Sagutin Mo 1. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw si Mario? Bakit? 2. Kung ikaw ang nasa lugar ng empleyado, paano mo pakikiharapan ang ganitong kliyente?Gawain Blg.2 Batay sa iyong mga napanood, narinig o batay sa karanasan ng mgataong nakapaligid sa iyo, isulat mo ang iyong persepsyon o pagtingin sapamahalaan at sa mga kawani nito. Isulat ang iyong sagot sa mgaEspasyo sa ibaba. Para sa akin ang pamahalaan Ang mga kawani ngay________________________ pamahalaan ay____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ __________________________ __________________________ Mapagbubuti ang paglilingkod sa mga mamamayankung____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 5/11
Gawain Blg. 3 Kung aanyayahan ka ng Pangulo ng bansa upang magingtagapagsalita sa isang citizens’ summit, ano ang mahahalagang bagay angibabahagi mo sa kanila upang higit na mapabuti ng pamahalaan at ng mgatanggapan nito ang pagseserbisyo sa mga mamamayan. Mapabubuti ng pamahalaan ang pagseserbisyo sa mamamayan kung: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 6/11
Sagutin Mo 1. Ano ang batayang ginamit mong batayan sa ginawa mong pahayag? 2. Bakit mahalagang malaman ng mga nasa pamahalaan ang uri ng serbisyong kanilang ipinagkakaloob sa mga mamamayan? 3. Saan nag-uugat ang hindi kanais-nais na persepsyon o pagtingin ng mga mamamayan sa pamahalaan at mga kawani nito?IV. Ano ang Iyong Natutuhan? Matapos mong sumailalaim sa iba’t-ibang gawain, natitityak kong kahit paano ay may mahahalagang kaisipang naglinaw sa iyo kaugnay ng ating paksang tinatalakay. Isulat mo ang konseptong ito. Ang pamahalaan at ang lahat ng tanggapan nito ay itinatag upang________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 7/11
V. Pagpapatibay Ang pamahalaan bilang institusyong panlipunan ay may mahalagang misyon na mangalaga sa kapakanan ng kanyang mamamayan at tiyaking ang kabutihang panlahat ay makakamit. Sa patuloy na pagdami ng tao na naninirahan sa isang bansa, dumarami rin ang pangangailangan. Dahil dito, kinailangang may isang institusyong mamahala at sisiguruhin na mapananatili ang kaayusan at makakamit ang kabutihang panlahat sa kabila ng pagdami ng tao sa lipunan. Ito rin ang dahilan kung bakit itinatag ang iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan. Pangunahing gawain nito ang maglingkod sa mga mamamayan. Sinasabing a public office is a public trust. Kapalit ng tiwalang ipinagkakaloob ng mga mamamayan sa mga namumuno at kawani ng pamahalaan ay ang pananagutan naman nilang paglingkuran ang ito nang buong husay at katapatan. Nakalulungkot lamang isipin na may di iilang namumuno at kawani ng pamahalaan na iba ang pananaw sa kanilang posisyon. Para sa kanila, ang pagkakapwesto sa pamahalaan ay paraan ng pagpapayaman at pagkakamal ng kayamanan. Wala silang pakialam sa paglilingkod sa mga mamamayan. Marahil, alam mo ang mga iskandalong nilikha ng pagkakabunyag sa mga pangungurakot sa kaban ng bayan. Ang mga ito ang pinag-uugatan ng di kanais-nais na persepsyon o pagtingin ng mga mamamayan sa pamahalaan. Paano ngayon maiwawasto ang persepsyong ito? Walang ibang makagagaw nito kundi ang mga nasa pamahalaan din. Mahalagang makita ng mga mamamayan ng hindi lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan ay tiwali at walang alam sa tunay na paglilingkod-bayan. Dapat isabuhay nila ang tunay na diwa ng serbisyo publiko, sabi nga sa islogan ng isang network: Serbisyong totoo! Magagawa lamang ito kung isasabuhay ang pananagutan, katapatan at kasipagan sa araw-araw na paggawa nila. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 8/11
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Basahin mo ang kuwento at sagutan ang mga katanungan. Service Charge Isang liham ang dumating sa post office na may nakasulat na: Para sa Diyos. Ang empleyadong nakatanggap nito ay hindi malaman kung ano ang gagawin kayat binuksan niya ang liham upang malaman kung kanino galing. Naririto ang nilalaman” “Mahal kong Diyos, Ako po si Tommy, anim na taong gulang. Ulila na po ako sa ama. Ang aking pong ina ay hirap na hirap upang maitaguyod kaming magkakapatid. Maaari po bang padalhan ninyo kami ng pera? Nabagbag ang loob ng empleyado, ipinabasa niya sa mga kapwa kawani ang liham at nakapagpasya silang mangulekta ng pera at ipadala sa bata. Nakalikom rin sila ng tatlong libo at ipinadala ito sa adres na nasa liham. Makalipas ang dalawang lingo ay nakatanggap silang muli ng liham sa bata. Narito ang nilalaman: “Mahal kong Diyos, Natanggap ko po ang tatlong libo na inyong padala, maraming, maraming salamat po. May ipapakiusap lang po sana ako. Kung pwede po sa susunod huwag na ninyong padaanin sa post office ang ipadadala ninyo? Kasi po natitiyak ko binawasan na nila iyong padala ninyo” Tanong: 1. Ano ang ibig ipahiwatig ng kuwento? 2. Paano mo ito iuugnay sa natapos na aralin? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 9/11
Sa darating na panahon, magtatrabaho ka na rin, at maaaring mapasok ka sa tanggapan ng pamahalaan. Paano mo maipakikita ang tunay na paglilingkod sa mamamayan? Magbigay ng mga tiyak na hakbang na iyong gagawin? 1. 2. 3. 4. 5.VII. Gaano Ka Natuto? Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng pinakawastong sagot. 1. A public office is a public trust. Anong pagpapahalaga ang napapaloob dito? d. paggalang e. pananagutan f. pakikiisa 2. Serbisyo publiko ang tawag sa gawain ng mga kawani ng pamahalaan sapagkat: b. ang mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran b. tumutulong sila sa kaunlaran ng bansa c. pinatatakbo nila ang mga ahensya ng pamahalaan 3. Ang ipinasusuweldo sa mga kawani ng pamahalaan ay nanggagaling sa: a. kongreso b. mamamayan c. pangulo 4. Naitatatag ang isang tanggapan ng pamahalaan depende sa: a. kagustuhan ng pangulo b. pagpapasya ng kongreso c. pangangailangan ng mamamayan 5. Ang tanggapan ng pamahalaan na tumatanggap ng mga reklamo laban sa mga kawani ng iba’t-ibang tanggapang pampamahalaan ay ang: a. Commission on Human Rights b. Commission on Cultural Affairs c. Civil Service Commission Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 10/11
VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila: Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. De Torre, Joseph M Christian Philosophy. Manila: Vera-Reyes Publishers. 1980 Moga, Michael D. What makes man truly human. Makati: St. Pauls. 1995 Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. b 2. a 3. b 4. c 5. c Gaano Ka Natuto? 1. b 2. a 3. b 4. c 5. c Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 11/11
Edukasyon sa Pagpapahalaga III Yunit I Modyul Blg. 5 Itinalagang Awtoridad, Iginagalang Ko Ba?I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nakapanood ka na ba ng isang palaro o anumang paligsahan? Bakit may mga panuntunang sinusunod? Sino ang nagpapatupad ng mga panuntunang ito? Bakit mahalagang may mga hurado o mga opisyal na siyang nagmamasid sa kabuuan ng laro? Ano sa palagay mo ang maaaring mangyari sa isang palaro kung walang referee? Sa araw-araw na pakikisalamuha mo sa mga tao sa lipunan, hindi ka ba nagtataka na napananatili ang pangkalahatang kaayusan sa kabila ng magkakaibang pinagmulan at orientasyon ng mga tao? Paano nangyayaring mapanatili ang kaayusang ito? Iyan ang bibigyang diin ng mga gawain sa modyul na ito. Umaasa ako na pagkatapos mong sumailalim sa mga gawain at pagsasanay ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: L.C 1.8 Nasusuri ang kahalagahan ng paggalang sa mga itinalagang awtoridad (respect for authority) sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan A. Natutukoy ang mga itinalagang awtoridad sa lipunan B. Nasusuri ang kahalagahan ng mga itinalagang awtoridad sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan C. Napahahalagahan ang mga itinalagang awtoridad sa lipunan sa pamamagitan ng paggalang sa kanila Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.1/15
2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang awtoridad ay tumutukoy sa: a. mga taong inihalal ng mga mamamayan sa pamamagitan ng eleksyon. b. mga taong namamahala sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kapaligiran c. mga taong binigyan ng kapangyarihang mamahala sa isang tiyak na pangkat ng tao d. mga taong may pera at nasasakupang pribadong lupain 2. Ang pangunahing layunin ng pagtatalaga ng mga awtoridad ay upang: a. mapairal ang disiplina ng mga mamamayan. b. mapairal ang kaayusang panlipunan. c. makamit ang pag-unlad ng lipunan. d. makahikayat ng mga dayuhan sa bansa. 3. Ang unang awtoridad na namahala sa atin ay ang: a. pamahalaan b. pamilya c. simbahan d. paaralan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.2/15
4. Ano ang tawag sa kawalan ng sinusunod na batas na nagdudulot ng pangkalahatang kaguluhan sa lipunan? a. anarkiya b. rebolusyon c. digmaan d. terorismo 5. Mahalaga ang kapangyarihang kaloob ng Diyos sa mga magulang upang: a. sundin sila ng kanilang mga anak b. magawa nila ang kanilang nais sa kanilang mga anak c. magabayan nila ang kanilang mga anak sa tamang landas d. madisiplina nila ang kanilang mga anakIII. Tuklasin Mo Gawain Blg.1 Basahin at suriin ang bawat sitwasyong inilahad. Sitwasyon Blg. 1 Si Abel ay mahilig sa panonood ng telebisyon. Pagkauwi mula sa paaralan ay umuupo na siya sa harapan ng T.V upang panoorin ang kanyang mga paboritong programa; Madalas siyang pagalitan ng kanyang nanay dahil hindi na siya gumagawa ng mga takdang-aralin. Nakatuon ang atensyon niya sa panonood dito. Dahil dito, tuluyan siyang pinagbawalan ng kanyang nanay na humarap sa t.v. Nagalit siya sa ginawang ito ng kanyang ina kaya’t hindi niya ito kinakausap. Sagutin Mo: 1. Tama ba ang ginawa ni Abel na hindi kausapin ang kanyang ina? Bakit? 2. Sa palagay mo, makatwiran ba ang parusang ginawa ng kanyang ina? Ipaliwanag 3. Ano kaya ang mangyayari kung hahayaan na lamang ng ina ang bisyo ni Abel? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.3/15
Sitwasyon Blg. 2 Si Ruby Ann ay 17 gulang na ngunit nasa ikatlong taon pa rin sa mataas na paaralan. Mas pinaglalaanan niya ng oras ang mga kabarkada at ang pakikipagnobyo. Nauubos ang kanyang allowance sa pagbili ng make-up. Ipinaalam ng kanyang tagapayo(adviser) at guidance counselor sa kanyang magulang ang kanyang ginagawa sa paaralan. Dahil sa takot, naglayas siya at nakitira pansamantala sa kanyang mga kabarkada. Sagutin Mo: 1. Tama ba ang ginawa ni Ana? Bakit? 2. Ano ang maaaring kahinatnan kung hindi namagitan ang tagapayo at guidance counselor sa kaso ni Ana? 3. Sa palagay mo, ano ang layunin ng tagapayo at guidance counselor sa pagsasabi sa mga magulang ni Ana? Sitwasyon Blg.3 Patakaran sa kalsada na kapag nakarinig ng sirena ng bumbero o ambulansya ay nararapat na tumabi at magbigay-daan ang mga sasakyan. Minsan, nagmamaneho ng sasakyan ang tatay ni Nelson ng makarinig sila ng sirena ng ambulansya. Hindi tumabi ang kanilang sasakyan bagkus ay hinahayaang sumirena ang sasakyan. Ang katwiran ng kanyang ama ay pare-pareho lamang silang nagmamadali.Sagutin Mo: 1. Tama ba ang katwiran ng ama ni Nelson? Pangatwiranan ang iyong sagot. 2. Ano ang maaaring kahinatnan ng hindi nila pagsunod sa patakaran sa daan? 3. Sa palagay mo, bakit ipinatutupad ang pagbibigay prayoridad sa mga trak ng bumbero at ambulansya sa daan? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.4/15
Gawain Blg.2 Sa abot ng iyong nalalaman, punan mo ng mga hinihinging datos angmga tanong. Ano ang kahulugan ng awtoridad? Para sa akin, ang awtoridad ay______________________________ Halimbawa ng mga Mga Tungkulin Kabutihang dulot saitinalagang awtoridad sa lipunan lipunan1.2.3.4.5.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.5/15
Sagutin Mo 1. Nahirapan ka ba sa gawain? Bakit? 2. Ano ang maaaring mangyari kung walang itinalagang awtoridad sa lipunan? Ipaliwanag 3. Nanaisin mo bang manirahan sa isang lipunang walang walang kinikilalang awtoridad? Bakit?IV. Ano ang Iyong Natutuhan? Ano ang napansin mong binibigyang-pansin ng mga gawain samodyul na ito? Tingnan ko nga kung may natutuhan ka.Sa tulong ng mga gabay na salita sa kahon sa ibaba, punan mo angmga callout sa ibaba ng mga mahahalagang natutuhan mo. Handa kana?pagkakamit awtoridad itinalagang lipunankaayusan Mahalaga kapayapaan Ang mahalagang konseptong aking natutuhan ayV. Pagpapatibay Sa dami ng tao sa lipunang ating ginagalawan, mahalagang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan upang magawa natin ang ating mga pang-araw-araw na gawain nang walang abala. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.6/15
Ito ang dahilan kung bakit may mga itinalagang awtoridad namangangalaga sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating lipunan. Mayawtoridad na nariyan na bago pa man likhain ang tao. Diyos angpinakamataas na awtoridad natin. Magmasid ka lamang sa paligid,tumingala sa langit, o magpalipas ng hapon habang pinanonood angpaglubog ng araw ay makadarama ka na ng paghanga sa lumikha nglahat ng ito, ang pinakamataas na awtoridad sa sansinukob. Nagtalaga rin siya ng mga mamamahala sa atin upang masiguro namagiging maayos ang paraan ng ating pamumuhay sa daigdig.Pangunahin sa mga itinalagang ito ang mga magulang. Nariyan ang mga magulang upang turuan at gabayan ang mgaanak sa tamang landas na maglalapit sa kanila sa Diyos. Hindi nilamagagawa ang misyong ito kung hindi sila bibigyan ng kapangyarihangdisiplinahin ang kanilang mga anak. Kapalit ng tungkuling ito, nararapatnaman na ibigay ng mga anak ang kanilang paggalang sa kanilang mgamagulang. Gayundin naman, mahalaga bilang mga kasapi ng lipunan naigalang natin ang mga itinalagang awtoridad upang masiguro angkaayusan. May mahalagang paalala ang Banal na Aklat sa bagay na ito: Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, at huwag pagmamalupitan. Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat ikinalulugod iyan ng Panginoon. Mga ama, huwag ninyong kagagalitan nang labis ang inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.7/15
Mga alipin, sundin ninyo sa lahat ng bagau ang inyong panginoon sa lupa. May nakakakita man o wala, gumawa kayo, hindi para kalugdan ng tao kundi dahil sa kayo’y tapat at may takot sa Panginoon. Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin njnyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Sapagkat si Kristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo. Ang makasalanan naman ay sisingilin niya sa kanilang kasalanan sapagkat ang Diyos ay walang itinatangi. Mga panginoon, maging mabuti kayo at makatarungan sa inyong mga alipin. Alalahanin ninyong kayo man ay may Panginoon sa langit. Colossas 3:18- 25, 4:1 Maliwanag na ipinakikita nito ang kahalagahan ng pagsunod samga itinalagang awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan. Si Confucius, isa sa pinakadakilang pilosopong Intsik ay nagturo rinng katulad na prinsipyo sa kanyang mga tagasunod. Sinasabi niya namahalagang malinang ang paggalang sa mga magulang sapagkat ditomagmumula ang mabubuting mamamayan na may paggalang din sakanilang mga pinuno. Isa sa pinag-uugatan ng mga suliranin sa ating paligid, magingito’y sa pamilya, pamahalaan o sa lansangan man, ay ang kawalan ngpaggalang sa itinalagang awtoridad. Ang pagsagot nang pabalang-balang sa magulang, paglaban sapamahalaan, kawalan ng disiplina sa daan, hindi pagbabayad ng buwis,paggamit ng ipinagbabawal na gamot, illegal logging at sugal, ay ilanlamang sa halimbawa ng kawalan ng paggalang sa mga itinalagang Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.8/15
awtoridad. Ano ang epekto nito sa lipunan? Magtataka ka pa ba kung bakit magulo sa paligid? Tingnan mo ang Singapore at Japan, maunlad at maayos. Ano ang susi ng kaayusan nila? Ito ay ang kakayahan ng kanilang mga mamamayang sumunod sa batas at igalang ang mga itinalagang awtoridad.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Mahalaga ang pagsasabuhay ng paggalang sa mga itinalagang awtoridad sa pagkakamit ng kaayusan at kapayapaan sa ating paligid. Ang pagpapahalagang ito rin ang magtuturo sa atin na kilalanin at sambahin ang Diyos na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat, ang pinakamataas na awtoridad. Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa mga sumusunod? Isulat ang iyong sagot sa akmang katapat na patlang. Magulang: __________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.9/15
Lolo at Lola __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ____________________________________________________ Pulis _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.10/15
Guro Mga Pinuno ng SimbahanProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.11/15
BumberoMga pinuno ng pamahalaan____________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.12/15
Sa mga natapos mong gawain, natitiyak kong mas higit mongpahahalagahan ngayon ang mga itinalagang awtoridad sa ating lipunan. BIlangpagpapatunay nito nais kong gumawa ka ng isang liham pasasalamat sa kanila.Malayang kang pumili kung sino man sa kanila ang nais mong padalhan nito.Handa ka na? Sundin mo ang pormat sa ibaba. Mahal kong ______________, Nais ko kayong pasalamatan sa_________ Gumagalang, ________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.13/15
VII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang awtoridad ay tumutukoy sa: a. mga taong inihalal ng mga mamamayan sa pamamagitan ng eleksyon. b. mga pulis na namamahala sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kapaligiran c. mga taong binigyan ng kapangyarihang mamahala sa isang tiyak na pangkat ng tao 2. Ang pangunahing layunin ng pagtatalaga ng mga awtoridad ay upang: a. mapairal ang disiplina ng mga mamamayan b. mapairal ang kaayusang panlipunan c. makamit ang pag-unlad ng lipunan 3. Ang unang awtoridad na namahala sa atin ay ang: a. pamahalaan b. pamilya c. pulis 4. Ito ang tawag sa kawalan ng sinusunod na batas na nagdudulot ng pangkalahatang kaguluhan sa lipunan; a. anarkiya b. rebolusyon c. digmaan 5. Mahalaga ang kapangyarihang kaloob ng Diyos sa mga magulang upang: a. sundin sila ng kanilang mga anak b. magawa nila ang kanilang nais sa kanilang mga anak c. mahubog nila ang kanilang mga anak sa tamang landas Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.14/15
VIII. Mga Sanggunian Mihalik, Frank, SVD. 1000 Stories You Can Use. Vol. II. Manila: Divine Word Publications. 1989.pp. 763 De Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila:Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. Esteban, Esther J. Education in Values. What, Why & for Whom. Manila: Sinag-Tala Publishers. 1990Susi sa Pagwawasto Handa ka na ba? 1. c 2. b 3. b 4. a 5. c Gaano ka natuto? 1. c 2. b 3. b 4. a 5. c Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 5 pah.15/15
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit II Modyul Blg. 6 Tao…Kumilos Ka at GumawaI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nakakita ka na ba ng mga taong hindi pa halos sumisikat ang araw ay nagtatrabaho na? Sa kabilang dako, mayroon ka bang naobserbahang mga tao na tanghaling tapat na ay nakahiga pa rin at tila ayaw magtrabaho? Ano ang naiisip mo kapag nakakakita ka ng ganito? Ikaw, saan sa dalawang kategorya ka nabibilang? Mahalaga bang kumilos ka at gumawa? Sa palagay mo, maaari ka bang mabuhay nang maayos at ganap kung hindi ka gagawa? Ano ba ng paggawa ? Ang mga katanungang ito’y matutugunan mo pagkatapos mong sumailalim sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Umaasa akong magiging kapakipakinabang sa iyo ang araling ito. Pagkatapos mong tunghayan ang modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman at pagpapahalaga: L.C 2.1 Naipaliliwanag ang kahulugan, layunin at moral na batayan ng paggawa A. Nabibigyang kahulugan ang paggawa B. Naipaliliwanang ang layunin ng paggawa C. Nasusuri ang moral na batayan ng paggawa Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.1/11
4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. 6. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 7. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 8. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga sumusunod at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang a. kaalaman b. kagandahan c. kayamanan d. pakikisama 2. Sa Diyos nagmula ang batayan kung bakit kailangang gumawa ng tao. Tinatawag natin ang batayang ito na: a. legal b. moral c. panlipunan d. pangkabuhayan 3. Ang pangunahing layunin ng paggawa ay upang: a. maipadama ang pagmamahal sa kapwa b. mabigyang kahulugan ang buhay c. malinang ang kaalaman at kasanayan ng isang tao d. matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan sa pagkain, pananamit at iba pa. 4. Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay paraan ng: a. pagbibigay kahulugan sa buhay b. paglinang ng kaalaman at kasanayan c. pagpapadama ng pagmamahal d. pagtugon sa mga pangangailangan PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.2/11
5. Ang paglahok sa koro sa simbahan ay halimbawa na ang paggawa ay paraan ng: a. pagbibigay kahulugan sa buhay b. paglinang ng kaalaman at kasanayan c. pagpapadama ng pagmamahal d. pagtugon sa mga pangangailanganIII. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahing mabuti at suriin ang dalawang kaso. Kaso Blg. 1 Si Ali ay 16 na taong gulang at katatapos pa lamang sa haiskul. Dahil sa kahirapan sa buhay hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ginugugol niya ang bawat araw na nagdadaan sa panonood ng t.v, pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kabarkada at paglalaro ng basketball. Kaso Blg. 2 Si Marvin, 16 na taong gulang at katatapos lamang ng haiskul. Tulad ni Ali, hindi na rin siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Upang hindi masayang ang kanyang panahon, tumutulong siya sa kanyang mga magulang sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Maaga pa lamang ay gumigising na siya upang mamakyaw sa Divisoria ng mga gulay na kanilang ititinda. Sagutin Mo 1. Paano nagkaiba sina Ali at Marvin? 2. Anong pagpapahalaga ang taglay ni Marvin na wala kay Ali? 3. Paano maaapektuhan ng pagpapahalagang ito ang kinabukasan ng dalawa? PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.3/11
Gawain Blg. 2Basahin ang kuwento at sagutan ang tanong sa ibaba. Iba’t-ibang Gawain Matapos ang dalawampung taon mula ng magtapos sa kolehiyo, nagkita sina Joselito at Eric. Kamustahan, kuwentuhan. Nagtanong si Joselito, “ kamusta na ang iyong apat na anak na lalaki?” “ Ang panganay ko ay nagtatrabaho na sa isang law office, hindi gaanong kataasan ang suweldo pero kapag nakakuha na siya ng experience ay makatutulong din iyon sa pagtaas ng kanyang posisyon. Iyong pangalawa naman ay isa ng inhinyero. Marami na siyang gusaling idinisenyo. Nagtatrabaho siya sa gobyerno sa kasalukuyan. Pagdating ng araw nakikita kong magiging mataas ang posisyon niya dito. Ang pangatlo naman ay nag-aaral pa ng medisina. Nagte-training pa siya at kailangan ang suporta namin. Ilang panahon lamang at magiging doctor na siya.” Tugong may pagmamalaki ni Eric. Halos hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng itanong ni Joselito “ kamusta naman ang bunso mo?” “ A, si Rogelio, hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Pagkatapos ng haiskul ay naghanap na siya ng trabaho. Security officer siya ngayon sa isang malaking kompanya at maayos naman ang suweldo.” Sagot ni Eric. “Siya lamang pala sa mga anak mo ang walang tinapos ano? Sayang naman.” Ani Joselito. “ Oo nga, pero kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na kaming namatay sa gutom. Siya ang sumusuporta sa pang-araw-araw naming pangangailangan.” Tugon ni Eric. PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.4/11
Sagutin Mo 1. Paano nakatulong ang pagtatrabaho ng bunsong anak sa pangkalahatang kalagayan ng kanyang pamilya? 2. Ano ang mahalagang mensahe ang ibig ipahiwatig ng kuwento? 3. Paano mo iuugnay ang mensahe nito sa pagpapahalagang binanggit sa unang gawain?IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Sa natapos na mga gawain, natitiyak kong may mahahalagang konsepto at pagpapahalaga kang natuklasan. Isulat mo ito sa espasyong nakalaan para dito. Ang paggawa ay nangangahulugang _______________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Dapat kumilos at gumawa ang tao upang_______ _________________________________________________ _________________________________________________ Ang moral na batayan ng paggawa ay nag-uugat sa_______ _________________________________________________ _________________________________________________ PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.5/11
V. Pagpapatibay Bakit kailangang gumawa ang tao? Ang katugunan sa tanong na ito ay makikita sa katotohanang hindi mabubuhay ang tao kung hindi siya kikilos at gagawa. Sa gustuhin man natin o hindi, bahagi ito ng ating buhay. Ang ating mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at iba pa ay hindi lalapit sa atin ng kusa o di kaya’y babagsak mula sa langit. Kinakailangang paghirapan natin at pagtrabahuhan bago ito makamit. Tignan mo na lamang ang halimbawang ito. Kung ikaw ay nasa gubat at nakaramdam ng gutom, maghahanap ka ng makakain. May nakalaang biyaya ang kalikasan para sa iyo tulad ng bunga ng puno subalit kailangang akyatin mo ito at kunin. Kung hihintayin mo lamang ang kusang pagbagsak nito, malilipasan ka ng gutom. Mahalagang gumawa ang tao sapagkat kasapi siya ng isang pangkat, Ang bawat kasapi ay may tungkuling dapat gampanan para sa ikapagkakamit ng kabutihang panlahat. Sa tahanan, hindi ba’t may kanya-kanyang gawain ang bawat kasapi upang matiyak na magiging maayos ang tahanan? Isa pang dahilan kung bakit kailangang kumilos at gumawa ng tao ay upang makamit niya ang kanyang mga mithiin at naisin sa buhay. Hindi mo makakamit ang kaunlaran at kaginhawahan kung nakatunganga ka lamang maghapon at walang ginagawa. Ano naman ang moral na batayan ng paggawa? Nang Likhain ng Diyos ang unang lalaki at babae sa mundo tinagubilinan Niya ang mga ito na pamahalaan ang lahat ng nilikha. Makikita natin ito sa Genesis 1: 28 “…Wika Niya…’Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, mga ibon at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit…’ Genesis 2: 19-20 “ Kaya lumikha Siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. “ PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.6/11
Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang paggawa ay may moral na batayan. Ang Diyos ang nagbigay ng misyong ito sa tao. Ang paggawa ay nagbibigay pagkakataon sa tao na malinang ang kanyang mga kasanayan. Maraming potensyal ang isang tao na nangangailangang palutangin at linangin. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng paggawa. Ang paggawa ang nagbibigay ng pagkakataong makapamuhay ng aktibo ang isang tao. Hindi sapat na ang tao’y huminga, kumain at matulog . Mahalagang gumawa siya ng mga kapakipakinabang na bagay para sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang kinabibilangan. Nagbibigay kahulugan ang paggawa sa buhay ng isang tao. Ito ang dahilan kung bakit kadalasan ang mga taong aktibong nagtatrabaho at biglang nagretiro ay nakararamdam ng panghihina. Sa pamamagitan ng paggawa naipadarama natin sa iba ang ating pagmamahal. Ang mga magulang ay nagtatrabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Ang pagmamahal ng isang binata sa kanyang nililiyag ay naipakikita niya sa pamamagitan ng kanyang mga kilos at gawain. Ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang magulang ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng kanyang pagtulong sa mga gawaing bahay. Sa madaling salita, makikita natin ang pisikal na manipestasyon ng pagmamahal sa pamamagitan ng paggawa.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Basahin mo at pag-isipan ang ibig ipahiwatig ng mga sumusunod na kawikaan: Isulat ang iyong sagot sa espasyong nakalaan sa bawat kawikaan. Ang kamay na masipag may pagpapalang laan ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.7/11
Nakasalalay ang pag- unad sa buhay sa sarili mo ring mga kamay________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Patay ang pananampalatayang walang gawa ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.8/11
Layuan mo ang mga taong batugan at ayaw gumawa _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ 1. Ano ang kaugnayan ng mga kawikaang ito sa natapos na mga gawain? 2. Bakit mahalaga ang paggawa sa tao?VII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga sumusunod at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang a. kaalaman b. kagandahan c. kayamanan d. pakikisama 2. Sa Diyos nagmula ang batayan kung bakit kailangang gumawa ang tao. Tinatawag natin ang batayang ito na: a. legal b. moral c. panlipunan d. pangkabuhayan 3. Ang pangunahing layunin ng paggawa ay upang: a. maipadama ang pagmamahal sa kapwa b. mabigyang kahulugan ang buhay c. malinang ang kaalaman at kasanayan ng isang tao d. matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan sa pagkain, pananamit at iba pa. PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.9/11
4. Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay paraan ng: a. pagbibigay kahulugan sa buhay b. paglinang ng kaalaman at kasanayan c. pagpapadama ng pagmamahal d. pagtugon sa mga pangangailangan5. Ang paglahok sa koro sa simbahan ay halimbawa na ang paggawa ay paraan ng: a. pagbibigay kahulugan sa buhay b. paglinang ng kaalaman at kasanayan c. pagpapadama ng pagmamahal d. pagtugon sa mga pangangailangan PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.10/11
VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila:Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. De Torre, Joseph M. Social Morals: The Church Speaks on Society. Manila Southeast Asian Science Foundation Inc. 1987 Esteban, Esther J. Education in Values. What, Why & for Whom. Manila: Sinag-Tala Publishers. 1990 Mihalik, Frank, SVD 1000 Stories You Can Use, Vol I. Manila: Divine Word Publications. 1989Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. a 2. b 3. d 4. c 5. c Gaano Ka Natuto? 1. a 2. b 3. d 4. c 5. c PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 6, pah.11/11
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 2 Modyul Blg. 7 Panginoon, Ito ang Alay KoI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Narinig mo na ba ang awiting If Tomorrow Never Comes ni Ronan Keating? Nagtatanong ang awit: Kung hindi na dumating ang bukas, naipadama mo kaya sa mga taong malalapit sa iyo kung gaano mo sila kamahal? Paano kung ngayon ang huling araw ng mundo at bukas ay maglalaho na ang lahat sa mundo, ano ang gagawin mo? Sa palagay mo, ano ang gagawin ng marami? Natitiyak ko, sasamantalahin mo ang pagkakataon upang ipadama sa mga taong mahal mo kung gaano sila kahalaga sa iyo. Tama ba ako, kaibigan? Marahil, marami ka ng nabasa, napanood o nasaksihan na mga taong natutuhan lamang ang pagpapahalaga sa kapwa at sa Diyos nang sila’y magkasakit at bigyan ng taning ang kanilang buhay. Bakit kailangan pang hintayin ang sandaling ito? Kailangan pa bang bigyan tayo ng ultimatum bago gumawa ng mabuti sa kapwa at sa Diyos? Pagkatapos mong pag-aaralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Nasusuri na sa pamamagitan ng paggawa nagiging kaisa ang tao sa pagsasakatuparan ng plano ng Diyos sa sangkatauhan (L.C 2.3) A. Nasusuri ang angking talino na maaaring gamitin sa paggawa ng mabuti B. Napatutunayan na sa paggawa, nagiging kaisa ang tao sa pagsasakatuparan ng plano ng Diyos para sa sangkatauhan C. Nakagagawa ng mga tiyak na hakbangin kung paano maiaalay ang talino, lakas at panahon para sa kapwa at sa Diyos Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.1/13
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabutiang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasoksa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mganilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod natagubilin:1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin.3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin.4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain.6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan.7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Sa ibaba ay mga paraan kung paano makapaglilingkod sa kapwa at saDiyos. Alin sa mga ito ang ginagawa mo? Lagyan ng tsek (/) ang angkop nakolum sa bawat bilang.Mga Paraan Araw- Paminsan- Hindi kahit araw minsan kailan1. Nililinang ko ang aking kakayahan at lakas sa pamamagitan ng pag- aaral nang mabuti.2. Nagbabasa ako ng mga aklat na makapagpapaunlad sa aking moral at ispiritwal na dimensyon.3. Nag-uukol ako ng panahon sa aking kamag-aral kapag may suliranin siya4. Naglalaan ako ng panahon sa panalangin.5. Nagbibigay ako ng limos sa mga pulubi.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.2/13
Mga Paraan Araw- Paminsan- Hindi kahit7. Nagboboluntaryo akong tumulong araw minsan kailan sa pamayanan.8. Naglalaan ako ng panahon sa pakikinig sa isang kaibigan.9. Isinasabuhay ko ang mga aral ng aking relihiyon.10. Nagmamalasakit ako sa kamag- aral sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanyang gamit kapag siya’y umaalis.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan para dito. Talino at Kakayahang Taglay Ko1._________________________________________2._________________________________________3._________________________________________4._____________________________________________5._____________________________________________6._____________________________________________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.3/13
Paano mo magagamit ang mga talino at kakayahang ito sa pagpapabuti ng kalagayan ng iyong kapwa at ng lipunang iyong kinabibilangan? Kapwa Lipunan__________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ______________________________Sagutin Mo 1. Bakit mahalaga na gamitin ang mga kaloob sa iyo ng Diyos sa paglilingkod sa kapwa? 2. Ano ang mararamdaman mo kung magagawa mo ang mga ito?Gawain Blg. 2Basahin mong mabuti ang kuwento at suriin ang mensaheng hatid nito. Dalawang Anyong Tubig sa Palestina May dalawang kilalang anyong tubig sa Palestina. Ang una ay tinatawagna Sea of Galilee. Ito ay isang malaking anyong tubig na may malinis na tubigna maaaring inumin. Sagana ito sa isda. Maaaring languyan ng tao.Napaliligiran ito ng mga luntiang bukirin at halamanan. Maraming tao angnagtayo ng kani-kanilang tahanan sa paligid nito. Marami ring beses natumawid dito si Jesukristo. Isa pang anyong tubig ay ang Dead Sea. Tugma-tugma ang pangalangito sapagkat wala ritong nabubuhay na isda o halamang dagat dahilan sa labisna konsentrasyon ng asin nito. Walang nais magtayo ng bahay sa baybayin nitodahil sa masangsang na amoy. Ang kakatwang bagay sa dalawang anyong tubig na ito ay pareho silangdinadaluyan ng iisang ilog…ang Ilog Jordan.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.4/13
Bakit nagkaganoon? Narito ang paliwanag: ang isa ay tumatanggap at ibinabahagi ang natanggap samantalang ang isa ay tumatanggap ngunit hindi ipinamamahagi ang tinatanggap. Ang Ilog Jordan ay dumadaloy sa ibabaw ng Sea of Galilee at lumalabas sa ilalim nito. Ginagamit ng huli ang tubig ng ilog at pinadadaloy pa sa iba upang magamit ang tubig nito. Pagkatapos, ang ilog Jordan ay dadaloy sa Dead Sea kung saan wala ng maaari pang labasan ang tubig. Naiimbak ang tubig dito na nagiging dahilan ng mataas na konsentrasyon ng asin nito. Hinalaw mula sa Two Seas in Palestine ni John MarsabellaSagutin Mo1. Ano ang mahalagang aral ang ipinahihiwatig ng kuwento?2. Paano mo ihahambing ang katangian ng Sea of Galilee at Dead Sea sa tao? Gamiting batayan sa paghahambing ang paggamit ng talinong kaloob at pagbabahagi nito sa kapwa?Ang katulad ng Sea of Ang katulad ng DeadGalilee ay mga taong Sea ay mga___________________ taong_________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ___________________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.5/13
Gawain Blg. 3 Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? Hindi mo kinakausap ang iyong matalik na kaibigan dahil sa pagkakalat niya ng isang lihim na matagal mo nang itinatago. Walang nakaaalam sa paaralan na ikaw ay ampon lamang. Minsan, sa isang kuwentuhan ay nadulas siya at nasabi sa mga kausap ang iyong lihim. Nalaman mo lamang ang insidenteng ito nang tanungin ka ng isa sa mga kausap niya ng sumusnod na araw. Hindi mo matanggap ang ginawa niyang ito. Paglapastangan ito sa iyong tiwala. Agad mo siyang pinuntahan at sinita sa kanyang ginawa. Mula noon, lumayo ka na sa kanya at itinuring siyang wari’y hindi kakilala. Isang araw, nabigla ang inyong klase sa balitang siya’y naaksidente at malubha ang kalagayan. Bumangga ang pampasaherong jeep na kanilang sinsaskyan sa isang container van habang tumatakbo sa highway. Marami sa mga pasahero ang malubha at sugatan, kabilang ang iyong dating matalik na kaibigan. Nangangailangan siya ng malaking halaga para sa operasyon. Ikaw ang pangulo ng klase. Nakasalalay sa iyong magiging pagkilos ang makukulektang tulong para sa kanya. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.6/13
Sagutin Mo 1. Ano ang iyong gagawin? 2. Paano mo gagawing handog sa kapwa at sa Diyos ang pagkakataong ito? Isulat mo ang iyong sagot sa loob ng krus. 1._____________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ 2._____________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________IV. Ano ang Iyong Natuklasan? O ano, nasiyahan ka ba sa mga gawain? May mga bagay at konsepto bang higit na naging malinaw sa iyo? Tingnan ko nga kung talagang may natutuhan ka. Tapusin ang mga inumpisahang pangungusap sa ibaba. 1. Magagamit ko ang mga kaloob ng Diyos sa akin sa pamamagitan ng __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.7/13
2. Maaari kong kalimutan ang ____________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________. 3. Nagiging kabahagi ako sa plano ng Diyos sa sangkatauhan tuwing_____________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________.V. Pagpapatibay Pananagutan Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya. Tulad ng sinasabi sa awitin, tayo’y may pananagutan sa ating kapwa at sa Dakilang Lumikha. Makakamit lamang ang kaganapan ng ating misyon kung tayo ay kikilos at gagawa. Gaano man kabanal ang ating layunin, kung mananatili lamang ito sa ating isipan at hindi isasagawa, bale wala rin. Kailangan isaisip tuwina na ang ating ginagawa sa araw-araw ay maaaring maging handog hindi lamang sa ating kapwa kundi maging sa Diyos na lumikha. Ayon kay Rick Warren, may akda ng The Purpose Driven Life, nilikha tayo para sa isang misyon. Ang misyong ito ay natatangi at dapat ibahagi. Natatangi dahil sa iyo Niya ito iniatas. Dagdag pa niya: Ang ating misyon ay may kahalagahan tungo sa pagkakamit ng buhay na walang hanggan. Binibigyang-kahulugan ng misyong ito ang buhay natin sa daigdig.Pinagkalooban tayo ng Diyos ng mahalagang mensaheng nararapt nating ibahagi sa ating kapwa. Nang tayo ay naging mananampalataya, naging tagapagdala na rin tayo ng mensahe ng Diyos.. Higit na nagiging makabuluhan ang ating buhay kung alam natin ang diwa ng pag-ibig at paglilingkod sa kapwa paglilingkod na nagiging magandang handog para sa Diyos. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.8/13
Ito ang susi sa pagkakamit ng tunay na kaligayahan. Hindi ba’t may mgataong sa kabila ng katanyagan, kapangyarihan at kayamanan ay malungkot parin. Bakit? Dahil nakasentro lamang sa sarili ang araw-araw nilang pamumuhay.Hindi sila marunong magbahagi sa kapwa. Bakit may mga tao namang hindi ngamayaman, walang kapangyarihan o katanyagan mang taglay, subalit maligaya atmakabuluhan ang buhay? Sila ang mga taong natutuhang linangin ang sarilingtalino at lakas hindi lamang sa personal na kabutihan kundi para sa kabutihandin ng kanilang kapwa. Isinulat ni San Pablo sa mga taga Roma na dapat nating ialay ang atingsarili bilang handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa Diyos. Gawin natin itohabang may panahon pa. Huwag na nating hintayin ang bukas. “ What iftomorrow never comes?” Magplano ka kung paano mo iaalay ang iyong lakas, talino at panahon sapaglilingkod sa iyong kapwa. Isulat ang iyong gagawin sa talahanayan sa ibaba.Gawain sa Linggong Sa Kapwa Sa Diyos ItoLunesMartesMiyerkolesHuwebesBiyernesSabadoLinggoVI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyong nararapat gawin. Sinasabi saBanal na Aklat na ang tao’y kamanggagawa ng Diyos upang maisagawa angkanyang plano para sa sangkatauhan. Pinagkalooban Niya tayo ng talino at lakasupang makagawa hindi lamang para sa pansariling pag-unlad kundi maging sapagkakamit ng kabutihang panlahat. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.9/13
Paano natin maisasagawa ang misyong ito? Simple lamang kaibigan, sapamamagitan ng paggamit ng mga kaloob ng Diyos sa atin, talino at malayangloob (will) na maisasabuhay lamang sa paggawa. Upang higit mong maunawaan, pag-isipan mo ang halimbawang ito. Angpagmamahal ay isa sa mga dakilang pagpapahalagang maaring taglayin ng isangtao. Dahil ang pagmamahal ay ispiritwal, mahirap itong ipakita kung hindi lalapatanng gawa. Hindi ba’t si San Pablo na rin ang may sabi na ang pananampalatayangwalang kalakip na gawa ay patay? Hinamon niya ang mga tao noong kanyangkapanahunan na ipakita ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan nggawa. Bakit ko ito sinasabi? Binanggit ko sa iyo ito kaibigan upang patunayan angkahalagahan ng paggawa. Mahalaga ito hindi lamang upang matugunan ang atingmga pangangailangang materyal kundi upang maisakatuparan natin ang atingmisyon dito sa lupa: misyong maghahatid sa atin sa pagiging kamanggagawa ngDiyos sa Kanyang mga plano sa sangkatauhan.VII. Gaano Ka Natuto?A. Ipaliwanag mo ang mga sumusunod: 1. Bakit mahalagang paglingkuran mo ang iyong kapwa? 2. Paano nagiging kaisa ng Diyos ang tao sa Kanyang plano sa sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa? 3. Anu-ano ang palatandaan ng tunay na paglilingkod sa kapwa at sa Diyos? Lagyan mo ng tsek (/) ang kolum na akma sa iyong sagot.B.Nagiging handog sa kapwa at sa Diyos ang Tama Mali anumang gawain kung ito ay: 1. Naghahangad ng papuri sa iba. 2. Ginagawa ng walang kapalit. 3. Bunga ng boluntaryong paggawa. 4. Bunsod ng pagmamalasakit. 5. Kapakanan ng iba bago ang sarili. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.10/13
6. Tinitingnan ang kapakinabangang personal.7. Handang magsakripisyo.8. Nagmamapuri at nagmamalinis9. Ipinamamalita sa iba ang kabutihang nagawa.10. Hindi naghihintay ng kapalit.C. Sa ibaba ay mga paraan kung paano makapaglilingkod sa kapwa at sa Diyos. Alin sa mga ito ang ginagawa mo? Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kolum sa bawat bilang.Mga Paraan Araw- Paminsan- Hindi kahit araw minsan minsan2 1. Nililinang ko ang aking kakayahan at lakas sa pamamagitan ng pag- aaral na mabuti.2. Nagbabasa ako ng mga aklat na makapagpapaunlad sa aking moral at ispiritwal na dimensyon.3. Nag-uukol ako ng panahon sa aking kamag-aral kapag may suliranin siya4. Naglalaan ako ng panahon sa panalangin.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.11/13
Mga Paraan Araw- Paminsan- Hindi kahit araw minsan minsan6. Tumutulong akong lutasin ang suliranin ng mga kapangkat ko.7. Nagboboluntaryo akong tumulong sa pamayanan.8. Naglalaan ako ng panahon sa pakikinig sa isang kaibigan.9. Isinasabuhay ko ang mga aral ng aking relihiyon.10. Nagmamalasakit ako sa kamag- aral sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanyang gamit kapag siya’y umaalis.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.12/13
Mga Sanggunian Mihalik, Frank, SVD 1000 Stories You Can Use, Vol I. Manila: Divine Word Publications. 1989 Warren, Rick The Purpose Driven Life . Mandaluyong City: OMF Literature Inc. 2002 Susi sa Pagwawasto Handa ka na ba? 1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Tama 6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Mali 10. TamaGaano ka Natuto? 1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Tama 6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Mali 10.Tama Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III- Modyul Blg.7, pah.13/13
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 2 Modyul Blg. 8 Sama-sama Tungo sa KaunlaranI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nasubukan mo na bang maglinis ng bahay gamit ang walis tingting? Saan nakasalalay ang lakas nito? Kung aalisin mo ang bigkis na nagbubuklod sa kanila, makawawalis pa ba ito? Bakit? Umaasa akong makikita mo ang kaugnayan ng mga aralin sa modyul na ito sa aral na makukuha mo sa halimbawang nabanggit. Bawat tao’y nilikha ng DIyos na natatangi at iba sa kanyang kapwa. Kahit nga ang identical twins ay hindi maituturing na magkatulad sa lahat ng aspeto. Lalabas at lalabas ang pagkakaiba: sa hilig, gawi, paniniwala at adhikain sa buhay. Possible bang makamit ang kaunlaran kung paiiralin natin ang pagkakaibang ito? Sa palagay mo, paano natin magagamit ang mga pagkakaibang ito upang makamit ang pag-unlad ng bansa? Anu-anong pagpapahalaga ang dapat linangin upang tayo ay umunlad? Inaasahan ko na sa iyong pagsagot sa iba’t-ibang gawain sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman at pagpapahalaga: Nakikilala na ang sama-samang paggawa at pagkakaisa ay susi sa pag- unlad ng bansa (L.C 2.4) A. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa B. Nasusuri ang kaugnayan ng pagkakaisa at kaunlaran C. Nakapagsasangguni ng paraan upang maitaguyod ang sama-samang paggawa at pagkakaisa PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.1/13
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga pahayag at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Mayaman ang kulturang Pilipino, bunga ito ng: a. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan b. modernisasyon at industriyalisasyon c. nalinang na uri ng pamumuhay ng iba’t-ibang pangkat ng Pilipino d. likas na yamang kaloob ng Diyos 2. Ang kalagayang heograpikal ng Pilipinas ay isa sa salik na nakapagdulot ng: a. Isang pambansang wika b. maunlad na sistema ng tele-komunikasyon c. kaunlarang pangkabuhayan sa bansa d. mayamang kultura at kasaysayan 3. Anong pagpapahalaga ang susi sa pagkakamit ng pambansang kaunlaran? a. pagkakaisa b. pagkamalikhain c. sipag d. tiyaga PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.2/13
4. Mahalaga sa pagkakaisa ng isang pangkat ang pagkakaroon ng: a. iisang tunguhin b. magkakaparehong opinion c. popular na pinuno d. pondong salapi 5. Ang malayang palitan ng kuro-kuro sa isang pangkat ay nakatutulong sa pagkakamit ng kaunlaran sapagkat: a. nakikita kung sino sa mga kasapi ang mahusay magpaliwanag b. nailalahad ang mga isyu sa mga kasapi c. lumalabas ang iba’t-ibang ideyang maaaring pagpilian at gamitin d. nagagamit ng mga kasapi ang pagkakataon upang sila’y makilalaIII. Tuklasin MoGawain Blg. 1Basahin mabuti ang artikulo at sagutan ang mga katanungan. Nagimbal ang buong daigdig sa balita ng lindol sa ilalim ng IndianOcean na naganap noong Disyembre 26, 2004, 00:58:53 UTC,. Lumikha anglindol na ito ng tsunami na itinuturing na pinakamapaminsala sakasalukuyang panahon. Tinatayang may magnitude ito na 9.0. Nagsimula ang lindol sa timog ngSimeulue Islands sa may hilagang Sumatra, Indonesia. Ang tsunami nanalikha nito ay sumira sa baybayin ng Indonesia, Malaysia, Sri-Lanka, timogIndia, Thailand at iba pang mga bansang nakaharap sa Indian Ocean. Ipinapalagay na mula sa 228,000 hanggang 310,000 katao angnamatay dulot ng tsunami .Mga Bilang ng namatay NawalanBansang Confirmed Estimated Nasaktan Nawawala ng tirahanapektado (injured) (missing) (displaced)Indonesia 125,598 220,172 100,000 94,574 400,000-Sri-Lanka 30,957 38,195 15,686 5,637 700,000 573,000 PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.3/13
Mga Bilang ng namatay Nasaktan Nawawala NawalanBansangapektado Confirmed Estimated (injured) (missing) ng tirahan (displaced)India 10,749 16,413 - 5,640 3,800Thailand 5,395 11,000 8,457 3001Somalia 298 298 5000Myanmar 59 290-600 45 200 3,200Malaysia 68-74 74 299Maldives 82 188 26 12,000-Seychelles 1-3 3 22,000Tanzania 10 10Bangladesh 2 2South Africa 4Kenya 12Yemen 11 173,223+ -286,880 -125,000 109,078 -1.5 Sipi mula sa http: // en. wikipedia.org PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 8, pah.4/13
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258