuling balita tungkol sa paboritong laro ang mababasa sa bahaging ito. Aling pahina ito? a. Pitak-artista b. Mga anunsyo 13

c. Palakasan d. Pandaigdig na balitaB. Sabihin ang mababasa sa sumusunod na mga bahagi ng pahayagan. 1. Editoryal _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 2. Kolum ng Manunulat _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 3. Pangunahing Balita _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 4. Anunsyo _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 5. Balitang Pang-isports _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 14

MGA DETALYENG SUMUSUPORTA SA PANGUNAHING DIWA Alam mo na ang tungkol sa pangunahing diwa. Matututunan mo ngayon kung paano pumili ng mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa. Pagbalik-aralan MoBasahin ang mga talata at sagutin ang mga katanungangkasunod. 1. Matatagpuan ang Pilipinas sa bahagi ng daigdig na malapit sa ekwador. Ito ang sonang tropiko. Sa bahaging ito, higit na mainit ang sikat ng araw kaysa alinmang bahagi ng mundo. Ano ang paksang pangungusap ng binasang talata? a) Ang sonang tropiko b) Higit na mainit ang sikat ng araw kaysa alinmang bahagi ng mundo. c) Matatagpuan ang Pilipinas sa bahagi ng daigdig na malapit sa ekwador. 2. Taun-taon ay ginugunita natin ang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog lalo na sa pagsapit ng buwan ng Marso. Tulad din ng mga nakaraang gawain ay muling binibigyang babala ang mamamayan upang makaiwas sa panganib na dulot ng apoy. Ang nasabing programa ay ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Interior and Local Government (DILG). 1

Alin ang paksang pangungusap ng binasang talata? a) Pagbibigay babala sa mamamayan upang makaiwas sa panganib na dulot ng apoy. b) Paggunita sa Buwan ng Pag-iwas sa Sunog c) Programang ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection. Pag-aralan Mo Basahin at pag-aralan ang sumusunod na talata. May kaya ang mga magulang ni Emilio Jacinto. Kapwa nakapag-aral angkanyang mga magulang. Isang mahusay na negosyante ang kanyang ina. Bugtong naanak siya ng mag-asawa. Naninirahan sila sa Paco, isang pook ng mga maykaya sabuhay. 2

Isulat mo sa iyong sagutang kuwaderno ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Tungkol saan ang talata? May paksang pangungusap ba ito? Saan matatagpuan ang paksang pangungusap? Pag-aralan ang iba pang pangungusap sa talata. May kaugnayan ba ang ibang mga pangungusap sa paksang pangungusap? Ang mga ito ba ang nagpapaliwanag sa paksang pangungusap? Naging malinaw ba ang kahulugan ng paksang pangungusap dahil sa iba pang pangungusap? Masasabi ba na ang mga pangungusap sa talata ay sumusuporta at nagpapaliwanag sa paksang pangungusap?Narito pa ang isang talata.Hanapin ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksang pangungusap. ANDRES BONIFACIO Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Labing- apat na taon si Andres nang mamatay ang kanyang magulang. Gumawa siya ng paraan upang buhayin ang kanyang mga kapatid. Gumawa at nagtinda siya ng abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang mensahero sa isang kumpanya. Naging ahente rin siya ng iba pang kumpanya. Tungkol saan ang talata? Alin dito ang paksang pangungusap? Isulat sa loob ng kahon ang paksang pangungusap. Aling mga pangungusap ang sumusuporta sa paksang pangungusap? Isulat ang mga ito sa ilalim ng paksang pangungusap. 3

Ganito ba ang ginawa mo? Gumawa siya ng paraan upang buhayin ang kanyang kapatid. Gumawa at nagtinda siya ng mga abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang mensahero sa isang kumpanya. Naging ahente siya ng iba pang kumpanya. Tingnan ang paksang pangungusap sa loob ng kahon. Ito ang pangunahing diwa ng talata. Basahin ang pangungusap na sumusuporta sa pangunahing diwa. Ito ang mga detalye na sumusuporta sa pangunahing diwa. Nagawa mo ba? Basahin ang sumusunod na talata. Isulat ang paksang pangungusap sa sagutang kuwaderno. Kulungin ito ng kahon. Isulat sa ilalim nito ang mga detalye na sumusuporta sa pangunahing diwa.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 4

GREGORIO DEL PILAR Mula sa makabayang angkan si Gregorio del Pilar kaya lumakisiya sa mga makabayang gawain. Hindi kataka-taka na magingmakabayan din siya. Tiyo niya si Marcelo H. del Pilar. Ang talumpatini Marcelo del Pilar ay mga atake sa kalabisan ng mga Espanyol.Tagapamahagi ng sipi ng talumpati ni del Pilar si Gregorio. Nangnag-aaral siya, nakasama niya sa kasera si Diodato Arellano.Ipinaliwanag nito ang simulain ng Katipunan sa kanya. Nangsumiklab ang rebolusyon, sumapi si Gregorio del Pilar sa Katipunan. Maging maingat sa pagpili ng mga detalye na sumusuporta sa pangunahing diwa. Piliin mo ang mga detalye na tuwirang nagpapaliwanag sa pangunahing diwa. Ganito ba ang ginawa mo? Mula sa makabayang angkan si Gregorio del Pilar, kaya lumaki siya sa makabayang gawain. 1. Tiyo niya si Marcelo H. del Pilar. 2. Nang bata pa siya, tagapamahagi siya ng mga sipi ng talumpati ni del Pilar. 3. Naunawaan niya ang simulain ng Katipunan kay Diodato Arellano. 4. Nang sumiklab ang rebolusyon, sumama siya sa Katipunan. 5

Isaisip Mo1. May mga talata na walang paksang pangungusap ngunit may detalye sa talata na sumusuporta sa pinahihiwatig ng pangunahing diwa nito.2. Sa mga talata na walang paksang pangungusap ibigay muna ang pangunahing diwa sa isang buong pangungusap at hanapin ang mga detalye na sumusuporta rito. Ngayong naunawaan mo na kung paano nakukuha ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya o kaya ng mga detalyeng sumusuporta sa pangungusap maaari mo nang umpisahan ang pagsasanay. Pagsanayan Mo Pag-aralan ang mga talata. Sagutin ang mga kasunod na tanong. EMILIO AGUINALDO Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas. Ang kanyang ama ay naging gobernadorcillo ng Kawit, Cavite. Walang pambihira sa kanyang record sa pag-aaral. Natuto siya ng alpabeto sa bahay. Nagtapos siya ng elementarya sa paaralang bayan ng Kawit. Nagtapos siya ng sekondarya sa San Juan de Letran. Huminto siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Umiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. Tinulungan siya ng kanyang ina upang siya ay maging cabesa de barangay. Naging negosyante siya. Namili siya ng tela at mga yaring produkto. Ipinamalit niya ang mga ito ng prutas, gulay, baboy at manok. 6

1. Tungkol saan ang talata? a) Kabayanihan ni Aguinaldo b) Pagsali ni Aguinaldo sa Katipunan c) Kabataan ni Emilio Aguinaldo2. Alin ang paksang pangungusap ng talata? a) Naging negosyante siya. b) Walang pambihira sa kanyang record, sa pag-aaral. c) Umiiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. d) Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas.3. Isulat ang paksang pangungusap sa loob ng kahon. Isulat sa ibaba nito ang mga detalye na sumusuporta sa paksang pangungusap. a. ___________________________________________________ b. ___________________________________________________ c. ___________________________________________________ d. ___________________________________________________ Paano nagising ang damdaming makabayan ni Emilio Aguinaldo? Walang makapagsabi. Ang mahalaga ay ibinigay niya ang lahat para sa bansa. Maaaring nagsimula ito nang magkaroon siya ng sipi ng Noli Me Tangere. Bagamat hindi sapat ang kaalaman niya sa Kastila, buong tiyaga niyang binasa ang nobela. Sumapi siya sa Pilar Lodge, ang yunit ng Mason sa Kawit. Sumapi siya sa Katipunan. Nanghikayat siya ng marami na sumapi sa dalawang samahan. Nang matuklasan ang Katipunan, lantaran siyang nakipaglaban sa mga Espanyol.4. Tungkol saan ang talata? a) Ang mensahe ng Noli Me Tangere b) Pagkakatuklas ng Katipunan c) Ang yunit ng Mason sa Kawit d) Paano nagsimula ang kabayanihan ni Aguinaldo 7

5. Alin ang angkop na paksang pangungusap para sa talata? a) Ang mahalaga ay ibinigay niya ang lahat. b) Iba-ibang pangyayari ang gumising sa kabayanihan ni Aguinaldo c) Nang matuklasan ang Katipunan, lantaran siyang nakipaglaban sa mga Espanyol. d) Paano nagising ang damdaming makabayan ni Emilio Aguinaldo. 6. Isulat ang paksang pangungusap sa loob ng kahon. Isulat sa ibaba ang mga detalyeng sumusuporta sa paksang pangungusap. a. ________________________________________________ b. ________________________________________________ c. ________________________________________________ d. ________________________________________________ Subukin MoBasahin ang talata. Sagutin ang sumusunod na tanong. Pinakamatagumpay ang mga Katipunero sa Cavite sa pakikipaglabansa mga Espanyol. Nakapagpatayo sila ng dalawang malalaking kuta.Ang dalawang malalaking kuta ng Katipunan ay nasa Noveleta at Kawit.Isa si Emilio Aguinaldo sa nagtanggol sa mga kutang ito. Ang nais ngmga Espanyol ay mapasok ang kuta. Ngunit kailangang makalagpas angmga Espanyol sa tulay ng Zapote bago marating ang kuta. Mahigpit angpagbabantay ng mga Katipunero sa tulay ng Zapote. 8

Minsan lumusob sa Cavite si Brig. Gen. Ernesto Aguirre. Siya angkomandante ng mga gwardiya sibil sa Maynila. Kasama ang isandaangsundalo, lumusob sila sa Tulay ng Zapote. Madaling napaurong ng mgaEspanyol ang mga Katipunero. Si Emilio Aguinaldo ang namuno saKatipunero na itinaboy ni Aguirre. Dumaan sila sa tulay at nakapasok saBacoor. Nagyabang si General Aguirre. Madali pala niyang mapapasokang Noveleta at Kawit. Bumalik siya ng Maynila upang maghanda sapaglusob sa Kuta ng Katipunan. 1. Tungkol saan ang unang talata? a) Mga Kuta ng Katipunan sa Cavite b) Tagumpay ng mga Katipunero sa Cavite c) Liderato ni Emilio Aguinaldo sa Cavite d) Pagsupil ng mga Espanyol sa Katipunero 2. Alin dito ang angkop na paksang pangungusap para sa unang talata? a) Ang malaking kuta ng Katipunan ay nasa Cavite. b) Matagumpay ang mga Katipunero sa Cavite sa paglaban sa mga Espanyol. c) Nais ng mga Espanyol na malusob ang Kuta ng mga Katipunero. d) Mahigpit na binabantayan ng mga Katipunero ang kanilang Kuta. 3. Isulat ang paksang pangungusap ng unang talata sa kahon. Isulat sa ibaba ang mga detalye na sumusuporta sa paksang pangungusap. a) _______________________________________________ b) _______________________________________________ c) _______________________________________________ d) _______________________________________________ 9

4. Tungkol saan ang ikalawang talata? a) Ang tibay ng Tulay ng Zapote b) Mga katangian ng mga guwardia sibil c) Ang sandatahang lakas ni Emilio Aguinaldo d) Ang pagkatalo ni Aguinaldo sa kamay ni Brig. Gen. Ernesto Aguirre5. Alin dito ang angkop na paksang pangungusap para sa ikalawang talata? a) Naipakita ni Gen. Aguirre na mahina ang depensa ng Katipunero sa Tulay ng Zapote. b) Mahalaga ang Tulay ng Zapote sa depensa ng Kuta ng Katipunero. c) Mas mahusay na lider si Gen. Ernesto Aguirre kaysa kay Gen. Emilio Aguinaldo. d) Nagbalak ang mga Espanyol na lusubin ang Kuta ng mga Katipunero.6. Isulat ang paksang pangungusap sa loob ng kahon. Isulat sa ibaba nito ang mga detalye na sumusuporta sa paksa. a) _______________________________________________ b) _______________________________________________ c) _______________________________________________ d) _______________________________________________ Binabati kita! Maaari mo nang umpisahan ang susunod na modyul. 10

MGA DIPTONGGO SA TULA AT MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA KUWENTO Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makabibigkas nang wasto ng narinig na tula o awit, makakikilala ng mga salitang may diptonggo at klaster at makatutukoy ng mahahalagang pangyayari o aksyon na bumubuo sa kuwento o balita. Pagbalik-aralan Mo Basahin mo ang tula. Bahaghari Iba’t ibang kulay, hugis suklay Kurbang paibabaw parang suklay Makikita ka matapos umulan. O bahaghari, nais kitang tingnan. 1

Bigkasin nang katamtamang lakas ang mga sumusunod na pangkat ng mgasalita.kulay *kalabaw *sakaykilay araw sungay*tulay *sabaw ilaw*kamay *paimbabaw ibabawbahay palay sitawpakay *suklayTama ba ang pagkakabigkas mo? Binigkas mo ba ang walang asteriko (*) naang diin ay sa unang pantig?Binigkas mo ba ang mga may asteriko nang mabilis na ang bigat ng diin ay nasahuling pantig?Bigkasin mo uli. Iwasto mo ang iyong pagbigkas. Iparinig mo sa isangnakatatanda sa inyo o sinumang tapos ng high school sa inyo para masabi niyakung tama ang pagbigkas mo. Pagkatapos, gawin ang sumusunod. Sipiin sasagutang kuwaderno ang salitang angkop sa larawan. Kulay Kalabaw Kilay Ampaw Tulay Sabaw1. Kamay Paibabaw 4. Suklay Tulay Saklay Kilay2. Sungay Bahay Sakay 5. Pakay Tulay Ilaw Kulay Sabaw Palay Ibabaw Saklay Sitaw 6.3. 2

Pag-aralan MoBigkasin mo nang may katamtamang lakas ang kapirasong tula. Ako’y isang munting bata sa yaman ay salat. Ngunit mayroon akong isang munting pangarap. Sa aking paglaki’y ibig kong matupad Maaabot ko ito pag ako’y nagsikap.Binigkas mo ba nang may wastong paglilipon ang mga salitang bumubuo ng mgataludtod ng tula?Tingnan mo ang halimbawa ng wastong paglilipon ng salita sa bawat taludtod ngtula. Tinandaan ito ng dalawang pahilis na guhit. /Ako’y isang munting bata/ /sa yaman ay salat/ /Ngunit mayroon akong/ /isang munting pangarap/ /Sa aking paglaki’y/ /ibig kong matupad/ /Maaabot ko ito/ /pag ako’y nagsikap/Humintong sandali sa dulo ng bawat lipon ng mga salita sa bawat taludtod.Ipabigkas ang tula at ang mga kasunod na mga salita sa sinuman sa inyongbahay na inaakala mong nakakaintindi ng wastong pagbigkas. Siya sana aynakatapos ng mataas na paaralan upang mabigkas niya nang tama ang tula atang mga salitang may diptonggo. Si Vena at Ako /Vena ang palayaw/ /ng kaklaseng magiliw/ /Pagkakaibigan namin/ /walang pagmamaliw/ /Sa paglalaro nami’y/ /laging mapagbigay/ /Kasiyahan nami’y/ / tunay na tunay/ /Reyna ng isda/ /ang aking kantiyaw/ /Hari ng siyukoy/ /tukso niyang sumasayaw/ /Kami’y mga batang/ /may sigla ang buhay/ /Kinaiinggitan/ / mundo naming makulay/ 3


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook