Subukin Natin Punan ang graphic organizer. Isulat ang sagot sainyong sagutang papel.Ang bilin ng mgamagulang ko ay________________________ Upang ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ DRAFT________________________.Kaya dapat ko itong_____________________dahil _______________ ___________________April 10, 2014____________________ Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain saaraling ito. Binabati kita. Maaari mo nang gawin angsusunod na aralin. 150
Aralin 3 Sumunod Tayo sa Tuntunin Bilang bahagi ng lipunan, may mga tuntunin ang pamayanan na dapat mong sinusunod. Ito ay tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Alamin Natin DRAFTApril 10, 2014 Sa dalawang pangkat na nabuo ng klase, hulaan kung anong tuntunin ng pamayanan ang ipinakikita ng isang pangkat sa paraang pantomina. Ang makapagsasabi ng mensahe nang ipinakitang pantomina ang siyang magkakaroon ng puntos. Ano-ano ang mga tuntunin ng pamayanan na pinahulaan sa inyong gawain? Tama ba ang pagkaganap ng mga nagpapahula sa pagsunod sa tuntunin ng pamayanan? Ano ang iyong naramdaman sa gawaing ito? 151
Paano mo maipahahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino? Isagawa NatinA. Ang paaralan ay isang uri ng munting pamayanan na binubuo ng mga guro at mag-aaral. May mga tuntuning pinaiiral sa loob ng paaralan at inaasahan na ang bawat kasapi nito ay susunod. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng pagbabalita ukol sa sumusunod na tuntunin na mayroon sa paaralan. Ito ay gagawin ng bawat pangkat matapos makapangalap ng sapat na impormasyon at mga larawan na nagsisilbing patunay ngDRAFTinyong ulat. A. Tuntunin ng pamayanan Pangkat 1 – sa main gate ng paaralan Pangkat 2 – sa silid-aklatanApril 10, 2014Pangkat 3 – sa silid-aralan Pangkat 4 – sa kantina Pangkat 5 – sa palikuran B. Paano sinusunod ang tuntunin sa bawat bahagi ng inyong paaralan? Maaari kayong magpakita ng mga larawan o isinagawang panayam/interbyu bilang patunay na sinusunod ang tuntunin. C. Ano ang hakbang/programa na ginagawa ng inyong paaralan upang masunod ang mga tuntunin nito? D. Ano ang magagawa ninyo bilang mag-aaral upang masunod ang mga tuntunin? 152
Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarkang pangkatang gawain.Pamantayan Deskripsyon Puntos 10Nilalaman ng Naipahayag nang lubos ang 5ulat ulat hinggil sa tuntunin ng 5 paaralan; kung paano ito sinusunod, mga programang ginagawa at kung ano ang magagawa bilang bataLawak ng May sapat na impormasyongimpormasyong nakalap ng pangkatnakalapPatunay sa Nakapagpakita ng mgaimpormasyong patunay sa impormasyongDRAFTnakalap nakalapSagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang mga tuntunin na ipinakita ng bawat pangkat? 2. Ano ang naramdaman mo nang isinasagawa naApril 10, 2014ninyoanggawain? 3. Ano ang tumimo sa iyong puso habang isinasagawa ang gawain? Bakit? Isapuso Natin Pumili ng isang tuntunin ng paaralan na hindi momadalas sinusunod. Sumulat sa isang sagutang papel ng 153
isang pangako na tumutukoy sa iyong mga gagawin upangmakasunod sa tuntuning ito. Isulat ito sa inyong kuwaderno. Sa aking mga kapwa mag- aaral, Ako ay nangangako na ______________________________________ ______________________________________ ____________________________. DRAFT___________ (Lagda)April 10, 2014TandaanNatin Kahit tayo ay bata pa lang, may magagawa tayongparaan upang makapagpahayag na ang pagsunod satuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Ang paaralan ay isang pamayanang kinabibilangannatin. Dito natin madalas ginugugol ang ating oras samaghapon. Dito rin tayo tinuturuan ng tamang pagsunod samga tuntunin ng ating pamayanan. Sa ating paaralan at tahanan, may mga tuntuningipinasusunod sa atin. Ang mga ito ay pinag-isipang mabuting mga nanunungkulan at namamahala ng ating mga 154
paaralan upang maging maayos ang takbo ng ating paaralan at tahanan. Ito rin ang magsisilbing praktis natin upang masunod din natin nang maayos ang mga tuntuning ipatutupad naman ng ating bayan at bansa. Huwag nating balewalain ang mga simpleng tuntuning ito. Isabuhay Natin DRAFTPunan ng kasagutan ang sumusunod na pick-up lines na naglalaman ng iyong ginagawang pagsunod sa mga tuntunin. Hal. Hangin ka ba? Bakit? Kasi, pag nasa simbahan wala kang kaingay-ingay.April 10, 20141. Batas trapiko ka ba? Bakit? Kasi ______________________________________ 2. Hardinero ka ba? Bakit? Kasi ______________________________________ 3. Janitor ka ba? Bakit? Kasi ______________________________________ 155
Subukin NatinSagutan ang sumusunod na tanong sa inyong kuwaderno. Ano ang dapat mong gawin kung… 1. nakita mong hindi nakahanay ang iyong kaklase sa pagbili sa kantina? 2. ang iyong kaibigan ay gumagamit ng radyo sa loob ng silid-aklatan? 3. pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng paaralan? 4. nagtapon ng tissue paper ang iyong kapatid sa toilet bowl ng palikuran? 5. umaakyat ang isang bata sa bakod ng paaaralan DRAFTupang makapasok?April 10, 2014Mahusay ang iyong ginawa. Lubos mo nangnaunawaan ang aralin. Binabati kita. Maaari mo nanggawin ang susunod na aralin. 156
Aralin 4 Ugaling Pilipino ang Pagsunod Natatandaan mo pa ba ang mga tuntunin sa iyong pamayanan? sa paaralan? sa simbahan? sa parke at pamahalaan? Alamin Natin Naglalaman ng mga tuntunin sa ating pamayanan ang bola sa ibaba. Hanapin ang mga ito sa tulong ng picture clues. DRAFTApril 10, 2014 Gamit ang kulay na nakasaad sa ilalim ng bawat picture clues, kulayan ang mga salitang bubuo sa bawat 157
alituntunin. Nararapat na magkakarugtong ang mgasalitang bubuuin. Gawin ito sa sagutang papel.A. Dilaw B. Kahel DRAFTApril 10, 2014C. Berde D. AsulSagutin ang mga tanong. Ano-ano ang mga tuntunin na nakita mo sa gawain? Palagi mo bang naisasagawa ito? Ano ang nararamdaman mo kung may nakita kang lumalabag sa mga tuntunin ng pamayanan? Bakit? 158
Isagawa Natin Kung oobserbahan natin ang mga pangyayari sa ating paligid, may mga tao pa ring hindi nakasusunod sa mga tuntunin at patakaran sa ating pamayanan. Bilang bata, kaya mong makatulong sa pagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Advocacy Program Magplano ng isang advocacy program na magpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino lalo na ng batang tulad ninyo. DRAFTIpapakita ito ng bawat pangkat sa pamamagitan ng sumusunod na paraan. Pangkat 1: Paggawa ng tugma/tula Pangkat 2: Pag-awitApril 10, 2014Pangkat 3: Pagguhit/Poster-making Pangkat 4: Pagsasadula/Debate Pangkat 5: Pagsasayaw /Interpretative DanceGamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarkang inyong gawain. 321Nilalaman ng Naipahayag Hindi lubos Walangpahayag nang lubos na naipahayag ang nais naipahayag na tungkol ipaabot ang tungkol sa pagsunod tungkol sa sa pagsunod sa tuntunin pagsunod sa sa tuntunin ng 159
tuntunin ng ng pamayanan pamayanan pamayanan Hindi nakapagpa-Paraan ng Naipakita Hindi lubos kita ng nais ipaalam sapagpapahayag nang na naipakita nakikinig/ nanonood maayos ang ang nais Tatlo o higit pang kasapi nais ipaalam ipaalam sa ng pangkat ay hindi sa nakikinig/ nakikinig/ nakiisa nanonood nanonoodPakikiisa ng Lahat nang Isa omga kasapi kasapi ng dalawang pangkat ay kasapi ng nakiisa pangkat ay hindi nakiisa Maganda at maayos ang ipinakita ng bawat pangkat.Ano ang naramdaman ninyo sa inyong ipinakitang palabasDRAFTat gawain. Isapuso NatinApril 10, 2014Sumulat ng maikling talata na tumutukoy kung paanomo maipapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ngpamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ngPilipino. Tandaan Natin Layunin ng ating pamahalaan na maging maayos at maunlad ang ating bansa kung kaya gumawa sila ng tuntunin o alituntunin na dapat sundin. Nasasaad sa Philippine Agenda 21 Tipan ng Bayan Tungo sa Likas-Kayang Pag-unlad na ang tao ang siyang nararapat na nasa buod ng mga gawaing 160
pangkaunlaran. Dapat tayong manindigan sa ating karapatang pantao tungo sa isang ligtas, matahimik, at mapayapang pamumuhay. Bilang isang batang Pilipino, dapat nating isipin at ipahayag kung paano natin sinusunod ang mga tuntunin sa ating pamayanan. Malaki ang maitutulong natin sa pag-unlad ng ating bayan kung susunod tayo sa mga tuntunin. Sa pagsunod para sa mabuting layunin ay maipakikita natin ang mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. DRAFTIsabuhay Natin Ano ang dapat mong sabihin kung ikaw ang nasaApril 10, 2014larawan? Isulat ito sa iyong sagutang papel. 161
DRAFTApril 10, 2014 162
DRAFTSubukin Natin Sumulat sa isang papel ng isang islogan na nagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ngApril 10, 2014isangPilipino. Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain sa araling ito. Lalo mo pang paigtingin ang iyong kaalaman sa susunod na gawain. 163
Aralin 5 Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan Ang pagpapanatili ng malinis na tahanan aymakakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawatkasapi ng pamilya. Ang pakikiisa ay makatutulong nanglubos upang mapagaan ang gawain ng isa’t isa. Alamin NatinSuriin ang mga larawan. DRAFTApril 10, 2014Sagutin ang mga tanong. 1. Alin sa dalawang larawan ang gusto mo? Bakit mo ito nagustuhan? 2. Nagpapakita ba ang napili mong larawan ng pakikiisa at pagiging malinis na tahanan? 3. Bilang miyembro ng pamilya, ano ang magagawa mo upang mapanatiling malinis ang inyong tahanan? Isa- isahin ang mga ito. 4. Ano ang iyong naramdaman kapag nakikita mong malinis o marumi ang inyong bahay? Pangatwiranan. 164
Isagawa Natin Gawain 1 Gumuhit ng isang larawang nagpapakita na ikaw ay nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng inyong tahanan. Ipaliwanag sa klase ang iginuhit mo at lagyan ito ng pamagat. Gawain 2 1. Bumuo ng limang pangkat. Tingnan ang larawang nagpapakita ng bahagi ng bahay. Pumili ng parte ng DRAFTbahay at isulat kung paano mapananatiling malinis ang mga bahaging ito. 2. Ipaliwanag sa harap ng klase ang inyong ginawa.Ano ang iyong naramdaman nang makita mong malinis at maayos ang inyong bahay?April 10, 2014 165
Isapuso Natin Lagyan ng tsek () ang hanay na nagsasaad kunggaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na gawain atisulat ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa.Mga Gawain Madalas Minsan Dahilan 1. Ako ay responsable sa gawaing bahay dahil pinapahalagahan ko ang magandang turo ng aking mga magulang. 2. Tumutulong ako sa DRAFTaking pamilya sa paglilinis upang maging maayos ang aming tirahan at kaaya-ayangApril 10, 2014pagmasdan. 3. Nakikiisa ako sa paglilinis ng aming barangay para maiwasan ang mga sakit. 4. Ginagawa ko nang buong puso ang pagtulong sa aking mga magulang upang mapagaang ang kanilang trabaho. 5. Nakatutulong ako sa aming barangay sa 166
pagtatanggal ng nakaimbak na tubig sa gulong, lata, bote, at iba pa upang hindi mapamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue. Tandaan Natin Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kalinisan sa loob at labas ng tahanan ay nakasalalay sa ating pag-iisip at disiplina. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng DRAFTpamilya sa pagpapanatili at pangangalaga sa kalusugan ng bawat kasapi nito. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga gawaing pangkalinisan at pangkalusugan sa tahanan. Sa pagiging malinis ng tahanan kasama nito ang pansariling kalinisan at kalusugan ng katawan, isipan, at damdamin ng bawat kasapi. Isa ring pinagtutulungan ang maayos na pangangasiwa sa kapaligiran kung saan bahagi nito angApril 10, 2014simpleng halimbawa ng maayos at maingat na pagtatapon ng basura. Ang pagkakaroon ng disiplina ng lahat ng mag-anak para sa kalinisan ng tahanan ay malaki ang epekto sa buong pamayanan at papalawak sa iba pang pamayanan. Inaasahang maisasauhay ng bawat mag- anak nang may pagkakaisa para sa kabutihan ng lahat. 167
Isabuhay Natin A. Gumawa ng talaan ng iyong gawain sa tahanan na nagpapakita ng iyong pakikiisa sa pagpapanatili sa kalinisan. Lagyan ng tsek ang bawat araw kung ito ay iyong nagawa. Maging tapat sa paglalagay ng marka. Tularan ang talaan sa ibaba.Gawain Mga Araw Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado1.2.3.4. DRAFTLagda________________ April 10, 2014SubukinNatin Sa talaang nagawa sa loob ng isang linggo ukol sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong tahanan, punan mo ang bawat pangungusap ng wastong salita na bubuo sa diwa nito. 1. Batay sa talaan, masasabi kong ako ay ____________ 2. Mahusay kong nagagampanan ang _______________ 3. Batay sa talaan, bihira kong ________________________ 4. Dahil sa aking natuklasan, sisikapin kong ____________ 5. Matapos ang araling ito, susubukin kong ____________ Naisakatuparan mo nang maayos ang mga gawain sa araling ito. Maaari ka nang maghanda sa susunod na aralin. 168
Aralin 6 Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan Ang pagpapanatili ng malinis na pamayanan ay makakamit sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura. Disiplina ang kailangan upang mapaganda ang ating kapaligiran. Alamin Natin Alamin Natin Gawain 1 - Awitin ang tula sa paraang rap. Kalinisan sa Aming Paaralan Dito sa aming masayang paaralan, DRAFTBinibigyang-diin itong kalinisan. Pagtapon ng basura kung saan-saan, Hindi nararapat kayaApril 10, 2014Dapat ‘di tularan. Guro’t mag-aaral ay nagtutulungan, Sa linis at ayos ng paaralan. Dulot nito’y ganda sa ating kalusugan, Siguradong sakit ay maiiwasan. Ang mga basura’y pinaghihiwalay, Bulok at di-bulok tama ang pagkalagay. Ito’y disiplina na siya naming taglay. Mithiin sa kalinisan ay siyang laging pakay. 169
Sagutin ang sumusunod na tanong:1. Anong klaseng paaralan ang tinutukoy sa tula?2. Saan dapat nakalagay ang mga nabubulok at di- nabubulok na basura?3. Bakit kailangang magtulungan ang mga guro at mag- aaral para sa kalinisan?4. Ano ang naidudulot ng kalinisan sa buhay ng mamamayan?Gawain 2 Sagutan ang crossword puzzle. Ang mga kasagutandito ay may kaugnayan sa nakaraang Gawain.. DRAFT2.B 5.L 4.B1. DAp3.ril 10,S 20N 14Gabay sa paglalaro ng puzzle. 1. Ito’y kailangan upang bayan ay sumulong sa kaunlaran. 2. Dito inilalagay ang mga basura. 3. Ang mga halaman ay dapat __________ upang di mamatay. 4. Lugar kung saan kabilang/kasama ang kapitan. 5. Tumutukoy sa maayos at __________ na pamumuhay. 170
Isagawa Natin Gawain 1 Gumuhit ng isang larawang nagpapakita na ikaw ay nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng inyong paaralan. Ipaliwanag sa klase ang iginuhit mo. Gawain 2 Bumuo ng limang pangkat. Pumili sa mga ginawang larawan sa Gawain 1 at pagsama-samahin ito at ilagay gaya ng porma sa ibaba. Lagyan ito ng pamagat at DRAFTpangungusap. Ipaliwanag sa harap ng klase ang inyong ginawa.April 10, 2014 Kalinisan at Kaayusan _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _____________________________________________________________. 171
Isapuso Natin Batay sa mga larawang ipinakita sa nakaraanggawain, may mga gawaing maaaring gampanan ng isangmag-aaral naIptiunlaakditamsoa. Pumili ng pangungusap na naismong buuinnaaykoanrasaanggawaing nais mong tanggapin upangmapanatili ang kalinisan sa inyong pamayanan.1. Nagtatapon ako ng basura 1. Hindi ako ang dapatsa wastong lalagyan magtapon ng basura sapagkat __________________ _______________________________.2.Ginagamit kong muli angDRAFTmga basurang sapagkat_______________ _______________________. 2. Hindi ko na lang gagamitin ang mgapakikinabangan pa basurang pakikinabangan pa dahil__________________ ______________________. 3. Nasanay na akong dahil_______________________ _________________________.April 10, 20143. Hinihiwalay ko angnabubulok at di-nabubulok pagsamahin ang bulokna basura dahil____________ at di-nabubulok na__________________________. basura dahil____________ ______________________.4. Itinatapon ko nang maayos 4. Susunugin ko ang mgaang mga dahon at basura sa dahong nalalaglag satamang lalagyan___________ mgapuno________________________________________. ______________________.5. Susunod ako sa babala na 5. Itatapon ko ang basuraitapon ang basura sa inilaang sa ilog, kanal, attapunan___________________. estero_________________. 172
Tandaan Natin Ang kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan ay nagiging isang magandang tanawin at nagpapakita ng ligtas na lipunan. Bawat isa sa atin ay dapat maging responsable at pairalin ang disiplina sa kalinisan upang makamit natin ang kaaya-ayang tirahan at bayan. Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ang lahat ng mamamayan ay dapat na magkatuwang sa paggawa ng solusyon sa mga problemang may kinalaman sa ating kapaligiran. Mapalad po ang ating barangay sa tulong ng ating pamahalaan sapagkat may katuwang tayo sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating lugar. Ang paghihiwalay ng DRAFTmga bulok at hindi nabubulok na basura at paraan ng pagtatabi at pagtatapon nito ay palagian nating ipinaaalala sa ating mga kabarangay. Ang waste management o tamang pamamahala ng mga basura ay dapat isagawa ng bawat mamamayang tulad mo na mayApril 10, 2014malasakit sa ating kapaligiran. Ang pakikiisa sa iba’t ibang programang pampaaralan para sa pagpapanatili ng kalinisan ay pagmamalasakit sa kapaligiran ng ating pamayanan at lipunang ginagalawan. 173
Isabuhay NatinGawin ang sumusunod: 1. Lumabas ng silid aralan sa pamumuno ng guro at sama-samang magmasid sa mga tauhan ng paaralan na nangangasiwa sa basura ng buong paaralan. Itala ang nakitang proseso ng maayos na pagtatapon ng basura. 2. Pag-usapan kung ang mga namasid ay naisasabuhay na sa kani-kanilang tahanan at pamayanan. 3. Gumawa ng schedule ng palitang pagbibisita sa pinakamalapit na barangay upang makita ang uri ng tapunan ng basura. DRAFTSagutin ang sumusunod na tanong: Ano ang naobserbahan ninyo sa paraan ng pagtatapon ng basura sa inyong paaralan? Sa inyong palagay, makakatulong ba ang mga prosesong ito upang mapanatiling malinis ang atingApril 10, 2014kapaligiran? Bilang isang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano pa ang maitutulong mo maliban sa waste management para mas maging maayos at maayos ang inyong pamayanan? Subukin Natin A. Bilang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan, gumawa ng isang gawaing tumutugon dito gaya ng pagbubukod-bukod 174
ng mga basura. Maaaring tumulong sa tauhan ngpaaralang pinuntahan sa katatapos na gawain okaya naman ay gawin ito mismo sa loob ng inyongsilid-aralan. Magagamit ang mga pamantayan saibaba sa pamamagitan ng paglagay ng sa hanayng Oo o Hindi. Batayan Oo Hindi1.Nakapagbukod bukod kaba ng basura ?2.Nailagay mo ba sa tamanglalagyan ang ang mgabasura?3.Isinaalang mo ba ang mganamasid na prosesong ginawa ng mga tuhan ng paaralan?DRAFT4.Nakaramdam ka ba ng kasiyahan habanggumagawa? 5.Nasiyahan ka ba na naging bahagi ng pagpapanatili ngApril 10, 2014kalinisan at kaayusan?B. Bilang patunay na kayo ay tagapangalaga ng kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan, isagawa ang pagbubukod-bukod ng mga basura sa inyong paaralan at tahanan. Maaari ninyo itong kunan ng litrato kung meron kayong kamera at ipaskil sa bulletin board sa inyong silid-aralan. Sapagkat magaling ka sa araling ito o sa katataposna aralin, isunod mo na ang hamon ng susunod na aralin. 175
Aralin 7 Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran Kaaya-ayang pagmasdan ang malinis at maayos napamayanan na nangangalaga sa kapaligiran. Binigyan kang Maykapal ng biyaya tulad ng magandang kapaligirankung kayat inaatasan ka na maging tagapangalaga ngmga ito.Alamin NatinIsang survey sa klase. Oo Mga Tanong Hindi1. Nakikilahok ka ba sa pagtatanim sa paaralan?DRAFT2. Nakiisa ka ba sa proyekto ngbarangay ukol sa pangangalaga sa kalikasan? 3. Natutuwa ka ba kapag pinuputol ang mga punongkahoy?April 10, 20144. Masaya ba ang iyong damdaminkung ikaw ay nagtanim ng mgahalamang gulay?5. Kailangan bang makibahagi atmakatulong ang mga batangkatulad mo sa gawaingpambarangay tulad ngpagrerecycle ng basura? Sa mga survey, alin ang may pinakamaraming nagustuhan/napiling gawain? Ipaliwanag mo ang iyong naranasan kapag pinag- usapan ang patuloy na paglilinis at pagpapanatili nang maayos ng pamayanan/paaralan/kapaligiran. 176
Isagawa Natin Gawain 1 Gumawa ng islogan ukol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran. Gawain 2 Gumawa ng poster tungkol sa pangarap ninyong pakikiiisa sa mamamayan para sa ligtas na kapaligiran. Ikonek sa napanood na video clip. DRAFTIsapuso Natin Umisip ng isang gawain o proyekto sa inyong paaralan na: Kayang-kaya kong gawinApril 10, 2014 Kayakonggawin Medyo kaya kong gawin Parang di ko kayang gawin Ipaliwanag ang proyekto na inyong sagot sa bawat antas. Tandaan Natin Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng kailinisan ng kaisipan at kalooban para sa maayos na pamumuhay. Ayon sa Department of Environment at Natural Resources (DENR) Administrative Order No. 37 series of 177
1996, ito ang batas para maabot ang pantay at balanseng sosyo-ekonomikong paglago at proteksyon sa pamamagitan ng paggamit, pagbuo, pamamahala, pagbabago ng likas na yaman ng bansa. Kalakip nito ang proteksyon at paghubog sa magandang kalidad ng ating kapaligiran, hindi lang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa mga darating pa. Mapapanatiling maayos at ligtas ang pamayanan sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga proyekto ng pamayanan para sa pangangalaga sa kalinisan. May ipinatutupad na mga batas sa pangangalaga ng kapaligiran. Kabilang dito ang inilaang panahon saDRAFTtamang pangangaso; pagputol ng punongkahoy kung matanda na; pangingisda gamit ang lambat na may malalaki ring butas para hindi mahuli ang maliliit na isda; pagbibigay ng timing sa panghuhuli ng isda; panghuhuli sa mga sasakyang nagbibigay ng maruming usok; atApril 10, 2014marami pang mga tagubilin na isinasagawa upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran. Isabuhay Natin A. Sumulat ng buong pusong pangako sa pakikilahok sa proyekto ng pamayanan para sa malinis at ligtas na kapaligiran. B. Gumawa ng isang simpleng panalangin para sa pagmumulat ng kaisipan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Magpangkat sa apat sa paggawa. 178
Ilagay sa dingding ng silid-aralan ang natapos na panalangin. Hayaang makita ang mga ito ng lahat ng pangkat. Magdesisyon kung alin sa apat na nagawang panalangin ang magagamit sa flag ceremony tuwing Lunes. Subukin Natin A. Suriin ang mga larawan. Ayusin ang mga ito ayon sa iyong pagkakaunawa ng posibleng epekto ng kawalang- galang at pag-abuso sa kapaligiran. Bumuo ng maikling kuwento ayon dito. Pagkatapos ay sagutin ang DRAFTkatanungan sa ibaba nito.April 10, 2014 1. Bakit ito nangyayari sa ating kapaligiran? 2. Bilang mabuting tagapangalaga ng kapaligiran,ano ang kaya mong gawin? 179
B. Basahin ang sumusunod na gawain. Isulat sa kuwaderno ang Mahusay kung ito ay nagpapakita ng pakikilahok sa proyekto ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan at Di- Mahusay kung hindi. 1. Pakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa paaralan at barangay. 2. Pagsuporta sa pagputol ng puno ng illegal loggers. 3. Pakikipagtulungan sa Clean and Green Project ng barangay at bayan. 4. Pagtulong sa pagwawalis sa paligid ng paaralan at di pagsusunog ng basura sa kalsada. 5. Paglalagay ng mga plakard ng kalinisan at ligtas na DRAFTpag-aalaga sa kalikasan at bayan. Ang galing! Ngayon ay ihanda mo na ang iyong sariliApril 10, 2014sa susunod na aralin. Aralin 8 180
Kaya Nating Sumunod Natutuhan na natin kung paano mapananatili ang kaayusan at kalinisan ng tahanan, paaralan, at pamayanan. Kaugnay nito ang layuning maging ligtas at maayos ang mga tao sa kapaligirang kanyang ginagalawan. Dahil dito, may mga alituntunin at mga batas na dapat nating sundin para na rin sa kaligtasan ng bawat isa. Natatandaan mo ba ang mga tuntunin ng iyong mag- anak? Ng iyong paaralan? Ng inyong pamayanan? Isang pamaraan ito upang maiwasan ang kapahamakan o disgrasya sa ating buhay. Kaya nating sumunod… disiplina ang ating kailangan. DRAFTAlamin Natin Tingnan ang mga larawan. Ano ang mga dapat mong gawin kapag may mga ganitong alituntunin,April 10, 2014babala, patalastas, o panawagan. 181
DRAFTApril 10, 2014Sagutin ang sumusunod na tanong. 182
1. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay makakakita ng ganitong babala? 2. Bakit mahalaga ang babalang ito? Naranasan mo na ba ang mga babalang ito? 3. Ano kaya ang mangyayari kung hindi ka susunod sa mga babalang ito? 4. Isulat ang iyong nararamdaman kapag nakakabasa at nakakakita ka ng babala sa kalye, sa paaralan, at sa pamayanan? 5. Bilang mag-aaral, paano mo gaganyakin ang ibang tao upang maligtas sa kapahamakan? Isagawa Natin DRAFTGawain 1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng isa sa mga tuntunin o babala na karaniwang sinusunod sa inyong komunidad. Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkolApril 10, 2014dito. Ipalabas ito sa harap ng klase. Isapuso Natin Gawain 1 Ibigay ang iyong sariling pakahulugan sa patalastas ng Metro Manila Development Authority ( MMDA ) na madalas niyang makita sa kalsada. WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAYMETRO GWAPO DITO ANG BABAAN!GGWAPOGWAPOO GWAPOI 183
HARAP KO LINIS KO TAWIRAN NG TAOGawain 2 Sa loob ng kahon, itala ang mga mabuting naidudulotng pagsunod at kinalabasan ng hindi pagsunod sa mgabatas ng lipunan at bansa. DRAFT Magandang naidudulotApril 10, 2014______________________ ______________________ _____________________ _____________ Hindi Pagsunod Ara_l _s_a__P_a__g_s_u__n_o__d__s_a__B_a_tas ______________________ ____________________ 184
Tandaan Natin Ang pagsunod sa mga alitununtunin ng paaralan at pamayanan ay makatutulong para sa ating kaligtasan. Ayon sa Road Safety Education Modules ng DepEd- Fundacion-MAPFRE (2010), ang pagkakaroon ng kaalaman, saloobin, at pagsasapuso kung paano ang tamang pagtawid at pagpapasya kung saan dapat ay makapagbibigay katiyakan ng ating kaligtasan sa daan. Ang pagsunod nang kusa sa mga batas pantrapiko ay nagpapakita ng displinang pansarili at pagiging responsableng mamamayan. Mahalagang sumunod sa mga batas pantrapiko upang makaiwas sa mga sakuna at aksidente. Ito ay isa ring pagtulong sa pamahalaan sa pagpapatupad ng batas. DRAFTAng tamang pagsunod (sa anumang alutintunin at patakaran) ay malaking tulong sa pamahalaan para sa kaligtasang pampamayanan at maging sa pambansa oApril 10, 2014pandaigdigang pagkakaisa. Isabuhay Natin Pag-aralan ang larawan sa susunod na pahina. Ano-ano ang makikita ninyo rito? Alin sa mga nakalarawan dito ang tama at dapat mong tahakin upang ikaw ay maging ligtas? 185
Kumpletuhin ang nasa kahon bilang patunay sa mgabagay na dapat ninyong gawin o sundin bilang isangmabuting anak at mag-aaral. Magdesisyon Ka, Ngayon!DRAFTApril 10, 2014 Nakapagdesisyon na ako! Ang pipiliin kong daan ayang_________________________________________________________________________________________________dahil ako’ynaniniwala na ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.Gabayan nawa ako ng Maykapal. _____________________Pangalan at Lagda_________________________ 186
Subukin Natin Gawain 1 Gaano mo kadalas gawin ang sumusunod. Lagyan ng kung palagi, kung paminsan-minsan at Hindi. Palagi Paminsan- Hindi minsan 1. Bumababa ako sa tamang babaan ng sasakyan. 2. Tumatawid ako sa tamang tawiran. 3. Iniintindi at sinusunod ko ang mga senyas ng pulis trapiko kung ako ay patawid ng DRAFTkalsada. Nakahinto ako kapag pula ang nakaharap sa mga tatawid. 4.Ginagamit ko ang footbridge na nakalaangApril 10, 2014tawiran. 5.Umiiwas ako sa paglakad sa mga kalsadang may malaking butas na may babalang Danger Gawain 2 Sa loob ng isang buwan, gumawa ng isang journal tungkol sa mga pang- araw-araw na gawaing sinusunod mo na may kaugnayan sa babala at tuntunin sa paaralan, sa parke, at sa simbahan. Nagtagumpay ka sa mga gawain ng katatapos na aralin, ngayon ay humanda ka na sa susunod na aralin. 187
Aralin 9 Laging Handa Marami na tayong karanasan sa mga kalamidad nadumaan sa ating bansa. Ang pagiging handa aymakatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas atmakaligtas sa iba’t ibang uri ng kapahamakan. Magingmapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating lipunanlalo na sa ating mga kalikasan. AAlalammininNNaatintin Tulungan nating maging handa sina Cielo at Tikoy sa mgasakuna at kalamidad. Ayusin ang mga letra para makabuoDRAFTng salita.April 10, 2014Narito ang mga gabay na salita sa paglalaro ng Halo Letra. 1. Malakas na pagyanig ng lupa. 2. Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa. 188
3. Namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng kalamidad sa ating bansa. 4. Mabilis na pagkalat ng apoy. 5. Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng lupa. Isagawa Natin Gawain 1 Bumuo ng anim na pangkat. DRAFTGumawa ng Disaster Presentation na kung saan ay darating ang mga Disaster Rangers na tutulong para maging handa sa panahon ng kalamidad at sakuna. Disaster Rangers Red – panahon ng baha Disaster Rangers Blue – panahon ng landslide Disaster Rangers Yellow– panahon ng tsunami Disaster Rangers Green – panahon ng lindolApril 10, 2014Disaster Rangers Black – panahon ng bagyo Disaster Rangers White – panahon ng sunog Paano ka makatutulong para maging handa sa panahon ng kalamidad at sakuna? 189
Isapuso NatinGawain 1Basahin ang kuwento sa ibaba. Isang umaga, narinig ni Mikkel sa radyo ang babalangmalaki ang pagkakataong magkaroon ng malalim na bahasa kanilang lugar. Agad niyang kinuha ang kanyang bagupang ilagay ang mahahalagang gamit. Alin sa sumusunodang dapat niyang ilagay sa loob ng bag? DRAFTApril 10, 2014 190
Sagutin ang mga tanong.1. Ano-ano ang mga dapat ilagay ni Mikkel sa loob ng bag?2. Makatutulong ba ito sa oras ng kanyang pangangailangan? Ipaliwanag ang sagot.3. Dapat mo bang tularan si Mikkel sa kanyang ginawa? Bakit?4. Kung ikaw si Mikkel maghahanda ka rin ba sa oras ng kalamidad? Paano mo ito ihahanda?Gawain 2Pagnilayan ang kabutihang magagawa ng pagiging laginghanda sa panahon ng sakuna o kalamidad. Isulat ito saDRAFTbawat puso. Gawin ito sa inyong kuwaderno.LipunanApril 10, 2014Kabataan Bansa Mithiin Para sa Kaligtasan______________________________________________________________________________________________________________ ____________________________________________________ 191
Tandaan Natin Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad ay makatutulong upang maligtas ang ating buhay. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa sarili, sa pamahalaan, at sa bansa. Binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang isang matinding kampanya sa impormasyon para malaman ng mga pamilya ang kahalagahan ng planong paghahanda sa oras ng sakuna. Ang pagtuturo sa lahat ng komunidad kung paano ang dapat gawin sa panahon ng sakuna ay makatutulong ng malaki para sa ligtas na pamumuhay. Maging handa tayo sa darating na sakuna para DRAFThindi tayo mabigla. Ang pagiging kalmado sa oras ng sakuna ay makakatulong din upang alam natin kung saan tayo tutungo sa panahon ng kalamidad. Laging handa, iyan ang dapat nating isaisip, isapuso atApril 10, 2014isagawa para maiwasan ang kapahamakan. Isabuhay Natin Sa mga nangyayaring sakuna at kalamidad sa atingmga kapaligiran, gaya ng nangyari noong bagyongYolanda, nagkaroon tayo ng pagsusuri sa mga nagawanating paghahanda. Kung sakali kayang magkaroon muling balita na may darating na delubyo na kasinlakas ngYolanda paano ka maghahanda bago ito dumating? 192
Sumulat ng isang panuntunan sa pagiging handa sa isang uri ng sakuna o kalamidad. Pangako sa Pagiging Handa Nangangako ako na magiging handa at maglalaan ako ng panahon bago pa man dumating ang oras ng sakuna/kalamidad tulad ng __________ _____________, para ________________. Naniniwala ako na magiging ligtas ako kung _________________________________________________________ _________________________________________________________ ___________________. DRAFT______________________ Lagda ng Mag-aaral Petsa:________________April 10, 2014SubukinNatinLagyan ng ang hanay na naglalahad kung gaanoka kahanda sa panahon ng sakuna o kalamidad. Mga Pamamaraan Laging Handa Hindi Handa Handa1. Pagdadala ng payongpara hindi ako mabasa ngulan.2. May emergency bag namay lamang gamit sa orasng pangangailangan. 193
3. Ang mga gamot, pagkainde lata, tubig na malinis aymadali kong naiimbak satamang lalagyan.4. Kung sakaling maysunog, alam ko ang daanpapuntang Fire Exit o ligtasna daan.5. Alam ko ang lugar nadapat puntahan kapagmay lindol. Tatlong palakpak sa batang mahusay! Tulad mo,DRAFThandang handa ka sa susunod na aralin.April 10, 2014 194
Yunit IV Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos DRAFTApril 10, 2014 195
Aralin 1 Pananalig sa Diyos DRAFTTuwing aking pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan, ang buwan na Inyong inilagak sa Tiyak nitong kinalalagyan, hindi kayang mapagtanto nitong aking isipanApril 10, 2014na ang isang tulad kong tuldok lang sa kalawakan, Iyong nilalang, binigyan ng kabuluhan. -prs- Lubhang kamangha-mangha ang kapangyarihan ngDiyos. Pansinin mo ang pagkakaayos at galaw ng mgaplaneta sa kalawakan. Hindi ito bunga ng pagkakataon omaaring gawin ng sinumang tao. Isa ito sa mga patunay namayroong Diyos na lumalang nito. Sa araling ito ay ilalarawan natin ang mga paraan nanagpapakita ng pananalig sa Diyos at ang kabutihangdulot nito sa ating buhay. 196
Alamin Natin Basahin mo ang maikling salaysay ng isang taong nakamit ang kanyang pangarap. Sagutin ang mga kaugnay na tanong. Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Sa hapag- kainan, laging eksakto ang hatian. Hindi na ‘ko puwedeng humingi ng dagdag na ulam kahit gutom pa ‘ko dahil kailangang pagkasyahin ni Nanay ang ulam DRAFTpara sa lahat.April 10, 2014 Naglalakad lang ako papunta sa paaralan kahit medyo malayo ito. Sa singkuwenta sentimos na baon, 197
hindi na ako makakakain kapag nagtricycle pa ako. Isang araw, may ipinagawa sa amin si Gng. Mijares. Sabi niya, ipikit daw namin ang aming mga mata at isipin ang mga pangarap namin- ang gusto namingDRAFTpropesyon o trabaho paglaki namin, ang mga lugar na gusto naming puntahan. Tapos, ilarawan daw namin sa aming isipan na kami ay matagumpay, na nakamitApril 10, 2014namin ang aming pangarap. Pagkatapos, pinadilat na niya kami at tinanong kami ng ganito: “Mga bata, nananalig ba kayo na magkakatotoo ang mga pangarap ninyo?” 198
“Opo”, ang naging sagot naming lahat. Tinanong niya ulit kami. Kung nananalig daw kami, ano ang maari naming gawin para matupad ang pangarap namin. Sumagot naman kami. Sabi ko, “Kahit ano ang mangyari, sisikapin kong makatapos sa pag- aaral.” Hindi ko na matandaan ang sinagot ng iba kong kaklase. Sabi niya matutupad daw ang aming pangarap kung kami ay mag-aaral nang mabuti at magtitiwala sa Diyos na tutulungan kami na maabot ang aming mga pangarap. DRAFTAnumang kaharapan natin sa buhay, manalig tayo na nariyan ang Diyos upang tayo ay gabayan at tulungan sa pagtupad ng ating pangarap habang ginagawa natin ang matuwid at nararapat. Natupad ba ang mga pangrap ko? Heto, sinusulat ko ang kuwento ng buhay ko para sa iyo. Tama ka. GuroApril 10, 2014na nga ako. Gawin mo ang makakaya mo at manalig ka lang sa Diyos. Sigurado ako, matutupad ang naisin ng puso mo. Photo owned by the writer 199
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284