Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castillenoong ika-1400 na siglo ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ngmga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay nagingdahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una aypinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong nabigador. Noong 1492 aytinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon na angkanyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pa-Kanluran ng Atlantiko. Ang kanyang ekspedisyon ay nakaranas ng maramingpaghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagodat gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sakatubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kanyang pagkakaakalaay ang India dahil sa ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-Indiakaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sakanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay angmga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuangginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya aydi pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya.Ferdinand V Christopher Columbus 14
Pagbalik niya sa Espanya ay pinagbunyi siya sa resulta ng kanyang ekspedisyonat binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islangkanyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bagosiya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa TimogAmerika nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo saSilangan. Masusuri natin sa pangyayari na ito na ang kakulangan sa mga makabagonggamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507,isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus aynakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalanniya kaya nakilala ito bilang Amerika at naitala sa mapa ng Europa kasama ang ibapang mga bagong diskubre na mga isla. Amerigo VespucciPaghahati ng Mundo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal atEspanya ay humingi sila ng tulong sa Papa sa Roma upang mamagitan sa kanilangmga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang dinakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang saTimugang Pola. Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at 15
katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Espanya at sa Silangang bahagi nglinya ay para naman sa Portugal. Nagduda ang mga Portuges sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanongkaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at saEspanya. Nakikita nila na baka lumawak ang panggagalugad ng Espanya sa kanluranat maaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitanng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line ofdemarcation ay baguhin at ilayo pa-Kanluran. Ipinakikita dito na noong panahon iyonay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang bahagi ng mundo na di panararating ng mga taga-Europa.Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan FerdinandMagellan Noong 1519 ay nagpasimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isangPortuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang Espanya. Sailalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng rutang 16
pa-Kanluran tungo sa Silangan. Natagpuan niya ang silangang baybayin ng TimogAmerika o ang bansang Brazil sa kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig natinawag na Strait of Magellan, pagpapangalan sa malaking karagatan na KaragatangPasipiko, at hanggang sa marating nila ang sa kasalukuyang bansa ng Pilipinas. Sahaba ng kanilang paglalayag ay nakaranas ang ekspedisyon ng mga maliliit na pag-aalsa sa mga miyembro ng ekspedisyon, taggutom at pagkauhaw. Nguni’t lahat nangito’y nalagpasan nila sa pamamagitan ng pagkatagpo sa malaking kayamanang ginto,panlasa at pagkonberto sa maraming mga katutubo sa Katolisismo. Ang nasabi ringekspedisyon ay nagpakilala na maaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa datingpinanggalingang lugar ng ang sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahitnapatay na si Magellan ng isang katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang unangcircumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang dating lumang kaalaman ngmga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pangmga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan. Si Ferdinand Magellan at ang ruta na kanyang ginamit upang marating ang Silangan 17
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin ang mga sumusunod na nabigador at itala sa iyong kwadernoang kanilang mga kontribusyon sa nabigasyon ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang pangunahing salik na nag-udyok sa mga Europeo na manggalugad ay ang paghahangad sa mga kalakal ng Silangan, makatagpo ng ginto at pilak at makonberto ang mga tao sa Katolisismo Si Prinsipe Henry ng Portugal ang nanguna sa pagpapatayo ng paaralan para sa nabigasyon Sina Haring Ferdinand V at Reyna Isabella I ng Espanya ang nagpondo sa mga pangunahing ekspedisyon nina Columbus, Vespucci at Magellan Ang Kasunduan sa Tordesillas ang naglatag ng paghahati ng Portugal at Espanya sa mga kalupaan at katubigang matatagpuan ng mga nabigador sa Kanluran at Silangang bahagi ng mundo Ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at maraming yamang matatagpuan sa mga kalupaan sa Silangan Gawain 3: Paglalapat Sa iyong palagay ano pa ang mga bagay na dapat paghandaan ng isang nabigador kung siya ay patungo sa isang mahabang paglalakbay? Bakit sa iyong palagay ay kailangan ng mga ito? 18
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ARALIN 2MGA PANGKATUBIGANG IMPERYO Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naglatag ng matatag na dahilan ng paghahating mundo sa pagitan ng Espanya at Portugal. Ang dalawang Europeong bansa lamangna ito ang nagbigay rekognisyon sa nabanggit na kasunduan. Ang Olandiya, Pransiyaat Inglaterra ay mga bansang Europeo na nagkaroon din ng interes na sumali sapaligsahan ukol sa panggagalugad ng mga kayamanan sa mga kalupaan na nasa labasng Europa. Maging ang kalakalan ukol sa paghahangad at pagbibili ng mga alipin aynaging bahagi na rin ng pakikipagkalakalan ng mga bansang Europeo. Ito’y sa dahilangdumami ang mga plantasyon ng iba’t ibang produktong agrikultura at nangangailanganng mga manggagawa na karamihan ay nanggaling sa mga lupaing naging kolonya ngmga bansang Europeo. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Naisasalaysay ang pamamaraang ginamit ng mga bansang Europeo upang makapagtayo ng kanilang mga imperyo sa ibang panig ng daigdig 2. Naituturo sa mapa ang mga lupaing naging karagdagan sa teritoryo ng mga bansang Europeo sa mga lupalop ng Asya, Aprika at Timog Amerika 3. Nasusuri ang naging epekto at bunga ng slave trade sa mga bansang naging bahagi ng mga pangkatubigang imperyo 19
4. Naiguguhit ang larawan ng sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa pagdadala ng mga alipin sa mga plantasyon sa Europa at Amerika Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin mo ang larawan sa ibaba. Saan sa iyong palagay ito ginamit at ano ang naging tulong nito sa mga Europeong naghangad ng katubigang imperyoAng Portugal at Espanya Ang interes ng Portugal ay nakatutok sa Aprika at sa Asya upangmakipagkalakalan at hindi manakop. Ang mga Portuges ay ang kauna-unahang mgaEuropeo na nakapaglayag sa Karagatang Indian. Dito nila nakita na ang kabilangbahagi pala ng mundo ay matagal nang ginalugad ng mga Asyanong mandaragat atmangangalakal. Matapos ang ginawang ekspedisyon ni Vasco de Gama, noong ika-15siglo ay patuloy silang nagpadala ng mga sasakyang pandagat na manggagalugad saiba pang mga katubigan at dito nakilala si Pedro Alvares Cabral.Pedro Álvares Cabral 20
Ang mandaragat na Portuges na ito ay nalagpasan ang isang madugongpakikidigma sa mga Muslim na mangangalakal at tinalo ang isang malaking Arabengsasakyang pandagat upang kanyang lubusang maitatag ang malaking kolonya ngPortugal sa mga islang nasa Karagatan ng Indian. Ito ang naging dahilan ng paglalagay ng mga baseng pangkatubigan ng Portugalsa may Karagatan ng Indian, sa may Look ng Persiya at sa Timog Silangang Asya. Itoang mga lugar na kung saan ay naglagay ang Portugal ng industriya ng paggawaan ngmga sasakyang pandagat na noong panahon na iyon ay malaking pera ang inakyat sakanyang kabang yaman. Kasunod nito ay ang pagpapalawak ng bansa sa kanyangteritoryo sa Silangang bahagi tungo sa Moluccas o ang kilala bilang Isla ng mgaPanlasa hanggang sa magkaroon sila ng matatag na lugar para sa pakikipagkalakalansa Tsina at Hapon. Maging ang kasalukuyang bansang Brazil ay nasakop din ni Cabral para saPortugal samantalang ang malaking bahagi ng Timog Amerika ay naging sakop ngEspanya. Ang mga Portuges ay naglagay dito ng mga plantasyon ng tubo, tabako, kapeat bulak. Sa dahilang ang lokal na populasyon ay di nakasasapat sa mga manggagawana magtratrabaho sa mga plantasyon ay kinailangang magdala ng mga aliping itim namanggagawa mula sa Aprika. Isa sa natirang kolonya ng Portugal ang Brazil hanggangsa huling bahagi ng ika-15 siglo.Ang Espanya at ang kanyang Imperyo Ang mga Espanyol conquistador o mananakop ay dumating sa Timog Amerikaupang “paglingkuran ang Diyos at ang hari ng Espanya” . ito ang naging matibay niyangkatwiran kung bakit nagpasimula ang Espanya sa kanyang pag-kolonya. Isa sa kilalang Kastilang conquistador ay si Hernan Cortes, na tumungo saMehiko upang maghanap ng yaman at gintong marami sa panahong iyon sa lugar nanabanggit. Siya ay dumaong sa Tenochtitlan, ang kabisera ng Kabihasnang Aztec.Pinagkunan: Encarta Encyclopedia 21
Ang kanyang pagdaong sa Mehiko ay naging isang kababalaghan para sa mgataong nakakita ng kanyang hukbo sa dahilang ang akala ng mga katutubo ay naganapna ang propesiya ukol sa pagdating ng isang maalamat nilang diyos, si Quetzatcoatl.Pinaniniwalaan ng mga Aztec na ang diyos nilang ito’y na-exile at balang-araw aydarating ito upang maghari sa Angkan ng Aztec. Kaya ang hari na si Montezuma II aynagbigay sa kanya ng malaking bahagdan ng ginto at pilak bilang regalo sa kanyangpagdating.Ang headdress ni Montezuma II at ang larawan ng kanilang alamat na diyos na si Quetzatcoatl na nagkatawang isang malaking sawa na kumakain ng mga buhay na tao Ang kayamang mayroon ang kabisera noong panahon ay isang malakingmotibasyon para sa mga Kastila at isiping sakupin ito. Sa nangyaring labanan sadalawang grupo ay mas maraming namatay sa mga Aztec na halos umabot sa 50,000kaya matapos ang tatlong taon ay naghari sa Mehiko si Hernan Cortes. Isa pang Kastilang conquistador, si Francisco Pizarro ang sumakop sa Imperyong mga Inca sa kasalukuyang bansa ng Peru. Hinuli niya at pinatubos ang pinunong siAtahulpa at pinatay ang 2,000 mga sundalong bantay nito. Matapos siyang bayaran ngginto at pilak upang pakawalan ang kanilang pinuno ay minabuti pa rin niyang patayinito. Sa dahilang namatay na ang pinunong Inca kaya ang lakas ng kapangyarihan ngmga Kastila ay umigting at nakontrol nito ang 375,000 milya kuwadrado o 975,000kilometro kuwadrado ng kalupaan na may 7 milyong taong naninirahan sa TimogAmerika. 22
. Francisco Pizarro Sinundan pa ng mga Kastilang mananakop si Pizarro na ang naging pokusnaman ay ang Hilagang Amerika gaya ni Hernando de Soto noong 1541 ay naratingang Ilog ng Mississipi at ginalugad naman ni Francisco Vasquez de Coronado angGrand Canyon. Ang mga Kastila ay nagnais na magtayo ng mga kolonya di gaya ng mga Portugesna ang pinagbuti ay ang ukol sa kalakalan. Ang mga kolonya ng Espanya ay nakaratingsa Kanlurang Indies, Sentral Amerika, Timog Amerika at ang ilang bahagi ngkasalukuyang Estados Unidos. Ang mga Kastilang viceroy ang namuno sa mganasakop niya at naging kolonya. Ang ginawang pamumuno ng mga Kastila sa kanyangkolonya ay may kahalong karahasan sa dahilang ang mga katutubo ay nais nilangsumunod sa mga batas na pinatutupad ng hari at makonberto sa Katolisismo.Pinuwersa nila ang mga katutubo na magbigay ng libreng trabaho para saPamahalaang Kolonyal at sa pagtatayo ng mga Simbahan. Ang pagtatanim ng tubo attabako ang mga pangunahing industriyang agrikultural ang kanilang itinatag at angikalimang bahagi ng matatagpuang ginto at pilak ay bahagi para sa PamahalaangKolonyal. Ang mga yamang ito ang nag-udyok din sa mga Espanyol ang magingtiwaling pinuno dahil sa paghahangad ng malaking kita. 23
Mga Kolonya ng Olandiya Ang Olandiya ay nagpasimulang magkaroon ng malaking interes sa kalakalansimula noong ika-15 siglo matapos na makuha niya ang kanyang kalayaan sa mgaEspanyol. Kaunti lamang ang mga yamang likas nito nguni’t mayroon itongmayayamang mga mangangalakal na nakitang ang komersiyo ang maaring malakingpagkakikitaan nang paanhon na iyon. Ika-16 na siglo nang makamit nito ang Ginintuang Panahon sa komersiyo atkalakalan. Ang Amsterdam ang naging pinakamalaking siyudad sa komersiyo at angmga Olandes ang mga Europeong nagtamasa ng mataas na antas ng pamumuhay. Ang siyudad ng Amsterdam, Netherlands Noong 1602 ay itinatag ng Olandiya ang Dutch East Indies Company upangmaging daan sa pagpapalawak ng kanyang komersiyo sa Asya. Ang pinakapunonghimpilan nito ay inilagay sa Batavia, isla ng Java ng kasalukuyang bansa ng Indonesia.Lalo niyang napalakas ang pagiging makapangyarihan sa kalakalan ng mapaalis angmga trade posts ng Ingles at Portuges sa Asya. Nang makuha niya ang Malaka sa mgaPortuges ay tuluyan na nitong nakontrol ang kalakalan sa Spice Island. Gumamit dinsiya ng puwersa sa mga Muslim na mangangalakal upang di ito maging sagabal sapaglawak ng kanyang komersiyo at kalakalan. 24
Noong 1621 sa tulong ng Ingles na nabigador na si Henry Hudson na nasakopang baybayin ng Atlantiko ng Hilagang Amerika at ito rin ang naging pasimula ng DutchWest India Company. Inilagay ng kompanya ang kanyang himpilan sa Isla ngManhattan na matatagpuan sa bunganga ng ilog ng Hudson. Si Henry Hudson at ang Ilog ng Hudson na pinangalan sa kanya sa Manhattan, USA Ang mga Olandes ay nagtatatag din ng pamayanan sa Aprika sa pamamagitanng mga Boers, mga magsasaka na nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t ngika-17 siglo ay humina na ang kapangyarihang pangkomersiyo ng Olandiya at ito’ypinalitan ng Inglaterra bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europa.Mga Kolonya ng Pransiya at Inglatera Maliit na bahagi lamang ang naging kontribusyon ng Pransiya at Inglaterra saunang bahagi ng eksplorasyon. Ito’y sa dahilang may dalawang malaking suliraninsilang kinaharap ang ukol sa alitang dulot ng relihiyon at mga digmaang sibil. Nguni’tnoong ika-15 siglo ay sumama na rin sila sa pangtubigang pagpapalawak ng kanilangmga teritoryo. 25
Taong 1524 ng kinuha ng mga Pranses ang Italyanong nabigador na siGiovanni da Verrazano, upang hanapin ang Hilagang Kanluran daan mula sa Amerikatungo sa Asya. Nguni’t di siya nagtagumpay sa ginawang panggagalugad at naratingniya lamang ang Hilagang Carolina patungo sa Maine, ngayo’y estado ng Amerika.Sampung taon ang makaraan nang matagpuan ni Jacques Cartier ang kasalukuyangMontreal, Canada. Si Samuel de Champlain naman ay natagpuan ang Quebec at siRobert Cavalier naman ay sinakop ang kabuuang bahagi ng Ilog ng Mississipi para saPransiya. Nagpadala rin sila ng mga Heswitang misyonero upang ikonberto ang mgakatutubong Amerikano sa Katolisismo. Nakipagkalakalan sila sa mga katutubo sapamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga kumot, baril, alak para sa balat ng mgahayop at maging ang mga isda at kahoy na matatagpuan sa mga lugar na kanilangnasakop. Dinala rin ng mga Pranses ang mga aliping Aprikano sa mga islang kanilangsinakop sa Kanlurang Indies gaya ng St. Kitts, Martinique at Guadeloupe upangkatulunging sila sa pagtatanim sa mga plantasyon ng tubo at tabako.Jacques Cartier Samuel de Champlain Ang Inglaterra naman noong 1497 nagpasimulang magpakita ng interes sapangkatubigang kalakalan. Si John Cabot na isang Italyanong nabigador ang nagbigayng mga unang kolonya sa Inglaterra gaya ng Newfoundland, Nova Scotia at NewEngland na kasalukuyan ay bahagi ng Canada at Amerika. Isang daan taon pa bago 26
nakapagtayo ng permanenteng kolonya dito ang Inglaterra dahil sa mga panloob naalitan na nangyayari noon sa bansa. Noong ika-15 siglo ang karamihang mga kapitansa barko na Ingles ay naging pirata sa mga sasakyang pandagat ng mga Kastila atPortuges. Ito’y upang makapag-ipon ng ginto at pilak na napkahalaga noong panahonna iyon. Si Francis Drake, isa sa kinilalang mahusay na nabigador noong panahon ngpamumuno ni Reyna Elisabeth I ng Inglaterra ay dating pirata. Siya ang kauna-unahangIngles na nakalibot sa mundo. Makaraan ang anim na taon pinamunuan niya ang mgasasakyang pandagat ng mga Ingles na tumalo sa Spanish Armada. Ang pagwasak saSpanish Armada ay nagpahina sa kapangyarihang Espanya sa Europa. Naging bahaging teritoryo ng Inglaterra ang mga isla ng Jamaica, Bahamas at Barbados. Itinatag dinnila ang English East India Company. Ipinakilala rin nila ang industriya ng tubo attabako sa mga islang kanilang sinakop at pareho ng mga Pranses ay nagdala sila ngmga aliping Aprikano upang magtanim sa mga plantasyon. Malaki ang kanilang kinitasa mga patanimang ito. Sir Francis Drake Taong 1606 ng ang Virginia Company ng London ay nagpadala ng ekspedisyon saHilagang Amerika upang maghanap ng ginto at pilak. Itinatag ng kompanya ang isangpermanenteng pamayanan sa Jamestown na sa kasalukuyan ay Virginia. Sinundan itong isang grupo ng mga mananampalatayang kabilang sa pilgrim na nagtatatag ngpanibagong pamayanan sa Plymouth ngayon ay Massachusetts. 27
First Sermon at PlymouthKalakalan ng Alipin (Slave trade) Naging malaking pangangailangan ng mga bansang Europeo ang mgamanggagawa sa kanilang mga plantasyon. Dahil sa kakulangan ng mga magtatanim saplantasyon ay naging kalakalan ang pakikipagpalitan ng mga produkto para sa mgaaliping itim na magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang hanapbuhay ng mga Europeoang maghanap ng mga alipin sa Aprika maging gumamit man ng puwersa at pang-aabuso sa mga ito. Napakahirap ng ginagawang paglalakbay ng mga alipin dahil mula sa kanilangpinanggalingan ang mga sasakyang ginagamit para magdala sa kanila sa pamilihanupang doon sila ipagbili ay hindi kondusibo para sakyan at napakatipid angginagawang pagpapakain sa kanila. Ang mga ganitong sitwasyon ay naging daan samga pag-aalsa ng malaking bilang ng mga aliping itim laban sa mga puting nangabusosa kanila. Ang pinakamatagumpay na rebelyon na inilunsad ng mga alipin ay nangyarisa islang teritoryo ng Pransiya ang Saint Domingue noong 1793 at nagresulta sapagiging malaya ng ngayon ay bansang Haiti noong 1804. 28
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magtala ng mga bagay n matatgpuan o makikita sa mga sumusunod na banasaa. Peru - _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________b. St. Kitts, Martinique&Guadeloupe - _______________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________c. Mexico - ____________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________d. Plymouth - __________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________e. Haiti - ______________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 29
Tandaan Mo! Ang mga bansang Espanya at Portugal ang nag-umpisa ng eksplorasyon sa mga bansang nasa Asya, Aprika at Latin Amerika Iba’t iba ang pamamaraan ng pagtatatag ng pangtubigang imperyo ng mga bansang Europeo sa Asya, Aprika at Latin Amerika Noong ika-15 siglo ay nagkaroon ng malaking interes sa kalakalan at komersiyo ang mga bansang Olandiya, Pransiya at Inglaterra Ang slave trade ay naging malaganap dahil ito’y dulot ng malaking pangangailangan sa mga manggagawa na magtatanim sa mga plantasyon Gawain 3: Paglalapat Gumuhit ng sasakyang pandagat na sa iyong palagay ay dapat na ginawang sasakyan sa pakikipagpalitan ng mga produkto at kinalagyan ng mga aliping ipagbibili sa mga pamilihan. Ilagay sa isang buong papel.ARALIN 3PAGBABAGO NG PAMARAAN SA PAMUMUHAY Ang panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sapamumuhay ng lipunan at kabihasnan ng mundo. Ang pang-katubigang kalakalan atpananakop ng mga bansang Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ngEuropa. Ang pamamaraan sa pakikipag-kalakalan at ang pagbabangko ay napaunladkaya ito’y nagdulot ng malaking kita sa mga bansang Europeo. Ang pambansangekonomiya na Merkantilismo ay umusbong na binigyang diin ang kapangyarihan ngisang estado ay nakabatay sa yaman at dami ng ginto at pilak na mayroon ito. 30
Nagkaroon din ng asimilasyon ang kabihasnang Europa sa Asya, Aprika at TimogAmerika. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Natatalakay ang naging resulta ng eksplorasyon sa lipunan at kabihasnan ng mundo; 2. Nailalarawan ang mga bagong pamamaraan pangkabuhayan naipakilala sa panahon ng Rebolusyong Komersiyo; 3. Nasusuri ang mga epekto at bunga ng pag-unlad ng kalakalan at pagbabangko sa lipunan at pangkabuhayan ng mundo; at 4. Nakapagbubuo ng mga pamamaraan na maaring gamitin ng isang mangangalakal upang mapaunlad ang kanyang negosyo Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan at sabihin kung ano ang kaugnayan nito sa komersiyo at kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya 31
Ang Rebolusyong Komersyal Noong ika-16 na siglo ay pinalitan ng mga nasyon ang dating mga siyudad atpamayanan bilang pang-ekonomiyang yunit ng lipunan. Bawa’t isang nasyon ay mayiba’t ibang pamamaraang ginagamit sa kanilang mga pamilihan at pakikipagkalakalan.Ang mga pamamaraang ito ay naging dahilan para patuloy na mamuhunan ang mgamangangalakal at maghangad ng malaking tubo. Nagsilbi itong panimula sapagkakaroon ng ekonomiyang pera o money economy. Malaki ang naging puhunang ibinibigay ng mga nagnanais na sumuporta sapanggagalugad kaya nangailangan ng mga taong maaring magpahiram o magpautangng pera sa mga ilulunsad na mga ekspedisyon. Ang mga mangangalakal noong una aynanghiram sa mga mayayamang may banko gaya ng pamilya ng Medici sa Florence,Italya at ang Fuggers ng Ausburg, Alemanya. Naging mabisang instrumento sa pag-aakyat ng malaking kita ang ganitong klase ng kalakalan kaya ang mga nabanggit napamilya ay yumaman ng husto pagdating ng ika-15 siglo. Sila rin ang mga nagingpangunahing patron ng iba’t ibang larangan ng sining sa dahilang maari silang magpa-aral ng isang mahusay na pintor o iskultor. Ito’y nagbigay daan sa mas mataas na uri ngpamumuhay at kultura sa mga Europeo. Pagdating ng ika-16 na siglo ang mga bankong pag-aari at pinamumuhunan na ngmga bansa ang pumalit sa mga pamilyang may banko. Naragdagan pa ang tungkulinng nasabing mga government chartered banks dahil maari rin silang magpalit ng peramula sa isang bansa kung gagamitin sa ibang bansa(money changer) at nagtatakda rinito ng halaga upang maging kapalit ng pera ng isang bansa. Ang mga indibidwal namanna nais maragdagan ang kanilang mga kita ay pumasok sa tinatawag na joint stockcompanies. Ito’y mga organisasyon na nagbibili ng stocks o nakikihati sa mga kikitainmula sa eksplorasyon at nagbabakasakali sa maaring maging bunga ng mgaekspedisyong pinadadala sa Asya, Aprika at Timog Amerika. Kung magkaroon man ngmga pagkalugi ay madaling mapondohan muli sa dahilang marami ang namumuhunanat nagpapatakbo ng negosyong pagbabangko. Ilan sa mga nakilalang joint stockcompanies ay ang Dutch East India Company at ang pamahalaan ng Olandiya nanagkaroon ng malaking pagkontrol sa mga kalakalan sa lupalop ng Aprika at East 32
Indies. Nagbigay din ito ng kapangyarihan upang maglunsad ng mga digmaan,humadlang ng mga sasakyang pandagat, gumawa ng coin money at magtatag ng mgapangkomersyong kolonya. Ang mga pamahalaan na kaugnay nila ay kumikita sapamamagitan ng mga buwis na ibinabayad ng mga kompanya at mga mamahaling mgaprodukto na galing sa mga kolonya.Karagdagan sa Pera at ang Merkantilismo Sa dahilang nagpasimula ng gamitin ang perang barya, ang mga ginto at pilak nadinadala sa mga bansang nangolonya ay lalong nagiging mahalaga hanggang ito angnaging dahilan ng pagtaas ng halaga ng pera. Maraming mga indibidwal angnagpasimulang pagsamahin ang pera, ideya, hilaw na mga materyales at paggawa natinawag na mga entreprenyur. Ang mga taong ito ay kumita ng malaki na nagsilbingdaan sa malakihang kalakalan at komesryo sa ibayaong dagat ng mga bansangPortugal, Espanya, Inglaterra at Olandiya. Ito rin ang naging daan upang ang datingmga siyudad estado na maunlad gaya ng Venice at Genoa sa Italya ay unti-untinghumina ang kalakalan sa ibayong dagat. Isinilang ang sistemang pangkabuhayan na Merkantilismo na kung saan angkapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa yaman nitong taglay. Pinaniniwalaanng mga Europeo na ang dami o bulyon ng ginto at pilak na mayroon nito aypagpapakilala ng katatagan ng kanyang pangkabuhayan. 33
Ang sistemang ito ang lalong nagtulak sa mga bansang Europeo na maghanap ngmga kolonya na maaring mapagkunan ng malaking bilang nga mga mineral gaya ngginto at pilak. Ito ang naging pamamaraan ng Espanya ng sakupin nito ang malakingbahagi ng Kabihasnang Inca sa Peru at ng Aztec sa Mehiko. Ang isa pangpamamaraan ay ang pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng mas maraming bilang nginiluluwas na produkto mula sa kanila tungo sa kanilang mga kolonya at maliit nabahagi lamang ang kanilang pinapapasok na produkto mula sa kolonya tungo sakanilang mga bansa upang maiwasan ang kompetisyon. Naging malaking gamit para sa mga bansang nangolonya ang mga hilaw namateryales at pagtatatag ng mga pamilihan sa kanilang mga kolonya. Ang pangunahingdahilan ng pagkakaroon ng mga kolonya ay para makatulong sa pagiging matatag ngpangkabuhayan ng mga bansang Kolonyal at pagtatayo ng mga Imperyo sa ibayongdagat. Isang kolonyang bansa ng Inglaterra habang dumadaong ang kanilang mga sasakyang pandagat sa pantalan upang makipagkalakalan 34
Ang Pagbabagong Panlipunan at Pang-relihiyong Kaisipan sa Europa Lumaki ang mga populasyon sa Europa matapos ang Black Death at lumakiang mga sentro ng kalakalan ng bawa’t isang bansa dahil sa mga naging kolonya saibang lupalop. Bagong mga ideya, kaisipan at produkto ang pumasok sa Europa. Angmga pagkaing gaya ng mais, tsokolate, at patatas at mga inuming gaya ng kape at tsaaay naging mataas ang pangangailangan para sa mg Europeo. Ang mga ivory na galingsa Aprika, pabango, seda at mga alahas na galing sa Silangang Asya ay nakilala samga pamilihan ng Europa. Nabuo rin ang panggitnang uri ng mga tao sa lipunan na karamihan ay mgamangangalakal na yumaman dahil sa kalakalan. Nakilala ang iba’t ibang paniniwala atkultura ng Asya sa Europa at ng Europa sa Asya. Maging ang mga benepisyo ng mgamanggagawa ay nabigyang tuon din sa dahilang kailangan ng mga malulusog namanggagawa sa mga agrikultural na plantasyon. Ang ibayong dagat na kolonya aynaging laglagan din ng mga sobrang produkto nila at tapunan ng mga mahihirap,kriminal at outcasts sa kanilang lipunan. Dahil din sa pang-ekonomiyang presyur at ibang pananampalataya aymaraming mga Europeo ang umalis sa kanilang mga bansa upang magpunta sa TimogAmerika. Karaniwan silang bumuo ng kanilang mga pamayanan sa mga teritoryongpag-aari ng Olandiya at Inglaterra. Mas naging bukas o tolerable ang mga nasabingbansang Europeo kaysa sa mga Kastilang pinapatay ang mga taong tiwalag saKatolisismo o kaaway ng Simbahan sa pamamagitan ng Inquisition at ng mga Pransessa kanilang ginawa sa mga Protestanteng Huguenots. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Naniniwala ka ba na kapwa nakinabang sa aspektongpangkabuhayan at panlipunan ang Europa at ang kanyang mga sinakop na bansa salupalop ng Asya, Aprika at Timog Amerika? Pangatwiranan ______________________________________________________________________________________________________________________________________ 35
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang sistemang Merkantilismo ay isang sistemang pangkabuhayan na ang binibigyang diin ay ang taglay na yaman ng isang bansa Ang sistemang pagbabangko ay naging malaking tulong sa pagpapahiram ng puhunan at pera sa mga ekspedisyong inilunsad ng mga bansang Europeo sa ibayong dagat Naging malaki ang bunga sa lipunan at ekonomiyang kalakaran ng Europa at Silangan ng eksplorasyon at pagkolonya ng una Ang entreprenyur ay isang taong naghahangad ng malaking tubo sa kanyang mga produkto sa pamamagitan ng kanyang pagsasama-sama ng pera, ideya, hilaw na materyales at paggawa sa produksiyon Gawain 3: Paglalapat Isipin na ikaw ay isang entreprenyur noong ika-17 siglo. Mag-imbento ng mga pamamaraan kung paano ka magkakaroon ng malaking kita at tubo sa pamamagitan ng iyong puhunan at talento. Isama ang posibleng risks na iyong maaring makasagupa. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 36
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang pangunahing salik na nag-udyok sa mga Europeo na manggalugad ay ang paghahangad sa mga kalakal ng Silangan, makatagpo ng ginto at pilak at makonberto ang mga tao sa Katolisismo Si Prinsipe Henry ng Portugal ang nanguna sa pagpapatayo ng paaralan para sa nabigasyon Ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at maraming yamang matatagpuan sa mga kalupaan sa Silangan Iba’t iba ang pamamaraan ng pagtatatag ng pangtubigang imperyo ng mga bansang Europeo sa Asya, Aprika at Latin Amerika Ang slave trade ay naging malaganap dahil ito’y dulot ng malaking pangangailangan sa mga manggagawa na magtatanim sa mga plantasyon Ang sistemang Merkantilismo ay isang sistemang pangkabuhayan na ang binibigyang diin ay ang taglay na yaman ng isang bansa Ang sistemang pagbabangko ay naging malaking tulong sa pagpapahiram ng puhunan at pera sa mga ekspedisyong inilunsad ng mga bansang Europeo sa ibayong dagat Naging malaki ang bunga sa lipunan at ekonomiyang kalakaran ng Europa at Silangan ng eksplorasyon at pagkolonya ng una 37
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:I. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot1. Ang kauna-unahang bansang Europeo na naglunsad ng eksplorasyon sa mgakalupaan at karagatan sa Silangana. Espanya c. Olandiyab. Portugal d. Inglaterra2. Ang instrumentong ginamit ng mga nabigador upang malaman angheyograpiyang direksiyon sa kanyang paglalakbaya. Astrolabe c. Compassb. Hourglass d. Mapa3. Ang isla sa Silangang na kilala sa dami ng mga panlasa na maaring matagpuanat makuha ditoa. Batavia c. San Domingueb. Madeiras d. Malaka4. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpatunay na ang mundo ay biloga. Ferdinand Magellan c. Prince Henryb. Christopher Columbus d. Bartolomeu Dias5. Isang sasakyang pandagat na unang ginamit ng mga manlalakbay Europeo sakanilang mga eksplorasyona. Banca c. Spanish Armadab. Caravel d. Steam Boat6. Ang kasunduan na binuo para maging maliwanag ang gagawing paghahati sakanilang eksplorasyon ng Portugal at Espanyaa. Bull Treaty c. Tordesillasb. Paris d. Potsdam 38
7. Mga Kastilang mananakop na gumamit ng dahas upang makuha ang isang lugarpara sa pangalan ng Simbahan at ng haria. Mangangalakal c. Misyonerob. Sundalo d. Conquistador8. Bansang may malaking sakop na lupain sa Timog Amerika noong ika-16 na sigloa. Olandiya c. Inglaterrab. Espanya d. Portugal9. Italyanong nabigador na nakapaglakbay sa bahagi ng Newfoundland, NovaScotia at New England gamit ang dinaanan ni Columbusa. Jacques Cartier c. John Cabotb. Samuel de Chaplain d. Henry Hudson10. Ang mga produktong ito ay naging mataas ang pangangailangan sa Europamaliban saa. Asukal c. Sedab. Tabako d. Patatas11. Ang Dutch East Indies sa kasalukuyan ay bansanga. Malaysia c. Pilipinasb. Indonesia d. Singapore12. Kalakalang pangunguha ng mga alipin sa Aprika upang maging manggagawa samga plantasyona. Slave trade c. Middle Passageb. Commercial trade d. Eksplorasyon 39
13. Sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa pagkakaroon ng kayamananng isang bansaa. Komunismo c. Merkantilismob. Sosyalismo d. Bulyonismo14. Doktrinang nagsasabi na ang may maraming kayamanan na ginto at pilak nabansa ay pagpapakilala ng kanyang kapangyarihan at katanyagana. Merkantilismo c. Kapitalismob. Bulyonismo d. Sosyalismo15. Mga mangangalakal na yumaman dahil sa pagbabangkoa. Ayala at Araneta c. Medici at Fuggersb. Sy at Dee d. Ty at Gates16. Ang mga bansang Europeo ay kumita ng malaki sa pagtatatag ng mga kolonyasa lupalop ng Asya, Aprika at Timog Amerika maliban saa. Belgium c. Inglaterrab. Olandiya d. Espanya17. Organisasyong binuo ng mga mangangalakal upang magkaroon ng malakingpuhunan at tubo sa komersyong kanilang sasalihana. Joint stock companies c. Trade Unionb. Bangko d. Confederation18. Naging pangunahin at madaling gamit ng mga mangangalakal bilang pamalit sakanilang mga produktoa. Perang Barya c. Pilakb. Ginto d. Sigay 40
19. Indibidwal na pinagsanib ang kanyang pera, ideya, hilaw na materyales atpaggawa sa kanyang pag-nenegosyoa. Mangangalakal c. Nobilidadb. Entreprenyur d. Hari20. Isinunod sa kanyang pangalan ang pagkakatagpo ng Bagong Mundo o angAmerikaa. Amerigo Vespucci c. Hernan Cortesb. Christopher Columbus d. Pedro Cabral 41
GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT1. C 6. A 11. A 16. C2. A 7. B 12. C 17. A3. D 8. C 13. A 18. B4. B 9. D 14. D 19. C5. B 10. A 15. D 20. BARALIN 1 MGA UNANG EKSPLORASYONGawain 1: Pag-isipan Mo! Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala angiyong sagot.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Christopher Columbus- Karagatang Indian Ferdinand at Isabella- mga ekspedisyong inilunsad ng Espanya Amerigo Vespucci – Bagong Mundo Ferdinand Magellan- Strait of Magellan, PilipinasGawain 3: Paglalapat Mga pagkain, kagamitan sa paglalakbay, tubig, konkretong plano kung saan tutungoARALIN 2 MGA PANGKATUBIGANG IMPERYO Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sasakyang ginamit para sa mga aliping kinuha sa Aprika ng mga Europeo 42
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala angiyong sagot.Gawain 3: Paglalapat Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala angiyong sagot.ARALIN 3 PAGBABAGO NG PAMARAAN SA PAMUMUHAYGawain 1: Pag-isipan Mo! Mga produkto na naging bahagi ng kalakalan ng Asya sa EuropaGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala angiyong sagot.Gawain 3: Paglalapat Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala angiyong sagot.PANGWAKAS NA PAGSUSULIT1. B 6. C 11. B 16. A2. C 7. D 12. A 17. A3. D 8. B 13. C 18. A4. A 9. C 14. B 19. B5. B 10. D 15. C 20. A 43
44
(Effective and Accessible Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 15REBOLUSYONG PAMPULITIKA SA PRANSIYA AT AMERIKABUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 15 REBOLUSYONG PAMPULITIKA SA PRANSIYA AT AMERIKA Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong ukol sa absolutong monarkiya at ang dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampulitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyunal na rehimen sa Amerika at Pransiya. Nagpasimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog Amerika at Britanya. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago ng lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa Pransiya at isang madugong himagsikan noong 1789. Ang Himagsikan sa Pransiya ay itinuturing na mas malaki ang iniwang epekto sa Europa at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay-pantay at ang kapatiran. May limang aralin na inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Digmaan para sa Kalayaan sa Amerika Aralin 2: Ang Rebolusyong Pranses Aralin 3: Ang “Napoleonic Wars” Aralin 4: Ang Labanan sa Waterloo Aralin 5: Ang Rebolusyon ng mga Aliping itim sa Haiti Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Natatalakay ang Rebolusyong Pangkaisipan at Panlipunan sa Europa, Amerika at Haiti 2. Naipaghahambing ang dahilan at epektong naidulot sa pulitika at lipunan ng Rebolusyon sa Amerika, Pransiya at Haiti 2
3. Nakikilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbabagong pampulitika at panlipunan sa Amerika, Pransiya at Haiti 4. Naiuugnay ang mga pagpapahalagang itinuro ng Rebolusyong Pangkaisipan sa pagpapatalsik sa lumang rehimen sa Amerika, Pransiya at Haiti 5. Nasusuri ang naging epekto ng Rebolusyon sa Amerika, Pransiya at Haiti sa pagtataguyod ng liberalismo at nasyonalismo ng mga nasyon- estado sa mundo Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 3
PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot1. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng 13 kolonya sa Timog Amerika sa Britanya dahil sa A. paghingi ng karagdagang buwis B. pagpigil sa malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya C. pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan D. hangad na patalsikin ang hari ng Britanya2. Ang 13 kolonya sa Timog Amerika ng Britanya ay lumawak mula saMassachusetts sa Hilaga at______ sa timogA. Missisipi C. GeorgiaB. Nueba York D. Carolina3. Ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog Amerika bilang protesta sa Parliamento ng Britanya A. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan B. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan ng himagsikan C. Maging Malaya at isang karangalan D. Walang pagbubuwis kung walang representasyon4. Insidente na nagpakilala ng malabis na galit ng mga kolonyang Amerikano sa Britanya dahil sa pagdaragdag ng buwis sa tsaa na kanilang inaangkat A. Saratoga Massacre B. Boston Tea Party C. Battle of Waterloo D. Unang Kongresong Kontinental 4
5. Kinilalang bayani ng Digmaan ng paghahangad ng kalayaan sa AmerikaA. Thomas Jefferson C. George WashingtonB. Thomas Paine D. Paul Revere6. Isang abogado na nagsulat ng deklarasyon ng kalayaan ng dating 13 kolonya saBritanya at pagbubuo ng Estados UnidosA. George Washington C. Thomas PaineB. Thomas Jefferson D. Paul Revere7. Pinuno ng mga rebolusyonaryong aliping itim sa Saint Domingue o Haiti laban sa mga Pranses A. Napoleon Bonaparte B. Francois Dominique Touissaint L’Ouverture C. Lacroix D. Thomas Paine8. Ang kasunduan na nagtapos sa digmaan ng 13 kolonya at ng BritanyaA. Kasunduan sa Ausburg C. Kasunduan ng TordesillasB. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Vienna9. Isang insidente sa Pransiya kung saan maraming mga “royals” ang pinutulan ngulo sa pamamagitan ng guillotine dahil sa paghahangad ng mga taong patalsikinang hari at magtatag ng republikaA. Pagbagsak ng Bastille C. Reign of TerrorB. Rebolusyong Pranses D. Tennis Court Oath10. Isang kulungan na sumisimbolo sa di makatarungang pamamalakad ngmonarkiyaA. Karlskrona C. SantiagoB. Bastille D. Warsaw 5
11. Marubdob na damdamin ukol sa bayan at paghahangad ng kalayaanA. Nasyonalismo C. LiberalismoB. Patriotismo D. Demokrasya12. Pansamantalang pamahalaan na itinatag ng mga rebolusyonaryong Jacobins upang palitan ang pamahalaang monarkiya A. Demokratiko B. Federal C. Committee of Public Safety D. Committee on Ways and Means13. Konsehong ehekutibo na binubuo ng limang direktorA. Parliamento C. DietB. Kongreso D. Directory14. Pamahalaan na pinamumunuan ng isang absolutong hariA. Imperyo C. MonarkiyaB. Diktaturya D. Shogunato15. Sila ang mga pangunahing lider ng grupong Jacobins na nagpabagsak sa monarkiya sa Pransiya A. Danton at Robespierre B. Louis XVI at Marie Antonette C. Napoleon at Josephine D. Nelson at Duke ng Wellington16. Isang makina na ginamit sa panahon ng kaguluhan sa Pransiya at nagingsimbolo ng hinahangad na reporma ng mga taoA. Lethal injection C. Gas chamberB. Silya Elektrika D. Guillotine 6
17. Hari ng Pransiya na naging malabis na maluho at magarbo sa kanyangpamumuno kahit ang kanyang mga nasasakupan ay naghihirap ng lubusanA. Henry VIII C. Edward IIIB. Louis XVI D. Peter I18. Isang mahusay na heneral na nagpalawak ng kapangyarihan ng Pransiya saEuropaA. Napoleon Bonaparte C. George DantonB. George Washington D. Maximillien Robespiere19. Kinilala itong Oath of the Tennis Court dahil sapilitang sumumpa ang mgamiyembro ng National Assembly upang kaagad silang makabuo ng Konstitusyonpara sa Pransiya at ito’y ginanap saA. Basketball Court C. Tennis CourtB. Badminton Court D. Baseball Court20. Ang rebousyon sa Saint Domingue ay naging daan sa marubdob na pagnanais ng isang pangkat ng mga alipin na lumaya sa mga mananakop at ito’y nagdulot ng mga radikal na pangyayari maliban sa A. pagpatay sa mga panginoong maylupa B. pagsira ng mga gamit sa pabrika C. pagsunog ng mga plantasyon D. pag-aalis ng patakarang pang-aalipin 7
ARALIN 1ANG DIGMAAN PARA SA KALAYAAN SA AMERIKA Ang Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay lalong kilala sa katawagangHimagsikan sa Amerika. Nagpasimula ang himagsikan nang ang mga Ingles nanagingmga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis na pagbubuwis na ipinatawsa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala naman silang kinatawan sa Parliamentoupang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Inglesnoong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo na magigingtagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Britanya. Ang Digmaanpara sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados Unidos ng Amerika Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Naisasalaysay ang dahilan at pasimula ng Digmaan para sa kalayaan sa Amerika; 2. Nakikilala ang mga pangunahing aktor at tagapagtaguyod ng kalayaan sa Amerika ; 3. Nasusuri ang naging epekto sa lipunan at pamumuhay ng mga Amerikano ng kanilang paglaya bilang kolonya ng Britanya; at 4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang pagmamahal sa bayan at marubdob na pakikihamok para makamit ang kalayaan. 8
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kilalanin mo ang nasa larawan at sa iyong palagay ano ang kanyang naging kontribusyon sa Digmaan para sa Kalayaan ng AmerikaAng Labingtatlong Kolonya Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagpasimula nang lumipat at manirahansa Hilagang Amerika noong pang ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ngmga persekyusyon dahil sa kanilang mga bagong pananamplataya na resulta ngRepormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuona sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay angMassachusetts at sa Timog ay ang Georgia. Bawa’t isa sa kolonya ay may mga sarilinglokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang Britanyalaban sa Pransiya upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Itoang dahilan kung bakit nais ng Britanya na ang mga kolonya ay mag-ambag sa naginggastusin ng Britanya at ito’y nais nilang kunin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mgabuwis. 9
Ang 13 kolonya noong 1775“Walang Pagbubuwis kung walang Representasyon” Ang mga kolonya ay walang representante sa Parliamento ng Britanya saLondon kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa malabis na buwis na ipinapataw sakanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang” walang pagbubuwis kungwalang representasyon”. Noong 1773 ay isang grupo ng mga kolonista ang nagsuot ngkatutubong kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pang-kalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sapantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwissa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring itobilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan samga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. Tinawag ang mga batasna ito sa Amerika bilang Intolerable Acts. 10
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwispara sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonyaAng Unang Kongresong Kontinental Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Britanya sa Amerika ay daglingsumaklolo sa naging kahinatnan ng Insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang UnangKongresong Kontinental na dinaluhan ng mga representante ng bawa’t isang kolonyamaliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ayisang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ngmga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 kinatawan ng mga kolonyaang dumalo dito at binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isangkialalng kinatawan na si Patrick Henry, na wala ng dapat makitang pagkakaiba angisang taga-Virginia, Pennsylvania, New York at New England. Dapat na tandaan nasila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuangkolonya. Pinagkaisahan nila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Britanya at ito’ynagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikalna pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Britanya. Sa bawa’t kolonya ay bumuo 11
sila ng magiging kabilang ng kanilang boluntaryong army at handang makipaglaban sapamamagitan ng digmaan. Ang mga Amerikanong sundalo noong ika-18 sigloAng Pagsisimula ng Digmaan Noong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Bostonupang kunin puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. IsangAmerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upangmalaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitanng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya angmga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mgatagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalongBrtish na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilangpangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. SaConcord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa atpuwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyangnakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad. 12
Ang mapa na nagpapakita ng digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano laban sa mga mananakop na BritishAng Ikalawang Kongresong Kontinental Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataonnoong Mayo, 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies ofAmerica” ( Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar aytinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si GeorgeWashington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila saDigmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’tnatalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ayhindi pa rin sila nawalan ng pag-asa sapagka’t tuluyang napaalis nila ang mgasundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776. 13
Ang Deklarasyon ng Kalayaan Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantikoupang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan angganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan angDeklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat niThomas Jefferson, isang manananggol at binigyang diin ng dokumento na ang datingmga kolonya ay di na sa kasalukuyan teritoryo ng Britanya. Sila sa panahong iyon aykinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.SI Thomas Jefferson ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika Buwan na ng Agosto ng tuluyang nakadaong ang hukbo ng Britanya at sinakopnila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na mag-retreat sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington aynasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pag-plaplano siWashington kaya noong ika-25 ng Disyembre,1776 ay naglunsad siya at ang kanyanghukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo niWashington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kanyang balak. Ito angnaging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princetonnguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa Nueba York. 14
Paglusob mula sa Canada Simula noong 1777 ay pinasimulan ng mga British ang pag-atake sa Amerikamula sa Canada, nguni’t sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbongAmerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang at umaabot na sa halos20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre 1777 ay nanalo sa Labanan saSaratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sapamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni HeneralHoracio Bates. Ang makasaysayang pagsuko ng mga British sa Saratoga, New YorkPagtulong ng mga Pranses sa Labanan Ang bansang Pransiya ay tradisyunal na kalaban ng Britanya at ang mgaPranses ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula palamang ng labanan. Noon pang 1778 ay pinasimulan ng bigyan ng rekognisyon ngpamahalaang Pranses ang Estados Unidos ng Amerika bilang isang malayang estado.Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sakanilang pakikipaglaban sa mga British. 15
Kaya dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya nasakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Diyembre, 1778 ay nakuha ngmga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito aynaging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit maytulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British angContinental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaanng Brtianya.Ang Labanan sa Yorktown Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis aytinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Nguni’t sa pamamagitan ngmagkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British saLabanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpensng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kanyang hukbo si HeneralCornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdaganpang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin ng lubusan ang mga British. Kayanoong Okrubre 19,1781 ay minabuti ng sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyanng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan.Paghahangad ng Kapayapaan Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha samga British sa mundo. Ang Britanya ay itinuturing ng panahong iyon bilang isangmalakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalosubali’t tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sapakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggapng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang 16
mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng Inglaterra ay lumipatsa Canada nanatiling kolonya ng Britanya. Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayanng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon naumunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyanginiwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maramingmga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mgarebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsadng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa Pransiya noong 1789 atnagbuo ng isang republika ng lumaon. Isang simbolo na binuo ni Benjamin Franklin sa panahon ng Digmaan para sa kalyaan ng Amerika na nagpapakita ng kailangang pagkakaisa ng 13 kolonya upang makamit ang tunay na kalayaan laban sa mga British Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ng maikli ang tanong: Sa iyong palagay ano ang direktong naging epekto ng digmaan para sa kalayaanng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga mananakop ngpanahong iyon? ______________________________________________________________________________________________________________________________________ 17
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang Digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerika Ang digmaan ay nagpasimula dahil sa pagtutol ng dating 13 kolonya na dagdagan ang buwis na pinapataw sa kanila ng pamahalaan ng Britanya Ang naging kilalang islogan ng panahon ng digmaan ay”walang pagbubuwisan kung walang representasyon” Si George Washington ay itinuring na isang mahusay na heneral sa Rebolusyong Amerikano at nang lumaon ay naging unang pangulo ng Estados Unidos ng Amerika Taong 1783 sa pamamagitan ng isang Kasunduan sa Paris ay kinilala na ang kalayaan ng Estados Unidos ng Amerika ng pamahalaang Britanya Gawain 3: Paglalapat Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng pagtatamo ng kalayaan ang paggamit ng dahas at pakikipaglaban? Bakit? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 18
ARALIN 2ANG REBOLUSYONG PRANSES Ang Rebolusyong Pranses na nagpasimula noong 1789 at nagwakas noong1799 ay nag-iwan ng dalawang pangunahing epekto sa Pransiya, ang pagpapaalis ngisang absolutong hari at nagtatag ng isang republika. Maraming bilang ng mga tao angpinutulan ng ulo sa pamamagitan ng guillotine na nangyari sa panahon tinawag ng mgaPranses bilang Reign of Terror. Ang rebolusyon ding ito ang naglatag ng mga digmaangpinamunuan ni Napoleon sa Europa. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Natatalakay ang mga dahilan na nagtulak sa pagkakaroon ng Rebolusyong Pranses; 2. Nasusuri ang naging bunga ng Rebolusyong Pranses sa pampulitikang aspekto ng Pransiya; 3. Nakikilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng Rebolusyong Pranses at ang kanilang mga naging kontribusyon sa pagtatamo ng kalayaan; at 4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang tatlong pangunahing ideya ng rebolusyon – ang pagkapantay-pantay; kalayaan at kapatiran 19
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310