Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:33:57

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Search

Read the Text Version

Gina: Hello, Bibo! Balita ko eh may paligsahan sa pag-awitBibo: sa darating na pista dito sa ating barangay? Sa palagay mo, maaari kaya akong sumali? Aba, oo naman Gina! Kaya nga pupunta ako sa bahay ninyo para ipaalam sa’yo at tanungin kung gusto mong sumali. Alam mo bang malaki ang mga papremyong ipamimigay sa mga mananalo?Gina: Talaga? Maraming salamat sa’yo Bibo! Kanino ba nagpapalista ang gustong sumali sa paligsahang iyon?Bibo: Ayon sa nabasa kong patalastas na nakapaskil, eh, kay Kuya Gerwin daw, ang Hermano Mayor ng pistaGina: sa taong ito. DRAFTWala talaga akong masabi sa’yo Bibo! Saludo ako sa iyo dahil alam na alam mo ang buong detalye ng paligsahan. Puwede bang samahan mo ako ngayon para magpalista na kay Kuya Gerwin?Bibo: Sige, tayo na!April 10, 2014Sagutin ang sumusunod na tanong:1. Ano ang natatanging kakayahan ni Gina?2. Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina?3. Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa diyalogo?4. Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit?5. Kung ikaw si Bibo/Gina, ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ang pinahahalagahan o nagbibigay importansya sa iba? Patunayan. 100

Isagawa NatinGawain 1 Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyongdapat gawin? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.Mga Sitwasyon Ang dapat kong gawin ay….1. Kasama ka ng Nanaymong pumunta sapalengke at noon mo nalaman na bingi pala ang batang namamalimos.DRAFT2. May paligsahan sa pag- awit sa iyong barangay at nais sumali ng iyong kababatang pilay. 2014 3. Sa iyong paglalakad,April 10,nakita mo ang iyong kapitbahay na bulagna malapit na sa maykanal.4. Marami kang laruan sainyong bahay na hindimo naman ginagamit.Nakita mo na sira naang laruan ngkapitbahay mong pipi.5. Nakita mo ang isangbatang putol angkamay na hindi kayangdalhin ang kaniyanggamit. 101

Gawain 2 Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng isangactivity card kung saan nakasulat ang dapat nilang gawin.Pangkat 1 – Lagyan ng piring ang mata ng bawat bata sa inyong pangkat. Magkaisa sa isang salita na magsisilbing clue word ninyo upang mahanap ang iyong kasamahan.Pangkat 2 – May isang bagay kayo na hinahanap sa inyong silid-aralan. Ipakita kung paano ninyo ito mahahanap nang hindi kayo nagsasalita.Pangkat 3 - May gusto kayong abuting gamit sa mataas na DRAFTkabinet ngunit kayo ay pilay.Pangkat 4 – May gusto kang sabihin sa iyong kaklase ngunit mahina ang kaniyang pandinig. Paano mo ito gagawin?April 10, 2014Naranasan ninyo ang maging bulag, pipi, pilay, atbingi sa ating gawain. Paano mo maipakikita angpagmamalasakit sa may kapansanang tulad nila? Pag-usapan sa bawat pangkat kung ano ang dapat gawin.Ibahagi ito sa klase. Ang rubric na gagamitin sa pagtataya ng kakayahanng mga bata.Mga Pamantayan 3 2 1Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi 3-4 napagkaganap kasapi sa ng pangkat kasapi ng pangkat ay ay hindi pangkat ay nagpakita nagpakita hindi 102

ng ng nagpakita kahusayan kahusayan ng sa sa kahusayan pagganap pagganap sa pagganapTamang saloobin Naipakita Naipakita Hindi naipakitasa sitwasyon nang nang ang tamang maayos at maayos saloobin sa sitwasyon may tiwala ngunit may ang pag- tamang aalinlangan saloobin sa ang sitwasyon tamang saloobin saDRAFTsitwasyon Isapuso Natin Sumulat ng sariling pangako hinggil sa pagpapakita ngApril 10, 2014pagmamalasakit na may paggalang sa mga may kapansanan. Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.Iulat sa klase kung natupad ang pangako.Tandaan Natin Ang pantay-pantay na pagtingin ay pagpapakita rinng paggalang sa kapuwa. Ito ay nagpapaalala sa atin na 103

walang mayaman o walang mahirap sa lipunang atingginagalawan. Nararapat nating pahalagahan ang taglayna mga kakayahan ng bawat isa may kapansanan man owala. Wala tayong karapatan upang husgahan ang atingkapwa sa panlabas na kaanyuan. Ipinahihiwatig sa awiting “Bulag, Pipi, at Bingi” niFreddie Aguilar na ang kapansanan ay hindi hadlangupang maipakita ang ating natatanging kakayanan otalento. Lagi nating itanim sa ating isipan na walangsinumang perpekto sa ibabaw ng mundo. Bawat isa ay maykani-kaniyang lakas at kakulangan. Sa bisa pa rin ng Batas Republika 9442 na sumusog saBatas Republika 7277, ipinagbabawal na rin ngayon angpanunuya sa mga taong may kapansanan, maging sapamamaraang pasulat, pasalita, o sa pamamagitan ngDRAFTmga kilos. Pinagtibay din ang mga susog na ito upangpigilan ang pagbaba ng tingin sa mga taong maykapansanan. Kaya’t ang pagmamalasakit sa mga may kapansananApril 10, 2014ay dapat nating gawin sa lahat ng pagkakataon. Ito aypagpapakita rin ng paggalang upang maramdaman nilangbahagi rin sila ng lipunan. 104

Isabuhay Natin Magkaroon ng isang proyekto “Kapuwa ko, Mahal ko” na gagamitin sa outreach program para sa mga may kapansanan. Magdala ng isang malaking kahong babalutan ng used gift wrapper. Ilagay ito sa sulok ng silid-aralan upang dito ilagak ng mga bata ang mga dadalhin nilang regalo: damit, laruan, de lata, at iba pa para sa mga batang may kapansanan. DRAFTApril 10, 2014“HandogKo sa Kapuwa Ko” Gagawin ito sa loob ng isang buwan. Ang lahat ng mga naipong gamit o anupaman ay ipapamigay sa mga batang may kapasanan. 105

Subukin Natin Lagyan ng tsek() kung ang pangungusap aynagpapakita ng pagmamalasakit na may pagalang samay kapansanan at ekis (X) kung ito ay hindi. Isulat anginyong sagot sa sagutang papel. 1. Tinatawag ko ang aking kapuwa na may kapansanan sa kanilang tunay na pangalan o palayaw. 2. Tinatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang kapulaan. 3. Ginagaya ko ang may kapansanan sa kanilang paglalakad at pagsasalita. DRAFT4. Nakikipaglaro lang ako sa kapwa ko rin na may kapansanan. 5. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abotApril 10, 2014ngakingmakakaya. Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos angaraling ito. Hinahamon kita na sana ang tunay napagmamalasakit sa may kapansanan ay maipakita monang may respeto o paggalang sa lahat ng pagkakataon.Mahusay! 106

Aralin 6 Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! Hindi lahat ng bata ay magkakatulad ang katayuan sabuhay. May magagawa ka para sa iba. Alamin Natin Pagmasdan ang mga larawan at dugtungan angpariralang katabi nito. Gawin ito sa inyong kuwaderno.DRAFTKapag lumalapit sila sa akin at nanghihingi ng pera, ako ay __________________________________ __________________________________April 10, 2014__________________________________ __________________________________ _________________________________.Kung makikita ko ang batang ito, akoay_____________________________________________________________________________________________________________________________________________. 107

Kung makikita kong ganito lagi ang suot ng bata ako ay _______________ ___________________________________ __________________________________.Sagutin ang mga tanong. 1. Nakasalamuha mo na ba ang mga batang nasa larawan? 2. Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita o DRAFTnakakasama mo sila? 3. Paano mo isinasaalang-alang ang kanilang katayuan o kalagayan sa buhay? Bakit? 4. Sino-sino pa ang mga batang nakakasama o nakakasalamuha mo na nangangailangan ngApril 10, 2014tulong?Bakit? 5. Naipakita mo ba sa kanila ang pagsasaalang-alang sa kanilang kalagayan sa buhay?Isagawa Natin Bawat pangkat ay magsasadula kung paano ninyoisinasaalang-alang ang kalalagyan sa buhay ng iyongkapuwa bata batay sa sitwasyong ibibigay ng guro.Pangkat 1 - sa mga batang nakaranas ng kalamidad 108

Pangkat 2 - sa isang payat na kamag-aaral naPangkat 3 - namumutla habang nagkaklasePangkat 4 - sa kaklase mong maikling-maikli na ang lapisPangkat 5 - sa isang batang lalaking putol ang isang kamay pero gustong sumali sa inyong larong basketbol sa isang batang nakita mo sa isang bahay-ampunan Isapuso Natin DRAFTMagnilay. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na at nangailangan ng iyong tulong, pagkalinga, o malasakit. Isulat ito sa speech balloon. Natugunan mo ba ang kanilang pangangailangan sa oras na iyon? Isulat sa kaliwang bilog ang ginawa mong pagtugon sa kanilang pangangailangan. Kung mangyayari itong muli, ano naman ang gagawin mo? Isulat naman ito sa kanang bilog. Gawin ito sa inyongApril 10, 2014sagutangpapel. 109

Tandaan Natin Lahat ng bata ay may iba’t ibang kalalagyan sa buhay. Mayroong mayaman at mayroon din namang mahirap. Mayroong nangangailangan ng tulong at mayroon din namang may kakayahang magbahagi. Hindi tama na husgahan o pakitaan ng masama ang ating kapuwa kung iba ang kalalagayan nila sa buhay. Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi natin maiiwasang makasalamuha ang iba’t ibang uri ng bata kung kaya’t nararapat na alam natin kung paano sila igalang, irespeto, at pakitunguhan nang tama. Marapat na isaalang-alang natin ang kalagayan ng ating kapwa bata. Pakitunguhan natin sila nang maayos at ibigay ang nararapat na tulong para sa DRAFTkanila. Ayon nga sa ating Panginoon, tandaan natin, ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa kung ikaw ay may kakayahang ito ay magawa, gawinApril 10, 2014mo ito nang mahusay at tama.Isabuhay Natin Paano mo ipapakita ang pagsasaalang-alang sakatayuan/ kalagayan ng kapwa bata? Isulat ang dapatgawin sa bawat sitwasyon. Mga Sitwasyon Dapat Gawin1. May batas na nagbabawal sa 110

pamamalimos. Nang pumunta ka sa palengke, may nakita kang batang namamalimos. 2. Nakita mo ang isang batang nanghihina sa gutom. 3. May batang kumakatok sa bintana ng inyong sasakyan at halos kasing- edad mo lamang. Nag- aalok siya ng sampaguita sa iyong ama. 4. Nakita mo ang isang batang nakatingin sa iyo habang kumakain kayo sa DRAFTrestawran. 5. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punitApril 10, 2014angkasuotan. Subukin NatinIguhit ang masayang mukha kung angpangungusap ay nagpapahayag ng pagsasaaalang-alangsa katayuan o kalagayan ng iyong kapuwa bata atmalungkot na mukha naman kung hindi.1. Binibigyan ng pagkain ang batang nagugutom. 111

2. Pinasasaya ang bata sa lansangan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga pangangailangan tuwing may okasyon. 3. Sinasarili ang panonood ng telebisyon sa bahay upang inggitin ang mga kalaro. 4. Hinahatian ng baon ang isang kalaro na walang makain at nagugutom. 5. Sumasali sa mga outreach program ng barangay, nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga batang nasa malalayong lugar. Binabati kita! Kahanga-hanga ka dahil matiyaga mongnatapos ang araling ito. Nawa’y maging handa ka sasusunod na aralin para patuloy mong maisaalang-alangDRAFTang katayuan at kalagayan ng kapuwa mo bata.April 10, 2014 112

Aralin 7 Magkaiba Man Tayo Hindi natin maiiwasan na may mga kapuwa bata tayong makakasama o makakasalamuha na kabilang sa mga pangkat-etniko. Paano natin isasaalang-alang ito? Alamin Natin Basahin ang kuwento: DRAFTAng Matulunging Bata Sa loob ng silid-aralan, tahimik na gumagawa ang mga bata ng kanilang pagsasanay sa Filipino. Napansin ni Lita si Lawaan, ang bago nilang kaklaseng Aeta na hindi mapakali sa upuan. Wala siyang lapis at papel naApril 10, 2014gagamitin. 113

Dali-daling kinuha ni Lita ang iba pa niyang lapis at papel sa kaniyang bag at ibinigay kay Lawaan. Laking gulat at pasasalamat ng bata kay Lita. Masaya niyang tinanggap ang tulong ni Lita at sila ay naging mabuting magkaibigan.Pag-usapan natin.DRAFT1. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita? 2. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang upuan? 3. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sa bagoApril 10, 2014niyangkaklase? 4. Kung sa iyo ito nangyari, ano ang gagawin mo? Bakit? 5. Nakaranas ka na ba ng pangyayari na katulad ng kay Lita? Ano ang iyong ginawa? 114

Isagawa Natin Gawain 1 Kilala ba ninyo sila? Hanapin ang mga pangkat etniko na nakasulat sa loob ng word hunt. B E M T Y DGM I C I T A I L UCA B E DRAFTS A S B T H R N A B A U T AGA L OG U Y SM L OK L BOAApril 10, 2014A U M O R O T O B N R G K Y E H A DOO B I KO L ANO T Y Gawain 2 1. Gumuhit ng puno sa isang papel. Lagyan ito ng mga bungang puso. Pumili ng isang pangkat-etniko na nakasama mo na o gusto mong makasama. Isulat ito sa katawan ng puno na iyong ginawa. Sa mga bunga 115

ng puno, isulat naman ang nais mong ibahagi sa kanila upang maipakita ang pagsasaalang-alang sa kanila. DRAFTApril 10, 2014 Isapuso Natin A. Sabihin kung nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa pangkat-etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata ang mga sitwasyon. Ipaliwanag ang iyong sagot. 1. Pinapahiram ni Ben sa kaklaseng Ita ang lapis at pambura niya. 116

2. Ibinahagi ni Mariel ang ilan sa mga paborito niyang laruan at sapatos sa mga batang Tausug. 3. Masayang sumasama sina Jerome at Miguel sa mga proyekto at gawain ng paaralan para makapaglibang at makarating sa ibang lugar. B. Gumawa ng isang liham pangkaibigan para sa isang batang kabilang sa isang pangkat etniko na kaiba sa inyo. Ipakita sa liham kung paano mo isinasaalang- alang ang kaniyang kaibahan sa inyo. DRAFTTandaan natin Lahat ng tao ay pantay-pantay anuman ang pangkat- etnikong ating kinabibilangan. Kung kaya dapat natingApril 10, 2014isaalang-alang ito sa pakikitungo sa ating kapuwa bata. Nasasaad sa Deklarasyon ng United Nations sa Karapatan ng mga Katutubo na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat ng tao, bagama’t kinikilala ang karapatan na pagkakaiba ng lahat ng tao, pagsasaalang- alang sa pagkakaiba, at paggalang sa kakanyahan. Magkakaiba man tayo ng pangkat-etnikong kinabibilangan, lahat tayo ay nakapag-ambag sa kasaysayan at kultura ng ating bayan. May iba-iba man tayong paniniwala, panuntunan, kinagawian, relihiyon, at kultura, tayo ay iisa pa rin. Matagal nang panahon na hindi pantay ang pagtrato natin sa iba nating kapwa bata. Panahon na para baguhin natin ito. Ating isaalang-alang ang kinabibilangan nilang pangkat-etniko. Magkaiba man tayo, dapat natin silang 117

pakitunguhan nang maayos at tulungan kungkinakailangan. Isabuhay Natin Sa tulong ng inyong gurong tagapayo, magsagawang isang outreach program para makatulong sa mgapangkat etniko. Maaaring ito ay: a. Paghahanap ng batang mula sa isang pangkat- DRAFTetniko na malapit sa inyong paaralan para bigyan sila ng mga gamit, pagkain, at simpleng pangangailangan. b. Paghahanap sa inyong paaralan ng mag-aaral na maaaring kabilang sa isang pangkat-etniko. Anyayahan ang kanilang pamilya na bisitahin angApril 10, 2014inyong paaralan at bigyan sila ng natatanging palatuntunan. Isabay na rin dito ang pagbibigay ng mga simpleng regalo na magagamit nila sa kanilang tahanan. c.Pagsusulat ng isang artikulo na mailalathala sa pahayagan ng inyong paaralan hinggil sa kahalagahan ng kultura ng mga pangkat-etniko. 118

Subukin Natin Sa gitnang bilog, iguhit o isulat ang isang pangkat- etniko. Sa maliliit na bilog na nakapalibot, iguhit o isulat naman ang mga paraan kung paano mo mapapahalagahan ang pangkat-etnikong kinabibilangan niya. Gawin ito sa iyong kuwaderno. DRAFTApril 10, 2014 119

Aralin 8 Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! Naipapakita nang may kasiyahan ang pakikibagay atpakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro,pagsali sa programa sa paaralan, at paligsahan.Alamin NatinA. Gumawa ng balak tungkol sa pagsasagawa ng isang maikling palatuntunan. Ito ay lalahukan ng mga bata bilang pagdiriwang sa Children’s Month Celebration.B. Itala ang mga programa, palatuntunan, paligsahan at pagdiriwang na isinasagawa sa inyong paaralan sa tsart DRAFTkatulad ng nasa ibaba. Lagyan ng tsek ang ikalawang kolum kung nilahukan mo ito at ekis naman kung hindi. Sa ikatlong kolum, iguhit ang iyong naramdaman ng isagawa ito. Masayang mukha kung nasiyahan ka at malungkot na mukha naman kung hindi. Sa hulingApril 10, 2014kolum, isulat kung bakit ito ang iyong naramdaman. Gawin ito sa inyong kuwaderno.Halimbawa: Programa/ Pakikilahok Naramdaman Bakit?Palatuntunan/  Ako ang Paligsahan “A-1Nutrition Child”Month Parade 120

Isagawa Natin Pangkatin ang inyong klase sa lima. Bawat pangkat aymagpapakita ng palabas kung paano isinasagawa angsumusunod na programa/ palatuntunan/paligsahan sapaaralan. Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng 10minuto at ipakita ito sa loob ng tatlong minuto. Pangkat 1– Buwan ng Wika (sa paraang Balagtasan) Pangkat 2 – Quiz Bee (sa paraang rap) Pangkat 3 – Scouting Month (sa paraang chant) Pangkat 4 – Paligsahan sa Pag-awit DRAFTPangkat 5 – Paglalaro Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang maipakitanang maayos ang gagawin ninyong palabas. PamantayanApril 10, 2014Kasiyahang Lahat ng Isa o Tatlo oipinakita sa kasapi ng dalawang mahigit panggawain pangkat ay kasapi ng kasapi ng nagpakita ng pangkat ay pangkat ay kasiyahan sa hindi hindi pakikilahok sa nagpakita ng nagpakita ng gawain kasiyahan sa kasiyahan sa pakikilahok sa pakikilahok sa gawain gawainPakikiisa Lahat ng Isa o Tatlo o kasapi ng dalawang mahigit pang pangkat ay kasapi ng kasapi ng nakiisa sa pangkat ay pangkat ay gawain hindi nakiisa hindi nakiisa sa gawain sa gawain 121

Maging mapanuri sa panonood ng palabas ng bawatpangkat sapagkat bawat isa ang magiging hurado. Bawatisa ay may show me board na itataas kung saan nakalagayang bilang ng bituin. Isapuso NatinGawain 1 Isulat ang iyong nadarama kung kasali ka sasumusunod na larawan. Ibahagi kung bakit.DRAFT1.April 10, 2014 _____________________ ako dahil_______________________ _____________________________________________________ 122

2. _____________________ ako dahil_______________________ ______________________________________________________ 3. DRAFTApril 10, 2014 ________________________ako dahil____________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 123

Gawain 2 Piliin sa kahon ang mga gawain sa paaralan nanadarama mo ang kasiyahan kung ikaw ay nakikiisa atlagyan ng arrow patungo sa masayang mukha .Kung hindi ka naman nasisiyahan, lagyan ng arrowpatungo sa malungkot na mukha . Kung nasamalungkot na mukha, gumuhit ka ng isang malaking puso.Ilagay sa loob ng puso ang iyong gagawin upang makiisaka sa mga gawain nang may kasiyahan. Gawin ito sainyong kuwaderno. DRAFTApril 10, 2014 124

Tandaan Natin Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro, paligsahan, pagdiriwang, at iba pa. Sa pakikiisa natin sa mga gawaing pampaaralan nararapat nating gawin ito nang may kasiyahan. Makiisa tayo nang bukal sa kalooban at hindi napipilitan lang. Ang pagpapakita ng tunay na nararamdaman ay nangangahulugang tapat ka sa iyong sarili gayundin sa iyong kapuwa. DRAFTMay mga pagkakataong hindi mo nagugustuhan ang kinalalabasan ng mga pangyayari kabilang dito ang pagkatalo sa paligsahan, pagkakamali sa pagsasayaw, at iba pa. Hindi tayo dapat malungkot dito sa halip ay ipakita natin ang kasiyahan para sa kanila gayundin para sa ating sarili sapagkat naipakita natin naApril 10, 2014kaya natin ang mga gawaing ito. Isabuhay Natin Alalahanin ang mga gawaing pampaaralan na sinalihan mo noong nakaraang isang linggo. Pumili ng lima at isulat ito sa isang diary. Ilahad kung ano ang ginawa mo sa kaliwang pahina at sa kanan naman ay ilagay mo ang 125

aral na iyong natutunan sa gawain. Gawin ito sa iyongkuwaderno. DRAFTApril 10, 2014 Subukin Natin Sa isang sulatang papel, ipakita kung paano kanakikiisa sa mga gawaing pambata nang may kasiyahan.Maaari itong ipakita sa pamamagitan ng pagsulat,pagpinta, o anumang paraang nais mo. 126

Aralin 9 Halina! Tayo ay Magkaisa Ang pakikiisa sa kasayahan ay nagpapakita ng magandang kaugalian. Tulad mo, nais mo ding ipakita ang mga ngiti at maipadama ang pagiging maligaya sa kapuwa. Ito ay halimbawa ng positibong pag-uugali. Alamin Natin Basahin ang kuwento. DRAFTAng Kaarawan ni Luis Araw ng Sabado, maagang gumising si Luis sapagkat ito ang kaniyang ikawalong taong kaarawan. Agad niyang inihanda ang kaniyang sarili para sa pagsimba. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Rosa na pumunta saApril 10, 2014simbahan upang magpasalamat sa biyaya ng buhay na kaloob ng Poong Lumikha. Agad silang umuwi ng bahay. Tinulungan nila ang kanilang ina sa paghahanda ng mga pagkaing ihahain sa kaniyang kaklase sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Hindi nagtagal ay unti-unti nang dumating ang mga bisita ni Luis sa kanilang bahay. Nang makita ng kaniyang panganay na kapatid na si Rizza na halos lahat ng mga bisita ay dumating na ay pinasimulan na ang palatuntunan. Bilang pasimula nagdasal muna sila sa Diyos para magpasalamat at pagkatapos ay sabay-sabay na umawit ang lahat ng Happy Birthday. 127

Masayang-masaya si Luis sapagkat nakiisa angkaniyang mga kaklase, kaibigan, at kalaro sa bawatDRAFTisinagawang palaro tulad ng balloon relay, egg catching,paper dance, at stop dance. Ngunit ang pinakamasaya at hindi makakalimutangpalaro na bring me sapagkat nanalo ang grupo ni Luis saApril 10, 2014palarong ito. Ang bawat kasapi ng pangkat ay nakiisa atnagtulungan sa pagdadala ng mga hinihinging bagay.Nang napagod na at makaramdam na rin ng gutom, ayisinagawa na ang konting salo-salo sa kaniyang kaarawan. Umuwi nang may ngiti sa mga labi ang dumalo sakaarawan. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang okasyon at maagang gumising si Luis? 2. Bakit masaya si Luis sa kaniyang kaarawan? 3. Saan pumunta sina Luis at Rizza? Bakit? 4. Dapat ba tayong magpasalamat sa Poong Maykapal sa kaloob na biyaya ng buhay? Bakit? 128

5. Sa inyong palagay, ano ang sekreto o dahilan at nanalo ang grupo ni Luis sa palaro? Isagawa Natin Gawain 1 Suriin ang sumusunod na scrambled letters. 1. a d n a b DRAFT2. y a b a n g i n 3. i n k a p a gApril 10, 20144. sebopala 5. s i s p r u y o n 6. s a m i Ang mabubuong salita ay tungkol sa pagdiriwang ng pista. Maaaring ito ay pagkain, laro, at iba pang makikitang may kaugnayan sa pista. Isulat ang nabuong salita sa 129

bawat piraso ng banderitas. Gawin ito sa inyongkuwaderno. DRAFTGawain 2April 10, 2014Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunoto makatatanggap ng isang sitwasyon na nakasulat sakapirasong papel o metacards. Pag-usapan ang inyonggagawin.Pangkat 1 Habang naglalaro kayo sa iyong bakuran ng iyongmga kaibigan ng taguan, nakita mo na tahimik lang nananonood sa labas si Margo. Napagkasunduan ninyo siyangyayaing makipaglaro sa inyo. Gumawa ng usapan o forumtungkol sa sitwasyon para maipakita ang pagkakaisa sanapagkasunduan.Pangkat 2 130

Hinding-hindi ninyo makalilimutan ang ganda ng isangpasyalan o parke sa inyong lugar. Ano ang dapat ninyonggawin para mapanatili ang kalinisan, kagandahan, atkaligtasan sa panganib? Gumawa ng poster paramaipakita ang pagkakaisa sa gawain.Pangkat 3 Magkakaroon ng paligsahan ng Munting Ginoo atBinibini sa inyong lugar o barangay sa susunod na buwan.Gumawa ng anunsyo para maipakita ang pagsuporta sapaligsahan.Pangkat 4 DRAFTMagkakaroon ng Summer Basketball League sa inyongbarangay sa susunod na buwan. Bumuo ng isangmasiglang sayaw o “cheer dance” para maipakita angpakikiisa sa gawaing ito. May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda sa nabunot na sitwasyon o gawain.April 10, 2014Ipakikita ng bawat pangkat ang inihandang gawain sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto lamang.Gagamitin ang rubric sa pagtataya ng palabas. Mga 32 1 PamantayanHusay ng Lahat ng 1-2 kasapi 3-4 naPagkaganap kasapi sa ng pangkat kasapi ng pangkat ay ay hindi pangkat ay nagpakita nagpakita hindi ng husay sa ng husay sa nagpakita pagganap pagganap ng husay sa pagganap 131

Akma/ Naipakita Naipakita HindiTamang nang nang naipakitasaloobin sa maayos at maayos angsitwasyon may tiwala ngunit may tamang ang pag- saloobin sa tamang aalinlangan sitwasyon saloobin sa ang sitwasyon tamang saloobin sa sitwasyonIsapuso NatinDRAFTIguhit ang masayang mukha ( ) kung angpangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa bataApril 10, 2014ang iyong sagot sa kuwaderno.at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi. Isulat1. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito.2. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa barangay.3. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa kaibigan.4. Palakaibigan sa mga bagong lipat na kapitbahay.5. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa pamayanan.6. Pagtulong sa mga kaklase sa paggawa ng takdang- aralin.7. Pagkukulong sa loob ng bahay dahil sa mga kalarong batang madungis. 132

8. Pakikipag-away sa mga kalaro kapag siya ay natalo sa laro. 9. Pagbabahagi ng mga natutuhang aralin o leksyon sa lumiban na kamag-aral. 10. Kusang-loob na nakikiisa sa pagtatanim ng mga halaman sa paaralan o barangay. Tandaan Natin Ang kabutihan ay kagandahan ng kalooban. Ang kagandahang-loob ay katangiang dapat na ibang tao ang nagsasabi at hindi ang sarili. Upang masabi nila ito, nakikita nila ito sa kilos at pag-uugali ng tao. DRAFTAng kagandahang-loob ay isang konseptong may kinalaman sa katauhang angkin ng isang tao. Ito rin ang susi kung ano ang uri ng pakikipagkapwa ang maipapamalas ng tao. Ang bawat bata ay may kani-kaniyang katauhan atApril 10, 2014katangian. Lubos na kasiya-siya kung maipakikita nang taos- puso ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating kapwa sa pamayanan at hindi naghihintay ng anumang kapalit. 133

Isabuhay Natin Lagyan ng tsek () ang kolum ng inyong sagot. Isulat itosa kuwaderno.Mga Sitwasyon Opo Minsan po Hindi po1. Sumasali ka ba sa mgalarong pambata nangmay kasiyahan?2. Sumasali ka ba sapaligsahan upangmaipakita ang iyongnatatangingDRAFTkakayahan?3. Nagtatago ka ba sa iyong Nanay kapag ikaw ay inuutusan sa mga gawaing bahay?April 10, 20144. Inanyayahan mo baang kapuwa mo batasa inyong lugar sapaglalaro?5. Ipinagyayabang moba ang iyongnatatangingkakayahan sa inyongmga kalaro, kaibigan,o kapitbahay? 134

Subukin Natin Iguhit ang bituin ( ) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang pakikiisa sa kapuwa sa mga programang pambata. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Niyaya ni Jessa ang bagong lipat na kapitbahay na galing sa Batanes sa paglalaro ng patintero. 2. Kalilipat lang ng pamilya nila Noel sa Manila. Dahil dito nahihirapan siyang makipag-usap sa mga bagong kaibigan kaya hindi siya isinama sa paglalaro. DRAFT3. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak na sayaw sa kanilang barangay. 4. Ikinagalit ng lider ng pangkat ang pagsali ni Baron sa kanilang pagsayaw dahil sa kaniyang suot na lumangApril 10, 2014damit. 5. Dumadalo ako sa pag-eensayo ng aming grupo para sa darating na Summer Basketball League. Natapos mo na naman ang isang aralin. Hinangaan kita sa iyong pagtiTiyaga. Pinatunayan mong isa kang batang may mabuting kalooban. Maligayang bati! 135

Yunit III Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo DRAFTApril 10, 2014 136

Aralin 1 Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin Kaakibat sa pag-unlad ng bayan ang pagbabago.Dapat mong panatilihin, mahalin, at ipagmalaki ang iyongmga kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa kabila ng mgapagbabagong nagaganap sa lipunan at daigdig.Alamin Natin Gumupit o gumuhit ng bituin. Masdan ang mgakahong nasa ibaba. Bawat kahon ay may mga aksyon naDRAFTmaaari mong ginagawa o sinasalita. Lagyan ng bituin angkahon kung ito ay iyong ginagawa o sinasalita. 2 “Magandang gabi po, G. ____.” 1 “Maaari po bangApril 10, 2014magtanong?” 3Gumagamit ngpo at opo sapakikipag-usap. 4 5“Ate, aalis na po Nagmamano saako.” mga nakatatanda. 137 nakatatanda

Tulungan mo ang iyong guro na bilangin kung ilangbituin ang inilagay ng inyong klase sa bawat kahon. Sumalisa talakayan sa pagsagot sa sumusunod na tanong.  Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa kahon?  Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?  Sa iyong palagay, nararapat ba ninyo itong gamitin? Bakit? Isagawa Natin Sa limang pangkat na nabuo ng inyong klase, bawatDRAFTpangkat ay bibigyan ng sitwasyon upang pag-usapan kungpaano maipakikita ang magandang kaugaliang Pilipino.Pagkatapos itong pag-usapan, isadula ito sa klase. Gamitinang pamantayan na nasa ibaba.April 10, 2014Sitwasyon 1 Isang gabi, dumating sa inyong bahay ang mga kaibigan ng inyong Nanay na sina Aling Cora, Aling Belen, at Aling Mila. Kilala ninyo sila, subalit kayo pa lang magkakapatid ang naroon. Hindi pa dumarating mula sa trabaho ang inyong Nanay at Tatay. Ano ang inyong dapat gawin? Sitwasyon 2 Isinama kayo ng inyong Tatay sa isang piyesta sa kalapit baranggay. Marami kayong gustong malaman tungkol sa pagdiriwang na ito. Ano ang gagawin ninyo at papaano ninyo ito sasabihin? 138

Sitwasyon 3 Sabado ng hapon. Naglalaro kayong magkakaibigan. Dumaan ang inyong guro sa inyong harapan. Ano ang dapat ninyong gawin?Sitwasyon 4 May hinahanap na lugar ang isang matandang babae. Nagtanong siya sa inyo. Ano ang inyong sasabihin at gagawin?Sitwasyon 5 Nagkaroon ng family reunion ang inyong pamilya. Dumating ang inyong mga Tiyo at Tiya. Ano ang inyong gagawin? DRAFTPamantayan 3 211. Pagpapakita Naipakita o Isang beses Dalawango naipahayag na hindi beses o higitpagpapahayag nang tama naipakita o pa na hindi naipahayag naipakita o nang tama naipahayag ang nang tamang mgaApril 10, 2014Pilipinoangkaugaliang kaugaliang Pilipino kaugaliang ang Pilipino kaugaliang Pilipino2. Pakikilahok Lahat ng Isa sa mga Dalawa ong mga kasapi kasapi ng kasapi ng higit pangng bawat grupo ay grupo ang kasapi nggrupo nakilahok hindi grupo ang nakilahok hindi nakilahok 139

Isapuso Natin Isulat sa metacards kung saan at kanino mo ginagawao sinasalita ang sumusunod na kaugaliang Pilipino. Ilagaysa tsart ang inyong mga kasagutan. Halimbawa: pagmamano, pagsasabi ng po at opo, at iba pang magagalang na salita Kaugaliang Pilipino DRAFTHal. 1. PagmamanoApril 10,Saan/kailankanino 2014a. tuwing aalis at a. magulangdarating ngbahay b. Lola at Lolo 140

Tandaan Natin Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin at panatilihin ay ang pagmamano, paggamit ng “po” at “opo”, at paggamit ng iba pang magagalang na salita. Ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng ate, kuya, diko, ditse, manong, manang at iba pa sa ating mga nakatatandang kapatid ay likas din sa ating mga Pilipino. Wala itong katumbas na salita sa ibang wika. May mga bayan sa ating bansa na hindi gumagamit ng mga salitang ito ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila magalang. DRAFTMahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa kapuwa. Bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapakita ng paggalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ang pagmamano ay isang pagpapakita ng paggalang naApril 10, 2014tanging sa mga Pilipino lamang natin makikita. Dapat natin itong panatilihin at huwag iwaksi sa ating buhay. Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino gaya ng mga nabanggit ay sadyang napakasarap pakinggan at nagpapakita ng respeto sa bawat isa. 141

Isabuhay NatinGawain 1Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ngmagagandang pag-uugali. Alin sa mga ito ang kaugaliangPilipino? Bakit? AB DRAFTApril 10, 2014 CD 142

EFGawain 2Magkaroon ng isang telesuri. Suriin ang isang programa satelebisyon sa loob ng isang buwan. Itala ang mgaDRAFTkaugaliang Pilipino na ipinakita sa programa. Isang Telesuri sa Programang ______________________April 10, 2014PetsaKaugaliang Paraan ng Tama ba Kung hindi, Pilipino pagpapakita nito ang Paraan paano ito dapat ipakita Pagkaraan ng isang buwan, sumulat ang buong klaseng isang pagsusuri batay sa inyong itinala sa tele-suri.Ipadala ito sa estasyon ng telebisyon o radyo gamit ange-mail. 143

Magpasalamat sa istasyon ng radyo at telebisyon kungito ay mabibigyan ng pansin ng mga kinauukulan. Kunghindi naman ay ituring ito na isang magandang karanasan. Subukin Natin Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang ipinakitasa bawat sitwasyon. 1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano. 2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano DRAFTka at siya ay iyong pinatuloy. 3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po Lolo.April 10, 2014Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.” 4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan, ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang pasigaw na parang galit. 5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil mag- aaral pa siya ng kaniyang mga aralin. Mahusay! Matagumpay mong natapos ang araling ito.Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin. 144

Aralin 2 Kalugod-lugod Ang Pagsunod Sa araw-araw mong pamumuhay, ang mga tagubilin ng mga nakatatanda ay isa sa mga dapat na isaalang- alang upang maging maayos ang iyong buhay. Ang mga tagubilin na ito ay may kaugnayan sa pagiging magalang, matapat, pagkamaagap, at iba pa. Alamin Natin Natatandaan mo ba ang mga paalala ng mga DRAFTnakatatanda? Isulat mo ito sa isang papel at idikit sa caterpillar na iyong iguguhit sa kuwaderno. Idikit mo sa kurbang malapit sa ulo ang pinakamadalas mong sinusunod at sa may buntot naman ang minsan mo namang sinusunod.April 10, 2014 Ano ang dapat mong gawin sa mga tagubilin ng nakatatanda? Bakit? 145

Isagawa Natin Ang bawat pangkat na nabuo sa klase ay bibigyan ngmga sitwasyon na may mga tagubilin ng nakatatanda.Magtulungan kayong magdesisyon kung dapat bang sundinang kanilang mga tagubilin. Isulat ito sa loob ng tsartkatulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa inyong kuwaderno.SuliraninTagubilin Mga Pamimiliang DesisyonOpsyon 1 ______________________ ______________________ DRAFT______________________ Opsyon 2 ______________________ ______________________ ______________________ Hindi mabuting epektoMabuting Hindi MabutingEpekto mabuting Epekto epektoApril 10, 20141. 1.2. 2.3. 3.Desisyon:Sitwasyon 1 Tagubilin ng iyong mga magulang na huwag sasali sa usapan ng matatanda. Isang araw, nag-uusap ang Nanay mo at ang kaniyang kaibigan. Narinig mong pinag-uusapan ang isang pangyayari sa inyong paaralan na iyong nasaksihan. Subalit may maling impormasyon silang nabanggit. Ano ang dapat mong 146

gawin? Sitwasyon 2 Ang sabi ng iyong ina, kailangang umuwi agad sa bahay pagkagaling sa paaralan. Nang araw na iyon, may mahalagang proyekto kayong gagawin at kailangang matapos ito. Ano ang dapat mong gawin? Sitwasyon 3 Ang bilin sa iyo ng mga nakatatanda ay magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay sa iyo. Isang araw, gustong-gusto mong magkaroon ng magandang manika. Dumating ang iyong Tiyo na may dalang pasalubong para sa inyong magkapatid. Binigyan ka ng magandang bag at ang kapatid mo naman ay binigyan ng isang magandang manika na DRAFTgustong-gusto mo. Ano ang dapat mong gawin?April 10, 2014IsapusoNatin Gawain 1 Magbalik-tanaw. Mag-isip ng isang tagubilin ng nakatatanda na hindi mo nasunod. Gumawa ng isang card na nagsasaad ng pagsuway mo noon sa isang tagubilin, ang naging epekto nito sa iyo at kung ano ang gagawin mo mula ngayon. Ibigay ito sa taong nagbigay sa iyo ng tagubilin. Gawain 2 Magtanong sa inyong mga magulang at mga kasambahay na nakatatanda kung ano-ano ang kanilang mga tagubilin. Igawa ito ng talaan. Dalhin at iulat ito sa klase kinabukasan. 147

Tandaan Natin: Ang mabuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ngpagsunod sa tamang tagubilin o paalaala ng mganakatatanda ay hindi natin dapat kalimutan. Atin itongisabuhay at pahalagahan. Isa sa maipagmamalaki natin bilang Pilipino ay angpagiging masunurin. Iminulat tayo sa kaisipang dapatnating sundin ang mga tagubilin o paalala ng mganakatatanda sa atin sapagkat sila ay may higit nakaranasan sa atin na nagsisilbing karagdagan sa kanilangkaalaman. Ang mga pangyayaring nararanasan natin aymaaari na nilang napagdaanan kung kaya’t mayroon nasilang sapat na kaalaman sa kung ano ang higit natamang desisyon. Ang pagsunod natin sa kanila ay tandaDRAFTng paggalang sa mga nakatatanda. Subalit may mga pagkakataong labag sa atin angpagsunod o ayaw nating sundin ang kanilang utos. Ngunithindi tayo dapat magdabog sa halip sabihin natin angApril 10, 2014tamang dahilan nang maayos. Dapat nating matutuhang timbangin ang mgatagubiling ibinibigay sa atin. Lagi nating isaisip na angmagiging desisyon natin ay magdudulot ng kabutihan salahat. 148

Isabuhay Natin Gamit ang talaan ng mga tagubilin na ibinigay ngmga nakatatanda, suriin kung tama ang kanilang mgatagubilin. Gumawa ng talaan tulad ng nasa ibaba. Kulayan ngpula ang tapat ng tagubilin kung ito ay nasunod mo.Obserbahan ang iyong sarili sa loob ng isang buwan. Saisang araw na may nagawa kang pagsunod, palagyan itong lagda sa ilalim ng talaan bawat araw.DRAFTTalaan ng mga Tamang Tagubilin ng mga Nakatatanda Buwan ng _______________________ Mga Tagubilin/ Bilang ngApril 10, 2014araw 12 3 4 5 6 7Lagda ngMagulang/Guardian 149


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook