Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao

Edukasyon Sa Pagpapakatao

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:50:58

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

Mahalagang magsuri ng sarili. Sa ganitong paraan lamang natinmapagtutunan ng pansin ang ating pagkatao, ang ating mga kalakasan,ang ating mga kahinaan. Ang gawaing ito lamang ang magbibigay saatin ng pagkakataong tingnan ang ating sarili nang makatotohanan.Isulat sa kolum sa kaliwa ang iyong mga kalakasan at sa kanang kolumang iyong mga kahinaan.Kalakasan KahinaanProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 4/9

Sagutin Mo 1. Nakatutulong ba ang iyong mga natuklasang ito sa pagpili mo kurso o trabaho? Bakit? 2. Bukod sa pag-alam sa mga kalakasan at kahinaan, anu-ano pang mga salik ang nararapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso o hanapbuhay? Isulat mo ito sa dayagram sa ibaba Mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kurso o hanapbuhaySagutin Mo 1. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga salik na ito sa iyong pagpili ng kurso o hanapbuhay? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 5/9

Gawain Blg. 3 Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Gusto kong magtrabaho bilang _________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Alalahanin mo kung ano ang iyong mga isinulat sa mga natapos na gawain. Maaari Itong magiging batayan sa iyong paghahanap ng trabaho o pipiliing kurso. Ngayon ay may sapat ka ng batayan kung ano ang gusto mong gawin at kung ano ang uri ng hanapbuhay o kursong iyong pipiliin. Alalahanin mo na anumang uri ng hanapbuhay ang mapasukan mo, kailangang alam mo ang tamang pag-uugali ng isang huwarang manggagawa.IV. Ano ang Iyong Natutuhan? Ano ang mahalagang kaisipang natutuhan mo sa mga gawain sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa espasyong nakalaan dito. Konsepto _______________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 6/9

V. Pagpapatibay Maraming kabataan sa kasalukuyan ang nag-aaksaya ng oras, lakas at pera dahil sa kawalan ng tiyak na direksyon sa kursong kukunin. Ano ang mga kadahilanan dito? Kawalan ng pagsasaalang-alang sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kurso o trabaho…iyan ang dahilan. Nakakalungkot na may mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa high school na malapit na ang graduation ay hindi pa alam kung ano ang kursong kukunin. Kaya ang nangyayari, upang huwag lamang maiwan ng iba pang mga kamag-aral ay kukuha na lamang ng kurso udyok ng kabarkada, o kurso na uso o in. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga sariling kakayahan, interes o hilig at iba pang salik. Ano ang resulta? Sa kalahatian ng taon ay magsi-shift ng kurso dahil hindi pala iyon ang akma sa kanyang hilig at mga kakayahan. Mahalagang pag-isipan at isaalang-alang ang mga salik tulad tulad ng sariling kakayahan, hilig, at iba pa upang makapagpasya ng wasto sa nais tunguhin sa hinaharap, kurso man ito sa kolehiyo o pagtatrabaho.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo May isang bata na madalas pumunta sa baybayin malapit sa isang lawa upang mamingwit ng isda. Mayroong isang landingstrip malapit sa baybaying ito Madalas na nakatingin ang batang ito sa mga dumaraang eroplano. Namamangha siya sa kakayahan ng piloto na makapagpalipad ng ganoong kalaking sasakyan. Nabuo sa loob niya na darating ang araw at magiging piloto rin siya. Madalas na nakalilimutan niya ang kanyang pamingwit kaya wala siyang nahuhuling isda. Lingid sa kanyang kaalaman, napapansin pala siya ng piloto na madalas ding mamasyal sa baybayin kung wala itong iskedyul ng paglipad. Minsan, nilapitan nito ang bata at inanyayahang sumama sa kanya sa loob ng eroplano at makita ang hitsura nito. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 7/9

Lalo pang sumidhi ang interes ng bata. Mula noon higit pang pinagbuti ng bata ang kanyang pag-aaral upang maging piloto sa hinaharap/VII. Gaano Ka Natuto? Punan ng mga salita ang patlang. 1. Kinakailangang _________________ng mag-aaral ang kanilang sarili bago kumuha ng kurso. 2. Dapat isaalang-alang ang mahahalagang ____________ sa pagpili ng kurso o hanapbuhay. 3. ANg napiling kurso ay siyang__________________ at nakapagpapasaya sa mahabang panahon. 4. Mahalagang malaman ng mag-aaral ang kanilang _________at ______ sa pagpili ng hanapbuhay o kurso. 5. Kailangang________kung ano ang iyong kasanayan kung maghahanap ng trabaho 6. Ang pagkakaroon ng ____________ o layunin ay makatutulong nang malaki sa buhay. 7. Pinakamahalagang salik sa pagkakamit ng nais na kurso ang___________ mabuti. 8. Ang ____________at pagsisikap ay kailangan sa pagkakamit ng minimithing hanapbuhay o kurso sa kolehiyo 9. Ang ______________ sa kursong kukunin ay kailangang paghandaan. 10. Kailangang maingat sa pagplano patungo sa tamang_______ ng hanapbuhay o kurso sa kolehiyo.VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila: Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. De Torre, Joseph M. Christian Philosophy. Manila: Vera-Reyes Publishers. 1980 Moga, Michael D. What makes man truly human. Makati: St. Pauls. 1995 RHGP Module Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 8/9

Susi sa PagwawastoHanda ka na ba?1. tama2. mali3. mali4. mali5. tama6. tama7. mali8. tama9. tama10. tamaGaano ka natuto?1. suriin2. salik3. makakasama4. interest at potensyal5. alamin6. direksyon7. pag-aaral8. determinasyon9. pagpaplano10. pagpili Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 9/9

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 4 Modyul Blg. 17 Mga Kasanayan Ko: Angkop sa Kurso o Hanapbuhay?I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nakakita ka na ba ng mga classified ads sa pahayagan? Ano ang mga impormasyong makikita mo dito? Bakit inilalagay ng mga kompanya ang kasanayang kinakailangan nila sa mga mag-aaplay sa kanila ng trabaho? Sa pagpili ng trabaho o kurso sa kolehiyo, mahalaga bang alam mo ang mga kasanayang kinakailangan dito? Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay matutuklasan mo sa iyong pagtunghay sa mga gawaing inihanda sa modyul na ito. Inaasahan kong malilinang mo ang mga kasanayan at pagpapahalagang sumusunod: Nakikilala ang mga kasanayan na kinakailangan sa iba’t ibang kurso sa kolehiyo o hanapbuhay (L.C. 4.3) A. Natutukoy ang mga kasanayan na kailangan sa iba’t ibang kurso sa kolehiyo o hanapbuhay B. Nakikilala ang kasanayang taglay at ang asignaturang makatutulong sa pagpapaunlad nito C. Nasusuri ang pagpapahalagang dapat gamitin sa pagkilala sa mga kasanayang kinakailangan sa iba’t ibang kurso sa kolehiyo o hanapbuhay Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.1/14

4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang bawat tao’y may kakayahang tuklasin at paunlarin ang kasanayan sa isang gawain dahil sa taglay niyang: a. konsensya b. dignidad c. karapatan d. talino 2. Ang career orientation sa paaralan ay naglalayong: a. matuklasan ang talinong taglay ng mga mag-aaral b. gabayan ang mga mag-aaral sa mga kursong maaari nilang kunin sa kolehiyo c. matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang suliraning pang akademiko d. gabayan ang mga mag-aaral sa tamang kilos sa loob at labas ng paaralan 3. Ang ibinibigay na college admission test sa mga kolehiyo at pamantasan ay naglalayong matuklasan ang: a. kaalamang taglay ng mag-aaral b. kakayahang pinansyal ng mag-aaral c. kalagayang emosyonal ng mag-aaral d. pagpapahalagang taglay ng mag-aaral Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.2/14

4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan sa pag-aaral ng iba’t ibang asignaturang sa paaralan: a. malilinang ang talino, kasanayan at pagpapahalaga b. makakuha ng mataas na marka c. makakilala ng iba’t-ibang guro d. makasasalamuha ng iba’t-ibang kapwa kabataan 5. Ang pagkilala sa mga kasanayang kailangan sa isang kurso o trabaho ay nakatutulong upang: a. magkaroon ng kamalayan sa mga kursong kailangan sa industriya. b. matuklasan kung akma ba ng kasanayang taglay ng isang tao sa kursong nais niyang kunin o trabahong nais pasukan. c. makapamili ng magandang kolehiyo o pamantasang papasukan. d. makahikayat pa ng ibang kaibigan sa pagkuha ng isang kurso o trabaho.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Panuto: Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba at isulat ang mga kasanayang kinakailangan sa kurso o trabahong ipinakikita. Isulat mo ang sagot sa espayong nakalaan para dito. Gabay mo ang halimbawa sa unang bilang.1. Kasanayan sa pagtatanim at 2. _________________________pag-aalaga ng mga halaman_. _________________________Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.3/14

3.___________________ 4. _____________________ ___________________ _____________________5.__________________ 6.___________________ __________________ ___________________7.________________ 8.___________________ ________________ ___________________Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.4/14

Sagutin Mo1. Nahirapan ka ba sa gawain? Bakit?2. Bukod sa mga nasa larawan, isulat mo sa ibaba ang mga kasanayang kailangan sa iba’t ibang kurso o trabaho. Sundin ang halimbawa. Kurso o Trabaho Kinakailangang KasanayanHal. Mahusay magpaliwanag,1. Guro disiplinado, maliwanag magsalita2.3.4.5.6.7.8.9.10.Gawain Blg. 2A. Alam mo ba ang mga kasanayang taglay mo? Sa palagay mo ba ay akma ang mga ito sa kursong nais mong kunin o trabahong nais mong pasukan. Sagutan mo ang tsart sa susunod sa pahina. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.5/14

Panuto: Lagyan mo ng tsek ang kasanayang taglay mo at isulat sa loob ngkolum kung saang asignatura ito nakatutulong sa iyo. Gamiting gabay anghalimbawa. KasanayanPakikipag- Pag- Pag- Pag-iisip Pag- Pagguhit Pag- usap sa susulat unawa at paglutas sasayaw (drawing) awit iba ng mga bilang ng mga  komplikadong suliraninHal.FilipinoEnglishEdukasyonsa Pagpa-pahalaga Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.6/14

B. Ang tsart sa ibaba ay naglalaman ng mga indikeytor ng pagkakaroon ng kasanayan o kawalan ng kasanayan sa walong dimensyon: interpersonal, impormasyon, sistema, teknolohiya, pangunahing kasanayan, kasanayang pangkaisipan, personal na katangian at pinagkukunan. Suriing mabuti ang iyong sarili at tingnan kung alin sa mga indikeytor na ito ang taglay mo. Isulat mo ito sa iyong notebook. Personal Pinag- kukunan Inter Impor- Sistema Tekno- Pangunahing Kasanayang na (Resources) personal masyon lohiya kasanayan Pangkaisipan KatangianKasanayan Pakikipag- Pagsu- Pakikipag- Pagpili Pagbasa Kasanayang Pagkaka- Wastong talastasan suri ng ugnayang ng mga Mag-isip kilala sa Pamama- mga Panlipu- gamit o Nakababasa sarili hala Pakikiisa impor- nan pamama at May bilang masyon raang nakatutukoy kakayahan Pagtingin Napamamah Kasapi ng May aakma kung may sa sa sarili alaan nang pangkat Naia- pamama- sa mali sa malikhaing maayos ayos raan gawain tekstong pag-iisip May ang oras Paggawa at na- kung binasa. pagpa- kasama bibig- paano Nauuna- Nakagagawa pahalaga Napamamah ang iba yang mapaiiral waan Nakasusulat ng pasya sa dangal alaan nang inter- ang kung at naka- at maayos Pamumuno pretas sistema paano pagtatala ng Nakalulutas katapatan ang mga yon at ginaga- mga ng suliranin. materyal * pamama- ang mga kaayusan mit ang mahahala- May na bagay hala sa datos o sa isang gang datos. Alam ang panama- lugar ng impor- samahan kaga- paraan kung gutan gawaan masyon mitan o Nakapagsa- paano May ang salita. matututo. Napama- * Pagtang- Pagpapa pamama- isang mahalaan gap sa -hayag raan pamama May kakaya- Nakabubuo ang sarili pagkaka- ng kung raan. hang mag- ng mga kabilang iba-iba impor- paano memorya at imahen sa ang masyon ang mga Nagaga- magkonsen- isipan. pagsusuri * Pakikipag sa pasa- kagami- mit nang treyt. sa sarili, kasundo lita o pa- tan at iba wasto Nakapanga- pagta- at sulat na pang ang ngatwiran takda ng paglutas paraan bagay ay akmang layunin ng hindi maayos kagamit pagkaka- Napopro- na an para unawaan. seso ang magaga- sa isang impor- mit tiyak na masyon gawain. gamit ang computer Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.7/14

Inter Impor- Sistema Teknolo Pangunahing Kasanayang Personal Pinag- Personal masyon hiya Kasanayan Pangkaisipan na kukunan Resources KatangianWalang Kasanayan Nahihira- Hindi Nakaga- Gumugu Madalas Magiging Sa kabila Ang hindi pan kang mo alam gawa ka -gol ka kang nalilito mahirap ang ng mga maayos na gumawa kung ng ng at hindi ka pagtatrabaho maka- pamama-hala kasama saan kamalian maha- maunawaan kung hindi ko bagong sa salapi ay ang iba. kukuha sapagkat bang ng mga tao matututuhan kaalamang naka- o paano hindi oras sa sa paligid ang taglay mo aapekto sa Naniniwala hahana- malinaw pagtatra mo. umagapay sa hindi ka pa iyong ka na ang pin ang sa iyo baho mga bagong rin saloobin at pang-araw- maha- ang dahil Nahihirapan kaalaman. umuunlad pagkilos. araw lagang iyong hindi mo kang mana- dahil sa na sigalot impor- tungkulin alam tili sa isang Tila hindi hindi Sadyang o hindi pag- masyon. sa kung gawain. umuusad kanais- hindi mo kakaunawa pangkat. paano ang iyong nais na kayang an ay Hindi gamitin gawain kahit gawi sa maka-rating bahagi ng nauuna- May mga ang gaano ang pagta- sa tamang pang-araw- waan ng gawain at ilang iyong trabaho. oras sa araw na iyong kalatas mga pagpapa- iyong buhay. guro/ na makaba- kahirap pinapasu- pinuno/ mister- gong ka- kan. amo/ ang yoso gamitan mga para sa tulad ng natata- akin dahil compu- pos hindi ko ter. mong alam trabaho kung o ang paano mga gawin. paghihi- rap mo. Sagutin Mo 1. Paano nakatutulong ang mga kasanayang iyong nilagyan ng tsek sa mga asignaturang iyong isinulat? 2. Paano ito makatutulong sa iyo sa pagpili mo ng kurso o trabaho sa hinaharap? 3. Bakit mahalagang kilalanin mo ang amg kasanayan na kinakailangan sa iba’t ibang kurso sa kolehiyo o hanapbuhay? Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.8/14

Gawain Blg. 3 Maraming mag-aaral ang magtatapos na sa high school ay hindi parin alam ang kursong kukunin. Ang kawalan ng kaalaman kung ano angkanyang mga kasanayan ay isa sa mga dahilan nito. Ano ang resulta?Kukuha ng kurso na hindi naman pala akma sa kakayahan. Pagkatapos ngisang semestre, tumigil o lumipat ng ibang kurso. Huli na nang malamanghindi pala angkop sa kanyang kasanayan ang kanyang pinag-aaralan. Sa mga natapos mong gawain, nakilala mo ang mga kasanayangkinakailangan sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo o sa pagpasok sa trabaho.Anu-anong mga pagpapahalaga ang kinakailangan mong gamitin upangmaiangkop mo ang taglay mong kasanayan sa kursong iyong kukunin sakolehiyo o trabahong iyong papasukan? Isulat ito sa unang hanay at angpaliwanag sa ikalawang hanay.Halimbawa: Pagpapahalaga Paliwanag1. Pagsusuri sa sarili (self- Tanging sa matapat na pagtingin at introspection) pagsusuri sa sarili lamang makikita ng isang tao ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang kanyang mga ayaw at gusto.2.3.4.5. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.9/14

IV. Ano Ang Iyong Natutuhan? Ano ang mahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa modyul na ito? Gamitin mong gabay ang mga salitang nasa kahon.Kurso HanapbuhayMakilala KinakailanganKasanayan Mahalaga Konsepto:____________________________________________ ____________________________________________________V. Pagpapatibay Kasanayan sa Trabaho Mahirap pumasok sa isang bagay na wala kang kaalam-alam o wala ka man lang kasanayan. Lagi kang natatakot na baka mali ang gawin mo o baka matuklasan ng iba. Isa ito sa dahilan kung bakit mahalaga na makilala mo ang mga kasanayan na kailangan sa kursong kukunin o trabahong papasukan mo. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.10/14

Isang taon na lamang at magtatapos ka na sa high school. Mahalagangngayon pa lamang ay alam mo na ang mga kasanayang taglay mo upangmakapili ng kursong aakma sa mga kasanayang ito. Maraming mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon ang hindi manlamang alam kung ano ang kanilang kursong kukunin. Kung kailan kukuha ngcollege admission test ay saka pa lamang mag-iisip kung ano ang kursongkukunin. Isusulat na lamang sa information sheet kung ano ang kursongmaisip, para lang maipasa ang papel. Ano ang kadalasang resulta ngganitong gawain? Nakapag-eenrol sa isang kursong wala naman siyangkasanayan. Ang katwiran, mainam na iyon kaysa naman hindi mag-enrol. Ano ang kadalasang hinahantungan ng mga ganitong uri ngpagpapasya? Pagkatapos ang isang semester, mababalitaan mo na lamangna nagpalit ng kurso o lumipat ng paaralan. Bakit? Hindi siya makatagal dahilwala siyang kasanayang kinakailangan para sa kursong kanyang kinuha.Ganito rin ang mangyayari kung papasok ka sa isang trabahong wala kangkasanayan. Sa apat na taong pag-aaral sa high school imposible na hindi mo manlamang natuklasan kung ano ang iyong mga kasanayan at hilig. Sa iba’tibang asignaturang pinag-aaralan, natitiyak kong mayroong espesyal sa iyodahil tumutugma sa iyong hilig at kasanayan ang mga itinuturo. Ito na anggabay mo sa pagpapasya kung ano ang kursong kukunin o anong trabahoang iyong papasukan. Mahalagang kilalanin ang mga kasanayang kakailanganin mo sapagpili ng kurso sa kolehiyo o sa trabahong iyong papasukan sapagkatmalaki ang maaaring maging epekto nito sa iyong tagumpay sa hinaharap. Isang magandang halimbawa dito si Lea Salonga. Nag-aaral siya saAteneo de Manila University nang dumating sa Pilipinas ang pangkat niCameron Mckintosh, kilalang direktor sa teatro, upang mag-audition ng mgaPilipinong gaganap sa Miss Saigon. Itatanghal ang musical na ito sa WestEnd sa London. Isa si Lea sa nag-audition. Napahanga ang pangkat niMcKintosh sa kanyang angking husay sa musika at sa kanya ibinigay angpangunahing papel bilang Kim sa nasabing palabas. Isang mahalagang desisyon ang kanyang dapat gawin, angipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Ateneo kung saanmagaganda ang kanyang marka o tanggapin ang Miss Saigon at manatili saLondon sa buong panahon ng pagtatanghal. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.11/14

Sa kabila ng kahusayan sa dalawang magkaibang larangan, musika at kolehiyo, alam ni Lea na ang kanyang kakayahan at kasanayan ay nasa musika. Ito ang dahilan kung bakit pinili niyang maging Kim sa Miss Saigon. Hindi siya nagkamali sapagkat dito siya nagtagumpay at nakilala sa buong mundo. Patuloy niyang pinaunlad ang kanyang kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral sa musika. Sa halimbawang ito mo makikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayang angkop sa kurso o trabahong papasukan.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Suriing mong mabuti ang iyong sarili. Ano ang kursong nais mong kunin pagkatapos ng high school. Anu-anong mga kasanayan ang taglay mo na tugma sa naisin mong kurso? Ipaliwanag. Isulat mo ito sa loob ng scroll. Ang kursong nais kong kunin sa kolehiyo ay_____________________________________ _______________________________________ _______________________________________ ________________________ Ang mga kasanayan kong makatutulong sa akin sa pagkuha ng kursong ito ay _____________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ ________________________ Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.12/14

VII. Gaano Ka Natuto? Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang bawat tao’y may kakayahang tuklasin at paunlarin ang kasanayan sa isang gawain dahil sa taglay niyang: a. konsensya b. dignidad c. karapatan d. talino 2. Ang career orientation sa paaralan ay naglalayong: a. matuklasan ang talinong taglay ng mga mag-aaral b. gabayan ang mga mag-aaral sa mga kursong maaari nilang kunin sa kolehiyo c. matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang suliraning pang akademiko d. gabayan ang mga mag-aaral sa tamang kilos sa loob at labas ng paaralan 3. Ang ibinibigay na college admission test sa mga kolehiyo at pamantasan ay naglalayong matuklasan ang: a. kaalamang taglay ng mag-aaral b. kakayahang pinansyal ng mag-aaral c. kalagayang emosyonal ng mag-aaral d. pagpapahalagang taglay ng mag-aaral 4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan sa pag-aaral ng iba’t ibang asignaturang sa paaralan: a. malilinang ang talino, kasanayan at pagpapahalaga b. makakuha ng mataas na marka c. makakilala ng iba’t ibang guro d. makasasalamuha ng iba’t-ibang kapwa kabataan 5. Ang pagkilala sa mga kasanayang kailangan sa isang kurso o trabaho ay nakatutulong upang: a. magkaroon ng kamalayan sa mga kursong kailangan sa industriya. b. matuklasan kung akma ba ng kasanayang taglay ng isang tao sa kursong nais niyang kunin o trabahong nais pasukan. c. makapamili ng magandang kolehiyo o pamantasang papasukan. d. makahikayat pa ng ibang kaibigan sa pagkuha ng isang kurso o trabaho. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.13/14

VIII. Mga Sanggunian Garcia-Abiva, Thelma. (1993). Learning Resource for Career Development. Quezon City: Abiva Human Development Services, Inc. Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. d 2. b 3. a 4. a 5. b Gaano Ka Natuto? 1. d 2. b 3. a 4. a 5. b Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 17, pah.14/14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 4 Modyul Blg. 18 Kasanayan, bakit kailangan?I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nakakita ka na ba ng mga apprentice o nag-on the job training? Bakit sa kabila ng kanilang mga kaalamang natutuhan sa kolehiyo o pamantasan ay kailangan pa nilang dumaan sa ganitong pagsasanay? Isang requirement bago magtapos sa kolehiyo ang makapagsanay sa tunay na trabaho sa tunay na buhay. Ano ba ng kapakinabangan ng ganitong gawain? Ilang taon mula ngayon, magtatapos ka sa kolehiyo at tiyak na mararanasan mo ang binabanggit kong gawain. Hindi lamang ang mga mag- aaral na magtatapos ng kurso ang dumadaan sa proseso ng pagsasanay, maging ang mga aplikante sa isang trabaho ay gayon din. Tinitiyak ng mga may-ari ng negosyo na bago tanggapin ang isang empleyado o manggagawa ay mayroon siyang kasanayan sa trabahong papasukan kung kaya’t pinadadaan muna nila ito sa isang pagsasanay. Higit pang magiging malinaw sa iyo ang paksang ito sa iyong pag-aaral sa modyul na ito. Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman at pagpapahalaga: Nasusuri ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa anumang trabahong papasukan (LC4.5) A. Naipaliliwanag ang magiging epekto ng kawalan ng kasanayan sa isang trabaho B. Nasusuri ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa anumang trabaho Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.1/11

C. Natutukoy ang mga pagpapahalagang dapat isabuhay upang taglayin ang kasanayan sa anumang trabaho Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Ang apprenticeship ay isang patakaran na umiral noon sa Europa na naglalayong: a. maturuan ng mga kasanayan at pagpapahalaga ang mga nagnanais pumasok sa isang trabaho. b. matutong makisalamuha sa iba’t-ibang tao ang isang bago pa lamang na magtatrabaho. c. makasunod ang bawat magulang sa umiiral na kalakaran ng panahong iyon na bigyang pagsasanay ang kanilang mga anak. d. makatuklas ng mga bagong magiging maestro sa iba’t ibang larangan 2. Ang kasanayan ay tumutukoy sa : a. kakayahang makipagkapwa sa trabaho. b. kakayahang gamitin ang kaalaman sa pagsasagawa ng isang gawain. c. mga ideya o kaisipang nabuo ng isang tao d. mga kayang gawin ng kamay at iba pang bahagi ng katawan. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.2/11

3. Ang pagkakaroon ng kasanayan sa isang gawain ay nakatutulong sa: a. maayos na pagsasagawa ng gawain. b. pagpapaunlad ng katauhan. c. paglutas sa suliraning pinansyal. d. pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.4. Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho kung walang kasanayan ang isang manggagawa sapagkat: a. walang magtiyagang magturo sa kanya. b. hindi siya sigurado sa kanyang ginagawa. c. lagi siyang binabantayan ng supervisor. d. wala siyang interes sa gawain.5. Makatutulong sa pagkakaroon ng kasanayan sa trabaho ang pagbibigay ng: a. bonus b. pagsasanay o training. c. counseling d. incentives6. Nananaig ang damdaming ito kapag ang isang tao’y may kasanayan sa trabaho. a. kaligayahan b. kapanatagan c. tiwala sa sarili d. kaaliwan7. Mahalagang isaisip ng isang kabataang tulad mo na kailangan paunlarin ang kanyang kasanayan upang: a. mapabilis ang promotion sa trabaho b. magawa nang maayos ang gawain c. makilala ang husay sa paggawa d. makaangat sa iba pang mga kamanggagawa8. Ang pagpapahalagang ito ang nararapat pairalin sa panahong tinuturuan ang isang bago pa lamang sa trabaho. a. sikap b. tiyaga c. bukas na isipan d. hinahon Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.3/11

9. Higit na kailangan ang mataas na antas ng kasanayan kung ang trabaho ay may kaugnayan sa tao tulad ng sa medisina, pagtuturo, imprastrakturang pambayan, pagluluto, pagmamaneho, at iba pa, sapagkat: a. anumang pagkakamali’y buhay ang apektado b. malaking halaga ng pera ang masasayang c. maaapektuhan ang reputasyon ng kompanyang pinapasukan d. higit na mabigat ang kaparusahan kapag nagkamali sa gawain 10. Anong saloobin ang nararapat manaig kung iwinawasto ka sa isang maling nakasanayan? a. pasasalamat b. utang na loob c. kababaang-loob d. kahinahunanIII. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahing mabuti at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sitwasyon Blg. 1 Mahiyahin at walang kibo si Beck, 16 na taong gulang. Katatapos pa lamang niya ng high school. Dala ng kahirapan, hindi na siya nakapagpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo. Nag-aplay siya bilang isang saleslady sa isang department store. Anim na buwan ang kanyang kontrata. Depende sa magiging performance niya sa pagtatrabaho ang extension nito. Dala ng pagiging mahiyain, hindi siya makaabot sa kotang (quota) benta sa araw-araw. Kahit anong pilit niya sa kanyang sarili ay hirap siyang makipag-usap sa mga kostumer upang mag-alok ng kanilang produkto. Tinapos na ang kanyang kontrata pagkatapos ang anim na buwan. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.4/11

Sitwasyon Blg. 2Si Mang Apyong ay kilalang arbularyo sa kanilang nayon. Marami siyangnagamot at marami na ring napagaling.Hindi sukat akalin ng kanilang mga kababayan na sa tagal ng panahonng kanyang panggagamot ay ngayon pa siya nademanda ng medicalmalpractice dahil sa namatay sa impeksyon ang isang pasyentengkSaangyauntgingiMnaomot.Nagreklamo ang pamilya ng biktima, nagsampa ng kaso hanggang samGaapwatauinnayBalngg.w2ala siyang sapat na kaalaman at kasanayan sapanggagamot.Nagdurusa ngayon si Mang Apyong sa kulungan.Sagutin Mo1. Ano ang mensaheng makukuha mo sa dalawang sitwasyon?2. Paano naapektuhan ang trabaho at buhay nina Beck at Mang Apyong dahil sa kawalan nila ng kasanayan sa kanilang mga gawain?3. Ano ang epektong idudulot nito sa ibang taong kanilang makakasalamuha?Gawain Blg. 2Magpanayam ng mga may negosyo o mga may-ari ng puwesto sa palengke,department store, o bahay kalakalan. Tanungin ang mga kasanayan atpagpapahalagang hinahanap nila sa kanilang mga inaasahang kawani omanggagawa. Itala ang resulta ng panayam sa isang talahanayan tulad ngnasa ibaba.Kasanayan/ Pagpapahalaga PaliwanagHal. Kasanayan: Nagiging mapayapa Husay sa pakikitungo sa kapwa ang samahan ng mga manggagawa Pagpapahalaga: Sipag walang nagiging abala sa gawain. Maraming gawain ang natatapos Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.5/11

Ikaw naman: PaliwanagMga Kasanayan at PagpapahalagaMga Kasanayan: • • • • •Mga Pagpapahalaga: • • • • •IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Batay sa mga araling iyong natapos, ano ang mahalagang konseptong naglinaw sa iyo ? Gamitin mo ang mga gabay na salita sa loob ng kahon.trabaho mahalagakasanayan magkaroon anumang papasukanProject EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.6/11

_____ Konsepto: ____ ______________________________ ____ _______________________________ _______________________________V. Pagpapatibay Kasanayan sa Trabaho Anumang trabaho ang iyong pasukan mahalagang taglayin mo ang mga kasanayang inaasahan dito upang makamit mo ang pag-unlad. Hindi sapat ang marami ka lamang kaalaman sa isang trabaho. Kinakailangang may kasanayan ka upang maisabuhay mo at magawa ang anumang ideya o kaalamang mayroon ka. Ito ang dahilan kung bakit may panahon ng apprenticeship o on the job training. Sa pagsasanay na ito mo matututuhan ang mga bagay na hindi maituturo sa iyo ng mga aklat o ng iba’t ibang teorya. Ito ang aktwal na pagharap mo at paggamit ng iyong nalalaman sa uri ng trabahong iyong papasukan. Alam mo bang matagal ng umiiral ang ganitong pamamaraan? Noong Kalagitnaang Panahon o Middle Ages sa Europa, ang mga nagnanais matuto at magtrabaho ay nag-aaprentice muna sa isang taong may mataas na antas ng kasanayan sa isang larangan. Walang sahod ang apprentice. Katulong siya ng kanyang amo sa kanyang ginagawa. Ang layunin nito ay makita ng apprentice ang mga pamamaraan at istilo ng kanyang master at matutuhan ang mga kasanayan niya. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.7/11

Binibigyang-diin nila ang pagkakaroon ng kasanayan sa paggawa.Mahalaga ito sapagkat hindi magtatagumpay sa anumang larangan ang isangtao kung wala siyang angking kasanayan dito. Halimbawa, kung ang isang kabataan ay mahilig sa pagpipinta, ipapasokmuna siyang apprentice sa isang kilalang pintor. Maglilingkod siya rito bilangkatulong, maaaring ang maging trabaho niya ay tagalinis ng mga pinsel nagagamitin, taga-abot ng mga pangkulay o pintura at iba pang mga kaugnay nagawain ng pagpipinta. Sa tagal ng panahon ng pagmamasid niya sa kanyangmaster ay matututuhan niya ang istilo nito ng pagtatrabaho. Pagdating ng arawang istilong ito ay makatutulong sa kanya sa pagpapaunlad ng kasanayan sapagpipinta. Mahalaga ang magkaroon ng kasanayan sa anumang trabahongpapasukan sapagkat nakasalalay dito hindi lamang ang kabutihang pansarili ngtaong nagtatrabaho kundi maging ang kabutihang panlahat din. Nakikilala ang tatak ng isang produkto dahil sa uri o kalidad ngpagkakagawa nito. Ang mahusay na kalidad nito ay nakasalalay sa mga taongmay mataas na antas ng kasanayan sa paggawa. Paano kung hindi marunong owalang kasanayan ang mga manggagawa? Masisira ang pangalan ng produktoat hindi na tatangkilikin ng mga mamimili. Bababa ang benta na maaaring ikaluging pabrika. Ito naman ang magiging daan upang magbawas ng mgamanggagawa. Kung ang trabahong ginagawa ay may kaugnayan sa buhay at saugnayang pangkapwa, lalong nararapat na magkaroon ng kasanayan angnagtatrabaho. Isipin mo na lamang ang mga doktor na nagpapaanak ng ilangsanggol bawat araw. Sa kamay nila nakasalalay ang buhay at kinabukasan ngina at ng sanggol. Paano kung wala silang kasanayan dito? Tiyak namamimiligro ang buhay ng mag-ina. Hindi iilan ang mga napabalitangkapabayaang nangyari sa mga ospital dala ng kawalang kasanayan ng mgadoktor at iba pang staff na dapat ay bihasa sa kanilang trabaho. Ano kaya ang mangyayari kung ang isang abogado ay kulang sakasanayan sa pakikipagdebate o argumento? Tiyak kahit nasa katwiran at panigng katotohanan ang kanyang kliyente ay malalagay ito sa alanganin at bakamakulong pa dahil sa kakulangang nabanggit. Makikita mo sa mga halimbawang ito kung bakit mahalagang taglayin ngisang tao ang kasanayang inaasahan sa kanya sa pagtatrabaho. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.8/11

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo 1. Paano maeepektuhan ng kawalang kasanayan sa anumang trabaho ang pag-unlad ng isang tao? Magbigay ng halimbawa. 2. Anu-anong mga pagpapahalaga ang nararapat linangin upang lagi mong maalaala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa anumang trabaho? Isulat mo ito sa mga kahon sa ibaba. Hal. Pagmamalasakit sa kapwaVII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Ang apprenticeship ay isang patakaran na umiral noon sa Europa na naglalayong: a. maturuan ng mga kasanayan at pagpapahalaga ang mga nagnanais pumasok sa isang trabaho. b. matutong makisalamuha sa iba’t ibang tao ang isang bago pa lamang na magtatrabaho. c. makasunod ang bawat magulang sa umiiral na kalakaran ng panahong iyon na bigyang pagsasanay ang kanilang mga anak. d. makatuklas ng mga bagong magiging maestro sa iba’t ibang larangan 2. Ang kasanayan ay tumutukoy sa : a. kakayahang makipagkapwa sa trabaho. b. kakayahang gamitin ang kaalaman sa pagsasagawa ng isang gawain. c. mga ideya o kaisipang nabuo ng isang tao d. mga kayang gawin ng kamay at iba pang bahagi ng katawan. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.9/11

3. Ang pagkakaroon ng kasanayan sa isang gawain ay nakatutulong sa: a. maayos na pagsasagawa ng gawain. b. pagpapaunlad ng katauhan. c. paglutas sa suliraning pinansyal. d. pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.4. Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho kung walang kasanayan ang isang manggagawa sapagkat: a. walang magtiyagang magturo sa kanya. b. hindi siya sigurado sa kanyang ginagawa. c. lagi siyang binabantayan ng supervisor. d. wala siyang interes sa gawain.5. Makatutulong sa pagkakaroon ng kasanayan sa trabaho ang pagbibigay ng: a. bonus b. pagsasanay o training. c. counseling d. incentives6. Nananaig ang damdaming ito kapag ang isang tao’y may kasanayan sa trabaho. a. kaligayahan b. kapanatagan c. tiwala sa sarili d. kaaliwan7. Mahalagang isaisip ng isang kabataang tulad mo na kailangan paunlarin ang kanyang kasanayan upang: a. mapabilis ang promotion sa trabaho b. magawa nang maayos ang gawain c. makilala ang husay sa paggawa d. makaangat sa iba pang mga kamanggagawa8. Ang pagpapahalagang ito ang nararapat pairalin sa panahong tinuturuan ang isang bago pa lamang sa trabaho. a. sikap b. tiyaga c. bukas na isipan d. hinahon Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.10/11

9. Higit na kailangan ang mataas na antas ng kasanayan kung ang trabaho ay may kaugnayan sa tao tulad ng sa medisina, pagtuturo, imprastrakturang pambayan, pagluluto, pagmamaneho, at iba pa, sapagkat: a. anumang pagkakamali’y buhay ang apektado b. malaking halaga ng pera ang masasayang c. maaapektuhan ang reputasyon ng kompanyang pinapasukan d. higit na mabigat ang kaparusahan kapag nagkamali sa gawain 10. Anong saloobin ang nararapat manaig kung iwinawasto ka sa isang maling nakasanayan? a. pasasalamat b. utang na loob c. kababaang-loob d. kahinahunanVIII. Mga SanggunianDe Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila:Sinag-Tala Publishers,Inc. 1977.Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? 6. c 7. b1. a 8. c2. b 9. a3. a 10. c4. b5. b6. c7. b8. c9. a10. cGaano Ka Natuto? 1. a 2. b 3. a 4. b 5. bProject EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 18, pah.11/11

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 4 Modyul Blg. 19 Upang Kakayahan ay MapaunladI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Jennifer Rosales, Lydia de Vega, Lea Salonga, Regine Velasquez at marami pang mga kilalang tao sa iba’t ibang larangan. Alam mo ba kung ano ang mga katangiang magkakatulad sila? Sila ang halimbawa ng mga taong pinaunlad ang talinong kaloob sa kanila ng Diyos- talino at kasanayang pinanday ng mahabang panahong pagsasanay at pagpapaunlad. Ikaw, ano ang talinong taglay mo? Pinauunlad mo ba ito? Masasabi mo bang ginagamit mo ito sa pagpapabuti ng iyong kalagayan at ng kalagayan ng iba? Marami ka pang matututuhan sa paksang ito sa iyong pagtunghay sa mga gawaing inihanda sa modyul na ito. Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman at pagpapahalaga: Nakababalangkas ng mga paraan ng pagpapaunlad ng kakayahan o aptitude tungo sa kagalingan sa paggawa (L.C 4.6) A. Natutukoy ang mga kakayahang taglay B. Nakababalangkas ng mga paraan kung paano mapauunlad ang mga talino at kakayahang taglay C. Nasusuri ang mga pagpapahalagang dapat linangin kaakibat ng pagpapaunlad ng sariling kakayahan Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: Project EASE , Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 19, pah.1/18 /




































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook