Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 3 Part 2

ARALING PANLIPUNAN 3 Part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:30:33

Description: 3ARPA2-3

Search

Read the Text Version

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay ay ano ang kaugnayan nito sa pagbabago ng pampulitikang pamumuhay ng mga Pranses?Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang Pransiya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isangBourbon monarko na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing namakapangyarihan pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit nabasehan sa kanilang pamumuno ay ang divine rights of king. Ang divine rights ay angpaniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyoseskaya siya ay pinili ng diyos para pamunuan ang bansa. Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag naestates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang maykatungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikangPranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakakaraming bilang nga 20

mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro,manananggol, doktor, at mga manggagawa. Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang Pranses ng malakinghalaga ng pera para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una atikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis atang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhongpamumuhay ng hari at ng kanyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mgabumubuo sa ikatlong estate. Gayundin ang maraming digmaan na sinalihan ngPransiya kabilang na dito ang tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mgaAmerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mgapamgkaraniwang Pranses. Sina Haring Louis XVI at Reyna Marie Antoinette ng PransiyaAng Pambansang Asembliya Upang mabigyan ng lunas ang kakulangan sa pera na kailangan ng Pransiyanang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong nglahat ng mga representante ng tatlong estates. Noong 1788 ay nagkaroon ng isangpagpupulong kung saan pinili ang mga magiging representante ng bawat isang estado.Sa panahon ng halalan ay naging mainit na usapin ang ukol sa mga radikal na ideya atang pamamaraan na dapat sundin ukol sa pamumuno sa Pransiya. Ang mga dumalong 21

representante ay naimpluwensiyahan ng nangyaring Digmaang Sibil sa Inglaterra at ngDigmaan para sa kalayaan ng Amerika, kung saan ang mga tao ay nagingkasangkapan upang patalsikin ang pamumuno ng isang absolutong hari. Kaya ng sila’y muling nagkita-kita noong Mayo 1789 sa Versailles malapit saParis ay dinominahan ng ikatlong estado ang bilang ng mga representante. Sinasabingang kasapi ng ikatlong estado ang tunay na representante ng malaking bilang ngpopulasyon ng Pransiya. Binigyang diin ng ikatlong estado na hindi sila magtatapos ngpagpupulong hangga’t hindi nabubuo ang isang sinulat na Konstitusyon ng Pransiya.Ang pangyayaring ito ay tinawag na Tennis Court Oath. Ito ay kanilang isinagawa saisang tennis court dahil hindi pinahintulutan ng hari na ipagpatuloy nila ang kanilangpagpupulong. Ang kasapi ng ikatlong estado ay sabay-sabay na sumumpa rin ditoupang kanilang wakasan ang absolutong pamumuno ni Haring Louis XVI. Binalewala niHaring Louis XVI ang nasabing pangyayari at kanyang itinatag ang bagong institusyonna tinawag na Asembliyang Nasyonal. Sa asembliyang ito ay ginawa niyang pare-pareho ang bilang ng mga representate ng bawa’t isang estado. Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, Pransiya 22

Ang Pagbagsak ng BastilleNagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembliya. NoongHunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundaloang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan. Noong Hulyo 14 ay isangmalaking kaguluhan ang nangyari ng sugurin ng mga nag-aalsang tao ang Bastille. AngBastille ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyangmonarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Angpagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabagosa pamumuno at pagtatatag ng isang Republika. Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng Pransiya at tinawag ng mgarebolusyonaryo ang mga sumama sa mga pakikipaglaban. Sila’y binuo na ng mgasundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asembliya. Karaniwan silang nakasuotng mga badges na pula, puti at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sakasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansangPransiya. Naging kilala ang peryodong ito sa ingles bilang “Great Fear”.Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran Taong 1789 ng ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan saAsembliyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Angpambungad na pananalita ng saligang-batas ay ukol sa Deklarasyon ng mgaKarapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang Pranses aykinakailangnang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay atkapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag siLouis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang-batas.Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din atang halalan para sa Asembliyang bubuo ng mga batas ay idinaos. 23

Ang Pagsiklab ng Rebolusyon Maraming mga monarko sa Europa ang naapektuhan ng malaki sa pagsiklabng Rebolusyon sa Pransiya. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon aylumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 aynagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang pulbusin ang mgarebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mgarebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang rebolusyon aylalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadongnagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo naposibleng ang mga nobilidad ng Pransiya ay nakikipagbuo ng alyansa sa iba pang mgabansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin angrebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at daan sa mga sumusuportasa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag angpangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 aynapugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI mga ilang araw lang ay sinunodnaman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunud-sunod nitong pangyayari ayidineklarang isang Republika ang Pransiya. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isangabogadong nagngangalang Georges Danton 24

Ang Reign of Terror Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama na sadigmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan angpinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika.Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalangpamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibongmiyembro rito ay ang isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isangmasidhing republikano. Ang manananggol na si Maximilien Robespierre Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyonay sa pamamagitan ng pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mgakaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ngguillotine at tinawag ang pangyayaring ito bilang Reign of Terror.Umabot sa 17,000katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mganamatay sa mga kulungan.Ang Pransiya sa ilalim ng Directory Taong 1794 ng humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuhang mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng 25

Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay din sa pamamagitan ngguillotine. Napagwagian naman ng Pransiya ang kanyang pakikidigma sa mga bansangEuropa kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britanya. Taong 1795 ng ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang naging layunin ay ang magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuanng 5 tao na taun-taon ay inihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay.Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera, iba’t ibang pangkatingpampultika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais nabumalik sa monarkiya. Si Napoleon BonaparteAng Pagiging Popular ni Napoleon Kailangan ng Pransiya ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon kayanoong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte aynahirang na pinuno. Sa panahon ng kanyang pamumuno ay nasakop niya ang malakingbahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kanyang hukbo sakanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses,ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon aylumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyangpampultika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng 26

sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabagosa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ibigay ang sariling kuru-kuro. Kung ikaw ay isang Pranses sapanahon ng Rebolusyon sa Pransiya, ano ang posible mong gawin: 1. Sumapi sa hukbong magtatanggol sa bagong tatag na republika 2. Maging tagapagtanngol ng mga maharlika at nasa Simbahan 3. Magtago sa mga liblib na pook at huwag makialam sa mga nangyayari sa kapaligiran Tandaan Mo! Ang Rebolusyong Pranses ay nagtagumpay sa pag-alis ng absolutong kapangyarihan ng hari at pagtatatag ng isang republika Malaking bilang ng populasyon sa Pransiya ang pinatay sa pamamagitan ng guillotine sa Panahon ng Reign of Terror Tatlong liberal na ideya ang nagging pamoso pagkatapos ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran Ang Rebolusyong Pranses ang naglatag ng Digmaang Napoleonic sa Europa Gawain 3: Paglalapat Paanong naging inspirasyon ng Rebolusyong 1896 na pinangunahan ng Katipunan sa Pilipinas ang Rebolusyong Pranses? Ipaliwanag. Isulat sainyong kwaderno ang iyong sagot. 27

ARALIN 3ANG “NAPOLEONIC WARS” Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging pinuno ng Pransiya noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kanyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay di tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa dahilang nagkaroon pa ng mga peryodo ng kapayapaan sa pagitan ng mga labanan. Ang digmaan ay nagwakas ng si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Natatalakay ang mga pangunahing dahilan ng pagsisimula ng Napoleonic Wars; 2. Nakikilala ang lakas at galing ni Napoleon Bonaparte sa pakikihamok sa iba’t ibang digmaan na kanyang inilunsad sa Europa; 3. Natutunton sa mapa ang mga bansang sinakop ni Napoleon Bonaparte ; 4. Nasusuri ang epekto ng Napoleonic Wars sa Europa at iba pang panig ng daigdig; at 5. Nakabubuo ng isang plano at istratehiya na maaring gamitin ng isang hukbo sa pakikihamok sa kanyang kalaban. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isaayos ang letra at itala sa ibaba ang nabuong pangalan ng tao. Tuklasin ang kanyang naging ambag sa Europa. E-T-R-A-P-A-N-O-B-N-O-E-L-O-P-A-N _______________________________________ 28

Mga Pangunahing dahilan ng Digmaan Ang digmaang Napoleonic ay nag-umpisa sa panahon ng Rebolusyong Pranses.Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihanng hari sa Pransiya at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito aynagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ngrebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno. Noong 1792 aynagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong sandatahan upanglusubin ang Pransiya. Natalo sila ng mga rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananawnila ang mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay ipalaganap ito sa mgabansa. Noong 1793 ay nagpasimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses angNetherlands. Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ngBritanya, Espanya, Portugal at Russia na sumali sa digmaan.Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europa ay nanatili ang lakas ng Pransiya sapakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan. Nagbago lang angsitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral ni NapoleonBonaparte. Taong 1798 ng magpadala ng mga barkong pandigma si Napoleon saEhipto dahil ang kanyang plano ay atakihin ang puwersa ng British sa India. Nakontrolni Napoleon ang Ehipto nguni’t ang kanyang mga bapor na pandigma ay sinira ngpuwersa ng British admiral na si Horatio Nelson. Nag-ipon muli ng lakas ang puwersa niNapoleon at naghandang lusubin muli ang puwersa ng mga British. Sa ikalawangpagkakataon ay nasira ang mga sasakyang pandagat ng mga Pranses, ito’y nangyarisa Battle of Trafalgar. 29

Ang plano ng naganap na labanan sa Battle of Trafalgar, ang kasalukuyang larawan ng Trafalgar, London at si Heneral Horatio Nelson ng British army na tumalo sa hukbo ni Napoleon Bonaparte.Ang Pananakop ng mga Pranses sa EuropaAng Battle ng Austerlitz, sa kasalukuyan ay ang Slakov na nasa Timog Silangang bahagi ng republikang Czeck Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa aykaramihang naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong1805 ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland at ang Timog Alemanya. Tinaloniya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa ng mgaAustrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin ng puwersa ni 30

Napoleon ang hukbo ng mga prussian sa Battle of Jena at sa kabuuan ay kanyangmasakop ang Gitnang Alemanya na nakilala bilang Konpederasyon sa Rhine. Patuloyniyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italya at noong 1807 ay tinalo niya ang puwersang mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol din niya ang Poland nang lumaon.Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo sa Pransiya, at sinunod naman niya angpagsakop sa Espanya at Portugal. Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo atnapalawak na ni Napoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging angBritanya na lamang ang nakikipagdigma sa Pransiya. Dahil sa lakas ng kapangyarihanni Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan aymiyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si Joseph, ayitinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari ng Espanya. Ang isapa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland. Ang mga bagong pinuno na itoay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin at gawing modernisado ang mgakaharian. Battle of Lutzen, Saxony sa AlemanyaAng paglusob sa Russia Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mgaPranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Britanya sa 31

mga rebelde nguni’t tinalo sila ng mga Pranses sa Espanya kaya minabuti ng mgaBritish na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Warsay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Espanya at Portugal ay nasabahagi ng Europa na Iberian Peninsula. Dahil dito ay napagdesisyunan ni Napoleon nalusubin ang Russia sa dahilang kapag ito’y kanyang masakop ay madali na niyangmapapasok ang Britanya. Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mgasundalo na binubuo ng mga Polish, German, Italyano at mga Pranses upang lumabansa Battle of Borodino. Ang Battle of Borodino sa RussiaMarami sa mga sundalong pinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan at kinulangang bilang ng mga sundalo na magpapatuloy ng paglaban. Nakaabot ang hukbo niNapoleon hanggang sa Moscow nguni’t laking gulat nila dahil wala silang naabutang taodito ng sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunogsa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sasunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima. 32

Ang Pagkatalo ng Pransiya Napilitan si Napoleon pabalikin ang kanyang hukbo sa Pransiya dahil samakamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa mga natirang sundalo na kanyangnakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbaliksa Pransiya. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima o napatay ng mgaRussians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik ng maluwalhati saPransiya. Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantalanaman ng mga British ang Espanya at nanalo sila ng maraming beses sa kanilangpakikipaglaban. Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog Pransiya at angpinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa HilagangPransiya. Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at bumagsakang imperyong itinayo ni Napoeon unti-unti.Pagtatapos ng mga Labanan Ang Battle of Waterloo Humina ang kapangyarihan ni Napoleon sa Pransiya noong 1814 at siya ayipinatapon sa isang isla sa Mediterranean, ang isla ng Elba. Noong 1815 ay nakatakassiya sa Elba at muling nagpasimula ng digmaan sa popular na katawagan na IsandaangAraw. 33

Ang pagtakas ni Napoleon sa isla ng Elba ay patunay na nais niyang ibalik ang pakikidigma sa mga bansang nagpabagsak sa kanyang puwersa lalong lalo na ang Britanya Sa taong iyon ay natalo rin si Napoleon ng Duke ng Wellington sa Battle ofWaterloo. Muling ipinatapon si Napoleon sa isang napakalayong isla sa may Karagatanng Atlantiko ang isla ng St. Helena. Sa islang ito na siya namatay na sa kasalukuyangimbestigasyon at pag-aaral ay namatay siya sa pamamagitan ng arsenic poisoning. Pagkatapos ng mga digmaan sa Europa ay ibinalik ang mga dating monarkongpinuno sa kanilang mga trono. Sa karamihang mga Europeo ay naging inspirasyon siNapoleon sa pagpapalaya ng mga nasyon sa ilalim ng mga mapang-aping pamahalaan.Sa Pransiya marami sa mga tao ang nanatiling sumusunod sa kanilang unang hari.Nguni’t lalong dumami ang mga digmaan sa kabuuan ng Europa noong 1830 at 1848.Ito’y isang malaking palatandaan na ang mga ideyang iniwan at inilatag ni Napoleon aydi nabura maski siya ay natalo sa labanan. 34

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Suriin ang mapa at ilista ang mga bansang naging bahagi ng paglaki ngimperyong Pranses sa panahon ng pamumuno ni Napoleon Bonaparte. Maaring isulatang sagot sa iyong kuwaderno Tandaan Mo! Ang Napoleonic Wars ay mga digmaang isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na nagging pinuno ng Pransiya noong 1799 Ang pangunahing dahilan ng Napoleonic Wars ay ang paglalatag ng bagong pamahalaan, ang Republika Lumawak ang Imperyong Pranses sa kabuuan ng Europa sa pamamagitan ng mga digmaang pinanalo ni Napoleon Bonaparte Ang alyansa ng Prussia, Austria at Britanya ang nagpabagsak sa puwersa ni Napoleon Bonaparte sa Europa Ang mga isla ng Elba sa Mediterranean at ang isla ng St.Helena sa may Karagatan ng Atlantiko ay ang mga islang pinagtapunan kay Napoleon Bonaparte ng siya’y talunin ng puwersang pinagsama ng Prussia, Austria, Russia at Britanya 35

Gawain 3: Paglalapat Gumawa ka nga ng isang maikling plano kung paano mo maaring talunin ang iyong kalaban sa isang laro na madalas ninyong gawin sa inyong lugar. Tandaan mo ang mga taktikang iyong ginamit.ARALIN 4ANG LABANAN SA WATERLOO Ang Labanan sa Waterloo ay ang naging wakas ng pakikipaglaban at ngkapangyarihan ni Napoleon Bonaparte. Itinuturing itong isa sa kilala at mahalagangdigmaan sa kasaysayan ng Europa. Noong 1815, ang pinagsamang puwersa ngBritanya at Prussia ang nagtapos sa mga digmaang pinagwagian at nagpalawak saImperyong Pranses na umabot sa 25 taon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Nasusuri ang dahilan ng pagkatalo at paghina ng puwersa ni Napoleon Bonaparte noong 1813; 2. Nakikilala ang mga pangunahing aktor na naging kasangkapan sa paghina ng kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte; 3. Naituturo sa mapa ng Europa ang kasalukuyang lugar na pinagyarihan ng Labanan sa Waterloo ; at 4. Nakapagbibigay ng sariling opinyon ukol sa naging bunga ng paghina ng kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte bilang isang pinuno 36

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin mo ang larawan sa ibaba. Anong mahalagang pangyayari ang iyong posibleng maiiugnay dito?Ang Pagtakas ni Napoleon Taong 1813 ng talunin ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Austria, Prussia atRussia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo atitinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kanyang mganagbubunying mga kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haringpinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari ng Pransiya noong1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ngItalya. 37

Ang pagbabalik ni Napoleon sa Pransiya ng siya’y makatakas sa isla ng Elba Noong Pebrero 1815 ay nakatakas si Napoleon sa Elba at nakabalik saPransiya. Nang kanyang ipinahayag ang kanyang pagbabalik ang dati niyang mgasundalo ay dali-daling sinalubong at pinagbunyi siya. Kaya ng kalagitnaan ng Marso ngtaong iyon ay nakapagbuo na muli ng isang malaking hukbo si Napoleon. Nagmartsasila patungong Paris upang agawin ang trono sa kasalukuyang hari at iproklama siyabilang emperador muli. Ang peryodong ito ay tinawag na Isang daang Araw.Ang Planong Talunin si Napoleon Ang apat na bansa na tumalo kay Napoleon ay nagpasyang muling magpadala ngkanilang mga hukbo sa Belgium. Magsasama-sama ang puwersa ng kanilang mgahukbo at kanilang lulusubin ang Pransiya upang matalo si Napoleon. Mas minabuti niNapoleon na unahan na ang paglusob ng kanyang mga kaaway bago pa sila magsanibng kanilang mga puwersa. Ang mga sundalong taga-Britanya at Prussia ang unangnakarating sa Belgium. Ang Duke ng Wellington ang komander ng hukbo ng mga Britishat si Gebhard von Blucher naman ang komander ng Prussia. 38

Ang Duke ng Wellington ng puwersang British at si Gebhard von Blucher ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangunahing aktor sa pagpapahina ng puwersa ni Napoleon BonaparteAng mga unang labanan Noong Hunyo 15, pinangunahan ni Napoleon ang hukbong Pranses tungongBelgium at may pangunahing adhikain na sagupain ang puwersang British at Prussian.Kinabukasan ay nagpadala ng tropang Pranses si Napoleon sa pamumuno ni MichelNey upang lusubin ang headkwarter ni Wellington sa bayan ng Quatre –Bras. Si Michel Ney ay isa sa mahusay na field marshal ng hukbo ni Napoleon Bonaparte 39

Si Napoleon naman ang umatake sa hukbo ng mga Prussians sa bayan ng Ligny.Natalo ni Wellington ang hukbo ni Ney nguni’t nagtagumpay naman si Napoleon sapuwersa ng mga Prussian. Noong Hunyo 17, ay dinesisyunan ni Wellington na ilipatang kanyang tropa sa isang maliit na bayan, ang Waterloo. Sinabihan niya si vonBlucher na magpadala rin siya ng mga hukbong Prussian dito.Ang Malaking Tagumpay Nang umaga ng Hunyo 18 ay inatake ni Napoleon ang puwersa ni Wellington saWaterloo. Ang puwersa ng mga Pranses ay mas malaki ang bilang at may masmaraming kanyon kaysa sa hukbo ng mga British. Ang tanging adhikain ni Wellingtonay mapigil niya ang hukbong papalapit hanggang dumating ang tulong na hukbo ni vonBlucher. Naging napakahusay ng ginawang istratehiya ni Wellington sa kanyang hukbokaya nahirapang tunay ang hukbo ng mga Pranses na makapasok sa lugar ng kanilangmga kalaban. Nang dumating ang tulong ay hapon na mula sa puwersa ni von Blucher at daglinilang pinagsama ang kanilang puwersa upang talunin ang puwersa ng mga Pranses.Dahil sa lakas at tapang na pinagsanib ng mga British at Prussian ay unti-unti nilangnatalo ang puwersa ng mga Pranses. Tumakas na si Napoleon sa labanan. 40

Ang pagtakas ni Napoleon sa Labanan ng Waterloo Noong Hunyo 22 ay sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin angkanyang Isang Daan Araw. Si Louis XVIII ay iniluklok sa trono bilang emperador at siNapoleon ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kanyang kinamatayannoong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning. Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Pransiya matapos na mapatapon si Napoleon sa St. Helena 41

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin ang mga sumusunod na pangunahing aktor sa Labanan sa Waterloo at ibigay ang kanilang mga naging ambag sa nasabing labanan.1. 2. 3. Tandaan Mo! Ang Labanan sa Waterloo ay ang huling labanan na tumapos sa kapangyarihan at lakas ni Napoleon Bonaparte sa Europa Ang Waterloo ay isang bayan sa kasalukuyang bansa ng Belgium Ang pamumuno ng Duke ng Wellington ng Britanya at ni Gebhard von Blucher ng Prussia ang tumalo sa hukbo ng mga Pranses sa Waterloo Taong 1821 ng mamatay si Napoleon Bonaparte sa isla ng St. Helena, kung saan siya’y pinatapon ng kanyang mga kalaban Si Haring Louis XVIII ang kapatid ni Haring Louis XVI ang iniluklok na emperador ng Pransiya matapos mapatalsik si Napoleon Bonaparte Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang tatanungin ang pagkatalo ba ni Napoleon Bonaparte sa labanan sa Waterloo ay makatwiran? Bakit? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 42

ARALIN 5ANG REBOLUSYON NG MGA ALIPING ITIM SA HAITI Nagpasimula ang Rebolusyon ng mga aliping itim noong 1789 sa isla saCaribbean o ang isla ng Hispaniola. Nagkaroon ng mga pag-aalsa dahil sa ginawangpang-aalipin at malabis na pag -aabuso ng mga Pranses na nagmamay –ari ng mgaplantasyon, nguni’t nang lumaon ay naging isang pampultikang rebolusyon ito naumabot sa 13 taon at nagresulta sa kanilang kalayaan sa Pransiya. Sinira ng 1804 narebolusyon ang pagiging dominante ng mga puti sa populasyon, ang sistemangplantasyon at ang institusyon ng pang-aalipin sa pinakamayamang bahagi ng kolonyang Kanlurang bahagi ng mundo. Ang paglaya ng kolonya ay naging kauna-unahan parasa mga aliping itim at ng lumaon ay tinawag itong Republika ng Haiti. Ang naging pangunahing epekto ng rebolusyon sa Haiti ay ang pagwawakas sakolonyal na ambisyon ng Pransiya sa kanlurang bahagi ng mundo. Napilitang ipagbili ngPransiya ang kanyang teritoryo sa Hilagang Amerika sa Estados Unidos sa ilalim ngBilihang Louisiana noong 1803. Karamihan sa mga Haitian refugees ay dito nanirahanat naging daaan sa kanilang pagtatatag ng French Creole Culture. Ang nasabing pag-aalsa ay nagsilbing paalala sa mga may-ari ng plantasyon na huwag pabayaan nalumaganap ang emansipasyon sa mga aliping itim sa iba pang mga isla sa Caribbean atEstados Unidos. Dahil dito ay nagkaroon ng 200 taong isolasyon ang Haiti sa ibangbahagi ng mundo. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Natatalakay ang mga pangunahing dahilan ng Rebolusyon ng mga aliping itim sa Haiti; 2. Nakikilala ang mga naging pangunahing tauhan sa pagpapalaya ng mga aliping itim sa Haiti; 3. Nasusuri ang mga internal at eksternal na epekto ng Rebolusyon ng mga aliping itim sa Haiti; at 4. Naituturo sa mapa ang lokasyon ng bansang Haiti sa kasalukuyan. 43

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang mapa sa ibaba. Anong bansa sa kasalukuyan ang makikita rito? Ano ang kaugnayan nito sa ating gagawing talakayan?Ang Isla ng Hispaniola sa Kanlurang Indies Ang isla ng Hispaniola sa Kanlurang Indies ay ang unang kalupaan na natagpuan niChristopher Columbus noong 1492. Ang kolonyang ito ang naging sentro ng mgaKastilang gawain sa Amerika hanggang ng lumaon ay nagalugad ni Hernan Cortes atmasakop niya para sa pangalan ng hari at reyna ng Espanya ang Mehiko noong 1519.Dahil sa mga yamang matatagpuan sa Mehiko gaya ng ginto at pilak na nagmula sayaman ng Imperyong Aztec at Inca ay mas pinagtuunan ng pansin at panggagalugadng mga Kastila ang huli kaysa sa Hispaniola. Ang mga katutubong naninirahan saHispaniola ay mga Arawak. Ang kanilang populasyon ay nabawasan dahil sila’ykinasangkapan sa mga pakikidigma, puwersahang paghahanap-buhay sa mgaplantasyon at ang pagkakaroon ng mga sakit na galing sa Europa gaya ng smallpox. Sa loob ng 150 taon ay nagkaroon ng interes ang Inglaterra at Pransiya sa islangito. Ang kanlurang bahagi ng isla ay dinaungan ng mga piratang Pranses at naging 44

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 16ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 16 ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO Ang modyul na ito ay tungkol sa nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga bansang kolonya. Ang pagsibol ng nasyonalismo ay dulot ng Rebolusyong Pangkaisipan na nagsilbing malaking hamon sa bawat bansa na mapanatili ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ng bawat isa. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Nasyonalismong Nalinang sa Europa at sa mga Kolonya Aralin 2: Rebolusyong Pangkaisipan at ang Pag-unlad ng Nasyonalismo Aralin 3: Paglaganap ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bansa Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Maihahambing ang nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga Kolonya; 2. Maiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansang sakop: at 3. Maipahahayag ang sariling pagpapahalaga sa diwa ng nasyonalismo sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwagkang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT:II. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.1. Ito ay isang kasulatang naglalaman ng mga karapatan at kalayaan. Itinuturing dinitong Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles.A. Bill of Rights C. Magna CartaB. English Common Law D. Writ of Habeas Corpus2. Namuno sa hukbong Pranses at nagpamalas ng kabayanihan na gumising sadamdaming makabayan ng mga Pranses.A. Elizabeth I C. Joan of ArcB. Indira Gandhi D. Marie Antoinette3. Sa panahon ni Philip IV, Philip the Fair noong 1302 ang Estates General aynagkaroon ng tatlong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sapangkat?A. Alagad ng simbahan C. FranksB. Commoners D. Maharlika4. Ang Vox Populi, Vox Dei ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno ayon sa paniniwalang: A. Ang karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya. B. Ang mga hari at reyna ay hinirang ng Diyos para mamuno. C. Ang tagumpay ng mga maharlika ay tagumpay ng Diyos. D. Ang tinig ng nakakarami ay tinig ng Diyos.5. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa patakarang pang-ekonomiya na naging dahilan ng paghihimagsik ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika, maliban sa: A. Ang Intolerable Acts na tungkol sa di makatarungan at paglabag ng mga Ingles sa karapatang Amerikano. B. Ang Navigation Acts na nag-uutos na sa Britanya lamang maaaring ipagbili ang mga produkto ng kolonya. 3

C. Ang Stamp Act na nagtakda ng pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo.D. Ang Townshend Acts na nagtakda ng paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya.6. Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me liberty or give me death ay nagpasiklabsa:A. Himagsikang Amerikano C. Himagsikang PransesB. Himagsikang Pilipino D. Himagsikang Russo7. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa mga larangan ng Rebolusyong Pangkaisipan? A. Agham, pulitika, sining, at kabuhayan B. Maharlika, alagad ng simbahan, at mga karaniwang tao C. Mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberanya D. Pabahay, pagkain, at edukasyon8. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India, maliban sa isa: A. Paghamak at mababang pagtingin ng mga Ingles sa mga Hindu B. Pagkakaroon ng mga pagpupulong at samahan na pinamunuan ng tulad nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi C. Pagpatay sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab D. Pagtataguyod ng Muslim League sa Basic Democracy na nagpapatatag sa mga institusyon ng bansa.9. Ang mga sumusunod na pangyayari ay mga dahilan sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas, maliban sa: A. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng 1987 B. Pagpapatupad ng Batas Militar C. Pagpaslang kay Sen. Benigno Aquino D. People’s Power Revolution sa Edsa10. Ang gitna ng Aprika ay nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng 18-siglo dahil sa malawak na disyerto, malalakas na agos ng ilog, makapal na kagubatan, at malalaking hayop. Samakatuwid ang Aprika noon ay: 4

A. hindi kayang talunin ng mga taga-Europa dahil ang mga mandirigma ng Aprika mahuhusay sa sandatahang pandigma. B. kontrolado ng Ehipto dahil tanging ang Ilog Nile lamang ang nagdadala ng masaganang buhay sa Aprika. C. may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga mananakop na taga-Europa. D. walang naninirahang tao dahil sa mapanganib na kalupaan at katubigan.III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang una at ikalawang pangungusap. Isulat sa patlang ang titik: A, kung ang parehong pangungusap at TAMA; B, kung ang parehong pangungusap at MALI; C, kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawang pangungusap ay MALI at D, Kung ang unang pangungusap ay MALI at ang ikalawang pangungusap ay TAMA._________ 11. Ang mg bansang pinakamalaki at pinakamahalaga sa mga British Isles ay ang Britanya at ang Ireland. Ang kalipunan ng Great Britain at Hilagang Ireland ay tinawag na European Union._________ 12. Ang kalipunan ng mga kabalyero at burgesse sa mga usapin tungkol bansa ay tinawag na House of Lords. Ang samahan naman ng mga Baron at alagad ng simbahan ay tinawag na House of Commons._________ 13. Si Elizabeth I ang pinakahuling Tudor at itinuring na pinakadakilang reyna ng Inglatera. Sa kanyang panunungkulan naabot ang Ginintuang Panahon ng Inglatera._________ 14. Naniwala si Otto Von Bismarck na ang yugto ng kasaysayan ay naisasagawa sa pamamagitan ng dugo at bakal. 5

Nakilala si Bismarck bilang Iron Chancellor._________ 15. Si Adam Smith ay kilalang Ama ng Pulitikal na Ekonomiya, at sumulat ng The Wealth of Nations. Naniwala siya sa laissez-faire na kailangang hawakan ng pamahalaan ang saping pangnegosyo upang mapangalagaan ang yaman ng bansa._________ 16. Ang Samurai ay isang kodigo ng karangalan para sa mga kawal ng bansang Hapon. Ang Bushido ang tawag sa mahuhusay na kawal ng Hapon sa panahon ng piyudalismo sa bansang Hapon._________ 17. Ang India at kalakhang Tsina ay may alitan dahil sa pag-agaw ng kalakhang Tsina sa relihiyong Buddhismo na nagmula sa India. May sigalot din ang India at Pakistan dahil sa usapin sa Kashmir._________ 18. Si Benazir Bhutto ay isang pinunong sibilyan ng Pakistan noong 1990 na maluklok sa kapangyarihan. Siya ang kauna-unahang babaeng naging Punong Ministro ng isang bansa sa kasaysayan ng daigdig._________ 19. Ang Indo-Tsina ay binubuo ng apat na malalayang teritoryo, Pilipinas, Malaysia, Indonesia, at Thailand. Karamihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ay dating kolonya ng mga kanluraning mananakop._________ 20. Napasuko ng Estados Unidos ang mga komunista sa Vietnam noong 75 at nanatili ang pwersa nila doon hanggang sa ngayon. Ang pagkakahati ng Vietnam ay nagsilbing daan sa digmaang sibil ng Hilaga at Timog Vietnam na nagsimula noong 1956. 6

ARALIN 1NASYONALISMONG NALINANG SA EUROPA AT SA MGA KOLONYA Ang araling ito ay tungkol sa nasyonalismong nalinang sa mga bansa sa Europa tuladng Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at maging sa Amerika. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga bansang pinagmulan ng diwang nasyonalismo sa Europa; 2. Maibibigay ang mahahalagang katangian ng mga piling pinuno sa pagsibol ng nasyonalismo sa Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at Amerika; at 3. Maipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang ng nasyonalismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sa pamamagitan ng mapa ng daigdig ay ituro o lagyan ng tanda ang mgabansang pinagmulan ng diwang nasyonalismo sa Europa at sa mga Kolonya. 7

Ano ang iyong napansin sa lokasyon ng bawat bansa sa mapa? Sila ba aymagkakalapit o magkakalayo? Bakit sila naging magkakaibigan o magkakatunggaling mgabansa?ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA INGLATERA Ang nasyonalismo ay batay sa paniniwala na ang mga tao sa isang bansa ay mayisang wika adhikain, kaugalian, at kasaysayan, at dapat na pamunuan ng isa lamangpamahalaan nang sa gayon makatayo ito bilang isang bansa. Paano umusbong angnasyonalismo sa Inglatera? Saglit tayong maglakbay sa nakaraan upang maintindihan angnangyayaring pagbabagong pampulitika sa bansang ito. Ang British Isles ay isang pangkat ng 5,000 isla na nakahiwalay sa Europa sapamamagitan ng English Channel. Ang pinakamalaki at ang pinakamahalaga sa mga isla ayang Gran Britanya (binubuo ng Inglatera, Scotland at Wales) at ang Ireland (binubuo ngRepublika ng Eire at Hilagang Ireland). Ang pagsasama ng Gran Britanya at HilagangIreland ay tinawag na United Kingdom. Sa pagitan ng 1000 B. C. at 400 B. C., dumating sa kapuluan ng Gran Britanya angmaraming pangkat ng Celts mula sa Gitnang Europa. Sinakop nila ang mga mamamayan sadinatnang lupain. Ang mga Celts ay may sariling kultura na binubuo ng pamahalaan ng triboat ng relihiyon na kung tawagin ay Druidism. Sila ay nag-aalay ng buhay ng tao atgumagamit ng templong walang bubungan na napapaligiran ng naglalakihang bato tulad ngstonehenge. Noong 55 B. C., ang mga Celts ay sinakop ng mga Romano sa pamumuno ni JuliusCaesar. Tinawag silang Britons ni Julius Caesar na ang kahulugan ay mga taong pintadosdahil ang mga mukha nila ay may pintang asul. Ang pananakop ng Romano ay tumagal ngapat na siglo at sa loob ng naturang panahon, ang mga Celts ay naging Kristiyano atRomanized. Nang alisin ang mga sundalong Romano sa Britanya noong 450 A. D., tatlongtribung Aleman – Angles, Jules at Saxons – ang dumating sa Kanlurang Europa atsumalakay sa Britanya. Ang mga Romanized Celts ay nasakop ng mga Alemanyang ito at 8

nang lumaon, ang Britanya ay tinawag na Angel land o England at ang mga mamamayan aytinawag namang Anglo-Saxons o English. Ang mga Anglo-Saxon ay nagtatag ng maraming hiwalay na kaharian kaya noong 27A. D., pinagsama-sama ni Haring Egbert, Hari ng Wessex, ang lahat ng ito sa ilalim ngkanyang pamamahala bilang unang hari ng Inglatera. Si Alfred the Great, apo at kahalili niEgbert ang sumunod at itinuring na isa sa pinakamahusay sa mga naging hari ng Inglatera.Nagpagawa siya ng mga barko upang ipaglaban ang mga baybay-dagat. Dahil dito, tinawagsiyang Ama ng Hukbong Dagat ng Britanya (Father of the English Navy). Pinagsama-samaniya ang mga unang kodigo ng batas ng mga Anglo-Saxon at nagtatag ng mga paaralan, atsimbahan. Itinaguyod niya ang pangkat ng mga paham sa kanilang pagsulat ng Anglo-SaxonChronicles. Ang Inglatera ay napasailalim din ng isang Haring Danish na si Canute, na nagingisang matalinong pinuno. Tinanggap niya ang Kristiyanismo at pinanatili niya ang batasIngles at hukuman. Ang pumalit sa kanya ay malulupit na pinuno kaya noong 1402 ay nag-alsa ang mga Ingles. Matapos ang mga pag-aalsa, pinili ng Witan (Council) si Edward the Confessor nabuhat sa angkan ni Alfred the Great, bilang bagong hari, kaya’t nabalik na muli ang mgaAnglo-Saxon sa kapangyarihan. Nang mamatay si Edward the Confessor na walangtagapagmana, pinili ng Witan si Harold, isang nahusay na pinuno ng mga Saxon bagamathindi dugong mahal. Tinutulan ito ni William, Duke of Normandy (isang lupain sa Pransya),na umangkin ng trono ng Inglatera batay sa kanyang pagiging pinsang-buo ni Edward theConfessor. Sinalakay niya ang mga Ingles na pinamumunuan ni Haring Harold. Sa labanansa Hastings, napatay si Harold at si William ay kinoronahan bilang William I, Hari ngInglatera. Ilan sa mahahalagang nagawa ni William ay ang pagpapalakas ng monarkiya atpangangalaga sa katahimikan ng buong kaharian. Pinalaganap niya ang kulturang Norma-Pranses at nahalo ito sa kulturang Anglo-Saxon. Iginalang niya ang magagandangkaugalian ay Ingles at pinanatili ang Witan. Ipinag-utos din niya ang paggawa ng DoomsdayBook na siyang naging census ng Inglatera. 9

Ang mga naging kahalili ni William I ay walang gaanong kakayahan kaya’t nagkaroonng digmaang pyudal. Ang nagtagumpay ay si Henry Platagenet na kinoronahan bilang HenryII, unang hari ng Dinastiyang Platagenet.PANIMULA NG DINASTIYANG PLATAGENET Henry II (1154-1189). Binago niya at pinabuti ang mga hukuman at nagtatag ng circuitcourts o mga hukom na naglalakbay sa bayan-bayan. Pinalakas din niya ang panghukumanglupong tagahatol (jury system) at pinagtibay niya ang English Common Law na nakatulongsa pagkakaisa Richard I, tinaguriang Lion-Hearted (1189-1199). Isa sa mga lider ng ikatlongkrusada, subalit hindi naging mabuting hari at mas madalas pa siya sa mga torneo kaysa saInglatera. King John (1119-1216). Isa sa kinamumuhiang hari ng Inglatera dahil mapanikil atnaging dahilan ng pag-aalsa ng mga Baron sa pamumuno ni Stephen Langdon. Sa takot namawalan ng korona, napilitan siyang lumagda sa Magna Carta (Great Charter), isangkasulatan na naglalaman ng sumusunod na karapatan at kalayaan:1. Ang Hari ay hindi maaaring humingi ng anumang buwis nang walang pahintulot ang Witan (Council of Nations).2. Walang mamamayang maaaring dakpin o ibilanggo nang walang paglilitis.3. Walang ari-arian o panindang maaaring kunin sa sinuman nang walang pahintulot ang hukuman.4. Ang mga mangangalakal ay malayang makapupunta sa bayan-bayan nang walang gugulo sa kanila. Ang Magna Carta ay tinawag na \"Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles\" (FirstBible of English Liberties) 10

Henry III (1216-1272).Ang mga Baron ay nag-alsang muli nang labagin ni Henry IIang nilalaman ng Magna Carta. Binihag nila ang hari at ang lider nilang si Simon de Monfortay tumawag ng pulong hindi lamang ng mga Baron at alagad ng simbahan ang kundi patimga kabalyero mula sa mga bayan at mga burgesses. Ang nasabing Witan na sinalihan ngmga pangkaraniwang mamamayan sa unang pagkakataon ay tinawag na Parlyamento(Parliament). Unti-unting nagbubuklod sa mga pag-uusap ang mga kabalyero at burgesse, at dinagtagal ang kanilang pagsasama ay tinawag na House of Commons. Ang samahan namanng mga Baron at alagad ng simbahan ay tinawag na House of Lords. Hanggang ngayon ayito ang bumubuo sa Parlyamentaryo ng Inglatera. Natatag ang tinaguriang Modelong Parlyamento at ang panganay na lalaki ni Hery IIIna si Edward I (1972-1307) ay ipinanganak sa kastilyo ng Carnavon sa Wales. Tinawag niyaitong Prince of Wales. Edward III (1272-1307). Sa kanyang panunungkulan nagsimula ang pinakamahabangdigmaan sa pagitan ng Inglatera at Pransya, Daang Taong Digmaan (1337 hanggang 1453).Ang dahilan ng digmaan ay nang angkinin Ni Edward I ang trono ng Pransya batay sakanyang pagiging apo ni Philip the Fair ng Pransya. Ang mahusay na liderato ng BlackPrince, ang paggamit ng mahabang busog o pana at ng pulbura ay nakapagpanalo sa mgaIngles sa mga labanan. Subalit nang pamunuan ni Joan of Arc ang hukbong Pranses, angtakbo ng digmaan ay naging panig sa Pransya. Nagpamalas si Joan ng kabayanihan atginising niya ang damdaming makabayan ng mga Pranses. Sa kanyang pamumuno,puspusang lumaban ang mga Pranses hanggang sa mapalayas nila ang mga Ingles. Di-nagtagal, sumiklab naman ang isang digmaang sibil sa Inglatera sa pagitan ngdalawang pamilyang parehong umaangkin sa trono, ang House of York at House ofLancaster. Ang paglalaban ay tinawag na Digmaan ng mga Rosas (War of Roses) sapagkatisang pulang rosas ang sagisag ng Lancaster at puti naman ang sa York. Noong 1485,nagtagumpay si Henry Tudor ng Lancaster at siya ay umakyat sa trono bilang Henry VII, angunang hari ng Dinastiyang Tudor. 11

Henry VII (1485-1509). Tinustusan niya ang paglalakbay ni John Cabot upangsiyasatin ang Hilagang America noong 1448. sinuportahan niya ang pagyabong ng arte atliteraturang Renaissance at pinasigla niya ang pagtuturo ng humanidades. Henry VIII (1509-1547). Kilala si Haring Henry VIII sa pagkakaroon ng maramingasawa. Dahil dito, nagkaroon ng hidwaan si Haring Henry VIII at ang Papa ng SimbahangRomano Katoliko. Inudyukan Haring Henry ang Parlyamento upang pagtibayin ang batas naAct of Supremacy na naghihiwalay sa simbahan ng Inglatera sa kapangyarihan ng Papa. SiHenry bilang hari ang siyang naging puno ng Simbahang Ingles o ang Anglican Church. Edward VI (1547-1553). Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ipinasulat niya kaysinulat ni Arsobispo Cramer ang Thirty-nine Articles na siyang kabuuan ng mga paniniwalangsinusunod ng Simbahang Anglican. Mary Tudor (1553-1558). Kasal kay Philip II ng Espanya si Mary Tudor. Niyakap niyahindi lamang ang paniniwalang Katoliko kundi pati na ang motibo ng Espanya na labag sapaniniwalang Katoliko at kapakanang pangkalakalan ng Britanya. Sinikap ni Mary Tudor na ibalik ang Katolisismo sa Inglatera subalit siya ay nabigo.Sa kanyang panahon ay pinag-usig ang mga Protestante at marami sa kanila ang namatay.Dahil dito, tinawag siyang Bloody Mary. Elizabeth I (1558-1604). Siya ang pinakahuling Tudor at itinuring na pinakadakilangreyna ng Inglatera. Ang kanyang 45 taong panunungkulan ay tinaguriang GinintuangPanahon ng Inglatera (Golden Age of England). Sa kanyang pamumuno, naging Mistress ofthe Seas ang Inglatera nang talunin nito ang Spanish Invincible Armada na ipinadala niPhilip II ng Espanya noong 1558 upang sakupin ang mga Ingles. Nagtatag siya ng mgakolonyang Ingles sa Amerika kung saan ang Estadong Virginia ay ipinangalan kay ReynaElizabeth na may taguring Virgin Queen sapagkat hindi siya nag-asawa. Namukadkad dinang literaturang Ingles dahil sa mga naisulat nina William Shakespeare, Edmund Spencer,Ben Johnson, Francis Bacon, at iba pang dakilang manunulat na Ingles. 12

James (1603-1625). Sa kanyang panahon, itinatag sa Virginia noong 1607 angJamestown, unang permanenteng pamayanang Ingles sa Amerika. Inilathala sa Inglateraang King James ng Bibliya. Naging mapanikil si James I sa mga Puritan. Sakay ng bapor naMayflower, ang mga Pilgrim Fathers na Puritan ay lumikas at nakarating sa isang bagongpamayanan sa Plymouth, Massachusetts noong 1620 upang layuan ang mapanikil na HaringJames. Charles I (1625-1649). Napilit siya ng Parlyamento na lumagda sa Petition Rights,isang kasulatang tulad ng Magna Carta na nilagdaan ni Haring John noong 1215. Ang ilan samga karapatang nilalaman nito ay ang mga sumusunod: walang buwis na maaaring ipatawnang walang pahintulot ang Parlyamento; walang maaaring mabilanggo nang hindi nilitis ngjury; walang sundalong maaaring tumira sa bahay ng mayayaman sa panahon ngkatahimikan at walang taong maaaring piliting magbigay ng regalo o donasyon kaninuman. Ang digmaang sibil na tinawag na Puritan Revolution ay humati sa mga mamamayansa dalawang pangkat: ang Cavaliers o Royalists na panig kay Charles I at angParliamentarians o Roundheads na panig sa Parlyamento. Sa pamumuno ni OliverCromwell, isang lider Puritan, natalo ng mga Roundheads ang pangkat ng hari. Nabihag siCharles I at nagsimula sa Inglatera ang pagkakaroon ng mga partidong pampulitika. AngWhigs ay katig sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Parlyamento at karapatan sa mgamamamayan samantalang ang Tories ay panig sa hari. Ito ang kasalukuyang mga partidosa Inglatera, ang Whigs ay Liberal Party sa kasalukuyan at ang Tories naman ay angConservative Party. James II (1685-1688). Nilagdaan niya ang Bill of Rights, kasulatang naging IkatlongBibliya ng mga Karapatang Ingles (Third Bible of English Liberties). Naging pananggalang itolaban sa paninikil. Nasasaad sa mga kautusan ang sumusunod: walang batas ang maaaringalisin at suspendihin ng hari; walang buwis ang maaaring singilin nang walang pahintulot angParlyamento; walang labis na piyansa o multa sa mga nagkasala; walang di-pangkaraniwangparusa ang maaaring ilapat; at ang mga kagawad ng Parlyamento ay may kalayaan sapagsasalita at pagtatalo. 13

Charles II (1660-1685). Sa pagkakabalik ng Stuarts (Restoration) ay inanyayahan ngParlyamento si Charles II na magbalik upang maging hari ng Inglatera. Pinagtibay angHabeas Corpus Act, batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga tao laban sa pagkabilanggonang walang paglilitis, at ang patakaran na ang kabinete ang siyang may pananagutan saParlyamento at hindi sa hari o sa reyna. Queen Anne (1702-1714). Pinagtibay ng Parlyamento ang Act of Union nangpanahon ni Queen Anne. Ito ang batas na nagsama sa Inglatera at Scotland sa isang unyonna tinawag na Gran Britanya. Pinasimulan ni Queen Anne ang isang kaugaliang sinusunodpa hanggang ngayon, na ang mga hinirang para sa kabinete ay buhat sa partidongnakararami (majority party) sa Parlyamento. Namatay si Queen Anne na walang tagapagmana kaya't pinili ng Parlyamento siGeorge I ng Hanover, Germany na Protestanteng apo ni James I, bilang hari ng Inglatera.Dito nagsimula ang pag-akyat ng Dinastiyang Hanoverian na hanggang sa kasalukuyan aynasa trono ng Britanya, bagamat ang apelyido ay napalitan ng Windsor noong UnangDigmaang Pandaigdig.Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Pransya Ang Pransya ang nanguna sa Europa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa. AngHimagsikang Pranses ay isang hudyat na gumising sa mga bansang kanluran na sila aymagkaisa at ipaglaban ang kanilang kalayaan. Ang Pransya ang nagbigay daan sa pag-unlad ng nasyonalismo. Ang Pransya ay tirahan ng mga Celts. Nang dumating dito ang mga Romanongpinamumunuan ni Julius Caesar, sinakop ang mg Celts at tinawag ang lupaing Gaul. Angbuong Gaul ay tinawag na France, lupain ng mga Frank. Si Clovis ang pinakamagaling na hari ng mga Frank, at siyang nagtatag ng Metro-vingian Dynasty. Tinanggap ni Clovis ang Kristiyanismo at gumawa siya ng maraming batas,isa rito ang Salic Law na nagbabawal sa kababaihan na magmana ng trono. 14

Ang mga haring sumunod kay Clovis ay naging mahina kaya't dumating angpanahong ang mayor ng palasyo ay naging mas makapangyarihan pa kaysa sa hari. Isa samga mayor na ito ay si Charles Martel na siyang tumalo sa mga Muslim sa labanan sa Toursat pumigil sa paglaganap ng Islam sa Europa. Ang kanyang anak na si Pepin ang nagingmayor ng palasyo. Noong 751 A.D., sa kapahintulutan ng Papa Stephen 11, inagaw niPepin ang trono ng Pransya at itinatag niya ang Carolingian Dynasty. Bilang pagkilala ngutang na loob sa Papa, tinalo ni Pepin ang mga Lombard na nagtangkang sumakop saRoma at inihandog niya sa simbahan ang malaking lupain. Ang donasyong ito ni Pepin angnaging batayan ng kapangyarihang temporal ng Papa bilang puno ng isang teritoryo saItalya. Ang pinakadakilang hari ng Carolingian Dynasty ay si Charlemagne na tinatawag naCharles the Great, anak at tagapagmana ni Pepin. Tumulong siya sa pagkalat ngkabihasnang Kristiyano Romano at itinaguyod ang edukasyon sa pamamagitan ngpagtatatag ng mga paaralan sa palasyo o palace school at pagtuturo ng mga paham.Nagtaguyod din si Charlemagne ng mga makatarungang batas na kilala sa tawag naCapitularies. Nagpadala rin siya ng mga tauhan sa lahat ng sulok ng kanyang kaharianupang siguruhin ang mabuting kalagayan ng mga mamamayan. Nang araw ng Pasko, 800 A. D., habang nakaluhod si Charlemagne sa simbahan ngSt. Peter sa Roma, bigla siyang pinutungan ng korona ni Papa Leo III at ipinahayag naEmperador. Nang lumaon ang kanyang imperyong Carolingian ay tinawag na Holy RomanEmpire. Sa pagkamatay ni Charlemagne, ang kanyang anak na si Louis the Pious angnaging hari. Siya ay walang kakayahan bilang hari kaya hindi naglaon ang tatlong anak niLouis ay nagkasundong hatiin ang imperyo sa pamamagitan ng kasunduan sa Verdun(Treaty of Verdun).ANG PAMAMAHALA NG CAPETIAN Noong 987 A.D., nakuha ng Duke ng Paris, si Hugh Capet, ang trono ng Pransya atitinatag niya ang Capetian Dynasty. Ang sumusunod ay ilan sa mga hari ng ng CapetianDynasty at ang mahahalagang pangyayari sa kanilang panahon; 15

Philip II, Kilala sa Tawag na Philip Augustus. Pinagbagsak niya ang piyudalismosa Pransya at pinalakas niya ang kanyang kapangyarihan. Pinalawak din niya ang kahariansa pamamagitan ng pagsamsam sa mga lupaing sakop ng Inglatera sa Pransya. Bilangresulta, naging isang makapangyarihang bansa ang Pransya sa Europa. Philip IX, tinaguriang Saint Louis. Pinabuti niya ang mga hukuman at ipinagbawalniya ang paglilitis sa pamamagitan ng dwelo (duel). Tinalo niya ang baron at pinalaya niyaang maraming alipin. Siya ang namuno sa dalawang krusada sa banal na lupain ngPalestine noong 1248 at 1270. Siya rin ang tanging hari na naging santo ng SimbahangKatoliko. Sa lahat ng haring namuno noong panahon ng midyibal, siya lamang ang maaaringmaihambing kina Alfred the Great at Charlemagne. Philip IV, Tinaguriang Philip the Fair. Naipailalim niya sa kanyang kapangyarihanang lahat halos ng mga estadong piyudal sa Pransya. Noong 1302, isinali niya ang mgapangkaraniwang mamamayan (commoners) sa Estates General o Parlyamento sa Pransya,kaya't ito'y nagkaroon ng tatlong pangkat: ang mga alagad ng simbahan ang First Estate,ang mga maharlika ang Second Estate, at ang commoners ang Third Estate. Si Phillip the Fair ay hinalinhan ng kanyang anak na si Charles IV. Sa pagkamatay niCharles IV, ang korona ay napunta sa isang pamangkin, si Philip VI, na siyang naging unanghari ng Dinastiyang Valois. Dahil dito, inangkin ni Edward III, hari ng Inglatera ang trono ngPransya batay sa kanyang pagiging apo ni Philip the Fair sa panig ng ina. Ang pagsalakayni Edward III sa Pransya noong 1337 ang naging simula ng Hundred Years War oDaantaong Digmaan , ang pinakamatagal na digmaan sa kasaysayan. Malaki ang naging epekto ng Daantaong Digmaan. Dito tunay na nagising angdiwang nasyonalismo ng mga mamamayang Pranses. Ang pagkamatay ng maramingmaharlika at kabalyero sa iba’t ibang labanan ay nagwasak sa piyudalismo at naging dahilanng pagkakaroon ng Pransya ng isang malakas na monarkiya. Ang mga hari ng Pransya ay naging absolutong pinuno ng bansa sa tulong ni CardinalRichelieu. Pinangarap ni Haring Louis XIII na manguna ang Pransya sa Europa. Nagkaroonito ng kaganapan sa pamamagitan ng reporma na ginamitan ng dahas at kapangyarihan.Ang ganitong pamamalakad ay ipinagpatuloy ni Cardinal Mazarin. 16

Pagbagsak ng Monarkiyang Pransya Ang kapangyarihang tinamasa ng Pransya ay unti-unting nasira dahil na rin sapagmamalabis at pagkalasing sa kapangyarihan ng mga namuno rito. Nang mamatay siPhilip XIII, pinalitan siya ni Louis XIV na noon ay limang taong gulang pa lamang.Pinakamatagal ang kanyang panunungkulan sa Pransya na umabot sa 72 taon. Sapanahong iyon, ang Pransya ay naging huwaran, ang wikang Pranses ay nagsilbing wika ngugnayang diplomatiko ng mga bansa at ang mga palasyo ng Versailles ang naging sentromaraming ng marangyang pagtitipon ng mga maharlika. Subalit ito rin ang simbolo ng labisna paglustay ng salapi. Sa panahon ni Louis XIV, ang hukbong Pranses ay naging modelo sa pagsasanay atsa pakikipagdigma. Ipinahayag ni Louis XIV ang mga salitang \"Ako ang Estado,\" bilangpagbibigay diin sa absolutong kapangyarihan at banal na karapatan ng mga hari. Tinawagdin si Louis XIV na Dakilang Monarko. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pagtatanggolsa hangganan ng bansa. Subalit ang karangyaan at labis na paglustay sa magastos na daantaong digmaan aynagpabagsak sa ekonomiya ng Pransya. Bukod dito, ang bigat ng mataas na buwis aynagpahirap sa mga mamamayan at dahil dito, nagsimulang umusbong ang paghihimagsik sakatotohanang habang ang buong bansa ay naghihirap, ang monarko naman ay namumuhaynang masagana at marangya. Ang kalagayang pulitikal at panlipunan sa Pransya ay lalonglumala sa panahon ni Louis XV, apo ni Louis XIV. Sa gitna ng ganitong kalagayan, may pangkat ng lipunan na binubuo ng mganegosyante, bangkero, mambabatas at mangangalakal ang nagsimulang sumalungat samonarkiya.. Iginiit nila ang pagkakaroon ng karapatan at kapangyarihan ng mga karaniwangtao. Tinuligsa nila ang banal na karapatan sa pamumuno ng iisang pinuno. Sa halip aykanilang iginiit ang prinsipyong Vox Populi, Vox Dei na nangangahulugang “Ang tinig ngnakakarami ang siyang dapat mamuno sa pamamagitan sa paghahalal sa mga kinatawanbuhat sa mga ito. Humingi rin sila ng kaluwagan at pagbabago lalo na sa mabigat napagbabayad ng buwis. 17

Sa halip na pakinggan ang mga karaingan ng mga mamamayan, lalong namuhay sakarangyaan ang mga maharlika at ang monarkiya. Upang maputol ang pagtutol ng mga tao,hinigpitan ng hari ang palimbagan, ang mga sulat ay pinabuksan at ipinabilanggo ang mgaradikal na manunulat. Bago tuluyang magtapos ang pamamahala ni Louis XV, winika niyaang ganito: Pagkatapos ko, ang dilubyo. Noong 1774, namuno si Louis XVI, isa siyang mabait na tao, ngunit hindi niya taglayang mga katangian ng mga naunang Bourbon. Wala siyang katatagan, tapang at talino sapamamahala. Lalong di matanggap ng mga mamamayan ang asawa niyang si MarieAntoinette, na dahil sa kahusayang maglustay ng salapi tinawag na Madame Deficit.Itinalaga ni Louis XVI si Turgot bilang tagapayo sa ekonomiya. Agad bumuo si Turgot ngisang napapanahong programa upang sagipin ang Pransya. Mahigpit na tumutol ang mgaburgis na isuko ang kanilang mga karapatan at mga kaluwagan. Hindi rin nagbago angkalagayan ng mga Pranses.Ang Nasyonalismo at ang Unipikasyon ng Italya Nang panahon umuusbong ang nasyonalismo sa Inglatera at Pransya, ang Italya ayisang watak-watak na bansa, bagamat pansamantalang nagkaisa ang ilang bahagi nito sailalim ng pamumuno ni Napoleon I. Noong 1815, sa Kongreso ng Vienna, ang Italya aypinaghatian ng iba’t ibang pinuno at bansa. Ang Lombardy at Venice sa Hilaga ay napuntasa Austria. Pinamunuan naman ng pamilyang Hapsburg ang Parma, Modenna at Tuscany.Ang Papa ay namahala sa Estado ng Papal, kasama ang Roma, sa gitnang Italya. IsangBourbon ang namuno sa kaharian ng dalawang Sicily. Ang kaharian ng Sardinia na binubuong Piedmont ay napasailalim sa hari ng House of Savoy.Mga Kilusang Pangkalayaan Isa si Giuseppe Mazzini (1805-1872) sa mga taong gumising sa makabayangdamdamin ng mga Italyano. Ang kanyang pagsisikap para sa kalayaan ay parang isang 18

panatang relihiyon. Ang kanyang paniniwala sa pagkakapatiran ng tao ang nag-udyok sakanya na tangkilikin ang kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan. Noong kanyangkabataan, sumapi si Mazzini sa Karbonari at minsan, naaresto siya dahil sa kanyangrebolusyonaryong gawain. Iniwan niya ang Karbonari at itinatag niya ang Samahan ngBatang Italya (Society of Young Italy) na binuo ng mga batang Italyano. Ang kanilangislogan ay Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, at Humanidad o Pagkamakatao. Maramingkasapi ang namatay nang hindi naitatag ang Republika. Naipatapon si Mazzini ngunit angkanyang pinasimulan ang nagsindi ng apoy sa puso ng mga Italyano. Tinawag siyangPropeta sa Pag-iisa ng Italya. Si Konde Camilo Cavour (1810-1861) ang pangunahing Minister ng Sardinia-Piedmont ay tulad din ni Mazzini na praktikal at ideyalisa. Naisip niyang maaring mamunoang kaharian ng Sardinia para sa unipikasyon ng Italya. Bagamat tapat ang kanyang paglilingkod kay Haring Victor Emmanuel II, naniwala siCavour sa Pamahalaang Parlyamentaryo. Humingi siya ng tulong sa gitnang uri ng taoupang ihanda ang pakikipaglaban ng Sardinia sa Austria. Nagsikap siyang makakuha ngtulong sa Europa. Naging kakampi niya ang Britanya at Pransya laban sa Russia saDigmaang Krimian. Sumunod, nakipagkasundo siya ng lihim kay Napoleon III. Pinangakuanniya si Napoleon III ng dalawang lalawigan, ang Nice at Savoy, kung tutulungan sila niNapoleon III sa pagpapaalis sa Austria sa tangway ng Italya. Ikatlo, pinagkagalit ngmatalinong si Cavour ang Austria at Sardinia na humantong sa isang labanan noong 1859.Nanalo ang Sardinia ngunit umurong sa laban si Napoleon III. Bagamat hindi tumupad siNapoleon III sa kasunduan, ibinigay pa rin Cavour kay Napoleon III ang Nice at Savoy. Si Giuseppe Garibaldi (1807-1882) na may ginintuang buhok at may balat na parangbronze ay katutubong mamamayan ng Nice na nakilahok din sa mga himagsikan laban samga malulupit na pinuno ng estado. Siya ay tumakas sa Timog Amerika noong 1830 dahilsa gantimpala sa kanyang ulo. Doon, nakianib siya sa mga labanan para sa demokrasya atnasyonalismo sa ilang bansa sa Latin Amerika. Sinanay ni Garibaldi ang ibang Italyanongipinatapon sa Amerika sa pakikilaban. Bumalik siya sa Italya, kasama ang 18 taong gulangna asawa na si Anita muling mapag-isa ang Italya. Napaniwala si Garibaldi na ang unipikasyon ng Italya ay mapapabilis kungmakikipagtulungan siya kay Gavour at sa monarkiya ng Sardinia. Noong 1860, kasama ang 19

isang libong sandatahan, sinalakay at nilupig ni Garibaldi ang pulo ng Sicily at Naples, satulong ng kanyang Red Shirts. Noong 1860, lahat ng mga Estadong Papal maliban sa Romaay nadagdag sa Italya. Noong 1861, hinirang si Victor Emmanuel bilang hari ng Italya. Ang Italya ay naging kapanalig ng Pransya sa Digmaang Austria-Prussia noong 1866.Nang manalo ang Prussia ibinigay ang Venice sa Italya. Nang mga taong ding iyon, lahat ngmga estado ng Italya sa pagitan ng dalawang dagat at bundok ng Alps ay napag-isa ngmaliban na lamang sa Roma. Nang pinauwi ni Napoleon III ang mga tropang Pranses mula sa Banal na Lungsod,isang plebisito ang naganap, at bumoto ang mga mamamayan sa pagsanib ng Roma saBagong Kaharian. Naging kapital ng Italya ang Roma, kaya sa wakas, nakumpleto na angunipikasyon ng Italya.Tungo sa Unipikasyon ng Alemanya Ang nasyonalismo sa Alemanya ay nagsimula noong panahon ni Otto Von Bismarck(1815-1833), isang minister ng Prussia. Siya ay nanggaling sa isang konserbatibongpamilya. Ang kanyang paniniwala at pilosopiya ay nakatulong nang malaki sa paghubog ngAleman at sa unipikasyon nito. Naging kinatawan siya ng Prussia sa Diet (Parlyamento) ngAlemanya at naging embahador din siya sa Russia at Pransya. Naniniwala si Bismarck naang lahat ng pangunahing pagbabago sa kasaysayan ay dapat isabuhay sa pamamagitan ngdugo at bakal at hindi sa pamamagitan ng puro debate. Naniwala siya sa monarkiya,awtokrasya, at militarismo. Tinawag siyang Iron Chancellor. Mula noong 1815 hanggang 1860, maraming pangyayari ang nagbigay-daan saunipikasyon ng Alemanya. Maraming mga lihim na kilusan ang naitatag kagaya ngBurchenschaft para sa kalayaan at pagsasarili. Maraming mamamayan ang nagbigay halagasa kagitingan at kataasan ng kulturang Aleman. Binigyang-diin ng mga paaralan angkahalagahan ng pagmamahal sa bansa. Noong 1834 itinatag ang Zollverein sa Prussia. Itoay isang unyong pangkabuhayan ng lahat ng mga estadong Aleman. Ipinamalas ng unyonang kahalagahan ng pagkakaisa, na siyang diwa ng tunay na pagtitiwala. 20

1. Pitong Linggong Digmaan (1866) Inudyukan ni Bismarck na lusubin ng Austria ang mga teritoryong inangkin ng Denmark. Naging dahilan ito upang salakayin ng Prussia ang Austria. Organisado at handang-handa ang hukbo ni Heneral Moltke ng Prussia kaya madaling natalo ang hukbo ng Austria. Bilang kapalit, pinawalang-bisa ang kompederasyong Aleman at sinakop ang ilang teritoryong nasa Hilaga ng Ilog Main, ang Schleswig at Holstein.2. Digmaang Austria-Prussia (1866) Tinalo ng Prussia ang Austria sa labanang ito at dito naipamalas ang lakas at galing ng hukbong Prussian. Pagkatapos talunin ang Austria, nawala ang kompederasyon ng Alemanya at pinag-isa ang mga estado na tinawag na Hilagang Kompederasyon ng Alemanya. Apat na estado sa Timog Alemanya ang hindi kasapi; ang Baden, Bavaria, Wurttemberg, at Hesse.3. Digmaang Franco-Prussian (1870) Nagsimula ang digmaang ito nang ang embahador ng Pransya ay humingi ng katiyakan sa hari ng Pransya ukol sa inialok sa trono ng Espanya ng isang prinsipe ng Prussia. Hindi ipinagkaloob ng Prussia at isang mensahe ang ipinalabas na tinawag na Ems Dispatch. Sa mensahe ay lumalabas na ang bawat bansa ay gustong hamakin ang bawat isa. Nagdeklara si Napoleon ng digmaan laban sa Prussia na humantong sa pagkatalo ni Napoleon. Ang digmaang ito ay nabigyang wakas ng kasunduan sa Frankfurt. Isang konstitusyon ang binuo at ang isang nilalaman ay ang pagbuo ng Reichstag o batasan na halal ng mga tao. Ang chancellor o punong ministro ay hinirang ng kaiser o hari. Itinalagang chancellor si Bismarck subalit siya ay naging marahas. Sinupil niya ang mga kaisipan at kilusang liberal. Sa mga taong 1871 hanggang 1914, ang Alemanya ay naging isa sa pinakamalakas at makapangyarihang bansa sa Europa. Umunlad at naging karibal ng Britanya sa larangan ng pangangalakal. 21

Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Amerika Bunga ng mga kaisipang liberal na kumalat sa Espanya at Amerika noongikalabingwalong siglo, ang mga kolonya ng Espanya ay naghimagsik laban sa inang bayanupang makamit ang kanilang kalayaan. Marahil ay nagtataka ka kung paano nakarating angmga Espanyol sa Amerika? Tinustusan nina Haring Ferdinand at Reyna Isabela ng Espanyaang paglalakbay ni Christopher Columbus, isang marino na taga-Italya. Naniwala siColumbus na mararating niya ang Indies sa pamamagitan ng paglalayag patungongkanluran. Kahit na si Columbus ang unang marinero na nakarating sa Hilagang Amerikahindi ito naipangalan sa ngalan ni Columbus kung di kay Amerigo Vespucci. Si AmerigoVespucci ay sumulat ng isang aklat tungkol dito. Ang paninirahan sa Amerika ang pinakamahalagang bahagi ng pagpapalawak ngEspanya. Ang mga bagong nanirahan doon ay galing sa tatlong sentro sa Espanya,Pransya, at Inglatera. Sinikap ng Espanya na palawakin ang kanyang mga lupain kayanakarating ang mga Europeo sa pagtuklas nito sa kontinenteng Amerika. Ang HilagangSentral at ang Timog Amerika ay sinakop at pinamahalaan ng mga taga-Europa samahabang panahon. Lahat ng mga kolonyang ito ay naghimagsik Espanya hanggang sanakamit nila ang kanilang kalayaan.Ang Paninirahan ng mga Ingles sa Amerika Nabanggit na sa simula ang pagdating ng mga Ingles sa Virginia, simula saJamestown noong 1607. Nagtagumpay ang mga Ingles sa pagtatatag ng maunlad nagawaing pang-agrikultura. Noong 1620, isang kolonya ang itinatag naman sa Massachusettsng mga Puritan at imigrante. Ayon sa Mayflower Compact, isang kasunduan ng mgapasahero ng sasakyang-dagat na Mayflower patungong Amerika, isang asemblea ng mgamalalayang mamamayan ang dapat mamahala sa itatatag na pamahalaan nila. Subalitnaging sunud-sunuran din ang mga ito sa mga patakaran ng hari. Noong 1630, ang mgaimigrasyon sa mga kolonya ng New England ay umunlad at noong 1634, isang kolonya 22

mga ng Ingles ang itinatag sa Maryland. Nang maglalabingwalong siglo, may labintatlongkolonya na ang itinatag sa may silangang baybayin ng Hilagang Amerika. Marami sa ideyang bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan ay may kulay pulitika at itoang kaisipang pulitikal sa Rebolusyon na isinagawa ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika. Angrebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1763. Ang patakarang pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsang 13 kolonya. Ang Navigation Acts ay nag-uutos na sa mga Ingles lamang maaaringipagbili ang ilang produkto ng kolonya at ang kolonya ay bibili ng mga yaring produkto saInglatera lamang. Ang malaking pagkakautang ng Britanya dahil sa pakikidigma, angpagtulong sa mga Amerikano laban sa kaaway, ang hayagang alitang nagsimula nang itakdaang Townshed Acts tungkol sa paglikom ng pera, ay nagresulta sa loob pang paghihigpit samga kolonya.Pagsiklab ng Himagsikan sa Amerika Ang mga tumutol sa palakad ng mga Ingles ay dumami noong panahon ngpamamahala ni Samuel Adams. Ang unang Kongresong continental ay nagpulong noong1774. Ipinahayag dito na ang Intolerable Acts ay hindi makatarungan at ang ParlyamentongIngles ay lumalabag sa karapatang Amerikano. Ang pahayag ni Patrick Henry na “Give meliberty or give me death,” at ang aklat ni Thomas Paine na Common Sense ay gumising sadamdaming Amerikano. Itinuring nilang ang kalayaan ng Amerika ay kalayaan din ng mundo.Nagtayo sila ng hukbong sandatahan sa ilalim ng pamumuno ni George Washington. Noongika-4 ng Hulyo, 1776, ipinahayag ng kongreso ang Deklarasyon ng Kalayaan na isinulat niThomas Jefferson. Lihim na tinulungan ng mga Pranses ang mga Amerikano laban sa mgaIngles. Ang pagkatalo sa Yorktown ng mga Ingles ang nagwakas ng digmaan at nagkaroonng pakikipag-ugnayan sa Paris noong 1783. Napilitang kilalanin ng mga Ingles ang kalayaanng 13 kolonya. 23

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Punan ang bawat kahon sa ating talahanayan ng mga mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo saEuropa at sa mga kolonya. Subalit bago mo iyan gawin, pagbalik-aralan mo muna ang ibigsabihin ng salitang nasyonalismo mula sa pahina 8. ito ang magiging batayan mo ng pagpiling angkop na pangyayari na isusulat mo sa talahanayan.Kahulugan ng Nasyonalismo: Ito ay isang paniniwala na ang isang bansa ay nararapat na nabubuklod ng isang wika, adhikain, kaugalian, at kasaysayan at pinamumunuan ng isa lamang pamahalaan upang makatayo bilang isang malayang bansa.Inglatera Pransya Italya Alemanya Amerika 24

Tandaan mo Ang nasyonalismo ay ang kamalayang pambansa na pinakbubuklod ng isang mithiin, damdamin, wika, kaugalian ay kasaysayan at nagtataguyod ng isang pamahalaan upang makatayo bilang isang malayang bansa.Sa mga bansang Inglatera, Pransya, Italya at Alemanya at sa mga kolonya ng mgabansang ito sumibol ang diwa ng nasyonalismo sa Europa at Amerika.Sa Inglatera, nahubog ang pagiging matapat sa hari at reyna ang pagiging matapat dinng mga mamamayanng Ingles sa kanilang bansa at sa mga mithiin nito. Angpagmamalaki sa pagiging makapangyarihan ng Inglatera simula pa noong ika-12 siglo,ang matibay na katayuan ng mga hari at reynang namuno at nagpalawak ngkapangyarihan ng Inglatera sa Europa ay nakapaghubog ng pagmamahal sa bayan at samonarkiya, na isang batayan ng nasyonalismo.Sa Pransya, ang paghihimagsik ng mga Pranses sa pag-aabuso ng kapangyarihan ngmga monarkiya ay naging hudyat upang gumising ang mga mamamayan sa mgabansang kanluran na pamunuan ang kanilang mga sarili at ipaglaban ang kalayaan. Angkanilang islogan ay “Vox populi, Vox dei.”Sa Italya, ginising ni Guiseppi Mazzini ang makabayang damdamin ng mga Italyano sapamamagitan ng islogang “Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at Humanidad.” Angunipikasyon ng Italya ay isang sukatan din ng diwa ng nasyonalismo sa bansang ito.Ang unipikasyon ng Alemanya sa pamumuno ni Otto Von Bismark ang gumising ng diwang nasyonalismo sa mga Aleman. Sa maraming taon ng pakikidigma sa ibang bansa,natanim sa diwa ng mga Aleman ang Pagmamahal sa bayan.Sa Amerika, ang mga Ingles na nagtayo ng kolonya sa iba’t ibang bahagi nito ay natutongmagsarili. Naipakita ang nasyonalismo sa kanilang pagtangging sundin ang mgapatakarang pang-ekonomiya ng Inglatera na hindi angkop sa bagong daigdig. Angpahayag ni Thomas Paine na “Give me liberty, or give me death,” (Bigyan ninyo ako ngkalayaan; kung hindi’y kamatayan,) ang gumising sa diwang nasyonalismo ng mgaAmerikano. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ni Thomas Jefferson ay isa pang sagisag ngnasyonalismong nalinang sa Amerika. 25


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook