Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa Kumusta na ang iyong kalusugan kaibigan? Alam ko, ito ay ayos na ayos! Sa iyong mga natutuhantungkol sa wastong kalusugan, maglakbay ka at tuklasin angmagagandang ibubunga sa pagkakaroon at pagpapatuloyng magandang gawi tungo sa pangangalaga ng iyongsariling kalusugan. Alamin Natin Suriin at pag-aralan ang mga larawan. May paligsahanDRAFTng A-1 Child sa paaralan.April 10, 2014 ABSagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 1. Kung ikaw ang hurado, sino sa kanila ang pipiliin mong sumali sa paligsahan? 50
2. Bakit siya ang pinili mo? 3. Kung ikaw naman ang mapipiling kandidato sa A-1 Child, ano ang iyong mararamdaman? Bakit? 4. Ano-ano ang magagandang ibinubunga ng may palagiang pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan? Isa-isahin. Isagawa Natin Gawain 1 Isagawa ang gawaing ibinigay sa inyong pangkat. DRAFT1. Kung kayo ay may angkop na gawi sa pangangalaga ng inyong kalusugan at kaligtasan. Isagawa ito sa pamamagitan ng: Jingle para sa Unang Pangkat Rap para sa Ikalawang PangkatApril 10, 2014 Pantomime para sa Ikatlong Pangkat Komiks-Iskrip para sa Ika-apat na Pangkat 2. Pagkatapos ng pagtatanghal, magbigay kayo ng mga reaksiyon sa mga palabas na nakita. 51
Gawain 2 “Word Search” Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ngmabuting resulta sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan.Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. L MA L U S OGM I CD FG L I S A S M A L I K SI S T L L IGTASA O S B O L AM L YDRAFTG M A S I G L A ASagutin ang sumusunod na tanong:April 10, 20141. Ano-anong salita ang nabuo mo? Isulat sa kuwaderno. 2. Makikita ba sa iyong katauhan ang mga salitang nabuo mo? 3. Magbigay ng mga kayang gawin kapag ang isang bata ay malusog. Isapuso Natin Ang inyong paaralan ay nagplano ng Fun Run. Ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa nasabinggawain. Papaano mo ipakikita ang iyong pakikiisa sa 52
nasabing gawain? Magtala ng isa hanggang limang paraan paraan. Tandaan Natin Ang patuloy na pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay makabubuti sa ating katawan. Makabubuti rin ito sa ating aspektong pandamdamin o emosyon. Isa sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan para sa gawaing pangkalusugan ay ang pagkakaroon ng Fun Run. Marami na sa ating bansa ang gumagawa nito: sa Pamahalaang Lokal, sa Barangay, sa DRAFTSangguniang Lokal, sa mga Samahang Pangkabataan at kung ano-ano pa. Ang paglahok sa mga ganitong gawain ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan at higit sa lahat ang pagbibigay pansin sa pagpapanatili ng sariling kalusugan at mabuting pangangatawan.April 10, 2014 Isabuhay Natin Time Out! Bumuo ng apat na pangkat sa klase at umisip ng isang commercial o patalastas na may kaugnayan sa kalusugan. Ipakita ito sa klase. Pagkatapos ng bawat palabas, talakayin ang mga natututuhan sa palabas. Tukuyin kung ito ay nagustuhan o hindi at ipaliwanag ang mga kadahilanan. 53
Subukin Natin Fish Bowl Game Pumili ka ng isang isda sa bowl. Basahin mo angnakasulat sa isdang ito. Sagutin at ipaliwanag kung bakitnakatutulong sa kalusugan ng isang tao ang mga katagangnakasulat sa isdang nakuha mo. DRAFTApril 10, 2014 Mahusay mong nagawa ang araling ito. Kudos!Ngayon ay maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. 54
Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya Napakaganda ng tahanang masaya lalo na kung nagkakaisa at nagkakasundo ang bawat kasapi ng pamilya. Alamin Natin Basahin mo ang tula. Tuloy Po Kayo DRAFTHalina, tuloy po kayo Sa aming tahanan Kahit na simple lang Ay maayos naman!April 10, 2014Si Nanay,si Tatay Kanilang mga utos Sinusunod namin May kusang-loob at lubos Si Ate, si Kuya Ako at si bunso Ay nagmamahalan Nang taos sa puso. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Maglista ng mga madalas na tagubilin ng inyong mga magulang. 55
3. Sinusunod mo ba ang mga utos at tagubilin ng iyong mga magulang? Bakit? 4. Ano-anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal at pagkakasundo sa inyong pamilya? 5. Ano ang iyong nararamdaman kung ang iyong pamilya ay nagkakasundo at nagmamahalan? Isagawa NatinGawain 1 Isulat mo sa metacard ang isang alituntunin opatakaran sa inyong tahanan na iyong sinusunod. Idikit itoDRAFTsa paskilan.April 10, 2014PATAKARAN TANDAAN Bakit ito ang iyong napiling patakaran sa lahat ng mgaalituntuning mayroon sa iyong tahanan?Gawain 2 Pagkatapos magawa ang unang gawain.Magpangkat-pangkat. Pumili ng lider. Sa pangunguna nginyong lider, pagsama-samahin ang mga nakapaskil nametacards ayon sa nakasulat. Talakayin kung papaano atbakit kailangan itong sundin. Iulat ito sa klase. 56
Isapuso Natin Kulayan ng berde ang arrow kung araw-araw mong ginagawa ang nakasulat, dilaw kung bihira at pula kung hindi. Gawin ito sa isang papel. Mga Tagubilin sa Akin Naisasagawa ko ang nakatakda kong gawain sa bahay DRAFTNagdadabog ako kapag inuutusan Bumibili ako kung kailangan lamangApril 10, 2014Nagsasabi ako ng totoo. Malinis ako sa aking katawan Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin? 2. Magiging masaya ba ang tahanan kung ang bawat kasapi ng pamilya ay nagkakaisang sumunod sa mga alituntuning itinakda? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. 57
Tandaan Natin Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang bawat kasapi nito ay nakatutupad sa tungkuling iniaatas sa kaniya. Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda ng tahanan tungo sa masaya at maayos na samahan. Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at masayang pamumuhay. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti ang iyong mga ginagawa ay dapat na ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong DRAFTinspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak na tulad mo. Dahil dito, mahalagang sinusunod mo ang mga alituntunin at patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo na saApril 10, 2014disiplina at sa iyong pag-aaral. Isabuhay Natin Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na maykinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mgamagulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano angaral na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno.Pangyayari: ______________________________________________Epekto:___________________________________________________Aral na natutuhan: ________________________________________ 58
Subukin Natin Pagmasdan ang nakaguhit na puno. Ipagpalagay mona ito ay ang iyong pamilya. Ang iyong mga magulang osinumang kasama sa bahay ay ang malalaking ugat. Ano-anong mga tagubilin ang pinasusunod sa iyo ng iyong mgamagulang hanggang sa ikaw ay maging isang mabutingbunga? Isulat ang mga tagubilin o iniuutos sa iyo ng iyongmga magulang sa katawan ng puno at ang iyongpangalan naman bilang bunga.DRAFTEmily Ako bilang bungaApril 10, 2014 Mga tagubilin ng Ang aking aking mga magulang Ina/Ama o o sinumang kasama sinumang sa pamilya. kasama sa Hal. Mag-aral ng pamilya leksyon bago manood ng TV Pamilyang Nagkakaisa Sa iyong ipinakitang kagalingan sa araling ito, binabatikita! Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin.Panatilihin mo ang pagsunod mo sa mga gawain. 59
Aralin 9 Ako, Ang Simula! Ako ang Simula! Ano ang ibig sabihin ng mgakatagang ito? Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlongbaitang, ano-ano ang mga kaya mong pamunuang gawintungo sa kapayapaan, pagkakaisa, maayos, at masayangpagsasama ng iyong pamilya? Kung ito ay kaya mo, Isigawmo, Ako ang Simula! Alamin Natin Ano-ano ang mga tungkuling isinasagawa mo saDRAFTaraw-araw sa inyong bahay na nakatutulong sa iyongpamilya? Isulat mo ito sa mga bilog at ibahagi sa iyongmga kaklase. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.April 10, 2014Ang Aking Kalendaryo ng Gawain 60
Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga maaari mong tuparing gawain? Isa-isahin. 2. Matapat mo bang isinasagawa ang iyong mga tungkulin? Patunayan. 3. Patunayan kung gaano kahalaga ang naidudulot mong kagalingan sa iyong pamilya. 4. Bakit may pagkakataong hindi mo naisasagawa ang iyong mga tungkulin? DRAFT5. Makatutulong ba ang pagpaplano ng mga gawain? Bakit?April 10, 2014 Isagawa Natin Gawain 1 Ang pagpapaalaala ay gamot sa mga batang nakalilimot. Mapatutunayan ito sa pangkatang gawain na isasagawa. Magkaroon ng apat na pangkat sa klase. Pagtulungang buuin ang clock time organizer ng inyong takdang oras para sa mga dapat at kayang gawin sa inyong klase. Siguraduhing makatutulong ito sa inyong pag- aaral at sa mga gawaing makapagpapagaan sa inyong guro. Gawin ito sa inyong papel. Iulat ito sa klase. 61
12 1 2 111093 DRAFT 84Apr7 il 10, 25 014 6 Sa bawat takdang oras, ano-ano ang inyong mganapagkasunduang gawin? 62
Gawain 2 Narito ang malaking “Tandang Pananong” na maykaukulang tanong. Sagutin mo ito nang buong katapatan. Patunayan.Maasahan ba ako Ako ba ay bumibilisa lahat ng oras? ng mga kailanganPatunay: lamang? Patunay:DR?AFTIpinapasakoba sa Ako ba ayiba ang mga sumusunod sa mga utos nang may ngiti? inuutos sa akin?April 10, 2014Patunay: Patunay:Ako ba ay hindi nag-aaksaya ng mgagamit, tubig, at kuryente? ___________________________________Patunay: 63
Isapuso Natin Sumulat ng Pick Up Line na galing sa iyong puso. Ito aydapat na nagbibigay kasiyahan sa iyong damdamin hinggilsa mga naitutulong mo sa iyong pamilya at paaralan saloob ng 24 oras. Makipagpalitan ka ng iyong sagot sa iyongkamag-aral. Halimbawa: Walis ka ba? Bakit? DRAFTKasi, winawalis mo ang pagod ng iyong Nanay kapag tinutulungan mo siya sa mga gawaing bahay. Tandaan Natin Tunay na ang isang masayang pamilya ayApril 10, 2014nakikita sa pamamagitan ng maayos at mabuting pagsasama. Ang mga magulang na may mga anak na katulad mo ay natutuwa kung ikaw ay sumusunod sa kanilang mga utos at patakaran. Halimbawa ay ang sumusunod: - Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral at paggawa ng mga takdang-aralin - Maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon - Tumulong sa mga gawaing-bahay sa mga araw na walang pasok - Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pang bagay 64
Kung may pagsusunuran sa tahanan, makikita mo ang tunay na pagmamahalan. Ang pagsunod nang buong katapatan sa mga itinakdang tuntunin at gawain ay magbubunga ng kapayapaan at kaayusan sa samahan sa bawat kasapi ng isang pamilya. Palagian mong hangarin na maging masaya ang iyong mga magulang. Utos ng Diyos sa mga anak na mahalin nila ang kanilang mga magulang. Kinalulugdan ng Diyos ang mga anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang. DRAFTIsabuhay Natin Gumawa ka ng isang pangako sa anyong patula o pa-rap o pakanta. Itanghal ito sa klase.April 10, 2014Halimbawa: Ang Aking Pangako Kapag inutusan O tinatawag ako Agad, akong sasagot At sa utos ay susunod. 1. Hingin ang tulong ng iyong mga magulang at pasagutan sa kanila ang sipi ng “Ang Aking Anak” na iyong isinulat sa kuwaderno. 65
Ang Aking Anak! Paano ginagampanan ng inyong anak ang kanyang mga tungkulin sa tahanan? Ang aking anak na si ______________________ ay tinutupad nang buong husay at tapat ang kanyang mga tungkulin tulad ng __________________ __________________________________________________ __________________________________________________ Lagda:______________________ DRAFTSubukin Natin Lagyan ng kaukulang tsek ang iyong pinaniniwalaan Mga Gawain 1. Hindi ako nagdadabogApril 10, 2014kapag inuutusan ako ng Totoo Hindi totoo aking mga magulang.2. Tumatakas ako sa paglilinis ng aming silid-aralan kapag uwian na.3. Naghuhugas ako ng aming pinagkainan sa aming bahay.4. Ginagawa ko kaagad ang aking takdang-aralin bago pumasok sa paaralan. Magaling! Natapos mo ang mga gawain nang tama.Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Pagbutihinmo. 66
Yunit II Mahal Ko, Kapwa Ko DRAFTApril 10, 2014 67
Aralin 1 Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! Maipadarama ang pagmamalasakit mo sa iyongkapwa na may karamdaman sa simpleng paraan ngpagtulong at pag-aalaga. Alamin NatinGawain 1 Suriin ang sumusunod na larawan. Alin sa mga ito angiyo nang naisagawa bilang pagtulong at pag-aalaga samay mga karamdaman? Isulat ang titik ng iyong sagot saDRAFTkuwaderno.AApril 10, 2014 68
B C DRAFTApril 10, 2014 D 69
EGawain 2 Gamitin ang iyong imahinasyon. DRAFTMagtala ng iba pang paraan kung paano momatutulungan at maalagaan ang isang kakilala o kaibigano kamag-anak na maysakit. Kopyahin ang graphic organizerApril 10, 2014sa kuwaderno at sagutin. Iba Pang Mga Paraan ng Pagtulong at Pag- aalaga sa tulad mong bata na may Karamdaman 70
Isagawa NatinGawain 1 Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ngisang pangungusap kung ano ang dapat mong gawinupang tulungan, alagaan, o damayan ang taong maykaramdaman. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Nabalitaan mo na ang iyong guro ay maysakit. 2. Ang nakababata mong kapatid ay may bulutong. 3. Nakita mo na di makatayo ang iyong kaibigan dahil sa DRAFTmasakit ang kaniyang paa. 4. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. 5. Sa iyong pag-uwi ng bahay, nadatnan mo na ang iyong kapatid ay giniginaw dahil mataas ang lagnat.AprilGawain2 10, 2014 Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot ng nakabilot na papel na may nakasulat na sitwasyon. Matapos na pag-usapan ito sa grupo ay isa-isa itong isasadula sa harapan ng klase. Ipasadula ang kalagayang nakuha ng bawatpangkat.Pangkat 1 - Madalas na sumasakit ang ulo ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan. Minsan ay hindi na siya makausap dahil sa tindi ng sakit ng kaniyang ulo. 71
Pangkat 2 - Isang linggo nang hindi nakakapasok angPangkat 3 - isa ninyong kamag-aral. Nabalitaan ninyoPangkat 4 - na mayroon siyang malubhang karamdaman. Sumakit ang ngipin ng nakababata mong kapatid o pinsan at kayo ang magkasama sa mga panahong iyon. Pinuntahan ninyo ng mga kaibigan mo ang isa pa ninyong kaibigan upang sumama sa plano ninyong paglalaro sa inyong bahay. Ngunit nadatnan ninyo siya sa kaniyang tahanan na nakahiga sapagkat siya ay nilalagnat. May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda ngipakikitang dula-dulaan na ipalalabas sa loob ng tatlongDRAFTminuto lamang.Gagamitin ang rubric sa pagtataya ng palabas. 3 2 Lahat ng 1-2 kasapi ng kasapi sa pangkat ay pangkat ay hindiPamantayanHusay ngApril 10, 2014Pagkaganap 1 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng nagpakita ng nagpakita ng kahusayan kahusayan kahusayan sa sa sa pagganap pagganap pagganapAkma Naipakita Naipakita Hindi/Tamang nang nang naipakita angsaloobin sa maayos at maayos tamangsitwasyon may tiwala ngunit may saloobin sa ang tamang pag- sitwasyon saloobin sa aalinlangan sitwasyon ang tamang saloobin sa sitwasyon 72
Isapuso Natin Sumulat ng isang liham na humihingi ng paumanhin sa magulang, kapatid, pinsan, kamag-aral, kaibigan, o kapwa sa iyong pagkukulang noong sila ay maysakit. Gumawa ng mga pangako kung paano maisasagawa ang pagtulong sa kapwa sa oras ng kanilang karamdaman. Isulat ito sa isang papel. Petsa _____________ DRAFTMahal Kong ___________, _________________________________________ ______________________________________________April 10, 2014______________________________________________ ______________________________________________ ________________________. _________________, _________________ Lagda 73
Tandaan Natin Ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa maysakit ay isa sa magagandang katangian nating mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, tayo ay natututong magpahalaga sa ating sarili at kapuwa na siyang nagpapatibay ng ating ugnayan. Ang kaisipang, “Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” ay kinikilala sa lahat ng dako ng daigdig. Kristiyano man o Muslim ay naniniwala sa kaisipang ito. Ito ang buod ng ikaapat hanggang ikasampung Utos ng Diyos na naging batayan na ang pagmamahal sa kapwa ay nagsisimula sa ating sarili. Sapagkat ang taong tunay na nagmamahal sa kaniyang sarili ay may kakayahan ding magmahal ng kaniyangDRAFTkapwa. Isa sa mga paraan upang maipakita at maipadama natin ang pagmamahal ay sa pamamagitan ng pagbibigay halaga at pagtugon sa pangangailangan ng maysakit. Ang simpleng pagpapapainom ng gamot, pag-April 10, 2014alalay sa pagpunta sa palikuran, pagpupunas ng pawis, paghahanda at pagpapakain ng tamang pagkain at pag-sasaalang-alang ng kanilang nararamandaman ay malaking tulong upang mabawasan ang sakit na kanilang nararamdaman. Bukod dito ay makatutulong din ang pananalangin sa Diyos para sa mabilis na paggaling ng taong maysakit. Sa mga simpleng gawaing ito ay naipadarama natin ang pagmamalasakit at pag-unawa sa kanilang kalagayan na bunga ng ating pagmamahal sa ating kapwa. Lubos nating maipadarama sa mga taong may 74
karamdaman ang tunay nating pagmamalasakit sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga at pagtulong sa kanilang mga pangangailangan. Isabuhay Natin Bumuo ng apat na pangkat at basahin ang teksto sa ibaba. Sagutin at pag-usapan sa inyong pangkat ang tanong na nakatalaga sa inyong pangkat. DRAFTMay plano ang mga kaibigan ni Arby na maglaro pagkatapos ng klase. Nang makauwi na sa kanilang bahay, nagpaalam si Arby sa kaniyang ama ngunit hindi siya pinayagang sumama. Ayaw ng kaniyang ama na sumama siya sapagkat maysakit ang kanyang ina. Nais talagang sumama ni Arby ngunit piniliApril 10, 2014niyang manatili sa bahay upang tulungan sa gawaing bahay ang kaniyang ama. Tumulong din siya sa pag-aasikaso sa kaniyang inang maysakit. Mga Katanungan: Pangkat 1 - Ano ang masasabi ninyo sa ginawa ni Arby? Sumasang-ayon ba kayo sa kaniyang naging desisyon? Ipaliwanag. Pangkat 2 - Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng ina at ama ni Arby sa kaniyang naging desisyon? 75
Pangkat 3 - Ano ang magiging bunga ng pagtulong sa maysakit at sa pagsunod sa magulang?Pangkat 4 - Kung ikaw si Arby gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? Dapat nating pasalamatan ang ating magulang sapag-aasikaso sa atin tuwing tayo ay maysakit. Ipahayagnatin ang ating pasasalamat sa kanila sa pamamagitan ngisang thank you card. Gumawa nito para sa sa bawatmiyembro ng pamilya na nagpakita o nagpadama ngkanilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin lalo na tuwingtayo ay may karamdaman.DRAFTSubukin NatinIguhit ang masayang mukha sa Hanay A kungnagawa mo na sa isang taong maysakit ang nakasaad nakilos sa bawat bilang at malungkot na mukha namanApril 10, 2014kung hindi pa. Isipin kung ilang beses mo na itong nagawaat isulat sa Hanay B. Sa tapat ng malungkot na mukha, isulatang dahilan bakit hindi mo pa ito nagagawa. Isulat angiyong sagot sa sagutang papel.1. Paglalagay ng bulsa de A B Dahilan Kung yelo sa noo ng isang Bakit Di Pa nilalagnat na Nagagawa kasambahay. 32. Pagbabantay sa ospital beses sa isang taong may lubhang karamdaman. Sapagkat wala 0 pa ako sa tamang edad76
3. Pagpapainom ng gamot sa kapatid at magulang na maysakit. 4. Pagtulong sa pagdadala ng gamit ng kamag-aral na nilalagnat. 5. Pagdalaw sa tahanan ng kaibigan, kamag-aral, o guro na may sakit. 6. Pagbili ng gamot na dala ang reseta ng doktor sa tindahan para sa kasapi ng pamilya na may sakit. 7. Pag-akay sa mga maysakit sa pagsakay sa DRAFTdyip o tricycle. Maligayang bati! Hinahangaan kita dahil maTiyaga mong natapos ang araling ito. Napatunayan mo na isa kang mabuting mag-aaral. Nawa’y maging handa ka sa susunod na aralin para patuloy mong maipakita angApril 10, 2014pagmamalasakit sa may karamdaman. 77
Aralin 2 Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! Ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman aymaipadarama mo sa pamamagitan din ng pagbibigay ngpanahon tulad ng pagdalaw, pag-aliw, at pagbibigay ngpagkain o anumang bagay na kanilang kailangan. Alamin Natin Ano sa iyong palagay ang dapat mong gawin kungnalaman mong maysakit ang iyong kaibigan o kamag-aralo kung sino man na iyong kakilala? Ano naman ang maaariDRAFTmong dalhin o ihandog sa taong maysakit? Ibigay ang mgadahilan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng bilog. Gawin ito saiyong kuwaderno.April 10, 2014 78
Isagawa Natin Gawain 1 Maliban sa mga pagkain o materyal na bagay, maaari ka ring maghandog ng isang kard na naglalaman ng tula, awit, likhang-sining, at iba pa para sa taong iyong dinadalaw. Subukin mong gawin ito sa iyong kuwaderno. Gawain 2 Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot ng nakabilot na papel na naglalaman ng sitwasyon. Ito ay DRAFTipapakita ng bawat grupo sa paraang dula-dulaan. Pangkat 1- Masayang pag-aliw o pagpapasaya sa may karamdaman sa pamamagitan ng awit Pangkat 2- Masayang pag-aliw o pagpapasaya sa mayApril 10, 2014karamdaman sa pamamagitan ng pagkukuwento Pangkat 3- Taos-pusong pagbibigay ng tamang pagkain o anumang gamit para sa maysakit na kapitbahay na kaibigan Pangkat 4 Taos-pusong pakikiisa sa pagsasagawa ng -“pray over” sa may karamdaman May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda ng ipakikitang pantomina na ipalalabas sa loob ng tatlong minuto lamang. 79
Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagtataya ng palabas.Pamantayan 3 2 1Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi 3-4 naPagkakagawa kasapi sa ng pangkat kasapi ng pangkat ay ay hindi pangkat ay nagpakita nagpakita hindi ng ng nagpakita kahusayan kahusayan ng sa sa sa kahusayan paggawa paggawa sa paggawaTamang Naipakita Naipakita Hindisaloobin sa nang nang naipakita maayos at maayos ang may tiwala ngunit may tamang ang pag- saloobin sa tamang aalinlangan sitwasyonDRAFTsitwasyon saloobin sa ang tamang saloobin sa sitwasyonApril 10, 2014sitwasyon Isapuso Natin Sumulat ng isang maikling dasal o “sambit” para samabilis na paggaling ng isang taong may karamdaman naiyong kakilala. Maaaring siya’y isang magulang, kapatid,kasambahay, kaibigan, kaklase, guro na iyong kakilala onapanood sa telebisyon, at nabasa sa pahayagan. Ibahagiito sa harap ng klase. Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot. 80
Tandaan Natin Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng mabuting pakikipagkapwa: sa mga magulang, kapatid, kasambahay, kaibigan, kaklase, o guro man sa lahat ng oras at pagkakataon. Likas sa tao ang maunawaan at madama ang damdamin ng ating kapwa. Gayundin ang kabutihan na nagbubunga ng paglilingkod sa kanila na ipinapakita natin sa pamamagitan ng pagmamalasakit. Sinisimulan nating magpakita ng malasakit sa bawat miyembro ng ating pamilya lalo na sa may karamdaman. DRAFTKaraniwan nating inaaliw ang ating magulang, kapatid, o kung sino mang miyembro ng ating pamilya na may karamdaman. Maaari naman nating maipakita ang pagmamalasakit sa ating kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng panahon upang sila ay dalawin, aliwin, bigyan ng tamang pagkain, o anumangApril 10, 2014bagay na kailangan nila at higit sa lahat ang paghahandog ng isang panalangin para sa maaga nilang paggaling. Ang mga simpleng gawain na ito ay mga tanda ng pagdamay o pagsuporta sa kapwa natin. Sa pagkakataong ito, nakatutulong tayo upang mapanatag ang kalooban ng isang tao. 81
Isabuhay NatinIguhit ang puso kung gaano mo kadalasginagawa ang sumusunod na pangyayari tungkol sapagdalaw at pag-aaliw sa may karamdaman. Isulat ito sakuwaderno.Mga Tuntunin Palagi Paminsan Hindi -minsan1. Nakikipag-usap onakikipagkuwentuhan ako sa may karamdaman upang kumustahin ang kanyang kalagayanDRAFT2. Ibinibigay ko angpangangailangan ng may karamdamang kapamilya at kaibigan3. Sumasama ako sa NanayApril 10, 2014ko para dumalaw sa maykaramdaman sapagamutan o ospital4. Dinadalhan ko ngsariwang prutas ang maykaramdaman5. Naglalaaan ako ng orassa pagdarasal sa maykaramdaman para samabilis niyang paggaling 82
Subukin Natin A. Lagyan ng tsek () kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagdalaw at pag-aliw sa may karamdaman at (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Paghahandog ng isang masayang awitin sa Lolo na may karamdaman. DRAFT2. Pagbibigay ng get-well soon card sa kaibigang may karamdaman. 3. Pagkukuwento ng mga malungkot na pangyayari sa paaralan sa kaklaseng may karamdaman. 4. Pagdadala ng sariwang prutas sa kapitbahay na may karamdaman. 5. Paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga mayApril 10, 2014karamdaman. B. Maliban sa mga pagkain o materyal na bagay, maaari ka ring maghandog ng isang kard na naglalaman ng maikling tula o awit, likhang-sining, o komiks para sa taong iyong dadalawin. Subukin mong gawin ito sa isang mas magandang papel at lagyan ng karagdagan dekorasyon. Matapos ay ipagkaloob ito sa isang kakilala na may karamdaman. Pagmasdang mabuti ang magiging reaksyon ng taong pinaghandugan. 83
C. Buuin ang diwa ng talata ayon sa isang karanasan. Gawin ito sa isang kuwaderno. Ang aking hinandugan ng _________ (tula, awit…) ay si _______________________________________. Siya ay ____________________ (kaugnayan sa tao). Nakita kong siya ay __________________________________ sa aking inihandog. Labis akong______________________________ _____________________________________________sa aking DRAFTnapagmasdan. Ngayon, natutuhan kong____________ ____ ______, kung kaya’t aking gagawin ng___________April 10, 2014________________________________________. Binabati kitang muli sa matagumpay mongpagtatapos sa araling ito. Naniniwala akong higit mongnaunawaan ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa mgamay karamdaman. Nawa’y ipagpatuloy mo ang gawaingito upang maging mas makabuluhan ang paglilingkod saiyong kapuwa. 84
Aralin 3 Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang! Higit mong maipakikita ang malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng simpleng pagtugon sa kanilang pangangailangan. Alamin Natin Basahin ang kuwento. Ang Batang May Malasakit Lunes ng umaga, maagang pumasok si Rodel sa DRAFTpaaralan. Masaya siyang naglalakad papunta sa terminal ng sasakyan. Pagdating niya doon ay nakita niya si Juan, ang batang may kapansanan. “MagandangApril 10, 2014umagasaiyo Rodel” ang bati ni Juan. “Magandang umaga rin naman” ang tugon ni Rodel. Nang dumating na ang dyip na kanilang sasakyan patungong paaralan ay inalalayan ni Rodel si Juan sa pagsakay hanggang sa pag-upo sa loob ng sasakyan. “Maraming salamat sa iyo Rodel”, sabay sabi ni Juan. “Walang anuman”, tugon naman ni Rodel. 85
Nang dumating na sila sa tapat ng kanilang paaralan,inalalayan pa rin niya si Juan sa pagbaba ng dyip, saDRAFTpagpasok sa loob ng paaralan at maging sa pagpasok sasilid-aralan. Lubos na nagpasalamat si Juan kay Rodel dahilsa ipinakitang malasakit at kabaitan sa kanya.Sagutin ang sumusunod na tanong.April 10, 20141. Paano nagpakita ng malasakit si Rodel sa kaniyang kapuwa? 2. Tama ba ang kaniyang ginawang pagmamalasakit? 3. Kaya mo rin bang magmalasakit gaya ng ginawa ni Rodel sa isang taong may kapansanan? Isagawa NatinGawain 1 Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ano angdapat mong gawin upang maipakita ang iyong malasakit 86
sa may kapansanan? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. 1. Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili rin ang kapitbahay mong pipi. Hindi maintindihan ng tindera kung ano ang kaniyang binibili. Nagkataong marunong ka ng sign language. Ano ang dapat mong gawin? 2. Magkasama kayo ng Nanay mo sa pagtawid sa kalsada. Hinihintay ninyo na maging kulay berde ang ilaw trapiko para kayo ay makatawid. Nakita mong papatawid din ang isang batang pilay. Ano ang dapat mong gawin? DRAFT3. Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa kaniyang handaan. Nakita mo doon si Tina ang batang bulag na iyong kababata. Narinig mo na gusto niyang uminom ng juice ngunit hindi siya pinapansin ng may hawak nito. Ano ang dapat mong gawin?April 10, 2014Gawain2 Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng isang metacard kung saan nakasulat ang sitwasyon na pag- uusapan at gawain. Pangkat 1 - Magsadula ng isang eksenang nagpapakita ng pagmamalasakit sa isang bulag. Pangkat 2 - Iguhit sa loob ng isang malinis na papel ang nais mong ipakita at ipadama sa may mga kapansanan. Pangkat 3 - Lumikha ng isang saknong ng tula na may apat na linya na tumutukoy sa pagmamalasakit sa may mga kapansanan. 87
Pangkat 4 - Magbigay ng tatlong kilala ninyong tao na nagpakita ng pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan. Sabihin kung paano niya ito ginawa. May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda sanabunot na sitwasyon o gawain. Ipapakita ng bawatpangkat ang inihanda sa loob ng dalawa hanggangtatlong minuto lamang. Ang rubric na gagamitin sa pagTataya ng kakayahanng mga bata.Mga Pamantayan 3 2 1Husay ngpagkaganap ngDRAFTbawat kasapi Lahat ng 1-2 kasapi 3-4 na kasapi sa ng pangkat kasapi ng pangkat ay ay hindi pangkat ay nagpakita nagpakita hindi ng husay sa ng husay sa nagpakitaApril 10, 2014Tamangsaloobin pagganap pagganap ng husay sa Naipakita Naipakita pagganap Hindisa sitwasyon nang nang naipakita maayos at maayos ang may tiwala ngunit may tamang ang pag- saloobin sa tamang aalinlangan sitwasyon saloobin sa ang sitwasyon tamang saloobin sa sitwasyon 88
Isapuso Natin Iguhit sa loob ng tatlong puso ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. Gawin ito sa kuwaderno. 1. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan? 2. Ano ang iyong nararamdaman kapag may nakikita kang batang may kapansanan na pinagtatawanan? Bakit? DRAFT3. Kung ikaw naman ang nakakatanggap ng pagmamalasakit mula sa iyong kapuwa, ano ang nararamdaman mo?April 10, 2014TandaanNatin Ang pag-unawa sa damdamin at sitwasyon ng iba ay isang paraan ng pagpapakita ng kabutihan. Ang kabutihan ng ng isang aksyon ay nagsisimula sa kabutihan ng hangarin. Ang mga hangaring ito ay dapat na may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba at maging sa sarili. Maipakikita ito sa salita at gawa. Kailangang meron itong katapatan at komplementaryong gawain na nagbibigay ng kahalagahan sa isang wagas na naisin at layunin. Ang pagmamalasakit sa isang taong may kapansanan ay isang paraang nagpapakita ng kabutihan ng hangarin. Ang Batas Republika 7277 ay 89
higit na kilala sa taguring Magna Carta para sa mga Taong May Kapansanan (Magna Carta for Persons with Disability), ay legal na basehan upang isulong ang mga karapatan ng mga mamamayang may kapansanan. Kasama ang mga susog na ginawa ng Batas Republika 9442 at mga takda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 437. TiniTiyak ng batas na ito ang pagpapatupad ng mga hakbang kaugnay ng rehabilitasyon at pagTiyak sa pansariling pag-unlad ng mga taong may kapansanan upang manatili sila bilang produktibong mga kasapi ng lipunan. TiniTiyak ng Batas Republika 7277 ang mga karapatan ng mga taong may kapansanan kaugnay ng pagkakaempleyo, pagkakaroon ng edukasyon, serbisyong medikal, karagdagang pantulong na paglilingkod, at iba pa. Sa pagkakataong ito, maipakikita natin angDRAFTpagmamalasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lubos na pagmamahal, pag-unawa, at paggalang upang maramdaman nila na sila ay mahalaga rin tulad natin. Ang paglalaan ng upuan, pag-aalay sa pagtawid saApril 10, 2014kalsada, at paglalakad ay mumunting paraan ng pagpaparamdam sa kanila na sila ay mahalaga bilang tao at kabahagi ng lipunan. Isabuhay Natin Mayroon kayong kapitbahay, kaibigan, kasambahay,kamag-anak, o kaklase na may kapansanan. 90
Sumulat ng limang pangungusap kung paano mo sila tutulungan. Ibahagi ito sa klase. 1. _________________________________________________. 2. _________________________________________________. 3. _________________________________________________. 4. _________________________________________________. 5. _________________________________________________. Subukin Natin DRAFTLagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Akayin sa paglakad ang kamag-aral na bulag.April 10, 20142. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot. 3. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan. 4. Bigyan ng upuan ang batang pilay. 5. Tuksuhin ang kalaro o mga batang duling. Muli, natapos mo na naman ang isang aralin kaya’t binabati kita sa matagumpay mong gawain. Hinahangaan kita sa ipinakita mong pagmamahal at paggalang sa mga may kapansanan. Hangad kong pahalagahan mo ang kanilang mga kakayahan na iyong matututuhan sa susunod na aralin. Ipagpatuloy ito! 91
Aralin 4 Kakayahan Mo, Pahahalagahan Ko! Ang pagmamalasakit sa may mga kapansanan aymaipakikita mo sa pamamagitan ng pagbibigay ngpagkakataon at suporta sa sandaling maipamalas nila angkanilang natatanging kakayahan sa larangan ng laro at ibapang programang pampaaralan. Alamin Natin Basahin ang tula. DRAFTTanging Yaman, Ating Kakayahan Natatanging kakayaha’y biyaya ng MaykapalApril 10, 2014Ito’y pagyamanin, paunlarin at ikarangal Anumang kakulangan paglaanan ng aral Ito’y pagpapakita ng magandang asal. Sa programa sa iskul bigyang puwang ang talino Nang sa angking talento’y tunay kang maging bibo Lubos na pagtitiwala sa sarili’y ialisto Kakayahan ng sinuman ay hindi masisino. Sa larangan ng pagguhit, pagpipinta’t pag-awit Gayundin sa palakasan kahit kulang ay susungkit 92
Ng medalya na sa iyo’y kukumpleto’t magsusulit Kapintasan, kakulangan hindi ka nga magagalit. Kapansanan ng mga tao hindi dapat pagtawanan Bagkus sila’y dapat tulungan at pahalagahan Ang bawat isa’y kailangan ituring na kaibigan Pagkat sila’y may halaga at bahagi ng lipunan. -rbc- Sagutin ang mga tanong: 1. Ano-ano ang mga kakayahang nabanggit sa tula? 2. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal? DRAFT3. Ano ang katangian ng isang bata ang ipinahihiwatig sa tula? 4. Paano ipinakita ang pagmamalasakit sa kapuwa na may kapansanan? 5. Sa iyong palagay, dapat bang pagmalasakitan angApril 10, 2014mga batang may kapansanan? Bakit? Isagawa Natin Gawain 1 Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng nararapat mong gawin upang maipakita ang pagmamalasakit at paggalang sa mga may kapansanan. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin? 93
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan. B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan. C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo hanggang sa matapos ang palatuntunan. 2. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin? A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko. DRAFTB. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase. C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot. 3. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan naApril 10, 2014siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin? A. Tatawanan ko si Jano. B. Tatawagin ko na siya para umupo na. C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.4. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin? A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya. 94
B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit.5. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin? A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang nangungutya. B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan. C. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan. DRAFTGawain 2 1. Maghanap ng mga larawang nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Idikit sa bond paper ang mga larawang ginupit. 2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang saknong ng tula, awit, o yell tungkol sa larawang napili.April 10, 20143. Ipapakita ng bawat pangkat ang ginawang tula, awit, o yell ayon sa larawang idinikit sa loob ng tatlong minuto lamang. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng ginawang tula, awit, o yell.Mga 3 21PamantayanHusay ng Lahat ng 1-2 kasapi 3-4 napagkakadikit ng kasapi sa ng pangkat kasapi ngmga larawan pangkat ay ay hindi pangkat ay nagpakita nagpakita hindi ng ng nagpakita kahusayan kahusayan ng 95
sa sa kahusayanpagtulong pagtulong sa pagbuosa pagbuo sa pagbuo ng gawainng gawain ng gawainTamang saloobin Naipakita Naipakita Hindisa pagpapakita nang nang naipakitang pagganap maayos at maayos angmay tiwala ngunit may tamangang tamang pag- saloobin sasaloobin sa aalinlangan pagganappagganap ang tamang saloobin sa pagganapDRAFTIsapuso Natin Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno tulad ng nasaibaba. Lagyan ng tsek () kung ang sinasabi ngpangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mgaApril 10, 2014may kapansanan at ekis (x) naman kung hindi.1. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na kapaki-pakinabang.2. Tumutulong ako sa inilulunsad na mga proyekto ng mga may kapansanan.3. Bumibili ako ng mga produktong ginawa ng mga may kapansanan.4. Nakikipaglaro ako sa kapuwa ko bata kahit na siya ay may kapansanan.5. Ipinagtatanggol ko sa simpleng paraan ang mga batang may kapansanan. 96
Tandaan Natin Ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may kapansanan ay pagpapakita ng pagmamahal na sila ay mahalagang bahagi ng lipunan tulad natin. May kasabihan tayong mga Pilipino na “ang kahirapan at kapansanan ay hindi sagabal o hadlang upang magtagumpay.” Ang kasabihang ito ay nagpapahiwatig sa atin na ang tibay at tatag ng loob ay lubhang kailangan upang makamit ang tagumpay anu- man ang kalagayan at katayuan natin sa buhay. Kagaya ni Apolinario Mabini, hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang siya ay hirangin bilang bayani. DRAFTNawa’y siya ay magsilbing inspirasyon sa pagkamit ng tagumpay. Ang pagmamalasakit na may paggalang sa may mga kapansanan ay maipakikita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa sandaling maipamamalas nila ang kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng laro at iba pang programangApril 10, 2014pampaaralan. Dapat tayong magpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa mga taong may kapansanan sa lahat ng pagkakataon. Ito’y tanda ng pagbibigay ng kahalagahan sa kanilang pagkatao at kakayanan. Isabuhay Natin Ipakita ang natutuhan sa pagpapahalaga sa mga may kapansanan sa inyong lugar. Maglaan ng oras sa 97
pagbisita at pagbibigay-aliw sa kapwa bata na alam mongmay kapansanan sa inyong pamayanan. Gawin itopagkatapos ng klase. Ikuwento o ibahagi sa buong klaseang kinalabasan ng iyong pagbisita. Subukin Natin Lagyan ng tsek() kung ang pangungusap aynagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong maykapansanan at ekis (x ) kung ito ay hindi. Isulat ang inyongsagot sa sagutang papel. 1. Niyaya ni Roy ang piping kamag-aral na sumali sa DRAFTpaligsahan ng pagsasayaw. 2. Pinahinto ng Ama sa pag-aaral ang anak dahil siya’y lumpo. 3. Isinama ng buong pamilya ang anak na may kapansanan sa kanilang paglalakbay.April 10, 20144. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may kapansanan. 5. Ipinaampon ng mag-asawa ang kanilang anak na may kapansanan. Binabati kita! Muli mo na namang natapos ang isangaralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sakakayahan ng isang may kapansanan ay kahanga-hangang gawain. Hangad kong ipagpapatuloy mo ito salahat ng oras at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunodna aralin? Ipagpatuloy mo ang mabuting hangaring ikaw aymatuto! 98
Aralin 5 Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! Pagmamalasakit na may paggalang sa may kapansanan ang binibigyang-diin sa araling ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng pagkakataon sa kanila, nagiging kabahagi sila ng pamayanan na walang itinatangi at sinisino. Alamin Natin Basahin ang diyalogo. DRAFTNatatanging Kaibigan! Sabado ng umaga. Sakay ng bisikleta si Bibo ng makasalubong niya si Gina, ang batang may kapansananApril 10, 2014subalit mahusay naman siyang umawit. 99
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284