8. Ang taong may disiplina sa sarili ay may kakayahan ding mamahala nang wasto sa kanilang oras. 9. Mahalaga ang maitutulong ng media sa pagmumulat sa mga mamamayan ng wastong paggamit ng oras. 10. Bisyo ang pagiging laging huli sa oras.B. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng pinaka- wastong sagot. 1. Ang oras ay kakatwa at misteryoso sapagkat: a. mahirap na itong ibalik kapag nawala na. b. nasa ilalim ng kapangyarihan nito ang lahat ng tao. c. hindi natin ito nakikita o nahahawakan d. hindi natin ito maaaring bilhin o nakawin 2. Kung ang bawat sandali’y ginugugol mo sa produktibong gawain, maiiwasan mo ang: a. pagpapasa ng hindi magandang reports at projects. b. pagod dulot ng labis na pagmamadali. c. chismis at pakikialam sa buhay ng may buhay. d. pag-aaksaya sa mahahalagang minuto at oras na lumilipas. 3. Ang mabuting gawi ay nakatutulong sa pagpapadali ng gawain dahil: a. sa araw-araw na pagsasabuhay ay nakasanayan mo na ito b. nakaiiwas ka sa masasamang bisyo c. mas may kamalayan ka sa mga sandali at oras na dumadaan d. mas may sistema at maayos ang pagtatrabaho 4. “Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang.” Ipinahihiwatig ng linyang ito na: a. mahalagang limutin na ang nakaraan b. tandaan ang aral na matututuhan sa nakalipas. c. ang kahapo’y maaaring maging sandigan ng ngayon. d. hindi na maaaring ibalik ang nakalipas. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 3/14
5. “Kung ang bawat ngayo’y dakila mong nagamit. Masasabi mong kahit na ang bukas ‘di sumapit pa Ang naabot mo’y langit na.” Ano ang ibig ipakahulugan ng mga linyang ito? a. hindi natatakot sa kamatayan ang taong may pagpapahalaga sa oras. b. ang taong marunong magpahalaga sa bawat sandali at oras ay uunlad. c. hindi dapat maging alipin ng nakaraan ang tao. d. Ang bukas ang sandihan ng bawat hinaharap.C. Alin sa mga gawaing nakalista sa ibaba ang maituturing na maayos atmakabuluhang paggamit ng oras? (Produktibo ang isang gawain kungkapakipakinabang na nagagamit ang oras sa pagsasagawa nito.) Lagyan ngtsek (/) ang angkop na kolum. Isulat ang iyong paliwanag sa espasyongnakalaan para dito.Gawain Produktibo Hindi Paliwanag sa Sagot Produktibo1. Pagtulog2. Panonood ng T.V3. Paglalaro ng basketball4. Pagbabasa5.Pakikipagkuwentuhan sa kamag-aral6. Pag-iinternet7. Pamamasyal sa mall8. Pagvi-videoke9. Pagmamasid sa mga tao10. Pagdo-drawing PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 4/14
III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Ang oras ay ginto, marahil maraming beses mo na itong narinig. Pero pinahahalagahan mo nga ba ito tulad ng pagpapahalaga mo sa isang mamahaling bagay tulad ng ginto? Tingnan ko nga kung paano mo ginugugol ang bawat oras sa maghapon. Umaasa akong sasagutin mo ang susunod na gawain nang buong katapatan. Handa ka na? Simulan mo na. Paano mo ginugugol ang bawat oras sa maghapon? Isulat ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong schedule sa loob ng orasan sa ibaba. Halimbawa: 3 oras sa pag-aaral ng leksyon/ paggawa ng takda PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 5/14
Sagutin Mo 1. Batay sa iyong schedule masasabi mo bang naging maayos ang pamamahala mo sa oras? Patunayan. 2. May mga gawain ka bang gumugugol ng iyong panahon subalit hindi naman mahalaga? a. Ilista ang mga ito. b. Paano naaapektuhan ng sagot mo sa bilang 2 ang iba mo pang gawain? 3. Anu-ano ang mga dapat mong baguhin sa iyong schedule? Gumawa ng schedule na nagpapakita nang maayos na pamamahala ng iyong oras.Gawain Blg. 2 Paano mo gagamitin nang maayos ang iyong oras sa mga sumusunod na sitwasyon? 1. Paghihintay sa book store May usapan kayo ng iyong kaibigan na magkikita sa isang book store ganap na ika- sampu ng umaga. Maaga kang dumating sa inyong tagpuan ngunit wala pa siya. Lumipas ang 30 minuto, wala pa rin siya. Paano mo gagamitin nang makabuluhan ang iyong oras habang naghihintay sa kanya? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 6/14
2. Pagliban ng Guro Liban ang inyong guro sa Filipino atmatematika. Nangangahulugan itongdalawang oras na wala kayong gagawin. Nagkayayaan ang iba sa iyong mgakamag-aral na tumakas sa gate at magcutting classes . Paano mo gugugulin nang wasto angdalawang bakanteng oras na ito? 3. Bakasyon sa Pasko Dalawang linggo angChristmas vacation. Paano mogagawing makabuluhan angpagbabakasyong ito? Sagutin Mo 1. Bakit mahalagang malinang sa kabataang tulad mo ang pagpapahalaga sa oras? 2. Bakit inihahalintulad ang oras sa ginto? 3. Ano ang maaaring idulot sa iyo nang wastong pamamahala sa oras? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 7/14
Gawain Blg. 3 Pagnilayang mabuti ang mensahe ng awitin. Ngayon (Leo Valdez) Ngayon ang simula ng hiram mong buhay Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay Ngayon gugulin mo nang tama’t mahusay Bawat saglit at sandali Magsikap ka’t magpunyagi Maging aral bawat mali Ngayon bago ito maging kahapon Ang pagkakataon sana’y huwag matapon Ikaw, tulad ko rin ay may dapit-hapon Baka ika’y mapalingon sa nagdaang bawat ngayon Nasayang lang na panahon. Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang Ang bukas pangitain niya’ng ganda’y sa isip lang Kung ang bawat ngayon mo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay ngayon. Sa buhay mong hiram Mahigpit man ang kapit May bukas na sa iyo’y di na rin sasapit Ngunit kung ang bawat ngayo’y dakila mong nagamit Masasabi mong kahit na ang bukas ‘di sumapit pa Ang naabot mo’y langit na. Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang Ang bukas pangitain niya’ng ganda’y sa isip lang Kung bawat ngayon mo sa iyo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay Buhay mo’y matibay Dahil ang sandiga’y ngayon.Sagutin mo:1. Ano ang mensaheng hatid ng awitin?2. Bakit ang sandigan ng magandang bukas ay ang ngayon?3. Bakit dapat pahalagahan ang bawat sandali ng iyong buhay?4. Paano mo iuugnay ang awitin sa mga naunang gawain? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 8/14
IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Punan ang hindi tapos na pangungusap sa ibaba batay sa iyong sariling pananaw. Sa kabila ng aking kabataan, maaari kong mapamahalaan nang wasto ang aking oras sa pamamagitan ng ________________ ___________________________________________________________ Sa tulong ng _____________________________, magagawa kong laging sumunod sa takdang oras ng pinag-usapan. Maaari kong maiwasto ang pananaw ng iba ukol sa Filipino time sa pamamagitan ng_____________________________________________ ___________________________________________________________V. Pagpapatibay Ang Wastong Pamamahala sa Oras Isa sa hindi kanais-nais na katangian ng marami sa ating mga Pilipino ay ang kakulangan ng pagpapahalaga sa oras. Filipino Time ang tawag dito. Asahan mong kapag ito ang katagang binanggit ay nangangahulugang huli sa oras. Marahil napupuna mo sa mga programa sa paaralan, mga miting, sa mahahalagang okasyon ay iilan lamang ang sumusunod sa takdang oras. Ayon kay Dr. Jesus P. Estanislao, mahalagang linangin natin ang pagpapahalaga sa oras sapagkat isa ito sa susi sa pag-unlad ng ating bansa. Nararapat magsimula ng anumang gawain sa itinakdang oras nito. Ang pagiging laging huli ay hindi produktibo. Hindi lamang ang sariling schedule ang naaapektuhan kung hindi tayo marunong mamahala nang wasto sa ating oras. Maging ang oras ng iba ay ating naaabala. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 9/14
Dapat nating isipin ang oras ng kapwa na naghihintay sa atin. Paano na ang oras nila? Tiyak mas marami pang makabuluhang gawain ang maaari nilang ginawa kung hindi sila naghintay sa iyo. Kasama sa mapanagutang pamamahala ng mga kaloob ng Diyos sa atin ang paraan kung paano natin ginagamit ang ating oras. HIgit na mas malalang anyo ng pagwawaldas ang pag-aaksaya sa oras; Ang pera na gastahin mo sa pagbili ng mga hindi naman mahalagang bagay ay maaaring mapalitan; subalit ang oras na inaksaya ay hindi na mapapalitan o maibabalik pa. Ito ang dahilan kung baakit mahalagang matutuhan at malinang mo ang wastong pamamahala sa oras at ang mga pagpapahalagang kaugnay dito.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ano ang oras? Ang oras ay isang kakatwa at misteryosong bagay. Hindi natin ito nakikita, naririnig o nadarama. Hindi natin ito mapabibilis, mapababagal o mapahihinto, Hindi rin natin ito maaaring bilhin o nakawin. Subalit maaari natin itong gamitin, aksayahin, o ibigay sa iba. Ang buo nating buhay ay kontrolado ng oras. Ano nga ba talaga ang oras? Saan natin ito matatagpuan? Saan ito nanggaling? Saan ito patutungo? Lahat ng tao sa daigdig- bata, matanda, babae, lalaki ay pinagkalooban ng oras. Binubuo ito ng dalawampu at apat na oras, isang araw ang tawag natin dito. Anuman ang lipi, relihiyon o nasyonalidad ang ating kinabibilangan, magkakatulad at pantay pantay ang araw na ipinagkaloob sa atin. Kahit wala tayong orasan, ang ating buhay ay puno pa rin ng oras. Pinaaalahanan tayo ng apostol na si San Pablo sa Efeso 5:15 na gamitin natin nang maayos ang ating oras. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 10/14
Kailangan nating gamitin nang wasto ang ating oras sapagkatang bawat pagdaan nito ay maituturing nating una at hulingkaranasan natin dito. Hindi na muling babalik pa ang oras na lumilipas,kaya’t kailangang pamahalahan natin ang bawat pagdaan nito sa atingbuhay. Sa kabila ng katotohanang hindi natin ito mapahihinto, maaarinaman nating itong ihandog sa ating kapwa. Marahil, ito angpinakadakilang maaari nating ipagkaloob sa ating kapwa… ang atingpanahon. Walang anumang materyal na bagay ang maaaring makapantayng paghahandog natin ng ating panahon sa pagtulong sa kapwa. Huwag kang magagalit kung kadalasa’y tila alipin ka ng oras.Wala kang magagawa, kasama mo iyan habang buhay. Angmahalagang isaisip mo ay kung paano mo ito gagamitin nang wastoupang maging makabuluhan ang bawat pagdaan nito sa iyong buhay. Salin mula sa A Thought for Today ni Frank Mihalik, SVDVII. Gaano Ka Natuto? A. Direksyon: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at kung mali ay palitan ang salitang may salungguhit na nagpamali sa pangungusap. 1. Negatibo ang konsepto ng maraming Pilipino sa Filipino Time. 2. Ang ating pagsasawalang bahala sa oras ay personal na bagay at hindi nakaaapekto sa ating kapwa . 3. Sa paaralan nararapat unang itinuturo ang pagpapahalaga sa oras. 4. Ang wastong pamamahala sa oras ay pagpapahalagang likas sa lahat ng tao. 5. Ang manana habit ay tumutukoy sa masigasig na pagsisimula ng gawain at pagkawala nito habang tumatagal. 6. Higit na produktibo ang mga taong may pagpapahalaga sa oras. 7. Walang kalayaan ang mga taong laging may schedule. 8. Ang taong may disiplina sa sarili ay may kakayahan ding mamahala nang wasto sa kanilang oras. 9. Mahalaga ang maitutulong ng media sa pagmumulat sa mga mamamayan ng wastong paggamit ng oras. 10. Bisyo ang pagiging laging huli sa oras PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 11/14
B. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng pinaka-wastong sagot. 1. Ang oras ay kakatwa at misteryoso sapagkat: a. mahirap na itong ibalik kapag nawala na. b. nasa ilalim ng kapangyarihan niya ang lahat ng tao. c. hindi natin ito nakikita o nahahawakan. d. hindi natin ito maaaring bilhin o nakawin. 2. Kung ang bawat sandali’y ginugugol mo sa produktibong gawain, maiiwasan mo ang: a. pagpapasa ng hindi magandang reports at projects. b. pagod dulot ng labis na pagmamadali. c. chismis at pakikialam sa buhay ng may buhay. d. pag-aaksaya sa mahahalagang sandali . 3 Ang mabuting gawi ay nakatutulong sa pagpapadali ng gawain dahil: a. sa araw-araw na pagsasabuhay ay nakasanayan mo na ito b. nakaiiwas ka sa masasamang bisyo. c. mas may kamalayan ka sa mga sandali at oras na .dumadaan. d. mas may sistema at maayos ang pagtatrabaho. 4. “Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang.” Ipinahihiwatig ng linyang ito na: a. mahalagang limutin na ang nakaraan b. tandaan ang aral na matututuhan sa nakalipas. c. ang kahapo’y maaaring maging sandigan ng ngayon. d. hindi na maaaring ibalik ang nakalipas. 5. “Kung ang bawat ngayo’y dakila mong nagamit. Masasabi mong kahit na ang bukas ‘di sumapit pa Ang naabot mo’y langit na.” Ano ang ibig ipakahulugan ng mga linyang ito? a. hindi natatakot sa kamatayan ang taong may pagpapahalaga sa oras. b. ang taong marunong magpahalaga sa bawat sandali at oras ay uunlad. c. hindi dapat maging alipin ng nakaraan ang tao. d. Ang bukas ang sandigan ng bawat hinaharap. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 12/14
C. Alin sa mga gawaing nalalista sa ibaba ang maituturing na produktibongpaggamit ng oras? (Produktibo ang isang gawain kung kapakipakinabang nanagagamit ang oras sa pagsasagawa nito.) Lagyan ng tsek (/) ang kaukulangkolum ng iyong sagot. Isulat ang iyong paliwanag sa espasyong nakalaan paradito.Gawain Produktibo Hindi Paliwanag sa sagot Produktibo1. Pagtulog2. Panonood ng T.V3.Paglalaro ng basketball4.Pagbabasa5.Pakikipagkuwentuhan sa kamag-aral6. Pag-iinternet7. Pamamasyal sa mall8. Pagvi-videoke9. Pagmamasid sa mga tao10. Pagdo-drawingPROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 13/14
VIII Mga Sanggunian Mihalik, Frank, SVD 2001. A Thought for Today. Manila: Logos Publications Estanislao, Jesus P. National Culture of Excellence-Book I.Manila: Center for Research and Communication. 1998 Susi sa Pagwawasto A. Handa Ka Na Ba?/ Gaano ka natuto? 1. T 2. M-nakaaapekto 3. M- tahanan o pamilya 3. M-hindi likas 4. M- ningas cogon 5. T 6. M –may kalayaan 7. T 8. T 9. T 10. T B. 1. b 2. d 3. d 4. b 5 .b PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 12, pah 14/14
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 3 Modyul Blg. 13 Kahit Kulang, Kahit ‘Di Sapat…I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Naranasan mo na bang gumawa ng proyekto na hindi kumpleto ang mga gagamiting materyales o magluto ng ulam na kulang ang rekado? Ano ang nagiging reaksyon mo kapag nalalagay ka sa mga ganitong sitwasyon? Bakit? Ano ang ginagawa mong paraan upang makagawa o makatapos ng gawain sa kabila ng kakulangan sa mga materyales? Mahalaga bang matutuhan mo kung paano haharapin ang mga sitwasyong ganito? Bakit? Umaasa akong sa tulong ng mga gawaing inihanda para sa iyo, malilinang mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Nalilinang ang kakayahang makagawa sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman (L.C 3.5) A. Nasusuri ang kahalagahan ng paglinang ng kakayahang makagawa sa kabila ng limitadong pinagkukunang yaman B. Natutukoy ang mga pagpapahalagang dapat linangin kaugnay nito C. Nakababalangkas ng mga paraan upang makagawa sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.1/13
2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. 6. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 7. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 8. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Alin ang hindi tumutukoy sa pagiging malikhain? a. Kakayahang gumamit ng hindi pangkaraniwang materyales sa isang gawain o proyekto b. Kakayahang gumawa ng mga kakaibang bagay buhat sa mga pangkaraniwang gamit o materyales c. Kakayahang mag-isip sa paraang hindi pangkaraniwan d. Kakayahang mag-isip nang mapanuri 2. Kung hindi sapat ang mga kagamitan at ibang kailangan sa isang proyekto dahilan sa kakulangan ng pondo, makabubuti na: a. ipagpaliban ang proyekto. b. magreklamo sa tagapangasiwa ukol sa suliranin sa kakulangan. c. mag-isip ng paraan kung paano makagagawa nang maayos. d. maghintay na makumpleto ang kagamitan bago magsimula ng trabaho. 3. Ano ang pangunahing pagpapahalagang kinakailangang pairalin upang hindi maubos kaagad ang limitadong pinagkukunang-yaman? a. Pagkamasinop b. Pagtitipid c. Pagkamaimpok d. Pagkamatiisin PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.2/13
4. Alin sa mga pangunahing pagpapahalagang moral (core moral values) ang sumasaklaw sa suliranin ukol sa limitadong pinagkukunang-yaman? a. Pagmamahal sa Diyos b. Mapanagutang paggamit ng kalayaan c. Mapanagutang pamamahala sa mga materyal na bagay d. Pagtitimpi 5. Ang bawat tao, anumang pangkat sa lipunan siya kabilang, ay may pangangailangang dapat tugunan, ngunit dahil limitado ang pinagkukunang-yaman, ano ang dapat niyang gawin? a. Isaisip ang kabutihang panlahat. b. Gamitin nang wasto ang mga pinagkukunang-yaman. c. Pamahalaan nang mabuti ang mga kaloob sa kanya ng Diyos. d. Mag-angkat na lamang ng mga produktong kulang sa atin.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Ano ang gagawin mo kung maharap ka sa bawat sitwasyon? Sitwasyon Blg. 1 Ilang buwan na lamang at magtatapos ka na sa high school. Maraming proyekto at research work na dapat tapusin. Kailangan mo ng panggastos upang matapos ang mga ito. Sa pagkakataong ito, natanggal sa trabaho ang iyong ama sa pabrikang kanyang pinapasukan. Sagot: Ang gagawin ko ay___________________________________________ PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.3/13
__________________________________________________________ Paliwanag: _________________________________________________ __________________________________________________________ Sitwasyon Blg. 2 Ang inyong klase ay hinati sa apat na pangkat ng inyong guro. Bawat pangkat ay binigyan ng P200 na kailangang palaguin sa loob ng isang linggo. Makakakuha ng mataas na marka ang pangkat na mahusay ang pamumuhunang ginawa sa maliit na halagang ito. Sagot: Ang gagawin ng aming pangkat ay______________________________ _________________________________________________________ Paliwanag: ________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________Sagutin Mo 1. Nahirapan ka ba sa dalawang sitwasyon? Bakit? 2. Ano ang pangunahing suliraning magkatulad sa dalawang sitwasyong inilahad? 3. Bakit mahirap gumawa kung limitado ang pinagkukunang-yaman? 4. Paano ka makagagawa sa kabila ng mga limitasyong tulad nito? 5. Bakit mahalagang matutuhan mong gumawa sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman? PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.4/13
Nasagot mo ba ang lahat ng mga tanong? Kung gayon, tunghayan mo ang mga sumusunod na gawain. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.Gawain Blg. 2 Sa unang gawain, sinubukan ang iyong kakayahang makagawa sa kabila ang limitadong pinagkukunang yaman. Ngayon naman ay tunghayan mo ang isang maikling kuwento ukol sa buhay ng isa sa ating mga dakilang bayani. Umaasa akong maiuugnay mo ang aral na makukuha mo sa kuwentong ito sa unang gawain. Sa Kabila ng Kahirapan Maagang naulila sa mga magulang si Andres Bonifacio. Sa murang gulang ay natutuhan na niyang maghanapbuhay at gamitin ang anumang kakayahang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Ayon sa mga tala ukol sa kanyang buhay, siya ay naghanapbuhay upang suportahan ang kanyang mga kapatid. Sa gulang na labing-apat na taon, siya na ang tumayong magulang sa mga ito. Gumagawa siya ng mga tungkod na kahoy at pamaypay at ibinebenta ang mga ito sa lansangan. Nagtrabaho siya bilang klerk-mensahero sa isang bahay-kalakal. Dahil sa angking kasipagan at katapatan, naiangat siya sa posisyon bilang ahente. Ang kinikita niya ang nakatulong upang matugunan nilang magkakapatid ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa kabila ng limitadong edukasyon dala ng kahirapan, pinilit pa rin niyang matuto sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Nanghihiram siya ng mga aklat at binasa ang mga ito. Ilan sa mga nabasa niyang nobela na nakaimpluwensya sa kanyang paniniwalang politikal ay ang Les Miserables ni Victor Hugo, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal., History of the French Revolution, The Wandering Jew at iba pa. Hindi naging hadlang kay Andres Bonifacio ang anumang limitasyong materyal upang magawa niya ang kanyang layunin sa buhay. Sagutin Mo 1. Paano hinarap ni Andres Bonifacio ang kahirapan sa buhay? 2. Paano niya pinatunayang hindi hadlang sa paggawa ang limitadong pinagkukunang-yaman? 3. Anu-anong pagpapahalaga na nauugnay sa ating paksa ang taglay niya? PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.5/13
Gawain Blg. 3Basahin mo ang kuwentong halaw sa Ebanghelyo ni Mateo 25:14-29. Iugnayang mensahe ng kuwento sa dalawang natapos na gawain. Ang Talinghaga Tungkol sa mga Aliping Pinagkatiwalaan ng Salapi May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng P5,000 ang isa nama’y P2,000 at ang isa pa ay P1,000. Pagkatapos, siya’y umalis. Humayo agad ang tumanggap ng P5,000 at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng P5,000. Gayon din naman ang tumanggap ng P 2,000 ay nagtubo ng 2,000. Ngunit ang tumanggap ng P 1,000 ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kanyang panginoon. Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya, ‘ Panginoon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang P5,000 na tinubo ko.” Sinabi sa kanya ng panginoon, “Magaling! Tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita ng malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan! Lumapit din ang tumanggap ng P2000, at ang sabi ‘Panginoon, heto po ang ibinigay ninyong P2,000. Heto naman po ang tinubo ko. Sabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin. Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita ng malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan. At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. “Alam ko pong kayo’y mahigpit…natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang P1,000 ninyo. Heto na po ang inyong P1,000.” Masama at tamad na alipin! tugon ng kanyang panginoon…”Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana’y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1, 000 at ibigay sa may P10,000.” PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.6/13
Sagutin Mo 1. Ano ang mahalagang mensaheng natutuhan mo sa parabula? 2. Masasabi mo bang ginawa ng pangatlong alipin ang lahat ng kanyang makakaya sa kabila ng maliit na halagang ipinagkaloob sa kanya? 3. Paano niya pinamahalaan ang limitadong perang ipinagkaloob sa kanya? 4. Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin?IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Sa buhay, hindi lahat ng ating naisin ay makukuha natin. Maraming bagay ang kinakailangang pag-isipan, pagpaguran, paghirapan upang sa kabila ng limitadong pagkukunan ay maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan. Hihinto ka na lamang ba at hindi gagawa dahil kulang ang mga kakailanganing gamit o di kaya’y dahil maliit ang pondong naibigay sa iyo? Paano mo ito haharapin? Anu-anong pagpapahalaga ang dapat mong linangin upang sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman ay maisagawa mo pa rin ang mga gawaing nararapat mong tapusin? Isulat ang isang pagpapahalaga sa bawat kahon. Sundin ang halimbawa. Mga Pagpapahalagang Dapat Kong Linangin sa Kabila ng Limitadong Pinagkukunang-yaman Halimbawa: Pagiging malikhain - Mahalagang isabuhay ito sapagkat makatutulong ito sa paghahanap ng ibang paraan upang makagawa o makatapos ng gawain. PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.7/13
Mga Pagpapahalagang Dapat Kong Linangin sa Kabila ng Limitadong Pinagkukunang Yaman__________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ___________________PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.8/13
Sa tulong ng mga gabay na salita, isulat mo ang mahalagangkonseptong iyong natutuhan sa modyul na ito. Limitadong Mgapinagkukunang- pagpapahalaga yaman IsabuhayMahalaga Upang makagawaKonsepto:______________________________________________________________________________________________________________________________ PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.9/13
V. Pagpapatibay Kakapusan: Hamon sa Ating Pagkamalikhain Isang katotohanan sa buhay na hindi lahat ng ating naisin ay ating nakukuha o ang lahat ng ating pangangailangan ay natutugunan. Lahat ay nakararanas ng kakapusan ng mga bagay-bagay. Hindi lahat ng bagay ay taglay ng isang tao o ng isang lugar, maaaring masagana sila sa isang bagay subalit kapos naman sa iba. Sabi nga sa wikang Ingles:You can’t have the best of both worlds. May kanya-kanyang pangangailangan at may kaniya-kanyang kakapusan. Subalit hindi dahil sa kapos ka ay hindi ka na kikilos at isusumbat na lamang sa Maylikha ang iyong sitwasyon. Mahalagang kumilos at gumawa sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman. Kung minsan ang limitasyong ito pa nga ang nagsisilbing daan upang mapaunlad ang buhay. Ang mga limitasyong ito ang nagsisilbing hamon upang gamitin natin ang ating talino sa pag-iisip ng mga paraan kung paano natin matutugunan ang ating mga pangangailangan o kung paano natin matatapos ang gawaing nakaatang sa ating mga kamay. Upang maisagawa ito, nararapat na taglayin ng tao ang mga pagpapahalagang makatutulong sa kanya upang malagpasan ang limitasyong ito. Isang halimbawa nito ay ang pagiging malikhain. Sa taong malikhain, walang imposible, nakagagawa siya sa kabila ng mga ipinapalagay ng iba na kakulangan. Nagagamit niya ang mga pinagkukunang-yamang mayroon sa kanyang paligid at mula dito ay nakalilikha siya ng isang kakaiba at natatanging bagay na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunang kanyang kinabibilangan. Isang halimbawa nito ay ang pagkakaimbento ni Alexander Graham Bell ng telepono. Ang pangangailangan sa komunikasyon ang nagbigay daan upang umisip siya ng mga paraan kung paano magkakausap ang dalawang taong nasa magkaiba at magkalayong lugar. Sino ang makapagsasabing ang dating disyertong walang pakinabang ay magiging isang masaganang taniman ngayon? Makikita ito sa Negev sa Israel. Nagawa ng mga Israelita na makaisip ng paraan upang ang kanilang limitadong pinagkukunang-yaman ay mapakinabangan. Isang patunay lamang ito na mahalagang kumilos at gumawa sa kabila ng mga limitasyong ating kinakaharap. PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.10/13
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Necessity is the mother of invention. 1. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito? 2. Magbigay ng halimbawa na magpapatunay dito. 3. Anu-anong mga paraan o tiyak na hakbang ang maaari mong gawin upang matugunan ang mga limitasyong dulot ng kakapusan o kakulangan sa mga pinagkukunang-yaman? Halimbawa. Suliranin: Kulang ang badyet ng nanay sa pambili ng gamit sa paaralan sa pasukan. Solusyon: Ang mga natirang walang sulat na pahina ng aking notebook noong nakaraang taon ay pagsasama-samahin ko upang makabuo ng isang bagong kuwaderno. Ngayon, magbigay ka ng sarili mong suliranin na kinakaharap mo at ang solusyon nito. Suliranin: Solusyon: PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.11/13
VII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Alin ang hindi tumutukoy sa pagiging malikhain? a. Kakayahang gumamit ng hindi pangkaraniwang materyales sa isang gawain o proyekto b. Kakayahang gumawa ng mga kakaibang bagay buhat sa mga pangkaraniwang gamit o materyales c. Kakayahang mag-isip sa paraang hindi pangkaraniwan d. Kakayahang mag-isip nang mapanuri 2. Kung hindi sapat ang mga kagamitan at ibang kailangan sa isang proyekto dahilan sa kakulangan ng pondo, makabubuti na: a. ipagpaliban ang proyekto. b. magreklamo sa tagapangasiwa ukol sa suliranin sa kakulangan. c. mag-isip ng paraan kung paano makagagawa nang maayos. d. maghintay na makumpleto ang kagamitan bago magsimula ng trabaho. 3. Ano ang pangunahing pagpapahalagang kinakailangang pairalin upang hindi maubos kaagad ang limitadong pinagkukunang-yaman ? a. Pagkamasinop b. Pagtitipid c. Pagkamaimpok d. Pagkamatiisin 4. Alin sa mga pangunahing pagpapahalagang moral (core moral values) ang sumasaklaw sa suliranin ukol sa limitadong pinagkukunang-yaman? a. Pagmamahal sa Diyos b. Mapanagutang paggamit ng kalayaan c. Mapanagutang pamamahala sa mga materyal na bagay d. Pagtitimpi PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.12/13
5. Ang bawat tao, anumang pangkat sa lipunan siya kabilang, ay may pangangailangang dapat tugunan, ngunit dahil limitado ang pinagkukunang-yaman, ano ang dapat niyang gawin? a. Isaisip ang kabutihang panlahat. b. Gamitin nang wasto ang mga pinagkukunang-yaman. c. Pamahalaan nang mabuti ang mga kaloob sa kanya ng Diyos. d. Mag-angkat na lamang ng mga produktong kulang sa atin.VIII. Mga Sanggunian Estanislao, Jesus P. On Well Being: Uniting Mind, Body and Spirit into a Coherent Whole. University of Asia and the Pacific Foundation Inc: San Juan. 1997 Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. c 2. c 3. a 4. c 5. b Gaano Ka Natuto? 1. c 2. c 3. a 4. c 5. b PROJECT EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.13 pah.13/13
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 3 Modyul Blg.14 Mga Pagpapahalagang Pilipino Tungo sa KaunlaranI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? “ Naku, Andres… malapit na binyag ni Junior natin, sinu-sino ba ang kukunin nating ninong at ninang? “ Si Mayor, si Chairman at si Konsehal ang gawing nating mga ninong. Yung asawa naman ng dati nating mayor, si konsehala at yung Principal ang mga ninang.” “Mainam na sila ang maging mga ninong at ninang para paglaki ni Junior madali siyang mapasok sa trabaho dahil may backer na siya.” Isa pa kung magka problema man, maraming sasalo sa kanya. Pamilyar ba sa iyo ang mga ganitong usapan? Tunay na nangyayari iyan sa lipunang Pilipino lalo na kung pupunta ka sa mga probinsya. Kung minsan nga, maging sa alta sociedad ay nangyayari ang ganito. Ito ang pinag-uugatan ng sistemang padrino na nagbibigay-daan sa “palakasan”. Aminin man natin o hindi, bahagi ito ng ating kultura na nakahahadlang sa ating pag-unlad. Paano natin malalabanan ang umiiral na counter value na ito? Anu- ano ang mga pagapapahalagang Pilipino na kailangan natin upang umunlad ang ating bansa? Ang mga ito ang iyong tutuklasin sa pagtunghay mo sa mga gawain sa araling ito. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: L.C 3.9 Nakikilala ang mga pagpapahalagang Pilipino na kailangang panatilihin upang makamit ang kaunlaran ng bansa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 1/12
A. Nakapagtatala ng mga pagpapahalaga at mga counter value na umiiral sa lipunang Pilipino B. Nakikilala ang mga pagpapahalagang Pilipino na kailangang panatilihin upang makamit ang kaunlaran ng bansa C. Naitatalaga ang sarili sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang Pilipinong makatutulong sa pag-unlad Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay may katotohanan, at MALI kung walang katotohanan. 1. Masasabing malaya ang isang bansa kung hindi naiimpluwensyahan ng mga dayuhang ang pamamalakad at mga patakaran nito. 2. Ang pinakamataas na pagpapakita ng nasyonalismo ay ang pananatili sa bansa anuman ang maging kalagayang pangkabuhayan nito. 3. Mahalaga sa pagkakamit ng pag-unlad ang pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan. 4. Ang pagiging masayahin ay nakatutulong sa paglutas ng suliranin. 5. Ang mga counter values na taglay ng mga Pilipino ay maaaring maalis sa pamamagitan ng wastong edukasyon sa tahanan at sa paaralan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 2/12
6. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mass media sa pagmumulat ng mga Pilipino sa di kanais-nais na epekto ng padrino system. 7. Hindi umuunlad ang ating bansa dahil sa taglay na katamaran ng mga Pilipino. 8. Maaaring sumunod sa agos ng pagbabago na hindi naisasakripisyo ang mga pagpapahalagang Pilipino. 9. Natatanggap natin ang anumang krisis na pinagdadaanan natin bilang nasyon dahil sa ating pananampalataya sa Diyos. 10. Malikhain ang lahing Pilipino kung ikukumpara sa kanyang mga kalapit- bansa.B. Basahin ang mga pahayag sa ibaba at piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang malalim na pahayag ng pagmamahal sa bayan ay makikita sa : a. pagkalinga sa mga nangangailangang kababayan b. tamang pagbabayad ng buwis c. pagtangkilik sa mga produktong gawa sa bansa 2. Kung magpapatuloy ang pagsasawalang kibo ng marami sa nakikitang umiiral na katiwalian, ano ang pinakamalalang mangyayari sa ating kabuhayan? a. patuloy na darami ang mga mangungurakot sa pamahalaan b. hindi maipagkakaloob sa mamamayan ang serbisyo at proyekto. c. aalis sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan o foreign investors. 3. Mahalagang bigyang-pansin ang mga pagpapahalagang makatutulong sa ating pag-unlad sapagkat: a. Naiiwan na tayo ng ating mga kalapit-bansa sa pag-unlad ng kabuhayan b. Nasa pagsasabuhay ng mga ito ang pagkakamit ng pagsulong ng bansa c. Ito ang mag-aangat sa atin sa kasalukuyang dinaranas na kahirapan 4. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang pinag-uugatan ng katiwalian ng ilang opisyal at kawani ng pamahalaan? a. pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa nakikitang anomalya b. mababang suweldo at kahirapang pangkabuhayan c. kawalan ng malasakit sa mga mamamayan at kaban ng bayan 5. Ang labis na pagsasabuhay ng mga sumusunod ay maaaring humantong sa katiwalian sa pamahalaan maliban sa isa. a. malapit ng ugnayang pampamilya b. pagiging maka-Diyos c. pagtanaw ng utang na loob Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 3/12
III. Tuklasin Mo Gawain Blg.1 Batay sa iyong mga nakikita sa paligid, makababanggit ka ba ng mga hindi kanais-nais na kilos o gawi ng mga Pilipino na nagsisilbing hadlang sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa? Isulat mo ito sa nakalaang espasyo sa ibaba. Hal. Mañana Habit Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 4/12
Sagutin Mo 1. Nahirapan ka bang maglista? Bakit? 2. Bakit nakasasagabal sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa ang mga ito? 3. Ano sa palagay mo ang maaaring gawin upang maiwasto ang mga hindi kanais-nais na kilos at gawing ito? Gamiting gabay ang pormat sa ibaba sa iyong pagsagot.Hal. Gagawin upang iwasto ito Di kanais-nais na kilos o gawi l. Mañana Habit Paggawa ng iniatas na gawain nang maaga sa itinakdang panahonProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 5/12
Gawain Blg. 2 Sa unang gawain, naglista ka ng mga hindi kanais-nais na kilos ng mga Pilipino na nakahahadlang sa ating pag-unlad, ngayon naman ay mag-isip ka na mga pagpapahalagang Pilipino na makatutulong sa pagkakamit ng pambansang kaunlaran kung isasabuhay lamang ng lahat. Isulat mo ito sa nakalaang kahon sa ibaba.. KAUNLARAN Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 6/12
Sagutin Mo:1. Bakit mahalagang isabuhay ang mga pagpapahalagang isinulat mo?2. Paano ito makatutulong sa pagkakamit ng kaunlaran ng ating bansa?3. Bakit mahalagang malinang ito sa mga kabataang tulad mo?IV. Ano ang Iyong Natuklasan? Batay sa iyong mga natapos na gawain, anong mahalagang konsepto ang iyong mabubuo? Gamitin bilang gabay ang mga salitang nasa loob ng kahon sa pagbuo mo ng konsepto.ISABUHAY MAKATUTULONG PAGPAPAHALAGA PAG-UNLAD MAHALAGAKonsepto:__________________________________________________V. Pagpapatibay Pagpapahalagang Pilipinong makatutulong sa Kaunlaran Ang mga Pilipino ay isang dakilang lahi na maraming puwedeng ipagmalaki sa mundo. Mababanaag sa ating kultura ang ating pagpapahalaga sa pagkakamit ng kaunlaran at kabuthang panlahat . Binanggit ni dating Senadora Leticia Ramos-Shahani sa kanyang Moral Recovery Program ang mga pagpapahalagang Pilipino na itinuturing niyang kalakasan natin. Ilan sa mga ito ang pananampalataya sa Diyos, pagiging malapit ng pamilya, pakikipagkapwa, mabuting pagtanggap sa bisita, kasipagan, pagiging matiyaga, malikhain, positibong pananaw at pagiging Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 7/12
masayahin. Ang mga ito ay dapat na patuloy na isabuhay sapagkatmagbibigay daan ang mga ito sa pagkakamit ng kaunlaran. Ayon din sa kanya, may mga counter values taglay ang mga Pilipino.Nagsisilbing balakid ang mga ito sa ating pag-unlad.IIan sa mga ito ay anglabis na pagbibigay ng personal na kahulugan sa mga puna (extremepersonalism), pagiging huli sa oras, sistemang kanya-kanya (crab mentality),ningas cogon at iba pa. Kung minsan nga ang maling pagsasabuhay ng ilan sa atingpagpapahalaga ang nagiging daan sa mga hindi magagandang gawain. Paano ito mangyayari? Marahil itatanong mo. Tingnan mo anghalimbawang ito. Ang pagiging malapit ng pamilya at pagmamalasakit sakapamilya ay nararapat , subalit may mga pagkakataon na angpagpapahalaga ring ito ang nagiging daan sa katiwalian sa pamahalaan.Bakit? Ilang pangulo na ng bansa ang napatunayang sangkot sa katiwalianat pagkakaroon ng hidden wealth, dahil sa pagnanais na yumaman angkanilang pamilya at kilalanin ang kanilang angkan sa larangan ng pulitika.Bakit may nepotismo at political dynasty? Paano tayo susulong kung mas nananaig ang mga counter value na itokaysa sa mga pagpapahalagang mag-aakay sa atin sa pag-unlad? Ito ang dahilan kung bakit mahalagang maimulat sa mga kabataangtulad mo ang mga pagpapahalagang Pilipinong magdadala sa atin sakaunlaran. Ayon kay Dr. F. Landa Jocano, kilalang antropolohista,mahalagang muling balikan ang pag-aaral sa ating kultura at tuklasin angmga katutubong pagpapahalagang Pilipino at ang kalakasan nito. Ang hindinatin paglingon sa mga pagpapahalagang ito, ayon sa kanya, angnagsisilbing balakid sa ating pagsulong. Kulang tayo sa pagtitiwala sa atingmga kakayahan bilang isang pangkat kung kaya’t tuwing hahakbang tayopasulong ay kailangan pa nating huminto at suriin kung tama nga ba nglandas na ating tinatahak? Labis ang ginagawa nating pagsusuri hanggangsa magdusa tayo sa tinatawag ni Dr. Jocano na academic o bureaucraticparalysis- ang resulta? Hindi tayo makakilos. Kung kumilos naman tayo ayhuli na, tapos na ang pangyayari at naiwanan na tayo ng pagkakataon. Dahildito, nakararamdam tayo ng kabiguan. Kabiguang magdadala sa atin upangpagduduhan natin ang ating kakayahan. Ang pagdududang ito angnakapipigil sa atin upang malinang ang ating mga tradisyunal napagpapahalaga para sa kaunlaran. Dahil dito, hindi makakuha ng lubos nasuporta ang mga programang dahil sa kakulangan ng suporta ng lipunandahil sa walang nakikitang pagpapahalaga, sentimyento at saloobingmaaaring umantig sa damdamin ng pagkakaisa, pagmamalaki at dedikasyon. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 8/12
Kung wala ang mga ito walang lakas na maaaring magtulak sa atin upang kumilos. Sa editoryal ng Philippine Daily Inquirer noong Disyembre 5, 1991, binigyang pansin nila ang kahanga-hangang ipinamalas ng mga manlalarong Pilipino sa Southeast Asian Games 1991. Ang pagkakaisa ng mga Pillpino noong sandaling iyon ay nagpapakita na kaya ng Pilipinong magtagumpay kung isasabuhay niya ang mga pagpapahalagang likas sa atin bilang pangkat ng tao. Ang mga pagpapahalagang ito ayon kay Dr. Jocano ay ang mga sumusunod: 1. May pananampalataya sa DIyos 2. May damdaming makabansa 3. May pagmamahala sa pamilya 4. May paggalang sa kapwa 5. May mithiing pagkakaugnay-ugnay 6. May naiising pagkakaisa Yes,the Filipino Can! Isang slogan na kumikilala sa ating kakayahang umangat sa kabila ng ating mga kahinaan.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo May mga kalakasan ang karakter na Pilpino na tunay ngang kahanga-hanga at nagpapatingkad sa ating lahi. Anu-ano ang mga ito na nararapat mong isabuhay. Isulat mo ang iyong sagot sa mga bilog sa ibaba at ilagay ang kahalagahan ng pagsasabuhay nito. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 9/12
VII. Gaano Ka Natuto? A. Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay may katotohanan, at MALI kung walang katotohanan. 1. Masasabing malaya ang isang bansa kung hindi naiimpluwensyahan ng mga dayuhang ang pamamalakad at mga patakaran nito. 2. Ang pinakamataas na pagpapakita ng nasyonalismo ay ang pananatili sa bansa anuman ang maging kalagayang pangkabuhayan nito. 3. Mahalaga sa pagkakamit ng pag-unlad ang pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan. 4. Ang pagiging masayahin ay nakatutulong sa paglutas ng suliranin. 5. Ang mga counter value na taglay ng mga Pilipino ay maaaring maalis sa pamamagitan ng wastong edukasyon sa tahanan at sa paaralan. 6. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mass media sa pagmumulat ng mga Pilipino sa di kanais-nais na epekto ng padrino system. 7. Hindi umuunlad ang ating bansa dahil sa taglay na katamaran ng mga Pilipino. 8. Maaaring sumunod sa agos ng pagbabago na hindi naisasakripisyo ang mga pagpapahalagang Pilipino. 9. Natatanggap natin ang anumang krisis na pinagdadaanan natin bilang nasyon dahil sa ating pananampalataya sa Diyos. 10. Malikhain ang lahing Pilipino kung ikukumpara sa kanyang mga kalapit- bansa. C. Basahin ang mga pahayag sa ibaba at piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang malalim na pahayag ng pagmamahal sa bayan ay makikita sa : a. pagkalinga sa mga nangangailangang kababayan b. tamang pagbabayad ng buwis c. pagtangkilik sa mga produktong gawa sa bansa 2. Kung magpapatuloy ang pagsasawalang kibo ng marami sa nakikitang umiiral na katiwalian, ano ang pinakamalalang mangyayari sa ating kabuhayan? a. patuloy na darami ang mga mangungurakot sa pamahalaan b. hindi maipagkakaloob sa mamamayan ang serbisyo at proyekto. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 10/12
c. aalis sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan o foreign investors.3. Mahalagang bigyang-pansin ang mga pagpapahalagang makatutulong sa ating pag-unlad sapagkat: a. Naiiwan na tayo ng ating mga kalapit-bansa sa pag-unlad ng kabuhayan b. Nasa pagsasabuhay ng mga ito ang pagkakamit ng pagsulong ng bansa c. Ito ang mag-aangat sa atin sa kasalukuyang dinaranas na kahirapan4. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang pinag-uugatan ng katiwalian ng ilang opisyal at kawani ng pamahalaan? a. pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa nakikitang anomalya b. mababang suweldo at kahirapang pangkabuhayan c. kawalan ng malasakit sa mga mamamayan at kaban ng bayan5. Ang labis na pagsasabuhay ng mga sumusunod ay maaaring humantong sa katiwalian sa pamahalaan maliban sa isa. a. malapit ng ugnayang pampamilya b. pagiging maka-Diyos c. pagtanaw ng utang na loob Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 11/12
VIII. Mga Sanggunian F. Landa Jocano. Studies in Filipino Value System Quezon City : Punlad Research House. 1993 CDD, BSE, DECS. Values Education Manual for Teachers Susi sa Pagwawasto Handa ka na ba?/ Gaano Ka Natuto A. 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Tama 6. Tama 7. Mali 8. Tama 9. Tama 10. Tama B. 1. a 2. a 3. b 4. a 5. b Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 14, pah. 12/12
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit 3 Modyul Blg. 15 Gawain: Dapat PagbutihinI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Excellent, outstanding, splendid, laudable…ilan lamang ang mga ito sa mga katagang ginagamit upang ipakita ang kahusayang nakita sa isang gawain. Sa ating bansa, may iba’t ibang pagkilalang iginagawad sa mga taong nagpamalas ng kahusayan sa kanilang larangan. Ilan sa mga ito ang Ten Outstanding Young Men at Outstanding Teachers. Ano kaya ang mararamdaman mo kung ang iyong gawain ay bibigyan ng pagkilala dahil sa mahusay na pagkakagawa nito? Kung sakali namang hindi maganda ang iyong trabaho at pintasan ka sa masamang pagkakagawa nito, ano ang iyong mararamdaman? Ano kaya ang epekto ng gawaing hindi pinagbuti? Sa pagtunghay mo sa mga gawain sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Naisasaalang-alang ang maaaring ibunga ng gawaing hindi pinagbuti (L.C. 3.10) A. Nakikilala ang maaaring ibunga ng gawaing hindi pinagbuti B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng gawaing pinagbuti C. Natutukoy ang mga pagpapahalagang dapat linangin upang mapabuti ang gawain Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.1/10
1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. 6. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 7. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 8. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 1. “Hindi pwede ang pwede na.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? a. Mahalaga ang mahigpit na pamamalakad. b. Bawal ang pagsasabi ng “Pwede na.” c. Nararapat na laging mahusay ang gawain. d. May patakarang dapat sundin sa isang kompanya o pabrika. 2. Ano ang epektong maaaring ibunga ng isang gawaing hindi pinagbuti? a. Hindi tayo kalugud-lugod sa Diyos. b. May batik ito sa ating pagkatao. c. Bababa ang ating pamantayan sa paggawa. d. Mawawala ang tiwala ng kapwa. 3. Ang katiwalian sa pondong para sa mga proyektong pambayan ay kadalasang nagiging dahilan ng mga gawaing hindi pinagbuti. Ano ang sanhi nito? a. Kulang na ang pondo para sa mga materyales na gagamitin. b. Gumaganti ang mga kontraktor sa pamahalaan. c. Nais mapabilis ang pagtapos sa mga proyektong pambayan. d. Nais nilang makapagsimula na kaagad ng iba pang gawain. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.2/10
4. Ang pagkakaroon ng quality control sa mga pabrika at iba pang pagawaan ay naglalayong matiyak ang: a. maraming produktong matatapos. b. pagsunod sa tamang pamantayan ng bawat produkto. c. pagbabayad ng buwis ng bawat nagawang produkto. d. pagsunod ng mga kompanya sa itinatadhana ng anti-piracy law. 5. Ang mga taong walang pakialam sa kalidad ng gawaing kanilang natatapos ay kulang sa : a. personal na kaayusan. b. malasakit sa trabaho. c. diwa ng pakikiisa. d. palabra de honor.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahin mo at unawain ang mga sumusunod na impormasyon: 1. Noong nakataang tag-init, idinaos sa Maynila ang pandaigdigang pagpupulong ng mga Parliamentarian. Mahalagang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng delegado buhat sa iba’t ibang bansa. Nagbigay ng pahayag ang Philippine National Police na mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay sa buong CCP Complex at Roxas Boulevard. Lagi silang alerto sa anumang maaaring mangyari lalo na sa banta ng terorismo. Hindi pa man natatapos ang pagpupulong, isang delegadong Belgian ang naholdap sa may CCP Complex. Lumabas ito upang mamasyal isang gabi. Ayon sa ulat, isang lalaking nakasakay sa pedicab na may dalang balisong ang nangholdap. 2. Ayon sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH), isa sa pinakadelikadong lansangan sa Metro Manila ay ang Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa dami ng taong naaaksidente dito. Maraming pedestrian ang nasasagasaan dahil sa pagtawid sa highway. Marami ring sasakyan ang madalas nababangga dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng mga ito pagdating sa nasabing lugar. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.3/10
Sagutin Mo1. Ginawa ba nang mabuti ng mga taong kinauukulan ang kanilang gawain sa dalawang nabanggit na sitwasyon? Patunayan.2. Ano ang kahihinatnan kung hindi pagbubutihin ang gawaing iniatas sa iyo? Ipaliwanag.Gawain Blg. 2Mahihinuha mo ba ang maaaring mangyari kung hindi gagawing mabuti ng mgasumusunod ang kanilang gawain? Isulat mo ang iyong sagot sa kaukulangkolum.Taong Kinauukulan Ibubunga kung hindi gagawing mabuti ang gawain1. Doktor2. Dentista3. Guro4. Abogado5. Pangulo ng bansa6. Saleslady7. Tagapagbalita sa T.V8. BIR Auditor9. Senador10. Clerk11. Pulis12. Sundalo13. Magsasaka Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.4/10
14. Mang-aawit 15. Computer Technician Sagutin Mo 1. Ano ang maaaring ibunga ng hindi pinagbuting gawain? 2. Sinu-sino ang maaapektuhan kung hindi gagawing mabuti ng mga nabanggit ang kanilang gawain? Gawain Blg. 3 Basahin mo ang kuwento at iugnay sa dalawang natapos na gawain. Pamantayan Sa isang maliit na nayon, may isang lalaking palaging humihinto sa isangtindahan ng mga orasan tuwing umaga upang iayos ang oras sa kanyang relo. Isang araw, hindi na nakatiis ang may-ari ng tindahan at lumabas upangtanungin ang lalaki. “ Bakit ka humihinto tuwing umaga sa harapan ng aking tindahanat iniaayos ang iyong relo?” Tumugon ang lalaki, “Nagtatrabaho ako sa isang malaking pabrika sa kabilangkalye, at ako ang tagapamahala sa pagtugtog ng kampana tuwing tanghali.Humihinto ako rito sa inyong tindahan upang siguruhin na tama ang oras sa akingrelo.” “Nakatutuwa naman, pero maniniwala ka ba na tuwing tutugtog ang kampanasa inyong pabrika tuwing tanghaling tapat, tinitingnan ko ang aking mga relo atsinisigurong tama ito sa inyong oras.” Pangiting tugon ng may-ari. Sagutin Mo 1. Ano ang pagpapahalagang ipinakita ng tagatugtog ng kampana sa gawaing nakaatas sa kanya? 2. Paano nakaimpluwensya sa iba ang maayos niyang pagsasagawa ng kanyang gawain sa araw-araw? 3. Paano mo iuugnay ang mensahe ng kuwento sa unang dalawang gawain? Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.5/10
IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Sa mga gawaing iyong natapos, natitiyak kong may mahalagang bagay kang natutuhan. Sa tulong ng mga gabay na salita sa ibaba, isulat mo ang konseptong iyong natutuhan sa araling ito. Hindi Mahalagangpinagbuti IbubungaIsaalang- Gawain alang MaaariKonsepto:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.6/10
V. Pagpapatibay Kung Pagbubutihin Lamang ang Gawain Anuman ang gawaing maiatang sa ating mga kamay, gaano man ito kalaki o kaliit, mahalagang gawin natin ito nang buong husay. Ang bawat natapos na gawain ay may tatak ng gumawa nito. Repleksyon ito ng pagkatao o katauhan ng gumawa. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang lagi nating isaisip na dapat ingatan at pagbutihin ang bawat gawain. Maaaring hindi natin nakikita ng tuwirang epekto ng ating paggawa, ngunit may mga naaapektuhan ng ating gawaing hindi pinagbuti. Tingnan mo na lamang ang ilan sa mga balitang gumulat sa atin nitong mga nagdaang buwan at taon. Ang pagkakalason at pagkamatay ng mahigit sa 20 batang mag-aaral sa isang paaralang elementarya sa Bohol dahil sa pagkain ng itinindang kamoteng kahoy. Ayon sa pagsusuri, may nahalong nakalalasong kemikal sa mantikang ginamit sa pagluluto. Kahit pa sabihing hindi intensyon ng nagluto na mangyari iyon, kung naging maingat lamang sana siya at siniguro ang kalinisan ng kanyang mga ginagamit sa pagluluto, hindi ito mangyayari. Ang pagpapasabog ng LRT sa Blumentritt Station sa Maynila noong Disyembre 30, 2000 ay hindi sana naganap kung ang mga guwardiya at pulis ay naging mahigpit sa kanilang pagsasaliksik ng mga bagahe ng bawat pasahero. Dahilan sa naging maluwag sila at hindi naging puspusan sa pagtupad ng kanilang gawain, nalusutan sila ng mga masasamang-loob na nagpasabog dito. Kung ang bawat halal na opisyal ng bayan ay gagawin nang mabuti ang trabahong dapat nilang gawin, tiyak na naibsan na kahit papano ang kalagayan ng maralitang mamamayan. Subalit dahil sa hindi nila ito ginagawa, patuloy ang paghihikahos ng nakararami. Mahalaga ang pagkakaroon ng wastong pamantayan sa anumang gawain. Sa pamantayang ito sinusukat kung nagagawa ba natin ng mabuti ang ating gawain. Bagaman hindi tayo tulad ng mga produkto na may dinadaanang quality control upang malaman kung papasa ba o hindi sa pamantayang itinakda, mahalagang magkaroon tayo ng sariling pamantayan sa paggawa. Nakabatay ito sa katotohanang dapat nating pagbutihin anuman ang ating gawain sapagkat may Diyos na laging nagmamasid sa atin. Siya ang ating hindi nakikitang supervisor na dapat nating bigyang kasiyahan. Naiaangat natin ang ating Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.7/10
dignidad bilang tao kung lahat ng ating ginagawa (lalo na ang ating hanapbuhay o trabaho) ay kalugud-lugod sa Kanya.VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo 1. Bakit sinasabing taglay ng isang gawain ang tatak ng gumawa nito? 2. May mga gawain ka bang natapos na hindi naging kasiya-siya ang resulta para sa iyo? Paano mo maiiwasang maulit pa ang ganitong pangyayari sa hinaharap? 3. Anu-anong mga pagpapahalaga ang dapat mong linangin upang mapabuti ang iyong mga gawain? Hal. Disiplina Mga Pagpapahalagang dapat linangin upang mapagbuti ang gawain Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.8/10
VII. Gaano Ka Natuto? Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 1. “Hindi pwede ang pwede na.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? a. Mahalaga ang mahigpit na pamamalakad. b. Bawal ang pagsasabi ng “Pwede na.” c. Nararapat na laging mahusay ang gawain. d. May patakarang dapat sundin sa isang kompanya o pabrika. 2. Ano ang epektong maaaring ibunga ng isang gawaing hindi pinagbuti? a. Hindi tayo kalugud-lugod sa Diyos. b. May batik ito sa ating pagkatao. c. Bababa ang ating pamantayan sa paggawa. d. Mawawala ang tiwala ng kapwa. 3. Ang katiwalian sa pondong para sa mga proyektong pambayan ay kadalasang nagiging dahilan ng mga gawaing hindi pinagbuti. Ano ang sanhi nito? a. Kulang na ang pondo para sa mga materyales na gagamitin. b. Gumaganti ang mga kontraktor sa pamahalaan. c. Nais mapabilis ang pagtapos sa mga proyektong pambayan. d. Nais nilang makapagsimula na kaagad ng iba pang gawain. 4. Ang pagkakaroon ng quality control sa mga pabrika at iba pang pagawaan ay naglalayong matiyak ang: a. maraming produktong matatapos. b. pagsunod sa tamang pamantayan ng bawat produkto. c. pagbabayad ng buwis ng bawat nagawang produkto. d. pagsunod ng mga kompanya sa itinatadhana ng anti-piracy law. 5. Ang mga taong walang pakialam sa kalidad ng gawaing kanilang natatapos ay kulang sa : a. personal na kaayusan. b. malasakit sa trabaho. c. diwa ng pakikiisa. d. palabra de honor. Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.9/10
VIII. Mga Sanggunian De Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila:Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na ba? 1. c 2. b 3. a 4. b 5. b 6. c Gaano Ka Natuto? 1. c 2. b 3. a 4. b 5. b 6. c Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.15, pah.10/10
Edukasyon sa Pagpapahalaga III Yunit IV Modyul Blg.16 Saan Ako Nababagay?I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Bago ka maghanap ng trabaho, kailangang malaman mo muna kung anong hanapbuhay ang nababagay sa iyong kakayahan at interes. Alalahanin mo na sa tunay na buhay, mahalaga na malaman mo at ano ang kaya mong gawin. Kailangang isaalang-alang mo ang mahahalagang salik sa pagpili ng hanapbuhay na nararapat o nababagay sa iyo. Kung natukoy mo na ang mga ito, kailangang maingat ka sa pagpaplano patungo sa tamang pagpili ng hanapbuhay o kurso sa kolehiyo. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: L.C 4.1Naisasaalang-alang ang mahalagang salik sa pagpili ng kurso sa kolehiyo o hanapbuhay A. Natutukoy ang mahahalagang salik sa pagpili ng hanapbuhay B. Napahahalagahan ang maingat na pagpaplano ukol sa hanapbuhay o kurso sa kolehiyo C. Nakabubuo ng mga hakbangin patungo sa tamang pagpili ng hanapbuhay o kurso sa kolehiyo Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 1/9
4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung angkop ang ipinahihiwatig ng pangungusap at MALI kung hindi angkop ang ipinapahayag. 1. Malahalagang magsuri ng sarili ang isang mag-aaral bago siya kumuha ng kurso sa kolehiyo. 2. Ang pagpaplano sa kursong nais kuhanin ay hindi na kailangang paghandaan. 3. Ang determinasyon at pagsisikap ay hindi na kailangan sa pagkakamit ng minimithi kung matalino ang isanng tao. 4. Ang isang huwarang empleyado ay mas komportableng nagtatrabaho ng mag-isa sa halip na nakikipagtulungan sa iba. 5. Pinakamahalagang salik sa pagkakamit ng nais na kurso ay ang pag- aaral nang mabuti. 6. Ang pagkakaroon ng direksyon o layunin ay makatutulong ng malaki sa buhay. 7. Hindi na kailangang alamin kung ano ang iyong mga kasanayan kung ikaw ay nagtatrabaho na. 8. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang interes at potensyal sa pagpili ng hanapbuhay o kurso 9. Ang napiling kurso o hanapbuhay ay siyang makakasama sa mahabang panahon. 10. Dapat isaalang-alang ang mahalagang salik sa pagpili ng hanapbuhay o kurso sa kolehiyo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 2/9
III. Tuklasin Mo Gawain Blg.1 Basahin at lagyan ng tsek (/) ang akmang katangian sa iyo. 1. matiyaga 2. masipag 3. sumpungin 4. matulungin 5. mainipin 6. masayahin 7. mapanagutan 8. matatag ang loon 9. matiisin 10. laging nasa oras 11. mahilig sumubok 12. maagap 13. mahilig sa mga gawaing madetalye 14. malikhain 15. madaling panghinaan ng loob 16. mahilig makihalubilo sa tao 17. madalas huli sa oras ng tipanan 18. maramdamin 19. may positibong pananaw 20. ayaw ng pananagutan Sagutin Mo 1. Ilan ang nilagyan mo ng tsek? 2. Madali mo bang nakilala ang iyong mga katangian sa mga nasa talaan? 3. Ano ang mga pinagbatayan mo sa paglalagay ng tsek sa mga katangiang nakalista? 4. Batay sa iyong ginawang tseklist masasabi mo bang alam mo na ang akmang kurso o hanapbuhay para sa iyo? Gawain Blg. 2 Maaaring sa naunang gawain ay hindi nabanggit sa listahan ang mga katangian na makatutulong sa iyong pagpapasya kung anong hanapbuhay o kurso ang iyong kukunin. Sa gawaing ito, sisimulan natin ang malalimang pagsusuri na makatutulong sa pag-alam mo ng akmang kurso o hanapbuhay para sa iyo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg. 16. pah. 3/9
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258