A. Pagdating ng mga armas galing sa Estados Unidos para sa Inglatera B. Pagkatalo ni Adolf Hitler laban sa magigiting na hukbo ng Inglatera C. Pagpatay sa napakaraming Hudyo sa Europa D. Pagsalakay ng mga Aleman sa Poland noong 1939__________ 5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tungkol sa kinahinatnan ng ating kabuhayan makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa. A. Ang pagkakaroon ng malalayang bansa mula sa pagiging kolonya o bansang sakop ng mga taga-kanluran B. Ang pagpigil sa Alemanya na lumikha ng mga armas pandigma at pagtitiwalag dito bilang kasapi ng Liga ng mga Bansa C. Ang pandaigdigang ekonomiya ay pansamantalang natigil at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan sa mundo D. Ang totalitarianismo ni Hitler, Fascismo ni Mussolini at Imperyong Hapon ni Hirohito ay nagwakas.__________ 6. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang: A. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power B. Isang tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa C. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal D. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War II__________ 7. Ang mga taong ito ay pawang nakaranas ng pinakamatinding pinsala sa buhay na dulot ng mga Aleman noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig: A. Amerikano B. Hapon C. Hudyo D. Italyano__________ 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa interes ng Hapon nang kanyang salakayin ang Pearl Harbor noong 1941? 54
A. Makatulong sa mga bansang sakop ng mga Europeo sa Asya B. Makontrol ang daloy ng kalakalan sa Pasipiko C. Mapabilang sa mga bansang kaanib ng Nagkakaisang Bansa D. Mapalaganap ang kaisipan at imperyo ng mga Hapon sa Asya__________ 9. Noong June 6, 1944 ay naganap ang D-Day sa Normandy na kilala sa kasaysayan bilang: A. Mabilis na pakikipaglaban at pagsalakay ng mga Aleman laban sa mga Ingles at Amerikano B. Mahigpit na patakarang ipinatupad laban sa pagsuko ng mga Aleman at Italyano matapos ang digmaan C. Malawakang pagdating ng suporta mula sa mga hukbo ng Allied Powers D. Malawakang paghuli at pagpatay sa mga Hudyo na naninirahan sa Europa__________ 10. Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: 1. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa Pransya 2. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor 3. Ang pagpasok ng Alemanya sa Poland 4. Ang pananakop ng Hapon sa Manchuria Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay : A. 2 4 3 1 B. 1 4 3 2 C. 4 3 2 1 D. 3 4 2 1II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot: A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya; B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan; C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika; at D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Relihiyon; 55
__________ 11. Paglaganap ng kaisipang tanging mga Aleman ang magaling at nangungunang lahi sa daigig.__________ 12. Paglaganap ng kaisipan laban sa mga Hudyo dahil sa paniniwalang sila ang dahilan sa kamatayan ni Kristo.__________ 13. Pagkawasak ng buhay at mga ari-arian hatid ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.__________ 14. Pakikisangkot ng Rusya sa usapin ng mga Estado sa Balkan dahil sa mga kapwa Ruso na Greek Orthodox.__________ 15. Pagbagal ng industrialisasyon at kalakalan dulot ng mga digmaang pandaigdig.__________ 16. Pagpapalaganap ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ng mga Hapon sa kalakhang Asya.__________ 17. Pagpapakilala ng mga Hapon na ang lahing Asyano ay mataas na lahi tulad ng mga Europeo.__________ 18. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ay pinamunuan at nakontrol ng Central Powers ang pamamahala laban sa mga natalo sa digmaan.__________ 19. Paglalabanan ng pamumuno sa pagitan ng mga Fascistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army sa Espanya.__________ 20. Paghinto ng suplay sa langis at pagpigil sa mga ari-ariang Hapones sa Estados Unidos. 56
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT1. D 6. C 11. A 16. A C 12. B 17. B2. C 7. C 13. A 18. D B 14. D 19. C3. B 8. C 15. C 20. A4. B 9.5. D 10.ARALIN 1 MAHAHALAGANG PANGYAYARI NA NAGDULOT NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIGGawain 1: Pag-isipan Mo!ALLIED POWERS CENTRAL POWERS NEUTRAL COUNTRIES (Kulay Berde) (Kulay Kahel) (Kulay Itim) Albanya Belhika Austro-Hungarian Empire Denmark Gran Britanya Bulgarya Espanya Gresya German Empire Morocco (Spain) Italya Ottoman Empire Netherlands Portugal Norway Pransya Sweden Romanya Switzerland Rusyan Empire 57
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mga sagot: Damdaming Nasyonalismo ay nagbunsod ng pagnanasa ng mga taongmakalaya Ang Imperyalismo bilang paraang sa pagpapalawak ng pambansangkapangyarihan sa pamamagitan ng pag-angkin ng mga kolonya Militarismo upang mapangalagaan ang nasyonalismo sa pamamagitan ngmahuhusay at malaking hukbong sandatahan Pagbuo ng mga bansang magkaka-alyansa tulad ng Triple Entente at TripleAlliance Pandaigdigang hidwaan dahil sa mga bansang hindi sumusunod sakasunduang magbawas ng mga armas Ang Pandaigdigang krisis tulad ng sa Morocco (1905-1912) at Balkan (1908 at1913) Ang pinakahuling nagpasiklab ng digmaan ay ang pagpaslang kay ArchdukeFrancis Ferdinand noong ika-28 ng Hunyo, 1914. Ang tagapagmana sa trono ngAustria ay dumalaw sa Sarajevo, Bosnia. Siya ay pataksil na pinatay ni GarivloPrincip, isang Serbian na naninirahan sa Bosnia.Gawain 3: Paglalapat Ipatsek sa gurong tagapamatnubay ang iyong sagot na binubuo ng sarili mongopinyon.ARALIN 2 MGA EPEKTO SA MGA BANSA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIGGawain 1: Pag-isipan Mo! Mga Naging Pagbabago sa Europa 58
1. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay2. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia at Albanya ay lumaya3. Ang apat na Imperyo ng Hohenzollen ng Alemanya, Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Rusya at Ottoman ng Turkey ay nagwakasGawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Mga tamang sagot:Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Nilalaman1. Kasunduang Pangkapayapaan Paraan upang maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaan (Paris 1919-1920) sa mundo na pinangungunahan ng BIG FOUR-Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos, Punong Ministro David Llyod George ng Britanya, Vittorio Emmanuel Orlandong Italya, at Punong Ministro Clemenceau ng Pransya.2. Labing-apat ng Puntos ni 1. Kapayapaan walang talunan. Pangulong Woodrow Wilson 2. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa. (Enero, 1918) 3. Wakasan ang mga lihim na ugnayan ng mga bansa.3. Kasunduan sa Versailles 1. Pag-aalis ng lahat ng kolonya ng Alemanya . 2. Pagbabayad ng mga Alemanya ng repparasyon sa mga bansang 59
naging biktima ng digmaan. 3. Pagbabawal sa Alemanya sa paggawa ng armas. 4. Pagbabawas sa hukbong pandagat at panghimpapawid ng Alemanya4. Ang Liga ng mga Bansa 1. Pag-iwas sa digmaan. 2. Pagtutulungan ng mga bansang nagkakaisa sa panahon ng kapayapaan at digmaan. 3. Pangangalaga sa kapakanan at kaaway ng bawat isa.Gawain 3: Paglalapat Isangguni mo sa gurong tagapamatnubay ang mga iminungkahi mong paraanna batay sa sarili mong kuru-kuro at pananaw.ARALIN 3 ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGGawain 1 60
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Narito ang tamang “time table”1931 - Nilusob ng bansang Hapon ang Manchuria1933 - Tumiwalag sa Liga ng mga Bansa ang Alemanya1935 - Sinakop ng Italya ang Ethiopia na isang paglabag sa Covenant of the League1936 - Nagsimula ang digmaang sibil sa Espanya sa pagitan ng Fascistang Nationalist Front at Sosyalistang PopularMarso 1938 - ArmySept 1, 1939 - Sinakop ng Alemanya ang AustriaApril-May 1940- Nilusob ng Alemanya ang Poland Sinalakay ng Alemanya ang Denmark, Norway, theSept. 1940 - Netherlands, Belhika, Luxembourg at Pransya Nagkaroon ng Tripartite Pact ang mga bansangDec. 7, 1941 - Hapon, Alemanya at Italya Sinalakay ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii atDec. 8, 1941 - nagdeklara ang Estados Unidos ng digmaan laban saDec. 11, 1941- Hapon Sinalakay ng Hapon ang PilipinasJune 6, 1944- Nagdeklara ng digmaan ang Alemanya laban sa Estado UnidosApril 30, 1945- Dumating ang “Allied Powers” sa Pransya na kilalaAug. 6, 1945 - bilang “D-Day” Nagpakamatay si Adolf HitlerSept. 2, 1945- Binomba ng Atomika ng Estados Unidos ang Hiroshima sa bansang Hapon Sumuko na ang Hapon 61
Gawain 3: Paglalapat Ipatsek sa gurong tagapamatnubay ang iyong sanaysay. Sa interpretasyonmosa mga larawan nakasalalay ang iyong kasagutan.ARALIN 4 ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT MGA PAGBABAGONG DULOT NITOGawain 1: Pag-isipan Mo! 5. Gas Chamber Mga Sagot: 6. Death March 7. Nuremberg 1. Normandy 2. Hiroshima 3. Mga Nagkakaisang Bansa 4. GenecideGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipatsek sa guring tagapamatnubay ang iyong mga sagot. Depende sa iyonginterpretasyon ng mga larawan ang iyong sagot.Gawain 3: Paglalapat Ipatsek mo sa gurong tagapamatnubay ng modyul ang iyong sanaysayPANGHULING PAGSUSULIT1. C 6. D 11. B 16. A2. C 7. C 12. D 17. B3. A 8. D 13. A 18. C4. D 9. C 14. D 19. C5. B 10. C 15. A 20. A 62
63
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 18MGA IDEOLOHIYANG LUMAGANAP SA DAIGDIG BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 18 MGA IDEOLOHIYANG LUMAGANAP SA DAIGDIG Marahil ay mayroon ka nang nabatiran hinggil sa kasalukuyang kalagayan ngmga bansa sa daigdig. Bakit iba’t iba ang mga kalagayang pampulitika ng mgabansa? Matutuhan sa modyul na ito ang iba't ibang ideolohiyang sinusunod ngmga bansa. At ang mga katangian ng bawat isa. Tatalakayin din kung ano angepekto ng iba’t ibang idolohiya sa kabuhayan ng mga tao. Inaasahang mas lalomong mauunawaan ang ideolohiyang umiiral sa ating bansa, ang Pilipinas,pagkatapos ng mga aralin sa modyul. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Ideolohiya ng Iba't ibang Bansa at ang Puwersa ng Demokrasya at Komunismo Aralin 2: Puwersang Pangkabuhayan sa Pulitika ng Bansa Aralin 3: Ang Pilipinas at ang Ideolohiya nito Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng modyul, inaasahangmagagawa mo ang mga sumusunod: 1. Mailalahad ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga bansa; 2. Maipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng puwersang demokrasya at komunismo sa kalagayan ng mga tao; 3. Maiuugnay ang mga puwersang pangkabuhayan sa kalagayang pulitikal ng bansa; at 4. Mapahahalagahan ang makatwiran at bukas na isipan ng mga bansa lalo na ang Pilipinas sa pagpili ng mga ideolohiyang yayakapin. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihandapara sa iyo 2
PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Sino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo saRusya? A. Nicolai Lenin B. Karl Marx C. Joseph Stalin D. Leon Trotsky2. Ayon sa kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang siyang magigingtagapamalakad ng pamahalaan at magbibigay daan sa pagwawakas ng: A. awtoritaryanismo B. fascismo C. kapitalismo D. monarkiya2. Ayon sa Ideolohiyang kapitalismo, kailangan ay maliit o limitado ang papel na ginagampanan ng ahensya o institusyong ito sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa tungo sa kaunlaran. A. Edukasyon B. Mass Media o Mamamahayag C. Pamahalaan D. Simbahan3. Ano sa palagay mo ang kaisipang hindi gaanong naaapektuhan ng anumangideolohiya?A. Pampulitika C. PangsiningB. Pangkabuhayan D. Panlipunan 3
4. Sa ilalim ng isang demokratikong bansa, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng mga pinuno ay maaaring: A. Check and Balance B. Natatakdaan at Di-natatakdaan C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap D. Tuwiran at Di-tuwirang pagboto5. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI magkatugma? A. Demokrasya - Timog Korea B. Komunismo – Tsina C. Monarkiya – Inglatera D. Totalitaryanismo – Hapon6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng Nazismo na nakapaloob sa Mein Kamp maliban sa: A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles sanhi ng mga suliranin sa Alemanya. B. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa na tatayong mas makapangyarihan sa pamahalaan. C. Pagwasak sa Republika at pagtatatag ng Third Reich na isang estadong totalitaryan ng Nazismo. D. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga Aryano7. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Komunismo? A. Ang manggagawa ang supremo sa pamahalaan. B. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado. C. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo. D. Pagwawakas ng kapitalismo. 4
8. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang HINDI kabilang sa pagsilang ng Pasismo sa Italya? A. Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig. B. Malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo sa Europa. C. Paghihirap ng kabuhayan tulad ng kakulangan ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan. D. Walang kakayahan ang mga pinuno na lutasin ang mga suliranin sa pamahalaan. 9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ni Nicolai Lenin? A. Naging unang pinuno ng komunismo sa Rusya. B. Nagpatupad ng malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. C. Nakilala sa kanyang panawagang \"kapayapaan, lupain, at tinapay\". D. Nakuha ang tiwala ng mga tao, dahil sa kanyang pinagsamang pag- angkin ng pamahalaan sa lahat ng mga pagawaan. I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang titik: A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya; B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo; C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo; D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya; E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo; at F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.__________ 1. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal. 5
__________ 2. Naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya.__________ 3. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag- uuri-uri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan.__________ 4. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao. Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.__________ 5. Sa sistemang ito ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao at karaniwang pumipili ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan ng halalan.__________ 6. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.__________ 7. Ideolohiyang nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging pagmamay-ari ng lipunan ang produksyon.__________ 8. Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea.__________ 9. Ayon kay Nicolai Lenin ang dahas at pananakop ay kailangan upang maitatag ang “DiktaDurya ng Manggagawa”.__________ 10. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno nina Hitler sa Alemanya at ni Mussolini sa Italya. Kadalasang isang punong-militar ang may kapangyarihang diktador. Karaniwang lumaganap ang ideolohiyang ito sa mga bansa sa Timog Amerika at Apri 6
ARALIN 1MGA IDEOLOHIYA SA IBA'T IBANG BANSA AT ANG PUWERSA NGDEMOKRASYA AT KOMUNISMO Ang araling ito ay tungkol sa mga ideolohiya ng iba't ibang bansa tulad ngKapitalismo, Monarkiya, Demokrasya, Totalitaryanismo, Awtoritaryanismo, Sosyalismoat Komunismo. Inaasahang malalaman mo ang mga katangian ng bawat isa kung alinat ang mga bansang sumusunod sa bawat ideolohiyang nabanggit. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maibibigay ang kahulugan ng salitang ideolohiya sa pamamagitan ng mga kaugnay na salita o mga kaisipan, 2. Matutukoy ang mga katangian ng iba't ibang uri ng ideolohiya na lumaganap sa ibang bansa; at 3. Mapaghahambing ang katangian ng mga puwersang demokrasya at komunismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Bago ka magsimula sa aralin, mag-isip ng salita o mga salitang maykaugnayan sa katagang IDEOLOHIYA. Ano ang kaugnay na kaisipan ang maaaringmakatulong sa iyo upang maunawaan ang salitang ito. Isulat mo sa mga kahon angiyong sagot. 7
IDEOLOHIYAAng Kahulugan ng Ideolohiya Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan nanaglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Galing ito sa salitangideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Si Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaiklingpangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. 8
May Iba’t ibang Kategorya ang Ideolohiya. Ito ay ang mga Sumusunod: Ideolohiyang Pangkabuhayan. - Nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan nito para sa mgamamamayan. Nakapaloob dito ang ang mga karapatang makapagnegosyo,mamasukan, makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo angkapitalista at mga manggagawa. Ideolohiyang Pampulitika. - Naasentro naman ito sa paraan ng pamumuno atsa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mgapangunahing prinsipyong pulitikal at batayan ng kapangyarihang pulitikal. Karapatan ngbawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin. Ideolohiyang Panlipunan. - Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mgamamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ngmga mamamayan.Ang Iba’t Ibang Ideolohiya Anu-ano ang mga ideolohiyang laganap ngayon sa daigdig? Isa-isahin natin angmga ito: Kapitalismo. – ito ay tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung saanang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadongmangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan samga patakarang pangkabuhayan. Monarkiya. - Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ngisang tao. Ang pinuno ng sistemang monarkiya ay karaniwang tinatawag na hari oreyna. Ang kapangyarihan niya ay maaring natatakdaan o di-natatakdaan. Sa monarkiyang natatakdaan, ang kapangyarihan ng monarko ay natatakdaanng Saligang-Batas. Batay sa Saligang-Batas ng Thailand, halimbawa ang hari nila ay 9
isa lamang simbolo ng pagkakaisa ng mga Thai. Sa kaso ng Hapon, ang monarko nitoay tinatawag na emperador, at tulad ng sa Thailand, siya man ay panseremonyangpinuno lamang. Samantala, sa monarkiyang di-natatakdaan ay hawak ng monarkiyaang buhay at kamatayan ng kanyang mga nasasakupan. Naghahari siya ayon sakanyang kagustuhan. Demokrasya. – Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.Sa demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran.Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan anggusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sapamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan opamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative okinatawang demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran ang demokrasya kung angibinoboto ng mamamayan ay ang mga kinatawan nila sa pamahalaan na siyang pipili ngmga pinuno sa pamahalaan. 10
Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay nagaganap kapagang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ngkapangyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador aynamumuno batay sa kanyang kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao. Totalitaryanismo. - Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwangpinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ngganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidongnagpapatupad nito. Natatakdaan ang karapatan ng mga mamamayan sa malayangpagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyonay hindi lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ngisang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain,kayamanan ng bansa, at mga industriya. Ang halimbawa nito ay ang pamahalaan niHitler sa Alemanya at ni Mussolini sa Italya bago at habang may Ikalawang DigmaangPandaigdig. Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang ginamitang sistemang ito noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o labanan kung 11
kailan mag pangangailangang magtakda ng isang punong militar na maykapangyarihang diktatoryal. Subalit, matapos ang kagipitan, ang katungkulang ito ayinaalis. Sa sinaunang panahong, maraming mga bansa ang yumakap sa sistemang ito,kung saan ang pinuno ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa TimogAmerika at iba pang lugar sa Asya at Aprika. Higit na makapangyarihan kaysa sinaunang mga diktador ang makabagongdiktadurya. Napananatili ang kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng paghawakat pagkontrol sa pamahalaan, ekonomiya, mass media o mga uri ng pamamahayag,simbahan, at pati kaisipan ng mga mamamayan. Awtoritaryanismo. - Isang uri pa rin ng pamahalaan ang awtoritaryanismo kungsaan ang namumunong tao ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sapamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ngestado, ang Islam. Ang namumuno ay may napakalawak na kapangyarihan nasinusunod ng mga mamamayan. Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan angkapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas. Ito ang itinawag ng datingPangulong Marcos sa kanyang pamamahala sa ilaim ng Batas Militar noong 1972hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986. Sosyalismo. - Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiyakung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao.Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa ng lupa,kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sapagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitanng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyang diin nito angpagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ay ang Tsina at ang dating Unyong Sobyet,kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan. 12
Karl Marx Komunismo. - Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemangpilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ngTsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismopatungong sosyalismo ay ang komunismo. Ang komunismo ay naghahangad nabumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan angmga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Sa sistemang ito, tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan angestado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng produksyon ng lahat ngnegosyo ng bansa. Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad, kailangangpairalin ang diktadurya. Ito ang huling kalagayang mahirap matamo o maabotkailanman. Ang Taumbayang Republika ng Tsina at ang Unyong Sobyet ay mgapamahalaang sosyalista na naghahangad matamo ang estadong komunista dahiltinatalunton nila ang ideolohiyang pinalaganap ni Karl Marx noong ika-19 na dantaon. 13
awain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat pangungusap na tinutukoy. Ang mga sagot ay maaaring pahalang at pababa. 7 91 2 8 10 3 4 5 6 14
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310