Ikaw? Ano ang pangarap mo? Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos anuman ang kaharapin natin sa ating buhay. Habang ginagawa natin ang ating makakaya, dapat patuloy na pagdarasal na may pananalig sa Diyos ang kailangan. Paano ipinakita ng may-akda ng salaysay angpananalig sa Diyos sa araw-araw? Isagawa Natin Narinig mo na ba ang kasabihang Nasa Diyos angDRAFTawa, nasa tao ang gawa? Ano kaya ang kahulugan nito?Gawain IA. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat kung ano ang maaring gawin ng mga tauhan.April 10, 20141. Ipinagdarasal ni Marco na makatapos siya sa pag- aaral. 2. Ipinagdarasal ni Belen na palagi silang maging malusog. 3. Nananalig si Iking na hindi na bumaha pa sa kanilang lugar. Kung minsan kahit tayo ay nananalig sa Diyos ay dinangyayari ang mga bagay na ating inaaasahan. Maymaaaring dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang mga 200
karanasang tulad nito ay makatutulong upang palakasin pa natin ang ating pananalig sa Kanya. B. Buuin ang sumusunod upang makabuo ng panalangin. DRAFT 1. Panginoon, tinatanggap ko po na hindi ako nanalo sa kompetisyon sa pag-awit. Di bale po, saApril 10, 2014susunod____________________________________________________. 2. Hindi po ako makakasama sa field trip sa isang linggo. Wala po kasing pera ang Tatay at Nanay ko. Kailangan ding bumili ng gamot para sa bunso kong kapatid na maysakit. Okey lang po sa akin ___________ __________________________________________________. Gawain 2 (Pangkatang Gawain) Isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos ay ang pananalangin sa Kanya. Suriin mo ang iyong kapaligiran. Sagutin ang tanong at isagawa ang gawain. 201
Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng atingbansa? 1. Pumili ng isa sa mga suliraning inyong naisulat at bumuo ng isang panalangin ukol dito katulong ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat. 2. Banggitin sa panalangin ang maaari ninyong gawin upang mabawasan ang bigat ng suliranin. Maaari ninyong magamit ang halimbawa ng panalangin na nasa susunod na pahina o kaya ay gumawa kayo ng sariling panalangin. Halimbawa: Panginoong Diyos, Kayo po ang bukal ng aming pag- asa. Nagtitiwala po kami sa Inyong kapangyarihan. DRAFTPanginoon, nais po naming idulog sa inyo ang ________________________. Sa suliraning ito makakaasa po kayo na kami ay tutulong sa pamamagitan ng________________________________. Idinadalangin po namin ang kanilang kalagayan _______________________April 10, 2014_____________________________________________________. 3. Matapos na mabuo ang panalangin, isulat ito sa isang lumang folder. 4. Maghanda ang inyong pangkat para sa pagbigkas o pag-awit ng inyong ginawang panalangin. 5. Pagkatapos ng pagtatanghal, idikit ang nagawang panalangin sa manila paper o cartolina na inihanda ng guro. 6. Ipaskil ang mga ginawang panalangin sa labas ng silid-aralan upang mabasa ng ibang mag-aaral. 202
Isapuso Natin Kung minsan, may mga pagkakataong hindi natutupad ang gusto natin o hinihiling natin sa ating panalangin. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at mawalan ng loob. Maaring may gustong ituro sa atin ang Diyos. Maaring hindi pa ito ang tamang panahon o may ibang mas magandang plano ang Diyos sa buhay natin. Ang mahalaga ay patuloy tayong manalig sa Kanya habang ginagawa rin natin ang makakaya natin upang matupad ang ating mga mithiin. Gawain 1. Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at ipagpalagay mong nais mo silang ipanalangin. Isulat ang nabuo DRAFTmong panalangin sa iyong kuwaderno. a. Mangingibang bansa ang ama ni Cora upang maghanapbuhay. Alam niyang malulungkot ang kanyang ama kapag umalis ito.April 10, 2014b. Tag-ulan na naman. Nag-aalala ang buong barangay dahil maaaring bumaha na naman sa kanilang lugar. c. Malayo pa ang kaarawan ni Hannah ngunit naghahanda na ang kanilang mag-anak para sa kaunting salo-salo. Ibabahagi nila ito sa mga bata sa bahay-ampunan. Nais niyang makapagpasaya ng mga bata sa kanyang kaarawan. d. Isa si Lumay sa mga batang hindi makapasok sa paaralan. Hindi pa kasi tapos ang gulo sa pagitan ng pamahalaan at mga taong nagagalit sa mga namumuno rito. 203
2. Pagkatapos gumawa ng panalangin, basahin ang Tandaan Natin. Tandaan Natin Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na pagtitiwala sa Diyos anuman ang ating kaharapin sa buhay. Habang ginagawa natin ang makakaya natin upang maging maayos at mabuti ang ating buhay, nagtitiwala din tayong gagabayan at tutulungan tayo ng Diyos. Kahit ikaw ay bata pa, marami ka na ring naging karanasan sa araw-araw. Ang mga karanasang ito ay maaaring nakapagbigay ng saya o lungkot sa iyo. Ang iyong mga karanasan din ang maaring magpatibay sa iyong pananalig sa Diyos. Maiging palakasin pa ang DRAFTpananalig sa Diyos sapagkat ito ang gagabay sa iyo upang ikaw ay maging mabuting tao.April 10, 2014 Isabuhay Natin Isipin mo ang kalagayan mo tatlong taon (3) mulangayon. Ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay? Ano ang iyong mga pangarap? Ano ang magagawa mo upang ito ay matupad? Bakit nananalig kang tutulungan ka ng Diyos na matupad ang mga ito? Sa tulong ng iyong guro, gagawa ka ng faith goal omithiing may pananalig na matutupad ito. 204
Mga Panuto: 1. Sa isang papel, ilista ang iyong mga mithiin sa buhay o mga nais mong makamit. Halimbawa: Tatlong (3) taon mula ngayon, ako ay makakatapos na ng Grade 6 o elementarya. 2. Maaari mo ring iguhit ang mga mithiing ito at lagyan ng tiyak na panahon ng katuparan nito. 3. Kung hindi gaanong sanay sa pagguhit, maaring gumupit ng mga larawan sa mga hindi na ginagamit na magasin o mga lumang kalendaryo. DRAFT4. Idikit ang mga naiguhit o ginupit na larawan sa isang lumang folder o karton. 5. Lagyan ito ng pamagat na gusto mo. 6. Ipaskil ito sa isang lugar sa inyong tahanan na lagi mong makikita upang laging magpaalala sa iyo ng mga mithiin mo. 7. Paggising mo sa umaga, laging isaisip at isapuso ang mga mithiing iyong ipinaskil. Siguraduhin na ang lahatApril 10, 2014ng gagawin mo ay para sa katuparan ng mga ito. Idinadalangin ko ang katuparan ng iyong mga mithiin. Tandaan mo, mahal ka ng Diyos at kaligayahan Niya ang makita kang matagumpay. Subukin Natin A. Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali. 205
2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang patimpalak sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag- ensayo kasama ang kanyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng computer games. 3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay mangyari. 4. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating pagdarasal. 5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating mga hinihiling sa Kanya. B. Ano-ano ang maaaring gawin sa sumusunod na sitwasyon upang magkaroon ng kasagutan ang atingDRAFTpananalig sa Diyos? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Nananalig si Marta na maging matagumpay ang kanilang gawain sa Agham. 2. Hinihiling ni Patricia na magkaayos na sila ni Mila. Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkakaunawaanApril 10, 2014habang naglalaro sila kahapon. 3. Naniniwala si Bert na patatawarin siya ng Diyos matapos na ilihim niya sa kanyang ate na siya ang nakabasag ng bago nitong salamin. C. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang iyong ginawagawa upang maipakita mo na ikaw ay tunay na nananalig sa Diyos? 2. Ano-ano ang iyong ginagawa upang magkaroon ng katuparan ang mga hinihiling mo sa Diyos? 206
Aralin 2 Paniniwala Mo, Iginagalang Ko DRAFTApril 10, 2014 Masdan ang larawan sa itaas. Sa iyong palagay, ano ang nais ipahayag ng larawan? Maipakikita natin ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala o relihiyon ng iba. Kung ang bawat tao ay marunong gumalang sa pagkakaiba-iba ng lahat, ano sa palagay mo ang mabuting maidudulot nito? 207
Alamin Natin DRAFT Bumuo ng isang triad/trayad na siyang gaganap sausapan sa ibaba. Bigyang buhay ang bawat karakterApril 10, 2014upang higit na maunawaan ang mensahe ng usapan.Linggo ng umaga…Maja at Berting: Magandang umaga, Clarita.Clarita: Magandang umaga, Maja. Magandang umaga, Berting.Maja: Saan ka pupunta?Clarita: Magsisimba ako. Nandoon na angBerting: Tatay at Nanay sa parokya. Ah, ganoon ba? Kami naman ay sumamba noong Biyernes sa aming 208
Maja: Masjid. Noong Huwebes naman kami sumamba ng aming pamilya.Sagutin ang mga tanong:1. Ano ang pinag-uusapan ng mga bata?2. Bakit kaya iba- iba ang araw ng kanilang pagpunta sa kanilang lugar sambahan? Bilang isang kasapi ng isang pangkat na naniniwala saDiyos, ano kaya ang maaari mong gawin upang ipakita naikaw ay may paggalang sa paniniwala ng iba tungkol saDiyos? Pag-aralan ang bawat larawan. Paano ipinakikita ngDRAFTbawat bata ang paggalang sa paniniwala ng iba?April 10, 2014Ako si Miguel. Isa akong Sabadista. Kapag may misa sa simbahang malapit sa aming bahay ay hindi ako nag-iingay. 209
Ako naman si Estella. Sinasabihan ko ang aking nakababatang kapatid na huwag paglaruan ang rosaryo ng aming pinsan na isang Katoliko. Ako si Rashid. Nakikinig akoDRAFTnang may paggalang kapag aming tinatalakay sa klase ang mga paniniwala ng iba’t ibangApril 10, 2014relihiyon. 210
Kaibigan ko si Rashid. Hindi ko siya pinagtatawanan kapag nagdarasal siya. Ako nga pala si Kathy. Hindi kami nanghuhusga sa mga paniniwala ng DRAFTiba tungkol sa Diyos. May iba’t ibang paraan ang mga tao tungkol sa kanilang paniniwala. Iginagalang namin ang mga ito. Alam naming gayon din ang iyong ginagawa. Maaari bang ibahagi mo sa klase kung paano mo ipinakikita ang iyong paggalang saApril 10, 2014paniniwala ng iba tungkol sa Diyos? 211
Gawain I Isagawa Natin Paano natin maipakikita ang paggalang sa paniniwalang iba tungkol sa Diyos sa sumusunod na sitwasyon?Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno atIbahagi ito sa iyong klase. 1. Nagulat ang iyong pinsan sa malakas na tunog ng tambol. May prusisyon pala para sa pagdiriwang ng kanilang patron na si San Isidro Labrador na DRAFTpinaniniwalaan nilang patron ng masaganang ani. Sinabi niya sa iyo na siya ay naiinis sa ginagawang ito ng mga Katoliko. Ano ang iyong gagawin? 2. Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na mabuting maging kasapi ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumama at makinig sa kanilang pag-aaral saApril 10, 2014salita ng Diyos. Ano ang iyong gagawin? 3. Ikaw at ang iyong nakababatang kapatid ay inanyayahan ng iyong kaibigang Muslim sa kanyang kaarawan. Dahil paborito ng iyong kapatid ang inihaw na baboy ay nagtanong siya sa iyo nang palihim kung may ganoon silang handa. Ano ang iyong sasabihin sa iyong kapatid? 212
Gawain 2 Gamitin ang tsart sa ibaba para sa bahaginang isasagawa sa inyong pangkat. Magtalaga ng tagapagsalita na magbabahagi sa buong klase ng inyong mga naging sagot. Relihiyon ko o paniniwala Paraan ng pagsamba o pagdarasal Mga kaugnay DRAFTna kaugalianApril 10, 2014IsapusoNatin A. Iyong pagnilayan ang sumusunod na tanong: Naranasan mo na ba na ikaw ay pinagtawanan o kinutya dahil sa iyong paniniwala? Ano ang iyong naramdaman? May pagkakataon din ba na napagtawanan mo ang iba dahil sa kanilang paniniwala? Ano sa palagay mo ang kanilang naramdaman? Paano mo maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba? 213
Tandaan Natin May iba’t ibang relihiyon o paniniwala ang mga taotungkol sa Diyos. Magkakaiba man ang ating paraan ngpagsamba, nagkakaisa tayo sa pag-asang sapamamagitan ng mga paraang ito, maipararating natinang ating pagsamba at papuri sa Diyos. Nararapat lamang na igalang natin ang paniniwala ngiba tungkol sa Diyos. Hindi sila dapat pagtawanan o kutyainsapagkat sila ay tulad din nating may mga damdamingnasasaktan. “Kung ano ang nais mong gawin sa iyo ng iyong kapwa,iyon din ang gawin mo sa kanya.” Naalala mo pa ba angkasabihang ito? Hindi ba’t angkop ito sa ating aralin? Tama.Kung nais mong igalang ng iyong kapuwa ang iyongDRAFTpaniniwala, nararapat lamang na igalang mo rin angkanyang paniniwala.April 10, 2014 Isabuhay Natin 1. Sa tulong ng iyong guro, isagawa o ipagdiwang ang Araw ng Pananampalataya kung saan magtatanghal kayo ng isang maikling palatuntunan. Maaaring anyayahan ang mga guro, magulang, mga kawani, at mag-aaral sa paaralan upang maibahagi ng mga panauhing tagapagsalita na katulad mong mga bata rin ang kani-kanilang paniniwala, awit ng pagsamba, at kaugnay na kaugalian. 214
2. Sa simula ng palatuntunan, mangyaring magkaroon ng panimulang panalangin. Inyo ring pasalamatan ang mga taong pinaunlakan ang inyong imbitasyon. 3. Tapusin ang inyong maikling palatuntunan sa panalangin na pangungunahan ng mga bata, magulang, at guro mula sa iba’t ibang pananampalataya. 4. Bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa pagdiriwang, bibigyan ang bawat bisita ng isang hugis dahong papel kung saan isusulat niya ang kanyang mensahe at pangalan. DRAFT5. Lahat ng mga dahon na may nakasulat na mensahe ay ididikit sa isang puno na gawa sa karton. Ang punong ito ay tatawaging Puno ng Nagkakaisang Iba’t Ibang Paniniwala.April 10, 2014SubukinNatin I. Piliin ang mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Isulat ang letra ng iyong sagot sa inyong kuwaderno. a. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran. b. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata na huwag paglaruan ang krus. c. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang Muslim habang pinag-uusapan ang mga gawain ng Katoliko. d. Batang Muslim na pinasasalamatan ng isang bata dahil dumalo ito sa kanyang kaarawan. 215
II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kuwaderno. 1. Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga pahina ng isang banal na aklat. a. Kukunin ko ang Koran mula sa kanya upang di na niya ito tuluyang mapunit. b. Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa. c. Sasabihan ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat. 2. Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig ang iyong Tatay ng balita.Narinig mong nagdarasal ang DRAFTmag-anak na Muslim na inyong kapitbahay. a. Magpapaalam ako sa aking Tatay na hihinaan ko ang radyo dahil nagdarasal ang aming kapitbahay. b. Tatahimik na lamang ako habang sila ayApril 10, 2014nagdarasal. c. Hihintayin ko ang aking Tatay na sabihan akong hinaan ang radyo. 3. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay sa araw ng piyesta. a. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy at maaari niyang kainin. b. Sasabihin ko sa aking Nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat naming ihanda. 216
c. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin. 4. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kanyang matalik na kaibigan. Isa siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist. a. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong maipakilala sa kaniya. b. Makikipagkaibigan ako sa kanya kahit iba ang aming paniniwala tungkol sa Diyos. c. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin. DRAFT5. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata. a. Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang paglalaro upang hindi na makadagdag sa ingay. b. Pagsasabihan ko silang maglaro na lamang sa palaruan.April 10, 2014c. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya. III. Mag-isip ng iba pang paraan kung paano mo maipakikita ang iyong paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Iguhit mo ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. Mabuhay ka batang may paggalang! Natapos mo na naman ang isang aralin na may kinalaman sa ating pagmamahal sa Diyos. 217
Aralin 3 Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap DRAFT Ano kaya ang nararamdaman ng isang batanglumalaban sa isang paligsahan tulad ng nasa larawan?Maliban dito, ano rin kaya ang mararamdaman ng:April 10, 2014 isang mag-aaral na mang-aawit na pilit na inaabot ang napakataas na tono. Isang batang kasali sa quiz bee. Isang batang nakaranas ng lindol, baha, o landslide. Sa araling ito, hinahangad na maisapuso mo angkahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at maisabuhayito upang maging lakas sa pagbuo ng iyong mga pangarappara makamit ang tagumpay. 218
Alamin Natin Tunghayan ang mga larawang tagpo sa ibaba atbigyan ng pagsusuri. “Hmm…. Kaya ko ito. Kaya ko ito.”DRAFTApril 10, 2014“Diyos ko, sana po ay gumaling na ako. Gusto ko na pong bumalik sa paaralan.” 219
“Umaasa ako na malapit ng matapos ang gulo sa aming lugar.” DRAFT“Sana ay magkaroon na rin kami ng malinis na tubig.”April 10, 2014Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang problema ng bawat bata sa larawan? 220
2. Papaano kaya nila tinatanggap ang mga problemang ito?3. Isa-isahin ang iyong mga naging damdamin habang ito ay iyong binabasa at sinusuri at ibahagi ang iyong mga kasagutan sa klase. Bilang mag-aaral, naramdaman mo na ba ang mgaganitong pangyayari sa iyong buhay? Ano ang iyong mgaginawa? Papaano mo pinanatili ang pag-asa para makamitmo ang iyong gusto bilang mag-aaral? Ang isang batang tulad mo ay maraming pangarap. Ang pagkakaroon ng pag-asa ay makatutulong upang ang mga pangarap na ito ay iyong makamit. DRAFT Isagawa Natin Gawain I May mga pagkakataong sinusubukan ang atingApril 10, 2014kakayahan at pagtitiwala natin sa ating sarili. Ang pagkakaroon natin ng pag-asa at positibong pananaw ay makatutulong upang makamit natin ang ating minimithi.1. Buuin ang tsart tungkol sa isang pangarap na nais mong mangyari sa iyong buhay.Ang aking mga gagawin Ang aking mgahabang ako ay nasa gagawin pagkatapos koikatlong baitang: ng ikaanim na baitang:221
Gawain 2A. Pumili ng isa sa mga nakasulat na sitwasyon at sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pamahalaan at pangkat na di sang-ayon dito, napilitang lumikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Isa sa mga batang ito ay si Rowena. 2. Nakatanggap ng sulat si Lelet na hindi siya pinalad na makasama sa mga magiging iskolar sa susunod na pasukan. Sagutin ang mga tanong: DRAFT1. Kung ikaw ang batang nasa sitwasyon na inyong pinili, paano ninyo maipakikita ang pagkakaroon ng pag-asa? 2. Paano ninyo masasabing mahalaga angApril 10, 2014pagkakaroon ng pag-asa?B. Bumuo ng limang pangkat. Pagmasdan ang bawat batang nasa larawan at suriin ang kanilang sinasabi. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba ng mga larawan. Isulat ang napagkasunduang sagot ng inyong grupo sa isang malinis na papel na ilalathala ng lider ng bawat grupo. 222
“Ako si Bulit. Isa akong Ayta.Umaasa ako na maayos akongpakikitunguhan ng aking mgakamag-aral. Magiging mabutiakong kaibigan sa kanila.”DRAFT “Ako si Maita. 2014 Nagsisisi ako na hindiApril 10,ako nag-aral nang mabuti. Umaasa ako na_______________ “____________________ _.”223
Ako si Korin. Ito naman ang aking kapatid. Ako ay nananalig na _____.” ______________________. DRAFT “Ako naman si Rufo.April 10, 2014Umaasa ako na__________.” 224
Mga tanong: Sa inyong palagay, ano ang minimithi ng bawat bata sa larawan? Ano rin kaya ang kanilang gagawin upang magkaroon ng katuparan ang kanilang minimithi? Isapuso Natin Paano natin mailalarawan ang salitang pag-asa? Pumili ka ng isa mula sa mga mungkahing gawain sa ibaba at gawin ito. Maghandang ibahagi ito sa klase DRAFTpagkatapos. 1. Kung ang pag-asa ay isang lutuin, gumawa ng recipe para dito. Isipin mo ang mga kakailanganin upang ang isang tao ay magkaroon ng pag-asa. Halimbawa, lakas ng loob. Ilang kutsara nito ang kakailanganin?April 10, 2014Bigyan ito ng pamagat na Recipe ng Pag-asa. 2. Gumawa ng maze o mapa tungkol sa pag-asa. Kung ang pag-asa ay isang lugar, ano-ano ang mga madaraanan mo upang marating ang lugar na ito? Ano-ano rin ang mga bagay na dapat mong baunin o dalhin sa iyong paglalakbay? Tandaan Natin Mahalagang magkaroon ng pag-asa ang bawat batang tulad mo. Ganunpaman, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng pag-asa. Kailangan mong magsumikap at gawin ang kinakailangan upang makamit ang iyong minimithi. 225
Pag-asa ang siyang nagiging gabay natin sa pagbuo ng ating mga pangarap at pagsusumikap na makamit ito. Kung minsan ay hindi nangyayari ang ating inaasahan ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Nararapat lamang na tanggapin mo ito nang maluwag sa puso. Kung minsan naman may mga bagay na gusto mong mangyari pero hindi agad natutupad. Dahil ikaw ay nananalig, nagtitiwala, at nagdarasal sa Diyos, unti-unti mo itong makakamit at matutupad. Lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Mahal ka ng Diyos at masaya siya kapag nakita ka Niya na masaya o maligaya. Patuloy kang manalangin sa Diyos. Sabihin mo sa kanya ang nadarama ng iyong puso. Huwag kang mawawalanDRAFTng pag-asa. Kung hindi man matupad ang iyong minimithi, may inilaan Siyang higit na makabubutiApril 10, 2014parasaiyo. Isabuhay Natin Kahit ikaw ay bata pa, may hinaharap ka ringpagsubok o suliranin sa araw-araw.Gawain 1 1. Bago ka matulog ay itala mo sa iyong kuwaderno kung paano mo hinarap ang isang pagsubok gaya ng hindi pagpasa sa pagsusulit, hindi napiling lumahok sa isang paligsahan, at iba pa. 226
2. Ipaliwanag mo kung paano naging mahalaga ang pagkakaroon ng pag-asa sa pagkakataong iyon.3. Ibahagi mo ito sa iyong mga kamag-aral sa susunod na araw.Gawain 2 Katulong ang iyong pangkat, punan ninyo ang tsart saibaba ng inyong mga sagot. Ibahagi ito sa klasepagkatapos.Mga pangyayaring Naipakita ko ang pag-asa sanahirapan ako bilang isang pamamagitan ng …mag-aaral DRAFTApril 10, 2014 Subukin Natin A. Piliin ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagkakaroon ng pag-asa. Ipaliwanag ang iyong sagot kung bakit mo ito pinili. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. “Kaya natin ito.” 2. “Matatalo na ako. Mukhang magagaling ang aking mga katunggali.” 3. “Magtatapos ako ng pag-aaral para balang araw ay makatulong ako kay Nanay at Tatay. “ 4. “Sana ay makauwi na ang aming Nanay mula sa Hong Kong. Palagi ko itong ipagdarasal.” 227
5. “Mga ilang taon pa at magbubunga na ang mga punong ito. Kailangan natin itong alagaan.” B. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapakita ng pagkakaroon ng pag-asa sa sumusunod na pagsubok: 1. Nasalanta ang inyong bayan ng isang malakas na bagyo. Pangungusap na may pag-asa: __________________ 2. Di ako pumasa sa isang pagsusulit/quiz Pangungusap na may pag-asa: ___________________ 3. Di napili sa palatuntunan sa pagsayaw Pangungusap na may pag-asa: __________________ 4. Nadamay sa mga napagalitan ng guro DRAFTPangungusap na may pag-asa:____________________April 10, 2014 228
Aralin 4 Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi ko sa Kapwa ko DRAFT Kung ikaw ang manlalaro sa larawan, ano kaya ang iyong mararamdaman kung makikita mo ang iyong mgaApril 10, 2014kaibigan na nagbibigay suporta sa iyo? May mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan. Sila ang iyong pamilya, mga guro, at kaibigan. Binibigyan ka nila ng lakas ng loob kung ikaw ay may pagsubok o problemang hinaharap. Ikaw, paano ka nakapagbibigay pag-asa sa kanila? Sa araling ito ay tatatalakayin natin kung paano tayo maaring makapagbigay ng pag-asa sa iba. 229
Alamin Natin Sa nakaraang aralin ay natutuhan natin kung gaanokahalaga ang pagkakaroon ng pag-asa upang makamitang ating pangarap. Upang makapagbigay tayo ng pag-asa sa ibang tao, nararapat na tayo mismo ay mayroonnito. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin angmga kaugnay na tanong. DRAFT“Ang pag-asa ay makatutulong upang makamit ko ang mga mithiin ko sa buhay. “April 10, 2014 Natatandaan mo pa ba si Pag-asa? Bukod kay Pag-asa ay may bago ka pang makikilala. Siya si Liwanag. 230
“Magandang araw sa iyo. Ako si Liwanag. Kahit tayo ay bata pa ay kaya rin nating makapagbigay ng pag-asa sa iba. Ikaw, kaya mo rin bang magbigay ng pag-asa sa iba?” DRAFT “Huwag ka nang malungkot. GagalingApril 10, 2014narinsiTimmy.“ 231
“Hindi ko talaga “Kaya mo iyan.maintindihan ang aralin Halika pag-aralannatin sa Matematika.” natin.”“Salamat sa inyongDRAFTpagdalaw.” “Masaya kami at malapit ka nang lumabas ngApril 10, 2014pagamutan.”Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Liwanag sa iba’t ibang sitwasyon sa comic strip? 232
2. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na rin tulad ni Liwanag? 3. Gusto mo bang maging katulad ni Liwanag? Ipaliwanag ang inyong sagot. 4. Sa iyong paraan, paano mo ibabahagi ang pagkakaroon ng pag-asa sa iyong mga kaibigan, kamag-aral, at mga kasama sa bahay? Isagawa Natin Gawain I Katulad ka rin ba ni Liwanag? Mag-isip ng isang karanasan kung saan ay nakapagbigay ka ng pag-asa sa iba. Ibahagi ito sa iyong kamag-aral. DRAFTGawain 2 Katulong ang iyong pangkat, magpakita ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng pagbibigay pag-asa saApriliba. 10, 2014 Isapuso Natin 1. Gumuhit ng isang super hero. Tawagin natin siyang Pag-asa. 2. Sa palibot ng nabuo mong imahe, isulat ang kanyang mga katangian. Maghandang ibahagi ito sa klase. Tandaan Natin May kasabihang “Hindi mo maibibigay ang isang bagay na wala ka.” Upang makapagbigay ka ng pag-asa ay nararapat na magkaroon ka muna 233
nito. Nakapagbibigay tayo ng pag-asa sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lakas ng loob, suporta, o tulong. Ang pag-asa ay maaaring maipakita o maipadama sa kapuwa sa iba’t ibang pagkakataon. Sa paaralan, maipadarama o maipakikita mo sa iyong kamag-aral na puwedeng pumasok sa paaralan kahit walang baong pera, na puwedeng pumasok sa paaralan kahit luma ang damit basta malinis ito, at dapat magsumikap palagi sa pag-aaral para matuto sa pagbasa, pagkuwenta, at iba pa. Sa tahanan naman, puwede mong ipadama ang pag- asa kung may miyembro ng pamilya na maysakit, kung naghihirap, kayo sa buhay, o kung nawalan DRAFTkayo ng bahay dahil sa malakas na bagyo. Ang patuloy na pagpapakita at pagpapadama ng pag-asa ay kinalulugdan ng Diyos. Ito ay isangApril 10, 2014biyaya na dapat patuloy na ibinabahagi sa kapuwa. Isabuhay NatinGawain 1 Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay mabuting ugali.Pinalalakas ng pag-asa ang loob ng taong nabibigyan nito.Ito rin ay makapagbibigay sa iyo ng saya. A. Magmasid at alamin kung sino ang kaklase o kaibigan na maaari mong iparamdam na may pag-asa. 234
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Sino sa mga taong nasa paligid ang gusto mong tulungan na magkaroon ng pag-asa? 2. Ano ang iyong dahilan bakit pinili mo siya? 3. Paano mo sisimulan ang pagtulong? 4. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng iyong kaklase o kaibigan sa pagpili mo sa kanya? 5. Magiging masaya ka ba kung ang napili mong kaibigan o kaklase ay makakaramdam ng pag-asa? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawain 2 Buuin mo ang liham na nagpapadama ng pag-asa para sa isang kaibigan na nasa evacuation center. DRAFTNovember 20, 2013 Mahal kong _________, Kumusta ka na? Sana ay ____________________April 10, 2014sa evacuation center. Ang sabi ng Tita Irene ay hindi _________________________________________________ Marami pa raw nakaharang sa daan papunta sa inyong lugar. Huwag ka _________________________ _______________ magdasal. Huwag kang mawalan ng ________. Baka sa susunod na Sabado ay__________ ______________________ sa aking Nanay upang Mabisita kita. Ang iyong kaibigan, Liwanag 235
Kahit bata pa tayo, makapagbibigay din tayo ng pag-asa sa iba. Nararapat na totoo sa ating kalooban kung atinitong ibinibigay. Subukin NatinI. Sabihin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Ang pag-asa ay nakapagpapalakas ng loob. 2. Maaari kang makapagbigay ng pag-asa kahit wala ka nito. 3. Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay makapagpapasaya sa taong nagbibigay nito. 4. Kahit ikaw ay bata pa ay kaya mo ring DRAFTmakapagbigay ng pag-asa. 5. Ang pagbibigay ng pag-asa ay nararapat lamang na totoo sa iyong kalooban.II. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyongApril 10, 2014sasabihin o gagawin na makapagbibigay ng pag-asa. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Kinakabahan ang iyong kapatid na kukuha ng markahang pagsusulit. 2. Nakita mong malungkot ang iyong Tatay dahil sa nasalanta ng bagyo ang inyong pananim. 3. Matatagalan pa bago makalakad ang iyong kaibigan matapos siyang madulas sa hagdan. 4. Hindi nanalo ang iyong mga kamag-aral sa paligsahan sa pagsasayaw. 5. Gusto nang tumigil sa pag-aaral ng iyong kamag-aral dahil sa layo ng inyong paaralan. 236
Aralin 5 Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin DRAFT “Hindi ko hiningi ngunit kusang ibinigay. Hindi ko hinanap ngunit aking natagpuan. Hindi ko hiniling ngunit ipinagkaloob sa akin. Hindi pa man nasasambit ng akingApril 10, 2014mga labi, mga panalangin ko ay agad na dinidinig. Kapag nagkamali laging handang ako ay patawarin. Naligaw man ng landas, sa isang pagtawag ko agad ako’y sasaklolohan. Kahit sa paningin ko hindi ako karapat-dapat, biyaya at pagmamahal laging higit sa sapat. O Diyos na dakila, sino pa ba ang hihigit sa Inyo? Taglay Ninyong kapangyarihan tunay na walang hanggan. Pag-ibig Ninyo sa amin ay walang katapusan! Dahil sa dakilang pag-ibig Ninyo sa akin, buhay ko ngayon ay may kabuluhan.” -prs- 237
Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Ano kaya angmensahe ng taong gumuhit nito? Alamin NatinGawain 1 Basahin ang tanong sa ibaba. Iguhit o isulat mo angsagot sa isang malinis na papel at ipaskil ito sa pisarapagkatapos. Maaari mo ring kulayan ang iyong iginuhitkung kinakailangan. Tanong:DRAFTKung mailalarawan mo ang pagmamahal ng Diyos, saan mo ito maihahambing?April 10, 2014Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang nararamdaman ninyo habang iginuguhit o isinusulat ang inyong sagot sa papel? 2. Pagmasdan ninyo ang mga nakapaskil na sagot sa pisara. Maliban sa mga nakapaskil na sagot may iba pa ba kayong naisip kung paano mailalarawan ang pagmamahal ng Diyos sa atin? Ipaliwanag ang iyong sagot. Ang pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindinagbabago kailanman at kanino man. Mula sa atingpagkasilang hanggang sa tayo ay bawian ng buhay, hinditayo iniiwan ng Diyos, maging sa panahon ng kalungkutan omga suliranin. 238
Isipin mong mabuti. Kapag ikaw ay nagkamali, pinagsasabihan ka ng iyong mga magulang. Bakit nila ito ginagawa? Itinatama lamang nila ang iyong maling kilos at gawi. Ipinauunawa nila sa iyo ito upang hindi ka na ulit magkamali. Gayundin naman, kapag ikaw ay nagpakumbaba, inamin mo ang iyong pagkakamali at humingi ka ng kapatawaran, lagi ka nilang binibigyan ng pagkakataong magbago. Patunay ang mga ito ng pagmamahal nila sa iyo. Kung ang ating mga magulang na tulad nating mga tao ay DRAFTkayang magmahal sa atin nang ganito, paano pa kaya ang Diyos nating Ama na siyang lumalang sa buong sangkatauhan? Hindi lang mapagmahal ang Diyos sapagkat ang Diyos mismo ay pag-ibig. Gawain 2 Pagmasdan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanongApril 10, 2014pagkatapos. 239
Mga Tanong:DRAFT Sa inyong palagay, ano kaya ang ipinapanalangin ng mga bata? Palagi rin ba kayong nananalangin ng pasasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang biyaya? Ipaliwanag ang inyong sagot. Bilang isang bata, paano mo ipinakikita ang iyongApril 10, 2014pasasalamat sa mga taong nagpalaki sa iyo? Ang panalangin ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay gawaing kalugod-lugod sa Diyossapagkat nagpapakita ito na mahalaga Siya sa ating buhayat nais nating makipag-ugnayan sa Kanya. Dapat din natingisama sa ating panalangin ang kalagayan ng ibang tao ong ating bansa. Idinadalangin kong maranasan mo ang pag-ibig ngDiyos at maibahagi ang kanyang kabutihan atpagmamahal sa pakikipag-ugnayan mo sa kapuwa. 240
Isagawa Natin Gawain 1 A. Balikan natin ang tula na nasa unang pahina. Isipin mo ang mga pagkakataong naging totoo sa iyo ang mga binabanggit nitong biyayang nakamit sa Diyos. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Hindi ko hiningi ngunit kusa Niyang ibinigay sa akin ang DRAFT______________________________________________________ _______________________________________________. 2. May mga araw na nakakalimot akong magdasal subalit palagi Niya pa rin akong ______________________ ______________________________________________. 3. Dati akong nakikipag-away sa klase ngunit hindi naApril 10, 2014ngayon. Marami na akong kaibigan. Alam kong pinatawad ako ng Diyos sa___________________________ ______________________________________________. 4. Kahit minsan pakiramdam ko ay hindi ako karapat- dapat mahalin, ang Diyos ay_________________________ _________________________________________________. 5. Alam kong mahal ako ng Diyos sapagkat_____________ _________________________________________________. B. Ibahagi ang iyong mga sagot sa iyong katabi. 241
Gawain 2 May alam ka bang awitin ukol sa pag-ibig ng Diyos? Ang awitin sa ibaba ay isang halimbawa ngpaglalarawan ng pag-ibig ng Diyos na karaniwang inaawitsa misa ng mga Katoliko. Alam mo ba ang awiting ito? Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kaluluwa Ang siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa Pag-ibig ang siyang buklod natin, di mapapawi kailan pa man Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang kahit na tayo’y magkawalay. DRAFTKoro: Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng Pag-ibig Magmahalan tayo’t magtulungan At kung tayo’y bigo ay huwag limutin na may Diyos tayong nagmamahalApril 10, 2014Diyosaypag-ibig… Diyos ay pag-ibig…. Paano mo ilalarawan ang pag-ibig ng Diyos? Sa tulongng iba pang kasapi ng iyong pangkat, lumikha kayo ngisang awiting na naglalarawan ng pag-ibig ng Diyos saKanyang mga nilalang. Lapatan ito ng pamagat. Maaringlumikha ng sariling himig o maaring ibatay ang himig nglikhang-awit sa isang awiting alam ng lahat ng kasapi.Maghandang itanghal ito sa klase. Sabihin kung paanoinilalarawan ng awitin ang pag-ibig ng Diyos. 242
Isapuso Natin Gawain 1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, gumawa ng isang maikling panalangin ng pasasalamat sa pag-ibig ng Diyos na iyong nararanasan. Isipin mo ang mga kabutihang nagawa ng paniniwala o pananalig sa Diyos sa iyong buhay. DRAFT2. Pagkatapos, lumahok sa panalanging pangungunahan ng guro at sambitin ang panalanging nagawa. Idikit ang iyong panalangin sa manila paper na nasa pisara kasama ng iba pang panalangin na ginawa ng iyong mga kamag-aral. Tandaan NatinApril 10, 2014Ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang kaparis, hindi nagbabago, at walang katapusan. Kung ang Diyos ang lumikha sa atin, ang kanyang katangiang ito ay tiyak na taglay din natin. Ito ang dahilan kung bakit minamahal natin ang ating kapuwa, kung bakit tayo ay may pusong likas na matulungin, at mapagmahal. Pansinin natin ang paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa sumusunod na pahayag: Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan. Ang pag-ibig ng Diyos ay nadarama ng mga taong ganap ang pagtitiwala sa Kanya. Ang pag-ibig ng Diyos ay nararanasan nang lubos kapag ipinagkatiwala natin sa Kanya ang ating 243
buhay. Ibig sabihin nito ay isinasabuhay natin ang Kanyang mga tagubilin. Ang pag-ibig ng Diyos ay mauunawaan at madarama natin sa pakikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa ng Kanyang mga salita. Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay mapagmahal at matulungin sa kapuwa. Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay may paggalang at pagkalinga sa lahat ng Kanyang ginawa. DRAFTIsabuhay NatinApril 10, 2014A. Pagmasdan ang larawan. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya si Arriza AnnNocum. Ang kanyang ina ay isang Muslim samantalang ang 244
kanyang ama naman ay Katoliko. Naranasan ni Arriza ang pagmamahal ng Diyos, unang-una sa kanilang masayang tahanan. Nangarap si Arriza na balang araw maibabahagi rin niya ang pagmamahal na nararanasan mula sa Diyos sa mga batang Kristiyano at Muslim sa Mindanao. Sa tulong ng kanyang mga magulang, kaibigan, at mga taong may pusong mapagkawanggawa, nakapagpatayo siya ng mga silid-aklatan. Tinawag niya itong KRIS Peace Library. Sa ngayon, bukod sa apat na silid-aklatan, may mga pinag-aaral ding mga bata ang samahan. Ang pagmamahal ng Diyos na naranasan ni Arriza ang siyang naging susi sa pag-unawa, pagmamahal, at pagtulong niya sa kapuwa. Hindi madali ang ginawa ni Arriza ngunit nagtiwala siya sa Diyos na tutulungan siya sa kanyang mabuting adhikain at hindi siya nabigo. DRAFTSagutin ang mga tanong: 1. Gusto mo rin bang maging katulad ni Arriza Ann Nocum? 2. Bilang isang mag-aaral ng ikatlong baitang, paano moApril 10, 2014ipakikita sa iyong kapuwa na puwede kang maging daluyan ng pagmamahal ng Diyos? 3. Ibahagi ang inyong sagot sa klase. B. Gumawa ng isang badge, larawan, maikling liham, o tula para sa dalawa taong masasabi mong naging daan upang maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos. Ibigay ito sa kanila. 245
Subukin Natin I. Paano natin mailalarawan ang pag-ibig ng Diyos sa atin? Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang katunog ng sinalungguhitang salita. 1. Panginoon, ikaw ang daluyan ng lahat ng pagpapala, ang lahat ng biyaya sa Inyo po __ __ g_ __ __ __ __ __ __. 2. Mapagpatawad at maawain Diyos, DRAFTSiya ang minamahal ___ ___ t ___ ___ tunay. 3. Buhay ko ay iaalay Sa inyo o Diyos ayokong ___ ___ ___ ___ ___ ___ y.April 10, 20144. Sa panahon ng kalungkutan ikaw ang aking pag- asa. Lahat ay makakaya pagkat Kayo ay aking k __ __ __ __ __. 5. Gumawa ng sarili mong pahayag ukol sa pagmamahal ng Diyos 246
II. Paano naman natin ipinadarama sa iba ang ating pagmamahal sa Diyos? Gayahin ang graphic organizer sa ibaba sa iyongkuwaderno at punan ang bawat kolum ng dalawanghalimbawa.Sa Tahanan Sa Paaralan Sa Pakikitungo sa Kapuwa DRAFTApril 10, 2014Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Dalangin kong maisapuso mo na ang pagmamahal ng Diyos sa iyo at kailanman ay hindi magbabago. 247
Aralin 6 Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko Ang isang kaibigan ay laging nagmamahal. Paanonatin maipakikita ang ating pagmamahal sa ating mgakaibigan? Halina at tuklasin natin sa araling ito. Alamin NatinTingnan ang larawan sa ibaba. Nakasali ka na ba sa isang paligsahan katulad ng mgabatang ito na nanalo sa isang kompetisyon sa kanilangDRAFTpaaralan?April 10, 2014 Paano kaya sila tinulungan ng kanilang mga kaibigansa pagkakataong iyon? Ipinagdasal kaya ng kanilang mgakaibigan ang kanilang tagumpay? 248
Nanonood ka ba ng basketbol? Marahil ay natatandaan mo ang pagkapanalo ng koponan ng Pilipinas para sa FIBA, isang pandaigdigang kompetisyon sa larangan ng basketbol. Alam mo ba na walang pagsidlan ang kasiyahan ng mga manonood nang sila ay manalo? Dahil kinakatawan nila ang Pilipinas, lahat halos ng mga Pilipino ay nagdasal at nagpakita ng suporta sa kanila. Basahin mo ang maikling tula at sagutin ang mga kaugnay na tanong sa ibaba. Palagi siyang may nakahandang ngiti Pagod ko at pagkabagot ay kanyang pinapawi DRAFTKaramay ko siya sa aking pagpupunyagi Matiyagang umaalalay sa akin palagi. At nang dumating na itong oras ng paligsahan Ngumiti siya at sinabing “Kaya mo yan!” Nakita ko siya na yumuko nang marahan Taimtim na nanalangin sa Diyos AmangApril 10, 2014makapangyarihan. At nang tinawag na itong aking pangalan, Kagalakan niya, aba’y walang pagsidlan! Kay taas ng kanyang talon dahil sa kasiyahan Aking tagumpay, kanyang kagalakan! Ako ay nagwagi dahil sa tulong mo Karangalang ito ay utang ko sa iyo At kung sakali mang hindi ako nanalo Sa panahon ng pagkabigo, ikaw ay sandigan ko. Salamat sa isang tunay na kaibigan Walang kaparis ang iyong kabaitan Hindi kita malilimutan kailanman 249
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284