Sa laki ng saklaw ng napinsala, tinataya ni U.N Sec General KofiAnnan na ang relief at humanitarian mission sa mga bansang apektado angmaituturing na pinakamagastos sa kasaysayan. Maaaring umabot mula limahanggang sampung taon ang rehabilitasyon. Mabilis ang naging pagtugon ng mga bansa sa Europa, ng Australia atJapan sa pangyayaring ito. Agad silang nagpadala ng mga rescue, relief athumanitarian mission sa mga apektadong lugar. Narito ang talaan ng tulong pinansyal na ipinagkaloob ng mganabanggit. Tatlong araw matapos ang pangyayari, nagpadala ang U.S ngpinakamalaking humanitarian mission sa kanilang kasaysayan. Bansa/ Organisasyon Halagang ipinagkaloobAustralia 819.9M U.S $Germany 660 M U.S $Japan 500M U.S $Canada 425 M Canadian $United States 350 M U.S $World Bank 250 M U.S $Sagutin Mo1. Batay sa mga impormasyong inilahad, ano ang masasabi mo sa naging reaksyon at pagkilos ng mga bansa sa daigdig sa naganap na mapinsalang tsunami sa Indian Ocean?2. Paano nila ipinakita ang sama-samang pagkilos? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.5/13
3. Paano makatutulong sa mabilis na rehabilitasyon ng mga apektadong bansa ang ginagawang humanitarian mission? Paano ito magiging susi sa pagbangon at pag-unlad ng mga bansang nabanggit?Gawain Blg. 2 Matapos mong sagutan ang unang gawain, pagtuunan mo namanng pansin ang mga pangyayari sa ating bansa. Sa kasalukuyan, malakinghadlang pa rin sa pagkakamit ng pagkakaisa at kaunlaran ang mgasumusunod: Labis na Mga pangkat ngpamumulitika rebeldeng lumalaban sa pamahalaanPatuloy na Pag-iral ngpaglaki ng agwat colonial mentalityng mayaman samahirapLabis na rehiyonalismoPROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.6/13
Kung isa ka sa tagapayo ng Pangulo, anu-anong mga tiyak nghakbang ang iyong isasangguni upang umiral ang pagkakaisa at malutasang suliraning ito?Mga Suliranin Tiyak na hakbang tungo sa Pagpapahalagang pagkakamit ng pagkakaisa lilinangin sa taong kinauukulan1. Labis na pamumulitika2. Mga rebeldeng nasa armadong pakikibaka sa pamahalaan3. Patuloy na paglaki ng agwat ng mayaman at mahirap4. Colonial Mentality5. Labis na rehiyonalismo( Mas pinahahalagahanang pagkabilang sa isangrehiyon bago angpagiging Pilipino. Hal.Kapampangan, Ilocano,Bicolano, Ilonggo,Tagalog, at iba pa.) PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.7/13
Sagutin Mo1. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga suliraning ito?2. Bakit hadlang ang mga ito sa pagkakamit ng pagkakaisa at kaunlaran ng bansa?3. Paano mo makatutulong ang sama-samang paggawa sa paglutas ng mga suliraning ito?Gawain Blg. 3 May mga pangkat na tumutulong sa sama-samang paggawa upangmakapaglingkod at makatulong sa kapwa. Punan mo ang kaukulang kolum ngmga sagot na hinihingi. Samahan Gawain Kabutihang dulotPhilippine National • Pagtugon sa • Pagliligtas ng buhayRed Cross panahon ng • Pagtulong sa mga kalamidad. nangangailangan • Relief at rescue operations • Misyong medicalRotary ClubInternationalGMA KapusoFoundationABS-CBN’sBantay BataFoundationBantay KalikasanFoundationHelping HandFoundation PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.8/13
Sagutin Mo 1. Ano ang magandang halimbawang ipinakikita ng mga samahang ito? 2. Paano nila isinasabuhay ang diwa ng sama-samang paggawa? 3. Paano sila nakatutulong sa pagkakamit ng kaunlaran?IV. Ano Ang Iyong Natutuhan? Ano ang mahalagang konseptong iyong natutuhan sa mga gawaing natapos? Sa tulong ng mga gabay na salita sa ibaba, isulat mo ang nabuo mong konsepto. Susi Sama-samaKaunlaran Paggawa Pagkakaisa BansaKonsepto:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.9/13
V. Pagpapatibay Tulad ng nabanggit na sa panimula ng modyul na ito, ang bawat tao ay natatangi at kaiba sa kanyang kapwa. Ang mga pagkakaibang ito ang nagpapaganda at nagbibigay kulay sa araw-araw nating pamumuhay. Ang pagkakaiba rin ito ang dapat nagbibigay daan sa atin upang pahalagahan ang ating kapwa sapagkat maaaring ang kakulangan natin ay kalakasan naman niya. Ito ang magtuturo sa atin ng kahalagahan ng symbiotic relationship at peaceful co-existence. Nakalulungkot isipin na sa halip na ganito ang mangyari ay ginagamit ng ilan ang pagkakaibang ito upang isulong ang kani-kanilang sariling interes. Dapat nating isipin na anuman ang mangyari sa ating kapwa ay tiyak na may epekto ito sa atin. Mahalaga ang sama-samang pagkilos at paggawa upang makamit natin ang pag-unlad. Ang pangyayaring tsunami sa Indian Ocean at ang napakalaking pinsalang iniwan nito ay nagsilbing hamon sa sangkatauhan. Ang naging pagtugon ng maraming bansa ay kahanga-hanga. Ipinakita nila ang kanilang malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa. Alam ng mga bansang mayayaman na sila man ay maaapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiyang pandaigdig kung hindi nila tutulungan ang mga bansang napinsala. Ganito rin sana ang maging pagtugon natin mga Pilipino sa mga suliraning kinakaharap natin. Sa halip na magbangayan at magpagalingan, mahalagang sama-samang kumilos tungo sa pangmatagalang solusyon sa problema. Ang nangyayaring kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao ay patuloy na makahahadlang sa ating minimithing pag-unlad sapagkat banta ito sa seguridad at katahimikan. Hanggat hindi nakalilikha ng mapayapa at pangmatagalang solusyon sa labanan sa lugar na ito walang dayuhang negosyante ang maglalakas loob na mamuhunan sa bansa. Mahalagang sama-samang kumilos ang bawat Pilipino. Isantabi ang mga personal na interes at ang kabutihang panlahat ang isipin. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.10/13
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ang diwa ng bayanihan ay nararapat panatilihing buhay sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Ang sama-samang paggawa ang susi sa pagkakamit ng ating minimithing kaunlaran. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng sama-samang paggawa at pagkakaisa? Magbigay ng tiyak na hakbanging iyong isasagawa. Isulat ito sa mga nakalaang kahon . Magsimula ka sa ibaba. Kaunlaran 5. 4. 3. 2. 1. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.11/13
VII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga pahayag at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Mayaman ang kulturang Pilipino, bunga ito ng: a. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan b. modernisasyon at industriyalisasyon c. nalinang na uri ng pamumuhay ng iba’t-ibang pangkat ng Pilipino d. likas na yamang kaloob ng Diyos 2. Ang kalagayang heograpikal ng Pilipinas ay isa sa salik na nakapagdulot ng: a. Isang pambansang wika b. maunlad na sistema ng tele-komunikasyon c. kaunlarang pangkabuhayan sa bansa d. mayamang kultura at kasaysayan 3. Anong pagpapahalaga ang susi sa pagkakamit ng pambansang kaunlaran? a. pagkakaisa b. pagkamalikhain c. sipag d. tiyaga 4. Mahalaga sa pagkakaisa ng isang pangkat ang pagkakaroon ng: a. iisang tunguhin b. magkakaparehong opinion c. popular na pinuno d. pondong salapi 5. Ang malayang palitan ng kuro-kuro sa isang pangkat ay nakatutulong sa pagkakamit ng kaunlaran sapagkat: a. nakikita kung sino sa mga kasapi ang mahusay magpaliwanag b. nailalahad ang mga isyu sa mga kasapi c. lumalabas ang iba’t-ibang ideyang maaaring pagpilian at gamitin d. nagagamit ng mga kasapi ang pagkakataon upang sila’y makilala PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.12/13
VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph M. Social Morals: The Church Speaks on Society. Manila Southeast Asian Science Foundation Inc. 1987 Moga, Michael D. What Makes Man Truly Human. Makati: St. Pauls. 1995 Susi sa Pagwaswasto A. Handa Ka na Ba? 1. c 2. d 3. a 4. a 5. c B. Gaano Ka Natuto 1. c 2. d 3. a 4. a 5. c PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.13/13
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 2 Modyul Blg. 9 Mga Bagong BayaniI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Sa mga naunang modyul, natutuhan mo na mahalaga ang paggawa sapagkat bahagi ito ng misyong kaloob ng Diyos sa tao. Sa pamamagitan ng paggawa, nalilinang ng tao ang kanyang talino at napauunlad ang sarili. Bukod dito, nagagawa niyang maging produktibo at kapaki-pakinabang na kasapi ng pangkat. Sa modyul na ito, ang panlipunang dimensyon ng paggawa ang iyong matutuklasan. Makikita mo na ang paggawa ay isa ring paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Naipamalas ito nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar at ng iba pang bayani ng ating lahi at ng inyong lokal na kasaysayan. Umaasa akong pagkatapos mong sumailalim sa iba’t ibang gawain sa modyul na ito, malilinang mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Naipakikita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggawa (L.C 2.8) A. Naipaliliwanag kung paano naipakikita ng iba’t ibang uri ng manggagawa ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggawa B. Nahihinuha ang panlipunang dimensyon ng paggawa C. Nakikilala ang mga konkretong hakbang kung paano maipakikita bilang isang mag-aaral at mamamayan ang pagmamahal sa bansa PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.1/12
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang -aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Ang pagmamahal sa bayan ay tinatawag na: a. globalismo. b. ideyalismo. c. nasyonalismo. d. rehiyonalismo. 2. Itinuturing na bayani ang mga taong: a. nakapaglingkod ng mahabang panahon sa bayan. b. nag-alay ng lakas at talino sa bayan. c. tapat na naglilingkod sa pamayanan. d. matatapang at laging nakikipaglaban 3. Mahalagang linangin sa mga kabataan ang kahalagahan ng paggawa at paglilingkod sa bayan upang: a. maiwasan ang pag-alis ng mga propesyonal patungo sa ibang bansa. b. tumaas ang bilang ng mga Pilipinong manggagawa. c. maging kapaki-pakinabang silang kasapi ng lipunan. d. sila ang maging pinuno ng bansa sa hinaharap. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.2/12
4. Ang sanctification of work ay nangangahulugan na sa pamamagitan ng paggawa: a. mapababanal ng tao ang sarili. b. higit na mapatatalino ng tao ang sarili. c. higit na mapauunlad ng tao ang kanyang mga kasanayan. d. higit na mapalalawak ng tao ang ugnayang pangkapwa. 5. Kilala si Mariel na mahusay na guro sa agham. Marami na rin siyang parangal na tinanggap patunay ng kanyang kahusayan. Nag-aplay siya at natanggap bilang guro sa Amerika. Limang taon ang kanyang kontrata subalit maaari pa niya itong palawigin kung magugustuhan niya roon. Nakalulungkot ang mga kasong tulad ng kay Mariel sapagkat: a. Kakailanganin niyang makibagay sa kulturang dayuhan. b. Magsisimula siya ng panibagong buhay sa ibang bansa. c. Mawawalay siya sa kanyang pamilya. d. Higit na nakikinabang ang mga dayuhang mag-aaral sa talino ng gurong Pilipino.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Bukod sa mga OFWs, marami pa ring tinaguriang bagong bayani ang nananatili sa loob ng bansa at patuloy na gumagawa hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa bayan. Isang magandang halimbawa ay ang Doctors to the Barrio ng International Rural Reconstruction and Development Project na pinamunuan ni Senador Juan Flavier. Naglalayon ang proyektong ito na linangin ang pananagutang panlipunan ng mga manggagamot sa pamamagitan ng pagsisilbi sa mga mahihirap sa mga probinsya at malalayong barrio. Bukod sa mga manggagamot na ito, marami pa tayong mga kababayan na piniling manatili at maglingkod sa sariling bayan kaysa magtrabaho sa ibang bansa. Narito ang ilan sa kanila. Lagyan mo ng angkop na kasagutan ang hinihingi ng bawat kolum. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.3/12
Mga Kababayang Gawain Paano naipakikita angNaglilingkod sa pagmamahal sa bayanBansa Magturo ng kaalaman at mga pagpapahalaga sa 1. Pagtuturo ng mga Guro kaalaman, mga mag-aaral kasanayan at pagpapahalaga sa mga kabataan. 2. Pagmumulat sa mga kabataan ng kahalagahan ng paggalang sa awtoridad at iba pang pagpapahalaga.MagsasakaMangingisdaManggagawa sa mga pabrikaDoctor at medicalstaff sa mga health center Iba panghalimbawaSagutin Mo1. Bukod sa mga nakalista, anu-ano pang mga gawain ang nakatutulong nang malaki sa ating bayan?2. Paano nila ipinakikita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanilang gawain?3. Paano mo maipakikita sa kanila ang iyong pagpapahalaga at pasasalamat? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.4/12
Gawain Blg. 2Basahin ang dalawang artikulo at sagutin ang mga tanong. 1. Negosyo at Pananagutan Kapag binanggit ang pangalang Alfonso Yuchengco, hindi maiiwasangmaalala ang Yuchengco Group of Companies na kumakatawan sa isa sapinakamahalagang conglomerate sa bansa. Sa edad na 26, sinimulan niYuchengco na gamitin ang kanyang talino sa negosyo sa tulong ng kanyangama. Namuhunan siya ng P250,000.00 at itinatag ang Malayan Insurance.Umunlad ito bilang isa sa pinakamalaking non-life insurance operation sabansa. Itinatag rin niya ang mga sumusunod na kompanya: Great Pacific Life (Grepalife), House of Investments (1959) at Rizal Commercial Banking Corporation Sa mga kompanyang ito, nabigyan ng pagkakataong makapagtrabahoang maraming Pilipino. Ang iba ay nabigyan ng mataas na posisyon sakompanya dahil sa kanilang ipinamalas na kahusayan sa trabaho. Magkakatulad ang pagpapahalagang binibigyang-diin sa lahat ng mgakompanya ni G. Yuchengco. Ang mga ito ay ang pagpapahalaga sa tiwala ngmga kliyente, husay ng mga empleyado at ang pagiging maaasahan ng mgakompanya. Ang makapag-iwan ng isang mabuti at malinis na pangalan angpinakamahalagang pamanang maiiwan ni G. Yuchengco. Bawat taon,nag-aambag ng limang bahagdan (5%) mula sa taunangkita ang lahat ng kompanya ni G. Yunchengco. Ang nalilikom na pera ayinilalagay sa Alfonso Yuchengco Foundation na kilala sa tawag na AYFoundation. Nagbibigay sila ng scholarship sa mga mahihirap ngunit matalinoat karapat-dapat na mga mag-aaral. Libu-libong kabataan na ang nakinabangsa pagbabahagi ng Yuchengco Groups ng kanilang biyaya. Bukod dito,naghahandog din sila ng hospitalization at medical help sa mga mahihirap. Pinatunayan ni Alfonso Yuchengco na hindi lamang ang sarili angmakikinabang sa mga pinagpaguran. Maging ang lipunan ay nabibiyayaandahil sa kanyang pagsisikap na mapaunlad ang kanyang mga kompanya. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.5/12
Sagutin Mo1. Paano nakatulong si Alfonso Yuchengco sa kanyang mga kababayan?2. Paano niya ipinakita ang pagmamahal niya sa kanyang bansa? Bumanggit ng mga patunay na magbibigay suporta sa iyong sagot.3. Anong panlipunang dimensyon ng paggawa ang nakita mo sa artikulo? Ipaliwanag.……………………………………………………………………………………… Mahihinuha mo ba kung ano ang haribon? Anong dalawang salita angpinagmulan nito? Basahin ang ikalawang seleksyon sa ibaba at sagutan angmga tanong. Haribon at ang Kapaligiran Isa sa mga aktibong samahan na nagmamalasakit sa atingkapaligiran ay ang Haribon Foundation. Nagmula sa salitang hari at ibon,nabuo ang salitang haribon na tumutukoy sa haring ibon o sa higit natingkilalang tawag na agila. Ito ang simbolo at tagapagpaalala sa atin ngkahalagahan ng pangangalaga ng iba’t ibang anyo ng buhay sa loob ngteritoryo ng Pilipinas. Itinatag ang Haribon Foundation for the Conservation of NaturalResources upang pangalagaan ang Philippine Biodiversity. Ang biodiversitysa simpleng kahulugan ay tumutukoy sa iba’t ibang hayop at halamangmayroon sa isang tiyak na lugar. Ang Haribon ang pangunahing samahangpangkapaligiran sa bansa. Nagsimula ang samahang ito noong 1972 bilangisang bird watching society hanggang sa lumawak ang saklaw nito sapangangalaga ng kalikasan at wildlife. Naging full-fledged conservationfoundation ito noong 1983. Sa kasalukuyan, kinikilala ang samahan saPilipinas at sa buong mundo bilang tagapangalaga ng ating kalikasan atkapaligiran. May apat na pamamaraan ang samahang ito upang pangalagaan angiba’t ibang anyo ng buhay: Saving Sites, Saving Species, Working withPeople at Advocacy. Makikita sa logo ng samahan ang siyam na dahon na nasa isangpuno. Simbolo ang mga ito ng siyam na ecosystem na matatagpuan saPilipinas: kagubatan (forest), bakawan (mangrove), marginal, agricultural,urban, freshwater, sea grass, coral at soft bottom. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.6/12
Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang pangangalaga ng samahan sa mga nabanggit na ecosystem. Malaki ang naitutulong ng mga pagsisikap ng samahang ito upang pangalagaan ang ating kalikasan. Sagutin Mo 1. Paano ipinakikita ng Haribon Foundation bilang samahan ang kanilang pagmamahal sa bayan? 2. Ano ang panlipunang dimensiyon ng paggawa ng Haribon Foundation? 3. Ano, sa palagay mo, ang maaaring kahihinatnan ng ating kalikasaan kung walang mangangalaga dito? Gawain Blg. 3 Paggawa, Handog Ko sa Bayan Nag-iisa lamang ang bansang iyong sinilangan. Baka dumating ang araw na lisanin mo ito upang magtrabaho sa ibang bansa. Ngunit darating ang panahon na babalik ka rin. Walang ibang lugar sa buong daigdig ang kahalintulad nito. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa bansa? Mag-isip ka ng mga konkretong hakbang kung paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bansa bilang mag-aaral at mamamayan sa pamamagitan ng paggawa. Isulat mo ang iyong sagot sa loob ng mga pusong inilaan para dito.Hal. Pag-aaralnang mabutiupang makataposnang maymagandangmarka PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.7/12
Sagutin Mo 1. Nahirapan ka ba sa gawain? Bakit? 2. Paano mo isasabuhay ang mga hakbang na isinulat mo sa loob ng mga puso? 3. Paano mo maiuugnay ang dalawang naunang gawain sa ginawa mo ngayon?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Batay sa mga gawaing natapos, ano ang mahalagang konseptong naglinaw sa iyo? Gamitin mong gabay ang mga sumusunod na salita sa loob ng kahon.Paggawa BayanPamamagitan Maipakikita Konsepto: ____________________________________________________ ____________________________________________________V. Pagpapatibay Makabayang Paggawa Sa panahong nasa pangkabuhayang krisis ang bansa, mahalagang kumilos upang makamit ang inaasam na pag-unlad. Ito ang pag-unlad na hindi lamang sa iilan kundi para sa lahat. Makakamit lamang ito kung ang bawat isa ay kikilos at magtatrabaho. Walang maliit na gawain. May dignidad ang anumang malinis na gawain. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.8/12
Si San Jose Maria Escriva, tagapagtatag ng Opus Dei, (Work ofGod) ay nakilala dahil sa kanyang pagtataguyod sa sanctification of work.Binigyang-diin niya na ang bawat isa ay maaaring maging banal sapamamagitan ng mabuting paggawa. Anuman ang gawaing naiatang sa iyong mga kamay, kung gagawinmo nang buong kahusayan, maiaangat mo hindi lamang ang iyong sarilikundi pati ang iyong bansa. May tatlong halimbawa ang magbibigay-linaw nito sa iyo. Angmagsasaka ay gumigising nang maaga upang bungkalin ang kanyang bukid,magtanim dito at alagaan ang kanyang mga itinanim hanggang sa araw ngpag-aani. Ginagawa niya ito para sa kanyang sarili at pamilya upang mayroonsilang ikabuhay. Kung titingnan mo sa malawakang dimensyon, makikita mona ang ginagawa ng magsasakang ito ay may malaki at tuwirang epekto sakabuhayan ng bansa. Kapag naging maganda ang ani niya at ng iba pang mgamagsasaka, dadami ang suplay ng bigas sa ating pamilihan at magigingmasagana ang hapag ng bawat pamilyang Pilipino. Kung lalabis pa ngmaraming tonelada ang ani, maaari pa tayong magluwas nito sa ibang bansa.Nangangahulugan ito ng karagdagang kita sa bansa. Kung ang magsasakaay hindi kikilos, magugutom ang maraming Pilipino na umaasa sa bigasbilang pangunahing pagkain. May mga guro na sa kabila ng atraksyon ng malaking kita saibayong dagat, piniling manatili at magturo sa ating bansa. Maliit angsuweldo, labis-labis ang trabaho at kulang sa mga benepisyo, patuloy pa rinsilang naglilingkod sa bansa sa pamamagitan ng pagtuturo. Sa kamay ng mga guro nakasalalay ang uri ng mamamayangmagkakaroon tayo sa mga susunod na taon. Ito ay dahil sila ang katuwangng pamilya sa paghubog ng pagkatao ng Pilipino. Paano nila naipakikita angkanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtuturo? Sa loob ngsilid-aralan natututuhan ng bata ang ating kasaysayan at ang mahahalagangbagay sa ating mga Pilipino. Ilan ang mga ito sa kaalamang makatutulongupang higit pang pahalagahan ng mga batang henerasyon ang ating kulturaat kasaysayan. Ang mga sundalo, tulad ng mga guro, ay maliit din ang kinikita kungihahambing sa serbisyong ipinagkakaloob nila sa bansa. Subalit sa kabilanito, handa pa rin nilang itaya ang buhay sa pagtatanggol sa bayan. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.9/12
Ilan lamang sila sa mga halimbawa ng mga bagong bayani sa kasalukuyang panahon na nagpapatunay na sa pamamagitan ng paggawa, maipamamalas ang pagmamahal sa bayan.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Bilang isang kabataan, anu-ano ang mga bagay na maaari mong gawin upang ipakita ang iyong pagmamahal sa bayan.? Isulat mo ang iyong sagot sa kaukulang espasyo sa loob ng kahon. Halimbawa: Bilang isang kabataan, maipakikita ko ang aking pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng: 1. Pag-aaral nang mabuti upang malinang ko ang aking talino at ng pakinabangan ako ng ating bansa kapag ako’y nagtatrabaho na. _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.10/12
VII. Gaano Ka Natuto? Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Ang pagmamahal sa bayan ay tinatawag na: a. globalismo. b. ideyalismo. c. nasyonalismo. d. rehiyonalismo. 2. Itinuturing na bayani ang mga taong: a. nakapaglingkod ng mahabang panahon sa bayan. b. nag-alay ng lakas at talino sa bayan. c. tapat na naglilingkod sa pamayanan. d. matatapang at laging nakikipaglaban 3. Mahalagang linangin sa mga kabataan ang kahalagahan ng paggawa at paglilingkod sa bayan upang: a. maiwasan ang pag-alis ng mga propesyonal patungo sa ibang bansa. b. tumaas ang bilang ng mga Pilipinong manggagawa. c. maging kapaki-pakinabang silang kasapi ng lipunan. d. sila ang maging pinuno ng bansa sa hinaharap. 4. Ang sanctification of work ay nangangahulugan na sa pamamagitan ng paggawa: a. mapababanal ng tao ang sarili. b. higit na mapatatalino ng tao ang sarili. c. higit na mapauunlad ng tao ang kanyang mga kasanayan. d. higit na mapalalawak ng tao ang ugnayang pangkapwa. 5. Kilala si Mariel na mahusay na guro sa agham. Marami na rin siyang parangal na tinanggap patunay ng kanyang kahusayan. Nag-aplay siya at natanggap bilang guro sa Amerika. Limang taon ang kanyang kontrata subalit maaari pa niya itong palawigin kung magugustuhan niya roon. Nakalulungkot ang mga kasong tulad ng kay Mariel sapagkat: a. Kakailanganin niyang makibagay sa kulturang dayuhan. b. Magsisimula siya ng panibagong buhay sa ibang bansa. c. Mawawalay siya sa kanyang pamilya. d. Higit na nakikinabang ang mga dayuhang mag-aaral sa talino ng gurong Pilipino. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.11/12
Mga Sanggunian Esteban, Esther J. 1990. Education in Values. What, Why & for Whom. Manila: Sinag-Tala Publishers. Moga, Michael D. 1995. What Makes Man Truly Human. Makati: St. Pauls. Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. c 2. b 3. c 4. a 5. d Gaano Ka Natuto? 1. c 2. b 3. c 4. a 5. d PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 9, pah.12/12
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 2 Modyul Blg. 10 May Dignidad Sa Mabuting GawainI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Ilang taon mula ngayon magtatrabaho ka na. Ano ang nais mong gawin? Saan mo nais magtrabaho? Bakit? Kung magmamasid ka sa paligid, mapapansin mo na iba’t-iba ang gawain o trabaho ng mga tao sa lipunan. May nagtatrabaho sa opisina, sa paaralan, sa pabrika. Ang iba naman ay sa lansangan mo makikita tulad ng mga traffic aide, vendor, tsuper at marami pang iba. Masasabi mo bang mabuti ang isang trabaho kapag maganda at fully- airconditioned ang lugar ng pinagtatrabahuhan? Kapag naka-kurbata o naka- high heel shoes ? kapag malaki ang suweldo? Ano ba ang batayan para ituring na mabuti at may dignidad ang isang trabaho? Ang kasagutan sa katanungang ito ay matutuklasan mo sa iyong pag-aaral sa modyul na ito. Inaasahan kong malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman at pagpapahalaga: Nakikilala na may dignidad ang anumang mabuting uri ng gawain (L.C 2.9) A. Nakababalangkas ng batayan sa pagkilala sa isang mabuting gawain B. Nakikilala na may dignidad ang anumang mabuting uri ng gawain C. Naipaliliwanag kung bakit may dignidad sa mabuting gawain Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 1/10
3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang mga manggagawa tulad ng tsuper, mananahi, karpintero at iba pa ay nabibilang sa trabahong tinatawag na: a. blue collar b. pink collar c. white collar d. yellow collar 2. Ang mga propesyonal tulad ng doctor, guro, abogado at iba pa ay nabibilang sa trabahong tinatawag na: a. blue collar b. pink collar c. white collar d. yellow collar 3. Ang batayang nararapat gamitin upang ituring na may dignidad ang isang gawain ay ang: a. ganda ng lugar na pinagtatrabahuhan b. kabutihang dulot nito c laki ng suweldo b. pagkakataon para sa promosyon PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 2/10
4. Ayon sa mga pagsasaliksik, isa sa pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng kasiyahan sa trabaho( job satisfaction) ang isang tao ay ang: a. Hindi siya nakararamdam ng layunin sa kanyang ginagawa b. Madalas atrasado ang suweldo c. Wala siyang pagkakataon sa promosyon d. Walang inilalaang badyet ang kompanya para sa seminar ng mga empleyado. 5. Ang anumang trabaho ay may dignidad kung ito ay naglalayon ng: a. mabilis na pagtaas sa posisyon b. mabuting maidudulot nito sa sarili at kapwa c. malaking suweldo d. kaginhawahan ng sariliIII. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahin mo at suriin ang bawat kaso ng mga tauhan . Kaso Blg. 1 Si Lino ay isang manggamot sa pampublikong pagamutan. Sa araw- araw, maraming pasyente ang kanyang nabibigyang ng atensyong medikal. Maligaya siya sapagkat alam niyang sa pagtatapos ng bawat araw ay may tulong siyang nagawa sa kanyang kapwa. Marami siyang kasamahan na humihikayat sa kanya ng mag-aral ng nursing at mag-aplay ng trabaho sa ibang bansa sapagkat higit na malaki ang suweldo doon kaysa sa tinatanggap niya sa pagiging doktor . Hindi siya nakuha sa panghihikayat sa kanya. PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 3/10
Kaso Blg. 2 Si Mang Enteng, 60 taon na atKaso Blg. 3 nakapaglingkod na rin ng may 30 taon bilang janitor sa pagamutang pampubliko na siya rin pinapasukan ni Dr. Lino. Kahit hindi kataasan ang kanyang tinatanggap na suweldo ay masaya siyang naglilingkod sa pagamutan. Marami na siyang naging kaibigan sa tagal ng panahon ng kanyang paninilbihan dito. Alam niyang malaki ang naitutulong niya sa pagpapanatili ng kalinisan sa pagamutan. Hindi niya ikinahihiya ang kanyang pagiging janitor. Si Elmer, nagtatrabaho bilang garbage collector o taga-kuha ng basura na naka destino sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Mang Enteng. Araw-araw niyang hinahakot ang mga basurang galing sa mga silid ng ospital gayundin ang mga basura mula sa operating room. Sa incinerators dinadala ang lahat ng hospital waste at doon sinusunod upang hindi na kumalat ang mikrobyo. Sa tagal ng panahon na ginagawa ito ni Elmer ay sanay na sanay na siya. Tulad ni Mang Enteng, marami na siyang kaibigang mga ka- trabaho sa ospital. Ang ilan nga sa mga doktor at nurses ay ninong at ninang pa ng kanyang anak. PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 4/10
Sagutin Mo 1. Ano ang magkakatulad na pagpapahalagang taglay ng tatlong tauhan sa mga kasong nabanggit? 2. Bakit sila maligaya sa kanilang gawain? 3. Masasabi mo bang nakahihigit ang isa sa iba? Maituturing bang mababang uri ang gawain nina Mang Enteng at Elmer? Bakit? 4. Ano kaya ang maaaring mangyari sa hospital kung walang tulad nila Mang Enteng at Elmer? 5. Ano ang pinatutunayan nito?Gawain Blg. 2Basahin ang kuwento at iugnay ang mensahe sa unang gawain Dangal sa Gawain Isa sa pinakamasayang taong nakilala ko ay iyong lalaking nagtatrabaho sa isang car wash station malapit sa dati naming tirahan. Hindi siya mekaniko, hindi mataas ang posisyon niya sa lugar na iyon. Ang trabaho niya 6 na araw sa isang linggo ay maglinis ng mga maruruming sasakyan. Kung makikita mo siya sa pagtatrabaho ay hahanga ka, maligaya siya habangnililinis ang maruruming salamin atgulong ng sasakyan. Buong husay niya itong ginagawa. Kapagnatapos na, ay wala kang makikitang bakas ng alikabok o dumi sa sasakyangkanyang nilinis. Napakahusay niya sa kanyang gawain.May kasabihan sa wikang Ingles “What the world needs, and what God needs, isnot so much people who can do extraordinary things, as people who can doordinary things ordinarily well.” - Halaw mula kay W.M Barclay PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 5/10
Sagutin Mo 1. Anong pagpapahalaga ang taglay ng tauhan sa kuwento? 2. Paano niya binigyang dignidad ang kanyang gawain bilang tagalinis ng sasakyan? 3. Paano mo iuugnay ang mensahe ng kuwentong ito sa unang gawain? 4. Ano ang iyong sariling batayan para ituring na may dignidad ang isang gawain?IV. Ano Ang Iyong Natutuhan? Batay sa natapos na mga gawain, anong mga kaalaman at pagpapahalaga ang iyong natutuhan sa araling ito? Isulat mo ito gamit ang mga gabay na salita sa ibaba.Dignidad Gawain Mayroon MabutiKonsepto:__________________________________________________________________________________________________________________________ PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 6/10
V. Pagpapatibay Madalas, binibigyang dignidad natin ang trabahong “class” at may mataas na suweldo. Iba ang tingin ng nakararami kapag sa Makati o sa Ortigas namamasukan ang isang tao. Kapag mataas ang posisyon mo sa isang kompanya o sa isang ahensya ng pamahalaan, iba ang pagtingin sa iyo ng madla. Subalit tama nga bang gamiting tanging batayan ang mga ito? Hindi masamang maghangad ng mataas nma suweldo, o ma-promote sa isang mataas na puwesto, mahalaga din ang mga iyan, ngunit ang isiping ito lamang ang tanging batayan…hindi tama iyan. May dignidad ang anumang mabuting gawain sapagkat Ang taong nagsasagawa nito ay natatangi, hindi tulad ng makina o robot. Bawat tao’y may sariling tatak. Sangkot ang kanyang buong katauhan sa bawat gawaing kanyang isinasagawa. Nakapaloob sa kanyang paggawa ang kanyang puso at isipan; ang kusang loob na pagnanais na mapaganda at mapabuti ang kanyang ginagawa. Magkatulad ang ibig ipahiwatig ni Papa Juan XXIII sa kanyang Address to All Workers of the World noong Mayo, 1960 at ni Papa Juan Pablo II sa kanyang Laborem exercens. Ayon sa kanila, sa paggawa nagiging kaisa ng Diyos ang tao sa misyong pamahalaan ang mga bagay na nilikha Niya. Sa paggawa nagiging produktibo ang tao .Nakapagdudulot siya ng kapakinabangan at kabutihan hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi maging sa kanyang kapwa. Ito ang pinag-uugatan ng dignidad ng paggawa. Dahil dito, walang maliit na trabaho kung ito’y ginagawa nang buong puso, buong kabutihan at buong husay. May dignidad ang anumang uri ng mabuting ng gawain. PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 7/10
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Sa hirap ng kabuhayan sa kasalukuyan, hindi lahat ng mga kabataang tulad mo ay makapagtatapos ng kolehiyo. Marahil, marami ang pag nakatapos ng haiskul ay magtatrabaho na. Anong trabaho ang nakikita mong maaari mong pasukan? Bakit? ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ Kung mapabilang ka sa mga magtatrabaho na, paano makatutulong ang mga natutuhan mo sa araling ito sa pagharap mo sa buhay? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Ano ang nararapat mong palaging tatandaan? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 8/10
VII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang mga manggagawa tulad ng tsuper, mananahi, karpintero at iba pa ay nabibilang sa trabahong tinatawag na: a. blue collar b. pink collar c. white collar d. yellow collar 2. Ang mga propesyonal tulad ng doctor, guro, abogado at iba pa ay nabibilang sa trabahong tinatawag na: a. blue collar b. pink collar c. white collar d. yellow collar 3. Ang batayang nararapat gamitin upang ituring na may dignidad ang isang gawain ay ang: a. ganda ng lugar na pinagtatrabahuhan b. kabutihang dulot nito c laki ng suweldo b. pagkakataon para sa promosyon 4. Ayon sa mga pagsasaliksik, isa sa pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng kasiyahan sa trabaho( job satisfaction) ang isang tao ay ang: a. Hindi siya nakararamdam ng layunin sa kanyang ginagawa b. Madalas atrasado ang suweldo c. Wala siyang pagkakataon sa promosyon d. Walang inilalaang badyet ang kompanya para sa seminar ng mga empleyado. 5. Ang anumang trabaho ay may dignidad kung ito ay naglalayon ng: a. mabilis na pagtaas sa posisyon b. mabuting maidudulot nito sa sarili at kapwa c. malaking suweldo d. kaginhawahan ng sarili PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 9/10
VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph Social Morals: The Church Speaks on Societ. Manila: Southeast Asian Science Foundation, Inc. 1987 Moga, Michael D. What Makes Man Truly Human. Makati: St. Pauls. 1995 Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 6. a 7. c 8. b 9. a 10. b Gaano Ka Natuto? 1. a 2. c 3. b 4. a 5. b PROJECT EASE : Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 10. pah. 10/10
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 3 Modyul Blg.11 Diyan Ka Magniningning!I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Narinig mo nab a ang kasabihang “Hindi lahat ng kumikinang ay ginto”? Maganda at kaakit-akit ang lahat ng kumikinang. Maaaring ito ay mga hiyas o palamuti. Gayunpaman, ang halaga ng mga ito ay depende sa kanilang kinang. Hindi tulad ng mga hiyas na ang halaga ay nakikita sa ganda at kinang, ang tao ay may angking kahalagahan na hindi mahuhusgahan sa palabas na anyo lamang. Sa pamamagitan ng talino at lakas na kaloob ng Diyos, kalakip ang kanyang mga pagpapahalaga , mapauunlad ng isang tao ang kanyang sarili upang makamit ang kanyang mga adhikain sa buhay. Sa ganitong pagkakataon, masasabing napaniningning niya ang kanyang bituin. Ikaw, gusto mo bang magkaroon ng kinang? Ang modyul na ito ay ginawa upang matukoy mo ang iba’t ibang mga pagpapahalaga at virtue na nauugnay sa paggawa. Kakailanganin mo ang mga ito upang ikaw ay magningning. Sa gayon, maihahanda mo ang iyong sarili tungo sa iyong magandang kinabukasan. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: L.C 2.1 Naiisa-isa ang mga pagpapahalaga at virtue sa paggawa A. Natutukoy ang mga pagpapahalaga at mga virtue na may kaugnayan sa paggawa B. Nasusuri ang kahalagahan ng mga pagpapahalaga at virtue na ito C. Nakababalangkas ng tiyak na hakbang upang malinang ang mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.1/17
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo ng tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sarilling pagkatao sa lahat ng mga Gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Ngayon, kilalanin mo ang mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa na napapaloob sa mga sumusunod na pahayag. 1. Patuloy na pagsasagawa ng isang gawain kahit gaano ito kahirap 2. Sinisikap na matapos ang trabaho kahit may mga balakid 3. Kaakibat ng bawat karapatan ng mga manggagawa 4. Hindi pandaraya sa oras ng pagtatrabaho 5. Patuloy na paggawa ng isang gawain kahit nasa mataas na posisyon na ang isang tao 6. Pagpipigil o pagtitimpi sa sarili 7. Pagmamalasakit sa trabaho 8. Nakatutulong ito na mapagaan ang anumang mabigat na gawain 9. Kakayahang makagawa ng kakaiba at natatanging produkto 10. Walang sawang paggawa araw-araw Nasagutan mo ba lahat ng bilang? Higit mo pang mauunawaan ang mga ito sa iyong pagtunghay sa susunod na gawain. B. Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. Ang mga jumbled letters sa ibaba ay mga pagpapahalaga at virtue na may kaugnayan sa paggawa. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng mga salita. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.2/17
1. IYATGA __________________________________________ 2. SISIGGA __________________________________________ 3. ANAMAUGPNAT _____________________________________ 4. SIKAPANAG _________________________________________ 5. GAPAPKUPMABBAA __________________________________ 6. AATKPTAAN _________________________________________ 7. GAPITITPMI __________________________________________ 8. APGAMAMLAH ________________________________________ 9. MAASYANIH __________________________________________ 10. LIKAHAMIN ___________________________________________C. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Mababawasan ang anumang hirap ng gawain kung ang tao ay may: a. mataas na antas ng edukasyon. b. tamang saloobin. c. pagpapahalaga sa oras. d. pagtitimpi. 2. Ang katapatan ay nakatutulong upang ang tao ay: a. umunlad. b. maging produktibo. c. mapagkatiwalaan. d. maging kagalang-galang. 3. Ang taglay na pagpapahalaga ng isang tao ay nakatutulong sa anumang gawain sapagkat: a. nagsisilbi itong gabay sa kanyang gagawing kilos at pasya. b. nagpapakita ito ng kanyang pagkabukod-tangi (uniqueness). c. napabibilis ang pagsasagawa nito. d. pinagagaan nito gaano man kabigat ang gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.3/17
4. Unang nalilinang ang mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa sa: a. paaralan b. pamayanan c. pamilya d. simbahan 5. Nagiging katangi-tangi ang mga taong nagsasabuhay ng pagpapahalaga sapagkat: a. marami na sa kasalukuyan ang nagwawalang-bahala dito. b. mahirap na itong gawin ngayon sa dami ng tukso sa paligid. c. ipinakikita nila ang kaibahan ng tao sa iba pang nilalang. d. nagsisilbi silang mabuting halimbawa sa iba.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 May ginawa ka na bang maipagmamalaki mo? Ano ito? Gunitain ang isang bagay na ginawa mo na inalayan mo ng panahon, pag-iisip at pagod na nang matapos ay nagbigay sa iyo ng kakaibang kasiyahan. Kopyahin ang kahon sa ibaba at isulat sa iyong kuwaderno. Maaari mong idrowing ang bagay na nagawa mo. Ipinagmamalaki ko Ito! Gawa ko Ito! Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.4/17
Sagutin Mo. 1. Gunitain ang iyong naramdaman sa natapos na gawain. Isulat ang mga damdaming ito sa iyong kuwaderno. 2. Anong pagpapahalaga ang nakatulong upang maisagawa mo nang buong husay ang bagay na iyon? Ipaliwanag.Gawain Blg. 2 Basahin ang dalawang kaso at suriin ang mga pagpapahalagang taglayng mga tauhan. Kaso Blg. 1 Si G. Edwin Advincula, isang taxi driver, ay nakilala sa kanyang kakaibang karanasan. Tulad ng mga ordinaryong araw, siya ay kumukuha ng mga pasahero at inihahatid sa kanilang destinasyon. Isang araw ay may naging pasahero siyang Hapones. Sa pagbaba nito sa taxi, hindi inaasahan na naiwan niya ang kanyang portfolio. Naglalaman ito ng maraming pera, milyon ang halaga. Hindi nagdalawang isip si G. Advincula. Isinauli niya ito sa may-ari. Nailathala ito at kumalat ang balita sa radio at telebisyon. Binigyan siya ng pabuya, gamit at regalo upang makatulong sa kanyang pamilya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.5/17
Kaso Blg. 2 Isinilang sa isang mahirap na pamilya si Senador Manny Villar noongDisyembre 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila. Pangalawa siya sa siyamna magkakapatid. Pangkaraniwang kawani ng pamahalaan ang kanyang amaat seafood dealer naman ang kanyang ina. Sa murang gulang pa lamang aytumutulong na siya sa kanyang ina na magtinda ng hipon at isda sa Divisoria. Dahil sa marubdob na hangaring maiangat ang kanilang kalagayan sabuhay, ibayong sipag at tiyaga ang ginawa niya upang mapagtapos ang sarilisa pag-aaral. Ang mga natutuhan niya sa kanyang ina ang nagbigay inspirasyon sakanya upang maging entreprenyur. Namangha siya sa dami ng benta atkinikita ng mga Intsik sa Divisioria kaya’t nasabi niya sa kanyang sarili namagiging negosyante rin siya sa hinaharap. Sipag, tiyaga ang mga pagpapahalagang naging gabay niya sa buhay. Habang nag-aaral siya sa Pamantasan ng Pilipinas (kung saan niyanatapos ang kanyang undergraduate at master’s degree sa BusinessAdministration and Accountancy ) ay nangangalakal rin siya ng hipon at isdasa Navotas Fishport kung madaling araw. Matapos ang kolehiyo ay nagtrabaho siya sa pinakamalakingaccounting firm sa bansa, ang Sycip Gorress and Velayo (SGV). Hindi siyanagtagal dito sapagkat nagtayo siya ng kanyang sariling seafood deliverybusiness. Hindi nagtagal at nag-iba siya ng negosyo. Sa panimulangpuhunan na P 10,000 noong 1975, bumili si Villar ng dalawang reconditionedtrucks at dito nagsimula ang kanyang gravel and sand business sa LasPiñas. Sa pagdedeliver ng mga construction materials sa mga malalakingdeveloper, nakuha ni Manny ang ideya ng pagbebenta ng lupa at bahay nahanda ng tirhan. Ang kalakaran kasi ng mga panahong iyon ay pagbebentalamang ng lupa at ang nakabili na nito ang magtatayo ng bahay. Dahil sa bagong kaisipang ito, nakilala si Manny VIllar bilangpangunahin sa industriya ng pabahay. Kilala rin siya bilang biggesthomebuilder in Southeast Asia na nakapagtayo na ng mahigit sa 100,000bahay para sa mga mahihirap at mga middle class na pamilyang Pilipino. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.6/17
Sagutin Mo1. Paano mo paghahambingin ang dalawang tauhan sa mga kasong iyong binasa?2. Anong pagpapahalaga ang taglay ng tauhan sa unang kaso? Paano nakaapekto sa buhay ni G. Advincula ang pagpapahalagang taglay niya?3. Paano naman nakaapekto kay Sen. Manny Villar ang pagpapahalagang natutuhan niya sa kanyang ina?Gawain Blg. 3 ANONG MERON SIYA? A. Magpanayam ng isang taong matagumpay at kilala mo sa iyongpaaralan, baranggay o kapitbahayan. Maaari siyang pangulo o opisyal ngStudent Council, ng Sangguniang Kabataan sa baranggay o miyembro ngisang organisasyon sa inyong paaralan, simbahan o pamayanan. Alaminkung anong mga pagpapahalaga ang nakatulong sa kanya sa pagsasagawang mga gawain.Gabay mo ang mga tanong sa ibaba. Pangalan ng taong kinapanayam_________________________________ Katungkulan______________________________________________ Pagpapahalagang taglay____________________________________ _________________________________________________________1P.aano nakatulong ang pagpapahalagang taglay?2_. ________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.7/17
Sagutin Mo 1. Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga? 2. Ano ang mahalagang bagay ang natutuhan mo sa iyong ginawang panayam? Ipaliwanag kung bakit. B. Maglista ka ng mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa at ipaliwanag ang kahalagahan ng mga ito. Isulat ang mga ito sa kahong nakapalibot sa malaking bilog.Hal. Sipag- Mahalagaito upang makataposng gawain atmakagawa pa ng ibanggawain Mga Pagpapahalagang may Kaugnayan sa Paggawa at ang Kahalagahan ng mga Ito Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.8/17
C. Itala mo sa talahanayan kung ano ang mga gawaing ayaw na ayaw mong gawin. Ano ang pagpapahalaga at virtue ang nararapat mong pairalin upang mabago ang iyong saloobin sa mga gawaing ito? Gawing gabay ang halimbawa.Ayaw na ayaw na gawain Mga pagpapahalagang Kabutihang idudulot ng sa: dapat linangin upang pagsasabuhay nito mabago ang saloobin sa mga gawaing itoTahananHalimbawa: Sipag at disiplina sa sarili Magiging malinis angMaghugas ng pinggan at mga gamit sa kusina atmga kaldero maiiwasan ang pagkakagalit ng magkakapatid o kasambahay dahil sa pag-iiwasan sa gawain.PaaralanPamayanan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.9/17
Sagutin Mo 1. Alin sa mga pagpapahalagang inilista mo sa Gawain Blg. 3 ang taglay mo? 2. Ano ang nararapat mong gawin upang malinang mo ang mga pagpapahalagang hindi mo pa taglay ?IV. Ano ang Iyong Natuklasan? Matapos mong sagutan ang mga gawain, natitiyak kong nakapag-isip-isip ka sa kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang pagpapahalaga at virtue na nauugnay sa paggawa. Ano ang mahalagang konsepto ang naglinaw sa iyo dulot ng araling ito? ________________________________________________V. Pagpapatibay Basahin at unawain ang mensahe ng kuwentong binasa. Pagtataglay ng mga Pagpapahalaga Bilang isang pangkat ng tao, mahalagang may maliwanag tayong direksyon kung saan ang nais nating patunguhan. Ito ang magsisilbing gabay natin habang nagsisikap tayong makamit ang kaunlaran. Subalit hindi tayo susulong patungo sa kaunlaran kung hindi tayo kikilos. Mahalagang bahagi ng ating pagkilos ang mga taglay nating pagpapahalaga-pagpapahalaga na kailangan sa paggawa. Marami ng patunay sa positibong epekto ng mga taong nagtataglay ng mga pagpapahalaga. Higit silang nagtatagal sa trabaho, napopromote at kasiya-siya ang relasyon sa kapwa at sa mga nakatataas. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.10/17
Maging ang Banal na Kasulatan ay nagpapahayag din ngkahalagahan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagangmakapagpapaunlad sa ating pagkatao. Sinasabi sa Filipos 2: 13-14 Ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahangmaisagawa ang Kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay ng walang tutol o pagtatalo. Upangkayo’y maging ulirang anak ng Diyos, malinis at walang kapintasan sagitna ng mga taong liko at masasama. Mahalagang gamitin nating gabay ang mga pananalitang ito lalo nasa panahon ngayon na ang teknolohiya ay unti-unting binubura ang mgapagpapahalagang tulad ng tiyaga, sipag at pakikisama. Dahilan sa pagpasok ng paggamit ng mga makabagong makinarya,computer at iba pa, mabilis ang lahat ng bagay. Tila nawala na angpagtitiyaga dahil sa kailangang may makitang resulta sa pinakamaiklingoras. Instant na halos ang lahat ng bagay. Ngayon. higit sa lahat nararapat linangin sa mga kabataang tuladmo ang mga tila naglalaho ng pagpapahalaga at virtue sa paggawa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.11/17
Tunghayan mo ang pagbabahagi ni Teresita Sy, anak ni Henry Sy, isa sapinakamayamang Pilipino at may-ari ng SM Shoemart, tungkol sa mgaprinsipyong itinuro sa kanila ng kanyang ama. 1. Sikaping maging lider o tagapanguna sa larangang iyong nais pasukan. Ang pagiging lider para sa kanya ay nangangahulugang pagiging naiiba, pagiging matapang sa pagsubok sa mga bagong hakbang at lugar na hindi pa nasusubukan ng iba. 2. Magkaroon ng integridad. Maging makatarungan at mapagkakatiwalaan. Bigyang diin ang pangako at mga pananagutan. 3. Magkaroon ng long-term vision and strategy. Ayon kay Teresita, laging isinasaalang-alang ng kanyang ama ang hinaharap at ang pangmatagalang ugnayang pangkabuhayan sa kanyang mga ka- negosyo. 4. Magpokus at iayos ang mga dapat gawin ayon sa kahalagahan ng mga ito (prioritizing). Kapag nabuo na ng isang tao ang layunin, maisusunod na niya ang pagkilala sa kanyang mga kalakasan. Pinagtuunan ng pansin ng kanyang ama ang apat na pangunahing area- retail, shopping centers, banking at leisure property development. 5. Magkaroon ng marubdob na hangaring magtagumpay. Sinabi niya na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakahandlang upang makamit ng kanyang ama ang mabuting kalidad ng edukasyon. Alam ni Henry Sy na mahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon upang malinang ang talino at kasanayan. Sa kasamaang palad ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral matapos ang dalawang taon sa kolehiyo. Sa kabila nito ay sinikap niyang tumuklas ng mga bagong kaalaman sa mga lugar na kanyang napupuntahan. 6. Magtrabahong mabuti. Sinasabi sa kanila ng kanyang ama na walang maaaring ipalit sa pagtatrabahong mabuti. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho ng 14 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang lingo. 7. Maging matiyaga at masigasig. Laging ipinaaalala ng kanilang ama na walang tagumpay na nakuha sa madaling paraan. Ang lahat ay mahalagang paghirapan. Kahit sabihin pang may suwerte, kailangan pa ring maging masigasig sa paggawa upang mapanatili ang suwerteng ito. Kung sakaling mabigo, huwag masiraan ng loob, bumangon at magsimulang muli. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.12/17
8. Matutong kilalanin ang mga pagkakataong dumarating. Mahalagang makilala ngtao ang bawat pagkakataong dumarating sa kanya upang agad siyang makagawang nararapat na hakbang at mapakinabangan ang pagkakataong ito. Kung hindisiya marunong kumilala nito, maaaring lumagpas ito sa kanya at sa iba pamapunta.9. Magkaroon ng maaliwalas na pananaw sa buhay. Sa kabila ng mahirap nasitwasyon, hindi dapat mawala sa tao ang pag-asa na siya’y magtatagumpay rinpagdating ng araw. Maraming pinagdaanang pagsubok sa negosyo ang kanyang ama. Binuksan niHenry Sy ang kanyang kauna-unahang department store sa panahon ngpagsisimula ng martial law sa Pilipinas. Sa gitna ng kaguluhang pulitikal atpangkabuhayan ng bansa noong 1983 ay binuksan pa rin ni Sy ang kanyangkauna-unahang shopping center sa kabila ng paalala at pagpuna ng mga kaibigan.10. Magkaroon ng tiwala sa sarili. Kapag naniniwala ang isang tao sa kanyangsarili, makakaya niyang gawin ang anumang bagay gaano man ito kahirap.11. Maging disiplinado. Hindi maaari ang trabahong hindi pinagbuti. Kinakailangangmag-ipon bilang paghahanda sa kinabukasan ng pamilya o ng negosyo man.Mamuhay ng simple at iwasan ang pag-aaksaya.12. Magtatag ng samahan. Kinakailangan dito ang kahusayan sa pamamahala,produkto, serbisyo at operations.13. Gawing misyon ang magbigay ng trabaho sa iba. Noong 1980’s kung saanmilitante ang maraming samahang pangmanggagawa, naharap ang negosyo ngkanyang ama sa maraming welga.Sa halip na magsara na lamang at lisanin ang bansa, naghanap siya ng mabutingsolusyon upang malutas ang suliranin. Isinaalang-alang niya ang dami ng mgamanggagawang mawawalan ng trabaho kung magsasara ang kanyang negosyo. Sa kasalukuyan ang SM Group ay may mga suppliers, tenants at employees naumaabot sa 140,000 katao.14. Magkaroon ng pananagutang panlipunan. Mahalagang tumulong sa mganangangailangan sa pamamagitan ng edukasyon, livelihood programs, at mgamisyong medikal sa mga mahihirap na kababayan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.13/17
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Paano mo malilinang ang mga pagpapahalagang makatutulong sa iyo sa pagharap sa mga pang-araw- araw na gawain. Magbigay ng mga tiyak na hakbang na iyong isasagawa. Ako, si _____________________________ay nangangakong isasabuhay ang mga sumusunod na pagpapahalaga at virtue na nauugnay sa paggawa: Gagawin ko ito sa pamamagitan ng: 1. 2. 3. 4. 5. Mahirap man o madali, anumang gawaing iniatang sa akin ay sisikapin kong gawin nang mahusay sa tulong ng mga pagpapahalagang aking isasabuhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.14/17
VII. Gaano Ka Natuto? A. Ngayon, kilalanin mo ang mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa na napapaloob sa mga sumusunod na pahayag. 1. Patuloy na pagsasagawa ng isang gawain kahit gaano katagal abutin 2. Gumagawa at sinisikap na matapos ang trabaho kahit anong hirap ito 3. Kaakibat ng bawat karapatan ng mga manggagawa 4. Hindi pandaraya sa oras ng pagtatrabaho 5. Pagkilos o patuloy na paggawa ng isang gawain kahit nasa mataas na posisyon na ang isang tao 6 Pagpipigil o pagtitimpi sa sarili 7. Pagmamalasakit sa trabaho 8. Nakatutulong ito na mapagaan ang anumang mabigat na gawain 9. Kakayahang makagawa ng kakaiba at natatanging produkto 10. Walang sawang paggawa araw-araw B. Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. Ang mga jumbled letters sa ibaba ay mga pagpapahalaga at virtues na may kaugnayan sa paggawa. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng mga salita. 1. IYATGA __________________________________________ 2. SISIGGA __________________________________________ 3. ANAMAUGPNAT _____________________________________ 4. SIKAPANAG _________________________________________ 5. GAPAPKUPMABBAA __________________________________ 6. AATKPTAAN _________________________________________ 7. GAPITITPMI __________________________________________ 8. APGAMAMLAH ________________________________________ 9. MAASYANIH __________________________________________ 10. LIKAHAMIN ___________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.15/17
C. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Anumang hirap ng gawain ay maiibsan kung ang tao’y may taglay na: a. mabuting gawi b. tamang saloobin c. pagpapahalaga sa oras d. mabuting pakikitungo sa iba2. Ang katapatan ay nakatutulong upang ang tao ay: a. umunlad b. maging produktibo c. mapagkatiwalaan d. maging tanyag3. Ang taglay na pagpapahalaga ng isang tao ay nakatutulong sa anumang gawain sapagkat: a. nagsisilbi itong gabay sa kanyang gagawing kilos at pasya. b. nagpapakita ito ng kanyang kakanyahan (uniqueness) sa iba. c. napabibilis ang pagsasagawa nito. d. pinagagaan nito gaano man kabigat ang gawain.4. Unang nalilinang ang mga pagpapahalagang may kaugnayan sa paggawa sa: a. paaralan b. pamayanan c. pamilya d. simbahan5. Nagiging katangi-tangi ang mga taong nagsasabuhay ng pagpapahalaga sapagkat: a. marami na sa kasalukuyan ang nagwawalang-bahala dito. b. mahirap na itong gawin ngayon sa dami ng tukso sa paligid. c. ipinakikita nila ang kaibahan ng tao sa iba pang nilalang d. nagsisilbi silang mabuting halimbawa sa iba. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.16/17
VIII. Mga Sanggunian Carino, Isidro D. And Amor B. Penalosa Reviving and Developing Desirable Values in Filipino Boys and Girls. Quezon City: Carson Resources Management Services Estanislao, Jesus P. Towards a National Culture of Excellence Book -1 http://www. Senate.gov.ph/senators/sen_bio.htm Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba?/ Gaano Ka Natuto? A.1. Pagtitiyaga 2. Katatagan 3. Pananagutan 4. Katapatan 5. Kababaang-loob 6. Disiplina 7. Pagmamahal sa trabahao 8. Pagkamasayahin 9. Malikhain 10. Kasipagan B.1. Tiyaga 2. Sigasig 3. Mapanagutan 4. Kasipagan 5. Mapagpakumbaba 6. Katapatan 7. Pagtitimpi 8. Pagmamahal 9. Masayahin 10. Malikhain C 1. b 2. c 3. a 4. c 5. c Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg. 11 pah.17/17
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 3 Modyul Blg. 12 Filipino Time, Paano Iwawasto?I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Naranasan mo na bang maghintay nang matagal sa isang kaibigang hindi dumating sa takdang oras ng usapan? Ano ang naramdaman mo habang naghihintay? Ano ang ginawa mo habang hinihintay siya? Mahalaga ba sa iyo ang pagiging laging nasa oras sa anumang usapan o anumang gawain? Bakit? Kapag naririnig mo ang salitang Filipino time, ano agad ang pumapasok sa isip mo? Positibo ba o negatibo ang pananaw mo dito? Sa palagay mo, salik ba sa pagkakamit ng tagumpay ng isang tao ang paglinang niya ng pagpapahalaga sa oras? Bakit? Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nasusuri ang epektong dulot sa pag-unlad ng hindi maayos na pamamahala sa oras B. Napahahalagahan ang maayos na pamamahala sa oras sa pamamagitan ng pagbabago sa mga hindi mabuting gawi ukol dito C. Nailalahad kung paano niya ginugugol ang kanyang panahon sa loob ng isang araw Naisasabuhay ang wastong paggamit ng oras (punctuality and promptness) (L.C 3.3) Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 1/14
1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Direksyon: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama at kung Mali ay palitan ang salitang may salungguhit na nagpamali sa pangungusap. 1. Negatibo ang konsepto ng maraming Pilipino sa Filipino Time. 2. Ang ating pagsasawalang bahala sa oras ay personal na bagay at hindi nakaaapekto sa ating kapwa . 3. Sa paaralan unang itinuturo ang pagpapahalaga sa oras. 4. Ang wastong pamamahala sa oras ay pagpapahalagang likas sa lahat ng tao. 5. Ang mañana habit ay tumutukoy sa masigasig na pagsisimula ng gawain at kawalan ng ganang ipagpatuloy ito. 6. Higit na produktibo ang mga taong may pagpapahalaga sa oras. 7. Walang kalayaan ang mga taong laging may schedule. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 2/14
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258